Banghay Aralin sa El Filibusterismo

February 5, 2017 | Author: Jetro Luis Torio | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Banghay Aralin sa El Filibusterismo...

Description

Pamantasan ng Lungsod ng Marikina Kolehiyo ng Edukasyon KAGAWARAN NG FILIPINO

BANGHAY ARALIN El Filibusterismo Kabanata 18: Mga Kadayaan Ipinasa Ni:

Jetro Luis D. Torio CTE 302

Ipinasa Kay:

Prop. Ruen P. Lomo

Pebrero 8, 2013

Banghay Aralin sa Filipino IV EL FILIBUSTERISMO

I.

LAYUNIN:

Sa katapusan ng klase, inaasahan ang 95 bahagdan ng mga mag-aaral ay: 1. Natutukoy ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa akda. 2. Naipapahayag ang mga emosyon hinggil sa mga tagpo na humahamon sa mambabasa. 3. Nakasusulat ng isang maikling sanaysay hinggil sa karanasan sa pagtatanghal.

I.

Paksang Aralin “Kabanata 18: Ang Mga Kadayaan” ng El Filibusterismo.

Kagamitang Panturo: Visual Aids at mga Larawan

II.

Pamamaraan

1. Pamagat Pipili ng tatlong mag-aaral upang buuin ang pamagat ng kabanata. Ito ay bubuin sa loob lamang ng dalawang (2) minuto.

YKM AAAA GADN

AAA KMDA YAGN

DANA KAMA YAG

Mula sa pamagat ng nabuo, ano ang mahihinuha sa kaganapan sa kabanatang ito? 2. Larawan  

Pagpapaskil ng larawan sa pisara. Mula sa nakapaskil ay magbibigay ng maikling paglalarawan ang mga mag-aaral batay sa kanilang nakikita.

3. Talasalitaan Gamit ang Word Map ibigay ang kahulugan, kasalungat, iguhit at gamitin sa payak na pangungusap ang salitang ESPINGHE.

Larawan Kahulugan

Kasalungat

Pangungusap

Pangungusap ESPINGHE

Pangungusap

4. Buod Iisa isahin ang mga bahagi ng maikling kwento sa pagtalakay sa buod.

KASUKDULAN

.

TUNGGALIAN

SULIRANIN

KAKALASAN

SAGLIT NA KASIGLAHAN WAKAS

Kakalasan PANIMULA

5. Talakayan 1. Ano ano ang pagkakahalintulad sa buhay ni Imutis at ni Ibarra? Isa isahin. 2. Sinasadya ba o pinagtiyap lamang ng pagkakataon ang pagkakahawig na ito ng buhay ni Imutis sa buhay ni Ibarra? Patunayan. 3. Ano ang ibig sabihin ng pandaraya? Bigyang pakahulugan ito. Ano anong mga kadayaan ang tinutukoy sa kabanatang ito? 4. Ano ang ipinapahiwatig ng naging reaksyon ni Padre Salvi pagkatapos halos ng salaysay sa buhay ni Imutis? 5. Ipaliwanag kung paano nagaganapa ang pandarayang ginawa ni Mr. Leeds? Bisa sa Isip Anong mahahalagang kaisipan ang kumintal sa iyong isipan matapos mabasa ang kabanatang ito? Bisa sa Damdamin Anong emosyon o damdamin hinggil sa mga tagpo ang nangibabaw sa kabanatong ito? Talakayin at sipiin ang bahagi ng kabanata na magpapatunay.

Bisa Lipunan Sa halos lahat ng aspeto ng buhay ng mga tao ay laganap ang iba’t ibang uri ng kadayaan. Paano ito masusugpo?

III.

Ebalwasyon Sa isang buong papel sumulat ng isang sanaysay hinggil sa mga naging karanasan sa loob ng isang tanghalan o pagtatanghal. Gawain sa loob ng dalawangpung (20) minuto. Mga pamantayan

IV.

Nilalaman

30%

Paggamit ng angkop na salita

20%

Wastong gramatika

25%

Kalinisan sa paggawa

25%

Takdang Aralin Basahin at unawain ang Kabanata 19

Pamantasan ng Lungsod ng Marikina Kolehiyo ng Edukasyon KAGAWARAN NG FILIPINO

BANGHAY ARALIN El Filibusterismo Kabanata 23: Isang Bangkay Ipinasa Ni:

Lana M. Matusalem CTE 302

Ipinasa Kay:

Prop. Ruen P. Lomo

Pebrero 8, 2013

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF