Panitikan : Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang parabula bilang akdang pampanitikan? Gramatika: Paano nakatutulong ang mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas)? Mga Kasanayang Pampakatuto TUKLASIN
Petsa: Puna: I. LAYUNIN: 1. Nabibigyang puna ang estilo ng mga salita at ekspresyong ginamit sa parabula. 2. Natutukoy ang pagkakasunod-sunod ng kaisipan na nakapaloob sa parabula.
II. PAKSA Puasa Sanggunian: Modyul sa Filipino 10 Mga kagamitan: Manila paper III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain Panalangin, pagtsetsek ng attendance at pagsasaayos ng klase
B. Dagliang Gawain I. Panimulang Pagtataya 1. Magpapakita ang guro ng mga larawan na nagpapakita ng kagandahang asal. 2. Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa iba pang halimbawa ng kagandahang asal. 3. Sasabihin ng guro ang inaasahang pagganap at kung paano ito tatayain. C. Pagtalakay sa Gawain 1. Ipabasa ang akdang “Puasa” 2. Ipasalaysay ang mahahalagang pangyayaring naganap sa panahon ng pagaayuno. 3. Ipagawa ang “Story Frame” (Gawain 3)
D. Takdang Aralin Basahin ang kuwento ng Tusong Katiwala. LINANGIN Petsa: Mga Puna: I. LAYUNIN
1. Nasusuri ang tiyak na bahagi na naglalahad ng katotohanan , kabutihan at kagandahang asal sa napakinggang parabula. 2. Nabibigyang reaksyon ang mga mahahalagang ideyang nakapaloob sa binasang akda.
II. PAKSA PANITIKAN: Ang Tusong Katiwala ( Lukas 16:1-15 ) Sanggunian: Kagamitan :
Philippine Bible Society Learning Module Fil 10 Manila paper, strips of cartolina
III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain Panalangin, pagtsetsek ng attendance at pagsasaayos ng klase B. Dagliang Gawaing Balik-aralan ang parabula na “Puasa”. C. Pagtalakay sa Nilalaman 1. Talasalitaan: Ipasagot ang Gawain 4 (Paglinang ng Talasalitaan)
2. Talakayin ang nilalaman ng parabula gamit ang mga gabay na tanong sa gawain 5 ng LM sa pamamagitan ng round table discussion.
3. Ipaulat ang naging kasagutan
PAGNILAYAN AT UNAWAIN Petsa: Puna: I. LAYUNIN 1. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong. 2. Nakabubuo ng konsepto tungkol sa binasang akda at kaugnay nito sa pagkakaroon ng kamalayan . II. PAKSA PANITIKAN: Ang Butil ng Kape Sanggunian: Learning Module Fil 10 Kagamitan : Mga larawan ng butil ng kape, itlog at carrot III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain Panalangin, pagtsetsek ng attendance at pagsasaayos ng klase B. Dagliang Gawain Pagpapakita ng mga larawan ng butil ng kape, itlog at carrot. Papiliin ang mga magaaral kung alin sa tatlo ang nais nila at hayaang magpaliwanag kung bakit iyon ang napili. C. Pagtalakay sa Paksa Talakayin ang parabula gamit ang mga sumusunod na tanong: a. Bakit inilahad ng ama ang kuwento ng butil ng kape sa anak? b. Paano ito inalahad ng ama? Malinaw ba itong nailahad? c. Kung ikaw ang papipiliin, alin ka sa tatlo? Bakit? D. Paglalagom 1. Ano ang aral na nais iparating ng akdang binasa?
2. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng parabula? kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa? 3. Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang parabula bilang akdang pampanitikan? 4. Bumuo ng mahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng grapikong presentasyon.
E. Kasunduan Ang bawat Pangkat ay magdadala ng cartolina , marker, lapis at mga pangkulay para sa gagawing poster sa susunod na araw. ILIPAT: Petsa: Puna:
I. Layunin Nakabubuo ng mga tuntunin ng isang kabataang pandaigdig gamit ang mga cohesive Devices. II. PAKSA Paglilipat
Mga kagamitan: cartolina, pangkulay , marker
III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain Panalangin, pagtsetsek ng attendance at pagsasaayos ng klase B. Dagliang Gawain Balik-aralan ang mga nabuong konsepto tungkol sa akda. C. Pagsasagawa ng Gawain 1. Ipaliwanag ang gawain at rubric na gagamitin. 2. Bigyan ang pangkat ng kalayaan kung paano nila gagawin ang kanilang mga tuntunin. 3. Bigyan sila ng sapat na oras upang isagawa ang gawain.
Thank you for interesting in our services. We are a non-profit group that run this website to share documents. We need your help to maintenance this website.