Filipino Module 1 Grade 1

July 22, 2024 | Author: Anonymous | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Filipino Module 1 Grade 1...

Description

1 Filipino

Unang Markahan-Modyul 1: Ako at ang Aking Paaralan

Alamin Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyong kaisipan o kaalaman. Ito ay tutulong sa iyo na maging bihasa sa araling itinakda para sa Unang Baitang na may pamagat na Pagbuo ng ng mga Letra. Ang kabuuan ng modyul na ito ay nagpapahintulot na gamitin sa iba’t ibang paraan ng pag-aaral. Ang diyalekto o Mother Tongue ay kumikilala sa iba’t ibang antas ng bokabularyo ng isang mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos ayon sa pamantayan ng pagtuturo. Ngunit, ang pamantayan na iyong binabasa ngayon ay maaaring magbago para tumugma sa batayang aklat na gagamitin ng isang mag-aaral. Ang modyul na ito ay nahati sa tatlong aralin, ito ay ang mga sumusunod:  Aralin 1: Pagbuo ng Tanong Tungkol sa Isang Larawan  Aralin 2: Pagbuo ng Tanong Tungkol sa Isang Kuwento  Aralin 3: Pagbuo ng Tanong Tungkol sa Napakinggang Balita Pagkatapos balangkasin ang modyul, inaasahan ang isang magaaral na natutuhan ang araling ito: 1. Nakapagtatanong tungkol sa isang larawan, kuwento, at napakinggang balita

Subukin Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, ipapasubok sa bata kung hanggang saan ang kanyang kaalaman. Huwag mag-alala kung hindi makuha ng bata ang tamang sagot dahil ito ay isa lamang pagsubok. Huwag ibigay ang tamang kasagutan upang tunay na masukat ang kaniyang angking kaalaman para sa ating aralin. Ngayong araw, ang iyong tapat na paggabay sa iyong anak an gaming hinihiling. Maraming Salamat po! Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga tanong sa tamang larawan. 1. Ilan ang kamatis?

a.

2. Sino ang naglilinis?

b.

3. Ano ang tinutugtog ng babae?

c.

4. Saan nakalagay ang mga papaya?

d.

5. Bakit masaya ang pamilya?

e.

Aralin

1

Pagbuo ng Tanong Tungkol sa Isang Larawan Tuklasin

Panuto sa Magulang: Tulungan ang bata sa pagbasa ng kuwento upang madagdagan at malinang pa ang kaniyang kaalaman.

Sampung Magkakaibigan

Isinulat ni: Kristine Canon Iginuhit ni: Ruben De Jesus May sampung magkakaibigan. Si Karlo at siyam niyang kaklase. Si Ben na kaybagal, si Susie na madungis, si Leo, si Lara, si Karen, si Joochan na Koreano, ang kambal na sina Eric at Ella, at ang antuking si Anton. Mahilig silang maglaro, mag-aral, at magtulungan. Pero minsan, si Karlo ay hindi masayang kasama. “Beeh” ang tukso ni Karlo, nang maunahan niya sa pila ang babagalbagal na si Ben. Umiling na lang si Ben at lumayo kay Karlo. “Kadiri” ka, hindi kita bati” sambit ni Karlo nang napatabi siya kay Susie na madungis. Di napansin ni Karlo ang mataas na tore ng bloke ni Leo. Bumagsak ang toreng gawa ni Leo. “Hahaha buti nga!” sabi niya kay Leo. “Akin na yan!” biglang agaw ni Karlo sa laruan ni Lara. “Akin rin to!”, sabi ni Karlo, sabay agaw ng suman na kinakain ni Karen. Nasagi rin ni Karlo ang kinakaing mami ni Joo-chan na Koreano pero hindi siya nag-sorry. “Hindi ba kayo marunong sumunod sa laro? Huwag na nga kayong sumali!” ang sabi ni Karlo kina Eric at Ella pagkatapos siyang matalo sa pompiyang at siya na ang susunod na taya sa taguan. Sinubukang gisingin ni Karlo si Anton para makipaglaro. “Hooooyyy! Gising

Ka!” ang sigaw ni Karlo sa antuking si Anton. Pero hindi nagising si Anton” Hindi kita bati!” sabi ni Karlo. Isang araw, pagdating ni Karlo sa paaralan, hinanap niya ang kaniyang mga kaklase. Gusto sana niyang makipaglaro pero walang bata sa silid nila. Wala ring bata sa canteen. Takang-taka si Karlo. Nakita ni Karlo na masayang naglalaro ang kaniyang mga kaklase sa bakuran ng kanilang paaralan. Nakita nila si Karlo pero di nila ito inimbitang makipaglaro sa kanila.” Ikaw gusto mo bang makipaglaro sa akin?” Naiyak si Karlo nang naisip niya na walang gustong makipaglaro sa kaniya. Ganito siguro kasama ang nararamdaman ng mga kaklase niya kapag inaagawan niya sila ng laruan at baon. Ganito siguro kasakit ang pang-aaway at panunuksong ginagawa niya sa kanila. Noon naisip ni Karlo na maging mas mabuting kaklase. Kinabukasan, lumapit si Karlo kay Ben na kaybagal sa pila. “Mauna ka na sa akin sa pila.” Sabi ni Karlo kay Ben. “Mahal kita!” sabi niya kay Susie na madungis, sabay halik dito. “Hati tayo sa baon ko.” Sabi ni Karlo kina Karen at Joo-chan noong recess. Ipinahiram ni Karlo ang kaniyang bagong laruan kay Lara. “Ikaw muna ang maglaro tapos ako naman, ha?” sabi niya kay Lara. Inanyayahan niya si Leo na gumawa ng mataas na tore ng bloke. ” Paano ba ‘yang laro ninyo? Puwede ba akong sumali?” Pakiusap ni Karlo kina Eric at Ella. “Shhh…. huwag tayong maingay, magigising si Anton,” paalaala ni Karlo. May sampung magkakaibigan. Si Karlo at siyam niyang kaklase.

Tingnan ang mga larawan mula sa kuwentong binasa at bilugan ang tamang tanong para dito.

1.

a. Ano ang pangalan mo? b. Bakit natumba ang tore ni Leo? c. Bakit ka umiiyak? d. Sino ang ate mo?

2.

a. b. c. d.

Kailan ka uuwi? Bakit siya nahulog? Paano ginigising ni Karlo si Leo? Ilan ang sapatos mo?

3.

a. b. c. d.

Kailan ang kaarawan mo? Paano ka nakabili niyan? Sino ang umiiyak? Ano ang ulam nila?

Suriin Kapag bumubuo tayo ng mga tanong, gumagamit tayo

ng mga sumusunod na salita:

    

Ano kapag nagtatanong tungkol sa bagay Sino kapag nagtatanong tungkol sa tao Saan kapag nagtatanong tungkol sa lugar Bakit kapag nagtatanong tungkol sa dahilan Kailan kapag nagtatanong tungkol sa oras o petsa ng isang pangyayari  Paano kapag nagtatanong tungkol sa paraan ng paggawa ng isang bagay  Ilan kapag nagtatanong tungkol sa bilang ng tao, bagay at hayop Mahalaga ang pagtatanong dahil ito ay nagbibigay sa atin ang gabay at impormasyon.

Pagyamanin Panuto: Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

Sino

Ilan

Saan

Bakit

Kailan

1. Anong salita ang ginagamit kapag gusto mong magtanong tungkol sa dahilan. 2. Anong salita ang ginagamit kapag gusto mong magtanong tungkol sa tao. 3. Anong salita ang ginagamit kapag gusto mong magtanong tungkol sa bilang ng tao, bagay at hayop. 4. Anong salita ang ginagamit kapag gusto mong magtanong tungkol sa oras o petsa ng isang pangyayari. 5. Anong salita ang ginagamit kapag gusto mong magtanong tungkol sa lugar.

Isaisip Panuto: Lagyan ng puso ( ) ang salitang ginagamit sa pagtatanong tungkol sa larawan at bituin ( )kung hindi. 1. Kailan 2. Saan 3. Siya 4. Sino 5. Ano

Isagawa Panuto: Bilugan ang titik ng tamang tanong tungkol sa larawan. a. Ano ang ginagawa ng pamilya? b. Saan sila kumakain? c. Ilan ang miyembro ng pamilya? d. Kaunti ang miyembro ng pamilya. e. Bakit sila masaya?

Tayahin

2.

Panuto: Piliin at bilugan ang letra ng tamang tanong tungkol sa larawan. 1. a. Ano ang ginagawa ng bata? b. Bakit siya naglalaro? c. Sino ang nanay niya? d. Bakit siya sumasayaw? a. Paano ka kumakain? b. Ilan ang mga gulay? c. Saan ka nakatira? d. Sino ang katabi niya? 3. a. Ano ang kinakanta mo? b. Kailan ka uuwi? c. Saan sila naglalaro? d. Ano ang itinatapon ni Ana?

Karagdagang Gawain Panuto: Sumulat ng isa hanggang limang tanong tungkol sa larawan. 1. 2. 3. 4. 5.

_? _? _? _? _?

Subukin Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, ipapasubok sa bata kung hanggang saan ang kanyang kaalaman. Huwag mag-alala kung hindi makuha ng bata ang tamang sagot dahil ito ay isa lamang pagsubok. Huwag ibigay ang tamang kasagutan upang tunay na masukat ang kaniyang angking kaalaman para sa ating aralin. Ngayong araw, ang iyong tapat na paggabay sa iyong anak an gaming hinihiling. Maraming Salamat po! Alin sa sumusunod ang isang tanong. Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ito ay tanong at ekis (x) naman kung hindi. 1. Ano ang pangalan mo? 2. Saan ka nakatira? 3. Maganda ang ate ko. 4. Mabait ang bata. 5. Sino ang kaibigan mo?

Aralin

2

Pagbuo ng Tanong Tungkol sa Isang Kuwento Balikan

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang mga salitang ginagamit sa pagtatanong. Paano, Kailan, Sino, Ano, Ako, Sila, Saan

1. 2. 3. 4. 5.

Tuklasin Panuto sa Magulang: Tulungan ang bata sa pagbabasa ng mga salita at kahulugan nito upang madagdagan at malinang pa ang kaniyang kaalaman. Sabihin sa bata: Basahin ang mga salita at unawain ang mga kahulugan ng mga ito. Salita Kahulugan Larawan kambal

Sabay na ipinagbuntis at ipinanganak ng isang ina.

Koreano

Taong ipinanganak at nakatira sa Korea.

pompiyang

Isang laro gamit ang mga kamay. Ang maiibang posisyon ng kamay matapos ang ilang bilang ay siyang magiging taya.

nasagi

tore

Tinamaan nang hindi sinasadya. Isang mataas na gusali.

Panuto sa Magulang: Tulungan ang bata sa pagbabasa ng kuwentong Sampung Magkakaibigan. Sampung Magkakaibigan Kwento ni: Kristine Canon May sampung magkakaibigan. Si Karlo at siyam niyang kaklase. Si Ben na kaybagal, si Susie na madungis, si Leo, si Lara, si Karen, si Joo-chan na Koreano, ang kambal na sina Eric at Ella, at ang antuking si Anton. Mahilig silang maglaro, mag-aral, at magtulungan. Pero minsan, si Karlo ay hindi masayang kasama. “Beeh!” ang tukso ni Karlo, nang maunahan niya sa pila ang babagal-bagal na si Ben.nUmiling na lang si Ben at lumayo kay Karlo. “Kadiri ka, hindi kita bati!” sambit ni Karlo nang napatabi siya kay Susie na madungis. Di napansin ni Karlo ang mataas na tore ng bloke ni Leo. Bumagsak ang toreng gawa ni Leo. “Hahaha! Buti nga!” sabi niya kay Leo. “Akin na yan!” biglang agaw ni Karlo sa laruan ni Lara. “Akin rin to!”, sabi ni Karlo, sabay agaw ng suman na kinakain ni Karen. Nasagi rin ni Karlo ang kinakaing mami ni Joo-chan na Koreano pero hindi siya nag sorry. “Hindi ba kayo marunong sumunod sa laro? Huwag na nga kayong sumali!” ang sabi ni Karlo kina Eric at Ella pagkatapos siyang matalo sa pompiyang at siya na ang susunod na taya sa taguan. Sinubukang gisingin ni Karlo si Anton para makipaglaro. “Hooooyyy! Gising ka!” ang sigaw ni Karlo sa antuking si Anton. Pero hindi nagising si Anton. “Hindi kita bati!” sabi ni Karlo kay Anton kahit di siya naririnig nito. Nag-iisa na lamang si Karlo. Isang araw, pagdating ni Karlo sa paaralan, hinanap niya ang kaniyang mga kaklase. Gusto sana niyang makipaglaro pero walang bata sa silid nila. Wala ring bata sa kantina. Takang-taka si Karlo. Nakita ni Karlo na masayang naglalaro ang kaniyangj mga kaklase sa bakuran ng kanilang paaralan. Nakita nila si Karlo pero di nila ito inimbitang makipaglaro sa kanila. “Ikaw, gusto mo bang makipaglaro sa akin?” tanong ni Karlo.

Naiyak si Karlo nang maisip niya na walang gusting makipaglaro sa kaniya. Ganito siguro kasama ang nararamdaman ng mga kaklase niya kapag inaagawan niya sila ng laruan at baon. Ganito siguro kasakit ang pang-aaway at panunuksong ginagawa niya sa kanila. Noon naisip ni Karlo na maging mas mabuting kaklase. Kinabukasan, lumapit si Karlo kay Ben na kaybagal sa pila. “Mauna ka na sa akin sa pila.” Sabi ni Karlo kay Ben. “Mahal kita!” sabi niya kay Susie na madungis, sabay halik dito. “Hati tayo sa baon ko.” Sabi ni Karlo kina Karen at Joo-chan noong recess. Ipinahiram ni Karlo ang kaniyang bagong laruan kay Lara. “Ikaw muna ang maglaro tapos ako naman, ha?” sabi niya kay Lara.Inanyayahan niya si Leo na gumawa ng mataas na tore ng bloke. “Paano ba ‘yang laro ninyo? Puwede ba akong sumali?” pakiusap ni Karlo kina Eric at Ella. “Shhhh…huwag tayong maingay, magigising si Anton,” paalala ni Karlo.May sampung magkakaibigan. Si Karlo at siyam niyang kaklase.

Panuto: Balikan ang kuwentong binasa. Bilugan ang titik na may angkop na tanong sa bawat sitwasyon mula sa kuwento. 1. May sampung magkakaibigan. Si Karlo at siyam niyang kaklase. a. Lima ba silang magkakaibigan? b. Si Karlo ba ay may mga kaibigan? c. Sampu ba silang magkakaibigan? d. Lalaki ba lahat ang magkakaibigan? 2. Si Karlo ay mahilig mang-asar sa kanyang mga kaklase. a. Mabuting kaibigan ba si Karlo? b. Kanais-nais baa ng ginagawa ni karlo? c. Mabait ba na kaibigan si Karlo? d. Salbaheng bata ba si Karlo? 3. Isang araw, pagdating ni Karlo sa paaralan, hinanap niya ang kaniyang mga kaklase. Gusto sana niyang makipaglaro pero walang mga bata sa silid-aralan. a. Nakapaglaro ba si Karlo? b. May mga bata bang nadatnan si Karlo? c. Hinanap ba ni Karlo ang kaniyang mga kaibigan? d. Gusto bang makipaglaro sa kaniya ang mga kaibigan ni Karlo? 4. Nakita ni Karlo na masayang naglalaro ang kaniyang mga kaklase sa bakuran ng kanilang paaralan. Nakita nila si Karlo pero hindi nila ito inimbitang makipaglaro sa kanila. a. Masaya bang nakipaglaro si Karlo sa mga kaibigan?

b. Tinawag ba si Karlo na makipaglaro sa kanila? c. Nakita ba nila si Karlo? d. Sumali ba si Karlo sa kanilang paglalaro? 5. Naisip ni Karlo na maging mas mabuting kaklase nalang kaysa maging salbahe. Mula noon ang masaya na siyang nakipaglaro sa mga kaibigan. a. Mailap pa rin ba ang mga kaibigan ni Karlo sa kaniya? b. Salbahe pa rin ba si Karlo sa kaniyang mga kaibigan? c. Naging mabuting kaibigan ba si Karlo sa kaniyang kaibigan? d. Iniiwasan pa rin ba si Karlo ng kaniyang mga kaibigan?

Suriin Gumagamit tayo ng mga salitang pananong upang simulan ang ating mga tanong. Gumagamit tayo ng salitang ano, sino, saan, kailan, ilan at paano.  Ano kung nais nating magtanong tungkol sa isang bagay. Halimbawa: Ano ang bagay na ginawa ni Leo?  Sino kung nais magtanong tungkol sa tao. Halimbawa: Sino ang inagawan ng laruan ni Karlo?  Saan kung nais magtanong tungkol sa lugar. Halimbawa: Saan naglalaro ang magkakaibigan?  Kailan kung nais mong malaman ang oras o petsa ng isang pangyayari. Halimbawa: Kailan naisip ni Karlo na maging mabuting bata?  Ilan kung nais mong malaman ang bilang ng tao, bagay, o hayop. Halimbawa: Ilan ang magkakaibigan?  Paano kung nais mong magtanong tungkol sa paraan ng paggwa ng isang bagay. Halimbawa: Paano naging mabuting kaibigan si Karlo? Itanong sa bata: Anong mga salita ang ginagamit sa pagtatanong? Anong bantas ang ginagamit sa pagtatanong?

Tandaan na sa pagbuo ng tanong gumagamit tayo ng tandang pananong (?) Mahalaga ang pagtatanong dahil ito ay nagbibigay sa atin ang gabay at impormasyon.

Pagyamanin Gawain 1 Panuto: Iguhit sa patlang ang bituin kung tama ang sinasabi ng pangungusap at bilog naman kung hindi. 1. Ang salitang paano ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa bilang ng tao, bagay, o hayop. 2. Ginagamit ang sino sa pagtatanong tungkol sa ngalan ng pook o lugar. 3. Ang ilan ay ginagamit sa pagtatanong ng bilang ng tao, bagay, o pook. 4. Ang oras ay sumasagot sa tanong na kailan. 5. Sinasagot ang tanong na sino kapag tinutukoy ang tao.

Isaisip Panuto: Basahin ang maikling tula, pagkatapos ay isulat sa loob ng puso ang angkop na salitang tanong sa bawat pangungusap. Piliin sa loob ng puso ang tamang sagot. Saan

Ano

Sino

Bakit

Sa tahanang pugad, Umaawit ang ibon; Sumasayaw sa tuwa, Mga luntiang dahon. Sa ilailim ng kahoy, Isang batang pagod; May ngiti sa

Paano

Kailan

labing, Ito’y pinanonood.

Nawala sa isip, Na ito’y hulihin; Sa ganda ng awit, Sumaya ang damdamin.

1. 2. 3. 4. 5.

naroon ang ibon? ang ginagawa ng ibon? ang nasa ilalim ng puno? hindi hinuli ng bata ang ibon? pinanonood ng bata ang ibon?

Isagawa Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng akmang tanong sa bawat sitwasyon. 1. May nakita kang batang umiiyak. a. Bakit ka umiiyak? b. Ano ang kinakain mo? c. Sino ang kaibigan mo? d. Kailan ang kaarawan mo? 2. May nakita kang bola. a. Ano ang pangalan mo? b. Sino ang may-ari nito? c. Saan ang bahay mo? d. Kailan ka uuwi? 3. Nasalubong mo ang iyong kaibigan. a. Ano ang ginagawa mo? b. Ilan ang kapatid mo? c. Saan ka pupunta? d. Kailan ka naligo? 4. Oras na ng tanghalian. a. Ano ang ulam natin? b. Sino ang tatay mo? c. Saan ang tabo? d. Paano ka sumulat?

Tayahin Panuto: Punan ng tamang salitang pananong ang bawat patlang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Ano 1. 2. 3. 4. 5.

Ilan

Kailan

Sino

Saan

ang pamagat ng kwento? ang batang salbahe? ang magkakaibigan sa kwento? ang antuking bata? naglalaro ang mga kaklase ni Karlo?

Karagdagang Gawain Panuto: Sumulat ng limang tanong batay sa kuwentong napakinggan o napanood. 1.

?

2.

?

3.

?

4.

?

5.

?

Subukin Panuto: Basahin ang maikling balita.

Radyo Balita Ang labis na paggamit ng gadgets ay may masamang epekto sa mga mata ng mga bata. Nakagawian na ng mga kabataan ang paggamit ng iba’t-ibang uri ng mga gadgets. Ngunit nagbabala ang mga doktor sa masamang epekto na naidudulot sa madalas na paggamit ng mga ito. Ayon sa mga doctor, nagdudulot ito ng samu’t saring karamdaman sa mata, kabilang dito ang pagkalabo ng mga mata. Maaaring magkaroon ng myopia (isang uri ng sakit sa mata) ang mata ng mga bata sa labis na paggamit ng mga gadgets. Dulot umano ng pagkababad ng mga mata sa blue light na nakikita sa mga screen ng cellphone, tablet, computer at maging ang telebisyon. Paalaala ng mga doctor sa ting mga magulang na limitahan ang mga anak sa paggamit nito.

Panuto: Lagyan ng tsek ang tamang salitang pananong na ginamit tungkol sa Radyong Balitang nabasa. 1.

Ano

Sino

Bakit

Ilan

ang mga gadgets na nabanggit sa balitang nabasa? 2. 3.

4. 5.

Sino

Bakit

Kailan

Ano

ang masisira sa labis na paggamit ng gadgets? Bakit

Sino

Ano

Ilan

ang nagbabala sa mga magulang na limitahan ang mga anak sa paggamit ng gadgets? Bakit

Sino

Kailan

Ilan

limitahan ang labis na paggamit ng mga gadgets? Bakit

Sino

Paano

Ano

maiwasan ang labis na paggamit ng mga gadgets?

Aralin

3

Pagbuo ng Tanong Tungkol sa Napakinggang Balita

Ngayon ay may panibagong leksyon tayong tatalakayin sa modyul na ito. Hangad ko na matagumpay mong matapos ang leksyon at mga gawain.

Balikan Panuto: Bilugan ang mga salitang pananong sa bawat pangungusap. 1. Sino ang batang salbahe? 2. Saan naglalaro ang magkakaibigan? 3. Ilan ang magkakaibigan? 4. Ano ang ginawa ni Karlo? 5. Bakit binasa ni Karlo si Susie?

Tuklasin Sabihin sa bata: Basahin ang mga salita at unawain ang mga kahulugan ng mga ito. Salita Kahulugan Uri ng sakit na may sintomas ng pagkakaroon tigdas ng maraming mapupulang marka sa balat Gamot na itinuturok sa braso upang makaiwas pagbabakuna sa mga sakit na dulot ng virus o bakuna. nakahahawa Sakit na naisasalin sa ibang tao. Pagkakaroon ng iba’t-ibang uri ng mga sakit kumplikasyon sa katawan. Alam mo na ba ang mga salitang binasa? Nakikinig ka rin ba ng balita? Ngayon ay may balita tayong babasahin at tatalakayin. Panuto sa Magulang: Tulungan ang bata sa pagbasa ng balita.

Kampanya Kontra-Tigdas, Nagsimula Na Sinimulan na ng Kagawaran ng Kalusugan o DOH ang kanilang pambansang kampanya laban sa tigdas. Layunin nitong maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit na ito. Posible itong magdulot ng kumplikasyon katulad ng pulmonya at iba pang mas malalang kondisyon. Pagbabakuna lamang ang paraan upang maiwasan ang tigdas. Ayon sa DOH, mas mabilis at mas matindi ang pagkalat ng tigdas kaysa sa ibang sakit, kaya’t mahalagang mabakunahan ang mga bata laban dito. Nanawagan ang DOH sa lahat ng magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na health center upang mapabakunahan.

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang nilalaman ng balita? a. Kampanya Kontra Covid-19 b. Kampanya Kontra Dengue c. Kampanya Kontra Tigdas d. Kampanya Kontra Kolera 2. Aling Ahensiya ng Gobyerno ang nagpalaganap ng balitang kontra Tigdas? a. Kagawaran ng Edukasyon b. Kagawaran ng Agrikultura c. Kagawaran ng Kalusugan d. Kagawaran ng Telekomunikasyon 3. Bakit mahalagang magpabakuna ang mga bata laban sa sakit na tigdas? a. upang maging malusog ang katawan b. upang maging maliksi ang pag-iisip c. upang maging masaya d. upang labanan ang sakit na tigdas 4. Saan dapat dalhin ng mga magulang ang kanilang mga anak upang mabakunahan? a. sa paaralan b. sa palengke c. sa ospital o Health Center d. sa simbahan

Suriin Gumagamit tayo ng mga salitang pananong upang simulan ang ating mga tanong. Gumagamit tayo ng salitang ano, sino, saan, kailan, ilan at paano. Ilan lamang ito sa mga ginagamit natin upang gabay sa paggawa ng tanong.  Ano kung nais nating magtanong tungkol sa isang bagay. Halimbawa: Ano ang dala mo?  Sino kung nais magtanong tungkol sa tao. Halimbawa: Sino ang kaibigan mo?  Saan kung nais magtanong tungkol sa lugar. Halimbawa: Saan ka nakatira?  Kailan kung nais mong malaman ang oras o petsa ng isang pangyayari. Halimbawa: Kailan ang kaarwan mo?  Ilan kung nais mong malaman ang bilang ng tao, bagay, o hayop. Halimbawa: Ilan ang lapis mo?  Paano kung nais mong magtanong tungkol sa paraan ng paggwa ng isang bagay. Halimbawa: Paano niluluto ang adobo? Anong mga salita ang ginagamit sa pagtatanong? Anong bantas ang ginagamit sa pagtatanong? Tandaan na sa pagbuo ng tanong gumagamit tayo ng tandang pananong (?) Mahalaga ang pagtatanong dahil ito ay nagbibigay sa atin ang gabay at impormasyon.

Pagyamanin Gawain 1 Panuto: Piliin sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang

tamang sagot.

Kailan

Ano

Paano

Bakit

Sino

Ilan

1. Ang salitang ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa bilang ng tao, bagay, o hayop. 2. Ginagamit ang sa pagtatanong tungkol sa ngalan ng pook o lugar. 3. Ang salitang ay ginagamit kung nais mong magtanong tungkol sa paraan ng paggwa ng isang bagay. 4. Ang oras ay sumasagot sa tanong na _. 5. Sinasagot ang tanong na _ kapag tinutukoy ang tao.

Isaisip Panuto: Alin sa sumusunod ang mga salitang pananong? Kulayan sa loob ng puso ang tamang sagot. Kailan

Kami

Bukas Ikaw

Sila

Tayo

Sino

Bakit

Paano Ano

Isagawa Panuto: Buuin ang tanong sa binasang balita. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. ang sakit na tigdas? a. Saan b. Paano c. Ilan d. Ano

2.

3.

dapat dalhin ang mga bata upang mabakunahan? a. Sino b. Ano c. Saan d. Paano ang Ahensiya ng Gobyerno na nagpalaganap ng balita? a. Paano b. Ano c. Kailan d. Ilan

Tayahin Panuto: Basahing muli ang balita at isulat sa patlang ang tamang salitang pananong na Ano, Sino, Ilan, Kailan, o Paano upang mabuo ang isang pangungusap na pananong.

Radyo Balita Ang labis na paggamit ng gadgets ay may masamang epekto sa mga mata ng mga bata. Nakagawian na ng mga kabataan ang paggamit ng iba’t-ibang uri ng mga gadgets. Ngunit nagbabala ang mga doktor sa masamang epekto na naidudulot sa madalas na paggamit ng mga ito. Ayon sa mga doctor, nagdudulot ito ng samu’t saring karamdaman sa mata, kabilang dito ang pagkalabo ng mga mata. Maaaring magkaroon ng myopia (isang uri ng sakit sa mata) ang mata ng mga bata sa labis na paggamit ng mga gadgets. Dulot umano ng pagkababad ng mga mata sa blue light na nakikita sa mga screen ng cellphone, tablet, computer at maging ang telebisyon. Paalaala ng mga doctor sa ting mga magulang na limitahan ang mga anak sa paggamit nito.

1. 2.

3. 4.

5.

ang nilalaman ng balita? ang nagpahayag ng babala sa mga magulang? lang dapat gamitin ang mga gadgets? maiiwasan ang maagang pagkasira ng mga mata? ang mga halimbawa ng gadgets ang nasa balita?

Karagdagang Gawain Panuto: Basahing muli ang Rdayo Balita at sumulat ng limang mga tanong tungkol dito. Gamitin ang mga pananong na Ano, Kailan, Sino, Paano at Ilan.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF