Bonggang-bongga.docx

August 19, 2017 | Author: RAMISH07 | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Bonggang-bongga.docx...

Description

Bonggang-bongga “Dog cat binaliktad kinurot pa, Uwa’t suea uwa’t suea puro lang desert.” Hoy! Ay Palaka na may shades! Ano ka ba Rafa, ba’t ka ba nanggugulat? Nakita mong sarap na sarap ako sa aking pag-awit tapos puputulin mo lang. Kakainis ka! Hmmmmppp.. Ay, Oo day, ang sarap na ngang pasakan ng tsinelas yang bunganga mo. Imbyerna na akenu! Ditak na ang mga omelette gurl, gorabels na tah! Siguro’y nagtataka kayo kung sino ako. Malamang! Ako si Paola, mas kilala sa tawag na “Paola, The PaBeki One”, Pa means pangit, Beki means bakla, PANGIT na BAKLA! Yan ang bansag nila sakin hindi sa dahil marami akong kaibigan na beki kundi dahil sa mukha raw akong bakla. Whaaat? Itong mukhang to mukhang bakla, ito, ito, well, infairness, check na check sila dyan. Ha ha ha (Kris Aquino laugh) Oh My G Boy! Oo, masayahin akong tao subalit sa bawat ngiti at tawang inyong nakikita ay may nagtatagong lungkot at pag-asang sana balang araw tanggapin at mahalin ako ng aking mga kinilalang mga magulang ng walang pag-aalinlangan. Tama ang narinig niyo, ampon ako, ampooooon... Char lang.... Hahaha “Dog cat binaliktad kinurot pa, Uwa’t suea uwa’t suea puro lang desert.” Paola! Ay booths na may takong! Papa?? Ay hindi, si Yaya Dub ‘to? (Pabebe wave) Pastillas po gusto niyo? Tumigil ka! Bukas sasamahan mo kami ng iyong Mama sa isang party. Party? Papa? Yehey! Huwag kang ASA, ikaw ang magiging chaperon namin bukas, tagabitbit at tagasunod sa utos namin, at huwag na huwag mong mababanggit doon na anak ka namin. Naiintindihan mo? Pero bakit po Papa? Anak niyo po ako diba, dugo at laman ninyo pero bakit ikinakahiya niyo po ako? Tumigil ka! Anak lang kita sa dugo at laman hindi sa pagmumukha! ‘Yang mukha mong mukhang bakla! Hala, sige pumasok ka na.

Bakit ganoon po sila sa akin Panginoon? May nagawa ba akong mali? Masama bang magkaroon ng ganitong mukha? Maayos naman po ahh, elongated nga lang. Maganda sana ako kung hindi naging pangit. Kinabukasan, posturang-postura ang aking mga magulang habang ako mukhang dugyot. Pero kahit ano man ang sabihin nila, maganda pa rin po ako ng bonggang-bongga. Wow! Ang ganda naman dito, lahat sosyalen, ang mga tao yamanen, makapaglibot nga. Nang malapit na ako sa swimming pool may nakita akong dalawang bata na tila nagtatalo. Ibigay mo na sabi sakin yan ehh. (Sabay hablot) ‘Wag, balik mo sakin yan, bigay Mama sakin yan. Ayoko! Pero kung gusto mo kunin mo sa pool. (Sabay tapon ng laruan sa swimming pool) Akma na sanang tatalon ang bata ng bigla na lamang akong tumalon sa tubig upang kunin ang laruan, huli ko na narealize na hindi pala ako marunong lumangoy! Papa... Mama... tulong! Tulungan niyo ako. Dalawang bata: Tulungan niyo po kami, may nalulunod po.... Tulong... Haaaapp...Papa...Mama... tuloooong.... blok.... blok... blok... Nailigtas ako nila Papa sa pagkalunod, kasabay ng aking pagkakaligtas ang pagkamulat ng aking mga magulang sa kanilang mga pagkakamaling nagawa. Humingi sila ng kapatawaran at nagpasalamat sa isang pagkakataong binigay ng Panginoon upang itama at ipakita ang pagmamahal na noo’y ipinagkait nila sa akin. Kaya kayo, wag ng magpatumpik-tumpik pa, habang maaga at dilat pa ang ating mga mata, ipakita natin ang ating pagmamahal ng bonggang-bongga.... sa maganda man o sa chaka!

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF