Anak Ng Lupa E-BOOK

July 30, 2017 | Author: Karen Joy Madrio Juan | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Scanned ebook ng libro ni Domingo Landicho, "ANAK NG LUPA"...

Description

DOMINGO Q. LANDICJ-IO

ANAK ng LUPA

ATI NEO DE MANILA UNIVERSITY PRESS Bellarmine Hall, Loyola Heights, Quezon City P.O. B o x 1 5 4 ,1 0 9 9 Manila, Philippines Tel.: (6 3 2 ) 4 2 6 -5 9 -8 4 / FAX: (6 3 2 ) 4 2 6 -5 9 -0 9 E-mail: [email protected] W ebsite: w w w .ateneopress.org Karapatang-ari 1995 ng Ateneo de Manila University at ni Domingo G. Landicho Unang limbag 1995 / Ikalawang limbag 1998 Ikatlong limbag 2 0 0 1 / Ikaapat na limbag 2 0 0 2 Ikalimang limbag 2 0 0 5 / Ikaanim na limbag 2 0 0 9 Disenyo ng pabalat ni Fidel Rillo Pintura sa pabalat ni Manuel Baldemor Reserbado ang lahat ng karapatan kasama na ang karapatan sa reproduksiyon at paggamit sa anumang anyo at paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa pabliser.

National Library Cataloging-in-Publication Data Recommended entry: Landicho, Domingo G. Anak ng lupa / nobela ni Domingo G. Landicho. - Quezon C i ty : ADMU Press, c l9 9 5 1v I. Title P L 6 0 5 8 .4 1995 8 9 9 .2 1 1 ’3 P 9 5 4 0 0 0 0 4 6 ISBN 9 7 1 - 5 5 0 - 1 7 5 - 5 (bp.)

N ilalam an 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 2‘> 30

Introduksyon....................................................................... vii Takipsilim sa L in an g ........................................................... 1 Pagtingala sa B itu in .......................................................... 12 Bagong T a o ......................................................................... 24 Unang Sultada................................................................... 31 M agkapatid......................................................................... 42 Mga Wika ng P ag-ibig..................................................... 49 Luha sa Mata ng B a to ...................................................... 61 Gabing Walang A raw ........................................................68 Banyagang U g at................................................................. 88 Dadapitin na ang Nuno .................................................100 U nos.................................................................................... 112 Kamatayan ng Isang Magsasaka.................................. 119 Paglalakbay........................................................................ 125 Pagsilang ng Isang Tem plo...........................................133 Bilog na G u h it................................................................. 139 Sa Bagwis ng Liwanag.................................................... 149 Apoy.................................................................................... 164 A m a..................................................................................... 168 Tanikala.............................................................................. 176 Pamana ng Patay..............................................................186 Pagbunot sa U g a t........................................................... 197 Panganorin........................................................................208 Pagwasak sa Alamat........................................................ 212 Sa Bisig ng A pi.................................................................218 Paalam sa Luningning....................................................223 Pagsanghaya ng Bulaklak..............................................234 Sa Bituka ng Lungsod....................................................245 Sabog sa Palad..................................................................254 Sa Hagwis ng Sigwa........................................................ 265 Babang Luksa................................................................... 273

31 H aligi................................................................................. 284 32 Sangang D aan ..................................................................295 33 Apoy sa Bukang-liwayway.............................................308 Glosaryong Etnograpiko............................................... 318

Introduksyon Ang nobelang A n ak ng Lupa ay una sa dalawang bolyum ng pag-aaral ng nobelista para sa kanyang D oktorado sa Pilipinolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas na kanyang pinagtapusan noong 1994. Ang buong disertasyon ay tinawag na A n ak ng Lupa: A ntropolohikal na P a g -aa ra l sa Buhay a t P ananaw Nayon sa Pilipinas. Bilang bahagi ng isang disertasyon, ito ang kauna-unahang may ganitong anyo at pamamaraan ng pagaaral sa kasaysayang akademiko sa Pilipinas. Pinaghanguan ng materyal-nobela ang isang liblib na pook sa Barangay Luntal, Taal, Batangas. Ito ang nagsilbing tuunang daluyan ng pananaw ng nobela. Ang barangay na ito sa kasalukuyan ang pinakahuling nayon sa Taal sa silangang-ilayang bahagi. Ang sumunod na nayon dito ay ang Munlawin sa dakong silangan at ang Sinturisan sa dakong ilaya na sa kasalukuyan ay mga barangay na sakop ng San N icolas, ang bayang naglulundo sa Lawa ng Taal na kinaroroonan ng Bulkang Taal. Kasudlong nito sa ibaba (tim og) ang barangay ng Tulo at sa silangang-ibaba, kahanggahan nito ang Bolbok, dalawang barangay ng Taal. Ang maliit na pangunahing daan ng Luntal ay tumutugpa sa Barangay Balisong na palabas sa malaking daang patungo sa kabayanan ng Taal, tumatahak sa Tulo, palusong sa Munlawin hanggang sa mga barangay ng San Nicolas na maglulundo sa lawa. Sa pagawing ilayang-kanluran, walang daan kundi bajjnos lamang na tao’t hayop ang dumadaan. Wala ring maluwang na daan sa gawing silangang ibaba, kaya’t ang daanan ng mga ta o ’t hayop ay bulaos kinukoronahan ng mga puno at pulu-pulutong na kawayi Maituturing na mataas na lugal ang Luntal. Multi Balisong, ang daan ay paakyat, bagama’t .mg p.igttUK vii

VIM

banayad na banayad, kung kaya’t sa kapatagan ng Luntal, pinanununghan ang Bulkang Taal pagkat sa hanggahan ng Luntal at Munlawin, ang topograpiya ng pook ay pababa nang pababa hanggang humantong sa lawa. Bagama’t mataas ang lugal, mataba ang lupa ng Luntal. Ang lupa rito’y mangitim-ngitim, hindi buhanginin, kaya’t ang mga lupain ay hiyang sa anumang pananim, lalo na sa namumungang punongkahoy. Ang pagsasaka’y ginagamitan lamang ng tradisyunal na araro at hinihila ng baka o kalabaw. Sa panahong saklaw ng pag-aaral na ito , ang mga pangunahing produktong agrikultural ay mais, tapilan, palay, at iba’t ibang gulayin at tubo. Sa mga huling bahagi lamang ng dekada sisenta naging uso ang tubuhan ng mga magsasaka, bunga ng pagluluwas ng asukal sa ibang bansa na naging dahilan ng pagtatayo ng isa pang bagong asukarera, bukod sa unang asukarera sa hilagang Batangas, sakop ng distritong bahagi ng Taal. Lalo na sa mga unang panahong sinaklaw ng pagsulat ng nobela,ang pamayanan ay nayong hinahati sa mga pook. May pook sa kanluran, o pook sa silangan na karaniwang ang mga pamilyang nakatira’y nagmula sa iisang ugat na nagtatrabaho sa magkakaratig na lupain. Ang pagkakawatak-watak ng pamahayan ay bunga rin ng panununog na ginawa ng mga sundalong Hapones noong huling bahagi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kaya’t noong mga unang bahagi ng dekada singkwenta na panimulang saklaw ng panahon ng pag-aaral na ito, wala pa halos matatawag na kanayunan. Kung may mga bahay na nakatayo sa gilid ng malaking kalsadang nayon, ang mga iyon ay magkakalayo. Sa mga dekada sisenta, dumami na ang nagsipagtayo ng mga bahay sa tabing kalsada, at ang buong nayon ay nahati sa pook ilaya, pook gitna at pook ibaba. Sa mga unang panahong sinasaklaw ng pagbubuo ng nobela, walang paaralan sa Luntal. Ang mga bata ay naglalakad ng ilang kilometro pababa sa Munlawin para

ix

pumasok sa paaralang primarya. Mula sa ikalimang grado hanggang magtapos ng elementarya, ang isang taga-Luntal ay naglalakad nang mahabang oras pauwi sa kabayanan ng Taal. Kaya’t sa mga panahong ito, bihirang-bihira ang nakatatapos man lamang ng elementarya. Sa mga unang nagtapos ng elementarya sa Luntal, tatlo lamang ang nakatapos ng high school na lahat ay nagtrabaho at pinalad na makatuntong at nakapagtapos ng kolehiyo. Sa nobela, ang topograpiya ng Makulong ay halos kaparis ng Luntal. May kalsadang tumatahak sa kalagitnaan ng nayon at tuwirang binabanggit doon na ang kalsada ay naglulundo sa Munlawin. Naroon din ang paglalarawan ng pamayanang nayon: ang mga bahay na nasa gilid ng kalsadang baryo. Sa nobela’y binabanggit ang kahirapan sa pagkakamit ng pag-aaral at malinaw na ni walang banggit sa sistema ng edukasyong nayon. Ang ibig sabihin, sa mga tauhang pangnobela, wala silang kamalayang pang-edukasyon. Maliban kina Toryo at Oden ang edukasyon sa Makulong ay hindi malaking bahagi ng kamalayan. Ang totoo, sa tingin ni Ka Tulume ang edukasyon ay maaaring maglayo sa isang taga-Makulong sa kanyang sariling ugat at kung gayon sa kanyang katutubong pagkatao at kabihasnan. Sa ganitong konteksto, ang Makulong ng nobela at ang Luntal ng magaaral ay nagtatagpo sa isang sugpong ng katotohanan. Ngunit sa mas masaklaw na dimensyon, hindi maaaring ang katotohanan o naratibidad ng buhay-nayon ay hanguin lamang sa nag-iisang barangay. May mga karanasang ang saklaw ay kumakatawan o tipikal na sa malawakang pagtaya ay lumalagom sa isang pambansang kamalayan. Sa ganitong paraan, iigpaw ang mga saklaw sa tuunang-daluyan, hahanapin ang higit na malawak na representasyon ng realidad sa binubukalang karanasang pambansa. Kung kaya nga, sa pag-aaral at pagbubuo ng nobela, pinangangalagaan ang mga partikular at kongkretong detalye, hangga’t makakayanan. Dahil dito, ang pag uni ad

X ng nobcla ay umaayon sa sosyal, politikal at ideolohikal na pagNulong ng kamalayang-nayon, mula sa pinakabatayang pagpapahalaga ng pinakamatandang komunidad-pamayanan lianggang sa pagtaas nito bilang bahagi ng dinamikong ugnayan ng nayon at ng iba’t ibang puwersang pambansa na nagbibigay-anyo rin sa kanyang pag-uunlad at kamalayan. Kaya ang pamamaraan ng paghagip sa dinamismo ay hindi lamang nakapugal sa mga sangkap ng etnograpiya. Ang mga etnograpikal na elemento ay mga walang-panig na dupil na malalangkapan lamang ng pananaw-agham sa pamamagitan ng masusing pagsusuri ng mga kalakarang sosyal at antropolohikal. D ahil dito ang partikular ay naging panlahat, ang mikrokosmo ay naging makrokosmo, ang isang komunidad ay naging tipikal na larawan ng mga pamayanan na siyang m agiging pangkabuuang kalikasan ng ebolusyon sa ekonomiya, lipunan, politika at ideolohiya. Ang dimensyon ng ideya ay nakakulong sa mga dctalyeng naratibo ng nobela at sa mga nakapaloob na kahulugang maaaring katasin sa mga iyon. At isang bagay ang maaaring buksan. Ang nobcla ay isang dinamikong sangkap ng pagiging malikhain na maaaring siyang magtakda ng sariling batas. Ang totoo, ang parametro ng realidad na kaakibat ng mga pangyayari ay maaaring maging napakamakapangyarihang hanggahan na mahirap igpawan ng tagalikha. Ang ibig sabihin, sa proseso ng malikhaing paglalahad, ang mga pangyayari ay maaaring magdikta ng kanyang batas at ang manlilikha ay hindi maaaring maging makapangyarihang batliala na susuway at sisira sa nakatakdang batas at kalakaran. Sa ganitong proseso, ang proseso ng paglikha ay nagkakaroon ng sariling buhay at galaw, nagtatakda ng kanyang galaw at pag-unlad, at ang manlilikha ay nagiging isang instrum ento lamang ng paglalahad at pagtatala. Tatangayin ang isang iskolar ng bagwis ng pagiging malikhain sa lalim at rurok na tanging

xi

sining lamang ang maaaring magtakda ng hanggahan at kasaklawan. Tanging ang maaari lamang magbanghay ng hugis, laman, pananaw at kaluluwa sa naratibidad ng malikhaing proseso ay ang makapangyarihang sangkap ng balangkas ng mga pangyayari. Ang ibig sabihin, bagamat ang malikhaing pag-unlad ay may batas na napakalaya, ang kalayaang ito’y hindi maaaring magpakalayu-layo sa mga sangkap na etnograpikal, sa buhay na bukal ng mga pangyayari na nagsisilang ng nobela. Dito ay inaasahang hindi lamang iluluwal ang isang makasining na likha ng literatura kundi inaasahan ding ang literaturang mababanghay ay nagkakaanyo batay sa mga detalye ng mga sosyal at antropolohikal na sangkap. Ang totoo, ang dimensyong sosyal at antropolohikal na ibabatay sa agham ng pagsusuri’t pag-unawa ang panaklong ng malikhaing pagtuklas na siyang tunay na magtatakda ng tagumpay at kabiguan sa pagbubuo ng isang makasaysayang nobela. Bagaman at ganito ang sumasaktaw na pananaw sa pagbubuo ng naratibong balangkas ng n o bela, ang pagsulat ng kabuuan nito ay ginagabayan pa rin ng lubusang kalayaan sa pagtatagu yod ng m alikhaing kaisipan. Lubusang ginamit ng mag-aaral-nobelista ang kalayaang ito para tuklasin ang iba’t ibang sangkap at istilo na malikhain sa pagsulat. Hindi tinakdaan ng kamalayang etnograpikal ang pagbuhay ng mga pangyayari; sa halip, ang daloy ng katotohanan sa naratibong balangkas ay lubusang pinakawalan at binigyan ng laya. Sa pagsusulat ng nobela, ang nobelista ay hindi sinikil ng kakiputan ng Luntal at ng katotohanang isinisilang ng buliay rito. Sa halip, ang Luntal, bilang tuunang-bukal ay naging tipikal na katotohanan ng buhay-nayon ng Pilipinas, at s,i pagiging Makulong nito sa nobela, ang dimensyong tipikal ay naging pambansa, naging kumakatawang rcalidail s.i mga kanayunan ng kinakatawang lipunan.

-ZTakipsilim sa L in a n g Gumagahak ang mga yapak sa pagitan ng tudling ng untiunti nang sumasamyong luntiang dahon ng palay, at ang maririing kintal ng yapak sa sinapupunan ng lupa na may alimuom na bunga ng magdamagang tikatik nang sinundang gabi’t maghapunang pagsilab ng araw ay larawan ng walang lubay at pagod na punyagi ng mga magsasaka na linisin ang linang laban sa mapaminsalang damo, upang ang luntiang sibol ng palay ay lumaya sa pagsiil ng matinik na oray, magubat na mutha, malabag na kabit, mabulong agingay at iba pang mapamuksang damong ligaw, nang sa gayo’y manganak ang bawat tubo ng palay, maminhi, magbuntis, manguhay, at magkaroon ng kaganapan ang gintong butil na may pangakong pag-asa sa sinapupunan ng mga kubo, dambana at hapag ng mga magsasaka. Nakahanay ang mga maggagamas, patingkayad na sumusulong na pauna, habang ang mga dulos ay parang may isip na tinutudla ang ugat ng damo, at hahaklitin ng mga kamay, upang palayain ang biyaya ng lupa, at ang tudlos, usad, haklit, ay parang isang banayad ngunit m akapangyarihang ritwal ng lupa at tao , na sinasaniban ng tugtog ng kudyapi, palakpak ng dalawang basag na biyas ng kawayang inihahampas sa saliw ng tugtog, at hinihimigan na parang banal na dalit ng manganganta ng gamasan: taran-taran-taran, taran-taran-taran, bago ta silimin, linisin ang linang: at habang ang tugtog, palakpak at him ig ay tagulaylay na hum ihikayat sa lakas ng magbubukid na magpatuloy, ang pausad na pagsulong ay marikit na panganorin ng dapithapon na may imbay, hakdaw, kantiyaw, awit at pag-asam. Tumapat si Ka Anggeng manganganta, umiindak-indak, pumapadyak-padyak sa pagitan ng tudling, habang si Ka Baleryong manunugtog ay

2 umiimbay-imbay na sumasayaw-sayaw, kasabay ng kalabit at tupa sa bagting, at si Ka Permeng mamamalakpak ay halos humahalibas, pakaliwa’t kanan, umiikot-ikot sa dalawang kasama, ang katawan ng tatlo’y parang mga munting mayang palipat-lipat sa mahabang hanay ng maggagamas, na minsang tutukan ng awit, tugtog at kantiyaw ay pupulas na parang nabulabog na kawan ng ibong linang. Kabuntot sa hulihan ang mga dalagang bukid, may tukil ng tubig, at may basket na uway ng bukayo, ang iba’y may sukbit na tampipi ng binilot na sigarilyo. Ang mga bata at ilang matatanda ay nakasapol sa pagdampot sa bunton ng ginamas na damo, pangku-pangko o silid sa mga baked o kaing, babalikatin ang mga iyon at pahalibas na ititimbon sa pilapil at tabihan. Taran-taran-taran, umiindak si Ka Angge, gamasin ang damo, umaantig ang umaangil na kuwerdas ng gitara ni Ka Baleryo, itira ang palay, umiikot si Ka Permen, bago ta silimin, linisin ang linang, at ang tinapatang hanay ng maggagamas ay parang nagitlang uod na sumulong. “Dalian n’yo,” sabi ni Oyo na nakaungos nang bahagya kina Toryo at Oden. “Nahuhuli tayo sa hanay.” “Ayos!” halos humihingal na pakli ni Toryo, inihahalibas ang nilabnot sa hulihan. Nilingon ni Toryo ang napapahuling si Oden, nagbibinatilyong noon lamang napasabak sa gamasan na pandalas sa pagkukumahog na makaabot sa hanay, at parang batas ng walang ngalang pagkakawil, binawasan ng nakapamagitang sina Oyo at Toryo ang sakop ng binatilyo, na nang numipis na ang saknong ay madaling nakaabot at nakapantay sa hanay. “Arya, Oden!” ulot ni Oyo. “Oo. Sabay naman ako a,” sagot ng binatilyo. “Malapit na’ng tabihan!” pansin ni Toryo. Tumingin si Oyo kay Toryo, patuloy na tumutudlos. “Wala pa bang lapnos ang palad mo?” tudyo ni Oyo kay Toryo.

3 “Ikaw naman.” “Pag matagal na nawalay sa bukid, numinipis ang palad,” tuloy ni Oyo. “Nagpapalad mayaman,” ayong parunggit ni Oden. Walang puknat na tundos ang itinugon ni Toryo, na parang may ibig patunayan sa dalawang kasama, o sa kahabaan ng hanay ng mga amoy-pawis at mapuputik na magsasaka na ang ilang taon ng pagkawala sa hamon at katotohanan ng bukid ay walang inanod na anumang lakas, ngunit nadarama niya ang pagdaluyong ng pagod, ang pamimitig ng kanyang bind sa maghapunang pagtingkayad, at ang pamamanhid ng kanyang bisig at kasukasuan sa buong araw na pagtundos. “Walang nag-iiba sa sinumang inianak sa Makulong,” mahina ang tinig ni Toryo. Tumawa si Oyo. “Walang taga-Makulong na tumitingin sa tabihan habang me damo pa sa unahan,” makahulugan niyong sabad. “Arya!” biro ni Oden, umakmang uuna sa dalawang kahanay na bahagyang bumagal dahil sa pagsasagutan. Pandalas ang mga tundos. Halibas sa ginamas. Haklit sa nakakabag na kabit. Hablot sa oray at agingay. Tundos sa kulumpon ng maugat na mutha. Habang tumatabi’y lalong dumadalas ang palakpak ng biyas ni Ka Permen, tumitinis ang tinig ni Ka Angge, at tumataginting ang himig ng kudyapi. 'Nagtutudyuhan ang mga maggagamas. “Ang unang makasundo’y me tabako!” “Gusto mo lang makaamoy ng dalaga.” “Sino ba’ng hindi?” “Inyo na’ng dalaga. Akin na lang ang lambanog.” “Magmumurang damo ka na naman.” “Sa gamasan, malagihay ang pangako ng tabihan.” “Ayon!” “Pag amoy tsiko ka, ni hindi ka makakaunang bai

4 “ liakit hindi?” “ 1laliarangin ka ng sibat.” “Nasa pultahan ka pa lang, hahagarin ka na ng sinampalok.” “Ay, pag-ibig.” Tawanan. “Alam mo na naman dito sa Makulong.” “Alam na naman natin dito sa Makulong.” Hagikhikan. Sa kanugnog na hanay, may biglang sisigaw. “Oy! Bilisan n’yo ang tundos. Hindi ang kaltab ng bunganga.” “Siyanga naman,” ayon ng isa pa. “Baka bago tayo makasundo’y malago na uli ang damo sa ’ting likuran!” Tumigil ang mga biruan. “Sige!” “Arya!” “Hala!” Sa kanluran, matingkad ang pulang balabal na pinapupusyaw ng puta-putaking balum bong ng dagim sa papawirin. Ang malahiningang dampi ng dapithapon ay hinahalikan na ng dapyo ng takipsilim. Sa itaas ay nagsalasalabat ang paglipad ng mga ibon, parang nagpapataka, may bumubulusok na paibaba, at pagkaraa’y paarkong tataas, na minsa’y waring magsasalpukan sa himpapawid, ngunit mayamaya, ang mga iyon ay pakawan na hahanay sa kaitaasan, sama-samang maglalakbay na pagawi sa hanay ng mataas na bundok, mga munting bagwis na kakampay, lalamunin wari ng natitipong ulap sa kanilang pagsalunga pahilaga, pasagupa sa parang lulugmok na araw sa pusod ng kabundukan. Ang tnumunting hayop-lupa’y para ring hanay ng mga taong pausad sa tabihan, dadamba-damba ang mga kuliglig, malayo p,t'v nagtatago na sa mga puno ng palay at damo, at sa Ptl|giiillunga ng mga yapak at dulos, kumukuiiglig ang kilHllftllg pagkagimbal, sama-sama ring iiwas sa mga tao,

5 lulundag sa mga nagamasan na, magkakanlong sa mga puno at marahil ay mangangarap sa pagsapit ng gabi. O at ang mga kulisap o ang isang nabulabog na paruparo ay lilipad, o ang mga langgam na itim o pula ay mabibigla sa pagsalakay ng tao, mangangagat sa walang saping paa at mga kamay, na parang m aliit na m andirigm ang nagpapakam atay sa pagtatanggol sa kanilang banal na lupa. Ngayon ay nakahanay na ang nagsisipaghintay sa sunduan, ang sumasaka sa malawak-lawak ding lagay ng palayan na si Ka Anane at ang asawa nitong si Ka Sabel. Naroon din ang ilang matandang nayon na marami’y kababaihan, ngumangang kaumpok ng mga kadalagahang kinabibilangan ni Bining, ang tanging anak ng may pagamas. Nakamasid sila sa papalapit na mahabang hanay ng maggagamas, at ang tampok ng kanilang mata at usap ay sina Oyo at Toryo. Maging kay Bining ay hindi nalihim ang matatamis na padaplis, ang kakaibang ihim an nang halos buong maghapong iyon, tuwing mag-aabot siya ng inumin o sigarilyo sa dalawang binata. At ngayon ngang halos kamanghad na ang mga maggagamas ay lalo waring tumingkad ang mga parinig, at ang mga biro’y tumutukoy na sa hinaharap ng mga puso at buhay. Inilalatag ng mga dalaga ang malalapad na palapa ng saging sa tabihan, dalawang buong dahong pinagsanib sa isang hanay, at ang latag na paayon sa tabihan ay parang isahg mahabang mesang kahalikan ng lupa at kaipala’y maglalaman sa susudlong na maggagamas. Sa gitna ng nakalatag na dahon ay itinumpok ang puto at niyog, at malalaking hiwa ng tinapay. Sa magkaibayong gilid ng latag ay sinasalinan ng matatanda ng mainit na salabat ang nakahanay na mga tasa. Sa isang sulok, inilabas ni Ka Ananc ang lalagyan ng matapang na lambanog. Habang nag-aayos ng meryendahan, nagtutudyuhan ang mga kaumpok ni Bining.

6 “Mukhang talagang masama ang tama, Bining,” sabi ni Bita na kinalabit pa ang katabing si Elay. Tumingin si Elay kay Bining, tigib ng pahiwatig, at makaraa’y kunwang sinuyod ng mata ang mga maggagamas. “Ilan ba’ng sinasabi mo?” pabirong pakli ni Elay pagkatapos. “E ilan ba’ng nakikita mo?” tanong na muli ni Bita. Tumpuk-tumpok na inilagay ni Bining sa dahon ang puto mula sa kilik na bilao. Sa katabi ng tumpok ng puto ay isinalin naman ni Bita ang kinayod na murang niyog. Gising ang kamalayan ni Bining sa usap at biro ng mga kaibigan, at habang patuloy ang mga iyon sa matatamis na parinig, hindi niya mapigilan ang sariling di mapatingin sa hanay ng papalapit na maggagamas, lalo na sa umpukan nina Oyo at Toryo, na lihim niyang tinatapunan ng tingin mula sa sulok ng kanyang mga mata. Patuloy ang palihim na biruan. “Talagang hahanga ka kay Toryo,” sabi ni Elay. “Bakit naman?” tanong ng isang dalagang nayon. “Aba, ilang taong nawala sa Makulong, at ngayon, kaya pa ring humanay sa gamasan,” sagot ni Elay na nakamasid kay Bining. “Baka paltos na’ng kamay ng pobre. Kaawa-awa,” tudyo naman ni Bita. “Ku e ano ba ang lapnos ng balat?” “Marami namang talbos ng bayabas.” “Lalo’t kung ang ngangata’y labi ng nilalangit.” Tawanan ang magkakaumpok. “Kayo naman,” pilit ang sabad ni Bining, “iyong tao ang lagi n’yong nakikita.” “Parang pagong na nasilo mo si Toryo, Bining,” tuwirang sabi ni Bita. “Sabihin mo’y parang pogong nakulong sa bitag,” pakli naman ni Elay. “E pa’no ’yong isa?” sabad ng isa pang kaumpok.

“Si Oyo?” patanong na tukoy ni Elay. “Iyon na nga. Alangan namang si Emong m o.” Kinurot ni Elay ang nagbiro. “Nasa kanila na ’yon.” “Bahala na silang magpahinog.” Nagkakaingay na ang maggagamas. “Tigilan na nga n’yo, nariyan na sila,” waring napipikong pakiusap ni Bining. Sabay sa huling palakpak ng kawayan, awit ng paggamas, at tugtog ng kudyapi, halos sabay-sabay na hinaklit ng mga kamay bukid ang huling taliba ng damo sa tabihan. Halos magkakaalinsabay ding nagtayuan, ang ilang matatanda’y nahihirapang sapo ang mga namitig na baywang, samantalang ang iba’y tuluy-tuloy na sa dulugan, habang nililinis ng damo o ng palad ang makikintab na talim ng dulos. Sa amuki nina Ka Anane at Ka Sabel ay dumulog na ang maggagamas sa gilid ng nakalatag na palapa ng saging, at nagsimula nang humigop ng umaasong salabat, pantulak sa isinusubong puto o tinapay. “Aba’y todohan na n’yo,” ang sabi ni Ka Sabel. “Dito sa ’tin, kahihiyan ng me handa ang me matira.” “Ika nga, kaya nga’t me natira, hindi nagustuhan,” susog naman ni Ka Anane. Lumingon kay Ka Anane ang isang magsasaka. “Kawikaan nga, sa tubig na pagmasdan, kung walang gana o ginanahan,” sagot niyon. At tunay ngang sa tubig na dapat pagmasdan, pagkat sa patuloy na pagdudulot ng puto’t tinapay at pagsasalin ng salabat, ang latag na dahon ay parang iniimis ng masisikhay na kamay. Ang ilang binata’y nagtutuksuhang palihim, minamatyagan kapag ang mga dalagang nayon ay hindi nakamasid, at sa mga nakaw na sandaling iyon doon itataon ang pagsusubo ng buong hiwa ng tinapay o buungputo. Ang iba nama’y nakatayo na, at sinisimulan n Ka Anane at ng ilang matatanda at binata ang pa

pagtatagay ng matapang na lambanog. Nililikom na ng matatandang babae ang mga tasang naiwan, talatalaksang inilalagay sa isang kaing. Habang halos dumaratal ang gabi, at ang gawain ay nagwawakas, nagbibiruan maging ang katandaan. “Alam mo kumadre,” sabi ng katabi ni Ka Sabel, “kung di ako nagkakamali, sa taya ko, ang araw na ito’y me hudyat na maganda.” Sana nga’y maging maganda-ganda naman ang ating ani,” sagot naman ni Ka Sabel, na waring talagang may iniiwasan. “Higit ke sa ani, kumadre,” patuloy ng kausap. Tumingin si Ka Sabel sa mga kaharap. “Hindi ko kayo m aintindihan,” sabi ni Ka Sabel na nakangiti na. “Naku, e balitang-balita sa Makulong na di magtatagal at baka me magmahabang dulang na naman.” “E di lalong mabuti. Sa bawat kasal, me dagdag na isang magsasaka. Yaman natin ’y °n-” “Mamamantikaan na naman.” Nakatingin kay Ka Sabel ang mga kaharap. “Baka ikaw kumadre ang maging punong abala.” “ B alita’y lubusang pinaghahandaan. Sana’y maging maganda ang ani.” “Sino bang talaga ang tinutukoy ninyo?” halatang nagmamaang-maangan si Ka Sabel. “Ikaw naman, kumadre. Napakalihim.” “Talagang wala akong alam. Aba’y mabuti pa kayo.” “Hindi kataka-taka. Wik.t nga, kung sino’ng tinatapatan, nagbibingi-bingihan.” “Kita naman natin ang mga sulyap.” “At ang mga kilos kamo.” “Talaga nga namang ang balita, sa malayo nagbubuhat,” sabi ni Ka Sabel. “ Kailangan lang nam a’y talasan ang pakiramdam, kumadre,” sabi naman ng kaharap. “O siya, dalian na nati’t sumisilim na,” patapos ni Ka Sabel.

9 “Magmasid ka, kumadre. Ang katotohanan ay may kanyang wika.” Hawak ni Ka Tulume ang baso ng lambanog. Nagmula ang matanda sa umpukan ng mga kabinataan na kinabibilangan nina Oyo at Toryo. Lumapit si Ka Tulume sa kinaroroonan ng mga dalaga. Lumapit iyon kay Bining. “Ako’y napag-utusan lamang,” pasintabi ng matanda kay Ka Anane. Nilingap pa ni Ka Tulume si Ka Sabel na abala sa pagliligpit ng mga kagamitan. “Ito talaga ang tungkulin ng matatanda. Tagapag-ugnay.” “Basta’t sa magaling, Ka Tulume,” sabi naman ni Ka Anane. Inialok ni Ka Tulume ang baso ng lambanog kay Bining. Nahihiyang nakatingin si Bining sa ama. “Hindi ho ako marunong,” sabi ni Bining. “E di mag-aral,” nakatawa si Ka Tulume. “Sila na lang h o ,” tanggi pa ng dalaga, palihim na sumulyap sa mga binata. “Patamisin mo lamang. Dampian ng labi ang baso’t ang lamang lambanog ay tamis-pukyutan,” mahabang pananalinghaga ni Ka Tulume. Muling sumulyap si Bining sa mga magulang, parang nalagay sa alanganin. “Sige na, Bining,” pahiwatig ni Ka Anane. “Hindi ho ako sanay, Tatang.” “Dadaang lahat sa ganyan dito sa Makulong,” sabi naman ni Ka Sabel. “Hanggang maaga’y dapat matuto.” Iniabot ni Bining ang baso. Idinampi sa labi ang alak. Tinikman. Napapikit na bahagya ang dalaga na parang nahirinan ng nagbabagang tapang ng lambanog. Makaraa’y iniabot na muli ang baso kay Ka Tulume. Inut-inot na binagtas ni Ka Tulume ang lugal na namamagitan sa kadalagahan at kabinataan. Tuluy-tuloy ang matanda sa kinaroroonan ni Toryo, na n o o ’y nakasandal sa isang malagong puno ng kamatsile. “Matamis na, Toryo,” sabi ni Ka Tulume.

10

Namumulang inabot ni Toryo ang baso. “Hindi ko po kayang ubusin.” “Huwag mong sabihing napagbago ng limang taong pagkawalay sa Makulong ang batayan sa atin ng pagiging ganap na lalaki,” naghahamon ang tinig ni Ka Tulume. “Talaga pong. . .” at bago naituloy ang mga salita’y napatingin ang binata sa kinaroroonan nina Bining. Parang may nakita si Toryong kislap ng paghamon sa mga mata ng dalaga. “Kaya mo, Toryo,” upat ng isang magsasaka. “Me pukyutan na ’yan.” “Sa sunod na tagay,” sabi pa ng isa, “si Oyo naman.” Lumapit si Oyo kay Toryo. Natitiyak halos ni Oyo na hindi kayang ubusin ni Toryo ang laman ng baso. Sa Makulong ay malaking kahihiyan ang pagsuka sa harap ng mga tao, lalo pa ng mga kadalagahan. “Paghahatian po namin, Ka Tulume,” sabi ni Oyo. “Walang api sa kasunduan,” sagot naman ng matanda. “Salamat po, Ka Tulume,” pahatid ni Toryo. “Kunin mo ang iyong kaya,” pahiwatig ni Oyo. Tinungga ni Toryo ang kulang-kulang na kalahati ng lamang lambanog. Pagkatapos ay iniabot ang baso kay Oyo. Parang walang anumang sinaid ni Oyo ang laman ng baso. Pagkatapos ay iniabot ni Oyo ang baso kay Ka Tulume. Lumapit si Toryo kay Oyo. “Salamat sa pagsalo m o,” pabulong na sabi ni Toryo. “Gipit na katayuan ’yon,” pakli ni Oyo. “O sige, uuna na ako. Hindi ko pa naigagapas ng pagkain ang alaga ko.” “Magkita na lang tayo mamaya, Oyo.” Lumalaganap na ang dilim sa kaparangan. Ang mga magsasaka’y isa-isa nang nagsisipag-uwian sa kani-kanila, ang matatanda’y may mga kilik o pasang kumpay para sa mga alagang baka, kalabaw at kabayo. Mula sa linang na sinasaka ni Ka Anane, tinawid ng mga gumamas ang mahahabang

11 pilapil, palabas sa kanayunan. Sa bulusan ng nayon, ang mga kubong yari sa kawayan at kahoy na may atip na pinagtagnitagning tuyong kogon ay may mga sindi ng mga munting kingke, ang ilang may kaya-kaya’y may ilaw na gasera. Ang ilang magsasaka’y nagsusupa ng binayong dahon ng ipil at darak sa mga bakang pangararo sa mga pultahan. May mga binatilyong may balagwit na pinggang may kargang dalawang timba ng inigib na tubig mula sa nag-iisang poso artesyano sa gitna ng nayon. May ilan na ring nakalikmo sa bangkong kawayan sa harap ng tindahan ni Ka Saning, na nagmamagandang gabi sa matatanda at nagbibiro naman sa magkakasabay na dalaga at binata. Hindi kalayuan sa tindahan, natatanaw na ang kubo ni Ka Anane. Lumapit si Oden kay Bining, pasabay na lumakad sa kalsada sa mga dalaga. “Mananapat daw sila mamaya,” sabi ni Oden. “Sinong sila?” tanong ni Bining. Iginuso ni Oden ang napapahuling si Toryo. “Magpapaharana raw si Toryo,” sagot ni Oden. Umihem sina Bita at Elay at nagkalabitan pa. “Kanina’y saknungan.” “Ngayo’y mananapatan.” “Ano ang susunod, Bita?” “Itanong mo sa bituin, Elay.” “Talagang masama ang tama.” •“Sabihin mo, parang tinamaan ng lintik.” “Harana lang ’yon,” sabi ni Bining. “Sa simula, Bining,” giit ni Bita. “Nakarating na ang isip n’yo sa buwan,” pahinagpis na sabi ni Bining. “O, ano’ng sasabihin ko?” ungkat uli ni Oden. “Me masasabi pa ba ako? ’Yan ang batas ng samahan dito sa ’tin, Oden. Sabihin mo lang e aga-agahan. Baka me masabi si Tatang.”

12 Tumalikod na si Oden. Nilingon ni Bining ang binatilyo. Nakita niyang kausap na ni Oden si Toryo. Dumatal na sila sa pultahan nina Bining. Nasa makalabas sila ng bakurang napapalibutan ng nakatulos na mga kawayan. Maliwanag ang tapon ng liwanag ng gasera na nakasabit sa itaas ng pasimano ng nakabukas na durungawan. “Dumaan muna kayo,” anyaya ni Bining. “Hindi na, Bining,” pasubali ni Toryo. “Saka na,” sabi ng isa pa. “Pag nagkatao’y baka magsawa ka sa aming kadadaan,” pabirong pakli ng gitaristang si Ka Baleryo. “Kayo naman,” nahihiyang sabi ni Bining. “O sige,” tumalikod at tumuloy na sa kubo ang dalaga, kasama ng mga kaibigan. Inihatid nina Toryo ng tingin si Bining. Kundi pa dumating ang napahuling matatanda na kinabibilangan nina Ka Anane’y hindi wari magpapatuloy sa paglampas sina Toryo sa harap ng kubo na may maliwanag na tanglaw.

^2/ Pagtingala sa B ituin Ganap na ang katahimikan ng nayon. Maliban sa ilang bahay at sa tindahan ni Ka Saning sa gitna ng nayon, nakukumutan ng paikpik na dilim ang buong Makulong. Ang bukas na mga pintuan at nakatarangkang bintana’y nangakapinid na, marahil ay upang masagkaan ang napakalamig na simoy na nagmumula sa bundok. Bahagyang nakasiwang ang bintana nina Ka Anane. Nakapatong ang bastidor ng binuburdahan ni Bining sa pasimano, naglalaro wari ang kamay ng dalaga sa pagsusulot at mabilis na paghugot sa mumunting butas ng nilalalahang tahiin. Manaka-naka’y napapasulyap si Bining sa mukha ng dilim, maging sa bahagyang kaluskos ay parang kumakaba

13 ang kanyang dibdib, at aywan, nang gabing iyon, waring talagang inihanda niya ang sarili sa paghihintay. Nagbibilot si Ka Sabel ng sigarilyo, nagdidikdik naman si Ka Anane ng nganga sa batong bayuhan. “Ba’t di ka pa matulog, Bining?” pansin ni Ka Anane sa anak. “Pagod na pagod ka na a.” “S’yanga naman, Bining,” sang-ayon ni Ka Sabel. “Bukas e me araw pa ng Diyos.” “Minamadali ko ho ’to, Inang. Me pasabi ho si Ka Siyon na kailangan nang maisulong ito ,” matuwid ni Bining, pinipilit ang sariling itutok ang kamalayan sa ginagawa ngunit patuloy na ang kanyang kamalayan ay napupukaw ng nanunuksong karimlan sa labas. “E ano pa bang maaari mong matapos n ’yan? Di ba nangangawit ang mga daliri mo sa gamasan?” giit ni Ka Sabel. “Sanay ho naman ako, Inang.” “Ang batang ire, sobrang sipag,” sabi naman ni Ka Anane. “’Yang babae, di dapat siyang gulpi sa trabaho. Ba’y katulong lamang ang babae. Di ba, Sabel?” “Kung sa’n-sa’n mo naman itinatawid ang usapan, Anane,” ungol ni Ka Sabel sa asawa. “Ang taong ito ,” malimi ang sinasabi ni Ka Anane, “malao’t madali, dapat isipin ang paglagay sa tahimik. D ’yan naman sumasadlak ang lahat, Sabel.” “Oo nga. Pero di ’yan nagmumula sa bibig ng me babae.” *“Ugali lang naman at usapan.” “Wika ’yan ng naghahanap.” “Talaga namang dapat na mamili ang sinuman, Sabel. Maging babae o lalaki.” “Ipinaghahanap mo ba’ng anak mo?” “Hindi nga. Pero me karapatan tayong magturo.” “Tinda mo na, bili mo pa.” “Sa’n na lang tayo tatayong mga magulang sa pagt.it,iv ng kinabukasan ng mga anak?”

14 “Naku, Anane,” pahinagpis ni Ka Sabel, “hindi na ’to ang panahong una. Iba na ngayon.” “Ba’t iba?” “Ang mga bata na ang pumipili. Di na mga magulang.” “Iba ang ating si Bining.” “Ewan,” walang buhay na pasubali ni Ka Sabel. Tumingin si Ka Anane sa anak. Nakatutok ang mukha ni Bining sa binuburdahan. “Di ba tama ang sinabi ko, Bining?” tanong ni Ka Anane. “Wala pa ho sa isip ko’ng mga bagay na ’yan.” “E di kita mo na. Ibang talaga si Bining mo, Sabel.” Nakamasid si Ka Sabel kay Bining. “Magsalita ka ng ganyan sa ibang tao, Anane. Hindi sa isang inang tulad ko.” “Ang taong ’to kung magsalita sa anak.” “Me katotohanan ang mga kilos, Anane,” malaman ang tinuran ni Ka Sabel. “E ano’ng masama ro’n?” “Sa inyong mga lalaki.” “Kung anu-ano kasi’ng pinakikinggan mo e .” “Ano nga ba’ng maaaring magawa ng magulang?” may hinanakit ang tinig ni Ka Sabel. “Naku, Sabel. Pag pinakinggan mo’ng lahat na biro, mabibilog ang ulo nang di oras.” “Ang mga kilos e di biro, Anane.” “O siya, magpahinga na tayo,” patapos ni Ka Anane at inayos na ang ginagawa. Binilot ni Ka Anane ang dinikdik na maskada at bunga. Isinilid ang mga iyon sa isang lalagyang tampipi. Tumayo siya pagkatapos at lumapit sa abalang si Bining. Nagsimula nang maglatag ng banig si Ka Sabel sa pinakakabahayan. Mula sa may durungawang pinananahian ni Bining, bumalik si Ka Anane sa may latag nang pagpapahingahan. Pasalampak na umupo roon si Ka Anane. Inuunat-unat ni Ka Sabel ang

15 may almerol na kumot na kanilang gagamitin. Ngayon ay nakatitig si Ka Sabel sa hindi pa rin tumitinag na si Bining. “Matulog na tayo, Sabel,” muling kayag ni Ka Anane. “Matulog ka na, Bining,” pautos na sabi ni Ka Sabel sa anak. “Maglatag ka na sa silid.” “O ho,” sagot ni Bining, tumingin sa mga magulang. Nagpatuloy si Bining ng pagbuburda. At makailang saglit, may tumikhim sa ibaba, sa makababa ng hagdanan. Tumunog ang gitara. Pinunit ng katahimikan ng panawagan ng awit sa isang harana: ip ng p a t aw a d m ong a k o ’y m anam bitan\ at aywan,lalong nagpatuloy si Bining sa pagbuburda, bagamat nadarama niyang parang binabayo ng magkasanib na pananabik at takot ang kanyang dibdib. In u t-in ot na bumangon si Ka Anane. “Tumayo ka muna diyan, Sabel,” pabulong na sabi ni Ka Anane sa asawa. “Me nananapat.” Napilitang bumangon si Ka Sabel, nilikom ang kumot at ipinatong sa pinagsusong unan. Nilikom ang nakalatag na banig at ipinasok sa silid na tulugan ni Bining. Nagtatapos na noon ng panawagan sa ibaba: dinggin mo ang hibik ng puso, parang nakikiusap na hinaing. Dumako si Ka Anane sa makapanhik at binuksan ang pinto. “Panhik kayo,” sabi ni Ka Anane. Isa-isa nang nagsipanhik ang nanghaharana: nangunguna si Ka Baleryo na siyang may dala ng gitara, sumunod si Em ong na sum isibol na m ang-aaw it, si T o ry o , ang binatilyong si Oden at ilan pang binatang nayon. Bawat isa’y bumabati ng paggalang: mano po, Ka Anane, mano po, Ka Sabel: na sinasagot naman ng pagkilala at pagbibigay: kaawaan tayo ng Diyos, isusukli ng dalawang matanda. Ang bawat isa’y nagkanya-kanya na ng lugal, may nakasalagmak sa sahig, may nakaupo sa may silid na sako ng palay o mais. Ang manunugtog na si Ka Baleryo at mga manganganta’y nangakahilera sa isang papag na kawayan, katapatan halos

16 ng pasimanong kinaroroonan ni Bining. Si Toryo naman ay nakalikmo sa isang silyang kawayan, kaharap ng munting mesa na kinasasalalayan ng burdahan ni Bining. Nagpasakalye si Ka Baleryo. Tumikhim si Emong na waring may binubuong hangin sa dibdib. Nagsimula na iyon ng pambungad na awit: sa malayong lugal, may balitang dilag, na poon ng suyo’t paghanga ng lahaP. at ang awitin ay nagpatuloy, hanggang sa may umawit na humihingi ng isa ring awit na kasagutan: m a a a rip o bang kam i ay mangutang, ng aw it na m ithi’t pan g arap pakinggan. Nakatungo si Bining, waring nahihiya. “Mangungutang kami, Bining,” sabi ni Toryo. Hindi umimik si Bining. “Kami po’y makikisuyo ng isang awit sa inyong dalaga,” sabi ni Ka Baleryo sa mga magulang ni Bining. “Na ke Bining ’yan,” sagot naman ni Ka Sabel. Nanatiling hiwaga si Bining sa katahimikan. “ Ib ig kong m arinig, pagkaraan ng lim ang ta o n ,” nakikiusap ang tinig ni Toryo. Tumingin si Bining kay Toryo, nahihiyang napangiti. “Kayo na lang,” pakipot ni Bining. “Sige na, Bining,” ulit ni Ka Baleryo. “Sige na, Bining. Pasalubong mo sa ’kin.” “Baka kayo magtakbuhan. Mapilit lang kayo.” “Sa bawat awit mo’y me panukling awit,” ulit ni Ka Baleryo, tumingin kay Toryo habang nagpapasakalye. Naglalaro ang daliri ni Ka Baleryo sa gitara. Tumikhim si Bining, parang nagpapalaway sa lalamunan. Nagsimula na siyang umawit: ang sang a ng m an gga’y wala pan g bulaklak, di ito panahong dap at na m am itas, at makatapos ang dalaga’y itinapat naman ni Ka Baleryo ang gitara kay Toryo na sumagot din sa isang awit: b u la k la k sa s a n g a ’y a k in g hihintayin, han da na m agtiis ang aban g mithiin\ at nagilang ulit ang sagutang iyon nina Toryo at Bining, na sa

17 pamamagitan ng awit ay may mga pahiwatig na talinghaga, natatagong pagtatangi, o nakukuyom na pagtingin. Matapos ang tagisan ng awit ay muling itinapat ni Ka Baleryo ang gitara sa ibang manganganta, palipat-lipat, habang sina Toryo at Bining naman ay nag-uusap na waring may sariling nasasaputang daigdig nang gabing iyon sa sinapupunan ng mga tao at awit. “Matagal ka ring nawala.” “Di naman matagal ang limang taon.” “Balita’y pa-Maynila ka raw.” Nakatitig si Toryo sa dalaga, may sinasala siyang ibig ipahiwatig ng mga salita. “Kung sa ’kin lang, dito na ’ko sa atin.” Mula sa pagkakatungo, nagtaas ng mukha si Bining. Saglit na tumingin kay Toryo, pagkatapos ay inihangga ang paningin sa kalawakan ng karimlan sa labas. “Marahil, ikaw ang unang makakaalis sa Makulong,” sabi ni Bining. “Pangarap ito ng buong nayon para sa ’yo.” “Kaya nga mahirap para sa ’kin.” “Lahat na maaaring tumingin sa malayo ay me pangarap.” “Hindi ko alam kung ano ang pagtatapusan nito, Bining.” “Ikaw ang unang mapalad, Toryo,” sabi ni Bining, ngayon ay nakamasid nang tuwid sa mukha ng binata. Tumingin si Toryo sa labas, bahagyang nakatingala sa langit na may kutitap ng mga bituin. May balabal wari ng kalungkutan ang kanyang mga mata. Ilang saglit siyang nakatutok ang mata sa kawalan. At habang patuloy ang isang malungkot na awit, parang dalit na isinalaysay ni Toryo kay Bining ang bahagi ng isang katotohanan. May kakambal na pait ang kanyang tinig, may sigid na kirot ang kanyang damdamin. “Para makalayo, nanahanan ako kina Senyor Martin. Para sa katuparan ng pangarap, me bahagi sa aking namamatay, Bining.”

18 “Me puhunan sa lahat ng bagay. Gaya rin ng pagtatanim ang pangarap, Toryo.” “Maging isang utusan? Iyon ba ang pagiging mapalad?” “Sinum a’y walang nangarap na makalayo n o ’n sa Makulong. Ang buhay na ginisnan dito ang inaari nating mundo. Tama ang iyong Tatang.” “Malayo pa ang hinaharap,” habang nagsasalita’y nakamanghad si Toryo sa dilim. “Gaya ng sinabi mo, wala pang nakakaalis sa Makulong.” “Ikaw ang magsisimula.” “Ako’y nakakaunang hakbang pa lang.” “Magtatagumpay ka, Toryo.” “Maaaring ako man ay hindi rin umalis.” “Me pangarap ang nayon para sa ’yo, Toryo.” “Me pangarap din ako sa ’king sarili, Bining,” nakamata si Toryo kay Bining, parang may itinutudlang pahiwatig. “Saka, maaaring ako man ay hindi rin makaalis.” “Ang paglayo upang may baguhin ay nasa tao. Tayo ang nagbabatas ng bukas.” “Gaano ang aking magagawa laban sa kinagisnang batas ng katalagahan?” “Tao lang ang maaaring magbago ng mga bagay,” sabi ni Bining. “Me nakatakda na tayong guhit, Bining. Di ba’t ’yan ang ginisnan nating paniwala?” “Dapat na tayo’y me tiwala,” sabi ni Bining, bumuntunghininga at lumingap sa labas. “ Ngayong tapos ka na sa haiskul, maaari ka nang sumulong. Sa ’tin, ang pagtatapos ng haiskul ay isang pangarap.” “Ang pagkakamit ng karera ay isang himala,” pakli ni Toryo, bahagyang napatawa. “Malay mo, baka sa ’yo mangyari ang unang himala,” maliming sabad ni Bining.

19 “O baka ako ang maging unang tunay na sawimpalad,” mataimtim na sabi ni Toryo. “Magbibinhi at mamumunga ang mga pangarap, Toryo,” sukli ni Bining. “Iyon ang pangarap ng nayon.” Nakatitig si Toryo sa mga mata ni Bining. May malamlam na pusyaw na nakakintal sa kabilang bahagi ng mukha ni Bining, habang ang dalaga ay bahagyang nakaiwas ang tingin sa binata. Ang sandali ay kisapmata ng mga pagtatanong sa dalawa, at kaipala’y bathala lamang ang makaaarok sa kahulugan ng lalim at lawak ng mga damdamin. Natitiyak ni Toryo ang pananalig ni Bining: a, di ba’t ang buong nayon ang nananalig na siya at tanging siya lamang ang unang anak ng lupang magkakabagwis at malayang makikipagtalik sa mga panganorin ng pagbabago at paglaya? A, si Bining ay bahagi ng pananalig na iyon, ngunit natitiyak ni Toryo na sa himaymay ng kanyang pag-unawa’y nagaganap at nabubuhay ang pag-aalinlangan. Ilang saglit na nakatungo si Toryo. Masaya na ang awitan. “Kailangang magpakilala ang me paharana,” kantiyaw ni Emong. Inilabas ni Toryo ang isang kaha ng sigarilyo, nagpalipatlipat iyon sa loob ng bahay, hanggang sa ang lahat ay maabutan ng sigarilyo. Itinapat na muli ni Ka Baleryo ang gitara kay Bining. Masigla nang nagbigay ang dalaga. Umawit uli si Toryo. Umawit ang isa pa. Namaalam na ang awit ni Emong: Paul am na irojj, an g ngiti m o’t aw it, ilaw sa pagtulog'. at isa-isa nang namaalam ang mga manghaharana. Pinakahuling namaalam si Toryo. Tumayo na rin si Bining, dumako sa may pintuan, bahagyang napalayo sa dalawang matanda sa kabahayan. Huminto sandali si Toryo bago nanaog sa hagdanan. “Wala bang magagalit kung dumalaw ako?” tanong ni Toryo.

20 “Wala namang me sakit a,” nagbibiro si Bining. “Dadalaw ako hindi sa isang me sakit.” “Mahirap ’yan,” napatawang paimpit ang dalaga. Ang dadalaw ang me sakit, Bining,” makahulugang pahiwatig ni Toryo. “Magkikita naman tayo sa mga gamasan.” “Tahanan ang para sa nagpapakatao, Bining. Sasabihin ko sa yo na me nabanghay sa ’kin sa loob ng limang taong pagkawala dito sa ’tin.” Napangiti si Bining, ngunit hindi na siya nakatawa. Nakatitig siya sa mukha ng binata. “Sa limang tao’y naging iba ka na, Toryo. Pad ang paraan mo ng pagsasalita,” sabi ni Bining at tumingin sa labas. “O baka maiwan ka nila.” Naglalatag na si Ka Sabel. Pinupunasan naman ni Ka Anane ang naiwang bakas ng mga yapak sa sahig. “Sige,” pahimakas ni Toryo. Pumanaog na ang binata. Sa makalabas ng bakuran, naghihintay ang mga kasamahan. “Ano, nabingwit mo?” biro ni Emong. “Hindi gano’n kadali sa ’tin ang pag-ibig.” “Ika nga, kung di madaan sa madalian, gamitin si santong paspasan,” biro naman ng isa. “Ngayong lutang na ang buwaya, ang lahat ay gawin na,” hamon ni Emong. “E pa’no ang buwayang lubog? Baka paglutang, ayos!” tudyo naman ng isa. Natunugan ng lahat ang tinutukoy ng nagsalita. “Dadaanin na lang sa matandaan. Diyan malalaman kung aim ang magaling ang senyal, ang alaga ni Ka Tales o ni Ka Garse,” nag-uulot ang tinig ni Emong. “Unahan mo na, Toryo,” udyok ng isa. Walang matimtimang birhcn sa mat’yagang manalangin.”

21 “Kung ang birhe’y di iling nang ilin g,” sabi naman ni Ka Baleryo. Nagkakatawanan ang magkakasama sa kahabaan ng maputik na daanang-nayon. Malayu-layo rin ang kanilang nilakad. Hindi naglaon ay naghiwa-hiwalay na sila. Hanggang ang maiwan na lamang ay sina Ka Baleryo, Oden at Toryo. “Pa’n o,” sabi ni Ka Baleryo sa dalawang kasama nang tumapat na ito sa kanila, “bukas, magkita na lang tayo sa gulod. Alam na ni Ka Tulume,” dugtong pa niyon at tinapik si Oden sa balikat. Nagpatuloy na sina Toryo at Oden sa paglakad. “Lahat e dadaan sa ganyan, Oden,” pampalakas-loob ni Toryo. “Sumasama ka na sa harana at gamasan e.” Hindi umimik si Oden hanggang sa ito man ay sumapit na rin sa kanila. Narinig pa ni Toryo ang paglangitngit ng pintong kawayan na itinulak na pabukas ni Oden. Habang lumalayo si Toryo ay ipinapaspas ng hangin ang tinig ni Ka Bisyong na itinatanong sa anak kung saan iyon galing sa gayong oras ng gabi. Naulinigan pa ni Toryo ang pagbibiro ni Ligaya sa kapatid, hanggang sa muling manaig ang katahimikan ng gabi sa kanyang paglalakbay na mag-isa. Tumingala si Toryo sa langit bago tuluyang pumasok ng bakuran. Manipis lamang ang ulap. Sa ibang mukha ng langit, maningning ang mga bituin. Hindi naman marahil uulan, naisaloob ni Toryo. Ibinuwal ni Toryo ang nakatihayang lusong. Ang dalawang halong pambayo ay isinandal niya sa tabi ng haligi, katabi ng nakasandal na araro, palakol, pantibag at iba pang kagamitan sa bukid. Tinungo niya pagkatapos ang koral ng kanilang bakang pangararo, humagok iyon at sumingasing pagdalpak niya, ngunit nang siya’y maamoy at makilala ay nagpatuloy na ang hayop sa tahimik na pagkain ng kumpay. Umuugok ang may mga biik na inahing baboy na nagsisipag-igikan habang sumusumbang

22 sa pagsuso. Kumukorokok ang mga alagang inahin sa nababakurang silong ng bahay. Pumupuyopoy ang buntot at humahalik-halik sa kanyang pantalon ang alagang aso. Nang maisaayos na ang lahat sa bakuran, marahang pumanhik si Toryo sa hagdan. Napansin niyang bukas pa ang ilaw ng kingke, na ang liwanag ay sumisilip, sa mumunting sira ng kanilang dingding. Nang hilahin ni Toryo ang dahon ng pintuan, nabungaran niya ang kanyang ama, tahimik waring naghihintay. Tuluy-tuloy na lumakad si Toryo sa makipot na kabahayan. “Kumusta ang harana, Toryo?” tanong ni Ka Tales, ngunit walang sigasig ang tinig niyon. “Mabuti ho, Tatang,” sagot ni Toryo. “Nakailang kanta si Bining?” “Marami ho.” Nagpapausok ng nakasupalpal na tabako si Ka Tales. Ang amoy ng usok ay lumalagom sa loob ng bahay. Tinarangkahan ni Toryo ang bintanang sawali na katapat ng kanyang hihigaang sahig. May latag na iyon, nakahanda na maging ang kanyang kumot at unan, gaya noong una. Nagpapalit na si Toryo ng pantalon, maging ang damit na bahagyang nabasa ng hamog sa malalagong puno sa daan ay kanya na ring pinalitan. Umupo siya pagkatapos sa latag. Nakaupo pa rin sa lumang baul si Ka Tales, parang may ibig sabihin. “Ano’ng pangako sa ’yo ni Senyor Martin?” tanong ni Ka Tales sa anak. “Wala ho,” sagot ni Toryo. “Ba’t di mo itinanong?” “Nagdalanghiya ho ako e .” “Pa’no?” “Bahala na ho.” Humiga na si Toryo. Nanatili sa kinaroroonan ang kanyang ama. “Aayaw kong maparis ka sa amin, Toryo. Ang pinasimulang biyaya ni Senyor Martin ay pagkakataon mo, anak.

23 Hindi mo dapat manahin ang buhay ko. Dapat kang makalayo. Kinamatayan ng ’y°ng Inang ang pangarap na ’yan.” Ang pangungusap ng ama ay parang tinig ng mga panahon, humahalukay sa mga bubot na pangarap, na hindi na natanglawan ng kaganapan. Pumipintig ang pangarap na iyon, ang mithiin ng pagtakas, at iyon ay parang isang banal na dalit na dinadasal ng ama sa kapayapaan ng gabi. Pagkaraan ng ilang saglit na namagitan ay tumayo na si Ka Tales. Umingit ang sahig sa kanyang bawat hakdaw. Naglatag na rin ng banig si Ka Tales sa kanugnog na panig ng kabahayan. Pagkatapos ay hinipan ng matanda ang sindi ng ilaw. Kumumot ang payak na karimlan. Hindi naglaon, naririnig na ni Toryo ang paghihilik ng kanyang ama. Ngayon ay nakapako ang mata ni Toryo sa kapirasong awang ng durungawan. Sa mukha ng langit na namamalas niya, kumakaway ang kislap ng mga bituin. Naalaala niya ang mga pangarap ng nayon. Sa mga tagaroon, siya ang unang pangako. B aled iktoryan siyang nagtapos ng elementarya sa kabayanan. Nilalakad niya ang maputik na daan, palabas sa kalsadang bayan, hatid ng kanyang ama. N agugunita niya kung paano niya sinaulo ang mga pangungusap na Ingles na hindi niya maintindihan ang kahulugan noong siya ay nasa unang baitang ng paaralan. Siya ang unang nag-aral sa baryo na nakasaulo ng buong libro. Sinuob siya ng paghanga, ng ibang uri ng pagtingin at pagpapahalaga. Hanggang sa tangayin siya ng mga pangarap at hamon ng mga pananalig. At nang makatapos ng mababang paaralan, nanahanan siya sa malaking bahay ni Senyor Martin sa kabayanan. Isa iyong lumang bahay, may mataas na pader na ang pinakaituktok ay may rehas na may maiitim na tulis na nagbabanta, ang bubong ay tisa, ang bintana ay kapis, ang sahig ay makintab na napapalamutihan ng alpombra, may mamahaling muwebles, malalaking tsandelyer na tumatanglaw sa bawat bahagi, may mahabang mesang kainan ng mag-anak at panauhin, may mga kamang

24 may mga arko sa bawat kuw artong higaan, at may dambanang kaylalaki ng mga banal na imahen. Sa loob ng limang taon, naging bahagi siya ng kapaligirang iyon, inuutusan, pinagagalitan, nagbubunot ng sahig, nagdidilig ng mga halaman at iba pang gawaing ni sa pangarap ay hindi niya inasahang mangyari sa kanya. Tiniis niya ang limang taong iyon ng pagiging mistulang alipin, upang tugunin ang hamon ng mga pangarap ng nayon. At ngayon, naririto na naman ang tinig ng kanyang ama, ang pagbabatas ng tinig na iyon hinggil sa kanyang paglayo sa sariling ugat. Nakapikit na mariin ang talukap ng kanyang mga mata. Nais niyang sagkaan at takasan ang pagdagsa ng mga gunita. Ngunit buhay ang kanyang kamalayan. Hindi siya dalawin ng antok. Nang imulat ni Toryo ang kanyang mga mata at masdan ang pisngi ng langit ay napansin niya ang paglalaho roon ng mga bituin. Malakas ang hilik ng kanyang ama. Nanatili si Toryo sa pagkakahiga, nais niyang makalimot at makatulog. Namayani pa rin ang paglalakbay ng mga gunita, hanggang ang kapayapaan ng magdamag ay punitin ng unang tilaok sa madaling-araw.

^

Kapfoncf Tao

Masayang nag-uusap ang magkakaumpok sa gulod. Si Oden ay tahimik na nakaupo sa nakatikwas na ugat ng balete, halatang binabagabag ng kaba. Si Oyo naman ay nagkakayas ng kapuputol na sanga ng bayabas, nilalagyan ng pinakaarko na pinakikinis ng hawak na matalim na lanseta. Magkatabi naman sina Ka Baleryo, Toryo, Emong at ilan pa sa lilim ng katapat na punong duhat, kinukutingting ng gitarista ang bagting ng gitara, habang si Hmong naman ay humihimighimig na waring nagpipilyo. Manaka-naka’y nagbibiruan ang magkakasama, naghahagakhakan nang ubod lakas pagkatapos.

25 Sa Makulong, ang gulod na iyon ay may iwing bugtong at kahulugan. Walang lalaking tubong nayon na hindi nagkaroon doon ng ugnayan, sa pagbibinyag sa kanya ng huling ritwal ng pagiging bagong tao. Makahoy ang gulod, maraming-maraming punong bayabas sa paligid, kung kaya’t kung minsa’y tinatawag iyong bayabasan. Bukod sa malaking puno ng balete at duhat, may puno rin doon ng sinigwelas, mangga at santol. Sa gilid ng gulod, gumugubat ang malalagong kogon, na kung mura at tag-ulan ay ginagapas at ipinapakain sa mga hayop, ngunit kung gumulang na ang kogon, kung tumanda na at yumabong ay hinahablot, binibigkis at ginagawang bubong ng kubo. Mula sa gulod, matatanaw ang mga pinitak na luntiang palayanan, na kung araw ng Linggong gaya noon, ay malayang nililiparan ng mga maya, pagkat walang taong kinatatakutan. Kung araw ng Linggo, pangilin ng sipag sa Makulong, iginagalang ang araw na iyon bilang banal na sandali ng pamamahinga, bagamat hindi naman sumisimba ang mga tagaroon sa kabayanan, marahil ay dala ng kalayuan, at kung gayong dumadatal na ang tag-ulan ay lubhang mabalaho ang daan. Lumapit si Emong sa walang kibong si Oden. Nagbibirong kinalabit nito ang binatilyo. “Ito na ang huling hakbang ng pagbibinata, Oden. Pagkatapos nito, maaari ka nang maningalang-pugad.” 'Sumabad si Ka Baleryo. “Bakit, nakapanilong na ba si Oden?” Namaywang si Emong. Pagkatapos ay kumumpas-kumpas ang kamay. “D ’yan kayo huli sa balita, Ka Baleryo,” sabi ni Emong. “Tapos na hong manilong si Oden.” “Nakakita ka na pala ng pintong patungo sa langit?” “Nalaman na niya kung paano siya naging tao.” “Sino namang mapalad na dalaga?” tanong ni Ka Baleryo. “Sasabihin ko ba, Emong?” nagtatawang sabi ng isa.

26 “Ano bang masama roon?” katwiran naman ng isa pa. “Ipasasabi ko ba, Oden?” tanong ni Emong. “Walang masama sa paninilong. Kinagisnan na natin ’yang ugali. ’Yan ang unang binyag ng pagiging talu bata,” paliwanag ni Ka Baleryo. “At ang tuli naman ang s’yang kumpil,” sabad naman ng isa. “Sino nga ang unang nasilipan?” mapilit si Ka Baleryo. “Si Elay ho,” si Oyo ang sumagot. “Di ba’t si Elay ang pinupuntirya mo, Emong?” nagtataka si Ka Baleryo. “Ang lagay ho’y nagtago ke Oden ang tunay na may layunin,” tudyo ng isa. “Naku’y di nag-agawan kayo sa silong n’yan?” “E di kasi. Pahuhuli ba si Emong?” “Ano naman ang nangyari?” nananabik si Ka Baleryo. “E di nakita ang ibig makita!” pagyayabang ni Emong. “’Yon lang ba ang nangyari?” “Mabuti’t di nakahalata?” tanong ni Ka Baleryo. “Ano ho bang hindi?” “Nahuli ba?” “Higit pa ho kesa ro’n .” “Higit pa?” “Nabuhusan pa ho.” “Ng abo sa dapugan?” “Hindi ho, Ka Baleryo,” sabi ni Oyo. “Binuhusan lang ho naman ni Ka Scpa ng ilii .mg dalawa.” “Lintik!” napalatak si Ka Baleryo. “Mabuti’t di nakulong sa koral?” “Nagkumahog hong paposo.” Nagsimula nang nangaral si Ka Baleryo sa sining ng paninilong. “’Yong paninilip e me paraan at batas na sarili. Iwasan n’yo ang mga pugad ng nagpipisang inahin. Sa ilalim ng batalan, t ’yakin n’yong walang naglulublob na baboy. Kung di’y tinamaan na lintik ang mangyayari sa inyo.”

27 “Mabibinditahan tuloy kayo ng banal na ihi,” kantiyaw ng isa. “O mabubuhusan ng me apoy na abo.” At sa kabila ng mga tawanan ay parang naging litanya ng mga karanasan ang isinisiwalat ng bawat isa: naroong sa paninilip sa isang lamayan, ang isang asawa’y naniningala pala, kasama ng iba pa, sa sariling maybahay, o isang bahagyang nakainom na binata na sa panunubok sa isang bagong kasal ay inabot ng antok at doon inumaga sa loob ng koral na hindi pa magigising kundi pa pinukaw ng mayari ng bahay, o isang binatang napilitang pakasal sa isang dalaga upang ibangon ang puri ng huli sa ginawa ng una na paninilong, at sa mga usapan, matatagni na ang paninilong ay isang uri ng makalumang tradisyon ng kapilyuhan at kaugalian ng mga lalaking nayon, na nagpapasalin-salin sa panapanahon. “Sa ’tin, walang bayag ang di dumanas ng ganito,” paglilinaw ni Ka Baleryo. “Lahate me iiistorya sa mga susunod,” sagot naman ng isa. “Naaala’la ko ’tong sina Oyo at T oryo,” paggunita ni Ka Baleryo. “Di ba’t sa silong ni Ka Anane kayo kapwa bininyagan?” “Kant’yawan lang ho ’yon,” pabulaan ni Oyo. “Ano bang kantiyawan?” pakli ni Ka Baleryo. Tumingin ito kay Toryo. “Talaga namang maganda si Bining kahit no’ng nagdadalaga pa lang.” Nilingon ni Emong ang katabing si Toryo. “Sa loob ba ng limang taon e nakapanilip ka sa kabayanan, Toryo?” tanong ni Emong. “Pa’no mo naman magagawa ’yon?” paliwanag ni Ka Baleryo, “Tabla o semento’ng sahig do’n. Ang liguan nila, kahit hanip di makakalusot.” “Tama si Ka Baleryo,” sabi ni Toryo. “Di limang taon kang nagtiis?” urirat ni Emong. “Balewala naman ’yon do’n e,” sabi ni Toryo.

28 “Alin ang balewala? Lalong masama ang isip nila do’n ,” sabad naman ng isa. “Walang kuwenta sa kanila na makitaan,” paliwanag ni Toryo. “Nakitaan mo na si Karen?” namimilog ang mata ni Emong. “Sa bayan, me bra’ng mga dalaga. Kahit sinag mo na’ng lahat, wala ’yon.” “Lalong mabuti ’yon. Di ka na mabubuhusan ng ihi,” napapalatak na sabi ni Emong. “Naku’y di lagi kang antukin?” biro ng isa. “B u ti’t di ka natiyimpuhan ni Senyora Fem ia,” salo naman ng isa. “Di ko naman ginagawa ’yon e,” tanggi ni Toryo. “Para kang di taga-Makulong,” kantiyaw ni Emong. “Di uso ’yon do’n .” “Diyan ka talo ni Oyo e,” kanti ni Emong. “Aba’y solongsolo niya ang isang tanging silong.” Nagtatawang sumang-ayon ang ilan. Baka maniwala sa inyo si Toryo niyan,” nakatawa ring tanggi ni Oyo. Naputol ang masayang pagtutudyuhan ng magkakaumpok sa pagdating ni Ka Tulume. “Naantala ako nang konti,” hinging paumanhin ni Ka Tulume. “Maaga pa ho naman e,” sabi ni Ka Baleryo. “Tinapalan ko pa ang anak ni Siyano. Mukhang inaalagaan ng lamang-lupa e ,” paliwanag ni Ka Tulume. “Masaya ho naman kami rito e,” sambot naman ni Emong. Inilabas ni Ka Tuiumc ang mga kagamitan: ang matalas na labaha, bote ng alkohol at kapirasong tuyong kahoy na pamukpok. Bahagyang inihasa ng matanda ang talim ng labaha sa sinturong balat. Inihanda ni Oyo ang kinayasang sanga ng bayabas na gagawing salalayan. Sinundo ni Emong si Oden na bahagyang namumutla. Magkasabay ang dalawang lumapit sa manunuli.

29 “Handa ka na ba?” tanong ni Ka Tulume. Tumango si Oden. “Huwag kang kakabahan. Para ka lang kinagat ng langgam na pula,” pampalakas-loob ni Emong. Tumingkayad si Oden. Inihanda ni Oyo ang salalayan. Lumuhod na si Oden sa damo. Inalis ang butones ng pantalon, bahagyang iniluslos. Inilabas ang kanyang titi. “Banatin mo’ng Iambi,” utos ni Ka Tulume, nakahanda na ang labaha at pamukpok. “Ipatong sa salalayan.” Ginawa ni Oden ang utos ng matanda. Binanat ng binatilyo ang Iambi ng pag-aari. Tinatagan ni Oyo ang hawak sa nakatayong salalayan. Itinapat ni Ka Tulume ang talim sa banat na Iambi. Nakapikit si Oden. Marahang ipinukpok ni Ka Tulume ang pamukpok. Bahagyang napaigtad si Oden. Isa pang pukpok, at isa pa. Halos napigtal na ang buong Iambi. Pigil ni Oden ang hininga. “Konti na lang,” sabi ni Ka Tulume. Kaunting diin pa ng pamukpok. Mapulang-mapula ang harap ni Oden. May bahid na rin ng dugo ang kamay ni Ka Tulume. Isa pang mahinang pukpok. Makaraa’y tumayo na si Ka Tulume, pinahiran ang kamay ng alkohol. “Tapos na po?” paniniyak ni Oyo. “Ayos na,” sabi ng matanda. “Para ka lang kinagat ng langgam,” sabi ni Emong, at tinulungang tumayo si Oden. Inabutan ni Toryo si Oden ng sariwang talbos ng bayabas, nginuya iyon ng binatilyo. “Ihagis mo’ng salalayan, Oyo!” utos ni Ka Baleryo. Inihagis na pataas ni Oyo ang salalayan na tigmak ng dugo. “Habulin mo ng hindot, Oden!” sigawan ng mga nakamasid. At gaya ng mga nauna sa ritwal ng pagbibinata, hinabol ni Oden ng kanyog ang salalayan na inihagis ni Oyo. Iyon ay hinihingi ng kalakaran at paniniwala na tumitiyak sa kalusugan ng isang lalaki sa pagpapatuloy ng binhi ng

30 pagkalahi. Pum alakpak ang nan onood . Luyloy ang dumudugong titi ng binatilyo. Saglit lamang iyon. “Sige na. Ibudbod mo na’ng talbos ng bayabas para maampat ang dugo,” sabi ni Ka Tulume. Ibinuga ni Oden ang nginatang talbos ng bayabas. Ibinudbod sa paligid ng sugat. Binidbiran naman ni Oyo iyon pagkatapos ng malinis na kapirasong damit. Nagtatagubilin si Ka Tulume, habang nakikinig si Oden. “Tuwing umaga, langgasin mo ng talbos ng bayabas. Madaling makagaling ang panis na laway,” bilin pa ng matanda. Inayos ni Oden ang pantalon. Pabakang siyang lumakad. “Di ka muna babayo ng palay, Oden,” sabi ni Oyo. “Saka puwera muna’ng gamas.” “Huwag kang palalakdaw sa Ate Ligaya mo, Oden,” sambot naman ni Emong. “Baka mangamatis ’yan.” At bago nilisan ng magkakasama ang gulod ay nagbunyi ang mga sumaksi. “Mabuhay ang bagong tao ng Makulong!” nagsasaya ang mga tinig sa gulod. Lumabas na ang magkakasama sa nakabalabal na kakahuyan ng gulod. Nilandas nila ang mga pilapil, pabalik sa kanayunan. Magkasabay na naglalakad sina Oyo, Oden at Toryo. “Wala ka kagabi,” sabi ni Toryo kay Oyo. “Hinintay ka namin.” “Me ipinagawa sa ’kin si Tatang," sagot ni Oyo. “Maganda ang kanta ni B in in g ,” balita ni Oden. “Magaling pala s’yang kumanta, Oyo.” “Magaling din naman si Toryo,” sabi ni Oyo. “Kung naro’n ka, ikaw ang makakatugon sa awit ni Bining,” ani Toryo. “Harana mo ’yon, Toryo,” makahulugang sagot ni Oyo. “Atin ’yon,” pagtutuwid ni 1’oryo.

“Ngayon lang nagbigay si Bining. Mapalad ka,” habang nagsasalita’y tinitisud-tisod ni Oyo ang hamog sa mumunting dahon ng damo. Sinapit na nila ang kanayunan na malubak ang daan at may malalalim na bakas ng dumaang kalabaw, baka o kabayo. May gahak pa sa putik na likha ng hinilang kangga o dumaang kariton. Ang lundo ng malubak na lansangang iyon ay ang pinakapusod ng nayon na kinaroroonan ng kumpol ng mga kubo. Sa harap ng tindahan ni Ka Saning ay dinatnan nila ang ilang katatandaang nagpapanggas ng mga tandang, nagkakahig ng mga alagang sasabungin o nagbubutaw sa isang kanugnog na bakuran sa kabila ng pagbubunyi at matimping kantiyaw ng mga nanonood. N aroo’t may kani-kaniyang kilik na tinali sina Ka Tales at Ka Garse.

^

U nang Sultada

Bumabaon ang matulis na kuko ng bulik ni Ka Anane sa mamasa-masang lupa, balukag ang balahibo sa leeg, at habang pigil ni Ka Anane sa buntot ang tinali, pumapagaspas ang dalawang matitigas na pakpak niyon, waring handang sibasibin ang talisayin ni Kapitang Berong. Ilang ulit ang pag-uulot na iyon sa dalawang tandang at bawat paghaharap ay ibayo wari ang nagiging poot at paghihimagsik ng isa sa isa. Para lalong pagalitin ang mga alaga, iuumang ng may tinali ang kanyang alaga sa isa, at iyon naman ay parang ulupong na tutuklaw sa kalaban, na magpupumiglas sa malaking poot. “Pantupada na ’yan, Anane,” pansin ni Kapitan Berong. “P’wede nang pustahan.”

32 “Hindi pa magaling pumupog, Kapitan. Kung makaani, baka p’wede nang iulot,” pakli ni Ka Anane, hinihimas-himas ang hita ng alaga. “Subukan natin.” “Baka mabigla, Kapitan.” “Ilan lang sagupaan.” Napilitang ibutaw ni Ka Anane ang kanyang bulik sa talisayin. Pareho nilang kinalagan ng tali ang dalawang manok. Unang inilapag ni Kapitan Berong ang talisayin. Gumiri-giri ang tandang sa ibaba, kumukurokokok na tumutuka-tuka sa lupa, habang naghihintay. Inilapag na rin ni Ka Anane ang bulik. Sumisid ang talisayin. Matatag na nakahanda ang bulik. Umudlot sa pagsagupa ang talisayin. Nagharap ang dalawa. Kapwa balukag ang nakatirik na balahibo sa mga leeg. Sumalunga si talisayin. Pumupog. Lumipad si bulik, umigpaw. Nakaabang si talisayin. Pagbaba ni bulik, lumipad si talisayin. Nagsagupa ang dalawa sa paglipad. M abagsik ang bayo at palo ng mga paa. Nagpapamook na humangga sa lupa, pupog ang mga tuka sa balahibo ng kalaban. Sumabog sa lupa ang nabunot na balahibo. Nagsigawan ang mga nanonood sa tanawing iyon ng basal na katapangan. Tumingin si Ka Anane kay Kapitan Berong. Naunawaan ni Kapitan Berong ang ibig ipakahulugan ni Ka Anane. Matuling dinampot ng dalawa ang kani-kanilang manok, na parehong nagpupumiglas, handa waring makipagsubukan hanggang sa huling lakas. Habang inilalayo’y binubughan ni Kapitan Berong ng usok ang mukha ng talisayin. Tinatapik-tapik naman ni Ka Anane ang pakpak ng kanyang alaga. Muling tinalian ang dalawang panabong, at pagkaraan ay itinambang sa ilalim ng malagom na lilim. Nagtitilaukan ang mga tandang. Pansamantala namang namahinga ang mga nagbubutaw. May pinag-ulot muling mga tinali, ikinahig, pinagtukaan, gaya ng ginawa sa bulik at talisayin.

Nag-uusap ang magkakanayon. “Balita’y bibilhin daw ni Senyor Mardn ang dal’wampung ektarya ni Kabesang O te,” pagbabalita ni Kapitan Berong. “Ke Senyor Mardn na’ng buong Makulong,” pakli ng isa. “Ba’t daw ba ipagbibili?” tanong ng isa pa. “Balita’y palalakihin daw ni Kabesang Ote ang patahian ng damit ng mga bata,” sabi ng Kapitan. “Pag nagkabayaran daw, magdiriwang daw ang dalawang mayaman.” “Lintik din kung bumili si Senyor. Lahatan,” salo ng isa. “Ganyan talaga ang me salapi,” sabi naman ni Ka Tales. “Para lang bumibili ng asin ano?” “Meron nga ditong asin pa’y hirap bilhin e ,” pabalandra naman ng isang kaumpok. “Ke Senyor Martin na ang anumang ibigin,” nababahala ang tinig ni Ka Tulume. “Ano raw ang mangyayari kina Pilo?” tanong ng isa sa Kapitan. “Wala namang babawian ng saka,” patibay ng punongnayon. “Pero iba na’ng me ari. Ibang tugtog, ibang sayaw,” sabad ng isa. “Sa ’ki’y kahit sinong me ari,” sambot naman ni Ka Anane. “Mabuti nga’t si Senyor Martin na ang me ari ng lahat ng lupa dito sa ’tin.” “Ba’t naman nakabuti ’yon?” biglaang tanong ni Ka Tulume. “Si Senyor Martin e matabang kalabaw. Mapangangapitan.” Nahati ang mga magsasaka sa dalawang panig ng pinagtatalunan. “Baka lang sumbangin tayo ng matabang kalabaw,” nababahala ang tinig ng albularyo. Sumabad si Ka Tales. “Sa ’ki’y gusto ko na ngang malaking taong gaya ni Senyor Martin ang ating amo.” “Aalilain tayo sa bawat bagay na dadalhin natin sa kabayanan. Wala namang bayad,” sabi ng isang magsasaka. “Nagdadala man tayo ng ani sa kanyang bodega, me inom naman pagkatapos. Bawi na rin,” matuwid ni Ka Tales.

34 Mahigpit ang pagtutol ni Ka Garse sa mga kasama. “Ang mahirap lang sa panginoong taga-iba’y hindi ka makalapit kaagad sa oras ng kagipitan.” “ ’Yan na nga ang sinasabi ko,” sang-ayon ni Ka Tulume. “Kung pagkasaktan tayo, kanino tayo kaagad lalapit? Kung uutang tayo ng maibili ng asin o isda, tutungo pa ba tayo sa kabayanan para mangutang?” “Di matuto tayong magsuksok para me madukot,” sabad naman ni Ka Anane. “Si Anane nam an,” paliwanag ni Ka Tulume. “Me ipinanganak na ba sa ’ting nakapag-impok?” “Tutoo nga ’yon,” sagot ni Ka Anane. “Pero di naman ’yon ang sinasabi ko.” “Ano bang talaga ang sinasabi mo?” tanong ng isang kabaryo. “Makinabang tayo sa ’ting karanasan,” paliwanag ni Ka Anane, umupo sa tuod ng tuyong kapuputol na puno. “Kung taga-iba’ng me ari ng ating saka, me mga kaluwagang maibibigay ’yon sa ’tin. Matagal din akong nagsaka sa lupa ni Kabesang Ote, bago ’yon napunta ke Senyor Martin. Ultimong itinanim mong saging sa tabihan, kahati mo si Kabesa. Laging nakikita ang anumang bagay na nangyayari sa kanyang lupa. Lahat e pinakikialaman. Ngayong si Senyor Martin na’ng panginoon, sagana kami sa saging. “At alam naman nating lahat ang mabuting ginawa ni Senyor Martin sa ’king si Toryo. Nang malamang me ipinangangako ang ulo ng anak ko, kinuha at pinapag-aral.” “Biruin mo nga naman ’yon!” napapalatak na sangayon ng isa. “Kung sabagay,” sabad ni Ka Garse na waring may malaking bagay na sasabihin, “tama na’ng buhay ng aking si Oyo. ’Ika ko’y maiiba pa ba naman ang ugat sa bunga? Mula sa ’ting kamusmusan, nag-aararo na tayo. Sa’n pa ba tayo ma’ring lumipad?”

35 “Alamin n’yo ang minanang kasaysayan,” nangangaral ang tinig ni Ka Tulume. “Hindi tayo nagsimulang walangwala, Garse.” “Ito ang ginisnan ko,” sabi ni Ka Garse. “Ito lang ang alam ko.” “No’ng una, sa ’ting minulan ang lupa sa Makulong.” “Pa’nong ni wala tayong namanang kapiraso?” tanong ng isa. “Inagaw s’yempre sa ’tin. Balita ko’y utusan daw ng pari ’yang ninuno ni Kabesang O te.” “O baka nagmula pa ’kamo sa ’sang nadisgrasya ng kura.” “Hindi malayo.” “Kaya pala parang medyo me bakas ng pagkakastila. Tingnan mo’ng anak n’yang si Marko, mistiso.” “Salbahe naman.” “Talagang salbahe. ’Kalain mong nilustay nang nilustay ang pera sa Menila, ’yong pala’y bulakbol do’n at dito.” “Sugal at babae.” “Ba’y kung uminom at magpainom, parang me pabrika ng alak.” “Ang masasalapi nga naman. Kung tumabo at magtapon ng salapi, parang sumasalok lamang ng tubig sa ilog at inihuhuho sa tapayan.” “At kita mo’ng nangyari? Halos kalahati ng Makulong ay unti-unti nang naidespatsa ke Senyor Martin.” '“Pero malakas naman ang patahian ng damit ng bata ni Kabesa.” “Pag nagkabayaran daw na lahat ni Senyor, palalakihin daw ang patahian. Gagawing pabrika!” “Baka naman kasosyo si Senyor?” “Mangyari pa.” “Ang anak na si Marko daw ang gagawing tagapamahala.” “Babaha ng alak sa Makulong,” nagbubunyi ang tinig ng isa.

36 “Malalagom ng bisyo at kasamaan ang M akulong,” tumututol ang tinig ni Ka Tulume. Lumapit si Ka Tales kay Ka Tulume. “Pag kinatakutan natin ang pagbabago, mananatiling makipot ang ating matatanaw, Ka Tulume,” sabi ni Ka Tales. “At ano’ng gusto mo, Tales?” “Abutin ng tanaw ang n o o ’y ni hindi natin papangaraping m arating.” “Pangarap! Pangarap!” kumukumpas ang mga palad ni Ka Tulume, may wika waring hindi maisatinig. “Ang pangarap lamang ang maaaring magdala ng pagbabago, Ka Tulume!” “Dahil sa pangarap, ikaw ang unang nakapagpatapos ng haiskul sa Makulong,” sabi ng isa. “Kung sakali, ikaw ang unang ama sa Makulong na magkakaroon ng anak na di lulublob sa putik,” sang-ayon naman ng isa pa. “Iba ang aking nakikita, mga kasama,” gumagaralgal, mahina ngunit marubdob ang nangangaral na tinig ni Ka Tulume. “Ang nakikita ko’y mukha ng kamatayan!” “Anong kamatayan?” tanong ni Ka Tales. “Kamatayan natin,” mahina ang tinig ni Ka Tulume, parang ang sinasabi’y ibinubulong sa tainga ng lupa. “Ang pagbabago’y buhay, Ka Tulume,” tumututol din ang tinig ni Ka Tales. “Buhay sa ibabaw ng mga kalansay!” parang baliw ang tinig ni Ka Tulume. “Lagi kayong hadlang sa pagbabago!” malakas din ang tinig ni Ka Tales. “Wala pa kayo’y narito na ’ko. Ang iba sa inyo’y ma’ring malunod sa ’king nainom na tubig,” habang nagsasalita’y iginagala ni Ka Tulume ang paningin sa tahimik na mga taganayon. “’Yang mga pangarap, ’yang mga pagbabago, kung dinala lamang at hindi nag-ugat sa ’tin, ’yan ang simula

37 ng pagpanaw. Me mga lakas na aalis na di na babalik! Mababago ang mukha ng Makulong! Ang mga atip ng dampa’y magiging tabla, ang kawayan ay magiging bato. Ano ang magiging kapalit? Ang batayan ng pagkatao ay maaanod. Sisilang ang mga kalapastanganan at pagyurak sa buhay at dan gal! Ang lalong masama, ititingala natin ang paningin sa mga bituin. Pilit nating tatakasan ang katotohanang tayo ay mga anak ng lupa!” “Ano’ng masama ro’n?” maya-maya’y tanong ng isa. Yumukod ang matanda at dumaklot ang kaliwang kamay ng isang kipil na basang lupa. Ang matatalas na kuko ni Ka Tulume ay natigib ng makutim na putik. Paikpik ang katahimikan, nakapako ang mga mata sa arbularyo na parang nanonood ng isang matandang panoorin. “Mawawala tayo sa ’ting ugat,” nangangarap wari ang tinig ni Ka Tulume. “Mahahawig tayo sa ’sang kipil na lupang ito. Lalagyan tayo ng ibang anyo at kulay! Magiging iba ang ating kaluluwa. Hanggang sa huli’y matuklasan nating tayo’y ganap nang banyaga sa ’ting minulang ugat!” “Me dapat makalayo sa Makulong, Ka Tulume,” sabi ni Ka Tales. “Tama po ’yon,” sang-ayon ng isang kaharap. Lumakad na paharap si Ka Tulume, paggawi sa harapan ni Ka Tales. Huminto ang matanda, hawak pa rin ang kipil na putik. ' “Ang ib ig m ong sab ih i’y si T oryo m o ’ ng unang makakalayo!” paniniyak ni Ka Tulume. “’Yan ang lihim na pangarap ng mga magulang dito sa ’tin,” mapakumbabang sabi ni Ka Tales. “Tama! Tama, Tales!” “’Ya’y kung kakasihan ng kapalaran!” “Si Victorio mo ang unang kipil ng banyagang putik!” “ Siya ang unang m agtatagum pay!” naham on ang pagkaama ni Ka Tales.

38 “Siya ang unang mawawalan ng ugat! Siya ang unang mamamatay!” “Ka Tulume!” sumisigaw na rin si Ka Tales. “Itaga mo sa bato’ng sinabi ko!” Marahang humakbang na papaalis sa loob ng bakuran si Ka Tulume, habang inihahatid ng tanaw ng hindi nakahumang mga kanayon. Paharap na naglakad si Ka Tulume sa patirik na araw sa silangan, at parang iniiwan ng matanda sa bawat hakdaw na papalayo ang anino sa maputik na landas. Ang mga naiwang kanayo’y nagpatuloy sa kanilang pagkakahig, pag-uulot, pagbubutaw ng mga tinali at mga usapan, biruan at parunggitan. “Kumusta ba’ng paggamas ni Pareng Anane?” tanong ni Kapitan Berong. “Di ’yon, nahawan ang linang,” sukli ng isa. “Sagana sa alak.” Sumulyap si Kapitan Berong kay Ka Anane sa may di kalayuan. “’Yon lang ba ang nangyari?” paniniyak ng Kapitan. “Buti’t di nabuksan ang di dapat,” makahulugang kanti ng isang kaumpok. “Ano bang hindi?” sungalngal ng isa. “Sino ba’ng higit na mabilis sa gamasan?” “Itanong mo’y kung sinong unang nakasundo!” “Walang itulak-kabigin.” “Marami pa namang gamasan.” “Mas’werte talaga ang paggamas ni Pareng Anane,” nilakasan ni Kapitan Berong ang tinig na parang ipinaririnig sa pinag-uukulan. “Kayong mga tao kayo!” sabi ni Ka Anane na noo’y malapit naman sa umpukan nina Ka Tales at Ka Garse. “Marami pa namang ulutan. Di ba’t me pasaknong si Ka Apen?” naghahamon ang tinig ng isa. Tumayo sina Ka Tales at Ka Garse, kinalagan ang tali ng kani-kanilang manok.

39 “Una’y sa gamasan,” sabi ng isa. “Me harana pa,” ayon ng pangalawa. “Ngayo’y sa sultada,” pakli ng pangatlo. Noon ay nag-uulot na ang pulang tinali ni Ka Tales at puting alaga ni Ka Garse. Hawak sa mga buntot, ang dalawang tandang ay mabalasik na kumakahig ang matutulis na kuko sa lupa, pilit na tinutuka ang kaharap. “Napapanahon na ’yan, Ka Garse,” sabi ng isang taganayon. “Lintik kung kumahig,” pansin naman ng isa. “Si puti ko’y di lang kainaman sa kahig. Lintik kung tumaga,” sabi ni Ka Garse, nakatutok ang tingin kay Ka Tales. “Ang inyo, Ka Tales?” nag-uulot na tanong ng isa. “Hindi magaling sa sagupaan si pula ko,” sabi ni Ka Tales. “Pero magaling mag-abang. Pang-ilalim ’to. Pag pumupog sa lupa, pamatay.” “Dapat ngang pagharapin,” nag-uulot ang mga tinig. Itinago ni Ka Tales ang ulo ng alaga sa mapulang pakpak nito. Inilapit sa nakahandang si puti ni Ka Garse. Tinukang ilang ulit ng puti ang pula. Nagpupumiglas ang pula. Pagkaraan ay itinago naman ni Ka Garse ang ulo ng alaga sa pakpak nito. Nagpupumiglas din iyon nang bawian ng ilang patuklaw na tuka ng pula. Nang magkaharap na, kapwa nagwawala ang dalawang manok. Pumuwesto si Ka Garse sa silangan. Sa kanluran naman tumayo si Ka Tales. Magkasabay nilang binitiwan ang dalawang tandang. At parang mga munting mandirigmang nagpakita ang mga iyon ng dupil at gilas. Pumagaspas na maimbulog si puti. Hindi sumama si pula. Patabak na tinaga mula sa itaas ang alaga ni Ka Tales. Umilag si pula. Gumanti ng taga si pula pagkatapos. Muling nagharap ang dalawang tinali. Nagtatantiyahan wari ng mga lakas, ang mga iyo’y muling nagsagupa. Sa itaas, sa ibaba, pabilisan ng sipa, pabagsikan ng pupog at kagat. Nagpalakpakan ang magkakanayon. Sa may bulusan, lumitaw si Ka Bisyong, sakay sa yumayagyag na kabayong may kargang pinamili sa kabayanan.

40 Sa unang pagtilaok ng manok, magsisimula nang lumarga si Ka Bisyong at bago mananghali, babalik siya sa Makulong mula sa pamimili sa San Diego. Ipinagkakatiwala ng buong nayon, lalo na si Ka Saning, ang pamimili kay Ka Bisyong, at ang pagdating niyon sa nayon ay isang bagay na hinihintayhintay ng magkakanayon. Dinampot at inawat nina Ka Tales at Ka Garse ang humihingal ngunit patuloy na nagpapanalasang alaga. Umabot na si Ka Bisyong. Nagkukulumpunan na ang mga taganayon kay Ka Bisyong na noo’y inilalapag na ang magkatuwang na kaing na may silid na pinamili. Inilapag ang mga kaing sa balisbisan ng tindahan ni Ka Saning. Nagsimula na ring dumating ang mga babae na may hinihintay na ipinabili. Pinagbukud-bukod ni Ka Bisyong ang maliliit na balot mula sa kaing, iniaabot sa nagmamay-ari. “’Yong asin ko?” “ ’Yong ayungin ko?” “ ’Yong ’sang kilong tulingan?” “’Yong sa ’kapat na taba ng baboy?” “Labas na ba’ng Liwavwav?” “Napatay na pala ni Darna ’yong kalabang me ulong ahas!” “Lintik din ’yang si Darna, kababaing tao. Sana’y madalaw s’ya dito sa ’tin.” “Tatalunin ba no’n ang mga ike sa gabi?” “At mga asuwang.” “Baka maninilip ang tinutukoy mo ’mare,” sabi ng isang babae, papalabas na dala ang isang supot. Nang halos naiuwi na ng mga babae ang mga ipinabili kay Ka Bisyong, lumapit sa kararating mula sa bayan si Kapitan Berong. “Kumusta ba sa San Diego?” tanong ng punong nayon. Ikinakarga na noon ni Ka Bisyong ang dalawang kaing sa dalawang sabitan sa siyang nakasuot sa katawan ng kabayo. Hinarap ni Ka Bisyong ang ilang kanayon.

41 “Me maganda ’kong balita sa inyo,” Simula ni Ka Bisyong. “Maganda?” “Nakausap ko mismo si Senyor Martin. Magpapapista raw dito sa Makulong si Senyor!” “Magpapapista?” tanong ni Ka Garse. “’Yon ang sabi.” “Kelan daw?” “Sa darating daw na Mayo.” “Aba’y mabibilang na ’yon a.” Nagpatuloy si Ka Bisyong. “M agkakaroon daw ng malaking pagdiriwang. Me banda ng musika sa santakrusan. Napakarami raw ng mga paputok. Magliliwanag ang Maku­ long sa gabing ’yon,” nagdiriwang ang tinig ni Ka Bisyong. “Akalain mo nga naman,” sambit ng isa. “Mamantikaan na naman ang mga labi’t bituka.” “Hindi lang ’yon,” dugtong pa ni Ka Bisyong. “Sa araw daw na ’yon, me ibabalitang mahalaga si ’ting lahat si Senyor Martin,” nangingislap sa pananalig ang mga mata ni Ka Bisyong. “Di mo ba itinanong?” tanong ni Tales. “Sasabihin ba ’yon? Si Senyor ang magsasabi n’yon. Kelangan nga naman e panggulpi sa gulat,” sabad naman ng isang kanayon. “Sa palagay mo ba’y mainam ang ibabalita?” may bahid ng pag-aalaala ang tinig ni Kapitan Berong. “Sa palagay ko’y mabuti para sa ’tin,” sabi ni Ka Bisyong. “TSabaguhin daw ng kanyang ibabalita ang buhay nating lahat!” “Ano kaya ’yon?” “Malay ko.” “Baka kaya ipagpapagawa tayo ng kasilyas?” pabirong sabi ni Ka Saning. “Oo nga,” ayon ng isang babaing buntis. “’Tong taong ire,” singhal naman ng asawa, “kasilyas ang nasa ulo’y ganireng kahirap ng buhay. Ang dami namang tabihan d’yan a.”

42 “Buti kayong mga lalaki’t kahit saa’y puwede,” nagmamaktol ang tinig ng buntis. “O siya, umuwi na tayo,” patapos ng lalaki. Sumakay na si Ka Bisyong sa kabayo. Hinila niyon ang renda at pinayagyag ang hayop sa maputik na landas, pauwi sa kubo sa may dakong hilaga ng nayon. Nang araw na iyon, halos natigib ang buong maghapon sa pagdidili-dili ng buong Makulong sa dalang balita ni Ka Bisyong mula sa kabayanan.

5

Magkapatid

Nang hapong iyon, iika-ikang lumapit si Oden kay Ka Bisyong sa pagsusupa ng alagang baka. Nagtuloy ang talubata sa kainang koral ng baka. Inilagay niya sa kumpayan ang magkakahalong dahon ng kakawate at kabit na nasa baked. Nangangalahating baked na ng pagkain ng alagang baka ang nailalagay ni Oden sa kumpayan nang pansinin ni Ka Bisyong. “Tama na ’yan, Oden,” saway ni Ka Bisyong sa anak. “Tirhan natin ’yong kabayo mo. Isang baked lang ang napangumpay m o.” “Oo nga, Tatang e ,” tugon ni Oden na nahihiyang kung papaano. Lumapit si Oden sa ama na halos patapos na sa ginagawang pagsusupa sa baka ng binayong kamote na hinaluan ng darak. “Nagpabinyag ka na pala sa bayabasan,” pansin ni Ka Bisyong na parang nagbabalita pa sa anak. “Balitang-balita ang pagpapabinyag mo ke Ka Tulume.” “Tinutudyo lagi kasi nila ako e. Mumutain daw lagi ang lalaki kapag supot, Tatang,” tugon ni Oden. “Hindi tutuo ’yon,” paliwanag ni Ka Bisyong. “Pero mabuti na nga’ng nagpatuli ka. Sukatan ’yan ng pagkalalaki dito sa Makulong.”

43 “Bakit ba kailangang magpatuli ang ’sang lalaki, Tatang?” pamuling tanong ni Oden na humihingi wari ng kaliwanagan. Bahagyang napatawa si ka Bisyong sa tanong ng anak. “Naku, pag supot ang ’sang binata dito sa ’tin, bihira ang makakagustong dalaga. E sino ba ang makakagusto sa makupal na mangingibig?” paliwanag ni Ka Bisyong at niluwagan na nito ang pabiting pagkakatatali ng alaga sa buko ng haligi ng batalan. Hinila ni Ka Bisyong ang baka patungo sa koral na pagpapagabihan sa alagang hayop. “Ililipat ko na’ng kabayo, Tatang,” sabi ni Oden at nilapitan ang nakataling kabayo sa tabi ng bakod para dalhin sa koral nito. Binuhat naman ni Ka Bisyong ang baked na may lamang kumpay at inilagay sa kumpayan. Mabilis ang pagpasok ng kabayo nang makita na may pagkaing naghihintay sa kumpayan at parang nahihirapan si Oden sa paghabol sa alagang hayop sa pagpasok sa loob ng koral. Itinali ni Oden ang lubid na tali ng kabayo sa kawayang tukod ng koral at paika-ikang lumabas. Hindi nakaligtas sa mata ni ka Bisyong ang nahihirapang kilos ng anak. “Malayo pa sa atay ’yang tuli mo, Oden,” birong palakasloob ni Ka Bisyong. “Naninibago lang ako, Tatang,” katwiran ni Oden pero sa paglakad ng talubata ay halatang-halata ang pabakang na paghakdaw. •“Basta agapan mo ’yan ng langgas ng murang dahon ng bayabas kada umaga, mababahaw agad ’yang sugat m o,” paliwanag ni Ka Bisyong. “Iyon nga ang bilin ni Ka Tulume,” sagot ni Oden. “Ingatan mo lang na hindi magkinamatis,” habilin ni Ka Bisyong. Itinayo ni Ka Bisyong ang lusong sa may balisbisan. pagkaraa’y kinuha ang latang may silid na pinatuyong palay na nakatayo sa haligi ng bahay. Inihuho ang lamang palay sa

44 lusong. Akmang kukuha si Oden ng halong pambayo nang magsalita ang ama. “Hindi ka puwedeng umasod, O den,” sansala ni Ka Bisyong sa anak. “Matatagtag ’yang sugat m o.” “Tatantiyahin ko na lang ang bagsak, Tatang,” giit ng talubata. “Iyan ang hindi tamang lakas ng loob, anak,” pangaral ni Ka Bisyong. “Bago ka tumandang tulad ko, baka panawaan mo’ng pagbayo.” Hindi na nagpumilit pa si Oden. Inupuan niya ang halo na nakahiga sa balisbisan. Nagsimula nang bumagsak ang halo ni Ka Bisyong sa lu song, madiin at m abagsik, gumagahak na pabulusok sa ginto ng mga butil sa lusong. Maya-maya’y nanaog si Ligaya mula sa bahay. Pinatayo ni Ligaya si Oden sa pagkakalikmo sa nakahigang halo. Dinampot ni Ligaya ang halo at tinatagan ang kuyom sa gitnang tanganan. Lumapit si Ligaya sa lusong at handang makiasod sa ama. Tumigil si Ka Bisyong sa pagbayo. “Ano namang gagawin mo, Ligaya?” tanong ni Ka Bisyong sa anak na dalaga. “Tutulungan ko kayo, Tatang,” sabi ni Ligaya. “Ako na lang,” patapos na sabi ni Ka Bisyong. “Kaya ko namang magbayo, Tatang,” giit ni Ligaya. “Tumikim na bumayo ng nilulupak na saba si Ate, Tatang,” sabad ni Oden. “Sabi ng mga nakakita, napakalakas daw ang kamao ni Ate.” “Trabaho ’to ng mga lalaki,” sabi ni Ka Bisyong. “Nagbabayo naman ang ibang babae dito sa atin, Tatang,” paliwanag ni Ligaya. “Hindi sa pamilya natin,” sabi ni Ka Bisyong. “Kahit kailan, hindi nagbayo ang Inang ninyo. Hanggang kaya kong abutin ang taynga ko ako’ng gagawa nito.” Inihiga na ni Ligaya ang halo sa dating kinalalagyan sa balisbisan.

45 “Di wala kayong kaasod?” tanong ni Ligaya. “E ano ba’ng pagkakaiba ng isa sa dalawang halo?” tanong ni Ka Bisyong. “Pag gumaling ’yang kapatid mo, me kaasod na uli ako.” Gumawi na si Ligaya sa may hagdanan. Tumigil ang dalaga sa makababa ng hagdan. “Pumanhik ka na, Oden,” sabi ni Ligaya sa nakababatang kapatid na noon ay pamuling umupo sa nakahigang halo. Inut-inot na tumayo si Oden, lumakad patungo sa may panhikan. Nagpatuloy na si Ka Bisyong sa pagbabayo. Pumanhik na si Ligaya. Sumunod si Oden. Nagtuloy ang dalaga sa kusina. Sumunod si Oden sa kapatid. “Ano’ng niluluto mo, Ate?” tanong ni Oden, nakatingin sa pinakukuluan ng kapatid sa itim na nakasalang na palayok. “Ulam natin,” tugon ni Ligaya. “Nagpais ako ng tawilis. Gusto ko nga sanang magsigang ngayong gabi. Baka masama sa ’yo ang kamatis, Oden.” Napatawa si Oden habang nakamasid sa kapatid na nakatatanda. “Naniniwala ka roon, Ate?” “Mabuti na’ng maniwala kaysa hindi,” tugon ni Ligaya. “Wala namang masama kung paniwalaan ang kinaugalian.” “E di hindi mo ako lalakdawan, Ate?” Napatawa si Ligaya. “Baka mangamatis ano?” . “Tutuo ba iyon? ” “E malay mo?” “Huwag mo nga akong lalakdawan, Ate.” “Huwag kang matulog sa daanan. Kung madilim, baka malakdawan kita nang di sinasadya,” sabi ni Ligaya. Mula sa kusina’y lumabas si Oden sa kabahayan. Lumapit siya sa tabi ng bintana. Natatanaw niya ang umaasong pinaghalong binlid at ipa na umaalimbukay sa bawat pagbagsak ng halo sa lusong sa pagbayo ng ama. Umupo si Oden sa upuang kawayan sa may bintana. Nakatuon ang

46 kanyang mga mata sa ginagawa ni Ka Bisyong. Patuloy ang alimbukay ng binabayo ng ama at alam ni Oden na patapos na sa pagbabayo si ka Bisyong. Ilang saglit pa’y tumigil si Ka Bisyong sa pagbayo. Isinandal niya ang halo sa gilid ng lusong. Sumalok ng isang dakot na binayo. Bahagyang itinaas ang kanang kamao na may dakot na binayo, hinayaang bumagsak ang bigi ng bigas sa nakasalong na kaliwang kamao, habang ang maliliit na binlid at darak ay inililipad ng simoy. Pagkatapos ay tiningnan ni Ka Bisyong ang bigas na nasa palad at ibinalik sa lusong. Binuhat ni Ka Bisyong ang halo at inihiga sa may balisbisan, katabi ng isa pang halo. Kinuha niya pagkaraan ang bilao at sinalok ng kamao ang binayo’t inilagay sa bilao na hawak ng isang kamay sa gilid ng bunganga ng lusong. Hindi naglao’y tinaphan ni Ka Bisyong ang binayo sa isang nakalatag na lumang banig sa pagsasahuran ng binlid at darak na pansupa sa baka at pansahog sa pagkain ng baboy. Abalang-abala si Oden sa kanyang minamasid at halos hindi niya namalayan ang paglapit ni Ligaya. “Ano ba’ng pinagkakaabalahan mo diyan?” tanong ni Ligaya. “Si Tatang,” tugon ni Oden. “Parang ngayon mo lang nakita si Tatang sa pagbayo,” pansin ni Ligaya. “Iyon na nga, Ate. Kinagisnan ko na ang pagbabayo ni Tatang pero parang walang kahulugan ang lahat sa ’kin,” sabi ni Oden. “Iba pala pag pinanood mo siya at binigyan ng kahulugan ang kanyang ginagawa, Ate.” “Ikaw na bata ka,” sabi ni Ligaya at parang giliw na giliw na ginusot pa ang buhok ng kapatid. “Kung anu-ano ang pinagsasasabi. Nahahawa ka na wari ni Toryo.” “E talaga lang namang gano’n si Toryo, Ate. Laging me sinasabing malalim,” katwiran ni Oden. “E ano ba’ng ginagawa mo? Binibigyan mo ng lalim ang pangkaraniwang-pangkaraniwan,” saad ni Ligaya. “Ganyan ba talaga ang nakakapag-aral, Oden?”

47 “Hindi naman sa gano’n, Ate. Kaya lang, talagang pag inisip mo’ng isang bagay, me nakatagong kahulugan,” giit ni Oden. “Iyang ginagagawa ni Tatang, ano ba’ng kahulugang nakatago ro’n?” tanong ni Ligaya. Hindi kaagad nakaimik si Oden. Tumingin ang talubata sa kapatid na nakatatanda. “Lahat e ibinibigay sa ’tin ni Tatang. Pad ang buhay niya, parang ibibigay sa ’tin. Lalo na sa ’kin,” mahina, paos ang mga salita ni Oden. “Tungkulin ’yon ni Tatang, O den,” pagpapakumbaba ni Ligaya. “At ikaw din, A te. Parang lahat sa iy o ’y ako ang pinaglalaanan,” sabi ni Oden. “Talagang ganoon, Oden,” sagot ni Ligaya. “Wala na kasi si Inang. Sino pa’ng gaganap ng kanyang tungkulin para sa iyo?” “Paano ko kaya kayo magagantihan, Ate?” tanong ni Oden. “Magbait ka lang, Oden. Pagbutihin mo’ng pag-aaral.” tugon ni Ligaya. “Pero alam mo, Ate?” kinamayan-mayan ay muling sabi ni Oden. “Gusto ko, maparis ka rin sa mga dalaga dito sa ’tin.” Bahagyang napatawa si Ligaya. “Sabihin mo ’yan ke Tatang,” tandisang pahayag ni Ligaya ngunit walang kakambal na pait ang tinig. “Takot tuloy ang mga binata rito.” •“Gusto ko ring haranahin ka, Ate. Gaya ni Bining,” sabi ni Oden. “Sana’y magpaharana sa ’yo si Oyo.” Sumeryosong bigla ang mukha ni Ligaya. “Ikaw, Oden, ha. Iyong tao, tahimik na tahimik, kung anu-ano naman ang iniisip m o,” pakli ni Ligaya. “Hindi ako nagbibiro, Ate. Kasi ba naman, alam kong me gusto ’yong si Oyo ke Bining. Ang kupad-kupad. Ayun, naunahan tuloy magpaharana ni Toryo.” “Nag-aral kasi si Toryo. Hindi na buhay sa kanya ang pagpapahiwatig,” sabi ni Ligaya.

48 “E kung magpahiwatig sa iyo si Oyo, Ate?” Namula ang mukha ni Ligaya. “Ano, Ate?” naghahamon ang tinig ni Oden. Mapinong kinurot ni Ligaya ang kapatid. “Ayaw ko ng ganyang biro,” sabi ni Ligaya. “E kung ikaw si Bining, sino ang mas gugustuhin mo, si Oyo o si Toryo?” hindi paawat ang talubata. “Malay ko kay Bining.” “E kung ikaw nga.” “Siguro’y iba ang buhay sa labas ng Makulong,” sabi ni Ligaya na waring nananaginip. “Pero parang magulo si Toryo, Ate.” “Wala naman akong sinasabi e.” “Mas gusto mo siguro si Toryo.” “Bakit ba ganyan ang takbo ng ating usapan?” “Kasi kung ikaw si Bining, mas gusto mo si Toryo.” “E hindi nga ako si Bining.” “Kaya mas gusto mo si Toryo,” patalampak na sabi ni Oden. “Ayaw ko nang makipag-usap sa iyo.” “Tutuo ang hula ko.” “Wala kang narinig sa akin.” “Sinabi mo e,” giit ng binatilyo. “Baka marinig ka ni Tatang.” “O di tama’ng hula ko, Ate.” “Pag hindi ka tumigil, lalakdawan kita mamaya, makita m o,” patapos na sabi ni Ligaya. Maya-maya’y narinig ng magkapatid ang ugok ng alagang baboy sa silong ng batalan. Wala na si Ka Bisyong sa pultahan. Nakataob na ang lusong. Naisip nlang nagpapakain na ang kanilang ama ng alagang baboy. Bughaw na ang paligid. Tumatakas na ang huling liwanag sa kanluran. Sumapit na ang takipsilim. Dadatal na ang gabi.

49

^ Mga Wika ng P ag-ibig Halos sumisilahis pa lamang ang araw sa silangan ay marami nang mga magsasakang dumating sa mahigit na dalawang ektaryang tiwangwang na bukid ng balong si Ka Sepa. Naroon na rin si Ka Apen, ang ama ni Emong, na punong abala wari sa pagbati sa naunang dumating na magsasaka. Isang buong araw halos na nagpasabi si Ka Apen sa mga kanayon sa balak na pagpapabayani, at ngayong nagsidating na lahat ang mga inusap, ay walang pagsidlan ng kasiyahan ang matanda. Ang ilang magsasaka’y dumating na pasan ang araro habang sinusundan ang hayop na sisingkawan; ang matatanda naman ay nakasingkaw na ang pangararo na batak na ang araro na sinapian ang sudsod ng pinakakalubang biyas ng malaking kawayan. Pagsapit sa tabihan, sisimulan na ng mga dumating na bumutas ng digla. Ang matatandang magsasaka’y nagsimula sa hilaga, ang mga kabataang magsasaka naman ay bumutas ng digla sa tim og ng kaluwangan. Nagsimula nang umusad ang mga pangararo, pakanluran at pasilangan. Titibagin pa ang malawak-lawak ding bukid ni Ka Sepa, na mula nang maiwanan ni Ka Pitong, ay iniasa na lamang sa mga kanayon ang paglilinang. Hindi pa naman huli ang paghahasik, at sa buong araw na iyon, ang kaluwangan ay bubungkalin, pipipisin, susuyurin, hahaluin, kakalmutin at tutudlingan upang sabugan ng binhi. Halos magkasunod na dumating sina Oyo at Toryo sa bayanihan. Naisingkaw na ni Oyo ang kanyang kalakian nang marinig niya ang pag-uusap ni Emong at ng kararating na si Toryo. “Tinanghali ako e ,” humihingi ng paumanhin ang tinig ni Toryo.

50 “Hinihintay ko nga kayo,” sabi naman ni Emong. “Kanina ka pa ba, Oyo?” tanong ni Toryo, habang inaayos niyon ang lipya ng araro. Nilingon ni Oyo si Toryo na noo’y nagsisingkaw na ng pangararo. “Kararating ko rin. Sabay-sabay na tayo.” Nagsingkaw na rin si Em ong ng sariling pangararo. Bumutas na sila ng kani-kanilang digla, bawat isa’y may nakatakdang saknong na tatapusin. Nakahilera na ang mga pangararo, handa na sa gagawin. Paharap sila sa kanluran, ang mga lipya ng araro’y nakakagat na nang bahagya sa titibaging linang. “O tayo na,” sabi ni Emong. “Sige,” sagot ni Oyo. Pinilantik ni Toryo ang kanyang kalakian, kumislot iyon at umusad, humalukay ang lipya ng araro sa dibdib ng lupa. Gayundin ang ginawa nina Emong at Oyo. Pinilantik pang muli ni Toryo ang kalakian sa gulugod, paliyad na umuna ang ulo ng hayop sa mga pangararo nina Emong at Oyo. “Matagalan ’to, Toryo,” malakas na sabi ni Emong, na nakapagitan kina Toryo at Oyo. “Baka ka mabaguhan!” “Hiya!” utos ni Toryo sa pangararo na parang tinatanggap ang hamon ni Emong. “Hiya! Hiya!” sabi ni Oyo, dalawang ulit na nilabtik ng tali ang likod ng pangararo. Pinilantik din ni Emong ang sariling kalakian. Matatag na sumulong ang mga hayop. Ngayo’y pailang balik na nila sa kani-kanilang saknong; halos magkakapantay ang ulo ng mga hayop na parang aayaw mag-iwanan. Sumisingasing ang mga hayop, parang may likas na batas na sinusunod ang mga magsasakang nasa kanilang hulihan. Tumitiplad ang natitibag na lupa, tumatabon sa makutim na digla. Hindi naglaon, ang buong kalawakan ay napuno ng mga magsasaka at hayop na pangararo, at bago nagtukodtikin ang araw, ang sinasakang naiwan ng nasirang ama ni

51 Elay ay halos nangalahati na ang natibag. Sinusundan ang natibag na bahagi ng pamipis, at ang natigkal na malalaking bato ay nadudurog. Hinalungkat naman ng kalmot ang mga damong natabunan ng lupa, na buong sinop na iniimis ng panuyod. Habang natatapos na bungkalin at sinupin ang kalahati ng saka, may isa namang grupo ng mga magsasaka na binubuo ng katatandaan na nagsisimulang maghalo ng linang. Kung humihingal na ang mga pangararo, ipinapahinga ang mga hayop ng mga magsasaka. Ipinamahinga na rin nina Emong at dalawang kaibigan ang kani-kanilang pangararo matapos nilang bungkalin ang nakatokang saknong. Sinubuan nila ng kumpay na pampalaway ang mga hayop. “Alam ba ’to ni Elay, Emong?” tanong ng isang magsasaka. Hindi kaagad sumagot ang waring nagigipit na si Emong. “Tayo-tayo lang naman e ,” mapilit ang pagtatanong. “Nahihiwatigan n’ya,” napilitang pagtatapat ni Emong. “Kumusta ba’ng lagay ni Ka Sepa?” usisa naman ng isa. “Nasa matatanda na ’yan,” sabad naman ng isa pa. “Basta’t bahala ka sa dalaga. Tapos.” “Matibay ba’ng panuga mo?” “Me intindihan na ba?” “Me konting silahis ng pag-asa.” sabi ni Emong. “’Yon naman pala e.” “Ayos na.” At makaraang masubuan ang mga pangararo ng ilang miirang dahon ng kumpay, muling isisingkaw sa araro. Lipas na ang hingal ng mga hayop, at muli, magpapaligsahan ang mga baka’t kalabaw ng mga katutubong lakas o tibay sa hingal. Sa nayon, ang pinakamagaling na pangararo’y iyong naisisingkaw na hindi dumadanas ng hingal hanggang sa mahapo at sumuko’y ang kanyang panginoong magsasaka. Kung minsan, sa pagpili ng isang dalaga ng lalaking tatanggapin, bahagi ng kanyang batayan sa pagpili hindi lamang ang katutubong sipag ng talisuyo, kundi maging ang

52 iwing katatagan ng inaalagaan niyong pangararo. Sa Makulong at mga kanugnog nayon, ang isang baka o kalabaw ay binibili na ng isang magsasaka bago pa man tubuan ng sungay, at ang kabuluhan ng hayop ay dumadaan sa palihan ng sukatan ng sipag, bilis at tatag na minanang katangian ng mga magsasaka. Ang isang torete o batang kalabaw ay untiunting sasanayin, sa simula’y sa paghila ng pamipis na pinagtagni-tagning puno ng kawayan na papatungan ng anum ang pam pabigat upang m akadurog ng buwal. Pagkaraan ng pagsubok na iyo’y isisingkaw ang sinasanay na pangararo sa mga haluin at makalipas ang sapat na panahon ay saka pa lamang iyon isasabak sa pagbubungkal o pagtibag ng isang sakahin. At kung ang tatag at bilis ng pangararo’y subok na, doon pa lamang iyon ilalahok sa mga bayanihan, na sa Makulong ay maaaring mangahulugan ng unang hakbang sa panunuyo ng mga magulang ng lalaki na nagnanais na hilingin ang kamay at pag-ibig ng isang babae. Sa anumang sukatan, ang pangararo’y maraming kinakatawang kahulugan sa buhay nayon, at kung magkaminsa’y may katotohanan at wikang siyang higit na nauunawaan ng nayon kaysa bugtong at talinghaga ng tao. Magtatanghaling tapat na nang dumating sina Ka Sepa. May dala ang mga iyong pagkain sa mga magsasaka. Dumating din ang pagkaing inilaan ng mga magulang ni Em ong para sa mga kabayani, kayat ang araw na iyon ay nangangako wari ng isang masaganang salusalo. Naroon na naman ang mga dalagang nayon, at gaya ng dapat asahan, ang mga binata’y umaasang may mga pahiwatig na maipadadama ng puso sa kapwa puso, gaya ng isang hagupit sa gulugod ng kalabaw habang palihim na nakamasid ang nilalangit na hindi maglalao’t maaaring suklian ng nahihiyang pag-aabot ng sigarilyo, bukayo o isang tabong tubig. Sa ganitong ugnayan, nababanghay ang mga bukas at pangarap ng pag-ibig, at halos ito ay siyang kinamulatang batayan ng pamilya, o lipi, o isang

53 buong lipunan ng mga magsasaka sa Makulong at sa mga karatig pook. Ang pabayanihang iyon ay isang kaugalian, isang uri ng institusyong panlipunan, at sa taganayon, iyon ay bugtong na huhulaan, hakbang na babakasin o wikang may pangalawang antas ng kahulugan. “Binigla naman n’yo kami,” hinging paumanhin ni Ka Sepa sa mga dinatnan. “Sagot ko ang dapat,” sabi naman ni Ka Apen. “Wala kaming kamalay-malay. Biglang-bigla.” “Kaya naman inihanda na namin ang dapat ihanda,” pagpapatibay ni Ka Apen. “Aba’y dapat namang me bahagi ang me paararo,” giit ni Ka Sepa. “Ang dalawa’y mainam kesa isa.” “Buong Makulong ’atang narito.” “Me taga-karatig pa, kumare,” pakli naman ni Kapitan Berong na halatang pumapala para sa panig ni Ka Apen. “Dahil nga di ka na napasabihan, inako na namin ang lahat,” paliwanag ni Ka Doray na gaya ng asawang si Ka Apen ay parang nahihirapang pakahuluganan ang lahat batay sa kanilang tunay na layunin. “Mahirap pala’ng maiwan ka ng ’yong tao,” pahimutok ni Ka Sepa, maluluha wari kayat nagpahid kaagad ng pandong sa sulok ng mata. “'Nariyan na ’yan, Mare,” salo kaagad ni Ka Doray. “Halos iniaasa ko na’ng buhay namin ni Elay sa mga kasama.” “Sino pa ba namang magdadamayan?” “Ikaw lang naman, kumare,” sumingit si Kapitan Berong na parang nakakita ng tamang lulusutan. “Kung bakit me paraan nama’y di gawin ang dapat.” “Alin ba’ng dapat, kumpare?” Tumingin muna si Kapitan Berong kina Ka Apen at Ka Doray bago nagtalibukas. “Kung ang inaanak ko ba nama’y inilalagay na natin sa magaling?”

54 Ilang saglit bago nakahuma si Ka Sepa. “Si kumpare naman. Di naman ’yan asin na naipag-aalok.” “Ikaw lang naman, kumare,” sabi ni Kapitan Berong. “Hindi pa ba maliwanag ang mga hangarin?” Tumingin si Ka Sepa kina Ka Apen at Ka Doray. “Si kumpare naman, tinda na nati’y atin pang bili.” “Si Elay nati’y nasa panahon na, kumare,” tuwirang saad ng punong nayon. Hindi nakatugon pa si Ka Sepa. Sa gayong pagpapalitan ay may dapat huminto, at alam ni Ka Sepa na siya iyon. Namagitan naman karaka si Ka Doray upang ang mga pahiwatig ay hindi mabilad na maagang katotohanan. “Ang mga ito’y bahagi ng pagsasamahan, mare,” sabi ni Ka Doray. Nagsimula nang mag-ayos sa isang lilim ng inihandang pananghalian. Sinalukan ng gulay ang mga tasa, ang malalaking plato’y nilagyan ng kanin, at ang malalaking gayat naman ng isda’y itinumpok sa isang nakaladlad na dahon ng saging. Ang mga magsasaka’y nagtatapos na sa pagbubungkal ng ikalawang bahagi ng linang. Kinawayan ang mga iyon ni Ka Apen. Isa-isa na ang mga iyong sumundo. Mula sa tabihan, nakatanaw ang matatanda’t mga dalaga sa mga magsasakang nananatiling nasa gitna pa ng linang. “Kita mo ba si Emong, Elay?” biro ni Bita. “Mula nang dumating tayo’y walang tantang ang hagupit sa kalabaw.” “Ang ibig sabihi’y malupit s’ya sa kalabaw,” iwas ni Elay. “H indi naman ’yon ang kahulugan, E lay,” sabad pagtatanggol ni Bining. “Ano’ng ibig sabihin, Bining?” namimilog ang mapupungay na mata ng nagtatanong na si Ligaya. “Ay naku, Ligaya,” kunwa’y pahinagpis na sabi ni Bita, “pag ang binata’y me pangararong kayang bumungkal ng kalahating ektarya sa maghapon, ang ibig sabihin n’yo’y handa na s’yang mag-asawa.”

55 “Gayon ba ’yon?” tanong naman ng isa. “Handa nang magdala ng pamilya,” patotoo pa ng isa. “Si Emong e handa nang mag-asawa,” buntot pa ni Bita. “Kung sa ’kin nga lang siya nagkamali,” at pabiro pang kinurot niyon ang aayaw sumaling si Elay. “Kaya dapat kang sumilip sa labas ng kubo, Ligaya,” kanti naman ng isa sa anak ni Ka Bisyong. Nagtatawanan ang magkakaharap sa kanilang mga sariling biro, habang tumutulong sa pag-aayos sa tabihan. Ang mga m ata ng kadalagahan ay palihim na sumusulyap sa kaluwangan ng binubungkal na bukid, na wari namang may nabubuo ring panganorin ng isang dula na mapagtatagnitagning kaugnay sa mga lihim at makahulugang usapan ng matatanda’t dalaga sa tabihan, na parang masalimuot na hibla sa isang ikid ng malalim na palahulaan. Humihingal na pareho ang pangararo nina Oyo at T o ry o , m akikitang may bum ubula-bulang laway na lumalabas sa bibig ng mga hayop, sumasabit sa matitigas na balahibong nasa gilid ng bunganga. Ang mga hayop ay parang may mga sariling isip na sa pagpapakitang gilas sa gitna ng linang, hindi iniinda ang sumasalab na init ng araw o ang nag-aanyayang lilim sa tabihan. Ilang ligid na ang nagawa ng dalawang pangararo, nakailan na ring balik pakanluran at pasilangan. Gayong halos lahat ay nasa tabihan na, nanatili pa rin sa gitna sina Oyo at Toryo at Emong. Talos ng tatlo na sa tabihan, sinusukat ng mga m ata ang k atatag an ng mga p an g araro at tao sa kaluw angan, at ang kam alayang iyon ang lalo pag nagsusuhay ng kanilang lakas at tibay. Pumipitik na ang alab ng araw, sa kalagitnaa’y naririnig ng tatlong binata ang mga tinig sa tabihan. Parang nagpapakiramdaman ang tatlo. “Ayaw pa ba n’yong sumundo?” nananantiya si Emong. “Tapusin na natin ang napasimulang digla,” tugon ni Oyo.

56 “Hiya!” pasigaw na utos ni Toryo sa pangararo, kasabay ng mariing labtik ng lubid sa tagiliran ng hayop. At nagpatuloy ang tatlo. H indi nalauna’t nasulyapan ng tatlong binata ang pagbagtas paggawi sa kanila ng ilang dalaga, sa pangunguna ni Elay. Lalong tumatag ang hakbang ng mga hayop at tao. Sa hati ng digla, sumalubong ang mga dalaga. Hinigit ng tatlo ang lubid ng mga hayop, huminto ang mga iyon na waring nagbibigay-pitagan. “Ipinasusundo kayo ni Inang,” si Elay ang nagsasalita. “Kanina pa naghihintay ang pananghalian.” Nagkatinginan ang tatlong binata. “Konti na lang ’to ,” pasantabi ni Oyo. “Mahirap ang napasimulang di matatapos,” sambot ni Emong. “Matagal pa naman ang hapon,” malambing ang tinig ni Bining. “Mahirap paghintayin ang hain,” nagbibiro si Bita. “Baka magtampo ang grasya.” “O siya,” si Emong ang nagpasiya. “Susundo na kami.” “Naghihintay sila,” habol ni Elay. “Mauna na kayo,” bilin pa ni Emong. Bumalik na ang tatlong dalaga. Itinuloy naman ng mga binata ang mga pangararo hanggang makasundo. Isinuga nila ang mga hayop sa magkakatabing lilim, hinayaang manginain ng mga damong naglulunti sa tabihan. Tinalunton pagkatapos ng tatlong binata ang tabihan, palundo sa pinagtitipunan ng mga magsasaka. Nagsisimula nang magkainan ang mga dinatnan. Makaraang maghugas ng mga kamay mula sa tabong isinalok sa isang latang igiban, sumali na rin ang tatlong bagong dating sa mga kasamahang magsasaka. Malalaki ang subo ng kanin na sinabawan ng gulay na munggong iginisa sa taba ng baboy na tinimplahan ng mga magsasaka ng patis ng isdang ipinais sa dahon ng

57 saging. Mabibilis ang dukmo ng kamay sa kanin at pangulam na nakahain, at wala ring humpay ang muli’t muling pagdudulot ng mga babae. Matapos kumain, ang mga magsasaka’y hindi kaagad magsisingkaw ng mga hayop. Papapagpahingahin ang mga pangararo sa mga lilim, bibigyan ng kaunting kumpay na pampalaway upang pag kumiling na ang araw sa kanluran ay pamuling isingkaw ang mga iyon para bago sumilim ay masabugan na ang kaluwangan ng binhing palay. Isa-isa nang nakatapos ang mga magsasaka sa pananananghali, at habang nagpapaypay ng mga balanggot, ang mga iyo’y tutungo sa kani-kanilang pangararo upang alamin ang mga hayop o ku nd i’y magtitipun-tipon sa lilim at mag-uusap ng kung anu-anong bagay sa ilalim ng araw. Magkakaumpok sa isang lilim ang ilang katatandaan na kinabibilangan ni Kapitan Berong. Ngumanganga ang kapitan at inaalok ng maskada ang iba. Ang paksa ng kanilang usapa’y ang pabayani ni Ka Apen. “Pa’no ba, Kapitan?” tanong ng isa. “Anong pa’no?” “Maliwanag ba’ng patutunguhan ng hangin, Kapitan?” Sumabad si Ka Tulume, habang isinusubo ang bunga at ikmo. “Tubo sa ’tin ’yang si Sepa. Alam n’ya. Aba’y sa matandaan din naman dumaan ’yan ng kanyang nasirang tao,” paliwanag ni Ka Tulume. “Me usapan naman ’ata’ng mga bata,” sabi naman ng isang kaumpok. “Me intindihan,” sambot ni Kapitan Berong. “Pinahintulutan naman yata ni Elay na gumawa ng magaling si Emong.” “T ’yak ’yon,” sabi ng isa. “Kung wala ba’y di kanina pa tayo pinatigil sa ’ting ginagawa. ’Ka nga, madali namang malaman ang simoy ng hangin sa hapay ng dahon.”

58 “Di lalong ke inam,” sambit ng isa. “Wala nang sagabal kung gano’n .” “’Ka nga, pag nabuksan ang linang na tibagin, nabuksan na’ng lahat.” “Para nang nakikini-kinita natin ang susunod na gagawing patubig,” paliwanag ni Ka Tulume na waring isinasalaysay ang isang napakatandang ritwal ng nayon. “Pupunuin ang mga tapayan ng mga kamag-anak ng sinusuyo. Karaniwa’y madaling-araw ’yon kung mangyari. Ang mga nanunuyo’y sama-samang mag-iigib, at gigisnan na ng mga kadugo ng babae na puno na ang kani-kanilang mga sisidlan. Kinahapunan sa araw ring ’yon, dadating ang mga mamamanhik.” Nakatawang lumapit si Ka Sepa sa umpukan ng mga matatanda. May dala ang ina ni Elay na buslong may silid na binalot na sigarilyo, ikmo’t maskada, at mga tinalupang matigas na bunga. “Magpalaway kayo,” sabi ni Ka Sepa. Umabot ang isang magsasaka ng isang sigarilyo. Inabot naman ni Ka Tulume ay ikmo at bunga. “Kumusta ba, Sepa?” pabugtong na pangungumusta ni Ka Tulume. Tumingin si Ka Sepa kay Ka Tulume. Lumipat ang kanyang mga mata sa mga kaumpok ng matanda, na para bang may ibang antas ng kahulugan na inaaninaw sa mga mata’t kilos ng mga iyon. “Mabuti ho sa awa ng Diyos,” sagot ng balo. “Nagsisimula nang sumimoy ang amihan, Sepa,” pagpapakahulugan ni Ka Tulume. “Dito sa ’tin, ’ya’y palatandaan ng mabuti sa lahat ng bagay. Kinamulatan ko na ’yan.” “Di salamat ho kung magkakagano’n ,” pakli naman ni Ka Sepa. “Sa ganitong mga panahon, nagsisimulang magpausok ng mga halaman upang mamulaklak. Ito rin ang panahon ng panunuyo, Sepa,” patuloy na paliwanag ni Ka Tulume.

59 Tumikhim ang mga magsasaka. “Sa ’tin, lahat ng bagay ay me kahulugan,” halatang hindi pauna si Ka Sepa. “Me pakahulugan, Sepa,” pagpapalalim ni Ka Tulume. “Ang kilos ng tao’y kasinglikas kung minsan ng kalikasan. Tulad ng pag-ibig.” Lumayo na si Ka Sepa sa umpukan ng matatanda. Tumuloy na ang balo sa mga kababaihan na nagliligpit na sa tabihan. Sumingkaw na rin ang mga bumabayani. Nagsimula nang mabuhay ang matatatag na hakbang ng mga tao’t hayop. Haplit ng lubid, igtad ng pangararo, sagad ng lipya. Hindi naglao’t natapos na rin ang pagtitibag at paghahalo ng linang. Sinimutan na rin ng mga damong naligis. Pagkaraa’y sinimulan nang tudlingan para sa paghahasik. Si Emong at ilang binata ang tumudling. Si Ka Apen naman ang nagsabog ng binhing parang mumunting butil ng gintong humihimlay sa mga tudling. Kasunod ng saknong nang nasasabugan ang pamipis na nagtatabon sa nakahasik na binhi. At bago lumubog ang araw, natapos na ang huling paghahasik sa Makulong. Nag-ayos na sa paguwi ang mga magsasaka. “Me sasabihin ako, kumare,” talibukas ni Kapitan Berong. Tumingin si Ka Sepa kay Elay bago nagsalita. “Ano ba ’yon, kumpare?” “Me kahulugan ang lahat sa ’tin, kumare,” sabi ng punong nayon. ’Yon ang sabi m o.” Ilang saglit na katahimikan ang namagitan. Binuhat ni Ka Sepa ang bilao ng kinasisidlan ng ilang bagay. “O ano ba?” sabi ni Ka Sepa, nagsimula nang lumakad. “Ako’y pinag-utusan lang, kumare,” pagpapaliwanag ni Kapitan Berong. “Ano bang talaga?” “Me balak ’atang mamanhikan sina Pareng Apen.” Nagpatuloy sa paglakad ang mag-ina, kaalinsabay si Kapitan Berong.

60 “Na ke Elay ’yan,” kalauna’y tugon ng balo. Nakatungo si Elay. Habang naglalakad ay waring ayaw itunghay ang mukha. “Pa’no?” nananarok si Kapitan Berong. “Matatapos ba’ng pahasik kung di me intindihan?” patalampak na saad ni Ka Sepa at sumulyap sa nakatu ngong si Elay. “H indi naman tayo kahapon lang ipinanganak, kumpare.” “Di ’yon ang sasabihin ko,” sabi ni Kapitan Berong. “Ikaw na’ng bahala,” pasiya ni Ka Sepa. “Salamat, kumare.” Umpok-umpok ang nagsisipaglakad. Ang kahabaan ng nayon ay tinatalunton ng mga magsasaka sa kanilang paguuwian. Pasan ang mga araro papahila sa mga hayop. Sunong ng mga babae ang mga ginamit sa pagpapakain. Nakabukod ang matatanda’t kabataan. Bumilis ang hakbang ng pangararo ni Toryo. Inabutan ng binata sina Bining at ilang dalaga. Kusang lumayo ang mga kasabay ni Bining nang kanilang mapansin ang pagsabay ni Toryo. Patuloy ang mabining paglalakad ni Bining, nahihiyang kung papaano sa iba, lalo na sa mga matatanda. “Me gusto akong sabihin, Bining,” simula ni Toryo. “Ano ’yon?” “Matagal na naman, Bining.” “Hindi kita maintindihan.” “Di na naman lihim sa ’yo.” “Wala namang nahahayag na anuman.” “Dadalaw ako mamaya, Bining.” Tumingin si Bining kay Toryo, waring sa mukha ng binata’y may inaaninag na katotohanan. “Sa inyong tahana’y ibig kong marinig mula sa ’yo,” sabi ni Toryo. Hindi sumagot si Bining. Nagpatuloy sa paglakad. At waring hindi na alintana ang isasagot ni Bining, hinaplit ni

61 Toryo ang lubid ng tagiliran ng pangararo. Tumulin ang lakad ng hayop. Patuloy sa paglakad si Bining, sinusundan ng tingin ang papalayong katauhan ni Toryo. Saka pa lamang muling sumabay ang mga kabarkada ni Bining. Nagbibiruan, nagtutudyuhan, nagtatawanan nang paimpit. Ngunit si Bining ay hindi tumatawa, hindi na rin sumali sa mga palihim na biruan. Nanatiling nakapako ang kanyang paningin sa humahabang aninong naiiwan ni Toryo na n o o ’y pasalunga wari sa dumudugong mukha ng dapithapon.

7 Luha sa Mata n g Bato Nang gabing iyon, magkakaharap sina Oyo at ilang binatang nayon sa balisbisan ng tindahan ni Ka Saning. Maliwanag ang gasera sa pinakaloob ng tindahan, abala si Ka Saning sa pag-aabot ng binibili ng mga taganayon, na karaniwa’y mga pang-araw-araw na kailangan sa buhay-nayon gaya ng mantika, gas, posporo, sigarilyo, tuyo, suka at iba pang maliliit na bagay. Nang gabing iyon ay masaya si Ka Saning, may pahimig-himig pa siya sa loob. Maganda ang takbo ng kaunting negosyo nang araw na iyon. Kanina lamang ay malaki-laki rin ang pinamili ni Ka Apen: ilang bote ng kuwatro kantos na marka demonyo, isang kaha ng inuming panlahok, ilang panindang de lata na kaipala’y pupulutanin sa gagawing pamamanhik, ilang balot ng sotanghon at miki, mantika, sigarilyo at iba pa. Sa mga gayong pagkakataon, biglaan ang pamimili, at malaki-laki ang tubo ni Ka Saning. Ang tindahan ni Ka Saning ang pinakamaunlad sa Makulong, halos kumpleto ito sa mga pangangailangang pangnayon. Tipunan ito ng mga naghuhuntahan, lalo na kung gabi pag nakaurong sa pagsasaka ang mga kalalakihan, at maituturing na ang balisbisan ng tindahan ni Ka Saning ang pinakadaluyan

62 ng bali-balita, dito nabubuo ang mga balakin sa panliligaw, panghaharana o mumunting kalokohan, at dito rin nabibilad ang mga lihim o nahahayag ang mga nakukuyom na damdamin. Ang gabing iyon nina Oyo sa balisbisan ay gaya rin ng mga gabing sinundan. Tinakalan ng kaharap ni Oyo ang baso. Iniabot iyon sa binata. Tinungga ni Oyo ang lamang alak. Si Oyo naman ang nagsalin pagkatapos. Iniabot sa isa pang kaharap. Tinungga ng inabutan ang laman ng baso. Muling lumigid ang baso, mula sa simula. “Kumusta ba’ng lakad natin, Oyo?” “Wala ’yon.” “Mukhang ang lipya ninyo ni Toryo’y iisa ang tinutumbok.” “Walang kahulugan ’yon,” kaila ni Oyo. “Para namang di tayo taga-Makulong.” “Matunog pa yata kayo kesa ’kin,” umiiwas si Oyo. “’Ika nga, me bunganga ang lupa,” pananalinghaga ng isa. “At me pakpak ang balita,” sambot naman ng pangawala. Muling nagsalinan. Binuksan na ang pangatlong bote ng kuwatro kantos. Mapula na ang magkakaharap, pero sa nayon, doon pa lamang nagkakasarapan ang tagayan. May isa pang dumating. At iyon ay makikiumpok sa nangauna. Kaya habang tumatagal, ang makakaumpok ay dadami. Nasa kainitan na ang inuman nang dumating si Emong, pusturangpustura. Masiglang umupo sa bangkong kawayan ang bagong dating. Inabutan kaagad si Emong ng baso ng isang dinatnan. “O, kumusta’ng lagay?” tanong ni Oyo. “Maayos,” masayang balita ni Emong, sabay tungga sa laman ng baso. “Aba’y kailangang me painom.” “Siyempre.” “Baka ’to na’ng huling pakikitagay mo, Emong?” “Mukha nga ’atang matatali na ’ko nang husto.” “Maayos,” pakli ng isa.

63 “Alam na naman natin ang kahulugan ng paglagay sa estado. Tatayo ka at tatayo sa ’yong sarili,” paliwanag ni Emong. “Di kasi,” sang-ayon ng isa. “Ito ’y panahon ng pag-aasawa.” “Gusto nina Tatang at Inang,” sabi ni Emong. “Mainam na raw na habang nariyan pa sila’y mapasaayos na.” “Sabihin mo’y habang mainam pa’ng ani ni Ka Apen.” “’Yon nga e. Ano ba’ng ibabalak namin kung di sin’werte si Tatang sa ani.” “Ano ba’ng balak mo kung sakali?” tanong ni Oyo. “Gaya rin ng sinumang nagsisimula. Bibigyan ako ni Tatang ng kapiraso sa kanyang saka sa kanluran. Gano’n muna.” “Matanda na naman si Ka Apen,” sabi ng isa. “Sa’n pa ba ipamamana ang kanyang saka kundi sa ’yo?” “Buti na lang at isa lang akong lalaki ni Tatang e,” amin ni Emong. “Ito ’ng mahirap sa buhay natin sa Makulong,” sabi ng isang kaharap. “Dumadami ang tao, hindi naman lumuluwang ang lupa.” “Mabuti na lang at me patahian si Kabesang Ote. “’Yong marunong manahi o maglilip, kumikita kahit papa’n o .” “Di naman trabaho ’yon ng lalaki.” “Nakakatulong kahit pa’no ang mga babae.” “Buti lang ’yon kung dalaga,” pakli naman ng isa. “Kung me asawa na, hindi na ’yon puwede.” *Ang babae’y para sa tahanan.” Isa pang ligid ng salinan ng alak. Malagihay na ang ilan. Nagpalabas pa si Emong ng isang bote kay Ka Saning. Nagsimula uling umikot ang baso. “Sino bang susunod ke Emong?” tanong ng isang katagay ni Oyo. “Itanong mo ke Oyo,” sagot na patudyo ng tinanong. “Bakit ako?” nabigla wari si Oyo. “Aba’y matagal nang pinaghahandaan ni Ka Garse ang pag-aasawa mo a.”

64 “Ikaw na’ng susunod, Oyo,” sabi ni Emong. “Hindi pa ako handa,” sabi ni Oyo. “Sino ba’ng handa?” tanong-paliwanag ni Emong. “Wala namang nag-asawang handa kaagad dito sa ’tin.” “’Yon nga ang aayaw kong mangyari,” mahina ang tinig ni Oyo. “Para ka namang taga-iba,” hamon ng isang kaharap. “Aba, sa ’tin dito, ikaw ang me pinakamatatag na pangararo, Oyo.” “Hindi sapat ’yon,” sabi ni Oyo. “Ano ba’ng ibig mong sabihin ng handa sa pag-aasawa?” Nakamata si Oyo sa kalawakan ng karimlan. Parang aayaw niyang itanghal sa mga kaharap ang katotohanan ng sariling paniniwala. “Gusto k o ’y ib a’ng buhay na naghihintay sa ’king magiging anak.” “Iyan ang pinakamahirap na maging pangarap ng isang magulang sa Makulong, Oyo,” si Emong ang nagsalita. “Me batas dito ang buhay. Ang mga anak ay siyang magmamana ng mga saka ng mga ama. Ipinanganak tayong magsasaka, babangungutin tayo kung nanaisin nati’y magkaanak ng isang prinsipe.” “Me buhay namang nagiging gano’n a,” katwiran ni Oyo. “Ipinanganak na wala, pero nagkaroon sa huli.” “’Yan ang napapala mo sa labis na pagbabasa ng komiks,” pabirong kanti ni Emong. “Pero di tutuo ’yon. Iba ’yon.” Nagpatuloy si Oyo, nanatiling nakaharap sa kalawakan ng dilim. “Gusto ko’y magkaroon ng sariling lupang sinasaka.” ’Yong aking sarili. Hindi ke kabesa o ke Senyor Martin. ’Yong walang panginoon.” Napatawa si Emong sa tinuran ni Oyo. “Ang nagsasalita ng ganya’y ’yong me minana,” tuwirang sabi ni Emong. “E tayo?” “Ang mana nati’y libag sa kili-kili. Putik sa singit,” sambot naman ng isang kaharap.

65 Muling nagtakal si Emong. Iniabot kay Oyo ang baso. “Ang pag-usapan nati’y ang lakad mo ke Bining, Oyo,” tuwirang sabi ni Emong. “Matagal nang nagsimula si Ka Garse sa pamimintuho. Palagay ko’y ikaw na lang ang hinihintay,” sang-ayon ng isa. “Hindi ako bagay ke Bining,” mahina ang tinig ni Oyo habang nagsasalita. “At bakit hindi?” tanong ng isa. “Ulo ka ng sipag sa buong Makulong.” “Hindi sapat ’yon.” “Baka naman nasisilong ka sa pagpasok ni Toryo?” naniniyak ang tinig ng isa. “E ano ba si Toryo? Nakapagaral ng konti. Dito sa ’tin ang tagumpay ng tao’y sinusukat sa dami ng sapit sa bukid. Hindi sa hangin ng ulo.” Muling tumungga ng alak si Oyo. “Me ibang bagay na ipinangangako si Toryo. Wala ako no’n.” “Huwag mong sabihing di pa man nagkakasagupaa’y sumusuko ka na?” nagkakaisa ang tinig ng mga kaharap. Tumayo na si Oyo. Nagpaalam sa mga kasamahan. Nagdahilang hindi na niya kayang uminom. Parang may bagay na iniiwasan ang binatang tuwirang ibilad sa mga kainuman. Tinutudyo naman siya ng mga iniwan. At alam ni Oyo na manok siya ng mga kasama. Sa harap ng mga iyo’y aayaw niyang magdalang-habag sa sarili. Tinalunton ni Oyo ang kahabaan ng kalsadang nayon. Pai'kpik ang karimlang lumulukob. Ang banayad na simoy ng hangi’y nagpapaingit sa mga sanga, nagpapabuyog ng malalabay na buho ng mga kawayan na may kakatwang lawiswis. Sa di kalayuan ay nakasalubong niya ang mga namanhikan, nagmagandang gabi siya sa matatanda, na nagbirong gabing-gabi na ang kanyang pagpanhik ng ligaw. Masasaya ang mga namanhikan, lalo na si Ka Apen at si Kapitan Berong na halatang nasa ilalim pa rin ng kapangyarihan ng alak, at sa kabuuan, ang mga iyo’y parang mga

66 mandirigmang naipagwagi ang isang pakikihamok. Lalong bumigat ang nakukuyom na damdamin sa kanyang dibdib. Patuloy niyang binagtas ang maputik at madilim na landas. Naglaho na ang anumang bahid ng pagkalasing sa kanya, ngunit parang wala siya sa sariling tuluy-tuloy na naglakad. Hindi kalayua’y tanaw na ni Oyo ang palukpok ng kubo nina Bining. Huminto siya sa paghakdaw, para siyang ipinatda sa kinaroroonan. Bahagyang nakasiwang ang bintana. May ilaw pa sa loob. Sumikdo ang kanyang dibdib nang makita niya si Bining, sa harap ng panahian sa may pasimano na kausap si Toryo. Malapangarap ang tanawing iyon kung kanyang malasin. Ibig niyang iwasan iyon na parang isang masamang pangitain, ibig niyang tumalikod, gusto niyang lumayo, tumakbong papalayo. Ngunit mabigat ang kanyang paa, sinasaklot ng hindi maipaliwanag na damdamin. Nagunita ni Oyo ang mga hamon at tudyo kanina sa balisbisan ng tindahan ni Ka Saning, ang mga hamon sa gitna ng mga bayanihan, ang mga wika ng lupa hinggil sa pagkalalaki at pagiging matatag, ang pangarap sa kanya ng kanyang mga magulang, at ang kanyang pansariling sukatan ng langit sa daigdig ng bato at putik. Hindi alam ni Oyo kung gaano siya katagal sa kanyang kinaroroonan. Ngayo’y nadarama na niya ang bangkay na lamig ng gabi, parang tumutukso sa kanyang pag-iisa ang kakatwang paswit ng dahon at hangin. Maya-maya’y ipininid ang bintanang pawid. Gumalaw din ang kingke, papalapit sa may pintuang kawayan. Bumukas ang binatak na pintuan. Nakita niyang papaalis na si Toryo. Hawak pa rin ni Bining ang kingke na may mapulang sinag. At bago humakbang na papanaog ang panauhin, kitang-kita ni Oyo na hinagip ni Toryo ang kamay ni Bining na hindi naman iniiwas, pinisilpisil, at ang dalawa’y parang hindi naghihinalang sila’y minamasdan ng mata ng gabi. Ilang saglit nang nakayao si Toryo ay naroon pa rin si Oyo sa kanyang kinaroroonan. Aayaw niyang iwan ng tingin

67 ang kubo, kundi pa umaluiong ang aso sa paligid na parang nakakakita ng isang masamang ispiritong umaali-aligid. Sa balisbisan ng tindahan ni Ka Saning ay naroon pa rin ang mga iniwan ni Oyo. Maiingay na ang mga iyon, tinatangay na ang utak at dila ng kapangyarihan ng naiinom. Umupo si Oyo sa dating likmuan. Nagpalabas si Oyo ng dalawa pang bote ng kuwatro kantos. “Me malaki ’atang bagay na nangyari, Oyo,” pansin ng isa. “Para ke Emong ito ,” sabi ni Oyo. “Hanggang sa huling tagay,” sabi naman ni Emong. Lalong sumigla ang inuman ng mga binatang nayon. N gayo’y halos hindi na sila nag-iimikan upang hindi makabulahaw. Hindi naglao’t nasaid na ang laman ng mga bote. Hindi pa sana titigil ang inuman kundi wala nang maibigay na maiinom si Ka Saning. Lasing na lasing nang umuwi si Oyo. Halos hindi na niya makayanang panhikin ang kanilang mababang hagdang kawayan. Galit na galit ang nag-aabang na si Ka Garse. “Lintik na tao ka,” bungad ng matanda kay Oyo. “Pag ganyan ka rin lang nang ganyan, mabuti pa’y nag-aasawa ka na!” Marami pang sinabi si Ka Garse, na pinapanigan naman ng ina ni Oyo. Ngunit lagom na ang kanyang diwa ng karimlan. Bumulagta si Oyo sa sahig. Parang nagbabaga sa init ang kanyang buong katawan. At sa pagitan ng mga alimura at pangaral, naglalaro sa bagwis ng kanyang utak ang malapangarap na tanawin sa kubo nina Bining. “Kapuspalad ako, Tatang!” sumisigaw, umiiyak si Oyo. “Lintik na tao ’to ,” alimura ni Ka Garse. “Kalalaking tao’y ke hina. Malakas ang sikmura’y di pala kaya ng tuhod!” Awang-awang sinimpan ng mga magulang ni Oyo ang binata. Patuloy na humahagulhol si Oyo, at sa malabong hibla ng pag-unawa, parang talim ng kidlat na sinusu n d an -su n d an ang kanyang kam alayan ng isang nakagigimbal na panganorin.

G abing W alang Araw Aandap-andap ang mga sindi ng naglalakihang kandilang may ib a ’ t ibang kulay, waring nakikipagtim palakan ang mapupulang sinag sa mga bombilya ng elektrisidad na pinaaandar ng isang malaking motor na karga ng isang diyipni na nasa hulihan ng mahabang prusisyon. Sa bawat gilid ng daang-nayon, nakapila ang mga taga-Makulong, matatanda’t bata, may mga tangan pa ring tibanglos na yari sa bote’t buho, na sa pagtapat ng prusisyon, hihipan ang mga sindi na ipinag-aamoy sunog na langis, gasolina at kandila ng paligid. Ang mga paningin ay nakatuon sa mahabang prusisyon, sa mga kadalagahan at kabinataang kasama sa prusisyon, sa Mahal na Birhen at sa mga santo’t santang pasan o lulan ng karosa, at ang mga matang iyon ay parang nasilaw ng kakaibang kaliwanagang pangarap waring nagbabalabal ng hiwaga sa mukha ng gabi. Tunay, noon lamang naganap ang ganitong karangyang paalay sa M akulong, at sa matatandang nakaugat sa kapaniwalaang nilulumot, yaon ay gabing may tinitibag na mga batong buhay sa matatandang kamalayan, at sa mga baguntao nama’y isa iyong panganorin ng mga mithiin sa mata ng isang kinabukasan. Ang gabi’y naging lundo ng mga paghahanda na sama-samang isinagawa ng lakas-magsasaka: tinabunan ang nakangangang lubak, pinatag at pinaikpik, ang tabing kalsada’y tinamnan ng naghilerang puno ng saging na may mga buwig, ang maliliit na lubid na isinala-salabat sa mga sanga ng mga punongkahoy sa magkabilang kalsada’y kinapitan ng mga ginupit na papel na may iba’t ibang hugis at kulay, inayos at kinumpuni ang lumang besita’t pinalamutihan ang dambana, at higit sa roon, ang mga dalagang sasagala’y nangagpatahi ng kani-kanilang isusuot, o nanghiram, at ang mga binata nama’y nangarap

69 sa katuparan ng panagimpang makakasabay din nila sa wakas, makakausap nang malaya, sa dibdib ng nayon na hayag sa mga mapanuring mata, ang pukyutan ng kanilang lihim o hantad na pagtatangi. May tumutugtog na banda ng musiko sa likuran na pinakasikat daw na banda sa Binyang, samantalang may mga tampok na mang-aawit na kumukuro ng awit sa paalay: tuhog na bulaklak, am ing ihahandog, sa iyong paan an , o, m ahal na birhen: at habang ang prusisyon ay pabalik sa bisita na waring isang malapangarap na panganorin ng alindog at liwanag, ang mga tagabaryo nama’y palihim na nag-uusap hinggil sa mga bagay na pumupuno sa kanilang mga mata. “Aba’y di naman pahuhuli ang mga bulaklak ng Makulong sa anak ni Senyor a,” pansin ng isang matandang lalaki sa kanyang katabi. “H igit na nakabubusog ng mata ang gandang nayon kesa ganda ng mga dayo.” “Makapal lang ang kolorete ng mukha kaya tumitingkad ang ganda,” sagot ng kausap. “Kundi’y parang tinakasan ng dugo ang mga kulay,” pakli ng isa pa. “Kung ihahambing si Karen ke Bining, naku, malayo!” sabad naman ng isang matandang babae. Lumalampas na noon ang mga sagalang nayon na kinabibilangan ni Ligaya. “Ang sabihin mo, mare’y lalong talo ang mga dayo sa dalaga ni Bisyong,” sang-ayon ng isa pang katabi. “Itinatago nga lang ho ng ama ’yang si Ligaya e,” pansin ng isang baguntao. “Parang aayaw padapuan ng langaw.” “Pa’no’y ulila na sa ina ’yong bata,” pagtatanggol ng isang kausap. “Sa ’kin ma’y babakuran ko ng tinik pag ganyang kaganda’ng anak ko. Hirap nang masalakay ng galang kalabaw sa hindi panahon.” Tunay namang ang gabing iyon ay parang inihayag na timpalakan ng ganda ng mga bulaklak nayon at*bayan. Sa

70 pangunguna ni Karen, tanging anak ni Senyor Martin na siyang Reyna Eiena ng santakrusan, at mga kumbidang tagakabayanan ng San Diego at ilang kamag-aaral ni Karen sa Maynila na nagsadya roon upang magbakasyon, at sa pangunguna naman ni Bining at mga bulaklak nayon, ang kariktang Pilipina ay itinampok nang gabing iyon, upang hangaan at husgahan, hindi ng mga huradong sanay humatol sa panlipunang batayan ng ganda, kundi ng mga matang nayon na ang saligan ng pagsusuri at paghahambing ay ang kanilang basal na antas ng pag-unawa sa kung ano ang tunay kariktang katutubo. Kaya ang mga lihim na tudyong “kulay di nahagkan ng araw o kulay hilaw ” , ay ikakapit sa nangagpuputiang panauhin, at “kayumangging kaligatan o kulay kainaman” ang siyang itataguri sa mga dalagang nayon. Maging ang kahinhinan o munting kagaslawan ay napapansin, ang masyadong maindayog na balakang kung humahakdaw ay lihim na iniismiran ng matatanda, at maging ang anyo at lapit ng mukha sa pakikipag-usap sa mga lalaking konsorte’y dumadaan sa batayang butas ng karayom ng matang nayon. Kaya’t maririnig ang mga pasaring na “parang nag-aanyayang lakad”, na sa nayo’y hindi pa binibigyangpuwang. Ang batayang ito ng kamalayang pangkultura ay talos ng mga sagalang tagnayon na lingid naman sa mga panauhing dayo; kung kaya’t sa tingin ng mga taganayon, ang tagalungsod ay magagaslaw at makiri, ngunit ang kahinhinan naman ng dalagang nayon, sa sukatan ng tagabaya’t tagalungsod ay nangangahulugan ng pagtinging mababa sa sarili, kawalan ng tiwala at edukasyon, kapikuna’t pagkamahiyain. Ang sagala’y lumalakad sa prusisyong iyon na may ibaibang pananaw at batayan sa pagkilos. Libre sa pag-uusap ang mga dayong dalaga’t kani-kanilang abay; matimpi nama’t kimi ang ugnayan ng taganayong dalaga’t binata. Konsorte ni Karen si Marko, at habang lumalakad ang prusisyon, nag-uusap ang dalawa.

71 “Masaya din pala’ng nayon, Marko,” pansin ni Karen. Iginala ni Marko ang paningin sa kaluwangan ng mga tao’t bukid na binabalabalan ng bahagyang dilim. “Ngayon lang nagkailaw sa gabi ang lansangan ng Makulong”, sagot ni Marko, tumawa nang bahagya. “Ewan ko kung sasabihin mo pang maganda ang nayon sa isang gabing pusikit ang dilim.” “Maganda ang dilim,” sabi ni Karen, nakatawa rin. “Para ’yung tula a,” pakli ni Marko. Tumingin si Karen kay Marko. “Di ba maganda ang tula?” “Wala akong hilig d’yan,” sabi ni Marko. “Nag-aral tayo upang magkahilig sa tula.” “Hindi ako,” patapos na sabi ni Marko. Huminto sa pagsasalita si Karen. Itinuon ang mga mata sa unahan. Nakikita niya ang malapad na balikat ni Toryo, malapit kay Bining, kaipala’y nakikipag-usap din sa kasabay. Nagunita ni Karen na ang sinabi niya kay Marko na kariktan ng dilim ay sinipi niya sa isang tula ni Toryo na minsa’y nabasa niya at hindi na niya nakalimutan pa. Noon niya nalamang mahilig si Toryo sa tula, at kung magsalita iyo’y makata rin. At ngayong nakausap niya si M arko na kabaligtaran ni Toryo ang pananaw at dila, nakadama si Karen ng panghihinayang kung bakit di pa si Toryo ang siya niyang naging konsorte nang gabing iyon. Malapit na ang besita, at ang mabagal na daloy ng prusisyon ngayon ay waring ki'nababagutan na ni Karen, lalo pa’t naiisip niyang may nasasayang siyang pagod at sandali sa isang paglalakad na walang katuturan. Kanugnog lamang ng bisita ang bahay ni Kabesang Ote. Ang sambahang-nayon ay nasa malaking solar na kinatitirikan din ng bahay ng kabesa, kasama na ang patahian, sa isang maluwang na bakurang natatanim an ang tabihan ng m alalabay na puno ng akasya, m angga at iba pang punongkahoy. Ngayo’y lumulutang wari ang bahay sa liwanag, mula sa loob na nakukurtinahan, sa balkonahe at

72 maging sa bakuran na kinaroroonan ng mga panauhing nagsisipaghintay sa prusisyon. Sa balkonahe’y naroo’t naguusap sina Senyor Martin, Kabesang Ote, si Alkalde Tirona ng San Diego, mga konsehal at ibang diyus-diyusan ng bayan. Nangakaterno ang mga babae, waring nagpapagaraan, lalo na si Niyora Femia, na parang maniking kinikislapan ng malalaking bato ng brilyante ang mga daliri, bisig, leeg at taynga. Ang mga maginoo’y umiinom ng mamahaling alak, ang mga babae nama’y sumisimsim ng inuming babae, at ang ibang nag-aasta-astahan ay nasasamid dahil sa hindi kasanayan. Ang mga panauhi’y nag-iistoryahan ng lahat ng bagay kaugnay ng kanilang mga buhay at pangarap: negosyo, mamahaling alahas, katulong sa bahay na masisiba at napakatatanga, pulitika’t pulitiko, kapilyuhan ng mga maginoo’t kunsumisyon naman ng mga senyora. Sa likuran ng malaking bahay, sa ilalim ng isang malilim na puno, hindi magkamayaw ang nagsisipagluto. Dalawang nililitsong baboy ang pabiling-biling na isinasalab sa namumulang dapog, sa tatlo pang malalaking tulyasi ang isinasalang ay ang tatlong pinakahuling putahe. May sumasandok na ng kanin mula sa isang malaking kaing na nasasapinan ng palapa ng saging, may naglalagay ng karne sa malalaking bandehadong silbihan, may tumatabo ng tubig na inumin at pitsel-pitsel na dinadala sa sibing pagpapahapunan, may nagdadala ng minatamis na pinya, irok at makapuno, na ilalagay sa mahabang datig-datig na mesang kainan. Anupa’t ang mga tumutulong ang siyang punong abala sa napakalaking handang iyon sa Makulong, na isang baka’t dalawang malaking baboy ang kinatay, bukod pa sa dalawang palakihing nilitson, napakaraming manok na pinugutan ng ulo’t kung ilang kambing na kinaldereta. Ang gabing iyo’y nangangako ng buong magdamag na pagdiriwang at pagsasalu-salo, at sa panig naman ng tagaMakulong, ay pagtanggap mula kay Senyor Martin ng isang

73 napakalaking balita na nangangakong m ababago ang kanilang buhay. Ang loob ng mahabang sibi’y ganap na naiilawan. Nakahanda ang magsisipaglingkod na nakatalaga, magkabilaan sa mahabang hanay ng pinagdugsun-dugsong mesang dulugan. Nasa kani-kanilang lugal na ang naglalakihang bandehado ng umaasong kanin, nagkikislapan sa tama ng ilaw ang parang mga kristal na lalagyan ng matamis at mga basong nakataob sa mesa, kasudlong ng bawat pinggang kakainan. Ang unang dulot ay espesyal na hain: doo’y dudulog ang mga piling bisita, si Senyor Martin na siyang Hermano Mayor, mga opisyal ng San Diego sa pangunguna ng Alkalde, ang mga sagala’t konsorte sa alay, ang mga piling mang-aawit, at ilang iginagalang na pinuno’t kinikilalang taganayo’t karatig na pook. Ang dulo ng prusisyon ay nakaungos nang patugpa sa maliwanag na bisita’t bahay ni Kabesang Ote. Sa malayo, ang mahabang prusisyon ay parang mahabang katawan ng sawang ganap na napapalamutihan ng kislap habang gumagapang sa bituka ng nayon, ngunit habang lumalapit ay nagiging malinaw ang mukha ng mga tao’t karosa, na lumulutang sa liwanag ng mapulang ilaw ng kandila’t tibanglos at hilaw na liwanag ng elektrisidad. Si Kabesang Ote ang unang nakapuna sa pagsapit ng prusiyon. Tumayo ang kabesa at bumaba hanggang sa kalagitnaan ng hagdang bato ng bahay. Humudyat siya sa ilang kalalakihang magkakaumpok sa pagitan ng tuklong at malaking bahay. Nagkanya-kanyang lugal na ang mga hinudyatan ni Kabesang Ote. Sabay sa pagdalpak ng prusisyon, kasabay ng awit sa alay at salit sa tugtog ng mga musikero, bumusa ang mga paputok na parang mga kabuting sumabog at nagliyab, ang mga lusesna may samutsaring kulay ay naging matitingkad na alipato waring nagkislapan sa langit kakambal ng malalakas

74 na putok, ang mga iyo’y sasabog sa himpapawirin na parang maliliit na sinagtalang pula, asul, dilaw at abong kulay Sa ibaba, dumadagundong ang mga paputok na mayayanig, o mga paputok na parang maiingay na pitik ng isinasangag na pinipig sa tag-ani. May mga kuwitis na dumadamba-damba, may luses na umiikot sa tagdan, may nagtititik ng mga salita’t larawan at kung anu-ano pang palabas sa liwanag at ilaw. Ang ilang matatanda’y nangagtakip ng tainga upang di marindi habang nakatingala para panoorin ang kakaibang panganorin ng langit at gabi ng Makulong. Unang ipinasok ang imahen ng Mahal na Birhen. Mula sa k aro sa’y inilagay ang im ahen sa pinakapedestal ng nagagayakang dambana ng tuklong. Makaraa’y itinabi roon ang estatwa ng mga santo’t santa. Pumailanlang ang awit: m ahal na Birhengpinaghahandngan, k a m i’y nangangakong ngayo’y mag-aalay. at ang mga tuhog ng bulaklak ay isasabog sa bawat sagalang lumuluhod upang mag-alay sa dambana ng tuklong. Salit-salit ang mga sagala, at kasabay ng bawat pagluhod ang mga paputok at luses sa labas, kayat sa dinamidami ng mga sagala, bago natapos ang pag-aalay, ang buong paligid ay mistulang larangan ng digmaang sumisigid ang amoy ng pulbura. Pagkatapos ng pag-aalay ay sinimulan na ang unang hain. Nakadulog na ang mga panauhin. Nasa isang kabisera si Senyor Martin na napapagitnaan nina Kabesang Ote at Nyora Femia. Nasa kasudlong namang kabisera si Alkalde Tirona ng San Diego at ilang pinunong bayan at nayon. Nagsimula na ang hain. Ang bawat putahe’y isa-isang inilalapit sa bawat nakadulog sa hapag, may dalawang nagsisilbi sa bawat dalawang mesang magkasudlong, at pag nagkasalubong na ang dalawang nagsisilbi, mula sa labas ng sibi, may mag-aabot ng panibagong putahe, muli iyong ilalapit at iisa-isahin ang nangakadulog, hanggang ang kung may ilan ding putahe’y maidulot na lahat sa kumakain.

75 Magkatabi sina Toryo at Bining sa hapag, katapat nila ang magkaparehang sina Oyo at Ligaya. Malapit sa mga magulang ang kinalilikmuan ni Karen, kalapit si Marko, na nang mga sandaling iyon ay parang hinihigop ang paningin ng alindog ng tanging babae ni Ka Bisyong. Si Oyo ang unang nakapansin sa mga pagsulyap-sulyap ni Marko kay Ligaya. “Mukhang parang ipinagkit sa ’yo ang mata ni Marko,” bulong ni Oyo, ngunit sa sulok ng kanyang mata’y lihim niyang sinusulyapan sina Toryo at Bining sa kaibayong lugal. Una’y hindi iyon pansin ni Ligaya, ngunit nang lumaon, hindi maiiwas ng dalaga ang kamalayan sa malilikot na mga tingin ni Marko. Di miminsang nagkakatama ang kanilang mata ng binata, at doo’y may kakaibang bagay na iniiwasan ang kadalisayan ni Ligaya. Palihim niyang hinagod ng tingin ang mga tao sa labas ng sibi at nakita niyang naroon si Ka Bisyong. Nakahinga nang maluwag si Ligaya at nagpatuloy sa pagkain. “Baka me gusto sa ’yo, Ligaya,” nanunukso ang tinig ni Oyo. “Maniwala ka sa mga kilos,” pakli ni Ligaya. “Ang kilos ay nagsasalita, baka akala m o.” “Iba-iba naman ang kilos e. Me magaling, at me. . . masama.” “Ayaw mo ba no’n? Pag nagkataon, magiging isa ka sa titingalain sa buong bayan.” “Malayo sa isip ko ’yan, Oyo.” “Malay mo. Maganda ka naman, Ligaya.” “Wala akong pangarap na ganyan,” maigting ang tinig ni Ligaya. Tumigil na ng pagsasalita si Oyo. Muli niyang tinapunan ng panakaw na tanaw sina Bining at Toryo. Nag-uusap ang dalawa habang kumakain at si Bining ay waring puspos ng tuwa. Nakadama si Oyo ng pinong kaba.

76 N oo’y magtatapos na ang unang hain. Natapos na ang panghuling dulot ng putahe. Ang ibang panauhin ay nagsisimula nang magmatamis, at ang mabilis kumai’y talagang nakaayaw na. Ngunit sa mga nakadulog, ni isa’y walang umunang tumayo. Nagsisipag-usap na lang sila. Patuloy pang kumakain si Senyor Martin, ang Alkalde at ilang tanging panauhin. Sa batas ng lipunan sa nayon, ang mga nasa kabisera’y siyang unang tatayo, bago pa sumunod ang karamihan. Nang makatapos si Senyor Martin, tumayo ito, pabukas na itinaas ang dalawang bisig, at hiningi sa mga panauhin sa hapag at sa mga taganayon sa loob ng sibi ang kanilang pakikinig. Tumahimik ang lahat. Humandang makinig. Nagsalita na si Senyor Martin. “Ako’y natutuwa at ang buong Makulong ay pag-aari na ng inyong abang lingkod. Hindi man karapat-dapat, inilalagay ko sa aking balikat ang pananagutang ako ang siyang ama ng nayong ito. At nais kong ako’y maging mabuting ama, hindi sa salita kundi sa gawa. Bilang pasimula, nais kong ihayag ngayong gabi na si Victorio ni Tales ay aking ipadadala at pag-aaralin sa Maynila! Nasa kanya ang tungkuling patunayang sa anak ng nayon, may sisilang na may ginto ang isip!” Magpapalakpakan ang mga panauhin, lalo na ang mga magsasaka sa pagbubunyi. Sa labas ng sibi, waring maluhaluha si Ka Tales sa dulot ng malaking kapalaran sa buhay nila ng anak. Pinagkulumpunan siya ng mga kanayon. “Me tala sa palad ’yang anak mo, Tales,” sabi ng isa. “Berde’ng utak,” sang-ayon ng ikalawa. Tumayo si Toryo, at yumuko sa mga panauhin na noo’y patuloy na nagpapalakpakan, tanda ng pagkilala at pagbibigay-galang. Nakatutulig ang mga palakpak, parang pakpak ng hangin na may sakbibing awit ng mga pangarap

77 ng nayon. Ngunit ang mga mata ni Toryo ay nakapako sa nakayuko at tahimik na si Bining. Nagpatuloy si Senyor Martin. “Ang buhay ni Victorio ay simula lamang,” nagbubunyi ang lumalagom na tinig ni Senyor Martin. “Isa pang anak ng nayon, si Gaudencio ni Bisyong ang aking kukunin at mag-aaral sa mataas na paaralan sa San Diego sa pasukang darating!” Higit na malakas ang palakpakang sumunod. Malulunod wari sa tuwa si Ka Bisyong. Ibig maglulundag sa galak si Oden. “Mag-aaral ako, Tatang!” sambitla ni Oden. “Magtatagumpay ka, anak,” maluha-luhang bulong ni Ka Bisyong. Makapangyarihan at mataginting ang bawat salita ng wika ni Senyor Martin. “Ang lahat ng ito ay simula lamang ng magandang bukas ng Makulong. Ang biyaya kina Victorio at Gaudencio ay magpapatuloy na igagawad ko sa sinumang anak ng magsasakang may ipinangangakong talino. At ang maraming walang ganitong pagkakataon sa nayon ay inaasahan kong tutulong sa akin upang mapaunlad natin ang ating saka, upang lumaki ang ating ani, at m agpatuloy tayong nagtatamasa ng pang-agdong sa buhay na biyaya ng lupa! Itinatalaga ko si Kabesang Ote na aking pangkalahatang tagapamahala ng mga lupain. Ako’y lubhang abala sa aking ibang negosyo sa Maynila at kailangan ko ang katiwala. M'agkakaroon siya ng pakinabang sa inyong aanihin ngunit iyon naman ay magiging panukli lamang ng kanyang gagawing serbisyo upang mapanatili ang kapanatagan at kasipagan ng lahat na magsasaka sa aking lupain!” U m upo na si Senyor M a rtin . T ahim ik ang mga magsasaka na parang nililiming mabuti ang kahulugan ng sinabi ng Senyor. Sa may labas ng sibi, ang mga magsasaka’y nagbubulungan. “Iyan lang naman ang dapat,” sabi ni Ka Tales.

78 “Alin ang dapat?” tanong ni Ka Garse na bahagyang tumaas ang tinig. “Dapat bang pati ibang tao’y me kabahagi sa pagpapawisan ko?” “Tutugunin naman ng serbisyo ng Kabesa,” sabi ni Ka Anane. “Maliwanag ang sinabi ni Senyor.” “Bakit, ang ibig ba ninyong sabihi’y tatanggapin nating hindi tayo mapagkakatiwalaan sa ating saka? Na kailangan me tagabantay na inaaring para tayong mga bata?” maigting ang tinig ni Ka Tulume. “Ke Senyor M artin ang lupa,” giit ni Ka Tales. “Siya ang higit na nakakaalam kung pa’no ito pamamahalaan,” dugtong pa niya. “Ginisnan ko nang iyon ang kalakaran. Sa me ari ang lupa at siya’y me parte sa ani. Pero ang magsasaka ang hari sa kanyang sinasaka,” may bahid ng hinanakit ang tinig ni Ka Tulume. “Dapat namang me magbago sa buhay, Ka Tulume,” salo ni Ka Bisyong. “Iba’ng minulatan ninyo. Iba’ng amin. At lalong iba’ng sa mga anak namin.” Nilingap ni Ka Tulume ang mga kaumpok na magsasaka. “Masyado tayong matakaw sa mga pangako, mga kasama,” parang nanunuya ang gumagaralgal na tinig ni Ka T ulu m e. “Me pangakong m agdadala sa ’ tin sa bunganga ng buwaya!” Hindi pa sana hihinto ang mga magsasaka sa mainitan ngunit matimping pagtatalo kundi tumayo si Kapitan Berong sa loob ng sibi. Sinabi ng punong nayon na may mahalagang bagay na ibabalita si Alkalde Tirona sa mga magsasaka. Pumayapa ang bulung-bulungan. Muling nakinig ang mga magsasaka sa sasabihin ng alkalde. Nakatayo na si Alkalde Tirona, nakatingin sa kaibayong si Senyor M artin. Nakangiti ang senyor, kumikislap ang paningin sa pagmamalaki. May ilang birong sinabi muna si Alkalde Tirona, mga salitang pulitiko. Para iyong isang kampanya sa panahon ng halalan. Ngunit parang may ibang ibig marinig ang mga magsasaka.

79 “Nais kong ibalita sa buong Makulong na sa buwang ito, bubuksan ang kasukalan ng nayon,” mataginting ang tinig ng Alkalde sa kanyang pagsasalita. “Paluluwangin ang tanging daan ng nayon. Sa halip na putik ang inyong dadaanan, iyon ay magiging aspalto. Sa gayo’y magiging madali na ang pagdadala ng inyong ani sa San Diego. Magsisimula na ang bagong panahon sa inyong mahal na nayon!” Isang nagbubunying nayon ang sumalubong sa ibinalita ni Alkalde Tirona. Pumalakpak ang marami, ang iba’y nakataas pa ang kamay sa pagbubunyi. Ang ilang lalaki’y sumigaw sa hayag na pagkilala at paghanga. “Mabuhay si Alkalde Tirona!” “Mabuhay!” “Mabuhay si Senyor Martin!” “Mabuhay!” Umalunignig ang tinig ng mga magsasaka. Iba’t ibang paimpit at hayag na pagtanggap ang mamamalas at maririnig sa taganayon. “Pag nabuksan ang daan, sasapit na sa ’tin ang sasakyang bayan,” nagbubunyi si Ka Bisyong. “Magiging malapit na’ng bayan,” salo ni Ka Tales. “Hindi na magiging mahirap ang paghahatid ng ani sa bodega ni Senyor Martin.” “Malaking bagay ito sa buhay natin,” sabi naman ng isa. “H indi ko malaman kung dapat akong matuwa o malungkot,” sabi ni Ka Garse. “Dapat tayong matuwa, mga kasama,” giit ni Ka Tales. “Dapat kang malungkot, Garse,” sabad ni Ka Tulume. N ilingap ng matanda ang mga kasamang magsasaka pagkatapos. “Me dapat tayong suriin, mga kasama,” sabi pa ng arbularyo. Kinuha ni Ka Tulume ang sambalilong buli, at tumalikod sa walang imikang mga kaumpok. Sa isang nakausling ugat, kinuha ng matanda ang isang nakasandal na sulo, at sinindihan iyon pagkatapos. Umakma na siyang aalis.

80 Di na kayo maghahapunan, Ka Tulume?” tanong ng isang kabataang magsasaka. “Di na ba kayo maghahapunan, amang?” matamlay na sagot ng matanda. “Hindi ako makikipagpiging sa isang gabing dapat ipagluksa.” Marahang lumakad si Ka Tulume, pasalunga sa bahagi ng Makulong na nilalagom ng dilim. Aandap-andap ang sulo ng matanda na lumiit-lumaki ang ningas sa simoy ng hanging bundok na bumubugso sa nayon. Inihatid lamang si Ka Tulume ng mga tinging nagtataka ng kasamang magsasaka, na hindi mawawaan ang ginawi ng matandang pagtalikod sa isang hapunang masagana at ipinagpalit sa hamak na gabi at hapag ng ulilang kubo. Tumayo si Kapitan Berong makailang saglit makaraang umupo si Alkalde Tirona. Malalim ang kintal ng hindi maipakilalang damdaming tumitigib sa mukha ng punong nayon. Yumukod nang bahagya si Kapitan Berong sa mga panauhin, at sa Alkalde. “Sa ngalan ng buong Makulong,” sabi ni Kapitan Berong, ‘Ipinaabot namin sa inyo, ang aming taos na pasasalamat.” Tumayo na ang mga nakadulog sa unang hain. Sa pangunguna ni Kabesang Ote, ang mga dalaga’t binata’y tumuloy na sa isang maluwang na bahagi ng bakuran na pagdarausan ng sayawan. Lumulutang na sa himpapawid ang tugtugin mula sa lou dspeaker na nakakabit sa bukana. Pumuwesto na rin ang banda ng musiko sa isang tanging lugal. Ang kadalagahan ay nangagsilikmo sa mga batibot na uway na pabilog na nakahanay sa kaluwangan ng bakuran. Nasa looban din ang mga piling panauhing pinangungunahan ni Alkalde Tirona, bahagyang nakabukod sa mga kabataan, at nagpatuloy sa kanilang pag-inom at maingay na pag-uusap. Habang patuloy ang pagsisilbi sa loob ng sibi para sa mga susunod na hain, nagsimula na ang tugtog at sayaw sa loob ng bakuran.

81 “Ipagdiwang natin ang gabing ito ng Makulong!” malakas ang tinig ni Kabesang Ote. Isa iyong sayaw na balse, at pare-pareha, pumagitna ang mga binata’t dalaga. Maging ang ilang panauhing matatandang lalaki’y kumuha rin ng kanilang makakasayaw. Isinayaw ni Toryo si Bining. Lumigid sila sa paligid. Napatapat sila sa umpukan nina Senyor Martin. Pagkatapos ng unang sayaw, lumapit si Toryo sa lugal na kinaroroonan nina Senyor Martin. Isinayaw ni Oyo si Bining. Inagapan naman ni Marko si Ligaya. Nasiglayan kaagad ni Toryo na walang kapareha si Karen. Tumayo si Senyor M artin nang dumating si Toryo. Kinamayan ang anak ni Ka Tales. Ipinakilala sa mga kaharap. “Me magandang naghihintay sa ’yo, ih o .” sabi ni Alkalde Tirona. “Sa tulong ho ni Senyor Martin,” tugon ni Toryo. Tinagubilinan ni Senyor Martin si Toryo ng ilang bagay. “Humanda ka na sa pagluwas. Pagkatapos ng bakasyon, isasama na kita sa Maynila,” naniniyak ang tinig ng Senyor. “Maraming salamat ho.” “Sabihin mo sa ’yong Tatang na ako na’ng bahala sa ’yo.” “Iyon nga po ang kanyang inaasahan,” amin ni Toryo. “Sabihin mo ke Tales na nagkaanak siya ng me ipinangangako.” “Salamat ho,” pakumbabang tugon ng binata. M atatapos na noon ang tu g to g . H um ingi na ng paumanhin si Toryo sa mga panauhing tagabayan. Babalik na sana si Toryo sa dating inuupuan nang masaya siyang salubungin ni Karen. Nakangiti ang anak ni Senyor Martin. “ Congrats” sabi ni Karen. “Salamat,” tugon ni Toryo. Nagsimula uli ang tugtog. Nakita ni Toryo na muling isinayaw ni Oyo si Bining. “Hindi mo ba ako isasayaw?” pabirong sabi ni Karen, parang naghahamon ang tinig.

82 “Karangalan ko,” pagpapaunlak ni Toryo. Pumagitna na sila sa bulwagan. M aharot ang tugtuging b oogie. Iilan lamang ang sumayaw, karamiha’y mga panauhing tagabayan. Ang mga dalaga’t binatang nayon ay nanood lamang. Ang pagsayaw ng mga pumagitna’y nagmukhang paligsahan sa galing. Si Karen ang tam pok sa tugtuging mabilis at maharot. Pumapadyak-padyak ang mga paa na parang naglalaputik, umiindayog ang balakang sa pag-ikot at pagtagilid, at ang laylayan ng saya kung minsa’y ibinubukad ng hangin sa lubos na kasiyahan ng mga sumasaksi. Si Toryo nama’y talagang sumasayaw lamang sa tugtog wika nga, at sa kabila ng parang hinihigop na maharot na tugtog, ang iniisip pa rin niya’y ang isang malambing na tugtugi’t ang malantik na baywang, mainit na mukha’t mabangong hininga ni Bining. Natapos ang tugtog at huminto sina Toryo at Karen sa pagsayaw. Nasa gitna sila ng bulwagan noon. Naglalakad ang dalawa pabalik sa upuan nang pumailanlang naman ang isang malambing na tugtog. “Shall we?” patanong na kayag ni Karen. Walang nagawa si Toryo. “Sige,” sabi ni Toryo. Nagkanya-kanya uling pareha ang mga binata’t dalaga. Muli na namang napuno ang bulwagan ng mga sumasayaw. Kapareha naman ni Oyo si Bining. Nakamasid si Oyo sa mukha ni Bining. Kumirot ang kaba ng dibdib ni Toryo. Lumalalim na ang gabi. Dumapyo ang malamig na simoy. Humilig si Karen sa balikat ni Toryo. Nasasamyo ni Toryo ang bango ng hininga ng dalaga, ang halimuyak ng mamahaling pabango sa pisngi at buhok nito. Magkalapat ang kanilang katawan, nakadikit ang yaman ng dibdib ni Karen sa kanyang dibdib. Parang kusang ipinauubaya ni Karen ang lambot ng katawan sa kasayaw. Marahang kinabig ni Toryo ang baywang ni Karen. Ang tugtog ay parang nanunukso, naglalapit sa mga puso’t nagpapasulak ng dugo

83 sa isang malamig na gabi sa nayon. Namamalikmata wari, parang nakalimot dagli si Toryo sa mga matang nakatuon kaipala sa kanila. “Ganito ba’ng nayon?” nagtatanong si Karen. Parang nagising si Toryo sa kaibuturan ng pagkalimot. Inaaninaw niya ang mga mata ng dalaga. “Enjoy ka ba?” tanong ni Toryo kay Karen. Lalong humilig si Karen sa dibdib ng binata. “Enjoy,” malambing ang tinig ni Karen. “Sa 'sang tagabayan, ang gabing ganito’y kakaiba. Kaya nakakasiya sa kanya.” “Sinabi ko nga kay Papa na magpapalipas ako dito ng ilang araw,” tugon ni Karen. “Hindi lahat ng gabi’y me ilaw at tugtog sa Makulong. Ang mga gabi rito’y karimlan, huni ng ibon at kuliglig,” “Di ba’t maganda ang mga iyon?” “Ang karimlan, Karen? Ang gabing ang katahimika y pumupukaw ng tinig ng mga hayop at simoy ng hangin?” “Sawa na rin ako sa liwanag ng lungsod. Sa bayan o sa Maynila, lahat ay gimbal. Darating ang panahong kababagutan mo ang mga ’yon.” Muling humilig si Karen sa balikat ni Toryo. Lamyos ng tugtugin ang tumitigib sa paligid. Pumusyaw na ang liwanag ng ilaw. Lumingap si Toryo sa paligid. Halos kabungguang balikat nila sina Bining at Oyo. Nagtama ang kanilang mga mata ng katipan. Kusang iniiwas ni Bining ang paningin sa kanya. Nakapako ang kanyang mga mata sa katipan, nagbabaka-sakaling sumulyap iyon. Nanatiling malayo ang mga mata ni Bining. Nadama ni Toryo ang marahang pagpisil ni Karen sa kalamnan ng kanyang likod, hinaplus-haplos pagkatapos. May titis ng nadadarang na pandamang sumusupling sa sinapupunan ng gabi. Ang bangkay na simoy ng hangin ay lalong nagpapasiklab sa napupukaw na pandama, na sinunulsulan wari ng kakaibang bango at rahuyo ni Karen.

84 Kundi pa naunang namahinga sina Senyor Martin sa itaas ng kabahayan ni Kabesang Ote ay hindi magkakaroon ng pagkakataong maisayaw na muli ni Toryo si Bining. Sa kilos ng katipan ay halata ni Toryo ang iniiwi niyong pagdaramdam. “Kumusta bang isayaw ang Reyna Elena?” kunwa’y nagbibiro, ngunit may pagdaramdam ang tinig ni Bining. “Wala siyang pareha,” nagpapaliwanag ang tinig ni Toryo. “Di na kasi lumayo si Marko sa tabi ni Ligaya e .” “Sabihin mo’y ’yon talaga ang iyong ibig mangyari.” “Wala sa isip ko ’yan.” “Maniwala ako sa ’yo.” “Kung magsasalita lang ang gabi, Bining.” “Oy, magsasabi tiyak ’yon ng tutuo.” “Lalabas ang katotohanan.” “Baka mapahiya ka.” “Ikaw na tao ka.” “Buti nang pipi ang gabi, Toryo.” “Pati ba naman ’yon e me laman sa ’yo?” “Kitang-kita naman e.” “Ikaw nga diyan e ,” haplit naman ni Toryo. “Ang buong gabi’y sa inyo.” “Ang babai’y siyang nilalapitan. Kung sinong lumapit sa ’min siya naming pinasasalamatan.” “Tabla lang tayo.” “Ikaw ang lumapit sa Reyna.” “Mahirap kang kalabanin sa mat’wid.” “Mahirap labanan ang tunay na matwid.” Nakatawa naman si Bining. Ngunit walang kislap ang mga mata niyon. Inilapit ni Toryo ng kamay ang ulo ng katipan sa kanya. Saka pa lamang dumikit ang mukha ni Bining sa kanyang mukha. Ilang sandali ng ganap na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. “Kailan ka aalis?” umaanas ang parang nahihirapang tinig ni Bining.

85 Hindi umimik si Toryo. Idinikit niya ang mukha sa pisngi ni Bining. Nalalanghap niya ang paghinga ng katipan, nadarama niya ang namumuong damdamin ni Bining. “Malayo ang Maynila, Toryo,” may takot na kakambal ang tinig ni Bining. “Sinusunod ko lang naman si Tatang e.” “Tama ang iyong Tatang.” “Iyon ang pangarap ng nayon para sa ’kin,” inilapit lalo ni Toryo ang bibig sa may likod ng mukha ni Bining, sa tainga ng dalaga na natatabingan ng mahabang buhok. “At para sa atin, Bining.” “Ewan,” bahagyang tumawa si Bining, inilayo ang mukha sa pagkakadikit kay Toryo, at nagkatitigan sila. “Mahirap magsalita para sa darating.” “Mahal kita, Bining. Saksi ko ang ugat ng lahi sa aking sinasabi.” “Talinghaga.” “Ito ang aking pag-ibig.” “Maging ang pag-ibig ay hindi makapagsasalita para sa darating, Toryo.” “Magtiwala ka sa akin.” “Nagtitiwala ako.” “May ikinatatakot ka, Bining.” Inilayo ni Bining ang pagkakatuon ng tingin kay Toryo. Nakatitig ang dalaga sa labas, matagal. 4‘Natitiyak ko ang aking sarili, Bining. Magpapakatatag ako. Kung natupad na’ng mga pangarap, mabubuhay tayo para sa ’ting sarili.” “Ang gandang isipin.” “Iyon ang nais kong mangyari.” “Ang bukas ay kasinghiwaga ng malawak na kadiliman sa labas, Toryo. Gayundin ang buhay.” “Tayo ang humahawak sa buhay, Bining. Sabi sa isang tula, ang tao ang tagatimon ng buhay”

86

“Wala akong alam na tula. Hindi ako nakapag-aral na gaya mo. Pero nababasa ko ang nagaganap, Toryo. May itinatakda ang buhay para sa ’yo. At marahil ay para na rin sa ’kin. Hindi ko alam kung ano ’yon. Minsan, di natin hawak maging ang buhay natin. Aayaw kong matakot. Gusto ko ring mangako ng katatagan. Gaano tayo tatagal sa sinasabi mong pagtimon ng sariling buhay, Toryo?” Tahimik na umiiyak si Bining. Ang luha niya’y nalalaglag sa balikat ni Toryo, tumatagos sa barong Tagalog na suot, sumisigid sa kaibuturan ng pandama ng kanyang balat. “Tahan na, Bining,” banayad na sabi ni Toryo, nakapako rin ang kanyang mga mata sa kalawakan ng karimlang lumalagom sa labas ng naiilawang bakuran. “Nais kong magkausap tayo,” patuloy niya. “Marami akong dapat sabihin sa iyo, Bining.” “Aalis ka,” mahina ang tinig ni Bining. “Pagkaalis mo, hindi na natin alam kung saan ka dadalhin ng pagbabago at mga pangarap, Toryo.” “Iniibig kita, Bining,” mataimtim na saad ni Toryo. “Dahil sa ’yo’y ayaw kong iwan ang Makulong.” “Ang pag-alis mo’y ibinatas, Toryo.” Pareho silang payapa, ilang saglit. “Tinatanggap ko iyon,” may kakambal ng tatag ang tinig ni Bining. Natapos ang tugtog. Isa na namang maharot na tugtog ang sumunod, ang sabi’y pampukaw ng ibig nang maidlip na mga kamalayan. Sa amuki ng mga panauhin, muling nagpareha sina Toryo at Karen. Maninipis ang mga indak. Maindayog ang mga galaw. Makintal ang larawan ng pagkamakabago ng kiyas ni Toryo at pagiging mapanghalina ng kalahatan ng bulaklak ni Senyor Martin. Nakapako sa nagsasayaw ang mata at bibig ng mga nanonood. “Sa’n ba nag-aaral ng ganyang sayaw, ha?” anas ng isang matandang babae sa kanyang katabing matandang lalaki.

87 “Ku’y ba’t ka naman mag-aaral n’yan? Sasakit lang ang balakang m o.” “Di tayo.” “Sino?” “’Yong mga apo natin.” “Hindi kelangan dito’ng sayaw.” “Pag nagkasayawan uli, kaya na nila’ng ganyang sayaw.” “Mahirap nang maulit ’to sa Makulong.” “Malay m o.” “Pagputi ng uwak.” “Bubuksan nang Makulong.” “Sabi.” Pagkatapos ng tugtog, tumayo na si Bining. Tumayo na rin ang ibang mga dalagang nayon. Lumapit si Kabesang Ote sa mga dalaga’t binatang nayon. “Aalis na po kami,” pamamaalam ni Bining. “Sisikatan tayo ng araw sa pagsasaya,” sabi ni Kabesa. “Hindi na po, Kabesang Ote,” si Oyo ang sumagot. “Maguumaga na rin po naman.” “Nasiyahan ba naman kayo?” tanong ng Kabesa habang inihahatid ang mga panauhing taganayon sa makalabas ng bakuran. “Lubos ho, Kabesa,” sabi ng isa. “Pag binuksan ko’ng bagong dagdag na patahian, kakailanganin ko ang mga babae dito sa ’tin. Kakailanganin ko’ng mga mananahi,” balita ng Kabesa. “Salamat ho, Kabesang O te,” kaagad na saad ng isang matandang babae. Lum isan na ang mga panauhin. Sin inop ng mga tumutulong na taganayon ang maluwang na bakurang pinagdausan ng kasayahan. Ang mga pinaglutua’y inalisan ng uling at inis-is upang alisan ng taba. Ang mga mantel na ginamit sa mga mesang kainan ay nilikom at nilulon. Ang mga tirang ulam at kanin ay sininop sa isang sisidlan. Bago naglaho ang ilaw ng elektrisidad nang gabing iyon, ang

88

mukha ng bakuran ni Kabesang Ote ay nagbalik sa dating anyo, ang malaking bahay na may hagdang bato at iisahing palapag na patahian, ay mga makapangyarihang sagisag ng pagharap ng nayon sa isang pangakong daratal. At saliw sa tilaok ng mga tandang sa madaling-araw, naging tahimik na muli ang nayon, napawi ang huling alunignig ng tugtugin, at muling narinig ang alit-it ng mga sanga sa pabugsubugsong dapyo ng hangin, na pinapatlangan ng matitinis na huni ng ibon at pasiyap na awit ng mga kuliglig. Ang nayon ay m uling hum imlay, bago magbukangliwayway, sa sinapupunan ng pusikit na dilim.

P Banyageing Ugat Nagkakatuwaan ang mga dalaga’t binatang lulan ng bangkang de motor habang iyon ay pagahak na sumasalunga palaot sa lawa ng San D iego. Bumubula ang tubig na hinahawi ng nguso ng bangka, ang mga bula’y parang nagiging mumunting puting perlas na namumulaklak sa mangasul-ngasol na lalim ng tubig. Ang lawa ay parang inihukay na malawak na kawa, at sa pusod nito, nakamasid at tahimik ang isang pandak subalit mapanganib na bulkan. Sa itaas ay nagliliparan ang mga layang-layang, minsan ay pasibat na bubulusok sa asul na dibdib ng lawa at may dadagiting maliliit na isda. Sa ilalim, nakikita ng mga nakasakay ang kawan ng mga isdang nabu labog sa katahim ikan, nagpupulasang papalayo, sumisibsib na papailalim sa mga kabibe, bato at halamang lawa. Abala si Karen at ang dalawang kaibigan nitong tagaMaynila sa pagmamasid sa pusod ng kailaliman. Minsan ay may itinuturo sa ilalim ang mga kasama ni Karen. Nagkukuwento si Karen sa mga kaibigan.

89 “Mahiwaga ang aming lawa. Maraming mga alamat tungkol dito,” ani Karen habang binubusog wari ng hanging lawa ang dibdib. “Ikuwento mo naman,” sabi ng isang panauhin, habang ang balat ng dalandan ay inihahagis sa tubig. Nagsimula nang magkuwento si Karen. “Ang buong lawa ay ipinalalagay na nasa ilalim ng kapangyarihan ng isang engkantada. May alagang torong ginto ang engkantada.” “Toro na ginto.” “Garing na ginto,” sabi ni Karen. “Nakikita ang torong ginto ng mga nakatira sa pulo. Minsan ay naglalakad iyon na kumikislap sa ibabaw ng lawa. Hindi iilang tao ang nawala sa lawa sa kanilang paghahanap sa torong ginto.” “Ba’t pa nila pinagtitiyagaang hanapin, gayong alam naman nilang di nila ’yon makukuha?” “Me naniniwalang darating ang panahong ang torong ginto ay magpapaalipin at magpapaangkin sa isang mapalad,” sabad naman ni Oyo, na katabi ng bangkero sa pagtimon.” “Hanggang ngayo’y di pa iniaanak ang mapalad na magaangkin sa torong ginto,” sabi ni Karen. “Ang tutuo, me naniniwalang walang torong ginto sa pulo o sa lawa,” sabad naman ni Toryo. “Ito ay isang mito na talagang pinakalat upang papaniwalain ang mga tao. Nagmula raw ito sa isang prayleng Kastila sa unang pagdatal nito sa San Diego noong unang panahon.” “Bakit naman gagawin ’yon ng isang prayle?” nagtataka ang aayaw maniwalang panauhin. Sumulyap muna si Toryo kay Karen bago tumugon. “Naging bahagi ang buong San Diego ng isang enkomyenda. Nagtayo dito ng napakalaking simbahan na itinindig ng mga Indiyo. Sapilitang pinagtatrabaho ang mga Pilipino. Maraming nangamatay na polista. Me nadaganan ng

90 m alalaking troson g hinahakot mula sa kabundukan. Maraming natabunan ng gumuhong mga bato. Kinatakutan ng mga Pilipino ang sapilitang paggawa. Marami ang nagtangkang tumakas sa San D iego, iniwan ang kanilang mga tahanan at nam undok. May lum aban, namatay. Nang matatag ang Katipunan, marami’ng naging Katipunero. Kailangan ng enkomendero ang mga tao. Kailangang mapabalik ang mga tao sa San Diego. Doon isinilang ang ilusyon ng torong gin to.” “Ang ibig mo bang sabihi’y inimbento lang ng simbahan ang torong ginto?” tanong na muli ng panauhin. “Kailangang m anatili ang mga Indiyo sa loob ng enkomyenda. Mahal ang tabako at asukal na naging produkto ng kalakal mula nang buksan ang Pilipinas sa pandaigdigang komersiyo. Ang mga Indiyo ang tagapagsaka at tagapagtanim ng produkto ng komersiyo. Kailangang mabuhay ang mga indiyo sa isang ilusyon na kung sila’y mamumuhay na payapa at masunurin sa Diyos ng Inang Espanya, maaaring sa kanila magpaalipin ang torong ginto.” “Nababasa ba ’yan sa mga aklat, Toryo?” tanong ng isang magsasaka. “Hindi tuwiran. Marami namang paraan ng pag-unawa sa nakaraan,” tugon ni Toryo. “Di para ’yang istorya ng mahiwagang inahing nangingitlog ng ginto at pilak na nababasa sa aklat?” nagpapaliwanag ang naliliwanagang panauhin. “Oo nga,” sang-ayon ni Ligaya. “Pero sa mga aklat lang naman ’yon e .” “Ano pa nga ba?” sabi naman ni Bining. “Ang mga aklat kung minsan ay nagliligaw, sa halip na m agturo ng katotohanan.” “Hindi gayon ang sabi ni Tatang,” aayaw maniwala si Ligaya. “Ano ba’ng sabi ng Tatang mo?” tanong ni Toryo. “Sabi ni Tatang,” patuloy ni Ligaya, “mabuti raw na paniwalaan ng taga-San Diego ang kuwento ng torong ginto.”

91 “Mabuti?” may pagtataka ang tinig ni Toryo. “Ke T atan g, ang bawat m agsasaka’y me m unting torong ginto. Nabubuhay iyon sa pawis ng mga magsasaka o sa sikhay ng mga mangingisda. Sa bawat bukirin o sa lawa, ang bawat isang masipag ay may munting torong gintong hinuhuli.” “Tama nga naman ang Tatang ni Ligaya,” sang-ayon ng isang kanayon. “Pero talagang ibig kong me isang tunay na torong ginto,” sambot naman ni Marko, katabi ng isang tagabayan na nagsisimula nang uminom ng alak. “Aanhin mo naman ’yon kung sakaling sa ’yo magpaalipin?” urirat ng kainuman. “Milyun-milyon ang halaga n’yon,” namimilog ang mga mata ni Marko. “Aba, pag ako’ng nagkaroon ng gano’ng kalaking yaman, pag-aari kong lahat ang bu’ng San Diego. Ang mga lupa rito, ang langit at dagat. Pag nangyari ’yon, maging ang mga tao sa San Diego ay akin na rin, lalo’ng mga dalaga.” Humalakhak ang kasangga ni Marko sa pag-inom . Nagtawanan ang dalawa. N gunit tahim ik ang ibang nakasakay. Nakahalata si Marko. Siya man ay huminto na rin sa pagtawa. Tinungga niya ang laman ng isang baso. “Nagbibiro lang naman ako,” sabi ni Marko na namumula. Tumingin iyon kay Karen at makaraa’y ipinako ang mga mata kay Ligaya. Parang walang ipinaliwanag si Marko sa mga nakasakay. Tumamlay bigla ang salitaan. Nasiyahan na lamang ang iba sa pagmamasid sa kalawakan ng lawa. Mula sa kanilang pinagmulan, tinutumbok ng bangka ang bulaos ng malaking ilog. Naroon ang palaisdaan sa lagusan ng pakiwal-kiwal na ilog na ang lundo ay ang Dagat Pasipiko. Sa kalawaka’y umungos na ang bangka, sumisingasing ang makina sa sugpungan ng lawa at ilog. Natatanaw na ng mga nakasakay ang palaisdaan. Sa pampang ng ilog ay may mga bahay

92 paupahan, yari sa kawayan at pawid, ngunit may mga pahingahang kamang de kotson, mga natatanging kubeta’t paliguang nalalatagan ng marmol. Sa dibdib ng ilog ay may pinakatulay na nasasahigan ng kawayang nabubungan ng nipa’t may mga tanging likmua’t mga hapag kainan. Sa pagliliwaliw ng mga piling panauhin, lalo’t kung bakasyon, ang liwaliwan sa bulaos ng lawa ay isang natatanging tanawin sa mga naninirahan sa mga kanugnog-nayon: mga panauhing nakabilad ang mga katawan na maghapunang pilit sinusunog ng maligamgam na tubig tabang at apoy ng araw. Lumusot na ang bangkang de motor sa pagitan ng mga baklad, na yari sa mga nakatulos na hilerang buho na may maliit na bulaos palundo sa isang bitag. Ang bitag na lambat ay isang naiikirang patibong na may paing pagkain ng isda. Pag maraming pumapalag na nabibitag sa lambat, ang lambat ay babataking paitaas ng tanod sa palaisdaan, at ang masasarap na huli ay titindagin at iihawin sa isang tanging abuhan. Huminto na ang motor sa isang saklitan sa may andamyo ng tulay. Umibis ang mga sakay. Nauna sina Karen at ang dalawang panauhin. Sumunod ang mga dalagang nayon. Ang mga lalaki’y padambang sumampa sa tulay na kawayan sa ilog. “Maghapon tayo rito,” masiglang sabi ni Karen. “Okey dito,” sabi ng panauhin. Masaya rin ang taga-Makulong na kasama sa pagliliwaliw. Sa pagsulong ng panahon, bagamat ang lawa at ang ilog ay likas na bahagi ng San Diego, ang mga bagay na dulot nito ay hindi naging bukas sa mga tao. Ang ilog ay naging isang malaking negosyo - may prankisya si Senyor Martin upang paunlarin ang ilog ayon sa kanyang kagustuhan. Ang naging bunga nito’y ang pagpapalalim ng ilog, at sabay sa pagbilis ng agos ng lawa patungo sa ilog, ang masasarap na isda ng lawa ay sinisimot ng mga naghihintay na mga baklad. Ang mga itikan sa baybayin ay nawala, at ang mga mangingisda ay binawalang gumamit ng lambat sa panghuhuli ng isda.

93 Kaya’t ang pangingisda’y ginagawa sa paninima na maaari lamang pahintulutan sa kalautan ng lawa. Ang palaisdaan sa ilog ay naging bakasyunan ng mga taga-Maynila o ng mga mayayaman na nagnanais kumain ng itin u tu rin g na pinakamasarap na isda sa kapuluan o lumangoy sa ipinalalagay na pinakamalamig na tubig ng lawa. Hindi kataka-takang sa mga binata at dalagang taga-Makulong, ang araw na iyon ay isang natatanging pagkakataon upang tamasahin nila sa buong maghapon ang biyaya ng lawa at ng ilog. Iniutos na ng katiwala ang paghila sa lambat na nasa loob ng baklad. Iniahon ang matatabang maliputo, muslo, lumulukso’t buwan-buwan na pumapalag pa sa lambat. Inilagak ang mga huling isda sa maluwang na pandak na dram. Ang ilang tauhan ng palaisdaan ay nagkakayas ng mga tindagan na pagtutuhugan sa mga isda. Dinapugan na rin ang abuhan. May nagluluto ng kanin, may nagtatalop ng papaya at iba pang pansahog sa isisigang. Anupa’t ang araw na iyon ay naging isang maluhong pagtitipon na inialay ni Karen sa mga panauhing tagalunsod at mga kasamang taganayon. “O, magbihis na kayo ng panligo,” kayag ni Karne sa umpukan ng mga dalagang bukid. Ang anak ni Senyor Martin ay nakadamit panligo na. “Tayo na,” kayag din ng panauhin. “Wala kaming ganyan e,” sabi ni Bining. "“Kahit ano,” mapilit si Karen nang mapansin ang pagaatubili ng mga taganayon. “Tayo lang naman e.” Napahinuhod na rin ang mga dalagang nayon. Nagsuot na sila ng kanilang maluluwang na bata de banyo, ang iba nama’y nakamaikling pantalon. Liban kay Ligaya, ang lahat na dalaga’y nagsimula nang magsugbuhan sa malamig na ilog. May sumisisid, ang ilang hindi gaanong marunong lumangoy ay nakakapit sa mga halang na kawayan na pampatibay sa mga tukod na kahoy ng hilera ng baklad.

94 “Tayo na, Ligaya,” sabi ng isang dalaga. “Masama sa ’kin e ,” sagot ni Ligaya, na waring naasiwa sa isang inililihim na bagay. “Tayo na,” pilit ni Bining. “Bawal e,” atubiling sagot ni Ligaya sa mahinang tinig. Nasakyan ng mga lumalangoy ang tinutukoy ni Ligaya. “Lumang paniwala na ’yon.” “Magagalit si Tatang e,” hinging paumanhin ng anak ni Ka Bisyong. “Ku!” sabi ni Karen. “Walang k’wenta ’yan. Halika na!” “Baka ako’y magkasakit e.” “Pailang araw na ba ’yan?” “Padalawa lang e.” “Ako nga,” sabi naman ng isang tagalungsod, “kahit unang araw e nagsa-shower pa e. Okey lang ’yon.” “Kayo na lang,” patapos ni Ligaya. “Ikaw.” “Sori ha. Kung bakit ngayon pa naman nataon e.” Nagpatuloy na ang mga dalaga sa paglilimayon sa ilog. Sumali na rin ang mga binata. Lumangoy na rin sila sa ilog. Paligsahan wari sa paglangoy. Hindi sumali si Marko at ang kasangga nito sa pag-inom. Lumapit ang dalawa sa kinaroroonan ni Ligaya. “O bakit di ka naliligo?” tanong ni Marko, naniningkit ang mga mata. “Ayaw ko e ,” umiiwas si Ligaya. “Ang tanong ko’y kung bakit?” “E ayaw ko e.” “Kung yayain ba kita? Hihiyain mo ’ko?” “Ayaw ko e .” Biglang-bigla, hinawakan ni Marko ang isang bisig ni Ligaya. Halos mahulog si Ligaya sa tubig. Nagpupumiglas ang dalaga sa pagkakahawak ni Marko. “Para kang asin e !” nagtatawa si Marko. “Bitiwan mo ’ko! Hayop ka!”

95 Sumampa si Toryo sa tulay Pahablot na kinuha ni Toryo si Ligaya sa pagkakahawak ni Marko. Umiiyak si Ligaya. Nagharap ang dalawang lalaki. “Ba’t ka ba nakikialam?” “Hindi tama’ng ginagawa mo!” maigting na sabi ni Toryo. Umamba si Marko ng suntok. Umilag si Toryo. Ilang taganayon ang umawat sa dalawa. Nakasampa na rin si Karen. Galit na galit ang anak ni Senyor Martin. Hinarap nito ang lasing na si Marko. “Igalang mo’ng kagandahang-loob ko!” galit na sabi ni Karen. “Kung me bisyo kayo sa inyo, huwag n’yo akong lapastanganin!” Sa harap ng anak ni Senyor Martin, nahulasan si Marko. Nalusaw ang anumang bahid ng tigas sa anak ng katiwala. “Sori, Karen,” hinging-paumanhin ni Marko. “Ang pagkakataong ’to ’y para sa pagsasaya! ” maigting ang tinig ni Karen. Pagkaraang mapagkamay sina T oryo at M arko ay lumisan na ang anak ni Kabesang O te, marahil ay dahil sa kahihiyan. N agp atuloy nam an ang mga naiwan sa pagsasaya. Parang walang nangyaring anuman. Tinamasa nila ang sariwang tubig, ang maligamgam na simoy mula sa lawa. Ang mga dalagang nayon ay bukud-bukod. Nasa isang panig ng ilo g, kasama ni Karen ang dalawang panauhing tagalungsod. Kasama nila roon ang ilang binata na kinabibilangan ni Toryo. “D ito kayo,” sabi ng bisitang taga-Maynila sa mga dalagang nayon. “Mas malalim dito.” “Dito na kami,” tugon ni Bining. “Ba’t ba ayaw n’yong humalo sa ’min?” nagtataka wari si Karen. “Di naman sa gayon,” matuwid ni Bining. “Saka, iisa namang ilog ’to e .” “Magkahiwalay tayo,” pansin ni Karen. “Pareho lang ’yon,” paliwanag ni Bining.

96 Nagpatuloy ang languyan. Inabot sila ng tanghali sa paglulunoy at pagtatampisaw sa tubig. Pinapandang na ang inihaw, ang taba ng muslong tindag ay tumutulo sa baga sa dapugan. Umaaso na ang sinigang. Mabango ang kababayong sinaing. Hindi naglaon at tinawag na sila ng katiwala ng palaisdaan upang mananghalian. Umahon na ang nagsisipaligo. Ang dalagang taganayon ay nagsipagtapi upang itago ang hubog ng mga basang katawan. Si Karen at ang tagalungsod naman ay nagbalabal lamang ng malalapad at makakapal na tuwalyang pampaligo. Nagsimula nang magkainan. Nakasalagmak si Karen at ang dalawang panauhin. Ang mga dalagang nayon ay kumuha na rin ng pagkain subalit pagkalagay ng pagkain sa kanikanilang kakanan ay bumubukod na muli sa ibang lugal. Ang naiwan lamang sa hapag sa pagkain ay si Karen at ang dalawang panauhin. “Ba’t ba parang ayaw nilang sumali sa ’tin?” tanong ng isang panauhin kay Karen. “A ba’y ano’ng malay ko? Di naman ako nagkukulang sa pag-istima?” sagot ni Karen at makaraa’y bumaling ang dalaga sa katabing si Toryo. “Ba’t nga ba gano’n sila?” “Ganyan talaga ang taganayon, Karen,” tugon ni Toryo. “Iyon na nga ang gusto kong alamin, Toryo. Sa loob ng ilang araw na pagtigil ko sa nayon, parang nagbabakod sila sa kanilang sarili.” “Baka nasasaisip mo lang ’yon,” sabi ni Toryo. “Iyon ang aking nararanasan.” “Sumasama naman sila sa inyo,” paliwanag ni Toryo. “Minsa’y naiisip kong nagbibigay lang sila sa ’min.” “Baka naman mali ka,” ani Toryo. “Napapansin din namin ’yon,” pakli ng isang panauhin. “Me pagkakataong ibig naming maging isa sa kanila, pero para bang hiwalay sila sa ’min.”

97 “Sa mga lakad, kahit magkakasama kayo, parang di naman kami kasama. Pinaglilingkuran kaming parang mga iba.” “’Yan ang nayon, Karen,” sabi ni Toryo. “Ang pakikiisa sa nayon ay hindi madaling gawin. Lalo na sa tulad m o.” Nakatingin si Karen kay Toryo. Ang mga mata ng dalaga’y patuloy ang pag-uusisa. “Bakit?” tanong ni Karen pagkaraan ng ilang pumatlang na sandali. Nakatanaw si Toryo sa kalawakan ng paligid, sa mga luntiang kaparangan at palikaw-likaw na bulaos ng ilog. Parang nais niyang huwag magsiwalat. Ngunit matatag ang paghihintay ni Karen sa kasagutan. “Ibang tao ka sa kanila,” marahang sabi ni Emong. “Sa ’min. Ari ninyo ang buong nayon, halos ang buong bayan ng San Diego. Pa’no namin maa’ring iugnay ang aming sarili sa ’yo?” Hindi kaagad nakahuma si Karen. Nagpalipat-lipat ang kanyang mga mata kay Toryo at sa magkakaumpok na taganayon. Nagtatapos na noon sa pagkain ang karamihan. B in itb it ni Karen ang isang basket na puno ng mga bungangkahoy. Kinusa niyang dalhin sa magkakaumpok na taganayon. “Prutas,” nakatawang alok ni Karen. Hiyang-hiya ang mga taganayon sa nangyari. “Ikaw pa’ng nagdala n’yan,” humihingi ng paumanhin si Birring, nakasulyap nang palihim sa kinaroroonan ni Toryo. “ Ito naman kasing mga lalaki n am in ,” pabiron g matuwid ng isa. “Hindi naman ako iba e,” sabi ni Karen. “Huwag ninyo akong ituring na ibang tao.” “Di naman gano’n ang tingin namin sa ’yo,” anang isa. “Ang tutuo, ibang-iba ka ngang makisama sa ’ming mahihirap.” “Pare-pareho lang naman ang tao,” pakli ni Karen. “Sa pagkakaibigan, di dapat hum adlang ang katayuan .”

98 Nagsimula na rin siyang kumain. “O sige, ubusin natin ’tong mga prutas.” Nagdamputan na ang mga taganayon ng prutas na inilagay ni Karen sa isang nakalatag na banig. Nakiumpok na rin si Toryo at ang dalawang panauhin. “Ngayon lang nangyari ’to, Karen,” si Oyo ang nagsalita. “No’n, sabi ni Tatang, ang me lupa ay munting diyus-diyusan pagdating sa kanyang nasasakupan. Me latigo pa raw no’ng panahon ng mga Kastila. Pero iba ka. Ikaw pa’ng nag-aabala sa pag-intindi sa ’min.” “Ewan ko,” sabi ni Karen. “Hindi ko naman iniisip ang mga kilos ko. Pero ’to ang natural sa ’kin. Malimit ngang pagsabihan ako ni Mama. B ut this is me. Ang yaman, aayaw kong pumasok sa pagkatao ko.” “Kaya lang,” sabi ni Ligaya, “kahit ano pa’ng isipin natin, ikaw pa rin ang anak ng me ari ng lupa. Kami’y mga magsasaka lang ninyo.” “Sabihin nating inianak tayong ’yan ang ating katayuan,” ani Karen. “Sa ’kin, wala ’yan.” “Sa ’min, malinaw na nasa itaas ka, Karen,” patuloy ni Ligaya. “Pero iba ka. Sa nangyari kanina, tiyak kong nasa ’min ang ’yong puso.” “Salamat naman kung gano’n ,” sabi ni Karen. “Aalis ako na may magagandang alaala ang aking pagtigil dito. Mababait na mga tao. Tunay,” parang nangangarap na patuloy ni Karen. “Pagdating ko sa lungsod, ibang tao ang naroro’n. Me mga tabing ang pagkatao. Me itinatago. Sa nayo’y buo ang tao. May agwat man sa ’yo, pero buong tao. Gusto kong makilala kayo nang lubos. ’Yong hindi ako ang pinag-lilingkuran. Kundi ’yong tayo’y iisa. Hindi kayo magsasaka at di ako ang me lupa. A n d w e’re ourselves to d a y ? Di ba?” Hindi kaagad nakaimik ang mga taganayon sa tinuran ng anak ni Senyor Martin. Ang sinabi ni Karen ay pagpapahayag

99 ng isang pananaw, at iyon ay parang isang banyagang bagay na sinusuri ng mga kaisipang nayon. “Kailan ba’ng luwas mo?” si Oyo ang pumatlang sa katahimikan. “Dadating ang sundo ko ngayong hapon,” sabi ni Karen. “Itong dalawang taga-Maynilang ’to’y masyadong inaalaala sa kanila,” nagbibiro si Karen. “Baka akala nila’y di na kayo paaalisin sa nayon,” sabi ni Oyo. “Harana lang naman ang bisyo namin dito e ,” anang isang binata. “Hindi naman sa gano’n ,” sabi ng isang panauhing taga lungsod, at sumulyap kay Karen. “Kaya lang, aakyat kami sa Baguio. Alam na naman n’yo ang mga old.” “Ikaw, Toryo? Kailan ang luwas mo?” “Na ke Senyor Martin ’yon,” sagot ni Toryo, habang nakatingin kay Bining. “Anumang araw bago matapos ang bakasyon,” ani Karen. “Magpapa-e»ro//pa s’ya e .” “Ano ba’ng karerang kukunin mo, Toryo?” tanong ng isang binata. “Di ko pa tiyak.” “Mahilig si Toryo sa tula,” pakli ni Karen. “Baka pagiging manunulat ang kunin n’ya.” “Dapat na abogado, Toryo. Pag pulitiko ka na, madali na ’kong pumasok na pulis,” sulsol ng isang magsasaka. “Mahirap bilangin ang sisiw hangga’t di pa nakakapagpisa ang inahin,” patalinghaga ni Toryo. “Kung tapos ka na, Toryo, di dadalaw-dalawin mo na lang kami?” “Maa’ri ba ’yon?” “Ano ba’ng sinasabi mo? Pag nakapag-aral ka na, magiging iba ka na, Toryo,” anang isa. “’Yon naman ang pangarap sa ’yo ng ’yong ama. ’Yon naman ang pangarap namin para sa ’yo, Toryo.”

100 Hindi umimik si Toryo. Nakamasid lamang siya sa mga kanayon, mga kababata at kalaro na nasa kanilang mga mata ang pananalig sa darating. “Ituturing pa ba n’yo akong isa sa atin, kung sakali?” tunay ang agam-agam na nadarama ni Toryo. “Anak ka ng lupa, kagaya namin, Toryo,” naniniyak ang isang magsasaka. “Ang pagigigng iba mo’y nasa ’yo. Di ’yon magmumula sa ’min,” sabi naman ng isa. Malaki na ang kiling sa kanluran ng araw nang lisanin ng mga nagliliwaliw ang palaisdaan sa ilog. Sumakay na muli sila sa bangkang de m otor, muling nilakbay ang lawa. Sa ibayo, naghihintay ang Makulong, at ang mga susundo kay Karen.

jf 0 D adapitin na any Nuno Sa pagitan ng bagsak ng halo sa bunganga ng lusong, umaaso wari ang nalulugas na balat ng binabayong palay. Magkaasod sina Oyo at Ka Garse, magkatuwang sa gilid ng lusong habang si Ka Antang naman ay nagtatahip ng iniipahang bigas. Nasa lilim sila ng mayabong na akasya na ang matanda at makapal na balat ay kinakapitan na ng mamerde-merdeng lumot-kahoy, at sa isang salpak na sanga ay may tumubo nang halamang hangin. Ginigitian na ng pawis si Oyo, malakas ang pag-alon ng dibdib ni Ka Garse. Matapos matahipan ang naunang binayo, isinilid ni Ka Antang ang bigas sa isang takuyan na yari sa nilapat na kawayan. Lumipat ang matandang babae sa mag-ama. Inaninag niyon ang bunganga ng lusong. “ Baka m alinis na ’y an ,” sabi ni Ka A ntang. “Pag masyadong maputi’ng bigas, ’ala nang lasa.”

101 Huminto sa pagbayo ang dalawang lalaki. Nakatukod pa rin ang kani-kanilang halo sa tabi ng lusong. Dumakot si Ka Antang ng binayong bigas sa lusong, inilagay sa bilao at hinipan ang darak. “Me palay pa ba, Inang?” tanong ni Oyo. “Malinis na nga,” sagot ni Ka Antang. Inilagay ni Oyo ang halo sa isang tabi. Inihilig niya pagkaraan ang lusong, habang nakahanda naman ang bilaong pansahod sa binayo. Kinahig ni Ka Antang ang binayo, humuho ang magkasamang darak at bigas sa bilao. Dala ang bilao, tumapat si Ka Antang sa banig na pinagtatahipan. Ang darak at binlid sa taganayon ay pansupa sa baka, pakain sa baboy o patuka sa mga manok. Habang nagtatahip si Ka Antang ay mabilis namang naninimot ng matutuka ang ilang manok na binubulyawan ni Ka Garse. Sinalok ni Oyo ang darak na naiipon sa banig, inilagay sa isang lata na may silid na tubig. Hinalo niya ng kamay ang loob ng lata at binitbit iyon sa lugal na supahan. Makaraa’y pinuntahan ni Oyo ang alagang pangararo sa koral, hinilang pagawi sa supahan na nasa lilim ng malaking puno. Isinaklit ni Oyo ang tali ng pangararo sa napunggal na sanga ng matandang puno ng akasya. Pabitin ang ulo ng baka, sinimulan na ni Oyo ang pagsusupa na ang ginagamit ay biyas ng kawayan na maayos na tinapyasan upang madaling maipasok sa bunganga ng hayop. Nang magtatapos na ang pagsusupa’y lumapit si Ka Garse sa.noo’y abalang si Oyo. “Nasa bulusan na’ng gumagawa ng daan,” sabi ni Ka Garse sa anak. “Di ka ba makikiaba?” “Susungalan ko pa ho’ng palay sa silangan, Tatang,” sagot ni Oyo habang patuloy sa pagsusupa. “Baka ho malukuban ng damo’ng palay. Di malao’y magbubuntis na ho ’yon.” “Baka kung ano’ng sabihin nila pati sa ’yo, anak,” sabad ni Ka Antang na noo’y nagsasalin na ng tinaphang bigas sa isang takuyan.

102

“Wala naman ho akong pakialam do’n, Inang,” matuwid ni Oyo. “Alam na alam ni Kapitan Berong na tutol ang Tatang mo sa pagpapaluwang ng daan natin,” patuloy ni Ka Antang habang nakatingin sa asawa. “Oo nga ho e,” sang-ayon ni Oyo. “E pa’no mo naman maiibigan ang nangyayari? Di naman kailangan ang maluwang na daan, pilit paluluwangin. Aba, ang makikinabang lang n ’yan e ’yong me kayang bumili ng diyip gaya ni Kabesa,” malakas ang salita ni Ka Garse na sa pagitan ay nagbubuga ng mapulang nganga- “Pero tayo, pati ’tong walang kamalay-malay na puno ng balete’y ipinapuputol. Puwe!” “Pa’no nga’y paluluwangin ang daan.” “Wala akong pakialam do’n .” “Pero di naman lupa mo’ng tatahakin. Nakikitirik lang tayo sa lupa.” Saglit na tumigil sa pagsasalita si Ka Garse. Nakatingala ang matanda sa malagom na malalabay na sanga ng belete. “Atin ang baleteng ’to, Antang.” “Di atin ang kinaroroonan ng balete, Garse.” 1 Ginisnan ko na’ng baleteng ito. Magagaiit ang mga ninuno natin. Mapopoot ang mga lamang-lupa,” maigting ang tinig ni Ka Garse. “Sumama ka na lamang sa hihip ng hangin, Garse.” “Puwe!” “Parang di ka magsasaka,” nangangaral wari si Ka Antang. “Tamo’ng punong kawayan.” “Kung sa ’kin lang, dadaan sila sa mahangin,” sabi ni Ka Garse na may nabawas na tigas sa tinig. “Ang pakikiisa’y para sa ’tin na rin, Garse.” “Para sa anak mo, Antang,” pagtutuwid ni Ka Garse. “Aba’y ba’t ako’ng dadahilanin n’yo?” nagtataka si Oyo. “Ke Kapitan Berong, anak,” paliwanag ni Ka Garse. “Balang araw, hihingi tayo ng tulong ke Kapitan. Pag

103 m aganda’ng ani, kakailanganin natin ang tu lon g ni Kapitan Berong.” “Kayo, oo,” nakatawa si Oyo, nakakahalata sa tinutungo ng usapan. “Lahat ng bagay, me patutunguhan.” “Ano pa nga ba?” amin ni Ka Garse. “Ika nga, mas maraming babalikat, ’alang bagay na mabigat.” “Pati ba ho ’yon?” “Lalo sa gaya mong ibig pa yatang lumapit sa tandang e ’yong patuka,” makahulugang pasaring ni Ka Garse sa anak. “Mahirap ho, Tatang ’yang iniisip n’yo.” “Walang mahirap sa naghahanda, Oyo. Makikita mo. Masusubok mo’ng galing ng Tatang mo. Aba’y tanungin mo’ng Inang m o.” “Hu, Graciano!” sumasansala si Ka Antang. “Di ba?” “Nagsimula na naman sa pagpapahangin.” “Talaga naman,” sabi ni Ka Garse. “Kaya lang e ni di mo nakuha maging ang kalingkingan ko, O yo,” patuloy ng matanda na may himig ng pagyayabang. “Wala ho tayong laban, Tatang,” madiin ang pagsusupa ni Oyo sa bunganga ng hayop. “Anong wala? Aba, O yo, naikama ko na’ng bitag. Nagsuksok na ako sa dingding. Pag dumating ang panahon, ang ipinunla ng Tatang mo’y pakikinabangan mo, Oyo.” “O s’ya, tama na ’yang pagpapahangin, Garse,” nakatingin sa itaas ang nagbibirong si Ka Antang. “Tamo, nagdidilim ang langit.” “Huwag ka na munang pumasilangan, Oyo,” nag-uutos ang tinig ni Ka Garse. “Pumunta ka sa bulusan. Nar’yan na’ng buldoser.” “Pa’no ’yong tanim, Tatang?” “Di lang ngayon ang araw,” patapos ng matanda. “Malay mo, baka ikaw ang dadaan sa maluwang na daang pabayan, pag namunga ang punla.” “Kayo, tatang.”

104 “Ang daan, anak ay para sa mga batang tulad n’yo.” “E ’tong balete?” tanong ni Ka Antang. Dumako si Ka Garse sa may silong ng kubo. May kinuha ang matanda na nakasandal sa ilalim ng bahay. Lumabas si Ka Garse na bitbit ang matalim na palakol. Humakdaw na papalapit sa malaking puno ng balete. Sa harapan, saglit na huminto ang matanda sa paglakad. Lumalagom ang punong balete, lalong tumitiim ang katandaan ng makakapal na balat, parang kalansay na nakalabas ang nangakausling ugat. Matatag ang pagkakahawak ni Ka Garse sa puluhan ng palakol. Sisimulan ko na’ng pagsibak, Antang,” parang may masidhing damdamin na gumagatol sa lalamunan ni Ka Garse. Nasa paanan na ng matandang puno si Ka Garse. N gu nit n an anatiling nakatulos doon ang matanda. Lumapit si Oyo sa ama. “Tutulong ako sa inyo, Tatang,” sabi ni Oyo. “Ako na lang, Oyo,” sagot ni Ka Garse. “Malaking puno ’yan, Tatang.” “Kaya ko,” naniniyak ang tinig ng matanda. “Pumunta ka na sa bulusan para walang masabi sa ’tin si Kapitan.” “Kung ako na lang ang maiwan, Tatang?” Ba t ba magaling ka pa sa ’kin?” may tigas ng pagka-ama ang tinig ni Ka Garse. “Ako’ng puputol ng puno. Bago sila dumating sa ’ting tapat, mapupulak na ’to .” Matapos makapag-almusal sina Ka Garse ng pinipig na isin ahog sa um aasong salabat, yumao na si Oyong patungo sa bulusan. Hinagip ni Ka Garse ang palakol. Gumahak na parang masamang sugat ang tama ng talim sa kawayan ng puno. Nakakailang unday pa lamang si Ka Garse sa pagsibak ay siya namang pagdaan sa tapat ni Ka Tulume. Tumigil ang arbularyo at sumungaw sa mababang bakod na kawayan na nakataliba sa bakuran. May silahis ng tapat na pangamba sa

105 mga mata ni Ka Tulume. Huminto sa pagsibak sa puno nang mapansin ni Ka Garse ang pagtigil ni Ka Tulume. “Ikaw ang puputol n’yan, Garse?” tanong ni Ka Tulume. “Sino pa’ng dapat gumawa nito?” sagot patanong ni Ka Garse. “Bayaan mo’ng magagaling na tagabalak ang gumawa n’yan,” itinuturo ng wasiwas ng kamay ni Ka Tulume ang duluhan. “Di ko mapapayagan ’yon, Ka Tulume,” tumigas ang tinig ni Ka Garse. “Higit na maraming tubig ang nainom ko ke sa ’yo, Garse,” paliwanag ni Ka Tulume sabay lura ng kanyang nginunguyang nganga. “Dito sa ’tin ang matatandang puno’y me mga kahapon. Ang ugat ng mga iya’y buhay ng tao na patuloy na umaasa ng lakas at tibay sa dibdib ng lupa.” “Alam ko, Ka Tulume.” “Alam mo pala’y ikaw ang gagawa?” “Di ko mapapahintulutang iba’ng kumitil ng ugat na nakakalat sa ilalim ng lupa. Ako’ng gagawa niyon.” “Mangilabot ka, Garse.” “Tapos na’ng aking pasiya.” “Bayaan mong iba’ng lumapastangan.” “Ayaw kong ipagapi ang kahulugan ng puno, Ka Tulume.” “Magagalit ang mga anito, Garse. Mapopoot ang mga kaluluwa.” “ Mauunawaan nila.” “Hindi nila mauunawaan. Hindi nila matatanggap ang mga kalapastanganan!” “Ano pa’ng maaaring gawin natin?’ Hindi kaagad nakaimik si Ka Tulume sa tanong ni Ka Garse. Tumingala ang matanda sa kapirasong mukha ng langit na masisilip sa puwang ng malagom na luntiang dahon ng balete. May tagpi-tagping mukha roon ng unos na ipinapadpad ng bugso sa papawirin. May hilakbot na

106 sa kulubot na mukha ni Ka Tulume nang bumaling kay Ka Garse. Nakikita ko’ng palatandaan ng poot ng mga anito, Garse,” may himig lagim ang tinig ni Ka Tulume. “Ilang araw nang nagdadagim ang langit. Nagbabanta ang unos!” “Ganyan lang ang panahon, Ka Tulume,” natitigatig man ay aayaw magpahalata ang panatag na tinig ni Ka Garse. Tandaan mo’ng sinabi ko, Garse. Susumpain ang araw na tulad nito!” Humayo na ang patuloy sa pag-aalimurang si Ka Tulume. Binagtas ang makipot na daanan patungo sa binubutas na bulusan, ang hukot na katawan ng papalayong matanda’y inihahatid ng tanaw ni Ka Garse. Makailang saglit ay sinimulan na namang muli ni Ka Garse ang pagsibak. Bawat patabak na unday ng palakol ay may nagagahak na katawan ng puno, ang mga pira-pirasong bahagi na natutuklap ay tumitilapong parang mga gutay na laman ng anumang may buhay, sariwa’t may dagta pang nabubunton sa paanan ng minulang puno. Patuloy si Ka Garse sa pagsibak, pawisan na siya, ngunit waring siya’y kumikilos ayon sa nabubuong lakas ng isang uri ng poot na naglalatang sa kanyang dibdib at nagpapakabakal sa kanyang kalamnan. Talos ni Ka Garse, ang puno ay hindi lamang punongkahoy sa kanya at sa kanyang minulang lipi, kundi iyon ay ugat at sagisag ng isang kahapong higit na matanda kaysa mga ugat ng puno na nakalatag sa kailaliman ng lupa, kakambal ng mga puno at anito na nabubuhay sa kaharian ng kalaliman at paniniwalang nakaugat sa tao. Matindi ang bagsak at kagat ng talim, umuukab sa dagtaang puno. Yumayanig ang bawat patabak na sibak, ang ubos-lakas na unday ng palakol ay batay sa nagpupuyos na lakas sa bumabanil na laman ng bisig. Tumatagos na ang talim ng pansibak sa pinakatigas ng puno, at minsan, may bahagi ng puno waring hindi pagapi sa talim ng palakol. Iibayuhin ni Ka Garse ang sibak, unday, bayo,

107 bagsak, minsa’y sapol sa tigas, minsa’y daplis, at iyon ay tanawin wari sa umaga ng matanda, palakol at puno sa isang pagsusukatan ng tigas, talim at lakas. Ulos pa, ubod ng diin, at biglang-bigla, nabali sa may sugpungan ang hawakan ng palakol, dumaplis ang talim niyon at umigkas. Kumislot ang napatdang si Ka Garse sa kinatatayuan, napaupo at sinapo ang ibabaw ng paa na tinilapunan ng umigkas na talim. Nakanganga wari ang sugat, sa una’y walang dugo, ngunit m aya-m aya’y tumagas ang dugo sa bukas na sugat. Paengkang-engkang na lumakad si Ka Garse pagawi sa kubo at naupo sa pinakaibabang baitang ng hagdang kawayan. Patakbong nanaog si Ka Antang at humaklit ng sariwang dahon ng bayabas. Nginata ang dahong dali-dali at padiing itinapal sa sugat. Pagkaraa’y maigting na tinalian ang paa ng asawa ng isang piraso ng malinis na damit na hinaha sa isang sirang pantalon. “Pa’no bang nangyari?” noon lamang nakapagtanong si Ka Antang. “Ang lintik na palakol,” sagot ni Ka Garse. “Takot sa tigas ng puno.” Minasdan ni Ka Antang ang may bidbid na paa ng asawa. Tagos doon ang dugo ngunit wala nang umaagas na dugo mula sa sugat. Nagkakakulay na ang nam um utla at pinagpapawisan ng malamig na si Ka Garse. Nakamata ang matandang lalaki sa matandang puno. “Kaya mo bang pumanhik?” maya-maya ay tanong ni Ka Antang. Napatawa si Ka Garse. Bahaw ang tinig ng matanda. Ibinaling niyon ang paningin kay Ka Antang. “Taong ito. Higit na malalim na sugat ang tumama na sa katawan ng asawa mo. Walang anuman ito .” Tumayo si Ka Garse at humakbang. Nakamata lamang si Ka Antang. “O ano?”

108 “Walang anuman ’to, Antang. Laman lang marahil ang tinahak ng talim . ’Tam o, konting sakit na lang ang nararamdaman ko.” “Hindi ba manhid?” “Ampat na’ng dugo, Antang.” “Pumanhik ka na, Garse,” sabi ni Ka Antang sa asawa. “Ipasusundo ko si Oyo sa dadaang papunta sa bulusan.” “Kaya ko pa, Antang,” giit ni Ka Garse. “Baka dumugo uli ’yang sugat, Garse.” Pumanhik na si Ka Garse sa itaas ng kubo. Ibinilin naman ni Ka Antang sa isang kanayon si Oyo. Inayos ng matandang babae ang mga natilad na bahagi ng puno na nagkalat sa bakuran. Isinilid ni Ka Antang ang mga iyon sa isang baked. May mga bahagi ng puno na nakalatan ng umagos na dugo mula sa sugat ng asawa, at nakadama si Ka Antang ng sumisigid na pagkabahala. Nilingap ng matandang babae ang lum alagom na p u n o, ang m alagong lilim niyon ay nagpapadilim lalo sa parang uunusing umaga. Sinulyapan niya ang itaas ng kubo. Nakita ni Ka Antang na payapang nakalikmo si Ka Garse sa isang papag, nakaharap sa nakabukas na bintana at nakamasid sa gawi ng bulusan ng nayon. Mula sa kanyang kinaroroonan, naririnig ni Ka Antang ang hugong ng makina, minsa’y parang sumisingasing na kalabaw na nakakaamoy ng papalapit na kalaban. Dali-daling dinampot ni Ka Antang ang mga piraso ng puno na pinupulot, at ang baked na pinag-ipunan ng mga iyon ay kinibat palapit sa balisbisan ng kubo. Parang papalapit na ang hugong ng makina, at aywa’t sa umagang iyon ay parang may multo ng takot na biglang sumuno sa kamalayan ni Ka Antang. Sa papaw irin sa itaas, may dalawang itim na uwak na kumakampay ang malalaking bagwis, parang sasanib sa namumuong dagim ng papawirin. Mabilis na umakyat si Ka Antang sa kubo. Sa makapanhik, panatag na naghihintay si Ka Garse. Pinipigil ni Ka Antang ang paghingal, pilit niyang

109 ikinukubli kay Ka Garse ang hindi niya maipaliliwanag na pagkatigatig. “O ba’t para kang hinahabol ng putakti?” tanong ni Ka Garse at muling bumaling ang paningin sa bulusan. Dumako rin sa bulusan ang mga mata ni Ka Antang. Lumapit ang matandang babae sa asawa. “Naririnig mo ba, Garse?” “Alin?” “Ang ugong ng makina.” “Di ako bingi, Antang.” Pumatlang ang ilang saglit na katahimikan sa dalawang matanda. “Sasapit na sa ’tin ang mga makina, Garse.” “Ano ngayon ang gusto mong sabihin?” “Luluwang na ang daan.” “Pag lumuwang ang daan?” “Malay mo. Baka matupad nga ang pangarap natin para ke Oyo at ke Bining.” Umungol lamang si Ka Garse. Hindi na siya pumakli sa asawa. Sa itaas, saglit na nasilayan niya ang dalawang uwak, parang pasagupa sa namumuong dilim ng langit. Sa bulusan, sumisingasing ang ugong na parang nagngangalit na makina. Nakaramdam si Ka Garse ng kirot sa sugat ng kanyang paa. A, kaipala ay tumatalab na ang bisa ng mga talbos ng bayabas na itinapal sa sugat. Pumanatag si Ka Garse. Maya-maya’y narinig ng dalawang matanda ang mga tinig. Sa malayo’y natanaw nila si Oyo, kasama ang tatlo pang binatang nayon. Mabilis ang hakbang ng mga dumarating, lakad-takbo wari. Pahangos na pumasok sa bakuran, mabilis ding pumanhik sa kubo ni Oyo. “Ano ho ba’ng nangyari, Tatang?” “Walang anuman ’to .” “Malalim ho ba, Inang?” baling ni Oyo kay Ka Antang. “Me kalaliman. Pero madaling naampat ang dugo.”

110 “Nakalakad na ako, Oyo.” “Ayaw naman kasi n’yong patulong e.” “Laman lang ang nahagip, Oyo,” panatag na sabi ni Ka Garse. “Walang napinsalang buto o malaking ugat.” “Akala ko’y kung ano na,” nakahinga nang maluwag si Oyo. Bumaling si Oyo sa isang kasama na nasa makapanhik ng kubo. Ang dalawa pa’y nasa pultahan. Tig-isa ang dalawa ng pasang palakol. “Sisimulan na ba natin, Oyo?” tanong ng isang kasama ni Oyo. Sumulyap si Oyo kay Ka Garse, parang humihingi ng pahintulot sa ama. “Itutuloy na ho namin, Tatang.” Sumulyap lamang si Ka Garse sa anak. Alam ni Oyo ang kahulugan niyon. “Pa’no, Oyo?” muling usisa ng kasama. “Sige,” tugon ni Oyo. Pumanaog na ang kasamang binatang nayon na nasa makapanhik. Sinimulan na ng mga iyon ang pagsibak sa malaking puno ng balete. “Kumusta sa may bulusan?” tanong ni Ka Garse. “Nasa bungad na’ng isang buldoser, Tatang,” sabi ni Oyo. “Dal’wang buldoser ang tumitibag ng daan. Dal’wa o tatlong araw, tatapat na ’yon sa atin, Tatang.” Nakamasid na muli si Ka Garse sa may bulusan. Lalong sumisingasing ang ugong ng makina. Malalakas din ang pagahak na talab ng mga palakol sa punong nasa bakuran. Ang ingay ng pagsibak ng palakol at ugong ng makina sa bulusan ay parang nakakayanig na dagundong sa pandinig ni Ka Garse. Tumingala ang matanda sa papawirin. “Isilong mo’ng pangararo mo, Oyo,” sabi ni Ka Garse. “Mukhang uunusin ang araw na ’to .” Inut-inot na tumayo si Ka Garse. Sa isang taguan sa sulok ng kubo ay inilabas niyon ang nakaikid na lubid. Kinapitan

Ill na ng agiw at alikabok ang lubid at iyon ay pinipispisan ni Ka Garse ng isang basahan. “Aanhin n’yo ’yan, Tatang?” tanong ni Oyo. “Kelangang maghanda, anak,” sabi ni Ka Garse. “Malaon nang di dinadalaw tayo ng unos. Dapat tayong maghanda.” Pumanaog na si Oyo. Sa bakuran, nakita niya ang pagpupuyos ng talim ng palakol sa laman ng matandang puno. Asud-asod ang tatlong kabataang nayon sa paggahak ng sugat sa kalamnan at tigas ng balete. Nayayanig wari ang punong-kahoy sa ibayong lakas na dumudumog sa kanya. Unti-unti nang humihihip ang pasala-salabat na bugso ng hangin. Lumapit si Oyo sa tatlong kasamahan. “Binagtingan na namin ang sanga, Oyo,” sabi ng isa. “Sa daan mabubuwal ang puno.” “Kayo na’ng bahala d’yan.” “Kami na’ng bahala , Oyo.” Tumuloy na si Oyo sa kulungan ng kanyang pangararo. Kinumpayan niya ang hayop ng sapat na pagkaing damo. Tinatagan niya ang koral na kawayan. Naisip niya, kung umunos, mag-alma man ang hayop ay di dapat iyong makawala sa kulungan. Sa bulusan, lalong nag-uulol ang singasing ng makina. Sa langit ay kumakapal na ang ulap. Nasiglayan ni Oyo ang mga itim na uwak sa kaitaasan. “Kaya ba natin bago humapon?” tanong ni Oyo. “ Bago dumilim, Oyo.” “Pagkapananghali. Bagong hasa ’tong palakol namin.” “Mukha kasing babagyo,” sabi ni Oyo. “Tayo ang magbubuwal ng puno, Oyo,” papilosopong pakli ng isa. “Hindi ang unos,” dugtong pa niyon, tumingala sa langit, at makaraa’y sinimulan nang muli ang pagsibak. Sa langit ay patuloy na aali-aligid ang mga uwak, parang binabantayan ang pagkabuwal ng matandang puno at kamatayan niyon sa talim ng mga palakol. Bumibilis na ang

112 bugso ng hangin. Sa bulusan ay lalong nagngangalit ang ugong ng sumisingasing na makina. Ang mga bisig ay bumabakal sa pagsibak sa matandang puno. Sa itaas ng kubo, nakamata lamang sina Ka Garse at Ka Antang.

11

Unos

Agaw-dilim pa lamang ang dapithapon subalit waring kay agang sumukob ng lumalagom na gabi sa Makulong. Pabugsu-bugso ang dapyo ng hangin. Nakalambong ang dagim sa langit, ang makutim na ulap ay sali-saliwa ang padpad. Lumalagitik ang mga sanga ng puno, ipinapaspas ang mga dahon, at ang mga sibol na bulaklak ay sumasabog sa papalakas na bugso ng hangin. Maaga pa’y nakasilong na ang mga hayop, kinumpayan na ang mga pangararo, tinalian na nang mahigpit ang mga baboy sa silong, ikinulong na ang mga manok sa silungan. Sa bawat pagbugso ng hangin ay tumatahip ang mga bintana, kaya’t tinalian na ang mga nakapinid na durungawan. Umuugok ang mga baboy, humahalinghing ang mga kabayo, umuunga ang mga baka’t kalabaw, tumitigagal sa pagnguya ng kumpay, at gaya ng mga tao, waring likas na nakikiramdam sa pahiwatig ng panahon, sa wika ng simoy sa kanayunan. Ang langitngit ng mga puno’y lumakas, at habang gumagabi, humuhugong na ang unos. “Masamang talaga ang panahon,” sabi ni Ka Antang kina Oyo at Ka Garse. Basang-basa si O yo, kagagaling pa lamang niyang magsuhay ng kanilang kubo. “Natapos mo ba’ng pagsusuhay?” naniniyak ang tinig ni Ka Garse. “Galing timog ho’ng hangin, Tatang.”

113 “Ano’ng ginawa mo?” “Kinontra ko lang ho’ng suhay.” “Lintik na batang ’to ,” sabi ni Ka Garse. “Walang iisang gawi ang unos. Sa’n ma’y ma’ring umulos ang hangin.” “Pupuntahan ko pa ho’ng palayan sa silangan, Tatang.” “Lintik,” turing ni Ka Garse. “Pumanhik lang ho ako sandali. Ginaw na ginaw na ho ako sa labas.” Inabutan ni Ka Antang si Oyo ng binilot na sigarilyo. Sinindihan ni Oyo ang sigarilyo sa isang natatabingang kingke. Kinikilig ang kamay niya sa lamig. “Kundi sa pagputol sa b alete’y naayos na sana’ng silangan,” pahimutok ni Ka Garse. “Nad’yan na ho ’yan, Tatang.” “Lintik.” “Di pa naman masyadong kagat ang dilim sa labas, Tatang,” sabi ni Oyo, at tumayo sa pagkakatingkayad. “Me panahon pa para mabutas ko’ng pilapil. Masasagip pa natin ang palay sa baha.” Mula sa silid, inilabas ni Ka Antang ang isang tuyong damit pambukid. “Isuot mo,” sabi ni Ka Antang sa noo’y papaalis nang anak. “Mapipiklot din ho ’yan, Inang.” “Iba na’ng di ga’nong basa sa pagsalunga, Oyo.” Atubili pa si Oyo. Umakma na siyang manaog. ' “Magpalit ka, Oyo,” ulit ni Ka Antang. “Magpalit ka na,” utos ni Ka Garse. Nagpalit si Oyo ng damit na iniabot ni ka Antang. Dala ang tabak na hinugot sa takyaran, ipinaloob ang talim sa kalubang nakatali sa kanyang baywang. Tuloy nang nanaog si Oyo. Sa silong ay mabilis na hinagip ang isang piko at pala at sumalunga na sa sinapupunan ng unos. Malakas na malakas na ang daluyong ng hangin, nagngangalit ang buhos ng ulan. Sa itaas ay parang sumisipol ang sigwa. May mga

114 sanga ng kahoy na nasasalpak at dumadagok pagbagsak sa lupa. Halos sumayad sa ibaba ng naglalagitikang kawayan sa pagsayaw sa unos. Lumalagaslas ang baha sa mga daanan, at naalaala niya ang pilapil sa silangan. Matulin ang kanyang hakbang, tumatakbo siya halos. Dapat na masapit niya ang silangan, mabutas ang pilapil, paanurin ang tubig at iligtas ang nagluluntiang palay sa pagkalunod sa baha. Sa kabila ng kumukumot na dilim, tukoy ng kanyang mga paa ang bagnos palundo sa silangan. A, paano ba nama’y paslit pa siya nang magsimulang magpasilangan, sa pinitak na iyong sinasaka ng kanyang ama. Alam niya ang dibdib ng lupa na sa isang magsasaka’y isang sinapupunan ng katotohanan at karansan: saan may balaho, saan lumalalim ang baha kung panay-panay ang buhos ng ulan, saan may naglulunggang bayawak o mapanganib na ulupong. Anupa’t ang lupa’y isang bukas na aklat sa sinumang nag-ugat sa bukid, na ang bawat piraso ay may sariling karanasa’t katangian na nagpapasalin-salin sa kamalayan ng mga supling ng lupa. Kaya ang kanyang hakbang ay tiyak, bawat hakdaw ng paa’y walang pangamba, maging sa lam bong ng sumisigid na kalamigan o sa sinapupunan ng nagngangalit na unos. A, sa anak ng lupa’y isa lamang ang unos sa mga dagok ng tadhana: tagtuyot, sakit ng pananim, pamamayani ng sukal, mga salot na hayop: at ang bawat dagok ay nahaharap hindi man sa pananagumpay ay maaaring kamangha rin sa pakikipagtagisan ng kalantayan ng pag-asa at pananalig sa biyaya ng lupa’t kalikasan. Apaw na ang baha sa pantay-tuhod na palayan. Tinalunton niya ang kahabaan ng pilapil, nagsimula na siyang tumibag. Malambot na ang pinatigas na lupang iyon, ngayo’y naglalaputik sa bawat tibag ng piko. Pinala niya ang natibag. Tibag pang muli, pala, salyang palayo ng naglalaputik na dibdib ng pilapil, hanggang sa lumaliim at lumuwang ang lagusan at doo’y umungos ang baha. Ganap nang maluwang ang pinahaba niyang daanan ng tubig. Naririnig niya ang

115 pag-agos ng baha sa lagusan, at naisip niyang kaipala’y may pag-asa pang mailigtas ang palay sa pagkalunod. Ngunit lalong humahagupit ang hangin, nag-iibayo ang tindi ng ulan, at sumisindi ang panlulupig ng lamig. Sa kalawakan ng tiwangwang na parang, ang pagmamalupit ng hagupitunos ay lalong tumitindi, pakabi-kabila ang pananalasa ng hangin, at sa kislap ng isip ni Oyo’y naalaala niya ang kanilang kubo. Lakad-takbo ang ginawa ni Oyo sa kanyang pagbabalik mula sa silangan. Makutim na ang karimlang lumalagom sa sinapupunan ng nayong pinapalibhasa ng unos. Ang lakas ng hangin ay lakas na humaharang sa kanyang pagbabalik. May kakambal ng kidlat at kulog ang unos. Matatalim na parang dila ng ulupong ang paggahak ng kidlat, dumadagundong at yumayanig ang pagsambulat ng kulog. Aayaw niyang alalahanin ang mga kamatayan sa dila ng kidlat: tao, hayop, puno na tinamaan ng poot niyon sa mga panahon ng unos: a, ngayon, ang tanging hangarin niya’y makasapit sa kubo at masuhayan ang apat na bahagi niyon sa pananalasa ng sigwa. Sunud-sunod na matatalim na kidlat ang gumahak sa itaas. Sumabog na lumalagunlong sa paligid ang kulog. May nakitang anino si Oyo sa tabi ng kanilang kubo. Sumikdo ang kanyang dibdib sa isang hinala. Matulin siyang lumapit, at hindi siya nagkamali ng hinuha. “Tatang!” “Tulungan mo ’ko!” Binatak ni Oyo ang malaking lubid na ikinama ni Ka Garse sa haligi sa loob na isinulot sa siwang ng salansan ng atip na dingding. M ahigpit na binagting ni Oyo ang lubid. Bumubuyog ang kubo, parang gagapang sa pamamalibhasa ng unos. Ibinuhos ni Oyo ang lakas sa paghila. Paika-ikang tumulong si Ka Garse sa anak. “Ang sugat n’yo, Tatang.” “Lintik!” “Babalik naman agad ako.”

116 “Di maghihintay ang bagyo.” “Pumanhik na kayo.” “Mag-iisa ka laban sa unos?” “Kaya ko, Tatang.” “Dal’wa tayo, Oyo.” Nagtulong ang mag-ama. Hila ni Oyo, hila ni Ka Garse. Walang puknat ang nananalasang hangin. Guhit ng kidlat. Yanig ng kulog. Walang lubay na nangwawasak na bugso ng sigwa. Masasalpak na mga sanga, ipinagpapaspasang mga punongkahoy. Hanggang sa mabagtingan ng mag-ama ang kubo, laban sa dahas ng unos saanman magmula. Matulin silang umakyat ng kubo. Manhid na wari ang pakiramdam ni Oyo. Ang pakikitalik sa unos ay ang pagiging bahagi niyon. Sa loob ng kubo’y saka pa lamang sumalakay ang masidhing ginaw. Nagpalit sila ng tuyong pansuot. Kinikilig si Oyo, pinapawi ang lamig sa pananabako. Si Ka Garse ay nakaupo sa ibabaw ng sakong may lamang palay. Si Ka Antang naman ay lumapit sa asawa, dala ang lumiit-lumaking sindi ng may bubog na ilaw. Pasalagmak na lumupagi ang babae sa sahig. Tinanglawan ang sugat ng paa ni Ka Garse. “Ang sugat mo, Graciano! Lintik!” pahilakbot ni Ka Antang. Lumapit si Oyo sa ama. Nakita niya ang nagdudugong paa ni Ka Garse. Ngumata si Ka Antang ng dahon ng bayabas. Ipinatong ang tapal sa bunganga ng sugat. Tinalian iyon. “Walang anuman ’yan, Antang.” “Ano bang sinasabi mo?” “Malayo pa sa bituka,” nagbibiro pa si Ka Garse. “Inilaban mo’ng sugat sa unos!” naninisi si Ka Antang. “Wala ’to .” Naghain na si Ka Antang ng hapunan. Nagsalo silang tatlo. Sumubo lang si Ka Garse. Bumalik na ang matanda sa inilatag na banig ni Ka Antang sa kaluwagan ng kubo. Nakatalukmo si Ka Garse habang kumakain ang mag-ina. “Ano’ng pakiramdam mo, Garse?”

117 “Wala.” “Anong wala?” “Huwag mo akong alalahanin.” Itinitikwas ng hangin mula sa siwang ang sahig na kawayan ang nakalatag na banig. Si Oyo na ang nagligpit ng kinanan sa banggerahan. Lumapit si Ka Antang sa asawa. Inilagay niya ang mga unan at kumot sa banig. “Matulog na kayo, Tatang.” “Pa’no ka ba matutulog sa unos?” “Magpahinga ka na, Garse.” Pabaluktot na humiga si Ka Garse. Nagtaklob ng kumot. Humiga na rin si Ka Antang, sumiping sa asawa, sumukob sa kumot. Nangangatal ang katawan ni Ka Garse, nanginginig ang kalamnan. “D aganan mo ’ko ng unan, A n ta n g ,” m ahina at gumagaralgal ang tinig ni Ka Garse. Dinama ni Ka Antang ang leeg ng asawa. Inaapoy iyon ng lagnat. “Mataas ang lagnat mo, Graciano.” “Nagiginaw ako,” humahaluyhoy si Ka Garse. “Tinamaan ng lintik na buhay ’to,” pahinagpis ni Ka Antang. Dinama ni Oyo ang ama. Mainit na mainit ang buong katawan niyon. “Mataas ang lagnat n’yo, Tatang.” “Pahamak kasi sa sarili,” naninisi ang tinig ni Ka Antang. “Sino’ng iintindi sa kubo?” matuwid ni Ka Garse. “Binayaan mo na sana.” “Kung di naman nasuhayan, sa’n tayo ngayon?” “Bahala na’ng Diyos.” “Sa tao ang gawa, Antang.” “Lintik.” “Tama na ho, Inang,” nakikiusap si Oyo. “’Yang ama m o,” mangiyak-ngiyak na si Ka Antang. “Walang pinakikinggan.”

118 Tumayo si Oyo, kumuha ng salakot na nakasabit sa dingding. Nakamata si Ka Antang sa anak. “Susunduin ko si Ka Tulume, Inang.” “Pa’no ka lalakad n’yan?” “Bahala na ho, Inang.” “Lalong lumalakas ang hangin, Oyo.” “Susubukin ko, Inang.” “Hindi sasama si Ka Tulume sa ganyang panahon.” “Pakikiusapan ko, Inang.” Sumabad si Ka Garse. “Bukas na lang, Oyo. Pa’nong gagawin mo sa matanda? Kung magkasakit si Ka Tulume, malaking disgrasya sa Makulong.” Napahinuhod na rin si Oyo. Patuloy na humahaluyhoy si Ka Garse. Inilabas ni Ka Antang ang dalawang kumot at ibinalot sa asawa. Patuloy pa rin ang panginginig ni Ka Garse. “Ano ba’ng pakiramdam mo, Garse?” “Wala ’to sabi,” tugon ng matandang lalaki. “Nangangatal ka.” “Matulog na kayong mag-ina,” utos ni Ka Garse. Hindi tumitinag si Oyo sa pagkakaupo sa ibabaw ng sakong may palay. Sa labas ay lalong nagpupuyos ang unos. Nananalasang gumigiba ang poot ng kalikasan. Namimilipit ang kubo sa bawat bugso ng sigwa. Sa loob ng kubo’y maririnig ang daluyong ng pagwawasak sa labas. Patuloy ang impit na daing at haluyhoy ni Ka Garse. Nakaupo si Ka Antang, malakas na nagdarasal, tinatawag ang patron laban sa unos: Santa Barbara, iadya mo kami, Santa Barbara, tulungan mo kami. Nakatuon lamang ang mga mata ni Oyo sa makipot ija kabuuan ng kubo na niyayanig ng unos. Nais niyang salungahin ang poot niyon sa bawat haluyhoy at daing ng ama. Alam niya na malalawigan pa ang maunos na magdamag. Matagal pa bago niya masundo si Ka Tulume. Lalong namamayani ang unos sa labas ng kubo.

119

Kam atayan ng Isang Magsasaka Makailang araw makaraan ang malupit na bagyo, ang angil ng makina ng mga buldoser at pison ay parang mga m abangis na dam buhala ng lu n gsod na pam uling bumulahaw sa sinapupunan ng Makulong. Tumutumba ang mga punongkahoy, natitibag ang tipak ng mga bato na natitigkal. Kapag nakakalat na sa kalsada ang tipak ng mga bato, dudurugin ang mga iyon ng pantibag ng mga taganayon, na pagkatapos ay liligisin at papatagin ng mabigat na gulong na bakal ng pison. Ang sanga ng mga ibinuwal na kahoy ay nilalagari o sinisibak ng mga gumagawa ng daan, kasama na ng kanilang paglilinis sa mga naging labi ng unos. Ang buong nayon ay abalangabala makaraan ang malakas na sigwa: pamuling inaatipan ang mga natukalwang na bubong, itinitindig ang mga humilig na kubo, itinatanim ang mga naibuwal na mura pang puno. Sa ibang walang gaanong kapinsalaang nalikha ang bagyo o walang mga tabihang muling pipilapilan dahilan sa pagkasira ng baha, ang araw ay dapat iukol sa pagtulong sa ginagawang daang-nayon. Naroon si Kapitan Berong na siyang namamahala sa mga taganayon. “Dalian nati’t nang mapasok na tayo ng sasakyan,” paliwanag ng punong nayon sa mga katulong na kabaryo. “Kompromiso ko na masusundo at maihahatid ng diyip sina Elay sa araw ng kanilang kasal.” “Suwerte naman nila. D ’yip sa halip na kariton.” “Suwerte ni E m ong,” napapalatak na sabi ng isang baguntao. “U na-una lan g, am an g ,” anang isa nam ang may kagulangan. “Darating din ang iyong panahon.”

120

“Marami pa po akong kakaining asin,” pakli naman ng baguntao. “Itong daan ay parang tiyan ng tao,” si Ka Tulume ang nagsasalita, at ang mga kaumpok ay sandaling tumigil sa pagtitibag ng bato. “Dumadaan ang buhay, malusog at luntiang parang halaman. Tingnan n’yo, sa daan ding ito dadaan ang takipsilim. Tulad din ng naunang silahis ng bukang-liwayway. ” “Ano po ’yon, Ka Tulume?” “Talinghaga na naman ni Ka Tulume.” “Kung dito’y dadaan ang mga kamusmusan, dadaan din dito ang mga kamatayan. ’Yon ang ibig kong sabihin,” sabi ng albularyo. “Tunay na talinghaga.” “Di pa po malinaw sa ’min.” “Tulad ng sinapupunan ng ina, ipagbubunyi ng daan ang pagdatal ng buhay,” paglilinaw ng matanda at saglit na tumigil. “At ang kamatayan?” “Ipagluluksa ng nagbigay-buhay na sinapupunan ang pagdatal ng pagpanaw.” Tumibag na muli ang mga asarol, bumayo ang mga maso. Nakamata si Ka Tales sa bubungan ng kubo ni Ka Garse nang sila ay nakatapat na halos sa makalabas ng tindahan ni Ka Saning, sumasagi sa kanya ang mga gunita ng sultada sa nayon at ang malimit na paghaharap ng kani-kanilang alagang manok. Lumabas si Ka Saning at buong siglang nagbukas ng inumin na sinasamahan naman ng taganayon ng biniling tindang tinapay. Ilang gumagawa ng daan ang sumaglit na rin sa maliit na lilim ng pultahan. “Malakas ang tinda mo, Saning,” sabi ni Kapitan Berong. “Minsan lang ho namang gagawin ang daan, Kapitan,” sagot naman ng nasisiyahang negosyante. “Samantalahin,” sabi ng punong nayon.

121 “Minamadali ho ’ata ang paglalatag ng bato, Kapitan,” pansin pa ni Ka Saning. “Para sa kasal ni Elay, Saning. Ako’ng mag-aanak,” may lakip-pagm am alaki ang tin ig ni K apitan B ero n g sa nakamatang si Ka Saning. “At para sa ’yong negosyo,” pampatamis pa ng punong nayon. “Salamat ho,” nakikimi si Ka Saning. “O siya,” sabi ni Kapitan Berong makaraan ang ilang saglit at binalingan ang mga katulong. “Tayo na.” Kumilos na ang mga gumagawang taganayon. “Dalian natin,” sabi ng isa. “Baka tayo’y di pahigupin ng mainit na sabaw.” Sa pagitan ng mga tibag, hanay-hanay, nag-uusap ang mga taganayon. “Kumusta ho ba’ng lagay ni Ka Garse?” tanong ng isa kay Ka Tulume. “Ewan kung makapaglalamay pa tayo mamaya,” maulap ang mukha ng arbularyo. “Sa wari ko’y oras na lang ang hinihintay.” “Ano ho ba’ng sanhi?” “Galit ng mga lamang-lupa,” tuwirang sagot ni Ka Tulume. “Mga lamang-lupa?” “Si Garse ay pinarurusahan upang ipakita sa ’tin ng batas ng kailaliman ang kanilang pagtutol. Ang kanilang poot!” “Dahil ho ba sa matandang balete?” “Di kasi.” “Pero.” “Anong pero-pero? May iba pa bang paliwanag?” naniniyak ang tinig ni Ka Tulume. “Me sugat si Ka Garse,” sagot ng baguntao. “Isinagasa n ’ya ang kanyang sugat sa unos. Hindi kaya ’yon ang paliwanag, Ka Tulume?” “Kung makapagsasalita ang lupa,” pahinagpis ni Ka Tulume. “Lilitaw ang katotohanan,” pakli ng baguntao.

122 “Isisigaw ng lupa na may dahilan upang parusahan ang tao sa kanilang paglapastangan!” may poot na kakambal ang tinig ni Ka Tulume. Halos abot-pukol na ang dampa ni Ka Garse mula sa panig ng daang nayon na sinisinop ng mga tao. Nakapinid ang durungawan ng kubong iyon na parang sa loob ay may nais ikubli maging sa dapyo ng hangin. Sa kamalayan ng nayon, ang bughaw na sinapupunan niyon at pag-iisa sa pagsapit ng araw ay nagiging ilaw at santinakpan pagdatal ng gabi. Mula nang lumubha ang kalagayan ni Ka Garse, gabi-gabing ginawa ng Diyos ay pinaglalamayan ng buong nayon ang kubo. Ang kalalakihan ay may mga tibanglos na nakatukod sa apat na sulok ng bakuran, na waring ang maysakit ay tinatalibaan ng tilandoy ng apoy laban sa kampon ng karimlan na sa kapaniwalaan ng nayon ay nakasasamyo ng sanghaya ng kamatayan. Ang mga lalaki’y nakapamigkis ng itak, may mga sibat ng tinulisang kawayang binulungan ng mga orasyong latin, may mga panlabang banal na tubig o bato laban sa ike, asuwango patiyanak na maaaring magpadali ng buhay ng isang may karamdaman. Kaya’t habang humahaluyhoy si Ka Garse at nagdarasal si Ka Tulume sa isang panig ng kubo, ang mga taga nayon ay nasa pultahan, kasama ng tahimik na mga alaga ng maysakit na magsasaka, binabantayan sa ibaba ang pinaniniwalaang maaaring pagdatal ng mga kampon ng dilim at kamatayan. Ngayon, ang kubo at ang katahimikan nito ay parang hiwaga sa kaliwanagan ng araw. “Kung sakali,” matapang na sulsol ng baguntao, “alin kaya ang unang maglalakbay sa daang ito?” Alam ng mga taganayon ang tinutukoy na masamang biro ng baguntao. Tahimik silang gumagawa, aayaw indahin ang panunulsol at masamang biro. “Palagay ko’y kamatayan,” dugtong ng bagong tao, at tumingin kay Ka Tulume.

123 “Isipin na lang natin ang kasal ni Elay ilang araw pa,” payo ng isang may katandaan. “Tama,” sambot naman ng isa. “Buti nang kasal ang isipin. Aba’y minamaano mo’ng gastos ni Pareng Apen?” “Pa’no si Ka Garse?” sabad ng baguntao. “Lintik ka,” sabi ng isang kabataan din. “Ang hirap, ni aayaw nating banggitin, pero inaasahan naman nating darating,” katwiran ng baguntao. “Huwag kang lapastangan, am ang,” sabi ng isang matanda. “Iyan ay nasa tadhana na.” Natibag ang tipak ng mga bato na tinigkal ng kuko ng makina. Ilang puno pa ang nabuwal sa pagngatngat ng ngipin ng buldoser sa kanilang mga ugat. Ngayon ay kamanghad na ang kubo ni Ka Garse ng nguso ng buldoser at malaking gulong na bakal ng pison. Umaangil ang makina, lalong bumabangis, samantalang ang kapayapaan sa loob ng kubo ng maysakit ay moog waring nakikipagtatagan sa mga lakaslungsod na biglang sumadlak sa kanyang payapang sinapupunan. Nanatiling pinid ang mga bintanang pawid, na waring sa gitna ng silab ng araw ay nais panandaliang umidlip at manahimik. Bayo sa mga natigkal na bato, hanggang sa madurog. Sibak sa mga nailugsong puno. Singasing ng makina, hingal ng tao, utos, sunod, bulyaw ng kapatas, at kapayapaan ng dampa. At biglang-bigla, sa sinapupunan ng angil ng mga makina at pagpapatag sa daang nayon ng mga bisig na may palakol, asarol, piko, tabak, lagari at maso, pumunit ang matinis na panangis ni Ka Antang sa loob ng kubo ni Ka Garse. Saglit na natigagal ang mga mukha, nagtanong ang mga mata. Huminto ang mga sibak, bayo at lagari. Maliban sa patuloy na pag-angil ng mga makinang lungsod, iyon ay naging malikmatang saglit ng isang panangis at ng pagkaaba, ng hindi kagyat na pag-amin at mapait na pagtanggap. “Nangyari na,” halos pabulong na usal ni Ka Tulume.

124 Humakdaw ang nagmamadaling si Ka Tulume, pagawi sa kubo. Sumunod ang mga taganayon, ang ila’y bantulot, ang iba’y may agam-agam, marami ang umaasam na sana’y hindi pa nangyayari ang hinihintay na kaganapan ng paglisan. Sa makapanhik, nakayupayop si Ka Antang sa kawayang papag na kinararatayan ni Ka Garse. Pilit na inilalayo ni Oyo ang ina sa nakaratay na ama. Umiiyak din ang ilang matandang babae sa loob. Nagpugay ng mga sambalilo ang dumatal na mga magsasaka. “Garse. Garse!” hinaing na matindi at mapait ng tinig ni Ka Antang. “Nar’yan na ’yan>Inang,” umaalo si Oyo. “Garse! Asawa ko!” hagulhol ng matandang babae. Patingkayad na nalikmo si Ka Tulume sa tabi ng bangkay. Dinama ng arbularyo ang bahagyang nakabukang bibig ni Ka Garse na parang may nais sabihin. Itinikom ni Ka Tulume ang bibig ng bangkay. Ipininid ng kamay ng arbularyo ang bahagyang nakamulat na mata ng namayapa. Inilabas ng abalang matatandang babae ang mga gagamitin ng bangkay. Sinuutan ito ng dam it-pam burol. Ang mga lalaki’y nagsimula nang gumawa ng kabaong na pagbuburulan. Ang mga kabataa’y namitas ng mga bulaklak na gagawing korona ng patay. Bumulong si Ka Tulume nang buong taimtim. “Kaawaan Mo siya, Panginoon namin.” Humagulhol na muli si Ka Antang. Sumabay na rin ang tahimik na pagluha ng pakikiramay. “Tanggapin Mo siya, Panginoon namin!” Umigik ang mga pasusuhing biik. Sumiyap ang mga sisiw sa batulang. Umunga ang bisiro sa kulungan. Hinagod ng mga mata ang lipya ng ararong ilang araw na ring nakasandig sa tabi ng batulang sa silong ng kubo na noo’y dinidikitan na ng kalawang.

125 At bago natapos ang huling usal ng dalit ni Ka Tulume, tumili ang panangis ni Ka Antang na naglundo sa katahimikan ng saklaw ng buong paligid. Ilang matatandang babae ang nag-antanda. Nagsimula na silang magdasal patungkol sa kaluluwa ng isang namatay.

1 3

Paglalakbay

Gigimbalin wari ng magkakasanib na tinig ng tao at kalantog ng mga kasangkapan ang umaga sa paghihintay sa ikinasal na sina Elay at Emong mula sa simbahan ng San Diego. Alam ng mga taganayon na ang dalawang kinasi ay pagtataliin ng basbas ng simbahan sa pangalawang misa nang Linggong iyon at natatakdaan ng mga nagsisipaghintay na nang mga sandaling nabanggit ay panahon na ng pagbabalik sa Makulong ng mga ikinasal. Nakahanda na sa makapanhik ng bahay ang palayok na ibabagsak sa lupa bago sumampa sa kubo ang mga ikinasal, nakasilid na sa isang lalagyang bilao ang mabangong bigas na isasabog sa mga darating. Sandaling itinigil ang pagpapaalmusal ng suman, kape at malambot na tinapay, at ang mesa ay inihahanda na ng mga namamaysan para sa unang hain na dudulugan ng mga bagong kasal, nag-anak sa kasal, amangbinyag at inangbinyag, amangkumpil at inangkumpil nina Elay at Emong, mga magulang ng dalawang pinagtali, mga abay sa kasal, at mga dinuduyong kamag-anakan at panauhin ng babaing ikinasal. Yaon ay mga nakabiting sandali ng pananabik sa mga panauhin, mga palihim na tukso kung sino sa mga dalaga at binata sa Makulong ang susunod na ikakasal, at kung anuano pang sabi at biro kaakibat sa buhay mag-asawa. Hindi naman lumaon ang ganoong paghihintay ng mga daratnan. Humugong na ang makina ng dyip na sinakyan ng bagong

126 kasal, walang patid halos ang busina. Nakabuntot ang pangalawa’t pangatlong dyip na kinaroroonan ng mga naganak sa kasal at mga abay na lalaki’t babae. Nakahanay ang mga taong nag-aabang sa magkabilang panig ng daan, lalo na ang mga paslit na tuwang-tuwa sa pagmamasid sa matutuling dyip na halos noon pa lamang nakasapit sa nayon. Bumaba na ang mga ikinasal sa gitna ng mga pagbubunyi. Kasama nila ang mga abay at nag-anak sa kasal na pumasok sa pultahan ng kubo. Ibinagsak ang bagong palayok na nagkadurog-durog. Sinabugan ang mga dumating ng m abangong bigas. Inihatid ng pagbubunyi ang mga dumating hanggang sa kanilang pagpanhik sa kubo. Sa kabahayan, nagmano sa matanda ang dalawang ikinasal. May nagsalubong ng isang platito na may kalamay na malagkit. Sa pagpapatuloy ng kalakaran, nagsubuan ang dalawa ng malagkit na kalamay sa gitna ng pagsasaya ng mga nakapaligid. Lumapit si Elay kay Bining pagkatapos, at inabutan ang dalaga ni Ka Sabel ng pumpon ng bulaklak na ginamit sa pag-aaras. Inabot naman ni Bining ang mga bulaklak habang sa sulok ng kanyang mata ay sinasala niya ang pagkilos ni Toryo. Lumapit si Emong kay Toryo at may lihim na ibinulong. Ang dalawang lalaki ay lumapit sa kinaroroonan nina Elay at Bining. “Baka ipinagbibili na n’yo kam i,” sabi ni Bining sa dalawang lalaki. Tumawa si Emong. “Itinanong ko dine kung kelan kami maninilbihan,” pabulong na sabi ni Emong. “Ano’ng sabi?” tanong ni Bining. “Sa ’yo ko raw itanong,” tugon naman ni Emong. “Aalis na ’yan,” nagbibiro pa rin ngunit malaman ang tinig ni Bining. “Di magtatagal pa?” sabad naman ni Elay. “Baka makadagit ng higit na mainam sa m alayo,” parunggit ni Bining.

127 Nakamata lamang si Toryo kay Bining, waring may sinasala sa tinuran ng dalaga. Para iyong pinigil na sandali sa dalawa, sa kabila ng katuwaang lumalagom sa paligid. Mga wika ng paningin, mga sumbat na hindi masabi, mga pangakong hindi mabuksan. Nababasa ni Emong ang damdaming namamayani sa dalawang kaibigan. Namaalam ang dalawang ikinasal kina Toryo at Bining at sumalubong at nagmano sa ilang dumating na matatanda. Saglit lamang ang namagitang walang nulas na mga kataga kina Toryo at Bining. “Aalis na ako pagkatapos ng libing ni Ka Garse,” mahina ang tinig ni Toryo. “Ngayong araw na ito?” “O o.” “Di ka na dito magagabihan?” “Ipinagbilin na ako ni Senyor Martin.” “Pa’no?” “Marami akong dapat sabihin sa ’yo, Bining.” “Biglang-bigla ang ’yong pagluwas.” “Hindi akin ang oras ko.” “Iba na’ng buhay m o.” “Kakausapin kita mamaya.” “Para ano?” “Di ba’t dapat tayong mag-usap muna?” “Ano ba’ng ginagawa nating ito?” “Ibig kong ikaw ang huli kong makausap, Bining.” “Talaga?” “Gusto kong ang tinig mo ang huli kong marinig.” “Saan?” “Bago ako sumakay.” “Sa libingan?” Tumango si Toryo. Bahaw ang pagtawang isinukli ni Bining na pilit na ikinukubli sa mga panauhin. “Maaari ba?” tanong ni Toryo. “Sige.”

128 Lumapit na muli ang mga bagong kasal kina Toryo at Bining. Pumanaog na ang mga dudulog sa unang hain. “Tayo na,” anyaya ni Elay. “Baka puno na,” pasubali ni Toryo. “Husto,” paniniyak ni Emong. “Saka, laging me puwesto para sa mga pangunahing abay,” dugtong pa niyon at kumindat na palihim kay Bining. “Bumaba na tayo,” magiit na anyaya ni Elay. Bumaba na sina Toryo at Bining. Pumasok sila sa may bubong na sibing kainan. Dumulog. Dulot. Salin. Alok. Sandok. Kutsara. Tinidor. Hiwa. Subo. “Kelan ba, Toryo?” pabirong kanti ng isang kanayon at sumulyap iyon sa kaibayong si Bining. “Mahirap ho e ,” sagot naman ni Toryo. “Aba’y dapat samantalahin habang taog pa’ng dagat. Mahirap nang abuting ng tabsing.” “Si Toryo’y me pangarap,” sabad ng isang nakatatanda at sa pagsulyap na palipat-lipat ng nagsalita kina Toryo at Bining ay hindi nailihim sa kanyang hinog at maselang kamalayan ang kahulugan ng mga salitaan sa himaymay ng dalaga. “Pero, impo,” giit ng nagtatanong na kanayon, “Maa’ri pong tumanda ang puso.” “Me pangarap ang nayon para ke Toryo, patapos ng kausap na matanda at nagpatuloy na iyon sa matuling pagsubo. Ang sumunod na mga sandali’y kakambal ng subo t silbi, ng usapa’t biro, ng salitaan sa pagluwas ni Toryo sa Maynila at paglalakbay ni Ka Garse sa huling hantungan. “Pambihirang araw ’to,” sabi ni Ka Tulume sa mga kaharap makaraan ang unang hain. Nakamata lamang ang mga kamanghad, walang umiimik ngunit waring handa namang makinig. Nagsasalita si Ka Tulum e sa kanyang sarili wari, na ang bawat salita y nagpapabanil sa matandang ugat sa kanyang pilipisan.

129 “Kasal. Paglayo. Libing,” paulit-ulit, parang dalit ang mga kataga ni Ka Tulume sa kahungkagan ng kawalan. Wala pa ring imik ang nakapaligid. Parang iginagalang nila ang kadalisayan ng mga kataga ng panahon at katotohanan na namumutawi sa kulubot na mga labi ng arbularyo. Tumayo si Ka Tulume sa pagkakasalagmak sa isang sulok. Nakamata si Ka Tulume sa noo’y malinis at maluwang nang lansangan, na doo’y parang may hinihintay. Ngunit waring nag-iisa si Ka Tulume sa ganoong kalumbay na paghihintay. Sa loob ng bahay na may handaan ay umaatikabo ang mga gawain, pauli-uling mga mamamayan, hugos ng mga dumudulog, kalansing at kalantog ng mga pinggang hinuhugasan, tinidor at kutsarang pinupunasan. Nakailang ulit na ring paghahain ang nagawa. Ang mga panauhin, pagkaraang makakain at makapag-abot ng nakayanang sabog sa mga ikinasal na ibinibigay sa mga magulang nina Elay at Em ong, ay nagpapaalam na, upang makiaba naman sa naulilang kubo ni Ka Garse. “Anong oras daw ba’ng dapit?” may nagtanong. “Makaraan daw kumiling ang araw,” may sumagot. “Kaawa-awa naman si Ka Garse,” sambit ng isa. “Ang kaawa-awa’y ang naiwanan,” sambot ng isa pa. “Matanda na si Ka Antang.” “Si Oyo ang sabihin n’yo.” “Malakas na’ng buto niyon.” “Mahirap mag-asawa sa Makulong ang ulila sa ama.” “Siyang tunay.” “At bakit naman?” “Sino’ng sasagot sa kasal?” Magsisimula nang magsabugan, at huling hain na para sa mga nahuling dating o nagpadalawang kain nang tumapat ang hugos ng libing ni Ka Garse sa tapat ng bahay ng ikinasal. Usong sa balikat ng mga magsasaka ang pinagsasalalayang parisukat na tinaliang kawayan na pinagpatungan ng kabaong

130 ng namayapang anak ng lupa. Nakasunod sa nasa unahang himlayang kabaong ng patay ang mga naulila’t prusisyon ng nagsisipaglibing. Akay ni Oyo ang luksang-luksang si ka A ntang, hukot na wari sa pangungulila at ang u lo’y nalalambungan ng luksang alampay. Marahan ang mga hakbang, nakayuko ang mga ulo. Iyon ay isang malawig na paglalakbay mula sa duyan hanggang sa alabok, isang mahabang kawil ng buhay na biglang-bigla, makakalas at magwawakas. Sa taga-nayon,ang bawat buhay ay may kakambal na mga alamat o biro mula sa pagiging musmos hanggang sa pagtanda, kung ilang pilat na likha ng paghaklit ng karit sa pangungumpay, o mga lihim at hayag na kapilyuhan ng pagbibinata, at mga butil ng aral ng pagiging ama. Ang mga iyon ay dalit ng buhay ng isang anak ng lupa na uusalin ng mga nagsisipaglibing, bubuhayin sa usapusapan sa huling paglalakbay na iyong palundo sa hukay. Mula sa bunganga ng lupa, ang alamat ng isang magsasaka ay m agpapasalin-salin sa mga labi at isip, at iyon ay mabubuhay sa saklaw ng mga dantaon ng isang uri ng malabay na paglalakbay ng bathalang nayon na magiging simula ng kawalanghanggan ng anak ng lupa. Sa loob ng simbahan, gaya ng mga nauna at susunod na mga bangkay, bibindisyunan ng pari ang namayapa ng wisik ng banal na tubig, makaraang makabayad para sa bindisyon ang mga naulila. Ipipinid na muli ang panakip ng kabaong upang pamuling buksan bago iyon tuluyang ihugos sa bulaos ng madilim na bituka ng libingan. Papalahaw ng panangis ang naulila, may mawawalan ng ulirat, may aalo, hanggang sa ang bunganga ng hukay ay tabunan ng makutim na tipak ng mamasa- masang tigkal ng lupa. Noon lamang tatanggapin ng mga damdamin ang kahulugan at katotohanan ng isang paglisan. Noon lamang muling susuhayan ang pagkagupo at pangungulila. Sa ibabaw ng makutim na tabon ng hukay, unti-unting pag-aaralang paghilumin ng mga naulila ang

131 sugat ng pagkawala. At sa muling paglalakbay na pabalik sa nayon, ang gupo ay makakatagpo nang muli ng lakas, mula sa mga labi at alakbay ng mga bisig, sa simoy ng hangin at sa pangakong lakas ng kalikasan. Ganap nang payapa ang mga naiwan ni Ka Garse. Nagiisa na si Ka Antang sa kanyang paghakdaw, papalayo sa may tabong hukay, habang nakasunod naman at nagpapakatatag si Oyo. Ang pagkagupo ng kubo ay nasuhayan na ng iwing tibay nito pagkalipas ng unos. Babalik na sila sa nayon, na hindi na lagom ng pangungulila. Lumapit si Toryo kay Bining, makaraang maipaabot nito ang pakikiramay kay Oyo at kay Ka Antang. Sandaling tumigil si Bining sa paghakbang, patawid sa maluwang na kalsada ng daang patungo sa lungsod. “Aalis na ako, Bining,” sabi ni Toryo at wala nang iba pang kataga. Tahimik si Bining. “Nawalan ako ng pagkakataong makausap ka,” nagpapaliwanag si Toryo. Walang nulas na kataga sa mga tikom na labi ni Bining. Inabot ni Toryo ang kanang palad ni Bining. Sinalat-salat doon ang matandang singsing na minana sa kanyang namayapang ina. Pinisil niya ang mga daliri ni Bining, hinaplos, at buong kalayaan namang nagpaubaya ang dalaga. Nanlalamig ang kamay ni Bining. Ang mga sandali’y nakabiting hiwaga na walang katapat na kataga. Kumibutkibot ang mga labing parang may ibig usalin sa mga nakaw na saglit na itatakas ng paghihiwalay. Paikpik na katahimikan ang namamayani sa makalabas ng libingan. Bitbit ni Toryo ang ilang abubot na dadalhin sa paglalakbay. Manakanaka, sa bulaos ng lansangan, humahagibis ang mga sasakyang palungsod. Parang natauhan, ikinalas ni Bining ang kamay sa pagkakahawak ni Toryo. Buong laya rin iyong hinayaan ng

132 binata. Pagkatapos ay tumayo silang dalawa sa tabing kalsada, na ni walang katagang namamagitan. Ang mga nagsipaglibing ay nilalampasan lamang silang dalawa, walang imik o biro, na waring iginagalang ang mga nakaw na sandaling lum ulukob sa dalawa. Dum adam i at bum ibilis ang nagsasalimbayang mga sasakyang palungsod. “Pa’no?” basag ni Bining sa katahimikan. “Mahal kita, Bining,” usal ni Toryo. Hindi tumugon si Bining. “Pa’no?” makaraa’y sambit ni Toryo. “Maghihintay ba ako?” nangangatal ang mga labi ni Bining. “Hintayin mo ako, Bining,” mataimtim na sabi ng binata. “O siya,” patapos na salita ni Bining. “Sige na. Baka maiwan ka nila,” sabi ni Toryo. Ang hugos ng mga kanayo’y nagsisipaglakad na, pabalik sa Makulong. Tanging si Oyo at ilan pa na naghihintay wari kay Bining sa may di kalayuan ang nanatiling walang tinag. “Sige na,” ulit ni Toryo. Lumakad na si Bining, pagawi sa umpok ng ilang kanayong naghihintay. Pagdating doon, bumalik uli si Bining, kasama si Oyo, at ilan pang nagsipaglibing. “Hihintayin ka naming makasakay,” sabi ni Oyo. “Salamat,” tugon ni Toryo. “Ang iyong ama?” ungkat ng isang matanda. “Sinumpong na naman ho ng konting hapo. Dahil ho siguro sa pagod at puyat.” “Buti ka pa, Toryo,” sabi ng isa. “Bakit?” “Tatakas ka na sa lupa,” sagot ng isang kabataang magsasaka. “Mahirap takasan ang ugat,” pakli ni Toryo. “Naililipat ang halaman sa ibang lupa.” “Hinahanap ng ugat ang m inulang lupa tu w ina,” makahulugang saad ni Toryo.

133 Sumapit na ang sasakyan. Sumampa na si Toryo sa loob. Nakapatda ang mga naiwan. U m ugong ang makina, mabilis na umusad ang sasakyan. Naroon pa rin ang mga magkakanayon. “Patnubayan nawa siya ng Maykapal,” usal ng isang matanda at nag-antanda. “O, tayo na,” kayag ni Oyo sa mga kanayon. Lumakad na sila. Palihim na sumulyap si Bining sa bulaos na dinaanan ng sasakyan. Naglalaho na ang alikabok na iniluwal ng mga gulong niyon. Ngunit wala na ang malaking sasakyang lungsod na naglulan kay Toryo. May palihim na pinawi si Bining sa gilid ng mga mata bago bumilis ang kanyang hakdaw pabalik sa nayon.

1

4 Pagsilang ng Isang Templo

Hindi na malilimutan ng mga mata ng Makulong ang pagtatayong iyon ng matayog na pader sa palibot ng bakurang kinatitirikan ng malaking bahay nina Kabesang Ote at ng katatayong gusali ng patahian. Ang malalaking tipak ng tinibag na bato sa kaburulan at inilapag sa may harapan ng malaking bahay ay sinimulan nang pagsanibsanibin, pinatatatag ng timpladong semento’t buhangin at nangagusling nakatarak na bakal. Maraming hakot ng kariton sa pagbababa ng tinibag na bato ang ginawa, at nang ang burol ay halos pumatag, humantad sa mga mata ng Makulong ang pagsilang ng isang uri ng katemplohan sa sinapupunan ng nayon, m atayog na pader na ang pinakaitaas ay tinaniman ng matatalim na basag na bubog na waring handang tumaliba sa mga gusali at yaman sa looban laban sa kalabang nasa labas. Sa simula, ang mataas na pader at ang kahulugan nito ay naging paksa ng usap-usapan sa nayon ngunit nang lumaon,

134 iyon ay tinanggap na parang isang pangkaraniwang pangyayaring kaakibat sa pagsulong ng Makulong. Maraming kadalagahan sa nayon ang pumasok na mananahi sa gusali ni Kabesang Ote at nagsimula na silang gumising sa isang takdang oras, magbihis sa isang takdang sandali at humabol sa oras ng pagpasok bilang namamasukan. Nagsimula na ring gumayak ang mga dalaga araw-araw, naglalagay ng papula sa labi at pisngi. Ang pagiging mananahi ay nagpabago ng kanilang dating anyo, hindi dahil sa iyon ay kanilang kagustuhan kundi dahil sa iyon ay isa sa mga itinakdang patakaran ni Nyora Tinay sa kanyang patahian. Kaya’t ang mga mananahi ay nagsuot ng unipormme na kay Nyora Tinay na rin kinukuha ang tela, napilitan silang bumili ng pulbos, lipistik, pabango at iba pang kagamitang pampaganda. “Aba,” pagbibigay-katwiran ni Nyora Tinay sa kanyang ginagawa, “ngayong namamasukan na kayo, kailangan namang kayo’y mamustura. Hindi na kayo nagtatanim sa bukid. May tinatanggap kayong suweldo. Ang pamumustura’y pangangailangan.” Ang pagsilang ng malaking patahian sa sinapupunan ng matayog na pader ay nagpabago hindi lamang sa anyo ng mga dalaga kundi maging sa ugnayan ng mga tao sa M akulong. Ang isang anak na namamasukan ay hindi malayang madalhan ng mainit na salabat ang kanyang ama sa gitna ng bukid. Ang mga binata ay hindi na malayang magdala ng bagong kapipitas na bayabas, manibalang na mangga o itlog ng pugo sa kanilang mga nililigawang nasa patahian. Walong oras o mahigit pa ang dapat iukol ng namamasukan sa buong maghapon, at sa mga sandaling saklaw niyon, ang buong pagkatao ng mananahi ay pag-aari ng patahian. Kasabay sa pagsilang ng patahian ang pagluluwal sa mga panloob na patakaran, mga mumunting batas na dapat sundin, na sumasanib sa kamalayan, at tinatanggap ng marami.

135 “No’ng una,” sasabihin ni Ka Tulume sa mga kaumpok isang araw ng Linggo, “tayo ay malayang tulad ng mga ibon. Ngayon, unti-unti nang tinatakdaan maging ang ating maliliit na kilos. N aku, kung ak o’y may anak na m aaaring mamasukan, malayo kong pahintulutan.” “Aayaw ninyong magkapera,” sabad naman ng isang kausap. “Magkapera?” pakling nakamulagat ni Ka Tulume. “Nagsusuweldo ang patahian ni Nyora Tinay.” “Ewan ko nga ba,” aayaw waring pagapi si Ka Tulume. “N o’ng una, walang kuwenta’ng pera. Lahat ay nahihingi. Me asin ako, me asin ka. Me asukal ang kapitbahay, me asukal na rin ako. Inuman ng salabat ang magkakanayon. Ang mga bungang-kahoy, pinipitas lamang sa mga puno. Sa Makulong no’n ang lahat ay para sa lahat.” “Iba na ho’ng kondisyon,” sabi ng isang kaharap. “Ang nababago’y ang ugnayan ng mga tao,” kaagad na sambot ni Ka Tulume. “Hindi ang tinatawag ninyong kondisyon.” “Napakarami na po’ng naganap, Ka Tulume.” “Huwag ninyo sa ’kin ’yan sabihin,” giit ng matanda. “Madali namang malaman ang mga pagbabago. Maluwang na daan. Ang pag-aari ng lupa’y nasa isa na lamang pamilya. May paaralan. At ang patahian ni Niyora Tinay.” “May nabago ba sa ’tin?” patanong na sagot ni Ka Tulume. “Takipsilim na’ng buhay ko. Wala, wala akong nakikitang pagbabago sa ’ting kalagayan. Isinisilang at namamatay ang tao na walang pagkakaiba ang umaangking buhay. Ang masama pa, parang nabubuhay na ang lahat para sa kanilang sarili.” “Tama lang po ’yon, Ka Tulume.” “Alin ang tama ro’n?” namimilog ang mga mata ni Ka Tulum e. “Kapag ang m aralita’y naging m akasarili, magsisimula na ang kanilang pagkagapi. Wala na ang lakas ng marami. Iyon ang simula ng mga kabiguan.”

136 “Sa ugnayang binabanggit ninyo, maaaring isilang ang tao na palaasa sa iba,” pasubali ng isang kabataan. “Kapag ganyan ang palagayan ng mga tao, lahat ay nagsisikap para sa kanyang sarili,” sabi ni Ka Tulume na may diin pa ang kamay sa pagsasalita. “Sa ’ting nayon, walang isinilang na batugan. Walang tamad kung ang lahat ay maralita. Wala ka namang tinitingala. Wala kaiinggitan. Walang nangangarap nang gising. Aayaw mong ikaw ay maging pasanin sa balikat ng kapwa mahirap.” “Kung ating aamining ang karalitaan ay batas na hindi mabubuwag, pa’no tayo makakaalis sa buhay na ating ginisnan? Pa’no tayo makakaalis sa Makulong?” “Walang makakaalis dito sa ’tin,” sabi ni Ka Tulume. “Lumang tugtugin na po ’yan.” “Pabulaanan ninyo,” naghahamon ang tinig ni Ka Tulume na waring may lumambong na kalungkutan sa mukha. “Walang makakatakas sa ugat na sinuso sa lupa.” “Ang buhay po’y susulong at susulong.” “Hindi ang ikid ng buhay mahirap,” umaamin ang tinig ni Ka Tulume. “Ang patahian ni Niyora Tinay ay simula ng daan para sa pag-aalis sa tinatawag ninyong karalitaan,” sabi ng isang magsasaka. “Pasa’n?” tanong matanda. Walang umimik sa magkakaumpok. Nakatutok ang kanilang mga mata sa katatabas na tubuhan, ang tuyong dahon ay parang k a y u m a n g g i n g banig na himlayan ng kagagapak na tubo. Ang tubo ay iiluhin sa isang matandang tarapitse sa nayon, ang katas ay gagawing pulot at magiging matigas na pulang asukal. Ang mata ng mga magsasaka’y parang humahanap ng tugon sa malumot na katanungan ng isang matanda sa nayon, at ang katanungan ay parang tagulaylay ng mga karanasan, paulit-ulit, pasalin-salin sa mga henerasyon ng karalitaan, na itatanong ng matatanda’t hindi masasagot ng mga kabataan.

137 “Ang tutuo,” pagkalipas ng ilang saglit ay sabi ng isa, “ang tangi nating pag-asa ay lupa.” “Maigi naman ang ani ng palay sa taong ito .” “Inayunan tayo ng panahon.” “Hindi masyadong dinamo ’kamo.” “At hindi nagkasakit. Ayon man ang panahon, pero pag nagkasakit lalo na sa pagbubuntis, tulyapis ang ating aanihin.” “Ang kabutihan ng palay, pagkaaning-pagkaani ay maaari pa tayong magpadalawang tanim. Maaari tayong magmaisan o maggulayan.” “Balita’y may itinatayong sentral ng asukal sa kabisera,” sabi naman ng isang kabataan. “Kung sakali, mawawalan na ng silbi ang tarapitse’t pugon.” “Mawawalan na ng kita ang mga lalaki kung tag-iluhan,” sabi ng isang matanda. “Hindi na ako manunubuhan,” sabi naman ng isang binata. “Walang hirap.” “Wala namang kita,” patianod ng isa pang kabataan. “Higit na mawawalan ay si Bisyong,” sabi ni Ka Tulume. “Pag dinala na sa sentral ang ating tubo, hindi na tayo makakatikim ng mainit na pulot na luto sa pugon.” “Sa halip na pulang asukal, pinulbos na kilu-kilo ang ating gagamitin sa matamis. Akalain mo nga naman, bibili ang taga-Makulong ng repinado sa kabayanan,” nagsusuri ang tihig ng isang kabataan. “Ang lahat ay binabago para sa atin,” malalim ang iniisip ni Ka Tulume habang nagsasalita. “Pero heto tayo, sa loob ng mga panahon. Hindi talaga natin mapagpasiyahan ang ating kapalaran.” Nauntol ang pag-uusap ng magkakanayon nang matanaw nilang dumarating si Ka Bisyong, kaangkas ang binatilyong si Oden, sa pinatatakbong kabayo. Alam ng buong Makulong ang balitang ang mag-ama ay ipinatawag ni Senyor Martin sa kabayanan.

138 Pagtapat sa magkakaumpok, nirendahan ni Ka Bisyong ang kabayo. “Nagkakaipun-ipon yata kayo?” pasumala ni Ka Bisyong. “Tulad ng dati,” tugon ng mga dinatnan. “Ano ba’ng balita?” tanong ng isang nagpapanggas ng panabong. “Magandang balita, mga kasama,” masigla ang tinig ni Ka Bisyong. “Sinasagot ni Senyor ang pagpapaaral ke Oden ko,” may pakumpas pa ang kamay na dugtong. Napalatak ang mga dinatnan. “Tingnan mo nga naman ang grasya, sumasapit anumang panahon,” sabi ng isang may katandaan na. “Mabuting kapalaran, Bisyong,” katig ng isa. “Para ’yan sa buong Makulong. Kapalaran natin,” sangayon ng isang kabataan. “O siya, diyan na muna kayo. Kami’y tanghali na,” paalam ni Ka Bisyong. Pinayagyag na muli ni Ka Bisyong ang sinasakyang kabayo. Inihatid ng mga mata ang magkaangkas na mag-ama hanggang sa lumiko ang kabayo sa isang salikop na daan at tuluyan nang naglaho sa paningin ng mga magkakausap. “Pati si Oden ay makakaalis na,” pahiwatig ng isang kabataan. Nakamata ang magkakaharap kay Ka Tulume. Ang mga mata ng nayon ay parang may hinihinging paliwanag sa mga pangyayari. “Malinaw ang sinabi k o ,” madiin ang tinig ni Ka Tulume. “Hindi makakaalis ang isang bahagi hangga’t ang kabuuang pinagmulan ay nananatili. Parang walis. Ang isa o dalawang tinting ay wala sa katayuang gumanap sa tungkulin ng buong walis.” Inut-inot na ring lumakad na papalayo si Ka Tulume. Inihatid lamang ang matanda ng mga tingin ng kanayon. Nang tum apat si Ka Tulum e sa harap ng malaking

139 tarangkahan ni Kabesang Ote, bumukas ang tarangkahang bakal. Iniluwa ang kotseng itim ng pamilya. Dinanaan ng kotse ang kinaroroonan ng magkakanayon na patuloy sa walang hanggang talakay sa mga bagay sa ilalim ng araw.

Jt 5 Bilog na G uhit Makaraang iluwag ang lubid na nakatali sa panghapit na kawayan na nakakama sa kabilang dulong nakaikid sa likod ng kariton, kinalas na ng manghahakot ng tubo ang lubid na nakabagting sa tiyan ng humihingal na kalabaw. Painat na ibinuwelong paitaas ang umigkas na baras ng kariton. Umiswad na paitaas ang unahan sa paghugos na pahuli ng kargang tubo. Ang humuhong umaasong tubo ay bumunton sa tabi ng hindi pa naiilong tubong dinatnan sa harap ng bakal na subuang bilog ng matandang tarapitse. Ang natirang tubo sa kariton ay hinaklit ng kahoy na pangkawit at katulong ng dalawang magsasakang tumatao sa tarapitse hindi nagtagal at ang kargang ginapak na tubo sa kariton ay maayos na naitimbon. Muling inilagay ng manghahakot ng tubo ang palita ng kariton sa batok ng kalabaw at pamuling hinigpitan ang lubid sa tiyan ng hayop na nakatali sa dalawang baras ng kariton. Lumabas na ang kariton sa pabilog na luwang ng iluhan. Ang dalawang bakang magkatuwang na humihila sa tarapitse ay pamuling pinalakad, paikot sa bilog na daanan, pauli-uli, habang sinusubuan ng nilulugas na tubo ang pagitan ng dalawang gumigiling na bakal ng tarapitse. Habang iniluluwa ng lumulugas na bakal ang bagasong inalisan ng katas, itinitimbon ang mga iyon sa isang kangga upang pagkapuno ng isang kawa ng katas-tubo o puyaw ay ibilad ang bagaso sa isang tiwangwang na bilaran para gawing panggatong sa pugon. Sa buong maghapon ay kailangang makailo ng hustong sampung kawa ng puyaw na inilalagak

140 mula sa tarapitse sa parisukat na sementadong lalagyan. Kawa-kawa kung lutuin ang katas-tubo na inilalagay sa mga latang sisidlan na kapag naiga na ay nagiging pulang asukal. Nang araw ng Sabadong iyon, si Oden ang gumagatong sa pugon samantalang si Ka Bisyong naman ang namumugon. Para kay O den, ang kanyang kikitain ay bahagi ng paghahanda sa pagpasok sa kabayanan upang ipambili ng ilang kagamitan na ayaw na nilang iasa kay Senyor Martin. Para kay Ka Bisyong naman, ang pamumugon ay isang hanapbuhay kung panahon ng iluhan, pagkat sa Makulong at sa mga kanugnog nayon, napabantog na siya bilang nangungunang mamumugon. Siya ay nakagagawa ng may pinakamatigas na asukal na hindi nalulusaw sa loob ng buong isang taong singkad o mahigit pa at ito ay bahagi ng lihim o hayag na pagmamalaki ni Ka Bisyong na siyang pinakaabalang mamumugon sa buong panahon ng iluhan. Walang nagtutubuhan na hindi siya ang pinipitang mamugon pagkat bukod sa matigas na asukal ang kanyang nagagawa ay ano’t ayon sa gumagamit ay ibayo ang taglay na tamis ng kanyang niluluto. Magtatapos na ng luto si Ka Bisyong para sa araw na iyon. Unti-unti na lamang ang iginagatong ni Oden sa bunganga ng pugon. Ang pulot ay mapulang-mapula na at may bumubulwak na mga bula. Natapos na niyang apugan ang niluluto, na pampatigas sa asukal. Nasa loob na rin ang tumatao sa tarapitse, kumukuhit ng pulot sa isang lalagyang lata. “Huwag mo nang gatungan, Oden!” malakas na sabi ni Ka Bisyong sa anak. “Pinatay ko na ho’ng ningas, Tatang,” tugon naman ni Oden sa gatungan. Lumabas na si Oden, pumakabila sa kaluwangan ng pugon. Nagsisimula nang sumalok ng nilutong pulot si Ka Bisyong, isinasalin sa mga latang sisidlan. Sinusunod naman ni Oden ang pagbate sa pulot, matagal na paikut-ikot sa loob ng latang sisidlan, hanggang sa ang pulang pulot ay magkulay

141 matingkad na kayumanggi na habang unti-unting tumitigas ay nagkakaroon ng paikot na guhit. Ang dalawang tumatao sa tarapitse ay umuna na sa mag-ama. Magtatapos na noon si Ka Bisyong sa pagsalok sa niluto. “Kapag kinasihan tayo ng Diyos, hindi ito ang magiging buhay mo, Oden,” sabi ni Ka Bisyong. “Wala ho namang masama sa buhay na ito, Tatang,” tugon naman ng anak. “Anong walang masama?” “Ito ho’ng buhay na ibinubuhay ninyo sa amin.” “Ay naku, ang anak ko. Nakikita mo ba’ng ikot ng tarapitse? Bilog. Bilog.” “Ang Tatang naman. Nahahawahan na yata kayo ni Ka Tulume sa pananalinghaga,” nagbibiro ang tinig ni Oden. “Hindi ako nagbibiro, Oden. Naiisip ko, ang buhay na bahagi ko’y parang guhit na tadhana ng ikot ng tarapitse. Gano’n lang. Ikot nang ikot. Ang bilog na guhit ay parang isang isinumpang kulungan,” sabi ni Ka Bisyong na ang tinig ay gumagaralgal. Nang makatapos sa pagsalok ng nilutong pulot si Ka Bisyong ay sinalinan nito ang unang kawang malapit sa gatungan ng katas-tubo na siyang pagpaparatnan kinabukasan ng kakatasing puyaw. Pagkatapos ay walang imik na tinulungan si Oden sa pagbabate ng isinaling pulot sa nakahilerang mga lata. Magtatapos na sa kanilang ginagawa ang mag-ama sa loob ng pugon nang dumating si Ka Anane. May pinapangos siyang isang biyas ng tubo. Pagpasok sa loob ng pugon ay kumuhit si Ka Anane ng pulot. “Me pulong mamaya kina Kapitan B eron g,” balita ni Ka Anane. “Ano ba’ng pagpupulungan?” tanong ni Ka Bisyong. “Tungkol sa bagong balak ni Senyor Martin sa kanyang lupain dito sa ’ting nayon,” talibukas ng kararating. “Wala bang nasasabi sa ’yung anuman tungkol dito si Senyor?”

142 “Wala naman siyang nabanggit,” sabi ni Ka Bisyong. “Ano kaya’ng pinakukulo na naman para sa ’tin?” may himig ng alinlangan ang tinig ni Ka Anane. “Tiyak na ’yon e para sa kabutihan natin,” sabi naman ni Ka Bisyong. “Kung kilala ko si Senyor Martin.” “Kung kilala natin,” sabi ni Ka Anane. “Ang mabuti’y dumalo tayo upang ating malaman.” “Dadalo ako,” sabi ni Ka Bisyong. “D o’n na ang punta ko mula rito,” sabi ni Ka Anane. “Sabay na tayo.” “Sige,” sang-ayon ni Ka Bisyong at binalingan si Oden. “Tumuloy ka na sa bahay, Oden. Sabihin mo sa ate mo na tutuloy na ako kina Kapitan Berong.” Ganoon nga ang nangyari. Tumuloy na si Ka Bisyong sa pulong at si Oden naman ay umuwi na sa bahay. Dinatnan na nina Ka Bisyong at Ka Anane ang maraming magsasaka sa bahay ng punongnayon. Hindi pa nagsisimula ang pulong pagkat hinihintay ng lahat ang pagdating ni Kabesang Ote na siyang nagpatawag ng pulong ng mga magsasaka. “Ano kaya’ng binabalak ni Senyor M artin?” maririnig na tanong ng mga magsasaka na walang mangahas humula ng sagot. Hindi naman nagluwat at dumatal na si Kabesang Ote. Pinasimulan na ang pulong na doon ginawa sa bakuran ng kubo ni Kapitan Berong. Ang mga magsasaka ay nakaupo sa kung saan-saan: sa isang tipak na bato, sa lusong na nakabuwal, sa baitang ng hagdang kawayan. Ang iba naman ay nakasandal sa isang punong mangga o sa bakod na kawayan at ang iba’y nasiyahan na sa pagkakatayo. Si Kabesang Ote ang nagbukas ng pulong. “Hindi lingid sa atin na sa isang taon, bubuksan na ang sentral asukarera sa kabisera,” sabi ni Kabesang Ote. “Malaki ang interes dito ni Senyor Martin. Ipinababatid niya sa akin ang magiging pagbabago ng patakaran sa kanyang mga lupa.

143 Simula sa isang taon, tubong lahat ang itatanim sa buong M akulong.” Nabigla ang mga nakikinig na magsasaka. Hindi nila inaasahan ang ganoong kadaling pagpapasiya ng may-aring si Senyor Martin. “Bigas ang aming isinasaing, Kabesa,” tutol ng isang magsasaka. “Mula sa isang taon, ang kabuhayan ng buong Makulong ay ibabatay sa tubo, mga kasama,” matatag na pakli ng katiwala. “Mangangahulugan ito na maging ang ibibili ninyo ng bigas, pang-ulam at iba pang pangangailangan ay magmumula sa katas ng inyong itatanim na tubo.” “Hindi na kami tumututol kung maging tubuhan ang buong Makulong. Pero ibig naming malaman ang magiging katayuan namin sa aming pagsasaka,” sabi ng isang magsasaka. “Paano ang minulatan na naming hatian?” paglilinaw ng isa pang magsasaka. Minasdan muna ni Kabesang Ote ang mukha ng mga magsasaka. U nti-unti nang lumalatag ang dilim at ang bakuran ay naiilawan lamang ng mga tibanglos na sinindihan ni Kapitan Berong. “Mula sa isang taon, ang kalakaran ng pagsasaka ay mababago,” pagtatapat ni Kabesang Ote. “Ib ig naming malaman ang ibig ninyong tukuyin, Kabesang O te,” sabi ng isa. Sinukat muna ni Kabesang Ote ang mga magsasaka bago siya nagsalita. “Pinawawalang-bisa ni Senyor Martin ang mga sinaunang kalakaran dito sa ’tin. Mula sa susunod na taon, ang mga magsasaka ay hindi na tatanggap ng hati sa kanilang ani,” paniniyak ni Kabesang Ote. “Ang hatian sa ani ay malaki ang tulong sa aming magsasaka,” giit ng isang matanda. “Kung ibayo ang sikap at lumaki ang ani, malaki rin ang aming hati.”

144 “Sa kalakaran ng hatian, kayo’y gumagastos din sa bukid. Humahati kayo sa pataba. Kahati kayo sa ginagastos. Sa bagong kalakaran, kayo’y walang gagastusing anuman. Ang lahat ay babalikatin ni Senyor Martin.” “Tiyakin na ninyo ang talagang gusto ni Senyor Martin, Kabesa,” sabi ng isang kabataang magsasaka. “Mula sa isang taon, ang lahat ng magsasaka ay magiging suwelduhan ng asyenda.” “Paano ang aming karapatan sa isang makatarungang paghahatian?” ulit ng isang kabataan. “Sa bagong kalakaran, lahat ay magiging kawani ng asyenda. Sa bawat araw ng pagtatrabaho, may katumbas na suweldo sa inyo.” “Ang anumang pagbabago sa patakaran ay dapat na maging bunga ng pagkakaunawaan at pagkakasundo ng mayari ng lupa at ng mga magsasaka,” may kakambal-pagtutol ang isang tinig. “Si Senyor Martin ay kilala ninyo ang kabutihan. Saksi rito si Ka Tales. Makakapagpatunay sa bagay na ito si Ka Bisyong.” Nakatungo lamang ang mga tinuran ni Kabesang Ote. Nakatuon sa mga iyon ang mga mata ng nayon, ngunit nanatiling walang imik sina Ka Tales at Ka Bsiyong. “Ang anumang pasiya na para sa amin at may tuwirang bunga sa aming buhay ay dapat na magmula sa kasunduan,” giit ng isang magsasaka. “Kaya nga kayo’y pinulong.” “Kami’y tinipon para lamang pasabihan ng isang pasiya. Hindi kami bahagi ng pasiya, Kabesang O te!” “ Isip -isip in ninyong ang anumang pagbabago ng patakaran ay isinasaalang-alang din ang inyong kapakanan. Kung kayo’y suwelduhan ni Senyor Martin, maging mabuti o masama man ang ani, tuloy ang inyong kinikita. Hindi na kayo mabibiktima ng masamang panahon. Hindi na kayo

145 matitigatig ng bagyo o tagtuyot. Hindi na kayo mag-iisip kung saan kukuha ng pataba sa tanim. Bumaba man ang presyo ng tubo, pareho rin ang katayuan ninyo. Hindi ba’t ang lahat ng pagbabagong ito ’y para na rin sa inyong interes?” mahabang paliwanag ni Kabesang Ote. “Kami ay mapapako sa kaunting suweldo.” “May suweldo ba kami kung kami’y magkasakit?” “Pagkatanim ng tubo, habang kami’y naghihintay ng pagilo, kami ba’y susuwelduhan?” “Makakasapat ba ang aming sasahurin?” “Huwag ninyong ituon ang inyong mga mata sa sarili lamang ninyong interes, mga kasama. Isipin din ninyo ang panig ng may-ari. Ang buong Makulong ay magiging bahagi ng isang malaking negosyo ni Senyor Martin. Ang lahat na para sa inyo ay ibibigay sa inyo. Pero kung hindi ninyo matanggap na ang pagbabago ay magiging bahagi ng inyong buhay, walang bakod ang M akulong, mga kasama, sa sinumang aayaw pasakop at sumunod,” matibay na pasiya ni Kabesang Ote. Ang mga tinig ay sumandali pang nagtalo, ngunit habang nagwawakas ang tagisan ng katwiran, lumilitaw na sa anumang tunggalian ng isip, ang tunay na nananaig ay ang panig ng kapangyarihan. Ang anumang ipangalandakang katwiran ng tamang panig ay parang isa lamang paraan para sa masakit na paglilinaw ng isip at pagpapatingkad ng katotohanan ng pagkagapi. Ganito ang nadama ng mga magsasaka nang gabing iyon. Talos nila na nasa panig nila ang katwiran. Ngunit ano ang magagawa ng kamalayan sa karapatan at katwiran kung iyon ay ihaharap sa realidad ng kapangyarihan? Hindi kanila ang lupa, at habang ang sinasakang lupa ay pag-aari ng iba, ano ang magagawa ng kamalayan sa karapata’t katwiran? Malinaw ang sinasabi ni Kabesang Ote na nagsasatinig lamang ng panig ni Senyor Martin: walang bakod ang tabihan ng Makulong. Saan sila

146 pupunta? Sa mga panahon, ang Makulong lamang ang kanilang inaaring mundo. Narito ang kanilang munting kubo. Narito ang mga hindi mapapawing bakas sa mga tumana. Narito ang hindi mababaklas na pagsasamahan. Narito ang mga alaala. Paano nila tatakasan ang lahat ng iyon? Saan maaaring idako ang kanilang paningin? Maliban kay Ka Bisyong na ang sanghaya ng pangako para kay Oden ay sumasamyo pa upang mag-alinlangan, ang mga magsasaka ay umuwi sa kani-kanila na lagom ng agam-agam. Inamin nila ang katalunan, inamin nila ang pagkagapi ng mga katwiran, at ang lalong masakit, wala silang maaaring gawin kundi ang umamin at tumanggap ng pagkagapi. Pagsapit sa bahay, dinatnan ni Ka Bisyong si Ligaya na nagsisimula na sa pagbuburda ng tanggap na barong tagalog. Si Oden naman ay nasa bakuran, nagsasalin ng inigib na tubig sa sisidlang tapayan sa balisbisan. Pumanhik si Oden, kasunod ng ama. Tumayo si Ligaya at nagtungo sa paminggalan. Sumandok ang dalaga ng kanin sa palayok. Inihain iyon sa pandak na latok sa kusina. “Dumulog na kayo, Tatang,” sabi ni Ligaya sa ama. “Kayo?” “Umuna na kami, Tatang. Akala namin ay gagabihin kayo.” Dumulog na si Ka Bisyong pagkatapos na maghugas ng kamay sa maliit na palanggana sa paminggalan. Pasalagmak na umupo sa sahig at nagsimula nang sumubo. Si Oden ay nakaupo sa isang bangkong malapit sa abuhan, paharap sa ama. N ililigp it naman ni Ligaya ang ilang gam it sa paminggalan. “Ano ho ba’ng pinagpulungan, Tatang?” tanong ni Oden. “Ano bang pulong?” pabalewalang sagot ng ama. “May miting kina Kapitan Berong.” “May ibinalita lamang si Kabesang O te.” “Bagong balita, Tatang?”

147 Sandaling huminto sa pagsubo si Ka Bisyong. Kinuha ang tabong may silid na tubig at uminom. “Mula sa isang taon, magiging iba na ang palakad sa mga lupa ni Senyor Martin,” sabi ni Ka Bisyong. “Ibang palakad?” sumabad si Ligaya. “Lahat ng itatanim sa mga lupa ay tubo.” “Wala nang maghahasik ng palay?” tanong ni Oden. “Mula sa isang taon, magiging upahan na ang lahat.” “Mawawala na ang hatian?” tanong ni Ligaya. Tumango lamang si Ka Bisyong. “At ang itatanim na tubo?” nang-aarok si Oden. “Ipapasok na lahat sa asukarera sa kabisera,” malungkot ang tinig ni Ka Bisyong. Ilang saglit na katahimikan ang namagitan. “Pa’no ang inyong pamumugon, Tatang?” basag ni Ligaya. “ Iyon na n g a ’ng iniisip ko. N gayon pa nam ang kailangan natin.” Tumayo na si Ka Bisyong sa pagkakasalagmak sa sahig. Naghugas ng kamay sa paminggalan. Iniligpit naman ni Ligaya ang kinainan ng ama. Pinunasan ni Oden ang latok, pagkatapos ay itinaob sa isang tabi. Nakamata si Ka Bisyong sa malawak na karimlan sa labas. Paikpik ang paligid, ang kaluluwa ng katahimikan ay parang umaangkin sa kaluluwa ng gabi sa tao. Lumapit si Ligaya sa ama, nakikiramdam. Lumipat naman si Oden sa pag-upo sa sakong puno ng palay na nakasandal sa tabi ng haligi ng kabahayan. Nagsindi si Ka Bisyong ng sigarilyo. Bumalik si Ligaya sa binuburdahan. Nagsimula nang tumuldok ang dalaga ng karayom sa binuburdahan sa bilog na bastidor. “Ano’ng iniisip ninyo, Tatang?” tanong ni Ligaya. “Wala anak,” tugon ni Ka Bisyong. Ipinagpatuloy ni Ligaya ang pagbuburda, bagaman at mataman itong nakikiramdam sa iniisip ng ama. Sa loob ng mga panahon, kailanman ay hindi nila nakitang dumaing o

148 nagpagapi ang ama. Maging sa sandali ng pagpanaw ng kanilang ina, dahil sa isang hindi matarok na pagsakit at paghilab ng puson, si Ka Bisyong ay isang munting bathala sa kanila, matatag na moog sa sinapupunan ng hapis. Ngunit sa mga panahon, kapag ang ama ay humarap sa dilim, at doon ay parang hinahagip ang panandaliang pagtalilis ng lakas, nababasa ng karanasan ni Ligaya na ang munting kabathalaan sa pagkatao at pagkamoog ng ama ay dumadaan sa matinding pagsubok. “Kung ang inaalaala n ’yo’y ang pag-aaral ni Oden, tutulong ako, Tatang,” sabi ni Ligaya, pinasasaya ang tinig. “Akin ang pananagutan, Ligaya.” “Gusto kong tumulong, Tatang.” “Matulog na kayo,” pilit na iniiba ni Ka Bisyong ang usapan. “Pupunta ako kina Niyora Tinay, Tatang,” nabubuo kay Ligaya ang isang pasiya. “Ano’ng sasabihin ng tao?” “Hindi lahat na pasiya nati’y isasangguni natin sa tao, Tatang.” “Balitang-balita ang nagawang kasalbahehan ni Marko.” “Wala na ’yon, Tatang.” “Kung ako lamang ang masusunod, anak,” mahina, umaamin ng katalunan ang tinig ni Ka Bisyong. “Mamamasukan ako sa patahian ni Niyora Tinay, Tatang.” Hindi umimik gaputok man si Ka Bisyong sa matatag na pasiya ni Ligaya. Nanatili siyang nakamata sa mukha ng dilim. Inayos ni Ligaya ang bastidor. Tiniklop ang tinatahi. Tumayo na si Ligaya. Isinalansan ang binuburdahan sa loob ng isang binuksang baul na malapit sa dambana. Pinalabo ni Ligaya ang sindi ng munting ilawan. “Gabi na, Tatang,” sabi ni Ligaya. “Mauna na kayong magkapatid,” sabi ni Ka Bisyong. Nagsimula nang maglatag si Ligaya. Humimlay na si Oden sa isang may latag na panig. Nanatili si Ka Bisyong sa may

149 durungawan, nakaharap sa dilim ng gabi na ang kapayapaan ay hinahalikan ng simoy-bundok at tinatanglawan ng anagag ng liwanag ng mga bituin.

1 6 Sa Bagwis ng Liw anag Madilim pa ay bumangon na si Toryo sa higaang pinagsanib na tablang ipinako sa apat na tukod at inilagay paayon sa kanang bahagi ng isang sirang trak na nakahimpil sa kabilang bakod na kanugnog ng gasolinahang pinaglilingkuran. Ligpit na ang tulugan ng mekanikong si Ado na siya niyang kasama sa trak at naisip ni Toryo na pumakabila na ang kasama sa gasolinahan. Tinagtag na rin niya ang apat na tali ng kulambo sa mga pakong sabitan, tiniklop at ipinailalim sa isang unan sa kanyang inuulunan. Ginabi siya sa pagtulog nang nakaraang gabi. Nayaya siya ng ilang kamag-aaral na lalaki na maglimayon sa pamasyalang liwasan ng lungsod, at sa gilid ng mga guho ng Intramuros, nakita niya ang mga katawan ng mga babae’t lalaki sa masuyong sandali ng paglalambingan na may iba’t ibang ayos: may magkakambal na katawang walang tigatig maging sa ingay ng mga dumaraan o nang-aabalang nagbibili ng kung anu-ano, may magkakayapos habang nakasandig sa mabababang puno na may mayuyungyong na sanga, may mga nakayupyop sa dibdib o hita, may magkapatong na walang katinag-tinag sa mayuming damo na nilatagan ng mga peryodiko. Natagalan din sila sa walang patutunguhang pamamasyal na iyon sa sinapupunan ng guho ng lungsod, at gabing-gabi na nang siya’y makasakay sa Quiapo. Habang tumatakbo ang bus patungong M arikina, parang maliwanag na sapot ang samutsaring panganorin ng Maynila: nasasaplutan ng liwanag at pinahihimlay sa busina’t musika, samantalang ang mga taong-lungsod ay patuloy na umiindak sa buhay, mga babaing

150 nakaabang sa makalabas ng mga bar na pula, berde, dilaw o asul ang pumikit-dumilat na tanglaw, mga batang nagkakalkal ng mga hinahalungkat na lata, papel o anumang pagkakabuhayan sa basura nglungsod, mga pulubing nakahimlay sa malamig na semento ng mga liblib na bangketa, mga istambay, butangero, mga palaboy ng gabi at mga katulad niyang walang masulingang kabibilangan sa gayong sigabo ng buhay-gabi sa kalungsuran. Hindi tuloy maiwaksi ni Toryo ang alaala ng nilisang nayon at sumalimbay sa kanyang gunita ang ama at si Bining. Marahil ay payapang nahihimlay na ang mga iyon. Ang gabi sa Makulong ay kay agang dumatal at iyon ay isang walang katawagang batas ng buhay na kay agang umangkin sa mga pagal na katawan ng mga magsasaka. A, kay iba ng daloy ng buhay na sinasamba ng mga tagalungsod sa payapang gabi ng kapayapaan sa dibdib ng nayon. At ngayon ay bahagi na siya ng gabing maliwanag at ng buhay na iisa ang mukha ng kaluluwa. Sa gasolinahan ay maghapon siyang nagsasalin ng gasolina’t langis sa mga sasakyan, naglalagay ng hangin sa mga umimpis na goma o nagpapasilakbo ng tubig para tagtagin ang dumi ng mga sasakyang pinaliliguan, at pagkatapos noon, dali-dali siyang magbibihis, dala ang ilang kagamitan, pupunta sa pamantasan. Ang gabi ay sinasaklaw ng buhay sa loob ng sirang trak at mabuti na lamang at ang nakasama niya’y si Ado, na habang siya’y nag-aaral ng leksiyon ay nagbabasa naman ang mekaniko o kaya’y nagsusulat sa isang notebook, na nang minsang kanyang tuklasin kung ano’y nalaman niyang mga talata ng tula ng buhay at damdamin. Noong nakaraang gabi nga’y tulog na si Ado nang siya’y dumating mula sa pagliliwaliw ngunit nakahanda na ang pagkain para sa kanya na kaipala ay ibinukod ng kasamang mekaniko. Aywan at nang gabing iyon, bago siya natulog, sa isang panig ng notebook niya para sa panitikan ay sumulat siya ng kanyang lantay na nadarama para kay Bining: ngayon ay kasam a kita,

151 sa dibdib ng lungsod, sa bagwis ng ibang liw anag, s a g u n ita mo lam ang natutulay ko, ang mga a la a la ngpag-ibig. Balak niyang ipabasa at ipakita iyon kay Ado, ngunit hindi na niya ginisnan ang kasama sa loob ng sirang trak. Lumabas si Toryo sa loob ng sirang trak. Kaungos ng kalawanging unahan ng trak ang mababang kubakob nina Ayong at Tino, mga kasamahan nila sa gasolinahan. Dinatnan niyang naglalaga na ang mga iyon ng kapeng barako sa isang kalang de gas. Hindi kaumpok si Ado. “Si Ado?” tanong ni Toryo. “Nakita kong bihis na bihis,” sagot ni Tino. “Magsisimba ’yon,” sabi ni Ayong. “Magsisimba?” may himig pagtataka si Toryo. “Parang milagro, ’no?” nanunukso si Tino. “Dumadalaw din si Ado sa simbahan minsan sa ’sang taon. Gaya ngayon,” pagtutuwid ni Ayong. “Ano’ng pambihira ngayon?” tanong ni Toryo. “Bertdey n’ya,” paglilinaw ni Ayong. “Kaya nga maaga akong naglaga ng kape,” sabad naman ni Tino. “Magpiprito ako ng itlog. Kakamatisan ko’ng sardinas. Magpapasasa tayo sa pandesal. Ayos ang almusal. Sorpresa sa kaarawan ni Ado.” “Naghanda nga ako ng konting pera para sa pampainit,” sabi naman ni Ayong. “Buti na lang at natapat ng Linggo.” “Konting inuman. Hapi-hapi,” salisi ng naglulutong si Tino. “Baka dumating si Mr. Alba,” nag-aalaala si Toryo. “Huwag mong alalahanin si manedyer. Tiyak na nasa kabit n’ya ’yon kagabi. Saka, tuloy naman ang serbisyo natin. Inom habang nagwawasing. Inom sa pagitan ng paggagasolina. Di ba, ayos ’yon?” nagtatawa si Ayong. “Gagasolinahan din natin ang ating bituka minsanminsan,” nagmamatwid si Tino. “Magdiriwang tayo,” patapos na pasiya ni Ayong.

152 At iyon nga ang nangyari. Ang araw na iyon ay naging araw ng katuwaan at pagsasaya sa apat na naglilingkod sa gasolinahan. Karaniwang kung dumating si Mr. Alba kapag araw ng Linggo ay hapung-hapon na, upang likumin ang pera ng gasolinahan para sa araw na iyon at inisip ng magkakasama na malaya nilang magagamit ang opisina ng manedyer. Madalang naman ang datal ng mga kostumer. Sa kanilang karanasan, ang Linggo ay ginagawang pangiiing araw ng mayayaman at kung inilalabas man ang mga kotse ay para lamang palagyan ng langis o ipawasing. Kaya si Toryo na nakatalaga sa pagwawasing ang siyang tunay na abala, samantalang ang tatlong kasamahan ay nagkakatuwaan sa pagdiriwang. Bago tumanghali ay nakatatlo si Toryo ng nilinis na sasakyan, dalawang kotse at isang diyip, at noon pa man ay iniisip na ni Toryo na makakasalamuha na siya sa pagdiriwang ng kaarawan ni Ado. Nagsimula na siyang magligpit ng mga kasangkapan. Ang gomang ipinanlinis ng mga sasakyan ay kanyang iniikid at ibinitin sa isang sabitan. Winalis niya ang tumining na magkahalong tubig, langis at krudo patungo sa lagusang kanal. Ang mga kagamitang nakalabas gaya ng plais, dyak, maso at iba pa ay inilagay niya sa isang tanging sisidlan. Pagkatapos ay nagsimula nang maglinis ng katawan si Toryo sa pinagsamang kubetapaliguan ng gasolinahan. Pumasok si Ado sa pinaglilinisan ni Toryo. Mapula na si Ado, namumungay na rin ang mga mata ng kasamang mekaniko. “Lumabas ka na,” kayag ni Ado. “Kaya nga minadali ko’ng trabaho ko e,” sabi ni Toryo. “Walaan lang ’to, Toryo,” ani Ado. “Basta mairaos lang.” “Masyado kang malihim. Tagal na nating magkasama sa trak, binigla mo pa ’ko,” nanunumbat si Toryo. “Alam mo na naman e. Walang-wala tayo e,” humihinging paumanhin si Ado. “Kayo lang kasing tatlo e. Me pakulo pala kayong iniisip.”

153 “Wala ’yon,” sabi ni Toryo. “Kahit papaano.” “Kaya lumabas ka na. Kanina ka pa namin hinihintay a,” ani Ado. “Naghahain na ng ating tanghalian si Tino.” Lumabas na ang dalawa. Sa loob ng opisina ni Mr. Alba, nakahanda na sa ibabaw ng mesa ang pagkaing niluto ni Tino. Nakapatong na rin doon ang tatlong bote ng kuwatro kantos, ilang boteng pampalamig, yelo sa isang lalagyan. “Kanina ka pa namin hinihintay e,” salubong ni Ayong. “Alam ko namang hindi ninyo ako uubusan e,” biro ni Toryo. “Kanina pa kami nag-uunti-unti a,” sabi ni Tino. “Pero kakain muna tayo. Nagpaksiw ako at nagpansit. Para maiba naman ang araw na ito.” “Talagang bigatin ako, ano?” masayang turing ni Ado. “Talaga namang bigatin ka sa amin e ,” amin ni Tino. “Mahal ka talaga n’yang si T ino,” salisi ni Ayong. “Di dahil sa lagi siyang nakakautang sa ’yo.” “Dahil sa kanya’y hanga ang nililigawan ko. Makata ’ata ang aking tagasulat,” pagtatapat ni Tino. Nagtawanan ang lahat sa mga biruan. “Hala na, kumain na tayo,” anyaya ni Ado. Nagsimula nang m agtanghalian ang magkakasama. Paspasan ang kainan. Ang pagkaing iyon ay katangi-tangi na para sa kanila. Ilang minuto lamang ang itinagal ng kainan. “Lintik din ang busog ko a,” sabi ni Tino. “Alam ko ang isusunod m o,” ani Ayong. “Talaga nam ang tsam piyon ako sa paglulu to e ,” pagtatanggol ni Tino. “Ayun! Ayun ang gustong palitawin. Tsampiyon sa pagkukusina si Tinong kusinero,” panunukso ni Ayong. “At ikaw?” balya ni Tino. Inabot ni Ayong ang isang kuwatro kantos. Binuksan. Sinalinan ng alak ang isang baso. Tumabi kay Toryo pagkatapos. “Simulan na natin,” sabi ni Ayong. “Kayo namang dalawa ni Ado ang siyang magtagay.”

154 Inabot ni Toryo ang baso. “Hahatiin natin?” tanong ni Toryo kay Ado. “Ikaw,” tugon ng may kaarawan. “Simula lang ’yan,” upat ni Tino. “Ikaw muna,” iniabot ni Toryo ang baso kay Ado. Tinungga ni Ado ang kalahati ng laman ng baso. Pagkatapos ay iniabot kay Toryo. “Ikaw naman,” sabi ni Ado. Sumigid ang alak sa kanyang lalamunan, pakiwari ni Toryo nang inumin ang iniabot ni Ado. Sinalab ng init ang kanyang mukha’t mata. Inihinga niya ang idinighay na askad ng alak upang pigilin ang pagduduwal. “Simula lang ’yan,” nagtatawa si Ayong. “Matagal lang nabakante ang bituka mo.” “Di lang ako talaga sanay,” sabi ni Toryo. “Ayos ’yan,” sabi ni Tino. “Mabibihasa ka rin.” Muling nagsalin ng alak sa baso si Ayong. Nagpalipatlipat ang baso sa kamay ng apat. Mapupula na ang mga mukha, nangangapal na ang mga noo, dumudulas na ang mga labi ng magkakaharap. “Alam mo, Toryo,” sabi ni Ayong. “Sa ’tin, ikaw ang me pag-asa.” “Lahat tayo, me pag-asa,” pakli ni Toryo. “Pare-pareho lang naman tayo e.” “Nag-aaral ka kasi e,” patuloy ni Ayong. “Pagkatapos mo, iba ka na. Kaya me pag-asa ka.” “Di ba’t lahat ng tao’y me pag-asa?” tanong ni Toryo kay Ado. “Ang pag-asa’y para ring takal ng alak, mga kasama,” pakli ni Ado na nakamasid sa basong may lamang alak. Napamaang si Tino sa panimulang pananalinghaga ni Ado. “Ang lalim a,” sabi ni Tino. “Hindi mo na naman masisid ano,” upat ni Ayong. “Talagang hindi,” tanggap ni Tino.

155 “Linawin mo nga, Ado,” sabi ni Ayong. “Para dine ke Tino.” “Para sa ’ting dalawa ’kamo,” balya ni Tino. “Ang pag-asa ay may kanya-kanya ring sukat. Bagamat dapat ngang magkaroon ng pag-asa ang lahat ng tao, magkakaiba ang sukat ng pag-asa,” sabi ni Ado. “Iyan ang di ko malaman e,” salingit ni Tino. “Pa’nong ang pag-asa ay magkakaiba-iba.” “Ang pag-asa mo at pag-asa ko magkaiba,” sabi ni Ayong. Mas malaki ang sa ’kin,” buntot pa niyon sabay tawa. Pabirong tinampal ni Tino ang bisig ng mapagbirong kaibigan. “Wala ka namang nakikita kundi ako e,” ani Tino. “Pakinggan mo si Ado,” sabi ni Ayong. “Kung mahirap ka, me pag-asa ka rin. Lahat may pag-asa para mabuhay o kumain. Pero sa mga de kotseng pinaglilingkuran natin bawat oras, higit sa pag-asa natin ang kinabukasan nila. May pag-asa silang sumulong, umunlad, tum ayog,” parang nagtatalumpati si Ado. “At tay o ,” ibinuka ni Ado ang mga kamay na parang may katotohanang hindi masabi. “Tayo’y ito ,” sabi ni Tino. “Naiintindihan mo na,” naniniyak si Ayong. “Malabo pa e ,” ani Tino. “Ewan ko kung tama ako sa pagpapakahulugan sa sinabi ni A do,” pumagitna pa si Ayong habang nagsasalita. “Talagang maliit ang ating pag-asa. Wala tayong pinagaralan. Ako, maggagasolina lang ako. Parang ’yon lang. Pero me matayog akong pag-asa sa buhay. Pangarap. Gusto kong magkaasawa ng mayaman. Iyan ang pangarap ko. Me tipo naman ako. Di ba, Tino?” “Nagyabang ka na nam an,” kontrang biro ni T ino. “Ipinagmamarali mo na naman ang pagmamahal sa sarili.” “Aba, kaya panay ang paggilas ko sa mga babaing kustomer e,” patuloy ni Ayong.

156 “Kaya naman parang sinisilihan si misis tabatsoy tuwing magpapalagay ng gasolina,” siwalat ni Tino. “Kahit matanda’t m ataba,” sabi ni Ayong. “Basta’t mabilog.” “Isasangla ang kaluluwa, para lang sa matayog na pangarap,” patapos ni Tino. “Bibiyayaan kita ng grasya,” biro ni Ayong. “Sa ’ting magkakasama, higit na malaki ang sukat ng pangarap mo, Toryo,” matapat na turing ni Ado. “Nag-aaral ka sa kolehiyo. Darating ang araw, iiwan mo kami sa ’ming maliliit na mga pangarap.” “Kayo naman kung magsalita,” sabi ni Toryo. “Sugal ang pag-aaral.” “Higit na maganda ang baraha mo kesa amin, Toryo,” pagtutuwid ni Ado. “Sa pag-aaral, tiyak ang panalo,” sang-ayon ni Ayong. “Gred por lang ang tapos ko,” himutok ni Tino. “Paano ako mananalo?” “Gamitin mo’ng braso mo, Tino,” payo ni Ayong. “Kung di puwede ang utak, di ’yong lakas ng bisig.” Nakatingin si Ado kay Toryo, parang pinag-aaralan habang ang huli ay wiling-wili sa matamang pakikinig sa mga kaharap. “Tanungin natin si Toryo,” basag ni Ado. “Sumali ka naman sa aming matinong usapan,” biro ni Ayong. “Maliban sa ’kin,” sabi ni Tino. “Sumingit na naman,” sansala ni Ayong. “Makikinig na lang ako,” tugon ni Toryo. “Ganito kami,” paliwanag ni Ado. “Pinag-uusapan ang lahat. Kahit ano. Nakikinabang kami sa ’ming mga karanasan.” “O katalinuhan,” singit ni Ayong. “O katangahan,” sabi naman ni Tino. “Aba, sa inyong usapan, daig ko pa’ng nakinig sa mga propesor kong inutil sa kolehiyo,” sabi naman ni Toryo.

157 “B in ibilog mo yata’ng ulo namin e ,” hindi makapaniwala si Tino. “Tutuo. Naku, minsan, mababagot kang talaga. Ang edukasyon kung minsan ay pagsasaulo ng mga petsa sa libro,” sabi ni Toryo. “Di nga ako dapat mag-aral,” sabi ni Tino. “Mapurol akong magsaulo. Lalo na ng numero.” “Pa’no’y sa koral ng kalabaw ka inianak,” tukso ni Ayong. “Malaking disgrasya’ng napunta ka sa Maynila.” “Nagsabi naman ’to. Galing ka ring putikan,” gigil ni Tino. “Sa Mindanaw ka rin ipinanganak a.” “Sa Maynila naman ako lumaki,” matuwid ni Ayong. “Maynila nga. Tundo naman,” giit ni Tino. “Tundo ang tapunan ng latak probinsiya sa Maynila.” “At ikaw?” nang-uupat si Ayong. “Sa ’ming nayon sa Samar, iba. Ibang-iba. Iba’ng liwanag, mga bituin o buwan. Sa tagbilog, naghahabulan kami. Tama na ang buhay na ’yon. Tama na’ng buhay sa nayon. Tahimik ang buhay. Sa araw, sa bukid. Sa gabi, harana sa dilag. Maraming salaysay tungkol sa Maynila. Sabi nila, maganda raw ang malaking lungsod. Maraming nakarating dito, nagpaalila. Oo, mula sa ’ming nayon. Mga binata, mga dalaga. Iba’t iba ang kuwento. Nakakahamon ang kanilang karanasan. Kaya umalis ako sa ’ming nayon. At h eto ,” maluha-luha si Tino sa pagsasalaysay. “Sama-sama tayo sa iisang buhay,” nagpapasaya si Ayong. “Sayang, kung buhay sana si Itay. Pero, mahina kasi si Itay e. Ang dali niyang naigupo ng karahasan. Basag-ulo. Karalitaan. Iyon, namatay si Inay sa sama ng loob. At si Itay, nagpatuloy sa buhay na ’yon. Hanggang sa mamatay sa bilangguan.” “Ang tutuo, iisa ang mukha ng ating mga kapalaran,” sabi 11 i Ado. “Lahat tayo’y mga anak ng lupa na tinangay ng kakaibang liwanag ng lungsod. Sa malayo, ang Maynila ay

158 isang perlas ng dagat na napapalamutihan ng liwanag. Mula pagkabata’y nilakhan ko na ang tanawin ng sasakyang dagat sa karagatan ng Panay. Saan papunta ang mga ’yon? Nilakhan ko at humamon sa ’kin ang kamalayang ’yon. Kaya ako’y umalis sa ’min. May hamon ang kawan ng ibong lumilipad sa paglayo. May hamon ang dagat. Ang Maynila ay para sa lahat. Buhay. Bukas. Sa ’ming bayan, lahat ng lupain ay pagaari lamang ng iilan. Ang ginto ng lupa ay inaangkin lamang ng panginoon ng lupa. Namatay si ama na isang sakada kagaya rin ng kanyang ama. Kaya ako’y tumakas sa buhay na ’yon. Hindi ako dapat manatili sa isang buhay na ang pangako lamang ay pagsilang at kamatayan. Sa Maynila, nagpaalila ako, makatakas lang sa sumpa ng lupa. Nag-aral ako ng pagmemekaniko. Nagtrabaho sa isang talyer kahit walang bayad. At heto,” huminto si Ado, ang hindi masabi pa’y inilahad na lamang sa galaw ng mga palad. “Ngayo’y mekaniko ka ng gasolinahan,” sabi ni Tino. “Makata ng gasolinahan,” salo ni Ayong. “Tula ng pagibig. Tula ng lungkot. Tula ng manggagawa. Ano nga ba ’yong sinulat mo no’n? Ang bisig ng manggagawa’y siyang lakas ng pabrika. Nguni’t yamang nalilikha’y hindi para sa kanila.” Umaasta-asta si Ayong na waring tumutula sa ibabaw ng entablado. Tahimik lamang si Ado, nakaupo sa isang silya. Isinasalin naman ni Tino ang huling takal ng iniinom na alak. Nakikinig si Toryo, lihim na humahanga sa talas ng diwa ng kasamang mekaniko. “Sa loob ng mga panahon, sa matagal kong pakikisalamuha sa mga manggagawa, natuklasan kong iisa ang mukha ng kahirapan sa mga nayon at lungsod ng lipunan,” mataimtim na usal ni Ado na waring nagdarasal. “Sa mga kanayunan, naroon ang mga panginoong maylupa, mga buwayang sumisila sa pangarap ng mga magsasaka. Sa bagwis ng liwanag ng lungsod, natitipon dito ang mga langgam na mang-

159 gagawa, matitiyagang alipin na nagtatayo ng templo ng yaman at kapangyarihan ng kapitalismo. Ang mga anakpawis ay parang mga dagang nayon at lungsod na wala waring masulingan, walang ibang patutunguhan kundi ang ituwid ang mga pagkakait at ipagkaloob sa kanilang uri ang biyaya ng pawis.” “Iyan lang ang mahirap sa ’yo, Ado,” daing ni Tino. “Ang hirap mong unawain.” “Mahirap lang intindihin ang sinasabi ni Ado kung mababaw ang kukute,” haplit-parunggit ni Ayong. “Pero alam kong maganda ang ’yong sinasabi,” pagtutuwid ni Tino. “Nararamdaman ko e.” “Mahalaga ’yon,” sabi ni Ado. “Me pag-asa pa ako,” ani Tino. Ang huling takal ng alak ay kanilang pinaghatian. Hapay na noon ang araw, ngunit sa m agkakasam a, parang nagsisimula pa lamang ang sigabo ng init ng sigla. “Wala na bang maiinom?” tanong ni Ayong. “Magpapabili ako,” sabi ni Tino na dumukot sa bulsa. “Tama na ’to ,” sansala ni Ado. “Nag-inom tayo hindi para malasing.” “Para magsaya,” katig ni Tino. “Para ipagdiwang ang kaarawan ng makata ng gasolinahan,” masayang sagot ni Ayong. “Marami akong natutuhan sa inyo. Puwede kong magamit sa isa kong subject na kinukuha,” sabi ni Toryo. “Para ka ring palang propesor, Ado,” singit na muli ni Tino. “Propesor ng gasolinahan,” pakli ni Ado. “Iligpit na natin ang ating kalat,” pagunita ni Ayong. “Oo nga,” sabi ni Tino. “Baka biglang sumulpot si Mr. Alba.” Nagsimula nang magligpit sina Ayong at Tino. Pinunasan ni Tino ang mesa ni Mr. Alba ng isang malinis na basahan. Itinabi namang isa-isa ni Ayong ang mga bote at baso.

160 Pinagpatong ni Toryo ang tatlong pinggang ginamit, kasama ng isang pares na kutsara’t tinidor at dinala sa kasilyas sa may likuran ng gasolinahan. Naiwan si Ado sa puwesto upang siya munang gumanap ng tungkulin ng mga kasamahan. Katatapos pa lamang ni Toryo ng paglilinis ng mga ginamit nang biglang pumasok si Tino sa loob ng kasilyas. “Me bisita ka,” sabi ni Tino. “Bisita?” nag-aalinlangan ang tinig ni Toryo. “Babae.” “Babae?” “Magandang babae,” nanunukso ang tinig ni Tino. “Dadalhin ko muna ’to sa taguan,” sabi ni Toryo. “Ako na,” pagkukusa ni Tino at kinuha ang mga pinggan. Lumabas na si Toryo, iniisip kung sino ang maaaring maging panauhin niya. Sa paaralan ay wala siyang kaibigang babae. Wala siyang pinagsasabihang babae sa uri at lugal ng kanyang pinagtatrabahuhan. Biglang sumikdo ang dibdib ni Toryo nang makita niya ang panauhin. Naghihintay sa labas si Karen na noon ay kaharap ni Ado. Nang makita siya ng panauhin, sumalubong ang dalaga kay Toryo. “I ’ve been w anting to com e,” bungad ng dalaga. “Nagkasayahan kami e,” nagpapaliwanag si Toryo. Lumapit na rin sa kanila sina Ayong at Tino. “Nagkainuman kami. Konti lang,” sabi ni Ado. “Okey lang,” sabi ni Karen. Isa-isang ipinakilala ni Toryo ang mga kasamahan sa dalaga. “Si Karen ang anak ni Senyor M artin,” pagpapakilala ni Toryo. “Ikaw pala,” sabi ni Ado. “Nataon pa namang medyo. . .” “I t ’s perfectly alright, ” ulit ni Karen. “Ngayon ka lang nagawi rito,” ani Ayong. “Ngayon lang ako nagkaroon ng panahon e ,” sagot ng dalaga.

161 Tumikhim si Tino. “Masuwerte pala’t nakasama namin dine si Toryo,” sabi niyon, nagpipilyo. Tumawa nang malakas si Karen. “Bakit?” nagtataka ang tinig ni Toryo. “Toryo ka pa pala hanggang ngayon,” biro ni Karen. “Talaga namang Toryo ako e ,” pagtutuwid ni Toryo. “Sa Makulong, sa probinsiya. Pero wala na tayo sa San Diego. Nasa lungsod ka na,” sabi ni Karen. “Ano’ng poin t mo?” tanong ni Toryo. “Dapat nang mabago ang palayaw m o,” sabi ng dalaga. Pumatlang ang ilang saglit ng katahimikan. “Di ba’t Victorio ka?” basag ni Tino sa katahimikan. “Ano b a ’ng dapat na palayaw sa kanya?” parang nagtatanong si Karen sa mga kaharap. “Faustino ako. Tino’ng tawag sa ’kin. Itong si Ayong, Macario ’yan. Gustong gawing Max, pero talagang matibay ang kapit ng Ayong. Ado para sa Amado. Kung Victorio, a, tama. Vic, o R io.” “Vic o Rio?” tanong ni Karen. “Vic ang higit na lalaki,” mungkahi ni Ado. “Okey ba’ng Vic?” palutang ni Karen. “Tsampiyon,” sabi ni Ayong. “Manilenyo.” “Toryo ako,” giit ni Toryo. “Don’t be killjoy, ”ani Karen. “Vic ka sa ’min mula ngayon.” “Si Vic ng gasolinahan,” biro ni Tino. “Huwag kang singit nang singit,” sansala ni Ayong at bahagyang siniko ang madaldal na kasama. Ilang saglit ng muling pumatlang na katahimikan. “Buti naman at napadaan ka,” sabi ni Toryo. “Nagsadya ako. I d id n ’t ju st pass by,” pakli ni Karen. “Salamat,” ani Toryo. “May sadya ako sa ’yo,” talibukas ni Karen. “Basta kaya ko,” sabi naman ni Toryo. “May lakad ako ngayong gabi. A ffa ir ng aming sorority,” pahiwatig ni Karen.

162 “Hindi ako marunong magmaneho,” sabi ni Toryo. Muling napatawa si Karen. “Hindi kita gagawing driver.” “E para ano ako?” “Ibig kong ikaw ang maging kapareha ko, V ic,” tuwirang saad ng dalaga. “Alangan ako,” umiiwas si Toryo. “Hindi ako p-.payag na mabigo, V ic,” matatag na sabi ni Karen. “'And don ’t worry abou t anything. Ako’ng bahala sa lahat.” “Sumama ka na, V ic,” upat ni Tino. “Alangan ako do’n ,” sabi ni Toryo. “ I t ’s an in fo r m a l a ffa ir . You’ll f e e l a t hom e do’n ,” paniniyak ni Karen. “Sige na,” payo namamn ni Ado. “Magtatampo ako niyan,” naglalambing ang tinig ng panauhin. “Huwag ka nang pakipot,” bulong ni Ayong. “Pa’no? Ano’ng pasiya mo?” pagwawakas ni Karen. Tumawa si Toryo. Pinagkiskis ang dalawang palad. “Okey,” sabi ni Toryo. “Di ayos,” singit ni Tino. “Magbihis ka na,” sabi ni Karen. “Saglit lang,” paumanhin ni Toryo. “Dito na ’ko maghihintay,” pahabol ni Karen sa tumalikod na si Toryo. Pumakabila na si Toryo sa bakod na nasa pagitan ng gasolinahan at ng tinitirhang sirang trak. Dali-daling nagayos ng katawan sa gripong nasa loob ng kasilyas. Nagbihis ng pinakabagong damit. Ilang saglit lamang at nakabalik na si Toryo sa gasolinahan. “Poging-pogi pala’ng kaibigan namin,” bulalas ni Tino. “Mahihiya ang kung sino lang artista,” sabad naman ni Ayong. “Ayos na ba ’to?” tanong ni Toryo kay Karen.

163 “Perfect, ” turing ni Karen. Bumaling si Toryo sa mga kasama. Nagpipilyo ang tingin at kilos ni Tino. “Pa’no? Bahala na muna kayo,” sabi ni Toryo. “Wala kang aalalahanin,” paniniguro ni Ado. Dumukot si Karen sa kanyang bag. Naglabas ng pera. Lumapit ang dalaga kay Ado. aHappy birthday, ” sabi ni Karen. Iniabot ni Karen ang salapi kay Ado. “Sapat na’ng nakilala ka namin,” sabi ni Ado. “Tanggapin mo ’to. Para sa ’yong kaarawan. Maliit lang ’yan,” pilit ni Karen at isinuksok ang salapi sa bulsa ng polosirt ni Ado. Sumakay na sina Karen at Toryo sa loob ng bagong kotse ng dalaga. Pinaandar ang makina ng sasakyan. Umalis. “Masuwerte si Toryo, ano?” napapalatak si Ayong. “Vic na siya ngayon,” pagtutuwid ni Tino. “Sarap ng buhay n’ya,” nananaghili ang tinig ni Ayong. “Driver pa n ’ya ang anak ng amo natin. Kelan kaya mangyayari sa ’kin ’yon?” “Ay, naku, nangarap na naman nang gising,” tukso ni Tino. Walang alis ang mga mata ni Ado sa maluwang na lansangang dinaanan ng kotse ni Karen. Nagsali-salimbay na noon ang mga sasakyan, patungo kung saan-saang bituka ng lungsod. Napansin ni Ayong na parang tulala si Ado. “Tinablan ka ba?” tanong ni Ayong. “Hindi,” tugon ni Ado. “Me iniisip ka namang tula?” nang-aarok si Ayong. “Tula ba ng pag-ibig, Ado?” sabad ni Tino. “Iniisip ko lang. Ang lungsod ay may kakaibang uri ng liwanag. Humihigop. Nang-aalipin,” makahulugang saad ni Ado. “Tula ’yon a,” sabi ni Tino.

164 “Ano ka ba?” sansala ni Ayong sa kaibigan. “Ano kaya ang bitag ng liwanag kay Toryo?” tanong ni Ado sa dalawang kasama. Sa labas ng gasolinahan, sa maluwang na lansangan, patuloy na dumadaloy ng mga sasakyang-lungsod, payao’t dito. Sumindi na ang mga ilaw dagitab sa mga itimang poste. Nagkamata na ng liwanag ang papalapit na mapusyaw na mukha ng gabi. Sa kamalayan nina Ado, Tino at Ayong, ang lalagom na gabi ay isang pansamantalang makapangyarihang bagwis ng liwanag, batas at lakas, nagtatadhana sa mga buhay at kapalaran. Nang gabing iyon, pinag-usapan ng tatlo ang buhay na lumukob at tumangay kay Toryo sa daigdig ng gasolinahan at sirang trak, papalabas sa isang mapanghalinang liwanag.

1

7Apoy

Ang bugso ng hangin sa laot ay parang dumadarang na kaba ng dibdib at ang alon, walang sawa sa pagsalpok sa dalampasigan ay humihikayat na lakas, walang humpay, umaagnas sa moog ng mga bato, nagwawasak sa mga bantayog ng buhangin. Tahim ik na ang paligid sa dalampasigan, ang sigabo ng mga tugtog at padyak ng mga paa sa pagsasayaw ay kagyat na huminto. Ang mga halakhak ay nahalinhan ng mga paimpit na bulong sa mga suluk-sulok, sa gilid ng mga batong hinahampas ng alon, o sa kadalisayan ng mapinong buhangin, habang ang mga matang ibig nang umidlip ay tinutukso ng malayong anag-ag ng mga tala. Sa laot ay nagkakatuwaan pa rin ang ilang magkakapareha sa paglangoy sa maligamgam na dagat, ang mga sigaw o halakhak ay itinataboy ng mabining simoy sa pampang. Maliban sa isang grupo ng mga binata na patuloy na nagiinuman, nagsasalitaan at nagtatawanan, ang mga sandali ng

165 gabi ay para na sa isa’t isa, para sa isang lalaki at isang babae, upang sa kanilang sarili ay kaulayawin and dilim, hangin, alon, buhangin, kapayapaan at mga bituin. Malaya ang bawat isa sa kanilang isip at kilos: may dalawang magkayakap at habang parang iisang katawan ay nagsasayaw sa mukha ng buhangin na walang tugtugin kundi ang awit ng alon at hihip ng hangin, may magkaparehang inilibing ang mga katawan sa mainit-init pang buhangin, may dalawang aayaw sayangin ang bawat sandali sa pamamagitan ng pagdidikit ng labi’t paghihinang ng mga dila, may nagtatampuhan, may umaalo’t inaalo, may nangangako’t nananalig, may umiiyak, may tumatawa, may payapa, may magulo, may masalita, may mapino at may mahiwaga, tulad ng laot at dilim. Nakatihaya si Toryo sa buhangin at ang nakapikit na mga mata ay im inu lat. M aaliwalas na mukha ng la n g it, napapalamutihan ng kutitap ng kumikislap na mga tala, ang panganorin ng gabing sumalubong sa kanyang paningin. Nilingap niya si Karen, nakapikit din ang mga mata ng dalaga. Nadadama ni Toryo na waring ibig muling puminid ang talukap ng kanyang mga mata. Nangangapal ang kanyang noo, dumadarang ang init ng kanyang paningin. Marami rin siyang nainom, sa gasolinahan at sa kasayahang iyon nina Karen sa dalampasigan. Ang hininga niya’y amoy-alak at parang umaalimbukay ang kanyang bituka dahil sa pagkain at ininom. Umiinog wari ang daigdig. Pinilit imulat ni Toryo ang mga mata. Ipinako ang paningin sa kalawakan ng mga tala at ulap. Lalong bumilis ang pag-inog ng daigdig. Parang hinahalukay ang kanyang bituka. Umupo si Toryo sa buhangin, paharap sa malawak na dagat. Ang kalawakan ay parang sinapupunan ng hiwaga mula sa salpukan ng alon sa dalampasigan. Naramdaman ni Toryo ang paghawak ni Karen sa kanyang bisig na nakatukod sa buhangin. Nilingon niya ang dalaga. “Gising ka na pala,” sabi ni Toryo.

166 “Masarap matulog pagkatapos maligo,” tugon ni Karen, hindi tumitinag sa pagkakahiga sa buhangin. “Sabihin mo, pagkatapos malasing,” biro ng binata. “Nagsalita ang hindi umiinom,” parunggit ng dalaga. “Hindi naman ako magmamaneho,” sabi ni Toryo. “Di kita dadalhin sa impiyerno,” sabi ni Karen. “Huwag kang mag-aalaala.” “Walang nag-aalaala,” ani Toryo. “Wala ka kayang naaalaala?” Tumutok ang mga mata sa isa’t isa. “Ikaw?” “Wala.” “Wala rin akong naaalaala,” sabi ni Toryo at mula sa hiwaga ng dagat, sumalimbay ang gunita ni Bining at ang mga gabi sa Makulong. “Hindi ko alam kung nagsisinungalin ka. Pero ako, okey lang. Me nobyo ako, pero hindi pa n ’ya ako asawa. Libre pa ako. Pwede pa akong maging kasinlaya ng hangin,” sabi ni Karen. “O ng alon,” biro ni Toryo. “Dakilang mangingibig ng dalampasigan ang alon. Walang pagod. Walang kupas,” turing ni Karen. Umupo na rin ang dalaga sa buhangin, kasiping ni Toryo. “Nakakainggit ang alon,” wala sa sarili waring nabanggit ni Toryo. Inihilig ni Karen ang ulo sa balikat ni Toryo. Ipinulupot ng dalaga ang bisig sa baywang ng binata, masuyong ikinapa ang manipis na palad sa mabalahibong puson ng binata. Nalalanghap ni Toryo ang magkasanib na amoy-alak at bango sa hininga ni Karen. Masamyo ang dapyo ng simoy-laot. Payapa ang paligid. Maging ang pagsampa ng alon sa pampang ay bumabanayad. Ang marahang haplos ng palad ni Karen ay umalipato ng apoy. May pumintig na gumigising na kamalayan sa pagkalalaki ni Toryo.

167 “Di pa ba tayo babalik sa Maynila?” ungkat ni Toryo. “Naiinip ka na ba?” tanong ni Karen. “Hindi sa gayon.” “Ano ba’ng ikinababahala mo?” “Me trabaho ako bukas.” “Kalimutan mo ’yon.” “Kahiya-hiya sa mga kasamahan ko.” “Sasabihin ko ke Papa, di ka para sa gasolinahan. Lilipat ka ng trabaho.” “Baka nasasamantala ko ang gabing ito?” “Samantalahin natin ang gabing ito .” Hindi na nagsalita si Toryo. Ngayon, iilan na lamang magkakapareha ang naiwan sa dalampasigan. Palalim na nang palalim ang gabi. “Iilan na tayo rito,” pansin ni Toryo. “Natatakot ka?” tanong ni Karen, naghahamon. “Hindi,” tugon ni Toryo, binabagabag. Tumayo si Karen. Binatak sa kamay ang binata, hinila patugpa sa laot. Walang nagawa si Toryo. Papalaot sila nang papalaot. “Solong-solo kita,” tudyo ni Karen. “Solong-solo mo rin ako.” Lumangoy si Karen, papalalim. “Baka pulikatin ka!” sigaw ni Toryo. “Lasing ka pa!” “Nawawala ang ispiritu ng alak sa tubig,” tugon ni Karen. Lumangoy na rin si Toryo, papalapit sa dalaga. Nadarama niya ang maligamgam na tubig. Sa laot, sumisigid sa kalamnan ang lamig ng hangin. Unti-unti nang lumalakas ang alon. Sa kapusuran ng dagat, rumaragasa ang parang nagising na alon, sumasampa sa katawan nilang dalawa. Patuloy sina Karen at Toryo sa paglulunoy sa dagat. Papalakas nang papalakas ang pagdatal ng alon. “Bumalik na tayo sa tabi,” sabi ni Toryo, hinawakan si Karen sa bisig at binatak na patabi.

168 “Dito muna tayo!” tutol ni Karen. Humampas pa ang mga alon, dumadaluyong, waring nagngangalit na hiwaga. Yumakap si Karen kay Toryo. Maigting. Mapusok. Inialimbitin ang bisig sa batok ng binata. Idinaiti ang labi sa labi ni Toryo. Maapoy. Maalab. Humahampas na muli ang mga alon, tuluy-tuloy. Nanatili sina Toryo at Karen sa laot. Magkasanib ang mga katawan, pinag-isa ng rumaragasang daluyong ng tubig at apoy. Papalayo na nang papalayo ang mga bituin. Subalit nanatili sa laot sina Karen at T oryo, bathala at bathalumang nakahubad at binibinyagan ng sumusulak na daluyong. Sa kaitaasan, kakatwang nauulinig nila ang tinig ng mga panggabing ibong-dagat, parang basag na dalit na saliw sa alimpuyo ng alon at laman at sa sumasalimbay na saglit, sumaging muli sa gunita ni Toryo ang malayong nayong sinilangan.

18

Ama

Nang Linggong iyon, payapang isiningkaw ni Ka Tales ang kalabaw sa kariton. Nakasalansan ang mga sako ng palay na isa-isang inilabas madaling-araw pa mula sa imbakan. Kailangang maiuwi na ang ilang kabang hindi pa naihahatid sa bodega ni Senyor Martin na sabi ni Kapitan Berong ay mahalaga para malaman ang kalagayan ng pamumuhay ng mga dating kasama sa malawak na lupain sa Makulong. “Ihatid mo na’t nang walang masabi,” payo ng mga kanayon. At iyon nga ang ginawa ni Ka Tales. Di pa natatagalan ang unang tilaok ay inisa-isa na niya ang mga sako ng palay na isalansan sa kariton. Ilang araw ring pinaarawan niya ang mga palay sa gitna ng tiwangwang na linang upang pagkadala sa bodega ay nakahanda nang gilingin. Iniisip ni Ka Tales na

169 mabuti nang maihatid ang kabahagi ni Senyor Martin para walang anumang masabi na ang palay ng may-ari ay ginamit sa hindi dapat paggamitan. Pumipitak na ang araw nang tumulak ang kariton. Gaya ng mga ibang araw ng pangilin, maaga pa’y natitipon na naman ang ilang kalalakihan sa harap ng tindahan ni Ka Saning. Pinahinto muna ni Ka Tales ang kariton pagtapat sa mga kanayon. “Magkape ka muna,” alok ng mga kanayon. “Nakapagpainit na ako ng tiyan,” sabi naman ni Ka Tales. “Matutuwa na n’yan si Senyor!” sabi ni Ka Tulume sa pagitan ng pagnganga ng ikmo’t bunga. “At matitigil na’ng kababaybay ni Kapitan Berong na ’kala mo’y nang-uumit tayo ng kahit ’sang butil sa kabahagi ng me ari,” pakli naman ng isa. “Kaya nga sa isip-isip ko’y mabuti na’ng gawing taniman ng tubo ang buong M akulong,” patlang ng isa pang magsasaka. “Wala nang hatian. Babayaran tayo sa ’ting pagod, tapos! Walang maraming kuskos-balungos.” “Ang mahirap lang,” sambot ni Ka Tulume at bahagyang dumura ng nginanga, “sa kalakaran ng bayaran, lahat e parepareho’ng bayad. Walang nakakaungos.” “E di mabuti nga ’yon, Ka Tulume. Gaya sa inyo, ang bayad sa inyo e tulad ng upa sa ’sang kabataan.” “’Yan ang sinasabi ko, amang,” patuloy ni Ka Tulume. “Tingnan mo, higit na malakas ang braso ng ’sang binata na ta ta p a ta n ng upa sa m ahin ang b isig ng ’ sang matandang tulad k o .” “At ayaw n’yo no’n?” “Ang panig ko’y hindi pansarili mga kasama,” giit ni Ka Tulume. “Aayaw kong gatasan ang di ko alaga. Sa unang malas, parang maganda ang pakana. Pero kung ang makisama ay ’sang kahig ’sang tuka, ang maging upahan ay parang buhay na kapatid ng pagkabusabos. Ni di ka makapag-ibayo

170 ng sikap pagkat kapos naman ang panapat na pabuya. Tatanda tayong walang naisusuksok sa dingding. Kapag inunos ang buhay, mamamatay tayong nakadilat ang mata.” Umupo si Ka Tulume sa luklukang kawayan sa balisbisan ng tindahan. Walang nakahuma sa mga taganayon sa mahayap na katotohanang inisa-isa ng matanda. Naisip ni Ka Tales, matatagalan ang nasimulang usapan. “Paano? Mauna na ’ko. Baka ako’y tanghaliin,” pamamaalam ni Ka Tales sa mga tinigilang kanayon. “O sige,” sabi ng isang magsasaka. “Hihingalin ’yang hayop mo bago mo masapit ang bodega ni Senyor Martin.” Pinilantik ni Ka Tales ng lubid ang gulugod ng kalabaw. Uminat ang hayop, lumakad patalunton sa kahabaan ng bulusan sa nayon. Ang hangin sa umaga ay mahalumigmig at parang nakadama si Tales ng pagsanib ng lamig sa kalamnan. Lumingap si Ka Tales sa paligid. Ang magkabilang mukha ng nayong nakapagitan sa binutas na daan ay kalawakang luntian na dati’y parang walang tabihang palayan na lulunti, gagamasan, m aglilihi, m agbubuntis, mangunguhay at sa paggiginto ng tutungong uhay, ang gintong ani’y gagapasin o hahaklitin ng mga kamay sa tag-ani, ititimbong mandala, gigiikin, pahahanginan upang ihiwalay ang bungang-dam o at tulyapis sa m atabang butil at makaraang paarawan, ang ani’y isisilid sa mga sako, ang hati’y para sa naghihintay na bituka at utang ng mga magsasaka at ang sa panginoong maylupa’y iuuwi ng kariton at itatambak sa maluwang na bodega. At ngayon, ang mukha ng Makulong ay mababago: sisilang ang nayon ng tubuhan, papasok ang mga trak pangarga at ang bunga ng pawis ng mga magsasaka ay iiluhin sa malaking sentral. Huminga nang malalim si Ka Tales sa pagdampulay ng mga alaalang iyon, tinigib ng hangin ang dibdib. Mawawala na sa nayon ang gamasan, ang tugtog at awit sa linang, ang inuman sa tabihan, ang pagdadamayan sa mga panahon ng hasikan, gamasan, anihan, giikan at pinipigan. Mawawala na ang tagni-tagning

171 kuwento ng pagliligawang isinilang sa linang, ang palihim na paggawa ng magaling ng mga magulang para sa kanikanilang binata. Sumagi sa isip ni Ka Tales si Toryo. Tumanaw ang matanda sa malayo. Saan kayang hanggahan ng langit at lupa ang kapirasong mukha ng daigdig na kinatatayuan ng kanyang pinakamamahal na si Toryo? Sumigid ang hapdi sa kanyang dibdib at parang nagsisikip ang kanyang paghinga. Muling tinigib ni Ka Tales ng sariwang hangin ang dibdib. Maaliwalas ang langit. Ang maninipis na ulap ay parang m um unting talu lot ng sampagang isinambulat sa kalangitan. Sa itaas ay sumasalimbay ang mga ibong naglalaro sa kanilang malayang daigdig. Lumuwag ang nagsikip na dibdib ni Ka Tales. Si Toryo, iniisip niya, ay nasa loob ng simbahan sa malaking lungsod, nakaluhod, dumadalangin sa malaking bathala ng mga pagkasi, habang ang mga banal na salita ay binibigkas at binibindisyunan ng banal na kamay ang ngayon at darating. Parang nauulinig ni Ka Tales ang dupikal ng kampana sa kung saang kaylayong lupalop. Tumingala si Ka Tales. Wala na ang naglalarong ibon. Ang kaitaasan ay napuno ng mumunting talulot ng sampagang naging panganorin ng langit. Maaliwalas at malapangarap ang umagang iyon. Isang araw, ikakasal si Toryo at si Bining. Dudupikal ang kampana sa simboryo. Luluhod ang lahat sa pagsaksi sa banal na saglit na iyon. Parang lalagumin ang kamalayan ni Ka Tales ng mga gunita. Tumingala siyang muli. Mula sa sinapupunan ng busilak na ulap, lumitaw ang maitim na tanawin ng isang pabulusok na lawin, nanunukso’t naglalaro sa dibdib ng langit ng isang umaga. Pinilantik ni Ka Tales ang gulugod ng kalabaw. Kumakaragkag ang bakal na gulong ng kariton. Yumuyugyog ang mga sako ng palay. Sumapit na ang paglalakbay sa bukana ng San Diego. Ang malaking tahanan ni Senyor Martin ay nasa makababa ng simbahang nakatirik sa isang mataas na lugal. Sa pagtalunton ni Ka Tales sa binabagtas na kalsadang bayan,

172 nakasabat ng kariton ang mga nagsipagsimba. Kaipala ay huling misa na iyon, ang m atatand a’ t mga bata ay nakapayong na. Pantay-tikin na ang araw sa may gilid ng malaking simbahan. Mula sa ibaba, sinulyapan ni Ka Tales ang nakamanghad na tahanan ng Diyos. Nilulumot na ang harap ng simbahan, sa mga uka ay naglulunti ang mga halamang dapo. Nagunita niya ang mga pinagtagni-tagning hiwaga na nakalambong sa malaking simbahan ng San Diego. Nang pumutok ang mapanganib na pandak na bulkan, sinasabing ang bugang apoy at bato ay maaaring nakasapit sa San D iego, ngunit ang patrong si San M artin ay pumailanglang sa himpapawirin, sakay ng kanyang kabayo at hawak ang kanyang makapangyarihang espada, hinarang ng mandirigmang patron ang mapanganib na hanging may iwing apoy at bato at ang panganib ay doon nalibing sa sinapupunan ng lawang nakapaligid sa bulkan. Kakambal din ng alamat ng simbahan at pananampalataya ang mito ng Mahal na Birhen ng Kaysasay, na waring hindi naluluwalhatian sa kanyang bagong palasyo, at iyon ay manakanakang nawawala sa kanyang marangyang altar upang pagkaraang hanapin ay matatagpuan sa maliit na dating simbahan nito sa labak ng bayan, kanugnog ng ilog ng San Diego na kinakitaan sa mahal na birhen ng isang mangmang na mangingisdang Tsino dantaon na ang nakalilipas. Pumasok na ang kariton sa kalyehong maglulundo sa malaking bahay ni Senyor M artin. Pum ipitik na ang matinding sikat ng araw. Gumiti na ang pawis sa mukha ni Ka Tales. Pinid na pinid ang mga bintana ng malaking bahay. Naisip ni Ka Tales, ang maluluwang na bintanang may antigong balangkas na pinagsadlakan ng makikintab na kapis ay nabubuksan lamang kung pista ng bayan o kung kapaskuhan, na panunungawan ng mga mga piling bisita mula sa lungsod. Tinantan ni Ka Tales ang renda sa butas ng nguso ng panghilang kalabaw. Huminto ang kariton sa

173 tapat ng malaking itim na pinto ng maluwang na bakuran. Ilang saglit si Ka Tales na nakikiramdam mula sa inuupuang nakabuwal na sako na puno ng palay sa kariton. “Tao po!” sigaw ni Ka Tales mula sa kariton. Ilang saglit pang muling nakiramdam si Ka Tales. Sa Makulong, kung may titigil sa tapat ng bahay, tiyak kaagad ititikwas ang panaradong sawali o sasa at dudungaw ang may bahay. Bumaba sa kariton si Ka Tales. Hawak ang dulo ng mahabang tali ng kalabaw, lumapit siya sa bungad ng malaking tarangkahang itim. “Tao po!” muling tawag ni Ka Tales. Kum altab ang panarado sa loob ng tarangkahan. Sumiwang ang pintuan. Sumungaw ang matandang katiwala na bahagyang nakukuba na sa pagkahukot. “Aba’y ikaw pala, Tales,” bati ng katiwala. “Mukhang napaaga ata’ng uwi mo?” “Takot tanghaliin ’tong pangariton ko, Ka Arong,” tugon ni Ka Tales. “Buti na ’to ’t nang di gaanong initin.” “E siyanga pala! Mabuti’t inabot mo si Senyor. Nakaluwas na sana kundi tinanghali ng pagkasimba,” sabi pa ng katiwala. Ibinuhol ni Ka Tales ang tali ng kalabaw sa isang nakayungyong na sanga ng punong mangga sa harap ng bahay. Kinuha pagkatapos ang isang buslo na puno ng mga bungang kahoy sa kariton. Sumunod si Ka Tales sa katiwala paloob, bitbit ang buslo. Tuluy-tuloy ang katiwala sa maluwang na tanggapan na may malalambot na upuan at may malaki’t nagkikislapang ilaw sa itaas. Kabuntot si Ka Tales na umaasang matutuwa ang Senyor sa kanyang pagdadala ng kabahagi niyon. Nasa tanggapan si Senyor Martin. “Magandang umaga, Senyor,” sabi ni Ka Tales. Sinukat ng tingin ng dinatnan ang dumating. “Mabuti’t dumating ka, Tales,” anang panginoong maylupa.

174 Pinakiramdaman din ni Ka Tales ang dinatnan, binabasa ang kahulugan ng talibukas ng mayamang pinaglilingkuran. “Me dala po akong mga prutas na napitas ko sa inyong lupa,” sabi ni Ka Tales. Iniutos ni Senyor Martin na kunin ni Ka Arong ang buslo at ipinadala sa kotse sa garahe. Umupo si Senyor Martin sa isang tanging upuan sa tanggapan. “Si Victorio m o’y ipinasok ko na sa ’king pabrika ng damit, balita ni Senyor Martin. “Ibig ko nga sanang hinugin muna sa gasolinahan, pero mabuti na nga rin ang nangyari. Ang iyong binata ay isa nang bagong tao, Tales.” “Utang po namin ang lahat sa inyo, Senyor,” gumagaralgal ang tinig ni Ka Tales. “lyan e dahil sa tayo naman e me matagal nang pinagsamahan,” ani Senyor Martin. Humitit iyon sa kanyang pipa at ibinuga ang usok. Makaraa’y sumulyap sa kanyang relo. “Inihatid ko na ang palay para sa inyo,” paliwanag ni Ka Tales. “Naawas na ba’ng inihasik mo no’n?” “Binayaran ko na ang lahat naming nakuhang palay. Dinagdagan ko ng dalawang sako bilang pasasalamat sa nakuha namin,” sabi ni Tales. “Malinaw na naman pala’ng kuwenta. Makipagtuos ka na lang ke Arong. Tanghali na ’ko. Me dadaluhan pa akong pintakasi sa Kabite,” patapos na sabi ni Senyor Martin. “Pakikumusta na lang po sa ’king anak,” habilin ni Ka Tales. Sumampa ang katiwala sa kariton. Tinulungan nitong isampa ang sako ng palay sa balikat ni Ka Tales sa tagilirang unahan ng kariton. Pinasan ni Ka Tales ang sako palundo sa bodega sa may likurang-bahay. Pagkababa ng sako sa bodega, inihahanay iyon ni Ka Tales sa mga nakasalansang sako roon. Pagbagsak ng sako, sumusulasok ang parang nabuhay na alikabok ng palay. Papaalis na ang kotse ni Senyor Martin nang muling lumabas si Ka Tales mula sa bodega. Ni hindi na bumukas

175 ang bintana ng sasakyan. Hindi napigilan ni Ka Tales na kumaway sa hindi nakikitang senyor. Nang makalabas ang kotse, isinara ng katiwala ang malaking pintuang bakal. Nakapako si Tales sa pagkakatayo. “Tamo’ng mayayaman,” pasinghal ng katiwala. “Sa tagal ko nang tagabukas at tagasara ng tarangkahang ’to, ni minsan, di ko pa naranasang ipasyal man lang sakay ng lintik na otong ’yon.” “E maayos naman ang ating kariton, Ka Arong. Bukas sa hangin. Sa kotse, maluluom ka sa lo o b ,” ganting biro ni Ka Tales. Walang imik na sumampang muli sa kariton ang katiwala. “Dito na ’ko,” sabi ni Ka Arong. “Kung isang katawan ka lang, aabutin ka ng siyam-siyam.” Iniatang ni Ka Arong ang sako sa balikat ni Ka Tales. Ipapasok ng magsasaka ang pasan sa loob. Labas-masok si Ka Tales sa ginagawa. Lalong umaaso ang alikabok ng palay sa loob ng bodega habang tumitindi ang init. Pumapaso na wari sa labas ng darang ng katanghalian. Mapipiga na ang kasuotan ni Ka Tales, tigmak sa pawis. Iniisip ng matanda, paghilig ng araw sa kanluran, makababalik na siya sa Makulong. Iilang sako na lamang. Ilang balik na lamang. Nainip na ang katiwala ay hindi pa lumalabas si Ka Tales sa loob ng bodega. Inabot na ng init sa lilim ang kalabaw. Sinulyapan ni Ka Arong ang nakabukas na tarangkahan. Nagsindi ng sigarilyo. Hindi pa rin lumalabas si Ka Tales. Bumaba ang katiwala sa kariton. Pumasok siya sa bodega. Sumabog ang takot sa dibdib ni Ka Arong sa bumungad sa kanyang paningin. Nakalupasay si Ka Tales, pasubsob sa isang nakatihayang sako ng palay. Nakayakap ang kanang kamay sa sako. Ang kaliwang kamay ay nakadaklot sa maalikabok na semento ng bodega. “Tales! Tales!” Paikpik na katahimikan ang tumugon sa tawag ng katiwala.

176

“Tales!” Mabilis na lumapit ang katiwala. Itinunghay si Ka Tales. Nakamulat ang mga mata ng magsasaka, parang may hinahanap. Ngunit payapa ang dibdib. Sinlamig ng saha ang katawan. “San Martin! Birhen ng Kaysasay!” hilakbot ni Ka Arong. Ibinaba ni Ka Arong ang talukap ng dalawang mata ni Ka Tales. Pagkatapos ay tumayo’t tumakbong palabas. Sumigaw nang malakas. Ilang kawaksi sa bahay ang nabigla at nagsilabas. “Ano ba’ng nangyari, Ka Arong?” “Si Tales! Patay si Tales!” Pasugod na pumasok si Ka Arong at ang mga kawaksi sa loob ng bodega. Napansin ni Ka Arong na muling nakamulat ang mga mata ni Ka Tales. Lumuhod si Ka Arong. Marahang idiniin ng hinlalaki ang pilikmata ni Ka Tales. Habang ginagawa iyon ni Ka Arong, kinakausap niya ang bangkay ng magsasaka. “Pumayapa ka na, Tales. Di ka namin pababayaan. Dadapitin ka ng iyong anak hanggang sa hantungan.” Lubusan nang puminid ang mga mata ng bangkay.

19

Tanikala

Sariwang mukha ng sugat sa sinapupunan ng lupa ang libingang nilisan ng taganayon. Isa-isa nang nagsiyao ang nagsipaglibing ay naroon pa rin si Toryo sa harap ng puntod ng ama. Hupa na ang kanina lamang ay maalab na sikat ng araw at ang dapyo ng hangin ay parang malamig na halik ng dumaratal na takipsilim. Lumapit sina Oyo at Oden sa kaibigan. “Tayo na,” sabi ni Oyo. “Gusto kong tumigil pa,” sagot ni Toryo. “Nakauna na ang taganayon,” sabad ni Oden.

177 Nanatiling nakapako ang mga mata ni Toryo sa basa-basa pang kayumangging lupa na nakatabon sa puntod. Isang maliit na palatandaang bato ang nasa may ulunan ng libing. “Napakaraming bagay na dapat sabihin sa ’kin ni Tatang. Marami rin akong ibig sabihin sa kanya,” gumagaralgal ang tinig ni Toryo. Inialakbay ni Oyo ang kanang bisig sa balikat ng kaibigan. Tinapik-tapik niya ang balikat ni Toryo na parang may diwang ipinahihiwatig. “May mga pangyayaring dapat tanggapin, Toryo,” saad ni Oyo. “Tayo na.” Marahang inalalayan ni Oyo ang kaibigan sa paglayo sa puntod. “Ang hirap iwan ng nag-iisang lugal ng huling taong pinagkakautangan mo ng buhay,” mapait ang tinig ni Toryo. “Wala nang natirang anuman sa ’kin.” “Naghihintay sina Bining sa makalabas,” pahiwatig ni Oden. “Di aahon ang mga ’yon kung di ka kasama.” Napahinuhod na si Toryo. Tinalunton nila ang landas na pababa sa labasan. Naroon ang ilang dalaga, kasama si Bining. Sumalubong si Bining sa tatlong magkakaibigan. “Umuna na ang karam ihan,” paliwanag ni Bining. “Maaabutan naman natin sila sa daan.” Sumakay na sila sa inalkilang dyip pampasaheruhan. Tinahak nila ang pakiwal-kiwal na daang-nayong pasudlong sa Makulong. Walang imikan ang nasa loob ng sasakyan. Namamayani ang ingay ng dyip na pumapagutpot ang tambutso sa pagtakbo. Umaalimbukay ang alikabok sa kanilang dinadaanan. Malamig na ang simoy ng hangin at unti-unti nang bumabalabal ang dilim. May sindi na ang ilaw nang dumating ang dyip nina Toryo sa bahay ni Ka Tales. Pumanhik ang mga bagong dating. Ilang matandang nayon ang natitipon sa may kabahayan. Isang tiyahin ni Toryo ang nag-aasikaso ng pagluluto ng

178 hapunan sa may tungko sa kusina, kanugnog ng batalan. Ang isa namang taganayon ay nagsalin ng kape sa mga lalagyang tasa at isa-isang inaabutan ang mga dumaang nagsipaglibing. Sa loob ng isang lata, pasalok na kinuha ng tiyahin ni Toryo ang halu-halong tinapay na biskwit, inilagay sa malapad na bandehado at inihain sa mababang papag sa bulwagan. Umaaso ang kape na maitim ang pagkabarako habang sinisim sim ng mga ku lu bot na labi o kung sinasawsawan ng pinalalambot na biskwit ng mga may bunging ngiping taganayon. Payapang naupo si Toryo sa isang mababang bangkong kawayan. Pinaggitnaan siya nina Oyo at Oden sa likmuan. Nakamata lamang si Toryo sa kalahatan ng loo b, sa kahungkagang waring walang makapupuno. Hindi niya maiwasang sundan ng tingin si Bining na pagkapanhik sa bahay ay tuluy-tuloy sa kusinaan at tumutulong sa mga gawain. “Ano ba’ng balak mo, Toryo?” mahinang tanong ni Oyo na parang anas lamang na inihatid sa pandinig ng tinanong. Sa kuyom na saglit, nagsasalitan sa balintataw ni Toryo ang magkataliwas na panganorin ng panatag na larawan ni Bining na maasikaso sa pagtulong sa kanyang mga tiyahin sa panahon ng pighati, isang payapang dampulay na nagpapatighaw ng hapdi sa sugat at ng maalong dibdib ng isang magdamag sa piling ni Karen, m alagablab, mapusok, lumalagom. Nasa sangandaan siya ng pagpapasiya at talos niyang panahon lamang ang makapaghihimaton sa kanyang kagupuan ng maaaring gawing pagpapasiya. “Sisikapin kong makatapos, O yo,” tugon ni Toryo. “Kinamatayan ni Tatang ang pag-asang iyon.” “Paano ang saka ng iyong tatang?” sabad ni Oden. “Bahala na,” matipid ang mga salita ni Toryo. “Pahahawakan muna siguro sa iba. Marami namang kokonti ang saka dito sa ’tin.”

179 “Talagang desidido ka na sa lungsod?” muling tanong ni Oyo. “Parang ’yon nga ang guhit ng buhay k o ,” ani Toryo. “Masakit na pasiya ito. Hindi madaling talikuran ang kanyang ugat.” “Hang taon lang naman ’yon, Toryo,” sabi ni Oden. “Ako rin, kung ibibigay sa ’kin ang ganyang pagkakataon, di na ako magdadalawang-isip pa.” Maya-maya’y lumapit si Bining sa kanila. Nakapatong sa silbihan ang ilang tasa ng umaasong kape. “Malamig ang simoy sa labas. Panlaban sa ginaw ang init ng kape,” alok ng dalaga. Umabot ng kani-kanilang tasa ang tatlong magkakatabi. Hinigop ni Oyo ang umuusok na kape sa tasa. “Salamat, Bining,” sabi ni Toryo, inilapag ang tasa ng kapeng hawak niya sa tabi ng likmuan. “Sa sunod na ako magpapasalamat. ” “Ikaw na tao ka kung magsalita,” sabi ni Bining na ang mga kataga’y hinog sa pahiwatig. Isang dalagang nayon ang naglagay sa harapan nila ng isang platitong may lamang biskwit. Dinukwang ni Toryo ang isang biskwit, isinawsaw sa kape at isinubo. “Hinuhugasan din ba ang biskwit sa Maynila?” biro ni Oden. “Kultura ito ng mga Pilipino,” paliwanag ni Toryo. “Ibig sabihin, malinis tayong tao. Aba, tinapay na, hinuhugasan pa ng kape bago isubo, minamantak m o,” sabi ni Oden na napapalatak pa. Napatawa ang mga magkakaumpok sa mga biro ng talubata. “Talagang malikot ’yang utak mo, Oden,” sabi ni Oyo. “Kung anu-ano ang sumasagi. Iyan ba ang napupulot sa eskuwela?” “E pa’no, iiwan ko muna ang inyong biruan,” sabi ni Bining. Ang silbiha’y itinapat naman ng dalaga sa ibang magkakaumpok.

180

“Ang bait ni Bining. Suwerte talaga ng mapapangasawa niya,” sabi ni Oden na nakatingin sa lumayong dalaga. Walang kumibo sa halatang pambibingwit na parunggit ni Oden. Sa bawat loob, alam nina Toryo at Oyo na ang anumang salita ni Oden tungkol kay Bining ay parehong panudla sa kanilang malay. “Ilan pa bang taon bago ka makatapos?” maya-maya’y ungkat ni Oyo. “Mahirap sukatin,” ani Toryo. “Mahirap pagsamahin ang trabaho’t pag-aaral.” “Ang hirap marahil maghintay. Kung napakatagal, baka tuluyang mapapugal,” kanting muli ni Oden. “Nasa isip ang tagal,” paliwanag ni Oyo. “Pag naghasik ka sa bukid, parang ke tagal bago mag-ani. Pero isang umaga, magigisnan mo na lang, humahalimuyak ang nagbubuntis na uhay.” “Pero ang tao’y nag-iisip bawat saglit. Kaya naimbento ang segundo, minuto, oras, araw, buwan at taon. Kaya natuklasan ng tao ang kahulugan ng tagal at dali,” pakli ni Oden na ayaw patalo. “Ang pangarap ng tao’y parang pagtatanim ng puno. Hindi sinusukat ang puno ng mga saglit o taon. Ang tagal ay pag-asa. Doon ay walang huli’t una,” sabi ni Oyo. “Pero may punong mauunang mamunga sa mabuting asikaso. Malaki ang bahagi ng pagkainip sa progreso ng buhay, Oyo,” pahabol ni Oden. “Hindi na malay ng isang magsasaka ang pagkainip,” patapos ni Oyo. “Sa nayon, birtud ang paghihintay. Ang buhay ay isang paikot na tadhana.” “Ibig kong umalis sa ikot ng tadhana, O yo,” sabi ng talubata. “Nagisnan nating pang-ampat sa dugo ang taeng tuyo ng kabayo. N akatali tayo sa mga pam ahiing nagbabatas sa ating buhay. Iyon marahil ang nagagawa ng edukasyon sa isip. Ang isang nag-aral ay nabibigyan ng bagong kasangkapan.”

181 “M alao’t madali, aalis ka rin sa Makulong, O den,” sabi ni Oyo. Alam ni Toryo, may ibig idugtong si Oyo sa sasabihin hinggil sa pag-alis. Nang gabing iyon, nabuksan kay Toryo ang dalawang pamantayan ng pananaw-nayon na kinakatawan nina Oyo at Oden, o niya. At parehong tama ang mga iyon. Naisip ni Toryo, malayo na rin ang nasapit ng diwa ni Oden, mula sa tulian sa liblib patugpa sa liwanag ng silid-aralan. Matatag si Oyo sa ugat na sinuso sa kalikasan, batayan ng batongbuhay, ng bundok, simoy, ulan, in it, unos at katalagahan na ang buhay ay payapang naglalakbay at sinusukat ng umaga, tanghali, gabi, bukangliwayway, hatinggabi, madaling-araw. Kaya ang nayo’y umuusad na payapa, parang mga paragos o kanggang hinihila ng kalabaw sa tumana na ang agwat ay sinusukat ng malayo o malapit o madali. At si O d en , sa kamalayan ng karunungang ipinamamata sa paaralan ay umigpaw na sa sukatang niyayapos pa ring katotohanan ng kamalayan ni Oyo. Nahigop na nila ang kape sa tasa. Kinuha ni Toryo ang tasang ginamit nina Oden at Oyo at inihatid sa banggerahan. Nasa hugasan si Bining, naglilinis ng mga kagamitan na isaisang inililigpit, ang mga baso’y itinataob sa salalayang kawayang sahig ng banggerahan, ang mga pingga’y patayong pinagsususon-suson sa pagsasandal at ang mga tasa’y pinagpapatong katabi ng mga pinggan. ‘^Hirap na hirap ka, B in ing ,” sabi ni Toryo habang inilalapag ang mga tasa sa hugasan. “Wala ito ,” sabi ni Bining, “Saka, sino pa’ng dadamay sa ’yo ng higit kaysa akin?” “Napakabuti m o,” halos pabulong ang salita ni Toryo. Nakamata si Bining kay Toryo. Sa mga mata ni Bining ay may kislap na parang anag-ag ng tala. “Bakit ka ba ganyan kung magsalita? Parang kung ituring mo ako’y iba, T oryo,” naghahanap-paliwanag ang tinig ni Bining.

182 “Iniisip ko lang naman,” sabi ni Toryo, “parang itinatali kita sa buhay ko, Bining. Hindi iyon makatarungan sa iyo.” “Bakit ka ba ganyan, Toryo?” mariin ang mga salita ni Bining. “Alam mo ang ating katayuan. Iginagalang ko ang aking salita sa ’yo.” “Nadadama ko ang lahat,” paliwanag ni Toryo. “Ngayong wala na si Tatang, walang tiyak ang buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang maaaring maghintay sa ’kin. Doon ako natatakot, Bining. Nais kong ilayo ka sa kawalang katiyakan ng aking buhay. Hindi ko masabi sa ’yo nang husto. Pero natatakot ako ngayon, Bining. Natatakot ako sa hinaharap. Aayaw kong isama kita sa aking takot,” gumagaralgal ang bawat salita ni Toryo. Nakita ni Toryo ang payapang hapding isinilang ng mga mata ni Bining. Hindi iyon ikinubli ng dalaga. Ibig ni Toryong pahirin ang dagtang iyon ng hapdi sa lamyos ng halik, ngunit wala siyang lakas na iyo’y gawin. “Ito ba ang panahong dapat nating pag-usapan ang ganito, Toryo?” tanong ni Bining, banayad ngunit tigib ng hinanakit. “Ang pagkamatay ni Tatang ang sandali ng katotohanan sa akin, Bining,” sabi ni Toryo. “Nais kong unawain mo ako.” “Nauunawaan kita, Toryo. Pero saan ko man ito tingnan, nadadama ko’y ang isang nakatagong kalupitan,” madiin ang halos pabulong na sumbat ni Bining. Tuluy-tuloy na ang dalaga sa ginagawa nito. Alam ni Toryo, palihim na lumuluha ang kasintahan. Ibig niyang aliwin si Bining. Hindi totoong malupit siya, hindi niya iyon maaaring aminin. Pero talos niyang masakit ang pagsisiwalat niya ng iniisip kay Bining. Naghintay iyon. Umasa iyon. Nagpakatapat iyon. At sa isang banal na sandali, sasabihin niya, ang lahat ay dapat limutin na lamang. “Tanikala mo ako, Bining. Pangarap ko ang iyong kalayaan,” mataimtim na usal ni Toryo. Marahang tumalikod si Toryo. Muli siyang umupo sa pagitan nina Oden at Oyo. Walang imikan ang tatlo. Marahil,

183 naisip ni Toryo, nahiwatigan ng mga kaibigan ang dinadala niya sa kanyang dibdib. “Kailan ang luwas mo?” basag ni Oyo sa katahimikang namamayani. “Pagkatapos ng apatan ke Tatang,” matipid na tugon ni Toryo. “Bakit di mo pa mahintay ang siyaman?” tanong ni Oden. “Me trabaho ako e. Saka paano ’yong pag-aaral ko? Babalik na lang ako sa siyaman,” sabi ni Toryo. “Gipit nga rin ’yang kalagayan mo, Toryo,” amin sa sarili ni Oden. “Pero nandiyan na ’yan. Anuman, ituloy mo na. Wika nga, pag matamis ang tubo, matamis hanggang dulo.” “Sa ’ting magsasaka, me katapat na pagpapakasakit ang lahat. Kung ibig mong lumusog ang palay, isasakripisyo ang damo. Ang buhay, tulad ng pagsasaka’y pamimili at pagtatakwil,” makahulugang pakli ni Oyo. Di kaginsa-ginsa’y dumaan sa harap ng tatlo si Bining. Pagawi ang dalaga sa hagdanan. “Saan ang punta mo?” tanong ni Oden. “Mauuna na ako,” tugon ni Bining. “Maghahapunan muna tayo,” sabi ni Toryo, mahina ang tinig. “Luto na rin marahil sa ’min,” sabi ni Bining. Tuluy-tuloy nang pumanaog si Bining. Sumunod si Toryo. Inagapayanan ng binata sa pagbaba si Bining. Sa pultahan, bago sumapit sa labasan, bahagyang hinawakan ni Toryo ang bisig ni Bining. “Ibig kitang tapatin, Bining,” sabi ni Toryo. “Sa ’kin, ang mahalaga’y ang kaligayahan mo. Parang hindi ko iyon maibibigay sa iyo.” Hinigit ni Bining ang bisig sa pagkakahawak ni Toryo. “Maliwanag sa ’kin ang lahat. Sa palagay ko, wala na tayong dapat pag-usapan,” sabi ng dalaga. Tuluy-tuloy nang lumakad na palayo si Bining. Napansin ni Toryo na nasa kanyang likuran si Oden. Alam na ni Toryo

184

ang gagawin ng talubata. Sinundan ni Oden si Bining. Ihahatid ni Oden ang dalaga. Nanatiling nakatayo roon si Toryo. Inihatid niya ng tingin sina Bining at Oden. Hanggang ang anino ng mga iyon ay lubusang lamunin ng dilim. Inut-inot nang pumanhik si Toryo. Nasa kinauupuan pa rin si Oyo. Tahimik na naupo si Toryo sa bangkong kawayan. Walang imikan ang dalawang binata. “May problema ba?” may agam-agam na tanong ni Oyo kalaunan. “Wala naman,” sabi ni Toryo. “Hindi naman sa lahat ng oras e maaaring magkaintindihan ang tao.” Hindi na umimik si Oyo. Alam ni Toryo, patuloy ang kaibigan na nagtatanong sa kanyang isip. Alam din niyang ang biglaang pag-uwi ni Bining, na hindi man lamang naghapunan ay may mga kakambal na tanong sa isip ng taganayon. Maya-maya’y dumating na si Oden. Pumagitna ito kina Oyo at Toryo. “Ano ba’ng nangyari?” tanong ng baguntao. “Me iniisip ka bang nangyari?” sagot-tanong ni Toryo. “Para namang misteryo ng gabi ang mga kilos ninyo,” hindi papigil ang bibig ni Oden. “Ang isa’y biglang-biglang umalis. Pag-uwi sa kanila, tuluy-tuloy sa tulugan. Ni hindi ata maghahapunan. Tapos, sasabihin mo sa ’kin, me iniisip ba akong nangyari?” Naputol ang kanilang pag-uusap nang tawagin sila ng isang tiyahin para maghapunan. Nakita nilang nangakadulog na ang mga taganayon, nakahanay sa harap ng latok, nakalupagi sa kawayang sahig. Dumulog na rin ang tatlo. “Ba’t ba hindi na nakahintay ng hapunan si Bining?” tanong ng isang tiyahin ni Toryo. Minabuti na ni Toryong hindi umimik. Pero ayaw papigil ni Oden.

185 “Aayaw ho sigurong kumain. Pagdating ho sa kanila, ayun, tuluy-tuloy nang tumulog,” balita ng matabil na talubata na ikinatawa ng ilang katatandaan. “Iyang bibig m o,” palihim na saway ni Toryo. “Lahat itinatambuli m o.” Tahimik na ang lahat sa paghahapunan. Parang ayaw na nilang ungkatin pa ang ilalim ng isang lumitaw na lihim, alang-alang sa paggalang sa yumao at pagpapahalaga sa damdamin ni Toryo. Payapa sila sa kanilang pagsubo ng kanin na sinabawan ng patis ng isinaing na tambakol na pinaisan ang bawat gayat ng sariwang dahon ng saging na saba. Matapos ang hapunan, ang ilang matatanda’y nagsimula nang magdasal para sa kaluluwa ng isang yumao. Matapos ang lahat na ritwal ng paglilibing, ang ulilang bahay ni Ka Tales ay lubusan nang nilagom ng pagluluksa. Pabiling-biling sa higaan nang gabing iyon si Toryo. Hindi kumawala sa kanyang isip ang kawil ng mga pangyayari. Wala na ang kanyang ama. At sa nangyari sa kanila ni Bining, dapat niyang harapin na ang katipan man ay maaari na ring lubusang maglaho sa kanya. Ito ’y isang bagay na binanghay niya pero nang magdumilat na ang katotohanan, para iyong multong kinatatakutan ng kanyang isip. Inaamin niya, mahalaga sa kanya si Bining. Ang dalaga’y parang siyang unang pamumulaklak ng diwa ng pag-ibig sa kanyang malay at ngayong ang talulot ay nanganganib mangulutding, lubusan siyang nababahala maging sa pag-iisa. Subalit buo na ang kanyang pasiya. Ang hapdi ay lilipas. Ang alaala ay madaling tatakas. Ngunit ang mahalaga’y ang mabigyan niya ng laya si Bining na liparin ang malawak na papawirin, makaraang makahulagpos sa gapos ng kanyang tanikala. Sasabihin niya iyon kay Bining. O kanyang isusulat. Maghihilom ang sugat, magkakapuwang ang pag-unawa. Nakadama si Toryo ng bahagyang ginhawa, ngunit ang malay ay nanatiling naghuhumindig sa kanya. Bumalikwas siya sa

186

higaan. Dumako sa may bintana. Ikinatang niya ang durungawang nakapinid, makaraang iyon ay isiwang nang bahagya. Maaliwalas ang langit. Kumukutikutitap ang mga bituin. Sa kanluran, nakita ni Toryo ang bituin sa umaga. Pinunit ang katahimikan ng gabi ng tilaok ng tandang sa madaling-araw.

0 Pam ana ng Patay Dalawang araw bago ang siyamam kay Ka Tales nang sumadlak sa Makulong ang mga trak-panghakot ng tubo. Malawakan ang ginawang paggapak sa mga tubuhan ng mga magsasaka ng nayon. Pinangungunahan ni Kabesang Ote, ang mga tubuha’y tinabasan ng dulo. Ang magagapak ay hilera sa mga tudling ng naputulan ng dulo, pinuputol ang mga tubo sa pinakapunong sapul sa lupa at itinitimbong pahalang sa ginapakan. Tinitiyak ng mga gumagapak na walang upak ng tubo na nakakapit pa sa katawan ng ikakargang tubo sa trak para ang mga iyon ay malinis na ikakarga sa mga sasakyang itatahak sa gitna ng tubuhan. May mga nakatokang magkakarga sa trak, na para maakyat ay nilagyan ng hagdang kawayan. Sa itaas ng trak, itatalaksan ang mga tubo, hanggang sa mapuno ang isang hakot. Mula sa Makulong, ang mga trak ay ilalakbay sa bagong katatayong asukarera na siyang m agiging m odernong iluhan na pagluluwalan ng maputing repinado. Naroon si Oyo sa kalipunan ng mga gumagapak. “Ayos ba ’tong bagong kalakalan, Oyo?” tanong ng isang kabataang gumagapak sa kasunod na tudling. “Di naman tayo ang nagpapasiya nito e,” tugon ni Oyo. “Tayo’y tagasunod lamang.” “Ibang-iba ang iluhang ’to sa pag-ilo sa tarapitse,” patuloy ng kabataan. “D o o ’y nakakainom tayo ng puyaw pag

187 nauuhaw. D ito ’y parang naglilingkod tayo sa isang dambuhalang makina.” Naiisip ni Oyo, sa bagong sistema ng pananakahan, ang mga magsasaka’y pumailalim sa isang kalakarang hindi kinagisnan sa nayon. N oon, ang isang m ag-aararo’y maituturing na isang malayang magsasaka na ang kapalaran ay nakasalalay nang malaki sa kanyang kakayahan o kawalan ng kakayahang magpalaki ng ani. Kung magaling ang isang magsasakang mangalaga ng kanyang tubuhan, kung alaga niya ang kanyang linang sa paggamas ng mga mapanupil na mutha, agingay o gumagapang na mga damo, ang suloy ng kanyang mga tanim ay lulusog at ang mga tubo’y lalagong mayaman sa katas na titiyak ng higit na malaking pakinabang para sa isang masikap at masipag. Bukod doon, habang ang mga tu bo’y suloy pa lamang, makapagsasalit pa sila ng mga tanim na mais sa pagitan ng tubuhan, o kaya’y makapagtatanim sila ng tapilan o sitaw sa gitna ng tubuhan na maaaring pandagdag sa ani at pantakip sa paghihirap o m ayam ang pagkukunan ng p agkaing m agsasaka o pampataba sa kanilang mga alagang baka, kabayo, kalabaw o baboy. Sa bagong kalakaran, ang mga lupain ni Senyor M artin ay nakatoka lamang sa tubuhan at kailangang matugunan ng Makulong ang kota na kinontrata sa kanila ng pangasiwaan ng sentral. Mapapako na lamang ang mga magsasaka sa mga tiyak na kita na magmumula sa upa sa pagtatrabaho sa lupa at hindi na tuwirang mabibiyayaan ng ani maging iyon ay tu bo , mais, palay o iba pang pananim . N o o n g una, kung m agkasakit ang isang magsasaka, nagbabayanihan ang mga mag-aararo sa hindi niya m agam p anang tu n g k u lin sa lin a n g at siy a ’y nasusuhayan ng mga kasama h an ggan g sa m uling makapagtrabaho. Sa ngayon, ang bawat magsasaka’y para sa kanyang sarili at walang makakaako sa mga kakulangan ng sinuman.

188 Siyaman na sa makalawa kina Ka Tales,” pansin ng isang matanda. “Balita’y magpapatay ng malaking baboy. Aba’y doon na tayo makakapananghali pag nagkataon.” “Kung tayo’y maaabot ng anyaya,” sabad naman ng isa. “Ang taong ito, parang iba kung magsalita. Hindi ito kasalan na ’ika nga’y may dapat ipuwera. Ang pagdalo sa siyaman e bahagi pa rin ng pakikiramay,” paliwanag ng matanda. “Aba’y kung gayo’y dapat na naroon na tayo sa tulungan,” katnig ng isa pang magsasaka. “Balita’y sa bisperas na ng siyaman dadating si Toryo. Dapat namang maipakita natin sa tao ang ating pagdama.” E maiba ak o ,” sabi ng matandang gumagapak na bahagyang hininaan ang boses na parang ibig iiwas kay Oyo, “makirasal kaya si Bining sa siyaman?” “Hindi man lang sumungaw ang dalaga ni Anane sa apatang araw. Duda ako kung dadalo ’yon sa siyaman,” haka ng isang magsasaka. E tamo nga n am an ,” pahinagpis ng m atandang magsasaka, ‘ang tagal na inasam ni Ka Tales na lalagay sa tahimik si Toryo na kasama si Bining. Malaki na rin naman ang napamuhunang paggawa ng magaling ng ama ni Toryo. ’Yon pala’y magiging tulyapis din ang bunga.” “Talaga namang gano’n ang buhay ng magsasaka. Pag di inayunan ng panahon, anumang gawin, hinagpis lang ang aanihin,” sabad naman ng isa. “Pero nakakahinayang,” sambit naman ng isa. “Sa lamay ke Ka Tales, aba’y parang anak ng naulila si Bining. Akalain mo bang pagkalibing e biglang umiba ang ihip ng hangin.” “Sa palagay ko’y me kulang ang binata,” sabi ng matanda. “Iyang pag-ibig, para iyang tanim. Dapat alagaan.” Kunsabagay, mahirap tayong humusga sa mga nangyari,” may him ig ng panghihinayang ang isang kabataang magsasaka. “Ito ’y usapan lang ng magkakasama.”

189 Mainit na ang araw sa umaga na halos nasa dulo na ng tibanglos ng kawayan. Sa pagitan ng mga pag-uusap, walang tantan ang ginagawang paggapak ng tubuhan. Wala ring tigil ang dalawang magbubuhat ng mga ginapak na nanunulay sa umuugoy na hagdan paakyat sa kargahang trak. Gabundok na ang nakatimbong tubo sa loob ng sasakyan at talos ng mga gumagapak, sa oras na mapunuan nila ang panghakot, hindi na sila aaraste ng paggapak. Minsa’y nakakadalawa o nakakatatlong hakot ang trak sa maghapon, at ang isang cktaryang tubuhan ay halos nagmamatira sa loob ng dalawang araw na pagtatrabahong walang humpay. “Sa tulungan kina Ka Tales, dapat e ’sang trak lang ang pupunuan natin,” sabi ng magtatrabaho. “Para naman malubos natin ang pagdamay kay Toryo.” “Ano kaya’ng mangyayari sa bahay ni Ka Tales?” tanong ng isang kabataan. “Wala nang tatao do’n .” “Iyang ulilang bahay, basta’t di na mailawan tuwing takipsilim e parang taong malapit nang mamatay. Isang araw, matatanggal ang mga sanib ng bubong, malalaglag ang sawali ng dingding at aanayin ang mga tukod,” sabi ng matandang magsasaka. “Kahabag-habag ang isang bahay na naulila.” “E kanino raw ba mapapapunta ang sinasaka ng matanda?” tanong naman ng isa. “Ang sabi’y sa naghahawak daw ng karatig. Matunog na si Ka Anane ang mag-aararo ng palayan ni Ka Tales,” balita ng-isang talubata. “Say an g ,” pahim utok ng isang kabataan. “ Kung nagkatuluyan sina Bining at Toryo, di hindi mahihirapan si Ka Tales sa kabilang buhay.” “Ikaw na bata ka,” singhal ng nagpapaunawang matanda, “’yung tulyapis, hayaan nang tukain ng maya.” “Pati ang tarapitse nina Ka Tales e hindi na mapapakinabangan,” malungkot ang tinig ng isang magsasaka. “Iyong pugon at tarapitse’y mana pa ng namatay sa kanyang

190 mga ninuno. Takut-takot na istorya na ang naganap sa pagikot ng tarapitse taon-taon. Iyon na nga lang ang nalabi sa dating kabuhayan ng pamilya ni Ka Tales. Ngayo’y baka mawala pang tuluyan sa ’tin.” “Pinauupahan ng pamilya ni Tales ang pugon tuwing tagilo. Pero ngayo’y pa’no pa magagamit ’yon? Ang pugon ay pinalitan na ng sentral ng asukal. Nakakahinayang nga lang at di na tayo makakakuhit ng pulot sa pag-iilo,” anang matandang magsasaka. “Ang lahat ng ’to ’y nangyayari sa ngalan ng tinatawag nilang pag-unlad,” sabi ng isang kabataan. “Iniisip nila ang pag-unlad ng lahat. Sabi’y ng buong Pilipinas daw,” umiiling ang matanda. “Pero alin bang Pilipinas? Di ba’t tayo ang higit na marami sa Pilipinas? E tingnan mo ang Makulong, sino ba’ng umuunlad?” Napuno na ang malaking trak. Tirik na ang araw sa langit. Lumalagitik na ang mga tuyong dahon ng tubo kung nayayapakan ng mga yapak na may kalyo. Makapananghali, may isa na namang trak-kargahang sasapit sa tubuhan. Alam ng mga magsasaka, pagdating ng bagong kargahan, parang mga sisiw silang hahabulin na naman ng uwak, magkukumahog sa paggapak, pagkakarga sa trak upang pagsapit ng hapon, ang bawat magsasaka’y magtutungo sa bahay ni Kabesang Ote at sasahod sa maghapong pinagpaguran. Nang gabing iyon, sa bakuran ni Kabesang Ote, pinulong ang mga magsasaka ni Senyor Martin. Nagkanya-kanyang umpukan ang mga magsasaka para makinig sa bagong balita. “Ito na ang sistema ng inyong pamumuhay mula ngayon,” sabi ni Senyor Martin at naalaala ng mga kaharap ang noon pa’y sinabi na sa kanila ni Kabesang Ote. “Uupahan kayo sa inyong pagod. Ang lupain ay patatakbuhin gaya sa isang pabrika, at kayo’y mga namamasukan. Higit itong mabuting sistema. Walang kakaltasin sa ani ninyo, walang aawasin sa gastos sa pataba, walang panganib na may pangararong sarili

191 na mamamatay. Puhunan lang ninyo’y sariling lakas. Kayo ang magiging gulugod sa pagpapatakbo at pagpapaunlad ng tubuhan. Marahil e hindi pa natin maibibigay sa inyo ang iniisip ninyong dapat tanggapin. Pero huwag kayong mainip. Hindi taingang-kawali ang may-ari. Tinitiyak ko sa inyo, lahat ay mabibiyayaan kung tayo ay papalarin.” Pinag-usapan ng mga magsasaka ang sistemang ipasusunod. Kung ano ang dapat asahan ng mga magsasaka. Ang batayan ng pagpapasahod. Ang mga tulong na pangkagipitan, kung may nagkakasakit sa pamilya, kung nanganganak ang asawa o nagpapabinyag o nag-aasawa ang anak. “Si K abesang O te ang sasagot ng lahat ninyong kailangan,” paniniyak ni Senyor Martin. “Pero huwag naman ninyong pupunuin ang listahan ng kukuning pampaluwag ke kabesa,” biro pang dugtong ng senyor. “Hindi po ba puwedeng kung magkasakit ang isa sa ami’y akuin ng iba ang kanyang gawain para ang sahod ng nagkasakit ay patuloy niyang tamasahin?” si Oyo ang nagtanong. “E para mo na ring itinanong kung puwedeng bigyan ng grasya ang taong hindi naman nagbanat ng buto,” kaagad na balandra ni Kabesang Ote. “Kami’y maaaring magkasakit dahil sa pagtatrabaho,” matuwid ni Oyo. “Ang pananagutan ay may dalawang mukha. Hindi lang amin ang bigat ng pananagutan.” Tumayo si Senyor Martin na parang hindi nasasaling ang damdamin ng sumulpot na pagtatalo. “Ang bagong organisasyon ng mga lupain ay binubuo ng mga taong malayang sumapi o tumiwalag. May mga patakaran ditong ipasusunod. At alam na naman ninyo ang mga patakaran, tatanggapin ito o tatanggihan batay sa mga indibidwal na pagtingin. Ang ibig kong ipaabot sa lahat, hindi sapilitan ang pagpapasailalim ng samahan. Pero kapag inyong pinili ang pumailalim, may moral

192

kayong pananagutang tumalima sa mga patakaran at simulaing itatadhana para sa lahat.” May agam-agam na nagsiuwi ang mga magsasaka. Pero ang lahat ay umaamin sa isang katotohanan: ang bagong kalakaran ay humihingi ng panibagong pakikipag-ugnay at ng bagong pagtanggap. “Tama ang iyong sinabi kanina, Oyo,” sabi ni Ka Tulume. “Pilit waring tayo’y pinamumuhay na mag-isa, gayong tayo’y bahagi ng isang kabuuan. Nakakatakot wari ang mga pangyayari. Ibig nilang baklasin ang pagkakakawil na ating ginisnan. Ibig nilang tayo’y mabuhay na makasarili.” “Nababago na nga po ang kalakaran ng ating pamumuhay,” sabi ng isang talubata. “Iyan ang dapat nating katakutan,” malumanay na sabi ni Oyo. Hindi mapaknit sa kanyang isip ang nangyari, ang halos pagpapatigil sa kanya sa pagsasalita, ang tandisang pagpapamukha sa kanya ng pagsuway sa anumang katwirang ihahain ng isang magsasaka. “Tinatrato tayong tunay na upahan,” sabi ng isang kabataan. Nakahilera ang mga nag-uusap sa maliit na tindahan ni Ka Saning. Sa may balisbisan, may nagtirik ng tibanglos na nagtapon ng pulang liwanag sa mukha ng magkakaharap. Nagpabukas ang isang taganayon ng galon ng lambanog. Nagtakal sa baso. Sa unang takala’y sinukat nila ang lambanog ng pahigang kahon ng posporo na makaraa’y sinukat ang pagtatakal ng patagilid na lalagyan. “Hindi tayo nag-iinom dahil ibig nating malasing,” paliwanag ni Ka Tulume. “Sa ’tin, ang inuman e sa maganda, hindi sa masama.” “Wika nga, ang alak e dapat ilagay sa tiyan, hindi sa ulo,” sabad ng isa pang matanda. Lumalim na ang gabi’y naroon pa rin ang mga taganayong nagkakaumpok sa harap ng tindahan. Sa askad ng alak, napagusapan na nila ang lahat na maaaring pag-usapan, mula sa

193 nakatutuwa hanggang sa nakatatakot. Ang lambanog, sa mga taganayon, ay sukatan ng pagkalalaki o ng ugnayan ng magkakanayon sa isa’t isa. Kung hindi nakikiumpok ang isang kanayon sa mga inuman, siya’y babansagang walang kapwa tao. Kung ang isang kasangga sa inuman ay hindi kaagad makatungga ng alak, tiyak na uupatan siya ng mga talsikbirong mabuti pang magtagal ang kamay sa suso, huwag lang sa may lambanog na baso. May hamog na ang talim ng damo at may dapyo na ng tunog ang simoy nang maghiwa-hiwalay ang m agka­ kaumpok. Halos lahat ay malagihay na kundi man lubusang lasing. Sa mga magsasaka, masaya at mabunga ang araw, may bakas ang karanasan sa kanilang mga isip. Nahihilo na rin si Oyo dahil sa karga ng nainom. Ngunit ibig niyang umuwing parang walang anuman. Ibig niyang maging magaan ang kanyang yapak at ipinipilig niya ang ulo para mabawasan ang pagkahilo. Kabilin-bilinan ng kanyang ina ang tungkol sa pagkalango, lalo na nang yumao ang kanyang ama. Aayaw niyang bigyan ng alalahanin ang ina kung siya’y nasa labas ng bahay. Marahang kinabig ni Oyo ang pintuang kawayan na hindi pa nakatarangka. Naisip niyang talagang inilalaan ng ina ang bukas ang pinto para hindi na siya kumatok pa at manggising. Sa mapusyaw na liwanag ng ilawang kingke’y nakita ni Oyo si Ka Antang. •“Ba’t gising pa kayo, Inang?” tanong ni Oyo. “Me nakapagsabi dito na naroon ka raw sa harap ng tindahan ni Saning,” sagot ng ina na banayad ang boses. “Nagkatuwaan lang ho ang magkakasama, In a n g ,” katwiran ni Oyo. Umupo si Oyo sa kawayang bangko sa loob ng bahay. Hindi pa rin tumitinag si Ka Antang sa pagkakalupagi sa banig. “Ano ba’ng balak mo, anak?” maya-maya’y tanong ng ina.

194 “Ano ba’ng itinatanong ninyo, Inang?” tanong ni Oyo. “Nakipagtalo ka raw kanina sa miting, anak,” malumanay na sabi ni Ka Antang. “Ibinibigay ko lang ho ang aming panig, Inang,” pakli ni Oyo. “Balita’y hindi raw naging maganda ang usapan, Oyo,” may bahid ng pag-aalaala ang boses ng ina. “Pinagsabihan ka raw ni Kabesang O te.” “E nasa panig ko naman ho ang mga tagarito sa ’tin, Inang. Alam nilang nagsasalita lang naman ako para sa ’ming lahat.” “Pag pinid na’ng sisidlan, hindi na ito maaaring mapunan, anak,” paalaala ni Ka Antang. “Sa tingin ko, pinid na sisidlan na’ng panig nina Senyor Martin.” “Pero dapat nilang marinig ang ating panig, Inang,” maigting ang salita ni Oyo. “Kailangang mabuksan ang mga pinid na pag-iisip.” “Sila’ng me hawak ng palayok, anak. Sila ang may hawak nS pagkain,” sabi ng ina. “Inaalaala ko lang, napakahirap ilaban ang palayok sa kawa.” “Ano ba’ng ibig ninyo, Inang?” tanong ni Oyo, makaraan ang ilang saglit na patlang. Umalis si Oyo sa bangko at lumupagi sa banig, kalapit ni Ka Antang. “Aayaw ko ng gulo, O yo,” maliwanag na sabi ni Ka Antang. “Tayo na lamang dalawa. Pa’no pa kung me hindi magandang mangyari sa ’ting buhay dito sa Makulong?” Hindi na umimik si Oyo. Naisip niya, likas lamang sa mga ina ang mag-alaala. At talagang ganoon si Ka Antang. Mula pagkabata, nakasunod na ang ina sa kanya. Parang hindi siya makalaya kahit ilang saglit. Hanggang sa pagbibinata’y parang nakabatas ang guhit na itinakda ng pagkamagulang ng kanyang ama at ina. Sa katandaan ni Ka Antang, nais niyang igalang ang anumang pinag-ugatang pananaw na may pagkakaugnay sa kanya. Iniisip niya, tuwi-tuwina, ang ina ang nagpunla sa kanya ng mga pagpapahalaga hinggil sa pagiingat, hanggang sa kalakihan niyang matakot sa tubig,

195 pagkat sa mga Linggo ng paglalaba sa di kalayuang lawa, naroon ang ina, habang binubugbog ng palo-palo ang labahi’y nakatutok sa kanya ang kamalayan na sisigaw at sasabihin sa kanyang huwag masyadong pakakalalim pagkat ang lawa’y mapanganib at kumukuha ng buhay taun-taon. O kung nagpipista sa San Diego, hindi niya malilimutan na siya’y tinatabingan ng sawing o payong ng mga matatanda, pagkat minsa’y may isang manghuhulang sinabing siya’y nanganganib ang buhay sa kamatayang ang magiging sanhi ay apoy. Na hindi niya iniinda at hindi niya isinisisi sa kanyang ina. Sa kanya’y isa iyong kalakaran ng pagiging magulang sa Makulong at ang mga anak ay may pananagutang pumailalim sa lilim niyon. “Alam ko na ho ang gusto ninyo, Inang,” sa wakas ay sabi ni Oyo. “Huwag na kayong mag-alaala.” “Ang aki’y paalaalang magulang lamang, Oyo,” sabi ni Ka Antang na waring nabuhayan ng dugo sa kiming pagyukod ni Oyo sa kanyang pananaw. “Huwag mong mamasamain ang mga salitang ina, anak.” Nakatitig si Oyo sa ilaw ng kingke. May nakita siya roong isang gamugamo, lumiligid sa tilandoy ng ilaw. Matagal na paikot-ikot ang gamugamo, pumapagaspas ang manipis na pakpak sa pakikipaglaro sa liwanag. “Salamat, Inang,” sabi ni Oyo. “Me bahaw diyan sa kusina, anak,” sabi ni Ka Antang. “Natira nating hapunan. Magaling ’yon sa ’yo. Ipaghahain kita.” “Huwag na, Inang,” sabi ni Oyo. “Ibig ko nang matulog.” Hindi na tuminag si Ka Antang. Siya naman ang nakatutok ang mga mata sa kingke. Patuloy pa ring lumiligid ang gamugamo. Nakita ni Oyo na may ilan nang gamugamong sumama sa pagligid sa tilandoy na liwanag ng kingke. “Wala ka bang balak, Oyo, sa paglagay sa tahimik?” tanong 11 i Ka Antang, malumanay na malumanay ang tinig. “Mahirap hong sagutin ’yan, Inang,” sabi ni Oyo na biglang napatingin sa ina.

196 “Alam ko,” sabi ni Ka Antang habang nakatutok ang paningin sa mga gamugamo at sa tilandoy na liwanag, “me nangyayari kina Toryo at Bining.” “Kaibigan ko ho si Toryo, Inang,” sabad ni Oyo na kagyat na nahiwatigan ang tinutungo ng ina. “Kung sakali,” patuloy ni Ka Antang na parang ang malay ay nag-iisa lamang siyang tinig sa gabing iyon, “matutuwa ang Tatang mo. Kinamatayan niya ang kagustuhang ’yon para sa ’yo, Oyo.” “Saka na ho tayo mag-usap tungkol diyan, Inang,” sa wakas ay sabi ni Oyo. “Nagpapaunang bait lamang ako, anak,” sabi ni Ka Antang. Lumapit na ang matanda sa ilaw. Kinuha ni Ka Antang ang kingke at nabulabog ang mga gamugamo. Panatag na lumakad ang matanda sa makipot na silid. Naiwan si Oyo na nag-iisa sa labas na nilatagan na ni Ka Antang ng banig na tulugan. Panatag na nakahiga si Oyo sa banig. Hinayaan na niyang nakaawang ang durungawan. Kapirasong langit ang kanyang nasisilayan sa awang ng bintana. Umaalimpuyo ang kanyang diwa. Ang ispiritu ng kalanguhan ay parang bangungot na naglalaro sa kanyang kamalayan. Umaalunignig sa kanya ang tinig ng ina. Naririnig niya ang mga nagtatagisang tinig sa isang pulong. Humahabol sa kanya ang mga pag-uusapnayon sa harap ng tindahan ni Ka Saning. Umiikot ang daigdig ng kanyang isip at sa ilang pira-pirasong saglit, nakikita ng kanyang diwa ang lumilipad na gamugamo na parang binubugaw ng mga kamay nina Ka Antang at Ka Garse, at ang mga gamugamo ay lumipad na lubhang malayo, palundo sa papawirin, na parang haharap sa kislap ng mga bituin. Sumusunod siya sa pakpak ng mga gamugamo at sa isang hungkag na kawalan, nadama niya ang isang mabining hatak ng malamyos na palad na naghahatid sa kanya sa mukha ng bituing tumatanglaw sa malapangarap na pagdalaw ni Bining sa isang panaginip.

197

Pagbunot sa Ugat I isang katawan wari ang taga-Makulong sa tulungan sa bisperas ng siyaman para kay Ka Tales. Abala ang mga babae sa paggawa ng atsarang mula sa hilaw na papaya na pinuti ng mga binata sa mga tabihan ng tumana. Kinakayod nila ang laman ng papaya at pagkaraa’y pasusulakan, titimplahan ng suka’t sasahugan ng ginayat na luya na hahaluan ng nilutong mapulang malalaking sili na hihiwain nang mapino. May nagkakayod ng niyog para sa suman at may nagbabayo ng malagkit na susumanin sa lusong, asud-asod ang ilang kabinataan sa pagsasalitan sa pagpapabulusok ng halo. May ilang lalaking tumatagpas ng mga dahon ng saging, itinatalaksan ang mga iyon sa isang tabi ng bahay para gamiting balutan ng suman. Matapos makayod ang niyog, kakatasin ng mga babae ang gata na ihahalo sa malagkit, tutubigan sa isang malaking kawali. Isasalang ang kawali sa .ibuhan at aabangan hanggang maluto ang malagkit para iyon ay hanguin at balutin sa dahong saging. Pagkabalot ng mga sinuma’y muli iyong isasalang, nakatalaksan sa isang lutuang lata at muling paaapuyan sa kalan. May nagtatayo ng sibing silbihan sa magiging bisita sa siyaman, binabakuran ng hinating dahon ng niyog at itinatali sa nakahalang na kawayang nakakatang sa mga haligi na binubungan din ng palapa ng niyog. Ang mga dalaga’y nanghiram ng mga k.igamitan sa handa, gaya ng mga pinggan, bandehado, tasa, mga kutsara’t tinidor mula sa ilang pamilyang may mga gayong gamit, at ang mga binata nama’y humanap na ng mga paglulutuan ng iba’t ibang putahe. May ilang matandang nag-ayos ng altar na nilagyan ng mga bulaklak na ikinabit sa walis ng niyog at itinuhog sa palapa ng saging. Ang tulungan ay isang sandali ng pagdadamayan ng mga magkakanayon, at doo’y malalaman mo kung sino ang dinadaisan o hindi

198 dinadamayan ng mga tao. May ilang tumutulong din mula sa mga karatig nayon na nakiaba sa mga gawain. Ano pa’t bago gumabi sa araw ng tulungan, ang lahat ay nakahanda na para sa pangm adaling-araw na pagluluto ng mga ihahandang hayop. Ilang matatandang babae ang magkakaumpok sa sumanan. Naroon sina Ka Sabel at Ka Antang na abala sa pagbabalot ng suman sa dahon ng saging. “Napansin kong hindi ’ata dumungaw dine ang dalaga mo, Sabel,” ungkat ni Ka Sepa sa ina ni Bining. “Me ipinagmamadali hong tanggap na burdahan. Inaapura ng nagpapatahi at kailangan yatang maihatid bukas ng umaga sa San D ie g o ,” paliwanag ni Ka Sabel na patuloy sa ginagawang pagbabalot. “Wala namang suwerte ’tong si Ka Tales,” patuloy ni Ka Sepa na nagsisimpi at parang hindi nasisiyahan sa naging paliwanag ni Ka Sabel. “N o’ng apatan, ni hindi sumungaw si Bining. Ngayon naman, me inaapurang burdahan.” “E baka naman me ibang dahilan, kumare,” sabad ng isang matabang kaumpok. “Ang tao’y talagang hindi nauubusan ng dahilan,” sabad naman ng isa na may halong parunggit. “Me apurahan lang hong ginagawa,” pagdidiin ni Ka Sabel at napasulyap kay Ka Antang. “Wika nga,” muling sunggab ng matabang matabil, “tayo na’ng bumasa sa hihip ng hangin. Alam naman natin ang pagkakaiba ng bagyo at habagat.” “Nagtataka lang ako’t mula nang dumating si Toryo e parang sinisindihan ang puwit na ibig pumunta sa gawi ninyo, Sabel,” patapos na sabi ni Ka Sepa. Hindi na pumakli si Ka Sabel na kaipala’y nahihiwatigan na may ibang tinuturol ang mga kaharap. Tahimik siyang nagbalot ng suman na tikom ang bibig. “Kung narito’ng dalaga mo, kumare,” noon lamang nabuksan ang bibig ni Ka Antang, “tiyak kong me napa-

199 kasarap na naman tayong atsara sa siyaman. Iyong tamangtama ang asim na manamis-namis. Si Bining na yata’ng me pinakamaselang panlasa sa mga kadalagahan ng Makulong.” “Nagipit nga lang sa panahon ang anak ko e,” giit-iwas pa rin ni Ka Sabel. “E makakasungaw kaya si Bining bukas?” si Ka Antang naman ang nagtanong. “Hindi ko masabi. Alam naman natin, pag me pedido sa ’tin sa pagbuburda. Lalamayin natin ang gabi para hindi masira sa salita,” sabi ni Ka Sabel. Nagkatinginan ang ibang magkakaharap, may kaunting kindatan na hindi namamalayan nina Ka Antang at Ka Sabel. “Iniisip ko lang naman,” singit ng matabang madaldal, “kung babasahin ang hihip ng hangin, ’ka ko’y parang dadalaw kina Ka Antang ang amihan.” “ Huwag mo namang sabihing hinahabagat na’ng tagalungsod,” makahulugang tudyo ng isa. Nagkatawanan ang magkakaumpok liban kina Ka Antang at Ka Sabel. Lalong tumahimik ang lahat nang lumipat si Toryo sa umpukan nina Ka Antang at Ka Sabel mula sa gumagawa ng atsara sa isang panig ng sibi. Saglit na nakipanood si Toryo sa mga nagbabalot ng suman. “Abalang-abala ang buong nayon, Ka Antang,” sabi ni Toryo na himig nagpapasalamat. “Iniisip kong masaya si Tatang sa kanyang kinaroroonan ngayon.” “Sa’n pa ba naipakikita ang pagiging magkakasama?” tanong-sagot ni Ka Antang. “Ito ang kaugaliang kinagisnan na natin sa Makulong,” sabi naman ni Ka Sabel. “E nasa’n ho ba si Oyo?” muling tanong ni Toryo kay Ka Antang, pero nakatingin kay Ka Sabel. Tumungo si Ka Sabel na parang umiiwas sa mga mata ni Toryo. “Alam mo na,” paliwanag ni Ka Antang, “me dalawang trak pangargang dumating. Kailangan nilang mapunan ng

200 tubo bago sila makakalas. Pahapon na siguro bago sila makaparito.” Tuminging muli si Toryo kay Ka Sabel pero hindi na umimik. Idinako ng binata ang tingin, makalabas ng sibi, pagawi sa bulusang lulundo sa bahay nina Bining. “Malaki rin ’tong magagastos sa pasiyam sa ’yong ama> T oryo,” sabi ng isang kaumpok. “Isa ito sa may pinakamalaking handang pasiyam dito sa ’tin.” “ M aliit pa nga po ’ to n g nakayanan nam in kung ihahambing sa naging buhay ni Tatang,” malungkot na badya ni Toryo. Humakbang na ang binatang papalayo, makaraang makapamaalam sa nagsusuman at lumipat sa ibang grupo ng tumutulong. Hapon na nang dumating ang mga gumagapak at nagkakarga ng tubo sa lupa ni Senyor Martin. Pagdating ng grupo nina Oyo, sinimulan na ng mga iyon ang pagsisibak ng kahoy. Isang tuyong katawan ng tuyong buwal na duhat na nasa likuran ng bahay ni Ka Tales ang pinag-usarang palakulin ng mga lalaki, halilihan sa gawain. Ibinagsak ang puno ng malakas na unos may dalawang taon na ang nakakaraan, tinabas ni Ka Tales ang mga sanga nito, pinalakol ang hablot na ugat na nangakausli ngunit hinayaang nakatiwangwang ang malaking katawan sa gitna ng init at ulan. Sa gabi, itinatali ni Ka Tales ang alagang kalabaw sa nakakamang pakawil na putol na punong sanga at ang katawan ng puno’y naging kumpayan at higaan ng hayop sa magdamag. Naiga ang katas ng puno nang lumaon at parang naghihintay na lang ng talim ng palakol. Pagkatapos na sumibak si Oyo, inabot ni Toryo ang palakol at siya naman ang bumigwas sa nakabalandrang duhat. Kumakagat ang mahayap na talim sa tigas ng puno, tinatapyas ang lamangkahoy na tumitilapon sa lupa. Halos may isang kilik na tilad ng sinibak ang napalakol ni Toryo bago siya hinalinhan ng isang binata. Sa mga iyon, ang malaking puno ay dapat

201 masibak na lahat para gawing panggatong sa pagluluto. Ang sinibak na bahagi’y hinahakot ng ilan at itinatambak sa isang lugal na malapit sa paglulutuan. “Akala ko’y mamaya pa kayo darating,” sabi ni Toryo kay Oyo. “Minadali nga naming makargahan kaagad ng tubo ang mga trak para makaparito,” sagot ni Oyo. “Hinintay talaga ng malaking duhat ang inyong palakol,” sabi ni Toryo. “Iniisip ko ngang baka nakalimutan mo na’ng sumibak ng kahoy,” sabi ni Oyo na himig nagbibiro. “Hindi naman kailanman naiiwan ng isang tao ang mga bagay na kanyang ginisnan at nilakhan,” pakli ni Toryo. Nagpatuloy ang mga binata sa pagsisibak hanggang ang malaking puno ng duhat ay matilad na maliliit at malaking tipak at lahat ay maitambak na isang bulubundukin ng panggatong. “Maluluto na n’yang lahat ang handa,” sabi ni Oyo. “Sa gabi’y sisimulan na siguro ang pagkatay sa mga hayop,” ani Toryo. Ang magkakaumpok ay waring nabigla nang biglang lumapit si Ka Tulume. Nakatingin ang matanda kay Toryo at nakiumpok sa nagpapahingang magsisibak. “Ang duhat na ’yan e itinanim ng Tatang mo nang ikaw e ipanganak,” balita ni Ka Tulume. “Gusto sigurong maging kakambal mong buhay.” Napatingin si Toryo sa bulubunduking tilad-tilad na tipak ng sinibak. Sa sinabi ni Ka Tulume’y parang nakadama siya ng isang maliit na kirot sa himaymay at bigla siyang dinalaw ng lubos na pagkalungkot. “Patay na pala’ng kakambal ko sa M akulong,” sabi ni Toryo. “Kung hindi binagyo ’yang duhat na ’yan, tatagal ’yan kesa tao. Tamo nga naman, namatay iyon pagkat naiwan nang

202 nag-iisa, pero nagamit sa paggunita ng isang pasiyam,” sabi ni Ka Tulume at iniwan na ang magkakaumpok. Waring iginalang ng magkakaumpok ang isang lihim na binuksan ni Ka Tulume. Naging isang bugtong kay Toryo ang ipinagtapat ng matanda sa nayon. May umuukilkil na mga tanong sa kanyang diwa. Alam niya, igagatong ang puno, ang apoy na lilikhain nito’y luluto ng pagkaing susuhay sa buhay, pero makaraan ang pasiyam, ang punong kakambalbuhay niya’y magiging abo na lamang na nakakalat sa bakuran, wawalisin makaraan ang handaan, liliparin ng hangin at magiging isa na lamang bahagi ng alaala. Pagdapit ng gabi, kinatay na ang isang malaking alagang baboy. Itinali ang mga paa nghayop, tulung-tulong na ibinuwal sa lupa, umuugok a t kumikisay ang mga paa. Inurakan sa leeg ng isang doble-talim na lanseta at ang ugok ng hayop ay naging hingal at daing, at matapos ang huling hagok, nang ganap nang pugto ang hininga’y inihiga sa isang mahabang latok, pinaagos ang dugong bumubulwak sa urak sa leeg at pinaagos sa isang timba. Makaraa’y binuhusan ang katawan ng hayop ng sumusulak na tubig mula sa isang maliit na kawang nakasalang sa apoy at kinalos ng mga lalaki ang balahibo ng baboy na waring buhok na sanib-sanib na nanlugon. Maya-maya y tinabak ang leeg at inihiwalay ang ulo. Hinati ang katawan ng baboy at kinuha ng mga matatandang babae ang lamang loob, hinugasan ng tubig ang loob ng bituka. Ang iba pang bahagi ng katawan ay pinarti-parti. Tinusok ang mga bahagi ng binagting na lapat na kawayan at isinabit sa isang katangan ng bubong ng sibi. Sa madaling araw, ang mga iyon ay tatadtarin, sisimulan nang lutuin sa iba t ibang putahe. Ang dugo’y isasangkap sa dinuguan, kasama ng mga lamang-loob na siyang aalmusalin ng mga tumulong. Ang iba pang lulutuing putahe’y siyang ihahanda sa siyaman. Pinatay na rin ang mga manok na nakakulong sa koral sa may silong ng bahay, binalahibuhan,

203 inalisan ng mga lamang-loob at isa-isang isinabit sa isang tanging lugal sa may tagiliran ng sibi. Dalawang kambing ang tinugakan at isinalang sa liyab ng apoy para sunugin ang balahibo. Ang lahat na ihahandang hayop ay nakahanda nang lutuin makaraan ang hatinggabi hanggang sa paguumaga. Si Ka Bisyong ang nakatalagang kusinero na siyang titimos sa mga luto, magsasahog ng mga nakalaang rekado at titiyak sa bilang ng putaheng ihahanda. Sa unang tilaok sa pag-uumaga, sinimulan na ang pagluluto sa mga tulyasi. Matapos tadtarin ang mga hayop, tinumpuk-tumpok ni Ka Bisyong ang mga hiwa ng karne para sa iba-ibang putahe, iba ang sa adobo, iba ang menudo, iba ang pang-ihaw, iba ang tinola, iba ang kaldereta, at ang bawat putahe’y may nakalaang mga pansahog at rekado. Malagablab ang ningas ng gatong na parang nagmamadali sa pagpapasulak sa ihahanda. Bago sumikat ang araw, halos plastado na ang handa sa siyaman ni Ka Tales. “Ang pagluluto sa handaa’y para ring pamumugon,” sabi ni Ka Bisyong. “Kailangag di ka gabihin sa pamumugon para makita ang pamumula ng pulot. Sa paghahanda sa ponsiyon, di dapat datnang di pa luto ang ihahanda. Kundi’y mananawa ang mata ng mga bisita sa kamamasid sa pagluluto.” “Pero magaling na mabusog-mata para hindi masyadong masiba ang bituka,” sabi naman ng isang katulong sa pagluluto. At bago naghain ng almusal, wala nang lulutuin ang mga nasa lutuan, maliban sa isasalang na kanin sa malaking kaldero. Inaasahan ng lahat na maraming darating na mga bisita, hindi lang mula sa Makulong, kundi maging sa mga kanugnog pook. Mahaba rin ang pisi ng naging pakikisama ni Ka Tales na nagbunga ng mga anak sa binyag, anak sa kumpil, anak sa kasal na ang mga kumpareha’y laganap sa kanilang lugal. Pinasabihan ni Toryo ang isang tiyahin na balitaan ang mga taong malapit kay Ka Tales na dumalo sa siyaman.

204 Gaya ng inaasahan, halos tukod-tikin pa lang sa silangan ang araw ay nagdadatingan na ang mga panauhin. Tuluytuloy ang mga panauhing papanhik sa bahay at mag-iiponipon sa kabahayan kaharap ng inayos na dambana. Sa pangunguna ni Ka Doray, magsisimula na silang magdasal patungkol sa kaluluwa ng isang pumanaw. Pagkatapos ng dasal, ang mga nagsipagdasal ay pabababain na, papupuntahin sa silbihang sibi at magsasalu-salo. Ang mga dadating na mga bagong bisita’y mag-iipun-ipong muli sa itaas at pamuling pangungunahan ni Ka Doray sa gagawing pagdarasal. Sa loob ng buong maghapon, kung ilang ulit ang gagawing pagdarasal, basta’t may dumarating na mga bisitang makikipagsiyam. “Sa dami ng dum adalangin ke T ales, tiyak kong makakalugal na siya sa langit,” may himig birong sabi ni Ka Tulume. “Kung mahal ng tao sa lupa, dapat namang may puwang din ng pagmamahal sa itaas.” “E tiyak namang magaling na tanod ’yang si San Pedro. Aba, walang magsasabong na hindi ganap na maayos kausapin,” sang-ayon ng isa ring matanda. Ang matatanda’y nasa panig ng sibi na pinaghuhugasan ng mga ginagamit sa kainan. Madaliang hinuhugasan at binabanlawan ang mga pinggan, bandehado, kutsara, tinidor, baso at iba pang kagamitang gamit sa pagmamatamis ng irok at makapuno. Isang matandang babae ang may ibinulong kay Ka Sepa. “Hindi ko nakikita si Bining, Sepa,” sabi ng matanda. Binalingan ni Ka Sepa ang matanda, pabulong ding nagsalita. “Mukhang hinahabagat ang binata ni Ka Tales, Kakang Mikay. Ni anino’y di man lang sumungaw.” “Kaawa-awa naman ang binata ni Tales, ano?” pahinagpis na sabi ng matandang babae at nagpatuloy na sa pagbabanlaw ng isang talaksan ng mga pinggan.

205 “E talagang gano’n, Kakang Mikay,” muling sabi ni Ka Sepa. “Ang sabi nga, pag hindi ukol, di bubukol.” Ang usapan ng matatandang babae’y hindi nakaligtas sa matalas na pang-amoy ng matatandang lalaking nagmimiron. “Ibahagi naman ninyo kami sa usapan,” sabi ni Ka Tulume. “Kung bakit naman sinasarili ninyo ang mga lihim.” “Wala namang lihim, Ka Tulume,” katwiran ni Ka Sepa. “Usapan lang ire ng mga babae.” “E ’yan namang babae’y di mabubuhay na walang lalaki’y kung bakit ibinubukod pa’ng sa rili,” pakli ng isang matandang lalaki. “Pero hindi sasabungin ni San Pedro ang inyong tinatalakay.” Napatawa ang matatandang babae. “Hindi nga manok ni San Pedro, Ka Tulume,” sabi ni Ka Doray. “Pero manok din ang aming paksa. Kinikilatis namin ang kaliskis ng mga tandang.” “E me nakita na ba kayong mananalo?” sakay ni Ka Tulume sa usapang talinghaga. “Pag nag-ulot sa sagupaan ang manok ng dalawang namamayapang ama, parang higit na may senyales ang tandang ni Ka Antang,” patapos ni Ka Mikay. “Naku’y tumigil nga kayo sa ganyang usapan,” sansala ni Ka Antang. “Liligaligin pa ninyo ang mga nananahimik.” Dakong pahapon na nang dumating sina Senyor Martin at Kabesang Ote sa siyaman. Hindi na matao sa bahay, manaka-naka na lang ang pamumuno ni Ka Doray sa pagdadasal. Halos nagmatira na rin ang niluto ni Ka Bisyong. Nasa may balisbisan ng bahaysi Toryo nang dumating ang senyor. Inalisan ng binata ang ilang kaharap at inistima ang mga dumating. “Medyo hinapon kam i,” sabi ni Senyor M artin na humihingi ng despensa. “Tabasan ng tubo ngayon. Nasa katam isan ang puyaw at kailan gan g m adaliin ang

206 paghahatid sa sentral. Pag inabot ng ulan, tatabang ang katas ng tu b o .” “Kailan pa kayo rito?” tanong ni Toryo. “Patatlong araw ko na ngayon sa Makulong. Alam mo na naman ang mga tao, dapat pang me bantay para sulitin ang kanilang tinatanggap,” paliwanag ng senyor. “Mukhang maraming nakipagsiyam, Toryo,” singit ni Kabesang Ote. “Halos nalimas ang handa m o.” “Nakakatuwa nga ho e. Masakit sa naghahanda ang napakaraming natitira, Kabesa,” sagot ni Toryo. “Kunsabagay, tama ’yang sinabi mo, Toryo. Iniisip ko lang, medyo masakit sa bulsa. Aba’y siyaman pa lang ’to ,” pakli ni Kabesang Ote. “Sinasagot ko naman hanggang sa babaan, Kabesa,” sabad ni Senyor M artin. “Wala tayong dapat alalahanin. Me kabuhayan namang naiwan ang yumao.” “Na maaaring panagot sa gastusiin,” katig ng kabesa. “Kung tutuusin, sino ba’ng dapat magtamasa ng konting pinaghirapan habang malakas?” “Pagkaraan ng tabasan ng tubo, maaari nang baklasin ang tarapitse, T o ry o ,” paniniyak ni Senyor M artin. “Malaking kantidad din ’yon. Me isang taga-Ilokos na interesado. Kaya nga pinagpaunahan ko na’ng gastos mo sa ’yong ama, T oryo.” Napatingin si Toryo sa senyor. “Tama ho bang ibenta ko ang mga naadhika ni Tatang?” may alinlangan ang tinig ng binata. “D u g o ’t lakas ho ni Tatang ang puhunan sa pagpupundar sa pugon at tarapitse.” “Alisin mo na’ng pagiging sentimental,” agarang agaw ni Senyor M artin. “Kung hindi babaklasin ang pugon at tarapitse, lalamunin lang ang mga ’yon ng anay at kalawang. Mas praktikal na perahin mo na’ng mga iyon habang meron pang interesado.” Dinagdagan ni Senyor Martin ang salaping ipinagpauna kay Toryo para sa gastusan sa pagkamatay ni Ka Tales.

207 “Malaki na ho’ng nakuha ko sa inyo. Mabigat na kargo na ho ito ,” sabi ni Toryo na nababahala. “Ang mahalaga’y maisaayos natin ang ama mo, Toryo. Hindi problema’ng pera,” paniniyak ng senyor. Hindi na nagtagal sina Senyor Martin at Kabesang Ote. Naiwan si Toryo na nagmumuni-muni. Tinitimbang niya ang iniwang mungkahi ng senyor na pagdidispatsa ng tarapitse’t pugon sa isang namimili ng antik na taga-Ilokos. Maluwag si Senyor Martin pag may iginigiit na gawin. Kaipala, hindi maglalaon, imumungkahi rin ng senyor ang pagbili maging sa kapirasong lupa at tirikan nila ng bahay. Naisip niya, sa nagastos sa ama, ang naipundar nitong kabuhayan ay maaaring mauwi rin sa wala. Hindi nagtagal, sinimulan nang baklasin ang itinayong sibi. Kinalas ang pagkakatali sa mga kawayang pinagtalian ng mga biniyak na palapa ng niyog. Ang mga ginamit ay itinatabi ng mga nag-iimis sa isang tabi ng bakuran, sa gawing tagiliran ng bahay. Ang mga babae nama’y nagsimula nang magsauli ng mga kagamitan sa pagkain at ilang lalaki ang nagsauli ng pinaglutuan. Sa isip ni Toryo, ilang sandali na lamang, ang siyaman ay tapos nang lubusan. Maiiwan siya sa bahay pagkaraan, palilipasin ang gabi sa pag-iisa. Maya-maya’y lumapit sa kanya si Ka Tulume. Alam ni Toryo na may sasabihin ang matanda. “Wala na’ng kakambal mong duhat, Toryo,” malumanay na sabi ni Ka Tulume. “Pero narito ka pa. Maraming mga bagay na magaganap sa ’yo. Napupulsuhan ko’ng nangyayari. No’ng buhay pa’ng tatang mo, ang ugat mo’y nananatiling me sinisipsip na yamang lupa sa Makulong. Pero ngayong wala na si Tales, natatakot akong baka tuluyang mahablot ang ugat mo sa lupang tinubuan. Huwag mong mamasamain, pansin ng lahat ang hindi man lamang pagdating ni Bining. Ang darning mga tanong. Ang dami ring maaaring sagot. Pero iisa ang malinaw. Hindi maganda ang nagaganap sa inyong dalawa.”

208 Huminto sandali si Ka Tulume sa pagsasalita, parang hinihintay ang pagsasalita ni Toryo. “Natatakot kaming baka ka tuluyang mawala sa ’min. Me mga balak si Senyor Martin. Ang kapirasong lupa n’yo, pag nasa kanya na y para na ring pagbibili ng lahat na kinakatawan ni Tales sa nayon. Anuman ang mangyari sa buhay mo, bumalik ka Toryo,” sabi ng matanda sa nayon. “Salamat ho, Ka Tulume,” sabi ni Toryo. “Napakarami ninyong alam.” “Hindi naman tayo naglalakad na walang bakas,” sabi ng matanda. Sa tanda kong ito, mahirap namang sumbatan akong tumanda nang walang pinagkatandaan.” Dahan-dahan nang lumakad si Ka Tulume. Nagtungo ang matanda sa nayon sa umpukan ng mga lalaking inaayos ang lugal na pinaglutuan. Hindi nakawala sa mata ni Toryo ang tanawin sa lutuan. Makapal na abo ang winawalis ng matatanda. Itinataboy sa kinatataniman ng isang batang puno ng duhat. Matagal na nakamata si Toryo sa panganoring iyon.

/ / Panjjanorin Nakamata siya sa dilim. Walang mukha ang dilim. Walang tinig ang dilim. Inaaninag niya ang bahagyang liwanag na nais habulin ng kanyang malay na parang mailap na balangaw kung umaam bon. Nang musmos pa siya, lagi siyang humahabol sa magaganda. Di ba, nasusugatan siya sa kanyang paghabol sa nanunuksong tutubi, hanggang ang kanyang diwa ay tangayin ng parang baliw na pagnanasa’t hindi niya maramdaman ang pagtimo ng tinik ng oray o pagkapit sa kanyang damit ng bulaklak ng amorseko? A, sa karimlan, may nakasulat na mga gunita na dumadalaw sa kanyang sa kanyang pag-iisa. Inaapuhap ng kanyang diwa ang mga tanawing iyon na nasa karet ng balangaw: ang labanan ng

209 hantik, ang hagaran sa kagagapas na palayan sa larong sikyo’t ang malimit niyang pagiging bihag ng mga kalaban dahil sa siya’y hindi kabilisang tu m akbo’t umiwas, ang pangungumpay sa gitna ng lirit, ang pagkarera sa kabayo habang palusong sa lawa, ang pangangarap sa likod ng kalabaw na ipinapastol sa p a tu to , ang tu lian , ang paninilip at paniningalang-pugad, ang harana, ang lingap at sulyap ng dalaga, ang hasikan, gamasan, gapakan, anihan, pinipigan, lupakan, sayawan, ligawan sa tingin at pagsagot sa hihip ng hanging inihahatid ang kamanyang ng pagsinta. Inaaliw siya ng samutsaring tinig ng pag-iisa na harana ng kuliglig at sitsit ng amihan, lawiswis ng sumasayaw na kawayan, huni ng panggabing kabag na sumasaliw sa tinig ni Bining na tumatawag sa kanyang pagkawala: huwag, huwag kang I uluyang maglaho, huwag, huwag mo akong iiwan. Paalam, paalam, Bining, paalam, aking bathaluman, isisigaw ng kanyang budhi. Makikita niya ang kanyang ama, hinahabol siya at inaalayan siya ng tangkay ng kampupot: kung sakali, kung sakali, anak, na masugatan ka sa gubat ng lungsod, mabisang panlanggas ang dagta ng kampupot sa anumang sugat. Dadating si Bining, patuloy ang paghabol. Haharangin ng kanyang ama ang kanyang bathaluman. Hayaan mo na siya sa kanyang kalayaan, sasabihin ng kanyang ama. Luluha si Bining, ngunit mapapatda ang kanyang mga yapak. Aampunin ng malakas na bisig ng ama ang kanyang bathaluman at luluha ang dalaga hanggang sa sumapit ang dalawa sa pugon at tarapitse. At ano ang kanilang dadatnan? May ilang matitipunong lalaki, parang mga anyong halimaw, na bumabaklas sa tarapitse. Kinakalas ang mga kalawanging turnilyo, inaalis ang bilugang bakal na panlugas ng tubo, tinatanggal ang malalaking ngiping munting rondalya ang ingit habang umiikot ang dalawang pangilong kalabaw o baka sa tadhanang bilog na mundo ng buhay tarapitse. Pipigilin ng ama ang mga halimaw na lalaki, ngunit lalagumin ang

210

matanda ng bangis ng mga iyon, isusubo ng kabangisan ang kamay ng ama sa bakal ng tarapitse at ang nalugas na laman ay kakatas ng dugo at iilog patungo sa kawang pinaglulutuan. Sisigaw siya sa bagwis ng kanyang pagbabalik, ngunit ang tangi na lamang niyang dadatnan ay ang pangungulila ni Bining at siya’y muling hahablutin sa paglayo, sakay ng balangaw, patungo sa paglubog ng araw. Hindi na niya matunton ang bakas ng luha at hindi na niya madama ang kirot ng pagkasawi pagkat ang kampupot ay may dagtang pumapawi ng anumang salaghati at sa haplos ni Karen, untiunti niyang natatakasan ang mga gunitang nagpapaalaala ng hapdi. Itutulak siya sa sayaw ng alon hanggang sa oyayi ng dagitab-lungsod at mula sa kubakob ng sirang trak sa libis ng gasolinahan, lalawak ang kanyang mundo, kasiping ng mga anakpawis, kasama ng mga sigaw at hinaing, ng mga pagmumulat, pagbibigkis at pagtayo. Isang gabi, sa kanyang pagpapahingalay, nabulabog ang kanyang pag-iisa ng dagundong ng kung anong bagay. Ni hindi siya nabigyang pagkakataon man lamang na tumayo. Namalas niya ang gu long ng tarap itse, dum adaluyong, itin u tu lak ng santinakpang nayon, sa taliba ng kanyang ama, marahas na tum atahak sa sinapupunan ng lungsod na kanyang kinapapakuan. Sumigaw siya nang sumigaw, sa alimpuyo ng hilakbot at pagpapaunawa, ngunit ang kanyang tinig ay nilulunod ng mga tungayaw at paglait: taksil, taksil sa iyong ugat, taksil, taksil sa iyong kaluluwa. Aywa’t sa pagitan ng buhay at kamatayan sa gulong ng napopoot na panlugas ng tarapitse’y nakuha pa rin niyang isigaw ang kanyang hindi mapakawalang tinig: naghahanap ako ng landas sa aking paglaya, at sa kalayaan ko, dadalhin ko ang lipunan ng Makulong at lahat ng santinakpang nayon ng ating Inang Bayan. Nakita niya ang sariling pawisang-pawisan sa bagwis ng gayong tanawin, at mula sa lungsod, natagpuan niya ang sarili sa isang pagbabalik. Dinatnan niya ang mga kalansay ng tubo, nakatulos na waring mga itimang kamao makaraan

211 ang isang nakahihilakbot na sunog at ang mga tulos na tubo’y .inino na lamang ng isang lunting kabukiran. Umaanas ang hangin, at maya-maya, ang anas ay naging matinding panaghoy at ang panaghoy ay naging sigaw ng buhawi na ikinabingi niya halos at ikinagimbal ng kanyang malay. Mayamaya’y sumulpot ang anino ng mga anak ng lupa, halos singkutim ng kalansay ng tubo, may kung anu-anong hawak, baril, itak, palakol, sibat-tulis-kawayan, isang santinakpang nabubuo wari sa magdamag, kinukumutan ng dilim at waring hinihintay ang bukangliwayway sa kanyang pagbabalik. Natagalan ako, sigaw ng kanyang tinig, ngunit ang kanyang diwa’y nagdiriwang sa kalagayan ng pamuling pagkakabuklud-buklod. Kasama ng mga magsasaka’y naupo sila sa pagitan ng mga kalansay ng tubo, sa tumigas na tudling na kinalilibingan ng mga bungo ng tubong batbat ng mga ugat ng tatag at pagkabuhay. Nag-usap ang mga labi hanggang may tinig na lumalabas, at sa kanilang pagtayo, isa waring santinakpan ang tumindig, patungo sa kalawakan ng isang umagang lunggati nilang hintayin. At maya-maya, nagkaganapan ang malay at nasumpungan niya ang kaulilahan ng matandang bahay, nag-iisa sa dilim at parang may korona ng katahimikan ang buong magdamag. Ibinukas niyang lubusan ang durungawan, bumugso ang hangin mula sa lumulunting mukha ng tubuhan, umaalunignig ng mga pahiwatig ng dilim, parang tagulaylay sa isang pahimakas. Bukas, maaagang-maaga pa, lilisanin niya ang Makulong, habang ang mga kuliglig ay nahihimlay pa sa halik ng hamog, habang ang mga katawang pata ay nag-iipon pang muli ng lakas para sa sasalungahing silab ng araw. Tinanaw niya ang kalaparan ng lupain na ang ilang bahagi’y may bungo ng ginapak na tubo na hinihingahan ng hangin at ang higit na malawak ay may sumulpot ng lunti ng bagong suloy. Bukas, lilisanin niyang lahat ang anag-ag na tanawin ng magdamag, lalandasin ang bulaos palundo sa maluwang na lansangan at siya’y ibabagwis ng pangungulila sa lungsod.

212

j Zjk J

Pagwasak sa A lam at

Tapos na ang pag-inog ng mga makina sa pabrika. Parang tibok ng puso, pumayapa ang dibdib ng pagawaan sa paghinto ng mga kamaong pawisan sa kanilang pagpapadaloy sa dugo ng puhunan. Sa isang takdang oras, ang mga empleyado’y mabilis na nagsipaglabasan, dala ang kanilang mga samutsaring kagamitan, gaya ng mga plastik na baunan, lalagyan ng pansipilyo, maliliit na tuwalya na nakasilid sa isang bag na binibitbit ng mga babae o sinasakbat ng mga lalaki. Nakasaklit sa balikat ni Toryo ang isang maliit na bag na kinasisidlan ng kanyang mga libro, notbuk at papel sulatan bukod sa ilang gamit sa pabrika. Humilera siya sa parang nagmamadaling mga empleyado, papalabas sa geyt na kinaroroonan ng dalawang guwardiya. Bawat lumalabas na obrero ay humihinto pagtapat sa guwardiya, binubuksan ang kanilang mga bag, na hinahalughog at hinahalungkat ang lahat na parang tinitiyak sa butas ng karayom ng nagsisigurong tanod na walang ni kapirangot na pag-aari ng puhunan na m ailalabas at kakanyahin ng sinum ang manggagawa. Sa loob ng halos dalawang buwang pagtatrabaho sa pabrika ng telang pag-aari ng pamilya ni Karen, unti-unti na ring nakikilala ni Toryo ang mga kasamahang manggagawa. Parang mukha ng ilog ang mga obrero, naisip niya, payapangpayapa ang agos ngunit may puyo ng unos na maaaring nabubuo sa pusod. Sa mga hapag-kainan, kapag oras ng tanghalian o maikling sandali ng meryenda, sa pagbubuklat ng mga manggagawa ng kani-kanilang baong pagkain, madaling mapupulsuhan ang tibok ng kanilang dibdib, o sa maanghang na tudyuhan at biro, madaling mabibingwit sa bibig ng isda ang mga malay na nakatago. Sa ’tin, pina-

213 kamasarap na ulam ang galamay, biro ng isang babaing obrero. Nagkasakit ba naman ’tong bunso namin, e ano pa’ng matitira para sa bituka, e nilimas na ng ospital? Kaya nga, sabad ng isa pa, sa pagsasaing ng galunggong, kelangang lutung-luto para kahit tinik ng gulugod nito’y manguyang mabuti at lamang tiyan din. At pagkatapos pa, madamdamin ang ikikintal ni Amado na parang siyang pinakapilosopo sa mga m anggagawa ro o n , paglabas natin sa pabrika, bubulatlatin ng mga guwardiya ang ating mga dala-dalang pawis na parang tayo’y nagpupuslit ng gintong hindi atin. Ang gayong biro’y hindi ikinukubli sa kanya, naiisip ni Toryo, gayong halos nahihiwatigan ng mga kasamahang dinatnan sa pabrika na siya’y tuwirang inilipat doon ni Senyor Martin mula sa gasolinahan at hindi rin miminsang siya’y isinasakay ni Karen sa kotse nito sa oras ng labasan sa trabaho. lisa naman ang kalagayan natin dito, Toryo, sasabihing matapat ng mga kasamahan, kaya ’tong nararamdaman namin, ’yon din ang nararamdaman mo. Na kung saka-sakali raw, kapag siya na ang may dala ng setro’t korona ng yaman, kaipala’y magkakaroon na ng puso ng isang anakpawis ang dibdib ng pabrika, at malaon, ang mga iyo’y mauuwi na lamang sa masayang tawanan. Ilang tao na lamang ang agwat ni Toryo sa dalawang guwardiya nang mamalayan niyang nakasalisi na pala sa kanyang likuran si Amado. Sa wari niya, may pakay si Amado. • ‘Me sasabihin ka, Mad?” tanong ni Toryo kay Amado. Pormal ang mukha ni Amado. “Me konting inuman ang magkakasama bukas sa ’min sa Tondo. Ibig nila’y naroon ka.” “Ano ba’ng okasyon? Napagbertdey ka na a,” sabi ni Toryo. “Katuwaan. Me gu stong pag-usapan ang magkakabarkada,” matipid ang sagot ni Amado. “Ikaw kasi’ng nagaaral sa ’tin e. Makakatulong ka sa usapan, Toryo.” “D o’n pa rin ba kayo?” tanong ni Toryo.

214

“D o’n pa rin. Tatawid ka sa andamyo ng malaking estero. Babaybayin mo na lang paloob sa ’min. Saka kung medyo maligaw ka, kilala nila ako ro’n ,” paliwanag ni Amado. “Sige,” patapos na pakli ni Toryo, “pupunta ako.” Pagtapat sa guwardiya, hindi na binutingting ang maliit na bag na dala ni Toryo. Umehem ang ilang kaempleyado, at iyon ay nahihiwatigan ni Toryo, na hindi niya ikinasasama ng loob pagkat talos niyang ang gayon ay pagpapahalata ng mga kasamahan na sistemang pinaiiral ng mga tanod. “Iba na’ng tinitingnan kesa tinititigan, kundi mumulagaan pa’ng byuti m o,” kanti naman ng isang binatang kaalinsabay. Hindi na ininda ni Toryo ang mga gayong usapan. Tuluytuloy na niyang binagtas ang kalye na kanyang pagbabantayan ng dyip patungo sa pinapasukang unibersidad. Sa labas ng pabrika, alam ni Toryo na bahagi na siya ng isang gubat ng lungsod, na sali-saliwa ang ugat ng koryente na sa gabi’y kukutikutitap ang mga ilaw-dagitab, ang mga poste’y parang naglulumiyad na mga itimang puno na inulila ng dahon sa taglagas at ang bawat kalye, kalyehon o eskinita ay may mga imperyong gusali na may mga sariling batas at kabihasnan, may sariling pagkabuhay o katayuan na panukat ng lipunang sinasaklaw doon. Tatlong oras siyang lalagi sa loob ng silidaralan at makaraan ang pagkaklase, lalakarin na lamang niya ang landas na babagtas sa isang nakaarkong tulay, palundo sa pamayanan ng mga paupahang bahay sa Quiapo, na ang binabayaran ay ang sayaran ng likod na makitid na espasyong pinamumugaran kalimitan ng maiingay na lamok at mga uhaw na surot. Sa gabi’y madalian siyang maggigisa ng itlog at magpapainit o magsasangag ng bahaw na kanyang isinaing sa almusal na may patagana na para sa hapunan. Kahit hinahagkan na ng pagkalimot ay babasa pa rin siya ng ilang pahina sa gabi, magkakabesa ng ilang pormula sa matematika o magsasaulo ng kondyugasyon sa Espanyol o isisistema ang debit at kredit at sa ilang pagkakataon, sa napukaw na malay

215 ng hiwaga, magtititik siya ng mga tudling ng tula. Nang Sabadong iyon, tig-isang oras at kalahati ang iuukol nila sa sikolohiya at agham pulitika at magugunita niya ang mga tinig sa pabrika o ang alingawngaw ng kabukiran. Noon pa, iniisip na niya ang kanyang pangako sa isang barkadahan ng mga kasamang trabahador at talos niya, sa sinapupunan ng mga kubakob, paloob mula sa pasukang andamyo ng estero, bubula ang beer o sisikad ang marka demonyo at lalakas ang mga tinig. Palabas sa bungad ng unibersidad, nagsiglayan ni Toryo si Karen, naghihintay sa loob ng nakaparadang kotse. I.umapit siya sa anak ni Senyor Martin. Bahagyang nakababa ang salamin sa bintana ng kotse at sa anag-ag ng ilaw, nakita niya ang pormal na mukha ni Karen. “Di mo itinawag na dadating ka,” pananantiya ni Toryo. “Ibig kong magkausap tayo, V ic,” sabi ni Karen. “Lagi naman tayong nagkakausap a,” ganti ni Toryo. “Iba’ng pag-uusapan natin ngayong gabi, V ic,” sabi ni Karen. “Mag-uusap tayo sa ’sang lugal.” Sumakay si Toryo sa kotse, lumikmo sa harapan, katabi ni Karen. Mula sa harap ng unibersidad, dumako sila sa isang lugal sa tabing dagat. Sa pagitan ng hampas ng alon sa batuhan, binuksan ni Karen ang kanyang pinakay sa pakikipagkita kay Toryo. “Alam na sa bahay ang tungkol sa ’tin,” sabi ni Karen, walang pagkabahala ang tinig. “Tutol sila,” panunurol ni Toryo. Hindi umimik si Karen. Hinugot niyon ang buntungliininga sa dibdib. “Ilusyon lang ang ating pag-ibig, Karen,” banayad ang tinig ni Toryo habang nakamasid sa kawalan. “Noon pa, alam kong ito ang hahantungan natin. Parang alon, sasambulat sa paghampas sa batuhan.”

216 “Tao tayo, V ic,” matatag ang salita ni Karen. “Hindi alon ang tao. Maaaring labanan ng tao ang tadhana.” Bahagyang napatawa si Toryo, ngunit hungkag sa tuwa ang kanyang tahimik na halakhak. “Ang batas na likas ng buhay ang siyang mananaig sa wakas, Karen. Sa tingin ko, me dapat tayong tanggapin,” matapat na lahad ni Toryo. “Bakit ba para kang wala man lang tigas sa sarili? Kay dali-dali mong sumalong sa tinatawag mong tadhana,” malakas ang tinig ni Karen. “Inuunos na’ng buhay natin, Vic. Ibig ni Papa na kumalas ako sa ’yo. Hindi ka nila matanggap. Ipinaglalaban kita. Pero ano ’tong naririnig ko sa ’yo?” “Unawain mo’ng aking pagkatao, Karen,” banayad ang mga salita ni Toryo, bawat bigkas ay waring sinusukat at tinitimbang. “Namulat akong nakayuko. Ang malay ko’y hinubog sa pagiging isang aba. Ibinatas ng buhay na kami’y m am anginoon. Kung magkakaroon ng pagbabago sa pagkatao, mahaba iyong proseso. Maaaring ang pagbabago’y di na kailanman dumating. Me mga batas na likas sa buhay. Gaya ng mga likas na batas, ang batas na itinakda sa atin ng lipunan ay nakapahirap baguhin.” “Nasasaktan ako, Vic. Nasasaktan ako sa natutuklasan ko sa ’yo,” mapait ang tinig ni Karen. “Mabuti na’ng masaktan sa simula. Ako man ay isa lamang pantasya sa buhay mo. Walang realidad ang ating pag-ibig pagkat nasa kumunoy ang ating kastilyo,” panatag ang pahayag ni Toryo. “Kay tagal kong inalagaan ng isang panaginip, Vic. Nang makilala kita, inisip ko, kakalimutan ko ang ibang lalaki sa mundo. Humanga ako sa iyo, sa pagnanasa mong umangat. Bakit sa pinakadalisay na pakikipaglaban na para sa ating dalawa’y ni ayaw mong manindigan?” gumagaralgal ang sumbat ni Karen. “Kung minsang unawain natin ang batas ng lipunang kinagisnan natin, di tayo nagigimbal sa ganitong pangyayari.

217 Pinaglumutan na’ng realidad sa ating pagkakaiba, Karen. Ibinatas ang ating paghihiwalay pagkat hindi maaaring magtagpo ang guhit ng ating palad. Hindi pelikula ang rcalidad, hindi isang ilusyon ng pagtakas. Harapin natin ito bilang hindi nabubuwag na kalakaran,” malumanay at tigib Imnbay ang tinig ni Toryo. Hindi na umimik si Karen. Ilang saglit na walang nam am agitang salita sa dalawa. Sa kum ot ng dilim , bahagyang lumalakas ang bugso ng simoy, dumadahas ang s.ilpok ng alon sa mga bato. “Gabi na,” halos paanas ang salita ni Toryo. Pinaandar ni Karen ang makina ng kotse, marahang pinatakbo sa kahabaan ng bolebard. Nagsasalita sa dilim ang mga gunita, at naisip ni Toryo, dapat nang paslangin ang lumipas. Ipinikit ni Toryo ang mga mata ngunit lalong sumusurot ang dilim. Hindi na marami ang sumasalimbay na mga sasakyan. Humahagibis ang mga gulong at nadarama ni Toryo na marahil, iyon na ang huling biyahe sa isang panaginip. Alam niya, higit na ilusyon para sa kanya si Karen. Kailanma’y hindi realidad sa kanya ang dalaga mula sa pananaw o amoy ng hininga. Huminto ang kotse. Nasa tapat na sila ng kanyang tirahan. Tuloy ang andar ng hindi pinakikilos na kotse. Walang imik na bumaba si Toryo. I’umakabila si Toryo, lumapit kay Karen na nakahawk, halos padukmo sa manibela. “Patawarin mo ako, Karen,” mahina ang tinig ni Toryo. Walang imik si Karen, nanatiling isang mahiwagang katahimikan. “Paalam. . .” bulong ni Toryo. Umatras ng isang hakbang ang binata. Dahan-dahang pinatakbo ni Karen ang kotse. Lumiko iyon sa isang dikalayuang kanto. Ilang saglit na nakatayo si Toryo, parang ipinako sa nag-aagaw-dilim at liwanag. Humakbang siya pagkatapos, papasok sa makipot na bakuran. Tahimik na i.iliimik na ang hihimlayang bahay. Patay na ang ilaw sa loob.

218 Gabing-gabi na, kay bilis lumagom ng gabi. Binuksan ni Toryo ang dinukot na susi sa pinto. Parang manhid ang kanyang pakiramdam. Wala siyang nararamdamang uhaw o gutom. Iniisip niya, ibig niyang humimlay. Ibig niyang tanggapin ng paglimot ang haplit ng mga gunita.

Sa B isig ng A pi Pulong ng mga manggagawa ang dinatnan ni Toryo, pagpasok niya sa sinapupunan ng mga kubakob na kinatitirikan ng tirahan ni Amado. Nakaupo ang karamihan sa mga bangkitong kahoy na nakahalang sa makipot na pagitan ng mga datig-datig na kubakob ng mararalitang tagalungsod. Ang mga babae’y nasa may balisbis ng kubakob, bahagyang nalililiman ng umungos na bubungang lata. Bagama’t may pagkaing toka-tokang dinala ng mga obrero na nakahain sa isang mahabang mesa sa may gilid ng kubakob, hindi pagsasaya ang dinatnan ni Toryo kundi marubrob na pag-uusap. Pagkatanaw sa kanya ni Amado’y sumalubong kaagad ang tumatayong lider ng mga obrero sa pabrika. “Akala ko’y di ka darating,” sabi ni Amado na hindi maikubli ang saya sa kanyang pagdalo. “Me sinabi naman ako sa ’yo,” tugon ni Toryo at kumaway sa ibang kasamahang dinatnan. May isang kabataang manggagawa na kagyat na nagbigay sa kanya ng isang bote ng beer. “Miting pala ’to ,” pansin ni Toryo kay Amado. “Me dapat tayong pag-usapan para sa ’ting sarili, Toryo,” maikling paliwanag ni Amado. Umupo na si Toryo sa isang bakanteng upuang kahoy. Si Amado nama’y dumako sa may gitna ng mga manggagawa.

219 “Ang tanging makakatulong sa ating sarili’y ang ating sariling hanay,” matiim ang tinig ni Amado. “Sa loob ng mga panahon, saksi tayo sa kondisyon ng ating buhay. Parang diyos sa buhay natin ang puhunan. Kaya tayong biyayaan o pagkaitan. Kung mapipirmanente tayo’y hulog ng awa ng may-ari. Napakaraming benepisyong kaloob ng batas sa mga manggagawa na hindi natin tinatamasa.” “Gano’n ’ata’ng kalakaran,” sabi ng isang matandang babaing manggagawa. “’Yon na’ng dinatnan naming palakad at tinanggap namin. Ngayon nga lang. . .” “Kaya nga tayo naririto, Ka Delang, e para maituwid ang mga pagkukulang na talaga namang para sa ’tin,” sambot kaagad ng isang dalagang obrero. “Kaya nga dahan-dahan nating ipinaririnig ang ating tinig,” sabi ni Amado. “Unti-unti tayong nakakapakialam.” “Di ba’t bumuo tayo ng komite no’n na pinamumunuan mo, Amado, para iparating ke Senyor Martin ang ating karaingan?” ungkat ng isang may edad na ring operator ng isang makina. “Disgrasya ni Ka Tibo ang nagtulak sa ’tin na idulog ang ating problema sa pangasiwaan hindi bilang indibidwal kundi bilang katipunan ng mga manggagawa,” pagsariwa ni Amado sa isang nakaraan. “Disgrasya lang naman talaga kung bakit naputol ang dalawang dalire ni T ib o ,” sabi ng matandang manggagaWang babae. “Ipinarating natin ke Senyor Martin ’yong kaso,” katig ng matandang obrero sa matandang babae. “Me nangyari naman ’ata.” “Pagkatapos na halos tayo’y pinaluha ng dugo, Ka Igme. Kundi pa tayo nagbanta na dadalhin natin ang kaso ni Ka T ib o sa gobyerno, malamang na walang nangyari sa matanda,” paglilinaw ni Amado.

220 “E ano ba’ng dahiian ng pagtitipon nating ito?” may halong pagkainip ang tinig ng isang kabataang manggagawa. “Napakaraming dapat mangyari, ’alang nangyayari.” “Kaya nga tayo’y nagsasama-sama e para pag-usapan natin ang ating kalagayan. Napapanahon nang tayo’y magkaisa para ang kalagayan ng bawat manggagawa’y maging bahagi ng lahat,” paliwanag ni Amado. “Alam n’yo,” banayad ang tinig ni Ka Igme, “sa tinagaltagal ko na rin sa pabrika, parang krus sa balikat ni Senyor Martin ’tong ginagawa nating pagbubuo.” “Pa’no’y gusto n’yang lagi tayong nakikiusap sa kanya,” sabad ng isang manggagawang babae. “Laging ibig ni Senyor Martin na tayo’y umuutang na loob.” “Ang kailangan, kung ano ang itinoka sa ’tin ng batas, mapasaatin nang di na kelangan pang tayo’y manikluhod,” katnig ng isang obrerong nasa katanghalian na ang gulang. “Aba, no’ng manganay ang misis ko, ’kalain mong di ko magamit ’tong karapatan nating makapangutang. Pa’no, ilang buwang di pala naghuhulog ng parte ang kompanya gayong lagi namang binabawasan tayo kada buwan.” “Ang ibig sabihin, ’yong pera natin, pinagugulong muna ng me ari. Aba, sa dami nating ’to, masasabing me sariling dugo na rin tayo sa negosyo ni Senyor Martin,” maanghang na tudyo ng isa pang manggagawa. “Sabi nga,” pamuling sabad ni Amado, “ang tanging nalalabi sa uring anakpawis ay magbuklod sa pagkakaisa. Ito ang dahiian kung bakit naririto tayo ngayon. Oras ito ng pagbubuo.” “Ang mga manggagawa nama’y laging buo,” paliwanag ni Ka Igme. “Magtatayo tayo ng unyon, Ka Igm e,” tandisang pahayag ni Amado. “At kung hindi tanggapin ng pangasiwaan ang ating unyon?” may bahid-alinlangan ang tinig ni Ka Igme.

221 “Ang pagkakaroon ng unyon ay ipinagkakaloob ng karapatan sa mga manggagawa. Napakahalaga nito. Sa ating pakikipag-ugnayan sa may-ari, unyon ang kakatawan sa atin. Unyon ang ating magiging isang buong tinig,” paliwanag ni Amado. “Pero kung hindi kilalanin ni Senyor Martin ang unyon ng ating pagkakaisa?” giit na tanong ni Ka Igme. “Ibig ko rin ng pagkakaisa. Sa mga naririto, ako na marahil ang me pinakamatagal na serbisyo sa kompanya. Aayaw kong ang aking pinamuhunanan ng lahat e mauwi lang sa wala.” “Hindi natin dapat pag-alinlanganan ang maaaring ibunga ng ating pagb u bu o,” m atatag ang boses ni Amado. “Nananalig tayo na sa pagkakaisa, ang hustisya’y magdudulot .sa atin ng ibayo pang mga biyaya.” “Hindi mo pa sinasagot ang alinlangan ni Ka Igm e, Amado,” singit ng isang kabataang obrero. “Pa’no kung hindi kilalanin ni Senyor Martin ang ating unyon?” “Uurong tayo ng ilang hakbang para makasapit sa ating patutunguhan kung kailangan,” makahulugang pakli ni Amado. “Hindi naman tayo nagbubuo para magwasak. Ibig lang nating may isang organisasyong tatayo para sa atin sa pakikipagharap sa me ari. Pero kung dumating ang sandali na ang likod nati’y babangga na sa pader sa ating pag-iwas sa komprontasyon, patutunayan nating ang uring mangga­ gawa ay kayang tumayo at lumaban!” •Nagpalakpakan ang mga manggagawa sa matatag na paninindigang inihayag ni Amado. Nanatiling walang kibo si Ka Igme at ilang matatanda. Kay Toryo, ang buhay ay pagpapatianod sa isang kasaysayan. Mula sa gasolinahan, ang kamanghad niya ngayo’y isang taliba ng anakpawis na pinangangalagaan ang interes at karapatan. Sa mundo ng ka nyang isip, naguguluhan si T o ry o . H indi pa rin kumakawala sa kanyang malay ang naganap ng sinundang gabi. Hinahabol pa rin siya ng sumbat ni Karen. At ngayo’y

222 narito ang mga kasamahang obrero, nagbubuo para sa ibayong pagkakaisa. Hindi, hindi siya maaaring maging moog na nakahiwalay o may pag-aalinlangan, gaya ni Ka Igme. Sumasanib ang kamalayan at ang pagpapatianod ay dapat magwakas. “Ibig nating marinig ang boses ni Toryo,” sabi ng isang dalagang manggagawa. “Nasaan ba ang kanyang puso, nasa atin o nasa panig ng pamilya ni Karen?” Ibig mamula ni Toryo sa kanyang narinig na parunggit. Pero pinipilit niyang hindi tangayin ng darang ng mga talakayan. Aayaw niyang lubusang lagumin ng mga umaapoy na pananaw. O o, isa rin siyang manggagawa, kagaya ng sinumang kasamahang naroon. Pero sa kanya, ang pabrika ay isang tulay lamang para makapagtapos sa pag-aaral. Hindi siya sisilimin sa pabrika at hindi niya iniisip na ang buong buhay niya’y iuukol sa pabrika. Hindi niya susundan ang malungkot na bakas at larawan ng mga kulubot ni Ka Igme. “Kaisa ninyo ako,” mahina ang nagpapatianod pa ring tinig ni Toryo. “Kung nasaan ang marami, naroon ako.” Nagsisimula nang lumagda sa isang dokumento ang mga kasam ahang m anggagaw a, unang hakbang sa pagtatatag ng unyon. Naisip ni T oryo, ang paglagda b ilan g kasapi ay lu n d o ng isang p roseso ng mga panggrupong usapan sa kantina kung nagtatanghalian o bunga ng mga talakay sa mga barikan. At may lohikang nakikita si T oryo sa punyagi ng pagbubuo. Sa mga manggagawa, ang pabrika ay bukal ng buhay at ang bukal ay dapat m anatiling umaagos habang tumatagal ang panahon. Kagaya ni Ka Igm e, ang mga manggagawa’y mag-uukol ng lakas at kasibulan para sa pabrika, ang pinakamainit na buhay ay sasaklawin ng isang matagal na paglilingkod. May moral na bahagi ang pabrika sa buhay ng mga manggagawa, may moral na bahagi sa magiging

223 supling ng manggagawa, may moral na pananagutan sa sosyal na katayuan ng bawat m anggagawa. Ito ang pananaw ng pagbubuo, ang pangangalaga sa interes ng uring anakpawis. Hindi dapat maglundo ang buhay ng anakpawis sa pagkamakasarili. Ang lakas at ang kaligtasan ay nasa pagbubuo. Lumapit si Amado kay Toryo, inalok ang binata na sila’y magtagay sa marka demonyo. “Para sa ating tagumpay, Toryo,” sabi ni Amado. Sabay silang tumungga ng nakahihilong ispiritu na sinabayan ng ilang kalalakihan. “Para sa ating tagumpay, Amado,” sabi ni Toryo. Muli pa silang nagtagay at nadama ni Toryo na sumanib ang darang ng ispiritu sa kanyang katauhan. “May sasapian tayong pederasyon ng unyon ng mga anakpawis,” paliwanag ni Amado. “Sa pagiging bahagi ng nabubuklod na lakas ng mga manggagawa, tayo’y magtatagumpay! ” “M abuhay ang uring anakpaw is!” sigaw ng mga manggagawa sa pagitan ng tagay ng beer at marka demonyo. Sa unang pagkakataon, natagpuan ni Toryo na kuyom ang sariling kamao, nakataas sa hangin, kahanay ng maraming mga pawisang kamao. Kasabay ng lumalagom na tinig ng mga anakpaw is, kinakanta ng mga m anggagawa sa sinapupunan ng mga amusing kubakob ng lungsod ang awit ng mga obrero sa sandaigdigan: bang on sa pagkakagupiling, bangon, kauring alipin\ at aywan, sa pumailanglang na mga tin ig, nararamdaman ni T oryo, ang kapanglawan ay nahuhugasan ng kamoogan ng mga amoy-pawis kagaya ng mahiwagang katas ng kampupot, at sa isang kisapmata, natagpuan niya ang tatag sa piling ng santinakpang kauri at sa sinapupunan ng nabubuong lakas, natuklasan niya ang umalipatong diwa sa pagkakaisa.

224

2 ^

Paalam sa L u n in g n in g

Halos kalahating oras pa bago maglabasan nang lumapit sa puwesto ni Toryo ang utusang empleyado sa opisina ni Senyor Martin. Minsan, kung dumadalaw si Karen sa pabrika at ibig makipag-usap sandali sa kanya, ang utusang empleyado rin ang siyang pinalalapit sa kanya. “Ipinatatawag ka ng boss,” sabi ng inutusan. “Walang tatao rito,” sabi ni Toryo. “Mamamaya na lang.” “Sabi’y ora mismo na kelangan ka ro’n ,” patapos ng utusang empleyado at inut-inot nang lumayo. Alam ni Toryo na iyon ay napansin ng superbisor ng kanyang kinabibilangang departamento. Lumapit ang superbisor kaagad kay Toryo pagkaalis ng mensahero ng opisina. “Me problema?” tanong ng may katabaan ding superbisor. “Ipinatatawag ho ako ni boss e ,” paliwanag ni Toryo. “E kung gano’n, pumunta ka agad. Tiyak na importante’ng kailangan niya sa ’y o ,” sabi ng babaing superbisor at makahulugang nagtapon ng tingin kay Toryo. “Me duda ako.” “Baka me kinalaman sa ’ming lupa sa probinsiya,” iwas ni Toryo sa tinuturol ng superbisor. “Malaki lang naman ang kutob ko na baka alam na rin sa itaas ang pinasimulan n ’yo sa Tondo n o ’ng nakaraang lin ggo,” tandisang sabi ng superbisor. “D ito sa pabrika, wala kang maaaring ilihim ke Senyor Martin. Me tenga’t mata si boss sa lahat ng bahagi ng pabrika. ’Yan ang tandaan n’y o .” “E pa’no ho?” paiwas na tanong ni Toryo para hindi na humaba pa ang usapan sa usiserang superbisor. “Pumunta ka na. Tatawag na lang ako ng hahali sa ’yong pwesto,” patapos ng superbisor. Tuluy-tuloy na si Toryo sa opisina ni Senyor Martin sa ikalawang palapag ng gusali. Inihudyat ng sekretarya sa labas

225 na maaari na siyang tumuloy. Bahagyang nakaawang ang pinto ng opisina at iyon ay bahagyang itinulak ni Toryo. Naratnan niya ang may-ari na may binabasang mga papeles sa ibabaw ng mesa. Sa isip ni Toryo, hindi maganda ang araw ni Senyor Martin. Panakaw siyang sinulyapan sa sulok ng mga mata, ngunit kagyat na ipinagpatuloy ni Senyor Martin ang pagtunghay sa mga papeles at waring kusang ipinadadama sa kanya na parang walang taong pumasok sa opisina. Saglit na nanatiling nakatayo si Toryo sa harap ng mesa ng may-ari. “Ipinatatawag daw po ninyo ako,” mahina ang boses ni Toryo. Itinuro ni Senyor Martin ang silya sa harapan ng mesa na waring walang salitang utos na siya’y lumikmo roon. Umupo si Toryo. Nakiramdam. Patuloy si Senyor Martin sa kanyang binabasa. Ibig magdalang-awa ni Toryo sa sarili ngunit tinibayan niya ang kanyang dibdib. Inilinga ni Toryo ang paningin sa paligid ng opisina, sa makapal na kurtinang pelus at sa nakalatag na alpombra sa lapag. “Ipinatawag kita dahil sa ’sang mahalagang bagay,” simula ni Senyor Martin na nananatiling nakapako ang mga mata sa isang dokumento. “Sinabi nga po ng mensahero,” sabi ni Toryo. Nakamata na si Senyor Martin kay Toryo at nabasa ng binata ang kislap ng poot sa paningin ng ama ni Karen. “Me balak pala ang mga manggagawa rito na magtayo ng unyon,” tuwirang pahayag ni Senyor Martin. Nabigla si Toryo sa narinig pero sinikap niyang maging panatag sa hindi pagbubukas ng bibig. “Isa ka sa nakapirma sa petisyon, Victorio,” mariin ang tinig ni Senyor Martin. “Bahagi po ako ng kalahatan,” nagpapaunawa ang katwiran ni Toryo. “Ayaw ko ng taong parang ahas na tumutuklaw sa kamay ng nagpapala sa kanya,” mahayap ang salita ni Senyor Martin.

226 Nasa gipit po akong kalagayan,” nagpapaliwanag ang tinig ni Toryo. “Unawain po ninyo ako.” “Sapin-sapin ang pagsubok mo sa ’king pasensiya,” nanunumbat ang tinig ng senyor. “Akalain mo, pati si Karen, pinatulan mo. Hindi kita minamata pero dapat alam mo ang iyong sukat. Hindi ka kasukat ng aking anak.” Nakaramdam si Toryo ng matinding panting sa punong tainga sa tandisang pag-upasala sa kanyang pagkatao. Talos niya ang kanyang katayuan pero alam niyang hindi niya kailanman pinagsamantalahan ang damdamin ni Karen. Tapat po ako sa ’king damdamin, Senyor M artin,” pahayag ni Toryo. “Alam po ’yon ng inyong anak.” “Hindi punto rito ang katapatan o kawalang-katapatan,” tandisang haplit ng matanda. “Ang sinusuri rito’y delikadesa ng pagkatao.” “Wala na po kami ni K aren,” -pagtatapat ni Toryo makalipat-saglit. ^ Alam ko rin yon, mabilis na sambot ni Senyor Martin. Alam ng aking anak na ang buhay ay di kagaya ng mga pelikulang Tagalog. Iyong me mahirap na makakatagpo ng mayaman at sila’y magkakatuluyan para mamuhay na maligaya sa habang panahon. Ang tutuo, tapos na’ng problema ko ke Karen. Sa ’sang buwan, lilipad siyang paAmerika. Nando’n ang nobyo n ’ya at marahil e magpapakasal. Handa ko nang kalimutan ang bagay na ’yon. Hanggang dumating ang inyong kaululang petisyon.” Marami po kami sa petisyon. Bakit ako’y nag-iisa ninyong ipinatawag?” lakas-lob na tanong ni Toryo. Espesyal ang katayuan mo sa kompanyang ito. Ako ang personal na nagpasok sa ’yo rito. Ngayong isa ka sa susuwag sa aking poder, gagawin kitang halimbawa sa aking tiyak na gagawin sa mga kasama mong pinasukan ng hangin ang mga kukote! gumagaralgal ang boses ni Senyor Martin. “Ano po ba ang talaga ninyong iniisip?” tanong ni Toryo.

227 “Pagkatapos ng buwang ito, maghanap ka na ng ibang mapapasukan, Victorio!” mariin ang tinig ni Senyor Martin. Makaraa’y sumandal si Senyor Martin sa de-almohadong silya. “Makakalabas ka na,” patapos na sabi ng may-ari, malupit na inihudyat ng hintuturo ang pintuan. Panatag na tumayo si Toryo. Matatag na humakbang pagawing labasan ng opisina. Ni hindi niya tinapunan ng lulling sulyap si Senyor Martin. Sa kanyang kaibuturan, may buhawing nabubuo. Para siyang itinutulak ng isang uri ng paglibak. Pagkababa sa pabrika, nakita niyang ang mga manggagawa’y nagsisipaghanda na sa pag-alis. Inabot siya ng oras ng labasan sa loob ng opisina ni Senyor Martin. Mabilis na dinampot ni Toryo ang maliit na bag ng sisidlan ng kanyang mga gamit. Pumila na siya sa labasan Maya-maya, napansin ni Toryo na sumalisi si Amado, sumunod sa kanya sa pila. “Me mahalaga tayong pag-uusapan ngayong gabi,” sabi ni Amado. “Kailangan ka do’n.” “Me pasok ako,” pasubali ni Toryo. “Importante’ng pulong na ’to ,” giit ni Amado. “Baka p’wedeng pumalya ka muna sa klase m o.” “Ayaw kong. . .” “Ngayon lang. . Naisip ni Toryo na kaipala’y mahalaga ang sinasabing pulong ni Am ado. Kahit m insan no on g una, hindi nagmungkahi ang kasama na lumiban siya sa kanyang klase. Ang totoo pa nga, ang tumatayong lider ng mga mangga­ gawa sa pabrika ang laging humihikayat sa kanyang sikaping magpatuloy at magtapos sa pag-aaral. At ngayo’y parang dnmudulog iyon sa kanyang pag-unawa na kung maaari’y pumalya muna sa isang araw na pagkaklase sa unibersidad. “Sa’n ba?” tanong ni Toryo. “Sa opisina ng pederasyon na ating aaniban,” paliwanag ni Amado. “Sabay na tayo pagpunta ro’n.”

228 “Sige,” sang-ayon ni Toryo. “Alas otso pa’ng miting natin,” sabi ni Amado habang sila’y naglalakad sa sakayan ng dyip. “Magtig-isang boteng beer muna tayo bago pumunta ro’n .” Sumakay sila sa dyip na ang ruta’y patungo sa opisina. Sa isang malapit na restawran sa pederasyon pumasok ang dalawa. Umorder si Amado ng dalawang bote ng beer at sinangag na mani. “Akin ’to,” pauna ni Amado nang maipatong na ng tagasilbi ang inorder. “Tag-isa hanggang dalawang bote tayo.” “Laging ikaw ang taya.” “Pag nakatapos ka, ikaw ang magpapainom sa ’kin.” Tinungga ni Toryo ang isinaling beer. “Baka di na ’ko makatapos e.” “Dalawang taon na lang at tapos ka na, di ba?” tanong ni Amado. “Me konting problema,” ani Toryo at kusang ibinitin ang iba pang sasabihin. Nagkatinginan ang dalawang nag-iinuman. Talos ni T o ry o , hindi niya m aikukubli sa kaharap ang isang nakakubling suliraning kinukuyom. “Tutuo ba?” “Di ako nagbibiro.” “Sabi’y ipinatawag ka raw sa itaas,” panunurol ni Amado. “Iyon nga e .” “Ano ba talaga’ng nangyari?” “Sa katapusan ng buwan, tanggal na ’ko sa pabrika,” pagtatapat ni Toryo. “Me kinalaman ’yan sa unyon, T oryo,” paniniyak ni Amado. “Natunugan na ni Senyor Martin ang ating piano.” “Isinumbat niya sa ’kin ang tungkol sa ’ting pagbub u o,” sabi ni Toryo. “Hindi matanggap ni Senyor Martin na sasama ako. Hanggang katapusan, iniisip niyang di ako kakalas sa kanya.”

229 “Nadamay ka dahil sa iyong pakikiisa sa amin,” mahina ang boses ni Amado. Nagsalin iyon ng beer sa baso, tinungga. “Naniniwala naman ako sa ating layunin e,” panatag na sabi ni Toryo. “Para sa higit na nakararami. Kung masisante ako, trabaho lang ’yon. Habang ako’y me lakas, habang ako’y me utak, bisig at prinsipyo, di ako mawawalan ng tiwala at pag-asa.” Umorder pa si Amado ng dalawang bote. “Hindi lang kasi trabaho ang kaso mo sa pabrika, Toryo. Paano si Karen? talampak ni Amado. Sinaid ni Toryo ang huling beer sa baso. “Si Karen e bahagi lang ng simbuyo. Sa ’kin, siya’y isang pagbibinyag sa buhay ng lungsod, pagluluwal sa ’kin sa sinapupunan ng liwanag. Napakaningning ng daigdig ni Karen para maging bahagi ng aking karimlan. Alam ko ’yon, Amado. Ilusyon lang sa ’kin si Karen, isang pangarap na talos kong tatangaying palayo ng realidad,” parang nangangarap ang mga salita, makaraang simsimin ang huling bula sa baso. “Ang ganda no’ng sinabi mo a,” napapalatak si Amado. Ibinaba ng tagasilbi ang inorder na dalawang bote. “Sumisilang ang salita sa kirot ng sugat,” sabi ni Toryo. “Tula ’yon a,” sabi ni Amado. Sinalinan ni Amado ang baso ni Toryo ng beer. Sinalinan ni Toryo ang baso ni Amado. “Ang tula’y wika ng sugatang kaluluwa.” Nagtagay ang dalawa. “Kung buhay si Balagtas, me kalaban na siya.” “Parehong panaginip ang aming mga musa.” “Siya’y sa Ilog Beata. Ikaw nama’y habang umaagos ang samutsaring sinulid sa pabrika.” Nagtawanan ang dalawang binata. “Bahagi ng poot ni Senyor Martin ang tungkol sa amin ni Karen. Akala niya’y nagsasamantala ako. Ako’ng unang

230 nakakita ng ilusyon. Ako’ng unang nagising,” tigib ng panimdim ang tinig ni Toryo. “Ang ibig mong sabihi’y. . .” “Nang magsuhay si Senyor M artin, nakaraan na’ng bagyo, sabi ni Toryo, kakambal ng mapinong biro. Muling nagtagay ang magkaibigan. “Di ka ba nasaktan?” seryoso ang pag-unawa ni Amado. naman ako b ato ,” malaman ang sabi ni Toryo. Mahirap ding mawalan ng isang pinag-ukulan ng pagtingin. Sa ’ming nayon, nawala sa buhay ko ang aking katipan. Ngayon, alam kong ni di ko na dapat pang isipin si Karen.” Tahimik na sinaid ni Toryo ang laman ng baso. Nakamata sa kaharap si Amado. “Beer pa?” Tumingin si Toryo sa relo. “Oras na.” Tiningnan ni Amado ang laman ng kanyang baso. “Ano ngayon ang iniisip mo?” “Bahala na,” kibit-balikat na pakli ni Toryo. “Narito ako, Toryo. Kaibigan mo ako.” Ipinatong ni Amado ang nakabukang kamao sa balikat ni Toryo. Hinawakan ni Toryo ang kamao ng kamanggagawa. Ako’y kasama mo, Amado,” namamanata ang tinig ni Toryo. Nagbayad na si Amamdo ng kanilang ininom at pinulutan. Tumayo ang dalawa, lumabas sa lansangan, binagtas ang gawing tanggapan ng pederasyon. Dinatnan na nila ang ilang kasamahan. Naroon na rin ang ilang opisyal ng pederasyon. Ilang saglit pa, sinimulan na ang miting. “Me konting problema ang ating pagbubuo,” talibukas ng tagapagsalitang opisyal ng pederasyon. “Alam na ng inyong pangasiwaan ang tungkol sa ’ting organisasyon. Ang mahalaga, nasa atin ang mayorya. Ngayong alam na ng mayari ang ating niloloob, sisimulan na ng pangasiwaan ang proseso ng pagbuwag. Kailangang hindi mapahina ng

231 puhunan ang ating hanay. Iyan ang dahilan ng ating pulong. Maraming tuksong ihahain sa mga manggagawa ang puhunan. May lakas sila para tayo’y supilin. May pangangakuan ng biyaya, may pagbabantaan ng pagsiil. Kaya kayong mga tumatayong lider ng inyong hanay ang dapat mangalaga sa katatagan ng mga kasapi. Dahil sa tayo ang bum ubuo ng mayorya, hihiling tayo ng eleksyon sa pangangasiwa ng kawanihan ng paggawa. Kapag nakaharap ang pangasiwaan sa buong organisasyon ng mga anakpawis, wala itong masusulingan kundi ang makipag-usap sa atin at dinggin ang ating mga karaingan. Pero dapat nating pangalagaan ang ating hanay. Ito ay napakahalagang hakbang na dapat isabalikat ng bawat isa.” “Ngayon pa lang ay sinimulan na ng pangasiwaan ang pagbuwag sa aming hanay,” sabi ni Amado. “Isa sa amin ang sinisante na ng may-ari.” Sumulyap si Amado kay Toryo na nasa medyo hulihan. Nakatungo ang binata, parang ibig iiwas ang sarili sa usapan. “Isa itong seryosong bagay,” nababahala ang tinig ng opisyal ng pederasyon. “Ito ’y maliwanag na pagwasak sa unyonismo. Labag ’yan sa batas.” “Welga ang maaari nating isagot diyan,” buyo ng isang kasamang mangggagawa. Nagsalita si Toryo. “Ako ’yong tinanggal na manggagawa. Pero ayaw kong ako’y maging isyu laban sa pangasiwaan. Higit kaysa unyonismo ang dahilan ng pagsisante sa ’kin.” “Hindi ’yan ang p u n to ,” paliwanag ng opisyal ng pederasyon. “Nakatayang usapin dito’y ang prinsipyo ng pagbuwag sa hanay ng mga kasapi ng unyon. Karapatan ng unyong ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa hindi makatarungan at ilegal na pagbuwag.” “Nakikiusap akong huwag akong maging sentro ng usapin sa pagitan ng puhunan at paggawa. Isang bagay na personal ang dahilan ng may-ari sa pagtitiwalag sa ’kin sa trabaho.

232 Ang mahalaga, mabuo tayo. Mahirap ’y ° ng wala Pa tayong sapat na lakas e haharap na kaagad tayo sa banggaan.” “Nakikita ko’ng punto ni Toryo, mga kasama,” patlang ni Amado. “Pagbigyan natin ang kanyang pakiusap.” “S ig e ,” sang-ayon ng tagapagsalitang opisyal ng pederasyon. “Ang kaso ni Toryo’y isa sa mga bagay na ilalahad natin sa ating negosasyon sa pangasiwaan.” “Ang problema na lang ni Toryo’y ang pansamantalang p ag k ik itaan ,” paliwanag ni Am ado. “ Kasalukuyang estudyante siya sa unibersidad. Kailangan niya ang panustos sa kanyang pag-aaral.” “Hindi ’yan malaking problema,” paniniyak ng opisyal ng pederasyon. “Dito muna siya magtatrabaho sa opisina. Tamang-tama, higit niyang matututuhan ang pasikot-sikot ng kilusan sa paggawa. Makakapagpatuloy na siya sa pagaaral, maihahanda pa natin siya sa higit na makabuluhang bahagi sa kilusang anakpawis.” Nang gabing iyon, binalak ang mga dapat gawin, pinagtibay ang mga estratehiya ng paggawa sa pagharap sa lakas ng puhunan. Pangangalagaan ang nabubuong taliba laban sa galamay na mapangwasak ng pangasiwaan. Sa pagkakaisa, ang puhunan ay magiging isang tigreng papel na mangangalisag sa pagkaduwag sa pagsasanib ng anakpawis. Isa iyong gabi ng pagpapatatag ng hanay, pagmomoog ng paninindigan at pagtatalaga ng sarili sa isang simulain. Pagkatapos ng miting, nagkaroon pa ng kaunting inuman, masisiglang tagayan, pagkakawil-bisig ng magkakasama sa isang pananalig. “Ano man ang mangyari’y isa tayo,” sabi ni Amado na malagihay na sa nainom. Nagsasalita si Amado sa lahat, ngunit sa wari ni Toryo, ang mga salita ng pagkakawil-bisig ay nakatuon sa kanya, higit kaninuman. Sa kauna-unahang pagkakataon, natitiyak ni Toryo, siya’y bahagi ng isang matatag na kabuuan ng mga manggagawa at walang diwa ng pananagumpay ang bughaw na mukha ng pangungulila.

233 Umuwi siya sa silid-tulugan na bahagi ng isang kalakhan. Naglatag ng banig sa sahig, nagkabit ng kulambo. Pumaloob sa kulambo, humimlay sa amoy-pawis na unan. Sa makipot na silid, umaaligid ang mga lamok sa nakakabit na kulambo, waring inaawitan ang kanyang pagkahilo. Nagkahalo ang beer at marka demonyo sa kanyang bituka at yao’y may pilantik sa kanyang utak. Kapag ipinikit ang mga mata, umiinog wari ang buong lungsod. Sa ibabaw ng banig, kaipala’y lumilisa ang mga surot mula sa pagtatago sa siwang ng pinagtagni-tagning tablang sahig na sinaniban ng alikabok, maghapong nagutom at hayok na nag-abang sa gabi ng isang paghingalay ng langong katawan. Sa bawat kagat ng surot, ikinikiskis niya ang bahagi ng kanyang katawan, bind o braso, likod, tagiliran o puwit, ngunit patang-pata siya at parang gumuguhong templo ang daigdig ng isang lungsod. Habang umaawit ang nanunuksong lamok sa labas ng kulambo at nagdiriwang ang mga surot, nambibitag ang bituin ng kanyang pagkalango. Sa dambana ng kanyang utak, inililipad si Toryo ng bagwis ng hangin, palayo sa lungsod, patungo sa himpapawirin ng mga kumukutitap na tala. Alam niyang ibig na niyang humimlay, ibig na niyang gumupiling, ngunit patuloy ang awit ng lamok at salakay ng mga surot. Sa himaymay ng kanyang malay, talos niya, namamaalam siya sa isang luningning na nakapapaso, at lunggati niyang humimlay sa timbon ng dayami ng kagigiik na palay, aawitan ng mga maya’t kuliglig, hahalikan ng isang paruparo. Ibinagsak siya ng hangin sa isang napakalalim na kapusuran, humiyaw siya nang humiyaw sa isang malagim na bangungot, nagpapasagip sa mga tala, ngunit sa kanyang pagbulusok, nadama niya ang pagsalo ng maraming pawisang kamay, nakahain ang samutsaring sinulid na kanyang maghapong binabantayang umagos na parang ilog, at siya’y inihimlay sa isang payapang templo hanggang ang kanyang malay ay higupin ng isang dalisay na kawalanghanggan.

234

^ Pagsanghaya ng Bulaklak Iniawang ni Bining ang bintana ng kanyang silid, itinukod ang pangkatang na panukod sa pasimanong kawayan. Bughaw na ang kanluran at hindi maglilipat-saglit, susuyo ang dilim sa dapithapon. Bumugso ang payapang simoy at inihatid sa kanyang pisngi ang halik ng mga bumubukad na bulaklak. Naisip ni Bining, panahon na ng pamumulaklak ng mga puno, santol, kaimito, mangga, abokado, sinigwelas, kamatsile, duhat, sampalok, akasya, molabe. Ilang saglit siyang nakamata sa malaking punong mangga, hitik ng m am uti-m uti-m anilaw -nilaw na bulaklak, ang ib a ’y kinukulumpunan ng laywan na kaipala’y sumisimsim ng tamis na lilikhaing nektar ng pukyutan sa magdamag. Sa minsang malakas-lakas na bugso ng amiha’y isinasambulat at inililipad ng simoy, isinasabog sa palibot ang mumunting talulot na nagkakamanyang ng sanghaya, nagiging m um unting alitaptap na nalalaglag sa lupa sa pagtatakipsilim. Nagunita ni Bining ang halos kulang-kulang na isang buwang pagpapausok ng kanyang ama sa malaking puno, tinabingan ng lumang sawali ang paligid at kinulob ang puno na parang bagong kapapanganak na ina sa unang pagpapaligo. Sa loob ng panahong iyon, laging kawaksi si Oyo o si Ka Antang, may mga samutsaring bahagi sa pagpapabukad ng mga bulaklak. Naisip niya, ang pamumulaklak ay isang nakatagong malay sa buhay ng mga anak ng lupa, sagisag ng iba’t ibang mukha ng buhay sa kanayunan, sa pag-ibig, tagumpay, kabiguan at paglagay sa tahimik. Bago gumitaw ang unang suso ng talulot, ang buong kamag-anakan nina Oyo ay pumaibayo na sa ritwal ng pamanhikan, nagpatubig, nagpasuman, nagpaisda, isang kawil-kaugalian sa paghingi ng kamay ng isang minumutyang dilag. Pinuno ang mga

235

tapayan ng mga malalapit na kaanak, pinadalhan ng suman at kalamay ang buong angkan, gayat-gayat na inalaala ang mga kadugo ng biniyak na tambakol na ayon sa walang patumanggang pagpapakahulugan ni Ka Tulume’y kawangis ng pagbitak ng bukang-liwayway sa sinapupunan ng dilim, nagbabadya ng bagong buhay at liwanag. Umagang-umaga pa’y nagwalis na siya ng paligid at kasama niyang winalis ang nakakalat na talulot sa paanan ng inang puno. Tiningala niya ang malalabay na sanga at nasilip niyang gumigitaw na ang mga lu nting buko pagkaraang buhayin ng mga humiwalay na talulot. Bago nagtukod-tikin ang araw sa silangan, sinabihan na siya ng kanyang Inang na iayos na ang sarili, maligo sa batalan, maggugo ng buhok na pinabango ng pinigang kalamansi at dahon ng kampupot. Sa gabing iyon, babalik ang mga piling kinatawan ng pamilya ni Oyo at sa pamumulong ay hayagang hihingin ang kanyang kamay, itatakda ang araw ng pag-iisang-dibdib, pipiliin ang mga tatayong ina’t amangkasal, titiyakin ang handaan, didinggin ng kanilang panig kung may bilang o wala sa paghingi sa kamay ng isang kaytagal na niliyag. Kaya’t sa kanyang pananatili sa silid, naisip ni Bining, para siyang namumulaklak na puno, alagang-alaga ng ina na parang ni ayaw pahipan ng hangin pagkat sa mga kakasalin, ang buhay ay isang maselang kristal, di dapat magkabitak, di dapat ipalaot sa kapabayaan o pagbabaka-sakali. Tahimik ang sandali at may mga alaalang pilit gumigitaw, kagaya ng mga alitaptap na korona ng mga puno sa mga unang pagpatak ng ulan o ng mga gamugamong umaalipato mula sa sinapupunan ng lupa, lumilipad at naghahanap ng liwanag sa alimuom ng lupa na ibig simimsim ng hamog sa kapagasan. Dinalaw siya ng kaunting lu ngkot at humapdi ang pangungulila sa pagdampulay ng alaala ni Toryo. Nasaan na kaya si Toryo sa pamumulaklak ng mga puno? May sugat ang mga hinanakit na waring nagnanaknak sa mga usapang-

236 nayon at sa pananaw ng kanyang ama. Gamitin m o’ng iyong isip, Bining, ano’ng mapapala mo sa paghihintay sa wala? Pagkat balita sa buong Makulong ang pagkakaugnay ng binata sa anak ni Senyor Martin at sa lahat ng iyon, nasasaktan nang lihim ang dibdib ni Bining pagkat sa kabila ng pagkakaloob sa kanya ni Toryo ng kalayaan, nadarama niyang naroroon pa rin ang dating pintig, ang mga tibok na may inihihimatong pananalig at pagpapakadalisay. Sa kanyang isip, ang pag-ibig ni Toryo’y isang pagpalaot sa kawalan, pagbibinhi sa ilang habang hindi pa pumapatak ang ulan, na kung hindi mapapanahong ham ugin ng lan git ay m aaaring tuluyang matuyo’t lagumin ng lupa. Hindi pa siya sumusuko sa kanyang pananalig, ngunit paano maaaring tigasan ang batas ng mga kaugalian sa pamumulaklak na dapat igalang, kilalanin at yukuan? Kinuha ni Bining ang singsing na sangla ng isang kahapon ni Toryo at naisip niya, dapat na iyong isauli, pagkat ang pananatili ng singsing sa kanya’y isang kaw alang-katarungan. Ilang saglit din niyang minasdan ang singsing sa anag-ag ng agaw-dilim at liwanag. Mula sa araw na ibatas ng mga salita ni Toryo ang kanyang paglaya, hindi na niya isinuot pa ang singsing na pamana pa kay Toryo ng nasirang ina, hindi dahil sa nasumpungan na niya ang kalayaan, kundi dahil sa talos niyang ang tali ng pag-ibig ay may dalawang buhol. Maaaring kalag na ang buhol ni Toryo, ngunit ang sa kanya’y nananatili sa isang tahimik at payapang katatagan. Maya-maya’y naalunignig ni Bining ang pagsadlak ng mga tinig at bagamat talos niyang ang ritwal ng pamanhika’y maglulundo na sa pagdatal ng gabing iyon, kumabog pa rin ang kanyang dibdib at parang ibig niyang magsumiksik sa dilim ng silid. Kumaltab ang pinto ng silid, umagit-it ang kawayang bukasan. Bumanaag ang anino ni Ka Sabel.

237 “Me mga tao na,” pagpapaalam wari ng ina. Itinabi ni Bining ang singsing sa dating lagayan. “Susunod na ’ko, Inang,” sabi ni Bining. “Labas na,” banayad ngunit pautos na turing ni Ka Sabel. “Baka me masabi sila.” Sumara ang pinto. Ipininid ni Bining ang bintana, lumabas. Naroon na sa kabahayan ang ilang matatanda sa nayon, kasama ni Ka Tulume. Ang mga babae’y may mga bitbit na kaldero, mga pinggan at bandehado na inaayos sa kusina. Magkatuwang si Ka Antang at si Ka Sabel sa pagsasaayos ng dalang handa, kawaksi ng mga dalagang nayon sa pangunguna ni Ligaya. Sinimulan nang paikutin ni Ka Tulume ang maliit na baso na may saling lambanog sa mga kalalakihang natitipon. Nakita ni Bining si Oyo na nakaupo sa nakatayong sakong puno ng palay sa tabi ng lialigi, nakamasid sa pagpapasalin-salin at pagpapalipat-lipat sa mga kamay ng tinatakalang baso. Lumapit si Ka Tulume kay Bining, dala ang basong may lamang lambanog. “Patamisin mo naman, Bining,” pasakalye ng matanda na nakangiti. “Iga na ang labi ng ’sang binata at kailangang matamis na pampainit ang tunggain.” “Di ho ako sanay,” kiming pag-aatubili ni Bining. “Sinasanay ang di sanay,” makahulugang pakli ni Ka Tulume at palihim na kumindat kay Oyo. Tinikman ni Bining ang alak. Gumuhit ang init ng lambanog sa kanyang lalamunan, tumagos wari sa kanyang puson. Nakita ni Bining na nakamata sa kanya si Oyo, bahagyang nakangiti. “Eto ho,” sabi ni Bining pagkatapos. “Matamis na ho ’yan.” Iniabot ni Bining ang basong tinikman kay Ka Tulume pero hindi iyon tinanggap ng matanda. “Pinatamis ang alak sa pag-uukulan,” pananalinghaga ni Ka Tulume. “Kay Oyo ang karangalan.”

238 Tumayo si Oyo sa pagkakaupo sa sako ng palay. Lumapit ang binata kay Bining na nakapako’t naghihintay. “Ikaw ang mag-abot ng baso ke Oyo, Bining,” tuwirang sabi ni Ka Tulume. Iniabot ng dalaga ang baso na tinanggap ni Oyo. “Matamis na ’yan,” may halong biro ang tinig ni Bining nang makitang hindi pa iniinom ni Oyo ang lamang lambanog. “Dapat e inom kura,” tudyo ng isang nakatatanda. “Maging pawis ng alak e dapat pahid na pahid.” Tinungga ni Oyo ang lambanog sa baso. “Said na said,” sabi ni Oyo na namumula ang mukha. “Kitang-kita ang talab,” kantiyaw ng isang binata. “Pambuhay ng dugo,” katig ng isa. “Kailangan mo ngayon ng alak paminsan-minsan, Oyo.” “Di naman ’yong pati dugo’y matutuliro,” sabad naman ng isang matandang lalaki. Natigil lamang ang takalan nang pumasok sa kabahayan si Ka Sabel, kaagapay si Ka Antang. “Kumain na muna tayo,” sabi ng maybahay ni Ka Anane. “Lumalalim ang gabi kahit di hinuhukay,” pahiwatig-awat naman ni Ka Antang. “Dinuduyo ang unang dudulog,” pakli ni Ka Tulume. “Pangunahan mo, Anane. Dakilang hapunan ’to .” “Isa lang naman tayo dito,” paliwanag ni Ka Anane. “Walang dinuduyo pagkat magkakasama.” “Pero ang mga kakasali’y siyang dapat manguna sa pagdulog,” hindi patalo si Ka Tulume. “Di pa man, dapat nang ituring ni Bining na ang gabing ito’y para sa kanila ni Oyo.” “Di pa tayo nakakapagpulong, Ka Tulume,” paramdam ni Ka Antang. “Kayo talaga, pag nakainom na, nauuna ang kariton sa kalabaw,” may himig nagpapaumanhin si Ka Antang.

239 “Wika nga, ang mainam na simula’y nagtatapos sa maganda,” hindi paawat si Ka Tulume. “Lahat na ito’y sa maganda magtatapos.” “Iyan ang ating dapat asahan,” patapos na biro ni Ka Anane. “Pero mabuti nang me laman ang bituka para sa ulong mag-iisip ng maganda.” Masayang dumulog ang lahat, nagsalu-salo sa isang hapunan. Magkaharapan sina Oyo at Bining sa hapag kainan. Sa pagpupumilit ni Ka Tulume, nasa dalawang dulong magkaibayo ng mesa sina Ka Sabel at Ka Anane. Ang ilang dalagang kinabibilangan ni Ligaya’y di muna dumulog, nag-aasikaso sa pagbubuhos ng pagkain, nagdadagdag ng ulam sa hapag. “Para na itong tunay a ,” pansin ng isang panauhin. “Talagang maaasahan sa kusina si Ka Bisyong.” “Iyan ’ika nga’y pasakalye lamang,” may pagmamalaki namang turing ni Ka Bisyong. “Kung sa harana’y panawagan.” “Ang iniisip ko’y kung sino ang tatayo sa lugal ni Bisyong kung siya ang magmanugang,” biro ng isang matandang babae na nakamasid noon kay Ligaya na abala sa pagyayao’t dito sa kuhanan ng pagkain at hapag-kainan. “Tandang ang naghahanap ng patuka,” pakli ni Ka Bisyong sa katabing nagsalita. “Me kapatid pang iintindihin ’yang si Ligaya.” “Pad pala ako’y nasabit sa usapan,” nahihiyang pasubali ni Ligaya nang mapansing siya’y pinag-uusapan. “Aba’y talagang madadamay ka sa ganitong usap, Ligaya,” sabi ng matandang babae. “E dito sa ’tin, lahat e dadaan sa pag-aasawa. Hindi naghihintay ang araw, baka akala ninyo.” “Di pa ho guhit,” kiming pakli ni Ligaya. “E dapat kang makinig sa ’kin. Huwag kang magpapakatandang dalaga. No’ng kasibulan ko, mapili rin ako. Hanggang di ko napansin, naiwan na ako ng panahon. E sabi pa naman, nahihirapan ang kaluluwa ng matandang dalaga sa pagpasok sa kaharian ni San Pedro.”

240 “Maluwag daw naman sa purgatoryo,” biro naman ng isa. “Me kanya-kanyang panahon ang lahat,” sabad naman ni Ka Tulume. “Pag ukol, bubukol.” “Basta’t sana’y sunud-sunod ang mag-asawa dito sa Makulong,” sabi naman ng isang matanda. “Kailangan natin ang mas maraming tagagapak ng tubo.” Sinimulan kaagad ang bulungan makaraan ang hapunan. Madaliang niligpit ang mesa na siyang paghaharapan ng mga kinatawan ng dalawang panig. Sa panig ni Ka Antang, tumayong tagapagsalita si Ka Tulume. Si Ka Anane ang siyang humarap sa mga mamumulong. “Wala na tayong aayusin pagkat maayos na ang lahat,” talibukas ni Ka Anane. “Mula sa pagpapahiwatig ng inyong layon hanggang sa hayagang pagpapakita ng inyong mithi, walang tutol sa aming tahanan. Malaya kayong nakapagpaigib, malugod na tinanggap ang inyong malagkit na pasuman. Nang biyakin ang tambakol para gayatin at ipamudmod sa aming angkan, walang tinig na tumutol. Malinaw kung gayon ang kahulugan ng aming panig. Hinayaan naming tumulong kayo sa pagpapabulaklak ng aming puno. Ngayo’y me karapatan kayong pumitas ng ani.” “Ang aming paglapit ay hindi lamang paghingi at pagaangkin kundi pagkakaloob din at pagbabahagi,” matalinghagang tugon ni Ka Tulume. “Ang paglagay sa magaling ay hindi pagbabawas kundi pagdadagdag, hindi pagpapahuna kundi pagpapatatag. Hihiling kami ng kamay, magkakaloob kami ng bisig.” “Bukas na bukas ang landas,” sabi ni Ka Anane. “Malinaw na magkakaroon ng handa sa kasal sa abot ng aming kaya. Me gusto kaming abutin pero hindi kami aabot na nakaupo. Ipagpapatahi ng damit pangkasal ang nobya pati na ang mga abay sa kasal,” paliwanag ni Ka Tulume. Saglit na huminto at tumingin kay Ka Antang. “At para sa kinabukasan ng dalawang pagtataliin ang buhay, me sasabihin ’ata si Kumareng Antang.”

241 “Kinamatayan na ng tao ko ang lunggating idinudulot ng gabing ito. Saan man naroon si Garse, tiyak kong maligaya siya. Ang tutuo, ’yong konting naiwan niya’y akin ngayong isinasalin sa ngalan ni Oyo. May paiwi kaming dalawang pangararong baka, isang kalabaw at dalawang inahing baboy. Iyong tirikan nami’y isasalin ko na’ng titulo sa ’king anak,” pahayag na dugtong ni Ka Antang na parang nagbubunyi. “Sinimot mo na namang lahat, kumadre,” sabad na pabiro ni Ka Sabel. “Pa’no ka na niyan?” “Iisang butil ako, kumadre,” sagot ni Ka Antang. “Hindi naman kalakihan ang aking kalalagyan.” “Ang Diyos e siyang maalam sa ’tin,” sabi ni Ka Tulume. “Nasa mabuting lagay po si Inang habang naririto ako,” magalang na sabi ni Oyo na parang nangangako sa kalahatan. Idinetalye na ng matatanda ang kasal ayon sa karanasang nayon. Hindi isusukob ang kasal sa buwan ng babang-luksa ni Ka Tales. Itatama ang araw ng kasal habang pasulong ang buwan sa langit at itataong maganda ang araw ayon sa kalendaryong Tagalog at lagay ng mga bituin sa kaitaasan. Ang alkalde ang magiging amangkasal ngunit di dapat na parang minamaliit ang bise alkalde kaya’t ang kanyang ginang ang siyang tutuwang na inangkasal. May ilang matatandang nayon sa pangunguna nina Ka Anane at Ka Antang na magpapaabot-alam sa mga ninong at ninang sa pagkakapili sa kanila at kailangan ding magkaroon ng natatanging pasabi sa mga inangbinyag, inangkumpil, amangbinyag at amangkumpil ng dalawang pagtataliing-puso. Pahahatdan sila ng mga minamatamis na kakanin, ginayat na tambakol o piling laman ng baboy o baka. Pasasabihan din si Senyor Martin kaya’t kailangang alamin mula kay Ka Bisyong sa pagsugid kay Oden kung kailan maaaring umuwi ang senyor sa San Diego. “Malapit na’ng tabasan ng tubo kaya’t tiyak na uuwi si Senyor Martin. Aba’y marami na namang pera ang bibilangin ng senyor,” sabi ng isang magsasaka sabay subo ng maskadang sinamahan ng ikmo’t bunga.

242 “Igagalang ang mga kalakaran,” paliwanag ni Ka Tulume at binudburan ng apog ang ikmo’t biniyak na bunga na isasama sa maskada. “Mula bukas, isusulit namin si Oyo para maging kawaksi dito ni Anane,” dugtong pa ng matanda. Hindi na lumawig pa ang bulungan. Ang natirang lambanog ay hindi inagwatan ng mga lalaki hanggang hindi naubos. Bagamat walang pinagkayarian kung gaano kalaki ang handaang magaganap, may samutsaring palagay ang mga magkakanayon na iyon ay magiging isang katangi-tanging kasal na magaganap sa Makulong pagkat si Oyo ay masipag na magsasaka at si Bining ay kaibig-ibig mapapangasawa. Lumapit si Ligaya kay Bining para mamaalam. “Maging maligaya ka sana,” sabi ni Ligaya. “Salamat,” tugon ni Bining. Kinayag ni Bining si Ligaya sa isang tabi. “Me gusto akong ipakiusap ke Oden. Kung makakapunta siya, kahit ngayong gabi.” Nang makayao na ang mga panauhin, kusang lumapit si Oyo kay Bining na may ilang bagay na iniimis sa kabahayan. “Maligaya ka ba, Bining?” pasumala ni Oyo. Hindi umimik si Bining. “Ang lahat e batas ng nayon, Bining,” sabi ni Oyo na nagpapaunawa. “Wala akong layong manira. Alam mo ’yon noon pa.” “Para tayong siit. Ang dali-daling tangayin,” sabi ni Bining. “Tapat ako, Bining,” mataimtim si Oyo. “Nagugulo pa ako,” matapat na sabi ni Bining. “Pinid pa’ng puso mo sa akin. Handa akong maghintay.” “Hindi kaya ito’y pamamangka sa dalawang ilog? Hindi pa malinaw ang sa amin ni Toryo.” “Sisikapin kong tulungan kang makatawid sa ilog na nais mong tawirin. Naipasya na ang lahat ngayong gabi. Katulong mo na ako, Bining,” nagsusumamo ang tinig ni Oyo. “Sana’y maging karapat-dapat ako, Oyo,” sabi ni Bining. “Isa kang mabuting tao.”

243 “Bukas, dito ako matutulog,” sabi ni Oyo, nanunurol. “Unang gabi ng pagsusulit sa ’kin.” “Ipaglalatag kita ng banig, Oyo,” may himig-biro ang tinig ni Bining. “Ipipinid kong mahigpit ang pinto ng aking silid.” May binuhat na bangko si Bining. Maagap na umagapay si Oyo. Dumantay ang palad ni Oyo sa kamay ni Bining. Sumikdo ng kakaibang pintig ang kaibuturan ni Bining. Napatingin siya kay Oyo. Inilapag nila ang bangko. “Hindi ka na makakatalikod sa ’kin,” biro ni Bining. “Bakit?” “Hinipo mo na’ng daliri ko.” Sabay na napatawa ang dalawang magsing-irog. Hindi na nagtagal si Oyo. Tinanaw ni Bining ang binata, hanggang makalabas ng kanilang bakuran at lagumin ng dilim. Nanatili siya sa may bintana ng kabahayan. Nasiglayan niyang pumasok si Oden sa bakuran. Tuluy-tuloy na pumanhik. “Nasabi ni A te,” bungad ni Oden. “Me ipakikiusap ako sa ’yo, Oden,” sabi ni Bining. “Pa-Maynila ba ako?” nanghuhula ang biro ni Oden. “Binabasa mo’ng ligalig ko,” sabi ni Bining at naging pormal. “Nais kong malaman ni Toryo. Me nais akong isauli sa kanya.” Saglit na pumasok si Bining sa silid. Dala na niya ang singsing na nakasilid sa isang lalagyan. “Iyan ba’ng. . .?” “Singsing ni Toryo. Kailangan kong maisauli.” “Basta ikaw, Bining.” “Salamat, Oden.” “Tapos na rin naman ang eksamen namin e.” “Gagradweyt ka na?” “Awa ng Diyos. Luluwas nga ako sa Maynila. Gusto kong umeksamen sa PMA. Baka matutulungan ako ni Toryo.” “Alam mo na ba?” “Sabi ni Ate.”

244 “Pangunahing abay ka ni Oyo.” “Sige.” “Mapapatawad kaya niya ako, Oden?” “Mauunawaan ka niya, Bining.” Ilang saglit na katahimikan ang namagitan. Nakamata si Bining sa karimlan. Tumayo si Oden, parang ibig niyang igalang ang diwa ng isang pamamayapa. “Maging maligaya sana kayo ni Oyo, Bining,” patianod ng tinig ni Oden. Hindi na nagtagal si Oden. Naiwang nag-iisa si Bining. Panatag na ang kanyang kalooban. Payapa na ang kanyang diwa. Pumasok na siya sa kanyang silid. Muling tinukuran ang pasimanong kawayan, itinikwas na pabukas ang sawaling durungawan. Muli niyang nasasamyo ang bango ng mga bulaklak na hatid ng banayad na halik ng simoy-gabi. Maaliwalas ang gabi, kumukutikutitap ang tala sa langit. May gasuklay na buwang naglulunday sa himpapawirin. Sa pangalawang pagbibilog ng gasuklay na buwan, alam ni Bining, haharap siya sa dambana, kapiling ni Oyo. A, tama na nga marahil ang mga nangyari. Sumalong sa batas ng kalakaran, mamuhay na payapa sa isang kubo ng bagong pangarap. Kaylayo ng tala ni Toryo, hindi kayang abutin ng kanyang pag-asam. Sumulyap na muli si Bining sa puno ng m abulaklak na m angga. May nasiglayan siyang mga mumunting kislap, kumukorona sa yungyong ng mga sanga. Mga alitaptap, mga alitaptap sa pamumulaklak, naisaloob ni Bining. Muling sumanghaya ang simoy. Humimlay si Bining sa kamang kawayan. Nakatutok ang kanyang mga mata, paibayo sa siwang ng nakatikwas na durungawan. Ibig niyang pagsawaan ang kumikislap na mga alitaptap sa dilim, mga munting matang kumukurap-kurap. Ibig niyang dalawin ng antok sa anag-ag ng mga mumunting sinag sa kanyang diwa, at aywan, bago siya nilagom ng limot, sumalimbay sa kanyang isip ang mga mata ni Oyo at nadama niya ang init ng kamao niyon na kanina ay nakadantay sa kanyang mga palad.

245

Sa Bituka n£f Lungsod Kiling na ang araw sa kanluran nang sapitin ni Oden ang lungsod. Sabi ng babaing nakatabi niya sa bus, bago sila bumaba, lampas ng ala-una ng hapon sa lungsod ang sa nayon ay kiling na sa kanlurang araw. Mula sa harap ng Tanggapan ng Koreo, nilakad ni Oden ang daang patawid sa tulay na nakaarko sa Ilog Pasig, palundo sa matandang Simbahang Quiapo. Sa kalagitnaan ng tulay, saglit na tumigil si Oden. Nasiglayan niya ang ilang batang tumatalon sa ilog mula sa sementadong pampang, ang iba’y umuukyabit sa gilid ng mga batel na nakadaong, umaakyat sa paglalambitin sa malalaking kable at kapag nakasampa sa ibabaw ng mga sasakyang dagat, sila’y sisirkong pabulusok sa tubig na parang mga ibong nagpapataka sa kanilang pagsalimbay-pagbulusok sa himpapawid. Sa paanan ng tulay, isang santinakpang nagmamadali ang bumulaga sa kanyang pangmasid, parang mga dagang lungsod na kung saang mga kuweba susuot, lahat ay matulin sa pag-imbay, ang ilan ay halos lumulusot sa pagitan ng mga dyip-pasaheruhan sabay sampa sa estribo ng hulihan. Sa harap ng simbahan, nakatalungko ang mga nagtitinda ng kandila at mga aklat ng dasal at buhay ng mga santo, katabi ng mga nagtitinda ng iba’t ibang ugat at dahong nakasalansan sa tanggaling halayan, pamparegla o pampaligo sa mga bagong panganak. Nakatalungko ang mga bulag, humihingi ng awa sa mga nagsisimba at pag may ipinatak ng singko o diyes sentimos sa maliit na sisidlang lata, ang labi ng bulag ay malakas na magpapasalamat sa nagkawanggawa, pagpalain kayo ng Panginoon sa kaitaasan, na waring ibig makipag-agawan sa pagbabasbas ng grasya sa parang nasa dambana ng simbahan. May nagpepenitensiyang paluhod sa •iltar at mahaba ang hilera ng mga humahalik sa nakahigang maitim na Nazarenona nasa loob ng isang higaang bubog at

246

nagunita ni Oden si Ka Tales na ayon sa taga-Makulong ay isang nakahigang tagatubos sa timbon ng mga sakong kinamatayan. Lumabas si Oden sa simbahan at gumala-gala sa lungsod. Nakita niya ang mga batang may tulak-tulak na maliit na kariton sa harap ng isang palengke, tumitigil sa mga basurahan, naghahalungkat at sinisimot ang mga bagay na hinahanap, gaya ng mga boteng itinapon, mga kartong pinagsidlan ng mga paninda o anumang bagay na maaaring pakinabangan. Nagunita niya ang lumang pugon nina Toryo, ang kanyang paggatong kung tag-iluhan, ang pagbabagaso, ang pag-ilo sa tarapitse, na pinagkikitaan din, kawaksi ng kanyang ama sa pamumugon. Hindi na mahapdi ang tumingin-tingin, parang siya’y nakakadama ng pagkapagod at pagkauhaw, na sa Makulong ay iniibsan ng isang tubong papangusin o mga manibalang na bayabas na maaaring pitasin sa tabihan. Pumasok si Oden sa loob ng isang maliit na restawran, umorder ng pandesal na may palamang karnenorte at sa isang bote ng malamig na inumin, ang uhaw na dulot ng m ainit na sinapupunan ng lungsod ay bahagyang nabawasan. Naisip ni Oden, dahil Biyernes, maaaring gabihin si Toryo ng uwi mula sa pamantasan, kaya dapat palipasin ang oras sa labas habang naghihintay. Pagdatal ng dilim, tutuloy na siya sa tirahan ni Toryo. Alam niya ang palikulikong lagusan patungo roon. Umuukupa si Toryo ng isang maliit na kuwarto na halos kasya lamang ang katawan sa isang paupahang lumang apartment. Sa kuwarto ni T oryo’y pumapasok lamang ang simoy sa isang maliit na bintana na sa umaga’y katapat ng sikatan ng araw. Ang totoo, sa wari ni Oden, ang maliit na kuwarto’y bahagi ng isang malaking kuwartong pinagparti-partisyon ng mga tablang dingding para makalikha ng maliliit na paupahang kuwarto sa mga mag-aaral o estudyante na maaaring magsolo o may kasama na gagamit ng dalawang pinagpatong na bakal na katre. Sa pinakakomedor, may isang malaking mesa na para sa lahat

247 at ang bawat umuupa’y may kanya-kanyang lutuan o naghahati-hati sa isang lutuang de gas. Naisip ni Oden na kakain na lamang siya sa labas habang may liwanag pa at tutuloy na sa lugal ni Toryo pagsapit ng dilim. Tutugpain niya ang makipot na daang mamamaybay sa esterong makutim ang tubig, halos hindi umaagos, na nagiging imburnal ng burak ng mga naninirahan. Kung gabi, masasamyo ang m asangsang na amoy ng estero na pinamumugaran ng mga lamok at ipis at may mga lihim na lunggang kinukublihan ng mga dagang lungsod na pagkagat ng dilim ay sasalakay sa mga tahanan na pawang masasamang espiritu. Pamuling tumayo si Oden at sinimulang maglakadlakad sa pagdadapithapon. Ang mga tao’y nagmamadali pa rin, may mga kung anu-anong bitbit na iuuwi kaipala, piling ng saging o nakasupot na gulayin. Sa Makulong, ang buong parang ay isang walang-bayad na gulayan, nahihingi ang anumang tanim na pagkain at sinumang makapagbibigay ay hindi magkakait pagkat ang hihingi ngayon ay magbibigay sa ibang panahon. Sa lungsod, ang bawat biyaya ng buhay ay may katumbas na salapi kaya’t ang tao’y halos sumasamba sa kalansing ng pera. Pagkupas ng silab ng araw, pumupuwesto na ang mga nagtitinda sa kalsada at halos ang kailangan ng buhay ay inihahain ng mga lansangan, panggupit na gunting, panghinunuko, panghintutuli, pambunot buhok sa kili-kili, maliliit na salamin, mumurahing pitaka, suklay, tsinelas, kamiseta, kursinsilyong pangmatanda at brief ng mga kasibulan, mumurahing pampagandang mekap, losyon, papula at iba pa. Sa ilang lugal, itinatayo ang mga kubol na binubungan ng tolda at sa balisbisan nito’y magkakaroon ng biglaang kainan, kompleto sa tanggaling bangkito para sa mga kakain. Umupo si Oden sa harap ng isang kainan at umorder. Dapithapon na sa lungsod at pagkagat ng gabi, dadako na siya sa tirahan ni Toryo. Marami na ring kumakain, karaniwa’y mga lalaki na kaipala’y patungo

248 sa kanilang mga trabahong panggabi. Hindi maiwasang sumalimbay sa gunita ni Oden ang mga tanawin ng gamasan at mga paararo na ang mga magsasaka’y kumakain sa tabi ng linang na halos dulo lamang ng galamay ang nahuhugasan. Lutong bukid na isang gayat na bangos na ginisa at gulay na balatong na may sahog na dahon ng ampalaya ang kanyang hinapunan sa tabing kalsada, at sa isip-isip ni Oden, makakaraos na ang kanyang bituka sa buong magdamag. Tumayo na siya at binagtas ang daan sa inaakala niyang hindi naman kalayuang tirahan ni Toryo mula sa sinapupunan ng lungsod. Dumarami na ang mga dyip sa isang kalye at nagsasanib ang paglabas ng mga empleyadong pauwi sa kanikanilang tahanan gayundin ang mga estudyanteng nakatapos na ng pagkaklase. Sa isang kaliwang kalye, pito nang pito ang matabang pulis, batas na nauunawaan ng mga makinang humuhugong at mga tambutsong umuusok. Lumalatag na ang dilim at sumindi na ang ilaw dagitab. Mangilan-ngilan lamang ang mga ilaw sa poste at ang kakulangan ng sapat na liwanag ay nagbibihis ng kabughawan sa kaluluwa ng lungsod. Tinugpa ni Oden ang kalye na may mahabang estero. Nakikita niya ang likod ng isang unibersidad na ngayon ay naliligo sa ilaw ng mga silid-aralan. Iniisip ni Oden, baka si Toryo’y umuwi na, baka hindi nagklase nang araw na iyon, baka nasa kanya nang tirahan, baka naghihintay sa kanyang hindi naman kailanman aasahang pagluwas. Kinapa ni Oden ang singsing na ibinigay ni Bining na iningatan niya sa kanyang bulsa. Sabi’y maraming mandurukot sa lungsod at kailangang ang singsing na isasauli ay hindi mapasakamay ng isang hudas-Maynila. Nasa harapan na siya ng tirahan ni Toryo. Bukas ang pinto at kaagad siyang nasiglayan ng mayari pagpasok pa lamang niya sa makipot na harapan. “Ikaw ’y ° n S kaibigan ni Vic?” sabi ng may-ari. “Ako nga po,” amin ni Oden. “Minsan ka nang naisama niya rito,” ulit ng babaing mayari na parang naniniyak.

249 “Narito na po ba siya?” “Di pa siya dumating,” tugon ng babae. “Gabi na minsan kung siya’y umuwi.” “Hihintayin ko po siya.” “Kung gusto mo, sa kuwarto na lang niya ikaw maghintay,” mungkahi ng babae. “Baka siya’y matagalan.” “Do’n na po ako maghihintay sa makalabas,” sabi ni Oden. “Dadaan po do’n si Toryo pag dumating.” “Toryo pala siya sa probinsiya,” sambitla ng may-ari na waring natutuwa. “Toryo po siya sa amin,” pagtutuwid ni Oden. Lumabas na si Oden. Dumako siya sa halos kalagitnaan ng mahabang estero na nasa likod ng unibersidad. Ilang saglit siyang tumayo, paharap sa pamantasan. Ang mga nagyayao’t dito sa iba’t ibang palapag ay mga nagsali-saliwang anino sa saboy ng liwanag. A, ilang buwan na lamang, kapag siya’y makakapasa sa PMA, hahantong din siya sa unibersidad, magiging bahagi rin ng pangarap para sa isang pagkakataon ng pag-unlad. Nagunita niya ang kanyang ama at ang kanyang kapatid na si Ligaya, nakapugal sa buhay sa Makulong pero iniisip ang kanyang paglaya sa buhay na itinatak ng katadhanaan ng nayon. Kagaya ni Toryo, sasakay siya sa bagwis ng pangarap, magiging isa sa mga anino na sumasalimbay at nakikipaglaro sa isang magandang liwanag, kagaya ng tanawing walang sawa niyang minamasdan. Umupo si Oden kinamayan-mayan sa mahabang tabihan ng estero, silbing pader at pahingahan. May ilan na ring nakaupo roon, nagpapahingang matatanda at nag-uulayaw na mga kabataan. Parang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang masiglayan niya ang mga magkaalakbay na nag-uusap pero kaagad niyang inalis sa isip ang anumang nadarama. Itinutok niya ang mga mata sa estero, may burak na nakaimbak sa sinapupunan ng tubig. May bahagyang daloy ng agos, bahagyang-bahagya na hindi halos mapapansin kung hindi nakatutok doon ang malay. Umuusad ang mga nakalutang na burak, mga dumi ng lungsod, plastik,

250 lata, siit, basura at kung anu-ano pang tapon. Sa dibdib ng burak, naroon ang mga lunting dahon ng halamang-tubig. Bahagyang napangiti ang kanyang malay nang masiglayan ni Oden ang maliliit na bulaklak, mamumuti-muti at lilang kulay, na kumakamanyang sa burak. Kay dalisay ng mga talulot na iyon sa sinapupunan ng umaalingasaw na duming bahagyang idinadaloy ng agos patungo sa dagat. Di kaginsa-ginsa, may naramdamang yabag si Oden. Naputol ang daloy ng mga gunita. Nasa likuran niya si Toryo. “Sinabi ko nga ba’t ikaw ’yan, Oden,” bungad ni Toryo, masaya ang tinig. “Akala ko’y mamaya ka pa darating,” paliwanag ni Oden. “Mainit nga sa loob e,” sabi ni Toryo. “Buti dito, maraming nakikita.” “Kanina ka pa ba?” “Ginalugad ko na’ng buong Quiapo.” “Nasapit mo na’ng bituka ng lungsod,” sabi ni Toryo. “Tayo na, kumain tayo.” “Kumain na ’ko bago pumarito,” ani Oden. “Sa’n?” “Sa mga puwesto sa tabing daan.” “D o’n din ako naghapunan e.” “Ayos naman ang pagkain do’n, di ba?” “Lutong atin,” sabi ni Toryo, may kasanib na tawa. “O, kumusta ba?” “Gano’n pa rin,” sabi ni Oden, may pilit na kinukulong ang tinig. “Kinukumbida mo ba ’ko sa ’yong gradwesyon?”nangaarok ang tanong ni Toryo. “Iiksamen ako sa PMA. Tulungan mo ako.” “Me aplikasyon ka na ba?” “Naipadala na.” “Ano’ng maitutulong ko?” “Tama ba’ng ginawa ko?”

251 Hindi umimik si Toryo. Parang may tinitimbang ang binata sa isip, parang may sinusuri sa malay. “Tama bang maging sundalo ako?” “Lahat ng gawain kung iuukol sa mabuti’y tama, Oden,” sabi ni Toryo. “Sa una’y pagliligtas sa sarili lamang. Habang tumatagal, ang tao’y higit para sa kanyang sarili.” “Ibig kong makatulong kina Tatang,” matapat na pahayag ni Oden. “D o ’n ang simula, Oden. Sarili ang simula. Habang tumatagal, ang tao’y iigpaw sa kanyang sarili, makikikawil sa maraming buhay,” paliwanag ni Toryo. “Malalim ’yon a,” biro ni Oden. Ngayo’y nakamata si Toryo sa talubata. “Ano ba’ng isinadya mo?” Hindi umimik si Oden. Parang may gumatol sa kanyang lalamunan, sinisikil ang tamang talibukas na kanina pa niya binubuo sa pag-iisa. “Tayo na sa bahay,” maya-maya’y sabi ni Toryo. Halos magkasabay sila sa pagpasok sa tinitirahan ni Toryo. “Nagkita na pala kayo,” pansin ng may-ari. “Hinintay po niya ako sa labas,” sabi ni Toryo. Nagtuloy na sila sa kanyang inuupahang silid. Inilatag ni Toryo ang nilulong banig na nakatindig sa sulok ng kuwarto. Sumalagmak siya pagkatapos sa nakalatag na banig. “Ibig kong malaman ang dahilan ng iyong pagluwas, Oden,” banayad ang tinig ni Toryo. Kinuha ni Oden ang nakatagong singsing sa bulsa. “Pinabibigay ni Bining,” sabi ni Oden. Tinanggap ni Toryo ang singsing. Walang mababakas na damdamin sa kanyang mukha habang hawak ang singsing. “Namanhikan na ba sina Ka Antang?” Tumango si Oden. Ipinikit ni Toryo ang mga mata. Alam ni Oden, may nabubuwag na moog na ibig itago sa kanya si Toryo na maaaring ipagkanulo ng mga mata.

252 “Humihingi siya ng tawad sa ’yo, Toryo,” sabi ni Oden. “Wala namang pagkakasala si Bining sa ’kin. No’n pa, alam kong dito magwawakas ang lahat. Mawawala siya sa akin.” “Si Karen?” tanong ni Oden makalipas ang pumatlang na katahimikan. “Wala na kami ni Karen. Wala na rin ako sa pabrika ni Senyor Martin,” pagtatapat ni Toryo. “Pa’no ka ngayon?” “Nagtatrabaho ako sa isang pederasyon ng mga mang­ gagawa. Nakakaraos, kahit pa’no. Ang mahalaga, marami akong natututuhan na hindi ko mapag-aaralan sa libro, O den,” sabi ni Toryo na waring bumalik ang kanina’y nawalang sigla. “Ang dami palang nangyari sa buhay m o,” napapailing si Oden. “Ang bilis ng daloy ng buhay, O den,” tugon ni Toryo. “Kung hindi ka magpapakatatag, sisirain ng buhay ang isang tao .” Maya-maya’y tiniklop ni Toryo ang nakalatag na banig. Nakamasid lamang si Oden ngunit parang nahuhulaan na ng talubata ang gagawin ni Toryo. “Kinakagat ka rin ba?” nagbibiro si Oden. Kumuha si Toryo ng isang tinting ng walis sa isang talagang taguan sa may bintana. “Surot ang isang peste sa pagtulog sa Maynila,” sabi ni Toryo. “Pero sa labanan ng tao at surot walang laban ang mga ’to.” Sinundot ni Toryo ang pagitan ng sahig na tabla. Tinutuhog ng pinatulis na tingting ang mga surot. Nagunita ni Oden ang kanilang pangunguha ng pulgas sa Makulong lalo na kung tag-araw. Parang walang sawa si Toryo sa ginagawa. Nakikita ni Oden ang dugo ng napapatay na mga surot, nakapinta sa sahig. Mabilis ding sumipsip ng dugo ng tao ang mga surot. Hindi naglaon, inilatag na muli ni Toryo ang banig. Humiga iyon sa banig, inuunan ang isang bisig.

253

“Matagal kong di nagagambala ang mga surot,” sabi ni Toryo, nakamata sa kisame. “Ano’ng balak mo, Toryo?” “Ganito na ang buhay ko, Oden.” “Aling buhay?” “Wala na si Tatang. Ibig kong may pag-ukulan ng aking buhay.” “Ang lalim naman ng sinasabi mo.” “Ibig kong tumulong sa pagpapabuti sa katayuan ng mga manggagawang tulad ko, Oden.” Hindi umimik si Oden. Naglalaro sa kanyang isip ang mga gu nitang nakaraan. Sa nayon, si T oryo ang siyang mapangarapin, ang laging may lunggati sa isip na kayhirap niyang hagipin ang kahulugan. “Iyan ba’ng sinasabi mong pag-uukol sa mabuti, Toryo?” “Ito ang natatagpuan kong kaganapan ng buhay, Oden.” Humiga na sila sa banig. Ibinigay ni Toryo kay Oden ang kaisa-isang unan. Nagkabit si Toryo ng kulambo. “Pag pinatay ang ilaw, magpipista ang lamok,” sabi ni Toryo. Pinatay ni Toryo ang ilaw ng silid. Ang tanging liwanag sa maliit na himlayan ng dalawa’y ang anag-ag na itinatalsik ng liwanag sa kalsada at sa mga kanugnog silid. “Masaya ka ba sa buhay, Toryo?” “Habang tumatagal, hinaharap ko ang buhay. Di na ako naghahanap ng saya. Pero maligaya ako. Ang kaligayaha’y nasusumpungan sa pagharap sa mga hamon, sa paggagap sa mga simulain. Iuukol ko ang aking sarili sa landas na ito na siya ko ngayong tinatahak. Pagbalik mo sa ’tin, ikuwento mo sa kanila ang naging buhay ko, ang mga panaginip. Sabihin mo ke Bining, tanggap ko ang pagkakait ng palad sa isang pag-ibig. Talagang di kami ukol sa isa’t isa. Sa isang panahon, babalik ako sa ’tin. Ibig kong magsalita sa ating mga kanayon. Ibig kong ihatid sa kanila ang mga bagay na

254

natuklasan ko sa buhay sa lungsod. Sa panahong iyon, siguro’y ganap ka na ring sundalo, Oden. Lubos na rin marahil ang kaganapan ko. Ang mahalaga, ang buhay ay dapat nating iukol para sa mabuti.” Patuloy pa wari ang pagsasalita ni Toryo, pumapasok sa ulinig ni Oden, ngunit nahihimlay na ang kanyang malay. Sa kabila ng awit ng mga lamok sa labas ng kulambo, humimlay si Oden na parang sanggol na inaawitan ng tagulaylay ng anak ng lupa na ngayon ay may kakaibang awiting iniluluwal ng lungsod.

Sabog sa Palad Wala na ang hugos ng mga panauhin sa sibing pinagpapakainan ng mga dumalo sa kasal. Humupa na ang tingkad ng init ng araw at talos ni Bining na magwawakas na ang ritwal ng kanyang pakikipag-isang dibdib. Hindi napuno ang hanay ng tatlong mesang pinagdatig at pinatungan ng bulaklakang mantel sa huling pagdudulot na ang pinakamaraming dumulog ay ang mga tumutulong na taganayong maagang nananghali. Nang magtayuan na ang mga dumulog sa huling dulot, kinayag na sina Bining at Oyo ng Inangkasal at Amangkasal na pumanaog patungo sa loob ng sibi para sa sabugan. M abilis na niligpit ng mga tum utulong na kadalagahan ang mga ginamit sa huling dulot, inilagay sa dakong hugasan na may matatandang babaing tagahugas. May nagpupunas ng mantel at bangkong upuan para kaipala’y hindi marumhan ang puting-puting kabusilakan ng trahedeboda ng kakakasal. Inagapayan ni Oyo si Bining sa pagpanaog, naninimbang sa mga kawayang baitang, habang nakakapit ang isang kamay sa kawayang alalayan. Umupo na ang mga bagong kasal, magkaibayo sa mesa. Napapagitanan si Bining ng Inangkasal at ni Ka Sabel at si Oyo nama’y

255 napapagitanan ng Amangkasal at ni Ka Antang. Sa harap ng dalawang ikinasal ay nakalagay ang isang malukong na bandehado na katabi ng nakabuyangyang na sigarilyo o abano sa isang malapad na pinggan. “Ang paalaala’y gamot sa nakakalimot,” talibukas ni Ka Tulume sa mga nakapalibot na panauhin, “pero gaya ng kinaugalian, ang magsasabog sa panig ng nobyo’y sa bandehado ni Bining ilalagay at ang sabog sa parte ng nobya’y sa bandehado ni Oyo ibibigay.” Parang nagkakahiyaan ang dalawang panig, walang sinumang nais na mauna sa paglalantad ng kakayahan sa pagsabog na sa Makulong ay isang panlipunang sukatan sa mata ng taganayon. Ang sabuga’y isang pag-uulot sa laban na tulad ng pagbubutaw ng mga sasabungi’y dapat na paginitin ang dugo sa tudyo’t kantyaw. “A ba’y panahon nang makita ang matagal na ring isinuksok sa biyas,” kadyot ng isang magsasaka. “Kanina pa naghihintay ang maskada’t abano,” sambot kaagad ni Ka Tulume na ibig nang mairaos ang sabugan. Isang masisteng binata ang dumukot sa bulsa. “Ito ’y sa unang ehem sa gabing madilim!” sabi ng masiste at inilagay ang halagang piso sa bandehado ni Bining. Inabutan ni Bining ng isang sigarilyo ang nagtalibukas ng sabugan. “Ito nama’y para sa unang dikit bisig,” ganting-tudyo ng isang palabirong dalaga at makaraang ilagay ang piso sa bandehado ni Oyo ay umabot ng isang sigarilyo. “I t o ’y sa unang buklat ng biyaya!” tukso ng isang matandang lalaki at nag-abot ng dalawang piso. Inabutan ang m atandang lalaki ng pangngangang maskada’t ikmo ni Bining. “Ito ’y sa pagbubukas ng pinto ng langit,” hindi patalo sa pananalinghaga ng isang may kagulangan na ring babae. “Ito ’y para sa unang pagngiti ng punla!”

256 “Ito ’y para sa unang udwa ng paglilihi ng palay!” “Ito ’y para sa unang pagtungo ng uhay.” “Ito ’y para sa bukas na pinagpapala.” At sa bawat talab ng mga talinghagang inilutang, nababawasan ang nakalagay na sigarilyo, abano, ikmo at maskada sa mga sisidlan ng nobyo at nobya. Humugot na ng mga tinago ang mga kamag-anakang malalapit ng mga ikinasal na ang halaga’y kawil sa saklaw ng pagiging magkadugo sa mga pinagtalingpuso. Ang Amangkasal at Inangkasal ay hinati ang sabog sa mga ikinasal samantalang inihayag ni Ka Antang ang bilang na ipagkakaloob sa mga humarap sa dambana bukod sa salaping pinag-ipunan para sa paglagay sa tahimik ni Oyo. Hindi patalo, nagbigay din ng kainamang halaga sina Ka Anane at Ka Sabel para hindi naman masabing si Bining ay daratal sa buhay-may-asawa na tanging dala at puhunan ay sarili lamang. Sa kinaugalian, ang sabog ng nag-anak sa kasal at mga magulang ng lumagay sa tahimik ay hudyat ng pagtatapos ng sabugan maliban sa maaaring mga pahabol na sabog. “Ito ang huling taw ag !” pahayag ni Ka Tulum e. “Bibilangin na natin ang ani ng magkabiyak.” Atubiling lumapit si Oden at inilagay ang isang hindi nakapinid na sobre sa bandehado ni Oyo. “Nakasabog na kanina pa ang pangunahing abay,” pansin ng isa. Tumingin si Oden sa nagsalita at sa mga nakapaligid na panauhin. “Mula sa isang kaibigan,” pakli ni Oden. Binuksan ng Amangkasal ang sobre at kinuha ang sabog na salapi. Nakaklip sa halaga ang isang tagubilin na binasa ng Amangkasal. “Para sa dalawang ikinasal ito ,” sabi ng Amangkasal. “Paghatiin ang halaga.” Nagkatinginan sina Oyo at Bining. Talos nilang ang sabog ay galing kay Toryo. Sa loob ng sobre, nasiglayan ni Bining ang nakasilid na sulat.

257 Nagsimula nang ayusin nina Amangkasal at Inangkasal ang sabog na salapi, pinagsasama ang magkakahalagang perang papel ng bawat bandehado. Pagkatapos bilangi’y malakas na inihayag ng dalawa ang kabuuang halaga ng bawat panig na hindi naman magkalayo sa isa’t isa. “Ba’y puwede nang ipagsimula ng buhay,” sabi ng isang m atandang babae. “N o ’ ng panahon nam in, naku ’y milagro’ng ganyang halaga!” “Naku’y no’ng panahon naman n’yo, sa piso’y pwedeng mabuhay ang tao,” sabad ng katabi. “Kunsabagay,” sang-ayon ng matandang babae. “Kaya naman ngayon, makapal na’ng bulsa mo, di ka pa rin me kaya.” Inilagay ni Amangkasal ang binilang na halaga sa isang malapad na panyo at iniabot kay Oyo. “Isulit na sa tagaingat na yaman!” tudyo ng isang kanayon. “Isulit ang biyaya’t grasya,” sambot ng isang dalaga. Tinanggap ni Bining ang nakabungkos na halaga na nakasilid sa pinagbuhol na panyo. Binuksan ng bagong maybahay ang panyo at isinama roon ang perang mula sa kanyang bandehado ng katatapos na bilangin ng Inangkasal. Nagkalampagan ang mga kaldero at kasanib ng ingay sa mga pinupukpok na biyas ng kawayan, ang sandali’y natigib ng masayang pag-iingay kagaya ng pagsalubong sa isang bagong taon. Ipinaloob ni Oyo ang sobreng may silid na liham sa bulsa. Tumayo na ang mga ikinasal gayundin ang mga naganak sa kasal at ang mga kaanak at panauhin sa mesang pinagdausan ng sabugan. Mula sa loob ng sibi, pumanhik si Bining sa itaas ng bahay. Sa loob ng silid sa isang lalagyan, nakahanda na ang ilang pansariling gamit ni Bining, naghihintay sa paglilipat. Lumapit si Oyo kay Bining pagkapanhik at iniabot ang sobre sa asawa. “Ikaw na’ng magtago nito,” sabi ni Oyo kay Bining. “Me sulat diyan.” Ipinasok ni Bining ang sobre sa kanyang pinaglagyan ng sabog. Tumuloy siya sa loob ng silid. Hindi na sumunod si

258 Oyo sa asawa. Sa kabahaya’y naghihintay na ang mga naganak sa kasal at malalapit na kamag-anak, naghihintay kaipala ng lipatan. Ang mga kalalakiha’y tulung-tulong na binabaklas ang itinayong sibi, kinakalas ang pinagtaling mga kawayan, tinatanggal ang ginamit na bubong na mga dahon ng niyog at inilalagay sa isang tabi ng bakuran. Binubuhat ng mga binata ang mga mesa at bangkong kahoy para isauli sa mga hiniram ang bahay-bahay, kasama ng mga ginam it sa pagluluto gaya ng malalaking tulyasi at kalderong nililinis ng dahon ng is-is at buhangin para malinis na maisauli sa mga may-ari. Silid ng mga basket o pangko ng mga kamay, ang mga bandehado, pinggan, tasa, baso, tinedor at kubyertos ay iniuna nang ibalik sa maykanya ng mga dalagang nayon. Pumasok si Ka Sabel sa silid ni Bining. “Hinihintay ka na, Bining,” sabi ni Ka Sabel sa anak na maluha-luha. Lumabas na si Bining, suot pa rin ang trahedeboda. Kinuha ni Ka Sabel ang maliit na sisidlan ng gamit ng anak atinilabas sa kabahayan. Nagpaalam na kina Oyo at Bining ang mga Inangkasal at Amangkasal. Nagmano sa mga naganak sa kasal ang magkabiyak. “Magsasama kayong mabuti,” sabi ng Inangkasal. “Sikapin mong lalaki agad ang unang bunga,” birong totoo ng Amangkasal. Nagpaalam ang dalawang nag-anak sa kasal kina Ka Sabel at Ka Anane, kay Ka Antang at sa ilang matatandang nayon. “Ang mabuting magsasaka’y alam ang tamang panahon ng paghahasik,” sabi ni Ka Tulume sa alkade. “Sa palagay ko, ito ang tamang panahon ng paghahasik ng punla, Meyor.” Napatawa ang alkalde at sumulyap sa bise alkaldeng kasamang padrino sa kasal na noon ay kausap sina Ka Antang at Ka Sabel.

259 “Matagal pa’ng halalan,” sabi ng alkalde. “Ang magaling na binhi’y hindi nalalaos,” matalinghagang pagtatapos ni Ka Tulume. Nanaog na magkasunod ang mga Inangkasal at Amang­ kasal at makalipat-saglit ay nagmano na si Bining ng pamamaalam kina Ka Anane at Ka Sabel. “Magpapakabait kang maybahay, anak,” tagubilin ni Ka Sabel. Napaiyak si Bining. Yumakap ang anak sa kanyang ina, parang nahihirapang lisanin ang sinapupunan. “Malapit lang naman ang lilipatan natin, Bining,” alo ni Ka Antang. “Para ka lang nanulugan sa kahanggan.” Kinalampag ng mga naghihintay sa ibaba ang mga takip taklob ng kaldero. “H inihintay ka na sa ibaba, B in in g ,” pagbibigaypahintulot ni Ka Anane sa anak. Nanaog na si Bining habang inaalalayan ni Oyo. Lumakas ang kalampag ng mga panakip-kaldero, lumilikha ng ritmo ng mga tunog. Payapang lumakad si Bining sa sinapupunan ng mga naghihintay para sa lipatan na karamiha’y kadugo ni Oyo. Nagpaiwan si Oyo na naghatid kay Bining sa ulunan ng mga maglilipat. Sa kalampag ng kalderong kinalampag ng panaklob, sa himig ng kundimang tinutugtog sa sonata ng gitara’t bandurya, umusad na ang lilipat, patugpa sa sinapupunan ng nayon. Ang mga taganayon ay nakaabang sa gilid ng makipot na kalsada, ang iba’y nakadungaw sa mga siwang ng bintana. Sa isang panig ng daan, nasiglayan ni Bining ang walang katau-taong bahay ni Ka Tales at sumagi si Toryo sa himaymay ng kanyang gunita. Pilit na iwinaksi ni Bining ang pagdalaw ng lumbay. Mula kay Oden, talos na niya ang lahat-lahat. Sa una’y tumulo ang kanyang luha sa sinapupunan ng dilim ngunit nang lumaon, napag-isip-isipan na rin niyang si T oryo’y bahagi na lamang ng isang malungkot na nakaraan. Malapit na ang bahay nina Oyo at

260 natanaw ni Bining na may mga naghihintay sa lipatan. Malamig na ang dampi ng simoy sa hapong iyon at talos ni Bining na nasapit na niya ang lundo sa ritwal ng kasal na kinaugalian sa Makulong. May kaunti ring pararatnang handa kina Ka Antang na pagsasaluhan hanggang sa takipsilim. Pagkagat ng dilim, lilisan na ang mga nagsipaglipat at siya’y maiiwan sa bagong tahanan, maghihintay sa pagdatal ng kapilas ng buhay. Masayang sinalubong si Bining ng mga dinatnan. Inalalayan sa pagpanhik. Inihatid siya sa tanging silid nila ni Oyo. Parang nanibago siya, saglit na ipinako ang pagkakatayo. Minalas niya ang parang ginayakang bagong daigdig. May baol sa may tabi ng bintana. May aparador katabi ng sawaling dingding, kasugpong ng itinutulak na kawayang panara. Ibinaba ni Ka Antang ang lalagyan ng kagamitan ni Bining sa ibabaw ng baol at lumabas makaraan. Parang walang nararamdaman si Bining, waring bahagyang minanhid ang kanyang malay at ang lahat ay naging bughaw, kasama na ang gunita, pangamba, pangarap. Nanatili lamang siyang nakatayo roon, tuod sa isang malawak na kawalangmalay. Pumasok si Ligaya. Ngayo’y nakatuon ang mga mata ni Bining sa labas ng durungawan, kalawakan ng tubuhang sumasayaw sa hangin. Malakas ang bugso ng simoy, itinataboy ang bulaklak ng tubo sa kung saan-saan. “Tutulungan kitang magpalit,” sabi ni Ligaya. Binatak ni Ligaya ang pintuang kawayan na umingit habang nananawid sa katangang nilapat sa sahig. Ipininid ni Bining ang nakatiwangwang na bintana. Lalong naging bughaw ang parisukat na daigdig, naging abo sa takipsilim. Isa-isa nang nahubad ang trahedeboda. Inilagay iyon ni Ligaya sa isang sisidlang kahon habang nagsusuot ng pangkaraniwang suot si Bining. “Salamat, Ligaya,” sabi ni Bining. “Masaya ba’ng ikinakasal?” tanong ni Ligaya. “Masayang malungkot,” matapat ang tinig ni Bining.

261 “Di mamaya, susubukan na kayo,” nagbibirong tudyo ni Ligaya. “Alam mo na naman dito sa ’tin,” amin ni Bining na kalakip na buntunghininga. “Lahat dadaan doon. Mula sa tudyo sa sabugan hanggang sa subukan,” turing ni Ligaya. “Dadaan ka rin do’n,” sabi ni Bining. “Nakakakaba,” turing ni Ligaya. “Pag nariyan na, nariyan na. Gaya ngayon, ani Bining. Ibinukas ni Bining ang pinto at lumabas na sila ni Ligaya. Parang sila talaga ang hinihintay ng mga nasa kabahayan. Sa kusina’y nagpasulak ng kape ang isang matandang babae na kinakatulong ni Ka Antang. Sa latok ay may pagkaing nakahanda. Nagsaing ng pinaisang tawilis at pim ntong ginayat na tambakol para pampaalis ng umay sa karneng handa sa kasal. May ilang matandang nakadulog na kinabibilangan ni Ka Tulume. “Hindi nakarating si Senyor,” pansin ng isang may gulang na lalaking magsasaka. “Baka nag-aalangan,” paliwanag ni Ka Tulume. “Aba, tinanggal si Toryo sa trabaho. Ano’ng mukhang ihaharap niya sa Makulong?” “Baka minasama ’yong pagpatol ng ating binata sa kanyang dalaga,” sabad ng isang matandang babae. “Patuka’ng lumalapit sa tandang. Tatakbo bang palayo ang tandang sa patuka?” salo ng isa pang lalaking kasalo. “Mas mabigat kesa ro’n ang nabalitaan ko, putol ni Ka Tulume sa pagtatalo ng mga kasalo. “Si Toryo’y nasangkot sa unyon ng mga obrero sa pabrika ni Senyor Martin. Balita y napipinto ang welga sa pabrika ni Senyor,” dugtong pa ng matanda sa pagitan ng mga subo. Ulinig ni Bining ang mga tinig ng katotohanang iyon. Una niyang nahiwatigan kay Oden ang nangyayari kay Toryo at sa simula’y ikinababahala niya ang balita. Ngunit sa huli’y

262 kinusa niyang ipagkait sa sarili ang karapatan ng pagbabagwis ng lumipas sa gunita at damdamin. Pinili niya ang kadalisayan sa kanyang pagsadlak sa buhay ni Oyo at pawiin ang dampulay ng mga alaala. At ngayong naririnig niyang muli ang samutsaring sabi-sabi ng mga taganayon, ibig niyang umiwas at tumakas sa kakiputan ng kanyang pag-iisa, sa kadalisayan ng kanyang pagsasarili. Hindi naglao’y isa-isa nang namaalam ang mga naghatid sa kanya sa lipatan, ngunit bago tuluyang lumisan ang mga iyon, may mga nakatagong biro ang mga salita, lalo na ang mga lalaki, at may busilak ng pagmimithi para sa kanyang ligaya sa buhay-nagsasarili ang mga kababaihan. Pinakahuling namaalam si Ligaya at ang kasama nitong si Bita sa patahian. “Maging maligaya ka sana, Bining,” matapat na sabi ni Ligaya, yumakap sa kakakasal. “Salamat, Ligaya,” tugon ni Bining. “Sa iyong panahon, nando’n na kami ni Oyo.” Inihatid ni Bining ng tingin ang mga panauhin hanggang ang mga iyo’y makalabas ng bakuran at maging aninong papalayo sa sinapupunan ng lumalagom na dilim. Mayamaya’y lumapit si Bining kay Ka Antang na abala sa paglilinis ng mga platong kinanan ng mga panauhin. “Ako na ho’ng gagawa niyan, Inang,” sabi ni Bining. “Naku’y hindi, Bining,” kaagad tutol ng biyenan. “Gasino na lang ba naman ’to?” “Kanina pa kayo trabaho nang trabaho,” giit ng manugang. “Talagang gano’n ang me hinahangad makamit, Bining,” sabi ni Ka Antang. Huminto iyon saglit sa pag-aanlaw ng mga kinanan at tumingin kay Bining. “Ako’y nagpapasalamat para sa lahat-lahat, anak.” “E pa’no ho ako makakatulong, Inang?” sabi ni Bining. “Hindi hanggang bukas lang ang buhay, B in in g ,” pabirong paliwanag ni Ka Antang. “Sa ngayon, kailangan mong magpahinga.”

263 “Magpapahinga na’y wala pang nagagawa?” Muling napatingin si Ka Antang sa manugang. Nagtama ang paningin ng dalawa. Kumislap ang mata ng biyenan. “Sa mga ikinasal, pinaghahandaan ang unang gabi,” sabi ni Ka Antang na walang himig-biro. “Maniwala ka sa akin, Bining.” Ibig matawa ni Bining sa nasasakyan niyang nakatagong biro ng biyenan. “E pa’no ho, Inang?” patianod ni Bining. “Huwag mo na akong alalahanin dito, Bining. Konting linisin lang ito. Mamaya-maya darating na si Oyo.” Pumasok na si Bining sa magiging silid nila ni Oyo. May sindi na ang kingke na nakapatong sa upuang papag, kaipala’y sinindihan na ng kanyang biyenan. Naupo si Bining sa baol at nadama niya ang malamig na gilid niyon. Tinanaw niya ang labas. Tumatabing na ang dilim sa Makulong at ang tubuhang kamanghad niya sa silid ay isang malabong kalawakan na lamang. Tumayo si Bining sa gilid ng baol, tinungo ang bintana at inalis ang tukod, inaantabayanan hanggang puminid ang bintanang sawali. Bumalik siya sa inuupuang gilid ng baol. Iniligid ni Bining ang mga mata sa kabuuan ng silid. Sa sulok, kayapos halos ng haligi’y nakatayo ang nilulong banig na manipis. Sa paanan ng banig, magkapatong ang dalawang unang may puting almohadon na binulaklakan ng burdang isin ilang ng karayom . Pihapatungan ng mga unan ang hinabing kumot. Hindi maiwasan ni Bining sa pag-iisa ang laro ng diwa. Paglalim ng gabi, maglalatag na sila ng banig sa sahig. Magkatabi ang dalawang unan sa ulunan. Ibig manindig ng kanyang balahibo sa daloy ng mga gunita. Talos niya, maya-maya’y daratal na si Oyo, papanhik, papasok sa silid. Naihanda na ni Bining ang sarili sa gayong kalagayan, sa kaluwalhatian ng pagbabahagi at pagpapaangkin. Di naglipat-saglit ay umalitit ang tarangkahang kawayan. Pumitlag ang kanyang dibdib nang masilip niya sa siwang sa gilid ng nakapinid na

264

bintana ang pagpasok ni Oyo sa bakuran. Naramdaman ni Bining ang hakbang paakyat sa banayad na langitngit ng hagdang kawayan. Ulinig niya ang waring paanas na usapan ni Ka Antang at ni Oyo, ang pangungumusta ng anak sa kanyang maybahay. Panatag na si Bining sa pagkakaupo sa gilid ng baol. Parang hindi niya ibig tuminag, parang may isang kapangyarihang nagsadlak sa kanya roon sa isang saglit ng mahiwagang paghihintay. Pumasok si Oyo sa nakasiwang na pintuan. Pagkatapos waring itinulos si Oyo ng ilang saglit. Lalong pumapaya ang pagkakalikmo ni Bining sa gilid ng baol. “Naghapunan ka na?” tanong ni Bining. “Di ako pinaalis kundi makakain muna. Ikaw?” “Narito’ng palayok. Pagkain halos maghapon.” “Medyo ginabi ako.” “Naiinip na si Inang kahit di umiimik.” “Gano’n lang si Inang.” “Kung maging gano’n ako?” Umupo si Oyo sa tabi ni Bining sa gilid ng baol. Nagkasiping ang kanilang init. “Kumusta?” “Ikaw?” “Napakaligaya. Ikaw?” Hindi umimik si Bining, parang hiwaga ng dilim. Ngunit may taglay na liwanag si Oyo. “Salamat, Bining. Salamat sa lahat.” Hinagip ni Oyo ang palad ng asawa. Nanlalamig ang mga palad, waring nagiginaw na talulot. “Salamat din, Oyo.” Hinaplos-haplos ni Oyo ang palad ng asawa, pinisil-pisil. Nakamata si Bining kay Oyo. Nagtama ang kanilang mga mata sa bahagyang tanglaw ng liwanag. “Ang sulat?” “Alin?” “Iyong iniabot ko pagkatapos ng sabugan.”

265 “Nasa taguan.” “Binasa mo?” “Hindi.” “Bakit?” “Ikaw na’ng bumasa.” “Baka kung ano ’yon.” “Saka na.” “Matulog na tayo.” “Gising pa’ng mga kuliglig.” “Magdamag ang mga kuliglig.” Alam nina Oyo at B in in g , may mga kalalakihang magsisimula nang manubok, pinakahuling ritwal ng kasal sa Makulong. Ang kanilang pag-uusap ngayo’y ganap na paanas. Sa bawat salita’y kailangang ianas sa tainga. Nadadama ng bawat isa ang mainit na mukha, nalalanghap ang amoy ng leeg, nasasalat ang gaspang o yumi ng balat at sa mga dampi’t dikit, dumarang ang gabi, nagningas ang dugo, umaalimpuyo ang hininga, sumigwa ang hingal, naglagablab, umalipato, dumaluyong at humuni ang mga kuliglig, kumorokok ang naglilim lim na in ah in , sum ipol ang kilyawan at sa pagbabagwis ng namamayagpag na amihan sa bulaos na nagpapakagiskis at nagpapakaguskos sa talas ng dahong tubo, ang dibdib ng k u b o ’y um ugoy sa isang panaginip, nagpapatanglaw sa anag-ag ng mga bituin at hindi naglaon, kinoronahan ang magdamag ng unang tilaok sa umaga.

9 Sa Bagwis ng Sigwa Sumiklab na ang welga. Tumangging kilalanin ng pan­ gasiwaan ang pagkakabuklod ng mga manggagawa sa diwa ng unyonismo. Ang mga manggagawang lumagda para sa pagtatayo ng unyon ay isa-isang ginagapang, pinakikiusapan, sinusuyo ng asenso o mabuting puwesto, pinagpapagunitaan

266

ng mabuting pagsasamahan sa nakalipas na mga panahon, at kung ang lahat na mabuting usap ay mauuwi sa wala, ang bulaklak ng dila ay magiging singasing ng kamandag ulupong na magbabanta, mananakot, mandudurog, hanggang ang may m ahinang loob ay gumupo sa harap ng namamalibhasang kapangyarihan ng puhunan. Ilang manggagawa ang napilitang sumulat ng pagbabalik-loob, dinadalit ang mga dahilan ng kasalatan ng muwang sa kanilang paglagda sa pagtatayo ng isang organisasyon ng mga manggagawa sa pabrika at tuwina, hinahaplit ng pagbaligtad ng paninindigan ang mga lider obrero, lalo na si Amado, na tandisang inaakusahan ng mapandayang panlilinlang o mapanakot na pamimilit para kamtin ang kanilang pakikiisa. Nagpulong ang gulugod ng organisasyon, isinangguni ang problema sa inang pederasyon ng unyon, at sa bingit ng panganib, ipinasiya ng kalahatan ang isang radikal na pagtatanggol sa napagtagumpayan nang pagkakaisa ng mga anakpawis laban sa makinarya ng pagbubuwag sa hanay ng mga manggagawa. Kinabukasan, sa unang tilaok ng bagong araw, tataliba ang mga obrero sa isang makatarungang welga. Ilang oras na puspusang inihanda ang mga sangkap ng welga: plakard, paliwanag sa madaliang pagkilos para pangalagaan ang unyon, ang pagtatalaga sa mga tao para sa mga partikular na gawain sa pagsasagawa ng welga sa harap ng pabrika. At bago nagbukang-liwayway, ang hanay ng mga unyonista’y nakatalaga na sa bungad ng pagawaan ni Senyor Martin na sa mga plakard ay isinasambulat ng mga titik na pula ang mga karaingan ng mga manggagawa na siyang nagbunsod sa kanila sa pagbubuo at unyonismo. Isang buong araw iyon ng paghaharap ng dalawang puwersa. Ang mga obrero’y humaharang sa mga papasok na trak ng kompanya na dahil sa wari’y handa ang mga iyong magpasagasa sa mga sasakyan, ang mga trak ay umuurong, umaatras at umaalis sa hibo ng kantiyaw, sigaw, bunyi at kuyom na kamao ng mga welgista.

267 Ganoon ang larawan ng hanay ng mga welgista nang lumisan si Toryo, makaraang makipag-usap sumandali kay Amado. “Matigas ang pangasiwaan,” sabi ni Amado. “Mukhang matatagalan ang welga.” “Labanan ito ng dalawang puntodebista,” ani Toryo. “Ang puhuna’y isang tigreng papel. Sa harap ng matatag na unyonista, yuyuko ’yan, makikipag-usap. Ang tutuo, ang mapanganib na pangasiwaa’y humahakbang nang paurong para maihanda ang sarili sa ibayong laban. Doon magsisimula ang tunay na pagwasak sa hanay ng mga anakpawis. Iisaisahin ang mga manggagawa, ibibitag sa isang mapanganib na pakana.” “Handa kaming harapin ang lahat,” matatag ang tinig ni Amado. “Mararating ang dapat marating.” “Samakatlo, uuwi ako sa Makulong,” sabi ni Toryo. “Babangluksa ke Tatang.” “Sino ang gagabay sa amin?” tanong ni Amado. “Hindi nauubusan ng bukal ang ating hanay,” ani Toryo. “Saka hindi naman ako magtatagal sa nayon.” “Umiigting ang kalagayan sa lungsod,” may himig ng pagkaba si Amado. “Balita’y me malaking demonstrasyon sa harap ng Kongreso.” “Suspendido nga ang klase ngayong araw na ito ,” balita ni Toryo. “Mula rito, tutungo ako ro’n .” . “Kundi nga lang nasabay itong welga, dapat e naro’n din ako,” sabi ni Amado. “Me ibang tinig ’yang mga estudyante.” “Ipinaglalaban nati’y kaso ng bituka,” paliwanag ni Toryo. “Higit na malawak ang kanilang ipinaglalaban.” Nagpalipat-lipat si Toryo ng sakay bago nakasapit sa harap ng Kongreso. Buhul-buhol ang daloy ng trapiko. Sa sinapupunan pa lamang ng Quiapo’y bumaba na siya, tinawid ang tulay kasama ng isang santinakpan ng mga taumbayan na pasulong wari sa isang katadhanaan. Malamig na ang

268 simoy na inihihinga ng ilog na nilundayan ng bakal na tulay ngunit parang nagbabaga ang tinig ng mga demonstrador: ibagsak ang piyudalism o, ibagsak ang bu ru kratan g kapitalismo, ibagsak ang imperyalismmo: at siya’y tinangay ng agos ng santinakpan, sumabay ang kanyang hakdaw sa hanay ng mga demonstrador na kawil-bisig sa pagbibigay ng proteksyon sa kanilang hanay. May mga kabataang namimigay ng mga minimyograp na polyeto sa mga taumbayan, may ilang may hawak na maliliit na latang sisidlan ng mga kontribusyon at naisip ni Toryo, ang kilusan ay waring isang bayanihan sa linang, ang bawat tuldos ng dulos o bawat haklit ng gapas ng uhay o gapak sa puno ng tubo, ay singkahulugan ng isang bayaning simponya ng sigaw, awit at wagayway ng mga bandilang pula na iwinawasiwas ng mga kuyom na kamao at nilalapatan ng wikang ang sagisag ay inilalagunlong ng simoy sa pusod ng kalungsuran. Makababa ng nakaliyad na tulay sa makutim na ilog, tumambad kay Toryo ang panganorin ng isang sambayanang nakataliba sa buong liwasan sa harap ng Kongreso na ang nguso ay nakasabog sa mga kalyeng kasudlong ng Tanggapang Postal, may mga bandilang nagtatadhana ng mga organisasyon ng mga mag-aaral at manggagawa, mga maralitang tagalungsod, grupo ng mga magsasaka at iba pang sektor ng sosyedad. Gumitgit si Toryo hanggang siya’y makasalingit sa mga nakatalibang katawan at makalapit sa hanay na nakadikit sa harap ng Kongreso. Ang lagablab ng panahon ay itinatambuli ng mga napopoot na tinig ng mga naghahalinhinang magsalita laban sa mga batayang suliranin ng pambansang lipunang Pilipino at ang alimpuyo ng mga salita’y tinutugon ng sigaw ng mga dem onstrador, umaalingawngaw sa dumadapit na hapon, at sinasayawan ng mga bandilang pulahan ang kulay na iwinawasiwas ng mga kamao sa buong liwasan. Di kaginsa-ginsa, humugong ang buong liwasan, pumunit ang mga sigaw, natigatig ang mga katawan, at ang

269 mga taliba ng bawat grupo’y nagkawil-bisig sa pagpapakatatag ng hanay habang isinisigaw na parang panata: huwag m atakot, m akibaka: ngunit habang ang mga yapak ay tumatatag sa nag-aalab na semento’t aspalto ng lungsod, dumaluhong ang mga sundalong nakahelmet na may mga pananggang bakal at may panghampas na mga matibay na yantok. Umatras ang panig ng mga namamahayag, waring isang kinoryograp na bayaning galaw ng pag-urong, ngunit di maglilipat-saglit, ang daluyong ng santinakpan ay muling susulong, haharap at tatatag sa harap ng mga nakahelmet na tagapagtanggol ng kaayusan, urong-sulong, ilang hakbang na paurong, ilang hakbang na pasulong, hanggang sumilakbo ang alipato ng poot, humugong ang mga hiyaw, nanghataw ang mga yantok, kumadyot ang mga tubo ng baril, tinugon ng poot ang poot, umulan ang mga bato, sumabog ang ilang m olotov na bom ba, umusok ng digma ang kalsada, umatikabo ang bigwas, hataw, hiyaw, sipa, suntok, lait, sumpa, at bago humalik ang takipsilim, ang himpapawirin ay pinupunit ng mga putok, ang mga demonstrador ay umaatras, ang iba’y organisado, ang iba’y kalat-kalat, at sa kanilang likuran, sumisingasing ang mga punglo na waring hindi na patudla sa himpapawid kundi sa katawan ng sambayanang namulat, nagising at tumayo. Paibang daluyong ng pag-atras ang kinawilan ni Toryo, kasama ng mga manggagawa at sektor ng mga maralitang tagalungsod. Tinawid nila ang tulay at di naglipag-saglit, sila’y nilagom na muli ng sinapupunan ng siyudad. Sa isang maliit na karinderya, lumikmo si Toryo at nagpahinga. Umorder siya ng isang bote ng inuming pampalamig. Umaalab pa rin ang panloob na darang, nagpapasulak ng dugo at kalamnan, alipato ng silakbo ng pagtutunggaling kinakitaan niya ng tumagos na dugo, pagkabuwal ng lupasay, pagtindig ng bumalikwas, hagupit ng lupit, tadyak ng imbi at palahaw ng api. Parang buhos sa

270 buho ang pampalamig sa bote na gumuhit sa kanyang nagbabagang lalamunan at nakadama siya ng tumimyas na panlasang nagpapayapa sa uhaw ng labi at alab ng bituka. Mabibilis ang imbay ng mga tao, parang santinakpang nagambala sa dapithapon. May pulu-pulutong pa ring gumagawi sa kalsadang kanyang kinaroroonan at sa ayos ng mga iyon, nahihinuha ni Toryo na ang karamihan ay buhat din sa madugong liwasan. Isang lalaki ang lumikmo sa isang bahagi ng kahoy na bangko at umorder din ng pampalamig. Kagyat na nakilala ni Toryo ang dating tinig at lalo siyang nakatiyak nang mapagmasdan ang katabi. “Ado!” Hindi kaagad nakamukat si Ado. Waring nabiglang hindi makapaniwala sa taong kanyang kaharap. “Ako si Toryo,” ulit ni Toryo para itukoy ang kaharap sa isang nakaraan. “Alam ko,” noon pa lamang waring nagkatinig si Ado. “Ang tagal na kasi. Parang ang layo na sa iyo ng gasolinahan. Nando’n pa rin kami.” “Ikaw lang?” tanong ni Toryo. “Hindi ko mapilit sina Ayong e. Kundi’y nabinyagan na sana sila ng dugo at apoy,” nakatawa na si Ado habang nagsasalita. “Kumusta na kayo?” pamuling tanong ni Toryo na parang naubusan na ng maaaring sabihin. “Gano’n pa rin,” sabi ni Ado, inubos na ang laman ng boteng iniinuman. “Gasolina pa rin ang dagat. Alagad ng mga sasakyang lungsod.” “Naro’n pa rin ang iyong tula, Ado,” sabi ni Toryo, may halong biro ang tinig. “Dapat me ngipin ang salita sa mukha ng kalupitan ng estado,” pakli ni Ado. “Kailangang malagyan ng laman ng sining ang karanasan ng bayan para madama nila ang hagupit.”

271 “Ano ba’ng mangyayari?” tanong ni Toryo. “Nagiging mabangis na tigre ang estado, T o ry o ,” pagdidiin ni Ado. “Hindi maglalaon, ang lungsod ay magiging isang sumusulak na kumunoy sa atin.” “Kung m ananalig tayo sa sa rili, tayo ang atin g kaligtasan,” ani Toryo. “Tigreng papel ang balasik ng ating kaharap, A do.” “Pinakamabangis na paninila ang maaaring gawin ng halimaw na nasa bingit ng kamatayan,” sabi ni Ado. “Pero tama ka, Toryo. Masa ang tanging tagapagligtas.” “Sabi ng awit, tayo lamang ang bayani,” sambot ni Toryo. Dumampulay na ang takipsilim. Sumindi na ang mga ilaw dagitab. Umagos ang mga sasakyan sa sinapupunan ng maluwang na lansangan, palundo sa iba’t ibang panig ng Kalakhang Maynila. “Sa’n ang tuloy mo?” tanong ni Ado. “Me maliit akong silid na inuupahan dito sa Quiapo,” sabi ni Toryo. “Ikaw?” “Sa gasolinahan pa rin,” nakatawa si Ado. “Ako ’yong pumalit sa ’yo sa sirang trak.” “Kumusta ro’n?” nananabik ang tanong ni Toryo. “Kahoy pa rin ang kama. Malabo pa rin ang bombilya ng ilaw sa bubong ng trak. Kaya lang, nilagyan nina Ayong ng litrato ng mga hubad na babae. Ang mga linsyok talaga. Ang mundo’y doon lang umiinog,” mahabang balita ni Ado. “D o’n ka na lang magpalipas ng gabi sa lugal ko,” alok ni Toryo. “Para magkaistoryahan tayo nang husto.” “Gusto ko nga sana. Pero iniisip ko ’yong mga kaibigan natin. Lalo pa’t maririnig nila sa radyo ang balita ng pagkakagulo. Mag-aalaala ang mga ’yon,” may himigpaumanhin si Ado. Lumakad na ang dalawa pagitna sa kalsada. “Kailan kaya tayo muling magkikita?” tanong ni Toryo. “Alam kong tayo’y ilog na iisang dagat ang titimunin,” makahulugang sabi ni Ado. “Dadaong tayo, Toryo.”

272 Sumanga na ang magkaibigan ng kani-kanilang landas. Tinahak ni Toryo ang papaliblib na bahagi ng lungsod. Sumakay si Ado sa isang dyip pasaheruhan sa malaking kalsada. Sa paliblib na bahagi ng Quiapo’y lumalambong na ganap ang balabal ng karimlan. Pundido ang ilan sa bombilya ng maiitim na poste. Ngunit ang ilan sa mga tagaroon ay magkakaumpok sa makikipot na bangketa, kulukulumpong nag-uusap. Waring biglang sinaklot ang lungsod ng isang kakaibang panganorin, bagwis ng sigwang dumatal sa isang tag-araw. Tuluy-tuloy ang hakdaw ni Toryo habang ang kanyang diwa’y sinasalimbayan ng hindi humihiwalay na mga tanawin. Sumilakbo ang buhawi ng apoy at parang ang lungsod ay tutupukin ng lagablab. Hinahabol ang kanyang ulinig ng mga putok, bumubusa ang ratatat, sumisipol ang haginit at yumayanig ang lagubang. Mabilis ang kanyang mga hakdaw, parang ibig niyang takasan ang mga gunita kahit sa isang sandali ng pagpapahingalay. Nakahinga siya nang maluwag nang masapit ang lugal na tinitirahan. Walang im ik siyang pumasok sa lo o b , umakyat sa kanyang inuupahang silid. Hindi na niya nakuha pang maghubad ng kasuotan. Humilata siya sa inilatag na banig. Lamigta ang kanyang katawan sa kapagalang noon lamang sumanib sa kanyang pag-iisa. Ipinikit niya ang mga mata ngunit ang lagablab ng init ay muling dumarang sa kanyang kalamnan. Tinangka niyang tumayo ngunit ang kanyang lakas ay sumuko na wari sa pagod at ang banig ay isang masuyong kandungan. Unti-unti nang pumayapa ang mga alipato sa kanyang panganorin at marahan niyang nadama ang malingap na haplos ng katiwasayan. Bukas, naisip niya, ibinubulong ng kanyang malay, bago magbukang-liwayway, babalik siya sa nayong sinilangan, at gaya ng pagluluno ng ahas palayan, ang lumang balat ay lilisanin, dudupilin ang bago, aalisin ang lahat ng mga sagwil sa pagsulong, sa isang banal na ritwal ng pagbabang-luksa para saplutan ang sarili ng bagong suot na mapagpalaya sa niyayapos na kinaugalian.

273

Babang Luksa Lumulutang ang Makulong sa liwanag ng tirik na araw ngunit hindi nadarama ni Toryo ang haplit ng init sa kanyang paguwi sa sinilangang nayon. Masimoy nang araw na iyon, bumabagwis ang mga sanga at sumasamyo ang sariwang dampulay ng simoy. Sumakay si Toryo sa isang dyip pasaheruhan na tumutumbok sa nayon at tumutuloy sa Munlawin, kanugnog nayong bumubulaos patungo sa lawa na may iniiwing pandak na bulkan. Sa sinakyan pa lamang ay katakut-takot na ang kumustahan at doon natuklasan ni Toryo na ang taganayon ay hindi ganap na pinid sa pakpak ng balitang dumadalaw sa tainga ng lupa. Bagamat hindi tuwirang sinasabi’y nahihiwatigan niyang ang kinagisnang lugal ay sumusubaybay sa kanyang mga anak, at sa isang gaya niya, waring talos ng marami ang nangyari sa kanila ni Karen, ang pagkawala niya sa trabaho at ang kanyang pag-aaral sampu ng kanyang bagong kinasasangkutan. May isang matandang lalaking nagpaalaala sa kinamatayang pangarap ng kanyang ama ngunit may isa ring kabataang nagsabing napakalawak ng bukas para laging ang tao’y magpatali sa nakalipas. Sa mga usapang iyon, tikom lamang ang labi ni Toryo, aayaw niyang may masabing anuman sa kanya ang tagakanila na ikapupusyaw sa gunita ng kanyang namamayapang magulang. Ang tanging sinamahan niya sa usapa y ang mithi ng kanyang pagbabalik, ang babaan sa kanyang nasirang ama, na kanyang aalamin at pangangasiwaan. Lumapag si Toryo sa harap ng kanilang bahay matapos sabihin sa mga kasakay bago bumaba na abahin naman siya sa babang luksa ng kanyang ama. Marahan niyang inalis ang tarangka ng kawayang pintuan ng bakuran at napansin niyang ang looban nila’y hindi napapabayaan wari ng isang nagaalagang kamay. Naisip ni Toryo na marahil ay inaaraw-araw

274 ng isa niyang tiyahin ang pag-aayos ng lugal kung kaya’t ang mga bulaklak ng bakuran ay nakabukad pa rin at ang mga halama’y nananatiling lunti. Saglit na tumigil si Toryo sa bakuran, inilapag sa lupa ang sakbat na bag at iniligid ang mata sa paligid. Ibig niyang busugin ang dibdib ng bumugsong dapyo ng amihan na noon ay unti-unti nang lumalamig sa mga huling dahon ng tag-araw. Sa sanga ng kam atsili’y nagpapalipat-lipat ang m alilikot na maya, pumapaswit ng maliliit na tinig, nagbubunyi wari sa kanyang pandinig. Umiikot-ikot sa isang masayang paglalaro ang dalawang paruparong umaaligid sa bukad na talulot ng gumamela, lilipad-dadapo, parang sumisimsim ng nektar sa katanghalian. Aywa’t parang sumisibad ang isang tutubi sa espada ng lunting damo, malapit sa isang kulumpon ng malagong kampupot. Ipinikit ni Toryo ang mga mata sa gayong kadalisay na panganorin ng salubong, marahan at mariin, at ibig niyang ikulong sa balintataw ang maliliit na tanawin na waring lalabo sa nadadama niyang pagdarang ng gigitiw na luha. Makaraa’y dumilat siya at parang isang magandang simponya ang maliliit na mukha ng kalikasan, bumilis at tuminis ang paswit ng maya at waring lalong umindayog ang pagsasayaw ng paruparo’t tutubi. Dinampot ni Toryo ang nakalapag na bag, humakbang palapit sa hagdang kawayan. Lumangitngit ang kawayang baitang sa kanyang pagpanhik. Kinabig niya ang panaradong kawayan ng pintuan at pumasok. Inilapag niya ang bag malapit sa dingding na kanugnog ng kanyang silid at lumapit sa kawayang bintanang nakapinid. Itinukod niya ang pambukas sa bintana hanggang sa ang isang piraso niyo’y sumiwang. Ang isang bahagi ng bintana’y kanyang kinabig at parang himalang nanligo sa liwanag ang bughaw na silid. Tiningala ni Toryo ang bubong at doo’y wala man lamang butas sa atip na kugon mula sa palupo hanggang sa balisbisan. Malinis ang sahig na parang pinakintab ng bunot at tuyong dahon

275 ng saging. Waring sininop ang buong kapaligiran, mula sa looban hanggang sa kabahayan. Wala man lamang siyang napansing bahid ng maliit na pagpapabaya, at ngayon, parang may kamay ng mga anghel na bumabatak sa kanyang katawang lumupasay sa kawayang sahig na binubukalan ng maluwalhating simoy mula sa pusod ng lupa. Nasumpungan niya ang sarili na nakahilata na sa sahig, hinayaang paglaruan ng simoy ang patang katawan at sumigid sa kanyang kalamnan ang maayang dapyo. Naririnig pa rin niya ang maliliit na paswit ng maya sa sanga ng kamatsili, at ngayon, parang doon ay sumanib ang iba pang huni ng kapaligiran, na lumilikha ng isang matulaing himig. Hindi na niya mapigilan ang pagsalikop ng talukap ng mga mata at habang siya’y pinapaypayan at inaawitan, isa siyang musmos na iniuugoy sa oyayi ng isang mapagkandiling palad, dinadalitan ng isang awit, hanggang sa tumiwasay ang sansinukuban at humimlay siya sa inunan ng minulang lupa. Lumagatlat ang bumukas na pintong kawayan at nagitla si Toryo sa kanyang payapang pag-idlip. Iminulat niya ang mga mata at bumulaga sa kanya’y ang liwanag ng kumiling na araw. Tumambad kay Toryo ang kanyang tiyahin. Tumayo si Toryo at hinagip ang palad ng tiya at idinaiti sa kanyang noo. “Mano po. . .” “Kaawaan ka ng Diyos.” -Umupo ang kanyang tiyahin sa isang bangkong kawayan. “Me nakapagsabi ngang dumating ka. Iniwan ko’ng niluluto kong bukayo.” “Baka masunog ’yon, Tiya.” “Inalisan ko muna ng dapog ’yong tungko,” nakatawa ang Tiya. “Gustong-gusto mo ang bukayo no’ng bata ka pa. ’Ka ko’y matagal ka na ring di nakakatikim ng bukayo sa Maynila.” “Lahat e ginampanan na ninyo, Tiya,” mahina ang tinig ni Toryo.

276 “E sino pa’ng gagampan ng lahat ng ’to? Wala ka naman dito sa Makulong. Lahat e ginagawa natin para sa kaluluwa ng tatang mo, Toryo,” paliwanag ng kanyang tiyahin. “Paano ko kaya kayo mababayaran?” nakamata si Toryo sa bukas na durungawan, nakatudla ang paningin sa malayong kalawakan. “Huwag mo ’yong isipin. ’Tong batang ito. Ang mahalaga, maiiraos natin hanggang sa babaan ang iyong ama,” sabi ng kanyang tiyahin. “Hindi na muna ako magpapasalamat, Tiya,” sabi ni Toryo. “Hindi ka magpapasalamat,” pakli ng tiyahin. “Napakabuti sa akin no’ng nabubuhay pa si Manong.” “Me mga pagbabago sa ’king buhay, Tiya. . .” “Alam namin dito ’yon,” sabi ng tiyahin. “Nauunawaan namin. Sa lahat ng ’to, ibinabalik ko lang sa ’yo ang ginawa sa akin ng iyong ama, Toryo.” “Napakabuti ninyo, Tiya.” Tumayo na ang tiyahin. “D o’n na tayo magtatapos ng usap sa bahay. Doon ka muna sa ’min.” “Dito ako matutulog, Tiya,” giit ni Toryo. “O sige,” sang-ayon ng tiyahin. “Pero doon ka sa bahay kakain habang ikaw e naririto. Panauhin ka namin.” Tumayo na rin si Toryo sa pagkakasalagmak sa sahig. Binitbit niya ang dala-dalang bag. Kasunod ng tiyahin, bumaba na siya sa hagdan. Lumabas sa bakuran, tinugpa ang patungo sa bahay ng kanyang tiyahin. Namaybay ang magtiyahin sa tabing kalsada at hindi napigilan ni Toryo na mapasulyap sa bahay nina Ka Anane, bagama’t pinid ang bintana niyon para kaipala maiwasan ang pagpasok ng inithapon sa kabahayan. May ilang kanayong nagpapasinsay sa kanila ngunit laging idinadahilan ng tiyahin na tutuloy muna sila sa kanila bago pa mamasyal sa nayon ang bagong dating. Malapit-lapit na sila sa bahay ng tiyahin nang masiglayan ni Toryo ang papalapit na sina Oyo at Bining. Kumaba ang

277 kanyang dibdib, parang isang maaliwalas na tanawin ang kanyang namamalas. Huminto si Toryo nang malapit na ang mag-asawa. Nakatawa si Toryo. “Kumusta’ng bagong kasal?” masaya ang tinig ni Toryo. “Gano’n pa rin, kagaya ng dati,” sabi ni Oyo. “Hindi na ako nakadalo,” may himig ng paghingi ng paumanhin ang kanyang tinig. “Salamat sa sabog m o,” singit ni Bining, mahina ang tinig na waring umiiwas na tuwirang tum ingin sa bagong kararating. “Pasens’ya na kayo,” sabi ni Toryo. “Lagi kasing maikli ang pisi ko.” “Napakahalaga no’n sa amin, Toryo,” sabad ni Oyo. Nakahawak si Bining sa bisig ng asawa at iyon ay hindi nakaligtas sa pangmasid ni Toryo. “Me dapat akong ihingi ng tawad sa ’ y ° - ” Napatingin si Toryo sa kababata at kaibigan. “Wala kayong aalalahanin. Hangad k o ’ng inyong kaligayahan sa buhay,” matapat na sabi ni Toryo. “Salamat,” ani Bining na halos pabulong na lamang ang tinig. “Sa babaan ke T atang, abahin naman ninyo a k o ,” nakikiusap wari ang tinig ni Toryo. “Maaasahan m o,” sabi ni Oyo. Naghiwalay na ang mga nagkatagpo, paibayo sa isa’t isa. Nadama ni Toryo ang isang dalisay na kaluwagan ng dibdib at naramdaman niyang wala na ang biglang pumitlag na tibok ng kanyang puso. Payapa niyang binagtas ang landas at maging sa gunita’y parang aayaw na niyang lingapin ang tanawin nina Oyo at Bining sa payapang paglalakad na paguwi sa kanilang tahanan. Naghihintay sa tahanan ng tiyahin ang mainit pang ginatang ubi na lalong nagpalapot sa gata ng mabangobangong katas ng niyog. Naroon ang kanyang dalawang

278 pinsang babae, kapwa dalagita na asikasung-asikaso siya sa isang masarap na meryenda. “Wala ka nang dapat pang alalahanin sa baba ni Manong,” sabi ng kanyang tiyahin. “Dalawang baboy ang ating ihahanda. Me dalawang dosenang manok na ating kakatayin. Aba, hindi na naman tayo mapapahiya niyan sa makalawa.” “Baka kapusin ako sa ’king dalang pera,” sabi ni Toryo. “Aba’y di mo pa nga ganap na kilala’ng ama m o,” kagyat na sabad ng tiyahin. “Ang sapit sa pinagsakahan ni Manong e sapat nang sagutin ang lahat.” “Kung gayo’y parang napaghandaan na rin ni Tatang ang kanyang pag-alis, Tiya,” sambitla ni Toryo. “Iyang ama mo, mahirap ’yan, pero ubod ng laki ang pagpaparangal niya sa sarili,” sabi ng tiyahin. “Tingnan mo, kahit sa kamatayan e parang aayaw maghabilin ng problema sa iniwan.” Dumatal na ang gabi, dumulog na sila sa hapunan, ngunit ang usapan pa rin ay nakaubod sa babaan. Maging ang pinakamaliliit na pangangailangan ay nailista na ng kanyang tiyahin, nakaplano na ang kagamitang kakailanganin. Kanyang alagang baboy ang kakatayin at ang mga manok ay halos pinalaki na niya’t pinarami sa loob ng isang taon halos. Pansahog na lamang ang pamimilhin sa kabayanan at maraming panrekadong maaaring sa Makulong na rin bilhin nang mura. Nakatapos na silang maghapunan nang biglang magpataupo si Oden. Tuwang-tuwa ang talubata nang makita si Toryo. “Sa bayan ka pa ba?” tanong ni Toryo. “Ilang araw na lang at tapos na ’ko ng hayskul,” balita ni Oden. “At ako ang unang magiging opisyal ng armi mula sa Makulong,” panatag na dugtong ng talubata. “E ang Ate mo?” maya-maya’y pamuling ungkat ni Toryo. “Nananahi pa rin kina Nyora Tinay. Ibig na ngang patigilin ni Tatang, pero iniisip ni Ate ang pagtulong sa ’kin,” paliwanag ni Oden.

279 “Di bale,” sabi ni Toryo na waring ibig pawiin ang pagdalaw ng lumbay sa malay ng kaibigang talubata, “Magaani naman ang pamilya mo pag natupad mo na’ng iyong pangrap, Oden.” “Magdilang-anghel ka sana,” sumaya na ang tinig ni Oden. Nang gabing iyon, kasama ni Oden, nagtungo si Toryo sa bahay nina Ligaya. D inatnan niya ang dalaga na namamalantsa ng mga damit at pantalong pamasok ni Oden. Nagmano si Toryo kay Ka Bisyong na nasa may makapanhik ng hagdan at naghihimay ng mais sa busil at ang mapulang butil ng hinimay ay isinisilid sa isang takuyan. “Buti nama’t napasyal ka,” sabi ni Ka Bisyong nang makapagmano ang binata at makaupo sa isang kawayang bangko. “Nasabi ho ni Tiya na kayo raw ang makikialam sa pagluluto sa babaan ni Tatang, Ka Bisyong,” talibukas ni Toryo. “Ibig ko hong magpasalamat ngayon pa sa inyo.” “Ang batang ’to,” sahod ni Ka Bisyong. “Ang pasasalamat e sa mag-iiba. lisa tayo rito, Toryo.” “Tinatanaw ko ho ng malaki ang lahat ng ’to, Ka Bisyong,” giit ni Toryo. “Malayo ho ako kasi e.” “Kami ang naririto at kami ang babalikat sa hindi mo kayang gampanan, Toryo,” sabi ni Ka Bisyong. Nakatapos na si Ka Bisyong sa ginagawang paghihimay ng butil ng mais at ngayo’y isinisilid niya ang busil ng hinimayan sa isang sako. Dumating naman si Oden at may bitbit na biyas ng kawayang nilagyan ng bagong kabababang tuba mula sa isang panig ng bakuran. Kumuha si Oden ng tabo sa paminggalan at nagsalin ng tuba. “Walang tuba sa Maynila,” sabi ni Oden. “Me tangal ito, pero hindi naman matapang.” Inabot ni Toryo ang tabo at nilagok ang may tangal na tuba. Naglalaban ang asim at tamis ng tuba at gumuhit sa kanyang lalamunan ang init. Hindi niya inubos ang laman ng tabo at iyon ay kanyang iniabot kay Ka Bisyong. Inabot

280 ni Ka Bisyong ang tabo at tinungga ang laman. Ibinalik ng matanda ang tabo kay Oden. “Babayo pa ako ng mais, Oden,” sabi ni Ka Bisyong. Bumaba na si Ka Bisyong, bitbit ang takuyan na may lamang mais. Itinayo niyon ang nakabuwal na lusong at isinalin sa bayuhan ang mais mula sa takuyan. Nakita ni Toryo ang maliwanag na talsik ng sinag ng buwan. Nagsimula nang bumayo si Ka Bisyong. Nagsalin pa si Oden sa tabo ng tuba. Iniabot kay Toryo. Tinungga ni Toryo at muling iniabot kay Oden ang tabo. “Masarap ang tuba pag tinungga sa tabo, tulad no’n,” sabi ni Oden. “Tama na ’yon,” pakli ni Toryo. “Hindi ka na nga sanay sa tuba,” tudyo ni Oden sa kaibigan. Inilagay ni Oden ang tukil sa kusina, isinandal sa paminggalan. Makaraa’y pumanaog ang talubata. Umasod sa pagbayo sa ama. Mabilis ang asod ng halo sa lusong at sa kanyang pag-iisa sa kabahayan, nakamasid si Toryo kay Ligaya na tahimik na tinitiklop ang katatapos na plantsahin. “Ang sipag mo naman, Ligaya,” sabi ni Toryo. “Trabaho sa patahian sa araw at sa gabi’y nakatutok sa gawaing bahay.” “Wala namang ibang kakatawan nito e ,” sabi ni Ligaya. “Kumusta ka na ba?” tanong ni Toryo at lihim siyang nagtaka kung bakit ganoon ang kanyang naitanong. Nakita ni Toryo ang palihim na sulyap ng dalaga. Nagsimula na naman iyon sa pamamalantsa sa plantsang de uling. Nakalatag ang pantalon sa plantsahan at pauli-uling hinahagod ng plantsa ang winiligang pantalon. “Swerte ng magiging asawa mo kung sakali,” sabi ni Toryo at pamuling nagtaka sa kanyang binitiwang salita. “Ako’ng unang abay ni Bining,” kimi ang tinig ni Ligaya. “Iniisip ko nga noon. . .” at ang sasabihi’y kusang pinutol at ibinitin ng dalaga. “Mapalad si Oyo,” sabi ni Toryo.

281 “Ang swerte kasi’y dapat na ipinaglalaban,” makahulugang pakli ni Ligaya. “Ang buhay e laging me tadhana,” sabi ni Toryo. Narinig ni Toryo na huminto na ang asod sa ibaba. Mayamaya’y sumungaw na sa kabahayan ang pumanhik na si Ka Bisyong. Kasunod ng ama si Oden na siyang may dala ng takuyang may silid na kababayong mais. Hindi na naglao’t namaalam na si Toryo. Sumama sa kanya si Oden. Dumaan muna sila sa bahay ng tiyahin at namaalam. Magkasabay na silang nagtungo sa bahay nina Toryo. “Dito ka na matulog, Oden,” anyaya ni Toryo. “Ngayon lang kasi ako dumating dito sa ’tin e,” katwiran ni Oden. “Maghahanap si Tatang e. Bukas na lang sasamahan kita rito.” Nagpaalam na ang talubata na hindi na umakyat ng hagdan. Lumabas na iyon sa hardin. Ang gabi ay naliligo sa liwanag ng buwan at inihatid ng masid ni Toryo si Oden sa pagtalunton sa kahabaan ng lansangang patugpa sa kanila. Umakyat na sa hagdanan si Toryo. Bahagyang nabigla pa ang binata nang mapanhikan niyang may sindi na ang ilaw sa isang mababang mesa sa kabahayan. Nakalatag na ang banig na sa pinakaulunan ay nakahanda na rin ang unan at hinabing kumot. Naisip niyang kaipala’y sinadya ng kanyang tiyahin ang bahay habang siya’y nasa kina Ligaya at inihanda na ang lahat na kailangan niya sa pagtulog. Humiga na si Toryo sa sahig. Sumisinip ang malamig na simoy sa pagitan ng sahig na kawayan, tumatagos sa banig na nakalatag. Pinagsalikop niya ang dalawang bisig sa ibabaw ng unan at ginawang katangan ng kanyang ulo sa paghimlay. Nakaharap siya sa mukha ng gabi na ibinibilad ng nakabukas ng bintanang sawali. Aywa’t nang sandaling iyon, sa sina­ pupunan ng pag-iisa, naglaro sa kanyang balintataw ang mukha ni Ligaya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata para iwaksi ang panganorin ng isang kariktan, ngunit nanatili iyon

282 sa kanyang balintataw, parang isang nanunuksong tanawin. Pinilit niyang iwaksi ang mga alalahanin, ibig niyang iduyan ang diwa sa kapayapaan ng gabi sa nayon sa isang pagbabalik. Nagsali-salising tanawin ang buhay ng isang paglalakbay, mula sa nayon hanggang sa bagwis ng lungsod, at waring siya’y patuloy na inuugoy ng mga malikmata, hanggang ang huling dampi ng antok ay tuluyang maglaho. Tumayo siya, lumakad palapit sa may bintana. Naliligo ang nayon sa liwanag ng buwan, parang abong tanawing binibihisan ng gintong sinag. Sinuyod niya ang kahabaan ng lansangan at sumagi sa kanya ang mga alaala ng pagbibinata, ng harana, pagpanhik ng ligaw at panakaw na unang halik. Subalit ang mga iyon ay lantay na alalahanin lamang, ni wala siyang nadaramang subyang o dampi ng hinanakit sa dibdib. Bumalik siya sa banig, umupo, humiga, ngunit patuloy na mulat na mulat ang kanyang mga mata, buhay na buhay ang kanyang diwa na parang humahamon sa kanyang huwag humimlay sa buong magdamag. Pamuling tumayo si Toryo. Dumako sa may hagdanan. Binuksan ang ipininid na pinto. Umupo sa pinakaitaas na baitang ng hagdanang kawayan. M inalas ang buong paligid, dinama ang paikpik na katahimikan. Pumanaog siya. Humakbang patungo sa pultahan, lumabas ng bakod. Sinuyod ng kanyang mga hakbang ang lansangan. May mga asong umalulong, ang iba’y gumitna sa daan. Pinaswitan niya ang mga iyon, at ang sutsot na kanyang nalikha’y parang naging aral sa mga hayop na ang naglalakbay ay hindi isang banyaga, hindi iba sa nayon, at ang mga aso ay pamuling pumasok sa kani-kanilang mga bakuran at siya’y payapang nakapaglakbay sa kapayapaan. Tuluy-tuloy siya sa kalagitnaan ng nayon at binagnos ang isang maliit na daang tinatalibaan ng mga punongkahoy at lumalangingit na punong kawayang sumasayaw wari sa dapyo ng hangin. Hindi naglipat-saglit, kamanghad na niya ang kalawakan ng dating kinatatayuan ng pugon at tarapitse,

283 hinukay, inalis ang mga istruktura ng dating iluhan, tinibag ang mga bato, pinatag, tinaniman at ngayon ay naglulunti na ang bahagyang tumataas na suloy ng tubo na kumukunday na parang mumunting kamay sa gitna ng gabi. Nagunita ni Toryo ang kanyang nasirang ama, pamuling dumampi ang mga alalahanin ng iluhan, ng pamumugon, ng pagtitimbon ng bagaso, kainan ng pulot at inuman ng puyaw sa tarapitse. Subalit ang gunita’y hanggang ganoon lamang, at sa kanyang pag-iisa, ang nananaig na damdamin ay isang payapang pagtanggap, isang banayad na pagharap sa isang katotohanan. Matagal-tagal ding itinulos siya roon ng mga gunita hanggang ang simoy ay naging isang malamig na kamay na nagtaboy sa kanya sa pagbabalik. Humakbang siyang papauwi, mabilis ang kanyang mga hakdaw at parang ibig na niyang ipahinga ang kanyang katawan at isip. Umakyat siya sa hagdanan, kinabig ang kawayang panara at humiga sa banig. Lalong naging malamig ang dapyo ng simoy mula sa ibaba na sumisinip sa pagitan ng sahig na kawayan at nagpapasanghaya ng isang paghimlay. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Ibig na niyang humimlay sa duyan ng kakaibang kapayapaan ng diwa at kabusilakan ng bagong pananalig. Pumanglaw ang buwan, bumugso ang simoy at tulad noon, sa isang magdamag na maginaw, iniladlad niya ang buka ng kumot at ibinalot sa kanyang katawan. Parang isang simponya, pamuling nanaig ang katahimikan, walang himig maging ang simoy at ang kanyang talukap ng mata’y ipininid ng isang mapagpalang kamay ng magdamag. Maya-maya’y nakita niya ang isang santinakpang nakaitim, sa isang katanghaliang tapat. Nakita niya ang kanyang sarili, sa unahan ng mga nakaitim at naroon ang buong nayon, ang kanyang tiyahin, sina Bining at Oyo, sina Oden at Ligaya. Lumuhod ang lahat sa harap ng dambana na may nakatabing na banig na kinapitan ng mga sariwang bulaklak. Sa altar ay nakatirik ang isang malaking kandila. Nagsimula nang umusal

284 ang mga tinig ng isang dasal, parang hibik ng mga buhay para sa isang namamayapang kaluluwa, isang uri ng pagkalas sa isang maitim na pangungulila. Ang iba’y may mga gumigiting luha sa mga mata, ang iba’y gumagaralgal ang tinig sa pag-usal ng dalangin, ngunit nakita niya ang sarili na nakaluhod ngunit matatag sa harap ng isang pagpapahimakas. Maya-maya’y lumakas ang panalangin, parang tagulaylay sa isang yumao, parang isang uri ng pagpapaalam, at sa gayong karurukan ng mga dalit, ang lahat ay tumayo, iwinaksi ang mga talukbong na itim, iwinaksi ang mga alaala ng pagluluksa at sa kaibuturan ng liwanag ay sumanghaya ang mga bulaklak at humimig ng awit ang simoy ng amihan. Nagmulat si Toryo ng kanyang mga mata at natiyak niyang siya’y idinuyan ng bungang-tulog. Nakita niyang mababa na ang buwan sa kanluran. Tumilaok ang isang tandang, sinundan ng marami pang mga tilaok, hanggang sa ang mga tilaok ay naging isang simponya sa pagbati sa bukangliwayway.

31

H a ligi

Matagal-tagal din ang pauli-uling paghalik ng talim ng sinampalok sa hasaan na manaka-naka’y winiwisikan ni Ka Bisyong ng tubig na sinalok ng tabo sa tapayan sa may balisbisan. Nakita niyang may kislap na ang talim ng gulok. Itinigil niya ang hasa at sinalok ng kinuyom na kamao ang tubig hanggang sa lumantad ang waring pilak na talas. Bahagyang idinampi ni Ka Bisyong ang kanyang hinlalaki sa talim at nadama niya ang hayap ng gulok. Makaraang maipanabas niya ang sinampalok ng ilang sanga ng madre de kakaw na ikinumpay niya sa alagang baka, naisip niyang ihasa ang patalim. Malaon na ring hindi niya natatanggal ang sinampalok sa pinagsabitan niyang haliging kakawate sa

285 may dakong kusina ng kanilang bahay at waring may bakas na ng kalawang na kumakapit sa talas ng tabak. Ngayo’y natitiyak ni Ka Bisyong na maaari nang iputol ng talim ng buhok na ihahagis sa hangin at makaraang pahirang mabuti ang talas niyon ng isang basahang tuyo, isinalaksak niya ang gulok sa kalubang kahoy. Umakyat siya ng bahay at isinaklay ang taling pambaywang ng kaluban sa dating sabitan sa haligi. Makaraa’y tinanaw ni Ka Bisyong ang kanyang nanginginaing baka sa koral, tahimik na tahimik na nginangasab ang lunting dahon ng kakawate. Naisip ni Ka Bisyong na bago lumubog ang araw, paiinumin niya ang kanyang alagang hayop sa tubig na nakahanda na sa lusong na hinaluan niya ng darak at pampatamis na pulot. Pagkagat ng dilim, magsasalang na siya ng sinaing sa tungko, maggugulay ng ginayat na laman ng luntiang papaya na sasahugan niya ng dahon ng sili at balatong. May natitira pa namang pinaisang tawilis sa palayok at naisip ni Ka Bisyong na marahil ay matutuwa sina Ligaya at Oden sa kanilang dudulugang hapunan. Halos magtatakipsilim na at tinanaw ni Ka Bisyong ang bulaos, parang inaaninag ang pagdatal ng mga anak. Pumanaog ang lalaki sa hagdan at pinuntahan ang koral ng kanyang bakang alaga. Hinaplus-haplos ni Ka Bisyong ang gulugod ng hayop at parang nasasarapang huminto ang baka sa panginginain, maamong nagpapakamot sa may-ari. Iniisip ni Ka Bisyong na hindi na magtatagal, ang matabang alaga’y kanya nang maiaagdon sa palengke at ipagbibili. Naisip niyang malakilaki ring salapi ang kanyang ginasta sa pagtatapos ni Oden. Bagama’t tumulong din si Ligaya sa gastos, naisip ng lalaki na kung maibebenta ang alaga’y tutubo rin siya ng mainaminam, makakabili ng isang bagong bakang hindi pa mataba at palalamanin at pabuburukin sa magkasanib na kumpay at supa ng darak ng palay at binayong mais. Sa Makulong ay alam niyang lihim siyang hinahangaan sa mabilis na pagpapataba ng alagang hayop at ang totoo, malaki ang

286 nagawa ng kanyang pag-aalaga ng patabaing baka sa ginastos niya kay Oden sa pag-aaral. Sa gayong kadalisay na dapithapon, lihim na naluluwalhatian si Ka Bisyong, na bilang ama, naitaguyod niya nang marangal ang pag-aaral ni Oden at ngayo’y lihim siyang umaasam na nawa’y palarin ang anak na maging opisyal kung makakapasok sa akademya ng mga sundalo. Kumaltab ang panarang kawayan ng bakuran at nakita ni Ka Bisyong na pumasok si Ka Tulume. “Tuloy ka, Ka Tulume,” anyaya ni Ka Bisyong. Lumapit si Ka Tulume sa koral na kinatatayuan ni Ka Bisyong. Inalok niya ang ama ni Ligaya ng nganga. U m abot si Ka Bisyong ng nakabilot na dahon ng mamin sa buling ngangaan ni Ka Tulume. Isinubo ni Ka Bisyong ang nganga at sinimulan na niyang nguyain. Naisip niyang matapang ang timpla ng apog at bunga at parang bumaga ang kanyang dila. “Matapang ’tong nganga mo, Ka Tulume,” sabi ni Ka Bisyong. Dumura ang matandang panauhin at ang lurang sumadlak sa lupa’y parang malapot na dugo ang tingkad. Nakatingin si Ka Tulume kay Ka Bisyong na parang may binabasang kung ano sa mukha ng kaharap. “Me sadya ako sa ’yo, Bisyong,” talibukas ni Ka Tulume. Nakamata si Ka Bisyong sa matanda ng nayon, naghihintay ng isusunod na bibitiwang salita ni Ka Tulume. Ngunit parang atubiling magsalita pa ang panauhin. “Ano po ba ’yon, Ka Tulume?” gumigiit ang tinig ni Ka Bisyong. “Napadaan ako sa patahian,” banayad na salaysay ni Ka Tulume. “Nakita kong nagkakatuwaan sa me bakuran si Marko at ang ilan niyang bisitang tagabayan.” “Wala po namang masama roon,” sabi ni Ka Bisyong na pilit itinatago ang nabubuong panloob na kaba.

287 “Nag-iinuman ang mga lin tik ,” matigas na sabi ng matandang panauhin. “Marka demonyo ang isinisilid sa bituka. Aba, iyang mga lintik na ’yan, baka kademonyohan ang maiisip. Itinaon pa namang lumuwas sina Kabesang Ote at Nyora Tinay. Ipinatawag daw ni Senyor Martin sa Maynila at bukas pa’ng balik dito sa ’tin.” Nahagip na ni Ka Bisyong ang tinuturol ng pumasok na panauhin ngunit hindi niya ipinahiwatig ang pagkatigatig. “Me mga kasama pa po namang mananahi ro’n si Ligaya,” sabi ni Ka Bisyong na ang pinalalakas ay ang sariling kalooban. “Iyang kayamanang buhat sa pawis ng iba e parang tiyanak sa bulaos no’ng ating matandang panahon,” matalinghagang usal ni Ka Tulume. “Ang lagim na dala’y hindi na lumalabas pa sa minulan. D o’n lamang nag-aabang ng sisindakin.” Umupo si Ka Tulume sa halo na nakasandal sa salansan ng panggatong na kahoy, malapit sa koral. Nagpatuloy naman si Ka Bisyong sa sinimulan nang pagsusupa sa baka na bahagyang ibinitin niya ang ulo sa katangan ng bubong ng koral. “Tumama sana sa bato ang imbing ating iniisip,” sabi ni Ka Bisyong nang lumaon, makaraan ang ilang saglit na katahimikan sa dalawang lalaki. Bumabalabal na ang dilim at tumayo na si Ka Tulume sa kanyang kinauupuan. Idinura ng matanda ang mapulang nganga sa may balisbisan at nagpaalam na kay Ka Bisyong. “Ang lintik kung tumama’y walang iginagalang, Bisyong,” sabi ni Ka Tulume at tuluy-tuloy nang lumabas sa bakuran. Mabilis ang pagsusupa ni Ka Bisyong sa kanyang alaga. Pilit niyang inaalis sa isip ang balita ni Ka Tulume at sa pagiisa’y lihim niyang itinatapon ang sisi sa matanda sa patagong pananakot sa balita. Matapos ang pagsusupa’y inayos na ni Ka Bisyong ang mga gamit sa ibaba. Ang araro’y isinandal sa haligi sa silong, sa ilalim ng pugad ng inahing manok na

288 lumilimlim sa kanyang itlog. Kumurokok ang inahin na parang nabulabog sa banal na ritwal ng pag-iinahin. Umugok ang kanyang alagang baboy sa may silong ng batalan, humihingi na rin ng pagkain, ngunit naisip ni Ka Bisyong na isasama na niya sa pagkaing-baboy ang paghuhugasan ng bigas at ang mga tirang pagkain sa hapunan. Pumanhik si Ka Bisyong sa itaas, nagtuloy sa kusina, kinuha ang saingang palayok, inis-is, hinugasan ang loob ng dalawang ulit at ikinatang sa gikin. Sumalok siya ng isang takal na bigas sa malaking takuyan. Isinalin ang bigas sa palayok, hinugasan, sinukat ng daliri ang tubig at inilagay sa tungko. Sinindihan niya ang pidpid ng kahoy at nang lumiyab na ang maliliit na gatong ay saka niya dinagdagan ng tuyong sanga ng kakawate. Matalim ang liyab ng gatong at naisip ni Ka Bisyong na hindi magtatagal at susulak na ang kanyang sinaing, maiinin at handang-handa na sa pagdating nina Ligaya at Oden. Ugok nang ugok ang nakataling baboy sa ilalim ng pinagsasaingan at naisip ni Ka Bisyong na kailangan na niyang pakainin ang alaga para hindi na mambulahaw. Pumanaog siya, bitbit na ang hinalong pakain mula sa batalan. Isinalin niya ang kaning-baboy na pinaghalong ginayat na katawan ng saging na saba na nilahukan ng tapilan na nauna niyang isinalang nang umagang iyon bago pa niya isiningkaw ang kanyang pangararo sa kaunting pirasong sinasaka. Ngumangasab ang baboy sa pagkain, humahagok halos, at parang ilang saglit na natangay ang malay ni Ka Bisyong sa tanawin ng alagang sarap na sarap sa pagsaid sa kanyang natatanging hapunan. Hindi nagtagal at nabawasan na ang ngasab ng baboy, nabusog na kaipala, itinulak-tulak ng nguso ang labangan. Tumalikod na si Ka Bisyong at pamuling pumanhik. Tinanaw niya ang lambong sa bulaos, inaaninag ng mata sa dilim ang mga anak. Hindi na umuugok ang baboy, kaipala’y nakahiga na iyon sa isang tuyong bahagi ng silong. Halos ilang kislap na lamang ng apoy ang nasa

289

dapog sa tungko at naisip ni Ka Bisyong na inin na ang sinaing. Pamuli siyang tumanaw sa bulaos, ni walang anagag ng mga hinihintay na anino. Pumasok na si Ka Bisyong sa kabahayan. Parang musmos na inilagmak ang katawan sa oyaying nakakabit na iniuugoyugoy sa pamamahinga lalo na kung katanghalian ng tag-araw. Ilang saglit na iwinaksi niya ang mga alalahanin at nagsimula siyang humimig ng isang tagulaylay. Ihihim lay ka sa bisig N a duyan sa panagin ip K apilin g mo baw at saglit Sa pagsilang sa daigdig. I k a ’y mayuming bulaklak L ililim an ng pagliyag Pagsuyong w alang kupas M ula Iam p in hanggang wakas. N ag-iisa sa paggiliw H aban g buhay w alang m aliw K ung buhay ko ay m akitil H anggang hukay ik a ’y aliw. Habang parang dumadalit ng isang malalim na panambitan ang kaluluwa, nakamata si Ka Bisyong sa lupu-lupo ng bubong na kugon. Sa talsik ng liwanag ng ilawang langisniyog, may mga aninong waring ibinabadya sa itaas. Nababanghay sa kanyang panganorin ang bumangong kalansay ng mga gunita. A, isinilang si Oden, ngunit kapalit ng buhay ng supling ang buhay ng ina. Binunot na niyang lahat ang kanyang mga itinanim na punong kakawate sa patuto para bigyang puwang ang buhay ng tao, ngunit pagsapit sa bahay, ang itinaas ng kamay ng hilot ay ang

290 duguang katawan ng sanggol habang ang m inulang sinapupunan ay may mukhang simputi ng saha. Nakita niya ang sariling nakaluhod sa tabi ng maybahay, humahagulgol sa dapithapon, humihingi ng awa sa dapat hingan ng awa, ngunit ang silab ng buhay ay kusa nang naglaho at ang tibok ng ugat ay kusa nang namahinga. Isinumpa niyang ang buong buhay niya’y iuukol sa dalawang supling at yaon ay isang panatang hindi niya iniwan maging sa mga sandali ng mumunting pagkatukso’t tawag ng sarili. Ngayo’y ganap nang payapa ang tibok ng kanyang puso at ibig niyang tuluytuloy na humimlay sa oyayi ng mga alaala. Nakadama siya ng maluwalhating kapanatagan at parang siya’y dinadalitan ng tagulaylay ng isang panata sa kanyang pagtulog, inihahatid ng simoy at inihahalik sa kanyang kaluluwa. Lumangatngat ang bukasang pintong kawayan ng bakuran at nagulantang si Ka Bisyong sa bungang-tulog. Nauulinig niya ang maninipis na yapag ng bakya. “Ka Bisyong. . .” Tumayo si Ka Bisyong, nagtungo sa pintuan. Dala-dala niya ang ilawan para maaninag ang tumatawag sa pultahan. “Ka Bisyong. . .” Nakilala ni Ka Bisyong na si Bita, ang kasamahan ni Ligaya sa patahian ang dumating. Dumagok ang giyagis sa kanyang dibdib. “Ano ba?” gumagaralgal ang kanyang tinig. “Si Ligaya po. . . Si Ligaya po.” “Me nangyari ba?” “Nasa patahian po siya. Nasa patahian po siya,” sabi ni Bita at yumupyop iyon sa may hagdanan at nagsimula nang umiyak. Padambang bumaba si Ka Bisong, niyugyog ang balikat ng nanginginig na kaibigan ni Ligaya. Itinunghay niya ang mukha ni Bita. “Ano ba’ng nangyari? Magsalita ka.” “Si Ligaya po. . .naiwan sa patahian.” “Bakit?”

291 “Masama po’ng nangyayari. Nakatakas lang po ako.” Parang wala nang anumang narinig si Ka Bisyong. Biglang tumalim ang tilandoy ng kanyang hawak na tibanglos. Biglang humagibis ang sigwa sa bulaos. Biglang umalipato ang kumukurap-kurap na dapog sa abuhan. Pahablot niyang kinuha ang nakasabit na kaluban ng sinampalok sa haligi, patalong pumanaog, itinalsik ang tibanglos sa bakuran, lumagablab nang kaipala’y sumabog sa lupa ang langis. Nilamon si Ka Bisyong ng dilim na waring iginalang ang lumukob na paghihimagsik ng isang ama at ni isang alulong ng asong nayon ay walang narinig. Inilululan si Ka Bisyong ng kakaibang bagwis ng magkasanib na poot at pagkagimbal at parang ang nilakbay ay isang dipa lamang mula sa kanyang pinagmulang bahay. Ngayon, kaharap na niya ang moog ng patahian. Nakabukas ang pintuang bakal na parang naghihintay sa isang pagsadlak at siya’y ginabayan ng paimpit na panangis sa isang panig ng patahian. Hinugot niya sa kaluban ang sinampalok, dahan-dahang lumapit sa nakapinid na pintuan. Tinadyakan ang pinto, pumailanglang ang dalawang putok na nagngalit sa dilim. Nanibasib ang hindi nagaping poot, gumahak ang talim sa alimpuyo. Dalawa pang unday ang pumakawala. Lumagabog ang katawan, sumisingasing. H um agok ang huling hibla ng buhay at lumambong ang kapanatagan. “Ama. . .” “Anak.” Nagpulasan ang mga anino sa patahian. Mabilis ang mga yabag. Pinangko ang isang duguang katawan, inilagay sa loob ng dyip. Umandar ang sasakyan, humarurot sa sinapupunan ng gabi patugpa sa kabayanan ng San Diego. Panatag ang tahanan. Nakahiga ang alagang baboy. Tahimik ang nagpipisang inahin sa pugad. Ang baka’y nakahimlay sa kural. Payapang pumasok si Oden sa bakuran at paikpik na kapayapaan ang sumalubong sa kanyang pagdating. Pumanhik si Oden sa itaas, bahagyang pina-

292 liwanag ang tilandoy ng kingke. Nagtuloy ang talubata sa kusina. Naroon pa ang mumunting tilamsik ng apoy mula sa dapog sa bugso ng simoy. Naisip ni Oden, handa na ang hapunan. Tinanaw niya ang bulaos. Nakita niya ang pahagibis na takbo ng dyip. Naisip niya ang kanyang ama. Sumikdo ang kanyang dibdib sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. A, di ba’t siya’y magiging isang opisyal na sundalo mula sa Makulong at dapat hindi matakutin ang dibdib ng isang kawal na nag-ugat sa lupa. Marahil ay sinundo ng kanyang ama si Ligaya at sa sulok ng kanyang mata’y nakita niyang wala ang sinampalok sa sabitang haligi. Ang gulok, o ang sinampalok, ang dupil sa dilim ng isang magsasaka sa Makulong, at tiyak ni Oden na ang ama’y lumisang laging may handang agimat at pananggalang. Maya-maya’y nakarinig siya ng mga tinig, mula sa bulaos ng lansangangnayon. Dumungaw si Oden. May mga tibanglos na dala ang mga dumating. Pumasok ang mga taong-nayon sa kanilang bakuran. Bumaba si Oden sa hagdan. Tahimik si Oyo sa pultahan. “Ano ba?” tanong ng baguntao sa mga dumating. Pumatlang muna ang nakababahalang katahimikan bago nagkalakas-loob si Oyo. “Me nangyari, Oden,” mahina ang tinig ni Oyo, waring sinusuhayan ang matitinag na kalooban ng talubata. “Huwag kang mabibigla.” “Ano ba’ng nangyari?” “Nakadisgrasya ang tatang mo, Oden. Sa patahian,” pagtatapat ni Oyo. Nagunita kaagad ni Oden ang kapatid na si Ligaya. Halos pumutok na katotohanan kaagad sa kanya ang isang hinala at kagyat na naunawaan niya ang hindi pa nabibigkas na pangyayari. “Si Ate?” “Nasa bahay,” banayad na sabi ni Oyo. “Mas mabuti na’ng doon siya kaysa rito.”

293 “Si Tatang?” “Wala ang ’yong ama, Oden,” sabi ni Oyo. “Pero wala raw kayong dapat alalahanin.” Isinara ni Oden ang pinto ng bahay makaraang patayin niya ang ilaw sa loob. Dali-dali nilang tinungo ang bahay nina Oyo. Pagkapanhik nila’y nakita ni Oden ang kapatid, nasa loob ng silid, katabi si Bining. Umiyak si Ligaya nang mamataan ang dumating na kapatid. Lumapit si Oden sa gilid ng papag na kinalilikmuan ni Ligaya. Yumakap ang dalaga sa nakababatang kapatid. “Wala akong suwerte, Oden,” panangis ni Ligaya. “Huwag ka ang umiyak, Ate,” alo ni Oden. “Harapin natin ang nangyari.” “Umagang-umaga bukas, pupunta tayo sa munisipyo,” sabi ni Oyo. “Kailangang maireport natin ang lahat sa bayan.” “Bakit hindi pa ngayong gabi?” sabad ni Bining. “Malayo ang bayan. Ayaw kong magbakasali ngayong gabi,” matatag na pasiya ni Oyo. Nakamata lamang si Oden sa nakatatandang kapatid. “Ano’ng iniisip mo, Ate?” tanong ng baguntao. “Tama’ng ginawa ni Tatang,” pabulong halos na sabi ni Ligaya. “Napakahayop!” Pamuling umiyak si Ligaya, tahimik na pagluha, na waring ibig sarilinin ang lahat ng salaghati. Hinaplus-haplos ni Bining ang balikat ng kaibigan. ' “Tibayan mo’ng loob mo,” sabi ni Bining. “Hindi ibibigay ’to sa atin kundi natin kayang dalhin.” Hindi nagtagal at namaalam na si Oden. Gaano mang pagpigil sa talubata ay hindi makapagpabago ng pasiya niya na umuwi sa kanila at doon magpalipas ng gabi. “Walang tao sa bahay, Ate,” sabi ni Oden. “Doon ako.” Bago umalis si Oden ay kinuha ni Ligaya sa gilid ng papag ang gulok ng kanilang ama. “Iuwi mo ’to, Oden,” sabi ni Ligaya sa kapatid. “Iniwan ni Tatang sa ’kin bago tumakas.”

294 Pinasamahan ni Oyo ang kaibigan sa ilang kalalakihan. “D o’n muna kayo sa kina Ka Bisyong,” tagubilin ni Oyo sa mga kasamahan. “Huwag ninyong iiwan si Oden, anuman ang mangyari.” Pagsapit ng bahay, tuluy-tuloy na nagpunta si Oden sa batalan. Sumalok ng tubig at masinop na hinugasan ang talim ng tabak. Nakadama ang baguntao ng bahagyang kilabot sa loob, nangalisag ang kanyang balahibo sa dampulay ng isang malungkot na panganorin ngunit tiniyaga niyang alisin ang huling bahid at amoy ng trahedya sa talas ng sinampalok. Makaraang pahirin ang basa sa talim, ipinaloob niya ang gulok sa kaluban at isinabit sa haligi. Ilang saglit na nakamata si Oden sa nakasabit na sinampalok at sumagi sa kanyang isip ang pag-aalaala sa kanyang ama. Wala na ang sinampalok, wala na ang dupil, at ang nalalabi na lamang agimat sa ama ay ang balabal ng dilim, mayuming pakpak ng anghel na lumulukob sa mga busilak at walang sala. Dumungaw siya sa bakuran at naroon ang ilang lalaking nayon, nakabantay at handang tumayo sa anumang mangyayari. Nakatirik ang tibanglos sa isang tabi at nakakulumpon ang mga lalaki. “Iyang baril, pag pingkaw ang me hawak e parang masamang biro lamang,” sabi ng isa sa magkakaumpok. “At ang sinampalok ang walang sablay basta’t matigas ang kamao,” sagot ng pangalawa. “Pag nagkaharap ang salbaheng lampa at ang aping bakal ang pulso, walang sinabi ang baril,” katnig ng pangatlo. Maya-maya’y lumangitngit ang panarado sa bakuran at pumasok si Ka Tulume. Nagmagandang-gabi ang mga nakaupo sa dumatal na matanda sa nayon. “Nang dumating dito sa Makulong ang ispiritu ng yaman,” sabi ng matanda, “naging bahagi natin ang dalumat ng demonyo.” Nakamata lamang ang mga kalalakihan sa nagsasalitang si Ka Tulume. Sa nayo’y laging may talinghangang dala ang

295 matanda, kakambal ng kanyang apog, dahon ng mamin at bunga. Inabutan ng matanda ang mga dinatnan ng kanyang nakahandang nganga. Nakiumpok si Ka Tulume sa mga lalaki, tumingkayad sa may balisbisan sa tabi ng naglalagablab na tibanglos. “Ang demonyo ay laging lilipulin ng kalis at tabak ng bathala,” patuloy ni Ka Tulume. “Kahit me baril ang demonyo, hindi siya makakaligtas sa talim ng sinampalok.” Nakahiga na si Oden sa oyayi at naririnig niya ang usapan sa balisbisan. Nakamata ang talubata sa nakasabit na sinampalok sa haligi. Sumagi sa korona ng kanyang gunita ang kanyang ama. Tumingin siya sa labas, sa mukha ng kawalan ng ibinibilad ng nakabukas na bintana. Maliban sa mga kumukutikutitap na bituin sa langit, ang daigdig sa labas ay natutulog sa isang mayuming karimlan.

32

Sang ang D aan

Isang nayong waring tumigil ang tibok ng puso ang sumalubong kay Toryo sa kanyang madaliang pagdalaw. Halos dapithapon na nang siya’y sumadlak sa sinapupunan ng Makulong, sakay ng isang kakarag-karag na dyip mula sa kabayanan, patugpa sa kanugnog na nayon. Sa Maynila pa lamang ay nalaman na niya ang nangyari mula sa isang manggagawa sa pabrika ni Senyor Martin na naghatid sa kanya ng malungkot na balita. Nakisuno na siya sa huling dyip na dumaraan sa Makulong at lumapag sa tapat ng bahay nina Ligaya. Pinid ang mga bintana ng bahay, parang ulila’t walang kilatis man lamang ng buhay. Nasilip niyang bahagyang nakaawang ang pintuang kawayan. Itinulak ni Toryo ang panara sa bakuran at pumasok siya sa looban hanggang sa makasadlak sa may balisbisan. “Oden,” tawag ni Toryo na nagbabakasakali.

296 Naulinig ni Toryo ang bahagyang kaluskos sa loob ng bahay at naisip niyang may tao sa itaas. “Oden!” muling tawag ni Toryo. Sumiwang ang pintuan at sumungaw si Oden, pupungaspungas na parang galing sa pag-idlip. Sumaya ang mukha ng talubata nang masilayan ang kaibigan. “Tuloy ka, Toryo,” sabi ni Oden at lumabas hanggang sa itaas ng hagdanan. Napatda si Toryo sa pagkakatayo, nakamasid sa baguntao. “Kanina ka pa ba?” tanong ni Oden. “Kalalapag ko lang,” sabi ni Toryo. “Dito na nga ako tumuloy.” Lumapag si Oden mula sa makapanhik. “Salamat sa pagdalaw mo, Toryo,” mahinang sabi ni Oden. “Baka me magagawang mabuti ang pagdalaw ko,” sabi ni Toryo. “Nabalita ko sa Maynila.” Saglit na namagitan ang katahimikan sa dalawa. “Tayo na sa itaas,” anyaya ni Oden. Nagpaunlak si Toryo. Makapanhik, napansin niya ang bughaw na tanawin ng kabahayan. Naroon ang upuang kawayan ni Ligaya, katapat ng bintana. Noon, malimit niyang makita ang dalaga, nakapanungaw, o kaya’y nakatutok sa kanyang pagbuburda. Naalaala niya ang kanyang nakaraang pagdalaw sa bahay nina Oden. Namamalantsa si Ligaya, habang sumisimsim siya ng may tangal na tuba, lihim na sumusulyap sa tahimik na dalaga. Parang nauulinig pa rin niya ang malamyos na tinig ni Ligaya sa kanilang pag-uusap nang gabing iyon, habang nag-aasod sa pagbayo sina Oden at Ka Bisyong. Tumayo si Oden na waring umiiwas abalahin ang isang katahimikan. Parang nahimasmasan si Toryo at kagyat na nakatakas sa daloy ng mga gunita. “Magpapasulak ako ng kape,” sabi ni Oden, tuluy-tuloy na gumawi sa kusina.

297 N ag-ipon si Oden ng siit at m aliliit na pidpid ng panggatong sa tungko at sinindihan. Lumiyab ang apoy at dinilaan ng lagablab ang lagaan ng kape. “Nagkape na ako sa San Diego,” sabi ni Toryo. “Iba’ng kape dito sa Makulong,” badya ni Oden. Pumanatag na ang liyab sa tungko at bumalik na ang talubata sa kinaroroonan ni Toryo. “Si Ate mo?” tanong ni Toryo. “D o’n muna siya kina Oyo,” tugon ni Oden. “Ako lang ang tao rito sa araw.” “Kumusta naman?” “Sinasamahan ako ng ilang lalaki sa gabi,” paliwanag ni Oden. Matindi na ang liyab at muling pumunta si Oden sa harap ng tungko. “Me nilagang kamote na ipinadala si Bining,” malakas na sabi ni Oden. “Tamang-tama sa mainit na kape.” Kumulo na ang pinasusulak na kape. Bahagyang ipinagpag ni Oden ang dulo ng liyab sa bato ng dapugan. Namatay ang ningas. Kinawot ni Oden ang kape at isinalin sa dalawang tabo. “Mas masarap ang kape sa tabo kesa baso, Toryo,” sabi ni Oden. “Akmang-akma sa kamote.” Iniabot ni Oden ang tabo na may umaasong kape. Ang init ay hindi halos madama sa tabo. Kinuha ni Oden ang isang bandehadong may lamang nilagang kamote, inilagay sa lapag ang kawayang sahig. “Kumusta’ng tatang mo?” patlang ni Toryo sa katahimikang namagitan sa kanila. “Me pasabing susuko rin si Tatang,” tugon ni Oden. “Ibig lang niyang makatiyak na hindi siya mapapahamak.” “Hinahanap ba siya?” tanong ni Toryo. “Me kaunti namang ipinunlang pakikisama si Tatang. Ligtas siya. Saka alam naman ng lahat ang tunay na nangyari,” paliwanag ni Oden.

298

“Dapat nga rin lang tayong mag-ingat,” payo ni Toryo. “Pag naiayos na’ng nadisgrasya ni Tatang, magpapasailalim na siya sa batas,” pakli ni Oden. “Hindi naman ginusto ni Tatang ang nangyari.” “Lahat e hindi natin maaaring takbuhan. Aayaw man nati’y dapat nating harapin,” ani Toryo. “Tutuo ’yang sinabi m o,” sang-ayon ni Oden. Niligpit na ni Oden ang kanilang pinagmeryendahan, dinala sa banggerahan at hinugasan. “Masama bang dumalaw ako sa Ate m o, O den?” kinamayan-mayan ay tanong ni Toryo. “Ano namang masama d o ’n?” tugon ng talubata. “Kailangan nga ni Ate ang magpapatibay sa kanya.” “Sasamahan mo ako, Oden,” nakikiusap ang tinig ni Toryo. “Nahihiya ka bang pumunta kina Oyo?” nanalakab ang biro ni Oden. “Wala na ako ro’n, Oden,” banayad na salita ni Toryo. “Kailangan ng Ate mo ang mga kaibigan.” “Ililibing si Marko bukas, Toryo. Mahirap talaga ang nangyari. Buong buhay na dadalhin ni Ate ang naganap sa kanya,” malungkot na pagtatapat ni Oden. Bumabalabal na ang dilim nang taluntunin ng magkaibigan ang landas patungo kina Oyo. Kumahol ang aso sa silong at dumungaw si Oyo sa pultahan. “Me bisita tayo,” sabi ni Oden, nagpatiuna ng pagbabalita. Pumanaog si Oyo at sinalubong sa balisbisan ang dalawang sumapit. “Kanina pa siya sa bahay,” talibukas ni Oden. “Nagmeryenda muna kami bago nagsadya rito,” paliwanag ni Toryo. “Balita na ngang narito ka,” sambot ni Oyo. “Sabi ko, tiyak na dadating ka.” “Mabuti nama’t hindi mo pinabayaan ’tong magkapatid,” sabi ni Toryo.

299 “Sa g an iton g kalagayan nalalam an ang tunay na magkakasama,” sagot ni Oyo. “Aba’y matutunugan na tayo rito sa pultahan,” nagbibiro ang boses ni Oden. Bantulot si Toryo ngunit matalas ang pakiramdam ni Oyo. “Tayo na sa itaas, “ anyaya ni Oyo sa kaibigan. “Doon na natin ituloy ang kuwentuhan.” Umakyat na ang tatlo sa bahay. Nagmano si Toryo kay Ka Antang. “Mabuti nama’t dumating ka, Toryo,” sabi ng matanda. “Ang darning hindi mo maipaliwanag sa Makulong.” “Nagluluno na po ang nayon, Ka A ntang,” pakli ni T oryo. “Huwag kayong m ag-alaala. Me magandang darating sa M akulong.” “E teka, dito ka maghahapunan, Toryo,” maya-maya’y turing ni Ka Antang. “Aba’y para namang sinadya’t naglabon ako ng aking alagang inahing hindi makapisa ng itlog. Tiyak na matagal ka na ring hindi nakakatikim ng nilabong manok sa Maynila.” Tumalikod na si Ka Antang at inasikaso ang niluluto sa kusina. Sinundan ni Toryo ng tingin ang matanda, nakaharap sa tungko na pinagsalangan ng palayok ng nilabong manok. Napakatahimik ng liyab ng tungko. “Sa maikling panahon, ibang-iba na’ng buhay dito sa Makulong,” halos pagas ang tinig ni Oyo. “Napakapayak npon ang mga panaginip. Sukat na sukat noon ang buhay, mula sa pagsilang, hanggang kamatayan. Ngayo’y hindi mo halos namamalayan ang kakaibang tadhana kung magtakda ng hatol sa aming buhay.” “Noo’y iisa ang daloy ng dugo sa ugat ng nayon,” pakli ni Toryo. “Panatag ang buhay pagkat pantay-pantay ang mga pangarap.” “Ikaw ang nagsimula ng ibang pangarap, Toryo,” kagyat na sabad ni Oden.

300 “Sa langkay ng mga kilyawan, may babagwis para sa ibang papawirin, hahanap ng kanyang sariling balangaw,” katwiran ni Toryo. “Isinadlak ako ng kakaibang panaginip sa lungsod. O o, sa lungsod ay may ibang mukha ng liwanag. May apoy din ang lungsod. Kakaiba ang ningas. Hindi kisap ng mga alitaptap na pumapayong sa puno ng duhat. Hindi liwanag ng tibanglos na umaakit sa gamugamo. Hindi ang payapang alab sa dapugan ng tungko.” Parang tinatangay ang tinig ni Toryo ng panggabing dapyo, inihihimig sa nakahimlay na dahon ng tubo at sa damo ng mga tabihan. “Ayaw na ayaw ni Tatang na umalis sa pagbuburda si Ate,” parang panambitan ang salaysay ni Oden. “Ke Tatang, parang pakikipagsapalaran sa ulupong ang rahuyo ng patahian. Dahil sa akin, nakipagharap si Ate sa ulupong.” “Ang nangyari’y hindi na maaari pang ibalik sa bagnos na pangarap natin,” sabi ni Oyo. “Ang Makulong ay hindi na maaari pang bumalik sa dati nitong anyo. Nabago na ang kaluluwa ng nayon, hindi sa kagustuhan ng taga-Makulong kundi dahil sa pagbabagong naganap sa kanyang sina­ pupunan. Kaming mga anak ng lupa’y kinipil sa hugis na ibig para sa amin ng mga makapangyarihan.” “Lahat tayo’y anak ng lupa,” pagtutuwid ni Toryo. “Wala man ako sa Makulong, naririto ang aking kaluluwa.” “Balang araw, aalis din ako sa Makulong. Pero saan man ako ipadpad ng kapalaran, mananatiling nakabaon dito ang aking ugat. Maraming dibdib ang bumuhay sa akin,” ani Oden. “Habang kayo’y wala rito, ang ibig ninyong buhayin ay bubuhayin ng mga maiiwan. Laging handa ang nayon sa inyong pagbabalik,” mataimtim na sambit ni Oyo. Nabulabog ang pag-uusap ng tatlong magkakaibigan nang lumabas mula sa silid sina Bining at Ligaya. Nagkatinginan ang tatlong lalaki, binabasa wari ang mga nakatagong malay sa kanilang kalooban. Panakaw na napasulyap si Toryo sa

301 dalawang bumungad na babae, parang may ibig itagong katotohanan na maaaring ibilad ng kanyang paningin. Nakatayo lamang ang dalawang babae. Tumindig si Toryo sa pagkakalikmo sa sahig, humakbang papalapit kina Ligaya at Bining. Sa bugso ng isang dumaluyong na malay ng pakikiramay, hinagip ni Toryo ang palad ni Ligaya. Pinisil ng binata ang palad ng dalaga, parang ibig suubin iyon ng init. “Nakikiramay ako, Ligaya,” halos hindi niya mabigkas ang lumulukob na damdamin. Napaiyak si Ligaya at yumakap kay Toryo, parang musmos na umaamot ng lakas at kalinga. “Wala akong palad,” mapait ang tinig ni Ligaya. “Huwag mong isipin iyan,” sabi ni Toryo. Kumalas si Ligaya sa pagkakayakap kay Toryo at panatag na sumama kay Bining sa pag-upo sa kalapit na likmuang kawayan. “Salamat sa pagdalaw m o,” maya-maya’y pamuling turing ni Ligaya. “Tungkulin ko ito ,” tugon ni Toryo. Hindi sinasadya’y nagkatama ang mga paningin nina Toryo at Bining at hindi nakatakas sa paningin ng binata ang bahagyang lumalaking tiyan ng maybahay ni Oyo. “Matagal na rin pala akong hindi nakakauwi,” nasabi ni Toryo. Bahagyang napatawa si Bining sa kanyang nasakyang pahiwatig. “Madadagdagan na kami,” masaya ang tinig ni Bining. “Uuwi ako sa binyag,” sabi ni Toryo. “Napalayo ka nang talaga, T o ry o ,” sabi ni Bining. “Nakakadalaw ka lamang sa libing o binyag.” “O sa kasawiang-palad,” salo ni Ligaya. Naputol ang kanilang salitaan nang pumasok si Ka Antang mula sa lutuan. “Labas na kayo,” sabi ni Ka Antang.

302 Hindi na nagpatumpik-tumpik si Toryo sa anyaya ng hapunan. Lumabas na sila sa kusina. Nakalatag na sa latok ang handa ni Ka Antang na nilabong manok, sinahugan ng magkahalong papaya’t kamoteng kahoy na pinasarap ng dahon ng siling pasete. Sumalagmak sila sa kawayang sahig ng kusina, paharap sa latok at nagsimula nang maghapunan. Kinawutan ni Ka Antang si Toryo ng hita ng manok at kapirasong atay kasama ng mabangong balun-balunan. Nakita ni Toryo ang inilabas na kagamitan ni Ka Antang na nakahilera sa isang plastik na silbihan. Alam niya ang kahulugan noon sa nayon. Isang tanging panauhin ang dudulog sa latok at kailangang ang marangal na kapayakan ay maipahiwatig. “Hindi naman ako bisita, Ka Antang,” sabi ni Toryo. “Ngayon ka lang namin muling nakasalo,” makahulugang pakli ng matanda. Nagkatinginan sina Toryo at Oyo at may mga katagang ibinubulalas ang kanilang mga balintataw. A, ilang ulit na nga bang kumain siya sa latok ding iyon sa mga panahon ng kasibulan, sa mga panahong ang pagsasama ay wala pang anumang bahid ng paglalayo at kahiyaan? Sa nayon, ang latok ng bawat kubo ay dulugan ng lahat, lalo na ng mga kabinataan at kadalagahan, na ang turingan ay dalisay na kapatiran. Ngunit ang busilak na pagpapalagayan ay maaaring mahaluan ng kahiyaan, sa simulang ang kabusilakan ng ugnayan ay pukawin ng pag-ibig o ng walang pangalang agawan sa iisang puso at pagmamahal. Alam ni Toryo at ng buong Makulong ang naganap sa kanila ni Oyo dahil sa puso ni Bining, naging banyaga siya sa dulugang latok nina Ka Antang, hindi sa pagtatakwil kundi dahil sa hindi maipaliwanag na paglalayo ng palagayan. Ngunit nang gabing iyon, parang nahugasan ng bagong pag-unawa ang pagkakalayo at ang dulugang latok ay pamuling naging maunawaing dibdib ng tumitibok na pagsasama.

303 “Kung papayag k a ,” si Oyo ang nagsalita habang nakamata kay Bining, “ibig ka naming maging amangbinyag ng aming panganay.” “Tuwang kami,” agaran namang sambot ni Oden. “Karangalan ko iyan,” sabi ni Toryo. “Kung sak ali,” sabi naman ni B in in g , “m agiging inangkumpil naman si Ligaya.” “Puwede rin akong inangkasal,” tugon ni Ligaya. “Ang iniisiip ko’y dapat ka na ring lumagay sa tahimik, Toryo,” sabad naman ni Ka Antang. “Nalipasan na ho ako, Ka Antang,” sabi ni Toryo. “Aba’y paano ako magkakaanak sa binyag sa iyo?” agarang tanong ni Oden. Nagkatawanan ang magkakaharap sa tapong biro ni Oden. Ngunit hindi nakitawa si Ligaya. Nanatili ang dalaga sa banayad na pagsubo. Nagbulos pa ng niluto si Ka Antang pero tumigil na sa pagsakol ang mga naghahapunan. Naghinaw na ng kanilang mga kamay ang mga nakatapos kumain. Kumuha ang mga iyon ng kani-kanilang inumang tabo’t baso at isinahod sa de-gripong tapayan. Nagsimula nang magligpit si Ka Antang ng kinanan, pinahiran ng basahang basa ang latok makaraang italaksan ang mga ginamit sa banggerahan. Sinimulan na ni Bining ang paghuhugas ng mga kinanan, kasama si Ligaya, ngunit sinaway ang dalawa ni Ka Antang. ‘'Naku’y kayang-kaya ko na iyan,” giit ng matanda sa dalawang babae. “Pumunta na kayo sa kabahayan.” Hindi na nagpilit sina Bining at Ligaya at nagtuloy na sila sa kinaroroonan ng tatlong lalaki. Lum ikm o si Ligaya sa kawayang bangko sa may durungawan habang si Bining ay napilitang tumabi kay Oyo nang banayad na hatakin siya ng asawa para tumabi sa kanya sa nakabuwal na sakong may lamang hinimay na mais sa may gilid ng kabahayan. Nakatanaw si Ligaya sa labas, sa nakabalot

304 na dilim. Naisip ni Toryo ang nakakintal na tanawin sa kanyang balintataw sa mga huling gabi ng kanyang pagdalaw sa bahay nina Ligaya. Nakapanungaw rin ang dalaga sa bintana, may malamlam na ilaw sa unahan, may kaharap na binuburdahang tahiin sa bastidor. A, kay bilis umigpaw ng panahon, at kay tulin ng pagbagwis ng mga pangyayari sa buhay sa Makulong. Mula sa isang tahimik na gabi ng dilim at bituin o liwanag ng buwan, ang gabi’y umangkin ng diwang balakyot, sumisila sa mga pangarap at nagsisilang ng panganoring tigmak ng dugo. Nagpaalam si Toryo kay Oden at lumapit kay Ligaya. Umisod si Ligaya at umupo si Toryo sa puwang ng upuan. Nanatiling nakapako ang mga mata ni Ligaya sa balabal ng gabi. “Huwag mo nang masyadong isipin ang nangyari,” basag ni Toryo sa namamagitang katahimikan. Nilingap ni Ligaya ang katabi at nagtama ang kanilang mga mata. “Wala na akong mukha sa nayon,” mapait ang tinig ni Ligaya. “Hindi mo kagustuhan ang lahat,” sabi ni Toryo. “Kilala ka ng Makulong, Ligaya.” “Napakasawing palad k o ,” halos nananaghoy ang dusa ni Ligaya. Pagkaraan ng huling salita’y pamuling ipinako ni Ligaya ang paningin sa mukha ng dilim. “Ano ang binabalak mo?” maya-maya’y pamuling basag ni Toryo. “May maaari pa ba akong balakin?” gumagaralgal ang tinig ng dalaga. “Lahat ng gabi’y may umaga, Ligaya,” panatag ang tinig ni Toryo. “May bukang-liwayway na isinisilang ang dilim.” “Naguguluhan ako, Toryo,” sabi ni Ligaya. “Wala na akong ipagmamalaki pa. At si Tatang.” “Dapat mong tulungang mabuong muli ang iyong buhay, Ligaya,” matatag ang pananalig ni Toryo. “Tutulong ako.”

305 Napatingin si Ligaya sa mukha ng kaharap, sa anag-ag ng agaw-dilim na pusyaw na gabi’y inaaninag wari ang isang larawan ng katotohanan. “Hindi ko alam, T oryo,” mahinang-mahina ang tinig ng dalaga. “Pag naging malinaw na ang lahat, babalikan kita, Ligaya,” talibukas ni Toryo. “Isasama kita sa Maynila. Marahil, matutulungan ka ng aming pederasyon para magkatrabaho.” “Kaya ko ba ang buhay roon?” nag-aalinlangan ang tinig ni Ligaya. “Makulong lamang ang aking daigdig.” “Hindi ka roon mag-iisa,” hanay ni Toryo. “May mga manggagawang babae na makakaugnay ka.” “Nag-aalaala ako, Toryo,” sabi ni Ligaya. “Takot ako.” “Magiging bahagi ka ng marami, Ligaya. Magiging kaugnay ka ng buhay ng lahat,” nagpapapanatag ang tinig ni Toryo, parang dampulay ng simoy na tumitighaw sa hilakbot. “Tulungan mo ako, Toryo,” may kakambal na taginting ng lakas ang tinig ng babae. “Hindi lang ako, Ligaya. Marami ang tutulong sa iyo. Sa magkakaugnay na buhay, may lakas tayo. Hindi ka na matatakot sa pag-iisa.” Nakapikit ang mga mata ni Ligaya, habang tinatanggap ng himaymay ng kanyang malay ang mga kataga ng pananalig na parang dampulay ng simoy na nag-aalay ng lakas at sigla. Dumadarang ng bagong buhay sa tinig ni Toryo at parang banal na salamisim, hinihikayat siya wari ng sumisibol na pangako at siya’y nakakatakas sa isang ulilang pag-iisa. Tumayo na si Toryo matapos dampian ng palad ang kanyang kamao. Tumindig na rin si Ligaya, tinahak ang papuntang pintuan ng silid. Pagtapat sa sinalagmakan ni Toryo kamanghad si Oden, sandaling tumigil si Ligaya. “Salamat, T oryo,” sabi ng dalaga. “Maraming salamat sa iyo.”

306 Nagtuloy na si Ligayang pumasok sa silid. Maya-maya’y tumayo na rin si Bining, sinundan ang kaibigan. Nakiumpok si Oyo kina Toryo at Oden. “Luluwas muna ako bukas ng maagang-maaga,” sabi ni Toryo kina Oyo at Oden. “Kailangan ako roon ng aking mga kasama.” “Nababalita sa radyo na magulo na roon,” sabi ni Oyo. “Nagigising na ang buong bayan,” tugon ni Toryo. “Naririnig ng mga nayon ang tinig ng mga lungsod,” dugtong ni Oyo. “Tutuloy na ako,” pamamaalam ni Toryo. “Dito ka na lang magpalipas ng gabi,” anyaya ni Oyo. “Gusto kong ilawan ang aming bahay,” sabi ni Toryo. “Inaalagaan ng nayon ang inyong bahay,” balita ni Oyo. “Para ka ring narito,” katig ni Oden. “Hindi na kita pipigilan,” sagot ni Oyo. “Di pa naman malalim ang gabi.” “Kailangan na rin nating magpahinga,” ani Toryo at dumako na sa may hagdanan. “Sasabay na ako sa ’yo, Toryo,” singit ni Oden. “Saan ka tutulog?” tanong ni Oyo sa talubata. “Sasamahan ko na si Toryo ngayong gabi,” sabi ng binatilyo. “Pakisabi na lang sa kanila,” tagubilin ni Toryo. “Ako na ang bahala,” paniniyak ni Oyo. Naunang nanaog si Oden sa hagdang kawayan. Nasa makapanhik si Oyo, inihahatid ng tingin ang mga kaibigan. Hawak ni Oyo ang isang tibanglos, pananglaw ng mga panauhin. Hindi kaagad sumunod si Toryo kay Oden na nagtuloy na sa may pultahan. May dinukot si Toryo sa bulsa, isang sobre. “Pakibigay mo para sa magkapatid,” habilin ni Toryo. “Ano ito?” tanong ni Oyo. “Makakatulong iyan sa magkapatid,” sabi ni Toryo. “Bahala ka na.”

307 “Maasahan m o,” pangako ni Oyo. Iniabot ni Oyo ang kamay kay Toryo. Mahigpit ang pisil ng mga kamao. “Unawain mo na ako, Toryo,” mahina ang tinig ni Oyo. “Pagpaumanhinan mo na ako.” Bahagyang napatawa si Toryo sa pahiwatig ng kaibigan. “Hindi nasusugatan ang lupa,” sabi ni Toryo. “Ang mahalaga, lunti ang pangako.” Nagtuloy na sa pagpanaog si Toryo. Nakaabang na sa may labasan si Oden. Itinikin ni Oyo ang kamao na may hawak na tibanglos, inihatid ng liwanag sina Toryo at Oden. Nakita ni Oyo na lumingap pabalik si Toryo bago tuluyang lumabas ng bakuran. Hindi nakatakas sa kanya ang parang inulilang liwanag ng tibanglos sa pagyao ng dalawang panauhin, lalo na si Toryo. Sinikil ni Oyo ang dumadampulay na lungkot sa kanyang dibdib. Ipininid niyang marahan ang pintuan. Mabigat ang dagan ng kanyang puso. Malungkot siyang bumalik sa kabahayan. Pinatay niya ang sindi ng tibanglos. Bumughaw ang bahay sa anag-ag na liwanag ng may sinding kingke. Lumabas si Bining ng silid. “Umalis na sila,” sabi ni Oyo. “Ako na raw ang magsabi sa inyo.” “Parang nabunutan ako ng tinik,” sabi ni Bining kay Oyo, bahagyang pinisil ang bisig ng lalaki. “Alam ko,” sabi ni Oyo, umuunawa ang tinig. “Alam kong naghilom na ang sugat,” mahina ang tinig ni Bining. “Iyon din ang naramdaman ko,” pakli ni Oyo. Nagkatitigan ang mag-asawa. Bumalong ang mga kataga sa kanilang balintataw. “Salamat sa iyong pag-unawa,” maya-maya’y sabi ni Bining. “Alam mong may kulang ako.” “Asawa mo ako, Bining,” panatag ang tinig ni Oyo. “Napakabuti mo, Oyo,” sabi ni Bining.

308 “Mabuti ka ring asawa, Bining,” saad ni Oyo. Maya-maya’y lumabas sa silid si Ligaya. Naudlot ang dalaga nang makita ang isang matimyas na larawan ng pagmamahalan sa saplot ng bughaw na liwanag. “Parini ka, Ligaya,” sabi ni Oyo. Lumapit si Ligaya sa kinaroroonan nina Oyo at at Bining. Dinukot ni Oyo ang sobre sa bulsa ng kanyang pantalon. Iniabot iyon pagkatapos kay Ligaya. “Inihabilin sa akin ni Toryo,” talibukas ni Oyo. “Ano ba ito?” nag-aalinlangan wari si Ligaya. “Tulong sa inyo ni Oden,” sabi ni Oyo. “Kahiya-hiya naman,” pasubali ng dalaga. “Tanggapin mo,” may himig ng pakiusap ang tinig ni Oyo. “Ibig makatulong ni Toryo.” Isinilid ni Ligaya ang sobre sa bulsa ng kanyang damit pambahay. “Huwag mo nang gaanong pahirapan ang iyong loob, Ligaya,” paalaala ni Bining. “Kasama mo kami.” “Maiiwan ko na kayo,” paalam ni Ligaya sa mag-asawa. Tumalikod na ang dalaga at pumasok sa kanyang silid. Naiwan sa kabahayan ang magkabiyak na parang nininilay sa sarili ang mga naganap nang araw na iyon. Dinampot ni Oyo ang kingke sa ibabaw ng pandak na papag. Nagtuloy na ang mag-asawa sa loob ng kanilang silid-tulugan. Ipininid nila ang umagit-it na pintuan. Ang talsik ng bughaw na liwanag sa kabahayan ay nilamon ng bumalot na dilim.

3 3

Apoy sa Bukang-liwayway

Nakatanghod na larawang nakalutang sa dilim ang dating bahay na may sawaling dingding, durungawang sasa, bubungang kugon at kawayang pintuan. Natatanaw ni Toryo ang talsik ng liwanag na lumulusot at naglalagos sa kaipala y

309 nakasiwang na bintana at sa maliliit na puwang ng pinagsanib na biniyak na kawayan ng pinto at hindi niya maiwaksi ang pag-aanyo ng mga mata ng kamusmusang inilulutang ng mga gunita ng kapre, asuwang, ike, multo, tiyanak at tikbalang. Nililigis ng magkasanib nilang hakbang ni Oden ang maliliit na buga sa daan sa pagsapit ng pultahan at hindi napigilan ni Toryo ang pagsasal ng tibok ng puso. Itinulak niya ang tarangkahang kawayan sa bakuran, umalitit iyon habang ibinubukas. Tumigil si Toryo pagkasaradong muli ng tarangkahan, itinulos saglit sa sinapupunan ng gabi sa loob ng bakuran. Iginala niya ang paningin sa bumulagang panganoring kinukumutan ng dilim, at gaya noon, napukaw ang hindi niya maipaliwanag na pananabik. W aring nakaupong kulumpon ng nuno sa punso ang ginupit na gumamela sa isang sulok ng bakuran na sa bahagyang anagag ng liwanag ay parang sumasayaw sa dapyo ng hangin. Bumaling si Toryo kay Oden na matamang pinagmamasdan ang kaibigan. “Inilawan siguro ni Tiya,” sabi ni Toryo, at muling nilingap ang paligid, parang ibig kausapin ang karimlan. “Gabi-gabi, iniilawan niya ang bahay pagsapit ng dilim,” pakli ni Oden. Umupo si Toryo sa ikalawang baitang ng kawayang hagdanan. Tumabi sa kanya si Oden. Nakaharap sila sa bakuran, sa makipot na daan. Tumingala si Toryo sa kaitaasan. “Parang walang nababago,” sabi ni Toryo. “Itinatago ng gabi ang pagbabago, Toryo,” pakli ni Oden. Nananatiling nakapako ang mga mata ni Toryo sa langit na may naglalambiting ngiti ng mga bituin. “Sa isang panahon, babalik ako sa Makulong,” tigib ng pananalig ang tinig ni Toryo, parang sumusumpa sa gabi. “Aalis din ako sa Makulong, Toryo,” banayad ang sabi ni Oden, gumagaralgal ang tinig.

310 Tiningnan ni Toryo ang talubatang kaibigan. Inialakbay niva ang bisig sa balikat ni Oden. “Nauna akong umalis, Oden,” kambal-lungkot ang tinig na namutawi. “Ang hirap ng umalis. “Babalik din ako sa ating nayon, Toryo, sabi m Oden. “Gaya ng iniisip mo. Aalis at magbabalik. “Magtatagpo tayo, Oden.” „ „ “Hindi magkakahiwalay ang ating landas, ioryo. Sa dibdib ng gabi, dinadalit ng magkakambal na tinig ang tagulaylay ng oyayi, ang pagkapatid ng pusod sa inunan, ang paebibinyag ng tubig sa uha, ang paggapang, pag-ukyabit, pagtayo, paglakad, paglalayag at pagbabalik sa sinapupunan ng inang lupa. Bumugso ang simoy at humalumigmig ang hamog sa halik ng hangin. Pum atlang ang walang tinig na pananahimik. “Umakyat na tayo, O den,” kayag m Toryo. Malakas ang hangin.” . “Pabugso-bugso ang amihan kung minsan, paliwanag ni Oden. “Gaya ngayon.” Nararamdaman nila ang mapinong pagdatal ng lumuipad na bulaklak ng tubo, humahalik sa kanilang mukha. “Inililipad ang bulaklak ng tubo,” pansin m Toryo. “Sinasalubong ka ng bulaklak ng tubo, Toryo,” pabirong sabi ni Oden ngunit banayad ang kanyang tinig. “Pagbati sa iyo ng lupa at hangin.” u . Bahagyang napatawa si Toryo sa tinuran m Oden. Hin sumabay ang talubata sa pagtawa ng kaibigan. Tumayo na si Toryo, iniunat ang mga paa, itinatag sa lupa. “Akyat na tayo,” kayag ni Toryo. Pumanhik na ang dalawa. Lumalangitngit ang kawayang baitang sa kanilang pagpanhik. Sa makapanhik, binatak ni Toryo ang pintong kawayan. Umagatat ang kawayang kinapapakuan ng salalayan ng pinto sa daanang lagusan ng pintuan sa makapanhik. Sumalubong ang may sinding kingke

311 sa patungang-ilaw na nakapako sa haligi sa tabi ng silid. Nakasalansan ang kumot at unan sa isang sulok ng kabahayan, kaulunan ng nakalulong banig na nakasandal sa parisukat na bahagi ng magkasudlong na dingding ng kabahayan na siyang nagbubukod sa makapasok at sa sulambi ng bahay. Sa isang panig, nakatayo ang isang tukil. Lumapit si Toryo sa kinaroroonan ng tukil, lumupagi. “May inihandang tuba si Tiyang.” “Bahagi ng salubong.” Tinukuran ni Oden ang bintana habang sinasalinan ni Toryo ng tuba ang isang tabo. Lumapit si Oden sa kaibigan. Lumupagi na rin ang talubata sa sahig. Iniabot ni Toryo kay Oden ang tabong may saling tuba. “Uminom ka, Oden.” Inabot ni Oden ang tabo at tinungga ang tuba, inubos. “Manamis-namis ang lasa,” sabi ni Oden. “Kabababa lang.” Sinalinan ni Oden ang tabo at iniabot kay Toryo. Nanatiling tangan ni Toryo ang tabo, parang nilalaro ng mata ang kahulugan ng hinahawakan. “Parang taynga ng lupa ang malay ng nayon,” sabi ni Oden, nakamasid sa kaibigan. “Nasa bulusan ka pa lang, alam na ng lahat ang minsang pagdating.” Ininom ni Toryo ang tuba sa baso, sinaid ang pinakahuling katas. “Hindi pa tumatalab ang tangal,” pansin ni Toryo. “Nakakagpainit na rin ng puno ng taynga,” pabirong sabi ni Oden. Tumingin si Toryo sa labas, sa siwang ng durungawang may tukod. “Ano bang oras ng unang biyahe, Oden?” tanong ni Toryo na kusang iniba wari ang usapan. “Pagpipitak ng umaga,” tugon ni Oden. “Me iniluluwas na saging na saba ang taga-Munlawin. Inihahabol sa mga magbabananakyu.”

312 “Sasama na ako sa unang biyahe,” sabi ni Toryo. “Ni di ka makikita ng iyong Tiyang,” paalaala ni Oden. “Saka na lang ako magpapaliwanag sa kanya,” patianod ni Toryo. “Talaga bang. . . , “Kailangang makabalik ako kaagad,” putol ni Toryo kay Oden. Nasakyan niya ang mga tanong sa isip ng kaharap. “Me kailangan akong harapin sa Maynila. Maraming problema ang pederasyon ng mga manggagawa.” Hindi na umimik si Oden. Tahimik siyang nagsalin ng tuba sa hawak na tabo. Tahimik na tinungga ang laman. Napansin ni Toryo ang pananahimik ni Oden. “O , bakit?” tanong ni Toryo. “Naiisip ko ang buhay dito sa ’tin,” hingang-loob ni Oden. “Ibang-iba na.” . . “Kumikita na ng pera ang mga tao, sabi m loryo. “Naging upahan ang mga magsasaka,” sabi ni Oden. “Noon, isang buong taon ang paghihintay,” sabi ni Toryo. “Malayang buhay ang kalagayan ng tagaatin noon. Gaya ng taga-M unlaw in. N o o n , ang mga magsasaka ang nagtatakda ng kanilang buhay, Toryo. Iba na ngayon, mapait ang tinig ni Oden. .„ “Inuupahan ang mga magtatanim,” pagpapalaot m loryo. “Kaagad nakukuha ang pinaghirapan. Kaparti lang sa sapit ang hinihintay noon.” . „ . . “Unti-unting kinakatas ang buhay ng tagaatin, sabi m Oden. “Hindi na natatamnan ng ibang pananim ang lupa m Senyor M artin. Sa dulo ng isang t a o n g paghihintay, nakaabang ang buhay isang kahig isang tuka. Pamuling pumatlang ang katahimikan sa dalawa, parang nililimi ang diwa ng mga salita. “Ano ba ang kanilang iniisip?” maya-maya y ungkat m loryo. “Me sinasabi silang dapat mangyaring pagbabago, paliwanag ni Oden. “Me radyo na rin dito ang ilang bahay.

313 Baka raw dadating sa Makulong ang reporma sa lupa. Pero pangarap lang iyon.” “Pangarap ang simula ng lahat, Oden.” “Nakita nila ang kahulugan ng buhay upahan. Hindi na nila makikita ang pagiging dugo ng puyaw sa kawa. Naglaho na ang tarapitse’t pugon. Hindi na nila namamalas ang pagiging batong asukal sa dugo ng pulot. Inalisan sila ng buhay sa bagong kaayusan,” banayad ang tinig ni Oden, ngunit may kaluluwa roon ng sumusulpot na batong buhay. “May bago na ring malay na napupukaw,” sabi ni Toryo na parang kinakausap ang dilim at hangin. Isinalin ni Toryo ang huling tungga. “Wala pang landas ang mga tinig. Parang pagaspas lamang ng dahon ng tubo,” sabi ni Oden. Iniabot ni Toryo ang tabo sa talubata. “Hati tayo.” “Sigi.” Tinungga ni Oden ang para sa kanya, iniabot kay Toryo pagkaraan. Sinaid ni Toryo ang lamang tuba ng tabo. Mahigpit ang hawak sa tabo, inilapag iyon ni Toryo sa sahig, katabi ng bungbong. Walang kakilakilatis ang lapag na iyon, animo’y bulaklak lang ng tubo na humalik sa kawayang sahig. Walang namumutawing tinig sa pumagitnang katahimikan. Pamuling bumugso ang dapyo ng amihan. May isang mapino at busilak na bulaklak ng tubong pumasok sa loob ng tilandoy ng kingke, kagyat na nilagom ng siklab. “Ampiyas ng mga bulaklak ng tubo,” sabi ni Oden. “Pampapula ng ningas,” sabi ni Toryo. Tumayo si Oden para ipinid ang bintana, aalisin ang tukod ng nakatikwas na bintanang sasa. “Bayaan mo na, Oden,” sabi ni Toryo. “Matutulog na tayo. Masarap matulog na hinahalikan ng mga bulaklak ng tubo.” Nanatiling nakatayo si Oden sa may bintana, nakamasid sa tiwangwang na tubuhan. Umaalunignig ng kagiskis ng

314 dahon ng tubuhang binubugsuan ng hangin ang kapayapaan ng gabi. “Baka mapuwing ka, Toryo,” paalaala ni Oden kinamayanmayan. “Pag tulog na tayo, pikit ang ating mga mata,” sabi ni Toryo. “Wala pang nabubulag sa bulaklak ng tubo.” Tumayo si Toryo, hinagip ang nakalulong banig. Inilatag niya iyon sa kabahayan. Inilagay ang dalawang unan at kumot sa ulunan. Lumapit si Oden sa latag na banig. “Matulog na tayo,” sabi ni Oden. “Parang ayaw kong antukin,” pakli ni Toryo. “Maaga ang gising m o,” tugon ng talubata. Sumalagmak si Oden sa nakalatag na banig. Humilata pagakatapos, inuunan ang pinagsanib na bisig na nakapatong sa unan. “Maaga akong aalis,” sabi ni Toryo. “Aabangan ko ang unang biyahe.” “Gisingin mo ako, Toryo,” tagubilin ng talubata. Lumapit si Toryo sa haliging kinaroroonan ng kingke, hinipan ang tilandoy ng ilaw. Sumukob bigla ang dilim, kumambal sa paikpik na katahimikan. Humiga na rin si Toryo. Nangangapal ang pakiramdam niya sa kanyang ulo. Saglit niyang ipinikit ang mga mata sa dilim. Ngunit may liwanag ang kanyang malay. Mula sa malayo, biglang huminto ang kiskis ng mga dahon ng tubo. Pumaikpik ang paligid, parang pumanaw bigla ang tinig ng hangin. Ngayo’y para siyang hinihigop ng busilak na kapanatagan. Waring humihimig ng kakaibang malamyos na musika ang antok, inooyayi ang kanyang malay sa bungang-tulog. Ibig niyang pigilin ang pagbulusok ng kanyang diwa sa kawalanghanggan ng paghimlay ngunit ang oyayi ay marahang umuugoy kasaliw ng sonata, ipinagdiriwang ang

315 bathaluman ng pagsilang. Tumiwasay ang daigdig. Pumatda ang tibok ng mga puso ng bathala at pumaikpik ang kaluwalhatian. Dahan-dahan, ang kaluwalhatian ay ginulantang ng kakaibang ingay, magkakasanib na sigaw, pumapagakpak na daluyong ng tubo na sumisinga ng apoy, rumaragasang panakbuhan, humuhugong na mga tungayaw ng isang santinakpan. Nakikita niya ang sarili sa mapulang panganorin at maya-maya, para siyang anino ng kaluluwang nakaluhod sa isang nakapakong Hesukristo, ngunit nang siya’y pumalaot sa karagatan ng mga katawang dumadarang at pawisan, nakita niya ang sariling inililipad ng lumaong birtud ni Lam-ang, at naging maliwanag ang tanawin ng naglalagablab na lungsod. Naglalaro ng apoy na umaalipato ang mga anino sa duguang magdamag, sumasambulat ang pulandit ng apoy ng mga nakamaskarang robot, ang tingga’y sumasagitsit at sumisipol sa papawirin ng kanyang malay. Sumusuling ang mga yabag sa madidilim na bituka ng lungsod, hinahabol ng maiitim na tubo na may apoy at bayoneta. Sa puso ng lungsod ay lumulunos ang hiyaw at panaghoy sa magdamag. Paibayo, patimog, pahilaga, pakanluran, pasilangan ang daluyong ng apoy, tumutupok sa mga gusali, tumutugnaw sa mga laman at bakal. Umagos ang apoy na parang bahang dugo hanggang sa bulusan ng kanyang diwa at nakita niya ang sariling nasa unahan ng mapulang panganorin, pasulong sa bulusan ng Makulong. Ang dila ng lagablab ay naglalaro sa dahon ng tubo at ang kapatagan ay naging daluyong ng silakbo’t alipato. Ang mata ng ningas ay parang dila ng ulupong na gumagapang, ngayo’y papalapit sa kanyang nilakhang tahanan. Sa likod ng lagablab, bumulaga sa kanyang mga mata ang mauuling na kalansay ng tubo. Pinukaw ang kanyang malay ng naghihimagsik na gimbal at nakita niya ang sariling sumasalunga sa naghuhumindig na alon ng liyab, w aring isang bagong m andirigm ang

316 humaharap sa apoy ng kanyang tadhana. Humihiyaw siya sa sinapupunan ng nagpupuyos na lagablab ngunit ang kanyang tinig ay nilalagom ng lagitit, lagatlat, sagitsit at lagablab ng ngalit ng apoy. Naramdaman ni Toryo ang marahang pag-ihg ng kanyang balikat, banayad at tuluy-tuloy. Sa bungang-tulog ay sumilay ang natauhang kamalayan. “Bakit?” pupungas-pungas na tanong niya sa dilim. “Nangangarap ka yata,” sagot ng tinig at noon lamang niya naunawaang siya’y sinaklot ng isang panaginip. Umupo si Toryo sa banig. “Me masama akong panaginip,” sabi niya. “Parang binabangungot ka,” sabi ni Oden, nananatiling nakahiga. Tumayo si Toryo at sumilip sa paligid, makalabas sa bintana. . Payapa ang mga dahon ng tubo. Walang kakakis-kakakuskakagiskis-kakaguskos na onomatopeya ng bugtong ng kanyang ama noong siya’y paslit pa habang parang nililiguan siya ng liwanag ng buwan. Pero kinamayan-mayan, pamuling bumugso ang hangin. Dumaluyong ang mga dahon, nagbabanta wari ng isang marahas na sonatang bugtong ng gabi’t kalikasan. Sumasaboy kaipala ang bulaklak ng tubo, mapipinong alitaptap sa sinapupunan ng magdamag. Inalis ni Toryo ang nakatukod na panara sa bintana. Inilagay niya ang panara sa sahig, kaibaba ng pasimanong kawayan. Bumalik siya sa latag, tahimik na sumalagmak. “Ano ba’ng napangarap mo?” tanong ni Oden. “Wala iyon,” pakli ni Toryo. “Mababaw lang ang tulog ko marahil.” “Matulog ka pa,” anyaya ng talubata. “Hindi na ako matutulog, Oden,” sabi ni Toryo. “Wala pang paumaga,” tugon ni Oden.

317 “M atulog ka na,” tugon ni Toryo. “Nawala na ang antok k o .” Hindi na umimik si Oden. Naramdaman ni Toryo ang kislot ng pagtagilid ng talubata, patalikod sa kanya. Nanatili siyang nakalupagi sa banig. Pamuling napawi ang bugso ng simoy. Pumaikpik na muli ang paligid. Pusikit ang dilim sa loob ng bahay at ang liwanag ay nasa balintataw lamang ng kanyang alaala. Nakamata siya sa dilim at dilim ang anyo ng lahat. Naghihilik na si Oden, payapang-payapa sa paghimlay. Pilit na ginugunita ni Toryo ang napanaginipan, hinahanap niya sa hinagap ang pagbasa ng kahulugan. Parang biglang tumakas ang larawan ng kulay-dugong gabi sa bagwis ng kanyang malay, waring tinangay ng marahas na bugsong dumadaluyong sa tubuhan. Sa malayo, di naglaon, narinig ni Toryo ang unang tilaok. Maya-maya, ang mga tilaok, malayo’t malapit ay naging simponya na sumasalubong wari sa pagsapit ng bukangliwayway.

Glosaryong Etnograpiko K a k ik ita a n ng etnograpikong katan g ian an g m ga salitan g isinilang ng karan asan a t kam alayan g pangnayon sa nobela. D a bil an g lunan ng nobela ay p a r tik u la r na nayon, binuo ng aw tor an g glosaryong etnograpiko n a m a g p ap a kilala ng an tropolohikal n a perspektiba ng ku ltu ran g rural. Upang ibayong m au n aw aan an g katan g ian g p an g ka-lin an g an ng nobela, an g m ga term inolohiya ay hin alaw a t tinipon a t binigyangkahulugan a t nilinaw. N a ririto an g isinaayos n a glosaryong etnograpikong k in a la p sa kabu u an ng nobela.

m ga binata at dalagang kasam a sa kasal sa sim bahan lugal na pinaglulutuan o pinag-iihaw an. alm usal bago um alis pasim bahan ang m ga ikakasal uri ng dam o na may pino ng bulo ang kataw an, pagkain ng pantrabah ong hayop gaya ng baka, kalabaw, kabayo o kam bing. A l a k b a y , pagpapatong ng kam ay o braso sa balikat ng isang lalaki sa kapwa lalaki, tan da ng pagkakaibigan o isang m anipestasyon ng pakikiisa at pakikiramay. A m a n g k a s a l , n ino ng sa kasal. A m a n g b i n y a g , n ino ng sa binyag. A m a n g k u m p il , nino ng sa kum pil. A m p iy a s , tilam sik ng ulan. A m i n , pagm am ano sa m atatanda. A s u r a n , m agkakatuw ang na pagbayo sa iisang lusong na binubuo ng dalawa hanggang tatlo ng m agkakaasod. B a b a a n , pangkaraniw ang taw ag sa babang-luksa. B a k e d , sisidlan ng kum pay o m ga bun gang kahoy, kinikibat ng m angungum pay sa balikat. B a l a n g a w , bahaghari, sum isipot kung padatal na ang malakas at panayang tag-ulan. B a l a t o n g , m unggo. B a l i s b i s a n , patakan o buhusan ng ulan m ula sa bubungan sa harap ng kubo. B a t a l a n , lugal ng bahay na palikuran, paliguan, labahan, linisan ng m ga bagay-bagay. B a t a n g a n , pinagpapatungang pundasyong kahoy ng istruktura ng bub ong. A bay, A buhan, A gahan, A g in g a y ,

318

palim lim an n g inahing m anok na magsisisiw. kasalan. butil ng palay o mais. HI l a n g , d o te o bigay ng m ga nagm am anugang sa m apapangasaw a an ak na karaniw ang alagang hayop gaya ng baka o kalabaw o ira so iig lupang sakahin kung nakaririw asa ang pam ilya ng lalaki. B i n a b a y s a n , p artido ng ikinakasal na babae. H i.scro, batang baka o kabayo na sum ususo pa sa kanilang inahin. B u l u n g a n , aktuw al na pag-u usap sa m ga detalye n g kasal na lnakahuling bahagi ng pagpupulong para m akam it ang kam ay ng ang pinipithayang dilag. B u l u s a n , daanan ng tao o hangin sa isang m akahoy na lugal. B u t a w , pagsasanay sa laban ng dalaw ang panabo ng na tan dang na MMghuhulma ng tapang, balasik at tatag kapag kaharap na ang kalabang B a tu la n g , B aysan an ,

E

m ay ta ri. B u w a l, Buyog,

tipak na nab u o n g lupa sa linang sa pagtitibag ng araruhin. paghapay ng kubo sa malakas na bugso ng unos n gu nit nananatiling nakatayo dahil sa suhay na kawayan o m alaking lubid. K a b i g , h a ru ro t na takbo ng kabayo. K a b i t , uri ng dam o na gum agapang sa lupa, ang ugat ay um aagaw n g ta b a ng lupa at lum ulukob sa sibol ng palay at napakahirap patayin k ap ag hindi kaagad nagam as. K a g is k is , onom atopeyikong kataw agan sa ingay ng pagaspas ng d a lio n g tu b o kung m ahangin. K a h i g , pagsasanay ng panabo ng na ang paa at kuko ay ikinakayod s.i lupa. K aing, lalagyan ng m ga kagam itan, gawa sa lapat ng kawayan. K a l m o t , kagam itang pansakang panlugas ng buw al na linang o pam palitaw n g m ga nakabaong yagit sa araruhan. K a n g g a , kagam itang pam bukid na lagayan o kargahan ng m ga sako n g an ing palay, w alang gulong at hinihila lam ang ng baka o kalabaw. K a t a n g a n , salalayan ng pinaglalagyan ng b ub ong ng kubo. K a w o t , pangkuha ng sinabawang luto, baong nilagyan ng hawakan. K i b a t , paraan ng pagsasakbat ng baked o kaing sa balikat. K u m p a y , pagkain ng baka, kabayo, kalabaw o kam bing. D a p u g a n , p inaglulutu ang tu n g k o , karaniw ang lugal na pinagbabagahan at pinag-iihaw an. D ig la, isang bahagi ng bukid na natapos nang araruhin. D i n u d u y o , m alalapit na kam ag-anak ng ikinasal na nobya na k in a k aila n g an g p a g -u k u la n n g espesyal n a h a in , a te n siy o n at pagpapadulog sa kainan. 319

D u l o s , ginagam it na panggam as ng m ga magsasaka sa m ga palayang inaalisan ng dam o. D u l o t , paghahain para dulugan ng m ga bisita sa isang handaan sa nayon. G a m a s a n , bayanihan sa paglilinis sa palayan ng m ga m apam insalang dam o. G a p a k a n , tabasan ng tu b o na handa nang iluhin. H i r a n g , pag-aalis ng bato o palay sa bigas bago isaing. I m i s , linis. I n a n g b i n y a g , ninang sa binyag. I n a n g k a s a l , ninang sa kasal. I n a n g k u m p i l , ninang sa kum pil. I u u w i , dadalhin sa kabayanan L a b a n g a n , kainan ng alagang baboy, karaniw ang kataw an ng isang m alaking pun o na nilagyan ng guw ang na sisidlan ng pagkain ng alagang hayop. L a g a t l a t , ingay na likha ng hinihilang panarang kawayan sa pintuan ng bahay nayon. L a p a t , bahagi ng kawayan na ginagaw ang sahig ng bahay; kung pinanipis, nagsisilbing panali o ginagawang baked, basket, takuyan o bilao. L a t o k , m ababang m esang kainan na ang dum udulo g sa pagkain ay nakasalam pak sa sahig ng bahay sa m ga nayon. L a w i s w i s , ingay na nalilikha ng pauli-u ling im buyog ng m ga pu n o n g kawayang sum usunod sa bugso ng hangin. L a y w a n , kataw agan sa isang uri ng bubuyog (bee) na lum ilikha ng h o n ey sa m ga uka ng kataw an ng m a ta ta n d a n g p u n o n g kahoy pagkaraang m asim sim ang tam is sa m ga bulaklak. L im li m , panahon ng pagpipisa ng itlog sa pugad ng inahing m anok. L i n a n g , bukid na handa nang tanim an o hasikan ng binhi. L i p a t a n , bahagi ng serem onya ng kasal na ang babae ay kasam a ng kam ag-anak ng lalaki sa bahay ng huli; habang daan ay lum ilikha sila ng ingay sa pagkalam pag ng m ga kagam itan. L u n o , pagpapalit ng balat ng ahas. L u w a , tulang papuri sa birhen, santo at santa. L u p a g i , paraan ng pag-upo na salagm ak ang puw it sa sahig. L u s o n g , bayuhan ng palay, m ais, kam ote o nilagang saging na gagaw ing nilupak. M a l i p u t o , m asarap na isda na sa Law a ng T aal karaniw an g m ahuhuli. M a m a m a y s a n , partido ng lalaki na pu n o n g abala sa kasalan.

320

isang klase ng dahon ng baging na inilalahok sa nganga ng apog, bunga at m askada. paraan n g pag-aasaw a na an g n a g k ag u stu h an at nagkasundo ay m ga m agulang ng babae at lalaki. M u t h a , klase ng dam o na m apanira sa tanim at napakabilis dum am i para pum atay ng bagong sibol na palay. N a k a b u y a n g y a n g , nakakalat; kung sigarilyo, wala na sa kaha nito. N a m a m a y s a n , partido ng lalaki na siyang m ga pun ong-abala sa handaan sa kasal. N a n g a n g a n a k , pagpasyal ng bagong kasal sa bahay ng m ga kamaganak ilang araw pagkatapos ng kasal. N i l u p a k , isang klase ng kaining nayon na gaw a sa n ila b o n g kam oteng kahoy o saging na saba na binayo sa lusong at nilalagyan ng kinayod na niyog na bahagyang sariwa at tim plado ng asukal at gatas. O r a y , klase ng dam o na m atinik, ginagaw ang pam pakain sa baboy ang daho n at m urang kataw an kapag niluto. P a a l a y , taw ag sa Santakrusan; tinataw ag ding alay sa M ahal na Birhen. P a a r a r u h a n , bayanihan sa paglilinang ng lupa o bukirin m ula sa pagtitibag hanggang sa ang bukirin ay m aihanda na para sa tanim an. K araniw ang isa ito sa ginagaw ang pahiw atig bago m agkaroon ng pam anhikan. P a g m a m a g u l a n g , pagiging m agulang, pagpapalago sa m ga anak. P a g p a p a h a n g i n , paglilinis ng giniik na palay para m aibukod sa m alusog na bigi ang tulyapis. P a g s u s u l i t , bahagi ng ritw al ng kasalan na ang nobyo ay iiwanan at titira sa bahay ng babae m akaraang m aitakda ang tiyak na araw ng kasal at sa loob ng panahong nakasulit ang kakasaling lalaki, siya ang inaasahang gagam pan sa m ga gaw aing kailangang gaw in gaya ng pagtulong sa bukid, pag-aalaga ng m ga hayop na pantrabaho, pagsibak ng pang gatong at iba pang uri ng gawain. P a i s d a a n , bahagi ng pam anhikan na pahahatdan ang m ga kaanak ng nobya ng gayat ng isdang tam bakol o kaya’y isdang m aliputo kung maykaya ang nam am anhikan. P a l a p a , buo n g dahon ng saging o dahon ng niyog. P alu k p o k ,p in ak atu k to k ng bub ungan ng kubo. P a l u p o , s u g p u n g a n n g d a la w a n g b a h a g i n g b u b u n g a n sa pinakatuktok na bahagi na gawa sa kogon at pinaglapat ng taling ratan o lapat ng kawayan.

M a m -in , k asam a M a ta n d a a n ,

321

P a m a n h ik a n , bahagi ng ritwal ng pag-aasawa na sa iba’t ibang paraan ay hihingin ng pamilya ng lalaki ang kamay ng m inim ithing dalaga. P a m i p i s , panlugas ng buw al ng sakahan, kagam itang hihilahin ng kalabaw at yari sa pinakapuno ng kawayan na nakakabit sa isa’t isa. P a n i n i l o n g , isang kaugalian ng paninilip ng m ga lalaki sa silong ng bahay. P a n u n u b o k , isang kaugalian ng pagm am atyag sa ilalim ng silong sa m ga unang gabi m akaraan ang kasalan. P a r a g o s , kagam itang pangnayon na higit na m aliit kaysa kangga at w alang kabahayang paglalagyan ng m ga gam it pam bukid. P a s u m a n , bahagi ng pam anhikan na ang p artid o ng babae ay pahahatdan ng sum ang m alagkit. P a t u t o , tabihan ng bukirin na indikasyon ng pam o-m osisyon o pag-aari. P a t u b i g , bahagi ng ritw al ng pam anhikan na ang m alalapit na kaanak ng babae ay sinasalinan ng tu b ig ang m ga sisidlang tapayan at ito ang pinakaunang hakbang sa ritw al ng pagkuha ng kamay ng isang pinip itang dalaga. P i d p i d , m aninipis na bahagi ng sanga ng kahoy o lapat ng kawayan na ginagaw ang panggatong o sim ulang pam paningas ng apoy. P i k l o t , basang-basa sa ulan. P u g o n , lugal na pinaglulutuan ng asukal na pula. P u k y u t a n , m atam is na nektar na likha ng laywan m ula sa tam is na sinim sim sa m ga bulaklak ng puno. P u l t a h a n , harapan ng kubo sa loob ng bakuran. P u p o g , salpukan ng dalaw ang panabong na tandang. P u y a w , katas ng tu b o na nilulugas ng tarapitse. S a b i t , regalong karne na bahagi ng handa sa kasal sa mga ninong at ninang ng dalaw ang ikinasal. S a b u g a n , bahagi ng ritwal ng kasal na ang m ga panauhin, lalo na ang m ga ninong at ninang at m ga kam ag-anak ay nagkakaloob ng salapi na ang halaga ay nakabatay sa lapit ng pagkakam ag-anak at iba pang personal at sosyal na konsiderasyon. S a k n o n g , isang pitak ng bukid na lilinangin o gagam asan. S a k o l , pagkakam ay sa pagkain. S a la g m a k , paraan ng paglikm o sa lapag na lapat na lapat m aging ang m ga paa sa sahig. S ib i, lugal na pinaghahandaan sa kasalan o anum ang ponsiyon sa nayon, karaniw ang b inu bubu ngan at tina-tabingan ang tagiliran ng palapa ng niyog na hinati sa pinakagitna. S i l o n g , takot, panganganino.

322

sa pagsasaka, gam it sa pag-aararo, sa batok ng kalabaw o baka na kinakabitan sa araro o kariton. na araw ng kam atayan na may ginagaw ang ng handaan ang pam ilya ng nam atayan. isang bahagi ng kub o na ginagaw ang kahiw alay na ■?,:,> pagpapaluw ag ng lupa sa puno ng lum alagong palay, mais

.S in g k a w , k asa n g k a p an Vari m k ah o y na in ilalag ay g u y u ra n na p a n g h ila N iy a m a n , ikasiyam p ag d arasal a t n a g k a k a ro o n S u la m b i,

tulugan.

S u n g a l,

n tubo.

p ag tu to l na katw iran, nam babara. dala sa ulo. biyas ng kawayang pinaglalagyan ng tu b ig na may halong binayong m ais, kam ote o dahon ng ipil na isinusunganga sa ng kalabaw o baka. Suyod, panlinis ng sam utsaring dum i sa linang bago ito tudlingan ■it nabugan ng binhi. T a b o , m atigas na bao ng niyog na ginagaw ang inum an ng m ga S u n g a ln g a l, N unong, S upa, 1 1,1 1 .1 k o b unganga

ta g a b u k id . T agay, Ik lla w a n g T a h ip , bigas sa T a k in g , ikalaw an g T akuyan, p in ip ig ta l T a lu b a ta , T a lu n g k o , d in ad ala sah ig. T a n g a l, T aran g k ah an , T a ra p itse , p in a iin o g T u k il, ng T u k lo n g , T u lu n g a n , Tungko, p alay o k na

kataw agan sa kabataang babae, karaniw ang sa pananaw ng panauhan. paglilinis ng binayong palay sa bilao para m aihiwalay ang ipa at binlid. kataw agan sa kabataang lalaki, karaniw ang sa pananaw ng panauhan. sisidlan ng hinaklit na uhay ng palay na ang pag-ani ay lam ang ng kamay. binatilyo, baguntao. paraan ng pag-upo sa lapag na ang bigat ng kataw an ay ng dalaw ang talam pakan habang nakaaw ang ang puw it sa

halong pam patapang sa tu b a para iyon m aka-lasing. pasukan sa hardin o bakuran, yari sa kawayan. tagalugas ng tu b o na isinusubo ro o n n g m ag-iilo, ng dalaw ang hayop na nakasingkaw sa buo n g m aghapon. b u m bong ng kawayan na ang biyas ay nagsisilbing lalagyan inum in. besita na ginagam it na sam bahan sa nayon. bisperas ng anum ang handaan sa nayon. lu tu an sa nayon na nilagyan ng b ato n g salalayan ng o iba pang lutuan at nilatagan ng pinainitang putik ang lapag tipunan ng abo. 323

ham og na d u lo t ng gabi. pagkakahig na m agkaharap ng dalaw ang panabong. bahagi ng dahon ng tu b o na nakakapit sa biyas na nililinis ng gum agapak bago ikarga sa kariton o trak na hakutan para dalhin sa iluhan. U w a y , ratang ginagam it na basket o panali. Y a g y a g , paim bay na takbo ng kabayo, tak bong hindi eaanong nagm am adali. T u n -o g , U lo t, U pak,

324

ANAK NG LUPA Ang nobela ay naglalarawan ng buhay at pananaw nayon sa bagwis ng pam bansang pagsulong ng Pilipinas. Kasaysayan ito ng paglago ng kamalayan mula sa liblib ng kulturang nayon patungo sa n ababangh ay na ideyolohiya ng lungsod. Ang mga pangunahing karakter ng nobela sina Toryo, Oden, Oyo, Bining, at Ligaya ay mga anak ng lupa na ang buhay ay sinaklawan ng naganap na pagbabago sa nayon at sa lungsod, magpapalitaw ng kani-kanilang tatag, magpapanday ng kanilang pananaw, maghahatid ng luha, pag-ibig, at pag-asa. Sa nobela, magkakambal na realismo ng nayon at lungsod ang naikintal na maghahanay sa obrang ito bilang haligi ng kontemporaryong nobelang Pilipino.

Premyadong manunulat, awtor ng 23 aklat ng tula, m aik lin g kuw ento, du la, lite ra tu ra n g p am b ata, talambuhay, at mga aklat pag-aaral si D O M IN G O G. L A N D IC H O . Siya ay kasalukuyang prop esor ng m alikhaing pagsulat at panitikan sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagtapos siya ng Ph.D. sa Pilipinolohiya sa U .P Isa rin siyang artista sa tanghalan, telebisyon, at pelikula at isang brodkaster sa Radio Veritas, bukod sa kanyang pagiging £xecom Memben ng National Commis­ sion for Culture and the Arts, kolumnista, at editorial consultant. Isinilang siya sa Luntal (Taal, Batangas) noong 4 Agosto, 1939, anak ng magsasaka. Ateneo de Manila University Press Bellarmine Hall, Katipunan Avenue Loyola Heights, Quezon City P.O. Box 154,1099 Manila, Philippines

IS B N 971-550-175-5

9 789715 501750

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF