Baby Thesis
March 4, 2018 | Author: MarkQuindoza | Category: N/A
Short Description
halimabawa ng tagalog n thesis...
Description
Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO
Panimula
Ang pananaliksik sa “Makabagong Metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa Kolehiyo ng mga mag-aaral sa “Pasig Catholic College” ay naglalayong mailahad ang mga metodolohiyang marapat gamitin sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mas higit nitong kapakinabangan sa edukasyon. Ang mananaliksik ay nagkaroon ng ideya upang pag-aralan ang mga makabagong metodolohiya ng pagtuturo sa Filipino dahil sa kanyang obserbasyon sa mga mag-aaral kapag ito na ang pinagaaralan, sila ay tinatamad makinig sa guro, hindi natututo sa mga aralin at bumabagsak dito gayong ito ay itinuturo sa sariling wika. Ang mga nasabing problema ay nagbigay sa mananaliksik ng kaisipan sa pagsasaliksik ng mga makabagong metodolohiya na kung saan ang mga problemang ito ay masolusyunan at malaman ang interes ng mga mag-aaral upang ilahad sa mga guro o tagapamahala sa departamento ng edukasyon na mabigyan ng pansin ang epektibong pagtuturo sa Filipino.
1
Layunin ng pag-aaral na ito na mapag-aralan ang mga karaniwang metodolohiyang ginagamit noon at kung ito ba ay dapat o hindi na dapat pang gamitin sa pagtuturo upang mapaunlad ang mga pamamaraan na naaayon sa panahon at panlasa ng mga mag-aaral.
Paglalahad ng Suliranin Minarapat alamin ng mananaliksik ang isang pag-aaral sa makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo. Sisikapin ng mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Maunawaan ang kahalagahan ng paggamit ng makabagong metodolohiya sa pagtuturo 2. Malinang ang wastong metodolohiya sa paksang tatalakayin 3. Mapalawak ang pagkatuto sa wikang Filipino na ayon sa interes ng mga mag-aaral.
Kahalagahan ng Pag-aaral Isang
pag-aaral
ang
isinagawa
tuklasin ang makabagong metodolohiya
ng
mananaliksik
upang
sa pagtuturo ng Filipino sa
kolehiyo. Ang mananaliksik ay pumili ng ilang mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang sa ikalulutas ng pag-aaral. 2
Anuman ang matuklasan sa pag-aaral na ito ay magsisilbing patnubay at makakatulong sa mga sumusunod. Sa mga Tagapamahala Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay higit na makatulong sa tagapamahala ng paaralan upang mapaigting ang makabuluhang pagtuturo
ng
asignaturang
Filipino
sa
pamamagitan
ng
mga
makabagong metodolohiya. Sa mga Guro Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa ikauunlad ng kaalaman ng mga guro. Ito ay nagsisilbing gabay sa pagpili ng mga makabagong pamamaraan sa pagtuturo. Sa gayon, magagawa ng mas makabuluhan ang kanilang diskurson sa paksang – aralin. Isang paraan ito na makapagdudulot ng produktibong pagkatuto ng kanilang mga mag-aaral at matugunan ang nagpapabigat na suliranin na kanilang hinaharap sa paguturo ng Filipino. Sa mga Magulang Sa mga magulang kinakailangan ang kanilang pagsubaybay sa kanilang mga anak. Bigyan ng panahon at atensyon upang lubos na madagdagan ang kanilang kaalaman hindi lamang sa pagpapalaki. 3
Subalit, marapat na maging bahagi sila sa pag – usbong ng kaalaman ng mga anak sa mga asignaturang kailangan ng modernong panahon, bagkus mapahalagahan ang sariling pinagmulan. Sa mga Mag – aaral Para sa mga mag –aaral, pagtuunan ng pansin ang Filipino sapagkat ito ang kanilang panitikan at kumikilala sa kanila bilang isang Pilipino. Ang pagpapahalaga sa sariling wika ang siyang magiging daan tungo sa ikatatagumpay at nagpapatunay ng lahing pinagmulan. Bagaman, ang pagyakap sa wikang dayuhan ay marapat din malaman ng bawat isa subalit hindi maaaring gawing dahilan upang kalimutan ang kinagisnang literatura.
4
Pala-palagay
Ang mga metodolohiya ng pagtuturo ay hindi mabibigyan ng katuturan kung hindi maalam ang isang guro.
Nasa guro ang ikagaganda ng mga metodolohiya
Ang paggamit ng makabagong metodolohiya ay hindi sapat kung walang maayos na silid-aralan.
Ang tradisyonal na pamamaraan ng pagkatuto ay kailangan pa rin upang mapaunlad ang pagkatuto ng mga mag-aaral
Ang patuloy na paggamit ng teknolohiya ay magiging sanhi ng kawalan ng kakayahan ng isang guro dahil dito na lamang aasa ang marami.
Sa edukasyon, ang marapat bigyang-pansin ay ang kakulangan ng kagamitang panturo bago ang makabagong metodolohiya
Wala ni isa mang pamamaraan ang aangkop sa lahat ng magaaral.
Ang lalim ng pagkatuto ay nasa paraan ng pag-uugnay sa nakaraan
Makabubuo nakaraang
ng
makabuluhang
karanasan
at
ang
maiugnay sa iba pang disiplina. 5
pagkatuto
kung
makabagong
ang
karanasan
mga ay
Sa pagtuturo ng mga metodolohiya, marapat na malawak ang sakop nito upang ang mga impormasyon ay mabigyan ng kahulugan.
Konsepto ng Pag-aaral Independent Variable
Dependent Variable
Metodolohiya ng Pagtuturo 1. Paglalapat 2. Pamamaraan 3. Estratehiya
Makabagong Metodolohiya ng Pagtuturo 1. Integrasyon na pamamaraan 2. Aktibidad 3. Demonstrasyon na Pamamaraan 4. Talakayan 5. Indaktiv at dedaktiv 6. Lekyur
Saklaw ng Pag – aaral Ang pag – aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo. Ang tumugon sa pag – aaral na ito ay binubuo ng dalawampung (20) mag – aaral sa lahat ng antas na nagpakadalubhasa sa Filipino ng Pasig Catholic College. 6
Pagbibigay Katuturan sa mga Katawagan
Aspeto. sangkap o bahagi Daybergent. pagkakaroon ng sariling ideya mula sa kaalamang natutunan Disiplina. tumutukoy sa asignatura Estratehiya. mga kagamitan na gagamitin sa pagtuturo Hinuha. kaisipan sa paksa o pagbibigay ng konklusyon Integrasyon. pag-uugnay ng dalawa o higit pang asignatura sa iisang paksa Konbergent. kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga nakukuhang impormasyon Lohikal. mahusay na pagsusuri, pag-aanalisa at pag-aaral ng mga ideya Lupon. isang grupo ng mga tao Metodolohiya. pamamaraan sa pagtuturo Pagsasalita. kasanayan ng pagkatuto na kung saan ginagamit ang tunog sa pagbigkas ng mga salita Paradigma. ang banghay o balangkas ng isang pag-aaral Pilosopiya. pagmamahal sa karunungan Punto de bista. opinyon o palagay Teknolohiya. elektronikong mga kagamitan; pinagagana ng makina Teorya. pag-aaral na mayroong basehan at napatunayan
7
Kabanata 2 KAUGNAY NA PAG – AARAL AT PAGSUSURI NG MGA PANITIKAN
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng ilang pagsusuri sa mga kaugnay na pag – aaral. Sa pag – aaral ay napag – alaman na ito ay may maitutulong sa bawat pangangailangan ng pang – unawa sa kahalagahan ng pagsasaliksik na ito. Sa kabanatang ito tatalakayin ang “independent variables” na kung saan tumutukoy sa metodolohiya ng
pagtuturo
at
ang
“dependent
variables”
ay
tumutukoy
sa
makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino. Nakapaloob din sa kabanatang ito ang presentasyon ng balangkas ng pananaliksik o paradima at ang pagbibigay katuturan sa mga katawagan.
Independent Variables (Malayang Baryabol): Metodolohiya ng Pagtuturo Ang metodolohiya ay ang pamamaraan ng pagtuturo ng isang guro sa kanyang paksa na kung saan mas medaling mauunawaan sa pagtalakay.
8
Ayon kay Battle at Shannon (1968) ang metodolohiya ay tumutukoy bilang isang hanay ng mga pamamaraan na natutupad ayon sa ilang mga panuntunan. Ayon pa rin kina Battle at Shannon, batay sa mga naunang
nabanggit
na
talakayan,
ang
mga
sumusunod
ay
pangkalahatang pagpapalagay tungkol sa pamamaraan ng pagtuturo ay ibinigay: 1. Ang pamamaraan ng pagtuturo ay isang organisado, may sistema at mahusay na pamamaraan sa nakaplanong hakbang na naglalayong magpabuti ng pagkatuto ng mga mag – aaral. 2. Ito ay isasagawa ayon sa ilang mga panuntunan na kung saan ay karaniwang sikolohikal, isinasaalang-alang nito lalo na ang kakayahan, mga pangangailangan, at interes ng mga mag-aaral. 3. Ginagawa upang makamit ang ilang mga tukoy na layunin ng pagtuturo. Upang gawin na isang epektibong instrumento at ito ay kailangang maging presentable upang makamit ang mas mataas na pagtuturo at pag-aaral kaya ang paglalaan ng oras at pagsusumikap. 4. Ito ay dumidirekta sa gabay ng guro at ng mag-aaral sa pamamahala sa anumang klase ng aralin o gawain.
9
Pamamaraan ng Pagtuturo mula sa iba pang mga kaugnay na termino Isang karaniwang pagkakamali sa mga guro ay ang gamitin ang mapaghahalinhinang termino tulad ng pamamaraan, approach at technique. Ang tatlong (3) konsepto na ito ay may kaugnayan sa isa’t isa subalit may natatanging silang kahulugang tinataglay. Ang Dayagram sa ibaba ay nagpapakita ng kanilang pagkakaiba:
Paglalapat Pamamaraan Estratehiya
Ang "paano" ng pagtuturo (How of Teaching)
Batay sa dayagram na ito,
malinaw na nagpapakita na ang
isang Teknika o estratehiya (technique) ay isang bahagi ng isang pamamaraan (method) at paglalapat (approach). 10
Ayon kay Allen at Campbell nilinaw nito na ang pagkakaiba ng tatlo sa “How of Teaching” ay: 1.
Ang
estratehiya
pamamaraan
at
wala
ay
hindi
din
maisasakatuparan
mabubuong
kung
paglalapat
walang
kung
hindi
magagawa ang isang method o pamamaraan. 2. Ang istratehiya ay isang hanay ng mga pagpapalagay upang maiugnay sa proseso ng pagtuturo. Pagiging malinaw na kung saan ito ay naglalarawan sa likas na katangian ng paksa na itinuro. Ito rin ay nagpapahayag ng isang punto de bista at pilosopiya. 3. Ang paglalapat ay isang pangkalahatang plano para sa maayos na presentasyon ng isang aralin, Ang paglalapat ay isang pamamaraan na kung saan sa loob ng isang isyratehiya, maaaring magkaroon ng maraming mga pamamaraan o method. 4. Ang istratehiya ay isinasagawa ng aktwal sa silid – aralan.
Pag – uuri ng mga Pamamaraan sa Pagtuturo Ayon naman kay Kilgore, ikinategorya ang estilo ng pagtuturo sa dalawang pangunahing paraan: 1. direkta at 2. hindi direktang mga pagtuturo. Sa direktiya, tinutukoy ang kahusayan ng pagtuturo kung saan ang guro ay nagbibigay ng mga bagong o mga karagdagang impormasyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng lektyuring, pagpapakita ng isang pelikula o filmstrip, o pagkuha ng isang pild trip o field trip. 11
Ang hindi direktang mga pagtuturo ay nagbibigay lamang ng direksyon sa mga guro sa pagpili ng angkop na pamamaraan na kung saan ang mag-aaral ay magiging aktibo. Halimbawa: paglalaro ng mga laro
na
may
kaugnayan
sa
paksa,
mga
pangkatang
gawain,
pagtatanong, pagsasanay, at laboratoryo. Ayon pa rin kay Kilgore, may isa pang paraan ng pag-uuri ng pamamaraan ng pagtuturo na lalong binigyang-diin ang pagkuha ng kaalaman (katalusan) ay kung ang mga ito ay nagtatagpo sa isang kaalaman tungo sa bagong ideya ng pagkatuto. Ito ay ang konbergent at daybergent. 1. Ang konbergent ay ang pagkakaroon ng kaalaman ng mga magaaral sa pamamagitan ng mga nakukuhang impormasyon. 2. Sa daybergent naman ay sinasabi na ito ay ang pagkakaroon ng sariling
ideya
mula
sa
kaalamang
natutunan.
Pagkakaroon
kahulugan at pagkakabuo ng mga kaisipang makabuluhan. Narito ang mga kategorya ng mga Metodolohiya ng Pagtuturo: Mga Metodolohiya 1. Indaktiv and Dedaktiv 2. Lektyur 2.1 Pagbabalangkas 2.2 Pangkatan 2.3 Kapanunuran 2.4 Kahalagahan 2.5 Paglilipat 12
ng
3. Talakayan 3.1 Pangkatang Gawain 3.2 Partisipasyon 3.3 Pagtuturo 3.4 Diskurson ng Lupon 3.5 Resitasyon 3.6 Interbiyu 4. Pag – uulat 4.1 Maramihan/Pangkat – pangkat 4.2 Isahan 4.3 Pagbabasa ng kwento 5. Pagsisiyasat 5.1 Laboratoryo 5.2 Paghahawi ng Sagabal/ problem-solving 5.3 Pananaliksik 5.4 Field Study 5.5 Experimento 6. Aktibidad 6.1 Proyekto 6.2 Field trip 6.3 Dramatisasyon 6.4 Pagsasadula/Role – playing 6.5 Pagtatalas - Isip 6.6 Debate 13
7. Demonstrasyon/ Pagpapakita 7.1 Gawain ng Guro 7.2 Gawain ng Mag – aaral 7.3 Gawain ng guro at mag – aaral 7.4 Pag – imbita ng Tagapagsalita 8. Indibidwal na Gawain 8.1 Epektibong Pagtuturo ng paksa 8.2 Kaalaman sa paggamit ng Pagkatuto 9. Integrasyon 9.1 Lektyur – talakayan 9.2 Demonstrasyon – lektyur 9.3 Pagpapanuod (Film-showing) 9.4 Pag – uulat 10. Tradisyonal 10.1 Mga aklat panturo 10.2 Pangkalahatang Gawain ng guro 10.3 Pagsasaulo 3. Ang pagbabago ng pamamaraan ng pagtuturo ay maisasakatuparan sa mabisang pagpaplano. - Ang isang guro ay marapat na magkaroon ng wastong pagpapasya bago gawin ang isang bagay sapagkat kinakailangan nitong bigyang pansin ang mga bagay na maaaring maging sagabal sa pagsasakatuparan ng nilalayong kaayusan ng pagtuturo. 14
4. Ang isang guro ay hindi marapat gumamit ng iisang metodolohiya hanggang sa huli. - Ang paggamit ng isang metodolohiya ay hindi maaaring gamitin ng paulit-ulit upang malinang ang kakayahan ng mga magaaral at maiwasan ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral. Mainam na gumamit ng iba’t ibang metodolohiya upang ang mas higit na mapalawak ang pagkatuto. 5. Ang kahusayan ng guro sa pagtuturo. - Ang isang kaalaman ay nabibigyan ng malalim na kahulugan kung ang guro ay may mahusay na pamamaraan. Ang tatlong karanasan ng pagkatuto na marapat gawin ay ang pagkakaroon ng aktwal
na
pagkatuto
na
kung
saan
ang
mga
mag-aaral
ay
magkakaroon ng pagdiskubre sa isang bagay, pangkatang gawain at indibidwal na gawain na naaayon sa kanilang kakayahan. 6. Pagkakaroon ng magkaparehong pagpapahalaga estratehiya ng pagtuturo sa estratehiya ng pagkatuto. -
Ang
mga
estratehiya
sa
pagtuturo
ay
kinakailangang
nakadepende sa pagkatuto upang ito ay maging ganap na epektibo sa mga mag-aaral. 15
7. Ang paggamit ng isa mang pamamaraan sa pagtuturo ay nakapagbibigay ng maraming kapakinabangan. 8. Ang bawat isang pamamaraan ay hind dapat nakatuon sa iisang kaalaman. - Ang mahusay na pamamaraan ay nakagagawa ng iba’t ibang produkto ng pagkatuto na kung saan ang mga bagay-bagay ay naiuugnay sa isa pang kaisipan na nakapagbibigay ng iba pang ideya.
Dependent
Variable
(Di-malayang
baryabol):
Makabagong
Metodolohiya sa Pagtuturo
Ang mga makabagong metodolohiya ay inuugnay sa patuloy na paglinang ng kakayahang modernismo na kung saan ang paggamit ng mga teknolohiya ay mabilis na naipakalat sa buong mundo. Ayon kay Madula (2009), ang makabagong metodo, estratehiya at teknika ay naaayon sa takbo ng panahon. Ibig sabihin, nababago ang mga pamamaraan
ng
pagtuturo
sa
paglipas
ng
mga
henerasyon
manatiling buhay at makabuluhan ang pagtuturo ng isang guro.
16
upang
Sa
kagawaran
ng
edukasyon,
si
madula
ay
nabigyan
ng
pagkakataon na magkaroon ng seminar worksyap sa paaralan ng De La Salle ng Maynila. Nilalayon nitong maturuan ang mga guro ng wastong paggamit ng mga makabagong metodo upang maging mahusay na tagapagturo ng mga kaalaman lalong higit sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.
Ang mga makabagong Metodolohiya sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino
1. Integrasyon na Pamamaraan
Ayon sa edukasyonal ng sikolohiya, ang layunin ng edukasyon ay linangin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa isang paksa tungo sa malawak na kaisipan. Ang pagsasanib ng dalawang asignatura na may kaugnayan sa isa’t isa.
Ayon pa rin dito, ang mga mag-aaral ay kinakailangang maiugnay ang paksa sa ibang ideya na kung saan ang intektwal, pisikal, sosyal, emosyonal, at ispiritwal na aspeto ng pagkatao ay patuloy na magamit tungo sa maayos nitong pag-unlad. Noong 1960, mayroong tinatawag na “integration process” na kung saan ang mga mag-aaral ay binibigyan ng konkretong pagkatuto sa pamamagitan ng mga sumusunod:
17
1. Ang mga mag-aaral ay nakakapag-organisado at nagkakaroon ng makabuluhang katunungan tungo sa ideyang nabuo sa kanilang kaisipan.
2. Nakakapagplano ng mga aktibidad na makasasagot sa mga katungang inilahad.
3. Naisasagawa ang mga aktibidad na naiplano
4. Ang mga nagawang aktibidad ay nakapagdudulot sa kanila ng karagdagang karanasan sa pagkatuto.
Ang mga teknika ng integrasyon na pamamaraan ay ang mga sumusunod:
1. Lektyur – talakayan - Tumutukoy sa pagsulat ng mga mag-aaral at ang pagpapalitan ng mga ideya nito sa guro. Sinasabi sa kagawaran ng edukasyon, ang layunin ng paaralan ay malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral at magkaroon ng pagkakataon na maibahagi ang kanyang kaisipan at mapakinggan ng kapwa mag-aaral at ng kanyang guro. Ang
pagsusulat
at
pakikinig
ay
ang
tradisyonal
na
pamamaraan ng pagtuturo na ngayon ay hindi na pinapayagan sa edukasyon sapagkat ang pagtuturo ay mabibigyang katuturan at kahulugan kung ito ay may pagtutulungan sa pagitan ng guro at ng mag-aaral. 18
2. Demonstrasyon – lektyur -
Sa
aklat
ng
“Principles
of
Teaching”
ang
demonstrasyon ay kailangan upang maipakita ng makatotohanan ang paksang tinatalakay. Narito ang “hands on” sa asignaturang kompyuter na kung saan ang mga mag-aaral ay malayang naisasagawa ang natutunan sa aralin. Ang kombinasyon rin ng lekyur ay nakatutulong sa pagbibigay diin sa mga mahahalagang impormasyon. 3. Pagpapanuod (Film-showing) - Sa patuloy na paghahanap ng kasagutan sa pagtugon ng makabagong metodolohiya sa pagtuturo, ang mga teknolohiya ay nalikha bilang midyum ng mga kaalaman at ito ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng pagtuturo. Ang pagpapanood ng mga drama, videos at iba pang maaaring maiugnay sa paksang tinatalakay ay naghahatid ng makabuluhang pagkatuto lalong higit sa mga mag-aaral na may kahusayan sa biswal na aspeto. 4. Pag – uulat - Ang pag-uulat ang siyang mahalagang pamamaraan na sinabi ni Garcia (1989) sapagkat ang pagsasalita ng mga mag-aaral ay nabibigyang pansin upang maging mahusay na tagapagsalita.
19
2. Aktibidad - Ang popular na prinsipyo ng pagtuturo ay ang “Learning is by doing” na nangangahulugang ang pagkatuto ay naisasagawa sa mga gawaing kapaki-pakinabang
na
magkakaroon
ng
mahalagang
karanasan
ng
pagkatuto. Narito ang mga teknika sa aktibidad na pamamaraan: 1. Proyekto - Maraming nagsasabing ang proyekto ay ang tapos na gawain na kung saan nilikha ng isang indibidwal. Ngunit, ang proyekto ay hindi lamang natatapos sa paglikha ng isang bagay kundi tumutukoy sa gawaing pangkalahatan. Sa pagbibigay kalinawan ng proyekto, sinabi ni Kilpatrick, isang dalubguro, at pilosopiya ang apat na uri ng proyekto. Ito ang mga sumusunod: 1.1 Proyektong konstruksyon – ang paglikha ng isang bagay o isang modelo tulad ng paggawa ng isang laruan. 1.2 Proyektong panglibangan – ang isang indibidwal ay Nagsasadula sa mga tanghalan at programa. 20
1.3 Proyektong Pangsuliranin – Tumutukoy sa pakikipagkompetensya ng mag-aaral sa klase, sa mga programang pampaaralan at pagsagot sa mga pagsusulit. 1.4 Proyektong Pagkatuto – Narito ang paggamit ng mga teknolohiya, isahang pagtuturo o maramihan (tutoring) at pagsama sa mga organisasyon.
2. Field trip – Ang teknikang ito ay naisasagawa ng may mahusay na pagpaplano. Nagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na matuto sa labas ng silid-aralan. Sa pag-aaral nina Renner, Staffold at Ragan, ang pagkatuto ay marapat na may aplikasyon ng sosyal na aspeto upang ang mga mag-aaral ay magkaroon ng pag-aanalisa, pagtataya at paghinuha. 3. Dramatisasyon – Sa mga pag-oobserba, ang mga magaaral ay napag-alamang mas natututo kung ito ay naipapakita sa pag-arte. Sa katotohanan, ang mga lokal na sikolohiyang mananaliksik ay naglahad na ang
dramatisasyon
ay
naaayon
sa
kasalukuyang panahon. 21
interes
ng
mga
mag-aaral
sa
4. Pagsasadula/Role – playing – Ito ay nahahawig sa dramatisasyon na kung saan ang mga mag-aaral ay nagsasadula o nagtatanghal sa entablado. Ngunit, ang pinagkaiba ng dalawang teknika ay ang role-playing ay isinasagawa na mayroong kasuotan, paggamit ng mga bagay upang mapaganda ang presentasyon. 5. Pagtatalas - Isip – Sinasabi ni Good (1973) na ang pagtatalas-isip ay ang teknika na kung saan ang mga mag-aaral ay nalayang nakasasagot sa mga katungan upang mahawi ang mga sagabal ng aralin. Ito ang pag-iisip na naaayon sa kanilang hinuha upang ibahagi sa klase. Ayon pa rin sa kanya, ito ay may mga katangiang tinataglay: 5.1 Ang teknika ay nakasentro sa suliranin 5.2 Ang mga kasagutan ay malayang tinatanggap bilang isang opinyon 5.3 Sa mga opinyon, kukuha ng isang akmang kasagutan 5.4 Binigyang halaga ang kasagutan ng lahat 6. Debate – Isang pormal na presentasyon ng pagtatalo ng dalawang grupo sa paksang tinatalakay. 22
Layunin nitong ilahad ang mga makatotohang impormasyon upang ang mga manunuod ay magkaroon ng ideya kung ano ang papanigang isyu sa pinapaksa. Sa debate, ang mga kalahok ay binibigyan ng parehong oras, pagsasalita at paglalahad ng kanilang nakalap na impormasyon upang idepensa ang kanilang panig sa mga manunuod. Kinakailangan itong may basehan upang ang ugat ng suliranin ay maipakita ng makatotohanan. Sa pag-aaral, ito ay kailangan upang ihanda ang mga magaaral sa pagsasalita, pagbabahagi ng kaalaman, mahusay na pag-aanalisa at tagapakinig na kung saan ang epktibong komunikasyon ay mabigyang-pansin na kanilang magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. 3. Demonstrasyon na Pamamaraan – Ang teknika na nagbibigay ng makatotohanang pagkatuto. Ang mga mag-aaral ay hinihikayat na matuto sa pamamagitan ng paghawak ng aktwal sa modelo tulad ng mga globo sa asignaturang Hekasi, aktwal na eksperimento sa agham na ginagawa sa laboratoryo at marami pang iba. Ibinigay
naman
ni
Good
ang
kahalagahan
demonstrasyon na pamamaraan: 3.1 Ito ay higit na mabisa kaysa sa pagsasalita 3.2 Nilalayon nitong ipakita ng makatotohanan ang mga itinuturo sa konkretong paraan. 23
ng
3.4 Ang mga mag-aaral ay magkaroon ng obserbasyon at malalim na pagkaunawa sa paksang tinatalakay na hindi magagawa lamang sa pagsasalita. 4. Talakayan – Ang pagbabahagi ng kaalaman sa pagitan ng guro at mga mag-aaral. Ayon sa aklat na Facilitating Learning, ang mahusay na guro ay may kakayahang gawing interaktibo ang kanyang klase. Ibig sabihin, ang mga mag-aaral ay mayroong pagkakataon na makipagpalitan ng ideya sa guro at kapwa mag-aaral. Ayon sa pag-aaral, lumalabas na ang talakayan ay nakapagbibigay ng makabuluhang pagkatuto at makabagong karanasan sa guro at sa mga-aaral. Ang talakayan ay maisasagawa sa mga sumusunod na pamamaraan: 1. Pangkatang talakayan 2. Pangkalahatang talakayan 3. Lupon na talakayan 4. Talakayan sa klase 5. Resitasyon 6. Interbyu 24
5. Indaktiv at dedaktiv 1. Indaktiv – Ito ay nagsisimula sa ispesipiko papunta sa pangkalahatan (specific-general). Ang guro ay nagbibigay ng mga halimbawa tungkol sa paksang kanyang tatalakayin sa mga mag-aaral. Narito ang pagkakasunod-sunod ng paradima ng indaktiv na pamamaraan. 1. Pagbibigay ng mga halimbawa 2. Pagbibigay ng mga aktibidad 3. Paglalahad ng hinuha o konklusyon ayon sa mga teorya na nadiskubre ng mga mag-aaral. Sa pamamaraan na ito, ang mga mag-aaral ay malilinang ang tatlong E’s ng pagkatuto. Ito ang Explore, Exposure at Experience na sa tagalog ay: Paggalugad, pagpapakita at pagkakaroon ng karanasan. Bukod dito, ang kurikulum ng edukasyon ay mas higit na nalilinang na nagiging daan sa mataas na kalidad ng pagkatuto. Ayon kay Tandingan, ang mga mag-aaral ay kinakailangang may matutunan bago ito lumabas ng silidaralan. Idinagdag pa niya na ang pagpapangkat-pangkat sa mga mag-aaral ay dapat naaayon sa kakayahan ng kanilang pagkatuto. Mula sa magaling hanggang sa hindi gaanong magaling na maaaring pagsamahin ang upang maturuan ang bawat isa. Ito ay ang “Cooperative Learning Group”. 25
2. Dedaktiv – Ito ang kabaliktaran ng indaktiv na pamamaraan. Ang guro ay nagsisimula sa pagbibigay ng mga alituntunin, impormasyona at teorya. Mula dito, siya ay magbibigay ng mga pagsasanay at kasunod ang konklusyon o hinuha ayon sa alituntuni, impormasyon at teorya. Ang
mga
impormasyon ay hinihimay-himay
upang ang
malaman ang pangkalahatang kaisipan ng paksang tinatalakay. Madalas itong nagsisimula sa mga katunungan sa paksa. 6. Lekyur – Ang pamamaraan na ito ay tumutukoy sa presentasyon ng mga mahahalagang impormasyon. Ang pagsulat ng mga ideya o kaisipan ang nagbibigay ng kahalagahan sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Narito ang mga paglilinaw sa aralin at pagtanda sa mga ideyang marapat malaman sa matutunan.
Katulad ng ibang mga pamamaraan sa pagtuturo, ang lektyur ay may mga hakbangin bago isagawa. Ito ang mga sumusunod:
1. Preparasyon sa lektyur
2. Panimula sa lektyur
3. Pagbibigay sa nilalaman ng lektyur
4. Konklusyon ng lektyur 26
Basehang Paniniwala
Sa pag-aaral na ito, ang mga makabagong metodolohiya na patuloy na napahahalagahan ay nakalap at nabigyang kasagutan kung aling metodo o pamamaraan ang marapat gamitin ng mga guro upang makuha ang intensyon ng mga mag-aaral sa pagkatuto. Ang paradigmang nasa ibaba ang binigyang basehan sa paniniwala ng pag-aaral na sinaliksik ng mananaliksik upang maipabatid sa mga guro ang lumabas na datos ng pangangalap ng kagamitan sa mga makabagong metodolohiya.
Paradigma ng Pananaliksik Independent Variable Metodolohiya ng Pagtuturo 1. Paglalapat 2. Pamamaraan 3. Estratehiya
Dependent Variable Makabagong Metodolohiya ng Pagtuturo 1. 2. 3. 4. 5. 6.
Integrasyon na pamamaraan Aktibidad Demonstrasyon na Pamamaraan Talakayan Indaktiv at dedaktiv Lekyur
27
Kabanata 3 PAMAMARAANG GINAMIT Sa kabanatang ito napapaloob ang mga pamamamaraang ginamit ng mananaliksik upang makakuha ng sapat na impormasyon na kinailangan upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito. Nakapaloob din ang mga hakbang
na
isinakatuparan
ng
mananaliksik
at
mga
pamamaraang
istadistikang ginamit. Pananaliksik na Ginamit Ang mga pamamaraang ginamit ng mananaliksik upang makatipon ng mga datos ay ang survey method. Ang mananaliksik at nangalap ng mga datos sa pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungan na kung saan ang mga mag-aaral na nasa kursong edukasyon ay pumili ng mga angkop na metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino. Paraan ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng paraang paglalarawan (descriptive method) dahil ito ay ginawa sa kasalukuyan at gumamit ng surbey na pamamaraan.Ang nasabing uri ng pananaliksik ay tumuklas sa mga makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo sa mga mag-aaral ng Pasig Catholic College. Pinili ng mananaliksik ang paaralan na ito upang mas maharap ang pag-aaral na ito sa madaling paraan ng paghahagilap ng mga respondenteng kumukuha ng kursong edukasyon. 28
Pangkalahatang Kabuuan at Halimbawa Ang mga tumugon sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral ng Pasig Catholic College. Ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa departamento ng kolehiyo ay dalawampu na nagpapakadalubhasa sa Filipino at mga nasa elementarya. Ang kabuuan ng mga mag-aaral na kumukuha ng programang edukasyon ay siyamnapung mag-aaral (90). Ang dalawampu dito ang tumugon sa pananaliksik na ito.
Pamamahala sa mga Talatanungan Ang mananaliksik ay naghanap ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong edukasyon sa Pasig Catholic College. Magkahalo ang tumugon sa talatanungan upang makakuha ng mga datos, ang mga nagpapakadalubhasa sa Filino na magtuturo sa sekondarya at mga magtututuro sa elementarya. Ipinaliwanag ang mga nilalaman ng talatanungang napapaloob sa survey method na ginawa ng mananaliksik.
Pagtalakay sa Istatistika Upang higit na maunawaan ang mga nalikom na mga datos ang mga sumusunod ay gagamitin: (Frequncy) sa bilang ng mga mag-aaral, (respondent) sa kabuuang bilang ng kasali sa pag-aaral at iminutiplika sa 100 (constant value). 29
Na ang ibig sabihin ay: P – (Percentage) bahagdan F – (Frequency) kadalasan, kalimitan N – (Numbers of respondent) bilang ng mga nagsitugon 100 – (constant value)
Susuriing mabuti ng mananaliksik at bibigyang kahulugan ang mga nalikom na datos. Ayon sa pormulang ito na nasa ibaba:
Wtd mean = ∑ ( F x r ) N Wtd = weighted mean F – frequency ∑ - summation of frequency R – rating of options N – number of student
30
Talahanayan ng Pananaliksik 1:
Mga Metodolohiya
Kadalasan
Bahagdan
(Frequency)
(Percentage) %
1. Indaktiv and Dedaktiv
17
85%
2. Lektyur
17
85%
3. Talakayan
18
90%
4. Pag – uulat
15
75%
5. Pagsisiyasat
4
20%
6. Aktibidad
19
95 %
7. Demonstrasyon/ Pagpapakita 8. Indibidwal na Gawain
18
90%
13
65%
9. Integrasyon
20
100%
10. Tradisyonal
8
40%
F
x 100 = % N
Sa talahanayan na ito, lumabas na ang mga makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo ay ang mga sumusunod:
31
Talahanayan 2:
Mga Makabagong Metodolohiya
Bahagdan (Percentage)
Integrasyon
100%
Aktibidad
95%
Demonstrasyon
90%
Talakayan
90%
Indaktiv at Dedaktiv
85%
Lektyur
85%
Konklusyon: Ang anim na makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo ay lumabas sa pananaliksik sa pamamagitan ng pangangalap ng datos. Sinasabi ng dalawang talahanayang ipinakita sa itaas na
ang
mga
sumusunod
na
metodolohiya
ay
ang
naoobserba
sa
kasalukuyang kurikulum ng edukasyon. Sa kabilang dako naman ng pananaliksik, ang mababang bahagdan ay nakuha ng mga sumusunod na metodolohiya: pagsisiyasat, tradisyonal, indibidwal na dawain at pag-uulat.
32
Rekomendasyon: Ang
mananaliksik
ay
napag-alamang
nasa
mga
metodolohiyang ginagamit ng bawat guro ang interes ng mga mag-aaral upang
mag-aral
at
magkaroon
ng
makabuluhang
pagkatuto.
Ang
mananaliksik ay nagbibigay lamang ng mga datos kung paanong ang mga guro, tagapamahala ng paaralan, mga nasa departamento ng edukasyon, sa mga magulang at sa mag-aaral na makipagtulungan sa mas higit na ikauunlad ng pagtuturo at maitaas ang kalidad ng pagkatuto hanggang sa susunod pang henerasyon. Ang metodolohiyang lumabas sa pag-aaral ay dapat na malinang sa mga tagapagturo ng kaalaman upang ito ay mapakinabangan sa pamumuhay ng mga nagnanais na magtagumpay.
33
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pagkilala at Pasasalamat Paghahandog Talaan ng Nilalaman
i ii iii
Kabanata 1. ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO
1-2
Panimula Paglalahad ng Suliranin
2
Kahalagahan ng Pag-aaral
2-4
Assumption – Pala-palagay
5-6
Konsepto ng Pag-aaral
6
Saklaw ng Pag-aaral
6
Pagbibigay katuturan sa mga Katawagan 2. KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
7 8
Independent Variable (Malayang Baryabol)
8-16
Dependent Variable (Di-malayang Baryabol)
16-27
3. PAMAMARAANG GINAMIT
28
Pananaliksik na Ginamit
28
Paraan ng Pananaliksik
28
Pangkalahatang Kabuuan at Halimbawa
29
Pamamahala sa mga Talatanungan
29
Pagtalakay sa Istatistika
29-31
Konklusyon
32
Rekomendasyon
33
Talasanggunian
iii
TALASANGGUNIAN
Mga Aklat Garcia, M.B. (1989).Focus on Teaching.Quezon City: Rex Printing Company, Inc. Gregorio, H.C. (1976).Principles and Methods of Teaching.Quezon City: Garotech Publishing. Landizabal,A.S., Bustos,A.S., Bucu,L.C. & Tangco,M.G. (1995).Principles and Method of Teaching.Quezon City: Phoenix Publishing House,Inc. Salandanan,G.G. (2007).Elements of Good Teaching.Metro Manila: Lorimar Publishing Inc. Salandanan,G.G.(2012).Methods of Teaching.Metro Manila:Lorimar Pub. Inc.
Jornals Adelaida,G.(2013).Without a play,education for young children is boring. The Modern Teacher. Vol.62.no.01. Miguel,J.T.(2011).Teach the children the proper use of TV, Video games and computer.The Modern Teacher.Vol.LX.no.7. Moreno,A.F.(2013).Motivation and theories.The Modern Teacher. Vol.61.no.08.
View more...
Comments