Kasunduan

August 11, 2024 | Author: Anonymous | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download


Description

KASUNDUAN ALAMIN NG LAHAT:

AKO, GLORIA DELA CRUZ, may sapat na gulang, Filipino at naninirahan sa 808 Martina St. Coloong Valenzuela City ay makikilala bilang UNANG PANIG, AT AKO, MARITES P. LEGASPI sa pamamagitan ng kapangyarihan na iginawad (SPECIAL POWER OF ATTORNEY dito ay nakalakip bilang Annex “A”), dito ay kinatawan ni MA. ELENA DELA CRUZ may sapat ang gulang, Filipino, at naninirahan sa No. 17510 Wiseman Drive, Pflugerville, Texas 78660, USA, dito ay makikila bilang IKAWALANG PANIG. ay nagkakasundo at nagsasalaysay: 1. Na ang IKALAWANG PANIG ay kinatawan si MARITES P. LEGASPI sa pamamagitan ng kapangyarihan na iginawad sa IKALAWANG PANIG (SPECIAL POWER OF ATTORNEY ditto ay nakalakip bilang Annex “A”) na may notary public dated June 11, 2019 ni Ricardo N. Tome na may ID NO. 128857441. 2. Na kung saan ang IKALAWANG PANIG ay may kapangyarihan na pumirma at makipagkasundo sa UNANG PANIG tungkol sa bentahan ng parte at kalahati ng lupa na matatagpuan sa No. 808 Martina St. Coloong Valenzuela City at may titulo bilang Transfer Certificate of Title No. V-78672 at may kabuuang sukat na ONE HUNDRED (100) SQUARE METERS sa halagang SEVEN THOUSAND FIVE HUNDRED DOLLARS ($7,500). 3. Na nagkasundo ang MAGKABILANG PANIG na ibebenta ng UNANG PANIG sa IKALAWANG PANIG ang kanyang parte ng nasabing lupa sa nasabing halaga na may sukat na FIFTY SQUARE METERS (50sqms). 4. Na ang ibabayad ng IKALAWANG PANIG ay babawasan ng napag-usapang halaga ng capital gains tax at documentary stamp tax na sasagutin ng UNANG PANIG; 5. Na ang UNANG PANIG ay nangangakong kusang lilisan sa nasabing bahay at lupa matapos ang pagbibigay ng IKALAWANG PANIG ng halaga ng bentahan at matapos makaltas ang babayaran ng UNANG PANIG na Capital Gains Tax; 6. Na kung sakali na ang UNANG PANIG ay hindi tumupad sa kasunduang ito ay may karapatan ang IKALAWANG PANIG na magsampa ng anumang kaukulang kaso (Civil at Criminal case) laban sa UNANG PANIG; 7. Na ang kasunduan na ito ay buong puso na napagkasunduan ng magkabilang panig at sa katunayan ay lumagda ang magkabilang panig sa ibaba nito; SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO ay lumagda kami sa ilalim nito ngayong ika- ____ ng ____________, 2019, dito sa Valenzuela City.

GLORIA DELA CRUZ Unang Panig

MARITES P. LEGASPI Ikalawang Panig

PAGPAPATUNAY REPUBLIKA NG PILIPINAS LUNSOD NG VALENZUELA

) ) S.S

Sa HARAP KO, bilang Notaryo Publiko sa Lunsod ng Valenzuela, ngayong ika- ____ ng __________, 2019 ay dumulog ang magkabilang panig na kilala kong silang nagsagawa ng nauunag kasunduan at pinatunayan nila sa harap kong malaya at kusang-loob nilang pagpapasya. SAKSI ANG AKING LAGDA AT SELYONG PANATAK. Doc. No. ______ Page No. ______ Book No. _______ Series of 2019

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF