Feature Writing Sample (Filipino)

August 9, 2024 | Author: Anonymous | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download


Description

Buhay ng Tsuper Sakripisyong maituturing ang pagiging isang tsuper ng dyip. Bilang anak ng isang tsuper, nakikita ko ang sakripisyong dinadanas ng aking ama. Aalis siya ng malakas, masigla, may ngiti sa mukha at uuwing lupaypay sa magdamag na pagpapasada dala ang kakarampot na kita. Sa isang pagkakataon sa aking buhay, ako ay sumama at naranasan ang pagpapasada ng magdamag sa kalsada. Doon ko nakita ang halaga ng bawat pisong ibinabayad ng mga pasaherong akyat baba sa aming dyip. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganoon na lamang ang paghihigpit ng aming ama sa pagbibigay ng pera sa aming magkakapatid. Ang pagpapasada ang isa sa pangunahing ikinabubuhay ng maraming pamilyang Pilipino. Sa bawat pagtaas ng presyo ng gasolina lalo nitong naapektuhan ang magiging kita ng bawat tsuper. Ito ay nangangahulugan na kailangan pa nilang mas pag-igihin ang pagpapasada sa bawat oras. Doble kayod pa ang dapat nilang ipakita upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Idagdag mo pa ang araw-araw na nagpapahirap sa kanila na tirik na araw at maitim na usok na kanilang nalalanghap sa kalsadang tinatahak. Ayon sa salaysay ng aking ama, maraming nakakatuwa, nakakainis at nakakapikon na eksena habang nagpapasada. Mayroong mga hindi nagbabayad o kung tawagin nila ay mga "123". Nagtutulugtulugan at mayamaya di mo namamalayan mga nakalibre at nakababa na pala. Mga lasing na pasahero na nangungulit sa kapwa byahero na minsan ay nagdudulot pa ng gulo. At higit sa lahat, mga kapwa drayber o tsuper na matutulin magpatakbo ng dyip

na minamaneho na kadalasang nagdudulot ng aksidente sa kalsada at trapiko. Tunay nga na ang buhay ng mga tsuper ay hindi biro. Ang kanilang buhay ay katulad din ng daanan o kalsada. Ang mga lubak na daanan ay sumisimbulo sa mga panahong hirap kumita. Samantala, ang patag at mainam na daan naman ay sumisimbolo sa mga panahong nakakaranas ng kariwasaan at malaking kita. Ang mga "U - Turn" naman ay sumisimbulo sa pagbangon at pagsisimulang muli sa panibagong byahe ng buhay.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF