Class 3-C Has a Secret 2 Memento Mori

April 20, 2017 | Author: Lou Franco Cueto | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Class 3-C Has a Secret 2 Memento Mori...

Description

---------------BOOK DETAILS---------------[BOOK NAME] Class 3-C has a secret 2: Memento Mori [TOTALPARTS] 27 ------------------------------------------[ BOOK DESCRIPTION ] -------------------------------------------Because some secrets... just might kill you. ------------------------------------------******************************************* [1] C1: Moriendo Renascor. *******************************************

No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any mean s, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any informa tion storage and retrieval system,without written permission from the author.PLA GIARISM is a crime!

This is a work of Fiction. Names, characters, businesses, places, events and inc idents are either the products of the author's imagination or used in a fictitio us manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events i s purely coincidental.

© charotera101.

ALL RIGHTS RESERVED 2013.

------BOOK 2 PO ITO NG CLASS 3-C HAS A SECRET.Kung hindi nyo pa nababasa, hindi naman sa pinipigilan ko kayo kaso baka may mga scene na hindi maintindihan kasi nasa book 1 po yun. Ayon.Salamat. ------"Kamatayan ng isa...kamatayan ng lahat."

VOTE / COMMENT / FAN --------------------------------------------x

LUNA'S POV

DERETSO lang akong nakatingin habang naglalakad kahit na batid ko na nakapako sa akin ang bawat tingin ng lahat ng estudyante na nakakasalubong ko.Hindi ko alam kung bakit at wala akong pakialam.Tumingin sila hangga't gusto nila, hindi ko n a problema kung masasayang lang ang oras nila sa pag-uusap tungkol sa akin.

"Isa siyang Levesque diba?" "Oo, nabalitaan ko nga na may Levesque na mag-aaral dito." "Bakit ganun? Bakit wala atang ekspresyon yung mukha niya? Mukha siyang manika."

Hanggang sa napatigil ako.Tumingin ako sa kaliwa ko kung saan nakaupo ang isang babae.Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang nakuha na naman niya ang atens yon ko.Umagang umaga, umiiyak siya.Tsss.Nakakairita.

Tulad ng kanina, dumiretso na rin ako ng tingin.Napangisi ako nang muli kong nai sip na nandito na ako sa Laketon Academy.Ang paaralan na pinasukan ni Denise bag o siya mamatay kasama ang mga taong nakilala niya rito.Mayroon talaga sa loob ko na gustong gusto matuklasan kung bakit, kung ano nga ba ang nanyari.May mali.Al am kong may hindi tama sa lugar na ito.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng classroom ay ganun pa rin ang naging sitw asyon.Lahat ng atensyon nila ay nakatuon sa akin.Karamihan ay nagbubulungan.Umup o ako sa nag-iisang bakanteng upuan na namataan ko.Nilibot ng mga mata ko ang bu ong paligid.Walang kwenta.

"Balak mo ba kaming patayin diyan sa titig mo?"

Tumigin ako sa lalaking nagsalita na nasa kanan ko lamang.Nakataas ang dalawa ni yang paa habang nakapatong ang mga ito sa desk at bahagyang inuugoy-ugoy ang upu an niya.Pakilamero.Agad ko namang iniwas sa kanya ang atensyon ko.Wala akong map apala kung pagtutuunan ko siya ng pansin.

"Sungit.Akala mo naman maganda."

Hindi ko na naman siya pinansin at itinuon na lang ang pansin ko sa teacher na p umasok sa classroom at nilapag ang mga gamit niya sa mesa.Narinig ko naman na na gsiupuan ang mga taong nasa paligid ko.Walang ano-ano ay nagsulat ang teacher sa board.

"Ms. Maeganne Ramos"

Muli siyang humarap sa amin at nagsalita.

"Ako nga pala si Ms. Maeganne Ramos, ang adviser nyo."

Tumingin na lamang ako sa bintana na katabi ko habang nagpapakilala ang lahat sa harapan.Wala akong interes sa mga bagay na ganyan, katulad ng pagkilala sa isan g tao.Ang mga taong ito...wala silang halaga sa akin.Hindi ko na kailangan malam an ang mga pangalan nila at hindi na nila kailangan malaman ang akin dahil darat ing din sa punto na makakalimutan na lang namin ang isa't-isa.

Sa mundong ito, kahit magagandang memorya, nawawala na lang nang basta-basta.

Napansin ko muli ang pagtitig ng lahat sa akin.Nilibot ko muli ang mga mata ko t saka ko narinig na nagsalita yung teacher Maeganne."Ikaw na Ms. Levesque.Introdu ce yourself."

"Kilala mo na pala ako.Kilala na nila ako.Sa tingin mo, kailangan ko pang magpak ilala?" isang nakakabinging katahimikan ang tugon ng lahat."Sayang lang oras ko rito." Umirap muna ako bago muling tumingin sa bintana.Narinig ko ang mga walang kwentang komento ng mga 'kaklase' ko.

"Ahh..S-Sige.Class, siya nga pala si Luna Levesque.Galing siya sa Marylaine's Ac ademy." Kabadong kabadong sinabi ng teacher Maeganne na yon."Okay, n-next."

"I'm Spade Young.From Wilward Academy."

Ipagpapatuloy pa sana nila ang pagpapakilala nang narinig naman ang isang tunog

galing sa sound system ng school, isang hudyat na may anunsyong gagawin.Pagkatap os ng tunog na iyon ay narinig ko ang isang di pamilyar ng boses.

"There will be an opening assembly.Please proceed to the school's gymnasium."

Narinig ko ang iba't-ibang reaksyon nila.Na para bang hindi normal ang ganitong assembly.May isa pang nagsabi na ilang taon na raw ang nakalipas mula noong nany ari ang opening assembly sa Laketon.

Pinapila kaming lahat sa labas.Habang naglalakad papunta sa bagong gawang gymnas ium ay napatingin ako sa kanan ko kung saan nakapila naman yung lalaking katabi ko sa classroom.Hindi ko tinandaan ang pangalan niya kaya wala akong pake kung s ino man siya basta, ayoko sa kanya.Masyado siyang nakakairitang tignan lalo na a ng tingin niya sa akin ngayon na para bang nang-aasar lalo na ang pagngisi niya.

Kumukulo ang dugo ko.

"Good Morning. Congratulations , I want to introduce myself.I George Laketon." Narinig kong katabi ko kanina sa classroom at ko sa pila.

on your admission to Laketon Academy.First of all am the President of the Laketon Academy, I am Mr. nagbigay ng marahas na reaksyon ang nakakairitang na sa kamalas-malasan ay hanggang ngayon ay katap

"George Laketon pa nga.Tsss." Bulong niya.

Muli, hindi ko na lang pinansin ang lalaking yon at nagpatuloy na lamang ako sa pakikinig sa nagsasalita sa harapan.Malaki ang bagong gawang gymnasium, sapat pa ra sa lahat ng estudyante ng Laketon.Isang engrandeng gymnasium para sa mga maya yamang estudyante ng Academy na ito.

"Tulad nang nabalitaan natin nang nagtapos ang last school year, isang buong sec tion ng Laketon ang natagpuang wala nang buhay ." Pagkasabi na pagkasabi niya nu n ay napatingin siya sa pwesto namin, ang class 3-C."Magbigay tayo ng ilang minu tong katahimilkan para sa lahat ng namayapang estudyante ng Laketon Academy." De retsopa rin akong nakatingin sa kanya, kakaiba.Bakit sa tono ng pananalita niya. ...mukha pa siyang masaya?

Madami pa siyang sinabi pagkatapos nun.Mga kung ano-ano tungkol sa Laketon, mga bagay na hindi naman interesante para sa akin.Nakakabagot.Tumingin muli ako sa p

aligid.Madaming tao.Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha.Da hil tulad nang nanyari sa Marylaine, wala akong mapapala sa kanila.Ganun pa rin. Mga walang kwentang tao na wala namang gagawing maganda sa akin.Tulad ng karamih an, iiwan lang din naman nila ako.Babaliktarin ang lahat at magiging kaaway ko.

Walang kwenta.

Napatingin muli ako sa harap nang may naglakad papunta sa gitna ng stage na isan g lalaki."Good Morning schoolmates.Ako nga pala si Blake Reese, class 4-A, presi dent of the Student's Council." Sabi niya habang magiliw na nakangiti.Nakalipas ang ilang minuto at salita siya nang salita.Kung susuriin mong mabuti ang bawat salita na binibitawan niya, nakaka-antok.Ngunit...kung papakinggan mo lang ang boses niya, para kang nahihipnotismo.Isang kakaibang kilabot ang nadama ko.

Mukhang kailangan kong mag-ingat sa kanya.

Napatingin ang lahat at natigil sa pagsasalita ang nasa harap nang nakarinig kam i ng isang malakas na sigaw mula sa katabing building ng gymnasium, ang building ng high school department.Agad kong naramdaman ang pagbagal ng tibok ng puso ko .Ang natatanging kaba na nadarama ko sa tuwing may manyayaring masama katulad ng kaba na nadarama ko nang napanood ko ang balita tungkol sa klase nila Denise.Ka matayan.

Nagkagulo ang lahat dahil sa narinig na sigaw.Pilit na pinakalma ng mga teachers ang mga estudyante upang hindi pa makasama sa sitwasyon ngunit nabigo sila.Halo s mabuwal ako dahil sa tulukan ng mga estudyante na nagpupumilit na lumabas ng g ymnasium.Ilang minuto ang nakaraan at nakalabas na rin ako nang maayos.Mula pala ng dito sa baba, nakita ko na ang mga taong nagtatakbuhan papunta sa ikatlong pa lapag........sa classroom ng class 3-C.

"May patay! May patay sa loob!" narinig kong sigaw ng isang janitress habang nak aturo sa loob ng classroom namin.Agad kaming nagtakbuhan palapit sa classroom.Hi ndi ko maipaliwanag ang reaksyon ng lahat nang nakita namin ang nakabigting kata wan ng isang estudyante.

"Si Hanako! Nagbigti si Hanako!" sigaw ng isa sa mga class 3-C.Tama...siya yung babaeng nakita ko nitong umaga.Yung umiiyak sa gilid.Mas lalong nagkagulo ang la hat.Pilit na pinapaalis ang mga estudyante ngunit sa sobrang takot ay napaiyak n a lamang ang iba.

"Nagpakamatay siya!" sigaw na naman ng isa sa kanila.

Muli kong tinignan ang katawan ng babae.Nakasuot rin siya ng uniform katulad nam in.Walang dugo o ano pa man ang makikita sa kanya kaya marahil at siguradong ang dahilan ng pagkamatay niya ay ang pagkakabigti gamit ang nakapalupot sa leeg ni ya na makapal na lubid na nakatali sa ceiling fan.May nakatumbang upuan sa may b andang likuran niya.

Nakatagilid ang ulo niya at nakaharap pa rin ng deretso ang maputla niyang mukha .Umuugoy-ugoy pa ang katawan niya habang nakasabit na nakakadagdag sa kilabot na nadarama ko.Bahagyang nakabukas ang bibig at medyo nakalawit ang nangingitim na dila.Nandidilat ang mga pula niyang mga mata.Ngunit nakakapagtaka.Bakit yung is ang sapatos...nakatanggal? Ang isa ay nakakabit pa sa kanan niyang paa ngunit sa isang pitik lang ay maari na rin itong mahulog at ang isang pares ay tuluyan na ng nahulog at nakabaliktad na nakahiga sa lapag na medyo may kalayuan sa bangkay .

Nakakapagtaka talaga.

"Sa tingin mo, nagpakamatay nga siya?" tumingin ako sa babaeng biglaang tumabi s a akin.Naka-ponytail ang buhok niya at deretsong nakatingin sa babaeng nakabigti ."Pero pwede rin, tutal wala na rin naman siyang kwenta eh." Tumingin siya sa ak in at ngumiti."Ako nga pala si Sandria.Luna diba?" Sabi niya muli habang malapad pa rin ang ngiti sa akin.Tsaka naman dumating ang adviser namin na nagmamadalin g tinanong ang nanyari sa mga pulis.Nakaraan ang ilang minuto at umalis rin siya .Narinig kong pinatawag siya ng presidente ng Academy, si Mr. Laketon.

"Hindi siya nagpakamatay." Sabi ko habang nakatingin sa nakabigting katawan.Nari nig ko ang pagtanong niya kung bakit.Ngumisi ako sa kanya tsaka binigyan siya ng isang irap na hindi naman niya pinansin at muling tinignan na lang ang nakabigt i naming kaklase."At tsaka isa pa." muli kong nakuha ang atensyon niya."Wala ako ng pakialam sa kung ano ang pangalan mo.Wala akong balak makilala ka." Ayokong a yokong nakikipag-usap sa mga walang kwentang tao lalo na kung pinapasa lang nila ang pagiging walang kwenta nila sa ibang tao.Sa mga taong masyadong mataas ang pagtingin sa mga sarili nila ngunit hindi nila alam, kaunting hakbang na lang, m alalaglag na sila sa pinakamalaking at pinakanakakatakot na hawla ng impyerno.

Naglakad ako palayo sa pinagkakaguluhan naming classroom.Kung tama nga ang iniis ip ko, hindi siya nagpakamatay.Maaring nalaglag ang sapatos sa pagpupumilit niya ng makaalis sa pagkakabigti.Sino ba namang matinong tao ang magpupumilit na umal is sa pagkakabigti kung ang talagang rason niya ay magpakamatay? Pero sa kabilan g banda, maari din siyang nagpumiglas dahil sa hindi na siya makahinga at nalagl ag na lang ang sapatos niya o kaya nagbago ang isipan niya....ngunit...parang hi ndi pa rin tama.

Problemado.Nakita ko siyang umiiyak kanina.Kung iisipin, talagang nagpakamatay s iya pero bakit sa school? Sa lahat ng lugar, bakit dito pa? Napatigil ako sa pag lalakad nang narinig ko muli ang isang sigaw ng pulis. "May kakaibang marka sa b

atok ng biktima!" naghintay ako ng ilang sandali upang marinig ng susunod na sas abihin nila."Isang krus.Ngunit mukhang medyo matagal na rin itong nakalagay sa l eeg ng biktima dahil naghilom na ang sugat.Mukha siya isang paso galing sa isang mainit na mainit na bakal." Ang narinig kong paglalarawan ng pulis.Agad akong n akaramdam ng kaba.Kakaiba.

Halos kalahati ng klase ay umuwi na dahil sa labis na takot at ni hindi man lang kinuha ang mga bag nila sa loob ng classroom.Kaming mga natira ay pinapila ng m ga pulis upang kuhanan ng mga impormasyong makakatulong sa kanila.

"Kapag kayo na ang magsasalita, sabihin ninyo ang pangalan nyo at ang nalalaman nyo tungkol kay Hanako Perez." Agad na pumunta sa harap ang pinakauna sa pila.

"Ako po si Sapphire Garcia." Tumango lamang ang pulis at nagpatuloy na muli siya sa pagsasalita. "Kaklase ko po si Hanako since first year.Siya po yung laging b inubully ng mga estudyante at pati na rin ang mga teachers.Lagi po siyang mag-is a."

"Isa ka rin bas a mga nang-aapi sa kanya?" tanong ng isang pulis.

"Opo."

"Bakit nyo ba siya binu-bully? May sapat na rason ba kayo?"

Nakita kong ngumisi yung Sapphire at muling nagsalita."Because it's fun." Narini g ko ang ilang mahihinang hagikhik ng iba sa klase.

"Pero ngayong nakikita mo siyang nakasabit diyan, masaya pa ba?" ilang segundong katahimikan muna ang naghari bago siya muling nakasagot.

"No, hindi ako ganun kasama para masiyahan pa pero it's not even my fault.Namata y siya dahil sa pagkakabigti hindi sa mga ginawa namin." Pumameywang siya sa har ap ng pulis at dalawang beses na tinignan ang suot niyang relo.

"Kung sakaling nagpakamatay siya, yung ang rason niya, kayo ang rason.Hindi ba, parang kayo na rin ang pumatay sa kanya?"

"Don't be stupid.Hindi kami ang lubid na pumalupot sa leeg niya.She's brainless,

yun ang rason.Sino nga bang tanga na papatayin ang sarili dahil lang dun? " nap atayo ang pulis sa inis dahil sa mga sinabi niya."If tapos na, pwede na ba akong umalis?" pumagitna sa kanila ang isa pang pulis upang hindi lumala ang tensyon na nagaganap sa kanilang dalawa at pinaalis na lang yung Sapphire.Taas noo siyan g naglakad at nakipagngitian pa sa mga kaklase namin.

"Ako si Raphael Ong.Kaklase ko si Hanako simula nung mga first year pa kami.Nung una, hindi siya ganyan.May mga kaibigan siya.Nagbago lang yun nung 2nd year na kami.Hindi ko masyadong alam ang nanyari pero ang lahat ay nagsimula sa pustahan .Hanggang sa kung ano ano na lang ang sumunod na nanyari.Nagkagulo-gulo na."

"Anong pustahan ito?"

"Hindi ako ang dapat na magsabi sa inyo ng bagay na yon." Ginulo ng pulis ang bu hok niya dahil sa inis at muling tinanong si Raphael ngunit mas pinili niya na m anahimik at wala na ring nagawa ang mga pulis kundi paalisin na lang siya.Tutal, hindi naman kami dapat pinipilit na magsalita rito.

"Ako si Cyrus Ortega.Isa ako sa mga nambu-bully sa kanya.Bukod sa pustahan, may isa pang dahilan ng pagiging loner niya.Hindi ko masasabing isa yung laro, pero sa madaling salita, masasabi kong isa iyong tradisyon." Napakunot ang noo ko.Tra disyon?

Tinanong muli ng pulis ang tungkol sa sinabi niya na bagong impormasyon ngunit t umanggi rin siyang magsalita.Tumayo muli ang pulis at lumakas ang tono ng boses niya marahil dahil sa inis.

"Hindi tayo sigurado kung pinatay o nagpakamatay ang kaklase nyo! At kung tutuus in, mga suspects kayo! Lahat ng nasa school na to! Kaya kung maari lang, ibigay nyo ang mga impormasyon na kailangan namin nang---" napatigil siya sa pagsasalit a at napatingin sa likuran namin.

Si Mr. Laketon.

"Pwede na kayong umalis." Sabi niya habang nakatingin sa amin."Nandiyan na ang m ga sundo ninyo."

Sumunod naman ang karamihan habang ako ay nagtataka pa rin sa lahat ng narinig k o.Tinignan ko lang ang presidente ng Laketon Academy na pumunta sa harapan ng mg a pulis at may inabot siya...isang puting sobre.Kinuha ito ng pulis na takang ta ka.Lumingon ang presidente at agad naman ako naglakad palayo at nagtago sa likod pader malapit sa hagdanan pababa.

"5 million, sa katahimikan nyo at ng media." narinig ko ang mababa ngunit tuloy tuloy na pananalita ng presidente ng Laketon Academy."Sige, 10 million.Ayos na b a?" muli niyang sinabi.Nanlalaki ang mga mata ko habang napatakip ako sa bibig k o."Nabalitaan kong naghihingalo ang dalawa mong anak sa ospital.Wala ka bang bal ak iligtas ang mga buhay nila?" muli pa niyang sinabi.

Hindi ako makapaniwala.

"B-Bakit mo ginagawa ito? Bakit pagtatakpan mo pa ang nanyari sa eskwelahan mo?" sabi ng pulis. Narinig ko ring nagbigay ng komento ang kasama niyang pulis ngu nit nakatuon ang pansin ko sa sagot ni Mr. Laketon.

"Dahil gusto ko, lahat ng bagay...malinis."

Agad akong napasinghap dahil sa gulat.Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang n arinig ko ang tunog ng mga sapatos na papunta sa direksyon ko.Sa tingin ko, tapo s na ang usapan nila.Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Papalapit nang papalapit ang mga hakbang.Napaupo na lamang ako doon, wala nang p ag-asa at tila ba isang daga na magpapahuli sa isang pusa.Ngunit bago manyari a ng pinakakinatatakutan ko ay agad kong naramdaman ang isang kamay na humatak sa braso ko.Mabilis ang pagtakbo niya habang hawak hawak pa rin ako sa kanan kong b raso at natagpuan ko na lamang ang sarili ko, kasama niya, na nagtatago sa isang maliit na kwarto na puno ng kagamitan sa panlinis.

Tumingin ako sa kanya.Yung lalaking palagi kong katabi.

Ano nga ulit ang pangalan niya?

Hingal na hingal siyang nagsalita."Muntik na yun ah." Sandali siyang yumuko upan g habulin muli ang hininga niya at tsaka tumingin sa akin nang masama."Alam mo b a ang manyayari kung sakaling nahuli ka nung Laketon na yon?"

Dahil sa gulat pa rin ako sa mga nalaman ko at nanyari kani-kanina lang ay umili ng lang ako na para bang wala ako sa sarili.Tila ba hindi matanggap ng utak ko a ng mga nalaman ko.May isang kaklase akong pinatay o nagpakamatay dahil sa isang pustahan at isang tradisyon.Binigyan ng malaking pera ng presidente ng Academy a ng mga pulis para sa katahimikan ng mga ito.

Ganito ba talaga sa Laketon Academy? Ito ba talaga ang eskwelahan na pinasukan n i Denise? Bakit...ang gulo?

"Tss." Sabi niya at muling lumapit sa pintuan ng maliit na kwarto na ito.Idiniki t niya ang tainga niya rito at muling nagsalita."Aalis na ko.Bahala ka diyan." T umayo siya at sa pagtayo niya, nahagip ng mata ko ang pangalan sa i.d niya.

Spade Young.

Lumabas siya at lumipas ang ilang minuto at napagdesisyunan ko na rin na umalis. Tumayo ako at binuksan ko ang pintuan palabas sa masikip at maduming lugar na it o.Wala pa rin ako sa sarili habang naglalakad pababa ng high school department.N apabuntong hininga ako at tumingin na lamang sa malaking tarpaulin na nakasabit sa pinakaharap ng main gate na ngayon ko lang napansin buhat nung naglakad ako r ito kani-kanina lang.

Welcome to Laketon Academy. --------------------------------------------x

Moriendo Renascor - In death, I am reborn // In dying, I am reborn.

- A U T H O R ' S

N O T E -

SA MGA GUSTO PONG MAG-OPERATE NG MGA CHARACTERS.(Caplocks at Bold para mas inten se) Maya-maya po ako magpo-post about diyan dun sa page ng Class 3-C has a secre t (ilalagay ko ang url sa external link) Hintayin muna po yung post before mag-P M. Like nyo na din ang page kahit di kayo interested sa pag-OP ng characters.Dun po ako nagpo-posts ng announcements, teasers and everything na about sa book. To be honest, I am not really prepared for the book 2 pero meron talaga sa loob ko na gustong gusto nang simulan ang book 2.Magulo pa rin yung plot sa isipan ko at I hope na katulad nung nanyari sa book 1, magkaroon sana ako ng ideas for th is book.

Panourin po ang teaser sa gilid kung hindi pa napapanood :) Sorry if ever na hindi mo nagustuhan ang chapter 1 pero wala ka nang magagawa (p arang nang-aasar lang eh HAHAHA) ganyan talaga.I'm open for constructive crticis ms (in a nice way naman kasi iba ako magreply kapag na-offend).Voice out your op inion :* Salamat :) ******************************************* [2] C2: Pity on me, Death. ******************************************* "Life is short, and shortly it will end; Death comes quickly and respects no one. Death destroys everything and takes pity on no one. To death we are hastening, let us refrain from sinning."

VOTE / COMMENT / FAN --------------------------------------------x

LUNA'S POV

LUMABAS ako sa kwarto at napatingin ako kaagad sa isang tray na nasa labas ng kw arto niya.Isang tingin palang, alam ko na agad na hindi pa nagagalaw ang pagkain na iyon.Tumayo ako sa harapan ng tray.Pagkatapat na pagkatapat ko sa pinto, aga d akong nakaramdam ng kirot sa dibdib.Ito ang tinik na matagal nang nakabaon at unti unting sinisira ang buong sistema ng katawan ko.Ang nasa loob ng kwartong i to...siya ang tangi tao na palaging nagpapaalala sa akin kung gaano ako kawalang kwenta at kung gaano ako dapat na hindi nabuhay.

Ang mama ko.

Kinuha ko ang tray at aalis na sana upang dalhin ito sa kusina nang biglang bumu kas ang pintuan ng kwarto niya.Napatingin ako kagaad sa loob.Gumuguhit sa ilong ko ang masangsang na amoy galing sa loob ng kwarto.Gulo gulo ang lahat ng gamit at tila ba hindi na ito nalilinis ng ilang taon.

Nakita ko siya.Yakap yakap niya ang isang puting unan habang nakaupo sa gilid ng kama niya na nakasandal sa pader.Sira-sira rin ang wallpaper ng kwarto niya, si guro dahil sa pagkalmot niya rito at sa pagsulat ng kung ano ano.Napaatras ako n ang biglaan siyang tumingin sa akin.

Hindi talaga siya pumapalya sa pagpapakaba sa akin.

Napatingin ako sa tray na naibagsak ko dahil sa pagkagulat ngunit bago ko pa man ito mapulot ay agad kong narinig ang pagsigaw ng mama ko.Tumakbo siya papunta s a akin habang gigil na gigil.Sinabunutan niya ako gamit ang dalawa niyang kamay na matutulis ang bawat kuko.

"Demonyo! Isa kang gawa ng demonyo! Ayaw ko sayoo! Hindi kita anak!" pilit ko si yang tinutulak palayo ngunit sadyang mas malakas siya sa akin, katulad pa rin ng dati.Napasandal ako sa gilid ng hagdanan at sa ilang sandali ay maari akong mah ulog at masaktan."Kahit kailan hinding hindi kita matatanggap! Demonyoooo! Mga d emonyo kayooo! Sana hindi ka na lang nabuhay!" nakita kong hinatak siya ni papa palayo sa akin.

"Edlyn tama na!" sigaw sa kanya ni papa habang yakap yakap niya sa balikat si ma ma upang mapigilan ang pagwawala nito."Edlyn please!" ngunit mas lalo pa siyang nagwala at nagpupumilit na umalis sa pagkakayakap ni papa upang saktan muli ako.

Agad naman nagsidatingan ang mga katulong kasama ng dalawang personal nurse ni m ama.Tinurukan ng tranquilizer si mama sa balikat na naging dahilan ng unti unti niyang pagtulog.Dinala ng mga katulong si mama sa loob habang naiwan naman kami ni papa sa labas.Nakatulala pa rin ako.Hindi sa hindi ako makapaniwala sa ginaw a niya, alam kong iyon ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako.Gustong gusto niya akong patayin.Gustong gusto niya akong sinasaktan dahil sa tingin niy a, kapag nagawa niya yon, makakapaghiganti na siya.

Dahil ako ang bunga ng panggagahasa sa kanya.

Ako ang tanging katibayan ng masalimuot niyang nakaraan.Isang salot.Isang sumpa. Walang kwentang nilalang.Iyan ang tingin niya sa akin.

"Anak." Narinig ko ang boses ni papa.Tumingin ako sa kanya at inirapan na lamang siya."Pagpasensiyahan mo na ang mama mo ah.Alam mo namang---" wala na siyang na gawa kundi tumigil nang nagsalita ako.

"Alam ko namang galit na galit siya sa akin at gustong gusto na niyang akong pat ayin." Tumingin ako ng deretso sa mga mata ni papa."Ganun ba ko kawalang kwenta? " pumameywang ako ngunit hindi na ako nakatingin kay papa.Hindi niya ako anak pe ro kahit papano, ama pa rin naman ang turing ko sa kanya.Ang kaibahan lang, may pakialam siya sa akin dahil lang kay mama.Siya na ang pinakatangang nilalang par a tanggapin ang isang babae na ginahasa at nagkaroon pa ng bunga ang panggagahas a na iyon.Napakatanga talaga.

Wala na akong narinig sa kanya.Siguro nga..tama lang ang sinabi ko. Ganun ako kawalang kwenta.

Bumalik ako sa kwarto ko at pilit kong isinantabi ang nanyari.Umupo sa gilid ng kama at kinuha ang laptop na nakapatong sa lamesa.May pumasok agad na ideya sa i sip ko.Pagkabukas na pagkabukas ko ng web browser ay agad kong tinaype ang 'Geor ge Laketon' sa search bar ng google.At hindi na ako nagulat sa dami ng lumabas n a artikulo patungkol sa kanya.Ngunit kahit isa doon ay walang nabanggit tungkol sa nanyari.Puro magagandang balita ang makikita.Kahit yung nanyari kala Denise, hindi naikonekta sa pangalan niya o sa paaralaan man.Dahil sabi nila, hindi nama n daw ito nanyari sa paaralan mismo..walang koneksyon sa Academy?

Maniniwala ba ako rito?

Itinabi ko muli ang laptop sa lamesa.Nakita ko na lamang ang sarili ko na nakatu lala sa pader.Sabi ko na nga ba, may mali.Maraming mali.Tumayo ako at naglakad l akad.Kung hindi nagpakamatay si Hanako.

Sino ang pumatay sa kanya?

Nakarinig ako ng ilang katok sa pintuan kasabay ng pagtawag niya sa pangalan ko. ..si papa.

"Luna."

Hindi ako sumagot ngunit binuksan ko ang pinto at hinarap siya.May hawak hawak s iyang isang tray kung san nakapatong ang isang plato na may kanin at ulam at isa ng baso ng juice."Sabi nila manang Fely hindi ka pa kumakain." Inaabot niya ang tray sa akin ngunit nakatingin lamang ako sa kanya.Pakiramdam ko kasi, parang ak o si mama na nirarasyunan niya ng pagkain."Ilalapag ko na lang dito." Pumasok si ya at nilapag ang tray sa kama ko.Aalis na sana ngunit bago niya isara nang tulu yan ang pinto ay narinig ko pa rin ang boses niya."Tsaka gusto ko lang sabihin n

a, hindi ka walang kwenta para sa akin Luna.Anak kita, tinuring na kitang anak s imula nung una at kahit hindi ako ang tunay mong ama, malaki ang tiwala ko sa sa rili ko na kayang kaya kitang alagaan hanggang sa dulo." Pagkatapos niyang sabih in ang mga iyon ay tuluyan na niyang sinara ang pinto.

Anak? Dahan dahan akong lumapit sa kama habang naririnig ko pa rin sa utak ko ang bose s niya.Paulit-ulit.

"..kahit hindi ako ang tunay mong ama, malaki ang tiwala ko sa sarili ko na kaya ng kaya kitang alagaan hanggang sa dulo"

Kinuha ko ang tray at kinandong sa aking mga hita nang umupo ako.Nahagip ng mata ko ang sticky note na nakadikit sa gilid ng tray.Agad ko naman itong binasa."Ea t well.My princess."

"My princess?" bulong ko.Alalang alala ko pa, tuwang tuwa ako noong bata palang ako sa tuwing tinatawag ako ni papa ng princess.Pakiramdam ko, napaka-espesyal k o.Pakiramdam ko, ako na ang pinakamaswerteng bata sa buong mundo.Pero iba na nga yon.Nagbago ang lahat nang pati siya...binigo ako.

Yung gabing nalaman ko na hindi ko rin pala siya dapat pagkatiwalaan.

SAPPHIRE'S POV

Tumingin ako sa compact mirror ko na laging laman ng bag ko.Ngumiti ako habang t initignan ang sarili ko sa salamin.Kahit kailan talaga, hindi pumalya ang mukha ko na maging maganda.Nakangiti pa rin ako nang binaba ko ang compact mirror.

"Ngingiti ngiti ka pa diyan.Siguro iniisip mo ako no?" tumingin ako kay Cyrus na ng masama.Habang siya naman ay umalis sa pagkakaupo niya sa ibabaw ng mesa sa ta bi ko at lumipat sa harapan ko.Inayos niya ang upuan upang magkaharap kami.

"You know what Cyrus? Mag-aral ka na lang kaysa nagpapa-cute ka pa diyan." Sabi ko at tsaka ngumiti sa kanya.Sarcastic smile.Ngumisi siya sa akin tsaka muling s umagot.

"Pano ba yon? Eh pinanganak na akong cute.Effortless, baby." Bigla akong kinilab utan sa pinakahuli niyang salita na binanggit na agad namang naging dahilan ng p agtawa niya ng malakas."You're too cute, Phire." Ginulo-gulo niya ang buhok ko na matagal kong inayos kanina. Nakakainis.

Phire.Sa lahat talaga ng taong kilala ko, siya lang ang tumatawag sa akin niyan. Ang pangit kasing tignan pero ewan ko ba kung bakit iyan ang naisipan niyang ita wag sa akin.Ang wirdo.

Tumingin ako sa dumaan sa harapan ko.

Luna Levesque.

First day niya palang kahapon, nakuha na niya agad ang halos lahat ng atensyon.H indi ito pupwede.Kung tutuusin, mas katanggap tanggap naman kung ako ang tinitit igan ng lahat.Siyempre, mas maganda sa mata na ako ang titigan.Kaysa naman sa ka nya na akala mo galit sa mundo.Ni hindi ko pa nga nakikitang ngumiti yan.

First day.

Bigla kong naalala muli ang nanyari kahapon.Napatingin ako sa harapan ng classro om, sa mismong ceiling fan kung san nakasabit si Hanako.Nagtataka pa rin ako kun g ba't pinapasok na kami kaagad sa classroom na ito.Lalo namang nagtataka ako na wala nang nag-iimbestiga.Siguro wala rin silang pake kay Hanako? Much better.

Hindi ako ang pasimuno sa pambubully sa kanya.That was Cyrus.Napaka-isip bata la ng talaga nila, dahil sa isang pustahan, ganun na ang naging reaksyon niya? May ron akong mga sariling rason para apihin siya.Kinamumuhian ko si Hanako.Kung pup wedeng ibigti ko siya nang paulit-ulit, gagawin ko.Kaso, patay na siya.Nakakagaa n ng pakiramdam.

"Okay class." Hindi ko man lang napansin na nasa harap na pala ang adviser namin ."Before anything else, may itatanong lang ako." Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.Nilabas ko ito kahit na alam kong may teacher sa harap.Bakit ba? Napak aganda at napakamahal ng phone ko para itago lang.

Sender: Unknown Message: Sana magustuhan nyo ang regalo ko, 3-C.

Creepy.Agad kong binura ang message at nilagay ang phone ko sa bag.Regalo?

"Kanino ito?" agad na nabaling ang atensyon ko nang may itinaas ang adviser nami n na dalawang foil na maliit at kung hindi ako nagkakamali, pinagbabawal na gamo t ang laman nito.Bakit naman niya sa amin hinahanap ang nagmamay-ari niyan? "Uul itin ko, kanino ito?" wala pa ring sumasagot ngunit nakakarinig ako ng iba't-iba ng bulungan.Hindi pupwede.Wala naman sigurong gumagamit niyan sa amin. "Isa pa, kung walang sumagot, dadalhin ko kayong lahat sa Guidance office." Tumayo ako at pumameywang.

"Don't you dare do that." Sabi ko sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay at masama ang tingin sa kanya.Hindi maaring gawin ng isang teacher ito sa amin.Kun g walang aamin, edi hindi isa sa amin ang nagmamay-ari niyan.Ano pa ba ang gusto niya? May umamin lang para masabiniya na mataas siya kaysa sa amin?

"At bakit Ms. Garcia?"

"Makakalaban mo ako Ms. Adviser at bakit ka ba interesadong interesado sa kung s ino ang may-ari niyan, bibili ka rin ba?" narinig ko ang mahihinang tawa ng mga kaklase ko."Wag na wag mong idahilan na concern ka lang sa amin dahil ako na mis mo ang nagsasabi sayo na hindi naman kailangan ng concern mo.Teacher ka, magturo ka.Hindi yan mangingialam ka pa ng buhay ng iba." Umupo ako kaagad dahil sa ini s.Ayaw ko sa lahat ay ang papakialaman ang section namin.Ako ang lider ng 3-C.Ak o ang nasusunod.

Ako ang superior.

"Oo nga maam.Naiintindihan ko naman kayo kaso sa ginagawa nyo, wala talagang aam in niyan kung sakaling isa sa amin ang may-ari niyan." Tumayo si Raphael, ang pr esidente ng klase, isang scholar at malamang hindi kayang kumpletuhin ng pamilya nila ang pagkain ng tatlong beses sa isang araw.Wala namang discrimination sa k laseng ito lalo na't matalik niyang kaibigan si Cyrus.Wala talagang mang-aasar m an lang sa kanya rito."Magklase na lang ho tayo." Magalang niyang sinabi.

Napangisi ako nang di oras.Sa klaseng ito, mas mataas ang estudyante sa teacher. Kung papalag, edi, patalsikin.

SANDRIA'S POV

Dere-deretso akong naglakad papunta sa cafeteria kung san halos puno ang lahat n g lamesa.May dala dala akong baon.Isang gawain na hindi normal para sa mga estud yante rito.Hindi katulad nila, hindi ko kayang bilhin ang mga pagkain dito.Masya dong mahal.Kung tutuusin, swerte ako.Nakakapag-aral ako ng libre sa Laketon.Isa ko sa limang nakakuha ng scholarship hanggang sa magtapos ako ng high school.

Tuloy pa rin ako sa paghahanap ng bakanteng upuan nang namataan ko yung Luna na mag-isang nakaupo sa isang lamesa na para sa apat na katao.Mukhang walang guston g umupo sa tabi niya.Lumapit ako at umupo sa katabi niyang upuan.Tumingin lang s iya sa akin at muling binaling ang atensyon niya sa kinakain niyang kanin at ula m.

"Hay ang daming tao." Narinig ko ang isang boses ng lalaki.Umupo siya sa tapat n i Luna.Tama, naalala ko siya.

Spade.

"Sinong nagsabing pwede kang umupo diyan?" tuloy tuloy at para robot na sinabi n i Luna sa kanya habang nakatingin ang mga malalamig niyang mga mata sa nakangisi ng si Spade.

"Hoy, Tuna wag kang---"

"Luna ang pangalan ko, wag kang tanga." Mas lalong lumapad ang pagngisi ni Spad e.Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa at ilang minuto na lang ata at magkakar oon ng kuryente sa pagitan ng mga mata nila kung hindi matatapos ang masama nila ng titigan.

"Hindi ako tanga, mas bagay sayo ang Tuna." Hindi na pinansin ni Luna ang sinasa bi ni Spade at nagpatuloy na lang sa pagkain."Pinaglihi ka ba sa babaeng nirereg la o sa babaeng name-menopause na?" nagpatuloy na rin ako sa pagkain nang tumahi mik na silang dalawa.

Saka ko naman nakita si Sapphire kasama ng mga kaibigan niya na sina Aislinn, Au stin, Cyrus, Raphael, Harvey at pati na rin si Katherine.Pinaalis nila ang isang grupo na tahimik na nakaupo sa mahabang lamesa at masayang masaya silang umupo habang nagbubulungan at tila galit ang umalis sa pwesto na iyon.Pagkaupo na pagk aupo nila, narinig kong sinabi nila lahat ng bibilhin nila kay Katherine.

"Pineapple Juice at Flakes lang sa akin.I'm on diet." Sabi ni Sapphire kay Kathe rine."Ano pang hinihintay mo? Go!" agad naman sinunod ni Katherine ang utos nila Sapphire."Para talaga siyang aso." Narinig ko muli ang boses ni Sapphire kasaba

y ng tawanan nila.

"Ano bang mga klase tao ang nandito?" napatingin ako kay Spade na sa akin pala n akatingin.Mukhang ako ang tinatanong niya.Inilapag ko sa baunan ko ang hawak haw ak kong kutsara't tinidor at sinagot ang tanong niya sa pinakasimpleng paraan na alam ko.

"Dalawa ang klase ng tao sa 3-C." nahagip sa gilid ng mata ko ang pagtingin sa a kin ni Luna na mukhang inetersado sa sasabihin ko."Ang isa, ang hindi mo maaring kaibiganin at ang isa naman ay ang hindi mo maaring kalabanin." Napatingin ako kala Sapphire.

"Sapphire ito na ang pineapple juice mo." Sabi ni Katherine sa kanya kasabay ng pagkuha ni Sapphire sa isang baso ng pineapple juice.Napasimangot si Sapphire at tumingin kay Katherine."Mali ba ako?" tanong ni Katherine sa kanya.

"Ang tanga mo talaga.Ang sabi ko, orange juice." Sabi niya sabay tayo sa tabi ni Katherine.Tinapat niya sa ulo ni Katherine ang baso at dahan dahan itong binuho s sa ulunan ni Katherine."Sa susunod, bawas-bawasan mo ang pagkatanga mo ha?"

"Sapphire, you don't need to do that." Saway sa kanya ni Aislinn.Tumayo si Aisli nn at hinawakan sa balikat si Katherine at pinaupo siya."Ayan ka na naman eh, lu malabas na naman yang mga sungay mo."

"Whatever Aislinn.Wala na kong mapagtripan na iba.Hanako's dead." Umupo si Sapph ire at tumingin nang masama kay Katherine.Magpapaliwanag pa sana si Katherine ka so nagsalita agad si Sapphire."Shut up.You're stupid."

"Katulad nun?" sabi sa akin ni Spade habang nakatingin din sa grupo nila Sapphir e.Tumango ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Bakit tayo nasa section C?" biglang sabi ni Luna.Napatingin kaming dalawa sa ka nya."Nasa atin ang dalawa sa mga pinakamatatalino sa buong Laketon, nasa atin an g anak ng pinakamalaking contributor sa Laketon at hindi naman basagulero ang la hat ng nasa C.Kung ganun, ba't tayo nasa C?" bigla akong nakaramdam ng kaba sa t anong ni Luna.

Tama, pinakakakaiba talaga sa lahat ang mga batas patungkol sa section namin.Ang A at B, maari silang magbago ng section depende sa grades ngunit ang C, hanggan g sa huli, section C pa rin.Hindi maaring tumakbo sa eleksyon ang mga taga-secti on C.Bakit nga ba?

Hanggang sa matapos ang lunch at paakyat na kaming tatlo papunta sa classroom, a ng tanong pa rin ni Luna ang gumugulo isipan ko.

Bakit nga ba ako nasa section C?

Umupo ako sa pinakaharap at nasa pinakagilid ng room.Nakaupo na halos lahat ngun it tumakbo si Harvey, isa sa mga kaibigan ni Cyrus, na para bang may humahabol na multo sa kanya.Pumunta siya sa harap at hinabol ang hininga habang nakapatong ang magkabilang kamay sa teacher's table.Nakatuon ang lahat ng atensyon sa kany a.

"M-May nabalitaan a-ako." Paputol putol niyang sinabi dahil sa paghabol niya ng hininga.Ilang segundo ang nakaraan bago pa man niya makumpleto ang sasabihin niy a."N-Nawawala ang bangkay ni H-Hanako."

Nawawala?

Narinig ko ang mahihinang bulungan at pag-uusap ng iba patungkol sa balita ni Ha rvey.Napahawak ako nang mahigpit sa kamay ko.Hindi pupwede.Akala ko...hindi siya seryoso.Akala ko...akala ko..

"Oo narinig ko mismo sa bibig ng adviser natin!" muli pang sinabi ni Harvey.

Napalingon ang lahat nang narinig naming ang matinis na tili ni Aislinn habang n akaupo sa lapag at nakatakip ang mga mata dahil sa takot.Agad namang tumakbo pap alapit sa kanya si Austin, ang lalaking dati pang may gusto sa kanya.Nanlaki ang mga mata ko nang tinignan ko ang tinuturo ni Aislinn.

"S-Si L-Lizzy...." Hirap na hirap na sinabi ni Aislinn habang nakaturo sa bukas na locker niya na naglalaman ng putol na ulo ni Lizzy.Nanlalaki ang mga dilat na dilat na mga mata nito.Napasigaw ang ibang babae at ang iba ay hindi man lang k ayang tignan ang putol na ulo ni Lizzy lalo na sa mga mata niya na akala mo'y mi namatiyagan ang bawat kilos namin.Napatakip ako ng bibig ko..

Dalawang kamatayan sa loob ng dalawang araw?

Napatingin kaming lahat sa speaker na nasa taas ng blackboard na ginagamit para

sa mga anunsyo ng eskwelahan nang biglaan itong tumunog.Ngunit mas nakakapagtaka ang pagtunog nito ngayon.

"V-Vita brevis breviter in b-brevi finietur.Mors venit v-velociter quae n-nemine m veretur.Omnia m-mors perimit et nulli miseretur.Ad mortem f-festinamus peccare d-desistamus." Hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga katagang iyon.Ngunit isa l ang ang sigurado ko.

Si Lizzy ang nagsasalita.

Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ay agad itong nag-off.Nagsitakbuhan ang mga kaklase ko papunta sa sound system room ngunit sa pagbalik nila, isang reco rder lang ang dala dala nila.Kinakabahan ako sa mga nanyayari.A-Anong nanyayari sa klase namin?

Tinawag ng isa naming kaklase si Maam Maeganne.Katulad namin, gulat na gulat rin siya sa nadatnan niya.Ngunit ang mga sinabi niya ang mas lalong nagpataka sa ak in...

"Itatago ko ang bangkay ni Lizzy.Huwag nyong ipagsabi." Tumigil siya nang sandal i na para bang pinag-iisipan pa ang sasabihin at muling nagpatuloy.

"Sikreto ito ng class 3-C." --------------------------------------------x

- A U T H O R ' S

N O T E -

TWO NEW CHARACTERS. Austin Molina and Katherine Chua.Medyo pinagtuunan ko muna n g pansin ang pagpapakilala sa mga characters para malaman nyo yung ugali nila ka hit papano. ANG MEANING NG SINABI NI LIZZY DUN SA SPEAKER AY NASA PINAKAUNANG PART NG CHAPTE R.Ano yan, nakita ko sa wikipedia.Search nyo lang yung 'Memento Mori' tas dun sa wikipedia, nandiyan yan.Parang kanta (o tula? Idk) daw yan dati nung Medieval p eriod.Nakalimutan ko na XD Basta ayon, hindi ko gawa-gawa yan, walang credit sa akin kahit ano diyan. :)

DAPAT SI TOP YUNG FICTIONAL CHARACTER NI AUSTIN.Kaso, nagbago isip ko nung napa nood ko yung 'Tsumi to batsu' ni Kengo Kora hahaha.Ang galing niya dun eh.Though , nasa ep 1 palang ako. Ayon, maraming salamat sa pagbabasa! :*

******************************************* [3] C3: She, who forgets. ******************************************* "Sapphire, the shattered jewel."

VOTE / COMMENT / FAN --------------------------------------------x

LUNA'S POV

"TULUNGAN nyo ko! Dalhin natin sa clinic si Sapphire!" napatingin ako sa harapan kung saan buhat buhat ng isang lalaki yung tinatawag nilang Sapphire.Nangingini g ang babae at humagulgol habang nandidilat pa ring nakatingin sa dugo na patulo y na umaagos sa mga pagitan ng mga tiles sa classroom.Agad na nagsilapitan ang k aramihan.Nahihirapan ang nagbubuhat sa kanya dahil sa pagwawala na ginagawa niya kaya tumulong na rin ang iba. Tinignan ko muli ang ulo na nakalagay sa locker.Nakakapangilabot.Lalo na yung n arinig namin.Sa tingin ko, hindi ko pa naririnig ang mga katagang iyon sa buong buhay ko.Pinalabas ang lahat ng adviser namin at iilan lamang ang natira sa loob kasama niya.Lilinisin daw nila ang sitwasyon.

Nakakapagtaka.Bakit kailangan pa niyang pagtakpan ang mga ito? Bakit kailangan p ang maging sikreto ng nanyari? May dahilan ba?

May pinoprotektahan ba siya?

Naalala ko muli ang sinabi ni Mr. Laketon.

"Gusto ko, lahat ng bagay...malinis."

Sumunod ako sa mga kaklase namin papuntang clinic.Nagsisistinginan ang mga estud yante sa pagdaan namin at tila ba'y takang taka sa nanyayari.Sumunod ang ibang e studyante na nagmamalasakit kay Sapphire ngunit pinaalis ng iba ang mga iyon.Nan g nakarating kami sa unang palapag kung saan nasa dulo ang clinic ng high school department ay biglaan na lang nahimatay si Sapphire kaya mas lalong binilisan n g mga kaklase namin na nagbubuhat sa kanya ang paglalakad.

Sinalubong kami ng isang palangiting nurse at pinahiga niya si Sapphire sa panga tlong kama mula sa dulo.Pinaalis muna kami at dahil sa wala rin naman akong pupu ntahan ay tahimik akong umupo sa mahabang silya sa labas ng clinic habang ang ib a naman ay nagsi-alisan na upang bumalik sa classroom.Kaunti na lang kaming nati ra.

"Diba, may phobia siya sa dugo?" tanong ng isa sa kanila."Cyrus, is It normal ba na ganun siya mag-react?" pangalawang tanong ng isang alalang-alala na kaklase namin.

"Hindi ko alam Aislinn...ito ang unang beses na nanyari ito." Sabi ng lalaki kas abay ng pag-upo niya sa pinakadulo ng upuan ngunit halata pa rin ang kaba na nad arama niya."Ang gulo ng nanyayari sa klase natin."

"Maari kayang.." tumayo ang isang lalaki sa harap namin at ilang segundo ay pina gpatuloy niya ang dapat niyang sasabihin."Maari kayang..konektado ito sa pagpapa kamatay ni Hanako? Baka...baka naghihiganti siya.."

"Stop that Austin.Kahit naman ganun ang nanyari, hinding hindi gagawin ni Hanako ito sa klase natin at naniniwala ka ba sa mga bagay na ganyan, hindi tayo nasa pelikula." Sabi nung babaeng tinatawag nilang, Aislinn."Ang bumabagabag lang sa akin, bakit sa klase natin nanyayari ito?" aalis na sana ako dahil wala naman ak ong napapala sa usapan nila.Puro mga duwag lang ang naririnig kong nagsasalita n gayon.

"Bigla ko tuloy naalala.Ang mga nanyari noon sa last batch ng 3-C." nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko."Baka matulad din tayo sa kanila...n-namatay sila.N-Na alala nyo ba yung nakasabit na bangkay ni kuya Kevin sa hallway? Ta-Tapos yung n akitang putol putol na katawan ng isang taga-3-C sa c.r. tapos yung--" Napakatak ip siya sa bibig niya na para bang natatakot ang itsura sa pag-iisip palang ng m ga maaring manyari.

"Shut up Katherine! Nananakot ka lang eh.Kung nandito lang si Sapphire, kanina k a pa pinatahimik nun dahil diyan sa kawirduhan mo." Sabi ng isang babae na katab i ni Aislinn.

"Don't be too rude, Celina." Pambabawal ni Aislinn.

Bigla akong napaisip.Hindi ko alam na may mga panyayari palang naganap na ganun dati.Mas lalo akong nagkaroon ng kakaibang pakiramdam na hindi nga naiiba ang na nyayari sa klase namin sa nanyari noon sa klase nila Denise.Nararamdaman ko na n aman ang kakaibang kaba...

Napatingin kaming lahat sa dumaan na matikas na babae na nakasuot ng puti mula s a pangitaas niya hanggang sa pang-ibaba niyang kasuotan.Pumasok siya sa clinic a t ilang sandali ay lumabas rin siya.Agad nagsipasukan sa loob ang mga kaklase ko habang ako ay nanatii sa labas.Iniisip ko pa rin ang mga narinig ko.

"Luna Levesque, class 3-C?" napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko, ang pres idente ng student's council.Tumingin lang ako sa kanya hanggang sa nagsalita siy a muli."Huwag mong hahayaan na patayin ka ng kung anong pumatay sa namayapa mong kaibigan na si Denise." Naglakad na siya palayo bago ko pa man lubusang nainti ndihan ang mga sinabi niya.Napatayo ako kaagad at naglakad ng ilang hakbang papa lapit sa kanya.

"Pano mo nalaman ang koneksyon ko sa kanya? Anong ibig mong sabihin sa mga sinab i mo?" medyo may kalakasan ang boses ko dahil sa hindi naman siya ganun kalapit mula sa kinatatayuan ko.Ramdam ko pa rin ang kilabot sa tuwing maalala ko ang si nabi niya.

"Huwag mong hahayaan na patayin ka ng kung anong pumatay sa namayapa mong kaibig an na si Denise."

Lumingon siya sa akin at ngumiti.Ganun pa rin.Katulad pa rin nung unang araw na narinig ko siyang magsalita sa harap.Nakaka-hipnotismo.Para bang maniniwala ka s a mga susunod niyang sasabihin sa pagtingin palang sa mga mata niya.

"Alam ko ang lahat."

Naglakad ako papalapit pa sa kanya.

"Anong sinasabi mong pumatay kay Denise?" matapang na matapang kong sinabi sa h arapan niya.

"Mga sikreto, pangingialam, kuryusidad at pagtitiwala." Muli, naramdaman ko ang kaba sa bawat katagang binitawan niya."Kung ako sayo, hinding hindi ako magtiti wala sa kung sino man.Sa kaibigan mo, sa kaaway mo o kahit man sa sarili mo." Tu mingin siya sa kaliwa."Iyon lang ang tanging paraan para mabuhay ka." Muli siyan g tumingin sa akin, deretso sa akin mga mata."Good luck.Luna."

Napatingin ako sa kaliwang parte daan kung san siya napatingin.Ang pangalawang b uilding ng Academy.Wala naman akong nakitang kahina-hinala.Ngunit isang pinto an g nakakuha ng atensyon ko.

Ang Office of the President at sa ibaba nito nakalagay ang pangalan niya, ang pa ngalan ni Mr. George Laketon.

AISLINN'S POV

"May Hemophobia siya, Fear of blood.Nag-hysterical lang siya kanina dahil sa pre sence ng blood.Alam kong hindi na iba sa inyo ang impormasyon na iyon dahil alam nyo na ang tungkol dun sa simula palang. Pero ito ang unang beses na inatake si ya nito diba?" nagsitanguan kami.Nakahinga ako nang maluwag nang nakita ko si Sa pphire na nakaupo na sa kama at umiinom ng tubig.Lumapit si Cyrus at Katherine s a kanya.

"Phire, ayos ka lang ba?" tanong ni Cyrus sa kanya.Ngumiti si Sapphire at tumang o sa kanya at muling uminom ng tubig.

"Wag kang mag-alala Sapphire, nililinis na nila ang dugo sa classroom.Pagbalik n atin, wala na---" naputol ang pagsasalita ni Katherine nang sa unang beses ay na gsalita si Sapphire.

"Dugo? Kaninong dugo? Sinong nasugatan?" nakatinginan kaming lahat sa tanong niy a.Bakit...bakit hindi niya maalala? Agad kaming sinenyasan ni nurse Tin na lumab as.

"Sapphire, magpahinga ka lang diyan ah?" sabi sa kanya ni nurse Tin bago kami su ndan sa labas.Agad na umulan ng tanong mula sa mga kaklase namin.Itinaas ni nurs e Tin ang dalawa niyang kamay upang sabihin na huwag muna kami magtanong nang ma gtanong."Actually, nagulat din ako na eepekto sa kanya ang ginawa ng hypnotherap ist niya kanina.Iyon din ang unang beses na nakasaksi ako nun." Sabi pa niya hab ang halatang naguguluhan din.Naalala ko muli yung babae na pumasok kani-kanina l ang sa clinic.Maaring siya ang sinasabi niyang hypnotherapist.

"Ano po bang nanyari?" tanong ko sa kanya."Anong ginawa niya kay Sapphire?"

"Hypnotism." Sabi ni nurse Tin habang napasinghap ang iba sa amin dahil sa pagka gulat."Personal na hypnotherapist ni Sapphire si Dra. Carpio at sa tingin ko, pa g-uutos iyon ng tatay ni Sapphire." Naalala ko ang tatay ni Sapphire, isang sena dor, ang pinakamalaking contributor o investor sa Laketon Academy."Ginagamit ang hypnotism kay Sapphire para makalimutan na ang nanyari kanina.Dahil sa kaso ni Sapphire, hinding hindi niya kaya ang stress na nagmula sa phobia niya.Hindi ko masyadong alam ang bagay kaya iyon lamang ang masasabi ko.Isa lang ang hihilingi n ko sa inyo, huwag nyo na lang ipapaalala kay Sapphire ang nanyari dahil magugu luhan lang siya." Pagkatapos siyang magsalita ay pumasok muli kami sa loob ng cl inic at lumapit sa may kama ni Sapphire.

Nabigla siya nang biglaan ko siyang niyakap.

"A-Aislinn.." narinig kong sinabi niya ang pangalan ko."Why?" ngunit imbis na sa gutin ko ang tanong niya ay niyakap ko muli siya.Umalis ako sa pagkakayakap at n gumiti sa kanya.Umiling upang maipahiwatig na wala lamang ibig sabihin ang yakap na iyon."Ang weird nyo ha.By the way, nurse Tin, pwede na ba kaming umalis?" tu mango lamang ang nurse at nagsimula na kaming lumabas ng clinic.

"Mabuti na lang at maayos ka na Phire."sabi ni Cyrus habang paatas kami papunta sa pangalawang palapag.Ngunit habang paakyat kami.Agad na may tanong na nabuo sa utak ko.

Anong nanyari at bakit nagkaroon ng phobia sa dugo si Sapphire?

Pumasok kami sa classroom.Nagsilapitan ang lahat kay Sapphire at tinanong sa kan ya kung ano ang nanyari.Ngunit pinigilan sila ni Cyrus at Austin sa pagtatanong. Kaya wala na silang nagawa kundi umupo at hintayin ang susunod na teacher.Ilang beses akong napatingin kay Sapphire.Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nanyari sa kanya.Ano nga ba talaga ang nanyari sa kanya at ganun siya katakot sa dugo? Hindi ko mapigilan ang pagiging mausisa ko...gusto kong malaman.

Dumating ang teacher at nagsimula ang klase.Nagambala ang klase nang pumasok yun g isang transfer student na kanina pa namin hindi nakikita."Mr. Young, san ka na naman ba natulog ngayon?" saway sa kanya ng teacher habang papasok sa klase.

Naghikab pa siya bago sumagot."Sa library." At muli pa siyang naghikab bago umup o sa upuan niya.Lumingon siya sa katabi niyang babae."Hi Tuna." Ngunit isang ira p lang ang natanggap niya."Sungit." ang sabi pa niya bago dumukdok sa desk at mu ling natulog.Ngayon ko lang napansin na hindi ko pa pala sila nakakausap, ang da lawang bago sa klase.Siguro darating din ang panahon na makikilala ko sila nang

lubusan.

Lumipas ang ilang oras at hindi ko namalayan na uwian na pala.Nakatayo si Sapphi re sa harapan ko at hinihintay ako na tumayo at ayusin ang gamit ko upang makaal is na.Ngumiti siya at tumayo na ako.

"Katherine, carry Aislinn's bag." Utos ni Sapphire kay Katherine.Lumapit sa akin si Katherine na maraming nang hawak na bag sa kamay upang kuhanin ang bag nguni t umiling ako sa kanya bilang pagtanggi.Tuloy tuloy kami sa paglalakad hanggang sa nasa parking lot na kami.Isa-isang binigay ni Katherine ang mga bag ng mga ka sama namin.Pinakahuli niyang ibigay ang bag ni Sapphire sa driver ng kotse ni Sa pphire.Nagpaalam na kami sa isa't-isa.

"Sapphire." Pagtawag ko sa kanya bago pa siya makasakay sa kotse."May naalala ka bang nanyari saiyo dati na kinatakot mo? Yung parang near death experience o ka ya---" napatigil ako sa pagsasalita nang napansin ko na kakaiba na ang ekspresyo n niya sa mukha.Nagtataka.Parang may kung ano na bumabagabag sa kanya dahil sa t anong ko.

"What do you mean Aislinn?"

"Gusto ko lang maunawaan o maayos yang takot mo sa dugo at-"

"Aislinn, you're my friend, not a psychologist.Besides, fix your life before try ing to fix mine.You know what I mean." Agad kong naramdaman ang sobra sobrang ka ba sa dibdib ko.Ayusin ko ang buhay ko? Tama.Parang sinabi na rin niya na napaka gulo ng buhay ko."Alam ko ang sikreto mo.I'm your friend and I promise you that I won't use it agains't you pero ito lang, ayusin mo ang gulong ginagawa mo, Ais linn.Hindi mo alam ang consequences.Maaring masira ang pamilya mo kahit anong or as." Kumaway siya sa akin bilang pamamaalam bago pumasok sa loob ng kotse.

Tama si Sapphire, sa sikreto ko...maaring masira ang pamilya namin kahit anong o ras.Nang dahil sa akin.Ako ang may gusto ng mga nanyayari pero ngayon...parang g usto kong talikuran ang lahat ng ginawa ko...ngunit huli na.Huli na para tumalik od sa mga nagawa ko.Alam kong mali, pero hindi ko mapigilan dahil nung mga panah on na iyon, iyon ang tingin kong tama para sa sarili ko..para sa damdamin ko.

Napalingon ako nang biglang may humawak sa kamay ko.

"Austin." Pagbanggit ko sa pangalan niya.Ang tanging taong handa pa rin akong ta nggapin sa kabila ng lahat ng ginawa kong masama.Sa lahat ng ginawa kong nakakas akit para sa kanya...sa damdamin niya at lalong lalo na, sa buhay ko.

TEACHER MEAGANNE'S POV

Inayos ko ang mga gamit ko.Nag-iisa na lang ako ngayon sa teacher's table.Ngunit bago ako umalis, itinago ko muna sa pinakailalim na drawer ng table ko, ang lit rato niya nung sanggol pa lamang siya.Hindi ko gusto ang mga nanyayari.Hindi ko alam na possible pala itong manyari sa akin.Nasa Laketon Academy na ko, abot kam ay ko na siya.Abot kamay ko na ang anak ko.Pero isang tanong lang ang namamalagi sa isipan ko.

Sino nga ba siya?

Pagkalabas na pagkalabas ko sa main gate ng campus.Pumara agad ako ng taxi at d umiretso sa bahay niya.Alam kong hindi magandang desisyon ang gagawin ko ngunit kailangan kong gawin ito.Baka sa pagkakataon na ito, malaman ko kung sino siya, kung sino ang anak ko.

Hinarang ako ng guard sa gate palang ng bahay nila.Nagpumilit pa rin ako na maka pasok.

"Hindi po maari madam.Nasa blocked list po kayo." Sabi ng isang guard habang pin ipilit pa rin ako umalis ngunit hindi pa rin ako nagpapigil.

"Parang awa mo na manong, yung anak ko! Nandiyan ang anak ko!" nagsisigaw muli a ko."Luke! Lumabas ka diyan! Ilabas mo ang anak ko!!" sigaw ko ng paulit-ulit.Dum ami ang pumipigil sa akin mga guwardiya.

Natigilan naman ako nang nakita kong galit na galit na naglalakad palabas si Luk e, ang demonyong lalaki na kinuha ang anak ko sa akin.Napakasakim niya.Hindi ako maaring nawalan ng pag-asa.Ginawa ko na halos lahat ng makakaya ko.Nagpakahirap ako sa pagpasok sa Laketon Academy nang nalaman ko na doon nag-aaral ang anak k o...ang anak ko na hiniwalay nila sa akin mula pa noong sanggol siya.

Babawiin ko siya.Babawiin ko ang anak ko.

"Luke! Nasan ang anak ko?!" sigaw ko sa kanya habang galit na galit na hinahawak an ko ang bawat bakal sa malaki nilang gate."Ilabas mo ang anak ko! Walang hiya ka!" Wala akong pakialam kung senador man siya o ano.Basta ang sa akin lang, iba

lik niya ang anak ko.

"Don't make a scene here Maeganne.Wala na ang anak mo, nasa America na siya.Wala kang karapatan na pumunta rito!" nandidilat ang mga mata niya habang tinitignan ako. "Hindi..Hindi ako naniniwala! Anak ko! Nandito na ang mama mo.." napaupo ako nan g naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod.Muli, tumulo ang mga luha na matagal nang nasa loob ko.Ang mga pasakit na naramdaman ko.Sa bawat araw ng ilang taong pagtitiis ko na wala ang anak ko...napakasakit.

"Dad, what's happening here?" may narinig akong pamilyar na boses ng isang babae sa di kalayuan.Dahan dahan kong itinaas ang ulo ko upang tignan ang babae na na sa bungad ng pintuan ng mansion nila.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Sapphire, bumalik ka sa loob."

Bago pa man lubusan kong maintindihan ang sitwasyon at marehistro sa utak ko ang nalaman ko ay naramdaman ko na lamang ang mga kamay ng mga guwardiya na hinahat ak ako papasok sa isang taxi.Hanggang sa naupo na ko sa loob ng taxi, hindi pa r in ako makatinag o makapagsip man lang ng matino...totoo ba ang nakita ko?

Si S-Sapphire...ang anak ko?

MURDERER'S POV

"Hanako." Lumingon ako sa kanya at muling hinaplos ang pisngi niya.Ngumiti ako." Makakamit na natin ang hustisya." Inangat ko muli ang litrato ng buong class 3-C , napangisi ako sa tuwa.Hindi ko maipaliwanag ang pananabik na nadarama ko sa pa gtingin ko palang ng mga mukha nila sa litratong ito.Gustong gusto kong putol-pu tulin ang buong katawan nila at ikalat sa buong paaralan upang makita ng lahat.N gunit...masyadong maaga.

"Kailan ba talaga ang simula? Nakakainip na." pagrereklamo niya habang nakaupo s a kulay itim na silya."Makakatakas pa yang mga yan eh.Ginagamit mo ba talaga yan g isip mo ha?" umirap siya sa akin at tsaka pinagpatuloy ang paglalaro niya sa i sang pulseras na binubuo ng mga itim na itim na maliit na bato.

"Hindi ba mas maganda iyon? Mukha silang mga tupa na hinahabol ng mga lobo?" tum ayo ako at tinignan ang itim na kwartong kinalalagyan namin na tanging ang liwan ag lang galing sa bukas na bintana ang nagsisilbing ilaw at gabay sa bawat galaw namin."At tsaka..kasama pa natin si Hanako.Wala tayong dapat ikabahala."

Bahagya akong umupo upang hagurin ang likuran ni Kuro, ang itim kong pusa na mai ihalintulad sa dilim ng gabi ang kulay ng balahibo at sa ilaw ng kulay dilaw na buwan ang mga matatapang na mga mata.Nangingibabaw ang matingkad na pagkapula ng pulseras na nakapalupot sa leeg ni Kuro, ang pulseras na nagsisimbolo ng isang pangako.Narinig ko ang malambing na tugon ni Kuro sa panghahagod na ginagawa ko sa likuran niya.Napangiti ako.

"Tumahimik ka nga.Hintayin na lang natin ang pagdating niya kaysa maglolokohan t ayo rito." Binuhat ko si Kuro at inilagay sa pagitan ng mga bisig ko habang luma pit ako sa harapan niya.Tinignan ko muli si Hanako na nakaupo sa tabi ng upuan k o kanina.Nginitian ko si Hanako.Kahit kailan talaga, napakatahimik niya.

"Hindi kita niloloko, nginitian ako kahapon ni Hanako.Hindi mo ba nakita? Buhay pa siya." Pagkatapos kong magsalita ay umupo ako sa kaharap niyang upuan.Pagkaup o na pagkaupo ko, agad na tumakbo palayo si Kuro tsaka ko napagtanto na dumating na siya.Lumapit siya sa amin habang hawak hawak si Kuro sa pagitan ng mga bisig niya.

Nakangiti siya, isang nakakapangilabot na ngiti. --------------------------------------------x

- A U T H O R ' S

N O T E -

SI TEACHER MAEGANNE PO ANG NASA GIF SA GILID --> Siya yung teacher sa Death bell 2. :) INSPIRED SA MOVIE NA 'SOMEONE BEHIND YOU' ANG MGA LINES NI BLAKE TSAKA DIN YUNG PART DUN SA CHAPTER 2 YUNG SCENE NILA SAPPHIRE AT KATHERINE, INSPIRED SA TSUMI T O BATSU.Wala lang, share ko lang.Magaganda yang mga yan! Panourin nyo. 'KURO' MEANS 'BLACK.Dapat wala pang POV ang killer kaso wala lang, naisipan ko l ang hahaha.Di ko pa kasi alam kung sino ang gusto kong gawing killer, kaya kaunt i lang muna ang ibibigay kong clue sa kanila.

DEDICATED KAY BABYBANGS.Kasi mahal ko na siya HAHAHA at sobra akong kinikilig sa mga tweets simula pa nung di pa napu-publish ang book 2, sa message, sa about m e niya at sa background niya.Sobrang nakakatats.Omayghas :"> Maraming maraming s alamat.Sabi ko nga sayo eh, pakasalan mo na ko ngayon! HAHA.LABYUUU.

Maraming salamat sa pagbabasa! ******************************************* [4] C4: Honor the vanquished. ******************************************* "I was what you are, you will be what I am."

VOTE / COMMENT / FAN --------------------------------------------x

SPADE'S POV

NAKABULSA ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko.Naghikab mun a ako bago umakyat ng hagdanan.Sa totoo lang, ayaw ko naman pumasok sa eskwelaha n na ito.Kung hindi lang dahil sa kanya, siguro nasa Wilward Academy pa rin ako.

Sino ba ang may gustong mag-aral sa ganitong eskwelahan? Na tanging pera lang an g nagpapatakbo ng lahat.Kalokohan lang.May ilang estudyante na hindi ko naman ki lala ang bumati sa akin.Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagakyat papunta sa ikatlong palapag.Nakakatamad.

"Baliw ka ba?! Ilang beses ko bang kailangang sabihin na hindi mo ko anak at hin di kita nanay.Lumayo ka nga sa akin." Narinig kong sabi ni Sapphire habang nagma madaling umakyat sa hagdanan.Napalingon naman ako sa kinakausap niya na agad uma lis nang nakita akong nakatingin sa kanila, ang adviser namin.Galit na galit na napabuntong hininga si Sapphire habang nakatayo malapit sa akin.Tinignan niya ak o na para bang nagulat pa sa presensiya ko."Good Morning." sabi niya at nagpatul oy sa paglalakad.

Maglalakad na rin sana ako nang may nakita pa kong parating na kaklase namin.

"Oh Tuna, mukhang mas nauna pa ko sayong pumasok ngayon ah?" ngumiti ako sa kany a ngunit katulad nang palagi niyang ginagawa, sinimangutan lang niya ako at umir

ap nang sobrang talim.Mukhang nasasanay na ko sa babaeng ito.Hindi ko rin alam p ero sa lahat ng tao dito mukhang siya lang ata ang pinakamatino.

"Hindi ako nakikipag-unahan sayo, tanga ka talaga." Muli siyang umirap at umakya t na rin paitaas.Napangiti ako, sa buong buhay ko...ngayon lang ako natawag ng ' tanga' na paulit-ulit at galing sa isang tao na hindi ko naman lubusang kilala.U miling ako habang nangingiti tsaka umakyat na rin sa pangalawang palapag.

Nasa dulo na ko ng hallway at ilang hakbang na lang at malapit na ko sa classroo m namin, ng 3-C.Nang may biglang umakbay sa balikat ko.Napatingin ako kay Cyrus kasama ni Raphael.

"Oh pre, good morning.Nice game kahapon." Sabi sa akin ni Cyrus habang nakangiti .Tumingin naman ako sa katabi niyang si Raphael na nagbabasa ng libro habang nag lalakad.Ilang segundo siyang tumingin sa akin at ngumiti upang batiin ako.

"Siyempre, kasama niyo ako eh" ngumiti ako at bahagyang tumawa sa sinabi ko.Nagk ayayaan kahapon na maglaro ng basketball at ang kalaban ay ang mga taga-3A, wala rin naman akong gagawin kaya sumama ako sa kanila.Wala.Pampalipas oras lang.

"Ulol ka talaga!" tugon ni Cyrus habang tumatawa."Sa susunod 4-A na kalaban nati n.Kapag pumalag, ibang laro na ang gagawin natin." Ngumisi siya habang tumatalim ang bawat titig niya.Marami akong narinig patungkol kay Cyrus pero mukhang kala hati doon ay hindi naman totoo. "Manahimik ka nga Cyrus.Kung anu-ano na naman ang iniisip mong laro." Tuloy tulo y na sinabi ni Raphael habang nakatingin pa rin sa libro niya."Hindi yan magugus tuhan ni Sapphire." Muling pagpapatuloy ni Raphael.

Bumuntong hininga lang si Cyrus at umalis sa pagkakaakbay sa balikat ko.Binuksan niya ang pintuan ng classroom at binati ang mga nakakasalubong niyang kaklase n amin habang si Raphael ay tuloy tuloy lang sa paglalakad habang nakatuon pa rin ang mga mata niya sa libro.

Pumunta ako sa upuan ko at umupo.Tumingin ako sa katabi ko na kahit minsan ay hi ndi ko pa nakikitang ngumiti, puro irap at simangot lang ata ang alam niyang eks presyon.Napakamisteryosa.

Luna.

Umupo ang lahat nang dumating na ang adviser naming na namumugto ang mga mata.Na

katingin siya kay Sapphire at nagsalita."Napapansin nyo naman siguro na karamiha n ay hindi pumasok." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nilibot ko ang mga mata k o sa buong classroom.Tama nga.Karamihan sa mga upuan ay bakante.Tumingin muli ak o sa adviser namin na nakatingin sa ibaba ng teacher's desk."Marami sa inyo ay n ag-transfer na sa ibang eskwelahan.Isa ang dahilan nilang lahat, ayaw nilang man yari sa kanila ang nanyari dun sa last batch ng 3-C." nakarinig ako ng ilang bul ungan sa paligid.

"Kalokohan." Malakas na pagkakasabi ni Cyrus."Mga duwag lang sila.Eh kung mamata y, edi mamatay!" Kahit ako, kinabahan sa mga narinig ko sa kanya.Hindi ko naman itatanggi na takot rin naman ako sa kamatayan ngunit isa iyong panyayari na hind i dapat takasan.Kahit papano tama siya...wala kaming magagawa.Mga duwag lang sil a.

"Bale, sampu ang nag-transfer." Sabi ni Ms. Maeganne habang nakatingin sa isang papel."25 na lang kayo ngayon." Isinandal ko na lang ang likuran ko sa upuan at inugoy-ugoy ang upuan ko habang nakataas ang dalawa kong paa sa desk, tulad ng l agi kong ginawa sa tuwing nababagot ako.Hindi ko naman sila kilalang lahat kaya siguro tama lang itong nararamdaman ko, wala akong pakialam.Tutal, hindi na rin naman ako makakaalis sa lugar na ito kahit gaano ko man kagusto.Hindi pwede.Kail angan kong sundin siya.Tsss.Ngayon lang ako sumunod sa kanya nang ganito.

Pumikit ako at ilang sandali ay nakatulog na lang ako.Nang minulat ko ang mga ma ta ko, nag-iisa na lang ako sa classroom.Napakadilim.Halos nadapa ako ng ilang b eses habang naglalakad at hinahanap ang pintuan palabas.Nasa tapat na ako ng pin tuan ngunit hindi ko ito mabuksan.Ilang beses akong sumigaw.Ayaw ko sa dilim.

Takot ako sa dilim.

Napalingon ako sa likuran ko nang may nahagip ang mga mata ko na liwanag.Dalawan g batang babae na nakasuot ng puting bestida habang hawak-hawak ang isang kandil ang pula.Kitang kita ko ang mukha ng isa ngunit malabo ang mukha ng kasama niya. Parehong maikli ang mga buhok nila.Alam kong kilala ko silang dalawa.Ramdam kong kilala ko sila dati pa.Tumatawa sila habang nakatingin sa akin.Nanlaki ang mga mata ko nang tumakbo sila papunta sa gilid ng pader at isa sa kanila'y binuksan ang bintana.

Sinigaw ko ang pangalan niya nang tumalon silang dalawa.

"Hana!"

Nakarinig ako ng malakas na tawanan.Muli kong minulat ang mga mata ko at bumunga d sa akin ang mga mukha ng kaklase ko na tumatawa.Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.Ngayon lang ako nahulog sa upuan habang natutulog sa klase.

"Mukhang napasarap ang tulog mo ah?" sabi sa akin ni Austin habang inaabot ang k amay niya upang maitayo ako.Tumawa muli sila."Break time na pre, buti nagising k a pa." Sabi naman ni Cyrus na itinayo ang upuan ko.

"You know what, ngayon lang ako nakakita na lalaking ganun matulog.Weird." Napat ingin naman ako kay Aislinn na ngayon lang ako kinausap buhat nung unang araw ng klase."Hi Spade." Sabi pa niya.Ngumiti lang ako sa kanya.Masakit pa rin kasi an g ulo ko at hindi ko pa rin nakakalimutan ang panaginip ko.

"Tara na Spade, sabay ka na sa amin." Ngumiti sa akin si Sapphire habang inaalok ako.Sandali akong napaisip.Hindi maari na sumabay ako sa kanila.Hindi naman sa ayaw ko sa kanila.Siguro mas maganda na hangga't nandirito ako, umiwas ako sa gu lo.

"Hindi na.Mauna na kayo.Next time na lang." pagtanggi ko sa kanila.Tumango lang sila at nagpalaam.Umupo ako sa upuan ko habang hawak hawak pa rin ang ulo ko.Ang sakit talaga ng pagbagsak ko.Ngunit bigla kong naramdaman ang sobra sobrang kab a nang may narinig akong nagsalita sa tabi ko.

"Sino si Hana?" napatingin ako kay Luna na deretsong nakatingin sa mga mata ko n a para bang sinusubukan niyang basahin ang nasa isipan ko."Sumigaw ka ng Hana ba go ka magising.Sino siya?"

Hindi ko alam...Hindi ko maalala.Basta ang alam ko, importante siya sa dati kong buhay.

LUNA'S POV

"Sino si Hana?" pag-ulit ko sa tanong ko ngunit hindi pa rin siya umiimik.Nakati ngin siya sa ibaba habang nakadagan ang dalawa niyang braso sa hita niya.Ilang m inuto ang nakakaraan at hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko.Nagsasayang la ng pala ako ng oras dito.Tumayo ako at lumabas ng classroom.

Walang kwenta.

Pero nakakapagtaka, bakit parang sobra akong interesado sa Hana na iyon? Napaira p ako sa inis.Naglakad na lang ako pababa ng high school building.Napatingin ako sa gilid nang nakita ko siya.Ang student council's president.

"Kuya Blake!" Oo nga pala, iyon nga pala ang pangalan niya.May tumakbo papunta s a kanyang babae, mahaba at itim na itim ang buhok.Hinawakan ng babae ang kamay n g Blake na yon at ngumiti nang sobrang tamis.Napaiwas ako ng tingin sa kanila na ng tumingin sa akin yung Blake.Hindi ko pa rin nalilimutan ang sinabi niya sa ak in.

"Huwag mong hahayaan na patayin ka ng kung anong pumatay sa namayapa mong kaibig an na si Denise."

Naglakad pa ako upang umiwas sa kanila."Luna." Nakarinig ako ng isang malamig at maganda sa pandinig na boses na nanggaling sa gilid ko.Napalingon ako sa nagsal ita, ang nurse."May gusto akong sabihin sayo." Nagdalawang-isip pa ako nung una ngunit tumango na lang ako at sumunod sa kanya.Pinaupo niya ako sa kama sa loob ng clinic habang siya naman ay umupo sa mismong upuan niya.

"Anong gusto mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

"May isang estudyante dati dito, taga-3-C.Kinukwento niya sa akin lahat." Tuming in siya sa akin."Lahat lahat." May kung ano sa mga salita niya na nagpapakaba sa akin.Na para bang may mas malalim pang ibig sabihin ang mga iyon.Na tila ba'y g umagamit siya ng metapora sa bawat sambit niyang salita."Malapit siya sa akin si mula pa lamang nung una.Tinuring niya akong kapatid." Napakunot ang noo ko nang hindi ko mawari kung ano ba ang sinasabi niya."Akala nila, mga normal lang silan g estudyante.Akala nila, isang massacre lang at isang di kilalang mamatay tao an g may pakana ng lahat." Nanlalaki ang mga mata ko kasabay ng panginginig na mga kamay ko.Ngumiti sa akin ang nurse."Hindi nila alam...pagala-gala pa rin ang may mga pakana.Nakakasalamuha ng mga tao...hindi lang nila alam."

"A-Anong ibig mong s-sabihin? Bakit mo sa akin s-sinasabi ang mga i-ito?" muli k ong pagtanong sa kanya.

"Dahil ikaw lang ang lubos na makakaintindi." May kinuha siyang litrato sa ibaba w ng desk niya.Dahan dahan siyang lumapit sa akin ay ipinakita ito.Ang class pic ture ng dating class 3-C.Agad kong nakita ang nakangiting mukha ni Denise."Iyan ang huling litrato nila bago nagtapos ang school year, bago ang bakasyon..bago s ila mamatay."

Napayuko ako.

Dapat matuwa ako dahil sa wala na si Denise.Dapat...mas nakakagaan sa pakiramdam ko.Pero sa tuwing naalala ko na wala na siya...mas lalo akong nagagalit.Masyado ng malaki ang kasalanan niya sa akin para mawala na lamang siya nang ganun.Gusto ko siyang sumbatan, gusto kong sabihin sa kanya ang lahat lahat na hindi ko pa nasasabi.Para saan pa ang paghihiganti?

Magsasalita pa sana ang nurse ngunit tumayo na ako."Hindi ko kailangang marinig ang mga susunod mong sasabihin." Tumingin ako sa kanya."Wala silang koneksyon sa akin." Inilapag ko sa kama ang litrato at nagmamadaling lumabas sa kwartong ito ngunit bago pa man akong makalabas ay narinig ko muli ang pagsalita niya.

"Wala sayong koneksyon?" napahigpit ang hawak ko sa doorknob."Balang araw, magka karoon na rin sila ng koneksyon sayo...at sa klase nyo." Agad kong binuksan ang pinto at napasandal na lamang ako rito nang isinarado ko.Koneksyon? Sa akin? Sa klase namin?

Hindi ko kailangan ng mga pananalita nila.Kayang kaya kong harapin ang daang tin utungo ko ngayon nang mag-isa.Naglakad ako papunta sa classroom.Hindi pa rin naw awala sa isipan ko ang mga sinabi niya.Ayokong may bumabagabag sa akin.

Ayokong matulad kay Denise.

CYRUS' POV

Pinaharurot ko ang motor at agad na hinarang sa daraanan niya.Napasinghap siya s a gulat lalo na nang sumunod na pumarada sa harapan niya ang mga motor ni Austin at Harvey.Tinanggal ko ang itim na helmet sa ulo ko.

"Hi Ms. Maeganne." Ngumisi ako sa kanya.Lumapit sa akin si Austin na nakangisi a t pinapatunog ang bawat buto ng mga daliri niya kasabay ng paglapit sa gilid ko ni Harvey habang hawak hawak niya ang baseball bat na palagi niyang dala sa tuwi ng may away kami.

"A-Anong ginagawa nyo rito?" takot na takot niyang sinabi.

Sinuot ko ang knuckle o ang tinatawag nilang four fingers na lagi ko naman gamit sa tuwing may away.Kailangan ko siyang pagbantaan.Ayaw kong may gumugulo kay Sa pphire."Wala naman maam, gusto ko lang linawin sayo kung hanggang saan ka at kun g hanggang saan kami." Napaatras siya sa bawat hakbang kong papalapit sa kanya.

"Pero kung papalag ka, baka gamitin namin sayo ang mga ito.Alam mo na, ang mga m aiingay na aso...dapat patahimikin." Sabi ni Harvey kasabay ng pagpatong niya sa hawak niya baseball bat sa balikat niya.Napangisi muli ako.

"Umalis kayo! Teacher nyo k-ko!" hinarang niya sa sarili niya ang dala niyang ba g.Napatingin ako sa kanan nang umirap ako dahil sa inis at muli akong tumingin s a kanya.Mabilis akong gumalaw papalapit sa kanya at akmang susuntukin siya sa mu kha gamit ang mabigat at matigas na knuckle na suot suot ko.Napapikit siya nguni t hindi siya umiwas.

Bobo.

"Tulad ng sinabi ko kanina, ayokong may gumugulo kay Sapphire.Lalong lalo na ang katulad mo.Binabalaan ka namin.Kung ayaw mong maghingalo, hinding hindi mo na s iya guguluhin pa." sabi ko habang nakatingin nang deretso sa takot na takot niya ng mga mata.Ngumisi ako habang hinuhubad ang knuckle sa kamay ko.Hindi pa rin na kakagalaw ang adviser namin sa kinatatayuan niya habang kami ay umangkas na sa m otor at pinaharurot na ito palayo.

"Ayokong malalaman ni Sapphire to." Sabi ko kala Austin nang nakarating kami sa harap ng bahay namin.Sinindihan ko ang sigarilyong hawak ko at hinithit ito.

"Pero paano kung totoo yung sinasabi nung Maeganne na yon?" napatingin ako kay H arvey. "Siguro naman hindi siya magsisinungaling diba?" binuga ko muna ang usok at tumingin na lang sa kawalan.

"Hindi maari." Sabi ni Austin."Alam nyo naman na magkababata kami ni Sapphire, h indi pupwedeng yung teacher na yon ang nanay niya.Nagsisinungaling lang yon." Tu mingin ako sa daan kung saan papalapit ang kotse ng magulang ko.

"Sige, sibat na kayo.Nandito na ang mga gago." Sabi ko sa kanila.Agad naman sila ng umangkas sa mga motor nila at umalis na.Itinapon ko ang sigarilyo at pumasok ako sa loob ng bahay bago pa man makapasok ang mga magulang ko.Nagkulong ako sa kwarto.Nagbilang ako ng sampu at tulad ng inaasahan ko, narinig ko na naman ang tinig ng nanay kong puro bunganga na lang.

"Mr. Cyrus Ortega, kasama mo na naman ang barkada mo!" narinig ko ang malalakas

na pagkalabog sa pintuan ko."Akala mo di ko makikita?! Buksan mo nga tong pinto. Ngayon din!" Hindi ko sana papansinin ang bunganga ng nanay ko nang narinig ko a ng boses ni papa."Buksan mo ito!" inis na inis akong tumayo at binuksan ang pint o.Pagtutulungan na naman nila ako.Wala naman silang ginawa kundi ganito.

"Oh?" tanging sabi ko sa kanila.

"Ang tigas tigas talaga ng ulo mo! Alam mo-" muling pagbukas ng bunganga ng nana y ko.

"Kanino pa ba akong magmamana?" naramdaman ko na lang ang mabigat na kamay ni ma ma sa pisngi ko.Sampal.Puro sampal na lang ang alam niya.

"Huwag na huwag mo kong babastusin Cyrus! Wala ka nang ginawang tama! Grounded k a for the whole month.No cellphone, no internet, itatago namin ang motor mo at l along lalong ibabalik namin ang curfew mo!" ngumisi ako sa kanya.Ito na naman si ya.Nagbibigay na naman siya ng kung ano anong parusa na hindi ko na naman susund in.

