Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

March 1, 2017 | Author: Marby Faith | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biolog...

Description

Pamantasan ng Lungsod ng Maynila Intramuros, Manila

Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila Isang pananaliksik Bilang Patupad sa Isa sa mga Pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa ni: Abuan, Mary Jude Marby Faith F. Cuevas, Marie Angelica G. De Luna, Zsarina Beatriz L. Estopace, Mariz Lynzel E. Paderanga, Katrina Alta J. Vergara, Jolina T. BS Biology 1-1

Ipinasa kay: Bb. Sherlyn Salgado Dalubguro

Pebrero 2013

DAHON NG PAGPAPASIYA Bilang pagtupad sa pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, ang pananaliksik

na

ito

na

pinamagatang

Epekto

ng

Kakulangan

ng

Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa BS Biology I-1 na binubuo nina:

Mary Jude Marby Faith Abuan

Jolina Vergara

Marie Angelica Cuevas

Katrina Alta Paderanga

Zsarina Beatriz De Luna

Mariz Lynzel Estopace

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Agham, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Shirley B. Salgado Propesor ng FIL 102

ABSTRAK NG PAG-AARAL Ang Agham ay may layuning tumuklas, magpaliwanag, at magobserba ng mga bagay, buhay man o hindi, sa mundong ating ginagalawan. Malaki ang ginagampanan ng mga laboratory lalung-lalo na sa mga taong dalubhasa sa larangan ng Agham. Ito ang tumatayo nilang tahanan upang makapagsagawa ng mga bagong tuklas na siyang makapagpapabuti at makapagpapaunlad

ng ating mga buhay. Isa sa sanga ng Agham ang

Haynayan. Ang bahaging ito ng Agham ay nag-aral at nag-oobserba ng mga buhay na bagay na mayroon sa ating mundo. Mahalaga para sa mga taong nag-aaral at dalubhasa rito na makita at ma-obserbahan ng aktwal ang mga buhay na nilalang. Bilang mag-aaral sa larangang ito, malaki ang gampanin ng laboratoryo kasama ang iba’t-ibang aparato. Nagiging epektibo ang pagkatuto kung ang mga konseptong may kaugnayan ditto ay nailalapat. Mahalaga ang bawat eksperimentong isinasagawa rito dahil bukod sa epektibong pagkatuto ay napapataas nito ang interes ng mga mag-aaral, kahusayan, at pati na rin ang kabuluhan ng kanilang pinag-aaralan. Ang pinakamahalagang layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin at suriin ang mga mabuti at masamang epekto ng kakulangan at kalumaan ng mga kagamitang panlaboratoryo sa kahusayan ng mga mag-aaral ng BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Ang mga sumusunod ay ispesipikong

layunin

ng

pananaliksik:

1. isa-isahin ang mga aparato na matatagpuan at magagamit sa laboratoryo ng haynayan ng PLM. 2. Alamin ang mga dahilan kung bakit nararanasan ng Pamantasan ang kakulangan ng kagamitan sa laboratoryo ng haynayan. 3. Isa-isahin ang mga alternatibong paraan ng mga mag-aaral upang masolusyonan ang kakulangan sa mga kagamitang panlaboratoryo.

Makakakalap ng mga datos sa mga silid-aklatan at internet ng mga dyornal, artikulo, at iba pang materyales na maaring pagkunan ng mga impormasyong makakatulong sa pag-aaral na ito. Magsasagawa din ng sarbey sa paraang deskriptib na naglalaman ng sampung katanungan. Sasagutan ito ng mga mag-aaral ng BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Ipapakita ng magiging resulta sa pag-aaral na ito na magiging malaki ang gampanin ng paggamit at paggugol sa mga kagamitang panlaboratoryo sa akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral. Naglalaman ito ng (pages) pahinang papel kasama ang mga dahong dagdag.

PASASALAMAT Ang

mga

mananaliksik

ay

buong

pusong

nagpapasalamat

sa

mga

sumusunod na indibidwal at grupo na nagkaroon ng malaking kontribusyon at naging dahilan upang maging matagumpay ang pananaliksik na ito:

-

Sa Panginoong maykapal na siyang gumabay at nagbigay ng sapat na lakas at tapang sa bawat isa sa amin upang hindi sumuko sa pagharap sa bawat pagsubok na dala ng pananaliksik.

-

Kay Bb. Shirley B. Salgado, ang propesor sa asignatura, na nagbigay ng kaalaman, mungkahi, at proseso upang magampanan at mapabuti ang kalalabasan ng pananaliksik.

-

Sa mga estudyante ng Haynayan na naglaan ng oras upang sagutin ang sarbey na inihanda ng grupo. Walang istatistikal na datos ang mailalagay at hindi maisasakatuparan ang pananaliksik na ito kung hindi dahil sa mga kasagutan nila.

-

Sa mga may-akda, editor at iba pang mga mananaliksik ng aklat at artikulong pinagkuhanan sa pagbuo at paggawa ng Kabanata II.

-

Sa mga guro ng Kolehiyo ng Agham, lalo na kanila Ma’am Fe Corazon A. Jacinto at Ma’am Michelle A. Ventura sa malugod na pagtanggap at pagpapahintulot sa aming grupo na tumingin sa imbentaryo ng mga aparato sa laboratoryo ng Haynayan upang matiyak ang mga impormasyong nakalaan para sa pananaliksik.

-

Sa mga kaklase at kaibigang nagbigay ligaya at kasiyahan habang an gaming grupo ay nasa proseso ng paggawa ng pananaliksik.

-

Sa aming pamilya, na nagpayabong ng aming isipan, nagbigay ng walang humpay na suporta at pag-aaruga, emosyonal na tulong at paghihikayat na aming matatapos ito.

Maraming Salamat!

-Mga Mananaliksik

TALAAN NG NILALAMAN Kabanata

I

II

III

Pamagat

Pahina

Pahina ng Pamagat Dahon ng Pagpapasiya Abstrak ng Pag-aaral Pasasalamat Talaan ng Nilalaman

i ii iii v vii

Panimula A. Kaligirang Pangkasaysayan B. Paglalahad ng Suliranin C. Kahalagahan ng Pag-aaral D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

1 2 3 3

Konseptwal na Balangkas A. Kaugnay na Literatura at Pag-aaral B. Sintesis C. Konseptwal na Balangkas D. Kahulugan ng mga Terminolohiya

5 7 9 10

Metodolohiya A. Disenyo ng Pananaliksik B. Instrumentasyon C. Hakbang sa Pagsasagawa ng Pag-aaral D. Istatistikal na Pagsusuri

12 12 13 14

Sanggunian Dahong Dagdag Pansariling Tala

20 21 25

Kabanata I: Panimula

A. Kaligirang Pangkasaysayan

Ang Agham, na mabibigyang kahulugan bilang sistematikong proseso ng pagtamo ng kaalaman at organisadong bahagi ng kaalaman, ay isang malawak at komplikadong disiplina na karunungan at ito ay sumasaklaw pa sa mga iba pang disiplina ng kaalaman. Isa na rito ay ang Biology o Haynayan na siyang nag-aaral sa mga nabubuhay na organismo- makro at mikro- sa mundo katulad na lamang ng mga hayop, halaman, tao, at iba pa.

Ang Haynayan ay isang buhay at dinamikong bahagi ng Agham na nangangailangan ng patuloy na pananaliksik at pag-iimbestiga sapagkat araw- araw ay may panibagong mga natutuklasan na nakapagpapamulat sa mga tao sa napakalawak at napakalalim na mundo ng Haynayan. Sapagkat

ito

ay

nagsusuri

sa

mga

nabubuhay

na

organismo,

nangangailangan ito ng makabagong kagamitang buhat ng teknolohiya upang pag-ibayuhin pa ang pag-aaral dito. Kung kaya’t may mga laboratoryo. Ang laboratoryo ay isang pasilidad na nagbibigay ng kontroladong kundisyon kung saan ang isang siyentipikong eksperimento ay maaring isagawa. Matatagpuan sa loob ng laboratoryo ang mga

aparato na siyang tutulong sa pagtuklas, pag-alam, at pag-aaral ng mga komplikado at maliliit na detalye na sakop ng Haynayan.

Ang mga mananaliksik, mula sa Kolehiyo ng Agham na may kursong BS Biology ay nagsagawa ng pananaliksik patungkol sa epekto ng kakulangan ng kagamitang panlaboratoryo sa laboratoryo ng Haynayan. Ang pananaliksik ay bunga ng kanilang pansariling karanasan ukol sa problemang naidulot ng kakulangan na aparato na magagamit sa klase. Gayundin, ninanais ng mga mananaliksik na alamin ang opinyon ng kapwa mag-aaral ukol sa suliranin.

B. Paglalahad ng Suliranin

Ang mga sumusunod na suliranin ang nais masolusyonan ng buong pananaliksik:

1. Anu-ano ang mga siyentipikong aparato ang lubos na kinakailangan sa

laboratoryo

ng

Haynayan?

2. Bakit nararanasan ng Pamantasan ang kakulangan ng kagamitan sa mga

aparato

lalung-lalo

na

sa

Haynayan?

3. Anu-ano ang mga alternatibong paraan ng mga mag-aaral upang masolusyonan

ang

kakulangan

ng

mga

kagamitan?

4. Anu-ano ang mga mabuti at masamang epekto ng kakulangan ng kagamitan ng Pamantasan sa mga mag-aaral?

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral ay maipabatid sa mga kinauukulan ang kakulangan sa kagamitang panlaboratoryo ng Pamantasan. Sa pag-aaral naito, kanilang magagawan ng paraan kung paano pa magkakaroon ng sapat na mga kagamitan ang laboratoryo ng haynayan. Ang pagtugon ng mga kinauukulan sa pag-aaral na ito ay magiging hakbang upang mabawasan ang mga suliranin ng mga mag-aaral ng BS Biology. Makikinabang rin sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng BS Biology. Ang pagkakaroon ng kakulangan sa kagamitang panlaboratoryo ay makapag-bibigay daan sa pagiging mapamaraan ng mga mag-aaral.

D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang kahalagahan ng laboratoryo at ang epekto ng kakulangan ng mga aparato sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral sa ilalim ng kursong BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Ang mga mananaliksik ay magtutuon lamang sa 100 mag-aaral ng nasabing pamantasan at kurso. Sila rin ay kukuha ng imbentaryo sa tanggapan ng Kolehiyo ng Agham para alamin ang mga kagamitang mayroon ang unibersidad subalit hindi pinayagan ang mga ito na kumuha ng sariling kopya. Ang mga respondente ay bibigyan ng isang pagsusuri (survey) na nag lalaman ng sampung katanungan na nagpapatungkol sa magiging kasagutan ng mga suliraning nakapaloob sa nasabing pag-aaral.

Kabanata II: Konseptwal na Balangkas

A. Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura

Bilang mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), isang prebilehiyo para sa atin ang mapabilang sa pangkat ng mga iskolar ng bayan. Bukod sa libre ang edukasyon, maganda rin ang akademikong pagganap nito at sa katunayan nga ay isa ang PLM sa mga mahuhusay na unibersidad sa iba’t ibang larangan dito sa ating bansa. Maraming mga kurso rin ang mayroon sa PLM at isa na sa listahan ang kursong BS Biology na nasa ilalim ng Kolehiyo ng Agham.

Malaking bahagdan ng buhay ng isang mag-aaral sa ilalim ng kursong BS Biology ang umiikot sa mundo ng agham. Kaakibat ng Agham ang pagtuklas, pananaliksik, at pagpapaliwanag ng mga pangyayaring dulot ng kalikasan. Dahil dito napakahalaga ng mga eksperimento o mga praktikal na pagsasanay upang maging epektibo ang pagkatuto ng mga kaalaman at konseptong kaugnay sa larangang ito. Importante sa kursong ito ang aplikasyon o paglalapat ng mga konseptong natutunan upang magkaroon nang bagong tuklas na makatutulong at maaaring makapagpabuti ng pamumuhay ng mga tao. Ayon kay Meszaros (2005), “Biology is a laboratory

science!

Teaching

Biology

requires

that

students

receive

laboratory

instruction and engage in appropriate hands-on activities” (p.22). Malaki ang dulot ng paglalapat ng mga konsepto sa Biology sa epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral lalo na kung ito ay maisasagawa.

Ayon sa isang pag-aaral, mas maraming natututunan ang isang magaaral na gumagamit ng parehong “lecture” at “laboratory approach” sa pagaaral ng siyensya (www.sciencefirst.com). Ang paggamit ng laboratoryo ay nagbibigay daan para sa mga mag-aaral na lubusang magamit ang mga natutunan nila mula sa mga aklat. Nagiging daan ito para matamo ng mga mag-aaral ang lohikal at rasyunal na kakayahan sa paggawa at pag-aanalisa ng mga siyentipikong argument.

Ayon naman kay Dahar at Faize (2001), importanteng magkaroon ng interaksyon ang isang mag-aaral sa loob ng laboratoryo upang mas maging pamilyar siya sa tunay na proseso ng nagaganap sa isang sitwasyon. Mas nagiging makabuluhan ang mga napapag-aralan at nababasa ng mga magaaral

kung

nagagawa

niyang

manipulahin

ang

mga

kagamitang

panglaboratoryo upang mapaunlad ang kanilang kaalaman sa tunay na konsepto ng proseso ng siyensya.

Sa isang pag-aaral na ginawa ni Bello (2012) sa Nigeria, kanyang napagtanto na kaya bumabagsak ang mga mag-aaral sa ikaapat na taon sa sekondarya sa asignaturang Pisika ay dahil sa hindi sapat ang mga kagamitang panlaboratoryo na dapat ay ipinagkakaloob ng mga paaralan. Kanya ding nalaman na ang pagkakaroon at paggamit ng mga kagamitang panlaboratoryo ay nakakapagpataas ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa nasabing asignatura. Ang lubusang pag-gugol sa mga kagamitang panlaboratoryo ay nakakapagpaunlad ng kalidad ng pagkatuto ng isang mag-aaral.

Ayon sa tanggapan ng Kolehiyo ng Agham, ang mga sumusunod na kagamitang panglaboratoryo ang mayroon ang PLM: Microscope, Thermal Cycler Dice,Centrifuge ,Refrigerator, Microtome, Labnet Vortex Mixer, Digital Incubator,

Dual

Transilluminator,

Submarine

electrophoresis

system,

autoclave.

B. Sintesis

Ang laboratoryo at ang mga kagamitang nakapaloob dito ay mahalaga sa pagpapataas ng antas ng karunungan lalo na sa larangan ng siyensa. Mahalaga na masaksihan ng bawat mag-aaral ng nasabing kurso ang aktuwal na representasyon ng mga konseptong napapaloob sa haynayan.

Lumalabas na malaki ang naitutulong ng laboratoryo sa mabilis at epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral. Mahalagang usapin din ang mga tagapagturo sa Asignaturang ito sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang pagbibigay ng mga prosedyur ay dapat may kalinawan at nararapat din na malawak ang nalalaman nila sa asignaturang kanilang hinahawakan upang sa gayon ay maganda ang pagpapalitan ng kaalaman, interaksyon saklase at ang pagpapataas ng interes ng mga mag-aaral habang isinasagawa ang bawat eksperimento. Dagdag pa dito ay hindi rin magdurusa ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa loob ng laboratoryo kung malinaw at maayos ang pagbibigay ng kaukulang tagubilin bago pa man simulan ang bawat eksperimento. Mas lalong mapaiigting ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa ganitong uri ng interaksyon at paglalapat sa klase.

Nakakatulong ang pagkakaroon ng mga praktikal na eksperimento sa laboratory sa pagpapaunlad ng akademikong pagkatuto. Hindi sapat ang kaalamang itinuturo sa loob ng mga silid aralan, kaya mahalaga ang pagkakaroon ng interakyon sa laboratory at sa mga kagamitang mayroon ito.

C. Konseptwal na Balangkas

Mga aparato na makikita at magagamit sa laboratoryo ng Haynayan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

Mga dahilan kung bakit nararanasan ng Pamantasan ang kakulangan ng kagamitan sa laboratory ng Haynayan

Mga alternatibong paraan ng mga mag-aaral upang masolusyonan ang kakulangan sa kagamitang panlaboratoryo

Mga epekto ng pagkakaroon ng kakulangan sa mga kagamitang panlaboratoryo

Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

Sdddddddddd

D. Kahulugan ng mga Terminolohiya Microscope– isang aparato na ginagamit upang makita pa ng malapitan ang maliliit at mikroskopikong mga bagay. Centrifuge



kasangkapan

na

binubuo

ng

isang

kompartimentong

nangangala sa pinakamahalagang aksis upang paghiwalayin ang mga nilalaman na materyales ng iba't-ibang mga espesipikong bigat, o upang paghiwalay in ang mga koloidal na tipik nasan sala dahil sa isang likido. Refrigerator



Isang

kagamitan

o

kompartimento

na

artipisyal

na

pinananatiling malamig ang materyales at ginagamit upang mag-imbak ng pagkain at inumin. Microtome – Isang instrument para sa paggupit ng lubhang manipis na bahagi ng material para sa pagsusuri sa ilalim ng mikroskopyo. Labnet Vortex Mixer – isang simpleng aparato na ginagamit karaniwan sa mga Laboratoryo upang maihalo sa maliit na sisidlan ng likido. Ito ay binubuo ng isang motor na de- kuryente na pumupwersa sa katawan ng aparato na nakatuon patayo at nakadikit sa isang hugis-tasang piraso ng goma na bahagyang umaakyat palayo sa gitna.

Digital Incubator - ang digital incubator ay isang aparato na may isang silid na ginagamit upang magbigay ng sapat at maayos na kondisyon lalo na sa paglilinang ng mga mikroorganismo o sa pangangalaga at proteksyon ng mga napaagang pinanganak o sakiting sanggol. Autoclave - ay isang aparato na ginagamit upang pakuluan ang kagamitan sa pamamagitan ng pagsasailalim ng mga ito sa mataas na presyon ng tigmak na init na umaabot sa 121 ° C, humigit-kumulang 15-20 minuto depende sa laki ng karga at ang mga nilalaman nito.

Kabanata III: Metodolohiya

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanungan upang makalikom ng datos na siyang magiging daan upang masagot ang mga suliranin. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito sa paksa sapagkat organisado at nakatala ang mga impormasyong makukuha mula sa mga respondente.

B. Instrumentasyon

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga katanungan na naglalayong makakuha ng datos upang malaman ang epekto ng kakulangan ng mga kagamitan sa laboratoryo ng Haynayan sa akademikong pagkatuto ng mga mga-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Bukod sa sarbey, ang imbentaryo ng mga kagamitan sa laboratoryo ng Haynayan

ang

naging

primerong

basehan

ng

mga

datos

ng

mga

mananaliksik. Nagkaroon rin ng maikling panayam sa ilan sa mga dalubguro ng Kolehiyo ng Agham ukol sa mga kagamitan sa laboratoryo. Humango rin ang mga mananaliksik ng iba pang impormasyon mula sa mga libro, dyornal, at internet.

C. Hakbang sa Pagsasagawa ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng sarbey o talatanungan sa mga mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at mula sa mga impormasyong nakalap, kukunin ang bahagdan ng magkakaparehong sagot ng mga respondente sa bawat tanong. Masusing pinag-aralan at ginawan ng pagbubuod at konklusyon ang mga sagot. Sa paraang ito, nakuha ang pananaw ng mga respondente ukol sa paksa ng pananaliksik.

D. Istatistikal na Pagsusuri

1. Sapat ba ang kagamitang panglaboratoryo ng pamantasan upang mapunan ang iyong pangangailangan sa kursong Bs Biology?

Fourth year Third year

Hindi Medyo

Second year

Oo First year

Total

Total 0

20

40

60

80

100

(Talahanayan 1) Ipinapakita dito na may saktong kagamitang panlaboratoryo ang Pamantasan.

2. Nakakapagpasa ka ba ng “lab report” sa tamang oras sa kabila ng kakulangan ng kagamitan sa laboratory?

Fourth year Hindi

Third year

Medyo

Second year

Oo

First year

Total

Total 0

20

40

60

80

100

(Talahanayan 2) Mas marami ang nakapagpapasa ng lab report sa kabila ng kakulangan ng aparatong panlaboratoryo.

3. Lahat ba ng mga gawain/eksperimento ay naisasagawa ng maayos gamit ang mga aparatong meron sa laboratory ng pamantasan?

Fourth year Hindi

Third year

Medyo

Second year

Oo

First year

Total Total 0

20

40

60

80

100

(Talahanayan 3) Mas maraming nagsasabi na nasa katamtamang antas lamang ang pagsasagawa ng mga eksperimento

4. Bumababa ba ang marka ng isang mag-aaral dahil sa kakulangan ng kagamitan sa laboratory?

Fourth year Hindi

Third year

Medyo

Second year

Oo

First year

Total

Total 0

20

40

60

80

100

(Talahanayan 4) Hindi bumababa ang marka ng mga estudyante kahit kulang ang gamit sa laboratoryo.

5. Sa iyong palagay, masyado na bang luma ang mga kagamitan sa laboratory?

Fourth year Hindi gaano

Third year

Hindi

Second year

Oo

First year

Total

Total 0

20

40

60

80

100

(Talahanayan 5) Ang mga kagamitan sa laboratory ng Haynayan ay hindi gaanong luma kung kaya’t nagagamit pa.

6. Kinakailangan pa bang pumunta sa iba’t ibang institusyong pangagham (DOST, atbp.) upang maisagawa ang ilang eksperimentong kailangan sa kurso mo?

Fourth year Hindi gaano

Third year

Hindi

Second year

Oo

First year

Total

Total 0

20

40

60

80

100

(Talahanayan 6) Hindi gaanong kinakailangang pumunta sa mga institusyon upang magsagawa ng mga eksperimento.

7. Ano-anong alternatibong paraan ang iyong ginagawa upang mapunan ang kakulangan ng Pamantasan sa kagamitang panglaboratoryo?

Q07E

Fourth year

Q07D

Third year

Q07C

Second year

Q07B

First year

Q07A

Total 0

20

40

60

80

(Talahanayan 7) Ang alternatibong paraan na madalas na isinasagawa ay ang paggamit ng ibang bagay na kasing epektibo ngunit hindi mahal at mahirap hanapin.

8. Alin sa mga ss. na aparato ang kadalasang ginagamit ninyo sa laboratoryo?

Autoclave Submarine electrophoresis system Dual transilluminator Fourth year

Digital incubator

Third year

Labnet vortex mixer

Second year

Microtome

First year

Refrigerator Centrifuge

Total

Thermal cycle dice Microscope 0

20

40

60

80

100

(Talahanayan 8) Pinakamadalas na gamitin ay ang Microscope

9. Iniingatan mo ba ang mga kagamitan sa laboratoryo?

Fourth year

Minsan

Third year

Hindi

Second year

Oo

First year Total

Total 0

20

40

60

80

100

(Talahanayan 9) 97-98% ang nagsasabing kanilang iniingatan ang mga kagamitan sa laboratory.

10.

Nagiging epektibo pa rin ba ang pagkatuto sa kabila ng

kakulangan ng kagamitan sa laboratoryo?

Fourth year Hindi

Third year

Medyo

Second year

Oo

First year

Total

Total 0

20

40

60

80

100

(Talahanayan 10) Sa kabila ng kakulangan ng kagamitan, epektibo pa rin ang pagkatuto.

Mula sa mga resulta at representasyon, makikitang may karampatang mga kagamitan ang laboratoryo ng Haynayan ng Pamantasan na madalas na ginagamit ng mga mag-aaral (microscope) ngunit may kalumaan ang mga ito at mayroong mga aparato na hindi pa nagagamit. Sa

kabila

ng

kakulangan

at/o

kalumaan

ng

mga

aparato

sa

laboratoryo, epektibo pa rin ang akademikong pagganap at pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat sila ay nahihikayat na humanap ng ibang

alternatibo at magdiskubre ng mga makabagong inobasyon na siya naming layunin at hangarin ng Agham.

SANGGUNIAN Dahar, M. A., & Faize F. A. (2011). Effect of the Availability and the use of Science Laboratories on Academic Achievement of Students in Punjab (Pakistan). European Journal of Scientific Research, pp.193-202. Bello, T. O. (2012). Effect of Availability and Utilization of Physics Laboratory Equipment on Students’ Academic Achievement in Senior Secondary School Physics. World Journal of Education (Vol. 2, No. 5). Retrieved February 26, 2013 from http://www.sciencefirst.com/advancedscience-laboratory-equipment.html Meszaros, M. W. (2005). Special focus in biology: The importance of laboratory work. The teaching series. National Association of Biology Teachers. (2005). Role of Laboratory and Field

Instruction

in

Biology

http://www.nabt.org/websites/institution/index.php?p=95 February 27, 2013.

Education. retrieved:

DAHONG DAGDAG

A. Talatanungan (sarbey)

Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila Pangalan: Edad: Taon:

1)

Sapat ba ang kagamitang panlaboratoryo ng Pamantasan upang

mapunan ang iyong pangangailangan sa kurso mong BS Biology? oo

medyo

hindi

2) Nakapag-papasa ka ba ng “lab report” sa tamang oras sa kabila ng kakulangan

ng oo

kagamitan medyo

sa

laboratoryo? hindi

3) Lahat ba ng mga gawain/eksperimento ay naisasagawa ng maayos gamit ang mga aparatong mayroon sa laboratoryo ng Pamantasan? oo

medyo

hindi

4) Bumababa ba ang marka ng isang mag-aaral dahil sa kakulangan ng kagamitan sa laboratoryo? oo

medyo

hindi

5) Sa iyong palagay, masyado na bang luma ang mga kagamitan sa laboratoryo? oo

hindi

Hindi gaano

6) Kinakailangan pa bang pumunta sa iba’t ibang institusyong pangagham (DOST, atbp.). upang maisagawa ang ilang eksperimentong kailangan sa kurso mo? oo

hindi

Hindi gaano

7) Ano-anong alternatibong paraan ang iyong ginagawa upang mapunan ang kakulangan ng Pamantasan sa kagamitang panlaboratoryo? (Maaring pumili ng higit sa isa) a. ikaw na ang nagdadala ng gamit na kailangan b. paggamit ng ibang bagay bilang alternatibo c. panghihiram ng gamit sa labas ng Pamantasan d. hindi pagsasagawa ng eksperimento e. Ibang sagot: _______________________________

8) Alin sa mga sumusunod na aparato ang kadalasang ginagamit ninyo sa laboratoryo? (maaaring pumili ng higit pa sa isa) ___Microscope ___Thermal Cycler Dice ___Centrifuge ___Refrigerator ___Microtome ___Labnet Vortex Mixer ___Digital Incubator ___Dual Transilluminator ___Submarine electrophoresis system ___autoclave

9) Iniingatan mo ba ang mga kagamitan sa laboratoryo? oo

hindi

minsan

10) Nagiging epektibo pa rin ba ang pagkatuto sa kabila ng kakulangan ng kagamitan sa laboratory? oo

medyo

hindi

B. Imbentaryo ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan

Item Digital Incubator Dual Transilluminator Submarine Electrophoresis System Labnet Vortex Mixer Microtome Nikon Binocular Microscope Refrigerated Centrifuge Refrigerator PCR Thermal Cycler Dice Centrifuge Airegard Laminar Air Flow Nikon E-100 Microscope

Classification

Quantity 2 1 1 1 1

Technical and 30 Scientific Equipment 2 1 1 1 2 Medical Dental 21 Laboratory Equipment

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF