EL FILIBUSTERISMO-Kabanata XVI

February 26, 2019 | Author: Angela Marie Sales Magsucang | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Chapter 16, EL FILIBUSTERISMO by Dr. Jose Rizal...

Description

Kabanata XVI

TAUHAN

TALASALITAAN

MGA PANGYAYARI 1 Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangad magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa ay naghandog ng isang hapunan. Dinaluhan ito ng mga tanyag na panauhin, mga kilalang mangangalakal, mga prayle, mga militar, mga kawani ng pamahalaan, gayun din ang kanilang mga suki.

PAG-UUGNAY Kapag ang tao ay may gustong isang bagay na hindi kayang makamit ng sariling mga kamay, nakikihalubilo at nakikipagmalapit siya sa mga makapangyarihan upang makamit ito.

MGA PANGYAYARI 2 Dumating si Simoun at nang singilin niya si Quiroga sa utang na siyam na libong piso, sinabi nitong nalulugi siya. Batid ni Simoun, kapag ang mangangalakal na Intsik  ay dumaraing ng kanyang kalugihan ay kumikita ito at kapag nagpapamalas na man ng sigla ay may darating na pagkalugi.

PAG-UUGNAY Sa panahon na walang pera, mapakabilis makahanap ng ma-uutangan, ngunit sa panahon ng pagsingil ay mas mabagal pa sa pagong bago makabayad.

MGA PANGYAYARI 3 Inalok ni Simoun na bawasan ng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kung papayag ang Intsik na itago sa kanyang bodega ang mga armas na dumating. Hindi raw dapat mangamba ang Intsik, sapagkat ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango.

PAG-UUGNAY Hindi lahat ng tulong ng iba ay makabubuti sa’yo. Minsan ang tulong ay isa lamang balatkayo ng motibong masama.

MGA PANGYAYARI 4 Ayon kay Simoun, siya at si Quiroga ang lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitang sumang-ayon si Quiroga.

PAG-UUGNAY Mahirap tanggihan ang temptasyon sapagkat masarap ang masama.

MGA PANGYAYARI 5 Ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo. Sa pulutong ng mga pari kung saan kabilang sina Ben Zayb, Juanito at Pari Camorra ay pinag-uusapan nila ang tungkol sa ulong nagsasalita. Pagkatapos ay nagtungo sila sa perya.

PAG-UUGNAY Ang iba’t ibang tao ay may iba’t ibang kagustuhan ang hilig, ngunit pare-pareho namang naaakit sa mga bagay-bagay na hindi karaniwan tulad ng mahika.

ARAL Ang paggawa ng koneksyon ay mahalaga sa tuwing darating ang panahong kakailanganin mo ng tulong, ngunit laging maging maingat sa mga taong mapagsamantala. Sa isang lipunan tulad ngayon, ang paghanap ng mga taong mapagkakatiwalaan ng iyong buhay ang pinakamahirap. Gumawa palagi ng matatalinong desisyon bahagya ng pera dahil kapag ang pera mo ay mahulog sa maling mga kamay, maaari itong maging pinakamalaki mong pananagutan.

LARAWANG DIWA

ISYUNG PANLIPUNAN

Pagsasamantala

Mago || Magsucang

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF