Mga Bahagi ng Alamat Dito ay may tatlong mga bahagi: ang Simula, Gitna, at Wakas. 1. Simula Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang mga gumaganap sa kwento at ano ang papel na kanilang ginagampanan. Maging ang tagpuan o lugar at panahon ng pinangyayarihan ng insidente ay inilalarawan din sa simula.
2. Gitna Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kwento. Ang saglit na kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. Ang tunggalian ay nagsasaad ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan. Samantalang ang kasukdulan ay ang bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang tauhan. 3. Wakas Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento.
Mga Elemento ng Alamat Ito ay may pitong elemento. Basahin ang mga sumusunod:
1. Tauhan Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa.
2. Tagpuan Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.
3. Saglit na kasiglahan Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
4. Tunggalian Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. 5. Kasukdulan Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan Ito ang bahaging nagpapakita ng untiunting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. 7. Katapusan Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Thank you for interesting in our services. We are a non-profit group that run this website to share documents. We need your help to maintenance this website.