Layunin 1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng awiting bayan. 2. Nauunawaan ang kahalagahan ng awiting aw iting bayan.
3. Nakagagawa ng sariling bersyon o akda ng awiting bayan. II.
Paksang Aralin A. Paksa Mga Akdang Pampanitikan: Panitikang Bisaya Mga Bulong at Awiting Bayan B. Kagamitang Panturo Sanggunian: Rex Supplemental Lesson pahina 21-26 Gabay Pangkurikulum Mayo 2016 Manila Paper, Laptop at Speaker
III.
Pamamaraan A. Panimulang Gawain
Pambungad na Panalangin Pagbati Pagpuna sa kalinisan ng silid-aralan Pag-uulat/Pagtatala ng liban Pagbabalik-aral B. Pagganyak Ipapaawit sa mga mag-aaral ang “Kung Ikaw ay Masaya” ng may aksyon at saliw ng tugtog. C. Paglalahad Pamilyar ba kayo sa mga awitin na katulad ng napakinggan? Pangkatin ang mag-aaral sa lima (5) at magpakita ng ng awiting alam ninyo kagaya ng inawit. (Hal. Leron leron Sinta, Sitsiritsit, Bahay Kubo at Ang Maliit na gagamba) D. Pagtatalakay
1. Alam ba ninyo kung anong panitikan ang inyong inawit? Angmga Awiting Bayan ay mga awit ng mga pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta at inaawit pa rin. Mga Uri ng Awiting Bayan: KUNDIMAN – awit ng pag-ibig KUMINTANG o TAGUMPAY – awit ng pandigma DALIT o IMNO- awit sa diyos-diyosan ng mga bisaya OYAYI o HELE – awit ng pagpapatulog ng bata DIONA – awit sa kasal SULIRANIN – awit ng mga manggagawa TALINDAW – awit sa pamamangka
DUNGAW – awit sa patay
E. Paglalahat Bakit mahalagang pag-aralan o matutunan natin ang mga awiting bayan? F. Paglalapat Sumulat ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng panitikan katulad ng Awitiing Bayan. IV.
Takdang Aralin
Magsaliksik ng iba pang mga Awiting bayan. Ilagay ito sa Big Notebook.
Thank you for interesting in our services. We are a non-profit group that run this website to share documents. We need your help to maintenance this website.