Aralin 6~ Bayang Nagdurusa

January 25, 2018 | Author: elocine2231 | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Acknowledgements: Nikoru M....

Description

Aralin 6: Bayang Nagdurusa ASKALS (Pangkat 1)

Pang-unang Pagsusulit Direksyon: Isulat sa puwang ang inilalarawan sa bawat pahayag. ________1. Reynong kasamaan ang namamayani. ________2. Taong may hangarin sa korona at yaman ng bayan ng bayan ni Florante. ________3. Ang ginagawa sa mga magagaling at mababait. ________4. Ang hinihiling ni Florante sa Diyos. ________5. Ang isinubsob sa mga taong sukab na may asal-hayop. 

Nilalaman 11

12

Dangan doo’y walang Oreadas Ninfas, gubat na Palasyo ng masidhing Harpias nangaawa disi’t naakay lumiyag sa himalang tipon ng karikta’t hirap. Ang abang uyamin ng dalita’t sakit – ang dalawang mata’y bukal ang kaparis; sa luhang nanatak at tinangis-tangis, ganito’y damdamin ng may awang dibdib.

Nilalaman 13

14

“Mahiganting langit! Bangis mo’y nasaan? ngayo’y naniniig sa pagkagulaylay; bago’y ang bandila ng lalong kasam-an sa Reinong Albania iwinawagayway “Sa loob at labas ng bayan kong sawi, kaliluha’y siyang nangyayarinng hari, kagalinga’t bait ay nalulugami, ininis sa hukay ng dusa’t pighati.

Nilalaman 15

16

“Ang magandang asla ay ipinupuko sa laot ng dagat ng kutya’t linggatong; Balang magagaling ay ibinabaon At inililibing na walang kabaong. “Ngunit ang lilo’t masasamang-loob Sa trono ng puri ay iniluklok; At sa balang sukab na may asal-hayop Mabangong insenso ang isinubsob.”

Nilalaman 17

18

Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo at ang kabaita’y kimi’t nakayuko; santong katuwira’y lugami at hapo ang luha na lamang ang pinatutulo “At ang balang bibig na binubukalan Ng sabing magaling at katotohanan, Agad binibiyak at sinisikangan Ng kalis ng lalong dustang kamatayan.”

Nilalaman 19

20

“O, taksil na pita sa yama’t mataas! O, hangad sa puring hanging lumipas! ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat at narinig nasapit na’kahabag-habag. “Sa korona dahila gn Haring Linceo at sa kayamanan ng Dukeng Ama ko, ang ipinangangahas ng Konde Adolfo sabugan ng sama ang Albaniang Reyno

Nilalaman 21

“Ang lahat ng ito, maawaing Langit, iyong tinutungha’y ano’t natitis? mula Ka ng buong katuwira’t bait, pinapayagan Mong ilubog ng lupit. 22 “Makapangyarihang kamay Mo’y ikilos, papamilansikin ang kalis ng poot; sa Reynong Albania’y kusang ibulusok ang Iyong higanti sa masamang-loob

Nilalaman 23

24

“Bakit kalangita’y bingi Ka sa akin, ang tapat kong luhog ay hindi Mo dinggin? diyata’t sa isang alipusta’t iring, sampung tainga Mo’y ipinangunguling “Datapwat sino ang tatarok kaya sa mahal Mong lihim, Diyos na dakila? walang nangyayari sa balat ng lupa, di may kagalingang Iyaong ninanasa.

Nilalaman 25

“Ay! Di saan ngayon ako mangangapit! saan ipupukol ang tingis-tangis, kung ayaw na ngayong diringgin ng Langit ang sigaw ng aking malumbay na boses!”

A. Pagpapaunload ng Talasalitaan 

1. 2. 3. 4. 5.

Direksyon: Piliin ang mga salitang magkatulad ang kahulugan sa bawat pahayag. Salungguhitan ang mga ito pagkatapos ay gamitin sa sariling pangungusap. Kagalinga’t bait ay nalulugami ininis sa hukay ng dusa’t pighati Nguni, ay ang lilo’t masamang loob sa trono ng puri ay iniluklok Sanotng katuwira’y lugami at hapo ang luha na lamang ang pinatutulo Agad binibiyak at sinsikangan ng kalis ng lalong dustang kamatayan Kaliluha’t sama ang ulo’y ngatayo at ang kabaita’y kimi’t nakayuko

B. Pagpapalawak sa Teksto 1.

2.

3. 4. 5.

Ano ang naghahari sa bayan ni Florante? Ibigay ang mga saknong na magpapatunay na iyong kasagutan. Anu-ano ang mga kinsangkapan ni Adolfo sa pagsasabog ng sama sa Albania? Bakit niya ito ginawa? Ipaliwanag ang nangyayari sa isang bayan kapag kasamaan ang namamayani. Kanino humihingi si Florante ng tulong? Bakit kaya pinahihintulutan ng Diyos na makaranas ng kasamaan ang isang bayan tulad ng Albania?

C. Pagbibigay ng Mungkahi 

Mga dapat malaman sa pagbibigay ng mungkahi: › Dapat may sapat na kaalaman sa isyu o problema › Maging mapanuri o objective sa pagtingin at pag-unawa sa

suliranin › Gumamit ng ekspresyon na nagsasaad ng pagmumungkahi tulad ng    

Maaari po ba akong makapagmungkahi… Mas mabuti siguro kung… Sa aking palagay, bakit di natin… Batay sa, aking mga nabasa at narinig, mas angkop na… at iba pa

› Isaalang alang ang mga damdamin ng mga taong

binibigyan ng mungkahi › Alaalahanin na ang layunin mo ay makatutulong

Tayutay na Paradoks o Pabaligho 



Ito ay isang uri ng tayutay na nagpapahayag ng isang bagay na taliwas na pagkukro ngunit nagaganap Ito ay pahayag na tila salungat sa likas na tunay na pag-iisip subalit nagpapakita ng katotohanan.

Suriin at hanappin ang mga pahayg na waring salungat sa likas na pag-iisip ngunit nagsasaad ng katotohanan. 

Saknong 13 “Mahiganting langit! Bangis mo’y nasaan? ngayo’y naniniig sa pagkagulaylay; bago’y ang bandila ng lalong kasam-an sa Reinong Albania iwinawagayway

Sagot: ________________________________________ ________________________________________ _____________________________________

Suriin at hanappin ang mga pahayg na waring salungat sa likas na pag-iisip ngunit nagsasaad ng katotohanan. 

Saknong 15 “Ang magandang asal ay ipinupukol Sa laot ng dagat ng kutya’t linggatong, Balang magagaling ay ibinabaon. At inililibing nang walang kabaong

Sagot: ______________________________________________ ______________________________________________ _________________________

Gumawa ng pangkat sa lima. Gumawa ng isang grid na nagpapakita ng krimen at sanhi nito. Pagkatops, bilang isang kabataan, mamungkahi ng posibleng solusyon sa mga naitalang problema. Iulat sa klase. Krimen/Kasamaan

Sanhi

Posibleng Solusyon

Panghuling Pagsusulit  1. 2. 3. 4. 5.

A. Direksyon: Isulat ang salitang dapat ipuno sa patlang. “Sa loob at labas ng bayan kong sawi __________ siyang nangyayaring hari.” “Ngunit, ay ang lilo’t masasamang loob, sa trono ng puri ay __________.” “At ang balang bibig na ___________ ng sabing magaling at katotohanan.” “Sa korona dahil ng Haring Lincco at sa __________ ng dukeng ama ko.” “Ang lahat ng ito, maawaing ___________, tinuitunghaga’y ano’t natitis?

B. Basahin at suriing mabuti ang bawat saknong. Hanapin ang ginagamit na paradoks sa saknong. Salungguhitan ang mga ito. 

Saknong 16 “Ngunit ang lilo’t masasamang-loob Sa trono ng puri ay iniluklok; At sa balang sukab na may asal-hayop Mabangong insenso ang isinubsob.”

B. Basahin at suriing mabuti ang bawat saknong. Hanapin ang ginagamit na paradoks sa saknong. Salungguhitan ang mga ito. 

Saknong 18 “At ang balang bibig na binubukalan Ng sabing magaling at katotohanan, Agad binibiyak at sinisikangan Ng kalis ng lalong dustang kamatayan.”

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF