Siya ay isang mananaliksik at kilala siya sa pagsasasaling-wika ng mga teksto tulad ng epiko ni Gilgamesh. Bukod dito, isa siyang manunulat ng ukol sa kasaysayan ng mundo.
PAGSUSURI (ANALYSIS) LITERARY STANDARDS
• Universality (Panlahatan) – Ang istorya ni Gilgamesh ay tungkol sa pagkakaibigan at kung paano ito nakakaapekto sating personalidad.
• Artistry (Pagkamasining) - Ang pagkasulat ng kwento na kahit na puno ng pantasya ay nagawa pa rin ilahad ng epiko ang nais nitong ipahiwatig sa malikhain na paraan.
• Intellectual Value (Makatarungang Pankaisipan) – Kung ating susuriin, itong epiko ay nagpapahiwatig na ang pagkamit ng imortalidad ay pwede ring mahanap sa ibang paraan dahil walang nabubuhay ng walang hanggan.
• Suggestiveness (Inimumungkahi) – Ang sinasabi ng epiko ay dapat mahalin mo ang mga taong nagmamahal sa iyo kundi ikaw ay magsisisi.
• Spiritual Value (Kahalagahang Ispitritual – Ang epiko ay nagpakita ng kahalagahan ng pagkakaibigan at kung paano ito maaring makatulong sa iyo.
• Permanence (Pananatili/ Pamamalagi – Kahit na ang kwento ay nagmula pa noong unang panahon, angkop pa rin itong iugnay sa kasalukuyang sitwasyon. Karamihan sa mga iniimik ng kabataang ngayon ang katagang “Walang forever”. Ngunit katulad ng pinatynayan ni Gilgamesh, magpapatuloy pa rin ang sangkatauhan kahit na mamatay ang tao.
– At dahil ito ay isang epiko, hindi ito malalaos. Lumipas man ang panahon, patuloy pa rin itong magbibigay ng mga aral dahil sa mga paksang ibinibigay ng kwento.
• Style (Estilo/Gawi) – Maraming mga di-inaasahang pangyayari ang iyong mararanasan kapag iyong binasa ang epiko. Ginawa ni N.K. Sandars – Ang estilo niya sa paggawa ng kwento ay ang bida ay magkakameron ng malaking problema na sa huli ay parang hindi niya malutas ito.
REKOMENDASYO N
Para sa Manunulat
– Aming nirerekomenda ay wag masyadong laliman ang mga ginamit na salita dahil maunti ang makakaintindi o makaunawa sa pagbasa ng kwento.
Para sa Mambabasa – Ang kwento na ito ay may konting kabastusan na hindi angkop sa mga bata na magbabasa. Marami din itong marahas na mga pangyayari. Ngunit, para naman sa mga mambabasa ng mitolohiya, maganda itong basahin.
Para sa Lahat – Ang epiko na ito ay nagbibigay importansya at halaga sa pagkakaibigan. Pati narin sa mga nilalang na mas mataas ang antas sa atin katulad ng mga diyos at diyosa.
Thank you for interesting in our services. We are a non-profit group that run this website to share documents. We need your help to maintenance this website.