Ang Estruktura Ng Salitang Bakla

June 23, 2018 | Author: Herald Mulano | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Ang gay lingo ay isang uri ng sosyolek na tulad sa ibang wika ay sumusunod rin ng iba't ibang rules. Napapaloob sa p...

Description

Ang Estruktura ng Salitang Bakla

Marami ang nagtataka kung paano binubuo ang mga salitang bakla o ang gay lingo. Sinasabi ng iba na walang sinusunod na mga alituntunin sa pagbubuo ng salita ang mga bekimon. Ngunit, lahat ng wika ay dapat may sinusunod na mga rules na magsisilbing paraan sa kokodigo at pegdedekodigo ng mga nagsasalita at nakikinig. Kailangan ang mga rules na ito upang magkaintindihan ang dalawang naguusap. Kung ikukupara natin ang imbentaryo at gamit ng tunog ng mga wikang Filipino at gay lingo, sa larangan ng morpheme, mapapansin natin an magkaiba ang paggamit ng mga fricative (e .g., bakit > vaketch, ito > itrix [x bilang isang velar fricative], hindi > wiz) at ng mga affricate na mga tunog t unog (e.g., pangit > chaka at huli > juli). Sa larangan naman sintaks, ang gay lingo ay nakabatay pa rin sa wika kung saan ito sinasalita. Halimbawa, ang sintaks ng gay lingo sa Metro Manila ay base pa rin sa sintaks ng Filipino (minsan ay Ingles) na ginagamit sa Metro Manila. Ilang Proseso Panlinggwistika sa Pagbubuo ng mga Salita sa Gay Lingo 1. Paglalapi

Isa sa mga espesyal na katangian ng gay lingo ay ang paglalapi sapagkat sa halip na nagbibigay ito ng dagdag na kahulagan sa mga salita, may mga panlapi at panlalaping ginawa sa gay lingo kung saan ang panlapi ay walang taglay na kahulugan o tinatawag na semtically empty kung kaya’t gaano man pahabain sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga

patong-patong na panlapi, ang salita ay hindi nagbabago ang kahulagan nito. Halimbawa: (Lahat ng nasa loob ng parenthesis ay ang Filipino/Tagalog translation ng mga gay lingo) anek (ano) > anekwabum > anekchina > anetchitey wit (hindi) > witit o witchikola > witchikolabum > witchikilabumbum chenelyn (isang uri ng filler) > chenelynbumbum > chenelynbumbumleyo 2. Pagpapalit ng Tunog o Sabstitusyon

Pinapalitan ang isang tunog tunog o isang bahagi ng salita ng ibang tunog o ibang pantig. Ilang halimbawa nito ay ang mga sumusunod: a. J-Law: Kung saan pinapalitan ang unang letra ng J Halimbawa: Siyota/asawa > jowa, Punta > Jonta, Obese > Jubis b. Bo/Ky/Ny Law: Kung saan pinapalitan ang unang letra ng Ky o Ny Halimbawa: tae > boe > kyoe > nyoe tao > boo > kyoo > nyoo takot > bokot/borkot > nyorlog > orlog/orlok siyota> kyowa > niyowa c.

Pagpapalit ng ultimang tunog

Halibawa: nakakaloka > nakakalerki > kalerki > kalerks/kalerkz d. Pagpapalit ng penultimang pantig mula sa low vowels papuntang high vowel na ‘u’ Halimbawa: makeup > muk up Father> fuder > fudra > pudak Mother > muder > mudra > mudak 3. Paggamit ng mga Akronim

Pinapaikli ng isang grupo ng mga salita sa pamamagitan ng mga unang letra ng bawat salita sa grupo. Halimbawa: (lahat ng nasa loob ng parenthesis ay ang ibig sabihin ng salita) GL > Ganda Lang (libre), OPM > oh promise me (sinungaling), PK > pangtanggal kati (pwede na) 4. Reduplikasyon

Dahil uso at produktibo ang reduplikasyon sa Pilipinas ang paguulit, makikita rin ito sa proseso ng pagbubuo ng salita sa gay lingo. Halimbawa: chika > chika-chika (usap-usap) kyeme > kyeme-kyeme (arte-arte) wit > wititit (hindi) klapeypey> klapeypey-klapeypey (pumalakpak) 5. Pagkakaltas (Deletion)

Pagkaltas sa mga ilang bahagi ng salita. Halimbawa: Malay > ma, Pakielam > Pake 6. Blending

Pagsasanib ng dalawang salita. Halimbawa: ang datung > anda (pera) , sunog baga > suba (manigarilyo) , guwapo at fresh > guwash 7. Katunog

Ang paglalaro ng tunog ng mga salita at ang paggamit ng mga katunog na salita, sikat na personalidad o lugar bilang pamalit sa orihinal na salita ay ginagamit rin ng pagbuo ng salita ng mga beki. Halimbawa: Mura > Morayta, Talo/lose > Luz Valdez, Gutom > Tommy Lee Jones Kotse/car > Carmina Villaruel, Poor > P ureza Station, Bakat na notes > Felix Bakat Philcoa > Phil Collins , Seks organ ng babae > Kimchi, Cry > Crayola

8.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF