7salmoferdzmmxv-ed.rundz-1.pdf
January 31, 2018 | Author: Chester Rowy | Category: N/A
Short Description
Download 7salmoferdzmmxv-ed.rundz-1.pdf...
Description
ANG PITONG SALMO Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay
a - Pinupuri ka, Poong Diyos, nitong aking kaluluwa. b - Panginoong Diyos ko, kay dakila mong talaga! c - Ang taglay mong kasuota’y dakila ri’t marangal pa. d - Nababatbat ka, Poong Diyos, ng liwanag na kay ganda. a - Ikaw na rin ang nagtayo ng saligan nitong lupa, b - Matatag na ginawa mo’t hindi ito mauuga. c - Ang ibabaw ng saliga’y ginawa mong karagatan, d - At ang tubig din ang bumalot sa lahat ng kabundukan. a - Lumikha ka ng ilog na patungong kapatagan, b - Sa gilid ng mga burol, umaagos na marahan. c - Sa naroong kakahuya’y umaawit ng masaya, d - Mga ibo’y nagpupugad sa malabay nilang sanga.
1
a - Magmula sa kalangitan, mga bundok ay nadilig, Ibinuhos ang biyaya’t lumaganap sa daigdig. b - Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka. c - Nagkaroon ng halamang masaganang namumunga; d - Anupa’t ang mga tao’y may pagkaing nakukuha.
a - Sa daigdig, Panginoon, kay rami ng iyong likha b - Pagka’t ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa, c - Ang dami ng nilikha mong nakalaganap sa lupa Panginoo’y purihin mo, purihin mo, kaluluwa! d - Purihin ang Panginoon, O purihin mo nga siya!
2
SALMO 15, at 8. 9-10. 11 (TUGON: 1)
a - Ikaw lamang , Panginoon, ang lahat sa aking buhay, Ako’y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan; b - Ang biyayang kaloob mo ay kahanga-hangang tunay. c - Nababatid ko na ika’y kasama ko oras-oras, d - Sa piling mo kailanma’y hindi ako matitinag. a - Kaya’t ako’y nagdiriwang, ang diwa ko’y nagagalak, b - Ang lagi kong nadarama’y hindi ako matitinag. c - Pagka’t di mo tutulutang ang mahal mo ay malagak, d - Sa balon ng mga patay upang doon ay maagnas. a - Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan, b - Sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan; c - Ang tulong mo’y nagdudulot d - ng ligayang walang hanggan
3
a - Ang Panginoo’y atin ngayong awitan b - Sa kanyang kinamtang dakilang tagumpay; a - Ang mga kabayo 't kawal ng kaaway b - Sa pusod ng dagat , lahat natabunan. c - Ako’y pinalakas niya't pinatatag, d - Siya ang sa aki'y nagkupkop, nag-ingat, Diyos ng magulang ko, aking manliligtas. a - Siya'y mandirigma na walang kapantay, Panginoo'y kanyang pangalan. b - Nang ang mga kawal ng Faraon sa Dagat ng mga Tambo ay mangagsilusong, c - Ang lahat ng ito ay kanyang nilunod d - Pati na sasakya'y kanyang pinalubog. a - Sila'y natabunan ng alon ng dagat, tulad nila'y batong lumubog kaagad. b - Ang mga bisig mo ay walang katulad, wala ngang katulad, walang kasinlakas, c - Sa isang hampas mo, kaaway nangalat, d - Nangadurog mandin sa 'yong mga palad. 4
a - Sila’y dadalhin mo sa pinili mong bundok. b - Sa lugar na itinangi mo, para maging iyong lubos c - at sa santwaryong natayo ayon sa iyong loob. d - Ikaw, Poon, maghahari magpakailanman.
5
a - O Panginoon ko, sa iyong ginawa, kita'y pinupuri't ako'y iniligtas, b - kaya ang kaaway ay ‘di na nakuhang matuwa't magalak. c - Mula sa libingang daigdig ng patay, hinango mo ako at muling binuhay; d - Ako, na kasama nilang napabaon sa kailaliman. a - Purihin ang Poon, siya ay awitan ng lahat ng tapat na mga hinirang. b - Iyong gunitain ang mga ginawa ng Diyos na banal, a - Ang kanyang ginawa ay alalahanin at pasalamatan! b - Hindi nagtatagal yaong kanyang galit, at ang kabutihan niya'y walang wakas. c - Ang abang may hapis at tigmak sa luha sa buong magdamag, d - sa bukang-liwayway ay wala nang lungkot, kapalit ay galak. a - Kaya't ako'y dinggin, Ikaw ay mahabag sa akin, O Poon, ako ay pakinggan, b - Mahabag ka, Poon! Ako ay dinggin mo at iyong tulungan. c - Nadama ko'y galak nang iyong hubarin ang aking panluksa. d - Sa pasasalamat sa iyo, O Poon, ay ‘di magsasawa.
6
a - Ang Diyos ang siyang nagliligtas sa akin b - Tiwalang tiwala ako at wala ni anumang pangamba c - Sapagkat ang Poon ang lahat sa akin siya ang aking awit, ang aking kaligtasan, d - Malugod kayong sasalok ng tubig sa batis ng kaligtasan! a - Magpaslamat kayo sa Poon, b - Siya ang inyong tawagan, c - Ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang ginawa. d - Ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan. a - Umawit kayo ng papuri sa Poon, sapagkat kahanga-hanga ang kanyang ginawa. b - Ipahayag ninyo ito sa buong daigdig c - Mga anak ng Sion, umawit kayo nang buong galak, d - Sapagkat nasa piling ninyo ang dakila at Banal ng Israel.
7
a - Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang, b - Ito'y utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay; c - Yaong kanyang mga batas ay mapagtitiwalaan, d - nagbibigay ng talino sa lahat ng isipan. a - Ang tuntuning ibinigay ng Poon ay wastong utos, b - Liligaya ang sinuman kapag ito ang sinunod c - Ito'y wagas at matuwid pagka't mula ito sa Diyos, d - Pang-unawa ng isipan yaong bungang idudulot. a - Yaong paggalang sa Poon ay marapat at mabuti, b - Isang banal na tungkulin na iiral na parati; c - Pati mga hatol niya'y matuwid na kahatulan, d - Kapag siya ang humatol, ang pasiya ay pantay-pantay. a - Ito'y higit pa sa ginto, na maraming nagnanais, b - Higit pa sa gintong lantay na ang hangad ay makamit, c - Matamis pa kaysa pulot, sa pulot na sakdal tamis, d - Kahit anong pulot ito na dalisay at malinis. 8
a - Nananabik ako sa Diyos, Diyos na buhay, walang iba; b - Kailan kaya maaaring sa harap mo ay sumamba? c - Papunta sa templo ng Diyos ako ang siyang nangunguna; d - Pinupuri namin ang Diyos, sa pag-awit na masaya!
a - Ang totoo’t ang liwanag, buhat sa ’yo ay makamtan. b - upang sa Sion ay mabalik, c - sa bundok mong dakong banal d - Sa bundok mong pinagpala, at sa temple mong tirahan. a - Sa dambana mo, O Diyos, ako naman ay dudulog, b - yamang galak at ligaya ang sa aki’y iyong dulot; c - sa saliw ng aking alpa’y magpupuri akong lubos d - buong lugod na aawit ako sa Diyos na aking Diyos!
9
a - Isang pusong tapat sa aki’y likhain. b - Bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. c - Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin; d - ang Espiritu mo ang papaghariin. a - Ang galak na duloit ng ‘yong pagliligtas, b - ibalik at ako ay gawin mong tapat. c - Kung magkagayon nga, aking tuturuang d - sa iyo lumalapit ang makasalanan. a - Hindi mo na nais ang mga panghandog; b - sa haing sinunog ‘di ka nalulugod. c - Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat d - ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat.
Musika: Ferdz Bautista Pagsasaayos ni: Rundolph Bayaua PILMMXV 10
View more...
Comments