1. Naipapakita ang pag-unawa ng pagiging kasapi ng katipunan sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong, pagpili ng pangalan at panunumpa bilang katipunero 2. Naipapaliwanag ang tula ni Bonifacio tungkol sa pagmamahal sa bayan 3. Natutukoy ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan II.
Nilalaman
Paksa :Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Sanggunian: K+12 Student Material Kagamitan:, Manila Paper, Lcd Projector,Pentel Pen III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 3.1.1 Pabati 3.1.2 Pagdarasal 3.1.3 Pagtatala ng Liban 3.1.4 Balitaan B.
Balik Aral
C.
Pagganyak
-Ang bawat grupo ay gagawa ng human buzzer at papangkatin sa apat at mag-uunahan na hulaan ang mga larawan na ipapakita ng guro. Isang beses lamang maaaring sumagot ang bawat pangkat. Ang mga larawan ay ang mga Katipunero na lumaban para ang bayan ay mapalaya. Ang may pinamaraming puntos ang mananalo. D. Paglinang ng Aralin - Punuuin ang patlang sa panunumpa bilang kasapi ng katipunan at bigkasin ito bilang bagong miyembro ng katipunan. - Salungguhitan ang mga pangungusap na tumutukoy sa pangangailangan ng pagmamahal sa bayan. - Ang bawat pangkat ay tutula kung saan kailangan mapalutang nila ang diwa ng tula sa pamamagitan ng madamdaming pagbasa, indayog at kaisahan ng tinig sa pagbigkas. E. Pangkatang Gawain Ang mga mag-aaral ay isasagawa ang mga sumusunod: Para kay Bonifacio
Pangkat I
a. Ano ang ibig sabihin ng pagamamahal sa bayan?
Pangkat II
b. Paano ipinapakita ang pagmamahal sa bayan? c. Bakit mahalagang mahalin ang sariling bayan?
Pangkat III
Sa iyong sariling pananaw
Talata
Pangkat IV – magbigay ng sitwasyon na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan(role play o pagsasabuhay) F. Paglalahat Ipaliwanag ang pagkakaiba ng Nasyonalismo noon at ngayon? Sa panahon lamang ba ng pananakop sa ating bansa maipapakita natin ang ating pagiging makabayan? G. Pagpapahalaga Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa bansa o pagkamakabayan. IV. Pagtataya Sumulat ng isang sanaysay na may 3-5 pangungusap na tungkol sa kasabihang “Bayan muna bago ang Sarili” V. Takdang Aralin 1. Basahin, unawain at isulat sa kwaderno ang Kartilya ng Katipunan ni Emili Jacinto. -Student’s Material Pahina 77-78
Thank you for interesting in our services. We are a non-profit group that run this website to share documents. We need your help to maintenance this website.