Baby Thesis in Filipino

February 26, 2017 | Author: porxch | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Baby Thesis in Filipino...

Description

MASAMANG EPEKTO NG PANINIGARILYO SA MGA KABATAAN SA KALUSUGAN, PAG-AARAL, AT PAKIKIPAG-UGNAYAN

______________________________ Pananaliksik na iniharap sa Kolehiyo ng Edukasyon Southern Philippines Agri-business, Marine and Aquatic School of Technology (SPAMAST) Katimugan ng Dabaw

_____________________________ Bilang Bahagi ng Kailangan sa Pagtupad ng mga Pangangailangan sa Filipino II

______________________________

March 17, 2008

PASASALAMAT Taos pusong nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa lahat ng naging bahagi sa pagtatagumpay ng pananaliksik na ito lalung-lalo na kina: Bb.

Jovelyn

P.

Lopez,

ang

aming

maganda,

mabait

at

mapagpasensiyang tagapayo, dahil sa kanyang bukal sa loob na pagbigay ng tulong sa amin at paglaan ng oras para sa ikakatagumpay ng pag-aaral. Sa mga mababait at matatalino naming mga kaibigan at kaklase, na nakasabay namin sa pananaliksik na ito na sa alin mang paraan any nakakatulong sa amin. Sa aming mga kapamilya na todo ang suporta sa aming pag-aaral at walang sawang umagapay sa amin. Sa kanilang walang hanggan na pagmamahal at malasakit sa amin na nagsilbing inspirasyon sa aming pagaaral. Higit sa lahat, sa Makapangyarihang Diyos Ama, na nagbibigay ng liwanag sa aming buhay at gumagabay sa pang-araw-araw naming gawain.

Mga Mananaliksik

Talaan ng Nilalaman

Kabanata: I

II

Panimula

1

Paglalahad ng suliranin

2

Mga kaugnyan ng Literatura at pag-aaral

3-4

Kahalagahan ng pag-aaral

5

Katuturan ng talakayan

6

Metodolohiya

7

Desiryo g pananaliksik

8

Mga kalahok sa pananaliksik

9

Instrumento ng pananaliksik

10

Pamamaraan ng pagkalap ng Datos

11

Estadistikong ginamit

12

III

Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapakahulugan ng mga datos 13

IV

Buod, Kunklosyon at Rekomendasyon

14

Kinalabasan ng pag-aaral

15

Konklusyon

16

Mga rekomendasyon

17

Kabanata I Panimula Ang paninigarilyo ay isang bisyo na kung saan ang mga kalalakihan ang kadalasang gumagawa at gumagamit. Sa panahong ito, malaya ang mga kabataan na gawin ang paninigarilyo kahit saan, at anumang oras. Ito ay nakakasama at maaari itong magdulot ng hindi kaaya-aya sa pandinig ng mga tao sa lipunan at nagbibigay ng mga sakit sa ating katawan. Marami ng mga kabataan ang pumasok sa bisyong ito. Ang paninigarilyo ay ginawa na nilang libangan o pampalipas-oras ngunit maraming masasamang epekto ito sa ating kalusugan, pag-aaral, at pati na sa pakikipag-ugnayan sa iba. Kabataan ang kadalasang bikitima ng paninigarilyo. Kahit hindi na gumagamit o gumagawa ang isang tao ng ganitong klaseng bisyo, hindi maiwasan ang mga dalang epekto nito sa kanya. Ang usok ng sigarilyo ay naipapasa sa mga taong katabi ng naninigarilyo. Hindi na namamalayan ng mga tao na ang usok na nalalanghap nila mula sa sigarilyo nakakasama na sa kanilang katawan. Ang mga masasamang epekto ng paninigarilyo ay maaring magsimula sa maliit na karamdaman hanggang humantong sa kamatayan. Ito ay nagdudulot ng hindi maganda sa ating katawan at maging sa ating kinabukasan.

Paglalahad Ng Suliranin Ang pananaliksaik na ito ay naglalayong maipabatid sa mga kabataan ang masamang epekto na maidudulot ng paninigarilyo at ang magiging sanhi ng kanilang paninigarilyo at ito rin ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan: 1. Sinu-sino ang mga kalahok sa pag-aaral? 2. Anu-ano ang masamang epekto ng paninigarilyo sa mga kabataan sa mga sumusunod: A. Kalusugan B. Pag-aaral C. Pakikipag-ugnayan

Mga Kaugnayan na Literatura Sa Pag-aaral Ang paninigarilyo ay hindi nagpapaganda ng ating kaanyuan at nagpapasopistikada o nagbibigay kapangyarihan. Ito ay nagpapahina sa atin at nagbibigay ng sakit. Nagkakaroon ito ng epekto sa kalusugan. Ang usok mula sa sigarilyo ay may masamang epekto sa baga at puso ng mga maninigarilyo at ng mga tao sa paligid nito. Ang paninigarilyo ay maaring maging sanhi ng sakit sa puso, kanser sa baga, at mga problema na may kinalaman sa paghinga. Ang gawaing paninigarilyo ay nakakapangit, nakakakulubot ng buhok, mabahong hininga at nakakabaog. Ito rin ay madalas na sanhi ng atake sa puso at stroke, pagtaas ng blood pressure, paglapot ng dugo, kanser sa baga, bibig, lalamunan, matres, at pantog, low birth, weight, at birth defects ng sanggol sa sinapupunan at higit sa lahat katarata at pagkabulag. Ang paninigarilyo ay magdudulot ng epekto sa pag-aaral. Sapagkat ito’y sanhi ng pagbaba ng marka ng isang mag-aaral dahil sa bisyo. Masama ang gawaing ito dahil may masamang dulot ito sa katawan. Habang ang isang mag-aaral o kabataan ay may dinaramdam na hindi maganda lalo na sa kalusugan, naapektuhan nito ang pag-aaral. Marami ngayon ang lumiliban, habang nasa klase, naninigarilyo o kahit nasa loob ng paaralan. Ang pakikipag-ugnayan ay naapektuhan rin ng paninigarilyo. Ang segunda manong usok na nakakapinsala sa iyong ,mga kaibigan, pamilya, at mga tao sa paligid. Ito ay ikatlong sanhi ng kamatayan. Nilalagay ka ng paninigarilyo sa mas malaking panganib na maaaring malaglag ang anak at mamatay ang sanggol mula

sa Sindrome ng Biglaang Pagkamatay ng Sanggol (Sudden Infant Death Sybdrome). Ang taong naninigarilyo ay nagdudulot ng epekto sa kapwa. Ang usok na lumalabas sa kanilang bibig o sa sigarilyo ay nalalanghap ng iba na siyang sanhi ng maraming sakit.

Baryabol

Masamang Epekto Ng Paninigarilyo Sa Mga Sumusunod: 1. Kalusugan

2. Pag-aaral

3. Pakikipag-ugnayan

Talaguhitan I: Balangkas ng Kaisipan ng Pag-aaral

Kahalagahan ng Pag-aaral Malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa mga sumusunod: 1. Administrasyon ng Paaralan:Dahil sa pag-aaral na ito, ito ang magiging

daan upang mas palakasin ng administrasyon ng paaralan ang kanilang pakikipaglaban sa bisyong paninigarilyo. 2. Guro:Malalaman ng guro kung ano ang dapat gawin, at kailangang

ipatupad sa kanyang silid-aralan na may malaking ginagampanan sa paghuhubog ng mag-aaral palayo sa paninigarilyo. 3. Magulang:Mapapatnubayan nila ang kanilang mga anak palayo sa mga

bisyo tulad ng paninigarilyo. Habang mas maaga pa ay masaisip na nila na masama ang paninigarilyo ng kanilang mga anak tungo sa pag-abot sa kanilang pangarap. 4. Mag-aaral:Mabigyan ng babala ang mga mag-aaral tungkol sa masamang

epekto ng paninigarilyo. Magkaroon ng sapat na impormasyon tungkol sa paninigarilyo at masamang dulot nito sa ating kalusugan. 5. Mga Tao:Mahalaga sa tao ang kanyang kalusugan. Dahil sa pag-aaral na

ito, mabibigyan siya ng impormasyon tugkol sa masamang dulot sa kanya hindi lamang sa kanyang kalusugan, pati na sa kanyang pakikipag-ugnayan. 6. Empleyado:Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga empleyado dahil

mahalaga ang kalusugan lalo na’t sila ay naglilingkod at upang malaman nila na hindi mabuti ang paninigarilyo pati sa pakikipag-ugnayan.

Katuturan ng Pag-aaral: Ang terminong ginamit sa pag-aaral na ito ay binibigyang pagkakahulugan upang lubusang maunawaan: 1. Sigarilyo. Produkto na ang pangunahing sangkap ay yari sa tabako. 2. Epekto. Naging bunga, resulta, at kinalabasan. 3. Kabataan. Mamamayan ng bansa na may gulang 13-18 taong gulang at

pag-asa ng bayan. 4. Kalusugan. Kalagayan ng katawan ng isang tao, maaaring malusog o

masakitin. 5. Pakikipag-ugnayan. Paraan ng pakikisalamuha sa iba’t-ibang tao sa

madaling salita, “komunikasyon.” 6. Pag-aaral. Isang proseso upang makamtan ang pangarap na ginagawa sa

paaralan.

Kabanata II

METODOLOHIYA Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga kalahok sa pananaliksik, mga instrumentong ginamit at pamamaraan sa pangangalap ng datos. Disenyo ng Pananaliksik Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay deskriptib-surbey dahil naangkop ito sa mga estudyanteng may bisyo sa paninigarilyo. Maraming masamang kalalabasan ang paninigarilyo sa kabataan gaya sa pag-aaral nila, sa kalusugan at sa pakikipagugnayan nila sa ibang tao.

Mga Kalahok Sa Pananaliksik Ang mga kalahok sa pananaliksik ay nagmula sa iba’t-ibang taon at kurso. Silang lahat ay mga lalaki na hindi maipagkakaila na naninigarilyo. Ang dalawang (2) kalahok ay nagmula sa kursong Edukasyon, may estudyante sa una (1) at ikalawang (2) taon sa BSMB. May lima (5) na nanggaling sa BSF, at isang (1) D.I.T. Ang mga estudyanteng ito ang siyang tumugon ng sagot sa mga tanong na ginawa namin upang magtagumpay ang aming isinasagawang pananaliksik.

Talahanayan I

Distribusyon ng Kalahok Kalahok Tersyarya EDUKASYON II IV BSF III IV BSMB I II DIT II KABUUAN

Bilang 1 1 3 2 1 1 1 10

Mga Instrumentong Ginamit Sa Pag-aaral ( Talatanungan) Ang instrumentong ginamit sa pag-aal na ito ay talatanungan. Ang mga tanong ay nahahati sa tatlong (3) kategorya. Ito ay ang kalusugan, pagaaral, at pakikipag-ugnayan. Bawat kategorya ay may limang (5) tanong. Sinasagot ang mga kalahok ang mga tanong bawat bilang sa pamamagitan

ng paglalagay ng tsek sa bawat kahon. Sa ibabaw nito ay may nakalagay na oo at hindi, na kung saan doon sasagot ang mga kalahok na aming napili sa pag-aaral. Sa kabuuan, ang instrumentong ginamit ay siyang naging daan namin para makakuha ng mga datos na susuporta sa aming tesis.

Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsisimula sa paggawa ng talatanungan at sinundan ng pag-e-edit sa instrumento para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at upang matiyak ang kaangkupan ng mga tanong sa mga problemang nais lutasin ng mga mananaliksik. Ang paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok ang sumunod. Personal na pinamamahalaan

ng

mga

mananaliksik

ang

pagbibigay

ng

mga

talatanungan sa bawat kalahok at ibinigay ang tamang panuto sa pagsagot upang makuha ang nararapat na tugon. Kinalap ang mga instrumento at inihambing ang mga sagot ng bawat kalahok at binigyan ng kabuuan. IV- Talatanungan: Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at lagyan ng tsek ang loob ng box para sa inyong sagot. A. Kalusugan 1. Nagiging masakitin ka ba simula kang manigarilyo? 2. Naging madalas ba ang pagkakasakit mo nung ika’y naninigarilyo?

