Blessing of Exhibit and Carozza

January 3, 2018 | Author: Raymond Carlo Mendoza | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Tagalog rite of blessing of exhibit and processional float (taken from collectio rituum)...

Description

PAGBABASBAS NG MGA IMAHEN AT NG BAGONG KAROSA UNANG BAHAGI: PAGBABASBAS NG BAGONG KAROSA Magtitipon ang lahat sa dakong kinaroroonan ng karosa.

Pari:

Mga kapatid, magpasalamat tayo sa Diyos dahil sa kanyang kabutihan, na siyang lumikha ng langit, lupa, at tanang kinapal. upang dulutan ang lahat ng kanyang biyaya at paunlakan ang lahat ng kanyang kahilingan.

Isa sa mga tagapaglingkod o sinuman sa mga natitipon ang maglalahad ng salmo.

SALMO 107 Tugon:

R. Ipagdiwang ninyo ang Panginoon, siya'y butihin. Ang ilang na kanyang pinaging laman ng tubig, at ang lupang tigang na bukal ng tubig. Doon ay kanyang pinatigil ang mga gutom at nagtatag sila ng isang lungsod na kanilang pamamayanan. R. Naghasik sila ng mga bukid at nagtanim sa mga ubasan at nagkaroon ng masaganang ani. Pinagpala niya sila at nagsidami, hindi pinabayaang umunti ang kailang bakahan. R. Ibinangon ang dukha sa kahirapan at nagparami sa mga angkan na tulad ng mga kawan. Ito ang makikita sa mga matutuwid at magagalak. Pinipinid ng lahat ng kasamaan ang kanyang bibig. R.

PANALANGIN NG PAGBABASBAS Pari: Bayan:

Sa ngalan ng Panginoon tayo'y tinutulungan. Siya ang may gawa ng langit at sanlibutan.

Pari: Bayan:

Sumainyo ang Panginoon. At Sumaiyo rin.

Pari:

Manalangin tayo. O Panginoon, basbasan mo ang karosang ito + na inilalaan para sa iyong karangalan at kalooban. Loobin mong ang lahat ng gumamit nito

ay magkamit ng iyong pagpapala at ipag-adya sa panganib at sakuna, yayamang kaming lahat ay umaasa sa iyong biyaya at kagandahang-loob. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, kaisa mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Bayan:

Amen.

Tahimik na wiwisikan ng pari ang bagong karosa.

IKALAWANG BAHAGI: PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN Magtitipon ang pari at ang sambayanan sa dakong pagtatanghalan ng mga imahen.

PAMBUNGAD Pari:

Panginoon naming Diyos, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas.

Bayan:

Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iligtas.

Maihahanda ng pari, kung hinihingi ng pagkakataon, ang mga natitipon.

Pari:

Ang mga larawang inyong dinala at itatanghal ngayon ay sagisag at tanda ng inyong pananampalataya at pamimintuho sa pagmamahal ng Diyos sa atin at sa mabisang tulong ng Mahal na Birhen, ng ating pintakasing si San Jose, at ng mga Banal. Hilingin natin ang pagpapala ng Diyos sa mga larawang ito, upang ang ating buhay ay maangkop at maayon sa mga halimbawa at aral ni Hesus at ng mga Banal. Sikapin nating mabuhay bilang mga mabubuting Kristiyano, tumupad ng mga tungkulin sa Diyos at sa kapwa; upang maging mabisa ang ating mga panalangin.

Isa sa mga tagapaglingkod o sinuman sa mga natitipon ang maglalahad ng pagbasa.

PAGBASA (Roma 8, 27-31) Tagabasa:

Ang Salita ng Diyos mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga Roma. Gayon din naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya’t ang Espiritu ang lumuluhog para sa atin, sa paraang di magagawa ng pananalita.

At nauunawaan ng Diyos na nakasasaliksik sa puso ng tao, ang ibig sabihin ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu’y lumuluhog para sa mga banal, ayon sa kalooban ng Diyos. Alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti. Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya; ang mga ito’y itinalaga niyang maging tulad ng kanyang Anak, at sa gayon, naging panganay natin siya. At ang mga itinalaga niya noong una pa ay kanyang tinawag. Ang mga tinawag niya ay kanya ring pinawalang-sala, at ang kanyang mga pinawalang-sala ay kanya namang binigyan ng karangalan. Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang laban sa atin? Ang Salita ng Diyos. Bayan:

Salamat sa Diyos.

PANALANGIN NG PAGBABASBAS Pari:

Mga kapatid, manalangin tayo sa Diyos Amang Makapangyarihan upang tayo ay maging kawangis ni Kristo sa taimtim na pagdalangin sa tulong ng mga larawan.

Tahimik na mananalanging saglit ang tanan. Pagkaraa'y ipahahayag ng pari na nakalahad ang mga kamay:

Manalangin tayo. Panginoong Diyos, ikaw ay bukal ng buhay at simula ng lahat ng pagpapala at biyaya. Ibuhos mo ang iyong pagbabasbas + sa mga larawang ito na nagpapaalala ng iyong kabutihan, kabanalan at pagmamahal sa aming lahat upang ang lahat ng dumulog at manalangin sa harap ng mga larawang ito ay magtamo ng iyong awa at biyaya. Loobin mong matularan nila ang kabanalan at maisabuhay ang mga aral ng Panginoon at mga banal. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Bayan:

Amen.

Tahimik na wiwiskan ng pari ang mga larawan.

PANGWAKAS Pari:

Ikinalugod ng Diyos na Panginoon ng langit at lupa na tipunin kayong lahat ngayon sa pagbabasbas ng mga mga larawan at ng karosang ito. Tanggapin nawa niya kayo sa kanyang pintuan na nagpapasalamat, at patuluyin kayo sa kanyang piling na umaawit ng papuri, upang magkaroon rin kayo ng pamanang kaligayahang walang hanggan. At pagpalain nawa kayo ng Makapangyarihang Diyos Ama, at Anak, + at ng Espiritu Santo.

Bayan:

Amen.

Maaring wisikan ng banal na tubig ang mga natitipon. Maaari ring umawit ng naaangkop na awit.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF