Ang Talambuhay Ni Dr. Jose Rizal
December 19, 2016 | Author: NicoleBagon | Category: N/A
Short Description
Download Ang Talambuhay Ni Dr. Jose Rizal...
Description
Ang Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
Isang larawan ni José Rizal, Pambasang bayani ng Pilipinas. Ibang pangalan:
José Rizal
Kapanganakan:
Hunyo 19, 1861
Lugar ng kapanganakan:
Calamba, Laguna,Pilipinas
Kamatayan:
Disyembre 30, 1896 (edad 35)
Lugar ng kamatayan:
Bagumbayan (Luneta ngayon),Maynila, Pilipinas
Pangunahing organisasyon: La Solidaridad, La Liga Filipina Pangunahing monumento:
Liwasang Rizal
Si Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19, 1861– Disyembre 30, 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si José Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang kanyang mga kapatid. Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo. Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
TUNGKOL SA PANGALAN NI RIZAL José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang nakatalang buong pangalan ni Rizal sa kanyang katibayan ng kapanganakan at José Rizal Mercado y Alonso o simpleng José Rizal Mercado (ayon sa mga panutong Espanyol) ang kanyang ginamit sa kanyang buong kabataan. Gayumpaman, sa payo ng kanyang kapatid na si Paciano Rizal Mercado, pinalitan ni Rizal ang kanyang legal na pangalan upang hindi siya maiugnay sa mga aktibidad ng kanyang kapatid na kilala noon bilang aktibista at tagasuporta ng binitay na paring si José Burgos. Mula sa kanyang orihinal na pangalang legal ito'y naging José Protasio Rizal (rizal = “luntian”), pinaikling José Rizal. Sa isang liham, isinulat ni Rizal: "My family never paid much attention [to our second surname Rizal], but now I had to use it, thus giving me the appearance of an illegitimate child!" ("Hindi pinapansin ng aking pamilya [ang aming ikalwang apelyidong Rizal], ngunit ngayon'y kailangang kong gamitin ito, kaya't lumalabas na ako'y parang isang anak sa labas!)
MAGULANG NI RIZAL May palayaw na Pepe, siya ay ang ika-pito sa labing-isang anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay kabilang sa ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-labimpitong siglo [2]. Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina sa katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan niya ang kaniyang apelyido ng "Mercado" (pangangalakal). Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit lamang ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Calaveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang mga Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas sa kalituhan mula sa kaniyang kasamang mangangalakal. Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak nina Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko) at ni Brijida de Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda noong 1849.
KABATAAN NI RIZAL Ipinanganak sa Calamba, Laguna si Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring nakaaangat sa buhay dahil sa kanilang hacienda at lupang sakahan. Si Paciano at si Pepe lamang ang mga anak na lalaki sa kanilang labing-isang magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid na babae ay sina Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad. Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya sa murang edad. Natutunan niya ang alpabeto sa edad na tatlo at limang taong gulang naman nang siya ay mututong bumasa at sumulat. Napahanga niya ang kaniyang mga kamag-anak sa angking pagguhit at paglilok. Walong taong gulang siya nang kanyang isinulat ang tulang "Sa Aking Mga Kababata," na ang paksa ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika (na noon ay Tagalog)[3]
EDUKASYON NI RIZAL Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa kaniya ng alpabeto, kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang Gamo-gamo"). Samantala, ang kanyang pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano Aquino Cruz sa Biñan, Laguna.Noong Hunyo 10, 1872 si Rizal ay pumunta ng Maynila para mag-aral sa Ateneo Municipal de Manila. Muntikan na siyang hindi marehistro dahil hindi siya pinayagan ng tiga-rehistro na si Fr. Magin Ferrando dahil siya ay huli na sa pasukan ngunit tinulungan siya ng pamangkin ni Fr. Burgos na si Manuel Xeres Burgos at siya ay narehistro din. Siya ay nakatira sa labas ng eskwelahan ang kanyang kasera ay si Donya Titay. Sa eskwelahan ng Ateneo ay ginugrupo ang mga mag-aaral ng dalwang parte ang Roman Empire (inside border)at Carthaginian Empire(outside border), siya ay sakup sa Carthaginian dahil sa labas siya ng eskwelahan nakatira. Sa isang grupo ay may mga opisyal Emperor(best student),Tribune,Decurion,Centurion at Standard. Ang una niyang magtutudlo ay si Jose Bech ,naging Emperor si Rizal dahil siya ay nanalo sa isang timpalak at nakakuha siya ng isang religious picture para sa kanyang gantimpala. Nag-aral din siya sa Kolehiyo ng Santa Isabel para pagbutihin ang kanyang Wikang Kastila.
MGA AKDA Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang Noli me tangere (Huwag Mo Akong Salingin) na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886), sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At nilathala ang El Filibusterismo (Mga Pagbalakid o Pangungulimbat) sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Dr. Maximo Viola ng 300 piso sa pagpapalimbag. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang pagkakaisang-diwa at katauhan ng mga Pilipino, na nauwi sa Rebolusyon ng 1896. Noong siya'y walong taong gulang pa, naisulat niya ang tulang Sa aking mga Kabata na naging Sa Aking mga Kababata. Tumutukoy ang tulang ito sa pagmamahal sa bayan dahil bata pa lang siya ay nakitaan na siya ng pagiging nasyonalismo. Nang malapit na siyang bitayin, sinulat niya Mi Ultimo Adios (Huling Pamamaalam). Kabilang sa iba niyang naisulat ay ang Awit ni Maria Clara, Pinatutula Ako, Ang Ligpit Kong Tahanan atbp. Dagdag dito, si Rizal din ang masugid na taga-ambag ng mga sulatin sa La Solidaridad, isang pahayagang inilunsad ng mga Pilipinong repormista sa Espanya. Sumulat siya sa ilalim ng pangalang Dimasalang at Laong-laan, habang lumagda naman si Marcelo Del Pilar bilang Plaridel.
ANG BUHAY PAG-IBIG NI RIZAL “Lagi na, si Rizal ay tinatalakay bilang isang lalaking may malalim na pag-ibig sa bayan,subalit tulad din naman ng isang pangkaraniwang nilalang siya rin naman ay marunonghumanga at magmahal sa mga anak ni Eba.” MGA BABAING NAGKAROON NG KAUGNAYAN KAY RIZAL: JULIA (Abril, 1877; Los Baños, Laguna): Dalagitang taga-Los Baños, Laguna na nakilala ni Rizal sa dalampasigan ng Ilog Dampalit noong sya ay 16 na taong gulang pa lamang at ito ang babae na una niyang napagtuunan ng paghanga. SEGUNDA KATIGBAK (Disyembre, 1877; Troso, Maynila): Dalagitang taga-Lipa, Batangas na nakilala ni Rizal sa Troso, Maynila na sinasabing unang niyang pag-ibig. BB. L. (Pakil, Laguna): Dalagang naninirahan sa Pakil, Laguna na pinaniniwalaang ang gurong si Jacinta Ibardo Laza nanakatira sa bahay ni Nicolas Regalado na kaibigan ni Rizal. Sa dalagang ito pilit ibinabaling niRizal ang kanyang atensyon para pawiin ang pangungulila kay Segunda. LEONOR RIVERA: Pinsan ni Rizal na binansagang “La Cuestion del Oriente” ng matalik na kaibigan ni Rizal na si Jose Ma. Cecilio. Ito ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal at ang dalagang sinasabing nais pakasalan ni Rizal at tanging babae sa kanyang buhay na tunay niyang minahal ng kakaiba sa iba pang babaing kanyang inibig. CONSUELO ORTIGA Y PEREZ (Madrid): Isang babaeng Kastila na taga-Madrid na nakatagpo ni Rizal at pinaghandugan nito ng tula. O-SEI-SAN (USUI-SEIKO) (Hapon): Isang Haponesa na nakatagpo ni Rizal sa bansang Hapon, nang sya ay maanyayahan na magingkasapi ng pasuguan ng Kastila sa bansang iyon. Siya ay pinaniniwalaang isa sa tatlong babainglabis na minahal ni Rizal, na nagparanas sa kanya ng pinakaromantikong bahagi ng kanyang buhay.
GERTRUDE BECKETT (Disyembre, 1888; Chalcott Crescent, London): Dalagang taga-London na nagkaroon ng lihim na kaugnayan kay Rizal. NELLY BOUSTED (Hulyo, 1889; Paris): Sinasabing ang babaing may karakter na pinakamalapit sa karakter ni Rizal sa lahat ngbabaing nagkaroon ng kaugnayan sa kanya. Ito ang babaing may lahing Anglo-Pilipino naminamahal din ni Antonio Luna. JOSEPHINE BRACKEN (Dapitan): Ang babainglahing Irish namula sa Hongkong na nagpunta ng Dapitan upang ipagamot angmata ng kanyang ama-amahan. Siya ay inangking asawa ni Rizal kahit walang pahintulot ngsimbahan dahil na rin sa pagtanggi ng Obispo ng Cebu na sila ay makasal. Ito ay tinawagniyang “dulce estranghera” sa kanyang hinabing tula ng pamamaalam. Makikita ang malaking bahagi ni Leonor Rivera sa buhay ni Rizal sa mga sulating kagaya ng “If Dreams Must Die” at “The Love of Leonor Rivera” ni Severino Montana. Kung saan kapwa nagpapakita ng imahe ng isang dalagitang umiibig sa bata nitong puso, isang kolehiyala na naihahalintulad kay Maria Clara, at isang walang-hanggang pag-ibig ni Rizal. Sa buhay ng pagka-bayani ni Rizal ay may dalawang babae na kapwa nagkaroon ng mahalagang bahagi, ito ay ang kanyang ina at si Josephine Bracken. Si Donya Teodora Alonzo ay isang mapagmahal at mapag-kalingang ina, na nagpakita ng mga katangian ng isang huwarang inang Pilipino. Isang parokyano ng Kristiyanismo, para sa kanya ay isang pagtalikod o kasalanan sa paniniwala ang pag-aaral ng siyensya at pag-ibig kay Josephine Bracken. Samantalang makikita si Leonor Rivera kay Maria Clara, si Josephine Bracken naman ay kay Salome. Si Salome ang karakter ni Rizal sa Noli Me Tangere na hindi isinama sa publikasyon kaya iilan lamang ang nakakikilala. Si Salome ay ang iniibig ni Elias, isang babaeng kakikitaan ng liberal na pag-uugali sa pagsasalita, pagkilos at pananaw sa sex. Ang usapan nina Elias at Salome ay isang senaryong kakikitaan ng lubusang pagtukoy sa pagnanasa bago pa ang mga sulatin ni Jose Garcia Villa. Maihahalintulad din si Josephine Bracken kina Magdalene, Mat Hari, Kitty O’Shea, Sadie Thompson, at Joan of Arc. Si Josephine Bracken ang naging daan upang makita ang liberalismo ni Rizal ng ina nito at mga kapatid. Isa na rito ang naging pagtatalo ni Rizal at ng kanyang ina tungkol sa pagsasama nila ni Josephine Bracken kahit na walang basbas ng simbahan. Bukod sa pagiging liberal taglay din ni Josephine Bracken ang mga kaugalian kagaya ng pagiging matatag at may buong-loob sa pakikipaglaban ng kanyang mga pinaniniwalaan. Ayon kay John Foreman, si Josephine Bracken ay maihahalintulad kina Gabriela Silang at Joan of Arc sa kanyang walang hanggang pakikibaka sa laban ng mga Katipuneros kahit sa pagkamatay ni Rizal. Unang nakita si Josephine sa Asamblea sa Imus, Kabite noong ika-29 ng Disyembre. Kasama niyang dumating sa pagtitipon si Paciano Rizal at iba pang kabilang sa pamilya Rizal. Ayon pa kay General Ricarte, hindi rin matatawaran ang partisipasyon ni Josephine sa paggagamot sa bahay sa Tejeros kung saan naging nurse at inspirasyon siya sa mga may sugat at iba pang nagpupunta dito. Gayundin ay makikita ang partisipasyon ni Josephine sa “Battles of Silang” st “Battle of Dasmariñas” noong ika-27 ng Pebrero. Makikita ang lubhang katatagan ni Josephinwe Bracken sa Rebolusyon, nang panahon kung kailan dadakipin na siya ng mga Espanyol. Kung saan naglakad siyang dumudugo ang mga paa mula sa Maragondon hanggang Laguna hanggang makarating siya sda daungan papuntang Maynila. Si Josephine Bracken ay isang malaking bahagi ng kasasayan ng Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan noong taong 1902 sa sakit na tubercolosis. Ang kanyang kusang-loob na pakikibahagi sa Rebolusyon at patuloy na pagtulong sa mga Pilipino sa kabila ng hindi pagkilala ng mga ito sa kanya noong una ay sadyang kahanga-hangang kaugaliang napatunayan ni Josephine Bracken sa loob ng mahabang panahon.
MGA HULING ARAW NI JOSE RIZAL 03 Nobyembre 1896 Dumating si Rizal sa Manila ng dalawampu't-pitong araw galing Barcelona saan siya'y umalis noong Oktubre 6. Ikinulong siya sa Fort Santiago. 20 Nobyembre 1896 Nagpakita siya kay Francisco Olive y Garcia nung siya pa ay nakarating sa Fort Santiago nung Nobyembre 3. Hinarap niya ang mga katanungan na binigay sa kanya: ang mga relasyon, kaibigan, atbp. niya sa Rebolusyon. Tumagal ang mga katanungan nito ng limang araw. 11 Disyembre 1986 Ang mga paratang ni Rizal ay ipinagbasa sa kanya at sa kanyang tagapagtanggol, si Lt. Luis Taviel de Andrade. Dahil dito, hindi puwede humarap si Rizal sa mga saksi na nasakdal sa kanya. 21 Disyembre 1896 Sinulat niya and kanyang depensa sa Fort Santiago. 22 Disyembre 1896 Si Jose Rizal, incomunicado sa Fort Santiago, ay sumulat ng isang "manifesto" sa kanyang kababayan para tumigil ang kanilang labanan. Hindi ipinalatha ng pamamahalang Espanyol ang kanyang "manifesto". 23 Disyembre 1896 Nagsulat siya kay Lt. Andrade, naghihingi ng patawad para sa kanyang mga kapatid na babae na sinasadyaing sumangguni sa isang sikat na abugado para sa kaso niya., 24 Disyembre 1896 Ang mga paratang ni Lieutenant Fiscal D. Enrique Alcocery R. de Vaamonde kay Rizal, ay binasa sa mga miyembro ng Sanggunian Digmaan. 25 Disyembre 1896 Nasa Fort Santiago si Rizal nung Araw ng Pasko at nais niyang makita ang tagapagtanggol niya priyor sa miting niya sa Sanggunian Digmaan, ay sumulat kay Lt. Luis Taviel de Andrade para pakiusapin siyang magpakapanayamin. 26 Disyembre 1896 Pumunta siya sa Cuartel de España saan siya'y dumating ng 8:10 ng umaga. Nagpakita siya sa Sanggunian Digmaan para iharap ang kanyang mga kaso. 27 Disyembre 1896 Tagasuri Heneral D. Nicolas de la Peña ay nagsabi ng hatulan ng kamatayan kay Rizal. 28 Disyembre 1896 Gobernador-Heneral Polavieja ay nagutos sa araw na ito ng hatulan ng kamatayan ni Rizal. Si Polavieja ang nagpatunayan ng hatulan. 29 Disyembre 1896 Sa isang sulat, sinabi ni Rizal kay Propesor Blumentritt na mamamatay siya sa Bagumbayan ng alas syete ng umaga. Sumulat din siya ng maraming pasalamat kay padre Paciano na nagsakripisyo para kay Rizal upang siya'y magaral sa ibang bansa. Ang hatol ni Tagasuri Heneral D. Nicolas de la Peña at ang pagpapatiby ng hatol ng kamatayan ni Gobernador-Heneral Polavieja, ay binasa kay Rizal ni Tagahatol Dominguez sa umaga ng araw na ito. Kalmado si Rizal at hindi naapektuan ang kanyang pagpipirma ng dokyumento judisyal. 30 Disyembre 1896 Humingi ng patawad si Rizal sa kanyang mga magulang para sa lahat ng bagay na
nagpapasakit na binigay niya sa kanila pagpalit sa mga pagsasakripisyo at bagay na hindi sila natutulog para sa edukasyon niya. Ala syete at tres na segundo ng umaga, sa harap ng maraming Filipinos at Spaniards sa kabukiran ng Bagumbayan, binarilan si Rizal sa kanyang likod. Nahulog siya paharap ng umaangat na araw.
PAGBITAY, KAMATAYAN, AT PAGKA-MARTYR Noong 1896, natuklasan ang lihim na samahang Katipunan, kaya bigla itong naglunsad ng rebolusyon. Nang mga panahong iyon. Pinayagan si Rizal ng pamahalaang maglingkod sa Cuba bilang manggagamot sa panig ng Espanya at naglalayag patungo sa nasabing lugar. Pagsiklab ng himagsikan, kaagad siyang ipinaaresto sa barko at ipinabalik sa Pilipinas. Nadawit siya bilang kapangkat at kapanalig ng mga nag-aalsa. Pinaratangan siya ng paghihimagsik at pagtatangkang ibagsak ang pamahalaan, at pagtatatag ng isang bawal na samahan. Napatunayang siyang nagkasala at hinatulan ng bitay. Noong ika-30 ng Disyembre 1896, binaril siya sa Bagumbayan, na Liwasang Rizal ngayon. Hiniling niyang huwag lagyan ng piring sa mata at mabaril ng paharap, subalit pinayagan lamang na alisin ang piring sa mata. Dahil dito, sa pagbaril sa kanya, siya'y pumihit paharap, habang bumabagsak, bilang tanda na hindi siya taksil sa pamahalaan. Sipi mula sa kaniyang huling liham: "Prof. Fernando Blumentritt - My dear Brother, when you receive this letter, I shall be dead by then. Tomorrow at 7, I shall be shot; but I am innocent of the crime of rebellion..." (Mahal na Kapatid, wala na akong buhay sa oras na matanggap mo ang liham na ito. Bukas ng ala-siyete, ako ay babarilin; subalit ako ay walang kinalaman sa salang rebelyon...) Hindi kalayuan sa lugar na kanyang kinabagsakan, may isang malaking monumento ngayon, gawa ni Richard Kissling, isang eskultorescoces na siya ring lumikha ng estatwa ni Wilhelm Tell. May nakasulat dito- "Nais kong ipakita sa mga nagkakait ng karapatan sa pag-ibig sa tinubuang lupa, na kapag tayo'y marunong mag-alay ng sariling buhay alinsunod sa ating tungkulin at paniniwala, ang kamataya'y di mahalaga, kung papanaw dahil sa ating mga minamahal- ang ating bayan at iba pang mga mahal sa buhay."
TALAHANAYAN NG BUHAY, GINAWA, AT MGA SINULAT KABANATA 1 - ANG PAGDATING NG PAMBANSANG BAYANI A. Pagsilang 1. Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna 2. Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861. 3. Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal 4. Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal A. Magulang 1. Francisco Mercado Ipinanganak noong Mayo 11, 1818 Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San San Jose Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang Dominicano sa Calmba. Namatay noong Enero 5, 1898.
2. Teodora Alonzo Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila
Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol. Namatay noong Agosto 16, 1911
A. Magkakapatid na Rizal 1. Saturnina 2. Paciano 3. Narcisa 4. Olympia 5. Lucia 6. Maria 7. Jose 8. Concepcion 9. Josefa 10. Trinidad 11. Soledad A. Mga Ninuno 1. Ninuno sa Ama Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la Rosa naging anak si Francisca Mercado at napangasawa si Cerila Bernacha naging anak si Juan Mercado at napangasawa si Cerila Alejandro at naging anak si Francisco Mercado at napangasawa si Teodora Alonzo at naging anak si Jose Rizal
2. Ninuno sa Ina Eugenio Ursua napangasawa si Benigna at naging anak nila si Regina na naging asawa ni Manuel de Quintos at naging anak nila si Brigida na napangasawa ni Lorezo Alberto Alonzo at naging anak nila si Teodora Alonzo na napangasiwa ni Francisco Mercado at naging anak nila si Jose Rizal
A. Pamilyang Rizal Ang Kabuhayan ng Pamilya Ang pamilya ay kabilang sa pangkat na principalia at isa sa mga kinikilalang pamilya sa Calamba. Ang ama ay nangungupahan sa lupain na pag-aari ng hacienda ng mga Dominicano sa Calamba at tinataya na ang kaniyang lupang sinasaka ay umaabot ng 600 na hektarya. Ang lupa ay tinataniman ng palay mais at tubo. Maliban sa pagsasaka ang pag-aalaga ng hayop ay isa sa kanilang mga hanapbuhay. Ang ina ni Rizal ay mayroong isang tindahan sa ilalim ng kanilang bahay, gilingan ng trigo para maging harina, at gawaan ng hamon. Ang pamilya ay isa sa mga unang nakapagpagawa ng bahay na bato sa Calamba. Nagmamay-ari sila ng isang karwahe na isang karangyaan sa panahong iyon. Mayroon silang isang aklatan sa bahay na naglalaman ng 1,000 aklat. Naipadala ng mga Rizal ang kanilang mga anak sa Maynila para mag-aral. B. Ang Tahanan ng mga Rizal
1. Ang bahay ng mga Rizal ay gawa sa bato at matitigas na kahoy at ito ay nakatayo na malapit sa simbahan ng Calamba. 2. Ang paligid ng kabahayan ay natataniman ng mga punong atis, balimbing, chico, macopa, papaya, santol, tampoy, at iba pa. 3. Ang bakuran ng bahay ay naging alagaan ng mga manok at pabo. KABANATA 2 – KABATAAN SA CALAMBA 1. Mga Ala-ala ng Kamusmusan Panonood ng mga ibon. Araw-araw na pagdadasal sa oras ng angelus. Pagkukuwento ng kaniyang yaya ukol sa asuwang, nuno, at tikbalang. Ang una niyang kalungkutan ay ang pagkamatay ng kaniyang nakababatang kapatid na si Concha. Sa edad na tatlo ay nakasama na siya sa pagdadasal ng pamilya. Pagpunta sa Antipolo noong Hunyo 6, 1868. Ito ang kaniyang unang pagtawid sa Lawa ng Laguna. Pagkatapos ng pagpunta sa Antipolo ay nagtungo sila ng kaniyang tatay sa Maynila. Ang hindi niya malimutan ay ang kuwento ng kaniyang ina ukol sa gamo-gamo.
2. Mga Talento sa Panahon ng Kamusmusan Inayos niya at binigyan ng bagong guhit ang bandera ng simbahan. Paggagawa ng imahen mula sa putik (clay). Sa edad na 8 ay kaniyang isinulat ang tulang Sa Aking mga Kabata na nagbibigay ng pagpapahalaga sa kaniyang sariling wika. Sa edad na 8 ay sinulat niya ang isang drama na nakaukol sa kapistahan ng Calamba at ang nasabing gawa ni Rizal ay binili sa kaniya ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna.
Mga Inpluwensiya Kay Rizal Namana 1. Mula sa mga ninunong Malayo ay namana niya ang pagmamahal sa kalayaan, paghahangad sa paglalakbay, at katapangan. 2. Mula sa kaniyang mga ninunong Tsino ay namana niya ang pagiging seryoso, katipiran, katiyagaan, at pagmamahal sa mga bata. 3. Mula sa kaniyang mga ninunong Espanyol ay namana niya kapinuhan sa pagkilos at kanipisan sa insulto. 4. Mula sa kaniyang ama ay namana niya ang pagtitiyaga sa trabaho, paggalang sa sarili, at malayang pag-iisip. 5. Mula sa kaniyang ina ay namana niya pagpapakasakit sa sarili at pagnanais sa sining at panitikan. Kapaligiran 1. Ang kapaligiran ng Calamba ay nagsilbing kaniyang pang-enganyo sa pagmamahal sa sining at literatura. 2. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay nagturo sa kaniyang kaisipan ukol sa pagmamahal sa kalayaan at katarungan. 3. Mula sa kaniyang mga kapatid na babae ay natutunan niya ang paggalang sa mga kababaihan. 4. Ang pakikinig niya sa mga kuwento ng kaniyang yaya ay nagbigay sa kaniyang interes sa mga kuwentong bayan at mga alamat. 5. Mula sa kaniyang tatlong mga kapatid ay nainpluwensiyahan siya ng mga sumusunod: 1. Jose Alberto Alonzo ay natutunan niya ang pagmamahal sa sining.
2. Manuel Alonzo ay natutunan niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng katawan. 3. Gregorio Alonzo ay natutunan niya ang ang malabis na pagkahilig sa pagbabasa. 6. Padre Leoncio Lopez ay natutunan niya ang pagmamahal sa makaiskolar at pilsopikal na pag-iisip. KABANATA 3 - ANG PAG-AARAL SA CALAMBA AT BIÑAN 1.Mga Unang Guro ni Rizal
1. 2. 3. 4.
Doña Teodora Alonzo - ang unang guro ni Rizal Mestro Celestino Lucas Padua Leon Monroy
2. Pagpunta sa Biñan 1. Hunyo 1869 - si Rizal ay umalis ng Calamba para magtungo sa Biñan para mag-aral. 2. Sinamahan siya ng kaniyang kapatid na si Paciano. 3. Justiniano Aquino Cruz - ang naging guro ni Rizal sa Biñan. 3. Mga Naging Gawain sa Pag-aaaral 1. Sa unang pagkikita niya sa kaniyang guro ay sinabi niya ang kaniyang kakauntian ng kaalaman sa Espanyol at Latin. 2. Sinabi ni Rizal na ang kaniyang guro ay may kahusayan sa balarilang Espanyol na sinulat nina Nebrija at Gainza. 3. Nakaaway ni Rizal si Pedro na anak ng kaniyang guro. 4. Nagkaroon din siya ng away sa mga bata sa Biñan isa na rito si Andres Salandanan na tumalo sa kaniya. 5. Nag-aral si Rizal ng pagpipinta kay Matandang Juancho na dito ay nakasama ng kaniyang kaeskuwelang si Jose Guevarra. 6. Sa pagsapit ng ilang buwan si Rizal ay nanguna sa kaniyang mga kaeskuwela sa mga Espanyol, Latin at iba pang mga aralin. 7. Sa kabila ng kahusayan ni Rizal sa pag-aaral, siya ay napapalo ng kaniyang maestro halos araw-araw dahilan sa mga sumbong laban sa kaniya ng kaniyang mga kamag-aral. 8. Nilisan ni Rizal ang pag-aaral sa Biñan noong Disyembre 1870 pagkatapos ng halos isa at kalahating taon. 9. Nilisan ni Rizal ang Biñan sakay ng Barkong Talim na naghatid sa kaniya sa Calamba. Ang Gomburza 1. Sa kaniyang pag-uwi sa Calamba ay nabalitaan niya ang Pag-aalsa sa Cavite at ang pagbitay sa tatlong paring martir na sina Jose Burgos, Mariano Gomez, at Jacinto Zamora. 2. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay naging malapit na mag-aaral ni Padre Jose Burgos. 3. Si Paciano sa maraming pagkakataon ay naibahagi kay Rizal ang mag ideya at pilosopiya ni Jose Burgos. Kawalan ng Katarungan sa Kaniyang Ina 1. Pagkatapos ng kamatayan ng Gomburza, ang ina ni Rizal ay pinagbintangan na nagbabalak na lasunin ang asawa ng kaniyang kapatid (Jose Alberto) . 2. Ang mga kaaway ng pamilyang Rizal at ang hipag ng kaniyang ina ay nagkipagsabawatan upang maisangkot ang ina sa nasabing bintang na paglason. 3. Pagkatapos na madakip ni Donya Teodora, ito ay pinaglakad mula Calamba hanggang Santa Cruz, Laguna na ang layo ay 50 kilometro. 4. Ang ina ni Rizal ay nakulong sa loob ng dalawa at kalahating taon.
KABANATA 4 PAG-AARAL SA ATENEO 1. Ang Pagpasok ni Rizal sa Ateneo 1. June 20, 1872 – sinamahan si Rizal ni Paciano para magpunta sa Maynila. Kumuha ng pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa sa Colegio ng San Juan de Letran. Nagbalik si Rizal sa Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistahan sa kaniyang pagbabalik sa Maynila ay nagbago ng isip si Rizal at nagbalak na pumasok sa Ateneo. 2. Hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahilan sa siya 1. huli na sa patalaan 2. maliit para sa kaniyang edad 3. Sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang kaniyang apelyidong Rizal imbes na Mercado. 4. Manuel Xerex Burgos – ang pamangkin ni Jose Burgos na tumulong upang makapasok si Rizal sa Ateneo. 5. Nanirahan siya sa isang paupahang bahay na pag-aari ni Señora Titay sa Daang Caraballo, na nasa labas ng Intramuros. 2. Sistema ng Edukasyong Heswita 1. Mas adbanse ang edukasyong ipinagkakaloob ng mga Jesuita kumpara sa mga kolehiyo noong sa Pilipinas. 2. Ang layunin ng edukasyon ng mga Jesuita ay ang hubugin ang mga mag-aaral sa mga aral ng Katolisismo, kaalaman sa sining at agham. Ang isang matalinong Katoliko mula sa pananaw ng mga Jesuita ay magiging mabuting tagapagtanggol ng simbahan. Ang pangunahing pilosopiya ng Ateneo ay Ad Majorem Dei Gloriam – Para sa Higit na Kadakilaan ng Diyos. 3. Hinati ang klase sa dalawang pangkat 1. Imperyong Romano – katawagan sa mga internos o mga mag-aaral na nakatira sa loob ng bakuran ng Ateneo. 2. Imperyong Cartago – katawagan sa mga externos o mga mag-aaral na nakatira sa loob ng bakuran ng Ateneo. 1. Unang Taon sa Ateneo (1872-73) 1. Padre Jose Bech S.J. – ang guro ni Rizal sa kaniyang unang taon sa Ateneo. 2. Nagsimula siyang nasa mababang ranggo sa imperyong Cartago ngunit sa paglipat ng mga linggo ay nagawang makapanguna sa kaniyang mga kamag-aral. 3. Napanalunan niya ang kaniyang unang gantimpala sa kaniyang pag-aaral – isang larawang pangrelihiyon. 4. Upang mapagbuti ni Rizal ang kaniyang kaalaman sa wikang Esanyol siya ay nagpaturo ng aralin sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng kaniyang pamamahinga sa tanghali. 5. Sa kalagitnaan ng taon si Rizal ay hindi nagbuti sa kaniyang pag-aaral upang mapanatili ang kaniyang pangunguna sa klase ito ay dahilan sa kaniyang sama ng loob sa hindi makatwirang puna ng guro sa kaniya. 6. Sa bakasyon ng 1873, si Rizal ay hindi naging masaya dahilan sa nasa bilangguan ang kaniyang ina. Lihim na pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang kaniyang ina at kinuwentuhan niya ang ina ukol sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo. 2. Ikalawang Taon sa Ateneo (1873-74) 1. Walang masyadong mahalagang pangyayari kay Rizal sa Ateneo sa taong ito. 2. Hindi nagpakita ng pangunguna sa pag-aral si Rizal dahilan sa sama ng loob dailan sa hindi magandang puna ng guro sa kaniya 3. Dumating sa Ateneo ang ilan sa kaniyang mga dating kamag-aral sa Biñan. 4. Hinulaan ni Rizal ang nalalapit na paglaya ng kaniyang ina. 5. Nagsimula si Rizal ng kaniyang pagkahilig sa pagbabasa at ilan sa mga aklat na ito ay ang mga sumusunod:
1. Count of Monte Cristo na sinulat ni Alexander Dumas. 2. Universal History na sinulat ni Cesar Cantu na pinilit niyang ipabili sa kaniyang ama. 3. Travels in the Philippines na isinulat ni Dr. Feodor Jagor. 3. Ikatlong Taon sa Ateneo (1875-76) 1. Nagbalik si Rizal sa Ateneo para sa kaniyang Ikatlong Taon. 2. Dumating ang kaniyang ina at ipinaalam kaniyang paglaya kay Rizal. 3. Hindi rin kinakitahan ng pangunguna si Rizal sa klase. 4. Natalo siya ng mga kamag-aral na Espanyol sa wikang Espanyol dahilan sa mas mahusay ang mga ito sa sa tamang pagbigkas. 4. Ika-apat na Taon sa Ateneo (1876-77) 1. Sa taong ito ay nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez S.J. Ang nasabing pari ang humikayat kay Rizal para mag-aral na mabuti, lalo na sa pagsulat ng mga tula. 2. Sinabi ni Rizal na si Padre Francisco de Paula Sanchez ay isang modelo ng katuwiran at pagsisikap para sa pag-unlad ng kaniyang mga mag-aaral. 3. Dahilan dito ay nagbalik ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at natapos ang taon ng pag-aaral na mayroong limang medalya. 5. Huling Taon sa Ateneo (1876-77) 1. Naging ganap ang sigla ni Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo. 2. Nagtapos si Rizal sa Ateneo noong Marso 23, 1877 at natamo sa paaralan ang Bachiller en Artes.
6. Mga Naging Ibang Gawain sa Ateneo 1. Mga Samahan na Kinasapian ni Rizal 1. Kalihim ng Marian Congregation 2. Kasapi ng Academy of Spanish Language 3. Kasapi ng Academy of natural Sciences 2. Nag-aral siya pagguhit kay Agustin Saez na kilalang mahusay na pintor na Espanyol. 3. Nag-aral siya ng paglililok kay Romualdo de Jesus. 4. Nag-aral din siya ng eskrima at gymnastics. 5. Padre Jose Villaclara - nagsabi kay Rizal na tigilan na ang pagsulat ng tula. 7. Likhang Lilok 1. Imahen ng Birheng Maria na ipagkakaloob sana ni Rizal kay Padre Lleonart. 8. Unang Pag-ibig ni Rizal 1. 2. 3. 4.
Segunda Katigbak – ang babaeng unang minahal ni Rizal. Mariano Katigbak – kapatid ni Segunda at kaibigan ni Rizal. La Concordia – ang paaralan na pinapasukan ni Segunda Katigbak. Manuel Luz – ang lalaking takdang mapangasawa ni Segunda.
KABANATA 5 PAG-AARAL NG MEDISINA SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS (187782) 1. Sa pagtatapos ni Rizal sa Ateneo ay naghanda siya para sa pag-aaral sa unibersidad.
2. Ang planong pagpasok ni Rizal sa unibersidad ay tinutulan ng kaniyang ina dahilan sa pagkakaroon nito ng maraming kaalaman ay nanganganib ang buhay ni Rizal. 3. Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ina si Rizal ay isinama ni Paciano sa Maynila para magaral. 4. Noong Abril 1877 nagpatala para mag-aral si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas. 5. Ang una niyang kursong kinuha ay Pilosopia Y Letra bunga ng mga sumsusunod na dahilan: 1. Ito ang gusto ng kaniyang ama 2. Wala pa siyang tiyak na kursong gusto 6. Padre Pablo Ramon SJ – ang hiningan ni Rizal ng payo ukol sa kaniyang dapat na maging kurso sa UST. 7. Sa unang semestre ng taong 1877-78 si Rizal din ay nag-aral sa kursong perito agrimensor sa Ateneo. 8. Sa ikalawang Semestre ng nasabing taon ay natanggap ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Ramon SJ na nagpapayo sa kaniya na kumuha ng Medisina. Kinuha ni Rizal ang kurso dahilan sa kaniyang pagnanais na magamot ang kaniyang ina. 9. Nagkaroon si Rizal ng relasyon sa mga sumusunod na babae: 1. Binibining L. – isang babae na taga Calamba na laging dinadalaw ni Rizal sa gabi sa panahon ng bakasyon na umuwi siya mula Maynila na bigo kay Segunda Katigbak. 2. Leonora Valenzuela – kapitbahay ng inuupahang bahay ni Rizal. Kaniya itong pinadadalhan ng sulat sa pamamagitan ng hindi nakikitang tinta. 3. Leonor Rivera – pinsan ni Rizal at anak ng kaniyang inuupahang bahay. Sa kanilang pagsusulatan ay ginagamit ni Leonor ang pangalang Taimis. 10. Si Rizal ay naging biktima ng isang opisyal na Espanyol noong 1878. Si Rizal ay pinalo ng sable sa likod ng nasabing opisyal. 11. Noong 1879, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario. Sa nasabing paligsahan ay nanalo ng unang gantimpala ang kaniyang tulang sinulat na may pamagat na A La Juventud Filipina.Ang paligsahan ay para lamang sa mga Pilipino. 12. Noong 1880, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario ukol bilang pagpaparangal sa ika-400 taon ng kamatayan ni Miguel de Cervantes. Sa nasabing paligsahan ang kaniyang ginawang akda na may pamagat na El Consejo de los Dioses ay nanalo ng unang gantimpla. Ang paligsahan ay bukas sa mga Pilipino at Espanyol. 13. Kampeon ng mga Estudyante – Nagtayo sina Rizal ng isang samahan na tinatagwag na Compañerismo sa layunin na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga pang-iinsulto ng kanilang mga kamag-aral na Espanyol. 14. Hindi naging masaya si Rizal sa UST bunga ng mga sumusunod na kadahilanan; 1. Galit sa kaniya ang mga guro ng UST 2. Minamaliit ang mga mag-aaral na Pilipino ng mga Espanyol 3. Makaluma ang sistema ng pagtuturo sa UST KABANATA 6 – PAGPUNTA SA ESPANYA (1982-85) A. Ang Pag-alis 1. Sa pagtatapos ni Rizal sa kaniyang ika-apat na taon ng pag-aaral ng medisina sa UST si Rizal ay nagbalak na tumungo ng Espanya para dito magpatuloy ng pag-aaral. 2. Ang Lihim na Pag-alis ni Rizal 1. Paciano – ang nagbalak ng pag-alis ni Rizal para magtungo sa Europa. 2. Antonio Rivera – ang ama ni Leonor Rivera na kumuha ng pasaporte ni Rizal patungo ng Espanya. 3. Jose Mercado – ang ginamit na pangalan ni Rizal sa kaniyang lihim na pag-alis patungo sa Espanya. 3. Umalis si Rizal sa Pilipinas noong Mayo 3, 1882 sakay ng barkong Salvadora.
4. Donato Lecha – ang kapitan ng barkong Salvadora. B. Singapore 1. Mayo 8, 1882 – narating ni Rizal ang Singapore. 2. Hotel de la Paz – hotel na tinuluyan ni Rizal sa Singapore. 3. Dinalaw ni Rizal ang mga sumusunod: 1. 2. 3. 4.
Harding Botaniko Distritong Pamilihan Templong Budista Estatwa ni Thomas Stanford Raffles – tagapagtatag ng Singapore.
4. Nilisan ni Rizal ang Singapore sakay ng barkong Djemnah. B. Colombo 1. Maraming iba’t ibang lahi ang nakasabay ni Rizal sa barko Djemnah at binalak ni Rizal na magsalita ng Pranses ngunit hindi siya naintidihan ng mga ito. 2. Ang kaniyang sinabi sa Port Galle ay masyadong malungkot ang lunsod. 3. Nakarating siya sa Colombo at sinabi niyang maganda ang lunsod kaysa sa Singapore, Port Galle, at Maynila. B. Suez Canal 1. Suez Canal – isang lagusang tubig na nag-uugnay ng Red Sea at Mediterrenean Sea. 2. Ferdinand de Lesseps – isang diplomatikong Pranses na nagplano ng pagtatayo ng Suez Canal. 3. Nakarating si Rizal sa Port Said na dulong bahagi ng Ehipto. Dito nakita ni Rizal ang mga tao na nagsasalita ng iba’t ibang mga wika. B. Naples at Merseilles 1. Nagtungo ang barkong Djemnah sa Europa at noong narating ni Rizal ang Naples noong Hunyo 11, 1882. 2. Kinabukasan ay narating niya ang daungan ng Merselles at kaniyang binisita ang Chateu d’If na siyang lugar na binanggit ni Alexander Dumas sa kaniyang nobelang Count of Monte Cristo. B. Barcelona 1. Hunyo 15, 1882 nilisan ni Rizal ang Merseilles aty narating ang Barcelona sakay ng tren galing Pransiya. 2. Narating niya ang Barcelona noong Hunyo 16, 1882. 3. Hindi maganda ang unang impresyon ni Rizal sa Barcelona dahilan siya ay napatira sa hindi magandang bahagi ng lunsod. 4. Sa bandang huli ay nagbago ang kaniyang pananaw sa Barcelona dahilan sa nakita niya ang lunsod ay nagtataglay ng kalayaan at liberalismo, ang mga tao ay palakaibigan, at magagalang. 5. Plaza de Cataluña – ang paboritong kaininan ng mga mag-aaral na Pilipino sa Barcelona at dito binigyan si Rizal ng isang piging bilang pagbati sa kaniyang pagdating. B. Amor Patrio 1. Amor Patrio – ang unang akda ni Rizal sa labas ng bansa. Dito rin ginamit ni Rizal ang pangalan sa panulat na Laong Laan. 2. Diariong Tagalog – isang mapangahas na pahayagan sa Maynila na naglathala ng kaniyang mga artikulo. 3. Basilio Teodoro – ang patnugot ng Diariong Tagalog.
4. Marcelo H. Del Pilar – ang nagsalin ng Amor Patrio mula sa wikang Espanyol sa wikang Tagalog. 5. Iba pang mga artikulong ipinadala ni Rizal sa Diariong Tagalog 1. Los Viajes 2. Revista del Madrid B. Paglipat sa Madrid 1. Sa Barcelona ay nabalitaan ni Rizal ang balita ukol sa epidemya ng kolera sa Pilipinas. 2. Nakatanggap siya ng sulat mula kay Jose Cecilio na nagbabalita ng malungkot na kalagayan ni Leonor buhat ng siya ay umalis. 3. Pinayuhan ni Paciano si Rizal na lumipat ng Madrid. B. Buhay sa Madrid 1. Nagpatala si Rizal sa Universidad Central de Madrid sa mga kursong:
1. Medisina 2. Pilosopiya at Pagsulat 2. Nagsikap na Matutunan ang mga sumusunod: 1. Pagpipinta at Paglilok sa Academy of Fine Arts of San Fernando 2. Nagsanay ng eskrima at pagbaril sa Hall of Arms of Sanz y Carbonell 3. Nag-aral ng mga wikang: 1. Pranses 2. Aleman 3. English 3. 4. 5. 6. 7.
Namamasyal sa mga galerya ng sining at mga museo Nagbasa ng maraming mga aklat Naging matipid si Rizal sa kaniyang pagastos Ang tanging sugal na tinayaan ni Rizal ay ang lotto Nagpapalipas ng mga libreng oras sa bahay ng mga Paterno
B. Pag-ibig kay Consuel Ortiga y Perez 1. Nagkaroon ng pagkakataon si Rizal na makabisita sa bahay ni Señor Pablo Ortiga y Rey na dating alcalde ng Maynila sa panahon ng panunungkulan ni Gobernador Heneral Polavieja. 2. Consuelo – ang anak na dalaga ni Don Pablo na umibig kay Rizal. 3. Pinadalhan ni Rizal ng isang tula ang dalaga na may pamagat na A La Señorita COYP 4. Hindi itinuloy ni Rizal ang panliligaw sa dalaga dahilan sa: a. Tapat siya kay Leonor b. Ang kaniyang kaibigang si Eduardo de Lete ay nanliligaw sa dalaga B. Si Rizal Bilang Mason 1. Sa Madrid ay nakilala ni Rizal ang mga kilalang liberal ng Espanya na ang mga ito ay kabilang sa samahan ng mga Mason. 2. Masonerya – isang pandaigdig na kapatiran ng mga taong may malayang kaisipan. 3. Sumali si Rizal sa nasabing samahan upang mahingi ang tulong ng mga ito sa kaniyang paglaban sa mga prayle sa Pilipinas. 4. Logia de Acacia – ang balangay ng Masoneya na inaniban ni Rizal. B. Paghihirap sa Paris
1. Nagkaroon ng paghihirap si Rizal sa Madrid dahilan sa hindi naging maganda ang ani sa kanilang lupa. Dahilan dito ay hindi nakarating ang sustento ni Rizal sa Madrid. 2. Ipinagbili ni Paciamo ang bisiro ni Rizal para may maipadala lamang kay Rizal. 3. Kumuha si Rizal ng pagsusulit sa kaniyang aralin sa Griego na hindi man lamang nagaalmusal at nananghalian. B. Pagpugay kina Luna at Hidalgo 1. Nagkaroon ng pagpupugay ang mga Pilipino dahilan sa pagkapanalo nina : 1. Juan Luna sa Spolarium 2. Felix Resurecion Hidalgo sa Virgines Christianas Expuesta al Populacho. B. Pagtatapos sa Pag-aaral 1. Natapos ni Rizal noong 1885 ang kaniyang kurso sa Medisina at Pilosopiya
KABANATA 7 - RIZAL SA PARIS HANGGANG BERLIN I. Sa Paris (1885-86) 1. Nagtungo si Rizal sa kanyang layunin na magpakadalubhasa sa optalmolohiya o paggamot sa mata. 2. Bago nagtungo sa Paris pansamantalang tumigil si Rizal sa bahay ni Maximo Viola na nagaaral ng medisina sa Barcelo. 3. Sa Barcelona kaniyang nakilala si Eusebio Carominas ang patnugot ng pahayagang La Publicidad . 4. Nobyembre 1885 - nakarating si Rizal sa Paris at naglingkod bilang katulong ni Dr. Loius de Weckert na pangunahing optalmolohista ng Pransiya. Nanatili dito si Rizal mula Nobyembre 1885 hanggang Pebrero 1886. 5. Sa labas ng kaniyang oras sa klinika ni Dr. Weckert ay kanyang kaibigan partikular na dito ang pamilyang Pardo de Tavera. I. Heidelberg 1. Pagkatapos ng kanilang mga gawain sa Paris si Rizal ay nagtungo ng Alemanya para sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa optalmolohiya. 2. Pebrero 3, 1886 - dinalaw ni Rizal ang makasaysayang lunsod ng Heidelberg na kilala sa kanyang unibersidad. Naninirahan siya sa isang boarding house na tinitirhan ng mga magaaral ng abogasya. 3. Sa Heidelberg si Rizal ay naglingkod bilang katulong sa klinika ni Dr. Otto Becker, isang kilalang doktor ng optalmolohiya sa Alemanya. 4. A Las Flores de Heidelberg - ang tulang sinulat ni Rizal sa kagandahan ng mga bulaklak ng Heidelberg. 5. Sa nasabing lunsod inabutan si Rizal ng selebrasyon ng Ikalimang Daan Taon ng Pagkakatatag ng Heidelberg. I. Wilhelmsfeld 1. Wilhelmsfeld - isang bayang bakasyunan sa Alemanya kung saan si Rizal ay tumigil ng tatlong buwan. 2. Karl Ullmer- pastor protestante na tinigilan ni Rizal habang siya ay nagbabakasyon sa Wilhelmsfeld. 3. Napamahal kay Rizal ang pamilya ni Pastor Ullmer at ito ay kaniyang ipinadama niya sa pamamagitan ng pagsulat sa anak nito na si Friedrich Ullmer na nagpapasalamat sa kabutihan ng nasabing pamilya.
I. Unang Sulat kay Blumentritt 1. Hulyo 31, 1886 - petsa ng unang sulat ni Rizal na ipinadal;a niya kay Blumentritt. 2. Ferdinand Blumentritt - isang propesor sa Ateneo ng Leitmeritz, Austria na interisado sa pag-aaral ng mga diyalekta ng Pilipinas. 3. Aritmetika - pamagat ng aklat na nakasulat sa wikang Espanyol at Tagalog na ipinadala ni Rizal kay Blumentritt upang magamit niyang batayan sa pag-aaral ng wikang Tagalog. I. Leipsig at Dresden 1. Leipsig - isang lunsod sa Alemanya na kaniyang binisita upang dumalo ng aralin sa Kasaysayan at Sikolohiya. 2. Dito ay kanyang naging kaibigan si Friedrich Ratzel na kilalang mananalaysay at si Dr. Hans Mever na isang kilalang antropologo. 3. Isinalin din ni Rizal ang akda ni Hans Christian Andersen. 4. Dresden - binisita ni Rizal ang lunsod na ito at dito ay kaniyang nakilala si Dr. Adolph Mever ang direktor ng Museo ng Antropolohiya at Etnolohiya. I. Pagtanggap kay Rizal sa Kalipunang Siyentipiko sa Berlin 1. Berlin - hinangaan ni Rizal ang lunsod na ito dahilan sa pagkakroon nito ng siyentipikong kapaligiran at malaya sa pagtatangi ng lahi. 2. Dr. Feodor Jagor - nakatagpo ni Rizal ang nasabing manlalakbay na sumulat ng isang akalt tungkol sa Pilipinas. 3. Dr. Rudolf Virchow - isang kilalang antropolohistang Aleman na nakilala ni Rizal sa Berlin. 4. Dr. W. Joest - isang kilalang heograpong Alemanya na nakilala ni Rizal sa Berlin. 5. Dr. Karl Ernest Schweigger- isang kilalang optalmolohista ng Berlin at dito si Rizal ay naglingkod sa klinika. 6. Dr. Rudolf Virchow - kanyang inimbitahan si Rizal na magsalita sa isang pagpupulong ng Ethnographic Society ng Berlin. 7. Tagalog Verskunt - ang pamagat ng papel panayam na binasa ni Rizal sa isinagawang pagpupulong ng Ethnographic Society ng Berlin. I. Buhay ni Rizal sa Berlin 1. Mga dahilan ni Rizal sa Pagtigil sa Berlin
a. Palawakin b. Palawakin c. Magmasid d. Makilahok e. Ipalimbag
ang kaalaman sa optalmolohiya ang kaalaman sa agham at wika sa kalagayang pulitikal at kabuhayan ng Alemanya sa mga kilalang siyentipikong Aleman ang Noli Me Tangere
1. Obserbasyon sa Mga Kababaihang Aleman a. Seryosa b. Matiyaga c. Edukada d. palakaibiganin 1. Paghihirap sa Berlin a. Walang dumating na padalang pera mula sa Calamba b. Kumakain lamang ng isang beses sa isang araw c. Naglalaba ng kaniyang sariling damit d. Naghihinala siya sa pagkakaroon ng sintomas ng sakit na tuberkulosis
KABANATA 8 - PAGPAPALIMBAG NG NOLI ME TANGERE I. Ang Ideya at Pagsulat ng Noli 1. Uncle Tom's Cabin - isang nobela na sinulat ni Harriet Beecher Stowe na tumatalakay sa buhay ng mga aliping itim sa Amerika. 2. Enero 2, 1884 - petsa ng pagtitipon kung saan pinanukala ni Rizal sa grupo ng mga Pilipino na magsulat sila ng isang nobelang ukol sa kalagayan ng Pilipinas. 3. Paghahati ng Pagsulat ng Noli Me Tangere a. 1/2 sa Espanya b. 1/4 sa Pransya c. 1/4 sa Alemanya 1. Wilhelmsfeld - dito tinapos ni Rizal ang mga huling kabanata ng Noli Me Tangere. 2. Maximo Viola - ang nagsilbing tagapagligtas ng Noli Me Tangere sa pamamagitan ng pagpapahiram niya kay Rizal ng halagang P300 upang magamit sa pagpapalimbag ng nasabing nobela. 3. Pebrero 21, 1887 - petsang natapos ang Noli Me Tangere at inihanda para sa pagpapalimbag. 4. Berlin Buchdruckrei-Action-Gesselschaft - ang palimbagan na tumanggap upang ilaathala ang Noli Me Tangere sa halagang P300 sa daming 2,000 kopya. 5. Marso 21, 1887 - lumabas ng palimbagan ang nobelang Noli Me Tangere. 6. Mga Unang Pinadalahan ni Rizal ng kopya ng Noli a. Ferdinand Blumentritt b. Dr. Antonio Ma. Regidor c. Graciano Lopez-Jaena d. Mariano Ponce e. Felix Resurrecion- Hidalgo 1. Kinuha ni Rizal ang pamagat ng Noli Me Tangere mula sa ebanghelyo ni San Juan. 2. Inihandog ni Rizal ang Noli Me Tangere sa inang bayan. 3. Elias at Salome - ang isang kabanata na inalis ni Rizal sa Noli Me Tangere upang makatipid siya sa presyo ng pagpapalimbag ng nobela. KABANATA 9 - PAGLALAKBAY SA EUROPA KASAMA NI VIOLA I. Ang Paglalakbay 1. Mayo 11, 1887 - nagsimula ang paglalakbay nina Rizal at Viola sa Europa. A. Dresden 1. Ang kanilang paglalakbay sa Dresden ay napataon sa Eksposisyon ng mga Bulaklak. 2. Binisita ni Rizal si Dr. Adolph Meyer sa Museo ng Sining. 3. Prometheus Bound - isang obra maestrang pinta na labis na hinangaan ni Rizal sa Dresden. 4. Dr. Jagor - nagpayo kay Rizal na padalhan muna ngg telegrama si Blumentritt bago siya pumunta ng Leitmeritz. A. Leitmeritz 1. Mayo 13, 1887 - dumating si Rizal sa Leitmeritz at dito siya ay sinalubong ni Prof. Ferdinand Blumentritt sa istasyon ng tren dala ang larawan na pagkakakilalanan kay Rizal. 2. Hotel Kreb - dito tumira sina Rizal at Blumentritt habang bumibisita sa Leitmeritz. 3. Nakilala ni Rizal ang pamilya ni Blumentritt a. Rosa ang asawa ni Blumentritt
b. Dolores - anak c. Conrad - anak d. Fritz - anak
1. Burgomaster - ipinakilala ni Blumentritt si Rizal at kaniyang hinangaan ang katalinuhan ni Rizal sa madaling pagkatuto ng wikang Aleman. 2. Dr. Carlos Czepelak - isa sa mga kilalang siyentipiko ng Europa nma nakilala ni Rizal sa Leitmeritz. 3. Robert Klutschak - isang bantog na naturalista na nakilala ni Rizal sa Leitmeritz. A. Prague 1. Dinalaw ni Rizal at Viola ang lunsod na ito noong Mayo 17 -19, 1887. 2. Dr. Willkom - ang professor ng natural history ng Unibersidad ng Prague na dinalaw ni Rizal sa lunsod dala ang sulat ng pagpapakilala ni Blumentritt. 3. Binisita ni Rizal at Viola ang libingan ni Copernicus - ang dakilang astronomo sa kasaysayan ng sangkatauhan. 4. Binisita din nila ang kuweba na nagsilbing bilangguan ni San Juan Nepomuceno pati na ang tulay na pinaghulugan nito.
A. Vienna 1. Binisita ni Rizal sa lunsod na ito si Norfenfals na isa sa mga pinakadakilang nobelista ng Europa noong panahong iyon. Sa dakong huli hinangaan din niya si Rizal sa katalinuhang taglay nito. 2. Hotel Metropole - hotel na tinigilan nina Rizal at Viola sa Vienna. A. Pagbaybay sa Ilog Danube 1. Danube - isa sa mga malalaking ilog ng Europa. Nagsakay sina Rizal at Viola ng bangka upang makita ang kagandahan ng ilog at ng kanyang mga pangpang. 2. Dito napansin ni Viola sa unang pagkakataon ang kakaibang gamit ng mga tagarito na papel na napkin sa kanilang pagkain. A. Lintz tungo sa Rheinfall 1. Munich - dinalaw nina Rizal at Viola ang lunsod at panandaliang namasyal upang malasahan ang Munich beer na bantog sa buong Alemanya. 2. Nuremberg - sa lunsod na ito ay dinalaw nina Rizal at Viola ang museo na nagtataglay ng mga kagamitang pangpahirapna ginamit sa panahon ng Ingkisisyon at ang pagawaan ng manyika na pinakamalaking industriya ng lunsod. 3. Ulm - dinalaw nina Rizal at Viola ang katedral ng lunsod na kilala bilang pinakamalaki at pinakamataas at pinanhik ang tore nito. 4. Rheinfall - nakita ni Rizal ang talon na ito na kanyang sinabing "pinakamaganda sa buong Europa." A. Switzerland 1. Geneva - kay Rizal ang lunsod na ito ang pinakamaganda sa buong Europa. 2. Mga wikang sinasalita ng mga taga-Switzerland a. Aleman b. Pranses c. Italyan 1. Dito niya natanggap ang isang telegrama ukol sa isinasagawang Eksposisyon sa Madrid na ang ipinapakita sa Pilipinas ay ang mga tribo ng Igorot na suot na bahag at mga makalumang
kagamitan ay pinagtatawanan ng mga taga- Madrid. 2. Sa Geneva inabutan si Rizal ng kanyang ika-26 na taong kaarawan at kanyang pinakain si Viola ng isang masaganang pagkain. 3. Dito sa lunsod ng Geneva naghiwalay sina Rizal at Viola. Si Rizal para ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay sa Italya at si Viola naman para magbalik sa Barcelona. A. Italya 1. Mga lunsod ng Italya na binisita ni Rizal a. Turin b. Milan c. Venice d. Florence e. Rome 1. Roma - nakarating si Rizal sa "lunsod ng mga Caesar" noong Hunyo 27, 1887. Hinangaan ni Rizal ng labis ang karangyaan ng nasabing lunsod. 2. Mga kahanga-hangang tanawin na binisita ni Rizal sa Roma a. Capitolium b. Bato ng Tarpeian c. Palatinum d. Forum Romanum e. Ampiteatro f. Simbahan ng Santa Maria Magigiore
1. Vaticano - ang lunsod na sentro ng Katolisismo sa mundo at dinalaw ito ni Rizal noong Hunyo 29, 1887. Kanyang nakita ang Basilica de San Pedro - ang pinakamalaking simbahan sa mundo. KABANATA 10 ANG UNANG PAGBABALIK A. Desisyon na magbalik sa Pilipinas 1. Mga Tumangging magbalik si Rizal sa Pilipinas a. Paciano Rizal b. Silvestre Ubaldo c. Jose Cecilio
1. Mga Dahilan ng Pagbabalik a. Tistisin ang mata ng kanyang ina b. Paglingkuran ang kanyang mga kababayan c. Makita ang epekto ng kanayng nobelang Noli d. Itanong kung bakit hindi na nasulat si Leonor Rivera 1. Hunyo 29, 1887 - tumelegrama si Rizal sa kaniyang ama ukol sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas. A. Pagbabalik Patungo ng Maynila 1. Hulyo 3 ,1887 - lumulan si Rizal sa barkong Diemnah ang barkong kanyang sinakyan noong siya ay magtungo ng Europa limang taon na ang nakakaraan. 2. Hulyo 30, 1887 - nakarating si Rizal sa Saigon at sumakay ng barkong Haipong.
3. Agosto 5, 1887 - nakarating ang Haipong sa Maynila. 4. Napansin ni Rizal na sa limang taon niyang pagkakahiwalay sa bansa ay halos walang nagababago sa kaayusan at kaanyuan ng lunsod ng Maynila. A. Pagbabalik sa Calamba 1. Agosto 8, 1887 - petsa ng makarating si Rizal sa Calamba. 2. Paciano - hindi niya hiniwalayan si Rizal sa mga unang araw ng pagbabalik nito sa Calamba dahilan sa kanyang pag-aalala sa kaligtasan ng kanyang nakababatang kapatid. 3. Nagtayo si Rizal ng isang klinika sa Calamba upang maka-paglingkod sioya bilang manggagamot. 4. Ang kanyang unang naging pasyente ay ang kanyang ina, nguni't hindi niya ito inoperahan sa dahilang ang katarata nito ay hindi pa noon hinog. 5. Tinawag si Rizal na Doktor Uliman ng mga taga -Calamba at naging bantog sa Calamba at mga karatig bayan at dinayo ng mga tao ang kanyang klinika. 6. Kumita si Rizal ng P900 sa unang buwan ng kanyang paggagamot at sa buwan ng Pebrero 1888 ang halaga ay umabot ng P5,000. 7. Nagtayo si Rizal ng isang gymnasium sa Calamba upang mailigtas ang kanyang mga kababayan sa bisyong tulad ng sugal at sabong. 8. Hindi nadalaw ni Rizal si Leonor Rivera dahilan sa pagtutol ng kanyang mga magulang na dalawin ang dalaga. Ang mga magulang ni Leonor Rivera ay ayaw na makatuluyan ng kanilang anak na si Rizal. A. Ang Kaguluhang Bunga ng Noli Me Tangere 1. Nilapitan ng mga prayle ang gobernador heneral at naghahatid ng mga sumbong na laban sa nobelang Noli Me Tangere. 2. Emilio Terrero - ang gobernador heneral na nagpatawag kay Rizal ukol sa usapin ng nobelang Noli Me Tangere at kanyang hinigian si Rizal ng isang kopya ng nasabing nobela. Walang kopyang maibigay si Rizal dahilan sa naubos na ang kanyang mga dala. 3. Binisita ni Rizal sa Ateneo ang kanyang mga dating guro na sina Padre Federico Faura, Francisco Paula Sanchez, at Jose Bech upang hingin niya ang kopya ng Noli Me Tangere na kanyang ibinigay sa Ateneo, ayaw ibigay ng mga pareng Jesuita ang kanilang mga kopya. 4. Pedro Payo - ang arsobispo ng Maynila na kalaban ng mga Pilipino at nagpadala ng kopya ng Noli Me Tangere sa rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas upang pag-aralan ang nobela. 5. Gregorio Echavarria - ang rektor ng UST at katulong ng lupon ng mga guro ng unibersidad na gumawa ng pag-aaral sa nobelang Noli Me Tangere. 6. Ayon sa pag-aaral ng mga lupon ng mga guro ng UST ng rekomendasyon na ang Noli Me Tangere ay heretikal, subersibo, at laban sa kaayusang pampubliko. 7. Hindi nagustuhan ni Terrero ang ulat ng lupon ng mga guro ng UST dahilan sa alam niyang kalaban ni Rizal ang mga Dominikano at ipinadala ang kopya ng Noli Me Tangere sa Permanenteng Lupon ng Sensura na binubuo ng mga pari at mga taong hindi alagad ng simbahan. 8. Padre Salvador Font - ang pinuno ng Lupon sa Sensura na nag-ulat na ang Noli Me Tangere ay subersibo at kontra sa simbahan at pamahalaan. Kanyang iminungkahi ang pagbabawal ng pag-aangkat, paggawa at pagbibili ng mapanirang nobela. A. Mga Kaaway ng Noli Me Tangere 1. Padre Jose Rodriguez - prayle ng Guadalupe na naglabas ng walong polyeto na bumabatikos sa Noli Me Tangere. Ang mga polyetong isinulat niya ay ipinagbibili sa mga nagsisimba. 2. Mga Senador ng Espanya na bumabatikos sa Noli Me Tangere. Jose Salamanca, Luis M. de Pando, Fernando Vida 3. Vicente Barrantes - kanyang binatikos ang Noli Me Tangere sa kanyang inilathalang artikulo sa pahayagang La Espana Moderna. A. Mga Tagapagtanggol ng Noli Me Tangere 1. Marcelo H. del Pilar
2. Antonio Ma. Regidor 3. Graciano Lopez Jaena 4. Mariano Ponce 5. Segismundo Moret - isang Espanyol na dating Ministro ng hari ng Espanya at tagapagtanggol ng Noli Me Tangere. 6. Miguel Morayta - propesor ng kasaysayan sa Unibersidad Central de Madrid. 7. Ferdinand Blumentritt 8. Padre Vicente Garcia - isang iskolar na paring Pilipino na gumawa ng isang polyeto na ginamitan niya ng pangalang panulat na Desiderio Magalang at kanyang sinagot ang mga akusasyon ni Padre Jose Rodriguez laban sa Noli Me Tangere at sa may akda nito. A. Ang Pakikipagkaibigan kay Jose Taviel de Andrade 1. Jose Taviel de Andrade - isang tenyente ng hukbong Espanyol na inatasan ni Gobernador Heneral Terrero upang magsilbing tagabantay ni Rizal laban sa mga lihim niyang kaaway. 2. Dahilan sa kapwa mga kabataan, edukado, at may kultura naging ganap na magkaibigan sina Rizal at Andrade . 3. Nakasama ni Rizal si Andrade sa pamamasyal, iskrimahan, at pagbaril. A. Suliranin Agraryo sa Calamba 1. Naimpluwensiyahan si Gobernador Heneral Terrero ng kanyang nabasa sa Noli Me Tangere at nagpasimula ng imbestigasyon sa mga hacienda na pag-aari ng mga prayle upang maituwid ang mga pagmamalabis na nagaganap dito. 2. Tumulong si Rizal sa kanyang mga kababayan sa Calamba sa pagkuha ng mahahalagang datos ukol sa suliraning agraryo sa kanyang bayan. 3. Lumabas sa pag-aaral na ginawa ni Rizal ang mga sumusunod: a. ang hacienda ng mga paring Dominikano ay sumasakop sa buong bayan ng Calamba. b. Ang tubo ng mga paring Dominikano ay patuloy na tumataas dahilan sa walang taros na pagpapalaki ng binabayarang upa sa lupa. c. Ang hacienda ay hindi man lamang nagkakaloob ng anumang tulong pinansiyal para sa mga pagdiriwang ng mga kapistahan, sa edukasyon ng mga kabataan, at pagpapabuti ng agrikultura. d. Ang mga kasama na siyang nahirapan ng labis sa paggawa sa hacienda ay pinapaalis na lamang mula sa lupa sa dahilan lamang sa mga mababaw na kadahilanan. e. Sinisingil ng mataas na tubo ang mga kasama sa hacienda at kung hindi nakapagbabayad ay kinukumpiska ng mga tagapangasiwa ng hacienda ang mga hayop, kagamitan, o maging ang bahay ng mga kasama. A. Pag-alis sa Calamba 1. Dahilan sa Noli Me Tangere at pakikialam ni Rizal sa suliraning agraryo sa hacienda sa Calamba, si Rizal ay labis na kinamuhian ng mga prayleng Dominikano. 2. Pinilit ng mga prayle ang Gobernador Heneral Terrero na iligpit si Rizal sa pamamagitan ng pagpaptapon sa kanya ngunit ang gobernador heneral ay hindi sumunod sa kagustuhan ng mga prayle. 3. Nakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ni Rizal ang kanyang mga magulang at pinakiusapan siya ng kanyang mga kamag-anakan pati na ni Tenyente Jose Taviel de Andrade na umalis na muna ng Pilipinas. 4. Pinatawag si Rizal ni Gobernador Heneral Terrero at pinayuhan siya na umalis ng Pilipinas para sa kabutihan ng una. 5. Napilitang umalis si Rizal sa Pilipinas bunga ng dalawang pangunahing kadahilanan. 6. Napapasanganib na rin ang buhay ng kanyang mga magulang, kapatid at mga kaibigan. 7. Mas higit siyang makalalaban para sa kapakanan ng byan kung siya ay magsusulat na malaya sa ibang bansa.
KABANATA 11 HONGKONG AT MACAO A. Biyahe Patungo sa Hongkong 1. Peberero 3, 1888 - sumakay si rizal ng barkong Zafiro patungo ng Hongkong at nakarating sa Amoy, China noong Pebrero 7,1888. 2. Hndi lumabas si Rizal ng Amoy bunga ng tatlong dahilan: a. hindi mabuti ang kanyang pakiramdam b. umuulan noon ng malakas c. narinig niya na ang lunsod ay marumi.
1. Victoria Hotel - dito nanuluyan si Rizal sa pagdating sa Hongkong 2. Jose Sainz de Varanda - isang opisyal na Espanyol na sumusubaybay o nagmamanman kay Rizal sa Hongkong. 3. Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong ang mga Pilipinong takas mula sa Marianas na hinuli ng mga Espanyol noong 1872. 4. Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong si Jose Basa isang abogadong tumakas sa Marianas aat biktima ng terorismo ng Espanya ng 1872. A. Pagbisita sa Macao 1. Kiu Kiang - ang barkong sinakyan ni Rizal at Basa patungo sa Macao noong Pebrero 18, 1888 at nakita niya dito si Jose Sainz de Varanda na sumusunod sa kanya. 2. Don Juan Francisco Lecaros - Pilipino na nakapag-asawa ng Portugess at sa kanyang bahay si Rizal ay nanuluyan habang sila ay nasa Macao. A. Karanasan sa Hongkong 1. Naobserbahan ni Rizal ang mga sumusunod sa Hongkong; a. Maingay na pagdiriwang ng Bagong Taon ng Pebrero 11- 13, 1888. b. Ang kaibahan ng tanghalan ng mga Tsino at paraan ng pagganap at paglalarawan ng mg galaw ng mga tauhan. c. Ang masaganang piging kung saan ang mga panauhin ay inaanihan ng labis na pagkain. d. Ang mga Dominikano ang pinakamayamang ordeng pangrelihiyon sa Hongkong dahilan sa pag-aari ng maraming mga bahay paupahan, at malaking halagang salapi na nakadeposito sa mga bangko na tumutubo ng malaking interes. A. Paglisan sa Hongkong 1. Pebrero 22, 1888 - nilisan ni Rizal ang Hongkong sakay ng barkong Oceanic na pag-aari ng mga Amerikano at kanyang patutunguhan ay ang bansang Hapon. KABANATA 12 SI RIZAL SA HAPON A. Ang Pagdating sa Hapon 1. Pebrero 28, 1888 - duamting si Rizal sa Yokohama at tumigil sa Grand Hotel. 2. Mula sa Yokohama nagtungo si Rizal sa Tokyo na siyang punong lunsod ng nasabing bansa. A. Si Rizal sa Tokyo 1. Juan Perez Caballero - opisyal ng Espanya sa Tokyo na bumisita kaay Rizal sa hotel at
inanyayahan si Rizal na manirahan sa gusali ng legasyon. 2. Tumira si Rizal sa legasyon ng Espanya sa tokyo dahilan sa mga sumusunod: a. Makatitipid siya ng malaki kung sa legasyon maninirahan b. Wala naman siyang itinatago sa mga Espanyol 1. Sa kaniyang paninirahan sa legasyon ay naging matalik niyang kaibigan si Juan Perez Caballero at kanyang sinabi na ang diplomat ay isang bata, matalino, at mahusay na manunulat. 2. Sa unang araw ni Rizal sa Tokyo ay napahiya si Rizal sa dahilan na napagkamalan na isang Hapon na hindi marunong magsalita ng nihongo. 3. Napilitan si Rizal na mag-aral ng wikang nihongo at natutunan niya ito sa loob ng ilang araw lamang. 4. Pinag-aralan din ni Rizal ang kabuki, sining, musika, at jujitsu. 5. Nakatagpo ni Rizal sa Tokyo ang mga musikerong Pilipino. A. Ang Impresyon ni Rizal sa bansang Hapon 1. Ang impresyon ni Rizal sa bansang Hapon a. Ang kagandahan ng bansa b. Kalinisan, pagiging magalang, at kasipagan ng mga Hapon c. Magandang kasuutan at kasimplehan ng mga Haponesa d. Kakaunti ang magnanakaw sa Tokyo e. Halos walang pulubing makikita sa lansangan A. Si O-Sei-San 1. Seiko Usui - ang babaing inibig ni Rizal noong siya ay nasa bansang Hapon at mas kilala siya sa katawagang ibinigay ni Rizal na O-Sei-San. 2. Nakita ni Rizal si O-Sei-San sa labas ng legasyon ng Espanya sa Tokyo na kung saan malapit ang tinitirhan ni O-Sei-San. 3. Inabangan ni Rizal sa kanyang pagdaan sa harapan ng legasyon at siya ay ipinakilala ng hardinero ng legasyon kay O-Sei-San na isang manggagamot na mula sa Maynila at panauhin ng legasyon. Sumagot si O-Sei-San sa salitang Pranses at Ingles. 4. Buhat noon ay araw-araw nagkakatagpo si Rizal at O-Sei-San at nakasama ni Rizal sa pamamasyal sa mga magagandang lugar ng lunsod ng Tokyo. 5. Napamahal si Rizal kay O-Sei-San dahilan ang una ay bigo kay Leonor Rivera at biktima ng kawalan ng katarungan. 6. Si O-Sei-San ay anak ng isang samurai 23 at walang karanasan sa pag-ibig. Ang magkatulad nilang interes sa sining ang nagbigay daan sa kanilang pag-ibig. 7. Nakita ni Rizal kay O-Sei-Sanang kaniyang ideal na babaing iibigin. Si O-Sei-San ay maganda, mapanghalina, mahinhin at matalino. 8. Naibigan ni O-Sei-San si Rizal dahilan sa maginoo, magalang at pagkakaroon ng maraming kaalaman. 9. Tinulungan ni O-Sei-San si Rizal sa maraming paraan ng higit sa isang katipan. Si O-SeiSan ay nagsilbing kasama ni Rizal sa pamamasyal, interpreter at tagapagturo. 10. Ang kagandahan ni O-Sei-San ay halos bumihag kay Rizal na manirahan sa Hapon at tanggapin ang magandang hanapbuhay na inaalok ng legasyon ng Espanya sa Tokyo. 11. Pinili ni Rizal ang paglilingkod sa bayan kaysa sa pakasalan si O-Sei-San . 12. Naging tapat si O-Sei-San kay Jose Rizal nag-asawa lamang ito noong 1897 pagkatapos na bitayin si Rizal. Napangasawa ni O -Sei-San si Alfred Charlton na isang Ingles na isang guro ng kemistriya sa Tokyo. A. Pag-alis sa Hapon 1. Abril 13, 1888 - petsa ng umalis si Rizal sa Yokohama patungo ng Amerika sakay ng barkong Belgic. 2. Sa kanyang paglalakbay sa Pasipiko ay nakatagpo ni Rizal sa barko ang mag-asawang
Reinaldo Turner at Emma Jacson. Itinanong ng kanilang anak kung kilala niya si Richal na sumulat ng Noli Me Tangere . Sinabi niya sa mga bata na siya si Rizal. 3. Techo Suhiro - isang Hapon na nakasabay ni Rizal sa barko. Siya ay mamamahayag, nobelista, at tagapagtanggol ng karapatang pantao sa Hapon. a. Magkatulad si rizal at Techo sa dahilan sa silang dalawa ay pinaalis sa kanilang mga bansa ng isang mapagmalupit na pamahalaan. b. Kapwa sila mga lalaki ng kapayapaan na gumamit ng lakas ng panulat sa pagtuligsa sa kabuktutan na nagaganap sa kanilang bansa. c. Nagtungo sila sa ibang bansa upang doon ipagpatuloy ang kanilang pakikipaglaban para sa karapatan ng kanilang mga kababayan. d. Kapwa sila mayroong misyon na palayain ang kanilang bansa sa mga mapaniil na pinuno ng pamahalaan. KABANATA 13 SI RIZAL SA ESTADOS UNIDOS A. Ang Paglalakbay sa Amerika 1. Abril 28, 1888 - dumating ang barkong Belgic sa daungan ng lunsod ng San Francisco. 2. Hindi pinayagan ang mga pasahero na makababa ng barko at sila ay kinuwarentenas dahilan sa takot ng mga Amerikano na ang mga ito ay mayroong sakit na kolera. 3. Nabigla si Rizal sa dahilang noong panahong iyon ay walang epidemya ng kolera sa Malayong Silangan at ang konsul ng Estados Unidos sa Hapon ay nagbigay ng patunay na walang epidemya ng nasabing sakit sa Hapon. 4. Nalaman ni Rizal na ang dahilan ng kuwarentenas ay upang hind makapasok agad ang mga manggagawang Tsino sa Estados Unidos na ayaw ng mga Amerikanong manggagawa. Pag pumasok ang mga manggagawang Tsino ay matatalo ang nakaupong presidente ng Amerika sa nalalapit na eleksiyon. 5. Kahit na may kuwarentenas ay pinayagan ng mga Amerikano na makapasok ang 700 bales ng sutla na mula sa Tsina na hindi man lamang pinapausukan ng gamot. 6. Nakaalis si Rizal at mga biyahero mula sa primara klaseng kabina mula sa kuwarentenas pagkatapos ng isang linggo. Ang mga Hapon at Tsino ay ikinulong pa ng mas mahabang panahon. 7. Tumuloy si Rizal sa Palace Hotel sa kanyang panahon ng pananatili sa San Francisco. 8. Mula sa San Francisco ay tinawid ni Rizal ang kalawakan ng Estados Unidos hanggang sa lunsod ng New York. 9. Narating ni Rizal ang New York noong Mayo 3, 1888 at kaniyang sinabi na ang lunsod ay isang napakalaking bayan. 10. Mula sa New York si Rizal ay sumakay ng barkong City of Rome na nagdala sa kanya patungo ng London. 11. Mga Impresyon ni Rizal sa Amerika Mabuting Impresyon a. ang kaunlaran ng Estados Unidos ay makikita sa kanyang malalaking lunsod, malawak ang bukid, at lumalagong mga industriya at abalang mga pabrika. b. Ang pagiging masigasig ng mga mamamayang Amerikano. c. Ang likas na kagandahan ng bansa. d. Ang mataas na antas na pamumuhay ng tao. e. Ang magandang pagkakataon para sa mga dayuhang manggagawa. Masamang Impresyon a. Ang kawalan ng pagkakapantay ng mga lahi. Ang Amerika ay isang magandang bayan para sa mga puti at hindi sa mga taong may kulay ang balat. KABANATA 14 SI RIZAL SA LONDON A. Mga Dahilan ng Pagtira sa London
1. Mapahusay ang kanyang kaalaman sa wikang Ingles 2. Pag-aralan at iwasto ang aklat na Sucesos de las Islas Filipinas na isinulat ni Morga. 3. Ligtas ang London sa kanyang pakikipaglaban sa kalupitan ng mga dayuhan sa Pilipinas. A. Pagtawid sa Atlantiko 1. Sakay ng barkong City of Rome si Rizal ang nagsilbing interpreter ng mga pasahero bunga ng kanyang kaalaman sa maraming wika. 2. Pianahanga ni Rizal ang kanyang mga kapwa pasahero sa kahusayan niya sa paglalaro ng yoyo. 3. Nakipagtalakayan sa mga mamamahayag na Amerikano ukol sa suliranin ng sangkatauhan. napansin ni Rizal ang kahinaan ng mga ito sa kaalaman sa geopolitics. 4. Dumating si Rizal sa Liverpool, England noong Mayo 24, 1888 at nagpalipas ng gabi sa Hotel Adelphi. A. Ang Buhay ni Rizal sa London 1. Dumating si Rizal sa London ng Mayo 25, 1888. 2. Pansamantalang nanirahan si Rizal sa bahay ni Antonio Ma. Regidor na isang takas na Pilipino sa Marianas noong 1872 at nagtatrabaho bilang abogado sa London. 3. Nakahanap ng isang bahay na matitirahan si Rizal sa London at may address na 37 Chalcot Crescent, Primrose Hill. 4. Ang may-ari ng nasabing bahay paupahan ay ang pamilyang Beckett na isang organista ng Katedral ng St. Paul. 5. Ang bahay ng mga Beckett ay nasa magandang lokasyon, malapit sa British Museum. 6. British Museum - ang pambansang aklatan ng England na nagtataglay ng napakarami at mga di-karaniwang mga aklat. Dito ginugol ni Rizal ang kanyang maraming araw sa London sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa nabanggit na aklatan. A. Mga Balita sa Mula sa Pilipinas 1. Masamang Balita a. pag-uusig sa mga makabayang Pilipino na lumagda sa Manipestong laban sa mga Prayle na iniharap ni Doroteo Cortes. Ang manipesto ay nilagdaan ng 800 na Pilipino at isinulat ni Marcelo H. del Pilar na humihiling sa pagpapa-alis ng mga prayle sa Pilipinas. b. pag-uusig laban sa mga kasama sa lupa sa Calamba, kabilang dito ang pamilya ni Rizal dahilan sa kanilang ginawang petisyon para sa repormang agraryo. c. Malubhang paninira nina Senador Salamanca at Vida sa Cortes ng Espanya laban sa Noli Me Tangere , gayundin ng mga manunulat na sina Wenceslao Retana at Pablo Feced sa mga pahayagang Espanyol. d. Ang bayaw ni Rizal na si Manuel Hidalgo ay ipinatapon ni Gobernador Weyler ng walang anumang ginanap na paglilitis. e. Dinakip ng mga Espanyol si Laureano Viado na kaibigan ni Rizal sa Maynila dahilan sa nahulihan ng mga Espanyol ng sipi ng Noli Me Tangere sa kanyang bahay. 1. Magandang Balita a. abalitaan ni Rizal ang ginawang pagtatanggol ni Padre Vicente Garcia sa nobelang Noli Me Tangere laban sa pagbabatikos ng mga prayle. A. Ang Anotasyon ng Sucesos ni Morga 1. Sucesos de las Islas Filipinas - isang aklat na sinulat ni Morga noong 1609 ukol sa mga kaganapan sa Pilipinas. 2. Binasa din ni Rizal ang mga aklat na sinulat nina Chirino, Colin, Argensola, at Plasencia ukol sa mga dating kaugalian ng mga Pilipino sa unang bahagi ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa.
3. Sa kanyang sulat ay sinabi niyang mahusay ang aklat ni Morga dahilan sa wala siyang kababawan at kayabangan na tulad ng sa mga prayle, simple ngunit ang kanyang mensahe aynasa pagitan ng bawat hanay ng mga salita. 4. Sa loob ng sampung buwan ay naging abala si Rizal sa kanyang pagsasaliksik pangkasaysayan sa London. 5. Dahilan sa labis na kaabalahan ay kanyang tinanggihan si Mariano Ponce sa alok nito na maging patnugot ng isangh pahayagan na sasagot sa mga paninira ng mga Espanyol laban sa mga Pilipino. 6. Habang naninirahan sa London, si Rizal ay gumawa ng saglit na pagbisita sa Paris upang basahin ang ilang mga babasahing materyal sa Bibliotheque Nationale o pambansang aklatan ng Pransiya. 7. Binisita din panandali ni Rizal ang Madrid at Barcelona upang alamin sa mga Pilipino ang kanilang ginagawang pagkilos para sa reporma sa Pilipinas. Sa unang pagkakataon ay nakita ni Rizal si Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce, ang dalawang higante ng kilusang propaganda. 8. Nagbalik si Rizal sa London noong Disyembre 24, 1888 at nagdaos ng Pasko at Bagong Taon sa tahanan ng mga Beckett . Nagpadala si Rizal ng regalo kay Blumentritt at Dr. Czepelak. A. Ang Aktibong Pakikilahok sa Kilusang Propaganda 1. Itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona ang isang makabayang samahan na tinawag na Asosacion La Solidaridad na pinasinayaan noong Disyembre 31, 1884. 2. Sa pamamagitan ng nagkakaisang boto, si Rizal ay nahalal na Pangulong Pandangal ng Asociacion La solidaridad bilang pagkilala sa kanyang pamumuno sa lahat ng mga makabayang Pilipino sa Europa. 3. Nagpadala si Rizal ng isang liham sa Asociacion La Solidaridad na nagpapasalamat sa kanilang pagtitiwala at pagpapayo sa ikapagtatgumpay ng samahan. 4. Noong Pebrero 15, 1889 itinatag ni Graciano Lopez Jaena sa Barcelona ang pahayagang makabayan na amy pamagat na La Solidaridad na lumalabas tuwing ikalawa at huling linggo ng buwan at nagsilbing pahayagan ng kilusang propaganda. 5. Mga layunin ng Pahayagang La Solidaridad a. Isulong ang isang mapayapang pagbabagong politikal at panlipunan sa Pilipinas b. Ipakita sa mga mambabasa ang kalunus-lunos na kalagayan ng Pilipinas upang malapatan ng lunas ng pamahalaang Espanya. c. Labanan ang mga paring Espanyol sa Pilipinas na noon ay siyang kumokontrol ng pamahalaan. d. Isulong ang kaisipang liberal at kaunlaran. e. Isulong ang makatuwirang karapatan ng mga Pilipino para sa buhay, demokrasya, at kaligayahan. 6. Pinayuhan ni Rizal ang mga miyembro ng pahayagang La Solidaridad na maging makatotohanan at tapat sa kanilang mga isusulat upang igalang ng mga mababasa ang kanilang opinyon. Sinabi din ni Rizal na huwag gayahin ang mga mamahayag na binabayaran ng mga prayle na gumagamit ng pandaraya at mga bulgar na salita. 7. Los Agricultores Filipino - ang unang artikulo na isinulat ni Rizal para sa pahayagang La Solidaridad at nalathala noong Marso 25, 1889. Sa nasabing artikulo ay kanyang sinabi na ang dahilan ng pagiging paurong ng mga magsasakang Pilipino ay ang napakaraming balakid sa kanyang pagsulong tulad ng mga mahihigpit na pinuno, mga magnanakaw, sakunang mula sa kalikasan, sapilitang paggawa, at marami pang mga salik na hindi magbibigay daan sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga magsasaka at ng sining ng agrikultura sa bansa. A. Mga Sinulat ni Rizal sa London 1. La Vision del Fray Rodriguez - isang satirikong polyeto na sinulat nni Rizal laban kay Padre Jose Rodriguez at kanyang ginamit na pangalan dito ay Dimas Alang, nalathala sa Barcelona. Dito ay labis na tinuya ni Rizal si Padre Rodriguez sa labis nitong katangahan. 2. Sa polyetong La Vision del Fray Rodriguez ay naipakita ni Rizal ang kanyang (a) mataas na
kaalaman sa relihiyon at (b) kahusayan sa panunudyo. 3. Liham sa mga Kadalagahan ng Malolos - isang sulat na ipinadala ni Rizal sa mga dalaga ng Malolos na noon ay humiling sa pamahalaan na pagkalooban sila ng pagkakataon na mag-aral ng wikang Espanyol kahit ito ay laban sa kagustuhan ng prayle paroko ng Malolos, Bulacan. 4. Ang nilalaman ng Liham sa Mga Kadalagahan ng Malolos ay ang mga sumusunod na pagpapayo ni Rizal sa mga kababaihan: a. Ang mga inang Pilipina ay dapat magturo sa kanilang mga anak ng pag-ibig sa Diyos, bayan at sa sangkatauhan. b. Dapat na ang mga inang Pilipina makatulad ng mga ina sa Sparta na nasisiyahan na makita ang kanilang mga anak na lumalaban para sa kalayaan ng bayan. c. Dapat ingatan ng mga kababaihan sa Pilipinas ang kanilang karangalan at dignidad. d. Dapat sikapin ng mga kababaihang Pilipina na maging edukado, maliban pa sa pagpapanatili ng kanyang mga likas na katangian. e. ang pananampalataya ay hindi lamang ang mahabang dasal, pagsuot ng mga krusipiho at kagamitang pang-relihiyon sa katawan, kundi bagkus ang pamumuhay ng tunay na Kristiyano na may mabuting moral at kaugalian. 1. Sumulat din si Rizal ng dalawang artikulo sa Trubner's Record isang pahayagang Ingles sa London na may pamagat na Specimens of Tagal Folklore at Two Eastern Fables. A. Ang Romansa kay Gertrude Beckett 1. Gertrude Beckett - anak na babae ng kanyang kasero sa London at tinawag niya ito sa palayaw na Getie. Naging malapit ang dalawa, dahilan sa tinutulungan ng dalaga si Rizal sa kanyang mga gawain tulad ng paghahalo ng pintura sa kanyang pagpipinta at paghahanda ng clay para sa kaniyang iskultura. Tinawag ni Getie si Rizal sa palayaw na Petie. 2. Ngunit bago pa man mabuo ang isang pag-ibig, si Rizal ay lumayo kay Gertrude Beckett dahilan sa kanyang mas mahalagang misyon sa buhay. 3. Bago umalis si Rizal sa London, kanyang tinapos ang apat na gawang lilok na may pamagat na : a. Promotheus Bound b. Triumph of Death Over Life c. Triumph of Science Over Death d. Ang ulo ng magkapatid na dalagang Beckett
1. Marso 19, 1889 - nagpaalam si Rizal sa pamilyang Beckett at nilisan ang London patungo ng Paris.
KABANATA 15 IKALAWANG PAGTIGIL SA PARIS PARA SA PANDAIGDIG NA EKSPOSISYON NG 1889 A. Pagtungo sa Paris 1. Pumunta si Rizal sa Paris dahilan sa gaganapin noon ang Pandaigdig na Eksposisyon na darayuhin ng libu-libong mga tao mula sa iba't ibang panig ng mundo. 2. Dahilan sa karamihan ng tao, si Rizal ay nahirapan na makahanap ng lugar na matitirahan at naging napakamahal pa ng kabayaran sa mga paupahang kuwarto. 3. Pansamantalang tumira si Rizal sa kanyang kaibigang si Valentin Ventura sa 45 Rue Maubuege at dito ay kanyang inayos ang kanyang anotasyon ng aklat na Sucesos de las Filipinas na sinulat ni Morga. 4. Nagpalipat-lipat ng tirahan si Rizal hanggang makakita siya ng isang maliit na silid at nakasama niya dito ang dalawang Pilipino na sina Capitan Justo Trinidad na dating gobernadorcillo ng Santa Ana at Jose Albert na isang batang mag-aaral mula sa Maynila.
A. Buhay ni Rizal sa Paris 1. Sa kabila ng kasiyahan sa Paris naging abala pa rin si Rizal sa pagbabasa ng mga aklat sa Bibliotheque Nationale upang tingnan ang mga datos para sa kaniyang anotasyon ng Sucesos Las Islas de Filipinas ni Morga. 2. Sa mga malalayang oras si Rizal ay dumadalaw sa bahay ng mga pamilyang Pilipino na sina Pardo de Tavera, Ventura, Luna, at Bousted. Naging kaibigan niya ang tatlong magkapatid na Pardo de Tavera, na ang ama ay isa sa mga biktima ng kalupitan ng mga Espanyol noong 1872. 3. Naging ninong si Rizal ni Maria de la Paz Luna na pangalawang anak nina Juan Luna at Luz Pardo de Tavera. 4. Naging malimit si Rizal sa pagdalaw sa pamilyang Bousted. 5. Isa sa umakit kay Rizal sa Eksposisyon ng Paris ay ang Eiffel Tower na may taas na 984 talampakan. 6. Dumalo si Rizal at ang kanyang mga kaibigan sa pagbubukas ng Eksposisyong Paris na pinangasiwaan ng Pangulo ng Pransiya na si Sadi Carnot. 7. Isa sa mga bahagi ng kasaysayan sa Pariss ay ang pagkakaroon ng eksposisyon sa mga likhang sining na sinalihan ni Juan Luna, Felix Resureccion-Hidalgo, at Felix Pardo de Tavera. Lumahok din si Rizal sa pamamagitan ng pagsasali ng kanyang gawang iskultura, napasali ang kanyang likha ngunit hindi nagtamo ng gantimpala. 8. Itinayo ni Rizal sa Paris ang Samahang Kidlat na binubuo ng kanyang mga kababayang Pilipino. Ang samahan ay panandalian lamang at naglalayon na paglalapitin ang mga Pilipino sa Paris upang higit silang masiyahan sa panonood ng eksposisyon. 9. Itinatag ni Rizal ang samahang Los Indios Bravos at pinalitan nito ang Samahang Kidlat . Nangako ang mga kasapi nito ng pagsisikap sa katalinuhan at pagpapalakas katawan upang magtamo ng paghanga ng dayuhan. 10. Samantalang nasa Paris itinatag ni Rizal ang isang lihim na samahan na nakilala lamang sa panitik na R.D.L.M. at sinasapantaha na ang kahulugan ay Redencion de los Malayos (Ang Pagpapalaya sa Malayo) . Ang samahang ito ay nanatili pa ring isang palaisipan sa mga nag-aaral ng Rizal. A. Ang Paglalathala ng Sucesos de las Islas Filipinas 1. Isa sa pinakamahalagang nagawa ni rizal habang siya ay nasa Paris ng 1889 ay ang pagpapalimbag ng kanyang anotasyon ng aklat ni Morga na Sucesos de las Islas Filipinas na inilathala ng Garnier Freres. 2. Isinulat ni Blumentritt ang Paunang Salita para sa Sucesos de las Islas Filipinas at inihandog ni Rizal ang aklat para sa inang bayan. 3. Isinulat ni Rizal ang anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas sa layunin na ipakita sa mga Pilipino ang pagkakaroon natin ng mataas na kabihasnan bago pa man dumating ang mga Espanyol. 4. Nakatanggap si Rizal ng maraming paghanga mula sa kanyang mga kaibigan dahilan sa kanyang paglalathala ng anotasyon sa Sucesos de las Islas Filipinas ni Morga.
A. Si Rizal bilang Mananalaysay 1. Si Rizal ay masasabing mahusay na mananalaysay dahilan sa mga sumusunod na salik: a. Ang kanyang pagsasaliksik sa dalawang dakilang aklatan ng mundo - British Museum (London) at Bibliotheque Nastionale (Paris) ay nakapagpalawak ng kanyang kaalamang pangkasaysayan. b. Ang kanyang ginawang anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas ay kakikitahan ng malawak na kaalaman ni Rizal sa histograpiya - ang pag-aaral ng pagsulat ng kasaysayan. c. Ang kaalaman ni Rizal sa maraming wika ay nakatulong sa kanya upang mabasa ang maraming dokumentong historikal sa kanyang orihinal na anyo. d. Nabasa niya si Pigadicta sa wikang Italyano: Marsden, Raffles, Lord Stanley, at Wallace sa wikang Ingles; Blumentritt, Jagor, at Virchow sa wikang Aleman; M. Jacquet, J. Mallat,
at A. Marche sa wikang Pranses; at sina T. H. Pardo de Tavera, Pedro Paterno, Miguel Morayta, at Pi y Margall sa wikang Espanyol. e. Ang kaalaman ni Rizal sa kasaysayan ay hindi lamang ukol sa Pilipinas kundi sa kasaysayan ng kolonisasyon ng mga Europeo sa Asya.
1. Maliban sa anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas naghanda rin si Rizal ng malathalang artikulong historikal na gaya ng mga sumusunod: a. Ma- yi b. Tawalisi of Ibn Batuta c. Filipinas dentro de Cien Anos d. Sobre la Indolencia de los Filipinos e. La Politica Colonial de Filipinas f. Manila en el mes de Diciembre, 1872 g. Historia de la Familia Rizal de Calamba h. Los Pueblos del Archipielago Indico
1. Filipinas dentro de Cien Anos - sa artikulong ito ay hinulaan ni Rizaal ang pagtatapos ng kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas sa pagtatapos ng ika 19 daantaon. 2. Sobre la Indolencia de los Filipinos - tinalakay ni Rizal ang kadahilanan ng katamaran at pagiging mabagal na pag-unlad ng mga Pilipino sa mga sumusunod na salik.
a. Ang Pag-aalsa ng mga Pilipino at panloob na kaguluhan kasunod ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. b. Ang mga digmaan ng Espanya laban sa mga Portuges, Olandes, Ingles, at iba pang mga kalaban na dito ay naglingkod ang mga Pilipino bilang mga kawal ng hukbong Espanyol. c. Ang pananlakay ng mga Muslim ng Mindanao sa mga baybaying bayan ng Pilipinas. d. Ang sapilitang paggawa ng libu-libong mga Pilipino na naging dahilan upang mapabayaan ang pagsasaka, komersiyo at industriya sa Pilipinas. e. Ang kawalan ng pagsisikap ng mga Pilipino ng magtrabaho ng higit dahilan sa hindi naman nila ganap na napakanibangan ang bunga ng kanilang paghihirap. f. Ang pagpapabaya ng pamahalaan sa agrikultura, komersiyo at industriya. g. Ang masamang halimbawa na ipinapakita ng mga Espanyol ukol sa mga gawaing manwal. h. Ang pagtuturo ng mga prayle na "mas madaling makapasok sa langit ang mga mahihirap" at dahil dito ay ninais ng mga Pilipino ang kahirapan sa layunin ng madaliang pagpasok sa langit sa pagsapit ng kamatayan. i. Ang sistema ng edukasyong Espanyol ay hindi nakapagsulong ng pangkabuhayang kaalaman. Ang edukasyon ay depresibo, brutal, at hindi makatao. A. Iba pang Mga Ginawa sa Paris 1. Binalak ni Rizal na itayo ang samahan ng mga Filipinolohista sa Paris ngunit hindi ito naisakatuparan. 2. Ipananukala ni Rizal ang pagtatayo ng isang makabagong kolehiyo ng mga Pilipino sa Hongkong na ang layunin ay magsanay at magturo ng mga anak ng mga mabubuting pamilyang Pilipino. 3. Nagdaos ng kapaskuhan si Rizal sa Paris at pagkatapos ng Bagong Taon ay saglit na dumalaw sa London upang tingnan ang katumpakan ng kanyang anotasyon Sucesos de las Islas Filipinas at dalawin si Gertrude Beckett. 4. Mga Dahilan ni Rizal sa Pag-alis sa Paris a. Ang napakamahal na halaga ng bilihin dahilan sa karamihan ng mga taong dumalo sa Pandaigdig na Eksposisyon sa paris.
b. Ang masayang kapaligiran ng Paris ay umaagaw ng kanyang atensiyon sa mga gawaing pampanitikan. Ang pangangailangan niya na isulat ang El Filibusterismo . KABANATA 16 - SI RIZAL SA BRUSSELS A. Ang Buhay ni Rizal sa Brussels 1. Umalis si Rizal patungo ng lunsod ng Brussels (1890) kasama ni Jose Albert at nanuluyan sa isang kainamang bahay paupahan sa 38 Rue Philippe Champagne na pinangasiwaan ng magkapatid na babaeng Jacoby na sina Suzanne at Marie. 2. Sa Brussels ay sinimulang sulatin ni Rizal ang nobelang El Filibusterimo at nagsusulat din siya ng mga ipinadadalang artikulo para sa La Solidaridad . 3. Ginugugol din niya ang kanyang mga libreng sandali sa pagpapalakas ng katawan sa gymnasium at sa pagsasanay sa pagbaril at iskrima. 4. Naging kasama ni Rizal sa kuwarto si Jose Alejandrino napansin niya ang labis na katipiran ni Rizal sa pamamagitan ng pagkain sa bahay at pagluluto nila ng pansit. 5. Mga Artikulong ni Rizal sa La Solidaridad ng siya ay nasa Brussels. a. A la Defensa - isang sagot sa mapanirang artikulo ni Patricio Escosura. b. La Verdad Para Todos - isang pagtatanggol sa mga katutubong pinuno sa Pilipinas sa mga pamumuna ng mga Espanyol na ang Pilipino ay mangmang at tanga. c. Vicente Barrantes Teatro Tagalog - ipinakita ni Rizal ang kamangmangan ni Vicente Barrantes sa tanghalang sining ng mga Tagalog. d. Una Profanacion - isang artikulo na tumutuligsa sa mga prayle sa pagkakait nito ng isang Kristiyanong libing para sa kaniyang bayaw na si Mariano Herbosa. e. Verdades Nueva - sinagot ni Rizal ang akusasyon ni Vicente Belloc na ang pagbibigay ng reporma sa Pilipinas ay makakasira sa katiwasayan ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas. f. Crueldad - sa artikulong ito ay ipinagtanggol ni Rizal si Blumentritt laban sa paninira ng mga kaaway nito. g. Diferencias - kaniyang sinagot ang isang artikulo na nanunudyo sa mga Pilipinong humihingi ng Reporma. h. Inconsequencias - ipinagtanggol niya si Antonio Luna laban sa ginawang paninira ni Mir Deas. i. Llanto y Risas - mapait na pagpuna ni Rizal laban sa mababang pagtingin ng mga bayarang mamahayag ng prayle sa mga kayumangging Pilipino. j. Ingratitudes - isang artikulo na sumasagot sa sinabi ni Gobernador Weyler sa mga tagaCalamba na huwag magpalinlang sa mga walang kabuluhang pangako ng kanilang mga walang utang na loob na anak (isa na dito si Rizal). 1. Binigyan din ni Rizal ng pansin ang ortograpiya ng wikang Tagalog sa pamamgitan ng paggamit ng k at w at ituwid ang Hispanikong pagsulat tulad ng arao at salacot. Dahilan dito ay sinulat ni Rizal ang kanyang artikulo Sobre La Nueva Ortografia de la Lengua de Tagala na kanyang inilathala sa La Solidaridad. 2. Dito isinalin ni Rizal ang akda ni Schiller na William Tell mula sa Aleman sa wikang Tagalog. 3. Nabalitaan ni Rizal kina Juan Luna at Valentin Ventura na ang mga Pilipino sa Madrid ay nagugumon sa sugal. Sinulatan ni Rizal ang mga Pilipino sa Madrid at sinaway nila ang mga ito sa kanilang pagkakagumon sa sugal. Nagalit ang ilang mga Pilipino kay Rizal at tinawag nila itong Papa imbes na Pepe na kanyang tunay na palayaw. 4. Sa Brussel ay nakatanggap si Rizal ng masamang balita. a. Ang sumasamang kalagayan ng mga magsasaka sa Calamba. b. Nagharap ng demanda ang mga Dominicano para alisin ang lupang kanilang pinapaupahan kay Don Francisco Mercado - Rizal. c. Ipinatapon si Paciano at kanyang mga bayaw na si Manuel Hidalgo ay muling ipinatapon sa Bohol. d. Nararamdaman ni Rizal ang kanyang nalalapit na kamatayan. 1. Dahilan sa pag-uusig na nadarama ng kanyang pamilya si Rizal ay nagbalak ng umuwi,
sa dahilang hindi siya maaring manatili na nagsusulat lamang habang ang kanyang mga magulang at mga kapatid ay nagdaranas ng lupit ng mga paring Espanyol. Ang kanyang balaking umuwi ay sinalunga ni Graciano Lopez- Jaena at gayundin ng kanyang mga kaibigang sina Basa, Blumentritt, at Mariano Ponce. 2. Nagbago lamang ang isipan ni Rizal nang matanggap niya ang sulat ni Paciano na nagsasabing natalo sila sa kaso at ito ay kanilang iaapela sa korte supremo sa Madrid at dito si Rizal ay nagtungo para tingnan ang kanyang magagawa sa kaso. 3. Nagkaroon ng romansa si Rizal kay Petite Sussane Jacoby - ang pamangkin ng kanyang mga kasera. KABANATA 17 - MGA KABIGUAN SA MADRID A. Kabiguan sa Katarungan 1. Sa pagdating ni Rizal sa Madrid ay agad niyang hiningi ang tulong Asociacion HispanoFilipina at mga pahayagang liberal sa Madrid tulad ng La Justicia, El Globo, La Republica, at El Resumen upang matulungan siya sa paghingi ng katarungan sa kanyang pamilya at kababayan sa Calamba. 2. Sa paghingi ni Rizal ng katarungan para sa kanyang pamilya ay tumayo si Marcelo H. del Pilar bilang abogado kanilang idinulog ang kanilang protesta laban sa kawalang katarungan ni gobernador heneral Valeriano Weyler at ng mga paring Dominikano. 3. Ang kanilang pakikinayam kay Ministro Fabie ng Ministerio ng Katarungan ay nawalan ng kabuluhan. Ang patakaran ng Espanya ay ang "sarahan ang tainga, buksan ang pitaka, at magkibit-balikat na lamang." 4. Natanggap ni Rizal ang masamang balita na natanggap na nila ang kautusan ng pagpapaalis sa mga taga-Calamba mula sa hacienda ng mga paring Dominikano. 5. Ang mga kaibigan Espanyol ni Rizal ay walang magawa kundi ang magbigay lamang ng pananalita ng pakikiramay. Samantala ipinanukala ni Blumentritt na makipagkita si Rizal sa Reyna Maria Cristina upang ilapit ang kanyang mga suliranin, ngunit sinabi ni Rizal na siya ay walang kakilala o salapi na makapagsasama sa kaniya sa Reyna. A. Iba pang mga Kabiguan sa Madrid 1. Habang bigo si Rizal sa paghingi ng katarungan para sa kanyang mga magulang ay namatay naman ang kanyang matalik na kaibigan at kasama sa kilusang propaganda na si Jose Maria Panganiban. 2. Nang malasing si Antonio Luna ay hinamon niya si Rizal ng duwelo dahilan sa karibalan sa babae. Nang matanggal ang kalasingan ay naayos ang hidwaan. 3. Hinamon ni Rizal si Wenceslao Retana ng duwelo. Si Retana ay isangmamamahayag na binabayaran ng mga prayle upang manira sa mga makabayang Pilipino sa Europa sa isa niyang artikulo ay sinabi nito na kaya pinaalis ang pamilya ni Rizal sa Calamba ay dahilan sa hindi pagbabayad ng utang. Hiningi ni Rizal ang paumanhin ni Retana o ang duwelo. Hindi ito natuloy nang humingi ng tawad si Retana at hindi na sumulat ng anumang mapanirang puri si Retana laban sa mga Pilipino. Isang kabalintunaan na si Retana ang kauna-unahang sumulat ng aklat pangbiograpiya ni Rizal na may pamagat na Vidas y Escritos de Dr. Jose Rizal . 4. Ang Pagpapakasal ni Leonor Rivera. a. Habang nanonood sina Rizal at ang kanyang mga kasama sa tanghalang Apolo sa Madrid ay nawala ang kanyang locket na angtataglay ng larawan ni Leonor Rivera. b. Nakatanggap si Rizal ng sulat mula kay Leonor Rivera na nagpapabatid ng nalalapit na kasal niya sa isang inhinyerong Ingles na si Henry Kipping na labis na ikinalungkot ni Rizal. c. Ang labis na pagdaramdam ni Rizal sa tinamong kabiguan ay naisulat niya kay Blumentritt na "pipiliin ni Leonor ang pangalang Kipping dahilan sa ito ay malaya at ang Rizal ay isang alipin." d. Sa sagot ni Blumentritt ay huli kanyang sinabi na "hindi maunawaan ng kanyang asawa (Rosa) na ang isang babaeng pinarangalan ng pag-ibig ni Rizal ay iiwan siya (Rizal)." e. Sa isa pang sulat na ipinadala ni Blumentritt sinabi niyang si Leonor ay "tulad ng isang bata, naipinagpalit ang diamante sa isang karaniwang bato."
1. Karibalang Rizal at del Pilar a. Sa pagtatapos ng 1890, nagsimulang makilala si del Pilar sa Madrid dahilan sa kanyang pagsulat sa La Solidaridad . Sa kabilang dako, ang lideratura ni Rizal ay sa aspekto ng ideyalismo na hindi ganap na maunawaan at matularan ng kanyang mga kasamahan. b. Maging sa editoryal ng La Solidaridad ay nagkakaroon na ng pagkakaiba sa paniniwala at patakaran sina Rizal at del Pilar. c. Upang magawan ng paraan na huwag lumala ang karibalan ay nagka-isa ang mga Pilipino sa Madrid na may bilang na 90 ay nagkaisang magsagawa ng isang pag-uusapan na kanilang gaganapin sa Enero 1, 1891. d. Pinag-usapan dito na ang editoryal ng La Solidaridad ay mapasailalim sa samahan ng mga Pilipino, ito ay tinutulan ni del Pilar. Napag-usapan na magkakaroon ng isang halalan na dito ang makapagtatamo ng 2/3 na boto ang mananalo. e. Nagsagawa ng halalan ang mga Pilipino sa Madrid noong unang linggo ng Pebrero 1891 at nahati ang mga Pilipino sa dalawang kampo -- Rizalista at Pilarista . Sa unang araw ng halalan ay si Rizal ang nanalo ngunit hindi natamo ang 2/3 na kinakailangang boto at sa ikalwang araw ay nagkaroon uli ng halalan ay ganito pa rin ang resulta. f. Sa ikatlong araw ay hinakayat ni Mariano Ponce na bumoto na ang karamihan kay Rizal at natamo ni Rizal ang kinakailangang 2/3 na boto na naghalal sa kanya bilang pinuno ng samahan. g. Pagkatapos ng pagwawagi ni Rizal ay hindi niya tinaggap ang kanyang posisyon, sa dahilang ayaw niyang maging pinuno ng hati-hating samahan. 1. Umalis si Rizal sa Madrid na nag-iwan ng maikling sulat ng pagpapasalamat sa mga kababayan niyang naghalal sa kanya at nagtungo sa Biarritz. KABANATA 18 - BAKASYON NI RIZAL SA BIARRITZ A. Mga Ginawa ni Rizal sa Biarritz 1. Sa pag-alis ni Rizal sa Madrid ay nagtungo si rizal sa Biarritz at nagbakasyon sa bahay ni Senor Eduardo Bousted sa Villa Eliada. 2. Naging malapit si Rizal sa mga anak na dalaga ni Senor Bousted na sina Adelina at Nellie. 3. Ang Bearritz ay isang magandang bakasyunan at nakita rito ni Rizal ang mga turista mula sa iba't ibang panig ng mundo. Ang kagandahan ng pook ang nagpalimot kay rizal sa kanyang mga kasawian sa Madrid. 4. Nagkaroon ng namuong pag-ibig sa pagitan nina Rizal at Nellie Bousted. Naakit si Rizal kay Nellie sa dahilan sa katalinuhan, mahinahon, at mataas na moral ng dalaga. Ipinagtapat ni Rizal sa kanyang mga kaibigan na nagkaroon siya ng pagnanais na pakasalan si Nellie Bousted. 5. Tinukso na siya ni Marcelo H. del Pilar na palitan ang pamagat ng kanyang nobela na Noli ng Neli. Si Antonio Luna na minsan ay kanyang naging karibal kay Nellie ay hinikayat si Rizal na pakasalan na si Nellie. 6. Natapos ang pag-iibigang Rizal at Nellie dahilan sa hindi nahikayat si Rizal na magpakasal sa dalaga dahilan sa mga sumusunod:
a. Ayaw ni rizal maging Protestante b. Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal na maging manugang dahilan si Rizal ay mahirap na "doktor na walang pasyente, manunulat na walang pera" at isang repormista na inuusig ng mga prayle at opisyal ng pamahalaan sa sariling bayan.
1. Naghiwalay sina Rizal at Nellie bilang mabuting magkaibigan. 2. Tinapos ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo ilang araw bago siya umalis sa Biarritz patungo ng Paris. 3. Sa Paris ay kanyang sinulatan si Jose Basa at sinabing nagnanais siyang manirahan sa
Hongkong at dito nagtrabaho bilang doktor. 4. Nagbalik si Rizal sa Brussels at muli niyang binisita ang mga Jacoby lalo na si Petite Sussane Jacoby. 5. Nagpahinga si Rizal sa mga gawain ng Kilusang Propaganda upang maharap niya ang pagpapalimbag ng kanyang ikalawang nobela - El Fililbusterismo . Mula sa Brussels ay kanyang ipinaalam sa Kilusang Propaganda na itigil na ang pagpapadala ng kanyang sustentong P 50 bawat buwan. 6. Tinigilan na rin ni Rizal ang pagpapadala ng mga artikulo sa pahayagang La Solidaridad sa kabila ng pakiusap ng kanyang mga kaibigan . Napansin din ni Marcelo H. del Pilar ang panlalamig ng kilusang propaganda sa pananahimik ni Rizal at dahilan dito ay napilitang sumulat si del Pilar na nakikiusap kay Rizal na muling magsulat sa pahayagan. KABANATA 19 - ANG PAGPAPALIMBAG NG EL FILIBUSTERISMO SA BELGIUM Ang Bahay ni Rizal sa Ghent 1. Mula sa Brussels si Rizal ay nagtungo sa Ghent na isang lunsod pamantyasan ng Belgium. 2. Mula pa sa Calamba ay sinimulan na ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo at natapos ang huling kabanata sa Biarritz. 3. Naninirahan si Rizal sa Ghent dahilan sa mga sumusunod: a. Mura ang halaga ng pagpapalimbag sa Ghent b. Makaligtas sa pang-aakit ni Petite Sussane Jacoby 1. Sa lunsod ng Ghent ay nakatagpo ni Rizal ang dalawang Pilipino na estudyante ng inhinyera sa Unibersidad ng Ghent na sina Jose Alejandrino at Edilberto Evangelista. 2. Nanirahan si Rizal sa isang mumurahing bahay paupahan at nakasama niya si Jose Alejandrino na nakapuna ng kanyang labis na katipiran. 3. Sa pagdating ni Rizal sa Ghent ay naghanap siya ng pinakamurang bahay palimbagan para sa kanyang nobelang El Filibusterismo at kanyang natagpuan ang palimbagang F. MEYER-VAN LOO PRESS sa daang Viaanderen na handang maglathala ng nobela sa pamamagitan ng pagbabayad ng hulugan. Isisnanla ni Rizal ang kanyang mga alahas upang maging paunang bayad sa palimbagan. 4. Habang nasa palimbagan si Rizal ay naubusan siya ng pera at ang pagpapalimbag sa El Filibusterismo ay napahinto sa kalagitnaan. 5. Sa ganitong kagipitan ay halos kanyang itapon ang manuskrito ng El Filibusterimo sa apoy. 6. Nang malaman ni Ventura ang kagipitan ni Rizal, mula sa Paris ay kanyang pinadalhan si Rizal ng salapi para maituloy ang pagpapalimbag. 7. Noong Setyembre 18, 1891 ay lumabas ng palimbagan ang El Filibusterismo at kanyang ipinadala ang dalawang kopya sa Hongkong kina Jose Basa at Sixto Lopez. Pinadalahan din niya ang kanyang mga kaibigang sina Blumentritt, Ponce, Lopez-Jaena, T.H. Pardo de Tavera, Antonio Luna at Juan Luna. Pinagkaloob ni Rizal kay ValentinVentura ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo. 8. Inilathala ng sipian ng El Filibusterismo sa pahayagang El Nuevo Regimen sa kanyang isyu ng Oktibre 1891. 9. Inihandog ni Rizal ang El Filibusterismo sa ala-ala ng GOMBURZA . 10. Ipinagkumpara ang Noli at Fili. a. Ang Noli ay isang romantikong nobela na gawa ng puso, damdamin, sariwa, makulay at may taglay na tuwa. Ang Fili ay isang nobelang politikal gawa ng ulo, isip, naglalaman ng pait, pagkamuhi, sakit, karahasan, at pagdurusa. b. Ang orihinal na kagustuhan ni Rizal ay gawing mas mahaba ang Fili kaysa sa Noli ngunit dahilan sa kakulangan sa salapi ay naging maikli ang Fili (38 kabanata) kung ikukumpara sa Noli (64 kabanata). c. Para kay Wenceslao Retana mas mahusay ang Noli. d. Para kay Marcelo H. del Pilar mas mahusay ang Fili. 1. Sumulat si Rizal kay Blumentritt na nagsasabi ng kanyang balak na gumawa ng ikatlong
nobela. Ito ay hindi na masyadong ukol sa politika kundi sa etika. 2. Sa kanyang paglalakbay patungong Hongkong ay kanyang sinimulang sulatin ang ikatlong nobela. KABANATA 20 - PANGGAGAMOT NI RIZAL SA HONGKONG A. Mga Dahilan ng Paglipat sa Hongkong 1. at 2. 3.
Kawalan ng kasiyahan sa Europa dahilan sa pagkakaiba ng paniniwala niya kay del Pilar sa ilang mga Pilipino sa Europa. Upang mas higit siyang maging malapit sa Pilipinas. Para kupkupin ang kanyang pamilya.
A. Pamamaalam sa Europa 1. Nagpaalam ng maayos si Rizal kay del Pilar sa paglalayon na mapanatili ang kaisahan ng mga Pilipino sa Europa. 2. Mula sa Merseilles sumakay ng barkong Melbourne patungo ng Hongkong, kasama ng kanyang bagahe ang 600 na kopya ng El Filibusterismo. 3. Nakatagpo ni Rizal sa barko bilang mga pasahero ang mga babaeng Aleman na nangmamaliit sa kanya sa usapan na hihiya ni Rizal sa pamamagitan ng maginoong pamamaraan. A. Hongkong 1. Dumating si Rizal sa Hongkong ng Nobeyembre 20, 1891 at sinalubong ng mga kaibigan at dito ay nanirahan sa 5 D' Aguilar Street No. 2 Rednaxola Terrace. Sa nasabi ding tirahan si Rizal ay nagbukas ng isang klinika. 2. Bago magpasko ng 1891 dumating sa Hongkong ang kanyang ama at bayaw na si Silvestre Ubaldo. Sumunod na rin ang kanyang ina, Lucia, Josefa, at Trinidad. 3. Nakasama na muli ni Rizal ang kanyang pamilya sa kapaskuhan sa ibang bansa. A. Panggagamot sa Hongkong 1. Ginamit na rin ni Rizal ang kanyang propesyon bilang isang manggagamot upang masuportahan niya ang kanyang pamilya. Sa tulong ni Dr, Lorenzo Marquez na kanayang kaibigan. Inilapit niya kay Rizal ang kanyang mga pasyenteng may sakit sa mata. 2. Nakilala si Rizal sa Hongkong sa kanyang kahusayan at ang mga pasyente niya ay mga British, Tsino, Portuges, at Amerikano. 3. Matagumpay niyang inoperahan ang kanyang ina sa Hongkong. 4. Maraming bumati kay Rizal sa kanyang panggagamot. A. Ang Proyektong Borneo 1. Binalak ni Rizal na magtayo ng isang kolonya sa Borneo na bubuuin ng mga walang lupang Pilipino mula sa ating bansa . 2. Nagpunta siya sa Sandacan at kinausap ang mga pinunong British at nagtagumpay siya na mapagkalooban ang kanyang proyekto ng 50,000 hektaryang lupa, na malapit sa daungan, at mahusay na pamahalaan upang magamit sa loob ng 999 na taon ng walang bayad. 3. Ipinaalam ni Rizal ang kanyang proyekto sa mga Pilipino sa Europa na nagpakita ng pagnanais na ito ay maisakatuparan. 4. Sinulatan ni Rizal si Gobernador Heneral Despujol ukol sa kanyang Proyektong Borneo ngunit hindi ito sinagot. Sa ikalawang sulat ni Rizal ay hindi pa rin sinagot ngunit ipinarating sa kanya sa konsul ng Espanya sa Hongkong ang pagtutol dito.
A. Mga Sinulat sa Hongkong
1. Ang mga Karapatan ng Tao - isang pagsasalin ni Rizal ng proklamasyon ng Rebolusyong Pranses ng 1789. 2. A la Nacion Espanola - isang artikulo na umaapela sa Espanya na ituwid ang kamaliang nagawa sa mga magsasaka ng Calamba. 3. Sa Mga Kababayan - isang artikulo na nagpapaliwanag sa sitwasyong agraryo sa Calamba. 4. Una Revisita a la Victoria Gaol - artikulo ukol sa kanyang pagbisita sa kulungan ng Hongkong kumpara sa malupit na kulungan sa Pilipinas. 5. The Hongkong Telegraph- isang pahayagan kung saan si rizal ay nagpapadala ng mga artikulo. 6. Ang pinakamahalagang isinulat ni rizal sa Hongkong ay ang saligang Batas ng La liga Filipina. A. Ang Pagpapasiya na Magbalik sa Maynila 1. Ang mga dahilan na magbalik sa Maynila.
a. Kausapin si Gob. Hen. Despujol ukol sa Proyektong Borneo b. Itatag ang La Liga Filipina sa Maynila c. Patunayan kay Eduardo de Lete na ito ay mali sa kanyang paniniwala na matapang si Rizal dahilan sa siya ay malayo sa mga Espanyol.
1. Tinutulan ng mga kamag-anak ni Rizal ang kanyang nais na pagbabalik sa Maynila dahilan sa itoo ay mangangahulugan lamang ng kamatayan. 2. Ginawa ni Rizal ang mga sumusunod na sulat bago umalis ng Hongkong na iningatan ni Dr. Marquez na bubuksan lamang kung siya ay mamamatay .
a. sulat sa kanyang mga magulang at mga kapatid b. Sulat sa sambayanang Pilipino c. Sulat sa Gobernador Heneral Despujol 1. Nagbalik si Rizal kasama ni Lucia sa Maynila. Kasabay naman ng pag-uwi ng Rizal ay pagsasampa naman ng kanyang mga kaaway ng kaso. KABANATA 21 - ANG PAGBABALIK AT PAGTATAG NG LA LIGA A. Ang Ikalawang Pagbabalik 1. Hunyo 26, 1892 - nagbalik si Rizal sa Maynila kasama ng kanyang kapatid na si Lucia at tumigil sa Hotel de Oriente. 2. Sa hapon ng nasabing araw nagtungo si Rizal sa Malacanang upang makipagkita sa gobernador heneral ngunit pinabalik siya ng gabi at nakausap si Despujol. 3. Binisita niya ang kanyang kapatid na si Narcisa at si Neneng. 4. Kinabukasan, sumakay si Rizal ng tren at dinalaw ang kanyang mga kaibigan sa Malolos, Bulacan; San Fernando, Pampanga; Tarlac, Tarlac; at Bacolor, Pampanga. Ang kanyang mga paglalakbay ay sinusundan ng mga Espanyol at mga bahay na kanyang binisita pagkatapos ng ilang araw ay sinalakay ng mga kawal Espanyol. 5. Sa mga sumunod na araw ay muling nakipagkita si Rizal kay Despujol. A. Pagtatayo ng La Liga Filipina 1. Hulyo 3, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa bahay ni Doroteo Ongjungco sa Kalye Ylaya, tondo Maynila. 2. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga sumusunod: a. Pedro Serano Laktaw
b. Domingo Franco c. Jose Ramos d. Ambrosio Salvador e. Bonifacio Arevalo f. Agustin de la Rosa g. Moises Salvador h. Luis Villareal i. Faustino Villaruel j. Mariano Crisostomo k. Numeriano Adriatico l. Estanislao Legaspi m. Teodoro Plata n. Andres Bonifacio o. Juan Zulueta
A. Pag-aresto at Pagpapatapon 1. Noong Hulyo 6, 1892 - sa isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay inaresto siya sa dahilan sa bintang na pagdadala ng mga polyetong kontra-simbahan. 2. Ipinakulong si Rizal at mahigpit na pinababantayan sa Fort Santiago. 3. Sumunod na araw inilabas ang kautusan na ipatapon si Rizal sa Dapitan. 4. Dinala si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng barkong Cebu.
KABANATA 22 - TAPON SA DAPITAN A. Ang Buhay ng Isang Tapon 1. Hulyo 15, 1892 - nakarating si Rizal sa Dapitan at ipinagkaloob kay Kapitan Ricardo Carnicero ang komandante ng hukbong Espanyol sa lugar. 2. Dala ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Pastells na superior ng mga Jesuita para kay Padre Antonio Obach ang paring Jesuita sa Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng mga kondisyon upang si Rizal ay makatira sa kumbento. 3. Pansamantalang nanirahan si Rizal sa kuwartel na pinamumunuan ni Kapitan Carcinero na kanyang naging kaibigan. 4. Setyembre 21, 1891 - nakatanggap sina Rizal, Carcinero at isang Espanyol ng Dipolog ang gantimpala na ang kanilang ticket bilang 9736 ay nanalo ng ikalawang gantimpalang P20,000. Ang naging hati ni Rizal ay P6,200. Ibinigay niya ang P2,000 sa kanyang ama at P200 kay Jose Ma. Basa sa Hongkong at ang natira ay kaniyang ginamit sa pagbili ng lupa sa Talisay na isang kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan. 5. Ngkaroon ng isang mahabang sulatan sina Rizal at Pastells ukol sa usapin ng relihiyon na naglalaman ng mga paniniwalang pangrelihiyon ni Rizal. a. Ginagamit ng mga prayle ang relihiyon sa pansariling kapakinabangan. b. Ang sariling pagpapasiya ay biyaya ng Diyos sa lahat ng tao. 1. Hindi nagtagumpay si Pastell na maibalik si Rizal para sa simbahan. 2. Hinamon ni Rizal ang isang Pranses na si Mr. Juan Lardet ng duwelo dahilan sa pagbebenta kay Rizal ng mga kahoy na mababa ang kwalidad. 3. Inilipat ni Padre Pastells si Padre Francisco Sanchez sa Dapitan upang muling akitin si Rizal na magbalik sa simbahan. Ngunit hindi rin ito nagtagumpay. 4. Nakatanggap na rin si Rizal ng mga panauhin sa Dapitan at nakasama niya ang kanyang mga kapamilya at nagpatayo na ng bahay sa Talisay. 5. Nagpadala ang mga prayle ng isang tao na may alyas na Pablo Mercado (Florencio Namanan) upang isangkot si Rizal sa mas malaking kaso. 6. Nagtrabaho si Rizal sa Dapitan bilang isang manggagamot. Ang kanyang mga pasyente ay mga mahihirap na hindi makabayad at mga mayayaman na nagbabayad ng malaki sa kanyang paglilingkod. Nang tumira ang kanyang ina sa Dapitan sa loob ng isa at kalahating
taon, ginamot din ito ni Rizal. Nakilala ang kahusayan ni Rizal sa panggagamot kahit na siya ay nasa Dapitan, sinasadya sya ng mga pasyente mula sa iba't ibang panig ng daigdig. Naging interes din ni Rizal ang mga lokal at halamang gamot. 7. Itinayo ni Rizal ang isang sistema ng patubig sa Dapitan upang magkaroon ng malinis na tubig sa bawat bahay ng Dapitan. 8. Mga Proyektong Pangkomunidad sa Dapitan: a. Paglilinis ng mga latian upang mawala ang malaria b. Paglalagay ng pailaw sa lansangan ng Dapitan c. Pagpapaganda ng liwasan at ang paglalagay ng mapa ng Mindanao sa plasa. 1. Ang malaking panahon ni Rizal ay ginamit din niya sa pagtuturo ng mga kabataan sa Dapitan. Tinuruan niya ang mga ito ng mga aralin sa wika, heograpiya, kasaysayan, matematika, gawaing industriyal at iba pa. Ang oras ay mula alas 2:00 hanggang 4:00 ng hapon. 2. Mga ambag ni Rizal sa Agham sa Dapitan
a. Pinasok ni Rizal ang mga kagubatan at baybay dagat ng Dapitan para sa paghahanap ng mga specimen upang ipadala niya sa mga museo ng Europa. b. Nakapag-ipon siya ng 346 na uri ng mga kabibi. c. Natagpuan niya ang species ng Draco rizali Apogonia rizali at Rhacophorus rizali. 1. Ang pag-aaral ng mga wika ay ipinagpatuloy ni Rizal sa Dapitan. Sa panahong ito ay natutunan niya ang wikang Bisaya, Subuanin, at Malayo. 2. Ang kahusayan sa larangan ng sining ay makikita pa rin kay Rizal sa panahon ng pagkakatapon niya sa Dapitan. Gumuguhit siya ng mga bagay na nakaakit sa kanya at nililok niya ang (1) Paghihiganti ng Ina: (2) ang ulo ni Padre Guericco; (3) estatwa ng isang babaeng taga-Dapitan. 3. Ginamit din ni Rizal ang kanyang panahon sa Dapitan bilang isang magsasaka. Umabot ng 70 hektarya ang lupang kanyang pag-aari na tinaniman niya ng abaka, niyog, punong kahoy, tubo , mais, kape, at cocoa. Ginamit din ni Rizal ang modernong pagsasaka sa pamamagitan ng pag-aangkat sa Estados Unidos ng mga makabagong makinarya. 4. Ang pagnenegosyo ay isa sa mga naging gawain ni Rizal sa Dapitan. Nakipagsosyo siya kay Ramon Carreon , mangangalakal na taga-Dapitan sa negosyo ng pangingisda, koprahan at abaka. Itinayo din ni Rizal ang kooperatiba ng mga magasasaka sa Dapitan upang mabawasan ang monopolyo ng mga Tsino sa lugar. 5. Naging malikhain si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng paglikha ng mga sumusunod; a. sulpukan - isang pagsindi ng sigarilyo na gawa sa kahoy b. makina sa paggawa ng bricks 1. Si Josephine Bracken. a. Namatay si Leonor Rivera noong Agosto 28, 1893 dahilan sa panganganak. b. Dumating si Josephine Bracken (edad 17) sa Dapitan upang samahan ang kanyang amaamahan na si George Tauffer upang mapagamot kay Rizal. Dala nila ang isang tarheta ni Julio Llorente. c. Nagmahalan sina Rizal at Josephine at nagbalak na magpakasal ngunit ayaw silang ikasal ni Padre Obach ng walang permiso ng arsobispo ng Cebu. d. Umalis si Tauffer sa Maynila at naiwan si Josephine sa Dapitan upang makisama kay Rizal. e. Sa unang bahagi ng 1896, nakunan si Josephine sa kanilang anak ni Rizal. 1. Dumating sa Dapitan noong Hunyo 1896 si Dr. Pio Valenzuela upang ipaalam kay Rizal ang ukol sa Katipunan. Hinikayat ni Valnzuela ang pamumuno ni Rizal sa Katipunan na tinaggihan naman niya. 2. Nagboluntaryo si Rizal upang maglingkod sa hukbong Espanyol bilang isang seruhano sa Cuba. Ang kanyang kahilingan ay tinugon naman ni Gob. Hen. Ramon Blanco na sumagot
sa kanyang sulat noong Hulyo 1896 na nagsasabi ng pagsang-ayon sa kanyang plano. 3. Nilisan ni Rizal noong Hunyo 31, 1896 sakay ng barkong Espana kasama nina Josephine, Narcisa, at pamangking si Angelica. KABANATA 23 - HULING PAGLALAKBAY SA LABAS NG BANSA 1. Mula Dapitan patungo ng Maynila a. Nagdaan ang barkong Espana sa Dumaguete at binisita dito ni Rizal ang isa niyang kaibigan na si Herrero Regidor na hukom ng lalawigan. Inoperahan niya sa mata ang isang kapitan ng guardia civil. b. Dumaan sa Cebu at inoperahan niya ang mag-asawang Mateo na kanyang nakilala sa Madrid. c. Dumaan ng Iloilo para mamili at nagdaan sa Capiz ang barko. 1. Sa pagdating ni Rizal sa Maynila ay nakaalis na ang barkong Isla de Luzon na sasakyan sana niya patungo ng Espanya. Napilitang tumigil si Rizal sa barkong Castilla sa loob halos ng isang buwan bilang panauhin ni Enrique Estalon, ang kapitan ng barko. 2. Habang nasa barko si Rizal ay sumiklab ang himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyol. Nalaman ni Rizal ang pagsiklab ng himagsikan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga pahayagan sa barko. 3. Sa petsang Agosto 30, 1896 natanggap ni Rizal ang isang sukat ni Blanco na nageendorso sa kanya sa Ministro ng Digma. 4. Inilipat si Rizal ng Setyembre 2, 1896 sa barkong Isla de Panay na maglalayag na patungong Barcelona. 5. Ang barkong Isla de Panay ay dumaan ng Singapore, pansamantalang bumaba si Rizal sa Singapore at pinayuhan siya ni Don Manuel Camus na isang Pilipinong naninirahan na samantalahin na ang pagkakataon upang makatakas. Hindi ito sinunod ni Rizal. 6. Habang si Rizal ay naglalakbay patungo ng Espanya ay lihim na nagpapadala ng telegrama si Blanco sa Ministerio ng Digmaan na si Rizal ang utak ng himagsikan. 7. Sa Suez Canal ay narinig ni Rizal ang balita ukol sa pagbitay sa mga Pilipinong naghihinalang kasangkot sa himagsikan. 8. Setyembre 28, 1896 - narinig ni Rizal ang bali-balitang siya ay aarestuhin pagdating sa Barcelona. 9. Setyembre 30, 1896 - ipinaalam kay Rizal ni Kapitan Alemany ang kautusan na siya (Rizal) ay idedetine sa loob ng kanyang kabina hanggang hindi nakakabalik sa Maynila. 11. Oktubre 3, 1896 - nakarating ang barkong Isla de Panay sa Barcelona at ipinadala sa Munjuich Castle na noon ay pinamumunuan ni General Eulogio Despujol . Oktubre 6, 1896 - inilabas si Rizal ng kulungan para ibalik sa Maynila sakay ng barkong Colon. KABANATA 24 - HULING PAGBABALIK AT PAGLILITIS A. Ang Huling Pagbabalik 1. Sa Barkong Colon si Rizal ay binigyan ng isang kabuna at nasa ilalim ng mahigpit na pagbabantay. 2. Nalaman niya sa isang opisyal na siya ang sinisisi ng mga Espanyol ukol sa nagaganap na madugong himagsikan sa Pilipinas. 3. Kinumpiska ng mga Espanyol ang talaarawan ni Rizal. 4. Sa pagdating ng barkong Colon sa Singapore ay sinikap ni Dr. Antonio Regidor at Sixto Lopez sa pamamagitan ng isang abogadong Ingles na si Attorney Fort na bigyan si Rizal ng habeas corpus ngunit hindi ito naipagkaloob sa dahilang ang barkong Colon ay nasa ilalim ng bandila ng Espanya. 5. Nobyembre 3, 1896 - Nakarating ang barkong Colon sa Maynila at tahimik na inilipat si Rizal sa Fort Santiago. Sa panahong ito ang mga Espanyol ay nangangalap na ng ebidensiya laban kay Rizal. Pinahirapan ng mga Espanyol ang maraming mga Pilipino para isabit si Rizal sa nagaganap na himagsikan. 6. Nagkaroon ng isang Preliminary investigation sa kaso ni Rizal na pinamumunuan ni Colonel Francisco Olive . Si Rizal ay sumailaliam sa limang araw ng mahigpit na
imbestigasyon. 7. Pinili ni Rizal ang pangalan ni Tinyente Luis Taviel de Andrade bilang abogado sa gaganaping paglilitis sa kanya. 8. Nagsimula ang paglilitis kay Rizal noong Disyembre 26, 1896 at sa nasabi ding araw ay nagpasiya ang hukuman na bitayin si Rizal sa pamamagitan ng pagbaril. 9. Noong Disyembre 28, 1896 nilagdaan ni Gobernador Heneral Camilo Polaviela ang kautusan ng pagbaril kay Jose Rizal. KABANATA 25 - ANG KAGITINGAN SA BAGUMBAYAN A. Ang mga Huling Oras ni Rizal 1. Sa ganap na ika -6:00 ng umaga ay binasa ni Kapitan Rafael Dominguez ang kapasiyahan na siya ay bitayin, sa Bagumbayan sa Disyembre 30, 1896 sa ganap na ika- 7 ng umaga. 2. Alas 7:00 ng umaga - Tinanggap niyang bisita sina Padre Miguel Saderra Matta (Rector ng Ateneo) at Padre Luis Viza, isang Jesuitang Guro. 3. Alas 8:00 ng umaga - Pumalit kay Padre Viza si Padre Antonio Rosell, inimbitahan siya ni Rizal na mag-almusal. Pagkatapos na mag-almusal dumating si Tinyente Luis Taviel de Andrade at nagpasalamat si Rizal dito sa ginawang pagtatanggol niya. 4. Alas 9:00 ng umaga - Dumating si Padre Federico Faura at sinabi ni Rizal na tama ang sinabi ng pare na mapuputulan siya ng ulo sa pagsulat ng Noli Me Tangere . 5. Alas 10:00 ng umaga - Dumating si Padre Villaclara (guro ni Rizal sa Ateneo) at Padre Vicente Balaguer (kura paroko ng Dapitan). Dumating si Santiago Mataix at kinapanayam si Rizal para sa pahayagang El Heraldo de Madrid. 6. Alas-12:00 ng tanghali - naiwan si Rizal na nag-iisa sa kanyang silid para magtanghalian. Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat. Natapos na niya ang Mi Ultimo Adios at itatago na lamang sa lutuang alcohol at ginawa na rin ni Rizal ang kanyang huling sulat kay Ferdinand Blumentritt. 7. Alas 3:00 ng hapon ay nagbalik si Padre Balaguer sa Fort Santiago at kinukulit si Rizal na gumawa ng isang retraksiyon sa kanyang isinulat na laban sa simbahang Katoliko. 8. Alas 4:00 ng hapon - dumating ang ina ni Rizal sa Fort Santiago. Lumuhod dito si Rizal at hinalikan ang kanyang ina. Sumunod si Trinidad at dito ay ibinigay niya ang lutuang alcohol na naglalaman ng Mi Ultimi Adios . 9. Sa pag-alis ng mga magulang at kapatid ni Rizal ay nagbalik pa rin ang mga Jesuita sa pangungulit kay Rizal na gumawa ng retraksiyon. 10. Alas 6:00 ng gabi - Patuloy pa rin sa pangungulit ang mga Jesuita at mga prayle na gumawa na si Rizal ng isang retraksiyon. 11. Alas 8:00 ng gabi - nagsagawa si Rizal ng kanyang huling hapunan sinabi niya kay kapitan Dominguez na pinatatawad na niya ang lahat ng kanyang mga kaaway . 12. Alas 10:00- ipinadala ng Arsobispo Nozaleda ang isang kopya ng retraksiyon na pipirmahan ni Rizal ngunit ito ay tinaggihan ni Rizal. Dahilan sa hindi napapirma si Rizal sa retraksiyon, ang paring Jesuita ay hinuwad ang lagda nui Rizal at pagkamatay ni Rizal ay sinabi nila na si Rizal ay lumagda ng isang retraksiyon. 13. Alas 3:00 ng umaga- sinasabi ng mga paring Jesuita na si Rizal ay nakinig ng misa at tumaggap ng komunyon. Ngunit ito ay walang basehan. 14. Alas 5:30- kinain ni Rizal ang kanyang huling almusal pagkatapos ay sinulat niya ang dalawang sulat para sa kanyang kasambahay at sa kapatid na si Paciano. 15. Sa nabanggit din na oras ay dumating si Josephine Bracken at ipinagkaloob ni Rizal ang isang aklat ni Kempis na may pamagat na Imitacion de Cristo . Sa nasabing aklat inilagay ni Rizal ang isang sulat na To my dear and unhappy wife, Josephine December 30, 1896. Jose Rizal. 16. Alas 6:00 ng umaga - habang naghahanda para sa martsa sa Bagumbayan, inihanda ni Rizal ang kanyng huling sulat para sa kanyang ama at ina. 17. Alas 6:30 - nagsimulang umalis ang martsa mula saa Fort Santiago patungo ng Bagumbayan. Apat na sundalong Espanyol na nakabaril at bayoneta ang nasa harapan, sa likuran si Rizal na mahinahong naglalakad kasabay ni Tinyente Luis Taviel de Andrade sa isang tabi at si Padre March at Villaclara sa kabila. Sa likuran ng maraming mga sundalong Espanyol na nasasandatahan. Sa panabi ng martsa ay ang hanay ng mga taong nanonood.
18. Sa pagdating ni Rizal sa Bagumbayan mas maraming bilang ng mga tao ang naghihintay upang saksihan ang gagawing pagbitay kay Rizal. 19. Nagpaalam si Rizal kay Luis Taviel de Andrade . Pinulsuhan siya ni Dr. Castillo isang manggagamot ng hukbong Espanyol at humanga sa normal na tibok ng pulso nito. 20. Alas 7:00 ng umaga - binaril si Rizal sa Bagumbayan. 21. Pagkatapos ng barilin ng firing squad isang opisyal ng hukbo ang lumapit sa kanyang katawan at binaril na malapitan sa puso. Upang tiyakin na patay na ito. 22. Pagkatapos ng pagbitay, ang bangkay ni Rizal ay inilibing sa sementeryo ng Paco.
Ang Buhay ni Jose Rizal | Talambuhay ni Jose Rizal ay tunay namang napakagaling at punung-puno ng mga mabubuting ehemplo. Ang Pambansang Bayani o National Hero ng bansang Pilipinas ay nagbibigay ng karangalan sa mga Tagalog at sa lahat ng mga Filipino. Ang Buhay ni Jose Rizal | Talambuhay ni Jose Rizal ay hindi basta basta makalilimutan ng mga Filipino. Ito ay bahagi na ng kasaysayan at ang Buhay ni Jose Rizal | Talambuhay ni Jose Rizal ay patuloy na nagbibigay pag-asa at inspirasyon sa napakaraming mga Filipino.
View more...
Comments