EL FILI Kabanata 29
February 28, 2018 | Author: Gay Delgado | Category: N/A
Short Description
kabanata 29 ang huling salita kay kapitan tyago...
Description
Kabanata 29: Ang Huling Pati-ukol (Salita) kay Kapitan Tiyago I.
Talasalitaan:
1. Tagapangasiwa 2. Kinalinga 3. Pumanaw 4. Naglalakbay 5. Nagmumuni-muni 6. Labi 7. Nanlilibak 8. Pakundangan 9. Nagdudulot 10. Bulalo II.
= = = = = = = = = =
tagapamahala kinupkop namatay nagbibyahe nag-isip-isip bangkay nangungutya kontrol nagbibigay pagkaing masabaw na kung saan ay sinisupsop ang laman ng buto
Tauhan:
Kapitan Tyago:
namatay dahil sa paghithit nya ng opyo upang makalimutan ang kanyang mga problema
Padre Irene:
hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng huling testemento ni Kapitan Tyago
Donya Patrocinio:
matandang kaagaw ng Kapitan sa pagpapataasan ng ihi sa pagkabanal
Don Primitivo: langit
naniniwalang pareho sina Kapitan Tyago at San Pedro na mananalo sa pagsasabong sa
Martin Aristorenas: ang sumalungat sa teorya ni Don Primitivo. Para sa kanya ay mayroon talagang mananalo at matatalo. Kapitan Tinong:
nagprisintang ihandog ang gulanit damit-Pranciscano
Quiroga:
isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
III.
Buod:
Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre irene ang hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang kayaman sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikulang mga estudyante mahihirap. Iminungkahi ito ni Padre Irene para masabing tagatangkilik siya ng mga estudyante. Inalis ni kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay basilio dahil sa kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni paddre Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa. Nang nakaburol si Kapitan Tiyago ay marami ang usap-usapan ukol sa kanya. Nakita raw ng mga mongha ang nagliliwag na kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Iyon daw ang utang sa maraming pamisang nagawa ni Kapitan. Naisip ng sakristan na ipanabing ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago ay may hawak pang mangkok ng taho. May nangaghaka namang hamunin ni Kapitan Tiyago ng sabong si San Pedro. Pero paano magkakamatayan o magkakatalo mag manok na kaluluwa? Ayon kay Pilosopo Primotivo, di magkakatalo sagka’t ang pagkatalo’y kaugnay ng sama ng loob ay walang puwang sa langit.
Hinandugan ni Quiroga ng isang tabako si Don Primotivo. Saka nagtanong nang malumanay: Sigulo puede de contalata aliedo galela con kilisto, a? Cuando muele, mia contalista, ja? May nagtalo sa damit na isusuot kay KapitanTiyago. Abito? Mayroon nito si kapitan tinong. Lumang-luma at binayaran niya ng P36.00. Ipagkakaloob niya ito sa mahal na kaibigan. Tumutol ang sastre.Prak daw ang kailangan nakaprak ang kaluluwang nakita ng mga mongha. May yari na ang sastre na P32.00 ang halaga, dahil suki niya ang namatay. Lumang damit ang ipinasuot ni Padre Irene. Hindi raw mahalaga sa langit ang damit. Tatlong prayle ang dapit sa libing ni Kapitan. Maraming kamanyang nang sinunog at gayundin ang iwinisik na agua bendita. Si Donya Patrocinio na matandang kaagaw ni Kapitan Tiyago sa pagpapataasan ng ihi sa pagkabanal ay nagnais mamatay na kinabukasan upang malibing siya ng lalong dakila at kahanga-hanga. IV. BANGHAY NG KABANATA 29 Tagpuan: sa bahay ni Kapitan Tyago Simula: Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre irene ang hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang kayamanan sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikulang mga estudyante mahihirap. Iminungkahi ito ni Padre Irene para masabing tagatangkilik siya ng mga estudyante. Inalis ni kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay basilio dahil sa kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni paddre Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa Suliranin:
Pinagtatalunan nila kung anong damit ang isusuot ni Kapitan Tyago sa burol nito
Tunggalian: ipinirisinta ni Kapitan Tinong ang kanyang sira-sirang damit-Pransiskano na nabili nya sa isang prayle sa halagang tatlumput-anim na piso (P36.00) Handa raw nyang ibigay sa kaibigang ni minsan ay hindi nya nadalaw noong nabubuhay pa. Ngunit tumutol ang sastre at dapat prak ang ipasuot dahil ito ang suot ng kapitan nang magpakita sa mga mongha at ito ay laging naka prak kapag dumadalo noong araw sa mga pagtitipon. Nagprisinta pa ang suki nitong mananahi na hindi sisingilin ng mahal kapag sa kanya ipinagawa ang ipapabaong damit. Ngunit sa bandang huli, si Padre Irena pa rin ang nasunod. Isang lumang damit na lamang ng matanda ang ipinasuot nito. Kasukdulan: Nagpakita ang kaluluwa ni Kapitan Tyago. Dala nito ang kanyang sasabunging manok. Ang pisngi ay nananambok sa nganga at nasa kanyang bibig ang opyo. Ang mga kasama ni Kapitan Tyago sa sabungan na naroon ay pinag-usapan kung hahamunin ba kaya ni Kapitan Tyago si San Pedro at pagsasabunging ang kanilang manok sa langit. Ngunit sabi ni Don Primitivo naniniwala syang pareho sina Kapitan Tyago at San Pedro ang mananalo sa pagsasabong. Ito naman ay sinalungat ni Martin Aristorenas. Para sa kanya ay mayroong mananalo at matatalo. Kakalasan: Tatlong pari ang nagmisa. Marangal ang libing at nagkaroon pa ng mga response sa bahay at sa daan patungo sa libingan. Ginanap ang lahat ng seremonyas. Maraming kamanyas ang sinunog at di birobirong agua bendita ang ipinandilig sa kabaong. Hindi rin mabilang ang mga awiting Latin tungkol sa patay ang inawit, Marami rin ang sumakit ang ulo sa kakatugtog ng plegarya. Wakas: Humanga ang lahat sa libing ni Kapitan Tyago. Ang kalaban naman ng Kapitan sa pinakamasimbahin o kabanalan noon na si Donya Patrocinio ay ingit na inggit sa libing ni Kapitan Tyago at tila nagnanais na ring mamatay at magkaroon ng libing na higit pa sa libing ni Kapitan Tyago.
V.
Mga Tulong sa Pag-aaral
Mga Kaisipang Nakapaloob sa kabanata 29
VI.
Ang huling habilin ay nabago na ayon sa nais ni Pare Irene. Lahat ng tadhana ng testamento ni Kapitan Tiyago ay gawagawa ni Padre Irene. Sa ganitong paraan nagkamal o nagkaroon ng malaking lupa at kayamanan ang mga orden, at ang simbahan at kadalasan ang mga anak ng namatay na mayaman ay naging ulila maging sa pamana. Pati sa damit na isusuot ay nagtipid si Padre Irene. Mababawasan pa ang kanyang parte ng yaman. Lubos ang paniniwala ng mga tao noon sa mga himala; isa sa mga bagay na idiniin sa isipan ng mga mananampalataya. Ang kahulugan ng tanong ni Quiroga kay Primitivo: Sigulo puede contalata aliendo galela con kilisto, ja? Cuando mia muele mia contalatista, ha? Ito’y nagpapakita ng kataliman ng intsik sa negosyo, mapagkakakitaan; walang bawal-bawal. Ito rin ay nagpapakitang ang intsik na ilan, kaya nagkristyano ay di dahil sa pananampalataya kundi sa lalong ikaluluwalhati ng kanilang nagosyo. At totoo ito sa karamihan ng mga intsik na nagsisikuha ng pagmamamayang pilipino-sa ikaluluwag lamang ng kanilang kabuhayan. Ito ang kahulugan o salin ng pagagong kastila ni Quiroga: Kung mamatay ako, maaari marahil na ako’y makipagkontrata kay kristo sa pagtatayo ng sabungan sa langit, ha? ASPETO, SAKIT NG LIPUNAN, MANIPESTASYON AT SIMBOLISMO
KABANATA
ASPETO
KABANATA 29 : MGA HULING USAP TUNGKOL KAY KAPITAN TIYAGO
KULTURAL: GINAMIT ANG PANANAMPALATAYA O RELIHIYON UPANG MAPASUNOD ANG PILIPINO
SAKIT NG LIPUNAN
MANIPESTASYON
SOLUSYON
SIMBOLISMO
PANATISISMO
A. ANG MGA PILIPINO AY NANINIWALA NA MAPAGPARUSA ANG DIYOS KAYA’T SINUSUNOD NILA ANG MGA INIUUTOS NG MGA PRAYLE TULAD NG PANGUNGUMSPISAL BAGO MAMATAY AT PAG-GASTOS NG MALAKI PARA SA PAGPAPAMISA AT PAGPAPADASAL SA TAKOT NA HINDI MAKAPUNTA NG LANGIT.
A. DAPAT AY MAGING MAPANURI ANG MGA PILIPINO SA MGA SINASABI NG IBANG TAO.
KAPITAN TIYAGOKINAKATAWAN ANG MGA PANATIKONG PILIPINO NA HANDANG PAGLINGKURAN ANG SIMBAHAN AT KUMIKILALA SA KAPANGYARIHA N NG MGA KASTILA
B. PINAHAHALAGAHAN NG MGA PILIPINO ANG PAGIGING KRISTIYANO.
B. KINAKAILANGAN DING HUWAG KAAGAD MAGPANIWALA AT MAGBULAGBULAGAN
VII.
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.
Maikling pagsusulit: (REMINDER TANGGALIN ANG MGA VISUAL AIDS SA BLACK/WHITEBOARD)
Sino ang sumalungat sa teorya ni Don Primitivo? Martin Aristorenas Ano ang dahilan ng pagkamatay ni Kapitan Tyago? namatay dahil sa paghithit nya ng opyo Sino ang hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng testament ni Kapitan Tyago? Padre Ireneo Sino ang kalaban ni Kapitan Tyago sa kabanalan? Donya Patrocinio Saan ang tagpuan ng kabanata 29? sa bahay ni Kapitan Tyago Sino ang nagprisintang ipasuot ang gulanit nyang damit-Pransiskano? Kapitan Tinong Sino ang naniniwalang pareho sina San Pedro at Kapitan Tyago ang mananalo sa sabong sa langit? Don Primitivo 8. Ano ang sinisimbulo ng katauhan ni kapitan Tyago? KUMAKATAWAN ANG KATAUHAN NI KAPITAN TYAGO ANG MGA PANATIKONG PILIPINO NA HANDANG PAGLINGKURAN ANG SIMBAHAN AT KUMIKILALA SA KAPANGYARIHAN NG MGA KASTILA 9. At 10. Ano ang pamagat ng kabanata 29? Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago o Ang Huling Salita Kay Kapitan Tyago
View more...
Comments