Charlene Thesis 1
July 10, 2017 | Author: CharleneMaeGalanoFlores | Category: N/A
Short Description
thesis :)...
Description
KABANATA I
PANIMULA
Ang literasi ay kasingkahulugan ng pagkatuto at ang pagkatuto nama’y kasingkahulugan ng pag-iisip. Sa larangan ng pagtuturo – pagkatuto, maraming landas ang maaaring tahakin ng guro ng wika na siyang magpapasigla sa mga mag-aaral na makipagtalastasan sa mabisang paraan gamit ang wika. Malaki ang kaugnayan ng wika sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral. Ayon nga kay Chomsky (2006) maiuugnay ang wika sa tunog at kahulugan sa isang partikular na paraan, ito ay sa pag-unawa sa sinasabi at sa pagbibigay ng mga senyas o pidbak na may layuning magbigay kahulugan na naunawaan ito. Masasabi kung gayon na kapag taglay ng bata ang wikang ginagamit sa pagtuturo sa kanya, mabilis niyang matututuhan ang mga aralin. Ang batang komportable sa wikang panturo na ginagamit ng guro ay nakapagbabahagi ng kanyang kasagutan nang walang pag-aalinlangan. Sa ipinalabas na press release ng Kagawaran ng Edukasyon sinabi nito na: “Ipinakikita ng resulta ng pag-aaral na ang paggamit ng unang wika (mother tongue) sa loob ng klasrum sa mga unang taon ng bata sa paaralan ay nakatutulong upang matutuhan niya nang mabilis ang mga aralin at madali rin niyang matutuhan ang ikalawang wika (Filipino at Ingles).
Sa bagong kurikulum, maliban sa pagdaragdag ng dalawang taong pag-aaral ng mga estudyante, ikinatangi rin nito ang paggamit ng unang wika ng mga magaaral. Samakatuwid, magkakaroon ng hiwalay na asigtaura ang mga mag-aaral sa una hanggang ikatlong baitang – ito ay ang Mother Tongue BasedMultilingual Education (MTB – MLE). Marami ang natuwa sa pagbabagong ito sa sistema ng edukasyon sa bansa. Ipinapangako kasi nito ang isang maaliwalas na bukas sa bawat Pilipinong magsisipagtapos. Nabibigyan rin ng pagkakataon ang mga mag-aaral na pahalagahan ang kanilang unang wika at ang kultural na pagkakakilanlan. Ang mother Tongue ay tumutukoy sa wikang nakamulatan ng bata. Ayon kay Sec. Armin Luistro, “mas madaling matutunan ang konsepto ng mga aralin kapag ang ginagamit ay iyong kanilang kinagisnang wika. Kaya naman mula sa paggamit ng Bilingual Education sa lumang kurikulum, sinimulang ipinatupad ang paggamit ng Mother Tongue BaseMultilingual Education noong 2012 bilang bahagi ng pagsulong ng k-12 curriculum. Mayroon tayong isang daan pitumpu’t pitong aktibong wika, sa karamihan ay nagmula sa iba’t ibang pangkat ng katutubo sa ating bansa. Ang paggamit ng Mother Tongue sa larangan ng edukasyon ay isang adhikaing mapataas ang antas ng pagkatuto ng mga bata. Dito ay mas madaling maunawaan ng mga bata ang bawat araling nakapaloob sa kurikulum dahil ang kanilang opisyal na wika o ang kanilang mother tongue ang ginagamit ng guro sa pagpapahayag ng mga teorya at kaisipan, gayundin ay mas madali para sa mga guro ang paglalahad ng mga aralin sa paraang mas magaan, mas madaling maunawaan ng mga bata at mas bukas para sa malayang pagpapahayag ng
saloobin at kaisipan ng mga bata dahil sa madalas nila itong gamitin sa araw-araw. At ano mang madalas mong gamitin ay mas madali mong maintindihan. Ang paggamit ng MotherTongue Language sa pagtuturo ng mga Bata sa Unang Baitang ng pagpapatupad ng K - 12 ay inaasahang magiging mabisang stratehiya para sa mabilis na pagkatuto ng mga bata. Sa unang pagkadinig ay hindi mo mauunawaan kung ano ang ibig ipakahulugan ng Mother Tongue. Sa mga paliwanag ng mga nagsillahok sa seminar at treyning, ay madaling naunawaan ang ibig sabihin ng Mother Tongue. Isang prinsipyo ito na nuon pa man ay pinaniniwalaang magiging matagumpay sa pagkat ang pagtuturo ng mga batang mag-aaral sa taon ng pundasyon ng pagkatuto ay natataya na ang kanilang kakayahan sa pagkaunawa sa mga lengwaheng nuon lang nila narinig. Biglaan ang malaking pagbabago ng kaganapan mula sa mga wikang naririnig lamang nila sa kani-kanilang mga tahanan ay biglaang mga bagong salitang naririnig at pumapasok sa kanilang diwa ang pagkalito. Mahalaga sa pagkatuto ng isang bata ang pag-agapay ng inaasahang pagbabago mula sa kanilang mga taong nakakasalamuha, sa kapaligiran at sa mga pamamaraan ng pagsasalita at pakikipag-ugnayan sa mga bagay at taong nuon lang nila nakita. Habang paminsan minsan ay tinatanaw ko at pinanunuod ang mga mag-aaral sa Unang Baitang naririnig ko ang masiglang pakikilahok ng halos ng lahat ng mga bata sa diskusyunan at pagtugon sa mga katanungang ipinunupukol ng guro gamit ang Mother Tongue. Inaasahan ang kagalingan ng guro sa paggamit ng Mother Tongue sa pagtuturo upang patuloy na makatugon sa layunin ng pamahalaan na maihatid ng higit na maganda at akmang kurikulum para sa mga batang Filipino. Ang programang K to 12 ay tumitiyak ng isang kurikulum na babagay sa mga mag-aaral sa Pilipinas sa
pamamagitan ng paggamit ng Mother Tongue sa pagtuturo. Ang paggamit din ng estratehiyang ito ay mabisang paraan din upang mahikayat ang mga magulang upang mabigyan ng palow-ap ang mga bata sa kanikanilang mga magulang. Marami sa mga magulang na nagpapaaral ng mga anak ay hindi naman din kasing taas ng antas ng kaalaman ng katulad ng mga magulang sa mga pribado o mauunlad na lugar. Inilunsad ng UNESCO (1953) sa pamamagitan ng isang publikasyon, may pamagat na “The Use of Vernacular Languages in Education”, ang mungkahing ito ay para sa lahat na gamitin ang unang wika. Sa perspektibo ng sikolohiya ang unangwika ay katumbas sa kognitibong sistema na umiiral sa kaisipang ng sinumang bata na agaran niyang pinapakinggan sa kanyang pag-uunawa at pagpapahayag ng kanyang nalalaman at nararamdaman. Sa perspektibo ng sosyolohiya, ang wikang ito ay isa sa mga pinakamahalagang sangkap na magpapabilang sa kanya sa komunidad na kanyang kinaroroonan at magbibigay sa kanya ng kultural na identidad. At sa perspektibo ng edukasyon, ang wikang ito ay ang daan para sa mas epektibong pagtuturo at pagkatuto. Ayon sa UNESCO, EDUCATION, ang mother tongue multilingual education ay hindi lamang tungkol sa oral na paggamit ng unang wika, ito rin ay tungkol sa tekstwal na paggamit ng nasabing wika na sinasabayan ng pag-aaral ng istruktura at gramatika nito. Ayon sa inilunsad ni Helen Pinnock na pinamagatang “ language and Education: The Missing Link” na nakasalalay sa MTB-MLE ang tagumpay o kabiguan ng edukasyon. Inerekomenda niya na gamitin ang mother tongue hanggang Grade VI dahil
sa kanyang ginawang pag-aaral at nakatutulong ito sa pagkakaroon ng mas dekalidad na edukasyon. Sa pagpapatupad ng Mother Tongue Base Multilingual Education, naniniwala ang lahat na mapapaangat nito ang kaalaman ng estudyante sa ating bansa. Lahat tayo ay may kanya-kanyang nagagawa. Gabayan ang mga mag-aaral dahil ito ang magsisilbi nilang unang hakbang sa pandaigdigang komunikasyon. Ayon nga sa sinabi ni Presidente Benigni “Noynoy” Aquino III, “ Speak to connect to the world; speak Filipino to connect to your countrymen; and speak your mother tongue to connect to your heritage”. Higit ding maihahatid sa mga magulang at pamayanan ang magandang mensahe at imahe ng K - 12 na agarang tumanggap ng negatibong pagpuna sa halos lahat ng sektor ng ating lipunan.. Kaalinsabay ng pagkaunawang ang lahat ay ginagawa para lamang sa ikauunlad ng mga batang Filipino.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa pag-aaral na ito, layunin ng mananaliksik na ipabatid sa mga nakararami ang mga katotohanang napapaloob sa pag-aaral ng mother tongue. Naniniwala ang mga mananaliksik na magiging mahalaga, makabuluhan at kapaki-pakinabang ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod: Mga Mananaliksik – ang mga impormasyong makakalap nila ay magsisilbing patnubay sa mga susunod pang mga pag-aaral at magiging malaking tulong ito sa mga mananaliksik upang makapag-ambag ng makabuluhang kaalaman tungkol sa paggamit ng mother tongue at iba pang araling pangwika. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbi ring sanggunian at mapagkukunan ng impormasyon ng mga mananaliksik
hinggil
sa
Mother
Tongue
Base
Multilingual
Education.
Makapagbibigay din ito ng motibo sa mga mananaliksik upang mas pag-aralan pa at bigyang pansin ang mga araling pangwika.
Mga Mag-aaral – ito ay makapagdagdag sa kanilang mga kaalaman na siyang magsisilbing gabay sa kanilang mabisang pakikipagkomunikasyon. Ito rin ay magsisilbi bilang isang pagsasanay sa pagpapaunlad ng kanilang kasanayang pangwika at kakayahang komunikatibo. Pagdating sa mga usaping pangwika, sila rin ay mas magiging aktibo dahil sa kaalamang kanilang nakalap mula sa pag-aaral na ito. Kabataan – ang mga kabataan ang susunod na magiging pinuno ng bayan kaya’t mahalagang ngayon pa lamang ay mamulat na sila sa mga araling pangwika nang sa ganoon ay malaman nila kung gaano kahalaga ang wika sa araw-araw nilang pamumuhay. Mga Magulang – bilang mga magulang, tungkulin nila na magsilbing gabay sa kanilang mga anak sa pagpapaliwanag ng mga makabuluhang bagay na siyang magbibigay kaalaman sa kanilang mga anak. Maari nilang ituro sa kanilang mga anak kung ano ang daan tungo sa mabisang pakikipagkomunikasyon nang sa ganoon ay lumaking may tiwala sa sarili ang kanilang mga anak pagdating sa pakiki[agkomunikasyon. Publiko – mula sa mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik, mailalahad sa publiko ang mga usaping pangwika na siyang magbibigay ng kaalaman sa kanila na maari nilang gamitin sa araw-araw na pamumuhay at pakikisalamuha sa mga tao. Mga susunod na Henerasyon – ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay at makapagbibigay ng impormasyon sa mga susunod na henerasyon upang
mabatid nila kung ano ang pinagmulan ng mga aralin at usaping pangwika at upang malaman nila ang mga hakbangin at paraan na kanilang gagawin uoang mas lalo pang mapag-aralan ang mga pag-aaral na tulad ng pananaliksik na ito. Mga Guro at Propesor – sa mga guro at propesor, lalo na sa mga nagtuturo sa una hanggang ikatlong baitang sa elementary, isang malaking tulong ang pag-aaral na ito upang mapayabong ang kanilang kaalaman sa pakikipagkomunikasyon na umiiral sa kasalukuyan. Maaari nila itong gamiting sanggunian sa pagbabahagi ng kanilang mga kaalaman sa mga mag-aaral hinggil sa mga araling pangwika na siyang pagsisilbing patnubay sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. Administrasyon ng mga Paaralan – dahil malaki ang sakop at impluwensya nila sa paaralan, maaari silang maglunsad ng wikang Filipino at pagpapayaman ng bokabularyo ng mga mag-aaral at mga guro na magsisilbing tulong sa pagkakaroon ng mabisang pakikipagkomunikasyon.
Layunin ng Pag-aaral
1. matutukoy ang kasanayang ng mag gurong nagtuturo gamit ang Mother Tongue. 2. matutukoy ang kahinaan ng mga gurong nagtuturo gamit ang Mother Tongue.
Pagbibigay Katuturan
K to 12 curriculum. Programang ipinatupad ng kagawaran ng Edukasyon upang malinang at maihanda ang kabataan sa hinaharap. Mag-aaral.
Ang pinaglalaanan ng oras, panahon at pansin ng guro.
Guro.
Ang tagapaghubog ng mag-aaral.
Mother Tongue Base Multilingual education.
Makabagong paraan ng edukasyon sa
pilipinas na kung saan ginagamit bilang midyum instraksyon sa pagtuturo ang unang wikang kinagisnan ng mga mag-aaral. Wika.
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Ito ang kalipunan ng mgasimbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas na ginagamit ng isang komunidad upang maipahayagang nais sabihin ng kaisipan.
Pakikipagkomunikasyon.
Pagpapahayag ng impormasyon, pakikipag-ugnayan o
pakikipag-usap Kasanayan. Ang galing o kahasaan ng isang tao sa particular na bagay. Pagtuturo.
Pagbabahagi ng kaalaman sa mga tagapakinig.
Saklaw at Delimitasyon
Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa antas ng kasanayan ng paggamit ng mother tongue sa pagtuturo ng mga piling guro ng una hanggang ikatlong baitang sa mababang paaralan ng Pilot Lungsod ng Kidapawan, Cotabato.Ang mga respondente ay may bilang ng labinlimang (15) guro sa nabanggit na paaralan na nagtuturo sa taong Pampaaralan 2015-2016.
KABANATA II
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Sa kabanatang ito, ilalahad ng mga mananaliksik ang mga literatura at pag-aaral nakaugnay sa Mother Tongue Base Multilingual Education na siyang magdadagdag sa kaalaman ng mga mambabasa ukol sa paksa ng naturang pag-aaral. Makikita din sa kabanatang ito ang kaugnayan ng bawat literatura at pag-aaral sa pananaliksik. Ang mga impormasyong matatagpuan sa kabanatang ito ay ang mga impormasyon na nagsilbing patnubay sa mga mananaliksik upang mapagtagumpayan ang pagususuri ng mga datos mula sa mga kalahok ng pananaliksik. Ayon kay (Nicolas,2013),kung hangad ng isang gurong matamo ang kanyang layunin dapat niyang iangkop ang pamamaraan sa paksa,sa kakayahan at sa kapakinabangan ng mga mag-aaral at hindi lamang siya nakabatay sa kapakinabangan ng mga mag-aaral at hindi lamang siya nakabatay sa makalumang pamamaraan ng pagtuturo bagkus ay bukas ang kanyang isipan na tanggapin at gamitin ang mga makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa mas moderno,magaan at mabisang pagtuturo at pagkatuto ng mag-aaral.Sa pag-aaral na ito, magiging sandigan din ang theory of learning. Ayon nga kay Chomsky (2006) namaiuugnay ang wika sa tunog at kahulugan sa isang partikular na paraan,ito ay sa pag-unawa sa sinasabi at sa pagbibigay ng mga senyas o pidbakna may layuning magbigay kahulugan na naunawaan ito.Masasabi kung gayon na kapag taglay ng bata
ang wikangginagamit sa pagtuturo sa kanya, mabilis niyang matututuhan ang mgaaralin. Ang batang komportable sa wikang panturo na ginagamit ng guroay nakapagbabahagi ng kanyang kasagutan nang walang pag-aalinlangan. “Hindi sumasalungat ang KWF sa pagkatuto ng iba’t ibang wika dahil ang mga ito ay kailangan din nila,” aniya. Ayon naman kay Roberto Ampil, tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa Unibersidad, ang paggamit ng regional language bilang medium of instruction ay makatutulong hindi lamang para mabilis na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga itinuturo sa klase, kundi para mapanatili rin ang pagkakakilanlan ng mga kabataan sa kanilang kinagisnan. “Maraming Pilipinong mag-aaral ang nagsisimula ng kanilang pag-aaral sa isang wikang hindi nila sinasalita o nauunawaan. Sa ganitong kalagayan, sinasabing ang mga katutubong wika ng mga mag-aaral ang tanging makapagbibigay ng patuloy na ugnayan sa personal na pagkakakilanlan na nagtataglay ng etniko at isang pambansang dimensiyon,” ani Ampil. Ayon naman kay Abdon Balde, Jr., tagapangulo ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (Umpil), hindi ganap na naging epektibo ang bilingguwal na edukasyon dahil ang Filipino at Ingles ay itinuturing pang mga banyagang wika sa maraming rehiyon sa Pilipinas. “Ibig sabihin nito, halimbawa, ang isang batang lumaki sa Bikol ay kailangang mag-aral ng English at Filipino para maintindihan ang sinabi ng guro na nagtuturo gamit ang bilingual medium of instruction,” ani Balde sa Varsitarian.
