Epekto ng Teknolohiya

September 5, 2017 | Author: Bea Ysabel Gutierrez | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Epekto ng Teknolohiya...

Description

Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga pananaw na ito ay tama, subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya nga ba ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito ay nakasalalay sa ating mga Pilipino kung paano natin ito gamitin. 

Mga Positibong Epekto:

· Pag-unlad ng antas ng libangan · Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan · Mas mapapabilis at madami ang gawaing maaaring magawa · Global Networking · Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon gamit ang teknolohiya · Mas makakamura sa ibang paraan 

Mga Negatibong Epekto:

· Nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao · Maaaring gamitin sa karahasan

· Nakakasira ng kalikasan · Technicism – pagiging kampante sa paggamit ng teknolohiya · Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaaring humantong sa mali-maling sitwasyon. · Ang makabagong teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access ay maaaring makasira o maka-apekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral. MASAMA AT MABUTING NAIDUDULOT NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA MGA KABATAAN Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabataan ay napagod na sakanilang pag-aaral, sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit, dalawa ang maaaring gawin nila. Una ay ang magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa kabilang banda, maaari silang maglaro gamit ang PSP, Laptop atCellphone o di kaya’y makinig ng musika sa iPod. Ang mga makabagong kagamitang ito na hatid ng teknolohiya ay maaaring magdulot masama at mabuting epekto. Ang laptop at cellphone ay maaaring magdulot ng mabuting epekto dahil ang laptop at cellphone ay magagamit pandagdag sa kaalaman ng mga magaaral. Maaari namang magdulot ng masamang epekto ang iPod at PSP sa kadahilanang maaari itong maging sanhi ng pagkatamad ng mga mag-aaral sakanilang pag-aaral ang maglaro na lamang sila buong hapon imbis na mag-aral. Isa sa mga patok na gamit teknolohiya ngayon ay ang cellphone. Ito ang isa sa

mga maraming bagay na napapabilis ang mga gawain kapag ginagamit. Marami rin

itong modelo na mas lalong naghihikayat sa mga kabataan upang bilhin at tangkilikin.

Isa sa mga features ng cellphone ay ang usong-usong text messaging. Sa ngayon kasi

ito na ang pinaka-mabilis na komunikasyon. Naipapadala sa pamamagitan nito ang

lahat ng gusto mong sabihin sa iyong kausap kahit saan at kahit kailan. Ang cellphone

din ay mayroon na ngayong multimedia. Nakung saan pati litrato ng mga tao ay pwede

na rin maipadala sa kausap nito. Talagang maraminang magagawa ngayon kapag

mayroon kang cellphone. Lalo na ngayon na kung anu-ano ang mga nauuso na features

ng mga lumalabas na mga bagong modelo nito. Nandyan na ang tvphone na kung saan

live mong mapapanood ang bawat palabas sa telebisyon. Ang I-Phone na kung saan all

in one cellphone na ang gamit. Mayroong i-pod, internet, at telepono sa iisang modelo.

At video phone na kung saan magagamit mo ito na parang video camera. Ito ang mga

ilang positibong bagay na naidudulot ng pagkakaroon ng cellphone. Pero mayroon din

naming negatibo itong dala sa bawat isa sa atin. Dahil sa hirap ng buhay ngayon,

nagiging dahilan omitsa na ng buhay natin ang cellphone. Marami na kasi ang

mandurukot na gagawin ang lahat makuha lang ang kagamitan na ito. Madali kasing

mabenta. Isa pa sa mga negatibong bagay ay ang pagkasira ng kinabukasan ng mga

kabataan. Sa cellphone kasi lagi napupunta ang halos lahat ng oras nila na sana’y sa

pag-aaral na lang. Ginagamit kasi ang cellphone sa hindi mabuting paraan kagaya na

lamang ng panliligaw. Madali kasi na paraan ang naidudulot nang paggamit ng

cellphone. Ang pangalawang patok na gamit teknolohiya ay ang kompyuter. Halos lahat

ata ng mga tahanan ay mayroong kompyuter. Marami kasing gamit ang isang

kompyuter lalo na sa mga kabataan ngayon. Isa sa mga gamit nito ay ang pagbibigay

ng internet. Alam naman nating lahat na halos lahat ng impormasyon ay nakukuha na

ngayon sa internet. Bukod sa mga libro na ginagamit ng mga estudyante, dito rin sila

kumukuha ng dagdag ng impormasyon. Ang kompyuter din ay mayroong mga Microsoft

Word, Powerpoint, Excel at marami pang iba na tumutulong sa paggawa ng mga

research work, reports sa eskwelahan o trabaho. Mas napapabilis kasi ang paggawa ng

mga sulatin kapag kompyuter ang ginamit. Ang kompyuter din ay nagagamit sa mga

paglalaro ng mga video games. Ito’y patok na patok lalo na sa mgakabataan.

Nadadownload na kasi ang halos lahat ng mga laro sa kompyuter kaya maraming kabataan ang nahihikayat na maglaro nito. Ngunit, may masamang epekto rin ang paggamit ngkompyuter. May mga kabataan na masyadong nalululon sa mga gamit nito kaya madalas ay purolaro na lamang sila at nakakalimutan na ang pag-aaral. Ang iba din naman ay masyado na ring dumedepende sa pagkuha ng impormasyon sa internet kaysa sa mga libro. Na nagdudulot minsan ng plagiarism o pagkopya ng ibang gawain. Ang PSP o Portable PlayStation ay isa pa sa mga gadgets na nauuso sa mga kabataan

ngayon. Malamang ay maraming kabataang katulad ko na pilit kinukulit ang

mga magulang na bilhin ito. Marahil isang dahilan kung bakit marami ang nagkakamit na magkaroon nito dahil samarami itong “features” na nakakaakit sa mga kabataan.

Ang ilang “features” nito ay ang Multimedia Playback kung saan ay maaaring

makapanood ng mga pelikula. Audio Player kung saan ay may maaaring makinig ng

mga musika. Camera kung saan ay maaaring makakuha nglitrato. Wireless Networking

dahil ang PSP ay nakakakonekta sa “wireless network” sa pamamagitan ng W-IFI na

kung saan ay nagagawa nitong magkaroon ng network para sa isang“multiplayer

gameplay”. Maaari rin itong makapagpadala ng mga litrato mula sa isang PSP papunta

pa sa isa pang PSP. Internet Connectivity na kung saan ay nagagawa nitong

makagamitng internet sa pamamagitan ng wireless connection at maaaring

makapanood ng live television broadcast. At Games kung saan maaaring makapaglaro

ng iba’t- ibang klase ng laro. Ito rin ay nagbibigay aliw sa mga gumagamit nito at

nakakatangal ng pagkabagot. Halimbawa nalamangkung ikaw ay isinama ng magulang

mo sa isang selebrasyon na wala kang kainteres interes ay maaari mo itong gamitin.

Ang PSP ay napakadaling dalhin kung saan saan. Napaka user-friendly nito kaya

madaling gamitin. Hindi rin naman mawawala na may mga magaganda at masasamang

dulot ang gadget na ito. Ang isa sa mga mabuting naidudulot nito ay

nagiging responsable at maingat ang may-ari sa kanyang kagamitan dahil ayaw nitong

mawala at alam nitong mahal ang kagamitan na ito. Natututo na magipon at magtipid

para makabili nito. Sangayon ay hindi natin maikakaila na maraming kabataan ang

mayroon ng PSP, tulad na lamangsa mga eskwelahan at unibersidad. Dahil sa madalas

na paglalaro ng PSP ay masasabi din nating may naitutulong ito. Tulad ng pagpapatalas

ng isip sa pagiisip ng mga estratehiya na gagamitin upang matapos ang laro. Ang isang

halimbawa ay ang mga RPG games. Magandang tulong dinng PSP ay nakakabuo ng

pagkakaibigan dahil sa kaalaman sa gadget na ito o dahil sa mgabagong lagay na laro,

kanta o pelikula sa PSP. At higit sa lahat ay nakakaiwasang mga kabataan sa

impluwensiya ng droga dahil mayroon silang pinagkakaabalahan. Kung

mayroong magandang dulot… Malamang ay may masama rin ito. Tulad ng dahil sa

sobrang paggamit ng mga kabataan ay nagiging adik ang mga ito. Adik sa paraan ng

lubos na paggamit ng kagamitan na ito. Maaaring kalabasan nito ay magkaroon ng

malaking posibilidad ng maging obese ang mga kabataan. Nakakasira sa kalusuagan

lalo na sa mata. Alam nating maraming kabataan ang nagaasam at naghahangad na

magkaroon nito. Dahil dito ay nagdudulot ito ng sakit sa ulo sa mga kabataan sapagkat

sa kagustuhan nilang magkaroon nito ay minsan nagiging dahilan ito ng

pagnanakaw. At higit sa lahat ay naisasantabi nila ang kanilang pagaaral. Halimbawa

nalaman na mas inuuna nila itong gawin kesa sa paggawa ng kanilang takdang aralin o

kaya naman magaral para sa mga pagsusulit. Isa pang gadget na patok sa mga

kabataan ay ang IPOD na tila ay hindi nila maiwan iwan sa bahay kapag umaalis o

bumabyahe. Tulad ng PSP ay may magagandang “features” ito kaya sobrang lakas ng

hatak nito sa kabataan. Ang mga “features” nito ay Games na kung saan ay

nakakapaglaro ng iba’t-ibang klaseng laro. Contacts kung saan ay maaaring mailagay

ang mag numero ng mga tao. Notes kung saan maaaring ilagay ang mga importanteng

gawain. At ang iba pa ay Calendar, Alarm Clock/Clock, Photos kung saan ay makikita

ang mga ilang larawan na inilgay at Stopwatch. At ang pinakamahalagang feature nito ay ang Music, dito nakalagay ang madaming genre ng musikang pinapakinggan ng mga kabataan. Hindi natin matatanggal sa mga Pilipino na kung mayroon kang kagamitan na ganito ay masasabi nilang sunod ka sa uso kaya marami din ang naghahangad na magkaroon nito. Nakakaalis din ito ng pagkabagot at nagsisilbing libangan. Napakadali din nitong dalhin at gamitin. Madalas ay ginagamit ito upang magsilbing paraan ng pagpapahinga, pantanggal ng stress at magkaroon ng oras ang mga kabataan sa kani-kanilang sarili. Ang mga kabataang mayroon nito ay naaappreciate ang mga iba’t-ibang genre ng musika at sila ay lubusang nahihilig sa musika kaya nakakatulong sa pagangat at pagpapaunlad ng industriya ng musika. Masasabing isa yan sa mga magandang dulot sa mga kabataan. Tulad ng PSP ay natututong magipon ang mga kabataan upang makabili ng ganitong kagamitan o nagiging dahilan ng pagnanakaw ng mga kabataan at nagiging maingat at responsable ang mga kabataan sa pagaalaga ng gamit. Nakakabuo ng pagkakaibigan at nakakadagdag sa paghahalubilo sa iba’t-ibang tao. Ang mga masamang dulot naman ng IPOD sa mga kabataan ay nagdudulot ito ng pagkabingi sa dahil sa malakas na volume. Nagiging adik din ang mga ito sa sobrang paggamit.Hindi alam ng mga kabataan na dahil sa paggamit ng IPOD ay lumiliit ang kita ng mga Flipino at Foreign artist dahil imbes na bumili ng orihinal na album o cd’s ay nagdadownload nalang ang mga kabataan sa limewire o itunes. Bilang konklusyon, masasabi natin na napakarami ng naitulong ang teknolohiya

sa ating buhay.Lahat ng sektor sa ating komunidad ay madarama ang kahalagahan ng makabagong teknolohiyasa pang araw-araw na pamumuhay. Kahit na ang mga

trabahador na nasa ibang bansa ay madalilamang makausap ang kanilang mahal sa

buhay, at madali ding makaratingang pera para sa kanilang mga pamilya. Ang mga

imposible dati ay kaya nang gawin ngayon. Ang mga sakit na dati ay napaka hirap

gamutin ay madali lamang mapagaling dahil sa sobrang bilis ng teknolohiya sa

medisina. Kailangan lamang ay magkaroon ng disiplina ang bawat isa upang lalo tayong

umunlad. Sa ngayon ay marami pa tayong gustong gawin na teknolihiya kagaya

ng kloning. Nagawa na natin ito sa hayop subalit gusto pa natin magkloning ng tao

mismo. Kung magtatagumpay ang paggawa ng tao sa pamamagitan ng cloning, ano na

lamang ang mga mangyayari sa mundo. Kaya ang Vatican ay nagsabi na ito ay

malaking kasalanan sapagkat ang mga tao ay para nang gusting lampasan ang Diyos.

Kaya ang tao ay kailangan magkaroon ng hangganan ang pagiisip ng mas bagong

teknolohiya, isipin natin kung ito ay may itutulong ba sa ating kapwa at sa ating mga

kapaligiran. Mga sanggunian:

http://www.scribd.com/doc/10962335/Masama-at-Mabuting-Naidudulot-NgMakabagong-Teknolohiya-Sa-Kabataan

http://teknolohistangpinoy.wordpress.com/2008/03/18/c-epekto-ng-teknolohiyanakakatulong-nga-ba-o-nakakasama/

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF