DLP Aralin 4, 1st qtr. EsP 6 (final).pdf

July 12, 2018 | Author: Chrisnaliam Felisilda | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download DLP Aralin 4, 1st qtr. EsP 6 (final).pdf...

Description

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO PAGPAPAKATAO Ikaanim na Baitang UNANG MARKAHAN Ikaapat na Linggo Aralin 4: Malawak na Isipan Tungo sa Responsableng Desisyon

I.

LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa ikabubuti ng lahat C. Pamantayan sa Pagkatuto 1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon desisyon na makabubuti sa pamilya 1.1. pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa pangyayari 1.2. pagsang-ayon sa pasya ng nakararami nakararami kung nakabubuti nakabubuti ito 1.3. paggamit ng impormasyon Code: EsP6PKP-Ia-i-37

II. NILALAMAN Paksa: Paggawa Paksa:  Paggawa ng responsableng desisyon ng may bukas na isipan Kaugnay na Pagpapahalaga: Pagkabukas Pagpapahalaga: Pagkabukas isipan (Open-mindedness)

III. KAGAMITANG PANTURO  A. Sanggunian: •  K to 12 Gabay Pangkurikulum, Edukasyon sa Pagpapakatao May 2016, pahina 81 •  https://en.wikipedia.org/wiki/Moana_(2016_film) •  https://en.wikipedia.org/wiki/Open-mindedness

1

B. Iba pang Kagamitang Panturo: laptop, projector, pelikulang “Moana” , powerpoint presentation na inihanda ng guro, metacards, manila paper , gunting, permanent marker , masking tape

IV. PAMAMARAAN A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin Bilang mag-aaral, paano nakakaapekto sa isang pamilya ang karahasan tulad ng pagpatay sa mga drug pusher   na madalas laman ng mga balita sa radyo, telebisyon at maging sa pahayagan man?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Itanong: 1. Naranasan mo na ba na makapulot ng isang bagay na hindi iyo? 2. Ano ang ginawa mo dito? 3. Bakit ito ang iyong ginawa?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Alamin Natin) Sabihin: Ngayong araw na ito ay manonood tayo ng isang palabas tungkol sa kwento ni “Moana”. (maaaring gumamit ng ibang video/s o pelikula na may kaugnayan sa aralin) Itanong: 1. Tungkol saan ang pelikula na inyong napanood? 2. Ano ang inyong naramdaman habang pinapanood ang pelikula? 3. Kung ikaw si Moana, ano ang iyong gagawin sa sitwasyong kaniyang kinaharap? Bakit? 4. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagpapasya sa mga sitwasyong katulad nito? 5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang pagkakaroon ng bukas na isipan sa mga hinaharap na sitwasyon sa buhay? sa tahanan? sa paaralan?

2

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 (Isagawa Natin) Pangkatang Gawain: 1. Pangkatin ang klase sa lima (5). 2. Sa pamamagitan ng iba’t ibang pangkatang gawain na may kaugnayan sa pagkabukas-isipan, bigyang laya ang mga mag-aaral na maipahayag ang kanilang sarili gamit ang mga gawaing nakatalaga sa bawat pangkat. • Unang Pangkat: Pantomime • Ikalawang Pangkat: Rap/Jingle • Ikatlong Pangkat: Sayawit • Ikaapat na Pangkat: Broadcasting  • Ikalimang Pangkat: Pagbuo ng maikling tula 3. May rubrik na susundin sa pagmamarka sa bawat gawaing ipapakita. Ang mga puntos sa rubrik ay kinakailangang napagkasunduan ng guro at ng mga mag-aaral. Rubrik sa Pagmamarka KRAYTIRYA

3

2

1

Husay sa Pagganap

Lahat ng kasapi sa pangkat ay nagpakita nang mataas na kahusayan sa pagganap.

1-2 kasapi sa pangkat ay nagpakita ng katamtamang husay sa pagganap.

3-4 na kasapi sa pangkat ay hindi nagpakita ng kahusayan sa pagganap.

 Angkop/ Tamang saloobin sa sitwasyon

Naipakita nang maayos at may tiwala ang tamang saloobin sa sitwasyon.

Naipakita nang maayos ngunit may pagaalinlangan ang tamang saloobin sa sitwasyon.

Hindi naipakita ang tamang saloobin sa sitwasyon.

Partisipasyon ng mga miyembro ng pangkat

Lahat ng miyembro ng pangkat ay nakiisa sa pangkatang gawain.

2-3 na miyembro ng pangkat ay hindi nakiisa sa pangkatang gawain.

4-5 na miyembro ng pangkat ay hindi nakiisa sa pangkatang gawain.

3

Pagtalakay 1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na isipan? 2. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng bukas na isipan sa pagbuo ng desisyon para sa sarili at para sa ating pamilya? 3. Ano ang maaaring mangyari kung basta na lamang tayo magbibigay ng isang pasya o desisyon? 4. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagbuo at pagbibigay ng isang pasya o desisyon? E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (Isapuso Natin) Indibidwal na Gawain: Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Iguhit sa inyong kwaderno ang masayang mukha kung ang sitwasyon ay nararapat at malungkot na mukha kung hindi ito nararapat. Mga Sitwasyon: 1. Masusing pinag-aaralan ang mga sitwasyon at pangyayari bago magbigay ng pasya o desisyon. 2. Isinasaalang-alang lamang ang kabutihan ng mga kaibigan o mga taong malapit sa iyo sa pagbibigay ng pasya o desisyon. 3. Tinitimbang ang mga mga sitwasyon o pangyayari kung ito ba ay makabubuti o makasasama para sa ating gagawing desisyon. 4. Nakikinig sa payo ng magulang at nakatatanda bago magpasya. 5. Sumasangguni sa mga aklat o mapagkakatiwalaang sanggunian kung may nais malaman. Pagtalakay 1. Alin sa mga nabanggit ang palagian mong naisasagawa? hindi naisasagawa? 2. Bukod sa mga nabanggit, ano-ano pa ang mga paraan upang magkaroon ng bukas na isipan sa pagbuo ng pasya o desisyon?

F. Paglinang sa kabihasaan (Isabuhay Natin) Ipapakita ng guro ang sumusunod na sitwasyon sa pamamagitan ng  powerpoint presentation. Sasagutin ng mga mag-aaral kung ano ang kanilang gagawin sa bawat sitwasyon kung sila ang tauhan dito. Itatala rin nila ang dahilan kung bakit nila ito dapat gawin. Isusulat ang sagot sa kanilang kuwaderno. 4

1.

 Anak, si Carlo na muna ang ibibili ko ng bagong sapatos dahil ang kaniyang sapatos ay sira na.

 ______________________  ______________________  _____________________.

2.

 Angelo, gusto kong ikaw muna ngayong araw na ito ang maging lider ng inyong pangkat.

 ______________________  ______________________  _____________________.

3.

Jenny, babawasan ko muna ang baon mo simula ngayong araw na ito dahil marami tayong bayarin.

 ______________________  ______________________  _____________________.

Pagtalakay 1. Ano-ano ang isinasaalang-alang sa pagbuo ng isang pasya o tugon? 2. Sa paanong paraan mo maipapakita ang pagkakaroon ng bukas na isipan?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Subukin Natin) Hatiin ang mga mag-aaral sa limang pangkat. Tawagin ang lider ng bawat pangkat at pabunutin sila ng sitwasyon. Hayaan silang bumuo ng sariling kaisipan o pag-unawa tungkol sa naturang sitwasyon. Bigyang laya ang mga mag-aar al na ipakita ang kanilang tugon sa sitwasyon sa iba’t ibang malikhaing pamamaraan. 5

Mga Sitwasyon: 1. Si Lito ay mula sa mahirap na pamilya. Ang kaniyang ina ay nakaratay sa ospital dahil sa sakit na cancer  at kailangan nang agarang gamutan. Isang araw niyaya siya ng kaniyang kabarkada na isagawa ang pagnanakaw sa isang malaking tindahan. Kung ikaw si Lito, ano ang iyong gagawin? 2. Nalaman mo isang araw mula sa iyong kalaro na ang iyong kapitbahay na dating sundalo at kilalang siga sa inyong lugar ay nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Ano ang gagawin mo sa iyong natuklasan? 3. Si Juan ay anak ng pulitiko. Tuwing may pagsusulit siya ay gumagawa ng paraan upang tumaas ang kaniyang iskor. Isang paraan niya ay ang pananakot sa kaniyang katabi upang siya ay bigyan ng wastong sagot. Bilang pangulo ng inyong klase, ano ang nararapat mong gawin pagkatapos mo itong matuklasan? 4. Isa sa mga patakaran ng paaralan ang pagbabawal sa pagdadala ng cellphone. Ano ang reaksiyon mo hinggil sa patakarang ito. 5. Matalik na magkaibigan sina Joshua at Tiffany. Si Joshua ay malamya sa pagkilos subalit si Tiffany naman ay medyo brusko. Isang araw, sabay na naglalakad sa paaralan ang dalawa nang biglang binastos si Joshua ng mga kamag-aaral na lalaki. Sinabihan siyang, ”Bakla ka, hindi ka makakapasok sa langit”. Kung ikaw si Tiffany, ano ang gagawin mo?

H. Paglalahat ng aralin Itanong: Sa lahat ng mga gawain at sitwasyong ating tinalakay, ano ang ibig sabihin ng desisyon? Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagbuo ng desisyon? (Hayaang ilahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot at magkaroon ng talakayan  upang mas maintindihan at tumimo sa kanilang isipan ang  pagpapahalagang nililinang sa araling ito ) TANDAAN NATIN:  Ang pagkabukas isipan ay ang pagtanggap sa mga bagong ideya. Ito ay isang pagpayag na subukan at isaalang-alang ang mga bagong bagay at ideya.  Ang pagkabukas isipan ay nauugnay din sa mga paraan kung saan ang tao ay isinasaalang-alang ang mga pananaw at kaalaman ng iba.

6

Sa pagkakaroon ng pagkabukas isipan, ang tao ay tinutulungan na malaman, mapayabong, at mapatibay ang paniniwala sa kaniyang sarili. Mayroong pagkamatapat na kaakibat ang pagkabukas isipan, dahil tinatanggap ng isang tao na hindi niya alam ang lahat ng bagay. Ito ay nangangahulugan ng paniniwala na anuman ang katotohanan na kaniyang makikita ay higit pa sa kaniyang inaasahan. Kaya’t mahalaga na malinang ang pagkabukas isipan upang ang mga mag-aaral ay magkaroon ng kamalayan sa mga bagay na nangyayari sa kaniyang sarili, pamilya, at komunidad. Ito ang magiging susi sa paggawa ng responsableng desisyon. I. Pagtataya ng aralin Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon at sagutin ang tanong sa bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Si Awra ay nakapulot ng isang bag na puno ng pera habang sila ng kaibigang si Onyok ay abala sa pangungulekta ng mga kalakal sa kalye.  Alin sa sumusunod ang dapat nilang gawin? a. Ibili ng mga pagkain para sa kanilang mga kapatid. b. Ipagbigay alam ang pangyayari sa kapitan ng kanilang barangay. c. Gamitin itong pambili ng mga proyekto sa paaralan at ibigay sa nanay ang mga lalabis dito. d. Itago sa bangko at hayaang lumaki ang halaga ng interes nito upang makatulong sa mga magulang. 2. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng bukas na kaisipan sa pagbuo ng desisyon? a. Napagdesisyunan ng mag-asawang Miriam at Jose na ipaampon ang kanilang anak sa isang mayamang balik-bayan upang matugunan ang iba pang pangangailangan ng kanilang ibang anak. b. Dala ng karangyaan ng kanilang pamilya, pinili ni Joaquin na ipagpatuloy ang pagbebenta ng bawal na gamot upang mapanatili ang estado ng kanilang pamumuhay. c. Pinipilit ni Mang Cardo at ng kaniyang maybahay na magtiyaga sa paglalabada at pagmamaneho ng padyak upang mapag-aral nila ang kanilang mga anak. d. Dahil sa isang suliraning hinaharap ng kanilang pamilya, pinili ni Marco na tumigil muna sa pag-aaral at sumama na lamang sa kanilang kapitbahay sa pangangalakal upang matugunan ang gamot ng kaniyang ina. 3. Ang inyong lugar ay madalas na nakararanas ng pagbaha sa panahon ng tag-ulan. Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod ang maaari mong gawin 7

upang makatulong sa pagsugpo ng suliranin ng inyong barangay na may malaking epekto sa inyong pamilya? a. Paglahok sa clean and green campaign ng inyong barangay. b. Pagtatanim ng mga namumulaklak na halaman sa mga harap ng tahanan at lansangan. c. Pagsusunog ng mga basura na nakakalat sa lansangan at mga kanal. d. Pagsali sa  popularity contest   sa bayan na naglalayong makakalap nang sapat na pondo para sa mga kapus-palad. 4. Habang ikaw ay naglalakad sa kalye, may isang grupo ng kabataan na nagaalok ng sigarilyo at alak. Ano ang iyong gagawin?

a. Iiwas ako sa kanila at tatakbo papalayo. b. Susubukan kong tikman ang alak at sigarilyo para hindi sila magalit. c. Tatanggihan ko ang kanilang alok at magpapaliwanag na hindi ako naninigarilyo at nag-iinom. d. Tatanggapin ko ang kanilang inaalok upang mapatunayan ko sa kanila na kaya ko din gawin ang kanilang ginagawa. 5. Natanggal sa trabaho ang iyong ama na siyang bumubuhay sa inyong pamilya. Bilang myembro ng inyong pamilya, paano ka makatutulong sa kanila lalo na at gusto mo talagang makapagtapos ng iyong pag-aaral? a. Titipirin ko ang baon na ibinibigay sa akin ng aking nanay at sisikaping makaipon kung may natirang pera sa baon. b. Pagsasabihan ko ang aking ama na humanap ng panibagong trabaho para maibigay ang aming mga pangangailangan. c. Mangungutang muna ako sa aking mga kamag-aral at mangangako na babayaran ko sila kapag nakaluwag na ang aming pamilya. d. Sasabihan ko ang aking mga nakababatang kapatid na tumigil muna sila sa pag-aaral at magtrabaho na lang muna para makatapos ako ng aking pag-aaral.

Pagninilay / Repleksyon 1. Itanong: a. Ano-ano ang natutunan ninyo sa isang linggo nating aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao? b. Ano ang inyong naramdaman sa kabuuan ng aralin? c. Paano mo pa mahuhubog ang iyong sarili na magkaroon ng bukas na isipan? 2. Ipasulat ang sagot ng mga mag-aaral sa kanilang TALAARAWAN.

8

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin Ipakita ang pagkakaroon ng bukas na isipan sa paggawa ng isang sitwasyon gamit ang responsableng desisyon. Pumili lamang ng isa sa mga paraang gagamitin sa ibaba. a. Pagsulat ng awit b. Paggawa ng poster  c. Paggawa ng slogan d. Paggawa ng komik istrip

9

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF