First Quarter Exam in ESP 10
August 15, 2024 | Author: Anonymous | Category: N/A
Short Description
Download First Quarter Exam in ESP 10...
Description
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA REGION SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR STA. IRENE NATIONAL HIGH SCHOOL STA. IRENE, PROSPERIDAD, AGUSAN DEL SUR SCHOOL ID: 304749
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10 FIRST QUARTER EXAMINATION SY: 2022-2023
Name: _______________________________________Section:_______________Score:___________ Subject Teacher: _______________________________ Date:__________________ Multiple Choice: 1-50 items only. Pangkalahatang panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o tanong. Piliin ang angkop na sagot sa pagpipilian. Titik lamang ang isulat sa patlang bago ang bilang. ___A__1. “Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro.” Ano ang nais iparating ng kasabihan? A. Kamukha ng tao ang Diyos. B. Kapareho ng tao ang Diyos.
C. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos. D. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
___B__2. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob? A. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya. B. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan. C. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga particular na mga bagay. D. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay. ___A__3. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama. A. isip B. kilos-loob C. pagkatao D. damdamin ___B__4. Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili A. isip . kilos-loob C. pagkatao D. damdamin ___D__5. Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob. A. isip B. kilos-loob C. emosyon D. karunungan ___A__6. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama. A. Tama B. Mali __B___7. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba dahil parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos. A. Tama B. Mali __A___8. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa. A. Tama B. Mali ___A__9. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. A. Tama B. Mali ___B__10. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa. A. Tama B. Mali Para sa bilang 11 at 12 Si Arvin ay mahilig sa chocolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito ___A___11. Bakit kaya ni Arvin na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin? A. ang tao ay may kamalayan sa sarili. C. may kakayahan ang taong mangatwiran. B. malaya ang taong pumili o hindi pumili. D. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon.
___B__12. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito? A. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin. B. magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon. C. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit. D. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi. Para sa bilang 13 at 14 Nagkaroon ng pagsusulit si Andrie. Noong una, nag-iisip siya kung mangongopya sa pagsusulit o hindi. Napagpasiyahan niyang hindi na mangopya. Napagtanto niyang walang kasiyahan sa hindi pinagpagurang tagumpay. Mahalaga ang pagkakaroon ng prinsipyo sa pag-abot ng tagumpay. ___C___13. Ano ang pinatunayan ni Andrie sa sitwasyon ito? A. ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang gawin. B. nakagagawa ang tao ng angkop sa kaniyang pagkatao. C. ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa bawat sitwasyon. D. may pag-unawa ang tao sa direksiyon ng kaniyang kilos. __D___14. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob ng tao sa sitwasyong ito? A. natutukoy ng tao ang gamit at tunguhin ng kaniyang isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon. B. may kakayahaan ang tao na suriin kung ginamit niya nang tama ang kaniyang isip at kilos-loob. C. ang isip at kilos-loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. D. may kakayahan ang tao na makagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan, maglingkod, at magmahal. ___B__15. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito? A. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo. C. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapwa. B. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip. D. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob. __A___16. May kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay. A. isip B. kilos-loob ___A__17. Ito ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala, at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. A. isip B. kilos-loob ___B__18. Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob. A. isip B. kilos-loob __B___19. Ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. A. isip
B. kilos-loob
___A_20. Kung ang pandama ay depektibo,nagkakaroon ito ng epekto sa isip. A. isip B. kilos-loob __D__21. Ang sumusunod ay mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa: A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang ating buhay. B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak. C. Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan. D. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao. __D__22. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao? A. Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang kaniyang kalayaan. B. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti at masama sa kaniyang isip. C. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon. D. Lahat ng nabanggit
__C__23. Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya? A. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti. B. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya. C. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral. D. Kung magsasanib ang tama at mabuti. Para sa bilang 24 at 25 May suliranin sa pera ang pamilya ni Louie. Isang araw, may dumating na kolektor sa kanilang bahay, ngunit wala silang nakahandang pambayad. Inutusan si Louie ng kaniyang ina na sabihing wala siya at may mahalagang pinuntahan. Alam niyang dapat sundin ang utos ng ina. Sa kabilang banda, alam din niyang masama ang magsinungaling. Sa pagkakataong ito, ano kaya ang magiging hatol ng konsensiya ni Louie? Ano ang dapat niyang maging pasiya? __A__24. Alam ni Louie na dapat sundin ang kaniyang ina ngunit alam din niyang masama ang magsinungaling. Anong yugto ng konsensiya ang tinutukoy sa pangungusap na ito? A. Unang yugto B. Ikalawang yugto C. Ikatlong yugto D. Ikaapat na yugto __B__25. Alin sa sumusunod ang dapat gawin ni Louie batay sa hatol ng kaniyang konsensiya? A. Iutos sa kasambahay na sabihing wala ang may-ari ng bahay. B. Harapin ang kolektor at sabihing wala ang kaniyang ina. C. Magtago sa silid at hayaang maghintay ang kolektor. D. Tumawag ng pulis at isuplong ang kolektor. __C__26. “Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama. Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito? A. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya. B. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya. C. Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang kumiling sa mabuti. D. Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya. __B__27. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ngunit ito pa rin ay ang subhetibo, personal, at agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan pa kaysa rito. Ano ang itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos? A. Ang Sampung Utos ng Diyos C. Batas ng Diyos B. Likas na Batas Moral D. Batas Positibo __A__28. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama? A. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama B. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti C. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura D. Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya __B__29. Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madadaig? A. Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama B. Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby C. Pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kungmakabubuti ito D. Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid __B___30. Ang konsensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay: A. Bahala ang tao sa kanyang kilos C. Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos B. Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos D. Makabubuti sa tao na kumilos nang tama __D___31. Kailan nagkakamali sa paghatol ang konsensiya? A. Kapag nakinig sa sinasabi ng ibang tao B. Kapag mahina ang paninindigan ng isang tao C. Kapag napilitan ito dahil wala nang ibang pagpipilian D. Kapag taliwas sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman __C___32. Ang konsensiya ay bumubulong na wari’y sinasabi sa atin, “Ito ang mabuti, ang dapat mong gawin”, “Ito ay masama ang hindi mo dapat gawin”. Anong yugto ng konsensiya ang kinapapalooban nito? A. Alamin at naisin ang Mabuti C. Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos B. Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon D. Pagsusuri ng Sarili/Pagninilay ___A__33. Kailan masasabi na ang paghusga ng konsensiya ay tama? A. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay naisasakatuparan nang walang pagkakamali. B. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung walang taong nasaktan dahil sa desisyong ginawa. C. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung hindi kailangang pagisipan ng maayos ang mga pasiyang kailangang gawin. D. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung mas maraming tao ang nakinabang sa kinalabasan ng kilos.
___A__34. Bakit ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain? A. Ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain dahil nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. B. Ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain dahil nilikha siya ng Diyos ayon sa kanyang wangis. C. Dahil tao lang ang may isip at kilos-loob D. Dahil tao lang ang may kakayahang gumawa ng tama. ___B__35. Alin sa mga sumusunod ang unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral? A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay B. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama C. Kasama ang hayop, likas sa tao ang pagpaparami D. May likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan. ____B_36. Bakit mahalaga ang tamang paghubog ng konsensiya? A. Mahalaga ito upang maging ganap na tao C. Mahalaga ito upang hindi makagawa ng masama B. Nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan D. Nakatulong ito sa pagpapakatao ng tao. __C___37. Ano ang ibinigay sa tao noong siya ay likhain? A. Damit B. Pangalan C. Likas na Batas Moral D. Puso ___C__38. Alin sa mga sumusunod ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos? A. Batas C. Konsensiyang nahubog sa Batas-Moral B. Mga pagtuturo ng magulang tungkol sa tama o mali. D. Mga batas ng mga may awtoridad __D___40. Alin sa mga sumusunod ang sinusuri ng konsensiya? A. Puso C. Ang mga maling nagawa ng tao B. Pamumuhay ng isang tao D. Kung ang kilos ay tama o mali ___A__41. Bakit mahalagang makilala ng tao ang katotohanan sa kahalagahan ng paghubog sa konsensiya? A. Upang magamit nang mapanagutan ang kaniyang kalayaan. B. Upang makaiwas sa paggawa ng kasalanan C. Upang alam ang gagawin sa mga susunod na araw D. Upang magkaroon ng maayos na pamumuha ___B__42. Bakit mahalagang simulan mula bata ang paghubog ng konsensiya? A. Mahalaga ito upang makaiwas sa gulo. B. Mahalaga ito upang makaiwas sa maling paghusga sa mabuti o masama sa hinaharap. C. Mahalaga ito upang ang gagawin ng bata sa hinaharap ay pawang kabutihan D. Mahalaga ito upang masanay siya sa tamang pamumuhay. ___C__43. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang maipakita ang pananagutan sa kilos maliban sa isa. A. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa isyung moral B. Kilalanin ang mga tunay na pagpapahalagang moral na sangkot sa isang kilos C. Iwasan ang mga usapin tungkol sa isyung moral na may kinalaman sa kilos. D. Suriin ang mga sariling hangarin. __A___44. Bakit kailangan nating maglaan ng panahon para sa regular na pananalangin? A. Dahil sa pamamagitan nito nahuhubog ang ating konsensiya B. Dahil ito ay nakasaad sa Likas na Batas Moral C. Dahil nakasanayan na nating manalangin D. Dahil ito ang turo sa atin ng Diyos __B__45. Saan nagmula ang ating kakayahang maunawaan at piliin ang Mabuti patungo sa mabuting pagkilos? A. Nagmula ito sa mga itinuro sa atin ng ating mga magulang B. Nagmula sa konsensiyang nahubog nang mahusay C. Nagmula sa ipinamana ng magulang D. Nagmula sa mga natututunan sa paaralan ___A__46. Kailan natin masasabi na hinuhubog natin ang ating konsensiya? A. Kapag kumikilos tayo nang may pananagutan B. Kapag kumikilos tayo ayon sa utos ng may likha C. Kapag kumikilos tayo ayon sa kagustuhan natin D. Kapag kumikilos tayo na walang nasasaktan __C__47. Alin sa mga sumusunod ang hakbang na makatutulong upang ang konsensiya ng tao ay kumiling sa mabuti? A. Iwasan ang mga pagkakamaling nagawa C. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan na hamon ng buhay B. Talikuran ang mga pagkakamali D. Humingi ng tulong sa tamang tao kapag kinakailangan ___D_48. Alin sa mga sumusunod ang pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa? A. Puso B. Likas na Batas Moral C. Konsensiya D. Kilos-loob ___B_49. Ang pagtatala ni Pedro ng kanyang mga nasaliksik ay ginamit niyang ________ sa pagsusuri para makabuo ng malinaw na tunguhin at matagumpay na paglalakbay. A. Payo B. Gabay C. Ilaw D. Wala sa nabanggit __D__50. Ang pagsaalang-alang ng mga salik ng pagpapasya ay mabisang paraan ng pagiwas sa mga maling pasya. A. Hindi B. Depende C. Siguro D. Tama
*** TEST ENDS HERE ***
Name of Parent: ____________________________Signature: ____________ Date: __________
View more...
Comments