Book-bata Bata Summary
January 8, 2017 | Author: Marvin Sanchez | Category: N/A
Short Description
Download Book-bata Bata Summary...
Description
NAUUKOL SA NOBELA Pamagat BATA BATA PAANO KA GINAWA MAG-AKDA LUALHATI BAUTISTA Bilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati Bautista ay isa ring manunulat ng mga maiikling kuwento, at maging sa larangan ng pelikula at telebisyon. Ang pinakaunang akdangpampelikulang isinulat niya ay ang Sakada (mga magsasaka ng tubo), isang kuwentong naisatitik ni Bautista noong 1972 na naglantad ng katayuan at pamumuhay ng mga mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap ng pagkilala at parangal na Gantimpalang Don Carlos Palanca para sa Panitikan ng Pilipinas, maging mula sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1987. Ilan sa mga ginantimpalaang sulating-pampelikula niya ang Bulaklak sa City Jail (1984), Kung Mahawi Man ang Ulap (1984), Sex Object (1985). Para sa pagsusulat para sa pelikula, nakatanggap siya ng pagkilala mula sa Metro Manila Film Festival (best story-best screenplay), Film Academy Awards (best story-best screenplay), Star Awards (finalist para sa best screenplay), FAMAS (finalist para sa best screenplay), at mga gantimapalang URIAN. Dalawa sa kaniyang mga
maiikling kuwento ay nagwagi rin mga gantimpalang Carlos Palanca para sa Panitikan: ang Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra, unang gantimpala, 1982, at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang, pangatlong gantimpala, 1983. Sumulat rin si Bautista ng mga dramang pang-telebisyon: ang Daga sa Timba ng Tubig (1975) at Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo (1987). Nanalo ang huling akda ng pinakamagaling na kuwentong pandrama para sa telebisyon mula sa Catholic Mass Media Awards. Pinarangalan si Bautista ng Ateneo Library of Women’s Writings (Aklatan ng mga Sulatin ng mga Kababaihan ng Ateneo) noong Marso 10, 2004 habang idinaraos ang ika-8 Taunang Panayam sa Panitikang Isinulat ng mga Kababaihan sa Katutubong Wika. Amg mga maiikling kuwento na isinulat ng mga kababaihang Pilipino ay inilimbag sa Finland ng The Finnish-Philippine Society (Ang Samahang
Pinlandes-Pilipino,
o
FPS),
isang
hindi-pampahalaang
organisasyon na itinatag noong 1988. Pinatnugutan at isinalin ni Riitta Vartti, at iba pa, ang Tulikärpänen. Sa Firefly: Writings by Various Authors (Alitaptap: Mga Sulatin ng Iba't Ibang May-akda), ang bersiyong Ingles ng kalipunang Pinlandes, ang sipi mula sa nobelang Pilipinong Gapô (daglat ng Olongapo) ay pinamagatang The Night in Olongapo (Ang Gabi sa Olongapo) samantalang ang sipi mula sa Bata,
Bata, Pa'no Ka Ginawa? ay pinamagatan namang Children's Party (Handaang Pambata). Ang buong salinwika ng mga pinakamahahalagang akda ni Bautista
ay
maaaring
makabuwag
sa
hadlang
sa
palimbagang
pansandaigdigan, bagaman may mga nagsasabi na ang dahilan kung bakit walang nasasagawang pagsasalinwika ay ang paggamit ni Bautista ng payak ngunit makabuluhang wika para maisalarawan ang ang mga masasalimuot na katayuang panlipunan at pangkaluluwa sa Pilipinas, isang katangian palagiang ipinagsasawalang-bahala ng mga samahang pampanitikan.[
TAUHAN
•
Lea – ang bida at bayani sa nobela
•
Maya – anak na babae ni Lea
•
Ojie – anak na lalaki ni Lea
•
Ding – lalaking kinakasama ni Lea, ama ni Maya
•
Raffy – unang asawa ni Lea, ama ni Ojie
•
Johnny – kaopisina at matalik na kaibigan ni Lea
PAKSA Umiinog ang katha sa pambungad na pagtatapos ng kaniyang anak na babaeng si Maya mula sa kindergarten. Nagkaroon ng palatuntunan at pagdiriwang. Sa simula, maayos ang takbo ng buhay ni Lea – ang buhay niya na may kaugnayan sa kaniyang mga anak, sa mga kaibigan niyang mga lalaki, at sa kaniyang pakikipagtulungan sa isang samahan na pangkarapatang-pantao. Subalit lumalaki na ang mga anak niya – at nakikita niya ang mga pagbabago sa mga ito. Naroon na ang mga hakbang sa pagbabago ng mga pag-uugali ng mga ito: si Maya sa pagiging paslit na may kuryosidad, samantlang si Ojie sa pagtawid nito patungo sa pagiging isang ganap na lalaki. Dumating ang tagpuan kung kailan nagbalik ang dating asawa ni Lea upang kunin at dalhin sana si Ojie sa Estados Unidos. Naroon ang
takot niyang baka kapwa kuhanin ng kani-kanilang ama ang kanyang dalawang anak. Kailangan niya ring gumugol ng panahon para sa trabaho at sa samahang tinutulungan niya. Sa bandang huli, nagpasya ang mga anak niyang piliin siya – isang pagpapasyang hindi niya iginiit sa mga ito. Isa ring pagtatapos ng mga mag-aaral ang laman ng huling kabanata, kung saan panauhing pandangal si Lea. Nagbigay siya ng talumpati na ang paksa ay kung paano umiiral ang buhay, at kung paano sadyang kay bilis ng panahon, na kasingbilis ng paglaki, pagbabago, at pagunlad ng mga tao. Nag-iwan siya ng mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula sa paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng mga darating pang mga bagay sa buhay ng isang tao.
BUOD Nagsimula ang katha sa pambungad na pagtatapos ng anak niyang si Maya mula sa kindergarten. Nagkaroon ng palatuntunan at pagdiriwang. Sa simula, maayos ang takbo ng buhay ni Lea, ang buhay niya ay may kaugnayan sa kanyang mga anak, mga kaibigang lalaki
at
sa
pakikipagtulungan
niya
sa
isang
samahan
na
pangkarapatang-pantao. Subalit lumalaki na ang mga anak niya at nakikita niya ang mga pagbabago sa mga ito. Naroroon ang mga pagbabago ng mga ugali ng mga ito: si Maya isang paslit na may kuryosidad at si Ojie na nasa pagtawid bilang isang ganap na lalaki. Di inaasahang bumalik ang dating asawa ni Lea na si Raffy na ama ni Ojie na nagbabalak sanang kunin ito at dadalhin sa Estados Unidos. Naroon ang takot niyang baka kunin na ng mga ama ito ang kanyang mga anak ng mga ama nito. Kailangan niya ring gumugol ng panahon para sa trabaho at samahan na kanyang tinutulungan. Sa banding huli, nagpasya ang magkapatid na piliin siya, isang pagpapasyang hindi niya giniit sa mga ito. Isa pa ring pagtatapos ng pag-aaral
ang
laman
ng
huling
kabanata
kungsaan
kinuhang
panauhing pandangal si Lea. Nagbigay siya ng talumpati na ang paksa
ay kung paano umiiral ang buhay, at kung paano sadyang kaybilis ng panahon na kasing bilis ng paglaki, pagbabago, at pag-unlad ng mga tao. Nagiwan siya ng mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula sa paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng mga darating pang pagsubok sa buhay ng isang tao. Dala ang inosenteng tanong na.. “Bata, bata pa’no ka ginawa?” Ang simula ng mga napiling mga kabanata ay sinimulang ng mga matitinding mga pangyayari sa kanilang kapaligiran na lubos na nakaapekto sa kanilang
katauhan sa nobela. Pinakita nito ang mga
naging gawain ng mga mamamayan at mga di magandang gawain ng mga politiko at mga namumuno. Naririto ang ilang patunay na ang nobela ay sinimulan nga ng mga ganoong pangyayari: “T.V. agad ang hinarap ni Lea pagdating ng bahay pero maski anong pihit ang gawing niya sa selector ay puro statics na lang ang lumalabas. Alas-dose pasado na, sign-off na lahat ng estasyon. Nagpasya na lang siya sa pagtingin ng diyaryo na sa mga oras na ito’y balitang balita na: “….shot dead seconds after he stepped off a China Airlines Plane.. Assasin still unidentified.”
(kabanata 22: talata 1, pp.167) “Headlines sa lahat ang nangyayari. Ang balita ay hindi na pambansa kungdi pandaigdig.” (kabanata 23:talata 5, pp.173) Ang mga suliranin sa mga napiling kabanata ay pinasimulan ng mga komosyon tungkol sa mga bata, lipunan, politika at pamilya na gigising sa kanilang kamalayan ukol sa mga pangyayari. Naririto ang ilang patunay na ito ang naging suliranin sa nobelang binasa: “Pumwesto na si Lea para matulog. Nang maulinigan niya ang kalansing ng susi sa labas ng pinto. Bumukas ang pinto. Si Ding. Mainit agad ang salubong: “Asan ang mga bata?” “Naroon pa kina Raffy.” Napahindig si Ding “Doon?.. eeh.. si Maya?” “Ando’n din..” Lalong napahindig si Ding. “Pati si Maya? Naloloko ka na ba?”
Naalala ni Lea na may atraso nga pala si Ding; hindi siya sinipot nito kaya siya napilitang gumawa ng ibang paraan.” (kabanata 22: talata 3, pp. 168) “Marcos Resign! Iisang tinig ngayon ng bayan. “katarungan! Katarungan!” Giniling ang mga dilaw na pahina ng PLDT directory para pangconfetti ay nagpa-fasting ang mga bilanggong pulitikal. Humahaba ang listahan ng estudyanteng wanted ay humahaba rin ang mga nabubunyag na secret decrees. Magpapalabas ng pahayag ang simbahan laban sa PCO ay tinanggal bigla ang PCO… pinalitan lang pala ng PDA na pareho din ng kahulugan. “Nagalit na ang bayan sa haba ng lokohan” at kabit ng galit ng bayan, isinilang ang alyansa ng mga bagong mamamayan.” (kabanata 23: talata 11, pp.175) Ang kasukdulan sa nobelang ito ay nagpapakita ng tunggalian ng tao sa tao. Ipinakita rito ang tunggalian sa pagitan ni Raffy at Lea tungkol sa anak nilang si Ojie at tungkol rin sa paratring paggugugol ni Lea sa pag tatrabaho. Habang sa sumunod naman na kabanata ay matutunghayan ang tunggalian sa pagitan ng Punong-Gurong si Mrs.
Zalamea at Lea tungkol naman sa legal na kasal o pagkakasal na gigising sa damdamin at magmumulat sa bida ng nobela. Naririto ang ilang patunay na ito ay nagpapakita ng tunggalian ng tao sa tao: “Nag-uusap-nag-aaway-nag-dedebate… hindi pa din tayo nagkakasundo.” Mainit na sagot ni Lea. Alam niyang tinititigan na sila ng babae sa counter pero walang bale sa kanya. Dinukwang pa niya ng bahagya si Raffy. “Gusto mong sustentuhan ko si Ojie? Akina! Katungkulan mo kung tutuusin. Pero kahit gawin mo wala ka pa ring karapatang sabihin kung anong gagawin ko sa buhay ko! Asawa mo ako nung araw pero hindi na ngayon!” (kabanata 22:talata 38, pp. 171) “Nonono… Mrs! Em-ar-es. Mrs. Not Em-es. I am safety married, you know?” at sa unang pagkakataon nginitian siya ni Mrs. Zalamea; ngiti ng isang nagmamalaki, at nadidiin sa utak niya, na ito’y kasal. ay para lamang sa mga kababaihan na hindi alam kung sila’y dalaga o walang asawa!”
(kabanata 23: talata 30, pp. 178) Ang wakas ng mga napiling kabanata sa nobela ay nagwakas na may tumitindi pa ring komosyon saisip ng mga pangunahing tauhan na nakapagpabago sa nangingibabaw na emosyon ng bida sa nobela. Nang dahil din sa mga pagbabagong ito ay tumimo rin sa damdamin ng iba ang kwento ng buhay ni Lea. Naririto ang ilang patunay tungkol sa mga pangyayari na nangyari sa wakas ng napiling kabanata: “
Pauwi dala ang mga anak, nararamdaman din ni Lea ang sakit na
iniwan sa kanya ng pagsasagutan nila ni Raffy. May epekto pa rin sa kanya ang galit ng walang hiya hanggang ngayon! Masaya siya…. Sina na nga ang may bagong anak , siya pa ang may ganang mang away! Tumawid din sa isipan niyang huwag nang umuwi kung para man lang makaiwas sa away na iniwan niya kanina na baka may continuation pa. Pero san naman sila pupunta sad is-oras na ito? Kanino sila matutulog? Nasaisip niya na silang mga lalaki noon, ngayon, at kailanman, ay pampagulo lang sa buhay ng isang babae.
Kung maari lang isumpa niya ang mga puyetang lalaki. Kungdi nga lang sa kabila ng mga pait, minsan-minsang may naiibibigay din silang tamis.” (kabanata 22: talata 40-41, pp 171-172) “ Nata-touch si Lea. Hindi na, hindi na niya gusting alaskahin, pagalitin ang taong ito. Ngumiti siya ‘t inabot ditto ang kamay na mabilis naming hinagip nito’t ginanap ng mahigpit. Biglang- bigla sa di inaasahang lugar at pagkakataon, kapwa sila nakakatisod ng isang bagong kaibigan.”
URI NG NOBELA Ang nobela ay isang NILALAMAN Panlipunan Ipinakikita rito ang makabagong galaw ng mga Pilipino at ang epekto ng pagiging isang dalagang ina. Kulturang pilipino Sa mga nakalipas na panahon, sunud-sunuran lamang ang mga kababaihan sa Pilipinas sa kanilang mga asawang lalaki at iba pang mga kalalakihan. Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina na gumagawa lamang ng mga gawaing pambahay, tagapag-alaga ng mga bata, at tagapangalaga ng mga pangangailangan ng kanilang mga esposo. Wala silang kinalaman, at hindi nararapat na makialam – ayon sa nakalipas na kaugalian – hinggil sa mga paksa at usaping panghanap-buhay at larangan ng politika. Subalit nagbago ang gawi at anyo
ng
katauhan
ng
mga
kababaihan
sa
lipunang
kanilang
ginagalawan, sapagkat nagbabago rin ang lipunan. Nabuksan ang mga pintuan ng tanggapan para sa mga babaeng manggagawa, nagkaroon ng lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang kanilang mga daing
hinggil sa kanilang mga karapatan, na buhay ang kanilang isipan, na may tinig sila sa loob at labas man ng tahanan.
IMPLIKASYON Panlipunan, Pangkabuhayan at Pansarili Ito ang paksang tinatalakay at inilalahad sa nobelang ito na may 32 kabanata. Sinasalaysay ng katha ang buhay ni Lea, isang nagtatrabahong ina, may dalawang anak – isang batang babae at isang batang lalaki – kung kaya’t makikita rito ang paglalarawan ng pananaw ng lipunan tungkol sa kababaihan, pagiging ina, at ang kung paano ganapin ng ina ang kaniyang pagiging magulang sa makabagong panahon Ang nobelang “Bata, Bata.. Pa’no ka Ginawa” ay nahahanay sa genre na ekonomyang-pampolitikal o sosyo-politikal sa kadahilanan na nailantad nito ang panlipunan, kultural, politikang pamamalakad, teorya at moral na pilosopiya na isyu na may kinalaman sa di pantay o pantay na kalagayan ng kasarian.
Naririto ang ilang patunay na itong nobelang ito ay nahahanay nga sa sosyo-politikal. “Dinukwang pa niya ng bahagya si Raffy. “Gusto mong sustentuhan ko si Ojie? Akina! Katungkulan mo kung tutuusin. Pero kahit gawin mo wala ka pa ring karapatang sabihin kung anong gagawin ko sa buhay ko! Asawa mo ako nung araw pero
hindi na ngayon!” (kabanata 22:talata 38, pp. 171) “Kinondena ng US State department ang pagpatay. Nagdemo ang mga taga-San Francisco California laban sa US-Marcos dictatorship. Nagprayer vigil sa New York, pinaliligiran ng mga tao ang Philippine Consulate General sa Honolulu bilang protesta”. (kabanata 23:talata 6, pp. 173)
MATALINHAGANG PAHAYAG
REKOMENDASYON Ang “Bata, Bata.. Pa’no ka Ginawa” ay isang nobelang isinulat ng batikang babaeng manunulat na si Lualhati Bautista. Tungkol ito sa mga dating Filipinong babae na dating pinaiinog lamang ng mga kalalakihan. Ito ang naibigang suriin dahil naagaw nito ang pansin ng mga maraming mambabasa lalo na ang mga magulang. Sa mga nakalipas na panahon sunud-sunuran lamang ang mga kababaihan sa Pilipinas sa kanilang mga asawang lalaki at mga kaibigang kalalakihan. Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina na gumagawa lamang ng mga gawaing bahay, taga pag-alaga ng mga pangangailangan ng esposo. Wala silang kinalaman, at hindi nararapat na makielam. Ayon sa nakaugalian hinggil sa paksa at usaping panghanap-buhay at larangan ng politika. Subalit nabago ang gawi at anyo ng katauhan ng mga kababaihan sa lipunang kanilang ginagalawan sapagkat nagbago rin ang lipunan. Nabuksan ang mga pintuan ng tanggapan para sa mga babaeng manggagawa, nagkaroon ng lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang kanilang mga daing hinggil sa kanilang
mga karapatan, na buhay ang kanilang kaisipan na may tinig sila sa loob at labas man ng tahanan. Sinalaysay sa nobelang ito ang buhay ni Lea, isang nagtatrabahong ina na may dalawang anak, -isang lalaki at isang babae. Kung kaya’t makikita rito ang paglalarawan ng pananaw ng lipunan tungkol sa kababaihan, pagiging ina at kung paano gaganapin ng ina ang kanyang pagiging magulang sa makabagong panahon.
View more...
Comments