Nakakasawa.

"Bahala kayo! Tutal, wala naman akong kwenta sa inyo eh.Kaya nga naging ganito a ko diba? Manang mana ako sa inyong dalawa." Pinandilatan ako ng mata ng tatay ko .Ganito naman siya palagi, basta si mama ang nagsalita...wala na siyang magagawa ."Napakasaya ko siguro kung iba na lang ang pamilya ko! Sana hindi na lang kayo! "

"Bastos ka talagang bata ka!" sigaw ni papa."Napakahirap bang sundin ang mga uto s namin?! Alam mo namang malubha ang sakit ng kapatid mo pero lagi kang nasa lab as.Kailangan ka niya!" muli pa niyang sigaw.

"Hindi papa.Kailangan niya kayo.Hindi lang ako." Tinabig ko ang balikat nila nan g naglakad ako palayo.Narinig kong tinawag nila ako ngunit tuloy tuloy ako sa pa glalakad.Napahinto ako nang nakita kong nakasilip sa pintuan ang siyam na taong gulang kong kapatid na si Paula.Agad akong pumasok sa kwarto niya at hinawakan s iya sa kamay.Ngumiti ako at niyakap siya.

"Kuya...kapag ba wala na kong sakit...hindi ka na papagalitan nila mama?" naramd aman ko ang matinding kirot sa dibdib ko sa pananalita ng bata kong kapatid."K-K asi...pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat eh." Hinagod hagod ko ang likuran niy a upang pakalmahin siya.Dahan dahan kong kinalas ang pagkakayap namin.Pinunasan

ko ang butil-butil na luha galing sa mga inosente niyang mga mata. "Paula, hindi mo kasalanan to.Matigas lang ang ulo ng kuya mo pero gagaling ka d iba? Sabi ko naman sayo eh, lagi kong kausap si Papa Jesus para sa paggaling mo. Kausap mo rin naman siya diba?" mahinahon kong pagkakasabi sa kanya.Tumango siya at ngumiti."Kapag gumaling ka na, pwede ka nang mag-aral sa normal na school.Ie -enroll ka agad namin.Gusto mo yun diba? Gusto mong magkaroon ng mga kaibigan?" tumango muli siya."Kaya dapat inumin mo lahat ng gamot at sundin mo ang doktor m o."

Tulad ng palagi kong ginagawa sa kanya mula pagkabata niya, binuhat ko siya at d ahan dahang inihiga sa kama.Kinumutan ko at hinalikan sa noo."Wag na wag mo nang sisihin ang sarili mo.Lahat gagawin ni kuya mawala lang ang sakit mo." Muli, sa pagpikit ni Paula, kitang kita ko ang pagtulo muli ng mga luha sa mata niya.Pin unasan ko ito at tumabi sa kanya upang yakapin siya.

"Kuya, kapag ba gumaling ako, dadalaw ulit si ate Sapphire?" muli niyang sinabi. "Oo naman."' Tugon ko tsaka ko nakita na ngiting ngiti siyang pumikit."Good nigh t kuya."

"Good Night Paula." ---------------------------------------------x

- A U T H O R ' S

N O T E -

MADALIANG UPDATE.Pasensiya na kung may typo o kung ano ano.Madalian ko lang kasi ng ginawa para mabawasan ang gagawin ko next week XD Malapit na kasi ang finals at may show pa kami na inaatupag para sa isang major subject (finals din) kaya h indi ko maiipangako na hindi palaging delayed ang UD.Busy eh. SI SPADE AT CYRUS ANG NASA GIF -->

******************************************* [5] C5: Doomed Reality. ******************************************* "...because some secrets just might kill you."

VOTE / COMMENT / FAN --------------------------------------------x

LUNA'S POV

"KINAKAUSAP ka namin, bingi ka ba?!" narinig ko ang isang malaki at malutong na tunog ng isang sampal mula sa di kalayuan at ilang hakbang lang mula sa akin.Umu po ako sa swing sa kanang parte ng playground habang pinapanood ang isa kong ka klase na pinapaligiran ng tatlong babae sa gilid ng high school building."Palagi kang nakabuntot kay Sapphire, akala mo sikat ka na niyan ha?!" Sumipsip ako sa hawak hawak kong juice habang nakasimangot na nakatingin pa rin sa kanila.

Nakakautang manood sa mga ganitong sitwasyon.Hindi ko maiwasang maalala ang buha y na meron ako dati sa Marylaine's Academy.Kung gaano ako maliitin ng lahat.Kung gaano ako kamuhian maski ang mga guro.Lahat sila.Pinaramdam nila sa akin na mas masarap pang mamatay kaysa sa manatiling buhay.

"Hoy Luna luka-luka!" natumba ako nang biglaan niyang hatakin ang buhok ko pabab a.Narinig ko ang tawanan ng lahat ng nasa hallway.Tumingin ako sa kanya nang pun ong puno ng takot ang mga mata ko."Alam mo, kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakik ita kita.Namatay ang kaibigan ko nang dahil sayo.Pinatay mo siya diba?! Pero ano ng nanyari? Naabswelto ka lang dahil diyan sa lintek mong tatay!" Pinandidilatan niya ako habang umuupo sa harapan ko.Marahas niya muling sinabunutan ang buhok ko upang maitayo ako.

Napakasakit.

Muli, marahas niyang sinabunutan ang buhok ko sa batok upang itaas ang mukha ko katapat ng galit na galit niyang mukha."Sana ikaw na lang ang nalunod!" nangi-ng iyak ako sa sakit habang unti-unting kong sinusubukan na ibuka ang bibig ko at m akapagsalita kahit ilang salita lamang.Bago pa man ako makapagsalita, nahagip ng mga mata ko si Denise na nakatayo lang sa gilid.Nakapameywang siya at nakating in lamang sa akin."Ano! Magsalita ka!" sigaw muli sa akin ni Katie.Lumingon siya kay Denise."Denise, sabihin mo nga sa lahat ng tao rito kung sino ang pumatay k ay Jessie!"

Nabaling kay Denise ang atensyon ng lahat.Hinihintay ang sagot niya.Tumingin ako sa kanya na para bang nagmamakaawa.Ilang segundo ang nakalipas at nakatingin la mang siya sa baba. Mas lalong humihigpit ang pagkakasabunot sa akin ni Katie na pakiramdam ko ay malalagas ang mga buhok ko sa lakas niya.Pinapanalangin kong sa bihin ni Denise ang totoo.Na hindi ako ang naglunod kay Jessie.Sinagip ko siya, pinilit ko siyang bigyan muli ng malay.Hindi ko kasalanan.Si Denise..siya ang ma

y kasalanan ng lahat.Siya ang may gusto ng nanyari.

Kailangan ba sila maniniwala sa akin?

"Si Luna.Nilunod ni Luna si Jessie.Nakita ko ang lahat" Tuloy tuloy na pagkakasa bi ni Denise.Umalis siya agad at pumasok sa classroom namin.Hinatak ako ni Katie gamit ng pagkakasabunot sa buhok sa may batok ko pababa ng ikalawang palapag.Mu li akong sumilip sa classroom namin at nakita ko si Denise na nakadungaw.Wala si yang ibang ginawa kundi manood.Panourin ang matalik niyang kaibigan na apihin ng lahat dahil sa isang kasalanan na hindi ko naman ginawa.Isang kasalanan na pina sa niya lang sa akin upang ako ang dumanas ng lahat ng sakit na dapat ay siya an g nakakaramdam.

Isang pasakit na dinala ko sa loob ng mahabang panahon.

Muli akong bumalik sa realidad.Kailangan kong kalimutan ang lahat ng iyon.Ihahal intulad ko na lamang ang mga iyon bilang isang bangungot na ngayo'y wala na.Pani bagong bangungot ang kinahaharap ko ngayon.Napakadaming katanungan na para bang kusang lumalapit sa akin upang sagutin ko.

Ngunit kaya ko ba?

"T-Tama naaa!" naring kong sigaw ng kaklase kong umiiyak habang marahas siyang h inahawakan sa panga at ang isang namang kamay ay nakasabunot sa mahaba niyang bu hok.Habang tinitignan ko sila, mas lalo akong naiinis.Ayoko mangielam.Hindi ko i yon problema at mas lalong wala akong oras problemahin ang mga bagay na iyan.Ma tututo rin siya.Katulad ko.Magsasawa rin siya.

"Hey trying hard bitches, anong ginagawa niyo?" napatingin muli ako sa kanila na ng isang pamilyar na boses ang narinig ko.Yung Sapphire."Nandiyan ka pala Kather ine, kanina pa kita hinahanap.Ang tagal kasi ng pinabili kong juice." Tumingin y ung Sapphire sa baba at nakita niya ang natapon na juice.Dahan dahan namang pina pakawalan ng mga babae si Katherine."Sige, ipagpatuloy niyo lang.May audience na kayo ngayon oh." Pumameywang siya sa mga babae at tanaw na tanaw ko mula sa kin auupuan ko ang matalim niyang pag-irap.Hinatak niya si Katherine at itinulak sa mga babae."Narinig nyo ba ako? Ipagpatuloy niyo.Manonood pa ako."

"S-Sorry..S-Sapphire.." sabay sabay na pagkakasabi ng mga babae na biglang nag-i ba ang itsura.Mula sa matapang na mga aso kanina ay para bang pinutulan sila ng buntot.

"Ha-Ha-Ha.Go to hell." Matapang at mabagsik na pagkakasabi ni Sapphire.Muli kong narinig ang paghingi ng tawad ng mga babae."Umalis kayo sa harapan ko.Ang papan git nyo!" dali-dali siyang sinunod ng mga tuta niya na akala mo'y hinahabol ng k ung ano.

"S-Sapphire..bibili na lang ako ng bagong juice mo.Tinabig kasi-"

"Shut up.Kapag natuto ka nang hindi maging tanga, dun mo na lang ako kausapin." Inis na inis na umalis yung Sapphire at umakyat muli sa high school building.Nak ita ko namang pumupunta sa direksyon ko yung Katherine.Umupo siya sa katabing sw ing.Nakayuko siya at ilang beses na bumuntong hininga.

"Bakit ka ba dumidikit pa dun sa Sapphire? " tuloy tuloy kong sinabi.Tumingin si ya sa akin at pumorma ang isang matipid na ngiti sa kanyang mga labi.Sa lahat ng nanyari, nakuha pa niyang ngumiti? Ipokrita.

"Kasi...magkaibigan kami." Mahina niyang sinabi.

"Kaibigan?" muli kong naalala si Denise.Kung paano niya akong ibasura.Kung paano niya akong iwan sa ere."Kaululan."sabi ko pa.

"Ganyan talaga siya kasi gusto niya akong matuto.Gusto niyang makatayo ako sa sa rili kong mga paa at ipagtanggol ang sarili ko sa iba.Ngunit kahit anong gawin k o, hindi ko kaya." Tumingin muli siya sa akin."Masyado akong mahina."

"Hindi mo kailangan ng iba upang maging matatag." Napabuntong hininga rin ako at muling nagpatuloy sa pagsasalita."Nasa sarili na natin iyan mula pa nung simula .Ayaw mo lang gamitin.Hindi ko kayo maintindihan.Lalo na ikaw at yung Sapphire.G inagamit ka lang nila at kapag wala ka nang pakinabang, itatapon ka na lang kung saan saan." Sumipsip muli akong sa hawak kong juice.

"Si Aislinn at Sapphire, mabuti sila.Ako lang ang may problema.Katulad bansag sa kanila ng karamihan.Si Aislinn ang 'ice' at si Sapphire ang 'fire'.Binabalanse nila ang isa't-isa at kung malalaman lang nila ang lahat ng pinagdaanan ni Sapph ire, sigurado akong maiintindihan nila kung bakit napakabait ng mga kaibigan niy a sa kanya.Kung bakit maraming nagmamalasakit sa kanya." Muli siyang tumingin sa akin na namumuo ang mga butil ng luha sa gilid ng mga mata niya."Maiintindihan mo rin siya Luna."

Tumingin ako sa langit.Medyo madilim..paniguradong uulan.

Wala akong imik na tumayo at naglakad na lamang.Nakakairita ang mga ganyang tao. Muli kong binigo ang sarili ko.Nakialam ako.Nagtanong ako tungkol sa kanila.Dapa t wala akong pakialam.Hindi ko planong maging isang mabuting kaklase sa lugar na ito.Hindi ko planong makisalamuha sa kanila tulad ng pakikisalamuha nila sa isa 't-isa.

Napatingin ako sa di kalayuan nang makita kong magkasama si Sandria at Spade.Umi rap ako nang maalala ko ang kakulitan ng Spade na yan.Kahit kailan talaga, kumuk ulo ang dugo ko sa kanya.Ito ang unang beses na may nag-iiba sa pangalan ko.Ugh.

"Hoy Tuna!" narinig ko ang nakakairitang boses na iyon.Hindi ako lumingon.Tuloy tuloy lamang ako sa paglalakad.Sabi ko na nga ba."Tunaaa!" muli niyang inulit iy on ng ilang beses tsaka ako inis na inis na lumingon sa kanila.Sinesenyasan niya ako na lumapit habang may winawagayway na isang maliit ngunit isang makislap na bagay.

Dahil sa kuryusidad, lumapit ako sa kanila.Agad na inabot sa akin nung Spade ang isang kulay pilak na susi."Oh anong gagawin ko rito?" tanong ko sa kanya.Sinima ngutan niya ako at tsaka tumingin kay Sandria.

"Nakita yan sa loob ng bibig ni Lizzy.Yung putol na ulo sa classroom." Agad akon g kinabahan sa pagkakasabi ni Sandria na iyon."Tignan mo yung gitnang parte, may kulay dilaw na letrang 'L'.Ibig sabihin, susi yan ng isa sa mga pinto sa Laketo n Academy.Ngunit..hindi namin alam kung saang pinto." Napatingin mulia ako sa su si.Tama, may letrang 'L' sa gitna.Kulay dilaw na napapaligiran ng kulay itim sa gilid ng letra.

"Bakit nyo sa akin sinasabi ito?" tanong ko sa kanila.

"Ikaw lang ang pwede kong pagkatiwalaan.Dalawa kayong transferee ni Spade.At kun g totoo man na nauulit ang lahat, mas maganda na agapan natin bago pa lumala." Tumingin ako kay Spade na nakatingin lamang sa akin.

"Sa tingin mo, katiwa-tiwala yang mukha na yan?" sabi ko kay Sandria patungkol k ay Spade. Magsasalita sana yung Spade kaso pinigilan siya ng kasama niyang si Sa ndria."At tsaka, hindi ko kailangan ng tulong niyo.Kung may balak akong alamin a ng mga nanyayari, sarili ko lang ang pagkakatiwalaan ko." Binigay ko kay Sandria ang susi."Hindi ko kailangan niyan."Nagsimula na kong lumakad palayo.

"Pag-isipan mo Tuna, delikadong mag-isa sa mga sitwayon na ganito." Napatigil ak o nang narinig ko ang boses ni Spade.Tsss.

Hindi ko kailangan ng kakampi.Hindi ko kailangan ng karamay.Hindi ko kailangan n g kasama.Hindi ko kailangan ng kaibigan.Sarili ko lang ang kaya kong pagkatiwala an.

CYRUS' POV

Napatingin ako sa suot kong relo, 5:00 pm.Napangisi ako.Naalala ko ulit ang 'cur few' na sinasabi ng mga magulang ko.Hindi ako tanga upang sundin iyon.Tutal, hin di rin naman nila malalaman kung anong oras ang uwi ko dahil sila mismo, hindi k o nakikita palagi sa bahay.Halos ako na nga ang nag-aalaga kay Paula maliban sa mga katulong at nurses na kasama niya.

Kung wala akong kwenta, mas wala silang kwenta.

"Putangina Harvey!" napatingin ako kay Austin nang napamura siya.Hindi ko namala yan na kanina pa ako nakatingin sa kawalan.Nanlalamig ako sa aircon dito sa loob ng classroom.Kasabay ng malakas na pag-ulan sa labas.Kami na lang ang natira ri to, ayaw rin kasing umuwi ng maaga ng mga gago.Mukha atang may karamay ako."Shab u ba yan?!" agad akong lumapit sa kinauupuan nilang tatlo.Nakita ko ang hawak ha wak na makapal na libro ni Harvey na may malaking butas sa gitna na para bang gi nupit talaga upang paglagyan ng shabu.

"Wag kang maingay.Gago ka talaga." Sinarado ni Harvey ang libro at muli itong bi nuksan nang nakasigurado talaga siyang wala ng tao sa labas.Binuksan niya ito sa gitnang parte at muling bumungad sa akin ang ilang pakete ng shabu."Nakuha ko t o dun sa leader ng fraternity namin.Tiba-tiba pre."

"Ikaw pala yung hinahanap ni Ms. Maeganne eh." Sabi ni Raphael habang nakatingin lang kay Harvey."Alam mo, payong kaibigan lang, tumiwalag ka na sa fraternity n a yan.Walang magandang maiidulot sayo yan." Nasanay na ako kay Raphael.Madalas s eryoso talaga siya, siguro dahil namulat na siya sa buhay na hindi lahat ay gina gawang biro.Hindi ko nga alam kung bakit naging matalik kaming magkaibigan.Paran g kami si Sapphire at Aislinn, magka-ibang magka-iba ang pananaw sa buhay.Magkaiba ng ugali.

"Ano ba Raphael, hindi mo pa kasi nasusubukan kaya sinasabi mo yan." Sabi ni Har vey habang malapad na malapad ang ngiti."Ikaw Cyrus, gusto mo ba?" tumingin sila ng tatlo sa akin.Nahagip ng mga mata ko ang tingin ni Raphael na para bang nagba babala.

"Tangina pre, wag mo kaming idamay diyan." Sabi ni Austin."Cyrus, wag kang papau to sa gagong yan.Kung ayaw mong itakwil ka na talaga ng magulang mo at kung gust o mong hindi magbago ang tingin sayo ng tatay ni Sapphire." Napatingin ako sa mg a kamay ko nang naalala ko ang tatay ni Sapphire. Napayukom ang mga kamao ko dah il sa inis.

"Bigyan mo ko ng dalawang pakete." Ang sinabi ko pagkatapos ng ilang minutong ka tahimikan.

Hindi ko alam...baka sakaling kailanganin ko ito balang araw.

CELINA'S POV

Nagpaalam na ako kala Sapphire.Bago pa man makahakbang, kinuha ko na sa bag ko a ng payong.Binuksan ko ito at naglakad na palabas ng high school building.May ila n akong nakasalubong at nagpaalam sa akin.Nginitian ko lang sila.Hindi ko naman sila kilala, feeling close lang.

Tinignan ko ang oras sa phone ko, 5:45 pm.Nakakainis lang.Kung kailan pa ako uu wing mag-isa at walang driver na maghahatid, dun pa uulan nang ganito kalakas.Pu munta ako sa kabilang building. Sinasara ko ang payong ko at napatingin ako sa h igh school building nang hindi ko sinasadya.Mahamog man at hindi ko man malinaw na nakita...may dumaan na nakaitim..pakanan sa ikatlong palapag..pababa ng hagda nan. Mukhang naka-hoodie siya.Ngunit..wala nang tao roon diba? Napailing ako.Pwe de namang may naiwan pang estudyante o kaya staff.Masyado lang akong kinabahan.P akiramdam ko kasi, may manyayaring hindi maganda.

Dumiretso ako sa faculty room ng elementary department na nasa unang palapag upa ng iwan ang papeles na pinapaiwan rito ng isa naming guro.Bubuksan ko na ang pin to ngunit nakaramdam ako ng presensiya sa likuran ko.

Natatakot akong lumingon.

Nanginginig kong binitawan ang door knob at nag-ipon muna ako ng sapat na lakas ng loob upang makalingon.

Walang ibang tao.

Ilang minuto akong nakatayo roon.Ang mga natitirang estudyante sa baba at staff ay nagmamadali nang umuwi.Ang iba ay lumusong sa malakas na ulan.Mukhang masyado lang ata akong kinakabahan.Tinuloy ko na ang pagbukas ng pintuan.

Tulad sa labas, wala ring tao.

Dahil sa takot, hindi ko sinarado ang pintuan.Nag-iwan ako ng kaunting espasyo k ung sakaling tatakbo ako palabas.Marami rin kasi akong naririnig na balita tungk ol sa Laketon.Puro kahindikhindik na kwento at halos hindi matanggap ng sikmura ko sa tuwing naiisip ko.Bukod sa mga nanyari sa dating 3-C, sa pagkakaalam ko.. .hindi iyon ang unang beses na may nanyari ganun sa Laketon.Hindi ko alam kung t otoo kaya ayokong maniwala.Masyado nang matagal iyon...siguro naman, wala na ito ng koneksyon sa dating 3-C at sa amin?

Pagkalapag na pagkalapag ko ng papeles sa mesa ng isang teacher.Napatalon ako sa gulat at halos manlambot ang mga tuhod ko.Biglang dumilim.May nag-off ng switch ng ilaw.Biglang sumarado ang pintuan.Ito na naman. Nararamdaman ko na naman.

May ibang tao sa kinalalagyan kong kwarto.

"S-Sinong n-nandiyan?" pinipilit kong alisin ang takot sa bawat salita ko ngunit bigo ako.Takot na takot na ako."A-Ano baa! Hindi ito nakakatuwa ah.N-Natatakot na ko.Cyrus? Austin? Harvey? Kayo ba yan?" natalisod ako nang sinubukan ko pang humakbang upang hanapin kung nasaan ang pintuan.Hawak hawak ko ang nasaktang kon g paa at paniguradong ilang sandali na lang at maiiyak na ko sa takot.Impossible ng walang nagpatay ng ilaw.Iilaw ang emergency lights kung may brownout man at s iguradong wala pang isang minuto, magkakaroon ulit ng ilaw dahil sa generator ng buong Laketon.Hindi maari...may tao talaga dito bukod sa akin."Magsalita k-ka n aman! Sino k-ka?"

"Hello, I'm Angel.How are you pal?" nanlalaki ang mga mata ko nang narinig ko an g masigla at matinis na boses ng manika ko noong bata pa ako."I wanna play!" niy akap ko ang mga tuhod ko sa takot.

P-Paanong...Bakit nandirito ang manika ko?

Ilang minutong hindi ko narinig ang nakakakilabot na boses ng manika ko.Tumayo m uli ako at hinanap kung nasaan ang pintuan.Ngunit kahit anong gawin ko...hindi k o alam kung nasaang parte ako ng kwarto.Malakas pa rin ang ulan sa labas..at mal iit ang tiyansa na may makarinig sa akin kung sakaling sisigaw ako.Napapikit ako habang taimtim na nagdadasal at halos tawagin ko na ang lahat ng santo't santa dahil sa sobrang takot na nadarama ko.Ramdam ko ang tagaktak na pawis sa mukha k o pati ang panginginig ng mga labi ko.

Nakarinig ako ng tatlong hakbang.Hinihingal ako hindi dahil sa pagod kundi dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko.Kaba.Takot.Kilabot.Unti-unti na kong nilalamo n ng mga nararamdaman ko.Gusto ko lang makalabas.Hindi ito normal.Sigurado akong hindi ito gagawin sa akin nila Cyrus.

"Sino ka ba?! Bakit-"

Hindi ko naipagpatuloy ang mga sasabihin ko nang muli kong narinig ang boses ni Angel, ang manika ko...sa mismong gilid ng tainga ko.Naramdaman ko pa ang kulot nitong mga buhok pati ang mga nakaabot niyang mga kamay na nadadampi sa leeg ko. "Le-Le-Le-Let's play!" isa pang ulit.Tinabig ko ang manika at may kamay akong na kapa.Makinis na kamay.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na nanyari.Hinatak niya ang kamay ko at habang ha wak hawak niya nang mahigpit ang kaliwa kong kamay ay marahas niyang hinawakan a ng itaas ng ulo ko at dali-daling inuntog sa pader.

Bago ako mawalan ng malay ay nagpakawala ang langit ng isang napakalakas na kidl at.Ngunit malinaw kong narinig ang ringtone na iyon.

Ang ringtone ng cellphone ni Hanako. --------------------------------------------x

- A U T H O R ' S

N O T E -

ANG MGA NAKA-ITALIC PO AY FLASHBACK O KAYA THOUGHT NG CHARACTER.Hindi po buhay s i Denise, tulad ng book 1, mga flashbacks po ang ganyan. SI SAPPHIRE ANG NASA .GIF SA GILID. TSAKA TUNGKOL SA UPDATE.Tuwing delayed ang UD o kaya may announcement sa UD, che ck nyo lang profile ko sa wattpad o kaya sa facebook.Mag-a-announce naman po ako roon.Tsaka paulit-ulit ko nang sinasabi na ang dedications ay para sa mga suppo rtive readers lang.Hindi naman sa sinasabi ko sa iba na hindi sila supportive re aders, hindi lang ako tumatanggap ng request.Yun lamang po. ADD NYO PO YUNG MGA CHARACTERS NASA EXTERNAL LINK ANG LINKS NILA. VOICE OUT YOUR OPINION GUYS! :)

Salamat sa pagbabasa! God Bless :*

******************************************* [6] C6: The thread of Death. ******************************************* "He lies, She died, He yearns and She remembers. -Hanako "

VOTE / COMMENT / FAN (FOLLOW) --------------------------------------------x

LUNA'S POV

Pumasok ako sa loob ng classroom na hawak-hawak ang kulay kayumanggi na kahon na natanggap ko kagabi. Hindi na ako nagulat nang nakita ko ang iba't-ibang kahon na nasa mesa ng mga kaklase ko. Sabi ko na nga ba. Hindi ako nagkamali sa pagkal kula. Malakas ang pag-uusap ng mga tao sa paligid ko. Lubos silang natatakot sa nasa loob ng kahon. Kahit ako, aminado ako na pagkakita na pagkakita ko sa laman nito, kinilabutan na ako kaagad na para bang may mga maliliit na gagambang guma gapang sa buong katawan ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas nang ga nito.

"Hindi ako makapaniwala!" sabi pa ng isa sa kanila. "Sinong normal na tao ba ang gagawa nito... at tsaka bakit pa pinadala sa atin?" narinig ko pang sabi ng isa . Kahit anong sabihin nila, wala nang magbabago. Napatingin muli ako sa kahon sa harapan ko. Nakasulat sa itaas ang pangalan ko at ang address ng bahay namin. N

akapagtataka. Paano niya nalaman ang address ang tinitirahan ko?

Tumayo ang presidente ng klase at pumunta sa may tapat ng pintuan upang isarado ito. Rinig na rinig ko ang pagtunog ng doorknob nang ini-lock niya ang pintuan. "Nakatanggap ba tayong lahat?" tanong niya sa buong klase. Iilan lang ang tumugo n. Marahil dahil gulat pa rin ang iba. Ang iba naman ay muling nagkagulo at hind i mapakali kung ano ang gagawin. Narinig ko pa sa iba na balak na rin daw nilang lumipat. Sino nga ba naman ang matinong tao na gugustuhin pang mag-aral dito ku ng ganito rin naman ang nanyayari. Napangisi ako. Meron nga pala.

Ako.

"Okay. Hindi ko alam kung bakit at kung sino ang may pakana nito pero pinaglalar uan niya lang tayo. Huwag kayong masyadong matakot." Inilapag niya ang kahon na nakuha niya sa teacher's table. Kung sino man ang may gawa nito, pinupuri ko siy a. Napakaganda ng ideya niya. Ngunit sa kabilang banda, hindi ko lubos maisip na kayang gawin ito ng isang tao. Demonyo lang siguro ang makakagawa nito.

Ang mga laman ng mga kahon...ang iba't-ibang parte ng katawan ng isa naming kakl ase.Hindi pa ako sigurado kung kaklase nga namin ngunit sa pagkakataon na ito na buong klase ay nakatanggap, siguro naman konektado ito sa klase namin?

"Kilala nyo ba kung kanino yang mga parte ng katawan na iyan? May nakatanggap ba ng ulo?" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa pinag-uusapan nila. Ka tawan ng isang bangkay ang usapan, isa nilang kaklase ngunit para bang normal la ng sa kanila. Para bang naghahanap lang sila ng mga parte ng baboy sa palengke. Nanatiling tahimik ang buong klase nang nasabi na walang nakatanggap ng ulo na m aaring magbigay impormasyon sa kung kanino ang parte ng katawan sa bawat kahon n a natanggap namin.

Binuksan ko muli ang kahon na nasa harapan ko, ang kahon na natanggap ko. Kung h indi ako nagkakamali, puso ang natanggap ko. Isang puso na nakabalot sa isang pl astic na maaninag mo ang nasa loob dahil sa kawalan nito ng kulay. Nakaipon pa a ng kaunting dugo sa gilid ng plastic. Lubhang nakasusuya. Nakasusulasok.

Nabigla ang lahat at ramdam ko ang pagtaas ng tensyon nang may kumatok sa pintua n. Napahawak ako nang mahigpit sa dulo ng mesa ko. Muli, tinignan ko ang puso na nasa loob ng kahon. Anong dahilan ng gumawa nito? Ang takutin kaming lahat? Ang sindakin ang bawat isa sa amin? Masyado siyang matalino. Kung sino man siya, na kakatakot alamin.

"May padala para sa inyo." Sabi ng kumakatok sa pintuan. Nagkatinginan ang lahat . "Bilisan nyo, nangangawit na ko rito." Sabi ng hindi pamilyar na boses, maarin g isa sa mga staff ng eskwelahan. Binuksan ng presidente ng klase na kung tawagi n nila ay Raphael ang pintuan. Bumungad sa amin ang isa sa mga guwardiya ng eskw elahan. "Ako na yung pumirma dahil hindi pwedeng papasukin ang outsiders sa scho ol. Para daw sa klase nyo yan." Inabot niya kay Raphael ang isang kahon na may k atamtaman na laki at haba. Aalis na ang guwardiya nang tanungin siya ni Raphael.

"Nakita nyo po ba kung ano ang laman nito?" tanong niya rito.

"Oo. Yung dalawang gown lang tsaka yung ibang props para sa darating na play. Hi ndi ba sa inyo nakatalaga yon? Pinadala na ng gumawa. " sabi pa ng guwardiya. Tu mango si Raphael at nagpasalamat bago pa man umalis ang guwardiya. Nakahinga nan g maluwag ang lahat.

"Buksan natin." Narinig kong sabi ng katabi ko, yung Spade na yon. "Para makasig urado tayo." Napatingin ang lahat sa kanya. Muling bumalik ang kaba na akala nam in ay nawala na. Tumango lamang si Raphael at dahan dahang binuksan ang kahon. I naalis niya ang dalawang gown na sinasabi ng guwardiya at inilapag sa pinakamala pit na lamesa. May inilabas pa siyang korona at isang tungkod hanggang sa muling napako ang tingin niya sa loob ng kahon. Na para bang may mali. Hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha niya. Nagulat na lamang kami nang ilang sandali ay may i nilabas siya isang malaking bolang itim. Sa pagtingin pa lamang dito, masasabi k ong may kabigatan na. Para siya isang malaking itim na kristal na kapag tinititi gan mo nang matagal ay para bang nilalamon ng dilim ang mga mata mo.

May isang kaklase na tumulong sa kanya. Kinuha niya ang kahon at inisantabi sa g ilid habang inilalapag naman ni Raphael ang malaking bola sa gitna ng teacher's table. Tinitigan niya lamang ito na para bang nagtataka pa rin. Narinig ko ang p agkomento ng iba. Wala naman daw itong halaga kaya dapat isantabi na rin. Wala r aw itong koneksyon sa mga natanggap naming kahon.

Ngunit kinagulat ng lahat, pati ni Raphael nang nakahanap siya ng isang linya sa gitna. Maaring mayrong buksanan ang bola na ito. Panigurado. Inikot niya ang it aas na bahagi ng bola. Tama nga. Hindi ako nagkakamali.

Nandoroon ang hinahanap nila kanina pa.

Ang ulo ng isa naming kaklase.

"Si Celina!" napasigaw ang iba. "Noong isang araw pa siya nawawala diba?!" Napat ayo ang karamihan upang lumayo sa nakaharap na mga mata sa kanila. Medyo malaki ang bola at mula baba hanggang sa ilong ay sakop nito. Kahit si Raphael ay napaa tras at kamuntikan nang madapa sa platform. Hindi ko sila masisisi. Nakakakilabo

t talaga ang nasa harapan nila. Mga mata na dilat na dilat...na puno ng takot at pagkagulat.

"T-Teka..ano i-iyon?" napatingin kami sa harapan nang lumapit si Sandria sa may kahon. Nanginginig niyang binuhat ang ulo at inilapag sa gilid ng lamesa. Muling nagsigawan ang ilan. Nakatakip ang mga kamay nila sa mga mata at tila ba'y tako t na takot. Napatayo ako ng bahagya nang nakita kong may hinahatak na pulang sin ulid si Sandria mula sa bibig ng pugot na ulo na kanina'y nalawit lang mula sa l oob ng bolang itim. Naririnig ko ang mga ginagawang tunog ng mga tao sa paligid ko na para bang nagsusuka. Nang mahugot ni Sandria ang buong sinulid na nasa loo b ng lalamunan ng pugot ay tumambad sa amin ang isang itim na papel na puro liki do pa na paniguradong hindi maganda ang amoy.

"He lies, She died, He yearns and She remembers." Napatigil sa pagbabasa si Sand ria at muling tumingin sa amin. "Hanako." Ang huli niyang sinabi. Napayuko siya at kitang kita ko ang unti-unti niyang pagbitaw sa itim na papel. Muli kong nari nig ang komento ng iba. Natatakot sila..nangangamba.

"Sabi ko sa inyo eh, baka buhay si Hanako!" sigaw ng isa.

"Ano ba? Kitang kita natin na nakabigti siya rito. Wala siyang pulso, hindi na t umitibok ang puso niya. For Pete's sake, wala tayo sa isang horror movie!" inis na inis na sinabi ng isa sa kanila.

"Tama si Aislinn. Kumalma lang tayo at-"

"Pano tayo kakalma?! Dalawa na ang namatay! At baka isa-isahin tayong lahat!" sa bi pa ng isa.

Nakita kong tumayo si Sapphire. Natigilan ang lahat sa pagtatalo. Nakatulala siy a at ramdam ko na nanginginig siya sa takot. Walang kahon sa mesa niya. Bakit? I lang beses siyang kumarap bago tuluyang magsalita.

"I will end this bullshit. Pupunta ako kay Mr. Laketon." Inis na inis siyang lum abas. Nagsisunuran ang iba sa kanya. Ngunit ang karamihan ay nanatili sa loob. I nayos ng mga nasa harapan ang pugot na ulo at ibinalik sa lalagyanan nito. Sa pa gkakaalam ko, ang bolang itim na iyon ay isang kagamitan sa bahay. May nakita ak ong ganyan sa isang magasin. Isang mamahalin na lalagyanan ng mga gamit.

Napatayo ako habang nililinis nila ang nasa teacher's table. Pinulot ko ang itim na papel. Tama nga ang binasa ni Sandria. Nakasulat ang mga iyon gamit ang isan

g puting tinta. Sulat ba talaga ito ni Hanako?

Hindi ba...patay na siya?

CELINA'S POV

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nadatnan ko na lamang ang sarili ko n a nakaupo sa lapag ng isang maliit na kwarto. Isang kwarto na purong pula ang ku lay ng dingding. Walang bintana. Ngunit mayron akong nakitang exhaust fan na nas a itaas ng dingding. Nang lumingon ako sa kaliwa ay may nakita akong itim na pin to at may nakalagay sa itaas nito na isang malaking puting orasan, 11:00 pm at s a kanan ko naman ay may isa pang itim na pinto. Katabi ng pinto sa may kaliwa ay isang lamesa at isang upuan na parehong kulay itim.

Bukod sa kakaibang kulay ng mga gamit sa pulang kwarto na ito ay isa pang nakaka kilabot ang mga maliit na manikang nakasabit sa dingding na malapit sa kinalalag yan ng lamesa. Ang iba ay itim at ang iba ay puti. Para silang mga tinahing pina gtagpi-tagping tela at nilagyan lamang ng ilang detalye. Maraming manika ang nak asabit at tila ba'y lahat sila ay nakatingin sa akin.

Ramdam ko pa rin ang kirot sa gilid ng ulo ko. Hinihipo-hipo ang tuyong dugo sa gilid nito. Mabuti na lamang at hindi ako napuruhan. Nakatali ang mga paa at kam ay ko ngunit walang busal o ano mang bagay na nakatakip sa bibig ko. Sumigaw ako ng ilang beses ngunit umaalingawngaw lamang ang boses ko sa loob ng silid na ki nalalagyan ko. Walang pag-asa.

Ilang beses ko ring pinilit na tanggalin ang mahigpit na pagkakatali sa mga kama y at paa ko gamit ang bibig ko ngunit tila ba'y wala akong lakas. Sigurado rin a ko na kahit matanggal ko ang mga taling ito, wala akong mapupuntahan. Sinubukan ko ring tumayo ngunit hindi ko nakayanan. Sa pagbagsak ko muli sa sahig ay sakto ng bumukas ang itim na pinto sa bandang kaliwa.

Ilang segundo ang kinailangan bago ko makilala ang taong lumabas mula doon. Nan laki ang mga mata ko. Napalunok ako nang ilang beses bago nakapagsalita. "I-Ikaw ?" ang tangi kong nasabi. Muling bumukas ang pinto at may dalawa pang lumabas. U mupo ang isa sa upuan at ang isa sa lamesa. Lumapit siya sa kinauupuan ko. Tinig nan niya ako na para bang ang liit ko. Napangiti siya nang napagmasdan niya ang kalagayan ko.

"Masaya ba?" tanong niya sa akin habang malapad pa rin ang ngiti. Hinaplos haplo s niya ang buhok ko habang takot na takot akong nakatingin sa kanya. Hindi ko al am.. akala ko wala na siya.. akala namin patay na siya. Nawala na ang ngiti sa k

anyang mga labi at napalitan ng isang simangot "Anong pakiramdam ng ganyan? Kung tatawanan kita kagaya ng lagi nyong ginagawa, mararamdaman nyo rin ba? Kung sak sakin kita nang ilang beses, masasaktan ka na ba? Kailangan mo pa bang maramdama n lahat ng sakit na dinanas ko bago ka matuto? Ilang saksak ba ang gusto mo?" na nginginig ang labi ko. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko alam ang bibigkasin ko. May inilabas siyang isang patalim. Ngumiti muna siya bago padaan ang talim n ito sa braso ko hanggang sa leeg ko. "Isa?...Dalawa?" itinutok niya ang talim sa mismong harap ng leeg ko. "..O tatlo?

"T-Tama na." ang sabi ko habang nakatingin sa patalim na hawak niya.

Lumapit ang taong naka-upo sa itim na upuan. Umupo siya sa mismong tabi niya at kinuha ang kutsilyo na hawak niya. "Masyado pang maaga, kailangan mo pang ipalup ot ang pulang sinulid sa kanya." Nakangiti niyang sinasabi sa kanya. Masyadong m aamo ang mga mukha nila upang maisip ko na kaya nilang gawin ito sa akin. Ibinab a niya ang kutsilyo sa tabi niya at muling tumingin sa akin. Bahagya niyang itin agilid ang mukha niya na para bang sinusuri ako. Kilala ko siya. Kilalang-kilala ko siya. "Ayoko sanang gawin ito. Pero masaya naman pala eh." Nginisian niya ak o at muling nagsalita. "Kailangan ko kasi ng bagong magagawa ngayon, nakakabagot ."

Tumayo silang dalawa at pumunta sa may lamesa habang naiwan akong wala pa ring m asabi. Inabot niya ang manika na nasa gitna. Sa tangkad niya ay hindi na niya ki nailangan pang tumingkayad. Kitang kita ko mula sa kinauupuan ko ang hawak niyan g pulang sinuIid. Pagkaabot na pagkaabot niya ng itim na manika ay agad niyang i tinali sa leeg nito ang pulang sinulid habang napakalapad ng ngiti. Isinabit niy a muli ito sa dingding at tumingin sa akin.

"Ito na ang simula. Puputulin ko na ang mga pulang sinulid sa loob ninyo." Tumay o siya na may hawak pa ring pulang sinulid habang ang dalawa niyang kasama ay na natiling nakaupo at nanonood lang sa amin. Hindi ko alam kung bakit tila ba'y na walan ako ng kakayahan upang magsalita. Pakiramdam ko kapag nagsalita ako, mas l along lalala pa ang binabalak nila. Lumapit siya sa akin at sinundan ko ng tingi n nang nilapag niya sa gilid ang hawak niyang pulang sinulid na may itim na pape l sa dulo.

"M-Maawa ka sa akin.." sabi ko habang umiiyak. Ayoko pang... ayokong mamatay. Lu mapit ang isa niyang kasama at inabot sa kanya ang manika kong si Angel. Nginiti an niya ito habang tinitignan ang bawat detalye sa mukha ng manika ko. Umaatras ako habang nakaupo. Napatingin ako sa likuran ko nang napasandal ako sa malamig na pader. Muli ko siyang tinignan na para bang isang halimaw ang nasa harapan ko .

"Namimiss mo na ang manika mo diba?" takot na takot akong umiling sa kanya. "Huw ag kang mag-alala, Namimiss ka na rin niya. Kaya nga kasama natin siya ngayon eh ." Muli pa niyang sinabi at muling ngumiti. "At gusto kong magkasama kayo hangga ng sa kamatayan. " Umiling muli ako sa kanya. "Celina, oras mo na. Ang pulang si nulid diyan sa loob mo." Marahas niyang tinutok ang hintuturo niya sa dibdib ko.

"Puputulin ko na iyan." Napatingin ako sa isa niyang kasamahan nang may pinatug tog silang isang tugtugin. Nanlaki ang mga mata ko. Ito ang paborito niya. Ang t unog sa bawat malamig na nota ng piano. Hindi ako pwedeng magkamali.

Napapikit na lamang ako nang may kinuha siya sa kanan niya. Isang malaking kutsi lyo. Itinaas niya ito papunta sa nakahiga kong mga paa. Napapikit ako at sumigaw sa sobrang sakit. Nagpumiglas ako nang nakita ko ang putol kong paa na bahagyan g gumulong sa kaliwang parte ng silid dahil sa lakas ng pagkakaputol rito. Nangi nginig ang mga labi ko habang nagsisisigaw. Sinubukan kong lumayo sa kanya nguni t hinatak niya ang kaliwa kong kamay at kasabay nito ang muling pagtaas ng kanan niyang kamay upang putulin ito. Hindi ko maipaliwanag ang takot na nadarama ko ngayon. Gusto kong tumakbo. Gusto kong tumakas. Wala na akong kaliwang paa at ka may. Ramdam ko ang maiinit na luhang tuloy tuloy sa pagtulo. A-Ayoko na..

Dugo.

Napuno ng dugo ang pulang kwarto na ito. Unti-unti nang humihina ang tibok ng pu so ko. Napakasakit. Sa bawat hiwa, sa bawat putol. Halos mamanhid na ang buong k atawan ko dahil sa sakit. Hinubaran niya ako bago simulang hiwain ang dibdib ko hanggang sa tiyan ko. Hindi ko na kaya. Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata k o. Ngunit bago ako malagutan ay may lumapit na itim na pusa sa itaas ng katawan ko. Ramdam ko ang matutulis niyang ngipin na unti-unting kinakain ang laman loob ko. Alam kong ito na ang katapusan ko. Ngunit wala akong pinagsisisihan. Alam k ong mali ang lahat at iyon ang papanindigan ko hanggang sa dulo.

Saka ko naalala ang simula ng munti kong kasalanan sa kanya...sa kanila.

"Kawawa ka naman!" sabi ko sabay tawa sa kanya. Mas lalo ko pang nilakasan ang p ag-alog sa bag niya upang malaglag lahat ng laman nito. Narinig ko pa ang pagka basag ng isa sa mga gamit niya. "Oops my bad." Sabi ko sabay muli ng pagtawa. Na sa likuran ko ang halos lahat ng klase at paniguradong nabibingi na naman siya s a tawanan namin. Mas lalo akong tumawa nang nakita kong umiiyak siyang lumapit s a mga gamit na binagsak ko sa lapag. Nakita kong pinulot niya ang basag niyang maliit na pigurin.

"Sino bang baliw ang magdadala ng isang pigurin sa school?" sabi ng isa sa mga k aklase namin na tinawanan naman ng karamihan. Tinitignan ko lang siya. Na para b ang ang liit niya sa harapan ko. Ngumisi ako. Sinipa ko ang noo niya na naging dahilan ng pag-atras ng katawan niya at pagtama ng likuran niya sa mga paa ng is ang upuan. Wala siyang ibang ginawa kundi bumalik muli sa mga gamit niyang binag sak ko at muling kinuha ang bawat parte ng pigurin niya.

Napakatanga talaga.

Napatingin kami sa pintuan nang dumating sila Sapphire, Aislinn, Cyrus at Austin . Umupo lang sila sa mga upuan nila na hindi man lang binibigyan ng pansin ang k asayahan namin sa gitna. Hanggang sa napatingin sa amin si Aislinn. Tumayo siya at tinulungan sa pagkuha ng gamit ang tanga na nasa harapan namin.

"What are you doing Aislinn?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin nang masama. "I'm just trying to be human." Napairap ako sa sinabi niya. Dati pang pinapakulo nitong anghel na to ang dugo ko. Akala mo k ung sinong napakabait. Ngunit hindi ko siya mapatulan, nasa panig niya si Sapphi re. Ayokong bumangga sa isang matigas na pader. Tumayo siya at marahas na kinuha sa akin ang bag. Muli niyang tinulungan ang tanga sa paglagay ng mga gamit sa b ag nito.

Nakakairita talaga.

"Aislinn, bakit nakikigulo ka sa kalat ng mga yan?" napatingin ang lahat kay Sap phire nang nagsalita siya. "Bayaan mo sila, gusto lang naman nilang panindigan a ng pagiging mataas nila pero sa totoo lang, kauri lang nila ang kinakawawa nila. Tama ako diba?" tumingin siya sa amin nang masama kasabay ng tanong niya. Hindi ko talaga siya maintindihan. Kapag iba, nagagalit siya. Pero kapag siya, ayos l ang. Nakita kong umalis sa likuran ko ang mga kaklase ko at umupo sa mga upuan n ila.

Nakakainis. Pinapakulo talaga ng dalawa to ang dugo ko. Napasipa ako sa inis. Tu mingin ako nang masama kay tanga na kasalukuyang kinakausap ni Aislinn. May araw din kayo sa akin.

Lumabas ako ng classroom. Napatingin ako nang pumasok siya papunta sa loob. Hawa k-hawak ang mga librong hiniram niya siguro sa library at tuloy tuloy sa loob na hindi man lang lumilingon sa akin. Tsss. Mga walang kwenta. Nilabas ko sa bulsa ng jogging pants ko ang cellphone ko nang naramdaman kong nag-vibrate ito. Napa ngisi ako.

Isang video na dadagdag sa apoy na sinimulan nila. --------------------------------------------x

- A U T H O R ' S

N O T E -

MEDYO PARANOID LANG YUNG IBA. I guess, yung ibang hula ay lumalayo sa kwento. H indi po si Ash o taga-ibang 3-C ang ibang characters diyan. Walang nagpa-retoke at nag-iba ng mukha. Basta ang lahat ng nandiyan ay simple lang. :) Ayon. At kun g nasa Laketon pa ba sila Ash? Wala na po. Hindi sila in disguise o ano, hindi t eleserye ang ginagawa ko. Charauuught lang. YUNG PACKAGE THINGY. Di ko alam kung may gumawa na ganyan sa wattpad (kasi di ak o masyadong nagbabasa ng mga ganitong story sa wattpad, wala kasi akong ma-sight lalu na bet kong story) Kung meron man, edi meron. Salamat sa pagbabasa! Comment your opinion/reaction guys! :*

//Pasensiya na kung di ako nakakapagreply sa lahat ng comments. Promise, ta-try ko sa susunod pati rin yung mga tanong at kung ano ano. :)))

******************************************* [7] C7: Embrace your iniquity. ******************************************* "Confession is always weakness. The grave soul keeps its own secrets, and takes its own punishment in silence."

(original quote by an American journalist, Dorothy Dix)

VOTE / COMMENT / FAN (FOLLOW) --------------------------------------------x

SAPPHIRE'S POV

"TEKA lang Sapphire!" Narinig ko ang boses ni Austin. Lumingon ako sa kanila na nakasimangot. Hindi ko maintindihan ang lahat. Sigurado akong patay na si Hanako . Kitang-kita ng mga mata ko. Sinabi na rin ng mga pulis at mga eksperto na pata y na nga siya. Ngunit, anong tong mga nanyayari?

Ginagamit lang niya ang pangalan ni Hanako. Sigurado ako. Kung sino man siya, ti natakot lang niya kami. Gusto lang niya kaming lituhin. Napakagat ako ng labi da hil sa inis. Habang mas iniisip ko, mas lalong gumugulo.

"Ano bang gagawin mo? Mas lalala lang ang sitwasyon kung sasabihin mo kay Mr. La keton!" sigaw sa akin ng isa sa kanila. Tumingin ako nang masama sa nagsalita. S ino siya para diktahan ako?

"Bakit? Kapag ba hindi ko sinabi, hindi lalala? Tanga ka ba? " pumameywang ako h abang lumalapit sa kanya at tinitigan siya mula ulo hanggang sa paa. "Dalawa na ang namamatay. Sa tingin mo, ganun lang yon? Sa tingin mo, kaya ng klase natin? " napayuko siya. Umirap na lang ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Naramda man ko ang isang mabigat na kamay sa braso ko.

Si Cyrus.

Napatingin ako sa kanya. Pipigilan din ba niya ako?

"Sasamahan kita." Ang sabi niya. Kusang pumorma sa mga labi ko ang isang matamis na ngiti. Naglakad kami papunta sa kabilang building. Nang nakatapat na kami sa pintuan ng opisina ni Mr. Laketon, kumatok ako ng tatlong beses. Ilang minuto b ago may nagbukas ng pintuan.

"Blake?" pagbanggit ko sa pangalan niya. Sumenyas siya sa amin upang tumuloy kam i sa loob ng opisina. Nanatili siyang nakatayo at nakangiti sa amin. Hindi pa ri n siya nagbabago. Mukha pa rin siyang gago sa paningin ko. "Bakit ka nandito?" t anong ko sa kanya. "Anong ginagawa mo sa opisina ni Mr. Laketon?"

"May pinapaasikaso sa akin si Mr. Laketon, nagkataon na nandito ang pinapahanap niya." Napakunot ang noo ko. Hindi ako dapat mag-alinlangan nang ganito. "Kayo, bakit kayo nandito?" Muli kong naalala ang sadya ko. Tumingin ako kay Cyrus, um iling siya. Mukhang alam ko na ang pinaparating niya.

"Wala. Si Mr. Laketon lang ang dapat makaalam ng mga sasabihin namin. Sabihan mo na lang ako kapag nandito na siya." Tumalikod na kami ni Cyrus at handa nang lu mabas sa loob ng opisina nang biglang nagsalita si Blake.

"Hindi ka pa rin nagbabago Sapphire." Mahina niyang sinabi. Napalingon ako sa ka nya. Hindi siya nakatingin sa akin bagkus ay nakatuon ang pansin niya sa isang l ibro. Sinara niya ito at may kinuhang litrato sa pagitan ng mga pahina. "Masyado ka pa ring padalos-dalos." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay s aka siya tumingin sa akin. Nakakainis talaga ang taong ito. Akala mo kung sinong napakatalino para pangaralan ang lahat. Pero nasanay na ko sa kanya... sanay na sanay na.

"Wag na tayong maglokohan dito Blake, kung tutuusin, mas tanga ka kaysa sa akin. " Ngumisi ako sa kanya. Napatingin sa akin si Cyrus, bigla niyang hinawakan ang kanan kong kamay. Mukhang hindi niya nagugustuhan ang nanyayari. Walang paalam k aming lumabas ng opisina. Nagsisunuran ang mga kaklase namin nang babalik na kam i sa classroom. Nagbubulungan at tila ba nagtataka sila kung bakit ang bilis nam in sa loob ng opisina ni Mr. Laketon. Hindi namin sila pinapansin. Pagkapasok na pagkapasok namin sa room, sinalubong agad ako ni Katherine at Aislinn.

"Anong nanyari?" sabay nilang tanong. Umiling lang ako tsaka nagsalita.

"Wala sa opisina si Mr. Laketon, gusto kong ipakausap si papa sa kanya pero kapa g nalaman ni papa ang mga nanyayari, siguradong may manyayaring mas masama kaya hihintayin na lang natin na lumitaw si Mr. Laketon." Sabi ko sa kanila. Tuloy-tu loy ako sa upuan ko at umupo. Bigla kong naalala ulit si Hanako. Nakakainis. Pat ay na nga siya, ginugulo pa rin niya ang buhay ko... namin. Itinaas ko ang kanan g kamay ko at hindi ko namalayan na kinakagat ko na pala ang mga kuko sa mga dal iri ko.

"Ayan ka na naman sa mannerism mo." Umupo sa katabing upuan si Aislinn. Bulunga n. Rinig na rinig ko ang bulungan ng bawat isa... si Hanako. Tumingin ako kay Ai slinn. Binaba ko ang kanang kamay ko at malakas kong hinampas ang mesa. Natahimi k ang lahat at napatingin sa akin. Kahit si Ms. Maeganne na balisang balisa sa h arap dahil sa nalaman niyang pagkamatay ng isa pa naming kaklase ay napatigil at tila ba'y nagulat sa ginawa ko. Galit na galit akong tumingin sa pinakadulong u puan sa unang hilera. Ang upuan ni Hanako. "A-Ano ba Sapphire?" tanong sa akin n i Aislinn. Nilapitan ako ng iba kong kaklase ngunit tinitigan ko sila ng masama upang lumayo sa akin.

"Don't mind me Aislinn. Kailangan ko lang mag-isip." Tumayo ako at lumabas. Hana ko.. puro Hanako. Nakakarindi na. Nakakasawa. Tuloy tuloy ako sa hagdanan papunt a sa rooftop. Kailangan kong makalanghap ng preskong hangin. Bumuntong hininga ako bago umupo sa gilid ng pintuan. Yumuko ako at muling naalala ang huling sand ali na nakausap ko si Hanako bago ko siya makitang nakabigti at wala ng buhay.

"Sapphire... kailan mo ba ako mapapatawad?" tumingin lang ako nang masama kay Ha nako habang sinasambit niya muli ang mga katagang palagi niyang tinatanong sa ak in. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko, dito sa rooftop. Lumuluha at hinahangin ang maikli niyang buhok. Pumameywang ako sa kanya.

"Hindi naman kita kailangang patawarin Hanako. Hindi mo kasalanan pero dahil hin di ka nakinig sa akin, wala na kong magagawa. Binalaan kita. Sinabihan kita. Sin abi ko sayo ang kahihinatnan kung papayag ka sa desisyon na yon. Pero anong gina wa mo?" napasimangot ako habang pinipigilan ang pagluha. "Hindi mo ko sinunod... pero tulad ng sinabi ko, hindi mo kasalanan."

Lumapit siya ng ilang hakbang sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang lumuhod siya .

"Sapphire... parang-awa mo na, tapusin na natin ang gulo na to." Napangisi ako. Hindi ko alam kung manhid ba ako pero ayos na sana nung lumuhod siya, sablay nga lang nung nagsalita siya. Ito ang mahirap kay Hanako. Masyado siyang mahina.

Nakakairita ang mga taong mahihina.

"Wala akong mapapala sa usapan na to. Simula palang ng klase Hanako, wag mo akon g galitin. Hindi mo magugustuhan ang mga pupwedeng kong gawin." Tumalikod na ako sa kanya at binuksan na ang pintuan pababa ng rooftop.

"Sapphire." Napatigil ako nang tinawag niya ang pangalan ko. "Naalala mo ba ang sinabi ko dati? Noong tinanong mo yung kahilingan ko... naalala mo ba?" Hindi ak o sumagot. Kahilingan? Wala akong matandaan. "Gusto kong maging ikaw Sapphire." Kinilabutan ako sa narinig ko. Gusto niyang maging ako? Kalokohan.

Ngunit nakakatawa dahil bago nanyari ang lahat ng ito... hiniling ko rin na magi ng si Hanako na lang ako.

Napatingala ako sa langit. Muli akong bumalik sa realidad. Kung nakikita pa rin ba ako ni Hanako ngayon, gugustuhin pa rin ba niyang maging ako? Kung naririnig lang niya ang bawat pag-iyak ko gabi-gabi, kung alam lang niya lahat ng pinagdaa nan at kulang sa buhay ko... gugustuhin pa rin ba niyang maging ako?

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Napatayo ako saka ko nakita si Cyrus na naka tayo sa tabi ko. Ngumiti siya sa akin. "Nandirito ka lang pala. Pinapahanap ka n a ng adviser natin. Open forum daw." Hinawakan niya ang kamay ko. Maglalakad na sana siya palabas ng pintuan kasama ko ngunit may kung ano sa sarili ko na hindi ko maintindihan. Ngayon ko lang naramdaman ito... ang makonsensiya.

"Cyrus." Hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kamay niya nang sinambit ko ang pa ngalan niya. Tumingin lang siya sa akin at ngumiti."Bakit Phire?" tugon niya.

"Kapag ba, nalaman mo ang sikreto ko... ganun pa rin ba ang trato mo sa akin?" n apatingin ako sa baba dahil sa sinabi ko. Biglaan ko lang naisip. Paano kung mal aman niya? Ang dahilan... ang pinagmulan.. kung bakit at kung papano. Ganun pa r in ba ang tingin niya sa akin?

"Kahit ano pa yan. Hindi magbabago. Kilala kita Phire, hinding hindi ka gagawa n g isang bagay kung walang katanggap-tanggap na rason." Ngumiti siya sa akin. Ina lis niya ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko ko at hinaplos ang pisngi ko . Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya hanggang sa magdikit ang mga noo namin . "Kaya nga mahal kita diba?" bulong niya at pagkatapos ay itaas nang bahagya an g ulo niya upang marahang halikan ang noo ko.

Napangiti ako ngunit hindi ko maiitanggi na hindi ako sang-ayon sa sinabi niya. Mali ang ginawa ko. Mali ang naging reaksyon ko. Mali lahat ng ginawa ko dati. N gayon... unti-unti ko nang naiintindihan. Unti-unti ko nang nauunawaan si Hanako .

Ako ang dapat humingi ng tawad kay Hanako.

SANDRIA'S POV

Umupo ang karamihan nang maayos habang kabadong-kabadong nakatingin sa adviser n amin na nasa harapan. Ngunit mas lalo ata kaming kakabahan lalo na kapag tinigna n namin ang halos mabaliw na adviser namin na hindi na alam kung ano ba ang dapa t gawin. Napatingin ako sa likurang parte ng silid. Ang tanging hindi kabado lan g ay si Luna, Spade at si Harvey. Parang wala lang sa kanila.

"Sandria." Tumingin ako kay Raphael. "Sigurado ka bang sulat-kamay ni Hanako yun g nasa papel?" tanong niya sa akin. Tumango ako. Tinignan ko ang kapirasong itim na papel na nasa itaas ng mesa ni Ms. Maeganne.

"Katulad na katulad ang sulat-kamay ni Hanako. Pero maaring ginaya lang kaso wal a tayong sapat na ebidensiya." Tumango-tango siya nang dahan dahan at tumingin m uli sa itim na papel. Nakakapagtaka. Kung patay na si Hanako... bakit parang kon ektado sa kanya ang lahat ng nanyayari? Napapaisip din ako.

Paano kung buhay nga talaga si Hanako?

"Ikaw, ano sa tingin mo.." tumingin ako sa kanya pagkasabi na pagkasabi ko ng mg a katagang iyon. Muling nabaling ang atensyon niya sa akin. "Patay na o buhay pa si Hanako?" Sandali siyang nanahimik. Sanay na ako kay Raphael, mahilig siyang mag-isip. Si Raphael ang tipo ng tao na alam ang malaking pagkakaiba ng panahon

para sa biruan at panahon para sa mga seryosong bagay. Humahanga ako sa kanya sa bagay na iyon.

"Patay na siya." Napatingin siya sa ibaba. May kakaiba sa tono ng pananalita niy a pati ang pinapahiwatig ng mga mata niya. "Hindi pwedeng mali ang nakita ng mga mata natin. Sigurado akong patay na siya." Sa pananalita niya parang... dati pa niyang hinihiling na mamatay si Hanako.

Magsasalita pa sana ako ngunit nabaling ang atensyon ko nang pumasok si Cyrus at Sapphire. Napatingin muli ako kay Raphael, umalis na siya sa katabing upuan at lumipat sa tamang upuan niya. Hindi ako papatahimikin ng kuryusidad ko. Hindi ko kayang manahimik na lang hangga't may napapansin ako mali. Gusto kong alamin. G usto kong malaman.

"Let's start." Malalim na bumuntong hininga muna si Ms. Maeganne bago nagpatuloy . "Alam kong walang aamin pero susubukan ko pa rin. Kung meron man dito, ang nak akaalam kung bakit nanyayari ang mga bagay na ito at kung sino ang may pakana. I taas ang kamay."

Nabingi ang lahat sa katahimikan.

Hanggang sa nagtaas ang isa naming kaklase ng kamay. Sinundan siya ng tingin ni Ms. Maeganne, pati ang atensyon ng buong klase ay nasa kanya. "Si Hanako po. Mal aki ang posibilidad na si Hanako ang mga gawa nito. Siya lang po ang may dahilan ." Mas lalong lumakas ang bulungan sa buong klase. Muli na namang pinag-uusapan si Hanako at ang possibilidad na buhay siya.

"Hindi ba... patay na siya?" ang tanong ni Ms. Maeganne.

Nagtaas si Katherine ng kamay. "May gamot na ininom na nagpapatigil sa pagtibok ng puso. Hindi po ako sigurado pero narinig ko na may ganyan po. Tsaka nawawala ang bangkay... hindi ba nakakapagtaka yon? Pati ang mga pulis hindi malaman kung nasaan ang bangkay ni Hanako." Isa pa ang pagkawala ng bangkay niya ang tanong sa isipan ko. Nasaan ang bangkay ni Hanako?

Galit na galit na tumayo si Cyrus. Kitang - kita ko na kanina pa niyang pinipigi l ang pagkairita niya. Siguro dahil si Hanako na naman ang usapan. Ang babaeng k inawawa ng grupo nila dahil sa isang walang kwentang pustahan. "Tangina naman. P uro Hanako! Hindi ba kayo nagsasawa? Patay na siya! Huwag kayong magtanga-tangah an!"

"Calm down, Mr. Ortega." Sabi ni Ms. Maeganne. Napatingin ako sa adviser namin n

ang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang nakita niyang nagtaas ng kamay si Sapphire. Lalo na ang mga mata niya. Na para bang nangungulila.

"Sa tingin ko, hindi si Hanako ang gumagawa ng lahat ng ito. Kahit nga isang mal iit na gagamba, hindi kayang patayin nun eh. Pinaglalaruan lang tayo ng may paka na nito. Tinatakot lang niya tayo kasi alam niyang tayo ang dahilan ng pagpapaka matay ni Hanako." Nanahimik siya ng ilang segundo at tsaka nagsalita muli. "Gina gamit lang niya ang pangalan ni Hanako para pumatay."

"Sigurado ka?" Sa wakas, narinig ko rin ang mababa at walang kaemo-emosyong bose s ni Luna. Hindi siya tumayo bagkus ay umupo lang siya na nakaharap kay Sapphire . "May mga kilala akong mga tao na hindi mo akalain na makakagawa ng isang karum al-dumal na bagay. Mga taong tinatago ang baho." Pumameywang si Sapphire habang nakatingin kay Luna. Isang senyales na hindi niya nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig ni Luna. "Gaano mo ba kakilala si Hanako?" Kitang kita ko ang reaksyon sa mukha ni Sapphire, nanlaki ang mga mata niya dahil sa pagkagulat. Pinagmamas dan ko lang siya, paniguradong may ibig sabihin ang pagkagulat niya. Gaano ba ni ya kakilala si Hanako?

Sa pagkakaalam ko, biglaan na lang ang lahat. Biglaan nilang pinagtulu-tulungan si Hanako. Hindi normal na nakikisali si Sapphire sa mga pambubully pero nung ka y Hanako, paminsan-minsan ay siya pa ang nangunguna. Hindi ko talaga maipaliwana g ang ugali ni Sapphire mula pa nung umpisa. Isa ako sa mga taong kahit anong pa gmasid at pag-obserba ang gawin sa kanya ay hindi ko pa rin makilala siya nang l ubusan. Masyado siyang kakaiba.

"What do you mean?" tugon ni Sapphire habang halata na nagpipigil lang ng galit.

"Hindi ka ba marunong makaintindi? Simple lang ang sinabi ko-" hindi na naipagpa tuloy ni Luna ang sasabihin niya nang pinigilan siya ni Ms. Maeganne. Umirap lan g siya at mas tumindi pa ang pagsimangot dahil sa ginawa ng adviser namin.

"Tama na. Maayos nating gawin ito." Napa-buntong hininga muli si Ms. Maeganne. H awak hawak niya ang itim na papel. "Kung wala sa inyo ang nakakaalam, mayroon ba ng gustong ibigay ang sinasabi nitong nasa papel?" Itinaas niya ito. Tahimik lan g ang lahat."Babasahin ko ah." Sabi pa niya. "He lies, She died, He yearns and S he remembers."

Nagtaas ako agad ng kamay kasabay ng pagtayo ko. "Hindi ako sigurado ngunit dala wa lang ang naisip ko patungkol sa mga nakasulat na yan. Maaring iba't-ibang tao ang tinutukoy sa bawat panghalip. Isang nagsisinungaling, isang namatay, isang naghahangad at isang nakakaalala o maaring dalawang tao lamang ang tinutukoy. Is ang babae at isang lalaki." Umupo ako pagkatapos kong magsalita. Sa ngayon, iyan lang ang naiisip ko.

"Pwede ring binibigay na diyan ang mga katauhan ng mga pumapatay." Biglang sabi ni Raphael. "Maaring iyon nga." Sabi niya na para bang naliwanagan. "Katulad ng sinabi ni Sandria, isang nasisinungaling, isang namatay, isang naghahangad at is ang nakakaalala."

"Apat? Ang dami naman nila." Sabi pa ng isa naming kaklase.

"Hindi pa tayo nakakasigurado pero mas maganda na mag-iingat kayong lahat. Dalaw ang kaklase nyo na ang namamatay. Kung hangga't kaya nyong umuwi ng maaga, magpa sundo kayo at palagi kayong may kasama... gawin nyo. Hangga't hindi natin nalala man kung sino ang may pakana ng lahat ng ito, hindi tayo matatahimik. Alam kong takot na ang karamihan sa inyo." Sabi ni Ms. Maeganne. "Ngunit-" Nabaling ang at ensyon ng lahat nang may tumunog na cellphone. Napatingin kaming lahat kay Spade .

Inilabas niya ang phone niya at napatingin sa screen nito, ngumisi siya. Kinuha niya ang bag niya at sinabit sa likuran. Tumayo siya at malapit na sa pintuan ng kwarto. "Aano ka Mr. Young? Bakit mo dala-dala ang bag mo?" tanong ni Ms. Maega nne sa kanya.

Hindi niya pinansin ang adviser namin. May pinindot siya sa screen ng phone niya at sinagot ang tawag bago man lang lumabas ng classroom. Isa siyang transferee. .. tama naman akong pinagkakatiwalaan ko siya diba? Ngunit nagdadalawang-isip na ako ngayon dahil nararamdaman kong...

...may tinatago si Spade sa buong klase. --------------------------------------------x

- A U T H O R ' S

N O T E -

INIQUITY means immoral or grossly unfair behavior. SI SANDRIA PO ANG NASA .GIF SA GILID ---> Salamat sa pagbabasa! Voice out your opinion guys :** Silent readers, come out, come out, wherever you are. :) ******************************************* [8] C8: Ballad of Death. *******************************************

"To remember is... to regret."

VOTE / COMMENT / FAN (FOLLOW) --------------------------------------------x

KATHERINE'S POV

MAS lalong natahimik ang buong klase sa pag-alis ni Spade. Hindi ko alam kung ba kit pero parang may mali sa bagong estudyante na iyon. May kakaiba akong nararam damang kaba sa kanya. Bumuntong hininga si Ms. Maeganne at para bang nag-ipon mu na siya ng lakas ng loob upang muling magsalita. Panigurado, nainis siya sa inas al ni Spade, sino ba naman ang hindi?

"Sige, kailangan ko na ring umalis. Tandaan nyo lang ang mga babala ko, mag-inga t tayong lahat." Ang huli niyang sinabi bago niya tuluyang lisanin ang kwarto. N apa-buntong hininga rin ako. Minsan, naisip ko rin na lumipat ng eskwelahan pero hindi maari. Kung pwede lang sana, matagal na kong umalis rito. Isang malaking hawla ang Laketon Academy para sa karamihan. Isang nakakatakot na hawla na punon g-puno ng mga hindi maipaliwanag na nilalang.

Kung saan man nila nilagay, sinunog o binaon ang mga kahong natanggap namin pati na rin ang ulo ni Celina ay hindi ko na rin alam. Masyadong mabilis ang mga pan yayari. Naniniwala akong si Hanako lang ang may pakana ng lahat ng ito. Base sa mga narinig ko sa kanya bago kami magbakasyon noong 1st year pa lamang kami... s igurado akong siya... siya ang may gusto ng lahat ng nanyayari ngayon.

"H-Hanako?" pumasok ako sa loob ng classroom. Batid ko na si Hanako ang palaging nasa loob ng classroom kapag uwian na. Tinignan ko ang suot kong puting relo, 6 :05 pm. Tuwing 7:00 pm sinasarado ng mga guwardiya ang mga classrooms kaya maram i pa akong oras para kuhanin ang mga naiwan kong mga libro.

Tinignan ko si Hanako na nakaupo sa isang sulok ng classroom. Nakayakap siya sa mga tuhod niya habang nasa tabi niya ang bag niya. Tumingin siya sa akin, tingin na para bang isa siyang nawawalang tuta na walang mapupuntahan sa gitna ng mala kas na ulan. Natatakot man akong lumapit sa kanya ngunit hindi ko napigilan ang mga paa ko. Nakakaawa talaga siya. Kung makikita ako ni Sapphire ngayon, sigurad ong kanina pa niya ako sinigawan.

"W-Wag kang lumapit." Mahina niyang sinabi na naging dahilan ng pagtigil ko sa p aghakbang. "Nakita mo na rin diba? Alam mo na diba?" tumingala siya sa akin haba ng tuloy tuloy ang pag-iyak at paghikbi niya sa pagitan ng mga sinasambit niyang mga salita. "Huhusgahan mo rin ba ako? Ganun ka rin naman diba Katherine?" Umil ing ako at sinubukan kong lumapit pa sa kanya ngunit siya naman ang lumayo sa pa mamagitan ng pag-usog habang nakaupo. "Ayoko sa inyo. Mga demonyo kayong lahat!

B-Bakit ba ganito kayo sa akin?!" Sa pagtayo niya mga mata niya... ngayon ko lang nakita si Hanako ng ito... sa huli, kayo rin ang iiyak, manlilimos a akin!" Pasigaw niyang sinabi sa akin kasabay ng pagtakbo palabas ng classroom.

ay kitang-kita ko ang galit sa na ganito. "Tandaan nyo lahat ng awa at hihingi ng patawad s pagkuha niya sa gamit niya at

Nang umalis na siya ay napako ang tingin ko sa isang bakal na naiwan sa kinauupu an niya. Agad akong yumuko upang kuhanin ito. Isang krus na bakal. Medyo... mai nit pa ito ngunit kaya namang tagalan ng mga kamay ko ang init. Kinuha ko ito at lumapit sa upuan ko upang kuhanin ko rin ang mga naiwan kong mga libro. Tumakbo ako palabas upang habulin si Hanako at ibigay sa kanya ang krus na bakal niya n gunit sa pagbaba ko ng hagdanan... nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan ko.

Impossible. Bakit niya kasama si Hanako?

"Hoy Katherine!" bumalik ako sa realidad nang narinig ko ang sigaw ni Sapphire. Nakapameywang siya sa harapan ko. Napatayo naman ako kaagad. "P-Pasensiya na Sa pphire, lumipad lang ang isipan ko." Tinaasan niya ako ng kilay at ngumiti. "May isip ka pala Katherine." Nagtawanan sila. Nakisali rin ako sa sa tawanan. "You' re no fun Katherine. Aalis kami, wag kang susunod. Okay?" Ngumiti ako at tsaka t umango. Hindi ko alam kung bakit kapag si Sapphire ang nagsasabi sa akin ng mga ganyan ay hindi ako nasasaktan o kahit nagagalit man lang. Siguro dahil kilala k o na talaga siya. Alam kong hindi niya layunin na ipahiya ako, ganun lang talaga siya.

Lunch break na pala. Hindi ko man lang namalayan. Katulad ng kanina, naguusap-us ap pa rin ang mga kaklase namin patungkol sa mga nanyayari. May ilang estudyante na naiwan sa loob ng classroom. Marahil ay may mga lilipat na naman paalis sa L aketon Academy. Simula ng nanyari iyon sa dating batch ng 3-C, palagi na lang ma y takot sa bawat estudyante rito lalo na sa section ng C.

Tumatakbo ang oras. Lumilipas ang mga araw. Pumikit ako nang sandali at tsaka mu ling dumilat. Ano na naman kaya ang manyayari sa susunod? Kung si Hanako talaga ang may pakana nito... maaring ako na ang isusunod niya.

Ayoko pa.

Hindi ko pa kayang mawala. Tumayo ako at lumapit sa pintuan. Simula nang araw na iyon, simula nang nakita kong kasama niya si Hanako. Hindi ko man sinasadya... nagkasala ako kay Hanako. Mula noong nalaman ko ang isa sa mga sikreto niya... p ara bang naging katulad na rin ako nila Cyrus. Hindi ako nakakatanggi kay Sapphi re... hindi ko sinasadya.

Pinihit ko ang doorknob at lumabas ako. Dumiretso ako sa comfort room. Pagkapaso k na pagkapasok ko roon ay tumayo agad ako sa harap ng malaking salamin at tinig nan ang sarili ko. Pilit akong ngumiti ngunit agad itong napalitan ng simangot. Yumuko ako upang buksan ang faucet at maghilamos. Sa pagtingin ko muli sa salami n ay nasindak ako sa paglitaw ni Luna sa tabi ko. Pinupunasan niya ng tissue ang mga kamay niya at naghilamos rin katulad ko.

"Hindi ko namalayan na dumating ka pala." Ang sabi ko sa kanya kasabay ng isang ngiti. Inilabas ko ang panyo ko upang punasan ang basa kong mukha. Napatingin ak o sa kanya nang natapos ako sa pagpupunas. Hindi pa rin pala nawawala ang tingin niya sa akin. "B-Bakit?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Marami ka rin naman alam tungkol sa nanyari kay Hanako diba?" napayuko ako nang narinig ko ang tanong niya. Halatang-halata sa kanya ang sobrang kuryusidad niy a sa mga nanyari talaga. Muli siyang nagsalita, "Ano yung laro? Ano yung pustaha n? Anong nanyari sa kanya?" dahan-dahan akong tumingin sa mga malalamig niyang m ga mata.

Naalala ko sila Sapphire. Naalala ko ang buong klase. Naalala ko si Hanako. Umil ing ako bago tuluyang magsalita. "Hindi maari Luna. Hindi ko alam buong storya, wala akong karapatang magsalita. Ngunit ang masasabi ko lang, walang may gustong mamatay si Hanako nang ganun na lang. Para sa kanila, katuwaan lang ang lahat n g iyon." Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi ko pa rin mabasa ang ekspresyon niya sa mukha.

"Isang tanong na lang." Ramdam na ramdam ko talaga sa boses niya ang pagkadesidi do niya sa paghahanap ng kasagutan. "Nung inatake si Sapphire ng phobia niya... totoo bang iyon ang unang beses na inatake siya? O nanyari na rin ito dati?"

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat.

"H-Hindi ko alam. Mauna na ko Luna." Dali-dali akong lumabas ng comfort room at dumiretso sa classroom. Hindi pupwede... ayokong mabunyag ang sikreto ng klase.

SANDRIA'S POV

"Sabay na tayo." Lumingon ako kay Raphael nang biglaan siya tumabi habang naglal akad ako palabas ng Laketon Academy. Nginitian ko lang siya. Hindi rin naman ka si ako sanay na mapag-isa kasama ng isang lalaki. Pero doon sa Spade na yon, iba . Ewan ko lang siguro dahil iba lang talaga ang ugali ni Spade, mas palakaibigan siya.

Nakatingin lang ako kay Raphael habang hawak hawak niya ang isang strap ng bag n iya sa kanang balikat niya. Lihim akong napangiti. Ito ang unang beses na natiti gan ko siya nang ganito kalapit. Huminto siya sa gilid at kita kong nilapitan ni ya ang bisekleta niya.

"Tara." Tawag niya sa akin. Napaatras naman ako, oo nga pala, ngayon ko lang naa lala na bisikleta pala ang sinasakyan niya papunta at pauwi. Umiling ako sa kan ya. "Bakit?" tanong niya sa akin. "Takot kasi akong sumakay sa bisikleta. Sige, mauna na lang ako." Tugon ko sa kanya kasabay ng paglakad ko palabas.

Mahigpit kong hawak ang magkabilang strap ng bag ko nang muli siyang lumitaw sa tabi ko. Napahinto ako. "Itutulak ko na lang ito para sabay tayo." Ang sabi niya habang nakangiti. Tumango na lang ako. Sa pagkakaalam ko, may kalapitan ang mga bahay namin sa isa't-isa. Kaya nga kayang kaya naming lakarin mula sa bahay nam in hanggang sa Laketon. Hindi katulad ng iba na may naghahatid pang kotse.

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa basagin ko ang katahimikan sa pagitan namin ni Raphael. "Hindi ba nagta-trabaho ka?" tanong ko sa kanya. Nabalitaan k o rin kasi na dahil sa kahirapan, halos si Raphael na raw ang nagtataguyod ng pa milya nila kasabay ng libreng pagpapaaral sa kanya ng Laketon Academy.

"Ah. Oo. Tuwing Lunes hanggang Biyernes, gumigising ako ng alas tres at nagiging kargador sa palengke, may kalayuan sa atin pero ayos na rin ang kita para sa da lawang araw. Tapos may isa akong part-time job tuwing sabado't linggo." Tuloy tu loy niyang sinabi. Tumango-tango muli ako upang maipalaam na naintindihan ko ang lahat.

"Hindi ka ba nahihirapan?" nang pagkatanong na pagkatanong ko sa kanya, tumawa s iya nang mahina ngunit maganda sa pandinig.

"Hirap na hirap." Sabi niya sa akin ngunit malapad pa rin ang ngiti sa mga labi. "Pero sulit naman, at least, hindi kami nagugutom." Kumurba ang mga mata niya h abang nasa labi pa rin niya ang ngiti na iyon. Tama nga ako, lubha siyang kahang a-hanga. "Ikaw? Hindi ba scholar ka rin?"

Tumango ako bago sumagot. "Gumagawa ng mga orasan ang tatay ko. Halos puro orasa n nga ang naririnig ko kapag dumadaan ako sa kwarto niya. Medyo maayos naman ang pamumuhay namin kaso ayon nga, yung pag-aaral ko lang ang problema." Ngumiti ak o bago nagpatuloy. "Kaya nga isang malaking bagay na ang pag-aaral ko sa Laketon , lagi ngang pinagmamalaki ng nanay ko sa mga kapitbahay na nag-aaral ako sa isa ng mayaman at isa sa mga prestihiyosong paaralan sa buong Pilipinas."

"Alam mo, ngayon ko lang narinig kang magsalita nang ganyang kahaba." Sabi ni Ra phael ngunit nakatingin lang siya nang diretso sa daan. Ramdam ko ang hangin na dulot ng mga mabibilis na sasakyan sa gilid ko habang napatigil ako sa sinabi ni ya. Oo nga noh? "Madalas kasi, tahimik ka lang at pili lang ang mga taong kinaka usap mo. Kaya nga pakiramdam ng ilan sa amin, ilag ka sa aming lahat pero nakaka tuwa na kinausap mo ako nang ganyan." Ngumiti siya saka nagpatuloy sa paglalakad habang hatak-hatak ang bisikleta niya. Napangiti na lang ako saka muling naglak ad upang makahabol kay Raphael. Tama nga siya.

"Sige, dito na lang ako." Sabi ko habang nakatayo sa kanto. "Medyo maglalakad pa kasi eh, mauna ka na." Dagdag ko pa. Ngumiti si Raphael at nagpaalam sa akin. Pagkatalikod na pagkatalikod ko, may nakita ako sa gilid ng mga mata ko na isang lalaking dumaan na nakasuot ng itim na jacket, pantalon at itim na sapatos, nak abulsa ang dalawa niyang kamay at nagmamadaling naglalakad. Muli akong lumingon.

Hindi kaya.... Hindi kaya... sinusundan niya si Raphael?

Tumakbo ako papunta sa direksyong tinahak ni Raphael ngunit hindi ko na siya mak ita. Hindi ko alam kung saang kalye ang bahay nila. Ngunit sinubukan ko pa ring halughugin ang lahat ng pupwede niyang puntahan. Hingal na hingal ako sumandal s a pader, hindi pupwede. Hindi ko alam kung san siya hahanapin.

Sana... sana nga mali ako.

CYRUS' POV

"Tangina, ang tagal naman ni Harvey at Austin." Gigil na gigil kong sinipa ang p oste sa tabi ko. 7pm na, wala pa rin yung mga gago. Umangakas ako sa motor ko at balak na sanang umuwi, walang kasama sa bahay si Paula. Uulanin na naman ako ng sermon ng mga magulang ko. Papaandarin ko na sana ang motor nang dumating si Au stin. Tinanggal niya ang helmet niya at hingal na hingal na lumapit sa akin.

"Pre, tubig nga." Agad niyang kinuha ang tubig sa bag ko at nilagok ang laman ni to. Nakapatong ang dalawa niyang kamay sa magkabila niyang tuhod at hinahabol pa rin ang hininga. "Ano bang ginawa mo ha? Gago ka talaga no? Hindi mo ba alam na isang oras na kong naghihintay rito?!" sigaw ko sa kanya.

"Tangina pre, kakatext mo lang. Wala pa ngang 30 minutes, masyado ka lang mainip in. Nagmadali pa nga ako eh. Pahamak ka talaga kahit kailan no?" reklamo niya.

"30 minutes at isang oras. Pareho lang yon!" sumandal rin ako sa motor kagaya ng ginawa niya. "Asan na ba si Harvey?" tanong ko sa kanya, nagkibit balikat lang siya. Saka ko narinig ang isang parating na motor, sa wakas, narito na rin ang p inakagago.

"Oh kamusta mga pre? Anong meron?" tanong ni Harvey pagkalapit na pagkalapit nit o. "Nasan si Raphael?" tanong pa niya.

"Tanga ka talaga no?" sabi ni Austin sa kanya. "Sa tingin mo, sasama si Raphael sa atin sa ganitong oras? Mas abala pa nga ata yon kaysa sa nanay at tatay mo eh ." Nagbatukan sila pagkatapos sabihin ni Austin iyon.

"Tumahimik nga kayo. Nandito tayo dahil inaaya tayo nung gagong Rico sa Wilward Academy. Hindi ata natuto nung isang buwan. Balak pa atang ma-confine na sa Ospi tal." Sabi ko habang nakasandal pa rin sa motor ko.

Nakadalawang sigarilyo na kami nang may dumating na isang itim na kotse. Aba, ma s naging mayabang ata yung Rico na yon at nagdala pa ng kotse. "Ululan pala to e h." Narinig kong komento ni Harvey. Tumigil ang itim na kotse sa harapan namin. Lalapit sana si Harvey ngunit piniglan ko siya. Iisang tao lang ang laman ng kot se at sa layo namin, hindi ko lubusang makita kung sino iyon pero sigurado akong hindi si Rico ang taong iyon basta ang alam ko, itim ang suot niya.

"Tangina, tara sakay sa motor!" narinig kong sigaw ni Austin nang narinig namin ang pagkagalit ng makina ng kotse. Isang senyales na balak niya kaming sagasaan. Nagsisakay kami sa mga motor namin at kasabay ng pagharurot ng kotse ay pinaand ar na rin namin ang mga motor.

Tangina. Ano to?

Pinaharurot namin ang motor hanggang sa makakaya namin ngunit talagang mabilis a ng kotse. "Anong gagawin natin?!" narinig kong sigaw ni Harvey. Hindi ko na rin alam kung nasaan kami.

Pawis na pawis na ang ulo ko habang mas lalo pang binibilisan ang andar ng motor . Hindi kami pupwedeng tumigil. Kung sino man ang humahabol sa amin, kung ano ma n ang dahilan niya sigurado akong wala siyang gagawing mabuti.

"Pre! Dito!" napatingin ako kay Austin. Tinuturo niya ang isang makipot na daan. "Hindi na tayo masusundan rito. Tara na!" sigaw pa niya. Ngunit agad naman akon

g napalingon kay Harvey na patuloy na pinapaharurot ang kanyang motor.

"Paano na si Harvey?! Hindi natin siya pupwedeng iwanan!" sigaw ko pero nagmatig as si Austin.

"Kaya na ni Harvey yan! Tara na pre." Narinig ko ang mas lalong lumalakas na tun og ng paparating na itim na kotse. Wala na kong ibang pagpipilian pa. "Tara na pre!" muling sigaw ni Austin. Naalala ko si Sapphire at Paula, hindi ko sila pup wedeng iwanan. Sumunod ako kay Austin.Kung ano man ang manyari kay Harvey, iisip in ko na lang na ginawa niya iyon para sa kaligtasan namin. --------------------------------------------x

- A U T H O R ' S

N O T E -

ADD NYO PO YUNG MGA CHARACTERS. Mga bago kasi yung accounts ng iba kaya add nyo sila. Nasa external link po ang link.(Kailangan po friends tayo sa facebook o ka hit may mutual friends man lang) Tsaka balak ko ring mag-add pa ng dalawa pang c haracters, pero pag-iisipan ko muna. SI RAPHAEL AT CYRUS ANG NASA .GIF SA GILID --> AFTER NITO, UULITIN KONG AYUSIN ANG PLOT. Medyo, nagkakagulo kasi sa utak ko yun g flow ng story. Hindi ko alam gagawin ko kaya medyo sabaw ang chapter na to. BA STA, ISA LANG ANG MAMATAY SA CHAPTER NA TO.

