Brigada Eskwela Closing Script

July 27, 2024 | Author: Anonymous | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Brigada Eskwela Closing Script...

Description

Brigada Eskwela Closing Script 2023













 



Sa ating mga mahal na mag-aaral, mga magulang, stakeholders, mga guro at mga kawani ng ating paaralan, isang masaya at mapagpalang umaga sa inyong lahat. Ang isang lingo na Brigada Eskwela ay maituturing na selebrasyon sapagkat ito ay dinaluhan at sinuportahan ng hindi mabilang ng mga grupo at indibidwal na nagbigay ng kanilang oras para maipakita ang suporta sa ating mahal na paaralan. Sa pagsisimula ng ating programa, maaaring tumayo ang lahat para sa pagpupugay sa ating watawat at sa pag-awit ng Lupang Hinirang, Himno ng Cavite at Himno ng Lungsod ng Carmona sa pagkumpas ni Gng. Rechely Dacumos na susundan ng isang panalangin na panungunahan naman ni Gng. Angelina I. Plaza. Ang Brigada Eskwela sa taong panuruan 2023-2024 na may temang, “Brigada Eskwela ngayong taon, Bayanihan para sa Matatag na Paaralan”, ay nagbibigay daan upang maisagawa ang mga dapat kumpunihin, paglilinis at pagpapaganda ng paaralan bilang paghahanda sa ligtas at pagbubukas ng klase. Tunay na mapalad ang ating paaralan sapagkat ang suporta mula sa mga stakeholders mula sa pribado at pampublikong institusyon ay nagkaroon ng malaking epekto sa ating paaralan na nagging dahilan upang matapos ang aktibidad na ito. Ngayon ay atin pong pakinggan ang mensahe na magmumula sa Punong Barangay ng Mabuhay, Hon. Windler M. Restrivera. (Maraming salamat po kap sa inyong 100 porsyentong suporta na patuloy na ipinag-kakaloob sa ating paaralan.) Sa puntong ito, atin pong pakinggan ang mensahe na magmumula sa ating masipag at punung-puno ng dedikasyon ng ating sintang paaralan, ang Punungguro I, Gng. Nemirose B. De Capia. Maliban sa mga magulang at guro, ang ating ehemplo ng tagumpay ay ating nakakamit dahil sa tulong ng ating mga stakeholders and community partners na sa kahit anong paraan ay palaging nakasuporta sa mga gawain ng paaralan. Para po pangunahan ang pagbibigay parangal sa kanila, tinatawagan ko pong muli ang Punungguro ng Paaralang Elementarya ng Mabuhay, Gng. Nemirose B. De Capia, kasama ang masisipag na Brigada Coordinator, Gng. Mylin Quinto at Gng. Shienna A. Delena. Sa punto pong ito ay ating matutunghayan ang isang pampasiglang bilang na magmumula sa ating mga MABES majorettes. Sa loob ng isang linggong implementasyon ng Brigada Eskwela, maraming mga gawain ang naisagawa at natapos dahil sa pagbabayanihan ng ating mag-aaral, mga magulang, mga guro at stakeholders. Sa pagkakataon pong ito, atin pong mapapakinggan ang pag-aanunsyo ng kabuuang halaga ng mga natanggap na donasyon ng Paaralang Elementarya ng Mabuhay, narito pong muli ang Brigada Coordinator, Gng. Mylin Quinto. Ang Brigada Eskwela ay naging matagumpay dahil sa walang sawang suporta mula sa iba’t ibang taong kabahagi ng ating paaralan. At alam natin na hindi madali ang gawain ito na suportahan ang paaralan sa mahabang panahon at hindi sapat ang salitang salamat para sa buong suporta na inyong binigay. Kaya naman aking tatawagin ang ating Guidance Coordinator, Gng. Anabel A. Medina para magbigay ng pangwakas na pananalita.





Maraming salamat po sa ating mga stakeholders sa inyong patuloy na pagsuporta sa paaralan. ito lamang po nagpapatunay sa tunay na diwa ng Brigada Eskwela na pagtutulungan upang mabigyan ng malinis at ligtas na kapaligiran ang mga batang mag-aaral, kami po dito sa Mabuhay Elementary School ay gagawin ang lahat upang patuloy na maibigay ang sapat at dekalidad na edukasyon para sa batang MABESians. Dito na po nagtatapos ang ating programa ngayong umaga. Muli po isang magandang araw sa ating lahat.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF