Connie
February 8, 2018 | Author: Anju Tago | Category: N/A
Short Description
connie...
Description
I. Mercy Killing (Euthanasia) II. Panimula A. Pagpapakilala ng Paksa -euthanasia or mercy killing ay isang paraan kung saan hinahayaan na lang mamatay ang isang tao para hindi na siya mahirapan, mga taong nasa kondisyong napakalala na sakit, madalas ito nangyayari sa ospital at pinahihintulutan ito ng korte. B. Ang sariling Pananaw sa isyu -as I would define Mercy Killing, it is not merely for the sake of the Family of the Patient. Its is always the right of the Patient. Technically euthanasia is a resolution. Para hindi na maghirap pa ang patient o yung taong nakakaranas nito. Lalo na kung wala na talagang pagasang mabuhay ito at tanging makina o teknolohiya na lamang ang bumubuhay sa kanya. -Laeno, Mariecon -ay pagpapatiwakal ng isang indibidwal na nagnanais ng wakasan ang sariling buhay sa tulong ng ibang tao. Ito ay maaaring makatulong sa isang indibidwal na wala ng pisikal na kapasidad na isagawa ang pagpapakamatay dahil sa matinding karamdaman. -Estenote, Alvin III. Mga argumento sa Isyu A. Buod ng mga argumento -Oo, Mga sagot na nadidinig sa mga nakaranas na pamilya. Oo para matuldukan na ang paghihirap ng taong nakakaranas ngunit oo sa ano at paanong paraan? -Hindi, Mga sagot na nadidinig sa mga taong hindi pa nakakaengkwentro at nakararanas. Hindi dahil ang buhay any labis na mahalaga sa anumang bagay, ngunit paano kung wala na talagang pag-asa? Paano kung wala ng sagot pa? Paano kung mahirap na ? -Mercy killing ? Good? Or Bad? (Based on our Survey) Person1: Sang ayon ako. Di ko kayang tignan na nahihirapan ang isang tao na wala ng pag asang gumaling. Kahit nasa 10 commandment pa yan. Kayo? Pahihirapan nyo ba ang isang taong nagtitiis sa kanyang kalagayan? Nakakarelate ako dahil sa kapatid ng lolo ko. Hiniling nalang nya na magpa enject tulad ng ginagamit sa lethal injection. Dahil di na nya kayang tiisin ang sakit niya Person2: ang akin naman po is wala tayong karapatang kumuha ng buhay ng may buhay., we have our free will naman po eh.. pero kung ok lang sa pamilya eh di sige po, basta't kausapin muna ung pasyente and sabihin ung gagawin kasi kahit gulay na siya, nakakarinig pa naman siya eh.. (kalungkot naman..)
Person3: Ok lang para sakin ang euthanasia kaso syempre ilulugar ko sarili ko sa lipunan! Susunod ako sa mga nakatakdang batas... Person4: Bad. Hindi pa rin tamang ganun na lang tayo kakomportable kumitil ng buhay. B. Mga impormasyong sumusuporta sa mga argumento -Mayroong panukalang batas ukol sa “mercy killing” o ang tinatawag na Euthanasia Bill pero nalalambungan pa rin ito ng ulap dahil sa maraming isyu — emotional, legal at pangrelihiyong usapin. Ang Euthanasia ay ang pamamaraan ng pagkitil sa isang taong may malubhang karamdaman na hindi na maaari pang gumaling o yung mga tinatawag na “gulay” na. Ang salitang Euthanasia ay nanggaling sa salitang “good and death”. Isasagawa lamang ang Euthanasia kapag ang taong may mabigat na sakit ay hiniling sa doctor ganoon din sa kanyang mga kamag-anak na kitilin na ang kanyang buhay. Ang active Euthanasia at mahigpit na ipi nagbabawal sa maraming bansa. Sabi ng religious groups ito ay malinaw na pagsusuicide o murder kaya immoral. Gayunman marami ang nagsasabing mas mabuti ang euthanasia sapagkat natatahimik na ang tao kaysa hayaang buhay pero “gulay”. Isa sa mga paraan ng pagsasagawa ng Euthanasia ay ang pag-aalis sa support o ang pag-aalis ng medical treatment. Hahayaan ang pasyente na mamatay naturally at ito ay legal sa batas. Mahirap magdesisyon para sa pamilya ng pasyente. Nagbibigay ito ng pagkabahala at hindi malaman ng bawat isa kung tama bang kitilin na ang buhay ng pasyente. Mayroong iba na hindi itinutuloy ang balak at hinahayaan na lamang ang pasyente sa sitwas-yong nakaratay ito at hintayin ang oras. Mahirap ang isyung ito kaya naman dapat magkaroon ng ugnayan ang Philippine Medical Association, Department of Health at Department of Justice, kasama ang mga mambabatas para ma-dissect at maplantsa ang isyu sa Euthanasia.
C. Mga ebidensiya para sa mga argumento -Ang Mercy Killing ay parang isyu ng bitay. Kung mapapanood ninyo sana yung pelikulang “You Dont Know Jack” na pinagbibidahan ni Al Pacino eh siguro matapos ninyo ito panoorin ay magkakaroon kayo ng ideya kung bakit may mga taong pinipili ang euthanasia, hindi dahil sa wala silang tiwala sa Diyos kundi ang sakit na idinudulot nito hindi lang sa pisikal na katawan kundi sa buong pagkatao ng isang pasyente. Resonable naman sana ang euthanasia pero tulad ng usapin natin tungkol sa hatol na bitay eh baka kapag itoy naging legal ay mapabayaan ang pag-gamit nito. Halimbawa nalang sa bitay, kung ito ay maibabalik ang pinag-aalala ng mga taong tulad ko na pabor sana sa bitay ay baka maihatol ito sa mga taong hindi naman dapat hatulan. Na kung saan sa bansa natin ay may mga nakakasuhan na hindi naman dapat kasuhan. Masakit ang maparusahan ka sa kasalanan na di mo naman ginawa lalo na mas masakit sa isang hahatulan o sa mga kamag-anak nito na bitayin sa salang hindi naman niya ginawa. Tulad rin sa Mercy Killing sino ba ang mag-aaprove nito para sabihing qualified ka na tapusin ang iyong buhay? At gaano tayo ka-kumportable sa taong magbibigay ng “go signal” para isagawa ang “mercy killing”?
IV. Ang sariling Posisyon sa Isyu A. Unang Punto ng iyong posisyon ~ Bilang isang mag-aaral, Bigyan natin halaga an gating mga buhay Hindi lang basta tayong pumuputol ng buhay lalo na sa mga kaganapang ganito. ~ Life is life. You have no right to end someone else's life. Imagine, if you are that fetus and you can see and hear what your mom wants to do with you. Kaya bilang isang mag-aaral Hindi dapat tayo ganun kakomportable na lang kung may taong sumasailalin o isasailalim sa Euthanasia, Buhay ang nakataya nararapat pahalagahan natin ang desisyon ng Pasyente. Mercy killing is still killing. Don't kill an innocent one. B. Ikalawang Punto ng iyong posisyon ~ Bilang isang anak ng Diyos Dapat nating galangin ang buhay na ibinigay sa atin ng tagapaglikha o an gating Ama. ~Sinasang-ayunan ba ng Bibliya ang damdamin ni Job? Kinikilala ng Bibliya na umiiral ang ganitong damdamin ng sangkatauhan. Sa kanilang desperasyon, may iba pang mga karakter sa Bibliya na hiniling na maagang matapos ang kanilang buhay kabilang si Elias (1 Hari 19:4) at Saul (1 Cronica 10:4). Kinikilala ng Kasulatan ang emosyon at maging ang lohika na maaaring sumuporta sa ideya ng “pagpatay dahil sa awa.” Gayunman, hindi tayo nabubuhay sa pamamagitan ng emosyon o lohika kundi sa pamamagitan ng pananampalataya (Roma 1:17). Hindi natin mauunawaang lubos ang plano at karunungan ng Diyos. Siya ang Tagapagbigay at Tagapagingat ng buhay (Nehemias 9:6), at wala tayong karapatan na pangunahan ang Kanyang desisyon. Sa pagtatapos ng kuwento ng buhay ni Job, binalaan siya ng kanyang kaibigang si Elihu, “Ikaw ay magingat, huwag mong lingunin ang kasamaan; sapagka't ito'y iyong pinili sa halip ng kadalamhatian” (Job 36:21). Wala tayong karapatan na magdesisyon kung kailan o sa kung paanong paraan tayo mamamatay. Ang “pagpatay dahil sa awa” o “mercy killing” ay kasalanan laban sa Diyos at paglaban sa Kanyang plano at kapangyarihan. C. Ikatlong Punto ng iyong posisyon ~ Bilang isang mamayang Pilipino,nararapat na maging aware tayo sa pagkitil ng buhay ng isang tao ~Sundin natin ang batas ngunit hwag tayo pakomportable sa Pag agaw ng buhay ng isang tao V. Konklusyon A. Buod ng iyong Posisyon
- legally and ethically speaking (Philippine setting) its wrong but practically its quite reasonable. mercy killing as they call it is and will only be justifiable in cases where the doctors and any person in authority had made a conclusive judgement that the illness has no cure or there is no single chance of cure and the illness is getting worse as the time passes by. when the pain is unbearable and will become more and more painful everyday, why prolong the suffering. in the end death is still the last resort to ease the pain. Ang “pagpatay dahil sa awa” o “mercy killing” ay ang “pagpapabaya sa isang tao o hayop na mamatay ng walang nadaramang sakit o sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng kaukulang serbisyong medikal, kadalasan ay dahil sa isang sakit na wala ng lunas.” Ang pagpatay dahil sa awa o mercy killing ay tinatawag din sa salitang ingles na “euthanasia.” Ang salitang Griyegong euthanasia ay maaaring isalin sa salitang “magandang kamatayan” na katulad din ng salitang “pagpatay dahil sa awa” at ginagawang katanggap-tanggap ng mga terminolohiyang ito ang ‘pagpatay’ sa gitna ng isang mahirap na sitwasyong medikal. Kung nakadarama ng sobrang sakit, pagkawala sa sarili o iba pang mahirap na kundisyong medikal ang isang tao, likas sa atin na pagaanin ang pakiramdam ng taong iyon sa anumang kaparaanan lalo na kung ito ay isang miyembro ng pamilya o malapit na kaibigan. Napakalakas ng pagnanais na ito na maibsan ang sakit ng naghihirap na kadalasan ay umaabot sa punto na pinababayaan ng mamatay ang isang tao sa halip na mabuhay. B. Plano ng Pagkilos -Hindi na bago sa sangkatauhan ang paglalaban sa pagitan ng pagnanais na tapusin na ang pagdurusa at pagnanais na mabuhay. Sa katotohanan, sinasabi sa isa sa pinakaunang kuwento sa Bibliya sa aklat ni Job ang pagnanais ni Job na mamatay na sa gitna ng kanyang paghihirap. Nagdalamhati si Job para sa kanyang buhay, hanggang sa punto na hilingin na niya sa Diyos na kunin na ang kanyang buhay sa halip na hayaang magpatuloy ang kanyang nararanasang sakit - sa emosyonal, pisikal at espiritwal (Job 6:8-11). Sinabi ni Job, “Na anopa't pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis, at ang kamatayan kay sa aking mga butong ito. Aking kinayayamutan ang aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man: bayaan akong magisa; sapagka't ang aking mga kaarawan ay walang kabuluhan” (Job 7:15-16). Hindi sana ganun kadali sa atin bilang isang tao ang pagkitil ng buhay. Nararapat nating bigyan ng respeto ang karapatan ng bawat isang indibidwal. VI. Sanggunian http://www.symbianize.com/showthread.php?t=141195 http://www.philstar.com/opinyon/42368/euthanasia https://www.gotquestions.org/Tagalog/pagpatay-awa.html
View more...
Comments