SALAMAT SA PAGBABASA :* ******************************************* [9] C9: Dreadful past. ******************************************* "Two can keep a secret if... one of them is dead. - Pretty Little Liars (le the me song)"

VOTE / COMMENT / FAN (FOLLOW) --------------------------------------------x

RAPHAEL'S POV

MEDYO dumidilim na at hindi pa rin ako nakakauwi. Dumaan muna ako sa isang kumar e ni nanay, kinuha ko ang ulam na pinaluto ng kapatid ko, may sakit kasi si nana y ngayon. Pagkaabot na pagkaabot ng tupperware na ang laman ay pesang bisugo ay iniligay ko ito agad sa loob ng bag ko saka nagpasalamat bago umangkas sa bisikl eta. Napatingin muli ako sa likuran ko, sinusundan pa rin pala niya ako.

Binilisan ko ang pagbibisikleta upang hindi niya ako masundan. Napangisi na lang ako nang hindi niya ako naabutan. Siguro naman hindi na siya pupunta hanggang s a bahay? Dumaan ako sa masikip na daan papunta sa pinakaloob ng eskinita. Madami ng bata na hubo't hubad at madudungis na naglalaro sa gilid ng daan. Napadaan di n ako sa grupo ng ilang babae na walang sawa na nakikipag-chismisan. Napatingin silang lahat sa akin. Alam na alam nila.

Isa akong mahirap na nag-aaral sa Laketon Academy, ang eskwelahan para sa mayaya man. Kitang kita ko ang inggit sa mga mata nila. Wala na kong magagawa. Hindi ko na problema ang mga naiisip nila, ang dapat kong problemahin ay kung paano ko m aiiraos ang araw-araw naming pagkain.

"Nay, nandito na po." Agad akong dumiretso kay nanay na nakaupo sa kawayan namin g silya. Nagmano ako sa kanya at inilabas ang ulam sa bag ko. "Nakuha ko na po y ung ulam kay ate Esther, kamusta na po kayo?" hinaplos-haplos ko ang mukha ni na nay upang tignan kung mainit pa siya. Napangiti ako nang nalaman kong bumaba ang lagnat niya. "Kain na po tayo 'nay."

"Sige mauna ka na anak. Hintayin ko lang ang kapatid mo at hindi pa rin nakakauw i ang batang iyon." Tumango lang ako saka dumiretso sa maliit naming kusina. Nak ita kong hindi pa nahuhugasan ang mga plato kaya nagmadali akong hubarin ang pol o ko upang simulan na ang gawaing bahay. Mag-aaral pa ako mamaya at maaga pa ang gising ko upang pumunta sa palengke. Hinanda ko na rin ang pagkain sa mesa. Mab uti na lang ay may nagsaing na kung hindi mas matatagalan ang paghahanda ko.

"Nay mano po." Tinignan ko lang si Gabriel nang pumasok siya at nagmano kay nana y. Napapikit ako upang pigilan ang galit ko. Pagkatapos kong kumain ay agad ko s iyang pinuntahan sa kwarto. "Oh kuya, nandiyan ka pala." Bati niya sa akin.

"Saan ka galing?" tuloy tuloy kong sinabi sa kanya.

"Sa eskwelahan. Saan pa ba?" agad siyang umiwas ng tingin at inayos ang suot niy ang kamiseta. "Wag mo kong gaguhin. Saan ka galing?" muli kong tanong sa kanya. Dahil sa labis na galit ay marahas ko siyang hinawakan sa may kuwelyo ng kamise tang suot niya. "Ano ba kuya! Wala kang pakialam kung saan ako galing. Hindi ika w si nanay!"

Mas lalo kong naramdaman ang inis at galit. Hindi ko maintindihan ang kapatid ko . Mahirap na nga kami, ganito pa ang ginagawa niya?! "Akala mo hindi ko alam? An ong bang natututunan mo diyan sa pagbi-billiard na yan ha? At pati yung mga klas e mo hindi mo pinapasukan?" Hindi ko sinasadyang maitulak siya. Tinignan niya ak o na para bang ang sama sama kong kuya. "Gabriel naman! Hindi ako nagpapakahirap para sayangin mo lang ang pera na binibigay ko. Buti nga may naaawa pa sa atin eh. Buti na lang-" bigla akong napatigil nang ngumisi siya.

"Ano? Buti na lang doon ka nag-aaral sa lintek na Laketon Academy na yan? Eh nag sasaya ka lang ata diyan eh! Porket ako sa isang pipitsuging public high school lang nag-aaral? Porket ikaw ang laging pinagmamalaki ni nanay dahil diyan sa kat alinuhan mo? Porket puro mayayaman ang kaibigan mo at nakakasama? Kuya, ang yaba ng mo!" hindi ko maipaliwanag kung gaano ako nasaktan sa mga narinig ko. Hindi n iya alam kung gaano kahirap sa eskwelahang iyon.

Napaupo ako sa kama na nasa likod ko at pinakalma ko muna ang sarili ko bago mul ing magsalita. Ayokong nagiging ganito ako. Ayokong masyadong pinapairal ang emo syon ko, utak lang ang kailangan paganahin. Masisira lang ang pokus ko kung puro emosyon.

"Gabriel, ginagawa ko lahat ng ito para sa inyo. Para mabuhay tayo." Ang tangi k ong nasabi.

"Wag mo kong gawing tanga kuya! Ginagawa mo yan para sa sarili mo. Para masabi m o na tama ang desisyon mong paalisin si tatay. Pinapakita mo sa amin na kaya mo pero kuya, hindi mo kaya. Hindi lahat kaya mo. Kung sana tanggapin mo na lang sa na si tatay pati ang alok niyang magsama-sama ulit tayo edi sana hindi mahirap a ng lahat. Kuya, ibaba mo naman yang pride mo. Hindi pataasan ng ihi ito, pamilya natin ang pinag-uusapan." Napatayo ako dahil sa mga sinabi niya. Nakita ko na l amang ang sarili ko na para bang naging blanko. Mali siya... kaya ko ang lahat n g ito. Mabubuhay kami kahit wala siya.

"Tumigil ka Gabriel, matagal nang sira ang pamilya natin at ang punit-punit na p apel ay hindi na magiging buo kahit kailan." Lumingon muli ako sa kapatid ko. Ma li itong ginagawa niya, dapat niyang maintindihan na tama lang ang lahat ng gina wa ko. Kahit kailan, hindi lang sarili ko ang inisip ko. Sila lang lagi ang nasa isipan ko. Ang kaligtasan nila.

"Ikaw lang ang may sabi niyan kuya. Kailan mo ba kami tinanong ni nanay tungkol sa kung ano ang gusto naming manyari? Hindi diba? Dahil lagi mong pinapairal yan g katalinuhan mo! Akala mo, laging tama yang ginagawa mo!" tumayo siya at maraha s niyang hinatak ang balikat ko upang humarap muli sa kanya. "Kuya, pakinggan mo naman ako. Sumuko ka na. Kung nahihirapan ka na, wag mo nang ipagpilitan pa. Ku ya, pabalikin mo na si tatay." Napalunok ako sa narinig ko sa kanya. Hindi maari .

Ayoko.

"Matulog ka na Gabriel at pumasok ka na sa klase mo bukas. Papatawagan ko ang pr incipal nyo kay ate Esther." At pagkatapos kong sabihin ang mga iyon ay agad ako ng dumiretso sa kabilang kwarto. Umupo ako sa maliit na upuan sa harap ng mesa k ung saan nagkalat ang mga kwaderno at libro ko. Napapikit ako habang inaalala la hat ng sinabi ng kapatid ko. Mali siya, ako ang tama. Palagi akong nasa tama.

Napatayo muli ako at lumapit sa lumang cabinet. Kinuha ko mula sa pinakasulok an g nag-iisang memorya ng isa sa mga kamalian ko. Tinignan ko ito nang maigi haban g nakatayo pa rin. Nagbago man ang itsura nito, ngunit hindi pa rin nagbabago an g epekto sa akin sa pagtitig pa lamang dito. Maaring nabulok na at naging luma p ero hindi pa rin nagbabago ang dahilan kung bakit niya sa akin binigay ito.

Inilapag ko sa mesa ang puting rosas galing kay Hanako.Napapikit ako nang muli k ong sariwain ang araw na iyon. 1st year kami, dalawang linggo bago magtapos ang klase. Panahon kung saan mas tumindi ang lahat.

"Good Morning class." Pumasok ang guro naming sa science, si teacher Yuko. Ngumi ti siya nang ilapag niya ang librong hawak niya sa mesa. Muli siyang tumingin sa amin. Noon ko lang napansin ang hawak niyang paper bag. "Dahil tapos na ang kla se, maglalaro tayo." Narinig ko ang malalakas na sigawan ng buong klase dahil sa tuwa. Habang ako'y nanghihinayang. Bakit ba ako matutuwa sa ideya na maglalaro kami? Hindi na ako bata.

"Gusto kong ibalik ang dati pang tradisyon ng section C." Muli niyang sinabi na may ngiti sa kanyang mga labi. Hindi pa rin natatapos ang kasiyahan ng iba kong kaklase. Tatayo na sana ako upang magreklamo ngunit napigilan ako nang inilabas niya ang laman ng paper bag.

...mga puting rosas?

"Alam nyo naman siguro ang kwento sa Laketon Academy diba?" napakunot ang noo ko sa mga sinabi ni teacher Yuko. Bakit hindi ko alam? Napatingin ako sa iba, bigl ang nawala ang kasiyahan nila. Para bang mas naging seryoso ang usapan. "Dati, i sang laro lang ito. Hanggang sa naging tradisyon. Nawala ng ilang taon at napagd esisyunan kong ibalik." Mas lalo akong nagtataka sa mga sinasabi niya. Ngunit pa rang hindi na iba ang mga sinasabi niya para sa iba kong kaklase. A-Ano ba ang n anyayari?

"Kukuha kayo ng isang oras at ibibigay nyo ito sa..." Nanlaki ang mga mata ko sa sunod kong narinig. "...taong gusto nyong mamatay." Narinig ko ang ilang koment o ng iba. Ang iba'y nasasabik at ang iba'y kinakabahan. Ako? Nagtataka ako. Sino ng normal na tao ang gagawa ng larong ganito?

Ngunit nagulat ako nang sinunod ng lahat ang sinabi ni teacher Yuko. Isa-isa sil ang pumunta sa harap at kumuha ng tig-iisang rosas. At halos lahat ng rosas ay n apunta kay Hanako. Hindi na nakakapanibago na pagkaisahan siya ng klase. Akala k o'y ititigil na ni teacher Yuko ang ginagawa ng buong klase ngunit nanonood lama ng siya habang malapad pa rin ang ngiti sa kanyang mga labi. Parang tuwang-tuwa pa siya sa nanyayari.

Tinitigan ko lang si Hanako habang nangingiyak-ngiyak siyang nakatingin sa mga r osas na nasa mesa niya. Alam kong mahirap tanggapin. Ang dating rosas na binibig ay para sa minamahal ay nagkaroon na ng ibang kahulugan sa akin. Rosas para sa t aong nais mong mamatay? May mas sasakit pa ba kaysa doon?

Tinignan ko muli si Hanako nang tumayo siya. Nanginginig siyang lumapit sa mesa at tinignan ang lahat bago pa man muling maglakad. Hindi na ako nagulat nang nak ita kong nilapag niya sa lamesa ko ang puting rosas na hawak niya. Nakaramdam ak o ng pagkirot sa puso ko.

Hanako... patawarin mo na ako.

Huminga ako nang malalim ng bumalik ako sa realidad. Wala na si Hanako... patay na siya. Patay na ang taong mayroon akong malaking pagkakasala. At ngayon, dapat ko nang kalimutan ang lahat. Maaring ito na ang senyales na ibaon ko na sa limo t ang pagkakasala ko sa taong dapat ay pinahalagahan ko.

Umupo ako sa kama at dahan-dahang humiga habang nasa likuran ng ulo ko ang magka bila kong kamay. Tumingin ako sa kisame kung saan ko tinitigan ang malamlam na i law galing sa bombilya na malapit nang mapundi. Muli kong naisip si Hanako. Kung maari ngang buhay siya... sana ay muli ko siyang makita.

Hindi ako magsasawa na humingi ng tawad sa kanya nang paulit-ulit.

HARVEY'S POV

Lumingon ako ngunit hindi ko na makita sila Cyrus. Muli akong tumingin sa dinara anan ko. Tangina, nasaan na ang mga kasama ko? Mas lalo ko pang binilisan ang pa gpapatakbo ng motor. Kung sino man ang humahabol sa akin ngayon, sigurado akong isa yan sa mga kaaway namin o ano.

Hindi naman ako magkakaganito kung hindi dahil sa mga kasama ko sa fraternity eh . Ilang buwan nga bago nawala ang ilang pasa sa hita ko dahil bago muna magkapas ok sa fraternity na yon, kailangan mong makiisa sa nakagawian nila. Para maging isa ka sa kapatiran. Kung makakayanan mo hanggang dulo, pasok ka pero kung hindi , patay ka. Naalala ko pa yung sakit sa bawat tusok ng karayom sa pagbuo ng tatt oo sa mismong dibdib ko. Isang marka na kasama na ako sa kapatiran. Isang nag-aa poy na agila na nakadapo sa isang basag na bungo.

"Tangina!" pasigaw kong mura nang biglaang nawalan ng preno ang motor ko. Kanina pa ko nagpe-preno ngunit tuloy tuloy pa rin ang pag-andar ng motor ko. Wala na kong ibang pagpipilian. Muli akong lumingon sa humahabol sa akin. Bahagya kong b inagalan ang pagtakbo kasabay ng pagtalon ko mula sa motor. Nakita kong bumangga ang motor ko sa isang malaking puno. Napamura muli ako sa isipan ko. Hindi ko i ninda ang sakit ng paa ko dulot sa pagkakabagsak ko.

Saka ko muling narinig ang galit na makina ng kotse. Malapit na. Tumakbo ako nan g tumakbo. Gabing-gabi na at halos hindi ko na makita ang dinaraanan ko. Ilang b eses akong nadapa ngunit sa tuwing maririnig ko ang tunog ng makina ng kotse, tu matayo ako kaagad. Bakit ba kasi ako hinahabol ng lintek na yan? Sinubukan kong isigaw ng pangalan nila Cyrus pero wala akong nakuhang tugon.

Hingal na hingal akong Ano ba tong nanyayari? ares ng paa sa harapan ako hanggang sa makita

bumagsak. Halos hindi ko mahabol ang hininga ko. Lintek. Dahan-dahan akong tumingala nang may nakita akong isang p ko. Ramdam ko ang mabigat niyang kamay ng sabunutan niya ko ang buo niyang mukha.

"Harvey Gomez, nagagalak akong makita ka ngayon." Nakangiti niyang sinabi sa aki n. "Pero dapat pa ba akong magalak kung ito na ang huling beses na makikita kita ?"

Kilala ko siya. Kilalang kilala ko siya. Nanlaki ang mga mata ko nang may isa pa ng lumapit sa kanya at bahagyang umupo sa harapan ko. Umalis ang kasama niya na nakahablot sa buhok ko at bumalik sa kotse. Ngumiti siya kagaya ng ngiti ng kasa ma niya kanina. "Kamusta na Harvey? Sana hindi mo pa ako nakakalimutan." Nanging inig kong binuka ang bibig ko upang magsalita sana ngunit agad niyang nginudngod ang mukha ko sa lupa. Sumisigaw siya habang gigil na gigil pa rin akong nginung udngod. "Kasi ako, hindi ko makakalimutan lahat ng ginawa mo sa akin... sa amin! " sigaw niya at itinaas niya ang ulo ko sa pamamagitan muli ng pagsabunot. Ngiti ng-ngiti siya nang nakita niya ang mukha kong puno ng lupa.

Muling lumapit ang kasama niya. Hinatak nila ako upang makatayo ang hinang-hina kong katawan. Isinandal niya ako sa bakod na gawa sa alambre. Dahil sa pagod at kawalan ng lakas. Wala na kong nagawa kung hindi tanggapin ang bawat suntok niya sa akin habang patuloy ang pagbaon ng tusok ng alambre sa likuran ko.

"T-Tama na." Mahina kong pagbulong habang hinaharang ng kamay ko sa kamao niya. Ngunit hindi siya tumigil bagkus ay sinikmuraan pa niya ako. Napasigaw muli ako sa sakit nang naramdaman ko ang malalim na pagbaon ng alambre sa likuran ko. Sa ka ko muling naramdaman ang kamay niya na hinahatak akong pilit. Nakailang beses siyang hatak bago pa man maalis ang pagkakabaon ng alambre sa likuran ko.

Napasigaw ako nang malakas. Hatak hatak niya ako habang ako'y nakadapa hanggang sa naramdaman kong isinikay nila ako sa kotse. Kung saan ay hindi ko na makita.

Tuluyang pumikit ang mga mata ko .

---

Dahan dahan kong itinitingala ang ulo ko. Ramdam ko ang pagkangalay sa parte ng leeg ko. Marahil ay matagal na akong nahihimlay dito. Magkadikit ang dalawa kong kamay na para bang nagdadasal at mahigpit ang pagkakatali sa pulso ko na nakata li rin sa bakal sa kisame upang mabuhat ako. Unti-unti akong tumayo habang nakas abit pa rin ang mga kamay ko at tila ba'y isa akong baboy na handa nang katayin. Kagaya ng leeg ko, mas ramdam ko ang pakangalay sa mga paa ko. Idagdag pa ang m ga sugat at pilay sa paa ko sa pagkakabagsak sa motor at sa pagtakbo. Napangiwi ako sa sakit nang muli kong madama ang sakit likuran ko dulot ng mga matutulis na alambreng bumaon dito.

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid, saka ko lang napagtanto na nasa isa akon g maliit na kwarto. Pula ang kulay ng pader. May dalawang itim na pintuan, isa s a kanan at isa sa kaliwa. May malaking puting orasan sa itaas ng itim na pintuan sa kaliwa at isang lamesa at isang itim na upuan naman sa gilid ng itim na pint uan sa kanan.

Ngunit ang talagang pumukaw sa atensyon ko ay ang madaming manika na nakasabit s a dingding. May ilang puti at ang ilan ay itim. Ilang beses kong sinubukan na al isin ang tali sa kamay ko ngunit hindi ko magawa. Napatigil ako nang bumukas ang itim na pintuan sa kanan. Hindi na ako nagulat nang nakita ko siyang papalapit. Tumingin siya sa akin na nakangiti. Hindi lingid sa akin na may hawak siyang do s por dos sa kaliwa niyang kamay. Napalunok ako. Ngunit bago siya tuluyang lumap it ay kumuha muna siya ng isang puting manika. May tinali siyang pulang sinulid rito at isinabit muli sa dingding na akala mo'y nakabigting tao.

"Simula noong nakita kita sa initiation night, alam kong darating ang panahon na ito." Inis na inis akong napakagat sa labi ko. Hindi ko alam na darating sa pun to na ito ang lahat. "Ginamit mo ba lahat ng drugs na binigay ko?" Marahas kong iniwas ang ulo ko nang hawakan niya ito na para bang isa akong tuta. Galit na ga lit kong nginitngit ang mga ngipin ko kasabay ng pagkawag ko sa mga kamay ko, na

gbabakasakaling, makawala muli sa pagkakatali.

"Hindi ka makakatakas Harvey." Ilang beses niyang tinapik-tapik ang sahig ng haw ak niyang dos por dos na gumagawa ng tunog na nakakapagpakaba pa sa akin. "Wala akong kasalanan sayo." Tuloy tuloy kong sinabi sa kanya habang kasing-talim ng k utsilyo ang titig ko sa kanya. Tinignan niya ang hawak niyang dos por dos bago m uling tumingin sa akin na may ngiti pa rin sa kanyang mga labi.

"Wala nga. Bakit sa tingin mo, ang dapat lang pumatay sa isang may sala ay ang n agawan niya ng mali?" napasigaw ako sa sakit nang biglaan niyang hatawin ang paa ko. Mas lalo akong napaluhod sa sahig. "Ginagawa ko ito para sa kanya. Para sa kanila." Pinilit ko pa ring tumayo ngunit agad akong napaluhod. Tanging tali lan g ang dahilan kung bakit hindi ako nakabulagta sa sahig.

"H-Hindi niya gusto ito. Sigurado akong hindi niya magugustuhan ang mga ginagawa mo." Ang tangi kong nasabi. Tumingin muli ako sa kanya. "N-Nasa isang kapatiran tayo diba? B-Bakit mo sa akin ginagawa ito?"

"Kapatiran?" narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Ulol." Hanggang sa hatawin n iya ng dos por dos ang likuran ko. Lubha akong napasigaw sa sobrang sakit. Naram daman ko muli ang mga sugat sa likuran ko. Hingal na hingal kong itinaas ang ulo ko upang makita ulit siya. Nakangiti pa rin siya sa akin. "Mula ngayon, matatan ggal ka na sa kapatiran na halos sambahin mo." Hanggang sa paulit-ulit niyang ha tawin ang iba't ibang parte ng katawan ko.

"Paalam, kapatid." Halos pumikit na ako nang naramdaman ko ang malakas na paghat aw niya sa batok ko. Bago ako nawalan ng malay, narinig ko muli ang pagbukas ng pintuan. May lumabas na dalawang tao. Ang isa'y may hawak na pusa at ang isa ay agad na umupo sa itim na upuan. Malabo man ang paningin ko, nakikilala ko sila. Maaring ang isa ay hindi ko lubusang kilala ngunit ang isa... kilalang-kilala k o siya. Isang kaibigan. Isang kapatid. Isang nakaraan. Mga traydor.

Bakit nila nagawa sa akin ito? --------------------------------------------x

- A U T H O R ' S

N O T E -

KAPATID YUNG TAWAG NG KILLER KAY HARVEY. Kasi nga nasa 'kapatiran' sila. Brother hood, kumbaga. Ayon. Iwas na din, baka may mag-akala na magkapatid sila. :) SI RAPHAEL PO ANG NASA GIF--> HINDI PA TALAGA SANA TAPOS ITO. Medyo kulang kasi yung kay Harvey kasi hindi nal

aman kung 'ano' ba talaga ang ginawa niya sa sinasabi 'siya' ng killer. Pero sig uro sa ibang POV na malalaman yon.

SALAMAT SA PAGBABASA :)) :* ******************************************* [10] C10: Sleuth. ******************************************* "There are two kinds of secrets. The ones we keep from others and the ones we ke ep from ourselves." ? Frank Warren

VOTE / COMMENT / FAN (FOLLOW) --------------------------------------------x

LUNA'S POV

KAKATAPOS lang ang unang klase namin. Kakaalis lang ni teacher Maeganne at bago siya tuluyang umalis ay binalita niyang may dalawang lumipat sa ibang eskwelahan , 23 na lang kami. Wala pang dumarating na teacher at tiyak kong hindi na naman papasok ang teacher namin sa pangalawang klase. Palagi na lang ganyan. Tahimik l ang akong nakaupo habang pinagmamasdan ang buong klase. Bigla kong naalala si De nise, ano kayang reaksyon niya noong napunta siya sa klase na to? Ganito rin ba ang nanyari? Sa ganito rin ba siya namatay?

Ayoko man isipin ngunit sa tingin ko, kapareho namin ang nanyari sa klase nila. Kung paano ay hindi ko pa alam. Napatingin ako sa gilid kung saan may nanyayarin g diskusyon sa pagitan ng isang grupo at grupo ni Sapphire. Hindi ko sana papans in dahil wala naman akong mapapala ngunit sadyang kapansin-pansin ang pinag-uusa pan nila.

"Hindi ba ikaw naman ang pumapatay! Sabihin mo na sa amin, ikaw ang pumatay kay Hanako, kay Lizzy at kay Celina. Wag ka nang magkaila Sapphire. Sa lahat ng nand ito, ikaw lang ang makakagawa niyan!" lalapit pa ang babae sa kanya ngunit pinig ilan siya ng lalaking nasa likuran niya. "Clyde! Ano ba?!" muli siyang humarap k ay Sapphire na parang wala namang pake sa sinasabi niya at nakatingin lang sa ph one nito. "Humarap ka nga sa akin Sapphire! Hindi mo ba talaga alam? Hindi mo ba talaga naalala? O parati mong dinadahilan yang phobia mo na yan?!" sa pagkakata ong iyon ay humarap na si Sapphire na nanlalaki ang mga mata sa kanya. "Sapphire , ikaw ang pumatay sa kanya! Nakalimutan mo na ba talaga?! Sapphire ikaw ang pum atay kay-" hindi natapos ang mga sinasabi niya nang biglaan siyang itulak ni Cyr us.

Sino? Sino ang pinatay ni Sapphire?

"Pare naman! Wag kang manakit ng babae!"sigaw nung Clyde kasabay ng pagtulak niy a kay Cyrus. Bigla akong napaisip. Tama... yung tanong ko kay Katherine. Sigura do na ako... hindi nga iyon ang unang beses na inatake si Sapphire. Tama ako. Hi ndi ito ang unang beses na may namatay sa klase nila.

"Mananakit ako para kay Phire. Patahimikin mo yang kaibigan mo Clyde kung ayaw m ong kami ang magpatahimik sa kanya." Babala ni Cyrus bago bumalik sa tabi ni Sap phire. Nakita ko namang itinayo nung Clyde yung babae. Pinagpag nito ang palda n iya at kahit ayaw ng babae ay umalis sila sa loob ng classroom.

Pinagmasdan ko muli si Sapphire na nakatayo at para bang gulat na gulat. Lumapit sa kanya ang matalik niyang kaibigan na si Aislinn kasama ng lalaking lagi nito ng kasama. Austin ata ang pangalan nun. "Wag kang makinig sa kanya Sapphire. Ako na mismo ang nagsasabi sayo na walang nanyaring ganun." Itinaas nito ang kamay niya na parang nangangako. "Kahit kailan hindi ka gumawa ng ganung bagay. Diba A ustin?" lumingon ito sa katabi niya at tumango naman iyon.

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Napag-isipan ko, kung gusto kong malaman ang lahat. Kailangan kong makisama. Kailangan kong makibagay. Tumingin muli ako sa buong k lase, may kanya-kanya silang pinag-uusapan, may kanya-kanyang mundo.

"Hoy tanga." Tawag ko sa katabi ko. Tinignan naman niya ako nang masama ng narin ig niya ang tinawag ko sa kanya. "Kailangan ko kayong makausap ni Sandria. Sa la bas." Tuloy tuloy kong sinabi. Kahit papano, may nararamdaman akong kaba. Hindi normal ang ginagawa ko para sa akin. Hindi ko ugaling manghingi ng tulong o tuma nggap man lang ng tulong mula sa iba. Ngunit wala na akong magagawa. Ilang beses ko na itong pinag-isipan. Maaring hindi ko kayang mag-isa at sa paraan na ito, mas marami akong malalaman.

Isa si Spade sa pinaghihinalaan ko at gagawin ko ang lahat para malaman kung ano ba ang parte niya sa lahat ng ito. Bago ako lumabas ng classroom, nakita kong n ilapitan niya si Sandria na kausap ang presidente ng klase, yung Raphael at itin uro ako. Hinintay ko sila sa labas at pagkarating nila ay naglakad kami ng palab as ng building. Sa school grounds kung saan walang tao dahil sa patuloy pa rin a ng klase.

"Oy, Tuna. Magsalita ka. Ano?"

Parang pakiramdam ko, manliliit ako sa sasabihin ko. Patuloy akong umiiwas sa mg a titig nilang dalawa. Tama naman ito. Kailangan ko talaga. Ngunit paano ko sasa bihin na hindi nahahalata na naninibago ako sa gagawin ko?

"Tinatanggap mo na ba yung alok namin?" wika ni Sandria na labis kong ikinagulat . Tama. Buti, sinabi niya. "Ano ba namang tingin yan? May balak ka bang magpaula n ng bala?" sabat na naman ni Spade. Hindi ko siya pinansin bagkus ay tumango ak o kay Sandria.

"Bakit naman nag-iba ang desisyon mo? Parang dati sinabi mo na hindi mo kailanga n ng kasama?" tanong ni Sandria. Napatingin ako kay Spade. Hindi ko naman pupwed eng sabihin na habang tinutulungan nila akong malaman ang lahat ay magagamit ko rin tong pagkakataon na ito para mag-imbestiga tungkol kay Spade. Dahil siya tal aga ang nasa isipan ko bukod kay Sapphire.

Hindi pwede.

"Gusto ko lang. Pwede namang magbago ang isipan ng tao diba?" tuloy tuloy kong s inabi sa kanila. Umalis si Spade sa pinagsasandalan niyang pader at lumapit sa a kin. Napaatras ako nang inilapit niya ang ulo niya sa mukha ko.

"May balak ka no?" seryoso niyang sinabi. Bigla akong kinabahan. Kung siya ang p umapatay baka malaman niya. "Pero di bale, wala naman akong paki. Basta may maga wa lang akong interesting dito." Ibinulsa niya ang dalawa niyang kamay sa magkab ilang bulsa ng slacks niya.

Nakahinga ako nang maluwag.

"So... saan tayo magsisimula?" tanong ko sa kanila. "Ah." Sabi ko nang may naala la ako. Muli silang tumingin sa akin. "Magsimula tayo kay Hanako." Nabigla ako n g umiling si Sandria. Tinignan ko siya nang masama. Anong ibig sabihin niya?

"Magsimula tayo rito." Tinignan niya ang building pati rin ang ibang lugar dito sa loob ng Academy. "Sa Laketon Academy." Muli niyang sinabi. Nagtanong si Spade kung bakit na sinagot naman agad ni Sandria. "Madami akong naririnig na balita tungkol dito. Pero hindi ko alam kung maniniwala ba ako." Tumingin siya sa gilid ng high school building kung saan nakatayo ang isang maliit na bahay... parang bodega ngunit hiwalay sa building. "Punishment room ang tawag diyan. Noong 1990' s, diyan kinukulong ang mga high school students na may ginawang mali o labag sa rules ng school. Parang detention room. May katumbas na oras ang bawat pagkakam ali at sa kasamaang palad, ang ibang nakukulong diyan ay namamatay."

Napakunot ang noo ko sa narinig ko. Mukhang mali ang alam nilang pagdidisiplina dati sa mga bata. Magsasalita sana ako nang nagwika muli si Sandria.

"At marami ring nagsasabi na, maraming sikretong kwarto rito sa Laketon Academy. May sikretong labasan at papasok sa loob ng Academy ngunit hindi ko alam kung s aan. May isang room sa high school building na hindi na ginamit mula noong may n amatay na tatlong estudyante. Chop chop ang mga katawan nang matagpuan iyon ng m ga estudyante. Matagal na nanyari, mula pa noong 1995." Tumingin siya muli sa am in ni Spade. "Maraming sikreto ang eskwelahan na ito at iyon ang una nating kail angang malaman."

Napakaraming alam ni Sandria. Ayaw kong magtaka ngunit may kung ano sa akin na n ag-iisip na maaring isa siya. Ngunit... hindi ko dapat siya pagbintangan dahil l ang sa marami siyang alam. Mali.

"Uh.. Okay." Napatingin naman ako kay Spade nang biglaan siyang nagsalita ngunit sa tono ng pananalita niya para siyang naubusan ng salitang masasabi. "San tayo magsisimula?"

Bigla akong nakaramdam ang sinabi sa akin ng g pagkamatay ni Denise usugal ako. Malaman ko

ng kuryusidad at kasabay ng pag-iisip ko. Naalala ko muli Presidente ng student's council. Isa ito sa mga dahilan n ngunit wala na akong magagawa. Kung kailangang sumugal, s lang ang lahat.

"Narinig ko na ang lahat ng iyon ay maaring makita sa opisina ni Mr. Laketon ngu nit hindi tayo makakapasok doon. Tanging mga awtorisadong tao lang ang maari." I lang sandaling napaisip si Sandria hanggang sa may pumasok na ideya sa utak ko.

"Sa lumang library. Hindi kaya, meron doon?" tanong ko sa kanya. Sa natatandaan ko, may ganun din sa Marylaine Academy. Mga kung ano ano tungkol sa eskwelahan. At dito sa Laketon, mas malaki ang posibilidad na mayroon sa lumang library. Nap atingin siya sa akin at tumango bilang tugon sa tanong ko. Dali-dali kaming pumu nta roon hangga't hindi pa natatapos ang oras para sa pangalawang subject.

Siguro naman tama ang desisyon kong ito.

SPADE'S POV

"Tanga ka talaga." Narinig kong sabi na naman nung Tuna nang binati ko ng 'Magan dang Umaga' ang matandang librarian. Tumingin ako nang masama sa kanya pero agad na nahagip ng mata ko si Sandria na para bang sinasabi na pagbigyan ko na lang

si Tuna. Ewan ko ba kay Sandria kung bakit ganyan siya kay Tuna. Hindi ko rin na man maintindihan yang Tuna na yan sa biglaang pagsama sa amin. Napagdesisyunan k ong tawagin na lang siyang Tuna kapag naiinis ako sa kanya tutal nakakainis nama n talaga siya.

Pero ayos lang, ginagawa lang naman ito bilang pampalipas oras at malay ko, may malaman nga ako tungkol sa Laketon Academy. Paniguradong masaya kung malalaman ko ang lahat. Gagawin ko na rin ito para mas makilala ko siya at gamitin ito lab an sa kanya.

Sinundan ko lang sila Luna habang dahan dahan silang naglalakad na para bang may huhuli sa kanilang pulis. Hanggang sa mapunta kami sa pinakadulo ng library na hindi man lang pinapansin ang sign na bawal ang estudyante sa parteng ito. Tinig nan ko lang sila habang nagbubuklat ng mga libro. Puro yearbook at mga kung ano ano tungkol sa Laketon Academy ang nandirito at halos maubo ako sa dami ng alika bok. Ito lang ata ang parte ng lumang library na hindi nalilinis.

"Spade, tumulong ka naman." Narinig kong mahinang sinabi ni Sandria. Napatingin naman sa akin si Luna gamit ang nakakairita niyang pagtitig. Akala mo bubuga ng apoy. Tama nga, nagkakaroon lang ng ekspresyon ang mukha niya kapag nagagalit o naiinis siya. Tuna nga talaga.

"Oo, eto na. Di mo na ako kailangang titigan Tuna. Baka ma-in love ka pa." Inis kong sabi sa kanya. Inirapan niya lang ako saka nagpatuloy lang siya sa pagbubuk lat ng mga libro. Kumuha ako ng isang libro. Binuklat buklat ko ito hanggang sa nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Tinignan ko sila Sandria at Luna. Bahagya akong tumalikod sa kanila at dahan dahan kong pinunit ang pahina na iyon. Tahimi k ko itong binulsa at itinabi sa pinanggalingan. Muli akong kumuha ng isa pang l ibro.

Unti-unti akong napangiti.

"Tignan nyo to oh." Wika ni Sandria na para bang gulat na gulat. Lumapit kami sa kanya at nakita naming may tinuturo siya sa isang class picture. "Sino naman ya n?" sabay naming tanong ni Luna. "Siya yung science teacher namin nung first yea r. Siya yung nagsimula ng tradisyon." Tinignan ko pa nang mabuti ang tinuturo ni yang picture.

School year 1995-1996, Class 3-C

"Tradisyon? Anong tradisyon?" tanong ni Luna sa kanya.

"White Rose game." Sagot ko. Napatingin silang dalawa sa akin. Marahil, nagtatak a sila kung bakit ko alam. "Kumuha ka ng isang rosas at ibigay mo sa taong gusto mong mamatay o sa madaling salita, ibigay mo sa taong gusto mong patayin." Gula t na gulat silang nakatingin sa akin. "Alam ko. Alam ko lang." Pagpapaliwanag ko . "Change topic. Sino yang science teacher na yan?" tanong ko ulit kay Sandria.

"Ah. Naging science teacher namin siya noong second year hanggang sa magresign s iya. Siya yung dating adviser ng Class 3-C at natagpuan siyang patay sa apartmen t niya." Tinignan ko ulit ang itsura nung teacher na sinasabi niya. May kalumaan ang litrato ngunit kitang-kita ko pa rin ang malamig niyang ngiti. Medyo mahaba at itim na itim ang buhok niya. Nakatayo siya sa dulo. Sa kanan.

Muli kong tinignan ang hawak kong libro, sa cover palang nito ay naramdaman ko n a ang pagtaas ng mga balahibo ko. Totoo ba itong nakikita ko? "T-Teka... ano to? " tanong ko nang ipinakita ko sa kanila ang hawak ko. "Alam mo ba ito Sandria?" Nanlaki rin ang mga mata nila nang sandaling nabasa nila ang pamagat ng libro.

'Eliminating section C'

Makapal ang bawat itim na letra at purong pula ang cover nito na may kulay ginto ng border sa bawat gilid. Hindi masyadong makapal ang libro ngunit may kabigatan . Kinuha ni Sandria ang hawak kong libro bago tinignan ang relo na suot niya.

"Time na. Kailangan na nating umalis pero..." tinignan niya ang hawak niyang lib ro. Bubuklatin na niya sana ito nang may nagsalita sa likuran namin.

"Hindi pwede ang mga estudyante sa parteng ito." Sabi ng matandang librarian hab ang papalapit kay Sandria at kasabay ng pagsasalita niya ay kinuha niya ang hawa k na libro ni Sandria. "Matagal na rin kayo rito. Cutting classes no?" tinignan niya ang librong kinuha niya kay Sandria nang walang pagkagulat sa mga mata niya . Ibinalik niya ito sa lumang bookshelf at muling nagsalita sa amin.

"Pasensiya na ho." Sabay naming sinabi ni Sandria. Aalis na dapat kami nang nags alita si Luna. Talagang wala siyang takot.

"Mawalang galang na pero pakibigay sa akin yung kinuha mong libro." Walang tigil at ni hindi man lang siya nagdalawang-isip na sinabi sa librarian. Tinignan lan g siya ng librarian na parang nagtataka sa inaasal niya. Kinalabit ko siya upang tumigil siya ngunit inirapan niya lang ako na para bang sinasabi na wala akong pake sa gagawin niya. Sige, bahala siya.

"Ito ba?" kinuha muli ng librarian ang libro at iItinaas ito sapat para makita n

amin.

Tumango si Luna bago magsalita muli. "May dala akong library card, hihiramin ko yan." Walang emosyon niyang sinabi katulad ng palagi niyang ginagawa. Para siyan g namimili lang ng isang sapatos sa isang shop.

"Hindi lahat ng libro dito, pwede hiramin at hindi lahat ng libro dito, pwedeng basahin. Off limits ang estudyante rito. Teachers at staff lang ang pwede sa ki natatayuan nyo. Hindi nyo ba nakita yung sign?" tumingin siya sa malaking sign s a harap. "Pwede ko kayang ipa-office ngayon din. Kaya kung mararapatin nyo, buma lik na kayo sa klase nyo."

Wala na kaming nagawa kundi sundin siya. Habang naglalakad kami halatang halata na galit si Luna. Ayan kasi, masyadong matapang. Sabi ko na nga ba at hindi tata lab yang ugali niya na yan sa lahat.

Tsss. Pero nakakainis din yung librarian na yon.

"Bago palang yung librarian, namatay kasi yung librarian dati." Ani ni Sandria h abang naglalakad kami papunta sa building ng high school department. "Kaya mahig pit siya sa rules ngayon dahil bago palang siya. At sa tingin ko, hawak hawak si ya ng presidente ng school na to. Pero kung si sir Brian yan, yung dating librar ian, siguradong pinahiram niya tayo ng librong iyon."

Pinagmasdan ko si Luna habang naglalakad, biglaan siyang tumingin sa langit at n apatigil. Kaya tulad niya, napatingin din ako. Makulimlim at paniguradong uulan. Muli akong tumingin kay Luna, parang kumukutitap ang mga mata niya.

Ganun ba niya kagusto ang ulan?

Napagisip-isip ko tuloy, ganito ba siya kapag natutuwa? Wala ngang ngiting nakap inta sa mga labi niya pero sa mga mata niya... alam kong natutuwa siya.

Kailangan kaya siya ngingiti? --------------------------------------------x

- A U T H O R ' S

N O T E -

SLEUTH. Sleuth means carry out a search or investigation in the manner of a dete ctive (verb). A detective (noun) YUNG TUNGKOL SA MGA SINABI NI SANDRIA NA SECRETS NG LAKETON AY MAKIKITA SA BOOK 1. Yung Punishment room ay nasa Chapter 19: Wrongdoers at yung room na may namat ay na tatlong estudyante (yung chop chop) ay nasa Extra Chapter: Unfinished Busi ness. WALANG GIF. Kailangang umalis eh. Hindi makagawa.

Salamat po sa pagbabasa! VOICE OUT YOUR OPINION GUYS :*

******************************************* [11] C11: Know thyself. ******************************************* "He, who knows others is learned; He, who knows himself is wise." -Lao-tzu, Tao te Ching (sixth century B.C)

--------------------------------------------x

TEACHER MAEGANNE'S POV

SINARA ko ang pintuan ng classroom ng advisory class ko, ang 3-C. Bumuntong hini nga ako bago humakbang. Pinapatawag na naman ako ni Mr. Laketon. Ewan ko ba kung bakit palagi niyang kinakamusta ang 3-C sa akin, para bang natutuwa pa siya sa lahat ng nalalaman niya. Ganun ba siya nasusura sa klase na iyon?

Kahit ako, hindi ko maintindihan ang gulong pinasok ko. Nandito lamang ako para bawiin ang anak ko. Nandito lamang ako para makasama siya muli pero parang mas m alaki ang pinasok kong gulo. Kung ano man ang binabalak ni Mr. Laketon, panigura dong... hindi ito para sa ikakabuti ng mga bata. Hindi maari.

Kailangan kong protektahan si Sapphire.

"Sir, pinatawag nyo raw ako?" tanong ko sa kanya pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina niya. Kitang-kita na kararating din niya dahil sa kakalapag lang niya ng dala niyang mga papel at laptop. Sumenyas siya upang umupo ako.

"Kamusta na ang 3-C?" hindi na ko nagulat sa tanong niya.

"Dalawa po ang nag-transfer na sa ibang school." Tumango-tango lamang siya na pa ra bang wala lang yun para sa kanya. Ngumiti pa nga siya eh. "Sir. Hindi po ba d apat na nating-" napatigil ako sa pagsasalita ng tumingin siya sa akin nang masa ma.

"Ms. Ramos, itinalaga ka sa section na yan para bantayan sila. Kung ano man ang nanyayari, isipin mo na lang na katanggap-tanggap ang suweldo na nakukuha mo. Hi ndi ako bumabali sa usapan." Sa totoo lang, wala akong pakialam kung ako ang may pinakamalaking suweldo na nakukuha sa buong faculty. Kung alam lang nila ang di naranas ng klase ko. Kung kaya ko lang, matagal na kong nagsabi sa pulis. Ngunit sa tingin ko rin, kasabwat na ang mga pulis sa lagay na ito.

"Iyon lamang ang gusto kong malaman. Maari ka nang umalis." Gusto ko pa sanang m agsalita ngunit alam ko namang hindi niya ako papakinggan. Kung maari ko lang sa bihin sa lahat ng magulang ang mga nanyayari ngunit para na ring akong bumangga sa isang matigas at malaking pader.

Alam kong may kinalaman si Mr. Laketon sa mga ito.

Hawak hawak ko pa rin ang ilang librong ginamit ko sa pagtuturo sa 3-C. Isang or as pa bago ako magkaroon ng klase sa ibang section. Balak kong pumunta sa lumang library upang makahiram ng librong kailangan ko sa isang klase ko mamaya. Ngun it napatigil ako nang may narinig akong malakas na usapan sa di kalayuan.

"Clyde! Ano ka ba ha? Masyado mong pinapaboran yang Sapphire na yan!" napatingin agad ako sa kanila nang narinig ko ang pangalan ng anak ko. Mga estudyante ko t o ah? "Ano bang gusto mo ha? Magpakamartyr ka katulad ni Cyrus? Ano ba naman yan Cylde! Uso gumamit ng utak!" nakita ko kung paano sigawan ng babae yung lalaki. Si Abigail Lim at yung lalaking palagi niya kasama, si Clyde Fortaleza.

"Gail, ikaw naman kasi ang mali. Bakit ba kasi kailangan mo pang sabihin yon? Hi ndi naman-" kalmadong pagkakasabi ng lalaki. Sa pagkaka-obserba ko sa kanya, par ati siyang kalmado. Minsan ko lang siyang narinig na magtaas ng boses. Isa siya sa mga kaklase nila na malapit at kilala ng lahat.

Bago pa man makasalita si Abigail ay pumagitna na ako sa kanila. "Hindi ba, may klase kayo ngayon? Anong ginagawa nyo rito?" tuloy tuloy kong sinabi. Tinaasan a ko ng kilay ni Abigail habang nakatuon lang ang pansin ng kasama niyang si Clyde sa ibaba.

"Wala kang pake. Kaya kung pwede ba maam, umalis ka rito at wag kang mangialam?" pagtataray niya sa akin. Agad akong nakaramdam ng inis. Aba, kung makasagot to ah? Magsesermon sana ako nang biglaang nagsalita si Cyde,

"Pasensiya na maam, babalik na kami sa klase." Hinatak niya ang kasama niya paba lik sa High school building. Nakahinga ako nang maluwag. Sa totoo lang, hindi ko kaya ang mga batang ito. Masyado silang matatapang pero kahit papano, naaawa a ko sa kanila. Ilan na ang namamatay sa klase at ako, bilang adviser ay walang ma gawa kung hindi sumunod lang nang sumunod sa nasa itaas ng Academy na ito.

Paano ba ako makakatulong sa kanila?

Dederetso sana ako sa lumang library nang naalala ko bigla si nurse Tin. Marami raw siyang sasabihin sa akin. Bumalik ako sa high school building kung nasaan an g clinic. Hindi na ako kumatok at pumasok na lang nang biglaan dahil alam ko nam ang walang ganoong tao sa clinic sa ganitong oras.

"Ikaw pala, Ms. Maeganne." Napatigil ako at medyo nahiya dahil sa ginawa ko.

"Hindi ko alam na may bisita ka pala." Ang tangi kong nasabi nang nadatnan ko si yang nakikipag-usap sa isang lalaki na kung titignan mo ay bata pa. Nakaupo ang lalaki sa kama na nasa kaliwa at si nurse Tin naman ay nakaupo sa katapat niton g kama.

Mukhang malapit sila sa isa't-isa. "Ah. Siya ba, wag kang mag-alala. Napadalaw lang siya." Ngumiti si nurse Tin. Mu li akong napatingin sa lalaki nang hindi rin niya maiwasang mapatingin sa akin. Tama nga ako, bata pa siya. Nakasuot siya ng puting v-neck shirt at maong na pan talon. Malaki ang posibilidad na high school student palang siya. May nakasabit na itim na headphone sa leeg niya. Ngumiti rin siya sa akin pagkatapos ng ilang minutong pagtitigan. Siguro maiikumpara ko sa isang ngiti ng anghel ang ngiti ni ya pati ang pagkurba ng mga mata niya. Pakiramdam ko'y gumaan ang loob ko sa pag kakita ko pa lamang ng ngiti niya.

Masyadong inosente.

"Sige, mauna na ko nurse ang lalaki at bago siya maalam. Isinuot niya ang ilisan ang kwarto. Umupo nang maigi.

Tin. Hinihintay na nila ako sa may parking lot." Tumayo umalis ay muli niya akong ngnitian. Maaring bilang pama hawak hawak niyang itim na sumbrero at tuluyan niyang n ako sa upuan sa gilid ng kama at tumingin kay nurse Tin

"Ikaw ha, hindi mo sa akin sinabi na may nobyo ka palang bata." Panloloko ko sa kanya. Agad naman siyang natawa at dumiretso sa table niyang malapit sa kinauupu an ko at umupo sa malambot niyang silya roon.

"Dati siyang estudyante rito. Anong nobyo ka diyan?" Patawa pa niyang sinabi. Na patingin ulit ako sa pintuan kung saan huli kong nakita yung lalaki. Hindi ko al am ngunit parang naging interesado ako sa kanya. Parang may kakaiba sa taong iyo n. Ngunit agad ko itong inalis sa isipan ko. Saka ko lang naalala muli ang sadya ko sa pagpunta rito.

"Ano nga pala yung mga sasabihin mo sa akin?" tanong ko sa kanya. Medyo nanlaki ang mga mata niya na para bang nagulat at ilang segundo ay nagbalik ito sa norma l. Kakaiba ang kinikilos niya.

"Pasensiya na Ms. Maeganne pero hindi ko pala masasabi sayo ang mga yon." Tuming in siya sa relo niya bago muling nagsaita. "Ilang minuto na lang kasi at daratin g na si Dr. Lopez. Aasikasuhin pa namin ang mga medical records ng mga bata." Tu mango tango ako saka tumayo sa kinauupuan ko.

Nakakapagtaka talaga ngunit wala na akong nagawa kundi magpaalam at umalis na sa clinic. Akala ko naman masasabi niya sa akin. Kung ano man yon, kailangan ko na talagang malaman. Pakiramdam ko, napaka-ignorante ko sa eskwelahan na ito.

Tama naman ang ginawa ko. Tama naman ang desisyon ko. Ang pumasok dito at kuhani n ang dapat na akin. Ngunit naiisip ko din, paano kung isunod na ang anak ko? Pa ano kung mawala si Sapphire? Nakakalungkot isipin na mawawala siya. Ni hindi ko man lang masabi sa kanya kung gaano ako nangungulila sa kanya. Kung gaano ko siy a gustong lapitan at yakapin. Ngunit maaring hindi pa ngayon ang tamang oras.

Hindi pa ngayon.

Humakbang na ako palayo nang namataan ko muli ang ilang estudyante ko na naglala kad sa labas ng high school building. Wag naman nilang sabihin sa akin na nagcucutting classes ang karamihan sa kanila. Susundan ko pa sana ang ilang estudyant eng iyon ngunit hindi ko na nagawa.

Magsisimula na ang klase ko sa 4-A.

Kay bilis naman ata ng oras? Umakyat na ko papunta sa ikatlong palapag ng high s chool building. Nadaanan ko ang classroom ng advisory class ko, may kaingayan ak

ong naririnig ngunit hindi naman ito malala. Hindi na ko tumigil pa at dumiretso na ko sa classroom ng 4-A.

Sabay sabay silang bumati sa akin. Sa section C ko lang naman nararanasan ang pa mbabastos. Ibang-iba kapag nasa section A ako. Napakagat ako sa labi dahil sa in is. Nakalimutan kong hiramin ang kailangan kong libro sa lumang library. Wala na kong ibang pagpipilian kundi gamitin ang librong meron ako.

Tahimik silang klase. Section A kasi, mas mahigpit ang mga teachers sa kanila ng unit kayang-kaya nila. Ang kadalasan kasi nilang sinasabi ay ayaw nilang bumaba ang grado nila. Ayaw nilang mapunta sa section C. Ganun din naman ang sitwasyon sa section B. Hindi ko pa rin natatanong kung bakit tila ba'y takot na takot ang ilan. Hindi lang basta normal na takot.

Para bang ikakamatay nila ang mapunta sa section C.

Napabuntong hininga ako sa mga naiisip ko. Nagkakamatayan na nga pala, ano pa ba ang dapat nilang maramdaman? Kung ang ilan sa kanila ay may nalalaman tungkol s a nanyayari sigurado akong palihim na kumakalat ito. O kung hindi man, tanging 3 -C lang talaga at ilan sa amin ang nakakaalam.

Nagpatuloy ako sa pagkaklase habang pilit na inaalis ang mga naiisip ko tungkol sa mga nanyayari. Hindi maaring mawala ang pokus ko. Tulad ng kanina, tahimik pa rin sila hanggang sa matapos ang klase. Talagang pinapanindigan nila ang pag-aa ral. Kinuha ko ang gamit ko at handa na akong umalis nang may naalala ako.

"Blake. Pinapakuha nga pala ni Mrs. Espiritu yung attendance daw sa meeting noon g nakaraang araw. Nasa iyo ba?" tanong ko sa kanya.

Tumayo ang student council's president at nakangiting sumagot sa akin. "Wala po sa akin. Na kay Sam pero kukuhanin ko po mamaya at ako na lang ang magbibigay ka y Mrs. Espiritu." Magalang niyang sagot na may ngiti pa rin sa mga labi. Tumango lang ako at umalis na. Hindi ko alam ngunit parang pareho sila ng ngiti ng bisi ta ni nurse Tin kanina. Nakakakilabot.

Parang may tinatago.

SAPPHIRE'S POV

Wala akong pinatay.

Iyon ang alam n. Pero bakit sinabi niya'y ng ano ba ang

ko. Mula umpisa, wala akong pinatay. Hindi ako ang dapat na sisihi parang lahat ng sinabi ni Abi... totoo? Nang narinig ko lahat ng may kung anong gumulo sa isipan ko. Natuliro ako. Hindi ko alam ku paniniwalaan ko.

"Cyrus... nagsisinungaling lang si Abi diba?" mahina kong sinabi sa kanya. Na k ung papakinggan ay maiihalintulad sa isang bulong. Nasa dulo kami ng classroom, sa tabi ng lockers. Nakasandal si Cyrus sa gilid ng lockers habang ako ay nakasa ndal sa pader.

"Nagsisinungaling lang siya Phire. Galit sayo yon diba?" napa-buntong hininga ak o. Hindi ko mahanap yung sagot na gusto kong marinig. Nakakainis lang. Ngayon ko lang pinaghinalaan ang sarili ko. Paano nga kung nakapatay ako?

Paano kung nagsisinungaling lang ang mga kaibigan ko sa akin?

"Sana nga Cyrus. Sana nga nagsisinungaling lang si Abi." Napayuko ako bago mulin g magsalita. "Hindi ko alam ang magagawa ko sa sarili ko kapag nalaman kong toto o iyon." Napatingin ako sa kabuuan ng classroom. "Baka pati sarili ko... mapatay ko."

"Phire. Ano ba naman yang mga sinasabi mo?" medyo napalakas ang boses niya. Kahi t na malakas ang boses ng karamihan sa klase, nangingibabaw pa rin ang boses ni Cyrus para sa akin. "Hindi ka pumatay. Nililito ka lang ni Abi. Nasabi lang niya yon dahil sa kamatayan ni Lizzy."

Sana nga totoo ang mga sinasabi ni Cyrus.

Tinignan ko lang sila Abigail at Clyde nang pumasok sila sa classroom. Napatingi n sa akin si Clyde habang si Abigail naman ay tuloy tuloy sa upuan niya. Maingay pa rin ang klase. Ganito naman sila, mga walang pake. Madaling makalimot. Magag aling umarte.

Maniniwala ba ko sa kanila?

Tumayo ako at lumapit sa upuan ko. Napatingin ako sa malayo. Ilang beses akong s inubukang kausapin ni Aislinn at Austin ngunit hindi ko sila pinansin. Alam kong hindi ko sila makakausap nang matino ngayon.

Totoo nga.

Pati sarili ko, hindi ko na kilala.

---

Bumukas ang pintuan at pumasok ang teacher namin para sa pangatlong subject. Si Sir Buendia, ang guro namin para sa Filipino. Bumati siya ngunit katulad ng pala gi naming ginagawa, walang nagbigay kahit isang katiting na pansin sa kanya. Nag patuloy lang ang lahat sa pagdadaldalan at kasatan. Habang ako, pinipilit kong a lisin sa isip ko lahat ng paghihinala sa sarili ko... sa kanila at sa amin.

Dahil ako pa rin si Sapphire, ang leader ng 3-C at kung may dapat akong paniwala an. Iyon ay ako at ang mga kaibigan ko. Hindi nila ako lolokohin.

Tama. Hindi sila magsisinungaling sa akin.

"Sir, anong reaksyon nyo nung namatay si Hanako?" natatawang tanong ng isa namin g kaklaseng lalaki. "Diba, may gusto yon sa inyo?" muli ay nagtawanan sila. Simu la noong kumalat ang balitang iyan, hindi na sila natigil sa panunukso kay Sir B uendia at Hanako.

"Hindi ba may balita na nagkarelasyon kayo?" isa pang tanong ng isa naming kakla se. Nagtawanan sila na para bang nakikipaglokohan si Sir sa kanila ngunit paran g walang naririnig si Sir bagkus ay tuloy tuloy lang siya sa pagsusulat sa black board.

May gusto si Hanako kay Sir?

Napangisi ako sa pagyuko ko. Akala nila, alam nila. Ngunit kung alam lang nila k ung sino ang gusto ni Hanako. Kung sino ang karelasyon niya at kung sino ang nag tatagong kakampi niya. Siguro pag-iisipan pa nila kung totoo nga iyon. Hindi sil a makakapaniwala. Hindi lubos na kapani-paniwala.

Dahil alam ko ang mga sikreto ni Hanako.

Kung hindi ko man lubusang kilala ang sarili ko. Si hanako... kilalang-kilala ko siya. --------------------------------------------x

- A U T H O R ' S

N O T E -

KNOW THYSELF. Or Nosce te ipsum in latin. Original quote po yan ng philosopher n a si Socrates. MAY NABUONG TANONG SA ISIP KO. Sa tingin nyo ba, biktima lang talaga si Hanako? Or is it the other way around? SI CLYDE PO YUNG NASA GIF SA GILID. Yep, siya si Yukito Nishii. Si Shuuya Watana be ng Confession Yan po yung itsura nung mga parang naka-mascot sa mga cl ass pictures. Sa Doubt (manga) pa rin galing yung pictures na yan. Basahin nyo y un. (paulit-ulit bwahahaha) Walang gif eh, ibang laptop ang gamit. SA BOOK 2. Hindi po ito naka-focus sa mga characters (naka-focus naman pero hind i katulad nung book 1), talagang sinasagot ko lang yung mga tanong about the Aca demy tsaka yung mga naiwang tanong na hindi nasagot sa book 1. So if ever na may hindi nasagot sa tanong nyo sa book 1, kindly PM me. PM ah, hindi sa comment ba

ka sakaling pwede kong ilagay sa book 2. Salaaamat. :) SI MR. LAKETON. May kabataan pa siya noong hawak niya ang Laketon dati. Una ring humawak sa Acaddemy ang tatay niya, pinamana lang sa kanya. Ganun kaya baka mag taka kayo sa edad niya pero matanda na rin naman siya. Mula siguro 1980s, siya n a yung may hawak. :) HINDI KO NA-EDIT ITEY. Kaya if ever na may mali, typo o ano. Sabihin nyo lang. : ))

Salamat sa pagbabasa! Voice out your opinion. :* ******************************************* [21] C21: Hidden agenda. ******************************************* "We, who are about to die salute you." -Unknown. (From the Latin phrase, 'Moritu ri te salutamus')

--------------------------------------------x CLYDE'S POV

HINAWAKAN ko nang mabuti sa kanan kong kamay ang hawak kong cellphone na agad ko naman binulsa pagkaraan ng ilang minuto. Napa-buntong hininga ako sa di ko mala mang dahilan. Siguro dahil napapagod na rin ako sa kakaisip ng gagawin at maarin g kahahatungan ng gagawin ko.

"May iba ka na namang iniisip." Napalingon ako kay Abi ng sinabi niya iyon. Ngum iti lang ako sa kanya at umiling. "Sus. Nitong mga nakaraang araw, parang wala k a sa sarili mo. Ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon?" tuloy tuloy niyang tanong . Tulad ng kanina, umiling lang ako.

"Siguro, galit ka sa akin no? Dahil palagi kong kinokontra si Sapphire. Sus, Cly de, kilala na kita." Hindi ako umimik. Hindi dahil sa totoo at hindi ko rin nama n itinatanggi. Isa na ring dahilan iyon pero may iba pa kong iniisip. Bagay na kasing halaga ng buhay ko.

"Naku nga Clyde, magsalita ka nga! Nakakainis ka na ah!" tumigil ako sa paglalak ad. Humarap lang ako kay Abi at ginulo ang buhok niya na parang isang tuta. Naka kairita talaga ang mga babae, ang daming sinasabi. De bale, si Abi naman ito, ka ya ko siyang tiisin.

Hindi naman eh. Hindi naman ako galit sa kanya. Sadyang may mga bagay lang talag a na dapat hindi niya malaman. Mga bagay na hindi naman niya maiintindihan. Wala

namang problema kung sa huli na niya ito maunawaan. Para rin naman sa kanya it o eh.

"Nakakairita ka talaga. Galit na nga ako rito tapos ganyan ka lang, parang wala lang. Hindi naman sa lahat ng oras mahinahon ka. Bakla ka no?" napatawa lang ako sa mga sinasabi ni Abi. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi dapat siya sinasagot d ahil mas lalo pang hahaba ang usapan.

Kilala ko si Abi.

Napatingin ako sa gilid nang namataan ko si Sapphire at si Katherine. Nitong mga nakaraang araw, parating sila na lang ang magkasama. Wala si Cyrus, binabantaya n ang kanyang kapatid na biglaan daw isinugod sa ospital. Wala rin si Austin at Aislinn.

"Oh bakit biglang nagbago ang facial expression mo?" tanong na naman ni Abi.

"Ha?" tanging tugon ko.

"Bigla na lang nanlumo ang mukha mo. Siguro dahil sa napatingin ka kala Sapphire ano? Tsk tsk. Hindi kita masisisi, nakakapanlumo talaga ang mukha ni Sapphire." Bahagya ko siyang binatukan sa sinabi niya. Maloko talaga to.

Mabait naman talaga si Abi. Medyo kalog lang ang utak at palaaway. Palagi nga ak o ang nagiging taga-awat kapag nakikipag-away siya mula noong mga bata pa lamang kami at hanggang ngayon. Matapang siya at walang inuurungan kaya nga dun ako na g-aalala eh, masyado siyang matapang. Mabuti na lamang at palagi akong nandirit o para pakalmahin siya. Basta lang kasi siyang bira nang bira dapat sa bawat kil os at salita, pinag-iisipan

"Sige Clyde na super seryoso, mauna na ko. Susunduin ako ni dad ngayon eh. Naala la siguro niya na may anak siya. Bye." Kumaway lang ako sa kanya bilang pamamaa lam saka tumuloy na ko sa motor ko. Sinuot ko ang helmet at agad na pinaandar an g makina.

Pinaharurot ko ito palabas ng parking lot. Habang nasa isip ko pa rin yung bagay na yon. Depende na siguro. Para naman sa ikabubuti ito eh. Dapat ko lang gawin ang mga naiisip kong gawin, ang bago kong plano. Tama naman siguro ang desisyon ko. Hindi man ako sigurado.

Lalaban kami sa isang mas malinaw na paraan. Wala man akong rason dati ngunit ngayon, meron na.

Napatigil ako sa pagmo-motor ng may sumigaw ng pangalan ko. Lumingon ako kay Rap hael na hingal na hingal dahil sa pagtakbo. Pinatong niya ang niya ang mga kamay niya sa magkabilang tuhod at hinintay ko siyang magsalita.

"Clyde, pre, s-samahan mo ko. Pupuntahan natin si A-Austin." Hirap na hirap niya ng sabi habang humihingal pa rin nang kaunti.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, siguro dahil sa gulat at maaring ... kab a. Agad ko siyang sinenyasan upang umangkas sa motor ko. Mas binilisan ko ang pa gpapatakbo sa motor ng sinabi niya sa akin kung saang naroroon si Austin.

Ano kayang possibleng nanyari sa kanila? Possible kayang ... hindi naman siguro. Sana hindi.

Pinarada ko ang motor ko sa gilid ng estasyon ng pulis at nagmamadali kaming bum aba ni Raphael upang makapasok agad sa loob.

Nadatnan namin si Austin na napakadumi, nakaupo sa nag-iisang upuan sa harap ng mesa ng isang pulis, bakas sa mga mata niya ang labis na pag-iyak at yakap yakap ang isang may kalakihang bag at isang kulay puting jacket na sa isang tingin pa lang ay alam mo ng jacket ng isang babae. "Austin, anong nanyari?" bungad ni Raphael.

Umiling-iling si Austin na parang iyak na naman. Ngayon ko lang nakita siya na g anito ngunit nakakapagtaka ... nasan si Aislinn? Iniwan kami ng pulis nang naka lapit kami kay Austin. "Nasan si Aislinn?" tanong ko naman sa kanya.

"Si Aislinn ... hindi ko alam." Tugon ni Austin na para bang gulong-gulo. "Napag desisyunan na naming magtanan pero hindi siya sumipot sa kung san kami magkikita ." Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa jacket at bag. "Hinintay ko si ya hanggang sa makakaya ko pero walang dumating. Bigla akong nakatanggap ng tawa g mula sa kanya." Nanahimik siya ng ilang sandali na para bang ayaw na niyang ip agpatuloy pa kung ano ang sasabihin niya.

"Ano? Anong sabi ni Aislinn?" sunod naman na tanong ni Raphael.

"Hawak nila si Aislinn. Rinig na rinig ko. Si Hanako ang nagsasalita." Nanliit a ng mga mata ko sa sinabi niya. Impossible. Patay na si Hanako. Ngunit imbis na s alungatin siya ay hinayaan ko lang siyang magkwento. "Binigay ni Hanako kung nas aan sila. Dun sa gubat, ilang metro ang layo sa tagpuan namin ni Aislinn. Tumakb o ako dun. Saka ko nakita si Aislinn na tumatakbo palayo. Nagkita kami pero hind i nagtagal yun. Hinabol kami ng dalawang tao na hindi ko na namukhaan basta takb o lang kami nang takbo ni Aislinn." Biglang pumatak ang mga luha niya. "Nagkahiw alay kami sa kagubatan. Naligaw ako at mabuti na lamang at may nakakita sa akin na mga mangangaso. " Bumuntong hininga siya bago nagpatuloy. "Sinubukan naming h anapin kung nasaan si Aislinn pero ang jacket na lang niya ang nakita namin."

Inalis niya sa pagkakahawak ang jacket at bumungad sa amin ang sira-sirang jacke t ni Aislinn na may bahid ng dugo.

"Wala na kong ibang matawagan. Raphael, Clyde, pasensiya na."

Wala siyang ibang matawagan? Eh paano ang mga magulang niya? Tsaka malapit niyan g kaibigan sila Sapphire at Cyrus? Bakit hindi na lang sila? Tutal, mas hamak na may magagawa sila kaysa kay Raphael. Napailing na lang ako sa sobrang pag-iisip . Maari rin naman sa sobra niyang kaba ay kung sino na lang ang naisip niyang ta wagan. Maaring halos naging blanko ang pag-iisip niya.

Tumayo kami at nagsimula ng maglakad palabas ng presinto.

"Hindi mo ba talaga sila nakilala?" ang tanong ko sa paglabas namin ng presinto. Napatigil sa paglalakad si Austin at para bang nagulat sa tanong. "Ang ibig kon g sabihin, hindi mo ba talaga namukhaan ang mga kumuha kay Aislinn?" tanging ili ng lang ang tugon niya sa tanong ko na mas lalong kinabahala ko.

Hindi kaya ... nakilala na niya?

"Teka, mauna na pala ako." Sambit ni Raphael pagkatapos niyang tignan ang karara ting lang ng message sa cellphone niya. "Malapit lang kasi rito yung pinagta-tra bahuhan ko, pinapatawag ako ngayon dahil nagkulang ng tao. Sige, maglalakad na l ang ako."

Inalok ko siya na ihatid ko na lang siya gamit ang motor ko pero tumanggi lang s i Raphael kaya wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ihatid na lang si Aust in.

Inabot ko kanya ang isa pang helmet at tahimik kaming bumyahe. Sa tingin ko'y bu hay pa si Aislinn. Wala pa namang katiyakan eh. Mamayang gabi, sasabihin ko laha t ng ito kay Sapphire. Dapat lang niyang malaman tutal, mga kaibigan niya ang na ging biktima at inaalam talaga niya kung ano ba ang nanyayari sa klase.

Pinarada ko ang itim kong motor sa harap ng malaking bahay nila Austin. Bumaba a ko at kinuha ang helmet sa kanya. Napatingin naman ako sa bungad ng bahay nila n a isang napakagandang garden. Dati pa ko napunta sa bahay nila ngunit mas gumand a ata sa mga mata ko ang itsura nito ngayon.

"Salamat pre." Sabi ni Austin nang sinabit niya ang malaking bag sa likuran niya at humakbang palayo. "Anong gagawin mo? Paano na si Aislinn?" ang tanong na kanina pang bumabagabag s a akin.

"Ewan ko pre. Wala na rin sigurong pag-asa. Baka katulad lang din ng nanyari kay Harvey, baka bangkay na lang niya ang lilitaw." Pumasok na siya nang tuluyan sa gate nila. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakita ko dumaan siya sa hara p ng magulang niya na nasa bungad lang ng bahay nila. Ni hindi siya binati o kin amusta man lang.

Ilang araw na nawala ang anak nila, ni hindi man lang sila nagtanong?

Tungkol sa huling sinabi ni Austin, hihintayin na lang niyang lumitaw ang bangka y ni Aislinn? Nawalan na ba siya ng pag-asa? Tss.

Iniligay ko sa malit na compartment ng motor ko ang helmet na sinuot ni Austin a t pinaharurot ang motor ko palayo.

MURDERER'S POV

Tinanaw ko ang labas habang hinihintay ang pagdating nila. Kakupad-kupad naman n g mga iyon. Ayaw ko pa naman sa kasama ko rito. Kung hindi ko lang siya kailanga n para manyari ang gusto ko, hindi ko siya isasama eh. Wala lang talaga akong ib ang pagpipilian. Dapat akong gumawa ng mga paraan para maging mas madali para sa

akin ang lahat.

Pakialam ko ba sa nararamdaman nila? Paghihiganti man o ano ang dahilan nila, wa la na ako dun. Basta, gusto kong mamatay siya. Gusto ko lang makuha ang dati ko pang gusto. Makakamit ko yun lalo na ngayon. Impossible man pero malinaw na ang daan ngayon. Wala ng kalat na nakaharang sa daraanan ko.

Masaya ako dahil sa isang tao lang at ayos na ko dun. Hindi niya ko sinasaktan. Hindi niya ako pinapabayaan. Hindi niya ko binabalewala. Ngayon, nakukuha ko ang buong atensyon niya. Yun lang ang importante sakin.

Pero ano bang ginagawa ko sa maliit na apartment na to? Psh.

Tinignan ko siya nang masama habang kandong niya yung itim na pusa niya na nakal imutan ko ang lecheng pangalan. Umupo ako sa couch sa harap niya at tinitigan pa siya nang mas maigi.

Wala pa rin siyang pinagbago.

Masasabi ko lang na mas lumala ang ugali niya pero ganun pa rin siya ... katulad pa rin ng dati. Pumayag siya sa plano ko kahit na noong simula ay pakiramdam ko 'y hindi siya sasang-ayon. Hindi kasi siya ganito pero naniniwala na ko ngayon n a ang lahat ng tao ay may tinatagong demonyo sa loob nila. Siguro dahil kahit an g pinakamatalik niyang kaibigan ay may tinatago siyang sama ng loob. Alam ko ang lahat ng nanyari, inalam ko ang lahat. Gagamitin ko ang sikreto nila laban mism o sa kanila.

Bigla kong naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko.

"Haaaay! Ang tagal nila!" pagmamarakulyo ko sabay tayo sa kinauupuan ko. "Hoy, m agsalita ka nga. May makakain ba dito?" tumingin siya sa akin at ngumiti. Para b ang hindi niya naintindihan ang tanong ko, imbis na sagutin ay bumalik lang siya sa pagtingin niya sa alaga niyang pusa na wala namang naiitulong sa amin.

Nakakairita talaga.

Bigla ko tuloy naalala si Aislinn, ang tibay ng s na nahirapan ako sa isang tao. Madami na kong pero ngayon lang ako napagod kakahabol sa isang ako na basta sinasaksak na lang o ano mang mas

babaeng yun. Iyon ang unang bese nawakasan na buhay mula pa noon nilalang. Siguro sanay na talaga masaya na paraan para patayin an

g biktima. Mas madali yun.

Pero nasaan na nga ba si Aislinn?

Kahit makahingi pa siya ng tulong, wala na siyang magagawa. Sigurado akong patay na siya base sa pagkakalkula ko sa mga natamo niyang saksak at sugat. Sa pagtak bo palang niya, sigurado akong halos pilay na ang mga paa niya. Hindi siya magta tagal. Ilang araw siyang maliligaw sa kagubatan na yon at maaring nahulog na lan g siya sa kung saan.

De bale, sisiguraduhin namin lahat ng iyan pagkatapos ng pag-uusap na gagawin na min. Sa ngayon, magulo pa ang plano at bumalik ako sa grupo na ito para ayusin a ng lahat. Desidido na ko, ipagpapatuloy ko ang sinimulan ko.

Napalingon ako sa pintuan. Nandito na siya.

"Bakit natagalan ka? Hindi mo ba alam kung gaano nakakairita kasama yang tao na yan?" wala ekspresyon ang mukha niya bagkus ay umupo lang siya sa tabi ng taong iyon at kinuha niya ang pusa at hinaplos-haplos ang balahibo nito. Ilang minuto ang nakaraan bago siya nagsalita upang sagutin ang tanong ko.

"May mga nanyari lang na hindi inaasahan. May hinihintay pa ba tayo? Nasaan na y ung sinasabi mong dapat kong makilala?" tanong naman niya. Napangisi ako. Oo nga pala, ngayon lang niya makikilala ang isa naming kakampi.

Pinagmasdan ko lang siya habang wala pa ring ekspresyon ang mukha niya. Hinahapl os pa rin niya yung itim na pusa. Hindi ko alam kung ba't siya sumali sa amin, n i hindi ko alam kung bakit ko siya sinabahin. Siguro dahil sa nakaraan niya pero dapat ko siyang maiging bantayan, hindi ako sigurado kung kakampi nga siya o is ang kaaway.

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Siguro naman sa oras na ito, ma kakaabot siya? Sumandal ako sa pader. "Malapit na siguro yun baka may inasikaso lang." Nakangisi kong sinabi.

Nakuha ng isang maliit na pigurin ang atensyon ko. Isang pigurin na nakatapatong sa lamesa sa di kalayuan. Maaring dahil alam kong nakita ko na ang pigurin na i to, hindi ko lang talaga maalala kung saan at kung kanino. Basta, nakita ko na i to. Sobrang pamilyar.

Nilapitan ko ang nasabing lamesa at kinuha ang pigurin. Halata rito ang mano-man ong pagdidikit ng bawat parte. Mukhang nabasag na ito dati pa. Titignan ko na sa na ang ibaba nito dahil sa may nakita akong itim na tinta sa dulo. Nang biglang may humawak ng braso ko. Mabuti na lamang at hindi ganun kalakas dahil baka mabi tawan ko ang pigurin, isang pigurin ng cherubin.

Napalingon agad ako sa kanya. Walang anu-ano ay agad niyang kinuha ang hawak kon g pigurin. "Wag na wag kang mangingialam ng mga gamit ko rito." Matigas niyang p agkakasabi. Inirapan ko lang siya at bumalik na ko sa kinatatayuan ko kanina. Da pat pa pala siyang magalit bago ko siya magsalita.

Tsaka, ano bang importante sa pinagdikit-dikit na pigurin na iyan? Kung nasira n a, dapat itinapon na lang niya. Masyado siyang mapagpahalaga sa mga gamit.

De bale, mamamatay rin naman siya. Hindi ko na dapat siya problemahin.

Iniisip ko palang na mamamatay siya, natutuwa na ko dahil kung nagkataon, pangal awang beses na ito. Tanga lang talaga ang 3-C dahil hanggang ngayon, pinapanindi gan nila na patay na siya. Psh. Mga hunghang.

Pare-pareho lang silang lahat.

Sinasaktan ako ng lahat, pinapakita nila sa akin ang lahat ng kasamaan ng tao mu la pagkabata ... mula noong namatay ang nanay ko. Puro kasamaan at kasakiman ang pinakita sakin. Hanggang sa nasanay ako. Hanggang sa halos kauri ko na rin sila . Mga taong nagtatago sa likod ng isang masayang maskara. Ngunit iba siya, sa la hat ng kilala ... siya lang ang iba ang pakikitungo sa akin.

Madami na akong pinatay. Sa mura kong edad, hindi ko halos mabilang ang mga buha y na winakasan ko. Basta't nalulungkot ako, basta't matinding galit at pagdaramd am ang nararamdaman ko, ang tanging gusto ko lang ay kumitil ng buhay. Lahat ng nararamdaman kong sakit ay dinaraan ko na lamang sa malalim na pagsaksak sa kung sino man ang magustuhan ko. Tumigil na ako noon pero nanumbalik ang lahat ng na laman ko iyon.

Ilang pangalan ang binigay sa akin ng pulisya mula pa noon. Isang serial killer, ang tao sa likod ng sunod-sunod na pagpatay sa lugar namin lalo na tuwing gabi. Walang eksaktong oras, walang eksaktong araw. Basta't gusto ko lang pumatay ... basta't nakakaramdam ako ng matinding emosyon, pumapatay talaga ako. Madami sil ang hula ngunit kahit isa man doon ay hindi totoo. Akala nila'y lalaki ako, akal

a nila'y isa akong matanda dahil sa paraan ng aking pagpatay. Mga tanga talaga s ila.

Kumalat rin ito sa eskwelahan dati dahil sa tatlong sunod-sunod na pagpatay sa t atlong estudyante sa iba't-ibang high school level ng eskwelahan ngunit agad nam an itong nawala dahil sa tinuldukan na ito ng napakagaling naming Presidente, si Mr. Laketon.

Hinahangaan ko siya kaya sinasalamin ko lahat ng ginawa niya mula pagkabata niya . Ang eskwelahan na tinayo nila, akala lang ng ilan ay para sa pag-aaral at pagp apalaki ng negosyo ito ngunit ... nagkakamali sila dahil ang Laketon Academy ay isang malaking paligsahan. Mga mahihina laban sa malalakas. Mga bobo laban sa mg a matatalino. Mga sisiw laban sa mga agila.

Naputol ang lahat ng pag-iisip ko nang bumukas muli ang pintuan. Nandito na rin siya, sa wakas. Magsasalita na sana siya kaso tila ba'y napako siya sa kinatatay uan niya nang natanaw niya ang isa pa naming kasama, ang taong hindi niya alam n a kasama sa grupo.

Pareho silang nakatitig sa isa't-isa, parehong gulat.

Sabi ko na nga ba. --------------------------------------------x

- A U T H O R ' S

N O T E -

DEDICATED KAY Singkit_TJ, dahil mas alam pa niya ang book 1 kaysa sa akin hahaha . De promise, mas alam pa niya sa author eh. Maraming maraming salamat kuya pusa ng mabait na singkit! Sobra. T.T SI ABIGAIL PO ANG NASA PICTURE SA GILID. Dapat gif kaso nagkaproblema eh. ADD NYO NA RIN PO SI ABIGAIL LIM SA FACEBOOK. Nasa external link po. Salamat sa pagbabasa! Comment lang ng gustong sabihin at ng opinion sa baba! :)

******************************************* [22] C22: Judas' kiss ******************************************* "An open enemy is better than a false friend"-Greek proverb

--------------------------------------------x LUNA'S POV

SUMILIP ako sa gilid ng isang bookshelf upang mas makita at marinig sila Sapphir e, Katherine at yung Blake na yun. 6: 30 am palang at hindi ko alam kung bakit g anitong kaaga sila mag-usap. Nagkataon lang na pumasok ako nang mas maaga upang hanapin muli ang pulang libro dito sa lumang library. Nagbabaka-sakali na makal usot ngayon sa bagong librarian sa oras na ito.

Una kong nadatnan si Blake na tahimik na nagbabasa. May lumapit sa kanya na isan g babae na narinig kong tinatawag niya 'Sam' ngunit umalis rin ito pagkatapos ni yang ibigay ang isang folder dun sa Blake. Ilang minuto ang nakaraan at napating in muli ako sa kinauupuan niya ng dumating naman si Sapphire at Katherine. Doon na ko nagtago at nagmatyag sa mga kilos nila.

Maari kayang konektado pa rin ito sa librong nakuha niya? O Iba pa?

Mas inilapit ko pa ang mukha ko upang mas marinig ang pag-uusap nilang tatlo. Na kakapagtaka talaga. Kailangan pa talaga nilang mag-usap ng ganitong kaaga?

Nanliliit ang mga mata ko habang mas iniintindi ko ang mga sinasabi nila. Minsan kasi humihina ang mga boses nila at kung minsan naman ay lalakas, sapat na laka s upang marinig dito sa kinatatayuan ko. Ilang pangungusap lang ang medyo naint indihan ko ngunit hindi ko sigurado kung tama nga ba ang pagkakarinig ko. Nakaka inis. Gusto kong malaman. Gusto kong marinig ang buo nilang pag-uusap. Parang n agsasayang lang ako ng oras sa mga taong ito. Nakakaleche pero malakas talaga an g kutob ko na may mapapala rin ako sa ginagawa ko ngayon.

Gagalaw pa sana akong paabante ngunit sa paggalaw ko nang kaunti ay naglaglag an g nasa tabi kong mga libro. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at umatras ako upan g maiwasan ang pagkakita nila sa akin. Hindi ko na pinulot ang libro at hinayaan na lamang ito sa pagkakabagsak. Sa tingin ko naman ay hindi sila nagtaka kaya n arinig ko pa rin ang mga mahihina nilang boses.

Ilang minuto ang nakaraan at bumalik ako sa posisyon ko kanina at sumilip ulit s a kanila. Ngayon naman ay may dumagdag na isang babae. Nakatayo ang babae na may

kahabaan ang itim niyang buhok, medyo maliit siya at suot niya ang uniform ng L aketon Academy katulad naming lahat.

Nakayuko siya sa harap nung Blake habang sila Sapphire at Katherine naman ay nak atingin lang sa babae na para bang hinihintay siya na magsalita.

"K-Kuya Blake, ako po si Jannine Ilagan, galing sa class 2-C. Gusto ko lang po s anang ibigay sa inyo i-ito." Sabay abot ang kanina pa niyang hawak sa likuran ni ya na isang papel. Lumipat ako sa kabilang bookshelf na hinaharangan ng isang is tanteng gawa sa kahoy ngunit may sapat na maliit na espasyo sa pagitan upang mak ita ko sila.

Pakiramdam ko, kailangan ko talagang marinig ang pinag-uusapan nila. Naniniwala ako sa kutob ko dahil sa napakaraming pagkakataon, palaging tama ito. Sigurado a ko.

Hindi umimik si Blake at kinuha lang niya ang bigay na papel nung sophomore.

"Matagal na po k-kasi akong may gusto sa inyo eh. " Nahihiya pang sabi ng babae habang kita ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil sa kaputian niya. Ramdam an g bawat tensyon na nararamdaman niya dahil sa kinikilos niya sa harap nila Blake .

"Salamat. Pwede ka ng umalis." Walang emosyon na tugon nung Blake. Mas lalong yu muko ang babae marahil dahil sa pagkapahiya niya sa harap nung lalaking iyon. Na kita ko namang tinitigan lang nung Blake ang papel na nakuha niya at nilukot ito .

Hindi ko alam na ganito pala ang pag-uugali ng presidente ng student council. Na patingin ako sa relo na suot ko, 6:50 am. 7:30 am pa ang simula ng klase at alam kong malapit na silang umalis ngunit wala pa rin akong nakukuhang kahit anong i mpormasyon na kakailanganin ko upang malaman kung ano nga ba talaga ang nanyari, nanyayari at manyayari sa klaseng to.

Bwisit.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Blake." Ngayong mas malapit na ko sa kanila ay malin aw kong narinig ang mga katagang binigkas ni Sapphire. Nakita ko namang hinawaka n siya sa braso ni Katherine maaring bilang isang babala.

"Tama ka Sapphire. Yun pa rin ako. Sino bang nagsabi na nagbago na ko?" tugon na man nung Blake. Nasa boses pa rin niya yung naramdaman ko sa unang beses ko siya ng nakita, para siyang nanghihipnotismo. Parang lahat ng sinasabi niya ay purong katotohanan at wala ng magagawa ang kausap niya kung hindi maniwala na lamang s a lahat ng katagang binibigkas niya.

"Oo, sino nga ba diba?" pinatong ni Sapphire ang dalawa niyang kamay sa lamesa s a harap nung Blake. Bahagya siyang nakaharap sa kinatatayuan ko kaya kitang-kita ko ang ngisi sa mukha niya bago siya magsalita muli. "Sabi ko naman sayo eh, ma s tanga ka kaysa sa akin. Hanggang ngayon, nagpapakatanga ka pa rin kay Hanako." Hindi ako nakagalaw sa narinig ko. Kamuntikan na kong mapasinghap ngunit agad k ong tinakpan ang bibig ko.

Anong koneksyon ni Hanako sa Blake na yan?

"Hindi ako tanga Sapphire. Nagmahal lang ako." Nakita kong napatayo si Blake sa mga sinabi ni Sapphire. Para ba silang nagpapaligsahan sa pagtititigan bago muli ng magwika si Sapphire na lubha kong kinagulat.

"Pareho lang 'yon pero ngayong wala na ang bobo mong girlfriend, ano ng gagawin mo?" matigas na pagkakasabi ni Sapphire. Imbis na sumagot ang kausap niya ay nag lakad ito ng ilang hakbang palayo hanggang sa matapat siya sa pintuan palabas ng lumang library.

"Wala na nga ba talaga siya?" malakas na sabi nung Blake. "Mauna na ko, Sapphire . Magsisimula na ang klase. Sana ay natulungan kita sa mga nalaman mo ngayon." A t tuluyan na siyang umalis.

Napahawak ako sa ilalim ng baba ko dahil sa pag-iisip. Nagkaroon ng relasyon yun g Blake at yung Hanako? Hindi kaya ... siya ang naghihiganti para sa kanya? Hind i kaya hindi talaga patay si Hanako? Buhay pa ba talaga si Hanako? Isa lang bang palabas ang pagpapakamatay 'kuno' niya? O totoong bangkay niya ang nakita namin ?

Tumingin muli ako kala Sapphire na papaalis. Tinignan ko ulit ang oras sa relo k o, 7:08 am. Mukhang kailangan ko ng tapusin ang talagang pinunta ko rito lalo na 't may kaunti akong nalaman tungkol sa lalaking iyon at kay Hanako. Alam kong ku lang pa ngunit nararamdaman kong mas may malalaman pa ako.

Saka ako pumunta sa pinakadulo ng library kung nasaan ang pulang libro. Kailanga n kong madaliin ito, hangga't hindi pa bumabalik ang librarian. Dahan-dahan akon g naglalakad at sa paglalakad ko ay tinitignan ko isa-isa ang nakaayos na libro sa bookshelf. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko makita ang hinahanap ko. Ang a lam ko, dito lang nakuha ni Spade yung pulang libro.

Kailangan ko yun makita dahil noong umalis si Sapphire noong araw na iyon ay may nahagip ang mata ko na interesanteng pahina sa libro. Hindi lang ako nakalapit dahil pinagkaguluhan na ito ng lahat. Sigurado ako ... nakita ko yung teacher Yu ko at yung nurse ng school sa pahina na iyon. Siguradong-sigurado ako.

Ngunit nasaan na nga ba?

"Ito ba ang hinahanap mo, hija?" napalingon ako ng may narinig akong malalim na boses sa likuran ko. Akala ko'y nahuli ako ng librarian ngunit nagkamali ako.

Saka ko siya nakitasa likuran ko habang hawak-hawak sa kanan niyang kamay ang pu lang libro na hinahanap ko. Napaatras ako ng dalawang beses kasabay ng paglunok ko dahil sa kaba. Hindi pupwede ... kailangan ko ng kasama ngayon. Delikado na m aiwang mag-isa kasama siya.

"M-Mr. Laketon." Ngumiti siya pagkatapos kong bigkasin ang mga katagang iyon. Is ang ngiti na alam kong hindi nakakabuti sa sitwasyong ito.

AUSTIN'S POV

Sa pagpasok ko sa classroom, agad akong sinalubong ng mga kaklase ko at sunod-su nod nilang tinanong kung ano nga ba ang nanyari ngunit mas pinili kong manahimik na lamang at umupo sa upuan ko. Kinawayan ko si Sapphire nang pumasok siya. Tul ad ng iba, lumapit din siya sa akin at tinanong ng napakaraming tanong. Nakakair ita kahit papano. "Mamaya ko na lang sasabihin sa inyo. Wag kang mag-alala, nasa maayos na lugar s i Aislinn." Sagot ko.

Ilang minuto bago magsimula ang g gagong 'to. Agad naman siyang kaibigan namin. Napangisi ako. g 'tong gago na 'to. Ito na ang

Cyrus, gaganti na ko sa'yo. Magbabayad ka ngayon .

unang klase ay nakita kong pumasok si Cyrus. Yun pumunta sa kinauupuan ni Sapphire at kinulit ang Hindi ako makakapayag na papetiks-petiks na lan araw na pinakahihintay ko.

Tinanggal ko naman ang pagngisi ko ng nakita kong papalapit din sa akin si Cyrus .

"Kamusta ka na pre?" tanong niya.

"Eto, buhay pa." Tanging sagot ko. Tinapik niya ako sa likuran saka pumunta sa k inauupuan niya. Napabuntong hininga naman ako. Kaibigan? Ulul. Wala na kong pake sa kaibigan lalo na kung para sa akin at kay Aislinn.

Matagal na kong nagtiis. Matagal akong naghintay. Hindi ko pinaglagpas ang pagka kataon na makasama si Aislinn ... si Aislinn lang. Mawala na ang lahat, maglaho man silang lahat basta huwag lang si Aislinn.

Ngunit wala na kong ibang pagpipilian, masyado ko siyang mahal.

Ilang minuto muli ang nakaraan at pumasok na ang teacher. Tulad ng dati, nagsali ta lang siya nang nagsalita sa harap kahit na wala namang nakikinig sa kanya kun di ang mga walang kwentang matatalinong tao dito sa classroom.

Tumingin ako sa buong klase. May kung anong kilabot akong naramdaman ng nakita k ong nakatingin siya sa akin. Hindi siya nakatingin nang masama, hindi rin naman siya nakatingin na para bang mabuti ang pinapahiwatig. Basta ang nararamdaman ko 'y nagbibigay siya ng isang nakakahindik na babala. Ngumiti lang ako sa kanya.

Para sa akin at kay Aislinn.

Inilabas ko ang phone ko dahil sa naramdaman kong nag-vibrate ito. Hindi ako nag kamali, bumungad sa akin ang text message ng walang kwenta kong tatay. Hindi na ko nagsayang ng oras para basahin ito. Agad kong binura ang message at itinago m uli sa bulsa ng pantalon ko ang hawak kong phone. Nakakabadtrip lang eh.

Nakalipas ang ilang oras. Natapos ang unang klase hanggang sa pangatlong klase. Tahimik akong kumain kasama nila Cyrus. Tulad ng kanina, tanong sila nang tanong ngunit ang sabi ko lang ay sasabihin ko ang lahat mamayang pagkatapos ng klase.

Ayokong sabihin ito sa harap niya. Sigurado akong malaking gulo ang manyayari ka pag nalaman nila mismo sa bibig ko na siya ay isa sa mga killers. Hindi pa ito a ng tamang pagkakataon at hindi sila ang dapat makarinig nito.

Sa pagbalik namin sa classroom ay nasalubong namin si Samantha, yung secretary n g student council, isang sophomore ng section A na kung titignan ay mas may paki nabang pa sa aming mga Junior.

"Hi ate Sapphire, ate Katherine, kuya Cyrus at kuya Austin." Magiliw niyang bati . "Alam nyo po ba kung nasaan sila Ate Sandria at Kuya Raphael?" tanong niya.

"Nasa library si Raphael. Hindi siya sumabay sa amin kasi may report siyang inaa sikaso. Si Sandria naman, nasalubong namin kanina. Papunta ata siya sa elementar y building. Mukhang inutusan siya ni Sir Buendia." Sagot ni Katherine habang nak angiti kay Samantha. Tss.

May kung ano talaga sa ngiti ni Katherine na nakakairita. Masyadong painosente a ng dating sa akin. Isa na rin iyon sa dahilan kung bakit namin ayaw sa kanya sa grupo. Tanging si Aislinn at Sapphire lang naman ang may gustong sumama siya. Ps h.

"Ah. Ganun po ba? Sige, muna na ako. May sasabihin lang ako sa kanila. Salamat." Ngumiti siya sa akin. Napangisi naman ako habang pinagmamasdan na umalis si Sam antha. Nakakairita ang mga ganitong tao eh.

Ano kayang sasabihin niya sa mga iyon? Pero ano nga bang pakialam ko? Dapat kong pagtuunan ng pansin ang kailangan kong gawin.

Bumalik na kami sa klase. Walang bago, ganun pa rin, mga gago pa rin ang nandiri to. Nakatulala lang ako habang nakasandal sa upuan ko. Minsa'y napapangiti ako s a tuwing naiisip ko si Aislinn. Magkakasama rin kami. Alam ko yun.

"Mr. Molina, anong nakakatuwa? Mukha kang ewan na ngumingiti riyan." Napatingin sa akin ang lahat ng sinabi iyon ni Sir Buendia. Umiling lang ako saka pinagpatu loy ang pagtingin sa kawalan. Nakarinig ako ng ilang tawanan. Tumingin ako sa mg a gagong iyon at nagsitigil naman sila.

Walangya ka talaga kahit kailan, Sir Buendia.

May naramdaman akong bumato sa akin ng papel. Tumingin ako nang masama sa kanya ngunit sumenyas lang siya kaya agad ko namang kinuha ang lukot-lukot na papel at binasa ang nakasulat dito.

'Hindi mo kailangang gawin iyon. Huwag kang maniwala sa kanya. Hindi siya maruno ng tumupad ng pangako.'

Umiling ako.

Naniniwala ako sa kanya. Kilala ko siya. Tutupad siya sa pangako niya. Kahit na ilang beses pagbalik-baliktarin ang mundo, isa siya sa mga tao na kilala kong ta pat sa sinasabi niya kahit na wala namang patutunguhan ang pag-uusap namin pati na rin siguro ang mga naiisip niya. Basta, alam ko.

Ibabalik ko si Aislinn. Akin lang si Aislinn. Hindi ako makakapayag.

Natapos ang klase ngunit bago magsialisan ang buong klase ay pinuntahan ko si Sa pphire sa kinauupuan niya at inaya siya sa labas ng classroom upang kausapin. Su mulyap ako kay Cyrus na abala pa sa pakikipag-usap sa iba. Hangga't hindi niya a lam, dun ko mas kailangang makausap si Sapphire.

"Bakit kailangang ako lang? Kailangan malaman ng buong klase ang nanyari sayo at kay Aislinn." Sabi pa niya. Lumunok ako upang makaipon ng lakas para sa susunod kong sasabihin. "Hindi maari." Muli ay nagtanong si Sapphire kung bakit na agad ko namang sinago t. "Nandoon ang killers. Hindi tayo dapat magsalita nang basta sa harap nila." N akita ko ang tensyon sa mga mata ni Sapphire. Mukhang gusto niyang malaman. "Sinu-sino?" tanong niya muli.

"Isa lang ang nakilala ko sa kanila." Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin na para bang sinasabi niya na huwag ko na siyang bitinin sa sinasabi ko.

"Si Cyrus. Naniniwala ka ba talagang na-ospital si Paula? Alibi lang niya yun Sa pphire. Isa siya sa kanila." Napatigil ako ng ilang segundo at muling nagsalita . "Kitang-kita ko siya Sapphire." Tila ba'y nawalan si Sapphire ng kakayahan mag salita at tumingin lang sa akin habang gulong-gulo ang ekspresyon ng mga mata.

"Ilang beses niyang sinaksak si Aislinn, ang best friend mo." Sa pagkakasabi kon g iyon ay para bang nawalan ng lakas ang kanyang mga paa at napaupo na lamang sa harap ko. Alam kong wala siyang magagawa kung hindi tanggapin na lamang ang lah at.

Nagtagumpay ako.

Para sa akin at para sa pinakamamahal kong si Aislinn. --------------------------------------------x

- A U T H O R ' S

N O T E -

JUDAS' KISS. (noun) An act of betrayal, esp. one disguised as a gesture of frien dship. Oh baka may ibang mag-isip ng kung anu-ano diyan dahil sa title. Wag gany an hahaha. YUNG SINABI NI SAPPHIRE. Yung sinabihan daw niya na mas tanga kaysa sa kanya si Blake ay nasa chapter 7 (C7: Embrace your iniquity). YUNG GIF SA GILID. --> Si Sir Buendia po yun at yung babae, ipagpalagay na natin na si Luna yun kahit na hindi si Suzy yun. Galing yung pangalawang video clip s a Japanese movie na 'Goth'.

Salamat! :) ******************************************* [23] C23: Lost Alice. ******************************************* "Cyrus, the wicked wolf."

--------------------------------------------x LUNA'S POV

HINDI ko inaasahan na makakapasok ako rito sa loob ng opisina ni Mr. Laketon. La long-lalo na sa ganoong sitwasyon. Nagtataka rin ako. Bakit dinala pa ako ni Mr.

Laketon dito? Sana man lang ibinigay na niya ang kailangan ko hindi itong dinal a pa niya ako rito.

Ilang beses akong napatingin sa opisina. Mas malamig dito kaysa sa classroom. Ma rami ring nakasabit na mga frame sa dingding. Ang iba ay painting at ang iba nam an ay mga papel na maaring certificate o kaya mga awards para sa eskwelahan na i to. Kahit ano man doon ay wala akong pakialam.

Marami ring mga papel sa lamesa ni Mr. Laketon at sa likuran naman ng kinauupuan niya ay isang malaking bookshelf. Napansin ko rin ang pintuan sa tabi nito na t alagang agaw pansin dahil sa kalakihan ng padlock na gamit. Ngayon ko lang nalam an na may isa pang kwarto sa loob ng opisina ng Presidente ng Laketon Academy.

Ano kayang nasa loob nito?

"Luna Levesque, Class 3-C." Sabi niya habang binabasa ang hawak niyang I.D ko na kanina'y kinuha niya. Binalik naman niya agad ito sa akin sa pamamagitan ng pag lapag nito sa lamesa. Kinuha ko naman ito at sinuot. Tinitigan ko siya ngunit hi ndi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya.

Nakangiti pa rin siya. Yung ngiti na alam mong walang mabuting iniisip.

"Nice to meet you, Ms. Levesque. I've heard so much about you." Napakunot ang no o ko sa narinig ko kay Mr. Laketon. May binuklat siyang kwardeno sa harapan niya at muling nagsalita, "Batay dito, anak ka ni Elmo Levesqye, my old friend. Tign an mo nga naman, ang liit talaga ng mundo." Tumingin siya sa akin at malapad na ngumiti.

Hindi ko alam na dati pala niyang kaibigan ang tatay-tatayan ko. Maaring iyon an g dahilan sa mahigpit na pagtanggi niya sa pagpasok ko sa eskwelahan na ito. Aya w na ayaw niya sa desisyon ko ngunit wala siyang magagawa. Hindi siya ang tunay kong ama para bawalan ako sa mga bagay bagay. Wala siyang karapatan.

"Bagsak ka dati sa lahat ng subjects mo. Galing ka sa Marylaine Academy at isa ka sa mga estudyante na binu-bully roon." Pagpapatuloy niya. "Mas lalo akong na giging interesado sayo, Ms. Levesque." Tumingin siya muli sa akin. Isang ngiti na naman ang pumorma sa labi niya. Nakakauta siyang tignan habang nakangiti. Ewa n ko. Wala akong nakikitang mabuti sa ngiti niya.

Sa bawat pagtingin sa kin ng Mr. Laketon ay kinikilabutan ako. Para bang hindi n

iya binabasa ang lahat ng nasa kwadernong hawak niya. Alam kong nandoon ang laha t. Sigurado ako na hindi lang siya basta basta na tumatanggap ng estudyante rito . Maaring sinasala niya ang lahat ng mapupunta sa eskwelahan na ito.

Lalo na sa 3-C.

Sinarado niya ang kwaderno bago kuhanin ang salamin sa mata na nakalapag sa gili d ng lamesa at agad naman niya itong sinuot. Bumuntong hininga siya saka tumingi n ulit sa akin.

"Sige, magse-seryoso na ako." Nakangiti pa rin niyang sinabi.

Ito siguro ang unang beses na nakaramdam ako nang ganito. Katulad siya ni Blake ngunit masasabi ko na mas malala ang kay Mr. Laketon. Mas malakas ang pakiramdam ko na para bang hini-hipnotismo niya ang bawat tao na kausap niya. Lalo na ngay on. Para bang tama ang lahat ng lumalabas sa bibig niya. Para niya akong sinasab ihan na maniwala sa bawat iyon.

"Anong gusto mong malaman sa Laketon Academy?"

Medyo nagulat ako sa biglang pagtatanong niya. Hindi ko inaasahan na iyon agad a ng kanyang itatanong. Parang nababasa niya ang isipan ko. Hindi karaniwan para s a akin ang kabahan nang ganito. Hindi karaniwan sa akin na matakot sa isang tao nang ganito.

Nakatingin pa rin sa akin si Mr. Laketon at umabot ng ilang minuto bago pa man a ko makasagot. "Bakit mo pinapabayaan ang pagpatay sa mga estudyante mo?" na sinu ndan ko naman ng isa pang tanong. "At ano ba talaga ang rules of the jungle na g inamit dito sa eskwelahan mo noon?" pilit kong pinigilan ang pagputol ng ilang m ga salita na binanggit ko dahil sa kaba at masasabi ko naman na sapat ang ginawa ko para hindi maipakita sa kanya na kinakabahan ako. Ayaw kong ipakita na mahin a ako dahil ang kahinaang iyon ang naging dahilan ng pangit na nakaraan ko sa Ma rylaine Academy.

Ngunit bago pa ako makakuha ng tugon mula kay Mr. Laketon ay nakarinig ako ng ka luskos. Napalingon agad ako upang makita kung may tao. Ngayon ko lang naramdaman ito buhat noong pumasok ako rito.

Malakas ang kutob ko na may iba pa kaming kasama rito.

Titingin pa sana ako sa pinakasulok ng kwarto kung nasaan dang dalawang malaking steel cabinet sa gilid na may ilang pagitan sa gitna at isang malaking paso na may nakatanim na halaman ngunit hindi ko na nagawa dahil nakuha ang atensyon ko ng sagot ni Mr. Laketon.

"Para sa isang tulad kong mayaman, may pinag-aralan at galing sa isang mayamang pamilya. Isa na lang libangan sa amin ang buhay ng mga tao." Tumayo siya at suma ndal sa bookshelf na nasa likuran lamang niya. Saka siya muling nagsalita, "Tuta l, ginawa naman ang tao para mamatay. Bakit hindi nating gawin kapana-panabik di ba?" Kinuha niya ang pulang libro sa bookshelf, maaring iyon ay ang sarili niyan g kopya.

"Tungkol sa rules of the jungle, mukhang alam nyo na ang nakaraan ng Laketon. Wa la naman akong pake dun, may mga nakakaalam naman na estudyante lalo na sa secti on A at B tanging kayo lang ang ignorante tungkol sa larong iyan." tumawa siya n ang mahina pagkatapos niyang sabihin iyon. Umupo siya muli habang inilalapag ang kinuha niyang libro sa lamesa. Binuklat niya ito habang nagsasalita. " Ang laro ng iyon ay para sa mga nilalang sa tuktok ng tatsulok, kami. Habang kayo naman a y nasa ibaba. Mga makapanyarihan laban sa mga mahihina. Pero mayroon namang mga nakaligtas. Ang mga rabbits na marunong lumaban. Tulad ng sinabi sa libro, 'Reve nge is the key. Death is the punishment.' Siguro alam mo na kung papano?" ngumit i siya kasabay ng pagtaas niya ng libro sa pahina na talagang hinahanap ko.

Ang pahina kung nasaan ang litrato nung teacher Yuko na sinasabi nila pati na ri n ang nurse ng school.

"Sila ang nakaligtas na mga rabbits. Sila lang ang nakalabas ng buhay mula noon pa." Napasinghap ako. Kaya pala. Muli kong naalala ang nakalagay sa libro, 'Reve nge is the key. Death is the punishment.' Paghihiganti at kamatayan. Napatingin ako sa gilid ko habang sinusubukan na mag-isip tungkol sa pagkaligtas nila. Ano kaya ang possibleng nagawa nila upang makalabas ng buhay?

Ang pumatay rin?

"Hinahangaan ko sila. Hinahangaan ko ang tapang nila para makaligtas. Mga matata lino ... parang ikaw." Tumayo siya at ngumiti muli sa akin. "May tanong ka pa ri n ba?" hindi ako nakatugon. "Maari ka ng umalis kung ganun."

Wala akong imik na tumayo. Papalapit ako sa pintuan upang lumabas na agad. Mukha ng hindi ko talaga kayang manatili rito. Maaring ngang marami akong nalaman. Maa ri ngang nasagot na ang mga tanong ko ngunit iba ang kaba na nararamdaman ko kah it ngayon.

Yung nurse at yung dating teacher...

Ngunit bago ko pa man mabuksan ang pintuan ay napatigil ako sa sinabi ni Mr. Lak eton. "Teka nga, matalino ka nga ba talaga Ms. Levesque?" isang mahinang tawa na naman ang narinig ko sa kanya. Lilingon pa sana ako kay Mr. Laketon ngunit nati gilan ako nang may nagtakip ng bibig ko gamit ang isang tela o kung ano man.

T-Teka ... a-anong nanyayari?

Nakaramdam ako ng pagkahilo hanggang sa nawalan ako ng malay.

SANDRIA'S POV

Umupo ako sa tabi ni Raphael dito sa library. Kararating lang namin ni Sam dito. Hindi ko man alam kung bakit pero sumama na rin ako. Ang sabi niya kasi ay tung kol ito sa nanyayari sa klase namin. Ano bang alam ng isang sophomore sa mga kag anapan sa klase namin?

Nakakapagtaka. Pero di bale, malalaman ko rin naman.

"Kuya Raphael at Ate Sandria, ayaw ko ng magpaligoy-ligoy." Huminga siya nang m alalim bago magsalita. "Noong nakita yung bangkay ni Ate Hanako sa classroom nyo , noong assembly. Bago nakita iyon ay napadaan pa ko sa high school building kas i kinuha ko iyong pinapakuhang folder ni Mr. Laketon. Bago yung sigawan, nakita kong lumabas sa classroom ninyo si kuya Cyrus." Napansinghap ako sa sinabi niya. Si ... Cyrus?

"Anong ibig mong sabihin?" seryosong tanong ni Raphael. Naiintindihan ko siya, m atalik niyang kaibigan si Cyrus at maaring naiinis siya ngayon sa narinig namin mula kay Sam.

"Ay wag po kayong magalit agad. Nakita ko lang po siya nun. Hindi na ako nagtaka dahil baka may nakalimutan lang siya o ano pero ilang sandali ay biglaan naman tayong nakarinig ng sigawan saka nakita yung bangkay ni Ate Hanako sa classroom. Hindi ba, nakakapagtaka yun?" napahawak ako sa baba ko at nag-isip.

Maari ngang nakakapagtaka kung bakit bumalik pa sa classroom si Cyrus noong mga panahon na iyon. Sa totoo lang, hindi ko siya napansin. Wala kasi akong pake sa paligid ko noon dahil pakiramdam ko'y walang kwenta ang pagpunta namin sa bagong gawa na gymnasium. Nakakainis, hindi ko man lang napansin.

Ano naman ang dahilan niya sa pagpunta roon?

Maari kayang kasabwat siya ni Hanako sa pagkukunwari na pagpapakamatay? O Siya mismo ang gumawa non kay Hanako?

"Kung nandoon siya. Maaring-" agad naputol ang pagsasalita ko ng napansin ko na iba na ang aura ni Raphael. "Hindi ko alam kung bakit mo ito sinasabi pero hindi ako naniniwala sayo. Lalo n a't kilala ko pa yung Blake na yun. Isa na naman ito sa kalokohan niya diba? Mas matalino ako sa kanya. Yun ang sabihin mo sa gagong yun." Ito ang unang beses n a narinig ko si Raphael na magsalita nang ganun. Ni hindi ko alam na ang salitan g 'gago' ay kayang-kaya niyang sabihin.

Siguro nga hindi ko talaga siya kilala.

"Pero k-kuya, dapat kayong mag-ingat sa kanya. Delikado. Pinapaalalahan ko lang kayo." May kung ano sa tono ni Sam na nakakaawa. Ngunit kung kaibigan nga siya n ung Blake na iyon, mahirap nga siyang paniwalaan. "Sige nga, bakit ngayon mo lang sinasabi ito sa amin? Bakit hindi pa dati?" nata himik si Sam sa tanong ni Raphael. "Kung may balak kayong manloko, ayusin nyo." Tumayo si Raphael at hindi ko namalayan na hawak hawak na pala niya ang kamay ko palabas ng library.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Kahanga-hanga talaga siya.

"Wag kang maniwala sa kanya." Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. "At tsaka sana palagi kang maniwala sa akin. Hindi ako magsisinungaling sa' yo." Napakunot ang noo ko sa narinig ko sa kanya.

Biglang nabuo ang isang tanong sa isipan ko. Dapat ko ba talaga siyang paniwalaan?

Kung isa man si Raphael sa kanila sigurado akong magiging mahirap ang laban. Isa si Raphael sa mga matatalinong kilala ko.

Pabalik na sana kami sa classroom nang biglang lumapit sa amin si Spade na hinga l na hingal. Itatanong ko sana kung anong nanyari ngunit agad siyang nagtanong s a amin. Na sanhi ng pagkagulat ko.

"Nakita nyo ba si Luna?!"

CLYDE'S POV

Tinapon ko ang hawak kong juice box sa gilid habang naglalakad. Ibinulsa ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko. Kanina'y kinulit ako ni A bi hanggang sa umuwi na rin siya. Sana hanggang sa dulo ay ganun pa rin kami. Al am ko rin kasi na baka sa mga susunod na araw ay possible akong kamuhian ni Abi. Hindi ko iyon kakayanin. Siya ang pinakamatalik kong kabigan.

Nasalubong ko naman si Ms. Maeganne na kasama ni nurse Tin. Sa lahat ng staff d ito, silang dalawa ang hindi ko inakala na magkakasundo. Tinignan ko ang oras sa suot kong relo, 5:20 pm. Kaunti na lamang ang tao rito sa school. Siguro ang ib a ay nasa library. Lalo na yung mga taga-section A at B, tambay ata sa library y ung mga iyon hanggang sa gabi. Pero sa pagkakaalam ko, naiwan sila Sapphire at a ng iba dito sa school, kung nasaan man sila ay hindi ko alam.

Bumuntong hininga ako. Tinatamad kasi akong umuwi. Tumingin-tingin lang ako sa p aligid, nagbabakasakali na makakita ng kakilala ngunit sa lahat ng tao na inaasa han ko ay siya pa ang nakita ko.

Lumapit siya sa akin at ngumiti. Yung ngiti niya pa rin. Bakit siya nandirito sa oras na ito? Mas maaga ang uwian nila kaya sigurado ako na dapat kanina pa siya ng nakauwi. Hindi ko siya pinansin imbis ay naglakad ako palayo.

Ayaw ko sa mga nakakairitang tao.

"Uy." Pagtawag naman niya. Wala na kong ibang pagpipilian kung hindi ang lumingo n. Magsasalita pa sana siya ngunit siya'y natigilan ng ako ang unang nagsalita.

"Huwag mo akong a. Tuloy tuloy ot kung saan ko i na ko lumapit

kausapin. Nagkaintindihan naman tayo diba?" ani ko naman sa kany na akong naglakad. Nakakainis talaga. Dumeretso ako sa parking l natanaw si Sapphire, Cyrus at Katherine na nag-uusap ngunit hind pa. Sobrang seryoso ng mga mukha nila. Ayokong mangielam.

Lumapit ako sa pinagparadahan ko ng motor ko na malayo sa kinatatayuan nila Sapp hire. Ibinulsa ko ang gate pass na palagi kong ipinapakita sa security guard upa ng papasukin ako sa campus na may dalang sasakyan ngunit namataan ko na wala nam ang nakabantay na guard kaya hindi ko na siguro kailangan nito.

Pinaharurot ko ang motor ko paalis ng school na to. Habang bumabyahe ako ay hind i pa rin mawala iyon sa isipan ko. Sabi ko na nga ba. At dahil sa nagsisimula na , kailangan ko na ring kumilos. Magiging maayos din ang lahat.

Para sa klase namin.

Binuksan ng katulong namin ang gate at pinasok ko naman ang motor ko. Binati ako ng katulong namin ngunit hindi ko na siya pinansin. May importante pa akong gag awin. Nasalubong ko naman si dad at si mom sa bungad ng pintuan. Nagtatawanan si la habang naka-akbay si dad kay mom.

Humalik ako sa pisngi nila. Kinamusta nila ang nanyari sa araw ko ngunit ngumiti na lang ako. Napaisip din kasi ako, ano nga bang nanyari sa school na katanggap -tanggap para ikwento sa magulang ko. Mukhang wala naman.

"Ano ka ba honey, ayos lang si Clyde no. Alam mo naman na the best ang anak nati n. Diba, anak?" ngumiti lang ako nang malapad kay mom.

"Oo naman po." Nakatawa kong sinabi. Nagpatuloy sila sa kwentuhan habang ako nam an ay umakyat na papunta sa kwarto ko. Ini-lock ko ang pintuan at basta basta na lang inihagis sa lapag ang dala kong bag. Nilapag ko naman ang hawak kong phone sa lamesa sa gilid at umupo sa gilid ng kama.

Ilang sandali ay napagdesisyunan kong hatakin ang maliit na kahon sa ilalim ng k ama ko na agad ko namang inilapag sa kama. Binuksan ko ito at nilabas lahat ng l aman nito. Lahat ng nandito ay laban sa kanila, sa mga killers. Hindi man nila a lam, kung hindi man nila napapansin, may isang nilalang na sa klase ang nagbabal ak na labanan sila.

Kaya ko ito.

Malaki ang tiwala ko sa sarili ko na mapoprotektahan ko ang lahat lalo na si Abi . Ayokong mawala siya. Dahil sa pagkalkula ko, dapat matagal na siyang pinatay n g killers. Kung bakit man hindi nila ginawa iyon ay hindi ko alam. Mali, aalamin ko.

Kapag naging maayos na ang lahat. Sasabihin ko lahat ng nalalaman ko sa kung sin o man ang dapat pagkatiwalaan. Lahat ng plano at lahat ng dapat naming gawin upa ng makaligtas sa larong ito. Marami akong alam. Napakarami.

Isa ako sa mga susi para matapos ang kaguluhang ito.

Narinig kong nagring ang phone ko. Agad akong tumayo at lumapit dito. May isa ak ong natanggap na message at may naka-attach na isang litrato sa mensahe na iyon.

Sender: Unknown Message: Kung gusto mong makilala kung sino ang isa sa mga pumapatay sa klase ny o. Tignan mo ang picture. ---M.

Tulad ng nasa mensahe ay binuksan ko ang nasabing litrato. Nakapagtataka. Bakit naman ilalaglag nila ang isa nilang kasama? O di kaya ... isa lang tong patibong ? Napasinghap ako ng nakita ko ang naka-attach na litrato.

Si Cyrus habang puro dugo ang kamay. Nakatingin siya sa kaliwa at hindi mismo sa nanguhan ng litrato. Sa kabila niyang kamay ay may hawak siyang kutsilyo habang wala naman siyang hawak sa isa. Dugo ang makikita sa litrato hanggang sa damit ni Cyrus.

A-Anong ibig sabihin nito?

Hindi. Hindi tama ang lahat ng ito. Sabi ko na nga ba. Hindi ako nagkamali.

Umupo muli ako sa kama. Kinuha ko ang isang litrato na nasa kahon. Tinignan ko s iya. Ang ngiti niya sa litratong ito kasama na rin kurba ng mga mata niya. Ang m aikli niyang buhok pati na rin ang nakalitaw na dimple sa pisngi niya.

Bakit naging ganito ka?

Nagulat ako nang narinig ko muli ang pagring ng phone ko. Ngunit sa pagkakataong ito ay isa na siyang tawag. Agad ko itong sinagot at pinakinggan kung sino ang nasa kabilang linya ngunit sa unang ilang segundo ay tanging paghinga lamang ang narinig ko hanggang sa bigla siyang nagsalita.

Binanggit niya ang mga katagang hindi ko aasahan na sasabihin niya.

"Magtulungan tayo. Ikaw at ako laban sa kanila."

--------------------------------------------x

- A U T H O R ' S

N O T E -

SI CLYDE PO ANG NASA .GIF. ---> INEDIT KO ANG CHAPTER. Tinanggal ko yung POV ni Sapphire kaya pasensiya kung iba yung teaser. Biglaan ko lang kasi naisip tong POV ni Clyde eh. Kaya yung ibang line sa teaser na ni-post ko ay wala ditey. Salamat po sa pagbabasa. I-comment below kung may opinion, suggestion, hula ..et c! :) ******************************************* [24] C24: A friend and a foe. ******************************************* ******************************************* [25] C25: The unspoken truth. ******************************************* "They do not love that do not show their love. The course of true love never did run smooth. Love is a familiar. Love is a devil. There is no evil angel but Lov e." ? William Shakespeare

--------------------------------------------x KATHERINE'S POV

INAYOS ko ang gamit sa loob ng bag ko bago sumakay sa sasakyan. Tumingin lang ak

o sa driver namin saka niya pinaandar ang sasakyan. Medyo naiinis ako ngayon. Na pabuntong hininga ako ng tinignan ko ang phone ko, siya pa rin ang nasa backgrou nd ko. Tama si Sapphire, matindi pa rin ang pagkagusto ko sa kanya. Balak ko na sanang kalimutan eh kaso pinaalala lang ulit sa akin ni Sapphire, nakakainis.

"Manong, pakibagalan po ang pagmamaneho. Hindi naman ho ako nagmamadali." Sabi k o sa driver namin na agad namang sinunod ang sinabi ko. Muli kong naalala ang na nyari kanina sa school, habang nasa parking lot kami.

Nag-uusap sila Cyrus at Sapphire habang ako ay nasa likuran lamang ni Sapphire. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila basta parang pinapaamin ni Sapphire si Cyrus sa kung ano man ang ginawa o ginagawa niya.

Muntik na silang magtalo ngunit narinig ko na lang na mag-uusap na lang daw sila ulit. Kung kailan at saan ay hindi ko alam. Doon kami naiwan ni Sapphire. Alala ng-alala ko pa ang eksaktong pag-uusap namin. Hindi ko talaga inakala na uungkat in pa niya iyon.

"Ano bang nangyari?" tanong ko sa kanya. Ngunit tumingin lang siya sa akin nang masama saka niya kinuha ang phone ko na hawak hawak ko lang. Napangisi si Sapphi re nang na-unlock niya ito.

"Pare-pareho kayong mga tanga." Sambit niya pagkatapos niyang ibalik ang phone k o sa akin. "Sino ba naman kasi ang may sabi na magkagusto ka kay Blake?" saka ko tinignan ang phone ko. Kung saan ang background ay ang president ng student cou ncil habang nakatayo patagilid mula sa kinatatayuan ko noong kinuhanan ko siya n g litrato at may hawak na folder. Kita sa litrato ang palagi niyang seryosong mu kha. Yung matatalim na mga mata, matangos na ilong pati rin ang bibig niya na pa laging nakatikom.

"Sapphire naman, wag mo ng ipaalala pa." Nakayuko kong sinabi.

"Alam mo, napag-isip isip ko rin eh, baka ikaw ang isa sa mga killer? Psh. Hindi na nakakapagtaka yun. Sigurado akong matagal mo ng gustong mamatay si Hanako pa ti din ang iba nating mga kaklase. Tama ako diba?" H-Hindi ko alam kung bakit na sasabi ito ni Sapphire ngunit mukhang pursigido siya at sigurado siya sa sinasab i niya. Hindi pupwede. Hindi ko magagawa iyon.

"Sapphire naman..."

"Ayaw ko naman maging masama pero alam mo, ikaw na ang pinaka sa lahat ng loser na kilala ko. Akalain mo yun? Natalo ka ni Hanako? Katherine, wala ka talagang k

wenta eh no?" inis na inis niyang sinabi. Sa pagkakakilala ko sa kanya, mukhang binubuhos lang niya sakin lahat ng inis na nararamdaman niya. Ganito naman si Sa pphire eh, ganito naman siya palagi.

Kahit papano, nakakasawa na.

"Ano bang matino diyan sa Blake na yan at nakagusto kayo diyan? Tss. Sige, aalis na ko tutal, wala namang kwentang usapan ang nanyari." Kinuha niya ang bag niya na hawak ko saka naglakad na palayo. Sisigaw pa sana ako upang magpaalam ngunit hindi ko na nagawa. Maaring dahil sa para akong naubusan ng sasabihin.

Blake, bakit ba kay Hanako ka pa nagkagusto? Bakit hindi na lang sa iba?

"Nandito na po tayo." Bumalik naman ako sa realidad nang nagsalita ang driver na min. Saka ko binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas. Dali-dali naman akong pum asok sa loob ng bahay na para bang walang pakialam sa paligid. Ni hindi ko nga n apansin ang pagtawag sakin ni papa.

"Katherine." Pag-ulit niya saka ako lumingon. "Ano tong nakita ko sa kwarto mo?" agad akong napatakbo papunta kay papa at kinuha ko ang hawak niyang krus na bak al. Ito iyong nakuha ko mula kay Hanako. Yung araw na iyon na nakita kong magkas ama sila ni Blake, ang lalaking gustong-gusto ko.

"Wag kayong mangingielam ng gamit ko!" hindi ko sinasadya ang mapataas ang tono ng boses ko ngunit isang malutong na sampal ang natanggap ko galing kay papa. Sa ka ko siya nakita na nanginginig sa harapan ko. Mukhang galit na galit siya. "Simula nong namatay ang nanay mo, wala ka na talagang kwenta! At sasagutin mo p a ako na pabalang ngayon?! Pumasok ka sa kwarto mo bago ako atakihin dito!" hihi ngi sana ako ng patawad kay papa ngunit naisip ko na mas mabuti na lang na sundi n ko siya.

Ay mali, lagi nga pala akong sumusunod sa kanya.

Dumiretso ako sa kwarto ko at sinariwa ang lahat. Muli kong naalala noong 1st ye ar ako, doon ko unang nakita si Blake. Tinatawag ko pa siyang 'kuya' noon ngunit siya na mismo ang nagsabi sa akin na Blake na lamang ang itawag ko sa kanya. Na pakabait niya. Napakaresponsable at kita mong napakatalino niya.

Yun ang nagustuhan ko sa kanya.

Ngunit mas nakilala ko siya noong sumama ako kala Sapphire, mas madalas ko siyan g nakikita ngunit wala ako ibang ginawa kung hindi batiin lamang siya gamit ang pagngiti. Nahihiya kasi ako. Pero kahit ganun, tinutugunan naman niya ng ngiti a ng pagbati ko. Doon ko lang din nalaman na may tinatago siyang ugali. Masungit p ala siya kapag mga kaibigan niya ang kasama niya. Madali pala siyang mainis sa s obrang ingay at napakaseryoso pala niya.

Pero ayos lang, gusto ko pa rin siya.

Aaminin ko na may galit at inggit ako kay Hanako. Ngayong wala na siya, mas mala ki ang tiyansa ko ngunit hindi ko pa rin magawa ang nais ko. Tuwing nakikita ko kasi si Blake, natatameme ako. Ni hindi ako makapagsalita sa harap niya at tangi ng pagbati lang ang kaya ko.

Haaay.

Hanako, patay ka na diba? Bakit pakiramdam ko, ikaw pa rin ang gusto ni Blake? H anako ... sana mawala ka na sa memorya naming lahat. Sana mawala ka na sa isip n i Blake, sa buhay ni Sapphire at sa klase.

Napasinghap ako dahil sa gulat ng biglaang nagvibrate ang phone ko na hawak ko p a rin. Hindi ko na sana bubuksan ang bagong message dahil galing ito sa isang un known number ngunit nagulat ako ng may naka-attach na photo. Ano naman kaya ito?

Atomatikong napatakip ang kamay ko sa bibig ko nang nakita ko ang litrato. Kung anong kilabot ang nadama ko. Nang nakita ko ang litrato ni Cyrus na puro dugo an g damit, may hawak na kutsilyo at pati ang mensahe na sinasabing killer siya.

E-Eto ba iyong pinag-uusapan nila kanina ni Sapphire?

Agad kong tinawagan si Sapphire at sa pangatlong ring ay sinagot naman niya ito. "Sapphire!" pamungad ko habang ninenerbyos pa rin.

"Oh?" ang tanging tugon niya.

"May natanggap kang message? Yung may naka-attach na photo?" tanong ko.

"Wala. Bakit?"

"Nasan ka ba ngayon?" muli kong pagtanong. Halos matalisod ako sa kakalakad dito sa loob ng kwarto dahil sa labis na kaba.

"Ano bang pake mo ha? Nandito ako sa bahay nila Cyrus. Mag-uusap kami." Nanlaki ang mga mata ko sa pagkakasabi niyang iyon. Mapanganib si Cyrus. Lalo na't nakit a ko yung picture. Sigurado ako. Siguradong sigurado ako.

"Sapphire, umalis ka diyan. Delik-" bago pa man matapos ang sasabihin ko ay nari nig kong sumigaw nang malakas si Sapphire at ang nakakabinging tunog na para ban g nalaglag ang hawak niyang phone. Sabi ko na nga ba. Nasa panganib si Sapphire. Hindi maari.

Unti-unti akong napangiti sa di ko malamang dahilan. Hindi maaring mamatay si Sa pphire sa kamay ng iba.

Gusto ko ... ako ang tumapos sa kanya.

TEACHER MAEGANNE'S POV

Tinignan ko ang oras sa nakasabit na orasan dito sa loob ng faculty room sa high school building, 7:40 pm. Medyo late na rin pala. Ang dami ko kasing gawain. Si nabihan na nga lang ako ng guard na ako na ang magsarado ng pintuan dito sa facu lty room. Hindi ko rin inakala na aabutin ako ng halos isang oras.

Pag natapos na ang school year na ito, hindi na ko magtatrabaho bilang isang tea cher. Nalaman ko na ang dapat kong malaman. At ang pagpunta rito ay walang kwent a. Bakit hindi ko ba naisip? Ngunit kahit papano, may dahilan rin pala.

Ang maghiganti... ...para sa anak ko.

Naalala ko pa yung mga mismong sinabi ni Mr. Laketon. Iyong mga linya na iyon na para bang nagpabago sa pag-iisip ko. Mula sa napakabait na adviser, sa tingin k o, mas mabuti nang kamuhian nila ako. Lalo na't napakalaki ng kasalanan nila sa akin ... sa amin.

"Hinahanap mo ang anak mo diba? Mukhang wala na siya dito." "Nagpakamatay ang anak mo." "Hanako Perez, iyon ang pangalan niya."

Hindi ko alam ang sasabihin ko noong mga panahon na iyon. Para bang nawala ako s a matinong pag-iisip. Ipinaliwanag lahat ni Mr. Laketon ang dapat kong malaman. Noong tinanong ko siya kung bakit tila ba'y alam na alam niya ang lahat ay maikl i lamang ang nakuha kong sagot sa kanya. Maikli ngunit nagbigay sa akin ng kilab ot.

"Kinikilala ko lahat ng pumapasok sa impyerno ko."

Inayos ko ang mga librong hawak ko bago lumabas ng faculty room. Nagkamali ako n g inisip ko na si Sapphire ang anak ko. Iyon pala, siya ang unang-una na dapat k ong pahirapan. Ang klase nila ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang anak ko.

Magbabayad sila.

Isinarado ko ang pinto at ini-lock ito bago pa humakbang. Kaunting ilaw lamang a ng bukas ngunit sapat ang binibigay na liwanag nito. Bumuntong hininga ako haban g naglalakad. Ang laking gulo nga talaga ng pinasok ko. De bale,matatapos rin it o. At kukuhanin ko ang hustisya para sa anak ko, kay Hanako. Kung paano ay iisip in ko pa. Basta, aalamin ko ang lahat.

Napaatras ako ng may narinig akong gumalaw. Parang may sumusunod sa akin. Naglak ad ako ng tatlong beses paabante at panandaliang tumigil ulit. Muli, ay may nari nig akong isang yabag ng paa. Dahan dahan akong lumingon. Nanginginig man ay nak asigaw ako kahit papano ngunit agad niyang tinakpan ang bibig ko. Doon ko lang napagtanto na ang nasa harapan ko ay si Edward. Si Sir Buendia. Da li-dali naman niyang tinanggal ang pagkakatakip niya sa bibig ko at ngumiti.

"Natakot ako dun ah?!" reaksyon ko. "Ba't ka pa ba nandito?" tanong ko naman sa kanya. Ang alam ko kasi, umuwi na siya kanina.

"May binalikan lang ako." Itinaas niya ang hawak niyang makapal na libro sa kana n niyang kamay. Tumango lang ako. "Grabe, matatakutin ka pala Mae." Inirapan ko lang siya ngunit nahagip ng mata ko ang isang panyo sa bulsa ng pantalon niya. S a pagkakaalam ko, iba ang kulay ng panyo niya kanina.

"Dalawa ang panyo mo?" napatingin siya agad sa bulsa ng pantalon niya saka tuman go.

"Madalas kasi ako mawalan ng panyo kaya dalawa lagi ang dala ko." Tulad ng kanin a, tumango lang ulit ako. Naglakad kaming dalawa palabas ng high school building . Magsasalita sana ako nang biglang nagring ang phone ko.

Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag.

Si ... Mr. Laketon.

Sinagot ko naman ito agad at bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na niya a ko. Isang utos na naman pala galing sa kanya. Ngunit sa pagkakataong ito, napang iti ako sa narinig ko. Unti-unti na kong makakaganti.

"Gusto kong magkulong ka ng apat na taga-3C sa Punishment room sa lunes. Si Mart inez, Young, Levesque at si Garcia."

AUSTIN'S POV

Hinigit ni Abi ang braso ko sa paghakbang ko paalis ng bahay. Tinitigan ko lang siya at hinintay na magsalita siya ngunit lumipas ang ilang minuto at nakatingin lang siya ng masama sa akin. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at nag patuloy sa paglalakad.

"Hoy Molina!" inis na inis akong lumingon sa kanya.

"Ano na naman ba, Lim?!"

Bakit ba nandito tong babaeng to? Ano bang ginagawa niya sa labas ng bahay namin ? Ngayong tatakas pa ako siya sumulpot dito. Akala mo kailangan ko ng katarayan at kakulitan niya. Kakulitan sa nakakainis na paraan. Hindi talaga siya tumitigi l sa kakasalita hanggang sa hindi niya makuha ang gusto niya. Spoiled brat.

Malayong-malayo kay Aislinn ko.

"Natanggap mo ba to?" sabay pakita ng phone niya na ang tangi kong nakikita ay l itrato ni Cyrus. Lihim akong napatawa sa loob loob ko. Sigurado akong sa lunes a y magiging mabentang usapan ito sa klase.

"Oh tapos?" tanong ko pa. Binulsa ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng maong na pantalong suot ko.

"Kasinungalingan ito diba? Sa lahat ng tao sa room, ikaw ang mas nakakaalam kung totoo ba ito o hindi. Best friend ka ni Cyrus. Kilalang-kilala mo siya." Lumapi t ako sa kanya saka nagsalita, "Alam mo Abi, nasa iyo naman yan kung maniniwala ka. Hindi mo na kailangan pang puntahan ako upang tanungin. Pero tutal nandito na rin naman, killer si Cyrus. Yun na lang ang paniwalaan mo. Sige Lim, mauna na ko." Pumorma ang isang pekeng ngiti sa mga labi ko.

Tama naman eh. Tama lang tong ginagawa ko.

Lumapit ako sa motor ko. Huli na ng napansin ko na nakalimutan ko pala ang helme t ko. Tanginang yan, bahala na nga. Narinig ko pang sumigaw si Abi ngunit hindi ko na ito pinansin pa. Isa siyang malaking abala. Tss. Pinaharurot ko ang motor ko papunta sa tinitirahan niya.

Hintayin mo ako, Aislinn. Babawiin kita. Magsasama tayong dalawa at magiging mas aya. Katulad ng gusto mo.

Katulad ng pangarap nating dalawa. --------------------------------------------x

Salamat sa pagbabasa! I-comment lang ang gusto mong sabihin. :)

*******************************************

[26] C26: Paranoia ******************************************* "People that have trust issues only need to look in the mirror. There they will meet the one person that will betray them the most." - Shannon L. Alder

--------------------------------------------x SAPPHIRE'S POV

SINIPA ko ang bakal na pinto nitong lecheng Punishment room na tinatawag nila. S inipa ko ito nang sinipa hanggang sa napagod lang ako. Nakakainis talaga yung wa lang kwentang adviser na iyon! Bakit ba nitong mga nakaraang araw ay ang init-in it ng ulo niya sa amin? Napaghahalata na siya ah. Araw-araw binibigyan niya kami ng assignments, laging may surprise quiz at long quiz pa nga. Tapos lagi siyang galit kapag sa klase namin kaunting kibot lang ng isa sa amin, galit na galit n a siya. Muli, isang malakas na sipa ang ginawa ko sa pintuan kasabay ng sigaw ko .

"Ang baho na nga dito, ang ingay mo pa. " Unang beses na ngang nagsalita itong s i Luna na to, nakakainis pa ang sinabi niya. Sandali palang kami nandirito sa lo ob ng lecheng room na ito pero nakakasulasok talaga ang amoy dito sa loob. Bakit ba ako nasama sa mga ito?!

"Nagreklamo ang may naiitulong. Nakatunganga ka lang naman dyan. n ni Spade sabay ng pagtayo niya. Malayo ang kinauupuan niya kay g naiinis siya dun sa Luna na iyon. Naiintindihan ko naman siya, uwa sa Luna na iyan? Tsaka sa aming apat, si Spade lang naman at yo kilala ko.

Tss," sabi nama Luna at halatan sino bang natut Sandria ang med

"Alam mo Luna, imbis na nagrereklamo ka diyan. Mag-isip ka kaya kung paano makak aalis dito? Yun lang kung may utak ka." At isang irap ang nakuha ko sa kanya.

"Madali lang naman tayong makakalabas dito eh." Iginala niya ang mga mata niya sa paligid. Ang paligid kung saan ang tanging makikita ay mga kung anu-anong bun go, mga maduduming bagay na di ko malaman. Pakiramdam ko nga, may kasama kaming mga daga at ipis dito eh. Kadiri. Buti na lang may kaunting liwanag dito dahil s a espasyo sa ilalim ng pintuan. At panigurado, walang tao sa labas. Wala ding na kakaalam na nandirito kami dahil pinatawag lang kami palabas ng klase.

"Papano?" tanong naman ni Sandria kasabay din ng pagtayo niya at paglapit sa ami n ni Spade.

"May plano ako." Dagdag pa ni Spade na naging dahilan ng paglapit namin sa kanya upang mas marinig siya. Nakatakip ang panyo ko sa ilong ko para maiwasang maamo y ang mabahong kwarto na ito. Hindi ko talaga kaya ang amoy. Nakakadiri. "Ang pl ano ko ay..." mas lalo pa kaming lumapit ni Sandria. "Ang plano ko ay mag-isip s i Sandria kung pano makalabas dito. Tutal, matalino siya eh. Mag-isip ka na, San dria." Literal ko siyang nabatukan. "Ano ba?!" reaksyon naman niya. "Wala tayong oras para magbiruan dito, Spade." Naiinis din na sabi ni Sandria. " May dala ba kayong cellphone? Nasa bag ang akin, nasa classroom." Lumingon siya kay Spade, umiling naman si Spade. Pagkatapos ay lumingon siya kay Luna, tulad n i Spade ay wala ding dala si Luna. Saka siya lumingon sa akin. Doon ko naman kin uha ang phone ko na nakabulsa sa palda ko.

Saka ko muling nakita ang crack sa screen ng phone ko. Oo nga pala, yung nanyari sa bahay nila Cyrus. Hindi ko akalain na ganun kalala ang epilepsy ni Paula. Gu lat na gulat ako at di ko naiwasan ang mapasigaw. Ngunit pagkatapos siyang magam ot ng mga nurses kasama ni Cyrus, pumunta ako sa kwarto ni Cyrus.

Dun ko nakita yung ... drugs sa drawer niya.

At biglang nagvibrate ang phone ko nun. Doon ko lang din napansin ang crack sa s creen, maaring dahil sa pagkakabasag nito. Nakita ko ang picture ni Cyrus pati n a rin ang message na sinasabi ni Katherine. Inisip ko agad nun na baka nga totoo ang mga sinasabi ni Austin.

Si Cyrus ... ay isang killer?

"Hoy Sapphire! Ibibigay mo ba samin yang cellphone mo o tititigan mo lang hangga ng sa ma-suffocate tayo sa baho dito?" bumalik ako sa realidad sa sigaw ni Spade saka ko ibinigay sa kanya ang phone ko. "Langya naman, lowbat eh."

"Papano na?" tanong ulit ni Sandria. "Hindi tayo maririnig sa labas. Kailangan n a nating makalabas dito." Dagdag pa niya.

"Gusto nyo ba talagang lumabas?" napatingin kaming tatlo kay Luna nang tumayo si ya at lumapit sa amin. Ni hindi siya nakatakip sa ilong niya. Parang normal lang sa kanya ang amoy sa kwartong ito.

At sa tuwing titigan ko siya, may kung ano akong nararamdamang galit. Naiinis ak o sa kanya. Una, noong unang araw niya rito, siya ang laging pinag-uusapan. Pang alawa, naiinis ako sa mga sinasabi niya. Pangatlo, nakakainis ang mukha niya na para bang bored na bored at may galit sa lahat pero kahit ganun, mukhang mapagka katiwalaan naman siya kahit papano.

"Ano ba naman, obvious ba Tuna? Ah, oo nga pala. Di mo nga pala kami kaibigan an o? Ano bang pakialam mo diba?" ngumisi si Spade pagkatapos niyang sabihin iyon. Napatingin naman kaming dalawa ni Sandria sa kanila. Nagtitigan lang kasi sila na para bang sa isang segundo ay magkakarambulan na dito. Ano ba naman tong dala wang to, dito pa ata mag-aaway.

"Ayokong nagsasalita ka, tanga ka." Tugon ni Luna sa kanila saka siya tumingin s amin ni Sandria. "Alam ko kung papano makaalis dito. Tanga, buhatin mo yung mala king bato na iyon." Tinuro niya ang malaking bato na nasa gilid ng kinalalagyan namin.

Isang matinding pilitan ang nanyari dahil sa ayaw gawin ni Spade ang sinasabi ni Luna ngunit sa dulo ay napilitan rin siya. Inalis niya ang malaking bato, sa is ang tingin palang, panigurado na ang dumi-dumi nun. Yuck.

"Sipain mo yung pader diyan." Sabi pa ni Luna. Napa-'Tsss' pa si Spade bago niya sipain nang malakas ang parte ng pader na iyon, yung nasa likod ng inalis niyan g bato. Nanlaki ang mga mata namin ng naalis iyong parte na iyon. Ilang segundo ang nakaraan at nakatitig lang ako sa durog durog na hollow blocks sa harapan na min. Mas lalong lumiwanag dito sa loob at mas lalo rin naman umalingasaw ang mab ahong amoy dito. Panigurado, sa lahat ng dadaan sa gawing ito ay maayos ang Puni shment room. "Paano mo nalaman to?" tanong sa kanya ni Sandria na sinundan naman ng tanong di n ni Spade, "Oo nga, paano mo nalaman?"

"Ano ba guys?! Lumabas na lang tayo kaysa magtanungan dito!" Sa pagkakasabi kon g iyon ay nagsimula na kaming lumabas sa butas na iyon. Hinintay ko muna na maka alis si Sandria. Masikip sa lalabasan namin dahil sa gilid lamang ito ng Punishm ent room at ng bakod para sa playground. Nang nakaalis na dun si Sandria ay ako naman ang sumunod. Hanggang sa nakalabas kaming lahat. Nagtalo pa si Spade at Lu na habang kami ni Sandria ay inaayos ang sarili namin.

Nakahinga ako nang maluwag. Pagdating ko sa classroom, kukuhanin ko agad ang pab ango ko sa bag at ii-sprayan ang buong katawan ko. Gagamit din ako ng alcohol da hil ang dumi na ng mga kamay ko. Pagkatapos nun, pupuntahan ko si Cyrus, papaami nin ko ulit siya dahil sa naudlot na pag-uusap namin sa bahay nila at itatanong ko kung anong kinalaman niya sa pagkawala ni Aislinn.

Dahil sa hanggang ngayon, wala pa rin akong balita sa best friend ko at hindi ak o matahimik sa sinabi ni Austin na nasa mabuting kalagayan si Aislinn. Alam kong malaki ang pagmamahal niya sa kaibigan ko at maaring totoo lahat ng sinasabi ni ya pero may kung ano talaga na di ako mapalagay kay Austin. Iba ang kinikilos ni ya ngayon lalo na nung sinabi niya sa akin na killer si Cyrus. May parte sakin n

a naniniwala pero meron din naman na nagtataka pa rin. Hindi pupwede. Dapat kong malaman mismo sa bibig ni Cyrus ang totoo.

"Let's go." Aya ko sa kanila kasabay ng paglakad papunta sa classroom. "Tumigil nga kayo Luna at Spade. Nakakarindi na kayo ah." Pagpuna ko sa kanila. Kanina pa kasi away nang away. Saka naguguluhan ako. Marami akong iniisip tapos dadagdag pa ang ingay nila. Mabuti pa si Sandria, tahimik. Well, lagi naman siyang tahimi k eh parang si Luna lang din pero ewan ko ba, iba rin si Luna kapag si Spade ang kasama niya. Napapansin ko lang.

"Tanga, tumahimik ka na. Dada ka nang dada." Ang huli kong narinig kay Luna na s abi niya kay Spade. Ito ata ang unang beses na narinig kong nagsalita si Luna ng ganung karami. Mukhang dapat ko silang kilalanin pa nang mas mabuti. Bilang lid er ng 3-C, dapat kong malaman kung sino ang mga kaklase ko. Tama. Iyon nga.

Binuksan ko ang pintuan at isang malakas na sigaw ang bumungad sa amin. "Ayan na pala si Sapphire, ang kasabwat ni Cyrus!"

Nagkatinginan kami ni Sandria. Ano bang pinagsasabi nito? Saka ko napansin na ha los lahat ng upuan ay nasa gilid at si Cyrus ay nasa gitna, nakatali sa isang up uan. Agad akong napatakbo at pinuntahan siya upang pakawalan ngunit hinatak ako ni Austin.

"Austin! What are you doing?!" pumunta naman sa likuran ko si Clyde at inalis an g mahigpit na pagkakahawak ni Austin sa braso ko. Saka ko hinarap ang buong klas e. "Ano bang pinagsasabi nyo ha? Nababaliw na ba kayo?!"

Tinignan ko si Raphael na tahimik lang na nakaupo sa upuan niya, nasa tabi niya si Abi at si Katherine naman ay nakatayo sa gilid ni Raphael. Parang wala lang s a kanila na nakatali si Cyrus. Tinanggal ko ang pinagdikit-dikit na scotch tape na nasa bibig ni Cyrus saka siya galit na galit na sumigaw. "Mga putangina nyo! Mga baliw na kayong lahat!"

Ngunit hindi siya pinansin ng lahat bagkus ay nakinig ang lahat sa sinabi ni Aus tin. "Sapphire, kung kakampi ka kay Cyrus, kalaban ka na rin ng klase pero hindi talaga nakapagtataka na hindi ka niya kasabwat diba? Ang leader ng 3-C ay isa r ing killer, pwede naman yun, diba?" narinig ko ang pagsang-ayon ng karamihan. Na pakunot ang noo ko sa nadatnan naming sitwasyon. Kanina lang ay maayos ang lahat ngunit ... bakit ganito?

Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin ko ngayon . Wala akong maisip na sakt ong sasabihin para magsitigil sila. Para bang mga nag-aapoy ang mga mata nila at kahit anong sabihin ko, desidido na sila.

Ano bang nanyayari sa klase namin?

Napatingin ako kay Austin, napakasama niya talaga. Hindi ko akalain na isa siyan g ganito. Tatalikuran niya ang mga kaibigan niya ... para saan naman?

"Tama si Austin, kasabwat ni Cyrus si Sapphire." Nanlaki ang mga mata ko sa sina bi ni Katherine. Saka ko naramdaman ang pagtakbo ng ilan kong kaklase at hinawak an nila ang magkabila kong kamay. Nagpumilit akong kumawala. Nakita ko rin na tu makbo papalapit sa akin si Clyde at Spade upang pigilan ang mga baliw naming kak lase ngunit nabigo sila. Itinulak sila sa gilid at binantayan din doon. Mas mara mi sila kaysa sa amin.

"Wag nyong sasaktan si Sapphire. Mga punyeta kayo! Kapag ako nakawala dito, ibab alibag ko yang mga pagmumukha nyo!" narinig ko pang sigaw ni Cyrus habang nagpup umilit pa rin ngunit mahigpit siyang hinawakan ng iba pa naming kaklase. Mas mag iging maayos sana kung hindi nila itinali nang ganun si Cyrus. Narinig ko ang su nod sunod na sigaw ni Cyrus ngunit hindi ko ito napagtuunan ng pansin dahil pili t pa rin akong lumalaban. Pilit pa rin akong kumakawala sa mahigpit na paghawak nila sa akin. Lagpas sila sa walo habang ako naman ay iisa lang. Wala akong laba n.

Hindi ko akalain na gaganituhin ako ng buong klase. Hindi ba ... kakampi ko sila ? Ako ang leader nila. Ako ang sinusunod nila. Si Katherine at si Austin ... kai bigan ko sila ngunit ano ito? Ba't parang bumabaliktad sa akin ang lahat?

Ngunit sa panahon na ito, isang tao ang hindi ko inaasahan na magtatanggol sa ak in.

Si Abi.

"Guys, wake up! Para kayong mga tanga diyan. Tignan nyo nga tong ginagawa nyo! A no bang ebidensiya natin ha? Yung picture at message ng killer? Yung si M? Eh la nghiya naman. Sa killer pa ba kayo magtitiwala? Sa kalaban pa kayo maniniwala?!" Halata sa kanya na ang labis na inis. Hindi ko akalain na masasabi niya ang mga ito. Parang dati lang, ako ang itinuturo niyang killer. Bakit parang, nag-iba a ng ihip ng hangin?

Ngunit hindi pa rin sapat ang sinabi ni Abi, may sumagot pa rin galing sa kanila

. "Pero ikaw na rin ang nagsabi Abi, may pinatay dati si Sapphire at hindi na ko m agpapakaplastic, kung labasan ng baho, marami nyan si Sapphire." Tumingin siya s a akin. "Kung hindi mo pa naalala, Sapphire. Ipapakita ko sayo ang picture niya. " May inilabas siyang litrato galing sa isa niyang kamay. "Ayan! Ayan ang babaen g pinatay mo!"

Narinig kong sumigaw si Cyrus, nakita kong tumakbo papalapit si Katherine upang pigilan ang kaklase naming iyon, nakita ko rin tumakbo papalapit si Clyde at si Raphael ngunit huli na sila halos naisupalpal na niya sa mukha ko ang isang litr ato ng babae. Nanlambot ako. Mas lalo kong naramdaman ang mahigpit na paghawak n g mga kaklase ko sa akin. Saka ko naramdaman ang labis na pananakit ng ulo.

Hindi... Hindi ko siya pinatay.

Nawala siya. Ang sabi nila, nawala siya.

Hindi ko pinatay si Miaka.

SPADE'S POV

Hindi ko maintindihan itong klase na to. Parang si Luna, ang gulo. Lumabas ako n g classroom habang pinapagpag ang uniform ko. Sinabihan kasi ako ni Sandria na t umawag ng teacher pero sa tingin ko, mas lalong lalala kung may makakaalam na fa culty member. Baka makarating pa sa adviser namin, ipakulong pa ulit kami sa lin tek na punishment room na 'yon.

Bahala na, matutulog na lang ako sa library.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko lang, tinignan ko lang naman kung ma y message o wala. Hindi ko ito inilabas kanina noong nagtanong si Sandria na kun g sinong may cellphone. Ayoko. Baka may makita sila rito. Delikado para sa akin at para sa amin. Mahirap na, tsk tsk.

Tsaka, hindi ko na rin problema kung anong manyayari sa kanina sa loob. Bahala n

a sila dun. Pero sa tingin ko rin nababaliw na rin ang mga kaklase namin eh. Mga nagiging paranoid na. Mga kung anu-ano ang iniisip. Sino ba naman kasi ang norm al na magtatali ng kaklase sa isang upuan? Psh. Mga abnormal.

Katulad ni Abi, hindi rin ako naniniwala sa natanggap nilang message. Hindi nama n kasi ako napadalhan dahil hindi naman nila alam ang number ko. Ibig bang sabih in nun, kasama sa klase ang nagpadala ng mensahe? Siyempre, isa sa kanila iyon. Eh sino naman si M na nandun?

Tss. Tama na nga Spade, masyado mong pinapagod ang sarili mo sa pag-iisip. Matul og ka na lang para hindi masayang ang oras mo. Hindi na rin ata ako normal, naha hawa na ko sa mga kaklase ko, kinakausap ko na ang sarili ko eh.

Pakshet, nakakabaliw sa school na to pero ano pa nga bang inaasahan ko? Dapat pa la naghanda pa ko nang mas maigi sa pagpasok dito.

Pumwesto ako sa pinakadulo ng library, dito sa bagong library, mas malamig kasi ang air conditioner dito. Ibig sabihin, mas masarap matulog. Mahaba pa ang silya dito sa dulong lamesa at tanga yung librarian, hindi ako mapapansin nun.

Ngunit bago ako pumikit, muli kong naalala ang sinabi nung Luna na iyon.

"Hindi ko kayo kaibigan."

Naiirita talaga ako sa tuwing naalala ko iyon lalo na kapag naririnig ko ang bos es ni Luna o nakikita ko man lang si Luna. Iniligtas na nga namin siya tapos gan un lang ang sasabihin niya? Ni hindi man lang siya nagpasalamat o ano. Napakayab ang talaga. Hindi ba niya alam na alalang-alala ako sa kanya?! Sobrang alala ko na halos nalimutan ko na na wala nga pala akong halaga sa kanya at dapat wala ri n siyang halaga sa akin.

Nakakainis ka talaga, Tuna. Saka ko inilabas ang susi na nasa bulsa ko pa kanina. Itong kulay pilak na susi na ito ang ginamit namin para mapalabas siya. Ito yung binibigay namin sa kanya dati ni Sandria noon pero hindi niya tinanggap kasi kaya raw niya ang mag-isa p ero anong nanyari? Wala rin, sumama rin siya sa amin.

Nagtataka siya kung paano namin nalaman kung nasaan siya. Madali lang naman eh.

Alam na alam ko kung saan siya makikita. Binulsa ko ulit yung susi at inilabas m uli ang cellphone ko. Saka ko binura yung dalawang text messages na iyon. Ang un ang text message ay tungkol sa pagkawala niya at ang pangalawa naman ay kung nas aan siya.

Naglalaro lang naman siya eh. Ba't ba ako naniwala? Naloko tuloy ako.

Noong panahon na iyon, akala ko mamatay talaga si Luna kung hindi namin siya mai liligtas. Ayon kasi sa pangalawang text message na natanggap ko, sa loob ng isan g oras na hindi siya mailigtas ... may nakakalasong gas na magiging dahilan ng p agkamatay niya sa loob ng kwartong iyon.

Kaso, mukhang biro lang naman iyon dahil higit sa isang oras namin siya hinanap. Tsss, nag-alala pa naman ako.

Nakaramdam ako ng matinding antok. Hanggang sa unti-unti na kong pumikit. At sa pagpikit ko, isang imahe ng babae ang unang pumasok sa isip ko.

Si Hana. --------------------------------------------x

- A U T H O R ' S

N O T E -

PARANOIA. Means (1) A mental condition characterized by delusions of persecution , unwarranted jealousy, or exaggerated self-importance, typically worked (2) Sus picion and mistrust of people or their actions without evidence or justification . YUNG ABOUT SA SUSI NA HAWAK NI SPADE. Nasa chapter 5 po yun. :) Salamat sa pagbabasa! Comment your opinion, deduction o kahit ano man. God bless ~~ ******************************************* [27] C27: The first weakest rabbit. ******************************************* "Her only way home was to betray her friend." ? Scott Westerfeld, Uglies.

--------------------------------------------x RAPHAEL'S POV

"BAKIT pinabayaan mo lang na ganunin sila Cyrus at Sapphire kanina?" tumingin ak o kay Sandria ng tinanong niya iyon. Bago pa man ako makatugon ay nagtanong na n aman siya. "Hindi ba, hindi ka naniniwala na si Cyrus ang killer? Pinagtanggol m o pa nga siya kay Samantha hindi ba? Bukod kay Sapphire, ikaw ang isa sa sinusun od ng karamihan sa klase. Bakit ka lang tumunganga dun?"

Mukhang naiinis siya. Hindi ko naman masisisi si Sandria. Hindi naman talaga tam a ang mga nangyari pero ano nga bang magagawa ko? Wala rin naman eh. Bago pa man yari ang lahat ng iyon, sinubukan ko na silang pakalmahin ngunit paniwalang-pani wala talaga sila sa natanggap nilang mensahe lalo na sa mga pinagsasabi at kinuk wento ni Austin kanina. Hindi ko akalain na magkakaganito. Kaya bago pa ako mada may, mas mabuti na tumahimik na lang ako kanina.

Inisip ko nang mabuti ang lahat ng nanyari, lahat ng nasabi nila at ang maaring o possibleng manyari. Mukhang lalong gumugulo. Baka bukas o makalawa, kami-kami na rin ang magpatayan. Hindi pwede yun. Natapos yung nangyari kanina sa pag-iyak ni Sapphire. Hindi ko siya masisisi. Kung ako rin ang nasa kalagayan niya, hind i ko rin alam ang paniniwalaan ko. Ang sinasabi ba ng iba o ang mga sinabi nga k aibigan niya?

Gusto lang namin na protektahan siya lalo na ang sikreto niya ... ang sikreto ng klase.

"Hindi mo ba talaga sasagutin ang mga tanong ko?" matigas na pagkakasabi ni Sand ria na nagpabalik naman sa akin sa realidad, masyadong lumilipad ang isipan ko. Lumingon ako sa kanya. Nandito kami ngayon sa bagong library, ilang oras na rin ang nakalipas matapos ang nangyari. Umuwi si Sapphire kasama ni Clyde at si Cyru s naman ay umuwi mag-isa ngunit alam kong hindi pa rin doon magtatapos ang lahat .

Kailangan kong umisip ng paraan.

"Sandria, magtiwala ka lang. Hindi ako kumibo kanina dahil mas lalong gugulo lan g. Nakita mo naman diba? Mas lalo silang nagalit noong nagsalita si Abi. Mas lal ong gumulo lalo na't nalaman ni Sapphire ang tungkol kay Miaka." Nakita ko pumai baba ang tingin ni Sandria nang narinig niya ang pangalan ni Miaka.

"Si Miaka.." sambit pa niya. "Akala ko nakalimutan na natin siya, akala ko lang pala." Para ba siyang nalungkot.

Napabuntong hininga naman ako bago muling nagsalita. "Malaki siyang parte ng kla se. Kahit na naging importante lang siya noong namatay siya." Biglang nagbago an g ekspresyon ng mukha ni Sandria na para bang may nasabi akong hindi dapat sabih in. "Anong problema?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at tumayo.

"M-Mauna na ko. Baka nagsisimula na ang susunod na klase." Tumango lang ako sa k anya at ngumiti. Mukhang nataranta siya.

Bakit naman kaya?

"Eh sino naman yang si Miaka?" napalingon ako ng narinig ko ang boses ni Spade, isa naming kaklase. Nasa may pinakadulo siya at sa kinauupuan ko, ang tangi ko l ang nakikita ay ang nakalawit niyang mga paa. Hindi ko akalain na may iba palang tao rito. "Hindi ako bingi, at tsaka malakas ang boses nyo. Nagising nyo nga ak o eh." Tumayo siya sa pagkakahiga at lumapit sa akin. Gulo-gulo pa ang buhok niy a habang nakasimangot sa akin. "So, sino nga si Miaka?" tanong niya ulit. Mukhan g wala siya kanina noong nagkabistuhan kanina sa classroom.

"Hindi mo siya kilala at huwag mo na rin siyang kilalanin." Ngunit tinitigan lan g niya ako. Habang mas tumatagal ang titig niya, para ba akong kinakabahan. Para kasing umaapoy ang mga mata niya. Mukhang gustong-gusto niya talagang malaman. "Dati namin siyang kaklase at ngayon, dapat patay na siya. Yun lang. Ayos na ba? " tatayo na sana ako nang muli siyang nagwika. "Ah, dapat patay na siya pero buhay pa rin siya at siya ang pumapatay sa mga kak lase natin." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa mga sinabi niya. Para bang normal lang sa kanya ang magsalita nang ganun. "Tama ako, diba? " nakangisi pa niyang sinabi. "Ang boring kanina sa classroom kaya umalis na lan g ako. Sana pala nagtagal ako nang kaunti doon. Mukhang may nangyaring kapana-pa nabik. Tsk tsk." Sabi pa niya habang palabas ng library.

Kaibigan siya ni Cyrus. Noong una, akala ko, kaugali lang siya nila Cyrus pero m ukhang ... iba siya.

Atomatikong akong naglakad palabas ng library. Para bang kusa akong dinala ng mg a paa ko dito sa kinatatayuan ko ngayon. Sa harap ng student council room. Hindi na ako nag-abala na kumatok pa. Pumasok na ako agad sa loob. Nadatnan ko si Bla ke na nakaupo at may ginagawa sa lamesa niya, nandito siya tuwing break time nil a. At si Samantha naman ay nasa kabilang table kasama ng iba nilang myembro.

"Anong kailangan mo?" tanong sakin ni Blake. Labag man sa loob ko ang pagpunta r ito pero mukhang kailangan ko siyang makausap. Nakita kong tinitigan ako nang ma sama ni Samantha habang papalapit ako sa kinauupuan ni Blake.

"May gusto akong malaman." Dere-deretso kong sabi kay Blake. Ayos lang kahit mar inig ng iba niyang kasama ang sasabihin ko, hindi naman ganun kaimportante ito p ara sa kanila. Basta, gusto ko lang malaman.

"Kuya Blake, ayos lang ba na nandito siya? Hindi mo ba siya papaalisin?" tanong pa ni Samantha. Kahit kailan talaga, nagpapanggap pa rin siya na ganun. Psh.

"Ayos lang, Sam. Hindi naman siguro gagawa ng gulo itong si Raphael." Nakangitin g sabi ni Blake, naiirita talaga ako sa tuwing nakikita ko yung ngiti na yan. Na alala ko kasi yung panahon na ngumiti rin siya sa harap ko nang ganyan. Parehong -pareho.

Yung ngiti niya noong panahon na nakuha niya si ... Hanako.

"Ano bang gusto mong malaman?" tanong niya.

Bumuntong hininga ako saka nagwika.

"Tutal, may koneksyon ka kay Mr. Laketon, mukhang mayroon ka din lahat ng files na meron siya? Tulad ng mga tungkol sa estudyante." Nawala ang ngiti sa mga labi niya at biglang sumeryoso ang ekspresyon ng mukha niya. "Wag ka ng magpaligoy-ligoy pa Raphael. Ano ba ang gusto mong malaman?" tanong p a niya ulit. Ngumiti ako kasabay ng pagpatong ng dalawa kong kamay sa mesa niya.

"Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol kay Spade Young ng class 3-C."

Tulad ng inaasahan ko, gulat na gulat siya sa sinabi ko.

Sinabi ko na nga ba.

Bakit ba ngayon ko lang napansin? Sobrang pamilyar ni Spade sa akin. Lalo na ang pangalan niya, nakita ko na iyon. Naalala ko na.

SAPPHIRE'S POV

Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko habang nakayakap ako kay Clyde. Naramdaman ko naman bumilis pa ang pagpapatakbo niya ng motor. Mas isinubsob ko pa ang ulo ko sa likuran niya habang iniisip ang lahat ng nanyari. Napakabilis ng lahat. Ang sabi nila, pinatay ko si Miaka ngunit papaano? Kailan?

Ang sabi sakin nila Cyrus ... nila Aislinn ... na nawala si Miaka. Nawala siya. Hindi ko siya pinatay.

"Tahan na, Sapphire." Naramdaman kong inihinto na niya ang pagpapaandar sa motor niya. Lumingon ako sa paligid at nagulat ako ng hindi sa harap ng bahay namin k ami nakahinto. Tumingin lang ako sa kanya habang ibinababa niya ko sa motor. Pag kababa namin ay umupo kami sa damuhan. Nandito kami ngayon sa maliit na parke ma lapit sa isang sikat na ospital.

Inabutan niya ako ng panyo na agad ko naman pinangpunas sa mga luha ko na ayaw p a rin tumigil sa kakatulo. Ilang minutong katahimikan ang binigay sa akin ni Cly de hanggang sa bigla siyang nagsalita

"Sana huwag kang magalit sa amin nila Cyrus sa sinabi namin sa'yo. Dun sa kasinu ngalingan na pinanghahawakan mo hanggang ngayon." Para bang isang dosenang kutsi lyo ang biglaang sumaksak sa dibdib ko sa narinig ko kay Clyde. Ibig sabihin ... kasinungalingan lang na nawawala si Miaka?

Niloko ako ng sarili kong mga kaibigan?

"Ayaw lang namin na mapahamak ka. Ayaw lang namin na maging masama ang tingin mo sa sarili mo. Ayaw lang namin na-" bago pa man niya matapos ang sasabihin niya' y nagsimula na kong magsalita.

"Nakapatay ako ng tao, ng kaklase natin hindi ba ... masamang tao na ako 'nun?" mas malala ang nararamdaman ko ngayon ngunit ang kaibahan lang, wala ng tumutulo ng luha. Parang wala na kong maaring gawin na reaksyon. "Galit na galit ako sa g umagawa nun sa mga namatay nating kaklase pero ganun din pala ako. Wala akong pi nagkaiba sa kanila. Ang sama-sama ko." Tuloy tuloy kong sinabi. "Sapphire..." narinig kong bulong ni Clyde. Mukhang kahit siya, hindi rin alam a

ng dapat niyang reaksyon. Mukhang tama ang mga sinabi ko.

"Sabihin mo nga sa akin, Clyde. Sabihin mo lahat ng hindi ko naalala." Noong una 'y ayaw niyang sabihin ngunit napilit ko din siya. Hindi man sa simula niya ikin uwento ay naintindihan ko pa rin. Napakalabo ng naalala ko pero ramdam ko ... to too ang lahat ng sinabi niya.

Iyong gabi na 'yon. Ang unang beses raw na nakita nila akong inatake ng phobia k o. Mabuti na lamang at hindi alam ni Aislinn ang tungkol dito, mabuti na lang at hindi siya nandoon. Karamihan sa klase ay nandoon, isang masaya sanang party ng unit nauwi sa isang madugong katuwaan. Ewan ko kung ano ang nanyari ngunit sa pa gkakakwento ni Clyde, hindi sinasadya ng lahat ang pagkamatay ni Miaka. Kahit ak o, wala naman akong plano sa isip ko na ganun. Siguro noong panahon na iyon, sad ya akong nagpadalos-dalos hangang sa mapatay ko siya? Hindi ... hindi... kahit h indi sinasadya, kahit hindi ko ginusto. Pinatay ko pa rin siya. Pinatay ko si Mi aka.

"May sasabihin pa ako sa'yo." Pakiramdam ko'y walang reaksyon ang mga mata ko no ong tumingin ako sa kanya siguro dahil sa napakalalim ng iniisip ko at hindi pa rin ako lubusang nagising sa realidad sa sinabi niya ngunit ang sunod niyang sin abi ay nagbigay talaga sakin ng malaking epekto.

Sa gulat ko ay halos isang dipa ang naging layo ko sa kanya.

P-Paano?

"Sa ngayon, sikreto lang muna natin iyon. Sapphire, malaki ang tiwala ko sayo."

Hindi ko akalain...

MIAKA'S POV

Tahimik lang akong nakaupo habang hinahaplos si Kuro. Sunod kong hinaplos-haplos ay ang kulay pulang pulseras na nakapalibot sa leeg niya. Napapangiti talaga ak o sa tuwing nakikita ko ito. Isang pangako. Ang pangako niya na hanggang ngayon ay hindi ko ba alam kung tutuparin niya pero tutal na nasa 3C lang naman siya, b akit hindi ko na tapusin na lang ang buhay niya? Bilang simbolo ng pagtatapos di n ng pangako niya. Ang pangako niya na mukhang kahit siya ay nakalimutan na rin

naman niya.

Gusto ko siyang patayin.

"Kuro, sa tingin mo, magugustuhan mong kainin ang mga mata niya? Iniisip ko pala ng kasi na dudukutin ko ang mga iyon, natutuwa na ako." Tumingin sakin si Kuro a t inihagod niya ang ulo niya sa kamay ko. "Masarap diba?" nakangiti ko pang sina bi. Gusto ko man tanggalin ang suot niyang pulang pulseras ay hindi ko magawa. G usto yun ni Hanako. Naniniwala pa rin si Hanako na tutuparin niya ang binitawan niyang pangako. Pero ibahin niya ako, iba na ako mula noong umalis siya.

Ibang-iba na.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad-lakad. Naalala ko, may dapat na manyari sa 3C ngayon. Magtatagumpay nga kaya siya? Kung oo o hindi, wala rin naman akong masyadong pakialam. Basta ang akin, mapatay ko ang gusto kong patayin. Bahala n a sila sa kung sino ang gusto nilang tapusin.

Lumingon ako. Guni-guni ko lang ata na narinig ko ang boses ni Hanako. Tama, gun i-guni ko nga lang. Wala si Hanako dito. Nagtaka ako noong una. Hinanap ko siya nang biglaan siyang nawala ngunit alam ko na kung nasaan siya. Alam na alam ko.

Tumalon si Kuro paalis sa bisig ko. Sinundan ko lang siya ng tingin.

"Blake." Pagbanggit ko sa pangalan ng taong nasa litrato na hawak ko. Naalala ko pa noong ibinigay sa akin ni Hanako ito. Tuwang-tuwa niyang sinabi na may nobyo na siya. Isa sa mga sikat sa eskwelahan. Isa sa mga hinahangaan at ginagalang.

Noong panahon na iyon ... galit na galit ako.

Kay Hanako, kay Blake at sa sarili ko. Noong panahon na iyon, alam kong kakalimu tan na ako ni Hanako. Mawawalan na siya ng oras para kausapin man lang ako. Mawa walan na siya ng panahon para makasama ako. Labag man sa kalooban ko, pinabayaan ko siya. Nakita ko kasi na napakasaya ng kaibigan ko.

Hanggang sa sarili niyang kasiyahan ang naging dahilan ng pagkalungkot niya. Ala lang-alala ko pa ang araw na iyon.

"M-Miaka ... ayoko na. Miaka, hindi ko na kaya." Paulit-ulit na sabi ni Hanako h abang nakayakap sa akin. Batid ko ang lahat ng nangyari. Yung video na iyon ... ang plano ng mga kaklase namin. Lalo na ang manyayaring party. "Iligtas mo ako. Hindi totoo iyong video na 'yun. Miaka, wala kaming relasyon ni Sir Buendia." Tu mingala siya sa akin. Kita kong namumugto ang kanyang mga mata. "Naniniwala ka n aman sa akin diba?"

Naalala ko bigla ang lahat. Pinabayaan din naman ako ni Hanako. Bakit ko siya tu tulungan? Pinabayaan niya ko noong mga panahon na kailangan ko siya. Pinabayaan ako ni Hanako. Pinabayaan niya ang nag-iisa niyang totoong kaibigan.

"Miaka ... maari akong iwan ni Blake. Masama ang tingin sa akin ng lahat. Hinuhu sgahan na ako ng lahat. Hindi ba, kaibigan kita?" Tama, kaibigan niya ako. Dapat ko siyang tulungan pero papaano ko siya tutulungan kung alam ko naman na iiwan lang din niya ako pagkatapos nun? Babalik ulit siya kay Blake. Kakalimutan na na man niya ako.

"Miaka, huling beses na ko hihiling sa'yo. Mapagbibigyan mo naman ako diba?" h-h uling beses? Bakit huling beses? Iiwan na ba niya talaga ako? "Ikaw ang pumunta sa party kapalit ko. Iyon lang, iyon lang Miaka." Napatingin ako nang deretso sa mga mata niya.

Tumango ako at doon ko siya nakitang ngumiti.

"Salamat, kaibigan talaga kita."

Isang desisyon na labis kong pinagsisihan.

Humarap ako sa salamin malapit sa kwarto na dating tinutuluyan ni Hanako. Bahagy a kong inusog ang harap ng suot kong kamiseta upang matignan ang malalim na pekl at sa dibdib ko pati na rin sa balikat ko.

Sapphire, ako ang papatay sa'yo.

Napalingon ako nang narinig kong bumukas ang pinto sa di kalayuan. Agad akong pu munta sa may sala at nakita kong nakaupo siya sa sofa. Hawak hawak niya ang phon e niya na agad naman niyang inilapag sa lamesa.

"Nandiyan ka pala, akala ko, walang tao." Pamungad niya sa akin. Itinaas niya an g paa niya. Hindi ko talaga alam kung dapat ko ba siyang galangin dahil sa katuy

uan at trabaho niya o hindi. Isa siya sa mga taong hindi ko akalain na sasama sa grupo na ito. Masyado siyang may pinag-aralan para mapunta sa ganitong sitwasyo n.

Hindi ako kumibo at aalis na lang sana kung hindi lang siya nagsalita.

"Alam mo bang may nabubuong ibang grupo sa grupo natin?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ibang grupo? Sa grupo namin? "May nabubuong alyansa laban sa atin. " Umupo ako sa malapit na upuan at nakita kong tumakbo papalapit sa kanya si Kur o at inihagod ang ulo niya sa sapatos niya.

"Ano namang pake ko? Nandito ako kasi gusto ni Hanako. Mamatay man ako o hindi, wala na kong pakialam doon. Tutal, pangalawang buhay ko na rin naman ito." Napan gisi siya sa sinabi ko.

"Ayaw mo bang bumuo ng alyansa? Tayong dalawa, laban sa kanila." Umiling ako sak a napalingon sa pigurin sa lamesa. Ang basag-basag na pigurin na pilit ko lang p inagdikit. Kaming tatlo lamang ang mayroon nito. Ako, si Hanako at siya. Kapag n agkita kami, ipapakita ko sa kanya ang pigurin na iyan. Para lang maramdaman niy a ang galit ko. Kung maari lang, babasagin ko yan sa mismo niyang mukha para mas lalo niyang maramdaman. Tama, mukhang maganda ngang plano iyon.

"Interesante ka talaga, Miaka. Naiisip ko tuloy, paano kung hindi ka namin inili gtas? Edi namatay ka na lang doon?" inirapan ko siya. Paulit-ulit niyang pinapaa lala na utang ko sa kanilang dalawa ang buhay ko. Paulit-ulit niyang pinapaalala na kung hindi dahil sa kanila, wala na ako.

"Hindi ko sinabing iligtas nyo ako." Tumayo ako at babalik na sana sa may kwarto ngunit may naalala ako na dapat kong sabihin. "Tsaka, pakisabi sa kanya, wag ni yang basta-basta ginagamit ang pangalan ko kahit unang letra lang iyon sa mga me nsahe na wala naman akong kinalaman." Pinalapit ko sa akin si Kuro at sinundan n aman ako nito papunta sa kwarto. Si Kuro lang talaga ang maasahan ko kahit kaila n.

Bigla akong nakaramdam ng matinding pagkahilo. Ito na naman. Nanginginig kong ki nuha ang botelya ng gamot na nasa gilid kama. Muntikan na itong mahulog dahil sa kapabayaan ko ngunit nainom ko naman ang ilang tableta nito. Muli, nanginginig ko inilapag sa lamesa ang nasa gilid nitong baso na puno ng tubig. Ilan ba ang n ainom ko? Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi ko na rin alam.

Umupo ako sa kama at huminga nang malalim. Sa di kalayuan ay nakita ko ulit yung hawak-hawak ko kaninang litrato ni Blake. Mukhang nabitawan ko ito nang hindi k

o namamalayan. Lumapit ako at pinulot ito. Habang bahagyang nakaupo ay tinitigan ko muli ang litratong iyon.

Wala siyang kwenta. Inagaw niya sa akin si Hanako at sa dulo, ako pa ang nalugi. At ngayon, kinuha niya ulit si Hanako., kinuha niya ulit ang kaibigan ko. Babaw iin ko ang kaibigan ko. Baka... baka pinapahirapan niya ngayon si Hanako. Hindi na siya gusto ni Hanako, bakit hindi ba niya matanggap iyon?

Ako lang ang tangi niyang kaibigan at siya lang din ang tangi kong kaibigan. Akin lang ang kaibigan ko.

Nakaramdam muli ako ng matinding pagkahilo. Alam ko naman na mula pa noong simul a, pinaplano na niya ang kamatayan ko pero anong magagawa ko? Tulad ng pagkakasa bi niya kanina, utang ko ang buhay ko sa kanila. Dapat akong sumunod sa agos.

Basta, mapatay ko lang sila, ayos na ako.

Dahan dahan akong napahiga at ilang sandali ay yakap-yakap ko na ang tuhod ko.

Tulungan mo ako, Hanako. --------------------------------------------x

Salamat sa pagbabasa! :D Voice out your opinion. Kung may mga katanungan, feel f ree to ask po. :) ************************************************ STORY END ******************************************* *******************************************

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF