90s
June 14, 2016 | Author: GErastig GEar | Category: N/A
Short Description
gshg...
Description
Mga ka-dekads, heto nanaman ako upang magbigay ng munting challenge tulad ng sa Eheads at 90's Music. Our topic for today is Nineties Movie Taglines. Simple lang ang laro - ibibigay ko ang mga taglines na ginamit sa mga posters at ibibigay niyo naman ang taytol ng mga malufet na banyagang pelikula. O zsa zsa, Padilla. Pigain na ang utak sa pagbabalik-tanaw habang nag-eenjoy! 01. Julianne fell in love with her best friend the day he decided to marry someone else. 02. It's closer than you think. 03. There's a little witch in every woman. 04. What you don't believe can kill you. 05. Some Legacies Must End. 06. How do I loathe thee? Let me count the ways. 07. In the game of seduction, There is only one rule: Never fall in love. 08. Sometimes the only way to stay sane is to go a little crazy. 09. Make your own rules. 10. A little pig goes a long way. 11. Small town. Big crime. Dead cold. 12. Fear can hold you prisoner. Hope can set you free. 13. ...look closer. 14. Inside everyone is a frontier waiting to be discovered. 15. They were deadly on the ground. Now they have wings. 16. Collide with Destiny. 17. Every man dies, not every man really lives. 18. Five Criminals . One Line Up . No Coincidence. 19. Not every gift is a blessing. 20. Once upon a time in South Central L.A. ... It ain't no fairy tale. 21. The Story That Won't Go Away.
22. Seven deadly sins. Seven ways to die. 23. A ghoulish tale with wicked humour & stunning animation. 24. Paul Edgecomb didn't believe in miracles. Until the day he met one. 25. Whoever saves one life, saves the world entire. 26. Three Decades of Life in the Mafia. 27. The mission is a man. 28. You won't know the facts until you've seen the fiction. 29. To enter the mind of a killer she must challenge the mind of a madman. 30. Fifty million people watched, but no one saw a thing. 31. An Adventure 65 Million Years in the Making. 32. Be Afraid Of The Future. 33. Ever wanted to be someone else? Now you can. 34. Play At Your Own Risk. 35. Her life was in their hands. Now her toe is in the mail. 36. Six players on the trail of a half a million in Cash. There's only one question... Who's playing who? 37. A Comedy About the Greatest Love Story Almost Never Told... 38. In love, there are no boundaries. 39. Off the record, on the QT, and very hush-hush... 40. It's like looking in a mirror - only not. 41. Wildly charismatic. Impossibly brilliant. Totally rebellious. For the first 20 years of his life, Will Hunting has called the shots. Now he's about to meet his match. 42. The future is history. 43. The first American hero. 44. If at first you don't succeed, lower your standards.
45. The first American hero. 46. Her driver's license. Her credit cards. Her bank accounts. Her identity. DELETED. 47. Boot Up or Shut Up. 48. A murdered wife. A one-armed man. An obsessed detective. The chase begins. 49. Mischief. Mayhem. Soap. 50. He's quite engaging. She's otherwise engaged. 51. A comedy about truth, justice, and other special effects. 52. Don't Answer The Phone. Don't Open The Door. Don't Try To Escape. 53. The most beautiful love story ever told. 54. No one would take on his case... until one man was willing to take on the system. 55. Love. Expulsion. Revolution. 56. Col. Frank Slade has a very special plan for the weekend. It involves travel, women, good food, fine wine, the tango, chauffeured limousines and a loaded forty-five. And he's bringing Charlie along for the ride. 57. Somebody said get a life... so they did. 58. No One Stays at the Top Forever. 59. In a world of tradition. In an age of innocence. They dare to break the rules. 60. All the power on earth can't change destiny. 61. The Toys Are Back In Town! 62. An epic tale of crime and obsession and two men on opposite sides of the law. 63. Never let your friends tie you to the tracks. 64. Open 'til Midnight. 65. It was the last day of school in 1976, a time they'd never forget... if
only they could remember. 66. Love is a game. Easy to start. Hard to finish. 67. Life is always funnier when it happens to someone else. 68. There's something about your first piece. 69. Warning: The guys who did 'Dumb & Dumber' and 'Kingpin' bring you a love story. 70. The secret of life? The secret's in the sauce. 71. You'll laugh. You'll cry. You'll hurl. 72. He's having the worst day of his life... over, and over again. 73. She Makes Dinner. She Does Windows. She Reads Bedtime Stories. She's A Blessing... In Disguise. 74. Evil has many faces. 75. Believe in angels. 76. Sex. Clothes. Popularity. Is there a problem here? 77. Billy's Going Back To School. 78. They're not there to shop. They're not there to work. They're just there. 79. Everybody loved him... Everybody disappeared. 80. A lawyer and his assistant fighting to save a father on trial for murder. A time to question what they believe. A time to doubt what they trust. And no time for mistakes. 81. Welcome to the witching hour. 82. Everyone has one special thing. 83. First he fought for the Crown. Now he's fighting for the family jewels! 84. It's not who you love. It's how. 85. It's good to be kings. 86. Cruise. Kidman. Kubrick.
87. A Modern Day Tale About The Search For Love, Sanity, Ethel Merman And The Holy Grail. 88. "Forget about it." 89. Opposites attract. 90. Houston, we have a problem. 91. In the heart of the nation's capital, in a courthouse of the U.S. government, one man will stop at nothing to keep his honor, and one will stop at nothing to find the truth. 92. EARTH. Take A Good Look. It Could Be Your Last. 93. Everything you've heard is true. 94. A world where the night never ends. Where man has no past. And humanity has no future. 95. The year's most revealing comedy. 96. To achieve the incredible you have to attempt the impossible. 97. Heaven and Earth are about to collide. 99. Can the most famous film star in the world fall for just an ordinary guy? 100. He came back to settle the score with someone. Anyone. EVERYONE. "Isa kang Batang 90's kung naniwala kang nanganganak ang mga mababangong kisses at may taong-ahas sa Robinsons." "Dito sa Saudi, nakakakalbo ang tubig...", ang narinig kong kuwento mula sa isang tumanda na dito. Hindi ko alam kung mayroong sapat na batayan pero minsan ay gusto ko nang maniwala sa tubig na nakakalagas ng buhok dahil kung papansinin mo nga ang mga retiradong galing dito, puro shaggy ang buhok... shagilid nalang! "Hala ka, lalabas diyan ang kinain mo...lalabas yung pari...lalabas yung tren...", pananakot ng mga matatanda sa mga nasugatang bata. Nakanamputs naman, saan ba nagmula ang pauso nating mga Pinoy na mayroong sugat na nagsusuka ng kanin? Itinuro naman sa mga paaralan na magkaiba at circulatory at digestive systems. Urban Legends - mga kuwentong pilit na pinapaniwalaan pero wala namang katotohanan. Sa madaling salita, tsismis lang na pambansang libangan nating mga
Pinoy. Ang lufet ng imahinasyon ng mga ninuno natin para takutin tayo na kapag lumabas ng bahay ay may mumo o pulis na kukuha sa iyo. Kaya siguro "gullible" ang karamihan ay dahil pinalaki tayo sa kasinungalingan. Nakakatawa nga namang tingnan ang isang paslit na nanginginig habang pinapaiyak. Letsugas. Noong Dekada NoBenta, maraming kumalat na kuwento na siya namang pinaniwalaan ng karamihan. Ang masaya nito, isa ako sa mga nauto ng mga tsismis na pinag-usapan ng mga kalahi ni Cristy Permin.
Ang Alamat ng Pregnant Kisses Nasa ika-limang baytang ng elementary ako nang mauso ang air freshener na kung tawagin ay "kisses". Maliliit na butil ito na parang munggo, gawa sa plastik, at talagang nakakaadik ang bango. Kumalat sa lahat ng estudyante na kapag inalagaan mo nang mabuti ang mga iyo ay manganganak sila at dadami. Iyon ang sabi ng tinderong may de-tulak na toy store sa labas ng eskuwelahan namin. Nagalaga kami ng utol kong si Pot dahil lahat ng mga bata sa iskul bukol ay meron nito. Nilagyan namin ng bulak at baby powder ang Kodak film canister na nagsilbing bahay nila. "Uy, ang laki na ng isa mong kisses. Manganganak na yan.", pa-cute na sabi ng bebot kong klasmeyt. "Oo nga ano, ang laki-laki na!", mas pakyut kong sagot kahit na alam kong hindi naman talaga malaki. Manganganak na ang misis ko sa susunod na taon pero dalawampung piraso pa rin ang kisses namin ni utol. Kung buhay pa ang guro ko sa nursery, baka napingot na niya ako nang wala sa oras at ipinaalala ang pagkakaiba ng "living things" at "nonliving things". Ultimate Popper
Sino ba naman ang makakalimot kay Ultimate Warrior ng World Wrestling Federation? Naadik ang mga Pinoy sa wrestling noong kapanahunan ko. Palibhasa ay sa Channel 13 lang napapanood ang WWF noon, hindi malaman ng mga kelots kung namatay nga si Warrior sa laban nila ng "8th Wonder of the World" na si Andre the Giant. Ayon sa mga kuwento, sinubukan daw niyang buhatin ang higante para gawin ang isa sa kanyang mga signature moves na "powerslam". Masyadong mabigat ang dambuhala kaya pumutok ang mga ugat niya sa mga braso na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Meron din akong narinig na kuwento sa aking kaklase na kaya raw namatay si Warrior dahil inilagay siya ni Undertaker sa kabaong at inilibing ng buhay. Isa namang bersyon pa nito ay ang patawa na nagbuhat daw si Warrior ng barbel.
Hinubaran siya ni Hulk Hogan kaya hinabol niya ang kanyang trunks. Dedbol kaagad nang madaganan ang kanyang batok ng mabigat na binubuhat. Ang pinakasikat na kuwento sa lahat ay ang mahigpit na pagkakatali ng kanyang mga "tassels" sa braso. Naging sanhi daw ito ng hindi pagdaloy ng dugo na naging dahilan naman ng kanyang pagkamatay. Ang daming kuwento na wala namang kuwenta. Ganun talaga kapag sikat ang isang tao. Ayon kay pareng Googs, nagsimula ang kuwento nang mawala siya sa WWF noong 1991 dahil sa hindi nila pagkakasundo ni Vince McMahon. Matapos ang ilang buwan ay bigla siyang bumalik siya sa "Wrestlemania VIII" noong 1992 upang sagipin si Hulk Hogan kina Sid Justice at Papa Shango. Nang makita ng mga manonood ang lumabas na Warrior, napansin nilang maigsi ang buhok nito at mas payat. Naging sentro ito ng mga usapan at kumalat ang haka-hakang isang impostor ang ipinalit sa orig na wrestler. Manananggal Terrorizes Manila Isa sa mga pinaka-klasik na kuwento ng dekada. Ang totoo, matagal na ang kuwentong ito na nagmula pa sa mga naunang dekada. Nabulabog kami sa Mangoville noong sumiklab ang balitang may manananggal daw sa lungsod ng Maynila. Nagkataong maraming buntis noon sa lugar namin kaya naman sa lahat ng mga bahay ay may mga nakasabit na bawang para hindi makalapit ang tik-tik na ka-tandem ng halimaw. Kada gab ay may mga tomador at adiktus na rumoronda sa lugar namin upang bantayan ang aming lugar laban sa mga kampon ng kadiliman. Masyado itong pinaniwalaan ng madla kaya nakinabang ang mga tabloid sa istoryang ito. Natatandaan ko noon ang isang balitang may sumabit daw na manananggal sa malaking billboard sa Guadalupe. Meron din naman daw natagpuang walang-buhay nang manananggal na nabuhol sa mga kable ng kuryente ng Meralco. Kapag naiisip ko ang mga nilalang na ito, ang naaalala ko ay ang pinakaunang "Shake, Rattle and Roll" kung saan nakakatakot at kapani-paniwala ang pagganap ni Irma Alegre bilang manananggal. Noong 1997, nagkaroon ng pelikula hango sa mga tsismis na ito, ang "Manananggal in Manila" kung saan si Alma Concepcion naman ang gumanap sa halimaw. Snake Charm
Kahit na anong kuwento ang kumalat tungkol sa Galleria, hindi ako naapektuhan dahil wala namang taong-ahas sa arcades na kakain sa amin ng mga ka-tropa ko. Ayon sa kuwento, may kambal daw si Robina Gokongwei at ito ay isang nilalang na kalahating tao at kalahating ahas. Dito daw nanggagaling ang yaman ng pamilya nila dahil nangingitlog ito ng ginto. Nakatira daw ito sa basement ng Robinson's Galleria at ang kinakain ay mga magagandang kababaihang nagsusukat sa mga
dressing rooms na may trap doors. Kapag trip niya ang bebot na nakikita sa kanyang monitor, isang pindot lang ng buton ay napupunta na ang biktima sa kanyang lungga. Isa sa mga sinasabing muntik nang maging biktima nito noon ay si Alice Dixson. Binigyan daw siya ng mga may-ari ng malls ng isang blank check para lang manahimik. Noong 2008 ay nagbigay si Robina ng isang talumpati sa UP School of Economics at isa sa mga nabanggit niya ay ang tungkol sa urban legend ng kanyang kakambal at ito ang kanyang sinabi: “You were not born yet when the story of my kakambal na ahas who was halfwoman, half-snake came out when we opened our second Robinsons Department Store branch in Cebu in 1985. My kakambal was supposed to be the source of our wealth as she laid golden eggs. She was supposed to be hiding under the floor of the fitting rooms, and every time a beautiful woman would enter, the floor would open and she would land right inside the mouth of my kakambal na ahas. I have no idea who started this incredible story, but I have to tell you that some people believed it and even started staring at my legs to see if there were any signs of snakeskin. A few people still ask me about it, and I have to tell them na naging handbag na ho sa Robinsons Department Store." AIDS to the World May grupo yata talagang nagpapatakbo ng mga kuwentong-kutsero. Halos magkasabay na kumalat ang kuwento tungkol sa kambal ni Robina at kuwento tungkol sa isang taong may sakit na AIDS na gumagala sa Megamall para manghawa. Madalas daw itong binibiktima sa mga elevators gamit ang hiringgilyang naglalaman ng kanyang maruming dugo. Kung ikaw ang suwerteng matuturukan ng karayom, jackpot ka sa sakit na noon ay talagang kinakatakutan. May isa pa itong bersyon kung saaan nag-iiwan daw ng mga HIV-infected na karayom ang may pakana sa mga upuan sa sinehan. Marked Money Dawit ulit ang pangalan ng mall ng aking Tito Henry. Kumalat ang balitang mas malaki raw ang halaga ng mga perang may commemorative seal ng sentenaryo. Binibili raw ng SM ang mga pera ng doble o triple ng halaga nito. Marami ang umasa at naniwala kaya kahit wala nang panggastos ay pilit pa ring hindi winawaldas ang mga markadong papel. Napakarami pang mga kuwentong puwedeng isali sa "That's Incredible!" ang Dekada NoBenta. Kasama rin dito ang balitang mga bading daw talaga ang Spice Girls at racist si Tommy Hilfiger dahil ayaw niya ng mga modelong Asyano lalo na ng mga Pinoy. Sa lahat ng mga kuwentong hindi kapani-paniwala, isa lang ang aking pinaniwalaan - ang "Year of the Beast". Ayon sa mga pilosopo Tasyo at mga tsismoso sa barberya, may masama raw na nangyayari tuwing ito ay magaganap. Ang unang pagkakataon ay noong 666 A.D., ang pangalawa ay noong 1332 A.D., at ang sunod na taon ay 1998.
Tama sila sa hula. Naging presidente si Erap!
"Isa kang Batang Nineties kung nanlumo ka sa mga ipinakitang bangkay na nasunog na Ozone Disco." Noong minsang nakipagkuwentuhan ako kay pareng Wiki para sa entry na ito ay may nai-tsismis siya tungkol sa kanyang pinsang si WikiPilipinas. Pinagkakalat kasi ng kamag-anak niya ang rumors na ang kantang "Disconnection Notice" ng Pupil ay inspired ng OZONE DISCO TRAGEDY. Siyempre hindi ako kaagad sumang-ayon dahil baka matulad ako sa kalokohan ni Tito Sotto noong tinira niya ang "Alapaap" ng Eraserheads sa paniniwalang tungkol daw ito sa drugs.
Kaya dali-dali kong pinatugtog sa aking computer ang single at medyo kinilabutan ako sa aking narinig dahil ganito ang lyrics: "There is no escaping, there is no replacing all that you hold.....Turn off the lights now, turn off the lights now....Dressed so swell, they're dancing at the gates of hell 'cause there's nowhere to go...". Kapag pinapakinggan ko dati ito ay naiisip ko ang mga times na pinapadalahan kami ng notice ng Meralco na nagsasabing mapuputulan na kami bukas ng kuryente. Ngayong natutukan ko na ang lyrics habang nakikinig sa nakakahingal na tunog ng kanta ay parang gusto kong maniwala na may kaugnayan nga ito sa isa sa pinakamalaking trahedya na naganap sa disco.
Una kong narining sa mga "crosslines" (Ito 'yung mga obsolete na six-digit telephone numbers ng PLDT na pinamumugaran ng mga taong walang magawa sa buhay. Para siyang sinaunang conference call na mala-chatroom ang dating.) ang balitang nangyari sa Ozone. May mga nagkukuwentuhan kasi na mga admins ng room tungkol sa isang crossliner na namatay daw sa disco. After ilang hours ay dumami ng dumami ang mga nagkuwento na may kaibigan, klasmeyts, at kamag-anak silang biktima rin ng tragedy. Noong una ay 'di ko masyadong pinansin ang kuwentuhan dahil mas abala kami ng utol kong si Pot na makahanap ng ka-phone pal sa crossline. Noong pinakita na ang mga flash reports sa teevee ay nanlumo ako sa mga ipinakitang bangkay na natusta sa loob ng establishment na nasunog.
Ang Ozone Disco na operated ng Westwood Entertainment Company, Inc. ay isa sa mga pinakasikat na gimikan ng aming panahon. Nasa highschool ako (1991) nang palitan nito ang dating Birdland na namayagpag naman noong dekada otsenta. Located siya sa tapat ng rotonda ng Timog Avenue kung saan nakatayo ang monumento ng Boy Scouts of the Philippines Memorial. Hindi ako kailanman nakapunta dito dahil isa akong rocker noong kasikatan nito. Mas madalas kasi akong tumambay sa Club Dredd, Yosh Cafe, at iba pang underground places kung saaan kami tumutugtog ng banda kong Demo From Mars. Kahit na isa akong metal sa puso, sa salita, at sa gawa ay may mga mangilan-ngilan pa rin akong konyotic friends from Uste at St. John's na nagungulit na dayuhin ang dance floor nito. Kahit sabihan nila akong "KJ" ay hindi ako sumasama dahil hindi ako marunong humataw tulad ng UMD.
Ayon sa mga reports, nagsimula ang sunog bandang 12:30 A.M. ng March 18, 1996 sa booth ng DJ o discjockey ng disco-han. Sa kuwento ng mga survivors, akala daw nila ay kasama sa pakulo ang malafirecracker na nakita nila na sinundan ng usok na akala naman nila ay galing sa fog machine. Nalaman nalang ng mga nandoon na hindi ito gimik nang may sumigaw ng "Sunog!". Mabilis na nilamon ng apoy ang lugar dahil sa acoustic foam installation at mga decorative na lkartong agayan ng itlog na ginamit sa kisame. Ilang saglit lang ay bumagsak naman ang mga light fixtures ng ceiling at ang buong mezzanine na naging dahilan upang mag-panic at magkaroon ng stampede ang mga nasa loob ng disco. Tumagal ang sunog ng apat na oras na kumitil sa buhay ng 160 katao at nag-iwan din ng mahigit 300 na kataong sugatan.
Nang matapos ang sunog ay tumambad sa mga bumbero ang tustadong mga labi ng nasawi. Kung titingnan mo daw, parang nag-uunahan silang lahat na makalabas sa pinto ng main entrance. Hindi na makilala ang mga katawan ng mga nakulong sa loob kaya't mga palatandaang suot na alahas at iba pang personal belongings ang ginamit para matukoy ang mga bangkay. Sa mga susunod na investigations nalang malalaman na walang fire exit ang Ozone dahil natakpan na ang existing nito ng katabing establishment.
End of school year nang maganap ang trahedya kaya halos lahat ng nasawi ay mga estudyante. Ang masama pa nito, dahil mga minors na sabik pa sa party ang mga nagpunta dito, ang karamihan sa kanila ay 'di nagpaalam sa kanilang mga magulang. Ang karamihan sa kanila ay tumawag lang o nagpadala ng beeper messages sa kanilang parents noong nandun na sila sa gimikan. Sabi ng mga mga humawak sa kaso, isa sa mga dahilan ito kung bakit maraming unclaimed remains dahil hindi alam ng pamilya nila na kasama ang kanilang mahal sa buhay sa nangyari. Dahil nga kakatapos lang ng pasukan at graduation, nagkaroon ng promo ang nasabing disco-han. Fifty percent off sa entrance fee ang mga estudyante kaya dinumog talaga ito that weekend. Kung
papansinin mo ang floor plan sa itaas, sadyang maliit ang lugar at ang approved na capacity lamang nito ay para sa 35 na guests. Noong gabing 'yun, ang napabalitang dami ng party people ay lampas tatlong daan. Siyempre, hindi naman lahat ay nasa loob - labas pasok ang mga pumunta pero talagang siksikan daw na magkakapalitan kayo ng mga mukha. Ang pinakasinisisi sa naganap ay ang kawalan ng fire exit kaya hindi nakalabas ang mga nasa loob nang magkaroon ng panic at the disco. May mga sabi-sabi rin na ang bukas ng pintuan ng entrance ay paloob kaya lalong na-trap ang mga kabataang pilit na itinutulak ang pinto papalabas. May kumalat ding sabisabi na hinarangan daw ng guard ng Ozone ang pinto dahil ang akala nito ay may riot at baka hindi magsibayad ang mga taong gustong lumabas. Sa dami rin ng mga bangkay ay napabalitaan pang nag-away-away ang mga puneraryang dumating sa eksena. Nakakalungkot isipin pero alam naman natin kasi na sila lang ang natutuwa kapag may namamatay! Ilang araw matapos ang masaklap na pangyayari, nagkaroon ng criminal charges laban kila Hermilo Ocampo, president at asawa niyang si Raquel Ocampo; ang mag-inangRosita at Sonny Ku; Ramon Ng, treasurer; at Alfredo Chua. Ang nakasuhan lang ay sina Hermilo at Ramon sa hatol na reckless imprudence resulting in multiple homicide and multiple injuries. Kahit na apat na taong pagkakulong ang ibinigay sa kanila ay hindi sila kailanman nag-serve nito dahil nakapag-piyansa silang dalawa. Pinagmulta rin silang anim ng Php25 million pesos bilang kabayaran pero kaunti lang nito ang naibigay nila dahil sa nai-file nilang bancruptcy. May mga kaso ring inihain laban sa twelve officials ng Quezon City pero naging mabagal ang pag-usad nito. Ito ay ang isa sa mga hinaing ng mga kamag-anakan ng mga nasawi sa Ozone bukod pa sa mababang parusa nakamit ng mga may-ari ng disco-han. Dahil dito ay nabuo ang Justice for Ozone Victims Foundation, Inc. (JOVFI) na pinamumunuan ni Joseph Stephen Santos. Noong nasa Pinas ako ay nakita ko minsan habang nag-aasikaso ng mga dokumento sa Quezon City Hall ang mga survivors ng Ozone. Habambuhay nilang titiisin at papasanin ang markang naiwan sa kanilang mga balat na dulot ng mga third degree burns. Makita mo lang ang mga itsura nila ay parang napaso ka na rin ng naglalagablab na apoy.
