bata bata paano ka ginawa

January 29, 2017 | Author: Charlotte Albez Malinao | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download bata bata paano ka ginawa...

Description

Malinao, Charlotte A. BSEd FIL 3-1

PAGSUSURI I. A. Pamagat ng Kwento Bata Bata, Paano ka ginawa? B. May Akda Lualhati Bautista C. Buod

Nagsimula ang katha sa pambungad na pagtatapos ng anak niyang si Maya mula sa kindergarten. Nagkaroon ng palatuntunan at pagdiriwang. Sa simula, maayos ang takbo ng buhay ni Lea, ang buhay niya ay may kaugnayan sa kanyang mga anak, mga kaibigang lalaki at sa pakikipagtulungan niya sa isang samahan na pangkarapatang-pantao. Subalit lumalaki na ang mga anak niya at nakikita niya ang mga pagbabago sa mga ito. Naroroon ang mga pagbabago ng mga ugali ng mga ito: si Maya, isang paslit na may kuryosidad at si Ojie na nasa pagtawid bilang isang ganap na lalaki. Di inaasahang bumalik ang dating asawa ni Lea na si Raffy na ama ni Ojie na nagbabalak sanang kunin ito at dadalhin sa Estados Unidos. Naroon ang takot niyang baka kunin na ng mga ama ito ang kanyang mga anak ng mga ama nito. Kailangan niya ring gumugol ng panahon para sa trabaho at samahan na kanyang tinutulungan. Sa banding huli, nagpasya ang magkapatid na piliin siya, isang pagpapasyang hindi niya giniit sa mga ito. Isa pa ring pagtatapos ng pag-aaral ang laman ng huling kabanata kungsaan kinuhang panauhing pandangal si Lea. Nagbigay siya ng talumpati na ang paksa ay kung paano umiiral ang buhay, at kung paano sadyang kaybilis ng panahon na kasing bilis ng paglaki, pagbabago, at pag-unlad ng mga tao. Nagiwan siya ng mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula sa paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng mga darating pang pagsubok sa buhay ng isang tao. Dala ang inosenteng tanong na.. “Bata, bata pa’no ka ginawa?”

II. A. Mga Tauhan Lea – ang bida at bayani sa nobela Maya – anak na babae ni Lea Ojie – anak na lalaki ni Lea Ding – lalaking kinakasama ni Lea, ama ni Maya Raffy – unang asawa ni Lea, ama ni Ojie Johnny – kaopisina at matalik na kaibigan ni Lea

B. Tagpuan Tahanan Paaralan Pinagtatrabahuhan ni Lea

C. Sulyap sa Suliranin “Pumwesto na si Lea para matulog. Nang maulinigan niya ang kalansing ng susi sa labas ng pinto. Bumukas ang pinto. Si Ding. Mainit agad ang salubong: “Asan ang mga bata?”“Naroon pa kina Raffy.” Napahindig si Ding “Doon?.. eeh.. si Maya?” “Ando’n din..” Lalong napahindig si Ding. “Pati si Maya? Naloloko ka na ba?”Naalala ni Lea na may atraso nga pala si Ding; hindi siya sinipot nito kaya siya napilitang gumawa ng ibang paraan.” (kabanata 22: talata 3, pp. 168) D. Saglit na Kasiglahan

E. Tunggalian

F. kasukdulan

G. Kakalasan Pauwi dala ang mga anak, nararamdaman din ni Lea ang sakit na iniwan sa kanya ng pagsasagutan nila ni Raffy. May epekto pa rin sa kanya ang galit ng walang hiya hanggang ngayon! Masaya siya…. Sina na nga ang may bagong anak , siya pa ang may ganang mang away! Tumawid din sa isipan niyang huwag nang umuwi kung para man lang makaiwas sa away na iniwan niya kanina na baka may continuation pa. Pero san naman sila pupunta sad is-oras na ito? Kanino sila matutulog? Nasaisip niya na silang mga lalaki noon, ngayon, at kailanman, ay pampagulo lang sa buhay ng isang babae. Kung maari lang isumpa niya ang mga puyetang lalaki. Kungdi nga lang sa kabila ng mga pait, minsan-minsang may naiibibigay din silang tamis.” (kabanata 22: talata 40-41, pp 171-172)

H. Wakas “ Nata-touch si Lea. Hindi na, hindi na niya gusting alaskahin, pagalitin ang taong ito. Ngumiti siya ‘t inabot ditto ang kamay na mabilis naming hinagip nito’t ginanap ng mahigpit. Biglang- bigla sa di inaasahang lugar at pagkakataon, kapwa sila nakakatisod ng isang bagong kaibigan.” (kabanata 23: talata 52, pp. 181-182)

III. Bisa 1. Bisa sa Isip

2. Bisa sa Damdamin

3. Bisa sa Kaasalan

http://sharis1019.multiply.com/journal/item/17?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF