Buod ng “A Journey Home Si Dante ay mag-isa lang sa buhay dahil iniwanan niya ang kanayng asawa noon pa lamang. Nawalan siya ng trabaho kaya naghahanap siya sa dyaryo. Sa pagbibilog niya sa gusto niyang tatrabahuan ay nadatnan niya na namantay na pala ang kanyang asawa. Kaya nakapagdesisyon na siyang dumalo sa libing. Doon na kita niya ang kanyang mga anak. Si Raffy at si Kristine na parehong may kaniyak na. Pagdating niya doon ay sinalubong siya ng asawa ni Raffy na si Gayle. Tinawag niya sina Kristine at Raffy at nagusap sila. Dahil sa mga nangyayari sa kwento, inalok ni Gayle si Dante na doon muna tumira sa kanila. Siyempre na hiya si Dante kasi iniwanan niya ang mga anak niya, kaya tinanggihan niya ito. Papaalis na sana sila Raffy nang natamaan nila si Dante sa ulo. Pinatuloy nalang siya sa kanila at doon siya muna matulog kahit labag sa kaloobanni Raffy. Dumaan ang ilang mga araw ay napapalapit na sina Gayle at si Dante. Tinulungan ni Gayle si Dante sa paghahanap ng trabaho kaya pina-apply niya ito sa isang kompanya. Nagkulang siya ng medical records kaya ipinakuha nila ito. Nagpaschedule sila at sa bahay nalang muna tumira si Dante. Doon napamahal na din ang mga anak ni Raffy sa kanya pero si Raffy ay namamatigas parin sa pagpatawad sa kanayang ama. Tinuturaan ni Dante si Jake sa pagtugtog nang maayos at nalalaro din sila ni Tinka. Dumating ang araw na nagpacheck-up na siya. Habang pabalik na siya sa test center nakita niya ang asawa nang kanyang anak na si Kristine. May niyayakap na babae. Pagkatapos niyang mag a check-up, sinabi niya kay Gayle kung ano ang nakita niya. Kaya pumunta sila sa bahay ni Kristine at natagpuan na nalaman na pala niya. Dumating ang araw na galit na galit si Raffy sa kanyang tatay, kasi din bumabagsak na ang kaniyang kompanya. Nagdesisyon si Mang Dante na bumalik nalang sa kanyang tirahan at nag desisyon din si Kristine na bigyang pangalawang pagkakataon ang kanyang asaw. Dahil sa pag-alis ni Dante nagging magulo na ang pamilya. Masama ang loob ni Jake sa kanyang tatay at masama din ang loob ni Raffy kay Gayle. Tinawag ni Gayle ang pamilya at nagdasal sila para sa kabutihan at kaayosan ng kanilang tahanan. Dahil doon unti-unting nakatanggap ng good news si Raffy. Pinatawad lang ang kanilang kompanya sa kanilang mga utang. Masayang masaya ang lahat hanggang tumawag ang employer na kukuha sana kay Dante. Sinabi niyang nalulungkot siya para sa pamilya. Nagtaka si Gayle kung bakit ganoon kaya nagtanung siya kung bakit, anung nangyari. Sinabi naman ng employer na may stage 4 cancer na si Dante. Na bigla silang lahat at nagmamadali patungo sa bahay ng kanilang ama. Doon nagpatawad na sila sa isa’t isa at naging masaya si Dante hanggang siya’y mawala. Lininis nila Raffy at Gayle ang bahay ni
Hahns Anthony A. Gneato
3-Courage
Dante kasi wala nang titira dito. Sa huli naging masaya na ang lahat at samasama na silang umaawit sa simbahan.
Tema/ Paksang Diwa 1. Sa pelikula ipinakita ang kahalagahan ng pamilya sa bawat isa sa atin kahit nasa tamang edad na tayo. Dapat natin respetuhin ang ating mga magulang kahit iniwanan tayo. Sila pa din ang lumikha sa atin kaya dapat lang bigyang halaga sila anuman ang kanilang ginawa. 2. Ipinaliwanag din sa pelikula na dapat magsama-sama ang pamilya sa pagdadasal para maging ma-ayos ang lahat. Palagi lang magdasal tuwing may problema man o wala. Hindi dapat kalimutan na ang panginoon ay nan diyan lang sa tabi natin, nagmamasid sa mga gagawin at ginagawa natin. 3. Ang kapatawaran ay isa ding paksang tinalakay sa pelikulang ito. Lahat ng tao ay nagkakamali, walang perpekto sa atin kaya dapat mag-iintindihan nalang tayo.
Pamagat ng Pelikula Ang pamagat ng pelikula ay “A Journey Home”. Ito’y sumisimbolo ng kapatawaran ng anak sa kanyang ama. Ang pamagat ay tumutugma sa mensaheng gustong iparating ng pelikula. Maganda ang pamagat dahil mapapa-isip ang mga manonood kung bakit ganun ang pamagat. Pero hindi ko lang gusto na Ingles ang pamagat sa isang Pilipino na pelikula, parang nakapalinglang sa mga manonood.
Tauhan Ang pangunahing actor dito ay si Soliman Cruz na gumanap bilang Dante Santos. Kahit hindi siya masyadong kilala, mahusay parin ang kanyang acting, pang komedya at drama. Madali lang siyang umiyak at marunong din siyang magpatawa. Mahusay din si Toni Gonzaga kahit supporting lang ang kanyang papel dito. Si Joem Bascon na gumanap bilang Raffy ay mahusay din sa pagganap ng isang role na masungit. Kahanga-hanga din sina John Manalo bilang Jake, Cha-Cha Canete bilang Tinka, at iba pa. Hinusayan nila kahit hindi sila yung pangunahing karakter. Pinakita nila na kaya nilang magpakita ng galing kahit anung role ang makuha nila.
Hahns Anthony A. Gneato
3-Courage
Diyalogo Ang mga diyalogo ay tumutugma sa bawat tauhan sa pelikula. Sumangayon sa kanilang personalidad ang mga sinasabi nila. Maganda din ang pagkasulat ng mga ito. May mga punchlines sa bawat seryosong eksena. Maayos din ang paggamit ng salita, bumibigay ng karagdagang bigat sa damdamin. Ang paborito kung linya ay yung naggalit si Jake sa kanyang ama “And I certainly don’t want to be like you when I grow up”. Ang parteng iyon ay ang pinakabigat para sa akin.
Cinematography Kahit isang indie film itong pelikula maayos naman ang pagkakuha ng mga eksena. Maganda ang mga angulong kinukuha nila. Pero pa minsan minsan makikita ang paggalaw ng kamera. Ang lighting naman ay okay lang pero kapag nasa loob kana ng silid dumidilim siya nang konti. Maririnig mo naman ang boses nila ng maayos at mas malakas siya kaysa ibang pelikula.
Iba Pang Aspektong Teknikal Ang awit nito o theme song ay “Gabay Ang Awit”. Sumasangayon naman ang kanta sa mga nagaganap sa pelikula. Makikita na kinanta nila ito sa hulihan ng pelikula at ang mga sound effects ay sumasang-ayon naman sa damdaming ipinapahayag ng eksena. Walang masyadong special effects sa pelikulang ito. Ang nan dito lang ay yung mga slow motion at fast forward. Maayos naman ang pageedit nito. Hindi mapapansin ang mga transition maliban lang sa isa, yung umalis si Dante sa bahay ni Raffy.
Thank you for interesting in our services. We are a non-profit group that run this website to share documents. We need your help to maintenance this website.