Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino Baitang 10 Batay sa Kurikulum ng K-12 Sesyon 1: Tuklasin Panitikan: Kabanata XXXIX: Katapusan ng El Filibustereismo Wika: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Mapahalagahan at makalugdan ang buong akda sa pamamagitan ng mga pili at madulang pangyayari sa Nobela. MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO: 1. Pag-unawa sa Napakinggan 2. Pagsasalita 3. Pag-unawa sa Binasa 4. Pagsulat 5. Pakikitungo sa Wika at Panitikan I. BATAYANG KASANAYAN: 1. Naiuugnay ang mga kaisipang napakinggan batay sa mga sariling karanasan. 2. Naibibigay ang sariling paliwanag o palagay sa mga paksang tinalakay o tinatalakay 3. Masususkat ang nilalaman, elemento at kakayahan ng binasa o pinanood na akda gamit ang mga estratehiyang binuo ng guro at/o mga mag-aaral 4. Nalilinang ang mga kaalaman at kasanayan sa proseso ng pagsulat 5. Nibibigay ang banghay ng binasang kuwento 6. Nakapagsusuri ng mga pagkilos ng mga tauhan sa kuwento 7. Nasusuri nang malaliman ang katangian ng pangunahing tauhan 8. Napalulutang ang mas higit na pinahahalagahan sa buhay kaugnay ng kuwentong binasa II.
Proseso ng Pagkatuto/Pamamaraan ng Pagtalakay sa Aralin A. Pagganyak Pagpapaikot ng takore sa klase habang umaawit. Ang mahintuan ng takore ang siyang mabibigyang pagkakataon na humiling. Patnubay na Tanong: a. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong matupad ang isang hiling. Ano ang hihilingin mo? at bakit ito ang hiniling mo? B. Panimulang Gawain Ano ang mas pinahahalagahan ng tao batay sa dalawang larawang nakapaskil sa pisara? Bakit kaya? Kayamanan C. Paglalahad ng Aralin
Pagkatao
1. Pagbibigay ng mga gabay na tanong kaugnay ng dulang babasahin. a. Ano ang kaisipan o paksa ng dula? Magbigay ng ilang patunay. b. Paano hinarap ng tauhan ang suliranin? Isalaysay. c. Bakit itinago ng tauhan ang kanyang kalagayan o lihim? Sa tingin mo, tama at nakabuti ba ito sa kanya maging sa pamilya niya? Ipaliwanag. 2. Pakikinig sa dulang “Huling Hiling” ni Benjamin Pascual. 3. Pagtalakay sa dulang nabasa/napakinggan (Pagsagot sa mga tanong). D. Sintesis (10 Minuto) 1. Pangkatang Gawain Ibigay ang banghay ng dula gamit ang CARAVAN.
2. Presentasyon ng bawat pangkat. III.
IV.
Pagtataya (5 Minuto) Sa kalahating bahagi ng papel isulat at suriin nang mabuti ang pangunahing tauhan sa dula gamit ang JOHARI WINDOW. The Public Self
The Blind Self
The Private Self
The Unknown Self
Takdang-Aralin Basahin ang huling kabanata ng El Filibusterismo Kab. XXXIX-Katapusan at pag-aralan ang tungkol sa talinghaga.
Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino Baitang 10 Batay sa Kurikulum ng K-12 Sesyon 2: Linangin Panitikan: Kabanata XXXIX: Katapusan ng El Filibustereismo Wika: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Mapahalagahan at makalugdan ang buong akdang El Filibusterismo MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO: 1. Pag-unawa sa Napakinggan 2. Pagsasalita 3. Pag-unawa sa Binasa 4. Pakikitungo sa Wika at Panitikan I. BATAYANG KASANAYAN: 1. Naiuugnay ang mga kaisipang napakinggan batay sa mga sariling karanasan. 2. Naibibigay ang sariling paliwanag o palagay sa mga paksang tinalakay o tinatalakay 3. Masusukat ang lalim ng iskema kaugnay ng binasang paksa gamit ang indibidwal o maramihang pagtataya 4. Masususkat ang nilalaman, element at kakayahan ng binasa na akda gamit ang mga estratehiyang binuo ng guro at/o mga mag-aaral 5. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa nangyayari sa: sarili at lipunan 6. Nalilinaw ang kakaibang katangian ng akda sa pamamagitan ng pagbibigay-kahulugan sa mga matatalinghagang kaisipan. POKUS NA TANONG: 1. Bakit kaya napakahalaga sa isang taong payao na maghabilin at magsabi ng mga lihim na matagal nang kinikimkim? 2. Maitatama ba ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali? Ipaliwanag. 3. Ano ang kabuluhan ng paggamit ng matatalinghagang pananalita o alegorya sa masining na komunikasyong pasalita at pasulat? Magpahayag sa masining o akademikong pamamaraan.
II.
Proseso ng Pagkatuto A. Paggamit ng dating kaalaman Pagpapakita ng Araw at Buwan
Patnubay na Tanong: (Gawaing Pasalita) a. Ano-ano ang mga bagay/ideya o konsepto na sumasagisag sa ARAW at BUWAN B. Paglinang ng Talasalitaan
Isulat o itala sa palibot ang mga kaisipan/ideya na maaaring maiugnay sa salitang “Katapusan” na nasa loob ng concept map (na nakadikit) sa pisara. Ipaliwanag sa klase ang mga piling sagot na babanggitin ng guro.
Katapusan
C. Pagtalakay ng Aralin sa Panitikan 1. Pagbasa nang tahimik sa Kabanata XXXIX: Katapusan ng El Filibustereismo (5 Minuto) 2. Pangkatang Gawain a. Gawain 1: Ang Pangkat na natalaga rito ang siyang gagawa ng Habi ng Damdamin
HABI NG DAMDAMIN TAUHAN
PAHAYAG
DAMDAMIN
b. Gawain 2: Ang pangkat na natalaga rito ang siyang gagawa ng Character Webbing
c. Gawain 3: Ang pangkat na natalaga rito ang siyang gagawa ng paglalahat sa tulong ng Story Frame with No Sequence of Events 3. Rubric sa pangkatang Gawain Nilalaman 40% Kahigitan, kundi ma’y Kasapatan ng mga impormasyong ibinahagi Presentasyon 35% Malikhain at mapamaraang pagpapakita ng Gawain sa klase Mekaniks 25% Kalinisan at kasinupan nang pagkakagawa Kaangkupan ng disenyo sa biswal na pantulong at sa tema o paksa ng Kabuuan: 100% gawain/presentasyon.
D. Pagtalakay sa Wika at Panitikan Talinghaga o Alegorya – Matalinghagang pagpapahayag ng mga pangyayari na may kakintalan at kapupulutan ng aral. Halimbawa: a. Ang kaligtasan ay nangangahulugan ng kabutihan. Ang kabutihan ay pagpapakasakit. At ang pagpapakasakit ay pag-ibig. E. Pagsasanay Pagsusuri sa mga tatalinghagang pahayag. Basahin ang talata at sagutin ang tanong tungkol dito gamit ang estratehiyang DR-TA (Direct Reading-Thinking activity) o Pinatnubayang Pagbasa-Pag-iisip. TALATA 1 “Ang karapat-dapat ay kailangang magtiis upang malaman at lumaganap ang kanilang adhikain. Kailangang alugin o basagin ang sisidlan upang humalimuyak ang bango. Kailangang kiskisin ang bato upang lumikha ng ningas. May kaloob din ang Diyos sa mga pag-uusig ng mga maniniil, Ginoong Simoun.” HINTO: Ano ang ibig ipakahulugan/ipahiwatig ni Padre Florentino sa kanyang pahayag na ito? Ipaliwanag. F. Paglalahat o Sintesis
Gamit ang matatalinghagang pahayag. Ibigay ang kaisipang nangingibabaw sa huling kabanatang binasa: KATAPUSAN III.
Pagtataya Tugunan ang parirala. (Gumamit ng matatalinghagang pahayag) Natutuhan ko___________. Nakapukaw sa aking interes______________. Tanong na nais kong masagot_______________.
IV.
Takdang-Aralin Pag-aralan ang element0 at katangian ng nobela at maikling kwento. Ihambing ang pagkakaiba ng dalawa.
Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino Baitang 10 Batay sa Kurikulum ng K-12 Sesyon 2: Linangin Panitikan: Kabanata XXXIX: Katapusan ng El Filibustereismo Wika: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Mapahalagahan at makalugdan ang buong akda MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Pagsulat I. BATAYANG KASANAYAN: Naitatanghal ang pinakamadulang bahagi ng nobela II.
Proseso ng Pagkatuto A. Balik-Aral Pagbabalik-aral sa Kabanata XXXIX: Katapusan ng El Filibustereismo Tanong: Anong mga mahahalagang pangyayari at kaisipan ang nakintal sa iyong isipan sa nobelang El Filibusterismo.
B. Pangkatang Gawain Pangkat 1 – Isadula ang eksenang nagtapat at nakipagtalo si Simoun kay Padre Florentino hanggang sa ito ay bawian nang hininga. Pangkat 2 – Isadula ang eksena kung paano tinuran ni Padre Florentino ang talinghaga sa paghulog niya sa dagat na baul ng kayamanan ni Simoun. Pangkat 3 – ang magmamarka sa mga pangkat na magtatanghal III. Pagtataya Pamantayan sa Pagsasadula Pagganap/Presentasyon Organisasyon ng Ideya o pangyayari Costumes/Props
40 35 25
Kabuuan:
100%
IV. Takdang-Aralin Basahin ang dulang Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar
Thank you for interesting in our services. We are a non-profit group that run this website to share documents. We need your help to maintenance this website.