Ayon naman kay Imelda de Castro, propesor ng Filipino at dating tagapangulo ng Departamento ng Filipino, tuluyang napawalang-bisa ang pagsunod sa bilingguwal na programa dahil maliban sa hindi ito seryosong naipatupad ng pamahalaan, hindi nagamit nang wasto ang wikang Filipino. “Kapag naubusan ng Ingles, magshi-shift sa Filipino o kaya’y kapag naubusan ng Filipino ay lilipat sa Ingles,” ani De Castro. “Hindi dapat ito mangyari. Dapat ay tapusin muna bago lumipat sa panibagong konsepto (paggamit ng isang wika) upang mabalanse ang paggamit sa lengguwahe.” Aniya, hindi dapat isawalang bahala ng mga paaralan ang paggamit ng MTB-MLE hanggang sa makita ang kalalabasan nito. Ayon naman kay Romulo Baquiran, Jr., tagapangulo ng Filipinas Institute of Translation, ang multilingualism bilang medium of instruction ay matagal nang ginagamit sa pagtuturo.“Ito ang kondisyon, opisyal man o ‘di opisyal na ipahayag,” sabi ni Baquiran. “Maaaring sabihing Ingles puro tayo, ngunit maririnig sa kampus ang [wikang] Filipino. O kaya’y isulong ang Filipino pero marami ang gagamit ng Ingles.” Dahil karamihan ng mga administrador ay may kaalaman naman sa kolonyal na sistema ng edukasyon, paliwanang ni Baquiran, hindi maitatangging Ingles ang kanilang maging prioridad sa pang-akademiyang situwasyon. “May mga mahuhusay na intelektuwal na Filipino sa pangunahing wika,” aniya. “Sa mga elitistang unibersidad tulad ng [University of the Philippines] UP, UST, Ateneo [de Manila University], at [De] La Salle [University], mayroong malalakas na programa sa Filipino. Pero hindi nga lamang masyadong excited ang estado na i-promote ang Filipino kahit mahusay dito ang Pangulong [Aquino].”
Ayon kay Santos, hindi na maiiwasan ang paggamit ng mga mag-aaral ng kanilang katutubong wika sa loob ng paaralan. “Matuto man siya ng wikang banyaga, ang wikang kinagisnan pa rin ang gagamitin niya sa kaniyang pag-iisip at pakikipagsapalaran sa lipunan,” ani Santos. Sa pagdiriwang ng ika-13 na "International Mother Language Day" noong Martes, nanawagan ang isang kongresista at ilang mga organisasyon sa pagsasabatas sa panukalang gawing medium of instruction ang wikang kinagisnan ng mga mag-aaral. Sa isang press conference noong Martes, inihayag ni Valenzuela Reppresentative Magtanggol Gunigundo ang kahalagahan ng House Bill 162, o Multilingual Education and Literacy Act of 2010 na naglalayong magkaroon ng permanenteng implementasyon sa paggamit ng vernacular sa pagtuturo ng leksyon sa mga paaralan.Ayon kay Gunigundo, sa programang ito, gagamitin ang first language (L1) ng mga bata sa pagaaral ng kanilang mga leksyon. Sa ganitong paraan, aniya, mas maiintindihan ng mga bata ang mga aralin.Ikinalulungkot ni Gunigundo ang umano'y eading without understanding." Batay umano sa kanilang pag-aaral, hirap umano ang mga estudyante na intindihin ang leksyon sa paaralan kung ang gagamiting medium of instruction ay wikang hindi kinasanayan.Sa utos ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ipinatupad ng Department of Education (DepEd) Order 74 noong 2009 upang maipanukala ang paggamit ng wikang kinagisnan sa pagtuturo.Sa panibagong K-to-12 curriculum, ipatutupad ang mother-tongue-based multilingual education program (MTBMLE) hanggang Grade III lamang.
Ayon kay Dr. Rosalina Villaneza ng Department of Education (DepEd), sisimulan ang pagpapatupad nito sa susunod na school year, ngunit sinubukan na ito ngyong School Year 2011-2012.Aniya, "Na-implement namin last year sa 921 schools. Sila 'yung mga pioneering schools natin all over the country... Sa mga pioneer schools, doon tayo natututo "what worked and what didn't. Then we have to improve on it."Dagdag pa niya, “Yung mga pioneering school, matagal na naming na-train ['yung mga guro] kasi noong lumabas ang DepEd Order 74, we gathered all the materials and existing experiences ng mga schools na nag-implement ng lingua franca. Tapos nag-prepare, tapos nagkaroon ng teachers training noong 2010. Tapos nag-implement noong 20112012 sa pioneer. Maliban kay Pangulong Quezon, si PNoy na siguro ang tanging pangulong tunay na nagpamalas ng masidhing pagmamahal sa ating mga wika. Filipino ang gamit niya sa kanyang mga nakaraang SONA. Filipino din ang madalas na gamit niya sa kanyang mga panayam sa radyo at telebisyon. Bukod dito, tanging sa administrasyon niya na ipatupad ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MLE) na kilala din sa tawag na DepEd Order No. 74, series of 2009. Sa ilalim ng MLE, gagamitin ang labindalawang pangunahing wikang rehyunal bilang midyum ng pagkatuto sa mga paaralang primarya sa buong bansa. Matagal na itong inererekomenda ng Summer Institute of Linguitics at EdCOM Report sa Kagawaran ng Edukasyon, ngunit ngayong taon lamang ito lubusang naipatupad. Sang-ayon ako sa MLE dahil napatunayan na ng mga pananaliksik na mas magiging mabilis ang pagkatuto ng mga bata kung ang wikang gagamitin sa pagtuturo ay iyong wikang ginagamit nila sa kanilang tahanan. Bukod dito, maibabalik din sa sistema ng
edukasyon ang kultura at tradisyong nakapaloob sa isang wikang rehyunal katulad ng mga awiting-bayan, tula at epiko. Dahil sa MLE, mas magiging makabayan ang ating mga kabataan dahil mas mauunawaan at pahahalagahan nila ang kanilang etnisidad. Uunlad din ang panitikan ng mga wikang rehyunal na dati ay sa pasalita na lamang ginagamit dahil mas maraming akda na ang maisusulat gamit ang mga wikang kaysoo noong hindi pa sila ginagamit sa sistema ng edukasyon. Batay sa Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Sek. 6: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” Tunay nga na magiging katuwang ng wikang Filipino ang mga wikang rehyunal sa pagpapalaganap ng diwang makabayan sa ating bansa. Hinggil sa House Bill No. 162 na pinanukala ni Kinatawan Magtanggol Gunigundo ng lungsod ng Valenzuela, subalit dulot ng ilang kadahilanan at marahil ay kawalan o kakapusan ng panahon na maaaring ipagkaloob sa mga tagapagpanayam, malugod niyang pinagtungo ang mga mananaliksik sa tanggapan ng isa sa mga kasapi ng kaniyang research team na si Dr. Ricardo Nolasco sa Unibersidad ng Pilipinas. Magandang bagay sapagkat malugod din naman niya kaming tinanggap nito.“Ang House Bill No. 162 ay ang Multilingual Education Bill na naglalayon na paggamit ng mga katutubong wika o iyong tinatatawag na mother tongue language bilang gamit sa pagtuturo sa basic education. Binigyang-pansin naman ni David Michael San Juan na nanalo ng Ikatlong Gantimpla sa Gawad Surian sa Sanaysay, Gantimpalang Collantes noong Buwan ng Wika, 2008 na may pamagat na “Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filpino at mga Dayalekto, Bagong Kahingian ng Globalisadong Mundo” ang kahalagahan ng
pagpapaunlad ng mga wikang rehiyonal ng bansa upang matamo ang layuning multilingwalismo. Sa sanaysay na ito, tinalakay ni San Juan ang positibong pananaw tungkol sa pagpapaunlad ng lahat ng wikang umiiral sa Pilipinas kasama na ang Ingles kasabay ng pagpapayaman din ng wikang Filipino salig sa multillingwalismo na opisyal na pinanindigan ni United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) noong 2003. Ayon sa nasabing dokumento, mula kay San Juan (2008): “Studies have shown that, in many cases, instruction in mother tongue is beneficial to language competencies in the first language, achievement in other subject areas, and second language learning.” Ang sanaysay na ito ni San Juan ay isa lamang sa napakaraming pruweba na kapag matibay ang pundasyon ng mga mag-aaral sa kanilang unang wika, magiging madali sa kanila ang pagkatuto ng iba pang asignatura.
Konseptwal na Balangkas
Pangunahing Palagay
Kabanata III
Metodolohiya Sa bahaging ito nakapaloob ang mahalagang impormasyon patungkol sa pagkakabuo at pagkakagawa ng plano sa pananaliksik. Maging ang deskripsyon ng bawat disenyong pananaliksik, populasyon o sampling na pamamaraan, instrument at istatistiko ay nailahad din sa bahaging ito.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang isinagawang pag-aaral ay gagamit ng isang deskriptibong metodolohiya sa pananaliksik. Mayroong siyam na research designs ngunit piniling gamitin ng mga mananaliksik ang Descriptive Survey Research Design kung saan gumagamit ng mga talatatanungan o sarbey para makalikom ng mga datos ang mga mananaliksik sa mga kalahok ng kanilang pag-aaral.Ayon kina Laurentina Paler-Calmorin at Melchor Calmorin, ang Descriptive Survey Research Design ay naglalayong kumalap ng mga impormasyong batay sa kasalukuyang mga pangyayari.Ginagamit ito at inirerekomenda ng nakararami dahil ito ang pinakamabisang paraan upang makakolekta ng tiyak na impormasyon batay sa mga pag-uugali, paniniwala at pananaw ng mgakalahok sa isinasagawang
pananaliksik.Naniniwala
ang
mga
mananaliksik
na
angkop
angdisenyong ito sa naturang pananaliksik sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mulasa mga tagatugon.Gagawa ng isang plano ang mga mananaliksik upang maging maayos ang kalalabasanng pag-aaral. Sisimulan ang pananaliksik sa paghahanap ng mga babasahing may kaug nayan sa Mother Tongue Base Mulitilingual Education na siyang inintindi ng mga mananaliksik upang maging maalam ang mga
mananaliksik patungkol sa paksang Mother Tongue Base Multilingual Education. Ang mga babasahing ito sa partikular ay ang mga libro, pahayagan, dyornal at diksyunaryo na siyang naging sandigan ng mga mananaliksik.
Lokal ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa Mababang Paaralan ng Pilot Lungsod ng Kidapawan, Cotabato.
Respondente Ang mga magiging respondente ng pananaliksik na ito ay labinlimang (15) mga gurong nagtuturo sa una hanggang ikatlong baitang sa Mababang Paaralan ng Pilot Lungsod ng Kidapawan, Cotabato sa taong Pampaaralan 2015-2016.
Instrumentong Gagamitin Ang pangunahing instrumentong gagamitin sa pananaliksik na ito ay ang paggawa ng talatanungan na naglalaman ng maaring mga katanungan patungkol sa Mother Tongue Base Multilingual Education.
Pag-aanalisa ng mga Datos
Pagkatapos ipamimigay ng mga talatanungan, isa-isang babasahin ng mga mananaliksik ang mga kasagutan ng mga tagatugon. Itatala ng mga mananaliksik ang mga kasagutan ng mga tagatugon at paghiwahiwalayin ang mga kasagutan ng bawat taon sa hayskul. Pag-aaralan ng mabuti ng mga mananaliksik ang bawat kasagutan ng mga tagatugon. Upang mas maintindihan ito ng mga mananaliksik at mabigyan ng karampatang interpretasyon ang mga datos na nalikom,gagamit ng istatistikal na pormula ang mga mananaliksik.Kung saan: %- Bahagdan f- Bilang ng mga kasagutan sa isang partikular na opsyon N - Kabuuang bilang ng mga sagot sa isang katanungan 100- Konstant Gamit ang pormulang ito, malalaman ng mga mananaliksik ang bahagdan ng bawat mga kasagutan. Gagamit ng mga bar graphs ang mga mananaliksik upang ilarawan ang mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa paggamit ng mga graph, mailalarawan ng maayos at malinaw ang mga datos na malilikom mula sa mga tagatugon.
View more...
Comments