Ang Duplo (1)
July 26, 2017 | Author: Devin Carl Padilla Sagun | Category: N/A
Short Description
Duplo ang libro ito ay dipolo...
Description
Ang Duplo Ang duplo ay isang pamamaraan na ipinasok o isinama sa mga selebrasyon upang mabawasan ang kalungkutan sa pagdadasal para sa mga namatay. Ito ay binubuo ng mga puns, biro at palaisipan sa bernakular. Kinalaunan, ang duplo ay naging isang madulaing debate sa pamamagitan ng berso. Ang nakasanayang gawi ay ang ibang manlalaro ay magbibintang sa iba ng mga kathang krimen, at ang mga akusado naman ay ipagtatanggol ang kanilang sarili. Ang usapan o dayalogo ay nagiging mas masigla gamit ang mga kotasyon mula sa mga awit at corrido na ginagamit sa debate. Kapag ang isang nakikipagtalo ay nagbigay ng maling sagot sa palaisipan na binigay sa kanya, siya ay kadalasang pinaparusahan sa pamamagitan ng pagpilit sa kanya na magsabi ng isang dalit para sa namatay.
Nilalaman 1 Layon 2 Paksa 3 Mga Karakter 4 Pamamaraan 5 Wika 6 Pagkilala 7 Sanggunian
Layon Tinukoy sa aklat na "Ang Ligaya sa Hapis at ang Kaaliwan ng mga Olila o ang Libangang Duplo" ang dalawang layon ng larong duplo: (1) ang pang-aliw ng hapis, pang-aliw sa naulila, pang-aliw sa may kalungkutan at (2) pangtalas ng kaisipan. Kasama pa rito ang duplo bilang parangal sa kaluluwa ng isang yumao. Paksa Walang iisang paksa sa duplo. Maaaring magpaulit-ulit ang sitwasyong lunsaran ng mga pagtatalo subalit hindi tiyak ang hahantungan nito. Gayunpaman, sa isang pagaaral na ginawa sa duplong nilalaro sa Nueva Ecija, may mga naitala na kategorya ng paksa sa duplo. Alo-divino -may kaugnayan sa Diyos at sa mga banal na bagay Historia-vino -kasaysayan ng Diyos at ng mga santo o anghel Alo-humano/alo-mano -may kaugnayan sa mga propeta, mitolohiya, bayani o ng relasyon ng tao sa Diyos Historia-mano -kasaysayan ng mga tao o ng bansa Ley/Lai -tumatalakay sa mga batas tulad ng Kodigo Penal at Kodigo Sibil Talinghaga -nahahawig sa bugtungan Binayabas -iba pang paksang hindi nasasakop ng mga naihanap nang paksa; karaniwang ginagamit ng mga bago pa lamang na duplero. Hindi limitado ang mga duplero sa iisang uri paksa. Gayunman, ipinahihiwatig ng termino nilang tinigpas na may herarkiya ng paksa sa duplo at nasa tuktok nito ang mga paksang relihiyoso.
Mga Karakter Ang duplo ay karaniwang itinatanghal sa ilalim ng isang temporaryong silungan sa harap ng tahanan ng yumao. Dalawang hilera ng mga upuan ang nakaayos sa batalan. Dito nakaupo, ang mga pangunahing karakter ng dula, ang villacas at villacos. Sa isa pang upuan sa gitna ng grupo nakaupo naman ang hari o ang duplero. Bago magsimula ang laro, ang mga karakter ay magbibilang upang ang bawat isa ay may nakalaan na numero. Ang iba pang mga karakter ng duplo ay ang fiscal, punong-abala, embahador, numero at agregado. Kapag ang duplo ay may romantikong tema, ang pagkakaayos ng mga manlalaro ay iniiba. Sila ay nakaupo sa isang bilog, kasama ang hari na nakaupo sa gitna.
Pamamaraan Bago mag-umpisa ang isang duplo, ang hari ay nagsisimula sa pagsasabi ng isang Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at isang Requiem para sa namatay. Pagkatapos ng dalangin, isisigaw ng hari ang “Numeracion” . Ang mga kasali naman ay sasagot nang “Tribulacion” . Pagkatapos, dagli na sisimulan na ng hari ang laro sa pamamagitan ng pagbato ng bola o panyo sa isa sa mga villacos. Yuyuko ang villaco sa hari at dadalhin ang bola o panyo sa isang villaca na sumagot sa talumpati na ginawa ng villaco.
Wika Tagalog ang wika ng duplo. Ngunit Kastila ang marami sa mga terminong teknikal. Ilan sa mga halimbawa nito ang relacion, regla, sero, equis o ocho, agregado, tribulacion, numeracion, casero at marami pang iba.
View more...
Comments