Filipino Sa Piling Larang Pretest Akad

July 30, 2024 | Author: Anonymous | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download


Description

Republic of the Philippines Department of Education Region X Division of Misamis Oriental

MISAMIS ORIENTAL GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL Don Apolinar Velez St., Cagayan de Oro City

FILIPINO SA PILING LARANG (ISPORTS) PRE-TEST Pangalan: ________________________________ Baitang at pangkat: _______________Marka: _________ I. PAGPIPILI. Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa puwang na nakalaan.

____1. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang nakalimbag. A. Pakikinig B. Pagbabasa C. Pagsasalita D. Pagsusulat ____2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at pagbibigay ng mga halimbawa. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran ____3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga pangyayaring aktwal na naganap. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran ____4. Anyo ng Pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran ____5. Anyo ng Pagsulat na na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran ____6. Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. A. Malikhaing pagsulat B. Masining na pagpapahayag c. Retorika D. Sabayang pagbigkas ____7. Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan. Ilan pa sa mga halimbawa nito ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at iba A. Pansariling pagpapahayag B. Masining na pagpapahayag c. Talumpati D. Sabayang pagbigkas ____8. Alin sa mga sumusunod ang hindi nararapat na ilagay sa unang pahina ng katitikan ng pulong? A. lugar ng pulong B. pangalan ng organisasyon C. oras ng pagtatapos ng pulong D. tema ____9. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang makikita sa katawang bahagi ng katitikan ng pulong? A. Mga Dumalo B. Ikatlong Agenda C. Oras ng pagsisimula ng pulong D. Mga kalahok ____10. Alin sa sumusunod ang hindi kailangan habang kumukuha ng tala para sa gagawing katitikan ng pulong? A. audio recorder B. bolpen at papel C. katitikan ng nakaraang pulong D. rekord ____11. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalahad? A. Matangos ang ilong ng babae. C. May dugong Hapones ang babae. B. Pulang-pula ang labi ng babae. D. Wala sa mga nabanggit ____12. Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI nangangatwiran? A. Dapat wakasan na ang korapsyon sa bansa. B. Hindi talaga mawakasan ang korapsyon sa bansa. C. Mahalagang wakasan ang korapsyon para umunlad ang bansa. D. Lahat ng mga nabanggit ____13. Ano ang pagkakatulad ng paglalarawan at pagsasalaysay? A. Hindi maaaring gamitin sa posisyong papel. C. Ginagamit sa pagkukwento ng mga pangyayari. B. Gamitin bilang mga ebidensya sa argumento. D. Inaalok sa mga mamimili ng produkto ____14. Ano ang pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel? A. Ang talumpati ay isinulat upang bigkasin samantalang ang posisyong papel ay isinulat upang basahin lamang. B. Ang talumpati ay gumagamit ng pagsasalaysay habang ang posisyong papel ay gumagamit naman ng pangangatwiran. C. Ang talumpati ay dapat makahikayat, pero ang posisyong papel ay dapat maglarawan ng isang partikular na isyu. D. Wala sa mga nabanggit ____15. Alin sa sumusunod ang maaaring gamiting matibay na ebidensya para sa argumento? A. narinig na kwento B. balitang napanood C. sariling karanasan D. tsismis

____16. Batay sa binigkas na talumpati ni Dr. Bienvenido Lumbera sa 2009 Carlos Palanca Awards Night, “Ano ba ang naging batayan sa pagpaparangal sa nagwaging likha? Galing sa akademya ang karaniwang hinihirang na hurado, kaya’t ang mga propesor at manunulat ay naghahanap ng mga katangiang kinikilala sa unibersidad at kolehiyo bilang makabuluhan at makasining.” Ano ang mahihinuha sa mga pahayag na ito tungkol sa pagpili ng mga paparangalang likha? A. kinikilala at batikang mga manunulat ang nagdedesisyon sa mananalo B. mga mahuhusay at tanyag na propesor ang pumipili ng mga mananalo C. mataas na uri ng sining at pagpapahalaga sa lipunan ang pinipiling mananalo D. mababang parangal ang ibinigay sa mga taong may husay sa sining at kultura ____17. Batay sa Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad, “Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito.” Ano ang pangunahing argumento sa nasabing pahayag? A. pagkilala ng sariling wika C. pagtakwil sa dayuhang wika B. intelektwalisasyon ng wika D. pagkilala sa mga wikang banyaga ____18. Ano ang pagkakapareho ng buod at abstrak? A. may iisang talata lamang C. nagsusuma ng akademikong sulatin B. binubuo ng 200-300 salita D. itinatala ang bunga ng pagpupulong ____19. Alin sa mga sumusunod na kurso ang nabibilang sa Humanidades? A. biolohiya B. linggwistiks C. heograpiya D. anatomy ____20. Alin sa mga sumusnod na kurso ang HINDI nabibilang sa Agham Panlipunan? A. Panitikan B. Sikolohiya C. Arkeolohiya D. linggwistiks ____21. Saang mga disiplina nabibilang ang pag-aaral na may pamagat na “Wika, Astronomiya, Kultura: Kulturang Pilipino sa mga Katawagang Astronomiko”? A. Agham at Humanidades C. Agham Panlipunan at Humanidades B. Agham at Agham Panlipunan D. Sining at Agham ____22. “Nais ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang Filipino upang lalong mapabilis ang intelektwalisasyon nito.” Anong bahagi ng papel pananaliksik ang isinasaad sa itaas na hango sa abstrak ni Tereso Tullao, Jr.? A. Layunin B. Metodolohiya c. Kaligiran ng pag-aaral d. Rekomendasyon ____23. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng konklusyon? A. Ang pag-aaral ay isang pangunahin o eksploratoryong pag-aaral sa ugnayan ng wika at ang mga tradisyon/pamamaraan ng paggamot o medisina. B. Tunay ngang mayaman ang festival bilang pagkukunan ng mahahalagang impormasyon bilang daluyan ng kultura at identidad ng anumang wika, lahi at kultura. C. Marapat lamang sundan, hamak man, ang mga katangi-tanging pinasimulan ng mga Pilipino propesor na gumamit ng wikang Filipino bilang instrumento sa pagsusuri. D. Wala sa mga nabanggit ____24. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kaugnay ng ekonomiks na nakaugat sa lipunang Pilipino? A. pagbibigay ng pasa load C. pagmamano sa mga nakatatanda B. panonood ng mga telenobela D. Banyagang wika ____25. Alin sa mga sumusunod ang masasabing may kahulugan sa Sillag Festival bilang pagkakakilanlan ng La Union? A. adobo B. bulalo C. pinakbet d. bangus ____26. Ano ang pagkakaiba ng tradisyong katutubo at tradisyong siyentipiko sa paggagamot? A. Mga katutubong Pilipino ang manggagamot sa tradisyong katutubo habang mga prayle naman ang manggagamot sa tradisyong siyentipiko. B. Sa tradisyong katutubo, ang sakit ay maaring sa katawan, ginhawa at kaluluwa habang sa tradisyong siyentipiko ang sakit ay sa katawan lamang. C. Ginagamit ang mga halaman at orasyon sa tradisyong Awstronesyano bilang gamot habang bakuna lamang ang itinuturing na gamot sa tradisyong siyentipiko. D. A at B ____27. Ano ang pinatutunayan ng paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplinang pang-akademya? A. pambansang wika ang wikang Filipino C. marami na ang nakakaunawa ng wikang Filipino B. intelektwalisado na ang wikang Filipino D. Multinggwalismo

____28. Isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinusuri ang naging epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat. A. Lakbay Sanaysay B. Larawang Sanaysay C. Replektibong Sanaysay D. Lathalain ____29. Isang akademikong teksto na nagsasalaysay at naglalarawan ng mga karanasan ng may-akda sa pinuntahang lugar, nakasalamuhang tao at pagkain at maging ang kanyang mga naisip o napagtantong ideya. A. Lakbay Sanaysay B. Larawang Sanaysay C. Replektibong Sanaysay D. Lathalain ____30. Maikling pagpapakilala sa manunulat kung saan ang nilalaman nito ay ang kapanganakan, karaniwan itong nasa ikatlong panauhan. Naglalaman ng mahahalagang tala tungkol sa pinag-aralan ng manunulat, mga karangalang natamo at mga interes sa buhay o pag-aaral. A. abstrak B. bionotes C. Sintesis D. Talumpati ____31. Kinakailangang dito na masanay ang mga mag-aaral na bumuo ng sariling mga argumento hinggil sa isang napapanahong isyu, habang isinasalang-alang ang iba’t ibang mga katotohanang ugnay dito. A. posisyong papel B. talumpati C. sanaysay D. abstrak ____32. Hindi lamang ito simpleng paglalahad upang ipaunawa ang gagawing proyekto; bagkus, kinakailangan nitong maging mapanghikayat, nang sa gayon ay pahintulutan ang pagsasagawa ng partikular na proyekto. A. Sintesis B. Sanaysay C. Talumpati D. Panukalang Proyekto ____33. Ang tawag sa mga paksa o aksyong gagawin na makikita sa katitikan ng pulong. A. Abstrak B. Sanaysay C. Agenda D. Talumpati ____34. Nililiwanag sa pamamagitan nito ang ang mga katotohanan, mga ideya o kaisipan, at mahalagang impormasyong kaugnay ng paksang tinalakay. a. Pangangatwiran b. Pagsasalaysay c, Paglalahad d. Paglalarawan ____35. Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon, o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa isang manunulat. a. Pangangatwiran b. Pagsasalaysay c, Paglalahad d. Paglalarawan II. TAMA o MALI: Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag. Kung MALI, isulat ang salitang ‘mali’ at ang wastong sagot. _____1. Ang ulat ng mga napag-usapan at mga aksyong gagawin ay ang siyang pinakamahalagang impormasyon na makikita sa katitikan ng pulong. TAMA _____2. Maaaring magbigay ng enumerasyon ng mga bagay na inilalahad o di kaya’y suriin ito batay sa bahagi o uriin ayon sa kategorya kapag sumusulat ng tekstong naglalahad. Tama _____3. Ang tekstong naglalarawan ay nagkukwento ng isang pangyayari o mga pangyayaring magkakaugnay at may karakterisasyon o pag-unlad ng tauhan. Mali _____4. Ang mga tekstong naglalahad at naglalarawan ay nagpapahayag ng mga katangian batay sa limang pandama: paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at panalat. Mali _____5. Nanghihikayat pumanig sa opinyon ng tagapagsalita ang akademikong sulating nangangatwiran. Tama _____6.Ang talumpati ay isang akademikong teksto na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Mali _____7.Sapat na ang matitibay na argumento sa posisyong papel kahit walang ebidensya. Tama _____8.Mas epektibo ang posisyong papel kung mabulaklak ang pananalita upang maitago ang tunay na kahulugan ng mga pahayag. Mali _____ 9. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa notecard hinggil sa mga impormasyon na kaniyang nakuha sa mga aklat. MALI _____ 10. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon ng kaniyang ginagawang pagaaral. MALI _____ 11. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na kwestiyonable. MALI _____ 12. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga pangyayari hinggil sa mga paboritong artista sa telebisyon. MALI _____ 13. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-uulat ng mga pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang mga iskolar hinggil sa iba’t ibang mga disiplina. TAMA _____ 14. Nagsisilbing giya o padron ng isusulat na pag-aaral ang balangkas. TAMA _____ 15. Bagaman maikli, kinakailangang malinaw at direkta ang pagbubuod. TAMA

Pagpalain Ka Nawa ng Poong Maykapal!

Inihanda ni: G. John Rey G. Sanchez Nobyembre 14, 2017

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF