1. Sa unang kabanata ng El Filibusterismo, ang Bapor Tabo ay patungo sa lalawigan ng – A. Laguna B. Palawan C. Batangas D. Mindoro 2. Ang nagpahayag na “panukalang yankee” ang sinabi ni Simoun na paghuhukay ng isang bago at tuwid na ilog ay siA. Don Custudio B. Donya Victorina C. Ben Zayb D. Padre Salvi 3. Sa mga sakay ng Bapor Tabo, ang nagpahayag na “nakakaduda ang mga panukalang binalutan ng matataas na salita” ay siA. Padre Salvi B. Don Custudio C. Ben Zayb D. Padre Camorra 4. Ang nagpahayag ng linyang “ang katandaan ng mga magulang ay parang masasamang ibon na naghahatid sa atin ng mga pinsala” na sinabi diumano ni Horacio ay siA. Padre Sibyla B. Padre Florentino C. Kapitan Tiyago D. Kapitan Basilio. 5. Ayon kay Simoun, ang nagsabi na ang kulang sa lakas ang mga tao sa bayang ito dahil nasobrahan sa ininom na tubig ay siA. Padre Salvi B. Padre Irene C. Padre Camorra D. Padre Sibyla 6. Sa nobela, ang tinatawag na “Itim na Kardinal” ay siA. Ben Zayb B. Simoun C. Don Custudio D. Padre Salvi 7. Niregaluhan ng mga kabataan ng dalawang kabayo siA. Padre Salvi B Padre Irene C. Padre Camorra D. Padre Sibyla 8. Iniiwasan ni Padre Florentino na makausap si A. Simoun B. Isagani C. Donya Victorina D. Padre Salvi 9. Kung susuriin ang pangunahing pagkakatulad sa pagitan nina Jose Rizal, Simoun, Padre Florentino, Donya Geronima at Julio Madiaga ay mangingibabaw ang pagkakaroon nila ngA. pananalig sa rebolusyon B. pag-ibig na hindi nagtagumpay C. marubdob na pag-ibig sa bayan D. kaapihan sa kamay ng mga prayle 10. Natuklasan ni Basilio ang totoong pagkatao ni Simoun nangA. dalawin niya ang puntod ni Sisa bahay ni Kabesang Tales C. magkita sila sa Bapor Tabo at nakipagtalo ito kay Isagani ng alahas si Kapitan Basilio sa San Diego
B. magtungo ito sa D. makita niyang bumili
11. Bilang mag-aaral sa ikaapat na taon na magkokolehiyo sa isang taon kung makatugon sa pamantayan ng SVDPC, makabuluhan pa ring mapag-aralan ang mga kabanata ng El Filibusterismo upangA. gawing inspirasyon ang mga makabuluhang aral na nakapaloob sa nobela upang maging matagumpay at tanyag sa hinaharap B. makakuha ng presentableng marka sa Filipino IV upang maging madali ang pagpasok sa napiling kolehiyo at unibersidad na papasukan C. patalasin ang isipan sa marahas na buhay at lohikal na maaksyunan ang mga suliraning dapat harapin bahagi ng pagtatangkang paunlarin ang lipunan D. masuri kung gaano katalino si Rizal at nagawa niyang isulat ang repleksyon ng lipunan noong panahon ng mga Kastila na umiiral pa rin sa kasalukuyan. 12. Muling nagbalik si Crisostomo Ibarra bilang si Simoun pagkatapos ng A. labing-isang taon B. labintatlong taon C. labindalawang taon D. labing-apat na taon 13. Ang tauhang si Placido Penitente ay ginamit ni Jose Rizal bilang simbolismo ng-
A. karaniwang tao na inabuso ng mga Guardia Civil aaklas laban sa pamahalaan C. kabataang biktima ng bulok na sistema ng edukasyon panginoong maylupang kasabwat ng mga prayle
B. lider ng marahas na pagD. mapagsamantalang
14. Sa kabanatang may pamagat na Mga Pandaraya ang mga pandarayang tinutukoy ay angA. hindi makatotohanang palabas ni Mr Leeds na napalilitaw niyang kapani-paniwala sa mata ng mga manonood B. kunwaring tapat na pag-ibig ni Paulita Gomez kay Isagani samantalang ang napupusuan niya ay si Juanito Pelaez C. pagsisinungaling ni Simoun nang sabihin niyang ang Kapitan heneral ang may plano ng pagaaklas laban sa mga prayle D. panlilinlang ng mga prayle sa mga mangmang na Katoliko sa pangangako ng buhay na walang hanggang kapalit ng indulgencia 15. Batay sa politikal at sosyolohikal na pagsusuri sa pagkato ni Dr. Jose Rizal, hindi niya binigyang katuparan ang mga plano ni Simoun sa nobela sapagkatA. plano niyang maglingkod sa Espanya bilang manggagamot na ipadadala sa Cuba B. nangangamba siyang sapitin din niya ang sinapit ni Crisostomo Ibarra sa nobela C. pinangangatawanan niya ang hindi niya pananalig sa armadong pamamaraan ng pagbabago D. naniniwala si Rizal na tanging sa pag-aaklas lamang mapapalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga Kastila 16. Kung susurin ang kalagayan ng lipunan sa kasalukuyan kaugnay ng nilalaman ng El Filibusterismo, ang mga sumusunod na kaisipan ay malalagom maliban sa konseptongA. ang mga Tadeo at Pecson ay makikita pa rin sa ngayon sa iba’t-ibang mga paaralan B. mayroon pa ring kagaya ng Mataas na Kawani at ni Padre Fernandez sa pamahalaan C. wala nang nag-iisip at nagsasabuhay ng konsepto ni Simoun sa pagpapatupad ng pagbabago sa lipunan D. marami pa ring Juli na nabibiktima ng mga Padre Camorra sa iba’t-ibang institusyon tulad ng paaralan, pagawaan at pamahalaan. 17. Batay kay Ben Zayb, hindi naging katanggap-tanggap ang kasabihang mabuti na ang masamang kilala kaysa mabuting kikilalanin pa bilang patungkol saA. alamat ng malapad na batao B. alamat ni Donya Geronima C. kamatayan ni Crisostomo Ibarra D. milagro ni San Nicolas at ang buwaya 18. Masasabing ang mga sumusunod ay mga pangunahing aral na makukuha sa El Filibusterismo maliban saA. konseptong ang paghihiganti ay hindi makatwiran sapagkat lalo lamang itong nagpapalala ng suliranin B. kaisipang ang Diyos ang siyang dapat makpangyari sa lahat at hindi ang pansariling kagustuhan ng tao C. pananaw na madaming mapagsamantalang tao sa mundo kung kaya ang pag-iingat at pagpili ng mga kaibigan ay dapat alalahanin D. paniniwalang tanging ang karahasan ang lunas sa kawalang katarungang umiiral sa nagnananang sistema ng lipunan
Thank you for interesting in our services. We are a non-profit group that run this website to share documents. We need your help to maintenance this website.