Tayutay
October 13, 2024 | Author: Anonymous | Category: N/A
Short Description
Download Tayutay...
Description
Tayutay •Ito’y anyo ng paglalarawangdiwa na ang kahulugan ay nasa ilalim ng mga salita
Aliterasyon Pag-uulit ito ng mga tunog-katinig sa inisyal na bahagi ng salita. Hal: Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang pagtanggi sa mahal niyang bayan.
Konsonans
Katulad ng aliterasyon, paguulit ito ng mga katinig, ngunit sa bahaging pinal. Hal:Ang halimuyak ng mga
bulaklak ay mabuting gamot sa isang pusong wasak.
Asonans
Pag-uulit naman ito ng mga tunogpatinig sa alinmang bahagi ng salita. Hal: Nasisiyahan ka palang
manghiram ng ligayang may hatid na kamandag at lason.
Anapora Pag-uulit ito sa unang bahagi ng pahayag o ng isang aludtod. Hal: Kabataan amg sinasabing pag-asa ng ating bayan. Kabataan ang sanhi ng pagsisikap ng bawat magulang. Ngunit kabataan din ba ang sisira sa kanyang sariling kinabukasan? At kabataan din ba ang wawasak sa pangarap ng kanyang kapwa?
Epipora Pag-uulit na nasa huling bahagi ng pahayag o taludtod. Hal: Ang konstitusyon o saligang batas ay para sa mamamayan, gawa ng mamamayan at mula sa mamamayan.
Anadiplosis Kakaiba ito sapagkat ang pag-uulit ay nasa una at huli. Magandang halimbawa nito ang sina tula ni Jose dela Cruz. Hal: Matay ko man yatang pigili’t pigilan pigilin ang sintang sa puso’y tumiim; tumiim na sinta’y kung aking pawiin pawiin ko’y tantong kamatayan ko rin.
Pagtutulad o simile Paghahambing ng dalawang bagay, tao, pangyayari o kaisipan na magkaiba nguni nagkakatulad sa katangian. Gumagamit ng parang, tulad ng, wangis, kayaga ng atb. Hal: Ang sistemang pampulitika ay tulad sa isang sasakyan naghahatid sa atin ng iba’t ibang destinasyon
Pagwawangis o methapor Tiyakan ang paghahambing o pagtutulad na inaalis ang mga salitang tulad, wari, para, tila. Hal: Ang karunungang taglay
ninyo ngayon, mga bagong nagsitapos, ay magiging hagdan ninyo sa tagumpay
Onomatopiya o paghihimig Sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita ay nagagawang maihatid ang kahulugan nito. Hal: Langitngit ng kawayan, lagaslas ng
tubig, dagundong ng kulog
Personipikasyon, Pagbibigaykatauhan, Pagsasatao Ito’y pagbibigay-katauhan o pagsalin ng katangian sa mga bagay-bagay sa paligid natin Hal: Tulog pa ang mga bituin nang lisanin
niya ang kanyang dampa.
Pagmamalabis o Eksaherasyon Lubhang pagpapalabis o nagpapakita ng kalagayan ng tao, bagay o pangyayari Hal: Sa labis na Aanda ng
nanalong Bb. Diwa at Panitik, halos nalaglag ang kanyang salawal.
Pagpapalit-tawag, metonomi o metonomiya Pagpapalit ng mga katawagan ng mga bagay na magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa kaugnayan. Hal: Ang anghel sa kanilang tahanan ay
isang malusog na sanggol.
Pagpapalit-saklaw o sinekdoki Pagbanggit ng isang bahagi ng isang bagay para sa kabuan ng isang tao sa isang pangkat. Hal: Anim na tainga ang
matamang nakikinig sa ibinalita ni Isabel.
Paglumanay o eupemismo Salitang magpapabawas sa tindi ng kahulugan ng orihinal na salita. Hal: Magkakaroon din lamang siya ng babae (kabit) ay bakit sa isang pang mababa ang lipad (prostityut).
Tanong retorikal, Pagtatanong (Rhetorical Question) Ginagamit ito upang tanggapin o di tanggapin ang isang bagay. Ang pagpapahayag na ito’y hindi maghihintay ng sagot. Hal: May ina kayang makatitiis na hindi damayan ang nahihirapang anak?
Pagtatambis o Oksimoron (Antithesis) Ang pagpapahayag na ito’y bumabangit ng mga bagay na makakasalungat upang mapabisa ang pangingibabaw ng isang natatanging kaisipan. Hal: Siya’y isang babaing napakahirap pakibagayan. Ayaw ng masalita at walang kibo. Nayayamot sa maraming mga tao ngunit ayaw naman ng nag-iisa. Nagagalit sa mangmang, ayaw rin naming makihalubilo sa maralita. Kay hirap unawain ang kanyang ugali.
Pang-uyam/ ironiya/ balintunay/ pagsasayusay Pagkutya sa isang tao o bagay sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang papupuri ngunit kung uunawaing mabuti ay nangungutya o nag-uuyam. Hal: Kay bait bait mong kaibigan.
Pagkatapos kitang tulungan sa iyong mga kagipitan ay inagaw mo pa sa akin ang akng kasintahan.
Pagtawag o apostropi Ito’y pagpapahayag ng kaisipan o damdamin na parang tunay na kaharap ang kinakausap na may buhay o maaaring mawala. Hal: Ulan, ulan, bumagsak ka na
at diligin mo ang tuyong bukirin.
Pagtanggi o litotes Gumagamit ng mga panangging “hindi” upang magpahiwatig ng lalong makahulugang pagsang-ayon. Hal: Ako’y hindi nagpaparatang na magnanakaw si Leah ngunit siya lamang ang pumasok sa kwarto kanina nang mawala ang aking pitaka.
Pagdaramdam (Exclamation) Isinasaad ng pagpapahayag na ito ang di pangkaraniwang damdamin. Hal: Huwag mong akalaing ipinagpapawalang bahala ko ang iyong gipit na kalagayan nais kitang tulungan ngunit ako’y walang salaping makahahango sa iyong kagipitan
Paralelismo
Sa pamamgitan ng halos iisang istratura, inilalatag dio ang mga ideya sa isang pahayag. Hal: Iyan ang disiplinang militari: sama-samang lulusob sa mga kaaway, sama-sama ring kaming mamamatay o magtatagumpay
Alusyon Ito ay paggamit ng mga salita sa pagtukoy sa isang tao, pook o pangyayari. Karaniwang ginagamit ng mga taong may pinag-aralan at taong dalubhasa.
1. Alusyon sa Heograpiya a. Ang Britania Islands ay ang Boracay ng CARAGA Region. b. Ang DELTA ay ang Dahilayan ng Butuan. 2. Alusyon sa Literatura a. Nahihiya man akong aminin pero mithiin kong maging isang Juliet ng aking kaklase na si Romeo. b. Si Bonie ang Shakespeare ng aming unibersidad dahil sa angking talino sa larangan ng literatura.
3. Alusyon sa Bibliya a. Si Pipoy, na palaging maagang pumapasok sa paaralan, ay naatasang maging isang San. Pedro ng aming guro. Siya ang taga-hawak ng susi ng aming silid. b. Lahat ng mga ilaw ng tahanan ay mga Maria sa kanilang mga pinakamamahal na anak.
4. Alusyon sa Mitolohiya a. Kahit ano pang puri ang ibigay mo sa iyong sarili, hinding-hindi ka magiging Eros sa aking paningin. b. Sa husay ni Kiray sa pakikipaglaban, siya ang Athena ng kanilang purok.
QUIZ 1 7
Idyoma o Sawikain (Idioms) Ekspresyong Idyomatiko (idiomatic expressions)
- isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal - sa ibang salita, hindi ito ay di-tuwirang o di-tahasan ang pagbibigay ng kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar. - malayo sa literal o denotatibong kahulugan ng salita (http://tl.wikipedia.org/wiki/Idyoma)
Mga halimbawa: • Ahas na tulog – makupad, mabagal Hal: Ahas na tulog si Paul sa kanyang trabaho kaya hindi siya nabiyan ng promosyon • Alog na ang baba – matanda na Hal: Malakas pa si Lolo Baste kahit na alog na ang kanyang baba • Lago ang pisi – naubos ang pera Hal: Masyo kang magastos kaya’t lagi na lamang lagot ang iyong pisi
• Namuti ang mata – nainip sa kahihintay Hal: Namuti na ang mata sa kahihintay sa ating promosyon. • Ilista sa tubig – kalimutan ang utang Hal: Ilista mo lamang sa tubig ang utang ng kapatid ko. • Butas ang bulsa – walang pera Hal: Butas ang bulsa ni Mark nang nagdaang araw.
• butas ang bulsa - walang pera Hal: Palagi na lang butas ang bulsa mo dahil palagi kang nagsusugal. • ilaw ng tahanan – ina Hal: Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto. • bahag ang buntot – duwag Hal: Bakit ba bahag ang buntot mo?
• taingang kawali - nagbibingi-bingihan • buwayang lubog - taksil sa kapwa • balat-kalabaw – walang –hiya, makapal ang mukha • bukang-liwayway- mag-uumaga ; madalingaraw • di mahulugang karayom -napakaingay, maraming tao. • lumagay sa tahimik -nag -aasawa • naglulubid ng buhangin –nagsisinungaling • lakad-kuhol - mabagal utusan • mabigat ang dugo - kinaiinisan , kinaaayawang tao
QUIZ 1 8
View more...
Comments