Ang Ozone ay nanatiling nakatiwangwang sa dati nitong lugar. Hanggang ngayon ay wala pa ring umuokupa nito at nagsisilbing memorial nalang sa mga nasawi. Kapag malapit na ang Todos Los Santos, madalas itong ma-feature sa teevee dahil sa umano'y pagpaparamdam ng mga hindi matahimik na mga kaluluwa. May mga witnesses na nagsasabing nakakarinig sila ng disco music sa disoras ng gabi. May
mga video at photo clippings din ng mga animo'y kaluluwa. Isa ito sa mga dinadayo ng mga paranormal experts sumunod sa Balete Drive. May mga taong naniniwala na "na-predict" ng weekend edition ng Inquirer Newspaper ang mangyayari sa Ozone. Tinawag nilang "I.T.S. o Incidentally Trapped on Sunday" ang coincidence na hango sa isang article na lumabas sa entertainment page ng pahayagan noong October 1993, tatlong taon bago lumiyab na parang impiyerno ang Ozone. Ang isa pang maaaring maitanong mo ay "Ano ang title ng song na tumutugtog habang nasusunog ang disco?". May mga sabi-sabi (hindi ko alam kung gaano katotoo) na ang pinapatugtog noong mga oras na 'yun ay ang kanta ni Jaydee na "Plastic Dreams (Remix)" na may original version sa ibaba (courtesy of Rah's comment):
Mga miyembro: Ednalino, Philip Vincent Petalino, Phil Rigoleto, Florendo Rivera, Kevin Ikalawang Semestre '08-'09
I.
ANG
A.
TBS
13
Panukalang
gang Pahayag
Ang isang gang tulad ng TBS o True brown style ay isang organisasyong kinakahumalingan salihan ng mga kabataang Pilipino sa loob at labas ng Maynila.
B. Introduksyon
a.
Pagtukoy
sa
Paksa
Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa TBS o true Brown Style, isa sa mga b.
gang
na
nagiging Paglalahad
patok
sa
mga ng
kabataang
Pilipino. Suliranin
Ang mga gang dito sa Pilipinas at sa buong mundo tulad ng TBS ay lagi na lang nadidikitan ng masamang mga konotasyon sa ating lipunan. Kesyo wala daw silang alam gawin kundi makipag-basag-ulo sa kalsada, mang-atraso sa mga tao sa lipunan at kung anu-ano pa. Kung kaya't ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay naghahangad na malinaw ang isipan ng mga tao na hindi naman lahat ng gang ay ganito ang layunin sa buhay. Mayroon ding mga c.
gang
na Kaligiran
may
magagandang ng
layunin. Paksa
Ang estado ng TBS gang ngayon ay patuloy ang kanilang mga gawain. Sa kanilang mga ginagawa ay tamang-tama ang kanilang lugar upang isagawa ang kanilang mga nais gawin dahil ang lugar ay makipot at kumbaga ay “squatters area”. Ang mga salik ng ng TBS gang una ay ang miyembro. Sa mga miyembro ng TBS gang umaasa ang paglakas ng buong gang sapagkat kahit magaling ang leader kung kakaunti ang miyembro ay hindi nila magagawa ang mga aktibidades ng buong gang. Ikalawa’y ang lugar. Sa lugar, dito ginagawa ng gang ang kanilang aktibidades at dito rin sila naghahari o namumuno at tinatayuan ng “campo”
d. Panlipunang Udyok sa Pagpili ng Paksa Panlipunan Pinili ng mga mananaliksik ang paksang ito sa kadahilanang hinahangad na matulungan ang mga miyembro ng gang na mawala sa mga tao ngayon ang negatibong konotasyon sa kanila. Sa panahon ngayon, iniisip pa rin ng maraming tao nakapag narinig nila ang salitang gang, masama na agad ang unang pumapasok sa kanilang isipan, katulad ng pagtuturing sa gang na salot sa lipunan dahil puro gulo lamang ang ginagawa nila. Kung kaya't nais
ng mga mananaliksik na ito na maipaliwanag kung ano ba talaga ang gang at alisin sa isipan nila na masasamang tao ang mga gangster
C. Rebyu/Pag-aaral
Ayon kay Jim Myers na manunulat sa magazine na Youth Today, ang youth gang raw ay walang pormal na depinisyon sa kadahilanang mahirap itong gawaan ng depinisyon. Ilang taon na nila itong ginagawan ng depinisyon. Ang mga gang raw ay binubuo ng mga miyembro na may edad na 10-22 taong gulang ngunit kung minsan, may mga edad 24 pa rin namiyembro nito. Ayon naman kay Chris Baca, presidente ng Youth Development , Inc. ng Amerika, ang mga aktibidades ng mga gang ang kumokonti ngunit mas nagiging bayolente.
Ayon naman kina Benjamin B. Lahey, Rachel A. Gordon, Rolf Loeber, Magda Stouthamer-Loeber at David P. Farrington na ang mga miyembro ng mga gang sa Amerika ay lalong dumarami na umabot na sa 650,000 na mga kabataan. Sinabi rin nila sa libro nilang "Boys Who Joins Gangs: A Prospective Study of Predictors of First Gang Entry" na may dalawang modelo para mapaliwanag ang pagsali sa mga gang. Ang una ay ang "Selection Theories" na sinasabing kaya nahihilig sumali sa gang ang mga kabataan ay dahil sa ito ang uso at naniniwala sila na ang magkakasama ang mga pare-pareho na katangian. Kung sa ingles man ay "Birds of the same feather flocks together". Ang ikalawa ay "Socialization Theories" na sinasabing ang mga kabataan ay sumasali sa gang dahil sa gusto nilang makipagkaibigan sa mga kabataang tulad nila na laban sa mundo o galit sa lipunan.
D.
Layunin
• Pangkalahatan Ang layunin nito ay makatulong sa larangan ng social science, upang maipaliwanag ang ugali at pananaw ng mga tao sa kanyang lipunan. Isa rin itong tulong para sa larangan ng psychology, dahil dito nauunawaan ng mga bumabasa ang ugali at galaw ng mga taong miyembro o gustong sumali sa gang. Ipinapakita din dito ang mga masama at mabuting dulot ng gang sa tao at sa kanyang kapwa at lipunan. •
Tiyak
Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang dahilan kung bakit maraming sumasali sa gang na TBS o True Brown Style. Gayundin ang matukoy ang mga mabubuti at masasamang naidudulot ng pagsali dito. Layunin din ng pananaliksik na ito na matukoy at malaman ang mga kadahilanan ng miyembro ng gang kung bakit sila sumali rito, kung sila ba ay
natutulungan nito, kung binbigyan sila ng pagmamahal at atensyon na hindi nila nakikita o nadarama sa kani kanilang mga magulang at higit sa lahat, layunin nito na malaman kung bakit nabuo ang TBS at kung anu ano ang mga paniniwala, adhikain o layunin nito.
E.
Halaga
Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang maipaliwanag sa lahat ang dahilan kung bakit marami ang nahuhumaling na sumali sa True Brown Style Gang o TBS. Nais ng mga mananaliksik ng pag-aaral na ito na matulungan ang mga gang na maalis sa mga tao ang negatibong konotasyon sa mga gang, na maipaliwanag sa mga tao na mayroon din namang mga magandang
F.
mapupulot
Theoretical
Teoryang
sa
pagsali
dito.
Framework Saykolohikal/Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao). Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kabataang Pilipino sa kanilang paguugali, paniniwala, pananaw at pagkatao nila sa pagsali o pagsama sa TBS gang. Nakapokus ang mga mananaliksik sa mga prinsipyo ng miyembro at ang kanilang mga pananaw bilang miyembro ng TBS. Inilalahad din dito ang kanilang pagkatao, kung pano kumilos ang gang at kung pano nila napapadami ang miyembro nito.
G. Metodolohiya
Ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay gumamit ng interbyu sa isang myembro ng TBS gang. Ito ay upang malaman ang buhay ng isang myembro ng
TBS
gang.
malaman
din
ang
mga
kadahilanan
kung
bakt
sila
nahuhumaling sa pagsali sa gang na nabanggit. Dito malalaman din akung paano nabago ang buhay nila simula noong sumali sila sa TBS gang.
H. Saklaw/Delimitasyon Ang research na ito ay nakatuon lamang sa mga dahilan kung bakit nahuhumaling sa pagsali ang mga kabataan ngayon sa gang na True Brown Style (TBS). Kung ano ba ang kanilang napapala sa pagsali dito, ang mga kagandahan at di-kagandahang naidudulot nito sa isang kabataan at ang mga bagay na ginagawa ng gang na ito. Ang research na ito ay nakalimita lamang sa mga miyembro ng TBS o True Brown Style Gang dito sa Pilipinas. Sa madali't salita, sa gang lamang na ito nagpokus ang pananaliksik na ito.
I. Daloy ng Pag-aaral
Ang unang kabanata ng pananaliksik na ito ay tungkol sa paksa na “Dahilan kung bakit maraming nahuhumaling na sumali sa gang na TBS o True Brown Style” at ang paglalahad ng mga suliranin nito. Nasa unang kabanata din ang mga pag-aaral na may kaugnayan sa panananliksik na ito. Kasama din dito ang kahalagahan, layunin at metodolohiya na ginamit ng mga mananliksik na interbyu at saklaw at delimitasyon ng pananaliksik na ito. Ang ikalawang kabanata ng pananaliksik na ito ay tungkol sa introduksyon sa paksa at ang mga datos sa pananaliksik na ito. Kasama din dito ang pinagmulan ng gang, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo at lahat ng tungkol sa gang. Makikita din dito ang kinalabasan ng interbyu at lahat ng mga impormasyong nakalap at napag-sama-sama mula sa interbyu at
ibang
pag-aaral.
Ang huling kabanata ng pananaliksik na ito ay tungkol sa analysis ng mga datos, ang napagtanto ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito at ang maaaring irekomenda ng mga mananaliksik pagkatapos maisagawa at maisaayos ang pananaliksik na ito.
II. Katawan ng Pananaliksik
A. Mga Impormasyon sa Gang a. Depinisyon at Paglalarawan ng Gang
Ayon kay Steve Nawojczyk, ang gang ay maaaring tawagin na malaya at organisadong grupo ng mga indibidwal na sama-samang nagtutulungan para sa pang-sosyal na kadahilanan. Sa malawakan, ang mga gang ay mayroong lider o grupo ng mga lider na nagbibigay ng mga utos at nagsisimula ng mga aktibidad ng gang. Ang isang may maaaring rin magsuot ng kanilang mga kulay o tiyak na klase ng kasuotan, tattoo at tatak na ang nakalagay ay ang pangalan, logo at marka ng kanilang gang sa kanilang mga katawan. May mga gang na naglalagay ng iba’t-ibang klase ng estilo ng buhok at naguusap gamit ang iba’t-ibang senyas ng kamay at mga graffiti sa mga pader, sa kalsada, sa mga gawain pangpaaralan at sa mga pagaari ng paaralan. Dapat ay maintintindihan ng lahat na hindi ilegal na mapasama o sumali sa isang gang at walang duda na maraming mga taong nasa sapat ng gulang ang nabibilang sa ganitong mga gawain. Gayon pa man, marami sa mga gang ngayon, lalong lalo na ang mga gang ng mga kabataan, ang lumalabag sa batas para makapagbigay ng pondo para sa mga aktibidad ng gang o para
maitaguyod
ang
reputasyon
ng
gang
sa
mga
kalye.
Ang mga gang ay maaaring matukoy bilang isang panglungsod na gang o manatiling isang lokal na teritoryo. Ang mga pagsulong sa lokal na intelehente ay isang parte ng mandatory sa pakikipagugnayan sa ganitonmg problema. Ang mga paaralan ay dapat paunlarin ang komunikasyon sa mga opisyal na nagpapatupad ng batas para masundan at maiwasan ang paglaki ng
mga
gang
at
mga
kaguluhan.
Sa ibang bansa, ang mga gang ay nasangkot sa mga kriminal na gawain mula sa pagiging kapatiran. Iba sa kanila ay nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, nagnanakaw ng mga sasakyan, gumagawa ng mga kalupitan, nagnanakaw at karamihan sa kanila ay ginagawa ang lahat ng mga ito. Ang mga grupo na nagsisimula bilang isang banda ay nagiging mga bayolenteng gang na nagpapasimuno ng ipinagbabawal na gamot, ang ilan ay pinapanatili ang gang, ang iba ay sa koleksyon at ang iba ay sa ibang kadahilanan. Karamihan sa mga gang ay naghahangad ng kapangyarihan o tinatawag na ‘‘juice’’ o mas kilala na gang slang. Ilang taon na ang nakalilipas, may isang utos sa gang ang ipinatupad ng flying fists. Ngayon, ito ay inayos ng flying lead. Ang pagsali sa grupo na kilala sa reputasyon, mabuti o hindi, ay nagbibigay sa mga kabataan na naghahanap ng layunin para mapabilang sa kanila. Ang mga partisipante ay minsang nagsabi na ang interaksyon ng kasapi, pakikinig sa isang problema sa buhay, at pakikibahagi ng ibang karanasan ng mga kabataan ngayon ay nahaharap na maging isang banger. Ang mga kasapi sa gang ay humihingi ng respeto o takot sa iba na nasa paligid niya. Sabi nila ang pera ay dumadaloy at kasama nito ay ang lahat ng bagay na kaugnay ng materyal na kayamanan na karaniwan lampas pa sa abot ng mga kabataan na walang kriminal na gawain sa pagkakasali sa isang
gang.
Ang lahat ng ito ay isang heavy trip para sa ibang mga kabataan. Kapag ang isang bata ay napasok sa isang gang, palagi silang sinasabihan na wala na itong atrasan. Natatakot sila sa seryoso at marahas na ganti sa ibang mga kamiyembro ng gang kung sila ay kakalas. Ang iba sa kanila ay napagsabihan na kaya nilang patayin ang kanilang mga magulang katumbas ng kanilang paglaya. Kailangan tandaan kapag nakikipag-ugnayan na may kasali na bata na ang paniniwala naming ay dapat ipagisang tabi sapagkat ang
mga
paniniwala
ng
mga
kabataan
ay
kung
ano
ang
ating
pinaguugnayan, at masasabi mo na sila ay naniniwala na lahat ng bagay na sinasabi ng gang sa kanila. Ang mga miyembro ng gang ay maaaring ikatwiran
ang
mga
susmusunod
na
dahilan
sa
pagsali
sa
gang:
pagkakakilanlan, rekognisyon, ari-arian o belonging, disiplina, pag-ibig, at pera. May mga kabataan ang nakikilahok sa gang dahil sa harassment. Ang mga gangs ay nagbibigay ng proteksyon sa kani-kanilang mga pamilya at kasapi laban
sa
mga
ibang
gang
pati
na
rin
sa
mga
banta
sa
kanila.
Ang mga gang ay hindi na bago sa atin. Maraming malalaking departamento ng pulis ang may gang units para mamonitor ang mga imigranteng gang na nagpoprotekta sa kanilang mga komunidad at nagsasama sama para sa pang-sosyal
na
kadahilanan.
Ang gang ay minsan nagbabago ng apilasyon. Dapat tandaan na ang mga gang ay mabilis magbago sa lipunan at ito ay nangyayari araw-araw. Pinupunto nito ang kahalagahan ng lakas na abilidad sa pagmomonitor sa paglaki
at
kilusan
ng
mga
grupo.
Para sa pagkakaroon ng mabuting paguunawaan sa gang, ang mga sumusunod ay isinasaalang-alang, ang tatlong “R” sa kultura ng gang:
(1) Reputasyon. Ito ang kritikal na malasakit sa mga “gangbanger” o gang member. Ito ay ipinaparating hindi lamang sa bawat indibidwal kundi sa buong gang. Sa ibang grupo, ang estado o ranggo ay nakakamit sa loob ng gang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pinaka-“juice” base sa laki ng reputasyon. Ang mga miyembro ng gang ay nagagayak ang mga dati nilang mga aktibidad sa isang pagtatangka para idiin ang kanilang pag-uusap bilang partner. Sila ay malayang nakakagawa ng mga krimen. Sa mga ibang gang, para maging isang kasapi, kailangan na magpaka-“jump in” sa isa sa mga miyembro ng gang. Ito ay itatakda sa pagiging “beaten down” hanggang
sabihin
ng
lider
na
itigil
ito.
Pagkatapos,
ang
lahat
ay
magyayakapan isa-isa para maitaguyod ang “G thing”. Itong aksyon ay nangangahulugan na pagtibayin ang ugnayan nila bilang isang pamilya. Ang mga
mababatang
kasapi,
hardcore
o
asosado,
ay
magsasabi
ng
pagkakasama-sama, damdamin ng pagbibigayan, at ari–arian o belonging bilang
isang
rason
para
makasali
sa
gang.
(2) Respeto. Ito ay isang bagay na kailangan at ang mga ibang kasapi ay gustong makamit ito ng todo. Ang respeto ay nakikita hindi lamang sa isang indibidwal kundi pati na rin sa isang set o gang, pamilya, teritoryo, at iba’tibang mga bagay, totoo o mulat sa isipan ng isang “gangbanger”. Ang ibang gang ay nangangailangan, nakasulat man o oral na regulasyon, na ang mga sila ay kailangang laging itago ang respeto sa kalaban na gang. (ang dis ay nangangahulugan sa gang slang). Kung ang isa sa kanila ay saksi sa kapwa miyembro na mabigo sa "dis" ng kalaban na gang gamit ang mga senyas, graffiti, o simpleng “mad dog” o stare-down, maaari silang mag-issue ng “violation” sa mga kapwa nila miyembro at siya ay ma-“beaten down” ng kanyang
gang
bilang
parusa
sa
kanya.
(3) Retaliation o Ganti. Ito ay dapat maintindihan na sa kultura ng isang gang, walang hamon ang hindi nasusulusyonan. Sa maraming pagkakataon, mga drive-by shooting at mga ibang aksyon ng bayolente ay nasusunod sa
isang pangyayari bilang dis. Ang karaniwan nangyayari ay komprontasyon ng isang gang set laban sa kanilang kalaban na “gangbanger”. Ito ay aalis sa kanyang teritoryo at babalik kasama ang kanyang “homeboys” para magkompetensya sa komprontasyon para manatili ang kanyang reputasyon. Maaari itong mangyari agad at susundan ng pagbagal para sa pagpaplano at para maihanda ang kakailanganing sandata para makipaglaban sa retaliatory strike. Ito ay dapat unawain na may mga bayolenteng aksyon ang nahahantong sa masamang pakikipagugnayan sa droga or infringement sa drug territory. May mga tao ang nagtatanong o nanghuhusga sa authenticity ng gang rivalry sa pamamaril at iba pang bayolenteng gawain. Gayon pa man, kung ang isang grupo ng indibidwal ay sama-samang nagsasagawa ng parehong random o pre-planned violence, masasabi ba nating sila ay isang gang? Kung ang aspeto ng gang ay natututunan, maraming krimen ang nasusulusyonan sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na intelehenteng kumakalap na teknik at mga law enforcement agencies na nakikiugnay sa problemang ito. Sa gangbanging, ang mga saksi ngayon panahon na ito ay mga suspetsa o suspek sa hinaharap, ay ang susunod na biktima sa ngayong panahon. b. Kasaysayan ng Gang sa Mundo
Ang mga gang ay patuloy na dumarami mula noong sila ay nagsimulang mamuhay sa ating mundo. Ang salitang thug ay nagsimula sa India noong taon 1200 AD at ito ay tumutukoy sa gang ng mga criminal (Thugz) na gumagala sa buong bansa upang makapagnakaw ng marahas sa ina’t ibang siyudad. Itong mga Thugz ay kanya kanyang simbolo, hand signals, ritwal at slang. Sa Estados Unidos, tayo ay lumaki sa mga kwento ng mga thugs tulad ng mga pirate at mga gangster. Noong 1800s, ang mga amerikano ay nahumaling sa mga gangs at gangters. Ang James Gang, Billy the Kid, at iba pa ay namuno sa bandang kanluran (Wild West). Noong patapos na ang taon, may bagong henerasyon ng mga gang at gangster ang binuo ng mga immigrate. Ang mga Irish gang ay sinalakay at naghari sa mga lansangan ng lungsod ng New York. Ang pinakasikat na gang na kilala bilang Five Points Gang ay nabuo sa mga kalsada ng New York noong patapos na ang 1890s at pasimula ng 1900s. Ang Five Points Gang na pinamumunuan ng isang Italyanong immigrante na si Antonini Vaccarelli na mas kilala sa pangalan na Paul Kelly at ang kanyang kanang kamay na si Johnny Torrio na naging isang importanteng miyembro ng Sicilian Mafia ay nangalap ng mga siga, mga gangster at mga batang sanggano sa buong New York upang maging isang Five Points Gang. Ang gang na ito ay naging pangunahing liga ng mga batang gangster. Ang pinakasikat na sumali sa gang ay isang Italyanong binatang nagngangalang Alphonse Capone na mas kilala sa pangalan na Scarface noong 1899. siya ay
naging miyembro dati ng James Street Gang. Isa ring kaibigan ni Capone na si Lucky Luciano na isang street thug ang sumali. Noong 1919, habang hinahanap ng mga awtoridad si Scarface sa koneksyon ng pagpaslang sa New York, siya ay lumuwas papuntang Chicago noong pinatawag siya ni Johnny Torrio.Kailangan ni Torrio ang kanyang tulong sa pagkokontrol sa teritoryo ng Chicagolang mob. Si Al Capone ay naging isang pinakabayolenteng gangster sa Chicago, kung hindi man, sa buong Estados Unidos, na naranasan ng mga awtoridad sa buong buhay nila. Ang Al Capone Style ng gangster ay hinango ang American Gangster Experience na nararanasan hanggang ngayon sa ating mga lansangan. Bilang isang street gang, na impluwensya ng mga mobsters tulad ng Capone, anang gang noong 1920s at 1930s ay naging simbolo ng mga etnikong ghettos. Nakikita ng mga bagong immigranteng komunidad at mga ghettos ng amerika ang mga kabataan na bumubuo ng mga gang. Ang mga African Americans, Asians at Hispanics ang bumubuo sa karamihan ng street gangs. Noong pasimula pa lang ang 1940s, ang mga Mexican gangs ay nabuo sa bandang kanluran ng Estados Unidos. Mga bandang huli ng 1940s at pasimula ng 1950s, ang gangs gaya ng Latin Kings at Vice Lords ay nabuo sa Chicago,Illinois. Noong 1960s, ang African Americasn street gangs ay nabuo sa malalaking siyudad gaya ng Chicago, Los Angeles at New York.Ang New York street gangs ay nabuo sa ilalim ng pamumuno ng Savage Skulls, La Familia at Savage Nomads. Noong 1960s hanggang 1970s, Crips ng Los Angeles ay napakabayolete at lumawak sa komunidad ng Ghetto na naghikayat ang kanilang karibal na Bloods upang ihamon ang kakayahan ng mga Crips. Samantala, ang naranasan ng Chicago ang simula ng Black Gangsters, Devil’s Disciples at Black P Stone Rangers. Ang 1970s hanggang 1980s ay nagging daan ng simula ng mga local na alyansa ng mga gang, paglawak ng mga drug networks at pagkadakila ng mga gangsters sa mga pelikula tulad ng Colors at Scarface. Noong 1980s hanggang 1990s, ang mga drug networks ay lumawak ng lumawak. Ang importasyon ng droga mula sa Timog Silangang Asya at Colombia ay nasa tugatog na. ang Estados Unidos ay naging kilala na pinakaunang drug consumer sa buong mundo. Ang mga street gangs ay naging drug gangs na ngayon na may mala negosyong operasyon. Ang karahasan ay naging pamatayan ng mga gangs. Sa ganitong taon, ang mga gangs ay lumawak pa lalo tulad ng isang malawakang sunog. Inimpluwensya ng mga superyor na gang ang buong Amerika. Ang mga pangunahing lungsod ay napeperwisyo sa mga bayalenteng konektado sa gang. c. Kasaysayan ng TBS Gang - Crips at Bloods
Ang Crips ay isang street gang na nagsimula sa Los Angeles,California noong 1960s. Noong 1970s, ang gang ay lumaki at lumawak sa ibang parte ng Los Angeles County. Itong mga gang na ito ay mas kilala bilang sets, at ginagamit nila ang salitang Crips sa kanilang indibiduwal na gang name. Ang mga aktibidades Crips ay orihinal na ginagawa sa loob ng mga paaralan at ang mga gang na ito ay lumikha ng reputasyon para sa karahasan at pangingikil. Kahit may mga Black gangs sa ibat’ ibang lugar sa bansa ay may mga ibang etnikong grupo ang gumaya sa pangalan ng Crip dahil sa patuloy na pagiging kilala sa kasamaan ng Crips at ang kanilang karibal, ang Bloods. Noong 1971, ang Avalon Garden Crips at ang Inglewood Crips ay nagsama sama pati na rin ang mga ibang mga crip set. Ang Crips ay nagsimulang lumawak hanggang sa mga non-Crip gang territories. Ang L.A. Brims na nagsimula noong 1969 sa banding kanluran ng Amerika ay nagging isang makapangyarihan nastreet gang, subalit hindi sila Crips, at ang Blood alliance ay hindi naitatag. Ibat’t ibang gang na nagging parte na ng Blood family ay kasalukuyang namamalagi ngayon. Mayroong mga Piru Street Boys sa Compton, ang Bishops, Athens Park Boys at ang Denver Lanes. Ang Pirus na Blood na ngayon ay nakikihalubilo sa mga Crips prior hanggang noong 1972. Sa maikling panahon ay nagging kilala sila bilang Piru Street Crips, at sila ay nagsuuot rin ng mga tradisyonal na bughaw na bandana bilang kanilang sagisag. Noong 1972, ang Crips sa Compton, at ang Pirus ay nagkaroon ng kolisyon, at nahantong sa rambol. Ang Pirus ay kumunti , at ang Crips ay nangingibabaw. Ang Pirus ay gustong wakasan ang mapayapang relasyon sa mga Crips upang makasanib sa Lueders Park Hustlers para maging back-up. Sila ay sumang-ayon at napatawag ng miting sa Piru Street. Pinaslang ng Crips ang isang miyembro ng L.A. Brim noong taon na iyon, kaya naman
inimbita ng Pirus ang Brims na dumalo sa kanilang miting. Ang iba na dumalo ay ang mga Denver Lanes, at ang Bishops. Pinagusapan nila kung papaano masusupil ang mga Crip sa pamamagitan ng pagbuo ng isang bagong alyansa. Sa oras na iyon, ang kulay ng kanilang mga bandana ay hindi importante subalit mula noong nagging kilala ang Crip sa kanilang bughaw na bandana, ang Pirus at ang ibang grupo ay nagdesisyon palitan ang kanilang bughaw na bandana at palitan ito ng pula at lumikha ng bagong organisasyon na mas kilala ngayon na Bloods. Ang Pirus, Brims, Athens Park Boys, at ang Pueblos ay nagdesisyon na sumama sa Bloods, at hindi nagtagal, ang mga ibang grupo na binanta at sinalakay ng Crips ay sumali rin sa Bloods. d. Kasaysayan ng TBS sa Pilipinas
Nabuo at nagsimula ang TBS sa isang samahan ng 4 na balikbayan na galing sa amerika at impluwensyado ng Bloods doon. Ipinunta nila ang lahat ng kaugalian doon dito sa Pilipinas. Ang apat na taong yun ay tinatawag na “4 OG the TBS fathers”. Sinasabing nandito sila sa Pilipinas kung kaya’t tinatago at hindi sinasabi ang kanilang mga pangalan upang sa ikakaligtas ng kaniloang mga sarili. Mas lalong nabuo ang mundo ng gang dahil sa mga rap na kanta ni Andrew E. Si Andrew E. na isang rapper ay miyembro ng TBS gang Antipolo hood. Dahil sa paglaganap ng bloods ay nagtayo ang mga Pilipino na at ginaya ang western gang na tinatawag na Crips. Sa una’y hindi ito pinapansin ng mga bloods pero ng tumagal ay naging magkalaban ito. Sa ibang parte ng Pilipinas ay nagkakasundo ang Bloods at Crips at nagdesisyong bumuo ng grupo na isa lang ang dinadalang panagalan ang TBS 13 gang. Ang TBS 13 gang ay nahahati sa dalawa ang BLOODS at ang CRIPS.
B. Mga Datos Tungkol sa TBS Gang
Ang buhay ng TBS ay isang walang kasiguraduhan. Kahit anong edad mapa bata, matanda o may pamilya na ay nahuhumaling sumali dito, dahil sa gang ang
buhay
nila
ay
nagkakakulay.
Ang pagpasok sa gang ay hindi biro sa mga lalaki , ito’y isang delikadong proseso na nagbabadya ng panganib sayo. Tinatawag na 30 secs massacre ang initiation rights nila, dito ay tatlumpong sigundo ang oras para ika'y mahirapan sa pamamagitan ng suntok, sipa, at kung anong pwedeng maihampas sa buong katawan mo na minsa’y malaking bato, bakal na tubo o upuan na wala kang ginagawa kundi tanggapin lahat ng ito at nakapiring at dilim lang ang nakikita. Sa kanilang initiation rights ay walang bilang ang mga suntok at sipa o ang pagpalo ng kung anu-ano at wala din eksaktong bilag ang magpapahirap sayo, ibig sabihin pwedeng lahat sila ang gagawa nun
sayo
sa
loob
ng
30
secs.
Sa mga neophytes naman na babae ay may dalawa silang pagpipilian ito’y ang bantog na SARAP o HIRAP. Ang una’y Hirap o ang pagsampal sa babae ng labing tatlong hagupit ng kamay na lalapat sa mukha ng neophytes.
Walang pakialalam ang sasampal kung mabali man ang iyong leeg o masugatan sa mga kuko. Ang ikalawa’y ang sarap o ang pakikipagtalik ng neophyte na babae sa leader ng TBS gang. Karamihan ng mga babaeng miyembro ng gang ay sarap ang pinipili upang hindi na makaranas ng sakit sa katawan at lapat ng kamay sa mukha. At sa pagkakataon na ang babae’y nabuntis
ay
walang
pananagutan
ang
leader
ng
gang
sa
kanya.
Sa loob ng TBS gang ay may tinatawag na OG o original gangster siya ang lalaking leader ng TBS gang. Ang kanyang mga salita ay hindi nababali at respetado siya ng kanyang mga miyembro. Pasan ng OG ang lahat ng nangyayari sa gang. Ang OG ay ang unang nagtatanggol sa kanyang miyembro kung sila’y naargabyado ng ibang gang o tao. Ang OG ay ang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanyang mga miymebro at nagbibigay ng mg utos sa mga miyembro nito. Ang OG ay ay may pribelihiyo ng pakikipagtalik sa mga babaeng neophytes na gustong sumama sa gang na ito. Ang TBS gang ay nahahti sa dalawa ang BLOODS at CRIPS. Sila’y makikilala sa kanilang mga suot na damit. Ang una ay ang BLOODS o ang mga TBS ana nakasuot ng pulang mga damit. Ang ikalawa’y ang CRIPS na nakasuot ng bughaw na damit. Sila’y magkaiba sa kanilang mga OG, at kung minsan ay nagkakaaway-away pa. Kahit sila’y magkaiba sa leader at kulay na sinusuot iisa pa din ang pangalang dinadala ang TBS 13. Ang gawain ng gang sa isang lugar ay di- tiyak. Ito’y nakadepende sa kanilang OG na namamahala sa kanila. Kung mahina ang OG ay kadalasang patago ang gang kung magmeeting. At kung dakila ang kanilang OG at nirirespeto kahit ng ibang gang ay kahit saa’y makikita mo sila na magkakasama. Ang layunin ng TBS 13 gang Espana hood sa Maynila ay bumwelta sa kanilang mga kaaway. At ikalawa’y ang pagpapakilala nito sa lahat bilang isang kinakatakitan na gang sa Maynila sa pamamagitan ng mga vandalism na ginagawa nila sa mga pader at eskenita. Sa paraang ito ay
naipapahayag nila na sila’y malakas at walang kinakakatakutan. Minsan ay nakakagawa din sila ng mga krimen tulad ng panghoholdap, pagnanakaw at pagpatay. Ang kanilang mga ginagawa ay lahat nakadepende kung gaano katibay ang kanilang OG. Sa TBS 13 Espana hood sila’y may miyembro na humigit kumulang na 900 miyembro, kasama na dito ang mga batang lalaking miyembro tulad ng edad 12 at pataas. Karamihan naman sa miyembrong babae ay edad 14 at pataas at nawawala na ang kanilang kamusmusan sa pagsama dito. Tumatakbo at nananatiling buhay ang kanilang gang hanggat buhay ang kanilang OG at tumatakbo ang kanilang pondo. Ang kanilang pondo ay nanggagaling sa kanilang miyembro na nagbibigay buwan-buwan at kung minsa’y sa kanilang mga gawain tulad nd panghoholdup at iba pa. Ang buhay nila ay buhay na tulad ng isang buhay ng sundalo sa isang mapanglaw n kagubatan at hindi alam kung saan ang kanilang mga kaaway. Ang pagpasok sa gang ay isang kapatiran na ang kaaway ng isa ay kaaway ng buong gang.
III. Analysis ng Pag-aaral
A. Pagsusuri sa Paksa Ang TBS gang ay isang asosasyon ng mga kabataang pinoy na may iisang pananaw sa buhay, ang maging kilala at ang pinaka-kinakatakutang grupo. Itinituring nila ang asosasyong ito bilang isang pamilya. Hindi man sila magkakakilala ng lubusan, hindi nila hahayaan na maapi o maagrabyado ang kanilang kapwa miyembro at ang pangalang TBS. Bilang isang myembro ng asosasyong ito, kailangan nilang panindigan ang mga posibleng mangyari sa kanila, masama man o mabuti. Kailangan din nilang pangatawan ang kanilang binitiwang mga pangako simula nung una hanngang sa kamatayan.
B. Kongklusyon
Pagkatapos maisagawa ng mga mananaliksik ang buong pag-aaral na ito, nalaman na ang pangunahing dahilan kung bakit nahuhumaling sumali ang mga kabataan sa gang ay dahil para sa kanila mas nagiging makulay ang buhay nila, dahil nagkakaroon sila ng direksyon sa buhay. Dito nila nakilala ang kanilang tunay na mga kaibigan na handang tumulong anumang oras. Dahil din dito, mas nagiging panatag ang loob nila, kung kaya't ang pagsali sa gang ay hindi masama. Piliin lamang ang sasalihan at siguraduhing ang layunin nito ay maganda at hindi nakakapagdulot ng kasamaan sa lipunan.
C. Rekomendasyon Inirerekomenda ng mga mananaliksik na bago sumali sa anumang gang ay alamin muna kung ano ang layunin ng gang na sasalihan, kung ito ba ay makakabuti sa lipunan o hindi. Upang masiguro na ligtas ang nagnanais na sumali sa partikular na gang, siguraduhin na ang gang na sasalihan ay
magbibigay ng direksyon sa taong gustong sumali. Siguraduhin din na magbibigay ito ng kapayapaan sa lipunan, hindi nagsisimula ng anumang gulo at higit sa lahat dapat maging isang magandang halimbawa ito ng kapatiran, na nagtutulungan at nagdadamayan sa hirap at sa ginhawa.
Mga
Sanggunian
Myers, Jim (September 2000). Is There A Youth Gang Epidemic?. Youth Today, pp.
48-50.
Lahey, Benjamin B. & et. al. (January 19, 1999). Boys Who Join Gangs: A Prospective Study of Predictors of First Gang Entry. Journal of Abnormal Child Psychology,
Vol.27,1999,
pp.261-276.
http://en.wikipedia.org/wiki/Gang http://www.angelfire.com/hiphop/truebrownstyle13/mainpage.html http://www.gangwar.com/dynamics.htm http://www.gripe4rkids.org/his.html
Pasasalamat: Nais ng mga mananaliksik nito na pasalamatan ang mga sumusunod dahil sa kanilang kontribusyon upang mabuo ang pananaliksik na ito tungkol sa TBS gang:
Mga miyembro ng TBS 13 gang. Ang mga may akda ng libro na ginamit sa pananaliksik na ito.
Ang mga website tulad Wikipedia.com at iba pa. Sa lahat ng miyembo ng grupo ng mga mananaliksik na ito upang mabuo ang pananaliksik.
View more...
Comments