Desaparesidos Original
March 19, 2017 | Author: dyenniepoh2000 | Category: N/A
Short Description
Download Desaparesidos Original...
Description
DESAPARESIDOS PAMAGAT TAON NG PAGKAKASULAT : 1998 MAY-AKDA : LUALHATI BAUTISTA KAHULUGAN NG PAMAGAT BAGO AT PAGKATAPOS MAG BASA Desaparesidos, hindi ko maintindihan ang pamagat ng nobela ni Gng. Lualhati Bautista, ang aking hula sa umpisa ay ibig sabihin nito ay desperado at dahil may s sa dulo ay madaming desperadong tao ang ibig sabihin nito. Tama pala ang aking hula, ang hukbong kinabibilangan ng mga tauhan sa nobela ay mga desperadong makamtan ang kalayaan n gating bansa nuong panahon ng martial law. TAUHAN Anna o ka leila- ina na pilit hinahanap ang anak na si malaya sa napakahabang panahon. Isang NPA Ronildo o ka roy- isa ring NPA at napangasawa ni anna na naging triggerman ng kilusan.
Karla- kasamahan na pinaghabilinan ng anak ni anna. Jinky- asawa ni karla na pinatay ng mga kasamahang NPA dahil ito ay nagtaksil sa kilusan Lorena o Lorie- anak ni anna at roy.
Emmanuel o Emman - kaibigan ni lorena simula pa noong bata pa sila nang iwanan si lorena sa ibat- ibang bahay. Malaya- anak ni anna na nawalay sa kanya at kinupkop ni Karla sa loob ng 21 taon.
BUOD Nagumpisa ang kwento sa panahon ng martial law at sa pagkawala ng asawa ni Leila na si Nonong. Si Nonong ay nahuli ng mga sundalo at pinatay idinisplay ang kanyang Bangkay sa plasa ay siniguro ni Leila na si nonong na kanyang asawa nga ito at ipinaalam sa mga magulang ni nonong upang makuha ang bangkay. Subalit ang nanyari ay pinatay rin at pinahirapan ang tatay ni nonong ng kukunin na nito ang bangkay sa mga sundalo. Naiwan si Leila at ang kanyang 5 buwang gulang na sanggol na pinangalanan niyang Malaya.
Pinayuhan sila ng nakatataas na mas
magiging ligtas ang bata kung ito ay ihahabilin sa mga nasa labas na kasamahan. Si Jinky ay isang lalaki na kasamahan nila Leila sa kilusan ay nagmagandang loob na isama si Leila sa kanyang asawang 6 na buwang buntis upang ito ang mangalaga sa bata habang sila ay nakikibaka para sa kalayaan ng bansa. Si Karla ang asawa ni jinky na 6 na buwang buntis ang nag alaga sa anak ni Leila na si Malaya, at ang magiging anak ni Karla ay papangalanan ding Malaya kapag ito ay nailabas na. laking pasasalamat ni Leila na bukal sa kalooban ni karla ang arugain ang kanyang anak.
Habang nakikibaka ang mga NPA ay nagkaroon ng leak sa loob ng mga sundalo at lumabas ang pangalan ni Ka Roy , hinanap ng mga sundalo ang pamilya ng mga Magdangal sa mga bayan na kanilang pinuntahan. Natunton ng mga sundalo ang mga magulang ni ka roy at bago pa may madamay na iba ay umamin na si Mang Kardo na anak niya si Roy , sinunog ang kanilang tahanan at lahat ng miyembro ng pamilya ay pinatay kahit ang 6 na taong gulang na si Nene. Ang sumunod na eksena ay ang pagkakadakip kay Jinky at Leila ng sila ay bumaba upang tingnan ang kalagayan ni karla at Malaya.
Si Leila ay
ginahasa ng mga sundalo at walang sinabi na kahit anong impormasyon sa mga sundalo, subalit si Jinky at nakipag ugnayan sa mga sundalo at nagturo ng mga kasamahan. Si Lito at si Roy ang unang nahuli ng mga sundalo at pinaglaban sila. Naaawa si roy sa nangyayaring pagsusuntukan nila ni lito subalit wala siyang magawa utos iyon ng mga sundalo at sila ay dinakip. Ng natapos ang labanan ng mga Amerikano, ang tumulong upang matapos ang martial law. Pinalaya si roy at Leila.
Si Leila ay ginamit na ang tunay niyang
pangalan na anna at nagkaroon sila ng pag-big ni roy, nagbunga ito ng isang anak si lorena. Subalit kailangan pa rin nilang iwan si lorena noon upang makibaka.
Nagkaroon ng people power, napaalis ang pamilya marcos patungong Hawaii at ang mga nakulong sa ilalim ng martial law ay pinalaya. Nakasama na nila Roy at anna si Leila subalit malayo ang loob nito sa kanila sapagkat may hadlang ang kanilang komunikasyon. Iniisip pa rin ni Leila ang kanyang anak na si Malaya. Pinuntahan ni Anna at Roy ang mga magulang ni jInky at nalaman ditto na nagpunta si Karla bago ito umalis papuntang Canada kasama si Malaya na apo nila. Nagkaroon ng problema sina Anna at Roy sa anak nilang si Lorie sa pagiging mapanghinala nila na maaring mawala o madukot ang kanilang anak ay nasasagi na nila ang privacy ng kanilang dalagita. Nagkita si Leila at Malaya sa di inaasahang pagkakataon. Hinimatay si Leila ng malaman ang kwento ni Malaya at humiling siya na makipagkita kay Karla.
Sa ikalawang pagkakataon ng kanilang pagkikita, inamin naman ni
Karla na si Malaya ang anak ni Leila at ang kanyang ipinagbubuntis noon ay namatay. Inako niyang anak si Malaya at pinalaki itong mabuti at marangal. Nagkakilala sina Lorie at Malaya at nalaman nilang sila ay magkapatid, nalaman na ni lorie ang nararamdaman ng kanilang ina ng nawalay sa kanyang Ate.
Sa huli, ikinasal si Malaya at nagging isang buong pamilya na sina Roy, Anna, Malaya at Lorie. Ang pagpapatawad at pagkalimot ng mga nakaraan at pagkatuto sa buhay ang ang buklod sa kanila.
PAGSUSURING PANG NILALAMAN SOSYAL / PANGKABUHAYAN Ang kabuhayan na ipinakita sa loob ng nobela ay sadyang napakahirap. Mga NPA o New Peoples Army ang mga tauhan sa nobela, kung kayat umaasa sila sa mga kabuhayan sa bundok. KULTURANG PILIPINO Pinakita rito ang kulturang Pilipino sa pagpapahalaga sa pamilya at ang pagmamahal sa ating bayan. PILOSOPIYANG PILIPINO Kung ang ibon ay ikulong umiiyak ang bayan pa kaya.
Kung kayat
lumaban ang mga tao at bumuo ng isang kilusan na naglalayong palayain an gating bansa sa martial law. Naglalayon ang samahan na tapusin na ang karahasan ng pamumuno ng mga Marcos at maging demokratiyo angrepublika ng Pilipinas. SIMBOLISMONG GINAMIT Ang simbolismong ginamit ditto ay ang INA at MALAYA. Ang pagiging ina ni Anna ay hindi natatapos sa pagsilang lamang niya sa mga ito. Siya ay nananatiling ina kahit malayo sa kanyang anak at sinisikap niyang matugunan ang kailangan ng kanyang anak na si Lorie.
Malaya, ang
pangalan ng unang anak ni Anna kay nonong ay simbolo ng pinaglalaban ng mga NPA noong panahon ng martial law.
PAGSUSURING PAMPANITIKAN DULOG Ang Kalayaan ng bansa sa martial law an gaming pangunahing panuntuhan. Markismo Tulungan nio po ako diyos ko si Anna poi to mahal kop o ito romantisisimo TEORYANG NANGIBABAW Ang teoryang nangingibabaw sa nobela ay ang pagkakaroon ng kalayaan n gating bansa at ang pagiging ina ni Anna sa kanyang anak na nawalay. KABUUAN Ang kabuuan ng nobela ay umikot kay Ana o Ka Leila at sa kanyang paghahanap sa anak na si Malaya at at pagiging Malaya ng bansa sa ilalim ng Martial Law. BISA SA ISIP Nalaman ko na napakahirap palang mabuhay nuong panahon na iyon, lalo na at ikaw ay kasali sa kilusang kinapapalooban ni Leila at ng mga kasama niya.
Dapat pala akong magpasalamat sa ngayon at ako ay
nabuhay sa isang malayang lipunan at hindi mahirap para sa mga
mamamayan ngayon ang mabuhay ng walang pangamba na sila ay dudukutin at maaaring mapatay ng mga sundalo. DAMDAMIN Naantig ako sa eksena na nagkita sina Karla at Anna, sa una nilang pagkikita ay hindi inamin ni Karla na si Malaya ay hindi niya anak kundi kay Anna.
At dahil sa masakit na naramdaman, hindi nakapagisip ng tama si
Anna na si Malaya talaga ang kanyang anak. Naramdaman ko rin ang galit ni Lorie sa kanyang mga magulang sapagkat ito ay hindi pa nakakawala sa kanilang nakaraan na puno ng galit, takot at kaba.
KAASALAN Natutunan ko na pahalagahan ang mga bagay na meron ako ngayon. Ang pagiging mababang loob at ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa kagaya ng ginawa ni anna, hindi niya inisip ang sariling kapakanan subalit ang kapakanan ng kilusan at ng buong bayan. ISPIRITWAL AT MORAL Katulad ng natutunan kong pagpapahalaga, natutunan ko rin na maging maka Dios, sapagkat nasa panig pa rin nina Anna at Roy ang Dios at sila ay nabuhay pa pagkatapos silang pahirapan ng mga sundalo, at hindi nawalan ng saysay ang kanilang mga ipinaglalaban sapag lumaya ang pilipinas sa martial law at sila ay nakakita ng kaginhawahan at kapayapaan.
KONKLUSYON Maganda ang nobela subalit may mga maseselang bahagi ito.
May
mga mura ring napapaloob sa kwento pati na ang mga salitang maselan na pang matatanda lamang. Maganda ang tema ng kwento tungkol sa pagiging ina at pagiging isang Pilipino na nagnanais na lumaya sa martial law. Ipinakita rito ang mga kahirapang naranasan ng mga Pilipino sa ilalim ng Martial law. Ang nobelang desaparesidos ay isang kwento na maaaring nangyari sa totoong buhay noong panahon ng martial law. REKOMENDASYON Inirerekomenda ko ang nobelang ito sa lahat ng mga Pilipino na nais malaman ang Martial Law at ang mga kwentong napapaloob ditto. Ang mga mambabasa ay makaka pulot ng mga magagandang asal at aral sa kwentong ito.
View more...
Comments