8 NOT
Edukasyon sa Pagpapakatao Quarter 1 - Module 4 (Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya)
Learning Area – Grade 8 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Module 4: (Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya) Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalty. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Published by the Department of Education – Division of Gingoog City Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI Development Team of the Module Author/s: Geraldin M. Apog Marife S. Leong Reviewers: Illustrator and Layout Artist: Joemar Valdevilla Management Team Chairperson:Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI Schools Division Superintendent Co-Chairpersons:
Conniebel C.Nistal, PhD. Assistant Schools Division Superintendent Pablito B. Altubar Chief, Curriculum Implementation Division
Members Rodrigande J. Miole, EPS 1- ESP Catalina P. Rubin, PSDS Himaya B. Sinatao, LRMS Manager Jay Michael A. Calipusan, PDO II Mercy M. Caharian, Librarian II Printed in the Philippines by Department of Education – Division of Gingoog City Office Address: Brgy. 23,National Highway,Gingoog City Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118 E-mail Address:
[email protected]
8 Edukasyon Sa Pagpapakatao Quarter 1 - Modyul 4 Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
Talaan ng Nilalaman Talaan ng Nilalaman.................................................................................................i Paunang Pasalita......................................................................................................ii Icons of this Module...................................................................................................iii
Leksyon 1: Mga Gawaing angkop sa Panlipunan na Papel ng Pamilya Alamin...........................................................................................................1 Subukin..........................................................................................................2-3 Tuklasin.........................................................................................................4 Suriin.............................................................................................................5-6 Pagyamanin...................................................................................................7 Isaisip.............................................................................................................8 Isagawa..........................................................................................................9 Leksyon 2: Pagbabantay sa mga Batas at Institusyong Panlipunan Balikan...........................................................................................................10 Alamin.................................................................................................10 Tuklasin.........................................................................................................11 Suriin...................................................................................................11 Pagyamanin.........................................................................................12 Isaisip..................................................................................................13 Isagawa...............................................................................................14 Buod
. . . . . ….. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . … .
Assessment: (Post-Test) ………………………………………………………..
15-16 17-19
Susi sa Kasagutan.............................................................................................................................20
Sanggunian............................................................................................................................21
i
This page is intentionally blank
Paunang Salita Sa nakaraang aralin, natutunan mo na ang pinakamahalagang ipinahayag na ang tao ay hindi itinakdang mamuhay mag-isa ay ang kakayahan niyang magwika. Ang lahat ay may kahulugan dahil sa wika. Sa pamamagitan nito, ay nagkakaunawaan kaya nagkaisa ang mga tao sa lipunan. Makabuluhan ang pagpapahayag ng ating mga inisip at damdamin. Dahil dito, napapangalagaan natin ang ating kapakanan at nababantayan ang ating karapatan. Nabibigyan ng higit na makabuluhang ekspresyon sa ating paglahok sa mga organisasyon at samahang panlipunan ang ating kalayaan at pagpapahayag ng ating damdamin at iniisip. Ang pagboto ay higit na nagpapakita sa pinakamahalaga nating gawaing politikal. Ang pagpili sa taong karapatdapat na manunungkulan sa pamahalaan. Responsibilidad ng pamilya ang paghubog ng mga mamamayang nakikilahok sa mga gawaing panlipunan, nakikisangkot sa paglutas ng mga pagsubok sa pamayanan at nakikikaalam sa pagtatag ng isang sistemang politikal na may integridad at nagpapatingkad sa dignidad ng bawat tao sa lipunan. Nakikilahok ba ang pamilya mo? Nakikisali ba kayo sa mga gawain sa inyong pamayanan? Nakikialam ba kayo sa politika? Mahalaga ang pakikisangkot at pakikialam ng pamilya sa lipunan at politika. Sa modyul na ito, ay pag-aralan mo ang papel ng pamilya sa lipunan at sa politika. Sa huli’y inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na: Bakit mahalagang magampanan ng pamilya ang kaniyang mga papel na panlipunan at pampolitikal?
ii
Mga Icons sa Modyul:
ALAMIN
SUBUKIN
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga layunin ng pagkatuto ay nakatakda para sa iyo upang malaman habang nagpupunta ka sa modyul Ito ay isang pagtatasa tungkol sa iyong antas ng kaalaman sa paksang nalalaman nilalayong partikular na sukatin ang nauugnay na nauugnay kaalaman
BALIKAN
Ang bahaging ito ay nag-uugnay sa nakaraang aralin kasama iyon ng kasalukuyang isa
TUKLASIN
Isang panimula ng bagong aralin hanggang sa iba't ibang mga aktibidad, bago ito iharap sa iyo
SURIIN
Ito ang mga talakayan ng mga aktibidad bilang a paraan upang palalimin ang iyong pagtuklas at maunawaan nakatayo sa konsepto.
Ito ang mga follow-up na aktibidad na tended para sa PAGYAMANIN iyo upang magsagawa ng karagdagang upang master ang mga kakayahan
ISAISIP
ISAGAWA
PAGTATASA
Mga aktibidad na idinisenyo upang maproseso kung ano ka natutunan sa aralin
Ito ang mga gawain na idinisenyo upang ipakita- kaso ang iyong mga kasanayan at kaalaman na nakuha, at inilapat sa mga alalahanin at sitwasyon sa totoong buhay
Ito ay gawaing naglalayong matas o masukat ang antas ng pagkattuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi
SUSI SA Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga PAGWAWASTO gawain sa module
iii
Alamin
Para sa Mag-aaral
Tungkol saan ang modyul na ito? Gusto mo bang malaman ang papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya? Ano kaya ang kaugnayan ng pamilya sa lipunan at politikal? Bakit mahalaga ang papel ng pamilya sa lipunan at sa poltikal? Paano kaya naisasakatuparan ang papel na ginagampanan ng pamilya larangang ito? Kung gusto mong malaman, paano mo ito sisimulan? Ang modyul na ito ay naglalaman ng buong aralin tungkol sa: Modyul 4: Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng pamilya. Ito ay nagbibigay ng kaliwanagan tungkol sa kahalagahan ng papel na ginagampanan ng pamilya. Naging makabuluhan ang isang lipunan at ang politikal na larangan sa pamamagitan nang pagsasagawa ng bawat pamilya ng kanilang mga tungkulin. Nakasalalay sa uri ng pamilya ang uri ng mamamayan sa lipunan. Halimbawa, sa kasalukuyang panahon, nakadepende sa pamilya ang tagumpay sa pag-iwas sa Covid19 virus sa pamamagitan ng pagsunod sa social distancing at pakikilahok sa ECQ o GCQ.
Para sa mga layunin ng modyul na ito: A) Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampoltikal).: EsP8PBIg-4.1 B) Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at pampulitikal na papel nito. EsP8PBIg-4.2 C) Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal): EsP8PBIh-4.3 D) Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya. EsP8PBIh-4.4.
iv
Modyul
Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
4
Alamin Para sa Mag-aaral Tungkol saan ang modyul na ito? Gusto mo bang malaman ang papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya? Ano kaya ang kaugnayan ng pamilya sa lipunan at politikal? Bakit mahalaga ang papel ng pamilya sa lipunan at sa poltikal? Paano kaya naisasakatuparan ang papel na ginagampanan ng pamilya larangang ito? Kung gusto mong malaman, paano mo ito sisimulan? Ang modyul na ito ay naglalaman ng buong aralin tungkol sa: Modyul 4: Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng pamilya. Ito ay nagbibigay ng kaliwanagan tungkol sa kahalagahan ng papel na ginagampanan ng pamilya. Naging makabuluhan ang isang lipunan at ang politikal na larangan sa pamamagitan nang pagsasagawa ng bawat pamilya ng kanilang mga tungkulin. Nakasalalay sa uri ng pamilya ang uri ng mamamayan sa lipunan. Halimbawa sa kasalukuyang panahon, nakadepende sa pamilya ang tagumpay sa pag-iwas sa Covid virus sa pamamagitan ng pagsunod sa social distancing at pakikilahok sa ECQ o GCQ. Para sa mga layunin ng modyul na ito: A) Natutukoy ang mga Gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan. (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal) EsP8PBIg-4.1) B) Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at pampulitikal na papel nito. (EsP8PBIg-4.2) C) Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal). EsP8PBIh4.3. D) Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na papel ng pamilya. EsP8PBIh-4.4.
Pangkalahatang Panuto: Ngayong hawak mo na ang modyul na ito, gawin ang sumusunod: 1. 2. 3. 4.
Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa. Itala ang mga paksa na nangangailangan ng ibayong pansin. Gawin an gang mga Gawain nang may pag-unawa. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain. 1
Subukin Paunang Pagtataya (Pre-test) Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.Piliin ang titik ng tamang kasagutan,Isulat sa papel ang inyong mga sagot. 1.Bakit sa ibang pamilya ang pagtutulungan ay HINDI natural na dumadaloy? A. dahil takot sila na mabawasan ang kanilang pera B. dahil hindi napaunlad ang pampolitikal na katangian C.dahil kasalanan ng mahirap kung bakit wala silang pera D.dahil kaligayahan nilang palaging naghihirap ang mahirap 2.Ang pagsusulat sa gobyerno upang maisasaayos ang nasirang tulay na nasalanta sa bagyo na dinadaanan ng mga tao upang makapunta sa lungsod ay papel ng pamilya sa anong aspekto? A. Papel Pampolitikal B. Papel Panlipunan C. Papel Pangkalikasan D. Papel de Liha 3. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin? A. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon. B. Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya. C. Bahagi ang mga ito ng papel na pmpolitikal ng pamilya. D. Maraming pamilya ang karapatan lang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin. 4. Ano ang paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuro at natutuhan sa loob ng pamilya? A. Ang pagpapayaman ng pamilya B. Ang pagmamahalan ng pamilya C. Ang pagtulong ng pamilya D. A ng pagkawasak ng pamilya 5. Alin sa mga katangiang ito ang inilalarawan ng isang pamilyang may malasakit at bukas ang tahanan para sa mga taong nangangailangan? A. Pampalakas ng impluwensiya B. Pampolitikal C.Pangkalikasan D. Para makilala sa lipunan 6.Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit dapat na mauna ang pagmamahal sa kapwa tao bago ang debosyon sa pamilya maliban sa: A. Ang labis na pagkiling sa pamilya ay maaaring paggamit ng kapangyarihan at posisyon para sa sariling kapakanan. B. Ang pagiging labis na makapamilya ay katumbas din ng pagiging makasarili. C.Dapat matutuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili alang-alang sa ikabubuti ng lahat. D. Upang wala nang iba pang dapat isipin pa at payapang makakapamuhay bawat araw.
2 7. Isa sa katangian ng mga Pilipino ay ang magiliw na pagtanggap sa mga bisita. Paano na sa pagtanggap natin ay nagagampanan natn an gating papel sa lipunan? A. Gamitin ang lahat nang mamahaling mga gamit at gamitin lamang para sa mga bisita. B. Umutang ng pera upang makapaghanda ng masarap at sosyal na pagkain. C. Piliin kung sino lamang ang tatanggaping bisita upang sigurado ang pabor na maibabalik sa atin. D. Tanggapin at paglingkuran ng maayos ang lahat ng taong nangangailangan. 8. Ang ibig sabihin ng karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito ay: A. Malaya ang isang pamilya na mamili ng relihiyon. B. Ikukulong ang pamilyang hindi nagsisimba at hindi naniniwala sa Diyos. C. Malaya ang isang pamilya na magpunta sa ibang bansa. D. Hindi kilalanin bilang isang Pilipino ang walang relihiyon. 9. Ang sumusunod ay mga karapatan ng isang pamilya maliban sa: A. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya. B. Ang karapatan sa paghingi ng tulong sa gobyerno kahit na ito’y hindi pangangailangan. C.Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at karapatan. D.Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas mabuting pamumuhay. 10. Bakit mahalaga ang pagboto sa panahon ng halalan at piliin ang tapat na mamumuno o lider sa ating bansa? A. Makatutulong sila sa pagpapaunlad ng pamumuhay. B. Makapagbibigay sila ng malaking pera sa botante. C. Matutugunan ang bawat karapatan ng pamilyang Pilipino. D. Maiiwasan ang problema sa krimen sa ating bansa.
3
Tuklasin
Alam mo ba na pinakamahalaga ang papel na ginagampanan ng pamilya para magkaroon ng kabuluhan ang lipunan at ang politikal na larangan? Sa pangkalahatang kaisipan, wala ang mga bayani, wala ang mga tinitingalang tao, wala ang mga iniidolo at ang mga mabubuting mamamayan kung wala ang pamilyang humuhubog sa isang indibidwal, nag-aaruga, nagtuturo ng tamang pag-uugali at magandang-asal para sa kaunlaran at kapayapaan ng isang lipunan. Ang kaunlaran at katiwasayan ay hindi makakamit ng lipunan kung hindi mapapangalagaan ang pamilya. Sa paanong paraan kaya inalagaan ng lipunan ang pamilya? Ikaw, paano mo kaya natulungan ang iyong pamilya para magampanan ang papel na panlipunan at pampolitikal? Bago ang lahat, gawin mo ang gawain sa ibaba. GAWAIN 1 Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Magbigay ng 5 gawaing pagtulong ng iyong pamilya sa kapitbahay/pamayanan
Tukuyin ang mga pangunahing pangngangailangan ng pamilya
1. 2. 3. 4. 5.
1. 2. 3. 4. 5.
Batay sa iyong sagot sa ikalawang bahagi, ano-ano kaya ang mga nahihinuha mong karapatan ng pamilya? 1. 2. 3. 4. 5.
GAWAIN 2 Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot. Sa iyong palagay, ikaw, bilang isang kasapi ng pamilya, ano-ano ang mga naitulong mo sa pagsasakatuparan sa ginagampanan ng iyong pamilya sa papel na panlipunan at pampolitikal na larangan? --
4
Suriin Ihanda ang iyong sarili na tuklsain ang isang bago at pinakamahalagang aralin. Hayaan mong mahasa ang iyong kakayahan at palawakin ang iyong pang-unawa sa kabuluhan ng papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya. Kung kaya simulan na natin ang pag-aaral. PAPEL NG PAMILYA SA LIPUNAN Sa loob ng pamilya dapat natututuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili at magsakripisyo alang-alang sa kapwa – alang-alang sa ikabubuti ng lahat. Dito niya natututuhan na ang pagkakawang-gawa ay katumbas ng pagmamahal; na ang paglilingkod sa kapwa ay kinakailangan upang maging kabilang sa kapatiran ng tao. Ang kapatirang ito ay mangyayari lamang kung mayroong pinag-ugatang pagkakapatiran sa pagitan ng mga tunay na magkakapatid sa loob ng pamilya. Nakatutuwang isipin na sa murang edad ay iniligtas nina Virginia Rojo, anim na taong gulang, at James Baroro, pitong taong gulang, ang kanilang mga kapatid mula sa nasusunog nilang bahay sa mga lalawigan ng Negros at Cebu. Hindi nila inuna ang kanilang sarili. Si James ay paulit-ulit na bumalik sa nasusunog nilang bahay sa Lapu-Lapu City para sagipin ang tatlo niyang kapatid. Si Virginia naman bagamat nasunog ang bahagi ng mukha at katawan ay walang hinanakit o pag-aalinlangan sa kaniyang ginawa. Sa murang edad ay napakalawak ng kanilang pag-unawa sa halaga ng pagsasakripisyo para sa ikabubuti ng iba. Ganito sana ang kapatirang mayroon sa bawat pamilya. Isipin mo na lang ang kapatirang mangingibabaw sa mundo! “Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan.” Ang pagiging bukas palad ay maipakikita ng pamilya sa pamamagitan ng mga gawaing panlipunan. Maaari itong makilahok sa mga samahan na boluntaryong naglilingkod sa pamayanan o kaya’y tumutulong sa mga kapus-palad. Higit sa lahat, dapat na tumulong ang pamilya sa mga nangangailangang hindi naaabot ng tulong ng pamahalaan. Isang halimbawa ang mga pamilyang nagbukas ng kanilang mga tahanan para sa mga naaapektuhan ng pagbaha at mga sakuna. Marami ang mga pamilyang ito na hindi nagdalawang-isip at buong pagtitiwalang pinatutuloy ang mga kapitbahay na kumakatok sa kanilang pinto at mga puso. Nakalulungkot lamang na mayroon ding mga nagbibingibingihan sa mga daing ng mga kapitbahay dahil sa kawalang-tiwala sa kapwa. Minsan kung sino pa ang higit na makapagbibigay sila pa ang nagsasara ng kanilang pinto. Nakatali sila sa materyalismo at higit na nagpapahalaga sa mga ari-arian kaysa sa pagtulong sa kapwa. Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan. May mga pamilyang naging tradisyon na kumukuha sila ng isang bata sa bahay-ampunan tuwing sasapit ang panahon ng kapaskuhan, upang pansamantalang tumira sa kanila. Namimigay din sila ng mga regalo sa mga batang nasa bahay-ampunan o sa mga batang-lansangan. May anak na sa halip na maghanda para sa kaniyang kaarawan ay hinihiling sa kaniyang mga magulang na ibahagi na lamang sa bahay-ampunan ang perang dapat gugulin sa kaniyang handa. Mayroon ding gustong idaos ang kaniyang kaarawan sa bahay-ampunan o sa piling ng mga batang lansangan. Ang pagbabayanihan ay hindi na bago sa mga Pilipino. Isa ito sa ipinagmamalaki nating pagpapahalagang Pilipino. Naipakikita ang pagbabayanihang ito sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Sa isang kapitbahayan ay hindi na bago ang pagbibigayan ng ulam lalo’t may okasyon, ang pagbibilin sa mga anak sa kapitbahay kung walang magbabantay ditong kapamilya, at ang pagpapahiram ng mga kagamitan sa bahay sa mga kapitbahay. Isa sa ipinagmamalaki nating katangiang Pilipino ang magiliw na pagtanggap lalo sa mga panauhin. Inihahain natin ang pinakamasarap na pagkain para sa kanila, ang pinakamainam na higaan ang ating pinatutulugan, at ang pinakamaganda nating gamit ay inilalabas lamang kapag may panauhin. Ngunit may mas malalim na antas ng pagtanggap ng mga panauhin.
5
Ang mabuting pagtanggap na higit na kinakailangan nating ugaliin ay ang pagbubukas ng ating mga pintuan sa mga nangangailangan. Magagawa kaya nating maghain ng masasarap na pagkain, patulugan ang pinakamainam nating higaan, at ipagamit ang pinakamaganda nating gamit sa mga palaboy sa lansangan? Ang guro ang magbigay ng pagpapalalim tungkol sa paksang pagtulong sa kapwa. Isa itong pagpapahalaga na dapat magampanan ng bawat mag-aaral sa kanilang pang-araw araw na buhay. 10 halimbawa ng pagtulong sa kapwa 1. 2. 3. 4. 5.
Pag-alalay sa mga matatanda sa pagtawid sa kalsada. Pagvovoluteer sa pag-ganyak ng mga tulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Pagbibigay ng mga pagkain, delata, at pangunahing pangangailan sa isang komunidad. Pagbibigay ng mga lumang damit sa mga nasunugan. Pag-aalok ng upuan sa lugar na maraming tao lalo na sa mga matatanda, buntis, may kapansanan o mga bata. 6. Pagbibigay ng abuloy sa patay. 7. Pagbibigay ng direksyon sa mga taong naliligaw. 8. Pag-aayos ng gulo sa pagitang ng dalawang taong hindi magkasundo. 9. Pagbibigay ng payo sa mga kaibigan na may kinakaharap na problema. 10. Pagpapakain sa ilang mga batang lansangan (Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1901272#readmore) Papel ng Pamilya sa Lipunan Ang tao ay hind lamang binubuo ng katawan at ispiritu… siya ay isang panlipunang nilalang, likas na kaugnay ng iba pang tao, hindi siya ipanganganak o mananatiling buhay kundi sa pamamagitan ng ibang tao. Ang pakikipagniig sa ibang tao ay bahagi ng kaniyang pagiging tao.” (Sheen, isinalin mula sa Education in Values: What, Why and For Whom ni Esteban, 1989. Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa araw-araw. Sa loob ng pamilya dapat natututuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili at magsakripisyo alang-alang sa kapwa – alang-alang sa ikabubuti ng lahat. Dito niya natututuhan na ang pagkakawang-gawa ay katumbas ng pagmamahal; na ang paglilingkod sa kapwa ay kinakailangan upang maging kabilang sa kapatiran ng tao. Ang kapatirang ito ay mangyayari lamang kung mayroong pinag-ugatang pagkakapatiran sa pagitan ng mga tunay na magkakapatid sa loob ng pamilya. Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan. Pantay-pantay ang tao sa mata ng Diyos. Nilikha ang mundo para sa lahat ng Kaniyang nilalang. Hindi maaaring angkinin ng iilan ang hangin, tubig, at lupa. Ang tao ay tagapamahala lamang at hindi lubos na nagmamay-ari ng lupa, hangin, tubig, at iba pang nilikha ng Diyos sa mundo. Tungkulin ng pamilya ang pangangalaga sa kalikasan bilang likas na tagapamahala ng lahat ng nilikha ng Diyos. Dahil sa tungkuling ito, nararapat na isulong ng pamilya ang mga proyektong nangangalaga sa kalikasan tulad ng Clean and Green Program
6
Pagyamanin Pagtatalakay sa araling binasa Gawain 3.1 Panuto:
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1.Ano-ano ang papel na ginagampanan ng pamilya sa lipunan? 2.Bakit mahalaga ang mga kontribusyon ng pamilya sa lipunan? Ipaliwanag. 3.Gaano kalaki ang epekto ng pangangalaga ng kalikasan ng pamilya sa panlipunan? 4.Bilang isang mag-aaral, na magiging isang mabuting mamamayan, sa tulong ng paghubog sa iyo ng iyong pamilya, kaya mo bang gampanan ang iyong tungkulin sa pamilya? Paano? 5.Ano-ano ang mga gawaing angkop sa panlipunang papel ng bawat pamilya sa lipunan? 6. Sang-ayon ka ba na inaalagaan ng lipunan ang pamilya at inaalagaan din ng pamilya ang lipunan? Oo o hindi? Bakit? Ipaliwanag. 7.Bakit panlipunang nilalang ang tao? Ipliwanag.
Gawain 3.2 Upang mas malinang ang iyong kaalaman subukan ang gawaing ito. Panuto: Isulat sa journal ang sagot sa mga tanong na ito. 1. Bakit mahalagang magampanan ng pamilya ang kaniyang papel na panlipunan at pampolitikal? 2. Bilang isang indibidwal, paano mo magagampanan ang iyong tungkulin sa lipunan at sa politkal na larangan? 3. Mahalaga ba ang mga karapatan ng pamilya? Gaano kalaki ang kaugnayan nito sa pagganap sa papel ng pamilya sa panlipunan at pampolitikal?
7
Isaisip
Gawain 4.1 Sa kasalukuyang panahon, sa kasagsagan ng isyung COVID 19 Virus, punan ang tsart na nasa ibaba batay sa iyong obserbasyon.
Mga pagtulong ng pamilya saMga tulong ng pamahalaan pamayanan
Mga tungkulin ng bawat mamamayan
Tanong: 1. Bakit mahalagang pangalagaan ng pamilya ang pamayanan para maalagaan ng pamayanan ang pamilya? Ipaliwanag.Magbigay ng isang halimbawa.
Gawain 4.2 A. Batay sa mga natalakay, bilugan ang mga salitang tinutukoy sa ibaba:
LPAGKAKAWANGGAWAOW SABKARANASANMAB U T I K N K A P A L I G I RO R A S B A G A M I TEMAKASARILIDASALKO
A L N I
I K A L A L
S A A N
1. Katumbas ng pagmamahal. -------------------2. Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang-------------------sa pakikibahagi at pagbibigayan ng buhay pamilya sa araw-araw. 3. Tungkulin ng pamilya ang pangangalaga sa--------------------. 4. Ang tao ay panlipunang---------------. 5. Sa loob ng pamilya dapat natutuhan ng tao na iwaksi ang pagiging------------.
8
Isagawa Gawain 5 A. Magsagawa ng survey sa inyong lugar sa Sampung (10) mamamayan. Itanong ang sumusunod sa iyong makakapanayam. 1. Tumutulong po ba ang inyong pamilya sa pamayanan o simbahan? Oo. Kung Oo, itanong ang Tanong Bilang 2 hanggang 4. Hindi. Kung Hindi, itanong: Bakit po? Dahilan: 2. Paano po tumutulong ang inyong pamilya sa pamayanan o simbahan? 3. Bakit mahalagang tumulong ang inyong pamilya sa pamayanan o simbahan? 4. Sa inyong palagay, ano-ano ba ang mga pangangailangan ng pamilya? 5. Sa iyong palagay, natutugunan ba ng ating pamahalaan ang mga pangangailangan ng pamilyang Pilipino? Sa paanong paraan? 6. Sa kabilang dako, nagampanan ba ng mga mamamayan ang kanilang tungkulin sa lipunan? Bumuo ng paglalagom sa iyong nakalap na impormasyon at ipakita sa graph na paraan. B. Gumuhit ng isang sitwasyon na nagpapakita ng papel ng pamilya sa lipunan lalong- lalo na sa panahon ng COVID 19 VIRUS. Kulayan at bigyan ng paliwanag
9
Lesson
2
PAGBABANTAYSA MGA BATAS AT INSTITUSYONG PANLIPUNAN
Balikan Gawain 1 “I am the Vine, You are the branches” Panuto: Kailangan mong maghanda ng bondpapers, Crayola, pentel pens or pencils. 1. Gumuhit ng isang Puno o kahit anong bagay na nagsisimbolo ng iyong natutunan sa nakaraang aralin sa gitnang parte ng iyong bondpaper. Sa mga sanga ng puno isulat ang mga natutunan mo. 2. Kulayan ang iyong larawang naiguhit. 3. Ipaliwanag ang iyong guhit.
Alamin Para sa Mag-aaral Tungkol saan ang modyul na ito? Gusto mo bang malaman ang papel pampolitikal ng pamilya? Ano kaya ang kaugnayan ng pamilya sa politikal? Bakit mahalaga ang papel ng pamilya sa pampoltikal? Paano kaya naisasakatuparan ang papel na ginagampanan ng pamilya sa larangang ito? Kung gusto mong malaman, paano mo ito sisimulan? Ang modyul na ito ay naglalaman ng buong aralin tungkol sa: Modyul 4: Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng pamilya. Ito ay nagbibigay ng kaliwanagan tungkol sa kahalagahan ng papel na ginagampanan ng pamilya. Naging makabuluhan ang isang lipunan at ang politikal na larangan sa pamamagitan nang pagsasagawa ng bawat pamilya ng kanilang mga tungkulin. Nakasalalay sa uri ng pamilya ang uri ng mamamayan sa lipunan. Halimbawa sa kasalukuyang panahon, nakadepende sa pamilya ang tagumpay sa pag-iwas sa Covid virus sa pamamagitan ng pagsunod sa batas tulad ng social distancing at pakikilahok sa ECQ o GCQ. Maging mapagmatyag sa karapatan lalo na ang tungkulin ng bawat isa. Para sa mga layunin ng modyul na ito: A.) Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal). EsP8PBIh-4.3. B.) Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na papel ng pamilya. EsP8PBIh-4.4.
10
Tuklasin Alam mo ba na pinakamahalaga ang papel na ginagampanan ng pamilya para magkaroon ng kabuluhan ang politikal na larangan? Sa pangkalahatang kaisipan wala ang mga mabubuting namumuno ngayon sa pamahalaan kung hindi nagampanan ng bawat pamilyang Pilipino ang kanilang mga tungkulin. Mahalaga ang poltikal na papel ng pamilya dahil sa tulong ng batas ay napapangalagaan ang bawat karapatan nito at ang pagsasagawa ng bawat tungkulin ay nakatutulong upang mas mapagtibay ang kabuluhan ng bawat karapatan. Hindi mabubuo ang mga karapatang ito kung wala ang batas at wala ang batas kung hindi pinili ang mga mabuting lider. Kaya kailangana sa halalan, iboto ang karapatdapat na pinuno, hindi kailangang ibenta mo ang iyong boto. May naobserbahan ka bang pangyayari na katulad nito? Simulan na nating ungkatin ang nakatagong yaman na kalakip sa batas.
Suriin Ihanda ang iyong sarili na tuklsain ang isang bago at makabuluhang aralin. Hayaan mong mahasa ang iyong kakayahan at palawakin ang iyong pang-unawa sa kabuluhan ng papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya. Kung kaya simulan na natin ang pag-aaral. Ito ang mga karapatan ng bawat pamilya sa lipunan na dapat bantayan para sa masaya at matiwasay na buhay pamilya sa lipunan. 1. Karapatang Umiral At Magpatuloy Bilang Pamilya O Ang Karapatan Ng Tao , Mayaman O Mahirap Na Magtatag Ng Sariling Pamilya At Magkaroon Ng Sapat Na Panustos Sa Mga Pangangailangan Nito. 2. Karapatang Isakatuparan Ang Kanyang Pananagutan Ang Pagpapalaganap Ng Buhay At Pagtuturo Sa Mga Anak. 3. Karapatan Sa Pagiging Pribado Ng Buhay Magasawa at Buhay Pamilya. 4. Karapatan Sa Pagkakaroon Ng Katatagan Ng Bigkis At Ng Institusyong Kasal 5. Karapatan Sa Paniniwala At Pagpapahayag Ng Pananampalatayaat Pagpapalaganap Nito. 6. Karapatang Palakihin Ang Mga Anak Ayon Sa Mga Tradisyon, Paniniwala, At Pagpapahalaga Ng Kultura Sa Pamamamgitan Ng Mga Kailangang Kagamitan, Pamamaraan At Institusyon. 7. Karapatan Lalo Na Ng Mga May Sakit Na Magtamo Ng Pisikal, Panlipunan, Pampolitikal At Pang-Ekonomiyang Seguridad. 8. Karapatan Sa Tahanan O Tirahang Angkop Sa Maayos Na Buhay Pamilya. 9. Karapatan Upang Makapagpahayag At Katawanin (Ng Mambabatas O Asosasyon) Sa Harap Ng Mga Namamahala O Namumuno Kaugnay Ng Mga Usaping Pangekonomiyang Seguridad. 10. Karapatang Magbuo Ng Mga Asosasyon Kasama Ang Ibang Mga Pamilya At Samahan, Upanng Magampanan Ng Pamilya Ang Mga Tungkulin Nito Sa Ng Mas Karapat-Dapat At Madali. 11. Karapatang Mapangalagaan Ang Mga Kabataan, Sa Pamamagitan Ng Mga Institusyon At Batas, Laban Sa Mapanirang Droga, Pornograpiya, Alkoholismo At Iba pa. 12. Karapatan Sa Kapakipakinabang Na Paglilibang, Iyong Nakakatulong Sa Pagpapatatag Ng Mga Pagpapahalagang Pampamilya. 11
13. Karapatan Ng Mga Matatanda Sa Karapat-Dapat Na Pamumuhay At Kamatayan 14. Karapatang Mandayuhan Sa Ibang Lugar/ Probinsiya O Bansa Para Sa Mas Mabuting Pamumuhay. Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod, at nabibigyang-proteksyon sa lipunan, ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran - isang kapaligirang nakatutulong sa paghubog ng mga birtud na dapat taglayin ng isang mapanagutang mamamayan sa lipunan. Ang kapaligirang ito ay may lugar para sa kaniyang sarili na nagpapatatag ng kaniyang kakayahang tumayo sa sariling paa at ng kaniyang pagiging mapanagutan. May pagmamahalan dito na nagpapatingkad ng kaniyang pakikibahagi sa lipunan at pakikipagkapwa. Ang pagiging epektibo ng iba pang mga institusyon sa lipunan ay nakasalalay sa kabutihan ng pamilya. Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin nito dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon. Ang pagsasabatas ng diborsyo, pagpapalaglag o aborsyon, at materyalismo ay ilan lamang sa mga sumisira sa pangunahing institusyon ng lipunan. Kung tuluyan nang masisira ang pamilya, mawawala na rin ang tunay na kanlungan ng moralidad.
Pagyamanin Gawain 1 1. Ano-ano ang mga karapatan ng bawat pamilya sa lipunan na dapat bantayan para
sa matiwasay na buhay? 2. Bakit mahalaga ang mga kontribusyon ng pamilya sa pampolitikal na larangan? Ipaliwanag. 3. Gaano kalaki ang kaugnayan ng pangangaIaga sa kalikasan sa papel ng pamilya sa panlipunan at pampolitikal? Ipaliwanag. 4. Bilang isang indibidwal, na sa tulong ng paghubog sa iyo ng iyong pamilya, kaya mo bang gampanan ang iyong tungkulin bilang isang lider o isang mabuting mamamayan pagdating ng panahon? Paano? 5. Sang-ayon ka ba na inaalagaan ng lipunan ang pamilya at inaalagaan din ng pamilya ang lipunan? Oo o hindi? Bakit? Ipaliwanag. 6. Bilang isang kasapi ng pamilya, paano mo mapapangalagaan ang mga karapatan ng pamilya? Ipaliwanag. 7. Bakit paglabag sa moralidad ang pagpapakita ng nakakaeskandalong karangyaan ng ilang pamilya? Gawain 2 Upang mas malinang ang iyong kaalaman subukan ang gawaing ito. Panuto: Isulat sa journal ang sagot sa mga tanong na ito.
1.Bakit mahalagang magampanan ng pamilya ang kaniyang papel na pampolitikal? Ipaliwanag.
2. Bilang isang indibidwal, paano mo magagampanan ang iyong tungkulin sa lipunan at sa politkal na larangan?
3. Mahalaga ba ang mga karapatan ng bawat pamilya? Sang-ayon ka ba na ang bawat karapatan ay may katumbas na tungkulin? Ipaliwanag. 4. Gaano kalaki ang kaugnayan ng mga karapatan sa pagganap sa papel ng pamilya sa pampolitikal na larangan? Ipaliwanag. 12
Isaisip Gawain 3.1 Panuto: Punan ang sumusunod na tsart. Punan ang unang hanay ng karapatan o tungkulin ng pamilya. Sa ikalawang hanay, ilahad ang kaugnay na isyu o insidente ng paglabag ng katapat na karapatan o tungkulin sa unang hanay. Sa ikatlong hanay, ilahad ang paraan kung paano binantayan, iginiit, o ipinaglaban ang karapatan o tungkulin ng pamilya sa unang hanay. Mga Karapatan at Tungkulin ng Pamilya Halimbawa: Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito
Mga Kaugnay na isyu o insidente ng paglabag sa karapatan at tungkulin ng pamilya Ang aking pamilya ay Katoliko, ngunit walang simbahan o kapilya na malapit sa aming tirahan o barangay.
Paano ito binantayan, iginiit, o ipinaglaban Nakipag-usap ang aking mga magulang sa ilan pang pamilyang Katoliko sa pamayanan at lumiham sa Obispo ng Diosesis upang mapatayuan ng kapilya at magkaroon ng pari na magmimisa rito.
Ikaw naman:
GAWAIN 3.2 Pagkilala ng mga Paraan Upang Maisulong ng Pamilya ang mga Karapatan Nito Suriin ang mga nabuong mga karapatan at tungkulin ng pamilya. Sagutin: Paano mababantayan at maisusulong ng pamilya ang mga karapatang ito? Maglahad ng ilang mga paraan.
13
Bilang isang mamamayan, paano mo mapapanatili at maisusulong ang mga karapatan kung hindi mo naman kayang gawin ang kaakibat na tungkulin sa bawat karapatan? Ipaliwanag.
Sa iyong palagay, natutugunan ba ng ating pamahalaan ang mga pangangailangan ng pamilyang Pilipino sa kasagsagan ng isyung COVID19 Virus Sa paanong paraan ?
Nagagampanan ba ng mga mamamayang Pilipino ang kanilang tungkulin sa bayan sa kasagsagan ng Isyung COVID19 Virus? Paano? Ipaliwanag.
Isagawa Gawain 4.1 Panuto: Lagyan ng tsek ( )sa hanay ng “plataporma” kung nabanggit sa kaniyang plataporma na nagtataguyod ng katapat na karapatan at tungkulin ng pamilya. Lagyan ng tsek ( )sa hanay ng programa kung mayroon siyang programa na nagtataguyod ng katapat na karapatan at tungkulin ng pamilya; lagyan ng tsek ( )sa hanay ng prinsipyo kung nagpapahayag ito ng prinsipyo na nagtataguyod ng katapat na karapatan at tungkulin ng pamilya tungkol sa isyu o mga isyung pinagtatalunan sa kongreso o senado sa kasalukuyan. Dapat na makakuha ng 21 na tsek ( ) upang makapasa sa tseklis. Mga Karapatan at Tungkulin ng Pamilya / Isyu
Plataporma
a. Ang karapatang mapangalagaan ang mga kabataan, sa pamamagitan ng mga institusyon at batas, laban sa mapanirang droga, pornograpiya, alkoholismo, at iba pa b. Ang karapatang umiral at magpatuloy bilang pamilya; o ang karapatan ng lahat ng tao, mayaman man o mahirap, na magtatag ng pamilya at magkaroon ng sapat na panustos sa mga pangangailangan nito c. Ang karapatang isakatuparan ang kaniyang pananagutan sa pagpapalaganap ng buhay at pagtuturo sa mga anak d. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya e. Ang karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng kasal f. At iba pa
14
Proyekto
Prinsipyo
Sagutin sa iyong journal. 1. Batay sa iyong mga naging pagsusuri, sino-sino ang nakapasa sa iyong tseklis? Sino-sino naman ang mga hindi nakapasa? 2. Sa iyong palagay, dapat pa bang ihalal muli ang mga lokal na opisyal na hindi nakapasa? Bakit? 3. Sa iyong palagay, ano ang dapat na pagbatayan sa pagpili ng mga lider sa pamahalaan? Bakit? 4.Ano ang maaari mong gawin upang magampanan ng iyong sariling pamilya ang papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya? Gawain 5.2 Bumuo ng isang grahic organizer na nagpapakita ng paglalagom sa paksa.
Buod Papel ng Pamilya sa Lipunan
Ang tao ay hind lamang binubuo ng katawan at ispiritu… siya ay isang panlipunang nilalang, likas na kaugnay ng iba pang tao, hindi siya ipanganganak o mananatiling buhay kundi sa pamamagitan ng ibang tao. Ang pakikipagniig sa ibang tao ay bahagi ng kaniyang pagiging tao.” (Sheen, isinalin mula sa Education in Values: What, Why and For Whom ni Esteban, 1989. Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa araw-araw. Sa loob ng pamilya dapat natututuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili at magsakripisyo alang-alang sa kapwa – alang-alang sa ikabubuti ng lahat. Dito niya natututuhan na ang pagkakawang-gawa ay katumbas ng pagmamahal; na ang paglilingkod sa kapwa ay kinakailangan upang maging kabilang sa kapatiran ng tao. Ang kapatirang ito ay mangyayari lamang kung mayroong pinag-ugatang pagkakapatiran sa pagitan ng mga tunay na magkakapatid sa loob ng pamilya. Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan. Pantay-pantay ang tao sa mata ng Diyos. Nilikha ang mundo para sa lahat ng Kaniyang nilalang. Hindi maaaring angkinin ng iilan ang hangin, tubig, at lupa. Ang tao ay tagapamahala lamang at hindi lubos na nagmamay-ari ng lupa, hangin, tubig, at iba pang nilikha ng Diyos sa mundo. Tungkulin ng pamilya ang pangangalaga sa kalikasan bilang likas na tagapamahala ng lahat ng nilikha ng Diyos. Dahil sa tungkuling ito, nararapat na isulong ng pamilya ang mga proyektong nangangalaga sa kalikasan tulad ng Clean and Green Program. Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa araw-araw. Kaya nga ang pagkakaroon ng tunay at ganap na pakikipagniig sa isa’t isa ng mga kasapi ng pamilya ay pangunahin at hindi mapapalitang tagapagturo ng pamumuhay sa lipunan, halimbawa at tagapagpalaganap ng mas malawak na pakikipag-ugnayan sa komunidad. Kaya lang, ang labis ng pagkiling sa pamilya ay maaaring mangahulugan ng paggamit ng posisyon at kapangyarihan para sa kapakanan ng pamilya na ikasasakripisyo ng kabutihang panlahat. Halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng poltical dynasties o pagpapanatili ng mga posisyon sa gobyerno at ng kapangyarihan sa pamumuno ng isang pamilya lamang. Ito ay taliwas sa papel na panlipunan ng pamilya. 15
Ito ang mga karapatan ng bawat pamilya sa lipunan na dapat bantayan para sa masaya at matiwasay na buhay pamilya sa lipunan. 1. Karapatang Umiral At Magpatuloy Bilang Pamilya O Ang Karapatan Ng Tao, Mayaman O Mahirap Na Magtatag Ng Sariling Pamilya At Magkaroon Ng Sapat Na Panustos Sa Mga Pangangailangan Nito. 2. Karapatang Isakatuparan Ang Kanyang Pananagutan Ang Pagpapalaganap Ng Buhay At Pagtuturo Sa Mga Anak. 3. Karapatan Sa Pagiging Pribado Ng Buhay Magasawa at Buhay Pamilya. 4. Karapatan Sa Pagkakaroon Ng Katatagan Ng Bigkis At Ng Institusyong Kasal 5. Karapatan Sa Paniniwala At Pagpapahayag Ng Pananampalatayaat Pagpapalaganap Nito. 6. Karapatang Palakihin Ang Mga Anak Ayon Sa Mga Tradisyon, Paniniwala, At Pagpapahalaga Ng Kultura Sa Pamamamgitan Ng Mga Kailangang Kagamitan, Pamamaraan At Institusyon. 7. Karapatan Lalo Na Ng Mga May Sakit Na Magtamo Ng Pisikal, Panlipunan, Pampolitikal At Pang-Ekonomiyang Seguridad. 8. Karapatan Sa Tahanan O Tirahang Angkop Sa Maayos Na Buhay Pamilya. 9. Karapatan Upang Makapagpahayag At Katawanin (Ng Mambabatas O Asosasyon) Sa Harap Ng Mga Namamahala O Namumuno Kaugnay Ng Mga Usaping Pangekonomiyang Seguridad. 10. Karapatang Magbuo Ng Mga Asosasyon Kasama Ang Ibang Mga Pamilya At Samahan, Upanng Magampanan Ng Pamilya Ang Mga Tungkulin Nito Sa Ng Mas Karapat-Dapat At Madali. 11. Karapatang Mapangalagaan Ang Mga Kabataan, Sa Pamamagitan Ng Mga Institusyon At Batas, Laban Sa Mapanirang Droga, Pornograpiya, Alkoholismo At Iba pa. 12. Karapatan Sa Kapakipakinabang Na Paglilibang, Iyong Nakakatulong Sa Pagpapatatag Ng Mga Pagpapahalagang Pampamilya. 13. Karapatan Ng Mga Matatanda Sa Karapat-Dapat Na Pamumuhay At Kamatayan 14. Karapatang Mandayuhan Sa Ibang Lugar/ Probinsiya O Bansa Para Sa Mas Mabuting Pamumuhay. Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod, at nabibigyang- proteksyon sa lipunan, ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran - isang kapaligirang nakatutulong sa paghubog ng mga birtud na dapat taglayin ng isang mapanagutang mamamayan sa lipunan. Ang kapaligirang ito ay may lugar para sa kaniyang sarili na nagpapatatag ng kaniyang kakayahang tumayo sa sariling paa at ng kaniyang pagiging mapanagutan. May pagmamahalan dito na nagpapatingkad ng kaniyang pakikibahagi sa lipunan at pakikipagkapwa. Ang pagiging epektibo ng iba pang mga institusyon sa lipunan ay nakasalalay sa kabutihan ng pamilya. Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin nito dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon. Ang pagsasabatas ng diborsyo, pagpapalaglag o aborsyon, at materyalismo ay ilan lamang sa mga sumisira sa pangunahing institusyon ng lipunan. Kung tuluyan nang masisira ang pamilya, mawawala na rin ang tunay na kanlungan ng moralidad!
16
Pagtatasa: (Post-Test) A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang titik sa tamang sagot. 1. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito? A. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon? B. Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya. C.Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya. D.Maraming pamilya ang karapatan lamang ang pinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin. 2. Ano ang paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuro at natutuhan sa loob ng pamilya? A. Ang pagpapayaman ng pamilya B. Ang pagmamahalan ng pamilya C. Ang pagtulong ng pamilya D. Ang pagkawasak ng pamilya 3. Ano ang katumbas ng pagkakawang-gawa na natututuhan sa paglilingkod sa kapwa? A. Pagtulong B. Pagmamahal C.Paglilingkod D.Pagdarasal 4. Ang sumusunod ay halimbawa ng hindi pagtulong sa kapwa: A. Pagtanggap ng abuloy para sa patay. B. Pagpapakain sa ilang mga batang-lansangan C. Pag-alalay sa mga matandang tumatawid sa kalsada D. Pagbibigay ng mga lumang damit sa mga nasunugan 5. Sa anong paraan mo maipapakita ang pangangalaga sa kalikasan? A. Maging responsableng tagapangalaga sa likha ng Panginoon. B. Kumain ng maraming gulay at prutas araw-araw. C. Pagandahin ang bahay at bakuran upang maiwasang magkasakit. D. Awayin ang lahat ng ilegal na namumutol ng puno. 6. Isa sa katangian ng Pilipino ay ang magiliw na pagtanggap ng mga bisita. Paano na sa pagtanggap natin ay nagagampanan natin ang ating papel sa lipunan? A. Gamitin ang lahat nang mamahaling mga gamit at gamitin lamang para sa mga bisita. B. Umutang ng pera upang makapaghanda ng masarap at sosyal na pagkain. C. Piliin kung sino lamang ang tatanggaping bisita upang sigurado ang pabor na maibabalik sa atin. D. Tanggapin at paglingkuran ng maayos ang lahat ng taong nangangailanagan ng tuloy. 7. Ang pagsusulat sa gobyerno upang maisaayos ang nasirang tulay na nasalanta ng bagyo na dinadaanan ng mga tao upang makapunta sa lungsod ay papel ng pamilya sa anong aspekto? A. Papel Pampolitikal B. Papel Panlipunan C. Papel Pangkalikasan D. Papel de Liha 17
8. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit dapat na mauna ang pagmamahal sa kapwa tao bago ang debosyon sa pamilya maliban sa: A. Ang labis na pagkiling sa pamilya ay maaaring paggamit ng kapangyarihan at posisyon para sa sariling kapakanan. B. Ang pagiging labis na makapamilya ay katumbas din ng pagiging makasarili. C. Dapat matutuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili alang-alang sa ikabubuti ng lahat. D. Upang wala nang ibang dapat isipin pa at payapang makakapamuhay bawat araw. 9. Ang ibig sabihin ng karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpalaganap nito ay: A. Malaya ang isang pamilya na mamili ang relihiyon. B. Ikukulong ang Pamilyang hindi nagsisimba at hindi naniwala sa Diyos. C. Mayala ang isang pamilya sa magpunta sa ibang bansa. D. Hindi kikilalann bilag isang Pilipino ang walang relihiyon. 10. Alin sa mga katangiang ito ang inilalarawan ng isang pamilyang may malasakit at bukas ang tahanan para sa mga taong nangangailangan? A. pampalakas ng impluwensya B. pampolitikal C. pangkalikasan D. para makilala sa lipunan 11. Bakit sa ibang pamilya ang pagtutulungan ay HINDI natural na dumadaloy? A. dahil takot sila na mabawasan ang kanilang pera B. dahil hindi napaunlad ang pampolitikal na katangian C. dahil kasalanan ng mahirap na sila ay walang pera D. dahil kaligayahan nilang palaging naghihirap ang mahirap 12. Ang sumusunod ay mga karapatan ng isang pamilya maliban sa isa, A. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya. B. Ang karapatan sa paghingi ng tulong sa gobyerno kahit na ito’y hindi pangangailangan. C. Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at karapatan. D. ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas mabuting pamumuhay. 13. Ano ang mangyayari kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod, at nabibigyang proteksyon sa lipunan? A. Magiging mas marami pa ang gustong bumuo ng pamilya, magkaanak upang maparami pa ang populasyon. B. Ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran. C. Tataas ang bilang ng krimen at mga kriminal sa bansa at magkakaroon na ng katahimikan. D. Nanaisin ng mga tao na mabuhay ang hindi na kalianman mamatay upang maranasan ang masaganag buhay.
18
14. Saan sa sumusunod nakasalalay ang pagiging epektibo ng ibang pang mga institusyon sa lipunan? A. Kabutihan ng mga politiko B. Kabutihan ng mga mamamayan C. Kabutihan ng Diyos D. Kabutihan ng Pamilya. 15. Bakit mahalaga ang pagboto sa panahon ng eleksyon/halalan at piliin ang mga matatapat na mamumuno sa ating bansa? A. Makatutulong sila sa pagpapaunlad ng pamumuhay B. Makapagbibigay sila malaking pera sa botante C. Matutugunan ang bawat karapatan ng pamilyang Pilipino D. Maiiwasan ang problema sa krimen sa ating bansa.
19
Susi sa Kasagutan
20
Sanggunian: BOOK EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8, MODYUL PARA SA MAG-AARAL
Unified Detailed Lesson Plan in Edukasyon sa Pagpapakatao for Grade 8 First Quarter (Valencia City) Writers: SUSAN M. LUCEÑO
VALENCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
MARY ANNA E. TRAYA
GUINUYORAN NATIONAL HIGH SCHOOL
MARLITA B. TAGALOGON
VALENCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
RIZALINA G. ESCOBILLO
TONGANTONGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
LOVELY ROSE G. BAUTISTA
VALENCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
LINKS:
https://www.google.com.ph/search?q=bayanihan&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ah UKEwjLtZDHnoniAhUS4o8KHSKBDSgQ_AUIDigB https://www.google.com.ph/search?ei=caXPXIyuG5n7rQG0lbbICQ&q=rubrics+for+poster+ making&oq=rubrics+&gs_l=psyab.1.4.0l10.10884144.10885948..10891726. 0.0..0.512.3288 .3-4j3j1......0....1..gws-wiz.......0i71j0i131j0i67.FGZPfMkOz6k
21
For inquiries and feedback, please write or call: Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) DepEd Division of Cagayan de Oro City Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro Telefax:((08822)855-0048 E-mail Address: