Aralin 6 - Sustainable Development
August 14, 2024 | Author: Anonymous | Category: N/A
Short Description
Download Aralin 6 - Sustainable Development...
Description
Aralin 6 – Ang Likas-kayang Kaunlaran (Sustainable Development)
Pagkatapos ng araling ito, dapat na: naipaliliwanag mo ang konsepto ng sustainable development; natatalakay mo ang kasaysayan ng pagkabuo ng konsepto ng sustainable development; at nasusuri mo ang kaugnayan ng mga gawain at desisyon ng mga tao sa pagbabagong pangkapaligiran.
Ang kinabukasan ng daigdig ay isang mahalagang isyung pinagtutuunan ng pansin ng mga eksperto at ng may pakialam na mga mamamayan. Kailangang mapanatili ang kaunlarang kayang tugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan nang hindi naikukompromiso o naisasantabi ang mga pangangailangan ng susunod na henerasyon. Ito ay sumasaklaw sa konsepto ng sustainable development. Ano ang kahulugan ng sustainable development? Ano-ano ang konsepto at kasaysayan sa likod nito? Ano-ano ang kaugnayan ng mga gawain ng mga tao, positibo man o hindi, tungo sa pagbabagong pangkapaligiran? Alamin ang mga sagot sa araling ito!
Ang Konsepto ng Sustainable Development Ayon sa ulat ng World Commission on Environment and Development na may pamagat na “Our Common Future”, ang sustainable development ay tumutukoy sa pag-unlad na tumutugon sa mga pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na hindi naikukompromiso ang kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi ang kanilang pangangailangan. May dalawang konseptong nakapaloob sa depinisyong ito. Una, ang konsepto ng mga pangangailangan (needs) lalo na ng mahihirap, na dapat pag-ukulan ng mahalagang pansin. Ikalawa, ang konsepto ng mga limitasyon (limitations) na inilalapat ng mga estado sa mga teknolohiya at organisasyong panlipunan, sa
kakayahan ng kapaligirang abutin ang kasalukuyan at panghinaharap na pangangailangan. Ang sustainable development ay tumutukoy rin sa paraan ng patuloy na pag-aalaga sa lipunan, ekonomiya, at kapaligiran habang patuloy ang pag-unlad ng bansa. Ito ay matatamo sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng mga likas na yaman sa kasalukuyan at pagtitiyak na may mga mapagkukunan pa rin sa hinaharap. Halimbawa, sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno sa kasalukuyan upang mapanatili ang mga kagubatan, natitiyak ang sustainable development dahil ang mga mamamayan sa hinaharap ay may masasandigan pa rin.
Kasaysayan ng Pagkabuo ng Konsepto Ng Sustainable Development
Ang konsepto ng sustainable development ay umani ng pandaigdigang pagkilala noong 1972 sa UN Conference on the Human Environment na ginanap sa Stockholm, Sweden.
Bagaman hindi malinaw na ginamit ang katagang “sustainable development”, nagkaisa ang pandaigdigang komunidad sa ideya na ang kapaligiran at ang kaunlaran (na noon ay magkahiwalay na pinag-uusapan) ay maaaring pangasiwaan sa isang paraang nakabubuti dito.
Ang katagang “sustainable development” ay naging tanyag pagkalipas ng labinlimang taon, matapos mabigyan ng klasikong kahulugang “ang pag-unlad na tumutugon sa mga pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na hindi naikukompromiso ang kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi ang kanilang pangangailangan.”
Ang konsepto ng sustainable development ang naging basehan ng UN Conference on Environment and Development na ginanap sa Rio de Janeiro noong 1992. Tumatak sa pandaigdigang pagpupulong na ito ang unang pagtatangkang bumuo ng mga action plan at estratehiya tungo sa isang mas napananatiling pag-unlad.
Ang konsepto ng sustainable development ang naging solusyon sa mga problemang tinalakay tungkol sa pagkasira ng kapaligiran ayon sa Bruntland Commission Report 1987. Ang ulat na ito ay naglalaman ng mga pagsisiyasat ng napakaraming isyung napag-usapan sa mga nakaraang dekada, tungkol sa mga gawain ng mga tao na may masama at malaking epekto sa planeta at kung paanong ang mga kasalukuyang paglago at pagbabago ay hindi sustainable kung hindi ito bibigyang-pansin.
Noong 2002, idinaos ang World Summit on Sustainable Development sa Johannesburg City, South Africa. Ilan sa mga pagtatalagang ginawa sa komperensiyang ito ay tungkol sa sustainable consumption and production, sa tubig at sanistayon, at sa enerhiya.
Kaugnayan ng mga Gawain at Desisyon sa Pagbabagong Pangkapaligiran Ang mga desisyon at gawaing pang-indibidwal, pampamayanan, pambansa, at pandaigdig ay may malaking epekto sa pagbabago ng kapaligiran. Bawat gawain at pagpapasya ay may epekto sa ikagaganda o ikasisira ng kapaligiran. Pandaigdig
Napakahalaga ng mga desisyon at mga programa ng United Nations at ng mga bansang sumasang-ayon sa adhikain ng sustainable development.
Ang Millenium Development Goals 2000 ay napalitan na ng UN Sustainable Development Goals 2030. Ilan sa mga inisyatibo ng UN ay ang pagsugpo sa kagutuman, pagkakaroon ng gender equality, pagbibigay-solusyon sa lumalalang problema ng climate change, at iba pa.
Pambansa
Sa Pilipinas, ang Philippine Agenda 21 ang blue print ng sustainable development program.
Ito ay sumasaklaw sa programa ng Pilipinas para sa mga indibidwal, pamilya, pamayanan, at action plan para sa iba’t ibang ecosystem. Mahalaga ang pagsunod sa blue print na ito upang mapanatili ang pagbabago sa bansa.
Kaugnayan ng mga Gawain at Desisyon sa Pagbabagong Pangkapaligiran Ipagpatuloy natin ang pagtalakay. Pampamayanan
Dapat lahat ng baranggay at pamayanan ay maging maalam o bihasa sa Philippine Agenda 21. Ang mga programa nito ay maaaring maging programa ng baranggay tungo sa sustainable development ayon sa kapaligiran ng pamayanan.
Halimbawa, sa mga kabundukan, kung maaari, bigyan ng bagong trabaho ang mga magkakaingin o mamumutol ng puno upang hindi tuluyang masira ang mga kabundukan at maapektuhan ang mga likas na yaman doon, hindi lamang puno, pati mga hayop at mga halaman.
Pampamilya/Pansarili
Sa antas na ito dapat nagsisimula ang pagbabago. Kung ang bawat isa ay may pakialam at mulat sa napipintong pagkasira ng kalikasan, walang dudang makikiisa siya sa mga pagbabago ng pamumuhay at nakasanayan.
Halimbawa, sana, lahat ng indibidwal at pamilya ay marunong ng tamang waste management, ng tamang pangangalaga sa kalikasan, at iba pang kayang gawin ng bawat indibidwal.
Kayang-kayang matamo ang sustainable development kung sama-sama at tulong-tulong ang bawat isa, pamayanan, bansa, at buong mundo, ngayon hanggang sa kakayanin.
Paano ka makikibahagi sa pagpapatuloy ng mga sustainable development program ng Pilipinas?
Buod
Ang sustainable development ay ang pag-unlad na tumutugon sa mga pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na hindi naikukompromiso ang kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi ang kanilang pangangailangan.
Noong 1972, unang binigyang-pansin ang development" bagaman hindi pa gaanong malinaw.
Noong 1987, binigyan ng tiyak at klasikong depinisyon ang "sustainable development".
Noong 1992, bumalangkas ang mga bansa ng “action plans” at mga estratehiya para sa sustainable development.
Noong 2002, lalo pang pinaigting ang kampanya para sa sustainable development.
Ang mga desisyon at gawaing pang-indibidwal, pampamayanan, pambansa, at pandaigdig ay may malaking epekto sa pagbabago ng kapaligiran. Bawat gawain at pagpapasya ay may epekto sa ikagaganda o ikasisira ng kapaligiran.
konsepto
ng "sustainable
View more...
Comments