Aralin 3

November 29, 2017 | Author: Ralf Galos | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

jbh...

Description

Aralin 3.5

Ang alaga Ni Barbara Kimenye

I.Buod Isang itim na biik ang regalo sa kaniya ng Apo na labis na ikinatuwa ni Kibuka plano niyang dalin ito kay miriami upang ihanda sa hapunan ngunit nagdalawang isip si Kibuka dahil sunod nang sunod ang biik at sa bawat pag-upo niya laging asa paanan niya ang biik at di umaalis sa tabi niya. Inalagaan niya ito at pati ang mga kapitbahay niya ay nagbibigay ng pagkain para sa biik. Ito lamang ang biik na napakalinis dahil naaalagaan ito ng maayos at pinapayagan ni Kibuka na matulog sa paanan niya ang biik. Lumaki ito sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat napamahal na ito kay Kibuka Kwento Nakasanayan na rin nila na maglakad lakad tuwing umaga para na rin makapag ehersisyo si Kibuka at kahit na sumasakit na g mga kalyo niya tinitiis niyaito dahil nakikita niya ang kaniyang alaga na masaya Ngunit makalipas ang ilang linggo, maraming problema ang dumating habang lumalaki ang baboy halimbawa, kailangan na ng mas maraming pagkain maging si Kibuka ay naninimot na ng kaniyang pagkain para lang sa kaniyang alagang baboy, hindi na rin makatulog ng maayos si Kibuka dahil sa napakalakas humilik ng baboy isang mabigat na desisyon na hindi magtatagal ay itatali na ito sa puno Kwento Si Kibuka isang pensyonadong tao at retiro na siya bilabg kawani sa Ggogombola Headquarters at dahil di niya matanggap ang pagkawalan niya ng trabaho at dahil dito dinamdam niya ng lubos ang pangyayaring ito naisip niyang tapusin nalang sng ksanyang buhay dahil kaawa awa na ang turing sa kanyang sarili. Ngunit isang tunog ng kotse ang kanyang narinig at dalidaling sinalubong ang kanyang apo na may dalang regalo para sa kanya.

II. Talasalitaan Panuto:hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na talasalitaan. 1. Naninimot - nagtitipid 2. Nagtatampisaw - nagbababad 3. Namamayani - nangingibabaw, namumuno 4. Tumilapon - nahagis, umitsa, nabalibag 5. Naghahalukay - naghuhukay, naghahanap, nagkukutkot

III. Mga Tanong

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong. 1.Saan niya nakuha ang alagang baboy? 2.Bakit siya nagretiro sa trabaho? 3.Bakit namatay yung alaga niyang baboy? 4.Anong ginagawa nila sa dalampasigan? IV.Pagtataya A.Panuto:sagutin ang mga sumusunod na tanong piliin sa kahon ang sagot.

A.Kibuka B.Yosefu Mukasa C.Kabzanda D.Matoke E.Daudi Kulubya F.Nathaniel Kiggundu G.Ggogombola Headquarters H.Kalansanda I.Miriamu J.Musisi

1.Dito kumalat ang balita na may alagang baboy si kibuka? 2.Isang Lugar kung saan nagtatrabaho dati si Kibuka? 3.Siya ang matalik na kaibigan ni kibuka? 4.Drayber ng motorsiklo na nakabungo kay kibuka? 5.Taong nagmamalasakit at pila yang kanyang lakad? 6.Dito naliligo o nagtatampisaw ang mga tao? 7.Ang nagkatay o nagluto ng alagang baboy ni kibuka? 8.Ang hepe ng Ggogombola Headquarters? 9.Ang nagbigay kay kibuka ng baboy? 10.SIya ang nag aalaga sa babohy?

B.Enumeration 1-6. Ang mga tauhan sa kwento na ang alaga. 7-10. Mga lugar na pinuntahan ni kibuka.

Aralin 3.6

Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali Sundiata: An Epic of the Old Mali salin sa Ingles ni J.D. Pickett Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora Maghan Sundiata, na tinatawag ring Mari Djata, anak siya ni Haring Maghan Kon Fatta ng Mali sa kaniyang ikalawang asawa, si Sogolon Kadjou. Isang mahiwagang mangangaso ang humula na ang kanilang anak na lalaki ay magiging isang makapangyarihang pinuno na makahihigit pa kay Dakilang Alexander, ang maalamat na Griyegong mananakop. Ilang tao lamang ang naniniwala sa propesiya sapagkat pitong taong gulang na si Mari Djata ay hindi pa nakalalakad. Tila walang katiyakang mapabilang siya sa mga pagpipiliang maging emperador.Namatay si Haring Maghan Kon Fatta kaya’t hinirang ng kaniyang unang asawang si Sassouma Bérété ang sariling anak na si Dankaran Touma na tagapagmana ng trono ng ama. Madalas silang naninibugho kay Mari Djata at sa kaniyang ina, kaya’t ipinatapon niya ang mag-anak sa likod ng palasyo. Napilitan ang mga itong mamuhay na isang kahig isang tuka. Nabuhay si Sogolon Kedjou sampu ng kaniyang mga anak sa tira ng Inang Reyna, pinagyayaman niya ang maliit na halamanan sa likuran ng nayon. Sa taniman, nagagalak siya na pagmasdan ang mga tanim na ubas at gnougous. Isang araw, kinapos siya ng pampalasa at nagtungo sa Inang Reyna upang magmakaawa ng kaunting dahon ng baobab. “Tingnan mo ang iyong sarili,” wika ng mapanghamak na si Sassouma. Ang aking calabash ay puno. Tulungan mo ang iyong sarili, maralitang babae. Para sa akin, mayroon akong anak na nakalalakad sa edad na pito at siya ang nangangalap ng mga dahon ng baobab na iyan. Maaari mong kunin ang mga iyan sapagkat ang iyong anak ay hindi makalalamang sa aking anak.” Siya’y nanunudyong humalakhak nang matinis na pumupunit sa laman at tumatagos sa kaibuturan. Natigagal si Sogolon. Hindi niya maisip na ang galit ay may puwersang napakalakas. Nilisan niya si Sassouma nang may bikig sa lalamunan. Sa labas ng kanilang kubo, si Mari Djata ay nakaupo sa kaniyang walang silbing mga binti at walang pakialam na sumusubo’t tangan-tangan ang calabash. Hindi napigilan ni Sogolon ang kaniyang sarili, siya’y napahikbi at dumampot ng kaputol na kahoy, hinagupit niya ang anak. “Oh anak ng kasawiang-palad, hindi ka ba makalalakad? Dahil sa iyong pagkukulang ako’y nakaranas ng matinding pangdudusta sa aking buhay! Ano ang aking pagkakamali? Panginoon, bakit mo ako pinarurusahan nang ganito?”

Dinampot ni Mari Djata ang kaputol na kahoy at matiim na tumitig sa ina, “Inay, anong problema?” “Manahimik ka, walang makapaparam ng pang-iinsultong aking tinamo.” “Ano ba yaon?” “Si Sassouma’y pinahiya ako dahil lamang sa dahon ng baobab. Sa edad mong iyan, ang kaniyang anak ay nakapipitas na ng dahong iyon para sa kaniyang ina.” “Huminahon ka ina, kalimutan mo na iyon.” “Hindi. Ito’y sobra na. Hindi maaari.” “Mahusay, kung gayon, ako’y maglalakad sa araw na ito,” sabi ni Mari Djata. “Puntahan mo ang panday ni ama at utusang hulmahin ang pinakamabigat na bakal. Inay, dahon lamang ba ng baobab ang iyong kailangan o nais mong dalhin ko sa iyo ang buong puno?” “Ah aking anak, upang tangayin ng hangin ang pang-aalipustang ito, ibig ko ng puno’t ugat sa aking paanan sa labas ng ating dampa.” Nang oras na iyon ay naroroon si Balla Fasséké, humangos siya sa pinakamahusay na panday, si Farakourou, upang magpagawa ng tungkod na bakal. Umupo si Sogolon sa harapan ng kanilang dampa. Siya’y tahimik na lumuluha habang sakbibi ng kalungkutan. Binalikan ni Mari Djata ang kaniyang pagkain na tila walang nangyari. Maya’t maya niyang sinusulyapan ang kaniyang ina na bumubulong, “Ibig ko ang buong puno, sa harap ng aking dampa, ang buong puno.” Walang ano-ano, sumambulat ang isang malakas na tinig na humahalakhak mula sa likod ng kubo. Ito’y likha ng buktot na si Sassouma na nagsasalaysay sa kaniyang utusan tungkol sa panghihiyang ginawa kay Sogolon, sinasadya niyang madinig ito ng huli. Mabilis na pumasok si Sogolon sa kaniyang silid at tinakpan ang ulo ng kumot upang hindi masilayan ang pabayang anak na abalang-abala sa kaniyang pagkain kaysa sa ano pa mang bagay. Walang tigil sa pananangis si Sogolon. Nilapitan siya ng kaniyang anak na babae, Sogolon Djamarou, at tumabi sa kaniya, “Tahan na ina. Bakit ka umiiyak?” Nasimot ni Mari Djata ang kaniyang pagkain at pilit na kinaladkad ang katawan, umupo sa malilim na dingding ng kubo sapagkat nakapapaso ang sinag ng araw. Kung ano ang nanunulay sa kaniyang kamalayan, tanging siya ang nakaaalam.

II.Talasalitaan Panuto: Bigyan kahulugan ang mga sumusunod na talasalitaan. 1.Salamangkero 2.Mangangaso 3.Panday 4.Mahiwaga 5.Anting-anting

6.Kawal 7.Manghuhula 8.kapangyarihan 9.namamana 10.mananalaysay

III.Tanong 1.Ano-ano ang katangian ni sundiata na kahanga-hanga? 2.Mayroon bang suliranin o mga suliranin nangibabaw sa epiko? 3.May kaugnayan ba ito sa nagaganap sa kasalukuyan? 4.Sa iyong tingin, si Sundiata ba ay tunay na bayani ng kasaysayan ng Africa? 5.Tama baa ng ginawwa ni sundiata sa lungsod ng sosso?

IV.Pagtataya A.Panuto: pumili ng letra ng tamang sagot 1.Sino ang anak ni haring maghan kon? a.dakilang alexander b.maghan sundiata 2.Sino asawa ni maghan kon? a.sassouma b.sogolon kadjou 3.Sino ang anak ni maghan kon? a.sogolon b mari djata 4.Sino ang matapang mandirigma? a.dakilang alexander b. mari djata 5.Sino ang makapangyarihang pinuno? a maghan kon b. dakilang alexander B.Enumeration 1-10. Sino-Sino ang mga tauhan sa kwento?

Aralin 3.7

Paglisan(Buod) ni Chinua Achebe Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga Umuofia, isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria. Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang labanan si Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula Umuofia hanggang Mbaino. Sa maraming pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan upang mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib laban sa kaniyang ama, si Unoka na sa kaniyang tingin ay mahina at talunan. Walang nagawang mahusay ang kaniyang amang si Unoka dahil sa kaniyang katamaran. Sa halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa ito ng maraming utang sa mga kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang pamilya. Ang naging buhay na ito ni Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya pinatunayan niyang naiiba siya sa kaniyang ama. Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinamahalaan niya ang siyam na nayon. At siya ay nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging asawa, nakapundar ng mga ari-arian na nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging masipag. Naging matapang na mandirigma at makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito, siya ay kinilalang lider ng kanilang tribo. Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian. Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo. Naging magiliw at magkasundo naman ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo bilang pangalawang magulang. Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang tagaUmuofia, ang planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag makialam sa planong ito si Okonkwo. “Hindi ka dapat makialam sa isasagawang iyon

ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo,” wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil dito, gumawa ng paraan si Okonkwo. PInaniwala niyang ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina. Naglakbay ang bata kasama ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang paglalakbay, sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng mga katribo si Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang katapangan, tinaga niya ang bata sa harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuring na ama. Nakalimutan ni Okonkwo ang naging usapan nila ni Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Wala na ang batang tumulong at gumabay sa kaniya. Naging simula naman iyon ng malaking pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya makakain, hindi na makatulog, hindi na rin makapag-isip nang maayos. Ramdam niya sa kaniyang sarili ang depresyong siya rin naman ang may pagkakamali kaya’t upang maibsan ang kapighatian at huwag matulad sa kaniyang ama na isang sawi ay nagtungo siya sa kaniyang kaibigang si Obierika. Humingi siya ng payo rito at nakaramdam naman siya ng kaunting gaan ng loob. Nagkasakit naman noon si Ezinma, anak na babae ni Okonkwo, ngunit gumaling din sa tulong ng mga halamang gamot na ipinanlunas ng kaniyang ama. Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw ng malakas na putok ng baril ang maririnig sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu. Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang kasalanan laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang pumatay at makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ari-arian at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan ng kaniyang ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran. Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula.

II.Talasalitaan Panuto: Piliin sa pares ng salita ang bawat bilang ang angkop na kahulugan ng salit 1.palamutia.abubot b. dekorasyon 2.ipinabatid- a.pinaalam b.isinangguni 3.napagwagihan- a.napagtagumpayan b.nalampasan 4.magpatirintas- a.nagpasalapid b.nagpapusod

5.kagimbal-gimbal- a. kagulat-gulat b.kataka-taka

III.Tanong 1.Sino ang tatay ni Okonkwo? 2.Sino ang matapang na mandirigma? 3.Ilang taon gulang na si okonwo nang natalo niya si amanlinze? 4.Sino ang anak ni unoka? 5. Bakit galit si Okonkwo sa mahihinang tao?

IV.Pagtataya A.Panuto:Sagutin ang mga gabay na tanong 1.Ilarawan mo si Okonkwo batay sa iyong nabasa? 2.Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo? 3.Makatuwiran baa ng ginawa ni Okonkwo kay ikemefuna? 4.Karapat dapat bang maging mandirigma si Okonkwo? 5.Paano pinakita ni Okonkwo ang kanyang katatagan? B.Enumeration 1-5 Sino-sino ang natalo ni Okonkwo? 6-10 Sino-sino ang mahihinang mandirigma na sinabihan ni okonwo?

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF