EPP5 Agriculture Modyul 1 Abonong Organiko

October 8, 2024 | Author: Anonymous | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download


Description

5 EPP Agriculture Modyul 1: Abonong Organiko

EPP Agriculture – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Modyul 1: Abonong Organiko Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatangaring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM Awtor Co-Awtor - Content Editor Co-Awtor - Language Reviewer Co-Awtor - Illustrator Co-Awtor - Layout Artist

: Rubylyn R. Tejadilla : Maricel A. Hualde : Aileen R. Nuňez : Carmelita S. Manimtim : Rubylyn R. Tejadilla

DISTRICT MANAGEMENT TEAM: District Supervisor, Mariveles District Lead Book Designer District LRMDS Coordinator, Mariveles School LRMDS Coordinator School Principal, EPP/TLE District Lead Layout Artist, EPP/TLE District Lead Illustrator, EPP/TLE District Lead Evaluator, EPP/TLE

: Francisco B. Bautista : Rosemarie G. Agustin : Noel T. Lagman : Carmelita S. Manimtim : Leonila Alcid : Fernalyn C. Magpoc : Mary Grace V. Gabay : Aileen R. Nuñez

DIVISION MANAGEMENT TEAM: Schools Division Superintendent OIC- Asst. Schools Division Superintendent Chief Education Supervisor, CID Education Program Supervisor, LRMDS Education Program Supervisor, AP/ADM Education Program Supervisor, EPP/TLE Project Development Officer II, LRMDS Division Librarian II, LRMDS Division Book Designer

: Romeo M. Alip, PhD, CESO V : William Roderick R. Fallorin, CESE : Milagros M. Peñaflor, PhD : Edgar E. Garcia, MITE : Romeo M. Layug : Evelyn V. Mendoza : Joan T. Briz : Rosita P. Serrano : Rommel M. Magcalas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan Telefax: (047) 237-2102 E-mail Address: [email protected]

5 EPP Agriculture Modyul 1: Abonong Organiko

Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang maipamalas ang pangunawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay. Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang: 1. Nakagagawa ng abonong organiko (EPP5AG-0b-4) a. Natutukoy ang kahalagahan ng paggawa ng abonong organiko b. Natutukoy ang mga pamamaraan ng paggawa ng abonong organiko;

Aralin

1

Abonong Organiko

Mahalaga ang lupa sa lahat ng nilalang. Ito ay tinatayuan ng mga gusali at bahay ng mga tao. Ito ang tirahan ng mga hayop. Lupa rin ang tinutubuan ng mga halaman at punong kailanagan ng mga tao at hayop sa pang-araw-araw na buhay. Malaki ang pakinabang natin sa lupa. Nararapat lamang na ibalik natin sa lupa ang kailangan nitong pagpapayaman at pag-aalaga upang magpatuloy ito sa pagbibigay sa atin ng masaganang ani. Kailangan linangin, gamitin at alagaan ang lupang taniman at ang mga pananim nito. Mga kamay na masipag, matiyaga, at mapamaraan ang kailangan upang magawa itong produktibo. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang tamang pangangalaga, hindi lamang pananim kundi pati na rin ang lupang taniman. Kapag hindi malusog at hindi maganda ang lupa, hindi magiging masagana ang ani nito. Subalit kung malusog at maganda ang lupa, magiging malusog at mabunga ang pagtatanim dito. Ang paggawa ng organikong pataba ay maganda sa lupa at sa halaman sapagkat ito ay nakatutulong upang lumago at tumaba ang halaman. Ang mga nabubulok na basura tulad ng mga balat ng prutas at gulay, mga tuyong dahon at mga tirang pagkain ay maaring pang gamitin sa mas kapakipakinabang na paraan. Kaya nararapat na magkaroon tayo ng kaalaman sa paggawang organikong pataba sa pamamagitan ng paggawa ng compost. 1

Mga Tala para sa Guro Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang matukoy ang kahalaga at pamamaraan ng paggawa ng abonong organiko sa pamamagitan ng compost pit at basket composting.

Tuklasin Maraming nakatambak na basura sa inyong likod bahay. Nariyan ang mga lumang gulong, lumang sisidlan ng tubig, mga lumang yero at iba pang di nabubulok na bagay. Nakita mo ring maraming nakakalat ang mga tuyong dahon at damo at sa isang banda natanaw mo ang mga pinagbalatan ng prutas at gulay. Sa iyong palagay ano ang marapat mong gawin sa mga ito?

2

Suriin Sa paghahalaman, kailangan ang abono upang maging mataba at malago ang ating mga pananim. Ito ay maaaring magmula sa likas na yaman. Sa pamamagitan ng composting, ang mga sariwa o mga nabubulok na basura tulad ng mga balat ng gulay at prutas, mga dahon ng halaman at mga dumi ng hayop ay pwedeng gawing abono. Tinatawag itong abonong organiko o compost. Bakit tayo gumagamit ng Compost? • Kailangang maparami ang ani, ngunit hindi sana naabuso ang lupa • Mas kakaunti ang “methane gas” ng damo kung makokompost muna bago ihalo sa lupa. • Pinatataba muli ng compost ang lupa, kaya darami ang ani. Bakit maganda ang Compost? • Pinalalambot ang lupa. Pinagaganda ang pagsalat (texture) at bungkal ng lupa (Tilt) • Hindi mabilis matuyo ang lupa. • Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig (water holding capacity) Pinaluluwag ang paghinga ng lupa • Ibinibigay ang mga sustansiyang wala sa abonong kemikal. Pinatataba ang lupa o nagiging maganda ang ani. • Matipid; maaaring mabawasan ang dami ng kemikal na abono Paggawa ng Compost Mahalaga ang pataba sa halaman. Ito ay nagpapayaman sa lupa upang makuha ng ugat ng mga pananim ang mga sustansyang kailangan upang lumaki itong malusog. Sa likod ng bakuran o isang lugar ay maaaring gumawa ng hukay o balon kung saan hahayaang mabulok ang mga basura tulad ng tuyong dahon, damo, balat ng pagkain, at dumi ng hayop upang maging pataba pagkaraan ng ilang buwan. Compost pit ang tawag sa hukay na ito. Isang matipid na paraan upang magkaroon ng sapat na panustos ng patabang organiko.

3

Paraan ng Paggawa ng Compost Pit 1. Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag, at malayo layo sa bahay. Humukay ng may isang metro ang lalim. 2. Pagsamasamahin ang mga tuyong dahon, nabubulok na gulay, prutas, pagkain, at iba pang nabubulok na bagay. 3. Ilatag ang nabubulok na bagay sa hukay hanggang umabot ng 30 sm ang taas. 4. Patungan ito ng dumi ng hayop. 5. Patungan ito muli ng lupa, abono, o apog. 6. Paulit-ulit na gawin ang pagtatambak hanggang sa mapuno ang hukay. 7. Diligan ang ibabaw araw-araw. Kung tag-ulan, takpan ito ng yero. 8. Palipasin ang dalawang buwan o higit pa, mayroon ng abonong organiko na magagamit na pataba sa halaman. Ang abonong organiko ay napabubuti ang hilatsa ng lupa at malusog na paglaki ng mga pananim. Ito ay napakaepektibong pataba na hindi magastos. Narito ang isa pang paraan ng paggawa ng compost sa may maliliit na espasyo. Ang basket composting ay isa paraan ng pagpapabulok ng basura sa isang lalagyan. Maaring gumawa nito sa pamamagitan ng pinagpatong patong na gulong ng sasakyan, lumang sisidlan ng tubig, o resaykel na bagay. Narito ang paraan ng paggawa ng basket composting. Paraan ng Paggawa ng Basket Composting

1. Maghanda ng mga lalagyang maaaring iresaykel. 2. Pagsama-samahin ang mga pinagbalatan ng prutas, gulay, mga damo, dayami at iba pang nabubulok na basura. 3. Ilagay rito ang mga pinagsama-samang nabubulok na bagay tulad ng dahon, prutas, gulay at mga tirang pagkain. 4. Lagyan muli ng lupa at diligin.

4

5. Takpan ng dahon ng saging o yero upang hindi langawin. 6. Gawin ang proseso hanggang mapuno ang lalagyan. 7. Palipasin ang dalawang buwan, haluin ang mga pinagsama-samang bagay. Pagkatapos nito, ang compost ay maaari nang gamitin bilang pataba.

Pagyamanin Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Bakit kailangang paghiwalayin ang mga nabubulok sa hindi nabubulok na mga basura? 2. Maraming nakatambak na nabubulok na basura sa inyong bakuran, ano ang maari mong gawin upang maging kapaki-pakinabang sa mga ito? 3. Anong kabutihan ang naibibigay ng paggamit ng abonong organiko? 4. Ano ang iyong gagawin upang maging kawili-wili ang paggawa ng compost sa lahat ng kasapi ng pamilya? 5. Paano ang wastong paraan ng paggawa ng basket composting o compost pit?

Isaisip Ang compost o abonong organiko ay isang uri ng pataba mula sa mga tuyong damo o dahon, mga balat ng mga prutas at gulay at mga dumi ng hayop na binubulok sa isang hukay sa isang malawak na lugar o sa isang lalagyan. Ito ay lubos na nakatutulong sa atin upang mas lumusog at mapaganda ang lupang taniman. Ito ay napakaepektibong pataba na hindi magastos. Gumagamit tayo ng Compost dahil sa sumusunod na dahilan. 1. Kailangang maparami ang ani, ngunit hindi sana naabuso ang lupa 2. Mas kakaunti ang “methane gas” ng damo kung makokompost muna bago ihalo sa lupa. 3. Pinatataba muli ng compost ang lupa, kaya darami ang ani.

5

Maganda ang Compost sa lupa dahil sa sumusunod na dahilan. 1. Pinalalambot ang lupa. Pinagaganda ang pagsalat (texture) at bungkal ng lupa (Tilt) 2. Hindi mabilis matuyo ang lupa. 3. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig (water holding capacity) Pinaluluwag ang paghinga ng lupa 4. Ibinibigay ang mga sustansiyang wala sa abonong kemikal. 5. Pinatataba ang lupa o nagiging maganda ang ani. 6. Matipid; maaaring mabawasan ang dami ng kemikal na abono

May dalawang uri ng paraan ng paggawa ng compost o abonong organiko; Compost pit - Pagsasama-sama ng mga nabubulok na basura katulad ng dumi ng hayop, dahon, balat ng prutas, damo at iba pa. Ito ay maaaring gawin sa bakanteng lote. Basket composting - Pagsasama-sama rin ng mga nabubulok na basura sa isang lalagyan. Ito ay ginagawa kung walang masyadong malawak na ispasyo.

Isagawa Panuto A: Iguhit ang (dahon) kung ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng kahalagahan ng paggawa ng abonong organiko at (lata) kung hindi. Iguhit ang sagot sa sagutang papel. _____1. Sinisiksik nito ang lupa. _____2. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig. _____3. Madaling matuyo ang lupa. _____4. Pinatataba ang lupa at nagiging maganda ang ani. _____5. Matipid, at maaring mabawasan ang dami ng kemikal na abono.

6

B. Lagyan ng wastong bilang (1-5) ayon sa pagkakasunod-sunod na hakbang sa paggawa ng compost. _____1. Pagsamasamahin ang mga tuyong dahon, nabubulok na gulay, prutas, pagkain, at iba pang nabubulok na bagay. _____2. Patungan ito muli ng lupa, abono, o apog. Paulit-ulit na gawin ang pagtatambak hanggang sa mapuno ang hukay. _____3. Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag, at malayo layo sa bahay. Humukay ng may isang metro ang lalim. _____4. Diligan ang ibabaw araw-araw. Kung tag-ulan, takpan ito ng yero. Palipasin ang dalawang buwan o higit pa bago gamitin. _____5. Ilatag ang nabubulok na bagay sa hukay hanggang umabot ng 30 sm ang taas. Patungan ito ng dumi ng hayop.

Tayahin Panuto A. Isulat ang salitang organiko kung ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng kahalagahan at pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko at di-organiko kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel. _____1. Ito ay nagpapayaman sa lupa upang makuha ng ugat ng mga pananim ang mga sustansyang kailangan upang lumaki itong malusog. _____2. Ang abonong organiko ay pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig. _____3. Mag ipon ng mga di-nabubulok na basura. _____4. Paulit-ulit na lagyan ng nabubulok na basura, lupa o apog ang hukay hanggat mapuno ito. _____5. Palipasin ang isang buwan bago gamitin ang compost.

7

B. Lagyan ng titik A-E ayon sa pagkakasunod-sunod na mga hakbang sa paggawa ng compost. _____1. Ilagay rito ang mga nabubulok na bagay tulad ng dahon, prutas, gulay at mga tirang pagkain. _____2. Takpan ng dahon ng saging o yero upang hindi langawin. _____3. Maghanda ng mga lalagyang maaring iresaykel o gumawa ng hukay. _____4. Lagyan muli ng lupa at diligin. _____5. Gawin ang proseso hanggang mapuno ang lalagyan. Palipasin ang dalawang buwan bago gamitin.

Karagdagang Gawain Ilahad ang iyong saloobin sa sumusunod na mga katanungan at sitwasyon.

1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa paggawa ng abonong organiko? 2. Ipagpalagay mayroon kayong bakanteng lote, ano ang iyong gagawin?

3. Maglahad din ng mga gawaing magpapaunlad ng inyong pamilya ngayong panahon na may pandemya. Ilahad sa isang malinis na papel ang iyong mga hakbang at paraang gagawin.

8

Rubriks sa Paglalahad Tayahin ang isinulat na paglalahad batay sa sumusunod na pamantayan. Lagyan ng tsek (/) sa puntos na naaayon sa mga sumusunod na pamantayan.

Puntos Pamantayan 1.

May kahulugan pagkaka-ugnay organisado.

5

ang inilahad at ng detalye,

2. Malinaw ang layunin, nasa pokus 3. Gumamit ng payak at angkop na mga salita at lubos na nauunawaan 4. Wasto ang ginamit na malalaking titik (kung saan kailangan) gayundin ang bantas, baybay ng mga salita, at iba pang mekaniks sa pagsulat Kabuuang Puntos:

Pagpapakahulugan 16-20 = Napakahusay

10-15 = Mahusay

5-9 = Mahusay-husay

1-4 = Kailangan pang Magsanay

9

4

3

2

1

Susi sa Pagwawasto

10

Sanggunian Peralta, Gloria, Ruth Arsenue, Catalina Ipolan, Yolanda Quiambao, and Jeffrey de Guzman. Kaalaman At Kasanayan Tungo Sa Kaunlaran 5 Patnubay Ng Guro. 1st ed. Reprint, Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016. Peralta, Gloria, Ruth Arsenue, Catalina Ipolan, Yolanda Quiambao, and Jeffrey de Guzman. Kaalaman At Kasanayan Tungo Sa Kaunlaran 5 Batayang Aklat. Reprint, Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016

11

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III, Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division Learning Resources Management and Development Section (LRMDS) Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan Telefax: (047) 237-2102 Email Address: [email protected]

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF