Drama Script
July 17, 2017 | Author: Dominique Palcon Hernandez | Category: N/A
Short Description
Download Drama Script...
Description
V/O-MULA SA TAHANAN NG DEKALIBRENG DRAMA.. MGA DRAMANG BUMIHAG SA INYONG PUSO.. INIHAHANDOG SAINYO NG LOVE PHOBIA DRAMA PRODUCTION ANG ISA NA NAMANG DRAMANG PAG-IBIG NA PUPUKAW AT MAGPAPAIYAK SA INYONG MGA PUSO. ANG BIRO NG TADHANA!
SFX (BROOM…JEEPNEY LEAVING) FADING SOUND (People chatting, low voice) AMBER: HAY ANG INIT ! MASYADO NA AKONG PINAPAPAWISAN. HOH! SAAN BA AKONG CLASSROOM NGAYON? (SFX: FLIPPING PAPER SA NOTEBOOK) A ROOM 203.. SA SECOND FLOOR TO A! NAKU! 10:30 NA! LATE NA AKONG 30 MINUTES. KAILANGAN KO NANG MAGMADALI. EXCUSE ME, EXCUSE ME… (SFX: RUNNING FOOTSTEPS LASTS FOR 1 MIN.) NAKAKABOT RIN. SALAMAT SA DIYOS . (SFX: KNOCK AT THE DOOR THEN DOOR CREAKING-OPEN) TEACHER: SO, MAGPAPAKILALA NA ANG LAHAT. AMBER: GOOD MORNING MAAM. TEACHER: YES, MAY I HELP YOU? AMBER: DITO PO BA ANG PASOK NG FIRST YEAR TOURISM CLASS? TEACHER: OO, DITO NGA. COME IN. AMBER: (smile) SALAMAT PO. TEACHER: CAN YOU PLEASE INTRODUCE YOURSELF FIRST TO THE CLASS? AMBER: AY MAAM.. ILALAGAY KO MUNA ANG MGA GAMIT KO PO SA UPUAN. TEACHER: MAMAYA NA. INTRODUCE YOURSELF MUNA. AMBER: A. OK. HELLO I’M AMBER MONTERO. KAKALIPAT LANG NG PAMILYA KO DITO SA GREENVILLE. NICE TO MEET YOU. I HOPE WE CAN BE FRIENDS. THANK YOU. TEACHER: HELLO AMBER, YOU MAY NOW TAKE YOUR SIT. BESIDE RUSSELL. THE GUY ON THE THIRD ROW. AMBER: HI, HELLO.. (sa bawat madaanan) (SFX:chair moving) HI RUSSEL. RUSELL: (no emotion) HELLO.
AMBER: ANG TIPID MO NAMANG MAGSALITA. (SFX: BELL RINGS) TEACHER: GOODBYE CLASS. (CHAIR MOVING AND MURMURING CLASS) RUSELL: AMBER! AMBER: HUH, MAY TUMAWAG BA SA AKIN? RUSELL: ITONG PANYO MO. NAIWAN MO SA UPUAN. AMBER: SALAMAT. RUSELL: SA SUSUNOD ‘WAG KANG BURARA. AMBER: ABA’T---HOY! NAG-IIWAN ‘TO HINDI PA NGA NAGWEWELCOME. GABY: HI, AMBER! AMBER: (nag-aalangan) Hh-hi. GABY: GABRIELLA NGA PALA. PERO GABBY NA LANG. AMBER: HELLO, GABBY! GABY: SABAY NA TAYONG MAG-SNACK? AMBER: HMMM. SIGE BA. TARA? (SFX: FOOTSTEPS) ANDRE: ANG CUTE NAMAN NI AMBER PARANG MABAIT. JOLLY PA. RUSELL: (waring napalitan) OO. ANDRE: PARANG ALANGAGNIN PA ANG OO MO E. RUSELL: MAGULO KASI SIYA. MAINGAY AT HIGIT SA LAHAT BURARA. IWAN BA NAMAN ANG PANYO SA UPUAN. ANDRE: PARA YUN LANG! PALIBHASA KASI WALA KA PANG NAIIWAN NA GAMIT KAHIT ISA.EWAN KO TALAGA SA’YO. (SFX: WHISTLE AND BOUNCING BALL-FAR) GABY: MARUNONG KA MAGLARO NG VOLLEYBALL? AMBER: MMM…MEDYO. PERO HINDI NAMAN AKO MASYADONG MAGALING. (SFX: CHEERING) (SUMIGAW NA RIN SI GABY) AMBER: ANO ‘YUN? GABY: MANOOD KA. SINA RUSELL NA ANG NAGLALARO! AMBER: MASYADO NAMAN PALANG SIKAT SI RUSELL DITO. GABY: OO NAMAN, HINDI LANG SA GWAPO, MATALINO PA! AMBER: TAHIMIK NAMAN. BAKIT KAYA SIYA GANOON. HINDI TALAGA SIYA NAGSASALITA? GABY: SILENT TYPE TALAGA YAN. HMPH! HAYAAN MO NA! MAG CHEER NA LANG TAYO!! (sumigaw) AMBER: SISIGAW KA KUNG KELAN TAPOS NA. GABY: BAKIT PARANG AANG DALI YATA? HOY PSST! SINO NANALO? PEOPLE: SILA RUSELL..!!
GABY: AY SINA RUSELL? (sumigaw) HOY AMBER! PANALO SINA RUSELL!! AMBER: NARINIG KO. (V/O: ALL GIRLS PLEASE PROCEED TO THE COURT) GABY: HOY! TAYO NA! AMBER: MAUNA KA NA. SUSUNOD NA LANG AKO. GABY: SUSUNOD KA HA? AMBER: OO. (SFX: BACKGROUND-MURMURING CROWD) AMBER: (whisper) ANG LAYO NAMAN NIYA DITO…. PARANG PAGOD NA PAGOD SIYA. NASAAN NA KAYA ANG NAGTITINDA DITO? AY! ATE! PABILI PO NG MINERAL WATER, ISA LANG PO. SALAMAT.. HMM.. TANGGAPIN NIYA KAYA ITO? HMFF. BAHALA NA. IPIPILIT KO ITO SA KANYA. (nang makarating sa kinauupuan ni Rusell) AMBER: O! RUSELL: ANO ‘YAN? AMBER: TUBIG! BAKIT ANO BA ‘TO. (hindi sumagot si Rusell) KUNIN MO NA. NAHIYA KA PA. BAHALA KA! BASTA IIWAN KO ‘TO DITO. BASTA SA’YO YAN! (umalis si Amber) RUSELL: ANG KULIT NG BABAENG ‘YUN! HINDI NAMAN AKO NAUUHAW. KUNIN KO NA NGA LANG. (SFX: BACKGROUND-CHEERING CROWD) GABY: AMBER, SAAN KA GALING? AMBER: MAY PINUNTAHAN LANG GABY: BILIS NA. MAG SSTART NA ANG LARO. (SFX: WHISTLE, BOUNCING BALL AND CROWD NOISE) MONIQUE: AMBER, KUNIN MO ANG BOLA. AMBER: OO. (LOUD BOUNCE OF BALL) (humihingal na si Amber) TEACHER: AMBER, ARE YOU OK? NAMUMUTLA KA. AMBER: PAGOD LANG PO SIGURO. TEACHER: MAGPAHINGA KA MUNA SIGURO. SIGE NA. PALITAN KA NA LANG NG IBA. AMBER: SIGE PO. (SFX: FOOTSTEPS ON GRASS, SLOW AND THEN BANG) ANDRE: AMBER, OK KA LANG? AMBER: (humihingal pa) OO, OK LANG AKO. ANDRE: DADALHIN KITA SA CLASSROOM. BUHATIN NA KITA. (pupunta sa classroom) ANDRE: NAUUHAW KA? NAGUGUTOM? BIBILHAN KITA NG PAGKAIN. AMBER: ANO KA BA ANDRE, MASYADO KA NAMANG NAG-AALALA. OK LANG AKO. PROMISE.
ANDRE: PERO HINDI KA OK PARA SA AKIN. NAMUMUTLA KA O! (RUNNING FOOTSTEPS) GABY: AMBER! (SHOUT) O! RUSELL? ANONG GINAGAWA MO DITO? RUSELL: PUPUNTAHAN KO SANA SI ANDRE. KAYA LANG KASAMA NIYA SI AMBER. PAKISABI NA LANG SA KANYA ‘YUNG NOTEBOOK KO. SIGE. (umalis si Rusell) GABY: AMBER, AMBER OK LANG? AMBER: OO NAMAN. OK LANG AKO. GABY: KINABAHAN AKO SA’YO KANINA. BIGLA KA NA LANG KASING NAMUTLA E. AMBER: NAMUMUTLA TALAGA AKO KAPAG NAPAPAGOD. PERO HINDI NA AKO PAGOD NGAYON. GABY: NGA PALA ANDRE, NASA LABAS KANINA SI RUSELL. PINAPASABI NGA YUNG NOTEBOOK NIYA RAW. ANDRE: NOTEBOOK? ANONG NOTEBOOK? ISINAULI KO NA ‘YON SA KANYA. GABY: GANUN BA. BAKA NAKALIMUTAN NIYANG NAISAULI MO NA. AMBER: OK NA AKO. BUMALIK NA TAYO SA COURT. ANDRE: SIGURADO KA? AMBER: OO, BAKA HANAPIN NA DIN TAYO NI MAAM. GABY TARA! GABY: SIGE! (SFX: MUSIC) TEACHER: COPY YOUR RESEACH WORK ON THE BOARD. AMBER: UY! GANDA NG SULAT A! NAHIYA NAMAN AKO SA SULAT KO.(SILENCE) HMMM.SINO BA PINAGMANAHAN MO NG HANDWRITING MO? MAMA MO O PAPA MO? (SILENCE) HINDI KA PA RIN KUMIKIBODIYAN? HAY NAKU! ANO BA ANG MAKAPAGBUBUKAS NG BIBIG MO? MMMM.. E KUNG KILITIIN KAYA KITA? RUSELL: AMBER TAMA NA! (nakikiliti) TUMIGIL KA NA! (SFX: BANG!) (natumbang upuan) TEACHER: WHAT’S THAT? RUSELL? RUSELL: A! NA OUT BALANCE LANG PO MAAM. SORRY PO. AMBER: SMILE (WITH MUSIC) RUSELL. AISH! SUMASAYA KA PA TALAGA? AMBER: MASAYA AKO KASI NARINIG KO ANG BOSES MO AT ‘YANG NGITI MO. ANG CUTE MO TALAGA ‘PAG NAKASMILE. UUY!! MAG-IISMILE PA ‘YAN. RUSELL: TIGILAN MO NGA AKO AMBER HA? AMBER: AYOKO NGA! HINDI AKO TITIGIL. RUSELL: ANG INGAY-INGAY MO. NAKAKAISTORBO KA NA SA IBA O! HINDI NA SILA NAKAKACONCENTRATE SA PAGSUSULAT DAHIL SA’YO PATI AKO. AMBER. AW. TITIGIL AKO PERO SA ISANG KONDISYON. RUSELL: AT ANO NAMAN ANG KONDISYON MO? AMBER: NGINGITI KA HANGGANG MAKALABAS TAYO SA ROO NA ‘TO. RUSELL: AT SINNG BALIW ANG PAPAYAG SA KONDISYON MO.
AMBER! A! (shout) RUSELL: OO NA OO NA. NGINGITI NA AKO HANGGANG MAKALABAS TAYO SA ROOM NA ITO. AMBER: OK NGITI NA. RUSELL: MMM. AMBER: AY! HINDI YAN PWEDE! RUSELL: (smile) GANITO GUSTO MO? AMBER: AYUN! (CLAP SOUND) ANG CUTE MO SA GANYAN. HINDI ‘YAN MAALIS HA? (silence) OOPS! MAG-IINGAY TALAGA AKO ‘PAG TUMIGIL KA. MAYON VOLCANO IS. . . (tumayo si rusell) RUSELL: TAPOS NA AKONG MAGSULAT. AMBER: PWEDE NA AKONG MAG-INGAY? RUSELL: (badtrip) SIGE,SIGE. HINTAYIN NA LANG KITA. AMBER: GOOD! RUSELL: SINASABAY MO TALAGA AKO SA KALOKOHAN MO. NAPAPAHIYA NA AKO. AMBER: OK LANG ‘YAN. AT LEAST NAEEXPERIENCE MO ANG MAPAHIYA. NAKAENJOY KAYA ANG GANUN. DAPAT LANG NA I-ENJOY MO ANG MOMENT NA ‘TO. RUSELL: OK. OK. DALIAN MO. AMBER: OK. (silence) HINDI KA MAN LANG BA MAGPAPASALAMAT SA AKIN? HINDI AKO NAG-INGAY! RUSELL: THANK YOU. BYE! AMBER: INGAT! BYE! (SFX: MUSIC) SA BAHAY.. AMBER: X7+3X2+X IS EQUAL--------(cellphone rings) HUH, SINO BA ‘TO? HELLO? ANDRE: HI AMBER. AMBER: A-ANDRE? ANDRE: OO SI ANDRE ‘TO? BUSY KA BA? AMBER: A.. NAG-AARAL KASI AKO SA ALGEBRA E. PWEDE MO AKONG TURUAN? NAHIHIRAPAN KASI AKO ANDRE: HINDI NAMAN AKO MAGALING DYAN. SI RUSEL.. SIYA NAG EXPERT DYAN. AMBER: GANUN BA? PWEDE BANG PAHINGI AKO NG NUMBER NIYA? ANDRE: SIGE. ITETEKS KO NA LANG SA’YO PARA MAKUHA MO. OK? AMBER: I-END KO NA ‘TO PARA MAITEKS MO NA SA AKIN ANG NUMBER NIYA. ANDRE: FREE KA BA . . . (SFX: TIT..TIT..TIT..) TATANUNNGIN KO SANA SIYA KUNG LIBRE SIYA MAMAYA.
(SFX: MESSAGE RING TONE) PAHINGI PO NG NUMBER NI RUSELL DESISIDO NGA TALAGA SIYANG MAG-ARAL. (SFX: MESSAGE RINGTONE) AMBER: TAGAL NIYA NAMAN SAGUTIN. ANO BANG GINAGAWA NUN? (call ringtone then stop) RUSELL: HELLO? AMBER: HOY RUSELL! RUSELL: AMBER? AMBER: UMM.. RUSELL: ALAM MO BANG NAKAKAISTURBO KA AT PINALABAS MO PA AKO NG LIBRARY? AMBER: PASENSYA NA. PWEDE MAGPATURO? RUSELL: SAAN MO NAKUHA ANG NUMBER KO? AMBER: KAY ANDRE. PWEDE PUMUNTA AKO DYAN SA LIBRARY, MAGPAPATURO LANG AKO SA ALGEBRA E. SABI NI ANDRE MAGALING KA DAW. RUSELL: DI PWEDE ANG MAINGAY DITO. AMBER. DI AKO MAG-IINGAY PROMISE! CROSS MY HEART. HOY! HOY! TEKA. WAG MU MO NANG IBABA.. RUSELL: BAKIT NA NAMAN? AMBER: DI KO ALAM KUNG SAAN ANG LIBRARY? RUSELL: (whisper) ANO BANG KLASENG ESTUDYANTE ‘TO. PAGDATING SA GATE, RIGHT KA THEN TAAS KA NG HAGDAN SA LEFT SIDE DOON ANG LIBRARY. AMBER: Eiiii..SUNDUIN MO AKO. RUSELL: ANG DALI-DALI LANG SUSUNDUIN PA KITA. AMBER: REMEMBER, TRANSFEREE AKO DITO. BAKA MAWALA AKO E. RUSELL: OK. 4 PM AMBER: 4.. SIGE. (SFX:TIT..TIT..TIT) THEN MUSIC AMBER: (tired voice) MATAGAL KA NA DITO? RUSELL: AYOS KA BA? NAMUMUTLA KA? AMBER: OK LANG AKO ( inhale then smile) NAPAGOD LANG, NAKALAGPAS KASI ‘YUNG JEEP NA SINAKYAN KO. SO I NEED TO RUN BAKA EWAN MO KO. RUSELL: SA TINGIN KO, DI MO KAKAYANING UMAKYAT. MAUPO KA NA LANG DUN SA BENCH AND I’LL GET THE BOOK FOR YOU. AMBER: SIGURADO KA? KAYA KO PA NAMAN. RUSELL: OO, UMUPO KA NA LANG DOON. AMBER: OK. I’LL WAIT FOR YOU HAH? (SFX: MUSIC)
(FOOTSTEPS) RUSELL: BUTI NA LANG NAKUHA KO AGAD ITONG LIBRO. AMBER: PAHIRAM( sound of book) MADALI LANG BA ‘TO? RUSELL: OO NAMAN. SINISIGURADO KO DI KA MAMUMUTLA DYAN. AMBER: SABI MO’YAN HAH. RUSELL: SIYA NGA PALA. HETO TUBIG. (SFX: CRACKLES OF PLASTIC BOTTLE) AMBER: IBIG MONG SABIHIN FRIENDS NA TAYO? RUSELL: (slight laugh) BINALIK KO LANG YUNG TUBIG NA BIGAY MO SA AKIN NUNG ISANG ARAW. NA TEMPT KASI AKONG INUMIN EH. AMBER: GANUN BA? Ok. (dumating si khate) KHATE: RUSTY! RUSELL: O! KHATE! KHATE: MAY KASAM KA PALA. RUSELL: OO, NEW CLASSMATE NAMIN. SAAN PUNTA MO? AMBER: RUSELL, WHAT IS THIS X..? RUSELL: AMBER, MAMAYA NA. MAY KAUSAP AKO. KHATE: MAGPAPASAMA SANA AKO SA’YO SA BOOKSTORE. I WANT TO BUY THE NEW BOOK OF D.P.HERNANDEZ RUSELL: SURE! AMBER IKAW NA BAHAA MAG SAULI NG LIBRO HAH? SASAMAHAN KO LANG SI KHATE. AMBER: PANU ‘YUNG TINUTURO MO? RUSELL: NEXT TIME OK.? AMBER: (whisper) MAS IMPORTATANTE PA SA KANYA ANG KHATE NA ‘YUN. IUUWI KO NA LANG ‘TONG LIBRO. (SFX: SOUND OF BOOKS AND BANG) AMBER: SORRY. SORRY PO. ANDRE: ITO NA MGA LIBRO MO? AMBER: ANDRE? SORRY DI KITA NAKITA. ANDRE: HI. SINADYA KO NAMAN NA BANGGAIN KA, HINDI KA KASI TUMITINGIN SA DINADAANAN MO E. AMBER: (smile) SANA NAGSALITA KA NA LANG. MARIRINIG KO NAMAN E. ANDRE: DAMI MO KASING DALANG LIBRO. IKAW LANG NAG-AARAL. AKALA KO BA MAGPAPATUTORE KA KAY RUS. AMBER: OO, PERO KASI MAY LUMAPIT KAY RUSELL NAGPAPASAMA BUMILI E, DI AYON INIWAN AKO. ANDRE: (laugh) A, ISA LANG NAMAN ANG DI NUN NATATAGIHAN SI KHATE, KABABATA NIYA. ITATRY KONG TURUAN KA KAHIT DI AKO KASINGGALING NI RUSELL.TARA, DOON TAYO SA CANTEEN. (SFX: FOOTSTEPS-FADEOUT)
(MUSIC THEN STUDENT’S MURMURING) TEACHER: QUIET!! (silence then noise) THOSE WHO ALREADY FINISH CAN LEAVE NOW THE ROOM. (SFX: CHATTERING, MOVING OF CHAIRS) AMBER: GABY, I’’L FOR YOU OUTSIDE. RUSELL: ILAN SCORE MO? AMBER: WHY ARE YOU INTERESTED WITH MY SCORE? RUSELL: SUNGIT! ALAM KO MABABA ‘YUN. AMBER: THEN. PORKE’T MATAAS ANG NAKUHA MO. RUSELL: PINAPAGAYA NA KASI KITA KANINA DAHIL NAKITA KO LAHAT NG SAGOT MO MALI. AYAW MONG GUMAYA. AMBER: AYOKO NGA. ANG GALING MO KASING MAGTURO. RUSELL: SA SUSUNOD KASI, SA AKIN KA MAGPATURO. AMBER: TAPOS, IIWAN MO AKO? WAG NA LANG. I CAN DO IT WITH MY OWN. MAGSAMA KAYO NG GF MO. RUSELL: ISA KA BA SA MGA ADMIRERS KO? AMBER: ANO? KAPAL DIN NAMAN NG MUKHA MO. RUSELL: ALAM MO BANG DI KO KINAKAUSAP ANG MGA NAGKAKACRUSH SA AKIN. AMBER: GABY! BAKIT ANG TAGAL MO? TARA NA! RUSELL: TAMA SIGURO ANG SINABI KO. (SFX: MUSIC) (Teacher’s talking) RUSELL: SAAN KAYA PUMUNTA ANG BABAENG ‘YUN AT WALA PA? HINDI NIYA BA ALAM NA MAY FINE ANG LATE COMER SA KLASENG ITO? TEACHER: RUSELL, WHAT CAN YOU SAY ABOUT OUR DISCUSSION? RUSELL: MAAM.. A.. NOTHING MAAM. TEACHER: YOU’RE NOT PAYING ATTENTION MR. GARCIA. RUSELL: SORRY MAAM. I CAN’T HEAR WHAT YOU’RE TALKING. TEACHER: THEN, I THINK I NEED TO REPEAT WHAT I’M SAYING. RUSELL: (cracking sound) KASALANAN MO ‘TO AMBER! HINDI TULOY AKO NAKSAGOT SA TANONG NI MAAM. (SFX: MUSIC) RUSELL: (calling amber) ANG TAGAL SAGUTIN! (after a minute Amber answer the phone) HOY AMBER, BAKIT DI KA PUMASOK? AMBER: (sounds tired) AYAW MO NIYAN WALA KANG KATABI? OK. BYE! RUSELL: WAIT! ANO KAYANG PROBLEMA NUN BAKIT MATAMLAY ANG BOSES NIYA?
(SFX: MUSIC) (the next day, sinundo pa ni Rusell si Amber sa bahay nito) AMBER: O! RUSELL! ANONG GINAGAWA MO DITO? RUSELL: SINUSUNDO KA? AMBER: AT BAKIT MO NAMAN AKO NAISIPANG SUNDUIN? RUSELL: MATAMLAY KA. NAG-AALALA AKO SA’YO. AMBER: MARUNONG KA PALANG MAG-ALALA. WALA AKONG SAKIT O! TINGNAN MO. BAKA MAGSELOS SI KHATE NYAN? RUSELL: SELOS? MAGKAIBIGAN LANG KAMI NI KHATE? AMBER: NANANANA..NANA..NANA.. RUSELL: O, BAKIT TILA SUMAYA KA ATA. HINDI PORKET NALAMAN MONG FRIENDS LANG KAMI NI KHATE E. AMBER: BAKIT BAWAL BA MAGING MASAYA AT KUNG MASAYA AKO HINDI IKAW ANG DAHILAN. YIKES! (pagdating sa school) (SFX: BELL RINGS, PEOPLE CHATERRING) AMBER: O! BAKIT GANYAN KA MAKATITIG SA AKIN. MASYADO BA AKONG MAGANDA? RUSELL: NAMUMUTLA KA KASI. PARANG MAY SAKIT KA? AMBER: DI KA NA NASANAY SA PAMUMUTLA KO. STRESS LANG SIGURO ‘YAN SA DAMI BA NAMAN NG REQUIREMENTS NATIN. O TARA NA! (SFX: RUNNING FOOTSTEPS THEN STOP)
AMBER: HOY! DI BA SIYA SI KHATE. KHATE: OO, AKO NGA. HI RUSTY! RUSELL: HELLO KHATE. KHATE: MALAPIT NA ANG BIRTHDAY KO RUSTY. REMEMBER. I’M PLANNING TO HAVE AN OVERNIGHT CAMPING. PLEASE JOIN HAH? AND ALSO YOU, AMBER RIGHT? RUSELL: OK. KHATE: I’LL GO. SEE YOU. (nang makaalis si khate) AMBER: (happy voice) CAMPING DAW SA BUNDOK? RUSELL: OO. AMBER: UY! SAMA AKO HAH! KHATE TOLD ME TO JOIN. RUSELL: HINDI AKO INTERESADO (SFX: FOOTSTEPS)
AMBER: I WILL JOIN. BAHALA KA SASAMA KAMI NI ANDRE. RUSELL: GUSTO MO SUMAMA BAKA MAMAYA HIMATAYIN KA PA.. AMBER: HINDI NAMAN AKO MAGPAPAGOD EH AT HINDI AKO MAGPAPAHIMATAY. RUSELL: OK. SASAMA NA AKO AMBER: YES! TAYO NA! LATE NA NAMAN TAYO! (SFX: MUSIC) TEACHER: SO CLASS GO TO YOUR RESPECTIVE GROUPS AND TALK ABOUT YOUR PROJECT ANDRE: AMBER, NAMUMUTLA KA NA NAMAN? ARE YOU OK? AMBER: OO NAMAN. PUNTA LANG AKONG CR BAKA DALA LANG ‘TO NG MASYADONG INIT. ANDRE: SAMAHAN NA KITA. HINTAYIN NA LANG KITA SA LABAS. AMBER: HINDI KAYA KO NA ANG SARILI KO. (maya-maya) (SFX: SUSPENSE SOUND) ANDRE: ANO ‘TO? UMIINOM NITO SI AMBER? (SFX: RUNNING FOOTSTEOS) AMBER: MAY NAKITA KA BA SA UPUAN KO? ANDRE: ITO? AMBER: IYAN NGA. AKIN NA. SALAMAT. ANDRE: SIGURO ALAM NI RUSELL KUNG PARA SAAN ANG GAMOT NA ‘YON. RUSELL! RUSELL: O! ANDRE: PARA SAAN ANG GAMOT NA RUSELL: SA PAGKAKAALAM KO SA LEUKEMIA ‘YAN. BAKIT MO NATANONG? ANDRE: WALA, CURIOUS LANG AKO. SIGE. SALAMAT. (SFX: DOOR CREAKING-CLOSE) AMBER: O, ANDRE! KANINA KA PA DYAN? SINUNDO MO TALAGA AKO DIT. UWIAN NA BA? ANDRE: HINDI NAMAN. AMBER: O, TARA NA SA ROOM. BAKA IWAN PA ‘YUNG MGA BAG NATIN DUN. ANDRE: AMBER SANDALI! AMBER: BAKIT? ANDRE: PWEDE BANG PAHAWAK NG KAMAY MO? AMININ MO SA AKIN. MAY SAKIT KA? AMBER: A-ANO? (bunting-hininga) ANDRE: LEUKEMIA DI BA? NAKITA KO KASI ‘YUNG GAMOT SA UPUAN MO. ITINANONG KO KAY RUSELL KUNG PARA SAAN ANG GAMOT NA IYON. ANG SABI NIYA, GAMOT DAW ‘YUN SA LEUKEMIA. AMBER: HAH! (panic) SINABI MO SA KANYA? ANDRE: HINDI. AMBER: I-PROMISE MO SA AKIN WALA KANG PAGSASABIHAN LALONG LALO NA SI RUSELL. OO, MAY LEUKEMIA AKO,MAY TANING NA ANG BUHAY KO.
(SFX: SUSPENSE THEN MELLOW SOUND) (silence) ANDRE: KAILAN PA? , SIGE PROMISE WALA AKONG PAGSASABIHAN LALO NA SI RUSELL. AMBER, SI RUSELL? AMBER: R-RUSELL.. KANINA KA PA DYAN? RUSELL: DINALA KO NA PALA ANG MGA GAMIT NIYO. UMALIS NA KASI KAMI SA ROOM E. ALIS NA KO. PASENSYA NA SA ISTORBO. ANDRE: SALAMAT PARE! AMBER: RUSELL SANDALI. KUNG ANO MAN ANG INIISIP MALI ‘YUN. RUSELL: HAH? WALA NAMAN AKONG SINASABI A! TSAKA ANO NAMAN KARAPATAN KO PARA MAG REACT. SIGE MAUNA NA KO. AMBER: RUSELL (whisper) (SFX: MUSIC) (chair moving, noise) RUSELL: AMBER! UWI KA NA? AMBER: OO, UMM.. (tired and soft voice) RUSELL: PWEE BANAG SUMABAY? AMBER: UMM. SIGE. PERO MAGKAIBA ANG DIREKSYON NG MGA BAHAY NATIN A DI BA? RUSELL: OO.. PERO.. BASTA.. AMBER: SANA ‘WAG MONG LAGYAN NG MALISYA ANG NAKITA MO KAHAPON. RUSELL: BAKIT KAYO NA BA NI ANDRE? AMBER: HINDI A! FRIEND LANG KAMI. RUSELL: E TAYO, ANO BA TAYO? (silence for a few moments) AMBER: DAPAT BA PANG ITANONG ‘YAN? BAKIT HINDI BA TAYO MAGKAIBIGAN? RUSELL: SO.. MAGKAIBIGAN PALA TAYO? AMBER: OO NAMAN. BAKIT ANONG GUSTO MO? RUSELL: WALA. NGA PALA. BUKAS NA ANG BIRTHDAY CAMPING NI KHATE. AMBER: OO NGA PALA? EXCITED NA AKO. RUSELL: NANDITO NA TAYO SA BAHAY MO. PUMASOK KA NA. AMBER: INGAT KA SA PAG-UWI MO. RUSELL: SIGE. (pumasok na si amber) AMBER: (soft and crying voice) KUNG ALAM MO LANG RUSELL, KUNG ALAM MO LANG.
(SFX:MUSIC) (BEEP.. BEEP.-VEHICLE SOUND) KHATE: RUSELL!
RUSELL: O, KHATE? KHATE: KANINA PA NAKAKUNOT ANG NOO MO? MAY PROBLEMA BA? RUSELL: HINDI KO KASI MAKONTAK SI AMBER. KHATE: DARATING ‘YUN. PUMASOK NA TAYO SA VAN. RUSELL: OK. KHATE: WE’RE READY TO GO! NANDOON NA DAW SA WHITE NA VAN SI AMBER KASAMA SI ANDRE. MOM JUST TEXTED ME ALREADY. AALIS NA TAYO! (STARTING ENGINE) (CELLPHONE MESSAGE ALERT) (DIAL TONE) RUSELL: AMBER, MAGREPLY KA NAMAN SA TEXT KO. AMBER: OK LANG KAMI DITO, KASAMA KO SI ANDRE, IKAW INGAT. RUSELL: OK. IKAW DIN. KHATE: O! ANO BANG SINABI SA’YO NI AMBER? RUSELL: NANDUN DAW SILA SA WHITE VAN. OK. I’LL JUST TAKE A NAP. (yawn) (ENGINE-FADEOUT) RUSELL: AMBER! AMBER: O! RUSELL! RUSELL: NASAAN NA ‘YONG MGA DALA MO? ANDRE: SAAN BA ILALAGAY ANG MGA GAMIT NA ‘TO? RUSELL: A, BINITBIT NA PALA NI ANDRE, MAUNA NA AKO. AMBER: (whisper) KUNG ALAM MO LANG. (MUSIC) (KNOCK AT THE DOOR) AMBER: ANDRE! ANDRE: OKEY KA LANG BA DITO? AMBER: OO NAMAN. ANDRE: KUNG KAILANGAN MO NG TULONG, TEXT MO LANG AKO HA? O KAYA, KUMATOK KA LANG SA PINTO NG KWARTO KO. SA KABILA LANG NAMAN YUN. AMBER: OKEY. ANDRE: ALIS NA AKO. AMBER: MMM. ANDRE: (FOOTSTEPS) NGA PALA. UMINOM KA NA BA NG GAMOT MO? AMBER:OO NA. ANDRE: BUTI NAMAN. KITA NA ALNG TAYO MAMAYA E. (FADING FOOTSTEPS) (KNOCK AGAIN)
RUSSELL: (MAHINA ANG BOSES.) AMBER, NANDIYAN KA PA BA? AMBER: (PASIGAW) OO. ANO KA BA ANDRE! MASYADO KA NAMNANG NAG-AALALA. SABI NANG OK AKO E. (DOOR CREAKS-OPEN) HUH?NASAAN NA BA ANG ANDRE NA ‘YUN? HMFF. BINIBIRO LANG SIGURO AKO? (DOOR CLOSES) ALL: CAMPFIRE’S BURNING… CAMPFIRE’S BURNING… GROW DIMMER 2X.. IN THE GLOWING 2X.. COME SING AND BE MERRY.. (REPEAT BUT THIS TIME, BY NA LANG) AMBER: BAKIT GANUN SI RUSELL? ANDRE: BAKIT? AMBER: NGININGITIAN KO.. NGUMINGITI NAMAN PERO TIPID. HINDI NAMAN GANYAN ANG MGA NGITI NIYA SA AKIN NITONG NAKARAAN E. NGAYON LANG NAMAN. ANDRE: BAKA NAIINIS NA KATABI NA NAMAN NIYA SI KHATE. AMBER: HINDI BA MAGKAKABATA SILA? BAKIT NAMAN SIYA MAIINIS KAY KHATE? ANDRE: MASYADO KASING NAGPAPAHALATA NA MAY GUSTO SIYA KAY RUSELL. MUKHANG IBA NAMAN ANG GUSTO NI RUSELL. AMBER: GANUN BA? ANDRE: KAYA IKAW, KUNG GUSTO MO AKO SABIHIN MO LANG. BAKA MAY MAGUSTUHAN AKONG IBA. AMBER: IKAW TALAGA KAHIT ANONG PINAGSASABI O! ANDRE: (laugh) AMBER: O! BAKIT NA YUN UMALIS? ANDRE: SANDALI LANG AT SUSUNDAN KO. AMBER: SASAMA AKO! ANDRE: HUWAG NA. DIYAN KA NA LANG. (WALKING FOOTSTEPS) (NOISE OF FLOWING WATER) ANDRE: RUSELL!! RUSELL: PARE! ANDRE: ANONG GINAGAWA MO DITO? RUSELL: GUSTO KO LANG MAPAG-ISA. ANDRE: RUSELL…MAY GUSTO LANG AKONG ITANONG SAYO? (KALUSKOS NG DAMO) ANDRE: ANO ‘YUN? ANDRE: KAYO NA BA NI AMBER? RUSELL: (pagak na tawa) BAKIT MO NAITANONG? AMBER: IBANG KLASE KASI ANG MGA TITIG MO KAY AMBER KANINA E. RUSELL: IBANG KLASE BA? (tawa) PARE, WALANG MALISYA ‘YUN. PARANG MAGBESTFRIEND NA NGA KAMI NI AMBER E.
ANDRE: IBIG SABIHIN… WALA AKONG DAPAT ISIPIN KUNG LIGAWAN KO MAN SIYA? RUSELL: (alanganin) A…-SIGURO. WALA BA SIYANG BOYFRIEND? ANDRE: SA TINGIN KO WALA NAMAN BUKOD SA AKIN, DI BA IKAW LANG NAMAN ANG LAGI NIYANG KASAMA DIBA? RUSELL: UM..O-OO. ANDRE: KUNG GANUN MAY PAG-ASA PALA AKO.(TAPIK SOUND)SALAMAT PARE HA? RUSELL: SIGE, GOODLUCK! (whisper)SIGURO NGA SI ANDRE ANG GUSTO MO AT HINDI AKO. (KALUSKOS NG DAMO THE FOOTSTEPS PALAYO) AMBER: NANA..NANA..NANA.. HUH DIS ORAS NA NG GABI WALA PA RIN SI RUSELL ANO KAYANG GINAGAWA NUN? (DOOR CLOSES) RUSELL: (lonely voice) O! ANONG GINAGAWA MO DITO GABI NA A! DAPAT TULOG KA NA? AMBER: HINDI BA’T AKO ANG DAPAT MAGTANONG SA’YO PATABI NGA? (silence) ANO BANG GINAGAWA MO DITO? BAKIT HINDI KA PA PAUMUNTA SA KWARTO MO? RUSELL: MARAMI AKONG INIISIP. AMBER: MMM..GAYA NG? RUSELL: MMM. BASTA! HUWAG MO NANG ALAMIN. AMBER: BAKIT AYAW MONG SABIHIN? SIGURO LOVELIFE YAN ANO(silence) BAKIT BA KASI AYAW MO KAY KHATE? PERFECT NA ‘YUN. RUSELL: BASTA. AMBER: SIGURO MAY IBA KANG GUSTO ANO? DALI! SHARE MO SA AKIN. RUSELL: MAKINIG KA HA? AMBER: OO NAMAN. IMEMEMORIZE KO PA ANG KWENTO MO E. KWENTO NA! RUSELL: GANITO KASI. INLOVE AKO KAY… G. AMBER: SINONG G? GABY? O MY GOD! RUSELL: G AS IN GIRL. AMBER: A. . . OK SIGE .. CONTINUE. RUSELL: EH KASO DI NAMAN SIYA INLOVE SA AKIN. INLOVE SIYA SA BEST FRIEND KO. AMBER: HAH/ KAY ANDRE (loud) RUSELL: SHSSSH.. TAPOS ‘YUN. WALA AKONG MAGAWA. E SA INLOVE SIYA SA BESTFRIEND KO. AMBER: SINO BANG BABAENG ‘YAN AT SUSUNTUKIN KO? (silence) O! BAKIT KA NAKATITIG SA AKIN? RUSELL: WALA. NAKIKITA KO LANG KASI SIYA SAYO EH. AMBER: SABIHIN MO LANG SA AKIN KUNG SINO SIYA AT UUPAKAN KO ‘YUN. RUSELL: WAG NA AYOKONG MASAKTAN ‘YUN! AMBER: OO NGA PALA. . . PERO ALAM BA NI ANDRE ANG TUNGKOL DUN? RUSELL: MALAY KO. SIGURO (yawn) MABUTI PA PUMASOK NA TAYO. INAANTOK NA KASI AKO E AMBER: AKO NGA RIN E. TARA NA! RUSELL: PAUNAHAN? AMBER: SURE! RUSELL: SIGE GANITO. . MAGBIBILANG AKO NG 1, 2, 3, TAPOS PAG 3 TAKBO NA OK? AMBER: OK. RUSELL: 1, 2, 3!
(FAST FOOTSTEPS WITH NATURE BACKGROUND) AMBER: RUSELL, HINTAYIN MO KO! RUSELL: AYOKO NGA! HUMABOL KA! AMBER: HINTAYIN MO AKO RUSELL. RUSELL: HUMABOL KA NGA! AMBER: ANG DAYA MO! RUSELL: (tawa) YES! PANALO AKO! AMBER: (hingal) ANG DAYA MO TALAGA! INIWAN MO AKO E. RUSELL: SSHHHH. . .ANG INGAY MO.TULOG NA SILA AMBER: (with hands on mouth) ALISIN MONG KAMAY MO. DI AKO MAKAHINGA.(hingal) RUSELL: OK KA LANG? AMBER: OK LANG AKO. (natatawa) NAKAKAPAGOD! RUSELL: ANG MABUTI PA MAGPAHINGA KA NA. PAGOD KA NA O. AMBER: SIGURO NGA, DAPAT NA AKONG MAGPAHINGA. SIGE MATUTULOG NA AKO. GOOD NIGHT! RUSELL: GOOD NIGHT. I LOVE YOU (whisper) (DOOR OPENS THEN CLOSE) AMBER: HAY ANG SAMA NG PAKIRAMDAM KO. SIGURO NAPAGOD LANG AKO. . . MABUTI PA ITULOG KO NA LANG ‘TO. (nanghihina) AAA. . NASAAN BA CELLPHONE KO? (DIAL TONE THEN CP RINGS) ANDRE: (sa kabilang linya) AMBER, GISING KA PA? AMBER: ANDRE. . ANDRE: AMBER, MASAMA ANG PAKIRAMDAM MO? (taranta) SANDALI LANG. PUPUNTAHAN KITA HA? (TIT. .TIT. .TIT. .) (BIGLANG BUKAS)\ ANDRE: AMBER! (biglang sara) AMBER: NANGHIHINA AKO. ANDRE: HA UMINOM KA NA NG GAMOT MO? BAKA KAILANGAN KA NG DALHIN SA OSPITAL. AMBER: OO NA KAKAINOM KO PA LANG. HUWAG NA, MALAYO ANG OSPITAL DITO. ANDRE: PERO? AMBER: PLEASE? ANDRE: SIGE, BABANTAYAN NA LANG KITA? AMBER: SALAMAT ANDRE, MAY PAKIUSAP SANA AKO SA’YO. ANDRE: ANO ‘YUN? AMBER: AYOKO KO SANANG MALAMAN NI RUSELL ANG NANGYARI SA AKIN TIYAK MAGAALALA ‘YUN. (silence) ANDRE: SIGE. (KNOCK AT THE DOOR) RUSELL: AMBER GISING KA NA?
KHATE: WALA NA DIYAN SI AMBER. MAAGA SIYANG UMALIS KASAMA SI ANDRE. RUSELL: (whisper) HINDI MAN LANG NAGPAALAM SA AKIN. ALAM MO BA KUNG SAAN PUPUNTA? KHATE: BAKIT BA KASI MASYADO KAYONG CONCERN SA BABENG ‘YUN. DI HAMAK NAMAN NA MAS MAGANDA AKO DUN. RUSELL: EXCUSE ME. KHATE: AALIS KA. KINAKAUSAP PA KITA. AMININ MO NGA SA AKIN. IN LOVE KA DIN BA SA AMBER NA ‘YUN? RUSELL: I’ll BETTER GO. WALANG NG SILBI ANG CAMPING NA ‘TO. (MUSIC FADEOUT) ANDRE: O! AYAN NA YUNG GAMOT MO. AMBER: SALAMT ANDRE HA? ANDRE: SIGURADO KANG DI KA MAGPAPACHECK UP? AMBER: HUWAG NA. YUN NA YUN DIN LANG NAMAN ANG SINASABI NG DOKTOR E. NASASAWA NA AKO. (RINGTONE) RUSELL: (sa kabilang linya) O! UMALIS NA PALA KAYO! AMBER: A. . OO. PASENSIYA NA. TULOG KA PA KAIS KAYA HINDI NA KAMI NAKAPAGPAALAM. PAUWI KA NA? RUSELL: OO. OK. MATUTULOG NA AKO HA? BYE. (TIT..TIT..TIT) AMBER: MAY PROBLEMA SIGURO ‘YUN? ANDRE: AMBER… PWEDE BANG MAGATANONG? AMBER: ANO YUN? ANDRE: PWEDE BANG MAGING GIRLFRIEND KITA? AMBER: HA? MAGING GIRLFRIEND AKO? ANO NA NAMAN BANG NASA ISIP MO ANDRE? ANDRE: GUSTO KITA KAYA GUSTO KITANG MAGING GIRLFRIEND. AMBER: ANDRE. . FRIENDS TAYO DI BA? HANGGANG DOON LANG YUN. ANDRE: DAHIL BA SI RUSELL NG GUSTO MO? (silence) BAKIT DI MO SABIHIN SA KANYA? MUKHANG GUSTO KA SIGURO NGA SI ANDRE ANG GUSTO RIN NAMAN NIYA E. AMBER: (seryoso) HINDI PWEDE AYOKONG PUMASOK SA ISANG RELASYONG WALA NAMANG PATUTUNGUHAN. ANDRE: PAANO MO NAMN NASABING WALANG PATUTUNGUHAN? HALATA NAMAN NA PAREHO NIYONG GUSTO ANG ISA'T ’SA, DI BA? AMBER: (bunting-hininga) BASTA! AYOKONG MAKASAKIT NG DAMDAMIN NG IBA. TAMA NA NGA. NAKAKAINIS NA ANG EMOTE NATIN E! (tawa) PASYAL NA MUNA TAYO! ANDRE: SIGE. (PEOPLE CHATERRING) ANDRE: RUSELL! RUSELL: O! HINDI MO KASAMA SI AMBER? ANDRE: HINDI. AMININ MO SA AKIN. MAHAL MO BA SI AMBER?
RUSELL: O-OO. PERO.. KAIBIGAN LANG ANG TURING NIYA SA AKIN. ANDRE: ALAM MO BANG BINUSTED NIYA AKO DAHIL SA’YO? RUSELL: HA? ANDRE: KAYA KUNG AKO SAYO, KUMILOS KA AN. SABIHAN MO NA ANG TOTOO MONG NARARAMDAMAN. RUSELL: SI-SIGURADO KA? ANDRE: OO. SIGE NA. RUSELL: SALAMAT PARE HA! (MUSIC) AMBER: ANO BA YANG SINUSUKSOK MO SA LIBRO KO? (binasa) I’M IN LOVE WITH YOU? CAN YOU BE MY GIRLFRIEND? HUH? SA AKIN? RUSELL: OO SAYO. ANONG SAGOT MO? AMBER: (sulat sa papel) HINDI PWEDE. RUSELL: HINDI PWEDE? BAKIT? AMBER: FRIENDS TAYO DI BA? RUSELL: PERO GUSTO MO RIN AKO DI BA? DI BA? TEACHER: YOU TWO AT THE THIRD ROW! STOP TALKING! RUSELL: YES MAAM. (NOISE, CHAIR MOVING) RUSELL: AMBER, SANDALI! AMBER: RUSELL.. KASI.. RUSELL: UUWI KA NA BA? HATID NA KITA. AMBER: HUWAG NA, SABAY NA KAMI NI ANDRE. UMUWI KA NA. RUSELL: SO, ANONG SAGOT MO? AMBER: AYOKO KO. (MUSIC THEN MURMURING CLASS)
RUSELL: ABSENT SI AMBER? (silence) HAYUN PALA SA TAI NI ANDRE. ANG SAYA NAMN NILA. . AKAL KO BA AKO ANG GUSTO NI AMBER TAPOS KAY ANDRE NAMAN SIYA LAGING NAKADIKIT. HAY SIGURADO BA SI ANDRE NA AKO ANG GUSTO NI AMBER. (MUSIC-SUSTAIN) ANDRE: O! HAYUN NA PALA SI RUSELL> BALIK KA NA SA UPUAN MO. AMBER: (INHALE-DEEP BREATH) ANDRE: O! BAKIT? AMBER: ANDRE, PARANG AYOKO KO NANG TUMABI SA KANYA. ANDRE: HA? BAKIT NAMAN?
AMBER: PAANO PAG NAWALA AKO? AYOKO KO SIYANG IWAN NA MALUNGKOT. AMBER, ANONG PINAGSASABI MO? SIGE NA. TUMABI KA NA SA KANYA. (CLASSROOM NOISE) RUSELL: AMBER. – AMBER: ANDRE SANDALI! (RUNNING FOOTSTEPS) SABAY NA TAYONG UMUWI. ANDRE: H-HA? S-SIGE. PERO ALISIN MO MUNA’YANG KAMAY MO SA BRASO KO. BAKA MAGSELOS SI RUSELL. AMBER: AYOKO. TARA NA! DALI! AALISIN KO ANG KAMAY KO PAG MALAYO NA TAYO SA KANYA. ANDRE: HINDI ITO ANG NAKAPAGPAPASAYA SAYO DI BA? AMBER: HINDI. ANDRE: GANUN? BAKIT MO GINAGAWA? AMBER: MAS MALUNGKOT AKO KAPAG INIWAN KO SIYANG MALUNGKOT. ANDRE: AMBER, HINDI KA PA MAMAMATAY. OK? KAYA HUWAG KANG MAGSALITA NA PARANG MADALI NA ANG BUHAY MO? AMBER: PERO.. PERO LIMITADO NA ANG ARAW KO SA MUNDO. ANDRE: ANO? AMBER: KAHIT ANONG ORAS PWEDE NA AKONG KUNIN NG DIYOS? ANDRE: PERO… GAGALING KA PA DI BA? AMBER: MALALA NA ANG KONDISYON KO. KAYA HNDI NA AKO MAGTATAGAL. TANGGAP KO NA IYON (crying) ANDRE: HINDI. (SAD INSTRUMENTAL MUSIC) SUMUNOD NA ARAW RUSELL: WALA NA NAMAN SIYA SA UPUAN NIYA. HUH? DI NIYA NAMAN KASAMA SI ANDRE? ANDRE, NASAAN SI AMBER? ANDRE: A.. ANG ALAM KO NAG-AASIKASO NA SIYA NG MGA PAPELES. LLIPAT NA KASI SILA SA AMERICA. RUSELL: GANUN BA? BAKIT HINDI MAN LANG SIYA NAGTETEKS SA AKIN? ANDRE: BUSY SIGURO. RUSELL: (sad) GANUN BA. SIGE SALAMAT. (KNOCK AT THE DOOR) AMBER: (matamlay) ANDRE.. GABY.. MABUTI NAMAN AT NAPADALAW KAYO DITO SA OSPITAL. GABY: OO NAMAN. DINALHAN NGA KITA NG MANGO SHAKE O! DI BA PABORITO MO ‘TO? AMBER: MARAMING SALAMAT SA INYO. GABY: E. SI RUSELL? HINDI MO BA BIBIGYAN NG PAGKAKATAON NA MAKITA KA? IPAALAM NA KAYA NATIN SA KANYA ANG TUNGOL SA KALAGAYAN MO. ALAM MO LAGI KA NIYANG HINAHANAP SA AMIN. KONTODO NAMAN KAMI SA SINUNGALING. AMBER: HAYAAN NIYO NA YUN. AYOKONG MASAKTAN DIN SIYA SA PAGKAWALA KO. ANDRE: SIGURADO NA BA TALAGA ANG MGA DOKTOR? BAKA NAGKAKAMALI SILA.
AMBER: HINDI. . NARARAMDAMAN KO NA E. BASTA IPANGAKO NIYO SA AKIN NA KAPAG WALA NA AKO, WALA KAYONG IBANG SASABIHIN SA KANYA KUNDI NAG-MIGRATE NA AKO SA AMERICA. IPROMISE NIYO SA AKIN GABY: PROMISE. ANDRE: PROMISE. AMBER: MALAKI ANG PASASALAMAT KO AT NANDIYAN KAYO. (SILENCE) ANDRE: AMBER? (GABBY IS CRYING) AMBER, GUMISING KA! AMBER! DOC. NURSE! DOC! (SOUND OF FALLING PULSE) (UNDER CLASSROOM NOISE) RUSELL: ANDRE, GABY.. SI AMBER HINDI PA BA SIYA PAPASOK? GABY: (sad) NAG-MIGRATE NA SILA. ANDRE: WALA NA SIYA. GABY: ANDRE!!! ANDRE: ALM KO NANGAKO AKO SA KANYA. PERO HINDI DAPAT ITAGO ANG KATOTOHANAN SA TAONG MAHAL NIYA, RUSELL: ANONG IBIG MONG SABIHIN?HINDI KO KAYO MAINTINDIHAN! ANDRE: RUS. MAHAL NA MAHAL KA NI AMBER PERO HINDI NIYA NAGAWANG SABIHIN SA’YO ANG LAHAT DAHIL ALAM NIYA ANG MANGYAYARI SA BUHAY NIYA. RUSELL: HAA? ANONG IBIG NIYONG SABIHIN? GABY: WALA NA SI AMBER. PATAY NA SIYA.PASENSYA NA KONG ITINAGO NAMIN. YUN KASI ANG HILING NIYA SA AMIN. AYAW NIYANG MASAKTAN KA. RUSELL: (sobs) SAAN SIYA NGAYON? SAAN? (SHOUT!) (SAD INSTRUMENTAL SONG) RUSELL: (umiiyak) AMBER, NASAAN KA MAN NGAYON.. GUSTO KONG MALAMAN MO NA MAHAL NA MAHAL KITA! I LOVE YOU!! (SAD INSTRUMENTAL SONG-FADEOUT!)
BICOL UNIVERSITY
COLLEGE OF ARTS AND LETTERS DEPARTMENT OF PRINT AND BROADCAST MEDIA LEGAZPI CITY
HERNANDEZ, DOMINIC P. AYCOCHO MYLA DERI ARCHEL ALEJO, JOYCE ANN CANO, NAOMI BEATO, CHRISTIAN
BORRERO, ANGELIE MALAGUENO, EDGAR TUZON, CHERYLIN BOTON, REYNALDO BONGON, VINCENT GUILLERMO, RAIGIN
SUBMITTED TO: HENRY MACEDA PROFESSOR, RADIO PRODUCTION AND DIRECTION
View more...
Comments