Canal de la Reina
March 6, 2020 | Author: Anonymous | Category: N/A
Short Description
Download Canal de la Reina...
Description
I. Pamagat Ang titulo ng akdang Canal de la Reina ay ang mismong lugar kung saan nangyari ang mga eksenang naganap sa nobela. Inilalarawan ang lugar na ito bilang isang mabaho, maburak, maputik, pinaninirahan ng mga iskuwater, at si Nyora Tentay ang tumatayong pinuno ng lugar na ito. Ipinapakita rin dito na laganap ang kahirapan at pagsasamantala. Dahil din sa lugar na ito ay nagkaroon ng relasyon sa bawat isa ang mga tauhan dahil sa lupang pag-aari ni Caridad. At sa lugar na tinatawg na Canal de la Reina naganap at umikot ang mga pangyayari sa nobela. II. May Akda1 Si Liwayway A. Arceo ay pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na nakasulat ng 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino. Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag na panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng halagahan [values], lunggati [vision], at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Pilipinas; at sa pamamagitan ng masinop ng paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno.
1
_____________, http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Liwayway_A._Arceo, Orihinal na nilalaman mula
sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License, Oktubre 2009
1
III. Uri ng Akda2 Ang akdang “Canal dela Reina” ay isang nobela. Ang isang nobela ay isang mahabang kwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.
IV. Paksa ng Akda Umiikot ang istorya ng nobela sa lupang pinagaagawan ng dalawang panig. Ang pagpapatunay na kung kanino nga ba talaga ang lupa sa Canal dela Reina. V. Layunin ng may akda Ang layunin ng may akda ay ang ipakita sa atin ang mga nararanasang isyu ng marami sa ating mga Pilipino. Ang pagpapahalaga ng sariling atin. Na tayong mga Pilipino ay hindi titigil sa ating mga ipinaglalaban hangga’t alam nating tama ito. VI. Mga Tauhan Sa pamilyang De Los Angeles, mayroong silang apat na miyembro. Ang haligi ng tahanan na si Salvador ay madalas na tahimik at minsan lamang kung magsalita. Palagi siyang sumasang-ayon sa mga tamang desisyon ng kanyang asawang si Caridad. Si Caridad naman ay ang ilaw ng tahanan sa pamilyang de los Angeles. Isang mabuting maybahay at ulirang ina, ngunit may tibay at lakas ng look na harapin ang kanilang mga problema. Ang magasawang Caridad at Salvador ay may dalawang anak. Si Leni, ang panganay, ay isang doctor na ang ispesyalidad ay ang Pediatrics. Masasabing matalino si Leni dahil nanguna siya sa Board Exam. Ang bunso naman nilang anak ay si Junior. Mahilig siya sa mga usaping political kaya ninanais niyang maging abugado, ngunit pingilan siya ng kanyang mga magulang kaya ang pagiging architect na lang ang kanyang pinili. 2
__________, http://tl.wikipedia.org/wiki/Nobela, Nobyembre 2010
2
Sa Pamilyang Marcial, apat rin ang miyembro na nabanggit sa nobela. Si Nyora Tentay ang pinaka mayaman sa kanilang lugar. Siya ay mapagsamantala sa mga taong humihiram ng pera sa kanya at isa siyang pakielamerang ina. Palagi niyang pinakikielaman ang buhay ng kanyang anak at pilit itong pinasusunod sa kanyang gusto. Ang anak naman niyang si Victor ay laging sumusunod sa kanya. Wala siyang sariling desisyon, ngunit mapagmahal na asawa’t ama kahit hindi ito masyadong naipakita. Ang kanyang asawa ni Victor naman na si Gracia naman ay kinaaayawan ni Nyora Tentay. May anak sina Victor at Gracia. Siya naman si Gerry. Si Gerry ay may pagtingin sa anak nina Salvador at Caridad na si Leni. VII. Tagpuan at Panahon Umikot ang kalamnan ng nobela sa bayan ng Canal de la Reina. Isang tunay na pook sa Tundo, Maynila kung saan isinilang ang manunulat na si Liwayway A. Arceo. VIII. Buod Pinuntahan ng mag-asawang Caridad at Salvador ang lupang namana ni Caridad sa yumao niyang mga magulang at ito ay nasa Canal de la Reina. Hindi nakita ni Caridada ang dating ilog na malinis at malinaw ang tubig. Ng makarating sila roon, nagulat na lamang siya at may bahay na nakatiri doon. Si Nyora Tentay ang may-ari ng bahay at ang sabi ay ipinagbili ito sa kanya ni Osyang, ang katiwala ni Caridad, na kamamatay lamang. Napuno ng gulat si Caridad ng malama niya ang buong katotohanan. Ang parehong panig ay kumuha na ng sarili nilang abogado ngunit hindi makuha ni Nyora ang abogadong tatay ni Gracia dahil naghiwalay na sila ni Victor. Tinulungan pa nga ni Gracia sina Caridad sa pamamagitang ng pagiging saksi sa mga kasamaan ni Nyora. Pinasok ng baha ang bahay ni Nyora nung bumagyo ng malakas. Natangay lahat ng mga alahas at pera niya. Nang pumayapa na ang lahat at
3
nagbalik na sa normal, unti-unti ring bumalik sa katinuan si Nyora Tentay. Ang lupa ay sadyang kay Caridad, at kanyang inamin ito. IX. Pinaka magandang pangyayari Para sa akin, ang pinaka magandang pangyayari sa nobela ay ang parte kung saan nabalik ang kabaitan ni Nyora Tentay. Ang parte kung saan kanyang natanto na hindi lahat ay nakukuha ng basta basta lamang. Na lahat ay pinaghihirapan. Na ang kanyang pagkikilos ay hindi tama, at kailangan niyang magpakabuti muli. X. Kasukdulan Ang kasukdulan ng nobela ay naging maganda at masaya. Nanumbalikan ang kabutihan ni Nyora Tentay. Nabalitaan na rin na nangunguna si Leny sa Board Exam. Pinahayag na rin nina Lenny at Jerry ang kanilang engagement. Handa nina Salvador ang pagamutan na itatayo sa kinatatayuan ng dating bahay ni Nyora kina Leny at Jerry. At nakuha na rin ni Caridad ang lupang talagang sakanya. XI. Paguugnay sa kasalukuyan Napalitaw ni Arceo ang kulay at dilim ng buhay sa likod ng mga payak na pangyayari sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tauhan sa nobela. Ang mapag-arugang damdamin ng isang ina ay nagbigay diin sa karakter ni Caridad at Gracia sa magkaibang paraan. Ang una ay ang pagiging maunawaing maybahay ni Salvador at maaalalahaning ina nina Leni at Junior. Ang pangalawa nama’y ay ang pagiging matatag sa kabila ng kawalan ng katuwang sa pagaaruga ng kanyang nag-iisang anak na si Geronimo. Kapwa naging biktima ng kasakiman ni Nyora Tentay ngunit parehong nakipagtunggali at hindi yumukod sa kalakaran ng lipunan. Si Caridad ay buong –tapang na nanindigan na bawiin ang lupang kinamkam ni Nyora Tentay subalit nagpakita pa rin ng kabutihan sa matanda nang ito ay nasiraan ng ulo. Habang si Gracia nama’y ibinalik ang naranasang kapaitan sa mag- inang sina Nyora Tentay at Victor ngunit ang pag-
4
ibig pa din para sa huli ang namayani sa kanyang puso. Sila ang dalawang mukha ng mga Pilipino, hindi tiyak ang paroroonan ngunit tulad ng ilog ng Canal de la Reina sila’y patuloy na nakikipagsapalaran at nakikibaka sa kabila ng mga basurang nagpapasikip at nagpapahirap sa kanilang pag-agos sa buhay. Isa pang aral naipinararating ng nobela ay walang nananalo sa katiwalian. Kung sa umpisaay nakukuha nila ang gusto nila, sa huli ay pinaparusahan ang mgaganitong tao. Kaya naman sa buhay palaging ang kabutihan pa rin ang nangingibabaw. XII. Mga Kaisipan Bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang pananagutan at responsibilidad sa mga bagay na ipinagkaloob at ipinaubaya sa atin. Ang pananakop ng mga iba’t ibang banyagang bansa sa Pilipinas at kung paano ito nasupil ng ating mga bayani ay naitala na sa bawat sulok ng ating kasaysayan subalit hanggang sa kasalukuya’y hindi pa rin ito natutuldukan. Sa nobelang Canal de la Reina, ginagalugad nito ang iba’t ibang paraan ng mga karaniwang tao sa Maynila upang mabuhay at makatawid mula sa kahirapan. Inihambing ang ating kasaysayan sa nagdarahop na mamamayan na nakatira sa gilid ng ilog ng Canal de la Reina. XIII. Teoryang Pampanitikan Ang teorya na aking napili para sa nobelang ito ay ang teoryang Sosyolohikal. Ang Sosyolohikal ay nagsisilbing salamin ng kaligiran ng isang tiyak na pook, kultura, tradisyon, kaugalian at paraan ng pamumuhay. Mula sa kwento, naiihalintulad ang mga karakter nina Caridad, at ang kanilang pamumuhay. Ang mga pinagdadaanan nilang mga problema at isyu. Katulad lamang ng hindi pag sang-ayon sa pagiging abogado ni Junior. Pati ang isyu tungkol duon sa may ari ng lupa, isa ring aspekto ng pagka sosyolohikal nito. Pati ang pag asal ni Nyora Tentay ay isa ring aspekto. Ang pagiging manhid niya nuong una. Base rin ito sa katotohanan na ating nararanasan sa kasalukuyan.
5
View more...
Comments