Doce Pares Sa Kaharian Ng Francia

January 5, 2019 | Author: jasper_cacbay | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Doce Pares Sa Kaharian Ng Francia...

Description

 Noong unang panahon, nang ang Herusalem ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Patriyarka Aaron, ang mga taga-roon ay tumanggap ng balitang sasalakayin sila ng mga morong taga-Zaragosa. Nagpadala agad ng sulat si Patriyarka Aaron kay Emperador  Carlo Magno ng Francia. Humingi siya ng tulong. Hindi nag-aksaya ng panahon si Carlo Magno, pinaghanda niya ang kanyang mga kawal at ang mga matatapang na Pares at sila’y naglakbay patungong Herusalem. Ang mga nagsisipaglakbay ay naligaw. Tatlong buwan sa paglalakbay nang malaman ito ni Carlo Magno. Kaya nagsidalangin sila sa Diyos upang ituro sa kanila ang landas. Maraming mga ibon ang naglabasan at nag-awitan. Sa pamamagitan ng mga awit ay nalaman nila na pinasusunod sila kaya’t natunton nila ang landas patungong Herusalem.  Nang sila’y dumating sa Herusalem ay nalaman nilang a ng bayan ay nasalakay ng mga moro. Pininsala ang simbahan at pinagkukuha ang mga relikya. Ang mga taong  bayan ay pinagpapatay at si Aaron kasama ang mga nalabing kawal ay piniit. Gayon na lamang ang pagkahambal ni Carlo Magno. Nagpadala siya ng mga kawal sa Zaragosa at ipinasabi sa pinuno ng mga moro na palayain si Aaron pati ang mga kawal nito, isauli ang kanilang mga ninakaw at sila’y magpabinyag. Kung hindi ay dirigmain sila ng mga kawal Kristiano. Nagkaroon ng madugong labanan sapagkat hindi sumusunod ang mga moro sa mga utos ni Carlo Magno. Nagtagumpay si Carlo Magno at muling nabalik sa kapangyarihan si Aaron. Inihandog ni Aaron kay Carlo Magno ang korona ni Kristo bilang pagtanaw ng utang ng loob.  Nanumbalik ang katahimikan ng Herusalem at tatlong taong hindi sila ginambala ng mga kaaway. Isang araw ay nabalitaan na naman ni Carlo Magno na muling sinalakay ang Herusalem sa pamumuno ni Fierabras, isang morong kilabot sa digmaan. Ang hukbo nito ay naminsala sa mga templo, pinatay ang Papa at tinangay ang mga elikya sa Turkiya. Hindi matahimik si Emperador Carlo Magno mula nang makarating sa kanya ang  balita. Gayon na lamang ang kanyang pagdaramdam. Kaya’t noon din ay iniutos niyang salakayin ang Roma sapagkat doon nagtayo ng isang pamahalaan ang mga moro.  Nag-alala ang mga pares na baka hindi na nila maabutan si Fierabras at masayang lamang ang kanilang pagod, sa gayon ay nagpadala na lamang sila ng embahador. Napili si Gui ng Borgonya. Ang presidente ng Roma ang nakausap nito kaya’t ipinagpaliban muna ang unawaan sapagkat wala si Fierabras. Nang papaalis na si Gui ay nasalubong niya sa daan ang magandang anak ni Balan na si Floripes. Sa pagtatama ng kanilang tingin ay sumibol sa kanilang puso ang pag-ibig.  Nagalit si Carlo Magno nang bumalik sa Francia si Gui. Siya’y pinabalik na may kasamang tatlumpung libong kawal. Bago sila pumasok sa Roma ay nagpasabi si Gui na kung hindi lilisanin ng mga moro ang Roma at isasauli ang kanilang mga ninakaw ay didigmain sila ng hukbong taga-Francia. Tinanggihan ng mga Moro ang nais mangyari ni Gui kaya’t ang mga kawal niya’y sumalakay. Namangha si Gui nang makita na ang

namumuno sa pangkat ng mga kaaway ay si Floripes. Hindi na ipinagpatuloy ni Gui ang  pagsalakay. Gayon na lamang ang galit ni Carlo Magno nang malaman ang nangyari. Si Roldan ang pinili niyang mamuno sa mga pares na lulusob sa Roma. Nang mabalitaan naman ito ni Balan ay inutusan niyan ang kanyang kapatid na si Corsubel na  pumaroon sa Roma at magdala ng limang libong sundalo. Sinunod nito ang kapatid at naabutan nila roon ang siyam na pares. Ang unang lumaban kay Corsubel ay si Ricatte.  Napatay siya nito. Sa matinding galit ng mga moro ay nagsilusob ngunit wala silang nagawa sa mga pares. Nalipol ang mga moro ngunit si Olivares ay nagtamo ng maraming sugat. Ang presidente ng Roma ay humingi ng tulong kay Balan na agad namang nagpadala ng sanlibong kawal. Papasok na sana ang mga pares sa Roma ngunit tumutol si Roldan dahil sa pangambang mabigo sila sa matinding pagkahapo. Ngunit nagalit ang emperador sa kanilang pagbabalik, sinabi nito na ang mga matatandang pares ay hindi umaalis sa labanan hanggang hindi lubos ang tagumpay. Naisumpa ng emperador na hindi titigil hangga’t hindi nalilipol ang mga moro. Ang lahat ng mga pares ay  pinaghanda niya. Ang Doce Pares na pinangungunahan ng kanyang pamangking si Roldan ay binubuo nina Olivares, konde sa Gones, Ricarte, duke ng Normandia, Guarin na tubo sa Lorena, Gute na taga Bordolois, Hoel, Lamberto, Basin, Gui ng Borgonya, Guadabois at iba pa.  Nang mabalitaan ni Fierabras ang tungkol sa kanyang amaing si Corsubel ay nagalab ang kanyang galit at sumumpang ipaghihiganti ito. Nang mapag-alaman nitong sina Carlo Magno ay nasa Mormiyonda, kaagad siyang nagtungo doon at hinamon siya ni Carlo na makipagtuos sa mga pares. Ang kanyang pamangkin ang inatasan niyang lumaban ngunit tumutol ito at sinabing bakit hindi ang matatandang pares na ipinagmamalaki ng kanyang amain ang ilaban. Gayon na lamang ang poot ng emperador sa pangungutyang ito ni Roldan kaya’t dinampot niya ang unang tinamaan ng kanyang paningin at ibinato kay Roldan. Kung hindi naawat ay maaaring bumangga sa kamatayan ang nangyari. Humanda si Oliveros na humarap sa naghahamong moro nang malamang walang humaharap dito. Sa paghahamok ng dalawa ay tumanggap ng malaking sugat si Oliveros. Waring nakatitityak na ng tagumpay na sinabi ni Fierabras na tatalikdan niya ang pagkapa gkamoro at pabibinyag kapag tinalo siya ng sugatang si Oliveros. Taos-pusong nanalangin sina Carlo Magno, Roldan at Regnes, na ama ni Oliveros. Sa tulong ng kanilang panalangin pana langin ay tinalo ni Oliveros si Fierabras at ang mga moro naman ay nagsilabas sa kanilang pinagtataguan at nakipaglaban nang makitang natalo ang kanilang pinuno. Maagap na nagapi ng mga pares ang mga ito, ang ilang nangatira ay tumakas sa takot. Limang pares ang nawala na di malaman kung napatay o nabihag ng kalaban. Sa utos ng emperador ay hinalughog ang bunton ng mga patay ngunit hindi nakitaang lima. Sa halip ay ang sugatang si Fierabras ang natagpuan. Kanilang dinala ito, ginamot ang sugat at pinabinyagan nang gumaling.

Ang limang pares ay nabihag ni Balan at ipiniit sa tore ni Prinsesa Floripes. Ang mga daing ay narinig ng prinsesa at naghinalang baka naroon ang kanyang minamahal na si Gui kaya’t pinilit namakuha ang susi ng bilangguan at pinaakyat sa tore ang limang  bihag. Labis ang pag-aalala ni Carlo Magno sa kanyang mga pares kaya inatasan niya si Roldan at ang anim na natitirang pares na hanapin ang nangangawala. Maraming paghihirap ang tiniis ng pitong pares bago nila masapit ang palasyo ni Balan. Nang sila’y nangangaroon na ay pinagtulung-tulungan sila ng mga Turko hanggang sa sila’y mangatalo. Ipinagapos silaat hinatulan ng kamatayan. Nang malapit ng sumapit ang takdang araw ng kamatayan ng mga pares ay hiniling ni Prinsesa Floripes sa Ama na ipakulong muna ang mga bihag sa piitan ng kanyang tore upang papagbayarin ang mga ito sa nangyari sa kapatid nilang si Fierabras. Sa pagtataka ng mga pares ay kinalagan sila ni Floripes. Natuwa ang mga pares lalo na si Gui sapagkat muli niyang n iyang nakita ang kanyang iniibig. Galit na galit si Balan nang malaman ang kataksilang ginawa ng kanyang anak. Gumawa siya ng iba’t ibang paraan upang mapasuko ang mga tore ngunit hindi niya napasuko ang mga ito. Nagsalat sa pagkain ang mga nasa tore kaya’t sinugo nila si Ricarte upang ipaalam kay Carlo Magno ang kinakaharap nilang panganib. Nakasapit si Ricarte nang maluwalhati pagkatapos ng mga hirap at panganib. Walang pagsidlan ng tuwa si Carlo nang mabatid ang nangyari. Noon din ay  pinaghanda niya ang kanyang hukbo at lumusob sa Turkiya. Nagwagi sila at nabihag si Balan. Tumangging pabinyag si Balan sa kabila ng pagsusumamo ng kanyang anak na si Fierabras, kaya’t pinaputulan ito ng ulo. Nagpab inyag si Floripes at pagkatapos ay ikinasal siya kay Gui. Sila ay kinoronahan bilang kapalit ni Balan. Isinauling lahat ni Floripes sa Emperador ang mga relikyang sinamsam ng mga moro. Pagkaraan ng dalawang buwan, si Carlo Magno at ang kanyang hukbo ay nagpaalam na sa bagong kasal at nagsiuwi sa Francia. Lumipas ang mga araw na tahimik ang kaharian. Isang araw ay nakakita si Carlo Magno ng maraming magagandang tala sa langit. Hindi niya malaman ang kahulugan niyon kaya’t siya’y nanalangin at hiniling niya sa Diyos na ipaalam sa kanya ang kahulugan. Isang kaluluwa ang kanyang nakita samantalang siya’y nanalangin at iyon daw ay si Santiago, ang apostol ng ating Panginoong Hesukristo. Inutusan si Carlo Magno na pumunta sa Galilea upang kunin sa mga moro ang kiyang katawan. Sumunod si Carlo Magno at kinabukasan din ay lumakad siya. Ang Pamplona ang una nilang narating at sila’y nagwagi roon. Maraming nagpab inyag at sumapi sa Kristianismo roon. Ang hukbo ni Carlo Magno Magn o ay bumalik sa Francia. Pagdating nila ay nabalitaan n abalitaan niyang si Haring Aigolanta ng Africa ay maraming pinatay na Kristiano. Maraming tinalong probinsiya at reyno ang haring iyon. Nagpahanda agad si Carlo ng isang Armada upang hanapin ang naturang hari. Hindi nila ito natagpuan, kaya’t huminto sila at nagpahinga sa parang. Isang sugo naman ng hari ang dumating at sinabing sila’y lumabas

ng kapo kung nais nilang lumaban. Nagkaroon ng labanan at nagwaging muli ang hukbo ng emperador. Mahabang panahon din ang lumipas bago muling napalaban ang hukbo. Ang nakalaban nila’y si Haring Morsirios na taga-Ronsevalles. Nagpadala n g sugo si Carlo upang sabihin sa hari na kailangan silang magbayad ng buwis sapagkat masasakupan sila ng Emperador. Lingid sa kaalaman nila ay isa palang taksil ang kanilang inutusan si Galalon. Nang siya ay bumalik ay marami siyang dalang ginto, pilak, alahas, alak at lahat ng buwis na hinihingi ng emperador. Ayon sa kanya’y pumayag na raw na pasakop at  pabinyag ang hari. Kaya’t inatasan agad ng emperador ang mga pares na pumaroon. Walang nalalaman sa patibong ni Galalon, libu-libong moro ang kumubkob sa kanila. Walang nagawa ang tapang ng mga pares sa dami ng mga kalaban, kaya’t labing-isa sa kanila ang napatay. Isa lamang ang nabuhay ngunit hindi na rin inabutan ang emperador. Halos himatayin si Carlo Magno sa kasawiang inabot ng kanyang mga  pares. Ipinalibing niya ang mga iyon at ang taksil namang si Galalon ay ipinadakip, iginapos ang paa at kamay sa apat na kabayo na pinatakbo hanggang magkahiwa-hiwalay ang buong katawan ng lilo. Sa matinding pangungulila ni Carlo ay inihandog niya sa simbahan ang lahat niyang kayamanan. Kusa siyang pumasok sa Aquisgron. Hindi naglaon at binawian siya ng buhay noong ika-16 ng Pebrero ng taong sanlibo’t labingdawalang taon ni Kristo.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF