Buwan NG Wika 2024 Script
July 25, 2024 | Author: Anonymous | Category: N/A
Short Description
Download Buwan NG Wika 2024 Script...
Description
BUWAN NG WIKA 2024 Parada: Magandang umaga po sa ating lahat. Ang atin pong parada ay magsisimula sa ganap na alas-siete y medya ngayong umaga. INTRO: Naimbag a bigat, Maayong buntag, Mayap a abak, Ma abig ya kabwasan, isang Makawika at mapagpalang umaga sa inyong lahat. Ngayong buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika. Ngunit bakit ako bumati gamit ang ilokano, Cebuano, Kapampangan, at Pangasinense eh pawang mga Wikang Katutubo iyon ng ating bansa? Bakit hindi tagalog lang na magandang umaga? Eh Tagalog naman ang ating Pambansang Wika. Nagkakamali po kayo. Ang ating Pambansang Wika ay hindi Tagalog kundi Filipino. Napagpasyahan lamang noon ng Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay tinatawag ng Komisyon ng Wikang Filipino na ang tagalog ang gawing batayan upang mabuo ang ating wikang Pambansa na siya namang ipinagutos ng ating dating Pangulong Manuel Luis Molina Quezon, yan ay sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap, bilang isang daan tatlumput apat, taong isang libo siyam na raan tatlumput pito. Kaya ang ating Wikang Pambansa na Filipino ay hindi lamang purong tagalog kundi ito ay binubuo ng pinagsama-samang mga Katutubong Wika ng ating bansa. At kabilang na roon ang Tagalog, Ilokano, Cebuano at marami pang iba. Kaya naman ang tema ng ating pagdiriwang ngayong taon ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”. Ang Buwan ng Wika ang isa sa mga pagkakataon natin upang payabungin at ipagmalaki ang ating sariling wika. Pagkakataon din natin ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating Pambansang Wika ay hindi lamang instrumento ng komunikasyon kundi siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidwal at bilang isang bansa. Kaya bilang pagtangkilik ng ating paaralan sa Buwan ng Wika, ay uumpisahan na natin ang ating palatuntunan.
Panalangin At bilang panimula ay inaanyayahan ko na magsitayo ang lahat para sa panalangin na pangungunahan ni Ginang Ester R. Manalo, Guro sa unang baitang at susundan naman ito ng Pambansang Awit ng Pilipinas na kukumpasan ni Ginang Cristina R. Sebastian, Guro sa Ikaapat na Baitang. Pambansang Awit Manatili po tayong nakatayo para sa Pambansang Awit ng Pilipinas. ***Awit*** Maaari na po tayong magsiupo. Para magbigay ng pambungad na mensahe, tawagin natin ang ating Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino at Tagapangasiwa ng Palatuntunang ito, walang iba kundi si Bb. Lourez L. Garan. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan! Pambungad na pananalita – Bb. LOUREZ Maraming salamat, Binibining Lourez. Pistang Pinoy Sa puntong ito ay may nanalo na sa Pagdidisenyo ng Lamesa Para sa Pistang Pinoy. Ang nagkamit ng ikatlong pwesto ay…. ( ikalawa, una ) Palarong Pinoy Mga bata, gusto niyo na bang maglaro? Ok sa puntong ito ay maglalaro naman tayo. Hindi ng ML o Roblox ang ating lalaruin ha, kundi mga palarong Pinoy. Eksayted na ba kayo? Kung ganon, ngayon naman po ay tawagin natin ang mamamahala sa palarong pinoy, walang iba kundi si Ginang Joanne Katleen C. Roderos.
Paggagawad ng Sertipiko Ngayon ay dumako naman tayo sa paggagawad ng Sertipiko. Handa na ba kayong malaman kung sino-sino ang mga nagwagi sa kategorya ng Iispel Mo at Pagsulat ng Tula o Sanaysay. Alam kong atat na atat na kayong malaman, kaya di ko na patatagalin pa. Sa kategorya ng Iispel mo ay inaanyayahan ko po ang mga Gurong Tagapayo ng bawat baitang upang igawad ang sertipiko ng mga nanalo. Simulan po natin sa Unang Baitang, Ginang Ester R. Manalo. Binabati ko kayo mga bata. Tunay ngang magagaling sa pag-iispel ang mga mag-aaral ng Sampaguita. Ipagpatuloy pa ang palagiang pagbabasa upang mas dumami at lumawak pa ang inyong kaalaman sa pagbaybay. Sa mga hindi naman pinalad na manalo ay bawi na lang tayo sa mga susunod pa. Sa Kategorya naman ng Pagsulat ng Tula at/o Sanaysay, tinatawagan ko ang mga Gurong Tagapayo mula Ikatlong Baitang hanggang Ika-Anim na Baitang. Simulan natin sa ikatlong baitang, Ginang Eralyn Grace A. Rabulan.
Binabati ko ang mga batang nagkamit ng pwesto sa pagsulat ng tula at/o sanaysay. Bago matapos ang araw na ito, tinatawagan ko si Ginang Liezl E. Orbeta para sa kanyang pangwakas na pananalita. Pangwakas na Pananalita Maraming Salamat po Ginang Orbeta. Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang iba’t ibang impluwensiya na siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatuwid, ang wika rin ay maaari ring maging batayan ng ating seguridad, kapayapaan, at ingklusibong pagpapatupad ng katarungang panlipunan. Kaya naman mahalin natin ang ating wika tulad ng tinuran ni Gat. Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit sa hayop at malansang isda: kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng Inang sa atin ay nagpala.” At dito nagwawakas ang ating palatuntunan sa Buwan ng Wikang Pambansa Dalawang libo, Dalawampu’t tatlo. Ako si Ginang Tina at mabuhay ang Wikang Filipino! (play “Ako’y Isang Pinoy)
View more...
Comments