Ang Ebulusyon ng Kaisipang Pampulitikal ni Dr. Jose Rizal
March 19, 2017 | Author: Ayana Gacusana | Category: N/A
Short Description
For school purposes...
Description
Daphnie M. Rabino
March 14, 2012
BSBA MM 4-1D 2008-01175-MN-0
Ang Ebulusyon ng Kaisipang Pampulitikal ni Dr. Jose Rizal
Hindi maitatanggi na higit ang naiambag ni Dr. Rizal sa pagbuo ng Politikal na ideya o pananaw ng Pilipinas. Nang dahil sa kanyang mga nagawa‟t naisulat ay nagkaliwanag ang bansang duwag sa kanyang mananakop. Ito‟y nakapagpasimula ng mga hakbangin ukol sa higit na makakapagpapaunlad sa sambayanang Pilipinas. Ngunit ano nga ba ang katangiang tinataglay ni Rizal base sa kanyang kaisipang pampulitikal? Siya ba‟y repormistang makapagpaliwanag o isang nagrerebulusyong layuning makabuo ng pag aaklas? Ang mga susmusunod ay ilan sa kaniyang mga akda na maaring pagbasehan ng kaniyang katangian at kaisipan. Noong maipangaak si Dr. Rizal ay matatag nang nakatayo ang korona ng Espanya sa bansang PIlipinas, kaya‟t di maitatanggi na sa murang edad, siya‟y mulat na sa mga gawaing di kanaisnais ng mga Kastila. Dagdag pa dito ay ang pagkasaksi niya sa mga pangyayaring higit na napagpamamulat sa adhikaing makalaya. Mababakas ang una niyang malayang pagkamulat sa mga kaganapang nangyayari sa kanyang paligid nang isulat niya sa murang edad ang kaniyang kaunaunahang tula na pinamagatan niyang “Sa Aking mga Kabata”. Maliban sa kanyang kalikasang mapagmahal sa literatura‟t wika‟y anu pang nagudyok sa isang walong taong gulang upang tila sumulat ng liham para sa kanyang mga kaedad? Bakit sa kapangibabawanng paghahari ng bansang banyaga‟y mas lalong naghimutok ang bata niyang kaisipan na mahalin ang ating wika? Sa murang edad, ang batang si Pepe nabuhayin ang diwang Pilipinong nilamon ng kanyang mananakop. Na sa kabila ng mga mapagkalimot na batas ng mga Kastila‟y ang sariling atin, ang sarili nating wika ang higit na makapagpapalaya sa atin. At sa mura niyang mga labi‟y tahasan niyang sinabi, “Ang hindi magmahal sa kanyang
salita,Mahigitsahayop at malansang isda”.Ito‟y patunay ng masidhi niyang damdamin na makatulong sa pagapapaliwanag ng kahalagahan ng Pilipino at mga bagay na nagpapakaPilipino. Animong batang nanako‟t nagbabanta o nanunukso sa mga kapwa niya na ika‟y “ganito” o magiging “ganito” pagdakay di mo “ito” ginawa.Sa kanyang batang edad nalalaman niya ang kahihinatnan ng taong nilimot ang kanyang tunay na sinasalita. Sakaniya ding tula‟ymababatid naang wikang Pilipino, o ang Pilipino mismo‟y maipapantay sa wika o dayuhang kanyang kinatatakutan. Kanyangsinabi,” Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin, Sa Ingles, Kastila, at salitanganghel, Sa pagkatang Poong maalam tumingin Ang siyang naggagawad, nagbibigaysaatin”. Anungdapat ikahiya o ikayukongmga Pilipino gayong ang wikang Tagalog, kung ihahambing , ay kasing atdakila gaya ng pagtingin natin sa mga wikang banyaga. Marahil sa panahong ito‟y naisip ng batang bayani na anu‟t nagpapakadehado ang mga Pilipino sa kanilang sariling lupa? Di ba‟t tulad ng puting mapang alipi‟y meron din naman kaming sariling amin? Yun ngalang ay natatabunan ng makaKastilang kaugalian, ayon sa kaniya‟y, “Na kaya‟y nawala‟y dinatnanng sigwa, Ang lunday sa lawa noong dakong una”. Isa lamang ang pinupunto ng batang si Pepe sa noo‟y kanyang mga kabatamasarap kilalanin ang ating wika, masarap itong pag-aralan. Huwag din tayong masilaw o maratay na ang pagiging “makabanyaga” ang makakaahon sa nagdudusa nating bayan. Ang wika ang ating pagkakakilanlan at kung itatanggi mo ang iyong pagkakakilanlan, hindi ka nakakaangat, bagkus higit na nakakababa sa anu man o sinumang pinagmamaliitan. At kung ganu man katas ang tingin natin sa wikang banyaga‟y ganun din naman tayong mga Pilipino ngunit di lang natin nalalaman. At kahit na sa kamusmusang dala ng pagkabata‟y kailangang maimulat na ang pagkamakabayan. Sa katotohanang ito, masasabing isinulat palang ni Dr. Rizal ang kaniyang unang tula‟y may kamalayan nasiyang natatanaw sa panlipunan at pampulitikal na takbo ng bayan pagka‟t kanyang nababatid na isa sa mga sakit nanagpapahina sa Pilipinas ay ang di makaPilipinong sistema at ang unang hakbang sa kasarinlan ay ang pagiging “tunay” na Pilipino ngmga Pilipino.
Isa pa o marahil ay higit na kakakitaan ng ebulusyong sosyal o pampulitika ni Dr. Rizal ay ang pagkakasulat niya ng kanyang nobelang umalingawngaw sa buong Pilipinas at maski sa kaharian ng Espanya, ang “Noli Me Tangere”. “ Huwag mo akong salangin” sa tagalog, dito‟y inilarawan niya ang isang pasakit o kanser na lumalaganap sa Pilipinas. Ang inspirasyong sumulat ng ganitong akda ay kaniyang nakuha nang mabasa niya ang “Uncle Tom‟s Cabin” ni Harriet Beecher Stowe nanaglalarawan ng mga pagpapakasakit o pagngangalipin ng mga puting Amerikano sa mga Negro. Dito‟y nahalintulad niya ang mga Pilipino‟t Kastila sa Pilipinas. Ayon sa isinulat na paghahandog ni Dr. Rizal, dito‟y nais niyang mailarawan o maitanghal ang kanser na sakit ng Pilipinas nang sagayo‟y nang makita ito ng mga tao‟y ipagdasal nila ang kanyang kagamutan. Labis na naging walang takot si Dr. Rizal, dahil di katulad ng naiba niyang mga sulatin na walang direktang pinatatamaan, ang Noli Me Tangere‟y naging bukas o malinaw sa lahat ng gawaing dinadaing ng mga Pilipino. Naging malinaw kung “sino” at “ano” ang mga bagay na higit na nilang kinasusuya. Nalantad si lang sa mga Pilipino kundi sa mga Kastila an gang mga kabuktutan na lalo nilang pinangitngitan. Ang malinaw na paglalarawan sa mga tunay na pangyayari at ang mga tauhang kilala ng karamihan ang ay nagpapakita ng labis na pagnanais ni Dr. Rizal na maparating ang hinaing ng mga nagdurusa. Labis na naapektuhan ang simbahang pinangangalagaan ng mga prayle, nasira ang kanilang dignidad at lumakas ang mga budhi ng mga Pilipinong kanilang pinahihirapan. Si Dr. Rizal ay naging mapanghamon sa mga Pilipino, di tulad ng dati, siya‟y nagging diretso lahat ng kaniyang mga patama. Ang panahong ito marahil pinakanakapagpamulat sa mga abang inalila ng Espanya. Ngunit ganun pa mang maliwanag ang mga kasawiang dinanas ng mga Pilipino, sa kabilang banda may maituturing isang magandang pangyayari ang balitang sa kabila ng mga nanamlay ay mga taong higit lalaong nagpupunyaging makaahon sa buhay- mga kakabaihang sumingaw sa gitna ng mapanirang sistema ng mga kastila. Ang sulat ni Rizal sa pagkabalitang nagpupunyagi ang mga kadalagahang taga Malolos na makapag aral sa gabi‟y na labis na pumakaw at nagbigay sigla sa mga Pilipinong nakakaalam nito. Sa kanyang Liham ay pinugay ni Rizal ang mmga kababaihan. Ginamit niyang masulit ang pagkakataon na mapangaralan ang mga kakabaihang magkamkam ng „tunay” na kaalaman at hindi ang makadiyus-diyusang
pagsamba, pagmano at pagkamahinhin ng mga kababaihang Tagalog. Sa bibihirang pagkakataon ay humanga si Rizal sa mga kababaihan. Tinalakay ni Rizal ang kahalagahan ng mga kababaihan sa pagpapalaki sa lahi ng kanyang bayan. Na ang mga kababaiha‟y siyang bulakalak na punlalaan ng bunga at anung bunga ang kalalabasan kung sira ang bulaklak na pinagpunlaan? Marapat na siya‟y mag ipon ng kayamanang maipapana niya sa kanyang anak at nang di maging alipin. Habang ipinayo ni Rizal na maghanap ng lalaking babagay sa kanya. At lalaking tinatawag ni Rizal na babagay sa yaong bulaklak ay hindi iyong lalaking magandang pisikal- bagkus lalaking marangal at makapang aangkin ng kanilang kahinaan, isang lalakng di siya aanakan ng isang alipin. At bago niya isinara ang kaniyang liham, ay pinagsabihan nyang mabuti ang dalagang mag ingat sa paghahanap at pagpulot ng karunungan.
Matapos ang kaniyang mapahamak na pagkakalimbag ng Noli‟y dumako naman si Dr. Rizal sa higit lalong mapanuring pag usisa sa pampulitikang kapaligiran na kinapapamuhayan ng mga Pilipino. Isinalaysay niya sa pamamagitan ng pahayagang La Solidaridad mula noong Setyembre 30,1889 hangang Pebrero 1, 1890 ang buong kalagayan ng Pilipinas – ang itong nakaraan at ang kaniyang magiging kinabukasan. Kaiba sa kanyang mga nobela at tula, ang sanaysay na ito'y naglalaman ng mga tunay na pangyayari- walang pagsasatauhan o di kaya‟y makaimahinasyong kaganapan. Sa una nitong bahagi‟y binuklat ni Dr. Rizal ang pinasimulan ng lahat ng kaganapan- mula sa pagdating mga Kastila, ang kanilang mapanlinlang na pakikipagkasundo‟t pagpukaw sa saloobin ng Pilipino. Dito‟y wala siyang tinago, sinabi niyang matapat ang lahat ng kinahinatnan ng Pilipinas. Ipinakilala niyang mabuti sa mga mambabasa na kung panung paunti unting nilamon ng makaEspanyang mga batas ang kaugaliang Pilipino. Sa kanyang sanaysay ay kaniyang tahasang sinabi na ang Espanya ang nagpawala ng matibay na paniniwala ng mga Pilipino sa kanyang sarili. Nakalimutan ng mga Pilipino ang kanilang mga gawi at unti-unti‟y nagsuot ng kasuotang di nila kilala. Sa ikalawang bahagi‟y lalo pang nag apoy ang tilang mapanumbat at makarepormistang pagsasaad ni Rizal ng lahat ng kapahamakang masasadlakan ng
Pilipinas sa loob ng isang taon. Isinawalat niyang mabuti ang mangyayari sa mga kung patuloy itong papasakop o papailalaim sa di makataong pamamahala ng Espanya. Sa ikatlong bahagi nama‟y siya‟y nagbanta na ang baya‟y kargado ng baterya na sa anumang oras ay maaaring magliyab. Sa paraang ito‟y dalawang punto ang pinhiwatig ni Rizal- sa kanyang pag sulat ng mga panganib na mamaring kaharapin ng bayan sa panahong mapuno ang sangbayana‟y nais niyang paaalalahan o kaya‟y pakatakutin ang Espanya nang sa gayo‟y ibigay ang karapatan at pagkatutong hinihingi ng mamamayan. Sa kabilang banda nama‟y nais niyang pag alabin at pagkagisingin ang damdamin ng mga Pilipinong nagbubulagbulagan. Makalaunan sa bandang huli ng kanyang sanaysay ay kaniyang pinahiwatig ang kahihinatnan na kung sakaling magawang mapalaya ng mga Pilipino ang Pilipinas. Kanyang ipinabatid, na mangyaring matupad ang paglayang ito‟y di na magagawang masakop pang muli ang Pilipinas. Isa pa sa mga sanaysay na kaniyang ibinahagi sa La Solidaridad ang mahabang pagpapakatwiran sa “Katamaran ng mga Pilipino”.Dito‟y naging mapananggol si Rizal ukol sa binibintang na katamaran sa kanyang mga kababayan. Sa sanaysay ay nais ni Rizal na mabuhayan ang mga Pilipino at mamulat sa tunay na pinatutunguhan ng kanilang tyaga. Masuri niyang sinabi na ang lahat ng katamarang mayroon ang Pilipino ay dulot at hindi sanhi. Ito‟y hindi ang katamarang walang pagmamahal sa paggawa at pagtitiyaga gaya ng ibininintang ng mga kastila ngunit ito‟y mula sa mismo sa kanilang (mga kastila) gawa. Kaya‟t mangyari mang ang Pilipino‟y tamlayan sa paggawa ito‟y di dahil sa katamaran bagkus ito‟y idinikta ng kaniyang kalikasan at marahil ay ng kastilang pinangagamuhan. Halimbawa, ang mga Pilipino‟y nanamlay sa pagsasaka at pangangalakal ay di dahil sa kawalan ng kanyang pagsisiskap ngunit dahil sa mababang pagbayad ng mga ecomenderong mapag abuso. Isa pa, sinabi ni Rizal na isa pang dahila‟y mga kurang nangangaral na ang pagkamit ng kayamanan ikawawalang lugar sa kalangitan. Ang lahat ng ito, ang lahat ng sapilitang paggawa at pang dedehado ng mga gobernador at encomendero, ang mga maling aral ng mga kura sa mga batabg nais nilang maging sunud-sunuran at pagtatalo ng budhi sa tinakada nilang katungkulan ang nagpatamlay sa mga Pilipino.
Ito‟y ilan lamang sa mga gawang ipinamahagi ni Dr. Rizal, marami pang mga akda at mga din a susulat na pagkakataong ipinamalas niya ang kaniyang mga kaisipan ukol s akaniyang ideyang pulitikal. Buhat sa mga nabanggit, masasabing si Rizal ay isang Repormista. Malinaw sa kanyang mga
akda na ang kaniyang pangunahing
hinihiling o ipinmumulat sa mga Pilipino‟t mga kastila ay ang pagbabagong pang ekonomikal at pulitikal. Ang masidhing pag lalarawan niya nag pag diin sa kawalang representasyon ng Pilipinas at ang mga pamamulat akdang nag papatama sa sistemang edukasyon ng kura‟t paghihimok sa kababaihang taga Malolos na makapagbago sa pamamagitan ng edukasyon para sa pag angat ng mga kababaihan sampo ng kanilang mga anak at nang di mapaglamangan o maging sunudsunuran ay nagpapahiwatig ng kaniyang kagustuhang mabago o mareporma ang bayan. Ngunit ibig sabihin ba nito‟y di makarebulusyon ang adhikain ni Rizal. Sa „king pagkakaalam ay may dalawang uri ng rebulusyon, rebulusyong may literal na pagkilos- yaong pagsasamang paggamit ng tinig at lakas, na syang higit na napakapanganib sapagkat nagdudulot ng kasawiang maaaring magkalat ng dugo. Kung ito ang rebulusyong ating pagbabasihan, si Rizal ay di dito napapabilang sapagkat sa una‟t hangagang sa huli‟ tinta at papel ang kaniyang ginamit sa pagmulat at pagtuligsa. Sa katunaya‟y ito pa ang kaniyang iniiwasan base sa kaniyang mga inilahad “Pilipinas sa Loob ng Sandaang taon”-mariin niyang sinabi ang posibilidad ng marahas ng pagkamit sa katarungan ngnit ito‟y masusupil kung mismong ang mga nakakataas ang siyang kikilos. Pilit niyang pinaiintindi na ang kailangang ay ang pagbabago na magmumula sa itataas nang sa gayo‟y maging mabunga‟t mabisa. Sa kabilang dako‟y may tinatawag na matalinong rebulusyon- yaong kakayahan ang ginagamit sa pag aalsa at di ang mapanganib na pagkilos. Ang rebulusyong ito‟y ang paggamit ng isip at katwiran sa pagtuligsa- yaong pakikipag usap, pagsusulat. Ang alam ko‟y ang rebulusyon ay “pagkilos”, at maraming uri ng pagkilos-i sang matahimik at isang maingay at madugo. Sa pagpapakahulugang ito, maaring masabing si Rizal ay isa rin “matahimik” na rebulusyonaryo.
Sanggunian: http://joserizal.info/Writings/Other/Poems Zaide, Gregorio F. at Zaide, Sonia M. Buhay , Mga Ginawa At Mga Sinulat ng Isang Henyo, Manunulat, Siyentipiko At Pambansang Bayani. All- Nations Publishing Co., Inc. 1997 Buensuceso, Teresita S. at Pe, Josefina L. Jose Rizal, Tanglaw ng Kabataan
View more...
Comments