8. Beginner

February 22, 2017 | Author: TomasCarloArconada | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download 8. Beginner...

Description

BEGINNER’S KNOWLEDGE

1. Ano ang orasyon?... paano ito na iiba sa mga susunod kong mga Ang oracion (prayer) ay usually mga maiigsing dasal. Very specific ito, as against yung poder, which is quite general. Ang recitation nito ay parang mantra, paulit ulit hanggang magkabisa. Sa ingles, ejaculations ang tawag dito. Hindi ako nagbibiro. An example sa

ingles nito ay yung "O my Jesus, forgive us our sins and bring us to life everasting especially those in need of Your mercy"

2. Ano ang poder?,... para saan ito? paano mag poder at halimbawa ng poder. Ang poder (power) ay mahabang dasal. General ang nature nito at maaring isa o maraming mga deus ang tatawagan nito. Me kaunting istorya nung tinatawagan, at kaunting praise sa kanyang attributes. Sa wikang ingles,ito yung litany o litanya. Think of it as yung pagbuildup mo ng spiritual energy o pondo (fund). Ang tawag ng iba dito ay pakain as in yun ang pagbibigay mo ng energy duon sa gamit mo.

3. Ano ang invocasyon... para saan ito gamit? Yung invocasyon (invocation) ay yung dasal na umihiling ka na dumating sa iyong kinalalagyan yung espiritu o deus.

4. Ano ang llave... para saan ito?.. papaano gamitin? bakit minsan > may poder na tapos sa ibaba ng mga salita may llave? at halimbawa. Yung llave (susi o key) ay abbreviated na dasal na gagamitin mo usually pag nagkabiglaan. e.g. kailangan mo na siyang gamitin sa madaling panahon. Yung nakikita mong mga llave sa dulo ng poder ay maari mong dasalin to tap immediately duon sa pondo na naimbak mo.

5. Ano ang bibliato?.. at paano ito na iiba?

Yung bilbiato (acronym?) ay shorthand notation para maala mo yung sequence ng words duon sa dasal. Pwede rin to conceal yung info. sa iba hindi nila alam what each letter stands for. Ikaw at yung grupo mo lang ang nakakaalam.

6. Bakod (wall). Ito yung protection spell mo or sealing spell. Pwede na malevolent o masyadong powerful yung tinatawag mo at panigurado o insurance mo ito to deflect o minimize yung damage. Pwede rin na nasa combate espiritual (spiritual combat) ka and you want that nothing to happen to your physical/material self. Ang equivalent nito ay yung sacred circle ng mga magus.

7. Paano mag ritual?.. ano ang mga sumusunod na steps? (kakapalan ko > na.. wag sanang isagot na depende sa tao?.. sample po ng inyong > metodolhiya.. para naman malinawan ako... heheheh) > Please feel free to improvise on the following: a. magse-setup ako ng altar. Usually isa itong maliit na mesa (table). At lalagyan ko ng malinis na mantel (altar cloth). Ilalagay ko duon sa altar yung mga retablo o pictures ng mga deus o entities na tatawagan ko. Maglalagay din ako ng kandila, insenso at yung mga magical o power objects (e.g. yung anting anting) b. maliligo ako. Habang bumbuhos ang tubig sa iyong katawan, mentally mo sabihin, "water flowing through me, wash away my impurities". optional yung clothing sa ritual kaya mag lolock na ako ng pinto ng kwarto, he he. c. sindihan ko na yung kandila at insenso. dasal na ako ng paglilinis sa sarili to purify myself internally. Gaya nga ng nabaggit ko ang usual na dasal dito e yung panalangin ni Haring David, although hindi ko yun nakagaanan ng loob dahil me pagka sexist ang dating. Ok sa akin yung anima christe. Pwede rin yung miserere.

d. Pagbabakod. Usually yung panalangin to the 4 directions, e.g. 4 evangelista. O kaya pagbati o invocation. Example yung Cait cait para sa espiritu santo. e. Pag poder. Dasalin mo na yung mahabang dasal na patungkol sa kung ano yung gamit mo. f. Pag hingi ng kapangyarihan o pag hiling mo (optional). g. Pagsara. e.g. sign of the cross, ayuda me (sundin mo ako), amen, phu, kung ano man yung nakalagay sa poder.

3 URI NG SALAMANGKA

Putting Salamangka

- Ang salamangka na ginagamit para kadalasan , makatulong , makagamot sa mga nangangailangan. - kalaban ng Puti ang Itim kaya kadalasan nagtatagumpay ang puti dahil ito ang kulay ng kapang yarihan ng Diyos, at walang binatbat ang iti sa puti.

- nakatutulong rin ang salamangkang puti sa mga pagpapalayas ng mga masasamang ispiritu sa mga sinasapian. Ex. Deliverance Excorcism

Abo na Salamangka

- kadalasan ito yung salamangka sa mga taong buhay ay trippings,.. Ex. Palubag-loob Lihis-mata Walk-under-water

Itim na Salamangka - kasuklam-suklam na uri ng salamangka na kadalasang ginagamit para makapaghiganti , makapanakit at

makapatay ng tao,.

Because dahil sapagkat ngunit subalit datapwat (paborito ko talaga tong line) sabi ng Nostradamus ng asia na si jojo A. Acuin , na nagpaunlak ng no-holds-barred-interview with Roland , Roland : Totoo bang ang lahat ng psychic ay nagpapraktis ng black & white magic? Jojo: “Hindi ako naniniwala sa black or white magic. All i know is to believe in God, the Almighty One. Ang i believe sa mga taong kausap ko.”

Diksunaryo ng Salamangkero

Pag-popoder - paraan upang makamit ang kapangyarihan at basbas at ang kakayahang kakapag-pagana ng orasyon. Kung hindi ka nakakapag-poder, at umuusal ka ng orasyon, maaaring sarili mo o bumalik sayo o ikaw ang maapektuhan at masktan. Kinakailangan ng patnubay ng eksperto, pero para sa akin, ito ang ikatlong hakbang upang makamit mo ang pagiging "salamangkero".

Llave o Susi - ito ay ang isa sa mga laman mg agimat, uri ng orasyon na kung saan kung magkagipitan na, ito nlang ang iyong iuusal.

Talandro -isang uri ng agimat na gawa sa tela.

Retablo - isang agimat na gawa sa papel.

Medallion - isang agimat o anting anting naisinusuot sa leeg o inilalagay sa wallet.

Cabal - isang karunungan para hindi tablan ng anumang nakamamatay na bagay.

Lana - langis na gawa sa nyog, konsagrado na kadalasang ginagamit sa may mga karamdaman.

Lihis mata o Tagabulag - isang uri ng karunungan upang hindi makita ng iba kahit nasa tabi-tabi ka lamang.

Orasyon - kahalintulad ng dasal ngunit ito'y nataas na uri sapagkat ang mga salitang ginagamit dito ay galing sa Diyos, kay Jesus , Maria at iba pa.

Palipad-hangin - ang paraan upang ang masamang espiritu ay sumama sa hanign at tumapat sa biktima hindi katulad ng baba o sakay.

Baba o Sakay - ang paraan upang ang masamang espiritu ay naka baba sa batok o sa balikat ng may sakit.

7 Byernes - kabuoan ng 49 na araw na magsisimula sa unang Byernes ng anumang month, karaniwan ito sa mga pag-

papakain ng orasyon sa agimat para gumana.

Tigalpo - ang karunungan upang makasakit ng kapwa. Matatawag rin itong 'pag-sumpa'.

Librito - ang maliit na libro o aklat na pinaglalagyan o sinusulatan ng mga orasyon, testamento, retablo, at iba pa. Madalas ito ang mga handbook ng mga salamangkero.Nakatala rin dito ang iba't - ibang orasyon.

REFERENCE : •

DEUS (GOD) PUBLIC CIRCLE YAHOO GROUP • LAHI NG SALAMANGKERO

PERMISSIONS: JOVE REX AL

MARCO PAULO SABANGAN

COPYRIGHT 2012

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF