BUOD Mulan

October 2, 2022 | Author: Anonymous | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download BUOD Mulan...

Description

 

MULAN Sa isang maliit na pamayanan sa Tsina ay mayroong isang batang babae na nagngangalang Mulan. Habang hinuhuli niya ang isang manok ay naipakita niya ang kaniyang natagong abilidad ngunit hindi nito napahanga ang kaniyang kapwa mamamayan sa maliit na pamayanan na iyon. Isang araw biglang sinakop ang ilan sa pamayanan sa kanilang bansa ng grupo ni Bori Khan kaya't nagpalabas ng kautusan ang kanilang Emperor na sa bawat pamilya sa kanilang lugar ay kailangan mayroong isang lalaki na dadalo o magrerepresenta magrerepre senta ng kanilang pamilya at magsasanay sa nalalapit na digmaan. Ngunit ang pamilyang Hua ay mayroong nag iisang lalaki at iyon ay ang ama ni Mulan. Nang dahil sa kondisyon ng ama ni Mulan M ulan ay napagdesisyunan niya na kunin ang ibinigay na kasulatan sa kaniyang ama maging ang iniingatan na sandata nito upang siya ang sumabak sa pagsasanay at maging sa digmaan. Nagpanggap bilang isang lalaki si Mulan at sa lahat ng aspeto sa pakikipaglaban ay siya ang nangingibabaw. Dumang na ang oras ng digmaan at ginawa niya ang lahat upang mailigtas ang kaniyang mga kasamahan at dito niya napagdesisyunan na ilabas at ipahayag na ang kaniyang natago na siya ay isang babae. Hindi makapaniwala ang lahat maging ang namumuno sa mga mandirigma sa tunay na kasarian ni Mulan M ulan kaya't nagalit ang pinunong kumander dahil nilabag ni Mulan ang isa sa birtud bilang mandirigma at ito ay ang pagsasabi ng katotohanan katotohanan kaya't siya ay pinaalis nito sa sa grupo. Noong siya ay pabalik na ay natagpuan siya ng mangkukulam na si Xianning at pilit nitong nililito at kinukuha ang loob ni Mulan na maging kaanib nila ngunit buo ang loob ni Mulan na magsilbi sa Emperor at sa kaniyang kapwa mamamayan. Kahit hindi na siya pinapabalik ng pinunong kumander ay bumalik siya ulit sa lugar ng kaniyang kapwa mandirigma at nagsiwalat ng kaniyang nalalamang takka at plano ng kanilang kalaban na si Bori Khan. Hindi siya pinaniwalaan ng pinunong kumander ngunit ang kaniyang kapwa mandirigma ay naniwala sakaniya kaya't sa huli ay nakumbinse parin ang kanilanv pinuno ukol sa isiniwalat na balita ni Mulan. Sila ay naghanda para sa nalalapit na digmaan at siya ang naatasan na iligtas ang Emperor. Sa galing at tapang ni Mulan ay nailigtas niya ang Emperor at napatay niya ang kanilang kalaban na si Bori Khan. Sa nagawa ni Mulan ay gustong bigyan ng ganmpala ng Emperor si Mulan na maging isang opisyal ng mga mandirigma ngunit hindi niya ito nanggap dahil nakapagdesisyon siya na nararapat na bumalik muna siya sa kaniyang pamilya dahil sa kasalanan na kaniyang nagawa kaya't mas lalong napahanga nito ang Emperor at binigyan siya ng pahintulot na gawin ang kaniyang ninanais. Sobrang nagulat ang mga kapwa mamamayan ni Mulan sa pagbabalik nito at siya rin ay napatawad ng kaniyang pamilya dahil sa ibinigay nitong karangalan sa kanilang pamilya. Biglang dumang ang ilan sa mga mandirigma kasama ang pinunong kumander at inanunsyo nito ang nagawang karangalan ni Mulan sa kanilang bansa at siya rin ay hinandugan ng Emperor ng isang regalo at ito ay isang sandata at nakaukit dito ang tatlong birtud bilang isang mandirigma at idinagdag dito ang isa sa naipakita ni Mulan na nagpabilib sa Emperor it ay ang "devoon to a family" o pagmamahal at pagmamalasakit sa pamilya.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF