Anti Bully Filipino version
March 11, 2018 | Author: ramszlai | Category: N/A
Short Description
anti bullying...
Description
Anti- Bullying Act of 2013 at ang Saklaw nito: ayun sa Batas
Septyembre 12, 2013 nuong naaprubahan at naging “trending” kaagad ang AntiBullying Law. Umani agad ito ng maraming reaksyon , kuro- kuro, at samot saring opinyon. Subalit, upang mas malinaw sa lahat at ito ay mas lalong maintindihan nararapat lamang ang masusing pag aaral at pag intindi nito ayun sa itinakda ng Batas.
Nuong Desyembre 13, 2013, nilagdaan ni Br. Armin A. Luistro, Kalihim ng Departamento ng Edukasyon, ang “Implementing Rules and Regulations (IRR)” ng R.A. 10627, o Ang Anti- Bullying Act of 2013.
Nararapat lamang na masuri ang Batas na ito ayun sa IRR para ito ay mas lalong maintindihan ng karamihan.
Una, ayun sa IRR, ang saklaw ng Batas na ito ay lahat ng pampubliko at pribadong kindergarten, elementarya, sekondarya at ang mga tinaguriang “Learning Centers.” (Section 2, IRR).
Isa sa pinaka kritikal na parte ng Batas ay kung ano ang ibig sabihin o paano masabi na ang isang gawa ay “Bullying”. Ayun sa Batas at ng IRR nito, ang saklaw ng Bullying ay, ang sobra o paulit –ulit na pag gamit ng isa o higit pang mga estudyante ng nakasulat, panalita, o “electronic” na pagpapahayag, o ang pisikal na gawa o pag- galaw, o kahit na ano mang kumbinasyon nito, sa isang estudyante na maka apekto o maglagay sa kanya sa resonabling pagkatakot, pisikal o emosyonal,o pagkasira sa kanyang ariarian; pagresulta sa mapang hamong kapaligiran sa estudyante; paglababag sa karapatan ng isa sa paaralan; o pag sagabal sa proseso ng edukasyon or sa pag papatakbo nito; katulad ng mga sumusunod: 1.) Hindi kanais nais na pisikal na tagpo sa “Bully at sa biktima tulad ng, panununtok, panunulak, paninipa, pananampal, pangingiliti, pangu- ngutos, pagsasagawa ng nakakatawang sitwasyon sa paaralan, pagbibiro,pangangaway, at pag gamit ng mga bagay bilang sandata;
2.) Anu mang gawa na nag dudulot ng pagkasira sa sikolohiya at emosyon ng bikitima; 3.) Ano mang mapanirang puri o akusasyon na makapag dulot sa biktima ng matinding “stress” sa kanyang emosyon; 4.) Mga tinaguriang “Cyber- Bullying”; 5.) At iba pang sistema ng “Bullying” na ayun sa patakaran ng paaralan tungkol sa Pagprotekta sa Kabataan o “Anti- Bullying Policy”. May tinagurian ring “Social Bullying o ang pananadya o paulit- ulit at agresibong katangiang sosyal na nakaka sakit o pag mamaliit sa isang tao o gropo at ang “Genderbased Bullying” o ang gawaing namamahiya o di pagsasama ayun sa kanyang seksualidad o kasarian.
Ayun sa Panuntunan, ang lahat na pribado at pambuklikong kindergarten, elementarya, at sekondaryang paaralan ay dapat gumawa ng mga patakaran para matugunan ang “Bullying” sa kanilang institusyon. At ang mga patakarang ito ay dapat mabalangkas sa tuwi na at kailangang kahit papano ay dapat may mga probisyon tungkol sa mga Ipinagbabawal, mga programa sa pag pipigil at Pakiki alam, mga mekanismo at mga Pamamaraan.
Ayun sa ika Apat na Alituntunin ng Batas, ang lahat na pribado at pampublikong kindergarten, elementarya, at sekondaryang paaralan ay inaatasang mag balangkas ng mga programa sa pag pigil ng “Bullying”. Ang mga programang ito ay dapat kumprehensibo, “multi- faceted”, at dapat madawit ang lahat ng may kinalaman sa edukasyon at mga tauhan nito.
Itinakda din ng batas na ito ang mga Tungkulin at Responsibilidad ng mga iba’t ibang opisina at personalidad, tulad ng Deped Central Office, Division Offices, Regional Offices, Mga principal, administrador, at mga Pangulo ng Paaralan, mga Guro at mga Empleyado. At saka, naka takda din ang mga Paraan sa pag hawak ng mga insidente ng Bullying sa mga Paaralan, halimbawa ay ang tungkol sa “Confidentiality” ang mga kaso ng insidente ng Bullying, ang pag obserba ng “Due process”, at mga alituntunin sa Pag- didisiplina.
Inaatasan din sa Batas na ito na ang Deped ay dapat magtalaga ng mga programa para sa pagsasanay ng mga administrador, guro at empleyado para sa pag dagdag
kaalaman at kakayahan para sa pag sawata at pag hawak ng mga insidente ng Bullying or Paghihiganti. Karagdagan dito inaatas din na kailangang ang mga Paaralan ay mag sumite ng report o kopya ng kanilang Patakaran sa panganalaga ng mga Kabataan at “Anti- Bullying” (sa loob ng anim na buwan pagtapos ng paging epektibo o apruba ng IRR). May itinakdang Kaparusahan ding administratibo sa mga hindi pagsunod sa mga itinakda ng Batas na ito.
Ayun sa IRR, sa Enero ng taon na ito, 2014, magiging epektibo na ang mga nakasaad dito.
By: R. Sasi
View more...
Comments