3. Nagkaroon ka ba ng problema sa paghinga tuwing naninigarilyo? 4. Madals ba nag pag-uubo mo dahil sa paninigarilyo? 5.Nakapagbibigay ba ng resistensya sa iyong katawan ang paninigarilyo? B. Pag-aaral 1. Lumiliban ka ba sa klase para lang manigarilyo? 2. Nawawalan ka na ba ng gana sa pag-aaral nung nagsimula ka ng manigarilyo? 3. Bumaba ang marka mo nang ika’y maninigarilyo? 4. Mas nilalaanan mo ba ng panahon ang paninigarilyo keysa sa pagaaral? 5. Malaya ka bang naninigarilyo sa loob ng paaralan? C. Pkikipag-ugnayan 1. Dumami ba ang mga kaibign mo nung nagsimula kang manigarilyo? 2. may mga kaibigan ka bang lumalayo sa iyo tuwing ikaw ay naninigarilyo? 3. Pinagsabihan ka ba ng mga kaibigan mo na tumigil na sa paninigarilyo? 4. Naninigarilyo rin ba ang mga kaibigan mo? 5. Pinagagalitan ka ba ng iyong pagmilya dahil sa paninigarilyo mo?

Kabanata III PAGLALAHAD, PAGSUSURI, PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA NAKALAP NA DATOS

Ipinapakita sa Talahanahayan II, ang propayl ng mga kalahok sa pag-aaral. Bawat larangan ay may tiglilimang katanungan. Resulta ng aming pananaliksik,

napag-alaman namin na sa larangan ng kalusugan, ay mas maraming sumagot na nakakasira sa katawan nila ang paninigarilyo. Sa larangan naman ng pag-aaral, iinapakita rin na nagiging dahilang ang bisyong ito sa pagbaba ng kanilang mga marka. At sa pakikipag-ugnayan ay ipinapakita rin na may di kanais nais na epekto ito sa pakikisalamuha nila sa ibang tao.

Talahanayan II Propayl ng mga Kalahok sa Iba’t Ibang Larangan Bilang ng mga Tanong

Bilang ng Sumagot ng

Bilang ng Sumagot ng

OO

Hindi

I. Kalusugan 1.

2

8

2.

1

9

3.

7

3

4.

3

7

2

8

1.

2

8

2.

0

10

3.

1

9

4.

0

10

4

6

1.

7

3

2.

8

2

3.

7

3

4.

8

2

7 59

3 91

5. II. Pag-aaral

5. III. Pakikipagugnayan

5. KABUUAN

Kabanata IV Pagbubuod, Konklusyon, at Rekomendasyon Pagbubuod: Ang paninigarilyo ay pangunahing bisyo na tinatangkilik ng mga Pilipino ngayon lalo na ng mga kabataan. Ito ay laganap na ngayon sa ating lugar. Marami

sa atin ngayon ang ginagawang libangan o pampalipas-oras ang bisyong ito. Bagamat nagbibigay kasiyahan sa kanila ang paninigarilyo, maraming masasamang epekto sa larangan ng ating kalusugan, pag-aaral, at pakikipagugnayan ang dulot nito sa atin. Ito ay nagpapahina sa atin at nagbibigay ng iba’t ibang sakit sa ating katawan. Nang dahil din dito, bumababa ang marka ng mga mag-aaral na nawiwili na sa paninigarilyo. Hindi lamang ang taong naninigarilyo ang naaapektuhan ng bisyong ito, pati na rin ang taong nasa paligid niya. Ang usok na lumabas sa sigarilyo ay nakakasama sa katawan ng taong nakakalanghap nito. Konklusyon: Batay sa aming pananalaiksik, napag-alaman namin na ang paninigarilyo ay nakakasama sa kalusugan ng isang taong naninigarilyo pati narin ng sa nakakalanghap ng usok nito. Nakakasama sa rin sa kanila ang paninigarilyo dahil napapabayaan na nila ang kanilang pag-aaral at makakaapekto sa pagbaba ng kanilang marka. Napag-alaman rin namin na dahil sa bisyong ito, nagkakaroonb ng lamat ang pakikipag-ugnayan ng mga naninigarilyo sa kanilang mga kaibigan. Maraming mga kaibigan nila ang lumalayo sa kanila sa tuwing sila’y naninigarilyo. Rekomendasyon: Batay sa mga nakalap naming impormasyon sa pananaliksik na ito, iminumungkahi namin ang mga sumusunod:

1. Kailangang ipatupad sa administrasyon ng paaralan ang batas na nagbabawal sa lahat ng mga mag-aaral at guro o empleyado ang paninigarilyo sa loob ng paaralan. 2. Iminumungkahi rin ng mga mananliksik na dapat ay ipatigil o ipahinto na ang paggawa at pagbenta ng segarilyo ng mga pabrika upang mawala na ang bisyong ito.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF